ANG PANGWAWASAK

Ang Adi Makbule

Dinilat niya ang kanyang mga mata at kasabay noon bumangon siya sa tabi nang kanyang asawa. Tumayo siya sa kanilang higaan, nagbihis— nag-ayos nang kanyang sarili, sinuot ang isang bughaw na pambabaeng Báta na may manggas na hanggang sa ibabaw nang kanyang mga siko. Itinali ito sa kanyang katawan. Inayos ang kanyang buhok at sinuot ang mga sandalyas sa kanyang mga paa. Nang araw na ito sinimulan niya ang kanyang mga madalas na nakagawian. Una siyang nagtungo sa silid sa nang kanyang mga anak. Binuksan ang pintuan nang lagusan nang silid nang mga ito. Sinilip niya ang mga ito at nang tignan niya natutulog pa ang mga ito.

Ginising niya ang kanyang mga anak. Pinakilos niya ang mga ito bago siya bumaba sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan ng mga Harith. Inutusan niya ang nakatatandang si Mahsa na bumangon na at huwag siya nitong paghintayin na magalit pa at utusan pa ang mga ito na kumilos. Kasunod noon binuhat niya si Malik sa kanyang katawan. Hinintay na bumangon ang isa niya pang anak at sa paglabas niya sa silid nang mga ito, sabay silang bumaba sa ikalawang palapag nang tahanan nang mga Harith.

Dinala niya ang mga ito sa kanyang biyenang babae, ang matandang Adi nang tahanan. Sa pagbaba niya nakita niyang gising na ang Adi Dilshed sa loob nang silid nito, pumasok siya sa loob nang silid nito. Dinala niya ang kanyang mga anak na lalake sa amma nang mga ito. Bago siya umalis tinanong niya ang matanda kung gusto ba nito nang maiinom na mainit na tsaa, bagay na sinang-ayunan nito.

Nagpasalamat ito sa kanya. matapos noon iniwan niya ang kanyang mga anak sa matandang ina nang kanyang Hadezar. Lumabas nang silid nito at nagtungo sa loob nang silid lutuan kung saan sinimulan niyang sindihan ang siga, pakuluan at painitan ang tubig at gumawa nang tsaa na mula sa tuyong mga bulaklak nang roselya.

Nagsimula na rin siyang maghanda nang kanilang magiging agahan ngayong araw. Binaling niya ang kanyang pansin sa loob nang silid lutuan nang tahanan nang mga Harith. Kasunod noon lumabas siya sa loob nang silid at nagtungo sa kanyang lalakeng biyenan na nasa loob nang pamosong pabilyo nang tahanan ng mga Harith.

Lumabas siya sa loob nang tahanan. Naglakad sa buhanginan nang malawak na lupain sa gitna nang tahanan at nagtungo sa loob nang pamosong pabilyong pinagmamalaki nang kanyang biyenan kung saan nakita niya itong wala nang buhay nakabagsak ang ulo may, giniliitan ang leeg, naliligo sa sariling dugo at ang maliit na patalim ay nasa sahig nang pabilyo sa ilalim nang kinauupuan nito sa kanang bahagi.

Narinig ang sigaw sa buong tahanan. Hindi nagtagal nakita ito nang Adi Dilshed at nang kanyang asawa habang siya nasa labas nang pabilyo nang tahanan malayo sa mga ito na nasa loob ng pabilyo at pinagmamasdan ang bangkay nang kanyang biyenan. Nakayakap sa kanya ang kanyang mga anak. Tinatakpan niya ang mga mata nang mga ito.

Sinabi nang kanyang asawa na walang ibang dapat sisihin dito kung hindi ang kanyang kapatid na nakitang kausap ang ama nito. Sinabi nang Adi Dilshed na kailangang mahuli ang Hadi Yasir sa lalong madaling panahon bago pa ito tuluyang makatakas. Dagdag nang matanda kailangang maparusahan ang dapat managot.

Hindi nakaimik ang kanyang asawa.

Matapos noon naghanda ang kanyang asawa sa pag-alis nito at pagtawag nang mga Aninong nasa ilalim nang kanilang pamumuno upang ipahuli at dakpin ang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat. Sinundan niya ito sa yungib nang mga asong-gubat. Sa pagkakita niya, tinawag niya ito.

Lumingon ito sa kanya. Wika nito, “huwag mo kong piliting gawin kung anoman ang ayokong gawin!”

Wika niya, “hindi…alam ko—alam kong kailangang managot ni Yasir sa pagpatay sa iyong ama! Pero kailangan bang ngayon? Paano ang labi ng iyong ama, sino ang tutulong sa amin sa pag-aasikaso sa kanya— Paano kung?”

Tugon nito sa kanya, “babalik din ako agad…maaari mong tawagin ang Hadi Batul at makiusap ka sa kanya na buhatin ang baba at ni Ismat sa pag-aayos sa labi nito.” Binuksan nito ang lagusan nang yungib. Sumakay sa asong-gubat na kanilang alaga. Dagdag nito bago ito umalis sa kanilang tahanang mag-asawa, “wala kang dapat na ipag-alala!”

Tumango-tango siya.

Pero hindi niya magawang hindi mag-alala. Umalis ang kanyang asawa sa loob nang kanilang tahanan iniwan siya nito kasama ang labi ng Hadi Mahdi at ang Adi nang tahanan. Bumalik siya sa loob nang kanilang tahanang mag-asawa. Bumalik siya sa loob nang pabilyo kung saan naroroon ang Adi Dilshed at ang kanyang mga anak na yakap-yakap ang mga ito at akay-akay.

Nananatiling nakaupo ang labi nang matanda sa upuan…ang mga dugo sa sahig. Ang patalim na ginamit sa pagpatay dito.

Sa pagpasok niya tinawag niya ang kanyang mga anak. Nakiusap sa kanya ang Adi Dilshed na kung maaari ay dumito muna sa loob nang pabilyo sina Mahsa at Malik.

Bagay na kanyang itinanggi. Ngunit hindi napilit ang dalawang bata, bagkus nanatili ang mga ito sa tabi nang kanilang amma. Tinanong nang Adi Dilshed sa kanya kung nakaalis na ba ang Hadi Faysal bagay na kanyang sinang-ayunan.

Sinabi nang matanda sa kanya na bakit humingi nang tulong sa tahanan nang mga Roshan. Kausapin ang kanyang manugang at anak na tulungan sila sa pag-aayos para sa paglilibing nang Hadezar nang tahanan ng mga Harith.

Tinanong niya ito kung papaano ang mga ito, ang kanyang mga anak lalong-lalo na ang kanyang mga anak, kanino niya maipapaiwan ang mga ito.

Sinabi nang Adi Dilshed na maaaring ipagkatiwala dito ang kanyang mga batang anak.

Bagay na hindi niya tinanggap…Sinabi niya na makabubuti kung sasama sa kanya ang kanyang mga anak. Sinabi niya na mas mapapanatag ang kanyang loob kung nasa sa kanyang tabi ang kanyang mga anak.

Kinausap nang Adi Dilshed ang Hadi Mahsa at Hadi Malik. Ipinaubaya nang matandang Adi sa kanya ang pag-aalaga sa kanyang mga anak. Tinakpan niya ang labi nang Hadi Mahdi habang nananatili itong nakaupo at wala nang buhay sa loob nang pinagmamalaki nitong pabilyo nang tahanan.

Umalis siya kasama nang mga bata sa loob nang tahanan. Sakay nang kayumangging asong-gubat tinahak nila ang pinakamadaling daan patungo sa tahanan nang mga Roshan. Mula sa nag-eekis na daan napadpad sila sa dating kinasasakupan nang tahanan nang mga Barakat na ngayon ay ang kinasasakupang lupain nang tahanan ng mga Roshan. Hindi nagtagal narating nila ang tahanang pinagmulan nang asawa ng kanyang kapatid.

Bumukas ang lagusan papasok sa tahanan nang mga Roshan. Hinila niya ang asong-gubat sa loob nang tahanan. Sa pagpasok niya nakita niya ang kanyang anak na nagpapakain nang mga alagang bibe. Nakita siya nang Adi Ismat.  Nakita niya ang pagtataka sa mukha nang kanyang anak. Binaba niya ang Hadi Mahsa at ang Hadi Malik. Inutusan niya ang Hadi Mahsa na samahan ang kapatid nito sa pagpunta sa mga patnugod nang tahanan at magbigay galang.

Nang umagang iyon, mabilis na kumalat sa Ja’khar ang pagkamatay nang Hadezar ng tahanan ng mga Harith. Tumulong ang mga Roshan sa pag-aayos sa labi nang Hadi Mahdi. Ibinurol ang labi nito sa loob nang pamosong pabilyo nang tahanan. Nakapatong sa mahabang lamesa na pinaliligiran nang mga bulaklak at nang mga nakasinding tinghoy.

Sa pagbalik nang Hadi Faysal sa tahanan nang mga Harith sumalubong sa kanyang asawa ang nakaayos na labi nang ama nito. Naroroon ang dalawang tahanan na bumubuo sa kalipunan ng mga Hadezar.

Nakita niya ang kanyang asawa kasama ang mga Anino nang tahanan. Lumapit siya dito. Nang may pag-aalala tinanong niya ito kung ano ang nangyari sa loob nang tahanan ng mga Ardashir. Gayong binaling siya nito nang tanong at hinanap sa kanya ang kanyang kapatid. Bagay na kanyang pinagtakahan. Tinanong siya nito kung nasaan ang kanyang nakababatang kapatid, nasaan ang Hadi Yasir. Hindi siya nakaimik. Hindi niya alam kung ano ang isasagot…

Wala siyang ibang nasabi kung hindi, “hindi ko alam!”

Tinanong siya nito kung papaanong hindi niya alam gayong siya ang nakakita na dumating ang Hadi Yasir sa loob nang kanilang tahanan at siya ang nagsabi dito na nandito ang Hadi Yasir kausap ang kanilang ama. Tinanong siya nito kung hindi ba sila nag-usap. Sinabi niya sa Hadi Faysal na hindi sila nagkausap.

Hinanap niya sa Hadi Faysal ang Adi Hikmet.

Bagay na sinabi nitong nang dumating ito kasama ang mga Anino nang tahanan ng mga Harith wala nang naabutan ang mga ito sa loob nang tahanan ng mga Ardashir na kahit ano. Sira-sira ang loob nang tahanan ng mga Ardashir nang dumating ang Hadi Faysal dito.

Wika niya, “ano ang ginawa nang Hadi Yasir!”

Tugon nang kanyang asawa, “kung totoo man ang sinasabi mo na siya ang pumatay sa aking ama, hindi na ako magtataka pa. Matagal niyang pinaghandaan ang bagay na ito. Hindi ko lang inasahan na talagang hahamakin niya na patayin ang aking ama at baliin ang ano man para sa Ja’khar. Ito na ang simula nang ating nalalabing katapusan.”

Nang gabing iyon nilibing nila ang Hadezar nang tahanan ng mga Harith. Nabulabog sa mga pangluksang kulay nang damit ang tahanan ng mga Harith. Nagliwanag ang bawat sulok nang paligid. Ang mga haligi nang pabilyo ay kumitab at nagkikislapan sa pagkakahubog nito sa mga itim na bato.

Nagbigay ang Adi Dilshed nang maliit na pahimakas para sa anak nito. Inilarawan nito ang unang pagkakataon na masilayan ang Hadi Mahdi, nang isinilang ito nang matanda at itinuring ito bilang ang pag-asa nang tahanan nito. Mistulang bumalik sa gunita nang matanda ang kabutihan nang anak nito. Ang mga saglit na bula nang nakaraan, imahe sa mga naggunita at kailanman ay hindi na mawawala pa. Ang lungkot sa pagkawala nang tahanan nito at sa muling pag-angat nang mga ito bilang panibagong tahanan ng mga Harith— ang anak nito, ang maimpluwensyang Hadezar na nagpalaya sa kanilang tahanan at bumangon bilang maimpluwensya at kinikilalang tahanan.

Kasunod noon hiningi nang Adi Dilshed ang kanyang asawa sa kanya upang magbigay ito nang huling pagbibigay galang sa ama nito. Lumapit ang anak sa ama…Nakatalikod ito sa kanila habang hinihintay nang matanda kung ano ang sasabihin nang kanyang asawa.

Nanatili ang Hadi Faysal doon nang sandali. Pinagmamasdan ang labi nang ama…Hanggang sa kumilos ito. Kinuha nito ang sulo, sinindihan gamit sa nakasinding kawan. Hindi nagtagal sinunog nito ang labi nang ama nito sa labas nang pabilyo, sa harap nang tahanan.

Dinaluhan ito nang buong tahanan ng mga Roshan at nang mga Anino nang kanilang tahanan. Pinanood nila ang pagtupok nang apoy sa labi nang Hadi Mahdi. Ang pagbagsak nang huling kasalukuyang pinuno nang kanyang panahon.

Matapos ang libing nagkaroon nang maliit na salusalo ang dalawang tahanan. Nakita niya ang Hadi Batul na inaalagaan ang kanyang mga apo, ang Hadi Merkabah at ang bagong silang na Hadi Hazan. Lumapit siya sa asawa nang kanyang panganay na anak sa loob nang maliwanag na bulwagan.

Tanong niya, “maaari ba kitang makausap Hadi Batul!”

Bagay na sinang-ayunan nito.

Pagpapatuloy nang Adi Makbule, “gusto ko lang malaman kung alam mo ba kung nasaan ang aking kapatid, at iyong kapatid?”

Wika niya, “patawarin mo ako Adi Makbule pero matagal na naming pinutol kung anoman ang ugnayang namamagitan sa amin nang iyong kapatid at nang aming tahanan.”

Nagulat siya.  Lumapit siya sa isa sa mga upuang nakadikit sa dingding nang bulwagan. Napaupo siya sa isa sa mga upuang nakadikit sa dingding. Wika niya, “naiintindihan ko!”

Dagdag nang Hadi Batul, “ang huli naming pagkikita ay ilang buwan na ang nakakalipas kasama ang isa sa may-ari nang mga nag-aalalaga at nagpaparami ng Mantahungal na aking pinapasukan…naroroon siya sumali sa aming hapunan.”

Tanong niya dito, “sigurado ka!”  Bagay na sinag-ayunan nito. Sa kanyang pagtataka, tanong niya, “kung ganon nasaan ang Hadi Yasir at ang Adi Hikmet?”

Hindi nakasagot sa kanya ang Hadi Batul sa kanyang tinatanong dito.

Hindi nagtagal inihanda sa loob nang Bulwagan nang tahanan ng mga Harith ang kanilang hapunan. Masasarap na karneng hiniwa mula sa isdang Matambok, sinabawang isdang apahap na prinito muna bago ilagay sa sabaw at mga gulay na Kohlrabi at Manioc. Mga pinasingawang tahong na may maasim na sawsawan na mula sa nangasim na gatas nang buri at pamintang durog, kanin na malagkit at nakakalasing na inumin.

Matapos ang hapunan pinag-usapan nila ang tahanan ng mga Barakat. Ang banta nang pagbabalik nang Hadezar nito at nang Adi Hikmet. Kailangan nilang makatiyak na hindi na makakabalik pa ang Hadi Yasir o hindi na makakabangon pang muli ang tahanan ng mga Barakat. Iyon ang ganti nang Adi Dilshed sa pagkamatay nang nag-iisang anak nitong lalake, ang huli sa mga anak nito.

Tinanong nang Hadi Yusuf ang Adi Dilshed na kung papaano at bumalik pa ang kanyang kapatid sa Ja’khar.

Gayong tinuran nang Adi Makbule sa patnugod nang tahanan ng mga Roshan na hindi na dapat pang bumalik ang kanyang kapatid dahil kamatayan lamang ang naghihintay dito at sa pamilya nito sa pagbabalik nang mga ito sa Ja’khar kung talagang tuluyan na ngang iniwan nang mga ito ang kanilang bayan.

Tanong nang Hadi Batul sa mga ito na papaano ang mga naiwang tungkulin nang tahanan ng mga Barakat at mga Ardashir. Malinaw na pinamumunuan nang tahanan nang mga Harith ang ilan sa mga dating kinasasakupan nang mga Parvana at ngayon ay may sariling pamumuno ang mga magsasaka at may-ari nang mga lupain sa loob nang Ja’khar na dating pinapatnugunan nang tahanan nang mga Roshan.

Sinabi nang Adi Dilshed na kailangang ibalik ang Ja’khar sa pamumuno nang mga Hadezar. Sinabi nito sa kanila na nakausap nito sa isang pagpupulong ang mga dating anak nang Herren Sopespian. Maaari silang tulungan nito kapalit nang pagtulong nila sa pagbawi nang mga ito sa Herren’si nang Ka’desh. May mga nabuo na ang mga itong mga mandirigmang maaari silang tulungan na supilin at pigilan ang mga gagawin pa nang Kapisanan nang mga magsasaka, mga may-ari nang mga sakahan at taniman maging nang mga alagaan at pagpaparami nang mga hayop, kung anoman ang gustong itawag nang mga ito sa pabagsak na ginagawa.

Pagtataka nang Hadi Fadil gayong anong laban nang Ja’khar sa mga Harras nang Ka’desh.

Tinuran nang Hadi Batul na makailang ulit nang nilusob nang mga Kesh ang kanilang bayan gayong kailanman ay hindi pa ito nasasakop nang kanilang mga kalaban.

Tanong nang Hadi Fadil sa kanila, “hindi ba alam naman nang lahat nang matatanda na nandito kung ano ang ating kasaysayan, kung papaanong nilusob tayo nang mga Kesh sa una at pangalawang pagkakataon. At pinagtulungan nang buong Ja’khar na magapi ang Ka’desh pero gaano na po ba katagal simula nang nangyaring paglusob na iyon. Nang naungusan natin ang ating mga kalaban sa banta nang pagsakop nila sa atin? Huwag niyo pong mamasamain at inyong pahihintulutan, katulad nang aking kapatid, kami ay naging nasa ilalim din nang pagtuturo nang Hadezar…at alam nang buong Ja’khar kung ano tayo ngayon at kung ano tayo bago ang pagbagsak nang kalipunan nang mga hadezar.”

Wika nang Hadi Batul, “tama ang aking kapatid. Hindi makatwiran na sumali pa tayo, ulit, sa kung anoman ang kaguluhang nangyayari sa loob nang Ka’desh! Tignan niyo na lamang kung ano nangyari nang nalaman ng lahat ang ginawa nang kalipunan nang mga Hadezar.”

Tanong nang Hadi Faysal, “kung ganon, ano ang gusto mong gawin natin Hadi Batul?”

Wika nang Adi Makbule, “maaari natin kumbinsihin ang Ja’khar na ang ating bayan ay nasa kapayapaan at kaayusan. Gamitin kung anoman ang lahat ng meron tayo…”

Tanong nang Hadi Yusuf sa kanya, “at paano mo gagawin iyon, Adi? Paano mo makukumbinsi, ang ating mga kababayan na ang ating bayan ay nasa kaayusan. Na wala tayong dapat na ipag-alala? Nasa gitna tayo nang kaguluhan!”

Tugon nang Adi Makbule, “wala tayo sa gitna nang kaguluhan, Huwag kang magmalabis. Katatapos palang nang huling paglusob. Gaano na ba katagal nang huling nagkaroon nang kaguluhan sa labas nang ating mga tahanan at sa mga kalsada. Hind ba ang Hadi Yasir ang lumikha nang kaguluhan. Hindi ba ang Hadi Yasir ang gustong pabagsakin ang ating mga tahanan at sirain ang ating pamahalaan. Pinatay nang Hadi Yasir ang Hadi Khalil, nang dahil sa kanya bumagsak ang tahanan ng mga Ardashir. Nang dahil sa kanya kaya tayo ngayon ay nandito nagdadalamhati.”

Wika nang Hadi Yusuf, “at hindi ako ang nakakalimot dito Adi Makbule.”

Wika nang Adi Dilshed, “hindi tayo mga banal. Walang sinoman ang malinis at gumawa nang hindi maganda sa kapwa. Ang mahalaga at kinakailangang gawin, ngayon ay para sa Ja’khar.  Gusto niyong ibigay ang kapayapaan at linlangin ang mga tao…malaya niyong gawin kung anoman ang gusto niyo ngunit hindi maaaring itago ang kaguluhan— ang kaguluhan ay kaguluhan. Hindi kailanman magagawang itago kung anoman ang pinakawalan na. Nandiyan na iyan. Gayon bakit hindi ito gamitin sa ating kapikanabangan? Kailangan natin nang tulong pero hindi ibig sabihin noon wala na tayong gagawin pang iba. At bahagi nang pagkilos ay kung magagawa din natin magbigay nang tulong sa mga tutulong sa atin. Nandiyan ang Ka’desh at ang Qaa’ur. Ang Malawak na Andes nang Kanluran. O mga Hadi at Adi” Tumayo ang Adi Dilshed sa kanyang pagkakaupo sa upuang batong nakadikit sa dingding sa loob nang bulwagan nang tahanan. Nakatungkod sa kanyang tikin. Pagpapatuloy niya, “panahon naman siguro para humingi tayo nang pakiusap gayon alam natin na ang mga susunod na mga panahon ay ang pinakamahirap.” Nagsimula siyang maglakad palabas nang bulwagan nang tahanan ng mga Harith. Bago siya lumabas paalala niya sa mga ito, “hindi na natin maaaring itanggi kung anoman ang totoo. Dahil napakalayo natin sa katotohanan!”

Matapos noon tuluyang umalis ang Adi Dilshed sa loob nang bulwagan nang tahanan.  Sinubukan niyang habulin ang matanda para alalayan ito ngunit tumanggi ito at sinabing alam nito ang pasikot-sikot nang tahanan nito at hindi na kailangan pang alalayan.

Naglakad itong mag-isa patungo sa loob nang silid nito.

Sa pagbalik niya narinig niya ang sinabi nang Hadi Yusuf tungkol sa paalala sa kanila nang Adi Dilshed kung hindi ba nito nalalalaman na hanggang ngayon ay may utang pa sila sa mga mangangaraba nang Qaa’ur at hindi sila maaaring tulungan nang Ka’desh gayong nagkukupkop sila nang mga takas galing dito.

Bumalik siya sa loob nang bulwagan.

Wika nang Hadi Batul, “may punto ang amma, hindi natin maaaring itanggi kung anoman ang maaaring mangyari sa mga susunod na mga buwan. Wala tayong pamahalaan. Paano tayo magluluklok nang bagong Hadezar, sino pa ang kakatawanin para maging Hadezar. Ang aking ama ay hindi isang Hadezar ang aming tahanan ay mistulang kinalimutan na nakaraan…”

Wika niya, “hindi ba maaari ang Hadi Faysal?”

Wika nang Hadi Faysal, “huwag mo nang ipilit kung ano ang hindi.”

Tugon nang Hadi Batul, “paano tayo nakakatiyak na ang Hadi Faysal ang tagapagmana nang pagiging Hadezar. Ikaw man ang patnugod at pinuno nang tahanan hindi ibig sabihin nito maaari ka nang maging Hadezar!”

Sabat nang Hadi Fadil, “kagaya na lamang nang nangyari sa Hadi Rahim nang tahanan ng mga Barakat.”

Tugon nang Hadi Faysal sa kanya, “at sa iyong ina. Ngunit magkagayonman ang punto dito ay hindi ang pagbagsak nang ating pamahalaan, kung hindi ako nagkakamali, bagkus nang ating tahanan Adi Makbule. Iyon ang totoo” Binaling nang kanyang asawa ang pansin nito sa Hadi Yusuf. Dagdag nito, “Wala na tayong magagawa pa kung hindi maging katulad na lamang nang iba. Isang kalunuslunos na katotohanan.”

Hindi rin nagtagal nagbigay sa kanila nang paggalang ang Hadi Yusuf at ang asawa nitong si Adi Arwa sa pamamaalam nang mga ito. Sinundan ito nang batang Hadi Fadil sa pagbibigay nang pagdadalamhati nito sa pagkamatay nang Hadezar nang tahanan ng mga Roshan na Nakakapagtaka na wala man lang isa sa mga nasa ilalim nang pamumuno nang yumaong Hadezar ang nagbigay nang huling paggalang sa labi nang Hadi Mahdi.

Nananatili sa kanilang tahanan ang mag-aasawa, ang kanilang panganay na anak na si Adi Ismat at ang asawa nitong si Hadi Batul kasama ang mga anak nito na nakatulog na sa loob nang silid ng amma.

Nang gabing iyon, nilinis niya ang kanyang mukha. Tinanggal niya ang buhok sa pagkakatali nito, ang mga perlas na hikaw sa kanyang mga tenga, ang mga singsing na gawa sa ginto at tansong-dilaw sa kanyang mga kamay at panghuli saka niya hinubad ang itim na Báta, at isa-isang ipinatong ang mga ito sa mababaw na lamesa na nasa loob na kanilang silid mag-asawa. Lumabas siya sa kanilang silid. Sinilip niya ang kanyang mga bunsong anak sa loob nang silid nang mga ito. Nakita niya ang Hadi Batul na natutulog sa kama nang Hadi Malik at ang dalawa niyang musmos na magkatabi sa kama nang kanyang panganay na anak na lalake.

Kasunod noon bumaba siya mula sa ikalawang palapag nang tahanan. Nakita niya ang Hadi Faysal na nasa malawak na lupain sa gitna nang tahanan malapit sa pinagsunugan nang labi nang maimpluwensyang Hadezar ng kanilang panahon. Nakatingkayad ito nang upo, unti-unting kinukuha ang mga labi at abo nang yumaong Hadezar. Napansin niyang bumubulong-bulong ito. Kinakausap nito ang abo at mga buto nang ama habang iniipon sa loob nang maliit na bangang nasa tabi nito.

Gusto niya itong lapitan.

Nang hindi niya inaasahan, isang nilalang ang papalapit sa kanya nang hindi niya nalalaman. Basang-basa ang buong katawan nito, mula ulo hanggang paa. Ang buhok nito ay basa at kasing itim nang itim na bato. Ang suot nitong panloob na damit ay sira-sira, may mga lumot at marumi habang tumutulo ang tubig sa ilalim nang laylayan nang damit nito. Ang Balat nito ay maputla, ang mga kuko nito ay nangingitim, madungis at may mga sugat sa mga braso. Gilitan ang leeg nito at dahan-dahan itong lumalapit sa kanya habang naiiwan ang mga bakas nang mga paa nito sa sahig na bato nang tahanan.

Lumapit ito sa kanya. Bulong nito sa kanya nang may kaskas ang bawat sambit at may kumakawalang hangin, “bakit hindi mo siya lapitan, Adi Makbule! May karapatan kang lapitan siya at yakapin siya. Ikaw ang kanyang asawa!” Pero hindi niya ito ginawa. Tinalikuran niya ang kanyang asawa. Hinayaan niyang ipagluksa nito ang ama nito habang siya isa-isa niyang pinatay ang mga nakasinding timsim sa nakapaligid na pasilyo sa malawak na lupain sa gitna nang tahanan. Pagkatapos noon sinilip niya ang Adi nang tahanan at nakita niya ang kanyang panganay na kausap ang amma nito.

Nang gabing iyon nagniig sila nang Hadi Faysal. Pinagsaluhan nila ang isa’t isa. Nakayakap sa kanya nang mabuti ang Hadi Faysal. Nakayakap siya dito nang mabuti habang hinihimas niya ang likuran at umiiyak ito sa kanyang likuran. Alam niyang may maaaring gawin ang Hadi Faysal, alam niya iyon ngunit minabuti nitong huwag itong gawin at itama kung anoman ang pagkakamaling ginawa nang tahanan nito.

Gusto niyang malaman kung nasaan ang kanyang kapatid…kung tuluyan na nga ba itong umalis sa kanilang bayan at kinalimutan ang Ja’khar na nagsilbing masalimuot sa kanilang magkakapatid. Tinanggal niya ang kanyang pansin sa kisame nang kanilang silid mag-asawa.

Nakayakap sa kanya ang Hadi Faysal habang siya ay nakahiga sa kanyang likuran. Binaling niya ang kanyang pansin sa malikmatang gumuguhit sa dulo nang kanyang mga mata…gayong nakita niya ang nilalang na nakaupo sa mataas na upuan na malapit sa mababaw na lamesa na nasa loob ng kanilang silid. Naka-de-kwatro ito nang upo at pinagmamasdan siya sa hindi kalayuan.

Ang Hadi Batul

Sa pagbukas nang lagusan sa tahanan nang mga Roshan, bumungad ang pagpasok nang Adi Ismat habang bitbit nito at nakatali sa katawan ang kanilang bunsong anak na si Hadi Hazan. Nasa likuran siya nito at kasunod lamang, nagtatago sa mga anino nang mga naglalakihang lagusan ng pintuan. Unang pumasok ang kanyang asawa pagkababa at pagkababa nito sa sinasakyan nilang alagang asong-gubat. Agad itong tumuloy sa loob nang tahanan habang naiwan siya kasama ang kanyang panganay at ang kanilang alaga.

Pumasok ang kanyang asawa sa loob nang kanilang tahanan habang dinala niya ang kanilang mga alaga sa loob nang yungib nang tahanan. Binuksan niya ang yungib nang tahanan ng mga Roshan. Tumuloy sila nang kanyang anak, habang buhat-buhat niya ito sa kanyang likuran. Pumasok sa loob nang yungib at saka pinakawalan ang alaga sa pagkakatali nito, at sa paratilya at sapin na nasa likuran nang asong-gubat. Sinarado niya ang lagusan nang yungib at saka lumabas sa kabilang lagusan na nagdudugtong sa loob nang kanilang tahanan. Sinarado niya ang pintuan nang lagusan, tinakpan ang pintuan ng pantapis at lumabas nang madilim na pasilyo, bumaba sa mga nakaangat na sahig nang tahanan at naglakad sa malawak na lupain sa gitna nang kanilang tahanan. Sinarado ang pangunahing lagusan at saka bumalik papasok sa loob nang kanyang tahanan.

Sa kanyang paglalakad sa malawak na lupain sa gitna nang tahanan, nabaling ang kanyang pansin sa nakasinding kawan na may tatlong panungkod na paa at nakapatong sa plataporma nang tahanan. Kasunod noon nabaling ang kanyang pansin sa bulwagan sa loob nang tahanan at tumuloy siya papasok sa kanyang tahanan.

Pumasok siya sa loob nang bulwagan bitbit ang panganay na anak na isang taong gulang at doon, nakita niya ang kanyang nakatatandang kapatid, Ang Adi Hikmet kausap ang kanyang ina at ang Hadi Fadil. Lumapit siya sa mga ito at sa kanyang paglalakad napansin niya, hindi sa kalayuan nang mga ito, nagtatago sa kasuluksulukan ang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat.

Nagbigay siya nang paggalang sa mga ito, pagkatapos noon agad din siyang umalis sa bulwagan at dinala ang kanyang anak sa kanilang silid mag-asawa sa ikalawang palapag nang tahanan kung saan naroroon ang kuna nang anak. Ibinaba niya sa kuna ang hadi Merkabah. Inayos ito nang mabuti…at saka lumabas nang silid-tulugan.

Tanong niya, “akala ko umalis na kayo!”

Wika nang Hadi Yasir sa kanya, “wala kang dapat na ipag-alala…para sa iyong kaalaman wala na kami dito!”

Pagtataka nang Hadi Batul, “kung ganon ano ang ginagawa niyo pa dito!”

Wika nito sa kanya, “bago ako umalis may gusto akong sabihin sa iyo…at gusto ko makinig kang mabuti.”

Nabigla ang Hadi Batul. Hindi siya mapakali sa mga sandaling ito habang nakaupo sa isa sa mga batuhang upuan na nakadikit sa dingding ng tahanan.

Pagpupumilit nang Hadi Yasir sa kanya, “Hadi Batul…Hadi Batul! Kailangan mong pakinggan ang lahat nang sinasabi ko sa iyo. Para ito sa kinabukasan nang iyong tahanan at nang Ja’khar. Naiintindihan mo ba? Para ito sa iyo…sa iyong kasaysayan at sa magiging kasaysayan pa nang buong Ja’khar sa ilalim nang iyong pamumuno.”

Nagulat siya. Tumango-tango siya.

Wika nito sa kanya, “mabuti kung ganon. Ngayon unang-una sa lahat bago ko kailangang sabihin sa iyo ang mga kailangan mong gawin, gusto kong sabihin sa iyo na hindi pa ito ang tamang pagkakataon para muling ibalik ang kalipunan ng mga Hadezar. Sinabi na sa akin nang iyong ina kung ano ang mga nangyari sa pag-uusap sa tahanan ng mga Harith. Alam ko kung bakit ito ginagawa nang tahanan ng mga Harith…Isang paghihigante. Malinaw na gusto nilang paghigantihan ang pagkamatay nang kanilang patnugod, pinuno nang kanilang tahanan.”

Wika niya, “ikaw ang pumatay sa Hadi Mahdi!”

Ngumisi ito sa kanya. Tugon nito, “oo…ako ang pumatay sa Hadezar pero sabihin mo sa akin kailangan niya nga bang talaga na bantaan ang pagpatay sa aking mag-ina?” muli itong ngumiti sa kanya. Dagdag nito, “O Hadi Batul nang dahil sa kanya at sa kanyang impluwensya maraming tahanan ang bumagsak at nasira…at isa na ang tahanan ng mga Barakat sa mga nasira!”

Tanong niya, “ano ba ang gusto mong ipagawa sa akin?”

Wika nito sa kanya, “ang gusto ko pangalagaan mo at pamunuan mo ang gagawing pagpupulong sa pagitan nang inyong mga tahanan at nang kapisanan nang mga magsasaka at mga may-ari nang mga lupain.”

Wika niya, “tama nga… Ikaw nga ang may dahilan kung bakit hindi naging bahagi nang kalipunan ng mga Hadezar ang aking tahanan. Kung bakit wala kaming napala nang tulungan ka namin. Matapos mong hingin ang tulong namin na tulungan kang patakasin sa Ja’khar? Ngayon naman hinihingi mo ang tulong ko, na tulungan at kampihan ang aming mga kalaban!”

Wika nito sa kanya, “hindi ako!”

Pagtataka niya, “ano?”

Dagdag nang Hadi Yasir, “hindi ko sila tinulungan o kinausap para kalabanin ang inyong tahanan. Hindi ako ang lumikha nang isang kapisanan na para sa mga magsasaka at sa mga may-ari nang mga sakahan. Sila…sila ang kumilos, hindi dahil sa inyo ni kahit sa aking pag-uutos. Tinanong nila ako, nandiyan ang iyong kapatid siya ang kasama ko nang dumating ang Hadi Eno at Adi Baqira sa aming tahanan, siya ang magpapatunay na ako ang unang-unang tumutol na hindi makabubuti na gawin ito ngayon!”

Tanong nang Hadi Batul, “ngayon?”

Wika nito sa kanya, “oo ngayon…dahil hindi magtatagal mangyayari at mangyayari ang bagay na ito sa Ja’khar at sa mga susunod pang mga estadong lungsod sa labas nang Ja’khar. Alam mo ba kung ano na ang nangyayari ngayon?”

Pagtataka nang hadi Batul sa kanya, “ikaw alam mo ba ang nangyayari ngayon sa iyong paligid?”

Tugon nito, “hindi!”

Ngumiti ang Hadi Batul. Wika niya dito, “wala kang kaalam-alam para pangaralan ako at tanungin kung alam ko ang nangyayari sa labas nang ating bayan kung ikaw mismo hindi mo nakikita kung ano idinulot mo para sa aming bayan. Ang lahat nang kamatayan, ang ginawa mong kaguluhan…hindi ako nakakalimot bahagi ako nang pagmamanipula mo. Sinasabi mo sa amin kung ano ang gusto naming marinig, paniniwalaan ka namin…tutulungan ka namin sa huli hindi kami ang makikinabang. Akala ko, kahit kailan simula nang bata pa lamang ako at pinakasalan ko ang iyong pamangkin…hindi na dapat pa kaming naniwala sa inyong mag-asawa. Kinuha mo ang aking kapatid sa aming tahanan, ngayon hindi ko na siya kilala pa…”

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo sa isa sa mga batong upuang nakadikit sa dingding nang bulwagan. Kasunod noon lumabas siya nang bulwagang silid. Iniwan ang mga ito at nagsimulang maglakad papasok sa madilim na bahagi nang pasilyo. Hinawi ang tapiserya na tumatakip sa lagusan at sa pinto. Binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Nakita niya ang mga asong-gubat sa loob na nakahiga at nagpapahinga. Ngayon niya lang napansin Mamé na naroroon sa loob nang yungib. Ang bigat-bigat nang kanyang pakiramdam. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya, kung ano ang gusto niyang maramdaman nang mga sandaling ito.

Hanggang sa bumukas ang yungib ng tahanan at narinig niya ang pagtawag sa kanya nang kanyang nakatatandang kapatid.

Wika nito, “…pwede ba tayong mag-usap!”

Tinawag siya nito sa pangalawang pagkakataon. “Hadi Batul!”

Nilingon niya ang kanyang kapatid. Nakita niya ito na nakatayo sa kanyang harapan. Nakabukas ang lagusan nang silid. Nakahawi ang tapiserya nang pintuan. Naroroon ang Adi Hikmet, na nagbubuntis.

Wika nito sa kanya, “natatandaan mo noon kapag pinagagalitan ka palagi ka ditong nagpupunta!”

Hinawi nito ang tapiserya. Sumilip sa likuran nito at saka muling ibinaling ang pansin nito sa kanya. Pumasok ito sa loob nang yungib. Sinarado ang pinto nang lagusan.

Pagtataka niya, “ano ba ang ginagawa mo dito?”

Wika nang Adi Hikmet sa kanya, “wala gusto lang kitang makausap.”

Wika niya, “kung sa inaakala mong mapipilit mo kong gawin kung anoman ang gustong gawin nang iyong asawa nagkakamali ka, Hindi mo ako mapipilit!”

Wika nang Adi Hikmet, “sige…hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Maaari mo ba akong tulungan na makababa.”

Lumapit siya sa kanyang kapatid. Hiningi niya ang kamay nito at ibinigay nito sa kanya ang kamay nito. Tinulungan niya itong makababa sa yungib. Nagpasalamat ito sa kanya.

Tanong niya dito, “kailan ka manganganak!”

Wika nito sa kanya, “matagal pa, dalawang buwan pa.”

Wika niya, “kung mangyari iyon…wala ka na dito sa Ja’khar! Saan ba kayo pupunta nang Hadi Yasir!”

Wika nito, “hindi ko pa alam.”

Tumango-tango siya. Sinabi niya na makabubuti kung sa Qaa’ur maisisilang nang kanyang kapatid ang anak nito…may nakapagsabi sa kanya na mabuti daw ang pagpapaanak nang mga Mata kung gugustuhin nitong maisilang ang panganay sa mga isla nang liwanag nang buwan.

Tanong nang kanyang kapatid sa kanya, “doon sa sinabi mo sa Hadi Yasir. Totoo ba iyon, hindi mo na nga ba talaga ako kilala?”

Tugon niya, “hindi ko na alam!”

Wika nito, “naiintindihan ko.” Lumapit ito sa isa sa mga haligi. Sinubukan nitong tumungkod dito. Gayong nakaramdam siya nang pag-aalala sa kanyang kapatid. Naghagilap siya nang mauupuan nito at nang nakakita pinaupo niya ito sa mataas na upuan na malapit sa pagawaan nang yungib.

Sinubukan niyang tulungang makaupo ang kanyang kapatid. Gayong tumanggi ito at sinabing kaya na nito.

Wika nang Adi Hikmet, “Hindi na kailangan— Alam mong hindi mo dapat ginawa iyon sa Hadi Yasir. Kahit anoman ang isipin mo hindi masama ang layunin niya para sa inyo!”

Ngumisi siya. Tulad nang inaasahan mauuwi rin ang kanilang pag-uusap sa ganito.  Tugon niya, “pero hindi rin ibig sabihin noon na makakabuti iyon para sa amin…”

Wika nito, “hindi masama ang Hadi Yasir!”

Wika niya, “o Adi Hikmet hindi mo kailangang ipagtanggol sa akin ang iyong pinakamamahal na asawa! Ilang ulit ka na ba niyang sinaktan at niloko.”

Wika nang kanyang kapatid, “nagkakamali ka.”

Wika nang Hadi Batul, “Adi…tama na!”

Tumayo ito sa kinauupuan nito. Pagpapatuloy nito sa kanya, “subukan mong kausapin ang Hadi Yasir. Makinig ka sa kanya dahil mahalaga ang sasabihin niya sa iyo. May kinalaman ito sa kinabukasan nang tahanan ng mga Roshan!”

Bumukas ang lagusan na nagdudugtong sa loob nang tahanan at sa yungib. Narinig nila ang pagbukas nang pintuan dahilan upang lumingon silang pareho sa gayon nabaling ang kanilang pansin sa kanilang ama. Tinawag nang Hadi Yusuf ang kanyang nakatatandang kapatid. Sinabi nito dito na matapos na makapagtanghalian sa kanilang tahanan ay maaaring ang mga ito na dumito. Nagkausap na ang kanyang ama at ang ahas na Hadezar. Sinabi nito sa kanila na pinaliwanag na nito dito na makabubuting umalis sila nang Ja’khar sa kalagitnaan nang gabi gayong iilan ang maaaring maghinala na tinatago nila ang mga ito sa kanilang tahanan.

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Hikmet.

Matapos noon tinawag siya ng kanyang ama. Inutusan siya nitong tumulong sa paghahanda nang kanilang kakainin ngayong pananghalian.

Bagay na kanyang tinalima.

Tinulungan niya ang Hadi Yusuf na magluto nang kanilang tanghalian. Nagluto sila nang karne nang Mantahungal na kanilang inihaw. Nagsaing siya nang kakanin na malagkit at naglaga nang mais. Gumawa ang kanyang ama nang sawsawan na mula sa pinaasim na singaw nang gata na mula sa puno nang buri. Pinipig na mula sa pinatuyong hindi pa nahihinog na bunga nang mais at maanghang na pampalasa.

Tumulong ang Hadi Fadil sa paghahanda nang kanilang pananghalian sa loob nang bulwagan nang tahanan. Nakita niya ang kanyang asawa na kinakausap nito ang tiyo nito habang buhat-buhat nilang pareho ang kanyang mga anak. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Kung ano ang isinisiksik nang Hadi Yasir sa isipan nang kanyang asawa.

Pinagsaluhan nila ang tanghalian nang hapong iyon.

Matapos ang pananghalian umakyat siya sa hardin sa ikalawang palapag nang tahanan sa balkon na nasa ibabaw nang yungib nang tahanan nang kanilang mga alagang hayop. Umupo siya sa isa sa mga malalapad na mga upuan na may mababaw na sandalan at mahahabang patungan nang kamay. Sinubukan niyang ipikit ang kanyang mga mata. Ngunit hindi siya makatulog.

Nang hapong iyon sa kanyang pag-iisa narinig niya ang tinig nang Hadi Yasir.

Sinabi nang ahas na hadezar sa kanya na alagaan niya ang kapatid nito at ang pamangkin nito na kanyang asawa. Na huwag niyang hahayaan na may mangyaring hindi maganda sa dalawang ito. na siya na ang bahala sa mga ito.

Pagkatapos noon hindi niya na ulit narinig pa ang tinig nang Hadezar.

Nang gabing ito umalis nang Ja’khar ang mga ito sa kanilang tahanan. nagpaalam ang Adi Hikmet sa kanyang mga magulang. Tinalikuran niya ito…Hindi nagtagal tuluyang umalis ang mga ito sa kanilang tahanan sakay kay Amarok at Mamé.

Matapos noon bumalik sila sa loob nang kanilang tahanan. Sinarado niya ang pintuan nang lagusan habang tuluyang pinatay nang kanyang ama ang nakasinding kawan.

Alam nang lahat na para ito sa ikabubuti nang higit na nakararami.

Pagkapatay nang mga nakasinding timsim umakyat siya sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan Pumasok sa loob nang kanilang silid mag-asawa kung saan nakita niya ang Adi Ismat na nag-aalaga sa Hadi Hazan.

Sinarado niya ang pintuan nang kanilang silid. Hinayaan niyang nakabukas ang mga durangaw para pumasok ang malamig na simoy nang hangin. Kasunod noon hinubad niya ang kanyang suot na Báta. Ipinatong ito sa mataas na lamesa malapit sa nakasinding timsim sa loob nang kanilang silid.

Umupo siya sa mataas na upuan. Tinanggal niya sa pagkakatali ang kanyang mga sandalyas gayong habang ginagawa ito tinanong niya ang kanyang asawa kung ano ang sinabi nang Hadi Yasir dito kanina matapos sa pananghalian nang nakita niyang kausap nito ang kanyang asawa.

Sinabi sa kanya nang Adi Ismat na himukin siya nitong paburan ang kapisanan nang mga magsasaka at pamunuan ang mga ito na palakihin ang Ja’khar hanggang sa kabilang ilog.

Bagay na kanyang ikinangisi. Tinanong niya ang kanyang asawa kung iyon lang ang sinabi nito dito. Bagay na sinang-ayunan nito sa kanya. Tinanong siya nito kung may kailangan pa ba siyang malaman.

Gayong itinanggi niya.

Sinabi nang Adi Ismat sa kanya na makabubuti kung susundin niyang gawin ang sinabi ng ahas na Hadezar. Sinabi nito sa kanya na walang masama kung susubukan nitong gawin ang sinasabi nang Hadi Yasir, ang matagal na dapat ginawa, at sinubukang gawin nang Ja’khar. Gayong sa tingin nito na ito ang makabubuti para sa lahat.

Matapos noon tinanong siya nito kung ano ang sa tingin niya. Gayong hindi siya nagbigay nang tugon dito. Hinubad niya ang suot niyang saluwâl at humiga sa kama nilang mag-asawa nang nakabahag lamang at saka binaling ang pansin sa kisame nang kanilang habang nakaunan sa kanyang batok ang kanyang nakayuping kaliwang braso.

Pinagmamasdan niya ang kisame…

Nang sumunod na araw isang pagpupulong ang hiniling nang kapisanan nang mga magsasaka sa tahanan nang mga Roshan. Nagpaalam ang Hadi Eno sa kanyang ama nang makausap ito kahapon sa hindi sinasadyang pagkikita kung mamarapatin nang kanyang ama na pagbigyan nila ito sa pagkakaroon nang talastasan. Bagay na unang pinagtakahan nang kanyang ama.

Inilahad ito nang kanyang ama sa panananghalian kasama nang mga Barakat. Gayong nang hingin nang Hadi Yusuf ang palagay nang ahas na Hadezar wala itong nasabi kung hindi kilala nito ang Hadi Eno at hindi ito gagawa nang hindi maganda at ikasisira nang tahanan nito at nang pangalan nang ama nito. Na sa kanyang palagay ay malinaw na sinasabi nang ahas na Hadezar na sila na ang bahala sa Ja’khar gayong hindi naman nakapagtataka na lantaran na nilang pinalalayas ang mga ito sa kanilang bayan.

Pinagbigyan nang kanyang ama ang pagkakaroon nang pakikipagtalastasan sa Hadi Eno…Nang umagang ito dumating ang mga ito sa kanilang tahanan. Kasama nang pinuno nang kapisanan nang mga magsasaka at may-ari nang mga taniman, at may-ari nang sakahan nang maisan na si Hadi Eno ang Hadi Ogeyerg na pinaglilingkuran nang kanyang nakababatang kapatid at ang Hadi Garam na kanyang pinagtatrabahuhan.

Nang hapong iyon pinag-usapan nila ang balak nang kapisanan na palawakin ang bumubuo dito. Hiningi nang mga ito ang payo nang kanyang ama na kung makabubuting kumbinsihin at kausapin nang mga ito ang mga mangingisda at ang mga unyon na nagtatrabaho dati sa ilalim nang patnugot nang tahanan ng Hadi Khalil.

Tinanong nang kanyang ama kung ano ang dahilan kung bakit ang mga ito ay hinihingi ang payo nito.

Gayong sinabi nang Hadi Eno sa kanila na makabubuti ang pagsangguni sa tahanan ng mga Roshan dahil hindi maitatanggi ang malasakit at katapatan nito sa kanilang bayan…bagay na kung tutuusin ay isang malinaw na pabagsak sa kanilang tahanan.

Sinabi nang Hadi Ogeyerg na gayong malinaw na walang kakayahan ang kalipunan nang mga Hadezar na mamuno marapat lang na pagbigyan ang Kapisanan na tumulong sa pag-aalaga at pamumuno habang hindi pa tuluyang nakakabangon ang Kalipunan nang mga Hadezar.

Tinanong niya ang Hadi Garam kung ano ang palagay nito sa pag-uusap gayong tulad nang mga ito ay lantaran ang panghahamak sa kanilang tahanan. Tinanong niya ang kanyang pinagtatrabahuhan kung may sama ba nang loob ito. Gayong tinanggi ito nang Hadi Garam at sinabing katulad rin niya ay para ito sa malaking tulong na makukuha nang tahanan nito at maging sa ikabubuti nang Ja’khar.

Sinabi nito sa kanya na walang masama kung pakikinggan ang kapisanan gayong sila ang tunay na kumikilos para sa Ja’khar.

Hindi niya nagustuhan ang pananalita nang Hadi Garam. Pinigilan siya nang kanyang ama na gumawa pa nang kaguluhan.

Sinabi nang kanyang ama kung ano ang nararamdaman nito. Humingi ito nang tawad sa mga ito sa kadahilanang wala itong maibibigay na tulong…o kung kagustuhan nang mga ito na kausapin ang tahanan ng mga Harith at kumbinsihin ang mga ito na tumulong para sa pag-uusap nang mga ito dito ay hindi kayang gawin nang kanyang ama. Sinabi nang kanyang ama na wala itong masasagot na kahit ano. Magkagayonman ibinigay nang kanyang ama ang buong tulong sa pag-usad na ito nang Ja’khar kahit pa masakit sa loob nito ang pag-amin nang pagkatalo.

Malinaw na isa itong pagkatalo nang kanilang tahanan. Gayon sa kanilang pag-uusap nang kanyang ama kung bakit ito ang naging desisyon na panigan at tulungan ang Kapisanan ay sinabi nito na paano sila mananalo kung ang kanilang kalaban ay kanilang pinamumunuan din.

Sinabi nang kanyang ama na hayaan ang mga ito na gawin kung anoman ang gusto nilang gawin hindi magtatagal babalik din ang mga ito at hihingin din ang kanilang tulog…sa huli sila ang tunay na magwawagi. Ang kailangan lang gawin ang maghintay at tulungan ang mga ito habang pinalalasap nila sa mga ito ang sandaling kalayaan.

Kinausap nang kapisanan nang mga magsasaka, nang may-ari nang mga sakahan at taniman maging nang pagpaparami nang mga hayop ang mga unyon na tapat na naglilingkod sa tahanan ng mga Ardashir, ang mga mangingisda, ang nag-aani nang mga asin at nagtatanim nang mga nakakalasing na inumin at nagtatanim nang mga pampaanghang na pampalasa, at ang mga gumagawa nang mga sasakyang pandagat na sumapi sa kapisanan kapalit ang kaparakan na may layuning pamahalaan ang sarili sa iisang pamumuno habang umuugong-ugong ang pamahalaan nang kalipunan ng mga Hadezar. Kasama sa kaparakan nang mga ito ay tuwiran at payak na pagpapalitan nang produkto nang walang halong pangingialam nang kanilang mga tahanan ng mga Harith at Roshan.

Panatilihin ang saligan na buo, suriin, bantayan at bawasan ang kapangyarihan at impluwensya nang kanilang mga tahanan at higit sa lahat ang hindi na maulit pang kaguluhan na makailang beses nang nangyari sa kanilang bayan na sila-sila rin ang nagdulot nang karahasan at takot.

Kinausap nang kanyang ama ang Adi Dilshed. Sinabi nito sa matabing Adi na panahon na para bumaba ang kanilang tahanan sa yabang at dunong na tinataglay nang mga maliliit sa kanila.

Dagdag nang kanyang ama ginawa ito nang Hadi Yasir ng makailang ulit kasama ang kanyang kapatid sa paglilibot sa buong nasasakupan nito. Naging kabahagi ang mga ito sa tahanan ng mga Barakat sa ilalim nang pamumuno ng Hadi Yasir, sa bawat kainan at tawanan…

Gayong sa tingin nang Adi Dilshed alam nito kung bakit ito ginawa nang ahas na Hadezar. Isa itong isterismo sa takot nang pagbagsak. Mga dagang tumatakbo papalayo sa lumulubog na sasakyang pandagat.

At nauunawaan ito nang matandang Adi nang tahanan. Gayong tiniyak nito na paikot-ikot lang ang lahat sa daigdig, na darating ang araw na babalik ang mga ito sa kanila at sila ang magiging mabuti mula sa larawan nang kasamaang pinipinta nang mga ito sa kanila.

Saloobloob niya hindi lang produkto o serbisyo ang ibinigay nang Hadi Yasir, gayong ginagawa rin nila ito, bagkus itinuring nang mga ito na kabilang sa tahanan ng mga Barakat.

Sumabat siya sa pag-uusap nang kanyang ama at nang Adi Dilshed habang nasa loob sila nang pabilyo nang tahanan nang mga Harith. Sinabi niya na sa tingin niya sa tinuran nang Adi Dilshed na hindi ito tungkol sa kanilang pagmamalabis o sa kanilang pagiging masama sa mga mata ng kapisanan bagkus naniniwala siya na tungkol ito sa gutom…at hindi sa pagtuturo nang magpababalingan ng sisi.

Marami ang nagugutom…marami ang nagtatrabaho sa ilalim nang isang pamunuan gayong unang-una hindi pa lubusan na nakakabangon ang kanilang bayan mula sa pinsala nang nagdaang masamang panahon, sa pagpasok nang maagang taglamig at pagka-unano nang mga tanim. Lalo na ang utang nila sa mga manlalayag at mangangarabana na kada dating ay binabawasan ang laman nang dapat sa kanila.

Na ang totoo kailangan nilang magpasalamat nang marami dahil mahabang panahon man ang dulot nang ginagawa nang mga ito sa Ja’khar, lalo pa na paparating ang pagpasok nang panahon nang tag-ulan, ay halos hindi ito mararamdaman nang kanilang bayan liban lamang sa mas mababa sa kanila at sa mga hikahos.

MALAKITH

Sa timog-kanlurang bahagi ng Ka’desh matatagpuan ang magiting na isla at tahanan ng mga Gador— Ang Gador’Ur, ang isla ng itim na Bato. Isa ang mga Gador sa tatlong unang mga lahi na nakarating sa malayang Andes nang Silangan sa pamamagitan nang tulay na mga lupa tatlong libong taon na ang nakararaan. Mula sa Mahiwagang Andes nang katimugan pinaniniwalaan na naglakbay sila sa Sungay nang Mahiwagang Andes patungo sa kung saan ngayon na mas kilala ang timog na bahagi nang Malayang Andes.

Ang mga Kesh, Gador at mga Erebo ang tatlong mga lahi na nakarating sa Malayang Andes ng Silangan. Nagtungo sa hilagang bahagi ang mga Erebo kung saan itinayo nang mga Erebo ang sarili nilang bayan at pamahalaan na hindi kalaunan ay sinakop at pinagbagsak nang mga dayuhang nag-ibang dagat at tumakas mula sa tuluyang pagbagsak nang imperyo nang mga Vanlandi, ang Herren’si nang Asbalta. Habang nanatili ang mga Kesh at mga Gador sa katimugan kung saan nagagawa nilang makapaglakbay at makapagpalitan nang mga produkto at serbisyo sa pamamagitan nang tulay na mga lupa na nagdudugtong sa Malayang Andes nang Silangan at sa Mahiwagang Andes nang Kanluran bago ito tuluyang nilamon nang mga karagatan.

Nanatili ang mga Kesh at Gador sa katimugan sa sumunod na mahabang panahon kasabay nang pagbabago ng mga panahon. Nagdulot ito nang kakulangan nang pagkain at kawalan nang mga lupain na maaaring sakahan sa paglawak nang nagbabagang lupain. Sa sumunod na mga panahon sinubukang sakupin ng mga Kesh at Gador ang mga bayan nang Ja’khar at Qaa’ur ngunit pawang ang kanilang mga pananakop at marahas na pagnanakaw ay hindi nagtagumpay, lalo na sa Ja’khar.

Sa huli nagkasundo at napapayag nang mga pinuno nang Ja’khar at Qaa’ur na makipagpalitan nang mga produkto at serbisyo ang kanilang mga bayang sa dalawang bayan na nasa dulo nang kanilang daigdig. Kapwa parehong nagkaroon ng pagkakatatag nang isang pamahalaan at lipunan ang dalawang bayan. Sa tulong nang mga Qaa at Taiaman itinatag ang bayan nang Ka’desh habang minabuting piliin nang mga pinuno ng mga Gador ang pagiging mailap nang kanilang mga lahi at pagkakagawa nang isang napakataas na muog na pumapalibot sa buong isla at ang mismong mga haligi ay nakatarak sa mga lupa, ngayon kapag inisip ang Gador’Ur ang laman nang mga isipan nang mga mangangarabana at mga dayuhan kung hindi ang kanilang isla na gawa sa itim na mga bato at ang mga nagtataasang mga muog na mas makapal pa kaysa sa mga balat ng isdang Bakunawa na naninirhan sa mga ilog nang hilagang bahagi ng Malayang Andes at sa mga daliri nang Mata.

Nanatili ang mga Kesh na mga kapanalig nang Ja’khar at Qaa’ur habang bumalik sa pagpipirata at pagnanakaw ang Gador. Umunlad ang Ka’desh at nakilala ang bayan nang mga ito na tahana ng mga magigiting na mga mandirigma na pinamumunuan nang mga pinuno na tinatawag na mga Herren at maaaring pabagsakin sa pamamagitan nang paghamon nang masmalakas at masmakapangyarihan.

Kailanman wala nang narinig pa na kahit ano sa loob nang Gador’Ur liban lamang sa bawat tumatakas na mga Gador at tumatawid sa ilog nang mga luha at nagagawang tumakas mula sa mga lubak nang Hardin nang mga Buto at nakakarating na Qaa’ur at Ka’desh na nagsasabing patuloy ang nararanasang kahirapan sa loob nang bayan, kagaya na lamang sa mga nakalipas na mga kasalukuyang panahon. Minsan ang ga tumatakas o nakagagawang tumakas ay hindi na nakikita pang buhay at bangkay na lamang na palutang-lutang sa matatarik na baybayin at sa dagat nang tag-init.

Sa taong Dalawangdaan at pitumpu Eo nagsimula ang pag-angkin nang mga Kesh sa bayan nang Gador’ur sa hindi malamang dahilan, ito ay kumalat sa apat na sulok nang Malayang Andes nang Silangan.

Sinimulan nang Herren ng mga panahong iyon na si Izzaldin, anak nang yumaong mabuting Herren na si Ybrahim na angkinin at ituring na pagmamay-ari nang mga Kesh ang Gador. Nagsimula ang malawakang paghahanda at pagbabalak sa pag-angkin ng Gador’ur sa taong 270 Eo. Tuluyang gumuho ang pinagmamalaking mga muog na mga Gador sa taong 273 Eo at nagsimula ang pagsakop nang mga Kesh sa Gador’Ur sa sumunod na araw. Sa sumunod na mga buwan tuluyang bumagsak ang pamahalaan at ang lipunan ng ma Gador at hindi nagtagal naging alipin-bayan ng Ka’desh ang Gador’Ur.

Sa taong Dalawangdaan at pitumpu’t pito, sa panahon ni Eo (277 Eo) isang babaeng Gador ang nagsilang nang isang lalakeng sanggol sa loob nang kural ng mga baboyramo. Ito ay matapos nitong makatakas mula sa iilang mga Kesh na naghahanap dito. Tumakas ang babae mula sa mahabang panahon nang pang-aabuso at pananakit dito nang iilan sa mga Harras nang Ka’desh sa takot na mawala dito ang magiging anak nito, bagay na mahigpit na ipinagbabawal sa loob nang Ka’desh ang pagkakaroon nang ugnayan at anak ang isang Kesh at Gador.

Hindi nagtagal namatay ang batang babae mula sa komplikasyon nang panganganak. Maraming dugo ang nawala dito at ang murang-edad nito nagpalala nang kalubhaan ng panganganak nito. Ang sanggol ay bunga nang kawalang-hiyaan na pinaggagawa nang magigiting Harras ng Ka’desh sa batang babae.

Nakita nang isang binatang Kesh ang wala nang buhay na katawan nang babae habang nasa paanan nito ang anak nito at nilalawayan ng mga biik. Agad na tinawag nang binata ang kanyang pinuno, tinuran ang kanyang nakita at agad na nagtungo sa kung nasaan ang mag-ina.

Rinig ang ingay nang sanggol sa pag-iyak nito. Agad na kinuha ito nang matanda matapos na pagkaguluhan ng mga biik—nagsisimula nang kainin nang mga baboyramo ang labi nang batang babaeng Gador.

Kinuha ito nang matanda. Isang sanggol na nagtataglay ng salat na ilong, bughaw na mga mata, kulot-kulot na buhok at itim na balat na kasing itim ng kulay nang alkitran. Sa mukha nito at ulo ay may maliliit na kagat nang mga biik.

Tinanong nang isa sa mga binata na kasama nang matandang Kesh kung ano ang gagawin nila sa sanggol. Gayong inamin nang matanda na malinaw ang sanggol na ito ay bunga nang dalawang lahi, dahil kung hindi hindi magagawa nang ina nito na magtago sa banta nang kamatayan para sa sanggol.

Sinabi nang matanda na kukupkupin nila ang sanggol. Bagay na kanilang ginawa, itinuring nila itong sarili nilang mga kadugo…Itinago sa paghihigpit nang kanilang pamahalaan sa pagbabawal nang pagkakaroon nang anak na bunga nang dalawang lahi bagay na naging laganap matapos ang pagsakop at pag-angkin nang Ka’desh sa Gador’Ur. Pinangalanan ito nang mga Harras na nagtatago sa bata at nag-aalaga dito sa pangalang Malakith o araw sa gabi, mula sa pangalan ng makinang na bituin na tanging makikita lamang sa Malayang Andes ng Silangan kagaya ng nakakaakit na bughaw na mga mata nito—“Malakith!”

 

Advertisements

One thought on “KABANATA ISA:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s