The Golden Palace

 

 

Listen to this…crying!

Advertisements

KABANATA TATLO:

KABANATA TATLO:

Isang libong taon na ang nakararaan nang mabuo nang mga Qaa ang bayan at daungan ng mga sasakyang pandagat, ang bayan nang Qaa’ur. Isang bayan na nakaharap sa mainit na simoy ng hangin na nagmumula sa dagat ng tag-init. Hindi tulad ng Ja’khar at Kadesh, ang Qaa’ur ay nilikha hindi sa iisang layunin na pangalagaan at pamunuan ang mga naninirhan dito bagkus ang Qaa’ur ay isang pasyalan at pahingahan nang mga dayuhan na galing sa iba’t ibang panig ng Soluna, bago pa piliin ng mga Aesir na ihinto ang pagpapadala nang mga angkat sa Silangan o tulungan nang mga Qaa ang mga Hadezar ng Ja’khar na maitatag ng mga Kesh ang sariling bayan ng mga ito.

Ang mga Qaa ay isa sa mga lahing sinakop nang mga Vanlandi na galing sa timog upang lumikha nang sariling imperyo nang mga ito. Katuwang ang mga Taiaman at mga Jingkar, nagawa nang mga Qaa na pabagsakin ang Herren’si ng Asbalta. Nanatili ang mga Qaa sa Malawak Na Andes ng kanluran katuwang ang mga Taiaman nang bayan sa kanlurang bahagi nito at silang mga Qaa ay bumalik sa Esagula ng hilaga.

Sa paghimok nang mga Aesir sa mga nananampalataya sa mga diyos na naninirhan sa ibabaw ng mga ulap at ilalim ng karagatan, nahikayat ang iilan sa mga Qaa na subukan ang paglikha nang isang maliit na guwardiya sa Malayang Andes ng Silangan. Sa tingin ng mga sumasamba sa mga diyos, ito ay makabubuti sa pagpapalawak nang kanilang mga paniniwala sa iba’t ibang panig ng Soluna. Tinulungan nang mga Aesir ang mga Mata na gawin ito, kapalit noon hinimok din ng mga Aesir na manmanan at tiyakin na hindi magagawang sakupin ng mga taga-silangan ang mga kanluran, lalo pa’t nagsisimula nang makilala ang Ja’khar, at ang kahusayan nang mga ito sa pagpapalawak nang sariling kaalaman tungkol sa kanilang bayan ng walang pang-aalipin na umaani nang pagkilala at paghanga.

Bagay na hindi maintindihan nang mga namumuno ng mga panahong iyon sa mga Aesir.

Itinatag nang mga Qaa, sa ilalim nang pamumuno nang mga sumasamba sa kapangyarihan nang liwanag ng buwan, isang sangay na bahagi nang mga kalipunan ng mga makadiyos, ang Qaa’ur. Hindi naglaon sinimulan nang mga gumagawa ng kabanalan na palawakin ang paniniwala nang kanilang relihiyon sa buong silangan kung saan sa hindi inaasahan ay malayang tinangkilik nang mga Jingkar ngunit nagdulot ng pagdanak ng dugo at kamatayan sa pagsalakay nang mga mandirigma ng mga Kesh at mga Gador.

Isang kaguluhan ang naganap sa hindi pagkakaunawaan nang mga Aesir at mga Qaa. Sinubukan itong pigilan nang mga nananampalataya sa mga diyos na naninirhan sa ibabaw nang mga ulap at sa ilalim ng karagatan at idaan ito sa mabuting pag-uusap. Bagay na pinagkasunduan ng dalawang lahi at nagkaroon nang maliit na panahon nang pagtigil ng pagdanak ng dugo. Datapwat hindi nagtagal, muling naglunsad ang mga Aesir ng tuluyang pagsakop sa kanluran at pag-angkin ng mga ito sa Malawak na Andes.

Pinili nang mga Taiaman na kampihan ang mga Aesir habang napilitan ang mga Qaa na lumaban. Natigil ang pagpapadala ng mga Aesir at pag-angkat nang mga produkto sa Qaa’ur matapos magawang maagaw nang mga Qaa ang Qaa’ur mula sa pamumuno ng mga Aesir.  Pinili ng mga Qaa na umalis nang Kanluran, tumakas mula sa mga puting banyaga na may mga bughaw na mga mata at pula o hindi naman kaya ay ginintuang mga buhok.

Itinatag nang mga Qaa ang bago nilang pamahalaan, itinatag ang bayan at daungan ng mga sasakyang pandagat—ang Qaa’ur. Isang maliit na bayan sa baybayin ng buwan. Nagawa nilang manghimasok sa pamunuan nang Ja’khar at Kadesh, maimpluwensyahan ang pamumuno ng mga ito at hayaan ang paniniwala nang mga naninirhan sa ilalim ng karagatan at ibabaw ng mga ulap na maging bahagi ng mga nakagawian at nakasanayan ng dalawang magiting na bayan. Sa kasalukuyan makikita ang mga paniniwalang ito sa buong Silangan, gaya nang paniniwala nang mga Kesh sa dalawang diyos na sina Atalante at Acameya o sa mga Jingkar na sinasamba sa kanilang mga diyos at sa isang lihim na samahan na tinatawag na sumasamba sa kapangyarihan ng liwanag ng buwan na nagpapatakbo sa pamahalaan ng Ja’khar.

Naging bahagi din ang Qaa’ur ng buong Silangan ang pag-aangkat at pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo nang mga mangangarabanang lumalabas pasok sa Qaa’ur patungo sa iba’t ibang panig ng Soluna, na kahit ang mga Aesir na nagpatalsik sa kanila sa sarili nilang bayan o ang mga Taiaman na nagtaksil sa kanilang pagtitiwala ay kanilang pinangangalakalan din.

ISANG SAGLIT NA KAPAYAPAAN

Ang Hadi Batul

Hindi nagtagal narating nila ang bayan at daungan ng mga sasakyang-pandagat nang Qaa’ur, bago ang pananghalian. Pinagbuksan sila ng mga kawal na nagbabantay sa mga tarangkahan at lagusan nang bayan. Kasama sila sa mga mangangalakal at mga dayuhan na pumasok sa loob ng Qaa’ur at sa pagpasok nila, tumambad sa kanya ang isang katotohanan na wala sa hinagi na makikita niya —ang Ja’khar na kanyang pinapangarap. Ang bayan at daungan ng mga sasakyang pandagat.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay, sabay sa mga daloy ng mga pumapasok. Pababa sa mismong bayan habang pinaliligiran sila nang mga hagdan-hagdang mga sakahan at hagdan-hagdang na mga tahanang mistulang mga balkon ng mga upuan sa mga lugong na makikita sa kanyang bayang sinilangan. Pinangarap niya ang makapasok sa mga lugong na sabungan…nagawang niyang makapasok. Kasama nang mga ingay at nakakabulag na kadiliman, ang dami nang mga Jingkar ay hindi magkamayaw sa kagalakan sa kanilang natutunghay. Kahindik-hindik ang karumalrumal na mga bisyo.

Ang liwanag nang araw sa papalapit na pananghalian ay mataas ang sikat. Ang luntian at dilaw na kapaligiran, maging ang mainit-init na simoy ng hangin na nagmumula sa bughaw na dagat ng tag-init na tunay na kabighabighani, ay ang kanya ngayong natutunghayan.

Syang! Nagkita rin sila—nang kanyang kapatid, at ang bagong silang nitong anak, ang Hadi Nazir.

Tinawag niya ang kanyang ina. Tinuro niya kung nasaan ang kanyang nakatatandang kapatid. Gayong nakita ito ng kanyang ina. At ang saya at kagalakan sa mukha nito ay hindi mapaglagyan. Binaba niya ang Adi Arwa sa sinasakyan nitong asong-gubat. Dali-dali itong lumapit sa kanyang kapatid. Niyakap ang Adi Hikmet at ang pagmamalabis at saya na nararamdaman nito ay ipinalasap sa pinakamamahal nitong anak.

Sa wakas, ang ngiti na matagal nang itinatago nang kanyang ina sa mga nakalipas na ilang araw at mga buwan ay tuluyan niya nang nasaksihan.

Pagtataka nang kanyang asawa, “nasaan ang Hadi Yasir!” at iyon ay hindi na mahalaga pa sa kanya ngayon.

Pasan-pasan ang Hadi Merkabah sa kanyang likuran at ang karga ng Adi Ismat ang kanilang anak hinila niya ang kanilang mga alagang asong-gubat patungo sa kung nasaan nakatayo at ang kanyang ina at kapatid.

Lumapit sila sa mga ito. Binati nang Adi Ismat ang kanyang nakatatandang kapatid. Pinakita nito sa kanila ang kanyang bagong pamangkin. Maliit at matamlay ang itsura nang bagong silang…hindi inaasahan na lalabas ito nang mas maaga kaysa sa inaasahang panahon ng pagsilang nito.

Sinakay niya ang Adi Hikmet sa isa sa mga asong-gubat, kasama ang kanyang ina. Muli nilang binagtas ang kahabaan nang daan ng mga banal, ngayon ay nagbago sa papasok nila sa Qaa’ur at naging daan sa silangan.

Nahahati sa apat na bahagi ang Qaa’ur, iyon ang nalaman niya habang naghihintay sila dito sa pagbabalik nang Hadi Yasir upang makapiling muli ng Adi Hikmet, kung saan man lupalop napadpad ang ahas na Hadezar. Mukhang hindi pa nito nakikita ang panganay nitong anak simula nang umalis ito nang Qaa’ur.

Ang isang bahagi ng Qaa’ur ay makikita sa kabundukan nang Gulugod, maliit na bayan na kinasasakupan nang mga Qaa. Ang kanilang binabagtas na daan patungo sa tirahan ng kanyang kapatid at nang asawa nito ay patungo sa isa pang bahagi nang Qaa’ur, ang daan patungo sa Merkado. Kung saan ibinabagsak ang mga iniluluwas at kinukuha ang mga inaangkat na mga produkto na galing dito at dinadala sa buong Soluna. Ang kanilang kaninang dinaanan na malalawak na hagdan-hagdang mga sakahan at mga tahanan ay pangatlong bahagi nang Qaa’ur habang ang huling bahagi nang Qaa’ur ay ang mga isla nang liwanag ng buwan na pinagdudugtungan nang mahahabang mga tulay na nagtataglay nang mga naglalakihan at naghahabaang mga arko, nagmumula sa mismong bayan at dumadaan sa mga isla.

Isang bayang gawa sa puting bato na kinuha mula sa minahan nang Taravarra at dinala ng mga Aesir gamit ang mga sasakyang-pandagat.

Nang marating nila ang tahanang tinitirhan nang kanyang kapatid at nang asawa nito, makikita ito sa tabi nang dagat, gawa sa mga puting bato at tanaw ang bughaw na dagat nang dagat ng tag-init. Hindi kalayuan dito ang mga naglalakihang mga sasakyang pandagat, gaya nang mga Caracoa, paraw at mga balangay.

Sa pagdating nila sa tinitirhan ng kanyang kapatid, napansin nilang maliit lamang ang buong tahanan nito. May hagdanan ito patungo sa ikalawang palapag ng tahanan kung saan makikita ang mismong silid tulugan ng mga ito. Ang pinakalagusan nang tahanan ay may makapal na pintuan na may mga seradura.

Tinanong nang Adi Arwa ang kanyang kapatid kung dito ba siya pinatira nang asawa nito. Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Sinabi nang Adi Arwa na hindi man lang nilinis at nilagyan nang gamit nang Hadi Yasir ang buong tahanan. Gayong tinanong nang kanyang ina kung nasaan ba ang asawa nang kanyang nakatatandang kapatid.

Sinabi nito sa kanila na umalis ang asawa nito bago ito manganak, naghanap nang trabaho. Nagpaalam ang Hadi Yasir sa Adi Hikmet.

Nang gabing iyon nakiluto ang kanyang ina at asawa sa kapitbahay ng kanyang kapatid at nang asawa nito na isang Qaa habang silang dalawa ang naiwan ditong magkapatid sa loob nang nakakalungkot at walang buhay na tahanang kahon na may iisang durangaw sa dulong bahagi nang dapat sanang silid-tanggapan o kainan, habang nakaupo silang dalawa sa sahig.

Wika nang kanyang kapatid habang Pinasuso nito ang bagong silang nitong anak sa kanya, “wala kang dapat na ipag-alala kung iyan ang gustong mong itanong sa akin.”

Wika niya, “hindi ako nag-aalala. Masmasahol pa ang naging buhay naming mag-asawa nang Adi Ismat. Natulog kami sa putikan, wala kaming pagkain ni matirhan. Nagpadalos-dalos ako at wala akong alam.  Hindi ko maaaring sisihin ang Hadi Yasir kung ganito lang ang maibibigay niya ngayon sa inyong dalawa Hadi Nazir. —Ikaw, papaano ka…hindi ka ba nag-aalala sa kanya?”

Wika nang Adi Hikmet, “nag-away kaming dalawa bago siya umalis. Sinabi niya sa akin na kung hindi siya bumalik huwag na akong maghintay pa!”

“Dinala ka niya dito, ipinagkait ka niya sa amin at tapos iiwan ka lang pala niya.”

Tugon nito, “hindi ko alam kung ano ang gagawin ko…nakiusap siya sa akin na huwag ko siyang iwan. Na huwag akong umalis at sumama sa Hadi Muqqabit.”

Nagulat siya. Hindi niya inaasahan na maririnig niya sa kanyang kapatid ang bagay na iyon. Hindi niya alam ang bagay na iyon. Sinabi niya, “nagdesisyon na ako…pamumunuan ko ang paggawa sa bagong Ja’khar!”

Wika nito sa kanya, “mabuti kung ganon!”

Wika niya, “kailangan ko lang umalis at maghanap nang tutulong at gagawa nang aking mga pinapangarap para sa ating bayan kapatid ko. Ikaw na muna ang bahala sa ating ina at sa aking mag-ina. Pagbalik ko isasama kita pabalik nang Ja’khar. Maaari mong simulan sa Ja’khar ang buhay niyong mag-ina!”

Tanong nito sa kanya, “kailan ang alis mo?”

Tugon niya, “hindi ko alam…sa tingin ko magtatanong-tanong na muna ako at maaaring sumama sa mga maglalayag patungo sa Kanluran at sa iba pang panig ng Soluna.”

Nang gabing ito, naghapunan sila nang kanyang ina, asawa, nang kanyang mga anak na sina Hadi Merkabah at Hadi Hazan, at ang kanyang nakatatandang kapatid sa loob nang tanggapang silid nang tinitirhan nito.

Nanatili pa siya sa Qaa’ur ng limang araw bago siya tuluyang makasakay sa isa sa mga naglalakihang sasakyang-pandagat.  Nagawa niyang makapaglibot-libot sa buong Qaa’ur kasama ang kanyang asawa. Nakita niya ang pamosong Kaaba na nasa gitna nang estadong-lungsod. Ang malawak na pamilihan nito na nasa gitna na hindi nalalayo sa daungan nang mga sasakyang pandagat. Nagtataglay nang iba’t ibang mga bunga at halaman. Mga mandarina, pulang bunga, tatlong uri nang maanghang na bunga na kulay itim, pula at dilaw, ganon din na nagtataglay nang iba’t ibang laki mula sa galanggam na laki hanggang sa kasing laki ng okra. Okra, mga bunga nang halamang tinik. Mga hayop na Anggitay, Saola, Bal-bal, baboyramo, mga Imdugud, Mantahungal, Lampong, mga pinatuyong katawan nang Barangan at Bawa na ginagawang palamuti, laman at karne nang mga talangkang Gaki, kinnari at kinnara, kapkapbuto at mga Pongo.

Nakakita din siya nang mga naglalako ng mga nakakalasing na inumin na ninakaw mula sa kanilang bayan, na mula sa mga bunga ng Rimas at Jaboticaba na ginagawa dito sa Qaa’ur. Na walang masyadong pinagkaibang panlasa bukod sa matapang ang kanila kaysa sa mga Qaa na may matabang na panlasa.

Nang tanungin niya ang isa sa apat— sampu sa mga nagtitinda ng mga ito sa malawak na pamilihan ay hindi man lamang pa nito natitikman ang tinitinda nitong nakakalasing na inumin.

Bagay na kanyang ikinagalit…

Naiiba ang mga suot ng mga Qaa kaysa sa mga dayuhang nandito at naninirhan dito. Na kung tutuusin ito lamang ang pagkakakilalan mo maliban sa mga kulay ng balat at anyo nang mga ito. Mas malalaki at marami ang suot ng mga Qaa kaysa sa ibang mga lahi. Ang mga damit ng mga ito ay umaabot hanggang sa lupa ang laylayan, ganon din ang mga suot nitong mga Báta. Maluluwag ang mga suot ng mga ito na may mga manggas na umaabot sa mga kamay ng mga ito. Tinatalian nang mga tela, at mga sinturon na gawa sa balat at may mga palawit na ginto. Balot ang buong katawan nang mga karamihan sa mga kababaihang nakikita niya na tanging makikita lamang ay ang mga mukha ng mga ito, braso, kamay at bibihirang mga litaw na mga paa.

Mahalumigmig at basa ang panahon sa Qaa. Hindi katakatakang kabighabighani ang bayan sa kulay na tinataglay nang bawat bahagi nito. Napupuno ito nang bughaw, luntian at kahel na may iba’t ibang lilim at pagka banayad.

Dalawang araw pa lamang siyang nandito nang bumalik ang Hadi Yasir at muli silang nagkita dito sa Qaa’ur. Bumalik ito sa kanyang kapatid gayong sa unang pagkakataon ay nakita niya itong mag-alala para sa Hadezar ng tahanan ng mga Barakat.

Iba na ang itsura nang Hadezar simula nang huli silang magkita matapos itong umalis sa Ja’khar ilang buwan na ang nakararaan. Kapansinpansin ang pagod sa mga mata nito. Ang bigat sa pangangatawan nito na lalong naging pansinin, ang mabilis nitong pagtanda. Malinis ang mukha nito, may kakaunting papatubong balbas at bigote, gayong kinalimutan na nito ang mag-ayos.

Nang makita siya nito ngumiti ito sa kanya at binalikan niya nang pagngiti. Nalaman niyang isang buwan nang wala ang Hadi Yasir sa Qaa’ur. Nakakuha ito nang trabaho sa Kadesh bilang isa sa mga nag-aayos at gumagawa nang mga gusali doon. Sinubukan nitong sumali sa mga nagpapalista, nahikayat gayong may kakaunting nalalaman sa paggawa nang mga gusali na natutunan nito nang ilang mga buwan sa Ja’khar gayong sandali lang ay sinubukan nito ang mga natutunan nito at ipinagpatuloy may pagkakataong maaari pa itong bumalik sa gayong hindi pa nito natatapos ang ginagawa nang mga ito sa Kadesh sa pag-aayos nang isa sa mga tore na matagal nang nagsimula.

Sa pagdating nito sa tinitirhan nang mga ito agad silang bumuli ng lamesa, mapaglulutuan at mga upuan gayong ang mga pinggan at mga kubyertos ay kanilang mga pinaghihiram. Kinausap siya nang Hadi Yasir na kung maaari nilang ipagbili ang mga asong-gubat na kanilang mga ginamit sa pagpunta dito sa Qaa’ur bilang mga gamit sa kanilang pansamantalang tinitirhan. Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Wala siyang magagawa makabubuti ito para sa magiging kalagayan nang kanyang asawa, ina at kapatid. Napilitan siyang ipakatay ang mga asong-gubat at ipagpalit sa mga gamit gayong hindi naglaon ay nagkaroon sila nang maliit na lutuan at mauupuan. Mahal ang palitan sa Qaa’ur iyon ang naunawaan niya mula sa Hadi Yasir na kahit marami ang dala nitong mga gamit ay gayong wala nang natira pa sa mga ito. Kahit ang luntiang singsing na madalas nitong suot na may mataas na halaga sa Qaa’ur ay nagawang ipalit nang asawa nang kanyang kapatid.

Nagawa nilang magtanghalian sa labas, malapit sa pamilihan at pagawaan nang mga sasakyang pandagat. Nakapamili na rin sila nang kanilang kakainin sa hapunan at sa ilang araw pang nandito ang ahas na Hadezar.

Nang hapon, pinag-usapan nila ang banta nang pagsalakay ng mga Kesh sa Qaa’ur. Sinabi niya sa Hadi Yasir na usap-usapan ang paghahandang ginagawa nang mga Kesh upang salakayin ang Qaa’ur sa mga mangangalakal na patungo sa kanilang bayan.

Bagay na hindi itinanggi nang Hadi Yasir. Sinabi nito sa kanya na ang Qaa’ur ang pinakamainam na lugar kung gugustuhin nang Herren Malakith na salakayin ang Ja’khar. Dalawang araw mula sa Qaa’ur, tatlong araw sa malawak na dagat nang silangan patungo sa baybayin ng Ja’khar. Na matagal ng alam kalipunan ng mga Hadezar ang kagustuhan ng Herren Malakith na salakayin at sakupin ang Qaa’ur at Ja’khar. Isa itong kahibangan ng bagong Herren…Inakala nang kalipunan ng mga Hadezar na hindi magagawang salakayin ng Herren Malakith ang Qaa’ur at Ja’khar. Kahit pa nagtagumpay ito na makuha sa kapatid nito ang Herren’si ng Kadesh at maging isang hindi matibag na lakas ang pagkakabuo ng bagong Harras ng Kadesh na may halong mga Gador na mismong ang Herren Malakith ang nagsanay.

Naging kampate ang kalipunan ng mga Hadezar na hindi ito mangyayari.

Tinanong niya kung ito ba ang dahilan kung bakit gusto nitong gumawa nang kaguluhan.

Bagay na itinanggi nito. Sinabi nito sa kanya na matagal nang gumagawa nang kaguluhan ang mga Hadezar sa Kadesh, hindi pa siya isang Hadezar. Sinabi nito sa kanya na ang kaguluhan sa Kadesh ay makabubuti para sa Ja’khar. Ang kaguluhan ay magkakaroon lamang nang hindi maayos na pamamahala at ang hindi maayos na pamamahala ay mauuwi lamang sa muling pagbabago nito.

Sinabi nito sa kanya na ang Kadesh ang may pinakamalakas na hukbong sandatahan dito at sa buong Soluna. Tinanong siya nito gayong anong laban nang Qaa at nang mga Jingkar sa Harras nang Kadesh. Tinanong nito sa kanya, nang hindi niya inaasahan, gayong anong laban nila kung ang panganib man nang isa ay hindi lang sa panlupa kung hindi maging na rin sa pandagat.

Sinabi nito sa kanya na ang mga sasakyang pandagat nang mga puting dayuhan ay may kakayahan na salakayin ang Ja’khar habang nasa dagat.

Gayong sinabi niya na maaari silang tulungan ng mga prinsipe katulad nang pakikipagkasundo nang Adi Dilshed sa mga prinsipe sa pagpapabagsak nang kapisanan ng mga pangkaraniwan.

Ngumiti ang Hadi Yasir. Tinanong nito sa kanya na ito na ba ang bagong pangalan nang kapisanan ng mga Manggagawa. Bagay na sinabi niyang maganda kung iyon ang magiging pangalan ng mga ito. Kaibig-ibig kung tutuusin.

Tinanong siya nito gayong ano ang kayang ibigay nang mga prinsipe para sa kanila kung magawa nang mabawi nila ang Kadesh sa tiyo ng mga ito…ano ang magiging kapalit.

Sinabi niya na maaari ang mga itong tumulong sa pagpapalakas nang kanilang mga hukbong sandatahan, isang pinalakas na hukbo ng mga Imago.

Ngumiti ang Hadi Yasir sa kanya. Nabaling ang pansin nito sa malawak na dagat ng tag-init. Nakasandal ang likuran nito sa haligi ng pintuan ng hapong ito

Tinanong siya nito kung papaano sila nakakasiguro. Wala silang kaalam-alam sa mga prinsipe. Papaano kung salakayin rin ng mga ito ang Ja’khar at maghigante sa pagpili nila sa pagpanig sa Herren Malakith at pagkilala sa pamumuno nito gayong patunay lamang ito na marapat ang pamumuno nang tiyo ng mga ito.

Tinanong niya ang Hadi Yasir gayong kailangan pa ba nitong isipin kung ano ang maaari pang mangyari gayong hakahaka lamang ito.

Sa gayon tinuran nito sa kanya na mahirap ang kalagayan nang Qaa’ur at nang Ja’khar dahil tinulungan nila ang pag-angat nang hibang na Herren.

Nakaupo siya sa sahig ng tahanan ng mga ito.

Hindi kalayuan tanaw ang mga isla ng liwanag ng buwan.

Nakita niyang ngumisi ang Hadi Yasir.

Wika niya sa Hadezar, “kung hindi mo mamasamain at iyong pahihintulutan…” gustong niyang sabihin na naawa siya sa kalagayan nang dalawa. Ngayon niya lamang nakita ang Hadezar na may banaag at hindi alintana kung anoman ang mangyayari sa kanilang bayan. Gusto niya ang hadezar sa mga ganitong sandali, na mistulang hindi nila pasan sa kanilang mga balikat ang mga desisyon para sa ikabubuti nang kanilang tahanan at kinalakihang bayan.

Nagpatuloy siya, “alam ba ng aking kapatid na bahagi ka ng sumasamba sa kapangyarihan ng liwanag ng buwan?”

Tugon nito, “alam niya!”

Pagtataka niya, “siguro kasama ang Adi sa—”

Sabat nito, “hindi.”

Wika niya, “hindi ko alam kung gusto pa ba kitang bumalik sa Ja’khar, ngunit gusto kong maniwala, gusto naming maniwala na babalik ka pa sa Ja’khar at kukunin mo sa amin ang lahat nang para sa amin.”

“Nangangamba ako na baka hindi na ako bumalik pa sa Ja’khar. Gusto kong manatili dito sa Qaa’ur…kahit papaano…kahit ilang taon lang!” Tugon nang ahas na Hadezar. “Sinabi nang kapatid mo sa akin na aalis ka sa Qaa’ur patungo sa Malawak na Andes ng Kanluran. Alam mo ba ang sasakyan mo?”

Bagay na kanyang sinang-ayon. Sinabi niya na sasamahan siya nang Hadi Asad, isang Qaa na may lahing Jingkar na may-ari nang mga sa sasakyang pandagat at mangangarabana dito sa Qaa’ur. Tutulungan siya nitong makarating sa Malawak na Andes ng Kanluran, ibaba sa daungan ng mga sasakyang pandagat sa Taravarra.

Tinanong siya nang Hadi Yasir kung kailan ang alis niya. Sinabi niya dito sa katapusan nang linggo. Gayong hinimok siya nitong kung maaari siyang sumama dito sa pagpunta sa mga isla ng liwanag ng buwan, upang kausapin ang mga Mata at sabihin kung anoman ang nalalaman niya sa mga ito. Bagay na sa tingin ng Hadi Yasir ay hindi na rin lingid pa sa mga ito.

Kinagabihan naghanda sila nang Hadi Yasir ng inihaw na isda na may sarsa na mula sa maanghang na pampalasa at singaw na mula sa puno ng buri na may mga sahog nang mais, luya at pinya sa maliit na lutuang gawa sa palayok. Ang kanyang ina ang nagsaing nang malagkit na kakanin. Pinagsaluhan nila ang kanilang hapunan sa maliit na lamesa na nakatabi sa dingding ng tanggapang silid na tinitirhan ng kanyang kapatid. May pitsel na may lamang inuming tubig at mandarina na nagbibigay nang kakaibang magkahalong asim at tamis sa kanilang inumin. Walang ganito sa Ja’khar.

Tinanong niya ang Hadi Yasir kung para saan ang mga toreng ginagawa sa Kadesh bagay na pinagkimi’t balikat nito. Sinabi nito sa kanila na hindi nito alam kung para saan ang mga tore gayong napakarami nang mga tore ang ginawa sa loob ng Kadesh na nagtataglay nang iba’t ibang mga laki at hindi gaanong matataas. Sa tingin nang Hadi Yasir ito ay para sa pagbabago nang estadong lungsod upang hindi na ito ituring pa na bayan nang mga kulandong.

Tinanong niya ang Hadi Yasir na tila kakaiba kung tawagin ito nang higit na nakararami na bayan nang mg kulandong.

Bagay na isang pagkakamali ayon sa kalisag na Hadezar. Hindi lamang mga tolda o kulandong ang makikita sa loob nang Kadesh, may mga gusali itong bato at gawa sa putik, na kung tutuusin ay hindi nalalayo sa pagkakatulad nang Ja’khar.

Kinamusta nang Hadi Yasir sa kanila ang Ja’khar kung ano na ang naging kalagayan nito matapos umalis ang mga ito.

Sinabi nang Adi Ismat ang banta nang bagong kaguluhan sa Ja’khar. Muli na namang nagsisimula ang mga gulo at sa pagkakataong ito ay sa pagitan nang mga Kesh at nang mga Jingkar.

Bagay na sinabi nang Hadi Yasir na hindi na bago pa sa Ja’khar.

Tinanong nang Adi Arwa sa asawa ng kanyang kapatid kung ano ang ibig sabihin nito gayong sinabi nito sa kanila na nangyari na rin ang bagay na ito sa ilalim nang knayang pamumuno at kahit ito ay walang nagawa sa hindi magandang ugnayan ng dalawang lahi.

Sinabi niya na nakakalungkot na isipin na wala silang magagawa.

Bagay na itinanggi nang Hadi Yasir. Sinabi nito sa kanila ang balak na pagpunta nila sa mga isla ng liwanag ng buwan na kung gugustuhin nang Adi Ismat at nang Adi Arwa ay maaaring sumama ang mga ito.

Tinanong nang Adi Arwa sa Adi Hikmet kung nakita na ba nito ang mga isla at sambahan nang mga Mata, bagay na sinang-ayunan ng kanyang kapatid nang matipid.

Bago matulog nagkausap sila nang Adi Hikmet. Tinanong niya ito kung ano ang pinag-aalala nito.

Sinabi nito sa kanya na may dahilan ang pagpunta nila sa mga isla ng liwanag ng buwan. Iyon ay gustong bumalik ng Hadi Yasir sa Ja’khar.

Tinanong niya ito na akala ba nito hindi na kagustuhan pa ng Hadezar na bumalik sa Ja’khar. Sinabi nito sa kanya na hindi iyon totoo.

Sinabi nang Adi Hikmet na gagawin nang asawa nito ang lahat makabalik lang at makauwi sa Ja’khar.

Tinanong niya ang kanyang kapatid kung ito ba, may balak pa ba itong bumalik sa kanila. Hindi ito nakasagot. Wika niya, “walang sinoman ang tunay na nakakaalam kung ano ang tumatakbo sa isip ng Hadi Yasir.” Matapos noon bumalik siya sa loob ng tinitirhan ng mga ito. Tinalikuran niya ang kanyang kapatid.

Binaybay nila ang daungan ng mga sasakyang pandagat patungo sa mga isla ng liwanag ng buwan. Dinaanan nila ang mahabang tulay patungo sa mga isla at bago ang pananghalian, nang araw na ito, narating nila ang isla ng mga Banal.

Ang Adi Makbule

Narinig niya ang pagtawag nang kanyang asawa sa kanya. Sinabi nito sa kanya na umalis ang Hadi Batul kasama ang mag-iina nito patungo sa Qaa’ur.

Tanong niya, “sila lang?”

Bagay na itinanggi nang Hadi Faysal. Sinabi nito na sa kanya na pati rin ang ina nang Hadi Batul ay sumama.

Gayong tugon niya dito, “Panigurado makikipagkita sila sa Hadi Yasir!”

Tanong nang Hadi Faysal sa kanya, “anong ibig mong sabihin?”

Lumingon siya sa Hadi Faysal. Wika niya, “hindi mo ba alam…nasa Qaa’ur ang Hadi Yasir at ang Adi Hikmet!”

Nagkimi’t balikat lamang ito. Tinanggal niya ang kanyang pansin sa kanyang asawa at bumalik sa pagpupunas nang kanyang mukha habang nakaharap sa salamin na gawa sa itim na bato sa loob nang kanilang silid.

Wika nang Adi Makbule sa Hadi Faysal, “magkagayonman wala kang dapat na ipag-alala…tinitiyak ko na hindi na babalik dito ang ahas na Hadezar.” Kahit siya hindi siya sigurado sa kanyang mga sinasabi. Alam niya  alam niya na maaari pang bumalik ang kanyang kapatid sa kanilang bayan, isa itong paninigurado sa kanyang asawa at sa tahanan nito.

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo sa harap nang mababaw na lamesa na nasa loob ng kanilang silid. Kinuha niya ang nakasabit na tuwalya sa mataas na upuan na may sandalan. At bago siya umalis sa kanilang silid at iwan ang kanyang asawa, hinawakan nito ang kanyang kamay, iginapos nito ang kamay nito sa kanyang katawan at isinandal ang noo nito sa kanyang batok.

Sinabi nito sa kanya, “sasaktan ko ang iyong kapatid sa ginawa niya sa aking ama…sisiguraduhin ko na lintik lang ang walang ganti!”

Wika niya, “kapag ginawa mo iyon babalikan kita…sasaktan ko ang lahat ng nagmamahal sa iyo at wala akong iiwan sa iyo kung hindi abo sa iyong labi at bibig.”

Wika nito sa kanya, “para mo na rin sinabi na handa mong ibuwis ang buhay mo alangalang sa pagmamahal mo sa iyong nakababatang kapatid.”

Tinanggal niya ang kamay nito sa pagkakakapit nito sa kanyang katawan. Sinabi nito, “magkapatid kami… siya ang una kong nakilala bago kayo” Kasunod noon, tinalikuran niya ito at umalis sa loob nang kanilang silid mag-asawa.

Nagtungo siya sa loob nang paliguan silid. Tinanggal niya ang kanyang suot na panloob na damit, ipinatong ito sa ibabaw nang mataas na lamesa sa loob nang paliguan. Lumapit sa banyera at kinuha ang panabo na nasa gilid nang banyera at binuhusan ang sarili. Pinahiran nang mabangong galapok ang katawan saka muling nagbuhos at hindi nagtagal ibinababad ang katawan sa mainit na tubig nang banyera.

Kung nalalaman lamang nila ang totoo, kung maaari niya lang sanang sabihin ang totoo, ang totoo na lubhang malayo sa kung ano ang mga nangyayari ngayon. Isinandal niya ang kanyang ulo sa gilid nang banyera. Nang gabing iyon, nakita niya ang pag-alis nang Hadi Yasir sa tahanan ng mga Harith. Lumabas siya sa kanilang silid ng Hadi Faysal. Bumaba siya mula sa ikalawang palapag at sinundan ang kanyang kapatid patungo sa yungib nang tahanan ng mga Harith.

 Hindi siya nakita nito. gusto niyang makatiyak na nagtagumpay nito sa pagpatay sa Hadi Mahdi. Pinili niyang puntahan ang Hadezar ng tahanan ng mga Harith. Nakita niya itong nakasandal sa sandalan nang inuupuan nito sa loob nang pinagmamalaki nitong pamosong pabilyo.

Narinig niya ang tinig nito. Tinawag niya ito. Narinig niyang tinawag nito ang kanyang ina, paulit-ulit hanggang sa narinig niyang humingi ito nang tawad sa kanyang ina at sinabing mahal niya pa ito…na kasalanan nito ang lahat kung bakit bumagsak ang tahanan ng mga Barakat at walang sinoman ang kayang magpatawad sa lahat nang kanyang mga ginawang hindi mabuti. Hindi niya sinasadyang mahalin ito, siya ang nakalimot at hindi ang kanyang ina. Sinabi nito, paulit-ulit na mahal pa nito ang kanyang ina…na mahal na mahal pa nito ang kanyang ina.

Alam niyang hindi mabuti ang Hadi Mahdi na sa lahat nang mga ginawa nang tahanan nito laban sa kanyang tahanan hindi niya kayang intindihin kung bakit ganito na lamang ang ingget nito sa kanila.

Matapos niyang magbabad sa mainit na tubig ng bukalan. Umahon siya kinuha ang kanyang pinaghubarang damit at isinuot ito muli matapos na makapagpunas. Pinatay niya ang mga nakasinding timsim sa loob nang paliguang silid, lumabas ng paliguan at sinarado ang lagusan ng paliguan.

Sa paglalakad niya pabalik sa kanilang silid mag-asawa nakita niya ang prinsipe Iserin na nag-iisa at nakaupo sa gilid nang nakaangat na pasilyo.

Nakita niya itong umiiyak.

Lumingon ito sa kanya. Agad niya itong tinalikuran at bumalik sa silid nilang mag-asawa.

Bago matulog sinabi nang Hadi Faysal na nalaman nito na may malalaking mga tipak nang puting bato ang patungo sa Ja’khar sa mga susunod na araw galing sa Malawak na Andes ng Kanluran.

Tinanong niya ang kanyang asawa kung alam ba nito kung para saan gagamitin ang mga malalaking mga tipak nang puting bato.

Bagay na tinanggi ang Hadi Faysal. Sinabi nito sa kanya na wala pa itong nababalitaan gayong aalamin niya pa lamang ang dahilan nang pag-aangkat nang mga puting bato at para saan ito gagamitin.

Humiga siya sa tabi nang kanyang asawa. Sinabi niya na nakita niya ang prinsipe Iserin na nasa pasilyo. Nakita niya itong umiiyak. Sinabi nang kanyang asawa na marahil ay dahil ito sa namayapang asawa nito…Mukhang inaalala nang prinsipe ang namatay nitong asawa mula sa bagyong puminsala sa sasakyang pandagat nito patungo sa kanila.

Tinanong niya ang Hadi Faysal kung ito ba talaga ang tunay na dahilan…

Tinanong siya nito kung mayroon pa bang ibang dahilan.

Bagay na hindi siya nakakasiguro.

Sinabi nang Hadi Faysal sa kanya na alam niya na hindi magandang pagtaguan nang kanyang kapatid at nang tahanan nito ang bayan at daungan ng Qaa’ur. Gayong tinanong niya ito kung sino ba ang nagtatago.

Walang kasiguraduhan kung ano nga ba talaga ang ginagawa nang Hadi Yasir at nang tahanan ng mga Roshan sa loob ng Qaa’ur. Alam nilang labas-pasok ang Hadi Yasir habang naiiwan ang asawa nito na nag-iisa sa loob nang bayan at tinitirhang tahanan. Hindi nila alam kung ano ang pakay nang Hadi Batul at kung bakit naroroon ang mag-ina nito at ang magulang nito. Isa itong palaisipan sa kanya, gayong hindi niya na ito inintidi pa.

Nang gabing ito natulog silang dalawang mag-asawa na magkayakap. Nakayakap siya sa Hadi Faysal habang nakahiga ito sa kanyang tabi.

Hindi nagtagal, sa muling pagbukang liwayway at pagsikat ng araw nang umagang ito minabuti nilang mag-asawa, siya at nang Hadi Faysal, na magpasyang mamasyal at gugulin ang kanilang panahon kasama ang kanilang mga anak na nandito sa loob ng Ja’khar sa mahabang dalampasigan nang kanilang bayan. Ang Hadi Faysal ang nagtakda. Siya ang sumang-ayon na gawin ito ngayong araw…upang makalayo sa mga mantya nang kanyang pag-aalala at alalahanin.

Naghanda ang Hadi Faysal ng kanilang kakainin, sinimulan niyang ayusin ang kanilang mga dadalhing gamit: ang lampin na gagamitin sa paglalatag sa kanilang paghiga sa buhanginan nang dalampasigan, ang mga gamit na pampaligo niya, nang kanyang asawa at nang kanilang mga anak. Naghanda rin siya nang mga pamalit nila. Inutusan niya ang kanyang anak na maligo at mag-ayos. Hindi nagtagal tinulungan niya ang Hadi Faysal sa pagluluto nang kanilang agahan at pananghalian.

Nilagay niya ang mga bigas at mais sa mga palayok. Ang nilutong karne ng Saola at pinalambot na karne nang baboy ay binalot sa mga dahon nang Kohlrabi at saka muling ibinalot sa mga tela. Naglagay din sila nang nakakalasing na inumin mula sa bunga nang Agave at Rimas. Mga prutas nang Rimas at Jaboticaba.  Saka nila ito isa-isang nilagay sa tiklis na hugis silindriko.

Sumunod siya sa pagligo matapos ang kanyang mga anak. Sinuot niya ang isang kayumangging Báta na hinabi at isang puting panloob na mahabang palda na ang laylayan ay hanggang sa bukong-bukong nang kanyang mga paa. Sandalyas sa kanyang mga paa at hinayaan niyang nakabuhaghag ang alon-alon niyang buhok. Sumunod ang Hadi Faysal sa pagligo. Bago ito mag-ayos inutusan siya nito na magdala nang mga gamit pampaligo bagay na una niya nang ginawa.

Sinuot nang Hadi Faysal ang isang bughaw na Báta na burdado nang mga larawan nang mga higanteng pagi na makikita sa ilalim nang karagatan na gawa mula sa gintong sinulit. lilang saluwâl na gawa sa bulak at mga itim na pulinas. Nakaayos ang buhok nito, at nakatirintas sa likuran nito.

Nagpaalam sila sa Adi Dilshed na aalis at magtatanghalian sa labas nang tahanan. Kinausap nang kanyang asawa ang mga prinsipe na may mga pagkaing nakatabi sa kanilang pananghalian at hapunan. Tinanong siya nang Adi Dilshed kung dito ba sila maghahapunan ngunit ang tanging sinabi niya lamang sa matandang Adi na hindi siya sigurado kung ano ang mga balak ng kanyang asawa sa araw na ito, gayong ang Haid Faysal ang naghanda nang kanilang pag-alis at sinang-ayunan lamang ang panandaliang kasiyahang ito sa kanilang pamilya.

Hindi nagtagal nagpaalam na rin ang kanilang mga anak sa amma nang mga ito. Umalis sila nang tahanan ng mga Harith sakay sa karwaheng hilahila ng ilan sa kanilang mga alagang asong-gubat. Tumulak sila papalayo sa tahanan at sinimulang baybayin ang mahabang dalampasigan nang Ja’khar.

Tinanong niya sa Hadi Faysal kung saan sila patungo gayong hindi siya nakakasigurado na ito ang daan patungo sa mga daungan ng mag sasakyang pandagat. Gayong sinabi nito sa kanya na pupunta sila sa dating tinitirihan ng kanyang asawa matapos itong umalis sa kanilang tahanan at piliing talikuran ang tahanan nito para sa kanya.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay.

Tinanong siya nang Hadi Faysal. Wika nito sa kanya, “sinabi mo sa akin kagabi na hindi nagtatago ang iyong kapatid sa Qaa’ur.”

Hindi siya nakaimik.

Dagdag nito, “hindi mo kinakailangang magkunwari sa akin Adi Makbule. Alam ko na tinatangi mo pa rin ang Hadi Yasir, kapatid mo siya ano ang magagawa ko…siya man ang pumatay sa aking ama, siya man ang may kagagawan nang pagbagsak ng kalipunan ng mga Hadezar at ang nalalapit pagbagsak ng ating tahanan hindi ko maaaring itanggi sa iyo na ipagkaila mo ang Haid Yasir at ang tahanan ng mga Barakat. Ayoko lang na hindi ka nagsasabi sa akin ng totoo!”

Tinanggal niya ang kanyang pansin sa kanyang mga anak na gumuguhit sa sahig sa loob ng sinasakyan nilang karwahe. Nabaling ang kanyang pansin sa Hadi Faysal.

Tanong niya dito, “papaano kung nagsisinungaling ako sa iyo?”

Pagtataka nang Hadi Faysal, “saan? Na hindi mo mahal ang iyong mga kapatid…tanggapin mo man kahit anong kapalaran Adi Makbule ikaw at ikaw pa rin ang anak ng iyong ina.”

Gustong niyang sabihin ang totoo. Gusto niyang aminin na hindi ang Hadi Yasir ang pumatay sa Hadi Mahdi, sa ama nito.

Wika nang Adi Makbule, “papaano…papaano kung hindi na ako sigurado pa na ang Hadi Yasir nga ba ang pumatay sa iyong ama?”

Wika nito sa kanya, “alam ko nanna! Pinag-isipan kong mabuti kung ano ang totoo sa hindi. Ngunit hindi ibig sabihin na hindi man siya ang tumarak nang patalim sa aking ama ay hindi na siya ang hindi kinakailangang managot. Kung siya man ang pumatay sa aking ama, kailangan niyang panagutan ang kanyang ginawa. May kasalanan pa rin dito ang iyong kapatid. Hindi siya diyos para maging ligtas sa kahit anong kasalanan. Siya ang pumatay sa aking ama at hindi ako matatahimik hanggang hindi niya kayang panagutan kung ano ang kanyang ginawa.”

Hindi iyon totoo… “surdhi tako’waayo dl’zeh ederen unzha’ni?” (Jng. “makasarili naman para sa iyo iyon hindi ba?”)  na ang kanyang kapatid ang masama at ang kanyang asawa ang mistulang walang ginawang kahit anong pagkakamali.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay. Hindi nagtagal narating nila ang dating tinitirhan nang Hadi Faysal. Narinig niyang sinabi sa kanya nang Hadi Faysal na nandito na sila. Binaba nito ang kanilang mga anak habang siya ang huling bumaba sa kanilang sinasakyan matapos siya nitong iwan at hindi tulungan.

Nauna sila sa kanyang asawa na umalis habang pumasok ito sa loob ng karwahe at kinuha ang kanilang mga gamit. Na sa kanyang pag-alis ang Hadi Malik at hadi Mahsa mula sa likuran nang karwahe patungo sa maliit na tahanan, agad niyang napansin ang itinatago nang kanyang asawa sa kanilang mag-iina.

Isang malaking sasakyang pandagat na may dalawang layag at malaking katawan na nakadaong sa likuran nang dati nitong tinirhan at hindi na inalagaan pang bahay matapos nilang iwan ito at bumalik sa tahanang kinalakihan nang kanyang asawa. Hindi pa buo ang malaking sasakyang pandagat. Gayong hindi pansin at bahagyang nakatago ang katawan sa mga naglalakihang magagaspang na bato. Isa itong marahil na tahanan para sa kanila, hindi ang dating tinirhan nang Hadi Faysal kung hindi ang balangay na sasakyang pandagat.

Narinig niyang tinanong siya ng Hadi Faysal kung gusto ba nilang sumakay. Pinilit siya nang Hadi Malik na pumayag sa hinihimok nang ama nito. Lumingon siya sa Hadi Faysal at sumang-ayon siya bilang sagot sa kagustuhan nitong mangyari.

Dinala nang Hadi Faysal ang kanilang mga gamit sa loob nang malaking bangka. Kinuha nito ang mga tiklis na kanilang dala sa pag-alis nila sa tahanan nang mga Harith na may lamang pagkain at pamalit na damit. Tinulungan niya ang kanyang asawa sa pag-aayos nang kanilang mapagkakainan. Nagpasok ito nang lamesa sa loob nang malaking bangka.

Hindi pa tuluyang nagagawa ang balangay, ang sahig nitong kahoy ay hindi pa tuluyang napapatag sa loob ng malaking sasakyan. Wala pa rin ang malalalapad na bubungan na madalas na nakikita sa ganitong katulad na sasakyan. Wala pa timon at ang mga panggaod at ang tanging meron lamang ay isang kalansay na unti-unting nagkakaroon ng katawan. Tinanong niya ang Hadi Faysal kung ito ba ang pinagkakaabalahan nito sa nakalipas na mga buwan, bagay na sinang-ayunan ng kanyang asawa.

Sinabi nito sa kanya na matagal na nitong iniisip na gumawa nang isang sasakyang pandagat tulad nang naging libangan ng yumaong Hadezar ng tahanan ng mga Harith.

Nakaupo siya sa gilid nang malaking bangka.

Tinanong niya ito kung naalala ba nito dati, na minsan nang pinakita sa kanila nang Hadi Mahdi ang isa sa mga pinagmamalaking sasakyang pandagat na ito mismo ang nanguna sa pagpapagawa.  Isang sasakyang pandagat na Caracoa na ginawa ayon sa sinaunang pamamaraan, sayang lamang at hindi na napakinabangan pa.

Hawak nang Hadi Faysal ang dala nilang mga gamit na ibinaba mula sa karwahe.

Sinabi nang Hadi Faysal sa kanya na kinausap sila nang kapisanan ng mga magsasaka at may-ari nang mga lupa sa loob nang tahanan ng Barakat.

Nabaling ang kanyang pansin sa kanyang asawa.

Tinanong niya ito kung kailan. Sinabi nito sa kanya nang minsang umalis ito at iwan silang mag-iina kasama nang mga prinsipe at nang Adi Dilshed.

Sinabi nito sa kanya na nagpatawag ito ng pagpupulong kasama ang Hadi Batul at ang mga pinuno ng kapisanan nang mga may-ari nang mga taniman at lupain upang ipaabot sa mga ito at sabihin ang binabalak nang Adi Dilshed para sa pagpapabagsak nang Kapisanan.

Sinabi nito sa kanya na sinubukan nitong himukin ang kapisanan na pigilan ang ina ng ama nito, sa pangamba na baka magkaroon lamang ulit nang panibagong kaguluhan.

Bagay na walang sinoman ang gustong mangyari.

Tinanong niya ang kanyang asawa kung handa ba ang mga ito na tumulong at pigilan ang amma.

Ngunit tumanggi ang Hadi Faysal. Sinabi nito sa kanya na walang balak ang kapisanan na hadlangan at subukang pigilan ang mga binabalak nang Adi Dilshed at nang mga prinsipe.

Tinanong niya ang Hadi Faysal kung ano na ang gagawin nila.

Ngunit hindi ito agad nakakibo.

Sinabi niya sa kanyang asawa na kailangan nila na himukin ang kapisanan ng mga Pangkaraniwan na tulungan sila kung gusto man nila na pigilan ang ginagawa nang kanilang nuno. Sinabi niya, “hindi natin pwedeng ituring ang lahat bilang ating mga kalaban. Kung ang lahat dito sa mundo ay sumalungat sa ating mga pinaniniwalaan at tanggihan ang bawat gawin natin wala tayong magiging kaibigan. Kailangan natin ang kanilang tulong…higit pa sa mga pagkakataong kagaya nito.” Tinanong niya ito kung ano ang naging desisyon nang Hadi Batul, kung ito rin ba at ang tahanan ng mga Roshan ay handang kumampi sa kanila.

Gayong walang ibang nasabi ang Hadi Faysal kung hindi “walang sinoman ang gustong tumulong sa atin!” (sa kanila…)

Niyaya nang kanyang asawa ang kanilang mga anak na magbabad sa dagat at lumangoy. Naiwan siyang nag-iisa sa loob nang malaking bangka. Hinanda niya ang kanilang agahan at pananghalian. Kumuha siya nang ilang gamit sa loob nang dating tinitirahan ng kanyang asawa.

Kumuha siya nang mga panggatong sa loob nang tirahan. Nagsiga sa may dalampasigan, at hindi nagtagal nagtanghaling agahan sila sa loob ng malaking balangay…nakahuli ang Hadi Faysal nang mga isda kasama ang Hadi Malik habang bitbit ang Hadi Mahsa sa likuran sa takot na malunod.

Hindi niya gusto ang dagat, ang mabasa nang tubig sa maalat-alat na lasa nito, na unti-unti siyang binabaon nito hanggang sa hindi na siya makahinga pa. Ayaw niya ang pakiramdam na wala siyang natatapakan. Ang katahimikan nito ang nagbibigay sa kanya nang pag-aalala, ang nililikha nitong mga alon ay nagpapagulo sa kanyang isip at nagbibigay sa kanya nang takot, hindi tulad ng kanyang mga kapatid ang ingay nang alon nang dagat kay kabanaagan ng loob hindi sa kanya.

Nabaling ang kanyang pansin sa kalangitan. Ang liwanag nang umagang ito, ang mataas na sikat nang araw na pumapaimbulong sa kanila at ang pangalawang matinding liwanag na kakambal na dala nito, kasabay nang pagpasok nang panahon ng tag-init.  Ito ang unang araw na masmahaba ang umaga, ang muling pagbabalik nang tala ng Ja’khar sa kanilang madidilim na mga gabi. Hindi magtatagal makikita niya muli ang magiting na tala ng Ja’khar, ang liwanag na sagisag nang kanilang bansa. Ang pangarap at panaginip nang kanyang mga kapatid. Tinatakpan pa nang haring-araw ang liwanag na tinataglay nang nagpupusikit na tala. Dalawang bituin sa kalangitan, na ang isa ay masmanining kaysa sa isa, ngunit hindi magtatagal makikita rin at masasaksihan ang gandang tinataglay ng isa pa.

Sa kanilang pagsasarili bilang mag-asawa nang hapong ito sinabi nito sa kanya na nagkaroon ng pagpupulong ang iilan sa mga kapisanan nang mga pangkaraniwan. Sinabi nito sa kanya na nagkausap ang mga ito sa loob nang yungib ng tahanan ng mga Barakat, sinabi nang kapisanan sa kanyang asawa ang pagpili nang mga ito na gawing Hadezar ang Hadi Faysal ng tahanan ng mga Harith.

Nagkaroon nang pagboto. Pinili ang Hadi Faysal para sa kanilang tahanan at ang Hadi Batul para sa tahanan ng mga Roshan. Kasama ang Hadi Yusuf sa Pagboto, palihim itong ginawa nang mga bumubuo sa kapisanan katuwang ang kanyang kapatid.

Tinanong niya ang Hadi Faysal kung ano naging desisyon nito.

Sinabi nito sa kanya na, “hindi ako karapatdapat na maging isang Hadezar. Hindi ko maaaring tanggapin kung anoman ang ibigay sa akin nang ating mga kalaban.”

Wika niya, “tanggapin mo baba pamana sa iyo iyon ng Hadi Mahdi. Sa iyo iyon at walang sinoman ang makukuha noon sa iyo.”

Wika nito sa kanya, “hindi ako iyon. Hindi ako ang Hadezar nang tahanan ng mga Harith!”

Wika niya, “ngunit ikaw lang ang tagapagmana.”

Wika nito, “pero hindi iyon ang gusto ko.”

Tinanggal niya ang kanyang pansin sa kanyang asawa. Nabaling ang kanyang mga paningin sa kanilang mga anak na natutulog sa loob nang karwahe kung saan sila na naroroon nang mga sandaling iyon nagpapalipas nang buong magdamag.

Wika niya, “kung ganon gawin mo ito para sa iyong mga anak. Ikaw ang magiging halimbawa nila kasabay nang kanilang paglaki.”

Tinignan siya nang kanyang asawa. Tahimik lamang ito.

Nang gabing iyon iniwan siya nito sa loob ng kanilang karwahe. Lumabas ito at nagtungo sa loob nang malaking bangka. Nakita niya na may ginagawa ito sa loob ng malaking sasakyang pandagat na pinagkakaabalahan nito.

Kailangan niya ang Hadi Faysal, nakasalalay sa ama nang kanyang mga anak ang kinabukasan ng kanilang tahanan. Kung hindi sila kikilos ano ang mangyayari sa kanila. Mangyayaring wala silang pinagkaiba sa mga anak sa labas ng Hadi Hagir, gayong ano na lamang ang kinasapitan ng mga iyon. Katulad din, uwi silang mga talunan, at mga bangkay na nakahandusay sa daanan at wala nang buhay…papatayin sila ng kanyang asawa sa ginagawa nito—ang kalunuslunos kung maging Kalisag sila ng kanyang mga anak.

Tinanggal niya ang kanyang pansin sa kanyang asawa. Nanatili siyang nakaupo sa loob ng karwahe nang mga sandaling iyon. Nakahiga ang kanyang mga anak sa sahig sa nakalatag na sapin. Nasa paanan siya nang mga ito habang mahimbing ang mga itong natutulog.

Ano ang mangyayari sa kanila.

bumubulong-bulong siya, “Bakit ba ang hinahina mo.”

Umungot-ungot. Nagsasalita na mag-isa… Malabo ang kayang pag-iisip. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya. Binaling niya ang kanyang pansin sa kanyang asawa na nasa labas nang kanilang tinutuluyang karwahe nang gabing iyon. Tuluyan nang lumubog ang araw. Ang tala nang Ja’khar ay mas manining pa kaysa sa dati. Ang buwan sa gabi ay mas maliwanag pa kaysa sa dati.

Gayong tinatanong sa sarili “Ano ang gagawin ko…kailangan ko siya.  Siya ang ama ng aking mga anak.” Muli niyang ibinaling ang kanyang pansin sa Hadi Mahsa at hadi Malik. At kasabay nang kanyang paglingon dumaan sa dulo nang kanyang mga mata ang isang anino sa kabila ng nagpupusikit na liwanag sa timsim sa loob ng karwahe.

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Nagulat siya. May takot ang kanyang bibig. May bahid ng luha ang kanyang mga pisngi. Dahan-dahan niyang nilingon ang anino na nasa kanyang harapan. Isang larawan, Ang kahindik-hindik na Adi Sule. Katulad nang iba pang mga pagkakataong nagpapakita ito sa kanya.

Bigla hinablot nito ang kanyang braso.

Umalog ang kanyang katawan…

“NANNA”

“Nanna!”

“Nanna.”

Doon nagsimula ang lahat—

Ang alon ng dagat—ang marahas at maingay na hampas nang mga alon sa dalampasigan. Isang awit na nakabibingi. Isang tinig na kumakawala na malabo at hindi maulinigan. Banayad ito sa pakiramdam. Masarap itong pakinggan. Nakakapagpatahimik ng kaluluwa.

“Nanna!”

“Nanna.”

Doon nagsimula ang lahat—

Ang mga buhangin sa mga paa. Sa pagitan nang kanyang mga daliri. Ang maalat-alat na lasa nito sa kanyang bibig. ang hampas nang alon sa kanyang buong katawan. Masarap itong maramdaman. Nakakalimutan niya kung sino siya.

“NANNA”

Kung sino ba talaga siya…

Nararamdaman niya ang pagdampi ng isang kamay. Sinundan nang sunod-sunod pa. Mga kamay na tumatapik sa pisngi— nagbibigay sa kanya nang ulirat.

“Nanna.”

“Nanna.”

“Nanna.”

Muli niyang narinig iyon…Ang pagtawag ng Hadi Faysal sa kanya.

Nararamdaman niya na tumatama ang alon sa kanyang katawan nang gabing ito. Ang mga kamay nang Hadi Faysal. Ang Tubig sa kanyang katawan. Napansin niya ang ga beywang na tubig.  Nagtaka siya. Napansin niya ang mga kamay at braso nang Hadi Faysal na nakayakap sa kanya habang nakatalikod siya dito.  Hindi niya maintindihan…Sumigaw siya. Napahagugol siya. Unti-unting nagkabuhay ang takot sa kanyang katawan. Nakiusap siya. Nagmakaawa siya. Para siyang pusang takot sa tubig sa takot na malunod.

Nakaramdam siya nang pagkasuya sa kanyang sarili. Ang buo niyang katawan ay basang-basa. Ang mga suot niyang damit ay basang-basa. Hindi niya alam kung ano ang ginawa niya. Sinabi na lamang sa kanya nang Hadi Faysal na nagtangka siyang magpakamatay. Gayong wala siyang naalala na umalis siya sa karwahe at nagtungo sa dalampasigan. Hindi niya gagawin iyon, ang magpakamatay, ang bagay na kahindik-hindik. Gayong paano na lamang ang kanyang mga anak, ang Hadi Faysal.

Wika niya sa Hadi Faysal, “hindi tayo pwedeng maging ganito na lamang habang buhay—Faysal. Sa mata nang Ja’khar at sa mata ng mga diyos kabit mo ako, ano na lamang ang sasabihin nila sa ating mga anak. Kung tayo man…kung tayo man gawin mo akong tunay mong asawa.”

Balot siya nang tuwalya habang nagpapatuyo sa may siga na malapit sa dating tirahan nito at nakaupo sa mga upuan na may mababaw na sandalan.

“Oo!” Wika nito sa kanya, “gusto kitang piliin bilang maging tunay na asawa! Pinipili kita bilang aking tunay na asawa.” Nakatingin sa kanya ang Hadi Faysal habang iniilawan sila nang liwanag na nagmumula sa siga na nasa kanilang harapan.

Ang Unang Pagpupulong

Dinilat niya ang kanyang mga mata, ang Hadi Eno, nang umagang ito sa kadiliman nang kanilang buong tahanan, bago ang tuluyang pagbukang liwayway at ang pagsikat ng araw nang umagang ito. Gumising siya sa kalimliman ng kanyang tahanan, sa lupang pagmamay-ari nang kanyang mga ninuno, minana sa kanyang ama at ngayon ay kanya nang pinapatnugunan. Nasa kanyang tabi ang kanyang asawa na natutulog, ang Adi Pikati, pinagbubuntis ang pangalawa nilang anak. Habang pinapagitnaan sila ng kanyang panganay na si Amjad…pangalang sinunod mula sa ninuno ng kanyang asawa.

Ang umagang ito ay hindi na bago pa sa kanilang mga umaga. Ang unang araw nang paglitaw nang magiting na tala nang Ja’khar at nang mahahabang mga umaga at maiiksing mga gabi. Bumangon siya sa kanyang hinihigan. Iniwan niya ang kanyang maybahay at anak sa kama. Nagtungo siya sa kusina na katabi lamang nang kanilang silid, kumuha nang baso at maiinom…uminom siya ng malinis na tubig na galing sa tapaya.

Alam niya, kailangan nila ang Kalipunan ng mga Hadezar. Marami pa rin ang tumutulong at naniniwala sa kapangyarihan at impluwensyang tinataglay nang mga ito. Hindi maitatangging ito pa rin ang mga pinuno ng kanilang bayan. Hindi niya hangarin na alisin sa mga ito ang pamumuno. Ang gusto niya lamang ay isipin nang mga ito ang kapakanan ng kanilang nasasakupan. Kailangan nila ang kalipunan ng mga Hadezar…kung gusto nilang magpatuloy ang kanilang bayan, na maging maayos at kilalanin ng iba pang mga karatig na estadong-lungsod. Kailangan nila nang mga pinuno na nilikha upang mamuno, isang payak na hangarin na ang tunay na layunin ay lubhang pangkaraniwan.

Sinabi sa kanya nang Hadi Yasir bago ito umalis na alagaan niya ang kanilang bayan at paglingkuran niya, kasama nang ibang mga pinuno na bumubuo sa kapisanan ng mga magsasaka, mga may-ari nang mga lupain at sakahan, at nang mga manggagawa, ang mga Hadezar. Hindi niya alam papaano ito gagawin, may mga sandaling binabali niya ang kanyang mga nakalakihang prinsipyo, ang kanyang asal…baluktutin ito alang-alang sa kapakanan ng kanilang samahan. Siguro alam ito nang Hadi Yasir…na darating ang araw pipiliin niya ang samahan. Sinabi nito sa kanya na kung pamumunuan niya ang kapisanan ang pinakamalaking pagkakamaling gagawin niya ay ang matakot sa banta nang pakikisama.

Iyon ang totoo. Tatakpan nito kung ano ang kailangang makita, kung ano ang mas kinakailangan, ang mas makabubuti para sa kanilang lahat sa samahan at sa buong Ja’khar. Madaling sabihin, mahirap gawin. Ang kumilos sa tama—

Lumabas siya sa kanilang tahanan nang kanyang asawa. Umupo siya sa upuang nasa harapan at nagmuni-muni bago tuluyang muling tumayo at maghanda sa umagang ito sa pag-iikot sa mga sakahang kanyang pinapatnugunan. Kasama ang kanyang asawa at anak, nag-agahan sila kasama nang kanyang ina at mga kapatid sa malaking tahanang tinitirhan ng mga ito.

Matapos ang agahan nagtungo siya sa kanilang sakahan, tumulong sa mga nagtatrabaho sa kanyang sakahan sa pag-aalaga nang kanilang pananim.

Binisita niya ang kanyang mga manugang at ang ilang mga Kesh na nasa ilalim nang kanyang pamumuno. Nagkaroon ng maliit na pag-uusap tungkol sa malaking pagpupulong na magaganap sa kanilang bayan.

Tumigil na ang mga prinsipe sa kanilang paglilibot. Hindi niya na nakikita ang mga ito na nakikipag-usap sa mga kapwa kababayan. Mistulang wala na rin pakialam pa ang mga Kesh na naninirhan sa kanilang bayan sa kaganapang nangyayari sa kanilang pinagmulang bayan.

Patuloy pa rin ang pagkalat ng balita tungkol sa walang kaayusan at kaguluhan sa pagitan ng mga paksyon sa Kadesh at Gador’Ur. Mga balitang nagpapalitan ng pamumuno at sasamahang tulungan ang mga nananatiling mga Kesh sa bayan ng Kadesh at mga Gador. Ang Hukbo nang Herren Malakith ay hawak pa rin ang Gador’Ur, ang luklukan nang pamumuno, datapwat parsyal at hindi parsyal na pinamumunuan nito ang dalawang bayan, na nagsimula matapos nitong patayin ang Herren Sopespian.

Wala sa hinagap na baka salakayin sila nang hukbo nang mga Kesh at Gador sa tuluyang pag-angkin ng Herren Malakith sa Kadesh. May panatag sa buong Ja’khar na hindi niya napapansin ngunit batid nang lahat ng mga takas na mula sa Kadesh ang kaayusang ito ay kapanatagan para sa lahat. Bagay na sa tingin niya ang kagustuhang mangyari ng Hadi Yasir.

Nang araw na ito ng puntahan niya ang dating tahanan ng mga Barakat napansin niyang maraming manggagawa na nag-aayos at gumagawa nang gusali sa kanilang bayan ang kumukuha nang mga bato at guho mula sa bumagsak na tahanan. Sinisimulang ayusin ang gumuhong tore nang mga Hadezar.

Hindi nagtagal nagkita sila nang Hadi Budur at Hadi Basir na naging malapit niyang mga kakilala at masasabi niyang mga kaibigan, pareho nilang pinapangarap ang isang matiwasay at maayos na pamumuhay para sa kanilang kapwa mga kababayan…datapwat pareparehong nagtataglay ng mga kahinaan. Siya, ang kanyang kahinaan ay ang matakot sa hindi niya nakikita at mangyayari pa lamang.

Sa kanilang pag-uusap habang naglalakad patungo sa kinalimutang tahanan na pinapaligiran nang mga halaman ng Kohlrabi, kung san madalas silang magkita ay nakilala nila ang isang dayuhang nagngangalang Rafarga.

Nakilala sila nito, matapos nitong ipagtanongtanong sa iba ang kanilang mga pangalan at kung saan sila matatagpuan, gayong hindi nga ito nagkamali.

Tinanong niya kung sino ito gayong sinabi nito sa kanila na ito ang bagong pinuno nang mga manggagawa na gumagawa nang mga daanan at gusali sa kanilang bayan. Isang Taiaman na nagmula sa Qaa’ur at dumaan sa daan ng mga Banal.

Tinanong nang Hadi Basir kung nasaan ang dating Jingkar na pinuno nang mga unyon na gumagawa sa kanilang mga daanan at gusali, gayong sinabi niya sa Hadi Basir ay kamamatay lamang nang dating may-ari. Na ang totoo ay isa ito sa mga Jingkar na namatay matapos mangyari ang kaguluhan sa pagitan nang iilang mga Kesh at mga Jingkar. Isang mainiting-ulong Jingkar, kung tutuusin, sa kanyang pagkakaalala ng minsang magkita sila.

Ang Hadi Basir, isa sa mga may-ari ng mga sakahan na nasa ilalim nang pamumuno ng Hadi Baaru. Hindi magtatagal papalitan nito ang matanda. Ang kahinaan nito ay kawalan o kahinaan ng karaniwang-kahulugan sa mga nakapaligid dito, nakakapagtaka na hindi ito napapaaway, katulad nang matandang pinuno ng unyon.  Siguro maging ito, sa kanyang palagay, ay alam ang ganitong kahinaan.

Dinilat niya ang kanyang mga mata, ang Hadi Basir, sa kadiliman ng kanyang maliit na tahanang gawa sa putik at bato na may mga pawid na bubong. Maliwanag ang gabi kaysa sa mga nauna. Malilim ang loob ng silid, isang malalim na bughaw ang bumabalot sa kulay nito. Maaliwalas ang hindi gaanong kalakihang tahanan na nagtataglay ng maliliit na mga butas ang dingding at kisame. May ningas pa ang siga. Hindi na siya makatulog matapos niyang magising. Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga. Tuluyang pinatay ang mga ningas na nasa siga sa sahig ng kanyang tahanan.

Sa halip kinuha niya ang kanyang sandalyas sa ilalim ng kanyang higaan na gawa sa rattan, kumuha nang mga damit at pampaligo at lumabas nang kanyang tahanan. Sinarado niya ang lagusan nang kanyang bahay. Umalis sa taniman ng mga Rimas at nagsimulang maglakad sa kadiliman nang gabi sa mahaba at maputik na daanan. Hindi nagtagal narating niya ang isang tahanan. Pinaliligiran ito nang mga pugon at naglalakihang banga. Malilim ang loob ng gusali at mistulang walang katao-tao. Sa gayon nagpatuloy pa rin siya na pumasok sa loob. Binuksan niya ang pintuan nang lagusan at doon tumambad sa kanya ang isang babae na mistulang kanina pa siya hinihintay… Isang silweta na nagtatago sa malilim na lugar. Sinarado niya ang pintuan ng lagusan.

Nang umagang ito, suot ang isang itim na saluwâl at muradong kulay na Báta tinalikuran niya ang tahanang walang laman. Bumalik siya sa kanyang tahanan na pinaliligiran nang mga tanim na puno ng Rimas.

Sa kanyang paglalakad pabalik sa kanyang tahanan nakita niya ang Hadi Eno na naglalakad patungo sa kanyang tahanan. Nakasuot ito nang kayumangging Báta na may dilaw na saluwâl. May putik ang suot nitong mga sandalyas. Bagay na kanyang pinagtakahan. Nakaramdam siya nang pag-aalinlangan kung dapat niya ba itong lapitan gayong inisip niya na baka maghinala ito sa kanyang mga kinikilos. Lumapit siya dito. Nagbigay siya nang pambungad na pamitagan sa kanyang kasama. Binalikan siya nito nang pambungad na pamitagan.

Sinabi niya na maaga ito gayong itinanggi nito ang panahon, at sinabi sa kanya na magtatanghali na. Sinabi niya na “siya nga!” Tinanong niya kung ano ang dahilan nang ikinapunta nito dito.

Tinanong siya nito kung napansin niya ba ang mga manggagawa nang gusali at daanan sa kanila. bagay na kanyang itinanggi. Sinabi niya na hindi niya pa nakikita ang mga ito. Tinanong niya kung ano ang kailangan ng mga ito.

Gayong sinabi nito sa kanya na kumukuha ang mga ito nang mga gumuho at mga ginibang bato sa dating pagmamay-aring tahanan ng mga Barakat.

Tinanong niya ito kung alam ba nito ang dahilan.

Sinabi nito sa kanya na nang kinausap nito ang isa sa mga manggagawa ay sinabing gagamitin sa paggawa sa tore ng mga Hadezar.

Tinanong niya ang Hadi Eno kung nakausap na ba nito ang Hadi Yusuf tungkol sa mga paparating na mga batong gagamitin sa paggawa nang bagong bayan nang Ja’khar sa kabilang ilog.

Inamin nang Hadi Eno na hindi pa. Nagtaka ito, sinabi nito sa kanya na hindi ba masyadong maaga sa pagpapadala nang mga batong angkat mula sa Kanluran para sa pagbubuo nang bagong bayan, kung hindi pa tuluyang napagpaplanuhan kung gaano kalaki at saan gagamitin ang mga bato.

Sinabi niya sa Hadi Eno na binabalak na gamitin ang mga ito sa paggawa nang isang bagong tulay.

Tinanong siya nang Hadi Eno kung hindi ba siya nito aanyayahan na tumuloy sa kanyang tahanan bagay na ikinahingi nito ng tawad. Gayong inanyayahan niya itong pumasok sa kanilang tahanan.

Nagsimula silang maglakad papasok ng sakahan. Tinanong niya ang may-ari ng sakahan ng maisan kung ano ang dahilan ng pagpunta nito sa kanya.

Sinabi nito sa kanya ang dahilan ng pagpunta nito. Na gusto sana siya nitong imbitahin para sa pagbibinyag ng anak nito bago makapanganak ang Adi Pikati.

Bagay na kanyang pinagtakahan. Pagtataka niya, hindi ba kakabinyag lamang nang anak nito noong kailan lang.

Gayong sinabi nito sa kanya na matagal na iyon at ang tinutukoy nito ang panganay na anak nang Hadi Eno at Adi Pikati. Gayong pinaalala nito sa kanya na ang Haid Yasir pa ang tumayong tagapamuno nang binyag nang Hadi Amjad.

Tinanong niya ito kung bakit hindi ang Hadi Budur o ang ilan sa mga patnugod nang mga tahanan ng mga Hadezar gaya nang Haid Faysal at Hadi Yusuf.

Gayong sinabi nito sa kanya na mas pinagkakatiwalaan siya nito, at matagal ng kilala. Hindi nagtagal narating nila ang kanyang tahanan, kung saan nakita nila an Hadi Budur na nas harapan nang kanyang maliit na bahay.

Pagtataka niya kung ano ang ginagawa nang Hadi Budur sa kanyang tahanan. Gayong ngumiti ang batang Hadi. Sinabi nito sa kanila na hinahanap sila nang Hadi Baaru at Hadi Ogeyerg at gusto sila nitong makausap.

Kasunod noon tinalikuran sila nang anak ng panganay na anak ng Hadi Ogeyerg. Sinundan nila ito patungo sa inabandonang tahanan na walang mga dingding at pinaliligiran nang mga tanim na halaman ng Kohlrabi.

Sa kanilang paglalakad tinanong nang Hadi Basir kung ano ang kinakailangang pag-usapan nang kapisanan, na tila napaparami at sunod-sunod ang pagpapatawag nang kapisanan nang pag-uusap.

Sinabi nang Hadi Budur na wala silang dapat na ipag-alala nang Hadi Eno gayong ito na ang huling pagpapatawag ng pagpupulong nang kapisanan. Tinanong nang Hadi Eno ang Hadi Budur kung tuloy ba ang binabalak nang mga may-ari nang mga sakahan at mga lupain sa isang malawakang pagpupulong.

Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng pagpupulong na sinasabi ng mga ito. Gayong walang sinoman ang nagsabi kung para saan ang binabalak na malawakang pagpupulong.

Sa ilang mga panahon nilang pagsasama, mistulang naging mga kaibigan niya na ang mga ito. Ang Hadi Eno ang tumayong pinuno nang kanilang maliit na samahan. Inilagay siya nang Hadi Baaru kasama nang mga ito sa takot na maagaw dito ang pamumuno nang sakahan nito at ang Hadi Budur sa kanilang samahan, sa pag-aalalang walang maitutulong na mabuti ang anak nang Hadi Ogeyerg sa ama nito. Pareho nilang pinapangarap ang isang matiwasay at maayos na pamumuhay para sa kanilang kababayan…pareho silang nagtataglay ng mga kahinaan, at hindi niya iyon maitatanggi.

Tinanong nang Hadi Eno sa Hadi Budur kung ano ang naging desisyon nang mga nakatatandang bahagi ng kapisanan.

Sinabi nang Hadi Budur na napatunayang tama ang nalaman ng Hadi Eno tungkol sa banta nang mga Kesh sa pagsakop sa bayan nang Qaa’ur.

Sinabi nang Hadi Eno na makakabuti na kung pag-usapan nila, ang binabalak nang pagsakop nang mga kesh sa Qaa’ur.

Tinanong niya ang mga ito na kung tama ang kanyang pagkakaintindi ay may kaguluhan pa rin nagaganap sa Kadesh at hanggang ngayon ang mga paksyon na tumutulong sa Herren Malakith kasama ang mga Gador, at ang paksyon na tumutulong sa mga prinsipe ay nagtatalo pa rin magpahanggang ngayon.

Sinabi nang Hadi Eno na hindi magtatagal masusupil nang Herren Malakith ang mga tumutulong sa mga prinsipe nang Ja’khar. Kapag nangyari ito ang susunod na mangyayari ay ang paglusob sa Qaa’ur at hindi magtatagal, sabat nang Hadi Budur ang paglusob sa kanilang bayan.

Sinabi niya sa mga ito na kahindik-hindik ang bagay na ito. Sinabi niya sa mga ito na kailangan nilang tulungan ang mga prinsipe na mabawi sa mga ito ang Kadesh at bumuo nang isang hukbo na tutulong sa pagbawi sa mga kesh nang kanilang bayan mula sa pagsakop nang Herren Malakith.

Hindi nagtagal narating nila ang kinasasakupan nang tanim nang mga Kohlrabi. Sa kanilang paglalakad inaabutan sila nang dayuhan, isang Taiaman na dalidaling lumapit sa kanila at nang walang patumpik-tumpik ay tinanong sila nito kung sila ba ang hinahanap nito, ang Hadi Eno, siya at ang Haid Budur.

Bagay na hindi itinanggi nang Hadi Eno.

Tinanong ng Hadi Eno kung sino ang kanilang kausap. Gayong hindi tinanggi nang dayuhang naninirhan sa kanilang bayan na ito ang bagong pinuno nang mga manggagawa na gumagawa nang mga daanan at gusali sa kanilang bayan. Isang Taiaman na nagmula sa Qaa’ur.

Tinanong niya ito kung ano ang nangyari sa dating pinuno ng unyon na gumagawa sa kanilang mga daanan at gusali, gayong sinabi sa kanya nang Hadi Eno na kamamatay lamang nang dating may-ari. Bagay na kanyang pinagtakahan.

Nagtaka ang Hadi Budur. Gayong sinabi nito sa kanila na kailangan na nilang magmadali at hinihintay na sila nang iba pang bumubuo sa kapisanan.

Gayong tinanong nang Hadi Rafarga kung maaari ba nito silang makausap.

Inutusan sila nang Hadi Eno na mauna na sa pagpupulong. Ngunit Ipinagpilitan nang Hadi Rafarga na makabubuti kung maging ang mga ito ay manatili na rin, sa napakahalagang sasabihin nito sa kanila sa gayon sinabi nang Hadi Budur na hindi rin makakapaghintay ang sasabihin nang ama nito.

Sinabi nang Hadi Eno sa kanila na ito ang nagbigay dito nang ulat tungkol sa binabalak na malawakang pagsalakay nang mga Kesh sa Qaa’ur, sakaling mabawi ng mga ito ang Kadesh.

Nakarinig siya nang ingay. Narinig niya ang pagtawag nang kanyang ama sa kanya. Dinilat niya ang kanyang mga mata, ang Hadi Budur, nang umagang ito sa kalimliman nang kalangitan bago ang pagbukang liwayway. Nagsisimula na ang pagbukang liwayway, isang maliit at makinang na kulay kahel ang mistulang matang nagsisimula nang dumilat sa kadiliman nang kanilang mga paligid. Nakasindi ang mga sulo sa magkabilang dulo nang haliging kanyang pinagtutulugan, hindi ito isang maliit na tahanan na gawa putik at bato na may mataas na kisame at batong bubungan, ni maliit na bahay na gawa sa putik at pawid wala man lamang na kahit anong dungawan. Isang mataas na tulugan na kubol na may isang bahagi lamang nang sibi na nagsisilbing bubungan.  Gawa sa kahoy ang malapad na higaan na kayang magkasya ang hanggang apat na katao.

Wala pa siya sa kanyang ulirat. Gayong puspusan niyang dinilat ang kanyang mga mata at gumising sa paulit-ulit na pagtawag sa kanya ng kanyang ama.

Bumangon siya. Ngunit sinabi sa kanya nang kanyang ama na huwag na siyang tumayo pa. Tinanong siya nang Hadi Ogeyerg kung tuluyan na ba siyang gising…gayong tumango-tango lamang siya.

Sinabi nito na may mahalaga itong sasabihin sa kanya, at gusto nang kanyang ama, nang Hadi Ogeyerg, na makinig siya dito. Bagay na pilit niyang ginawa.

Sinabi nito na may nalaman silang balita na galing sa Hadi Eno. Tinanong niya ang kanyang ama kung ito ay ba tungkol sa binabalak na paglusob nang Herren Malakith sa Qaa’ur.

Tinanong siya ng Hadi Ogeyerg kung gayong alam niya na ang balitang ito, bagay na kanyang sinang-ayunan at tinugunan na sinabi ito sa kanya nang Hadi Eno.

Sinabi nang Hadi Ogeyerg na hindi nakapagtatakang nagmula ito sa Hadezar ng tahanan ng mga Barakat. Gayong tinanong siya nang may-ari ng sakahan ng mga jaboticaba kung alam niya ba kung nasaan ang Hadi Yasir at ang tahanan nito. Umiling-iling siya.

Sinabi nang Hadi Ogeyerg na nasa Qaa’ur ang Hadi ng mga sandaling ito. Pinagtataguan kung ano ang ginawa nito laban sa tahanan ng mga Harith at sa pagpatay sa binatang Hadi na si Muqqabit. Gayong alam nila na wala silang pwedeng ibang gawin dahil malaki ang utang na loob nila sa dating Hadezar at hindi nila maaaring ipagkalulo ang dating Hadezar sa mga kalaban nito kahit pa ang kapalit nito ay magbingibinghan man sila at magbulagbulagan.

Tinanong niya ang kanyang ama kung ano ang gusto nitong ipagawa sa kanya. Sinabi nito sa kanya na puntahan nito ang Hadi Eno…sunduin ang may-ari nang sakahan ng mga maisan. At sabihin dito na pinapatawag ito nang kapisanan sa abandonadong tahanan na pinaliligiran nang mga tanim na halamang Kohlrabi.

Bagay na kanyang pinagtakahan.

Wika nang kanyang ama, malinaw na ginagawa ito nang Hadi Yasir upang makabalik sa Ja’khar. Gayong wala na itong puwang pa sa kanilang bayan.

Tinanong niya ang kanyang ama kung ano sasabihin niya sa Hadi Eno pag nakita ito.

Sinabi nang kanyang ama na wala siyang ibang dapat sabihin kung hindi sundin ang sinasabi nito. Bagay na kanyang ginawa nang umagang ito.

Nang umagang ito umalis ang Hadi Budur upang puntahan ang Hadi Eno sa tahanan nito gayong napag-alaman niya pagpunta sa tahanan nito na umalis na ito. Gayong nagpaalam siya sa Adi nang tahanan na ina nito at pinuntahan ang tahanan nang Hadi Basir kung saan nakita niya ang Haid Eno kasama ang Hadi Basir.

Sinabi niya sa mga ito na nagpapatawag nang pagpupulong ang mga matatandang bahagi nang kapisanan nang mga magsasaka at may-ari ng mga sakahan.  Hindi nagtagal narating nila ang inabandonang tahanan na walang mga dingding at pinaliligiran nang mga tanim na halaman ng Kohlrabi.

Kinukulit siya nang mga ito kung para saan ang pag-uusap gayong hind rin nagtagal hindi napigilan nang may-ari nang mga sakahan ng maisan na sabihin kung ano ang pilit na itinatago nito sa Hadi Basir. Tinanong nang Hadi Eno sa kanya kung ano ang naging desisyon nang mga nakatatandang bahagi ng kapisanan tungkol sa banta nang Herren Malakith sa binabalak nitong pagsakop sa Qaa’ur.

Gayong pinagtakahan ito nang Hadi Basir at tinanong nito sa kanila na sa pagkakaintindi nito ay may kaguluhan pa rin nagaganap sa Kadesh at hanggang ngayon ang mga paksyon na tumutulong sa Herren Malakith kasama ang mga Gador, at ang paksyon na tumutulong sa mga prinsipe ay nagtatalo pa rin magpahanggang sa ngayon.

Sinabi nang Hadi Eno na hindi magtatagal masusupil nang Herren Malakith ang mga tumutulong sa mga prinsipe nang Ja’khar. Kapag nangyari ito ang susunod na mangyayari ay ang paglusob sa Qaa’ur at hindi magtatagal ay lulusubin nang Kadesh, tatlong beses ang laki nang hukbong sandatahan laban sa kanila…hawak ang hukbong-pandagat at mga sasakyan n nakadaong Qaa’ur ang Ja’khar. Ang ikinatatakot niya, tinuran din ng Hadi Eno, ay ang maaaring sabay na pag-atake nang Kadesh sa kanila sa dagat at sa lupa.

Bagay na isang kahindik-hindik at karumal-rumal. Ano na lamang ang panama nila sa mga mandirigma nang Kadesh gayong ang isang Kesh ay kayang talunin at pabagsakin ang tatlo hanggang sampu sa kanilang mga mandirigma kahit pa tulungan sila nang mga prinsipe at nang mga Qaa’ur o nang mga Taiaman mula sa kanluran.

Hindi nila kaya ang Kadesh lalo pa na hindi niya kaya ang mga mandirigma nito—isang hamak na anak nang isang magsasaka. Ano ang panama nila sa mga tunay na mga mandirigma, ang kanila ay mga kagawad lamang ang kanilang maaaring mga makalaban ay mga diyos ng digmaan.

Hindi nagtagal narating nila ang kinasasakupan nang taniman ng Kohlrabi. Sa kanilang paglalakad inaabutan sila nang isang dayuhan, isang Taiaman na dalidaling lumapit sa kanila at nang walang patumpik-tumpik ay tinanong sila nito kung sila ba ang hinahanap nito, ang Hadi Eno, siya at ang Haid Basir.

Bagay na hindi itinanggi nang Hadi Eno.

Tinanong ng Hadi Eno kung sino ang kanilang kausap. Gayong hindi tinanggi nang dayuhang naninirhan sa kanilang bayan na ito ang bagong pinuno nang mga manggagawa na gumagawa nang mga daanan at gusali sa kanilang bayan.

Tinanong ng Hadi Basir kung ano ang nangyari sa dating pinuno ng unyon na gumagawa sa kanilang mga daanan at gusali, gayong sinabi sa nang Hadi Eno sa kanila na kamamatay lamang nang dating may-ari.

Sinabi niya na kailangan na nilang magmadali at hinihintay na sila nang iba pang bumubuo sa kapisanan.

Gayong tinanong nang Hadi Rafarga kung maaari ba nito silang makausap.

Inutusan sila nang Hadi Eno na mauna na sa pagpupulong. Sinubukan niyang pilitin ang Hadi Eno na sumama na sa kanila sa pagpunta sa gagawing pagpupulong, gayong hindi magandang paghintayin ang mga matatanda. Ngunit ipinagpilitan nang Hadi Rafarga na makabubuti kung maging sila nang hadi Basir ay manatili na rin sa napakahalagang sasabihin nito sa kanila.

Gayong tinuran nang may-ari nang sakahan ng mga maisan na ito ang nagbigay ng balita tungkol sa balak na malawakang pagsalakay nang mga Kesh sa Qaa’ur, sakaling makuha nang Herren Malakith ang Kadesh mula sa mga tumutulong sa mga prinsipe nang Ja’khar.

Hinimok nang Hadi Eno ang Hadi Rafarga na sumama ito sa kanila sa loob ng inabandonang tahanan. Gayong nakaramdam siya nang kaba. Hindi siya nakasisiguro kung ang lahat ba nang mga matatanda, ang Hadi Ogeyerg at ang Hadi Baaru ay naroroon o may iba pang balak ang kanyang ama sa kung ano ang tunay na simpatiya nito sa dating Hadezar ng tahanan ng mga Barakat. Gayong nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad patungo sa inabandonang tahanan.

At sa pagpunta nila nasaksihan nila ang ilan sa mga may-ari nang mga sakahan, kasama ang mga pinuno ng mga unyon nang iba’t ibang gawain at mangingisda. Naroroon ang kanyang ama at ang Hadi Baaru. Higit sa lahat na naroroon ang isa sa mga bahagi nang bumubuo sa unti-unting naghihingalong kalipunan ng mga Hadezar, ang mas bata sa kanyang si Hadi Fadil kasama ang isang dayuhan.

Pumasok sila sa loob nang maliit na tahanan, na ngayon ay mas maliit pa sa dami nang mga Jingkar na nakapaligid at nasa loob nito kasabay sa mataas na sikat nang araw nang tanghaling ito, sa bingit nang hapon na sumisiko sa pananghalian. Hindi na nagpaliguyligoy pa ang bagong salta sa kanilang bayan.

Gayong sinabi nito sa kanilang lahat, dalawang araw nang nakakalipas isang pagtitipon na gaya rin nang kanilang ginagawa para sa isang mahalagang pakikipagtalastasan, inimbitahan nang Herren Malakith ang lahat nang mga pinuno na tumutulong sa mga prinsipe, sa pagpigil nang Herren Malakith na makuha ang Kadesh para sa inaakala at inaasahang pagsuko nang Herren. Ngunit walang pagsukong nangyari sa halip nagawa nang Herren Malakith na mabawi ang Kadesh sa lahat nang mga Kumakalaban dito nang walang huling pagdanak nang dugo.

May kapanglawan sa mga salita nang dayuhang Taiaman.

Pagpapatuloy nito, sa ngayon inaasahan na pabalik na ang Herren Malakith sa Kadesh dala ang hukbo nito na galing sa Gador’Ur sa loob ng bayan.

Isang nakabibinging katahimikan ang pumapanglaw sa kanila nang mga sandaling ito. Gayong sinabi nang hadi Baaru na kung totoo nga ang sinabi nang hadi Eno sa kanila at totoo nga ang sinabi nang Hadi Rafarga sa kanila, hindi na maitatanggi pa ang balak ng hunghang na Herren sa pagsalakay sa Qaa’ur at ang mahigit na isandaang taong kapayapaan ay maaaring matapos, gayon pa man giit nang Hadi Baaru na wala silang ibang gawin ngayon kung hindi ang maghanda at ang masakit nito ay ang maghintay— iyon pa lamang ang magagawa nila sa ngayon.

Malumbay ang umagang ito kahit pa ang araw ay nasa kalagitnaan nang pagsikat nito sa kanilang bayan…gayong wala itong ipinagkaiba sa mga makulimlim at umuulang mga araw.