Sa mga lumipas na araw, walang sawa akong nagsulat at nagsulat. Paulit-ulit…pabago-bago,paibaiba…hinahanap ang tamang tempo at salita na makapaglalarawan nang aking iniisip. Mga Eksena at dayalogo nang mga tauhan na aking kilala sa mga nakalipas na buwan. Tinigil ko na ang paulit-ulit na pamamanugot nang aking mga isinusulat…Mas marami nang salita akong unuulit-ulit. habang tumatagal nababaliw na ako na aking sinusulat. Literal na sa tuwing inilalapat ko sa MS Word ang mga katagang hindi ko alam ang gagawin, ito ay sariling sangguni nang mental kong kalusugan sa pagsulat.

Gusto ko ang magsulat. gusto ko na kahit papaano ay mailathala ang aking mga isinulat. Subalit para akong isang hayop na sabik sa kapangyarihan na nang maatim ay sinabing hindi ko pala kaya…ito ay pagkagumon sa aking nilikhang daigdig! Hindi matakastakasan, hindi maiwan-iwan…

Kailangan ko nang manggagamot.

Kailangan ko nang terapewtika.

Nang Saykayatrista.

Exorcism, na ang aking kaluluwa ay sumasanib na sa aking isinusulat. Marami na akong naririnig na mga tinig——mga boses na nagsasabi nang aking mga pagkakamali. Nang mga aking ginagawa, at patuloy na ginagawa. Hindi ko na minamasama ang magkamali.

Nang riding-in-tandem na titigil sa aking walang sawang pagsulat, pag-iisip nang tama ba ang aking isinulat. Pagtatanong kung papaano ko mailalagay sa ayos o tamang landas ang aking isinisulat.

Sumisigaw na ang aking utak…tama na itigil mo na!!!

Gayong akong hayok na hayok….kumpiyansa na tama ang aking binabagting!

Patuloy na nagsusulat, kailangan ko nang tulong!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s