KABANATA DALAWA:

KABANATA DALAWA:

ANG MGA PRINSIPE NANG JA’KHAR

Nagsimula ang araw na ito sa pagdating nang isang sasakyang pandagat na caracoa na galing mula sa daungan at bayan nang Qaa’ur. Isa ito sa apat na malalaking sasakyang-pandagat na dumaong sa baybayin nang Ja’khar, kasama nang mga balangay, maliliit na mga paraw at nang tatlong sasakyang-pandagat na caracoa na humuhumpilan sa loob ng dalampasigang kinasasakupan ng Ja’khar. Nang umagang ito, isang karwahe na hila-hila nang dalawang asong-gubat ang bumabagtas sa kahabaan nang dalampasigan nagmula ito sa kinasasakupang lupain nang mga Harith patungo sa daungan nang mga sasakyang pandagat na dating kinasasakupan nang tahanan ng mga Parvana, na mistulang ngayon ay pagmamay-ari na rin nang mga Harith.

Makulimlim ang umaga at may pagbabanta sa malakas na pagbuhos nang ulan at masamang panahon.

Tulad nang inaasahan tumigil ang karwahe sa bahagi nang dalampasigan na daungan ng mga sasakyang pandagat. Bumaba ang nagpapatakbo nang karwahe at tinulungan nito ang mga kasama nitong bata na makababa sa loob nang sinasakyan nang mga ito.

Kinarga nito ang isa sa mga bata habang hila-hila ang isa pa sa kanan nitong kamay inaalalayan na makababa sa mataas na buhanginan.

Isang maliit na bangka ang umalis sa tabi nang caracoa. May lulan itong mga gamit at ilang mga pasahero. Sa isang pagtataya may lima o anim ang nakasakay sa bangka nakatayo ang iilan habang nakaupo sa kalagitnaan nang bangka ang dalawa o tatlo pa nitong sakay. Inaalalayan nang iilang nakatayo sa likurang bahagi nang bangka ang mga gamit na dala at habang sinasagwan nang dalawa, ang isang nakatayo at ang isa o dalawang nakaupo sa unahan ang bangka patungo sa dalampasigan.

Tuluyan itong dumating sa dalampasigan bago pa ang pagbuhos nang ulan nang umagang ito. Bumaba ang mga pasaherong nakasakay dito. Tinulungan nang mga bangkero ang mga pasahero nito na maibaba ang gamit.

Nakiusap ito na kung maaari ay dalhin ito at isakay sa karwahe na nakatigil sa dalampasigan sa likuran nang isang matandang lalake at dalawang batang kasama nito. Bagay na sinang-ayunan at tinalima nang may-ari nang bangka. Kasama nang mga iilan inutusan nang isa ang mga kasamahan nito na dalhin ang mag gamit na nakatiwangwang sa bangka patungo sa karwahe na nasa dalampasigan.

Dinala nang iilang pahinante ang mga gamit, iba’t ibang laki nang mga baul na mistulang nagtataglay nang mamahaling mga gamit kung ingatan nang mga ito.

Nagpasalamat nang marami ang pasahero sa may-ari nang bangka kasunod noon inabot nang pasahero ang isang supot na gawa sa balat sa may-ari nang maliit na sasakyang pandagat.

Nagulat ang bangkero nang buksan nito at tignan ang laman nang supot. Nagpasalamat ito nang marami sa naging pasahero nito. Gayong tuluyan nang nagkahiwalay ang mga ito at umalis. Bumalik ang mga bangkero sa bangka habang lumapit ang mga pasahero nito sa karwahe.

Nang suriing mabuti at tignan kung sino ang mga ito laking gulat na makita nila ang Hadi Faysal kasama ang dalawa nitong anak na lalake at ang mga pasahero na nag-uusap.

Sa pagkikita nang mga ito at pagkakadaupang palad muling bumuhos ang patak nang mga ulan.

Sa patuloy sa pagsisiyasat at pagtatanong napatunayang ang caracoa ay galing sa Qaa’ur at ilan sa mga sakay nitong dayuhan sa kanilang bayan ay ang mga matatandang prinsipe ng Ka’desh na tumakas sa pagkamatay nang huling Herren at pagkakatatag nang bagong Herren nang Ka’desh.

Agad itong pinagbigay alam sa kung sino ang mas nakakaangat sa mga ito ngunit bago pa ito makarating ang tatlong inutusan na sundan, manmanan at siyasatin ang ginagawa nang mga Hadezar ay napatay at iniwan ang labi sa daanan, at mga palutang-lutang sa dalampasigan.

Ang Pagkilala sa Hadi Faysal

Bumangon ang Hadi Faysal nang umagang ito na wala na sa kanyang tabi ang kanyang asawa. Agad siyang tumayo sa kanyang hinihigan, nagbihis nang Báta at saluwâl. Sinuot ang sandalyas sa kanyang mga paa at saka bumaba sa ikalawang palapag nang kanyang tahanan. Sa kanyang pagbaba agad siyang nagtungo sa loob nang bulwagan. Sinamahan ang ina nang kanyang yumaong ama, ang kanyang asawa na si Adi Makbule at ang kanilang dalawang batang anak na lalake upang mag-agahan.

Kumain sila nang pinatuyong isda, tinapay na walang labadura, humigop ng mainit na sabaw at pinakuluang tsokolate. Matapos nito agad din siyang naghanda upang sunduin ang kanilang mga panauhin na galing pa sa Qaa’ur.

Pinaalala ito sa kanya ng kanyang asawa, ang huli matapos ang makailang ulit na pagpapaalala nito sa kanya. Tinulungan niya ang Adi Makbule na mag-ayos nang kanilang mga pinagkainan. Tinapos nang kanyang asawa ang mga gawain, at hindi nagtagal iniwan rin niya ito…pinuntahan ang kanyang mga anak na naglalaro sa labas nang bulwagan. Niyaya niya ang mga ito na sumama sa kanya. Tinanong niya kung gustong sumama nang mga ito. Bagay na sinang-ayunan nang mga ito. Kinuha niya mga. Hinawakan ang mga kamay nang dalawang bata at naglakad sila sa kahabaan nang pasilyo patungo sa paliguan. Una niyang pinaliguan ang kanyang mga anak sa mga paliguang nakabaon sa lupa. Kinuskos niya ang mga katawan nito, hinayaang makapagbabad sa paliguan at pagkaligo agad niyang binuhat ang dalawa at dinala sa loob nang silid nang mga ito.

Binihisan niya ang Hadi Malik at Hadi Mahsa. Sinuot niya sa dalawa ang magkaibang lilim nang bughaw, sa panganay na anak na lalake na si Malik binihisan niya ito nang matingkad na kulay nang bughaw na Báta at luntiang saluwâl. Habang kay Mahsa ay pakupas na kulay na bughaw na Báta at kulay luntiang bato na saluwâl. Sinuotan niya ang dalawa nang mga sandalyas nang mga ito at pagkatapos noon dinala niya ang mga ito sa kanyang amma pinakita ang dalawa ina nang kanyang ama.

Sunod siyang naghanda. Naligo siya sa loob nang paliguang silid, ibinabad ang sarili sa mga nakabaong butas sa sahig nang tahana na may tubig matapos magkuskos at pahiran ang katawan nang mabangong galapong na insenso. Pinunasan niya ang kanyang katawan pagkaahon. Itinapis niya sa kanyang beywang ang tuwalya na ginamit sa pagpunas sa kanyang katawan. Lumabas sa paliguang silid. Umakyat sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan, nagtungo sa kanilang silid mag-asawa at nagbihis.

Nagsuot siya nang bahag, nang madilim na kulay gris na Báta na gawa sa balat nang balyena, saluwâl na inayos niya at isinuksok sa pagitan nang kanyang mga hita at nilagyan nang mga bakal na panara sa binti at sinturon na may bakal na hebilya. Gawa ito sa hinabing bulak at may disenyong okri. Inayos ang kanyang buhok at itinali ito sa kanyang likuran. Nilagyan nang mga bughaw na batong hikaw ang kanyang mga tenga at saka nagsuot ng sandalyas sa kanyang mga paa.

Kinuha niya ang kanyang mga anak sa Adi Dilshed. Nagpaalam sa ina nang kanyang ama at sa kanyang asawa. Kasunod noon sinakay niya ang dalawang bata sa karwahe. Lumabas nang kanilang tahanan na hila-hila nang dalawa nilang asong-gubat na sina Ashraqat at Higalik. Umalis sa tahanan nang mga Harith at binaybay ang kahabaan nang mahabang dalampasigan nang Ja’khar upang sunduin ang kanilang mga panauhin galing sa malayong lugar.

Tinanong nang Hadi Malik sa kanya kung saan sila pupunta.

Sinabi niya na pupunta sila sa dalampasigan gayong pinuna nang kanyang panganay na nasa dalampasigan na sila bagay na kanyang tinawanan.

Sinabi niya na pupunta sila sa daungan nang mga sasakyang pandagat. Tinanong niya ang Hadi Mahsa kung gusto ba nitong makakita nang mga sasakyang pandagat bagay na pinagtakahan nang kanyang bunso.

Tinanong niya ang mga ito kung gusto ba nitong makasakay sa isa sa mga sasakyang pandagat bagay na tinanggi nang mga ito. Sinabi nang Hadi Malik na gusto nitong gumawa nang malaking sasakyang pandagat.

Tinanong niya kung gaano ito kalaki. Tinanong niya kung kasing laki ba ito nang napakaraming sasakyang pandagat. Bagay na sinang-ayunan ng kanyang panganay. Sinabi nang kanyang anak na isang sasakyang pandagat na kayang umikot at umikot at umikot sa buong mundo.

Bagay na nakakatuwang isipin.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay.

Hindi nagtagal narating nila ang bahagi nang dalampasigan kung saan makikita ang mga daungan nang mga naglalakihang mga sasakyang-pandagat.

Lumingon siya sa kung nasaan ang kanyang mga anak. Sinabi niya na nandito na sila. Niyaya niya ang mga ito na bumaba…at sinabi niya na may ipapakita siya sa mga ito.

Una siyang bumaba. Sumunod sa kanya ang Hadi Malik. Binuhat niya ito at ibinaba sa buhanginan. Sunod niyang binuhat ang Hadi Mahsa. Kinarga niya ito…Kasunod noon naglakad sila sa buhanginan.

Bumaba sila sa mataas na buhangin pababa sa mapatag na bahagi nang dalampasigan.

Humingi nang karga ang Hadi Malik. Sinabi nang kanyang panganay na may buhangin sa suot nitong sandalyas gayong pinaalala niya na malaki na ito at hindi na dapat pang kargahin.

Tumigil sila sa kanilang paglalakad nang mamataan niya ang pagdating ng bangka na lulan ang kanilang mga panauhin. Tinuro niya sa kanyang mga anak papalapit na sasakyang pandagat na caracoa at ang bangka sa kanilang kinaroronan.

Tinanong nang Hadi Malik kung sino ang mga iyon.

Sinabi niya na iyon ang kanilang mga panauhin. Tinanong niya ang kanyang mga anak kung gusto ba nang mga ito na makilala ang kanilang panauhin at sinabi nang Hadi Malik na hindi nito gustong makita ang kanilang mga panauhin.

Tumigil ang malaking bangka sa dalampasigan. Unang bumaba ang kanilang mga panauhin, mga Kesh na nagtataglay nang mga jata na buhok, malilim na kayumangging balat at itim na mga mata. Matitingkad ang kanilang mga suot na damit. Ang isa ay nakasuot nang kulay kahel na pang-itaas naka-ekis na tela sa dibdib nito at nagtataglay nang mga bughaw na panali ang suot nito, ang braso ay may mga balat. Ang pantalon nito ay balat na iibabawan nang mahabang panapis na nakatali sa beywang nang pantalon nito at sa pulinas. May dala itong bagahe na tiklis na nasa likuran nito at ang mga panali ay nakasabit sa mga balikat nito.

Ang isa naman ay nakasuot nang gayak pandigma, ang braso dibdib hita at beywang nito ay nagtataglay nang baluting Aghoy na pangoli.  May panali sa noo nito na gawa sa tela at kulay bughaw. Sa ilalim nang mga pananggalang nito sa katawan ay pantalon na balat at kulay kayumangging pang-itaas na sando. Nagtataglay ito nang mga balat na sinturon sa beywang nito kung saan nakasukbit sa kaluban nang sandata nito ang espada nitong Flyssa.

Kapwa parehong tumutulong sa pagbubuhat nang mga dala nitong mga gamit.

Habang ang isa nakatali sa ulo nito ang isang telang kulay pula. Kayumangging balat na kamisa na may manggas na hanggang sa ibabaw nang braso nito. May pantapis na mahaba na hanggang sa ibabaw nang tuhod nito na burdado at may mga tahing bakal. Balat na garing ang kanan nitong kamay. Pantalon sa loob nang pantapis nitong gayak pandigma. At katulad nang iba nakasuot din ito ng sapatos na may nakaluwang suwelas. Balot ang mga paa hindi katulad sa kanila na nagtataglay nang mga sandalyas lamang.

Kinakausap nito ang isa sa mga bangkero. Hindi nagtagal nagbigay ito nang supot na gawa sa balat na naglalaman nang mamahaling bagay. Dinala nang mga ito ang mga gamit sa loob nang karwahe. At matapos na makausap ang bangkero ang mga ito ay nagtungo sa kung nasaan sila. Naglakad ang mga ito sa buhanginan nang dalampasigan. Ang ilan buhat ang mga gamit na sila na ang may dala.

Lumapit ang mga ito sa kanila. Unang nagpakilala ang Hadi Faysal sa mga ito gayong hiningi niya ang kamay nang isa sa mga ito upang makipagkamay. At ibinigay ito nang isa sa mga dayuhang Kesh. Pinakilala nito ang sarili nito bilang si prinsipe Nerva. Gayong pinakilala rin nito ang mga kapatid nito, ang nakasuot nang gayak pandigma ay ang prinsipe Sarpendon at ang isa naman ay ang prinsipe Iserin.

Pinakilala niya ang kanyang mga anak matapos siyang tanungin nang mga ito kung sino ang kanyang mga kasama. Pinakilala niya sa mga ito ang Hadi Malik at Hadi Mahsa. Nagtago sa kanyang likuran ang Hadi Malik habang kinuha nang Prinsipe Nerva ang kamay nang Hadi Mahsa at nakipagkamay ito dito.

Sinabi nang prinsipe na mabubuti ang kanyang mga anak. Bagay na kanyang pinasalamatan. Matapos noon niyaya niya ang mga ito na sumakay sa loob nang karwahe at bumalik sa kanilang tahanan bagay na tinanggap ng mga ito.

Pinakilos niya ang mga asong-gubat na kanyang hila-hila.  Kumilos ang sinasakyan nilang karwahe. Umalis sila sa dalampasigang bahagi nang daungan nang mga sasakyang pandagat. Binaybay ang kahabaan nang dalampasigan.

Sa kanilang paglalakbay, nakaupo sa kanyang tabi ang dalawa niyang anak. Pinapagitnaan nila ang Hadi Mahsa nang Hadi Malik habang nasa likuran ang tatlong prinsipe ng Ka’desh.

Sinabi niya sa mga prinsipe na mabuti at nakarating sila nang ligtas sa kanilang bayan.

Bagay na pabirong wika ng prinsipe Sarpendon na iyon ay dulot nang mabuting pagtatago sa nakalipas na maraming taon.

Humingi nang tawad ang Haid Faysal. Sinabi niya na hindi iyon ang kanyang gustong sabihin.

Bagay na naintindihan nang mga prinsipe. Sinabi nang Prinsipe Nerva na alam nila ang gusto niyang sabihin. Sinabi nang Prinsipe Nerva na wala siyang dapat na ipaliwanag na naiintindihan nila kung anoman ang kanyang pinahihiwatig.

Dagdag nito na naging maayos ang kanilang paglalakbay sa dagat. Na marami silang kailangang ipagpasalamat sa diyos na si Acameya sa naging paglalakbay nang mga ito dahil walang masamang panahon ang sumalubong sa kanila at dumating sa Malayang Andes nang Silangan.

Nakarinig siya nang salitang Kesh. Hindi niya inaasahan na maririnig niya ito sa kanina pa hindi nagsasalitang prinsipe Iserin na inakala niyang walang yabang na tinataglay datapwat kakaiba ang tinataglay na pagiging mailap ng pag-uugali.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay. Narating nila ang dating tahanan ng mga Parvana na dating kinasasakupan nang bahagi ng dalampasigang ito. Ang nakakalat na sasakyang mga pandagat na ginagawa at inaayos nang mga manggagawa. Siguro napansin ito nang isa sa mga prinsipe na nakadungaw sa labasan nang karwahe habang nasa likuran ang mga ito. Mga libingan nang mga sasakyang pandagat, mga caracoa, na mga higante kung tutuusin. Nanatili sa itim na buhangin nang dalampasigan nakatirik ang mga mata at luwa ang mga dila ng mga puluhan.

Sinabi nang prinsipe Sarpendon na ngayon lamang ito nakakita nang mga naglalakihang mga sasakyang pandagat na ganito karami at kalalaki. Na higit pa sa tinataglay nang mga sasakyang pandagat na makikita sa daungan at baybayin nang buwan sa Qaa’ur. Hindi lang iyon naiiba ang mga sasakyang pandagat na kanilang nakikita sa wikang Kesh.

Gayong hindi pa ito tuluyang nagagawa.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay.

Pinagtakahan nang prinsipe Iserin gayong bakit asong-gubat ang ginagamit nilang mga Jingkar sa paglalakbay sa buhanginan sa dalampasigan sa kapatid nito sa wikang Kesh gayong mainam na gamitin ang mga Lampong at Saola sa paglalakbay sa ganitong mga daanan sa mga kapatid nito.

Hindi nagtagal narating nila ang kinasasakupang lupain nang tahanan ng mga Harith. Tanaw hindi sa kalayuan ang tore nang mga Anino, ang unang pagbagsak malapit sa mahabang ilog at ang mga debuho nang mga Hadezar sa baybaying dagat. Hindi nagtagal narating nila ang tahanan ng mga Harith.

Bumukas ang lagusan nang yungib ng tahanan. Sumambulat sa kanilang pagdating ang kanyang asawa na si Adi Makbule.

Narinig niya ang ngiti sa labi nang kanyang mga anak. Dali-daling lumapit sa kanila ang kanyang asawa. Kinuha ang Hadi Mahsa. Habang siya ibinaba niya sa karwahe ang Hadi Malik. Sinabi nang kanyang asawa ang mga salitang hindi niya inaasahan na maririnig niya rito. Sinabi nito sa kanya na ‘maligayang pagbabalik mahal kong asawa’

Hinalikan niya ito sa pisngi at kasunod noon pinakilala niya ang kanilang mga panauhin sa Adi Makbule. Pinakilala niya ang prinsipe Nerva na nasa kanyang tabi, ang prinsipe Iserin at ang prinsipe Sarpendon na nasa likuran nang karwahe.

Nagbigay nang paggalang ang kanyang asawa sa mga prinsipe bagay na binalikan nang mga ito ng paggalang.

Pagkatapos noon, pumasok sila sa loob nang tahanan ng mga Harith. Tinulungan niya ang prinsipe Sarpendon at prinsipe Iserin na dalhin ang mga gamit nang mga ito sa loob ng silid na tutuluyan. Pinuri nang prinsipe Sarpendon ang tahanan ng mga Harith. Sinabi nito na ngayon lamang ito nakakita nang ganitong tahanan. Dinala niya ang mga ito sa silid na nasa dulong bahagi nang kanilang tahanan. matapos ang pagbubuhat nang mga gamit nagtungo sila sa bulwagan nang tahanan ng mga Harith kung saan tinanggap nang kanyang asawa ang kanilang mga panauhin sa pamamaraan nang paghuhugas nang mga paa ng mga ito bilang paggalang at pagkilala na wala silang ibang hindi magandang layunin sa mga ito.

Nang dumating sila sa loob nang bulwagan naroroon ang Adi Makbule, kasama ang ina ng kanyang ama na si Adi Dilshed at ang kanyang mga anak. Kinakausap nang Adi Dilshed ang prinsipe Nerva. Sa pagpasok nila nakita sila nang ina nang kanyang ama. Sinabi nitong nandito na pala ang lahat. Gayong sinundan it nang paghuhugas nang mga paa nang mga ito. Una nilang tinanggap ang prinsipe Iserin, na sinundan nang prinsipe Sarpendon at nagwakas sa prinsipe Nerva nang Ka’desh.

Naroroon ang Adi ng tahanan ng mangyari iyon. Nakaupo ito sa isa mga upuang bato na nakadikit sa dingding nang bulwagan.

Tinulungan siya nang kanyang asawa sa paghahanda nang kanilang tanghalian nang umagang ito. Katuwang ang mga prinsipe nang Ka’desh pinagsaluhan nila ang pananghalian nang sigay at malagkit na kakanin.

Nang tanghaling iyon pinag-usapan nila ang buhay nang mga prinsipe sa Qaa’ur kung papaanong tumakas ang mga ito sa malupit na kamay nang bagong Herren na si Malakith at kung papaanong sinubukang habulin at sundan ng mga mandirigma nang bagong Hadezar ang mga ito na parang pinakawalang hayop sa panahon nang pangangaso. Sa loob nang mahabang panahon nabuhay sila sa pagtatago mula sa kanilang mga kalaban sa Ka’desh.

Humingi nang tawad ang Adi Dilshed sa nangyari sa mga magulang nito lalo na sa pagkamatay nang ina at mga kapatid nito, maging sa asawa nang prinsipe Iserin na nang mga panahong iyon ay nagdadalang-tao.

Wika nang prinsipe Iserin sa kanila sa wikang Jingkaris na wala silang kasalanan at ginawa lamang nila kung ano ang kinakailangang gawin, na ang totoo maaaring tadhana na ang kinasapitan nang mga ito sa pagkamatay sa dagat.

Hindi na nagpaliguyligoy pa ang Adi Dilshed. Sinabi nang Adi ng tahanan na alam nila kung ano ang tunay na dahilan kung bakit inimbita nila ang mga prinsipe nang Ka’desh sa Ja’khar at iyon ay upang tulungan sila nang mga ito sa pagpigil sa kanilang mga nasasakupan upang hindi makuha sa kanila ang pamamahala nang Ja’khar kapalit nang tulong na pagbawi sa Ka’desh.

At hindi ito itinanggi nang Prinsipe Nerva. Gayon tinanong nito sa kanila kung papaano makakatulong ang mga ito. At sinabi nang Adi Dilshed ang hindi niya inaasahan na maririnig niya sa matabing dila nang Adi ng tahanan.

Sinabi nang Adi Dilshed sa Prinsipe Nerva ang kagustuhan nang matanda na kumbinsihin ang mga Kesh na nandito sa kanilang bayan na sumapi sa adhikang magpapabagsak sa Herren ng Ka’desh. Gamitin ang mga Kesh sa kanilang bayan upang mapabagsak ang kapisanan nang mga pangkaraniwan.

Ngumiti ang Prinsipe Nerva.

Pagpapatuloy nang Adi Dilshed habang sila ay gagawin nila ang lahat upang kumbinsihin ang kapisanan na huwag umalis sa kanilang bayan ang mga kalahi ng mga ito. Sinabi nang matanda na pipilitin nila ang kapisanan na tutulan kung anoman ang dahilan ng pag-alis nang mga Kesh. Gagawa sila nang maliliit na kaguluhan na pag-uugatan nang paghahatihati nang mga ito. magsisimula ito sa bintangan, pagtuturo nang kung sino ang dapat sisihin gayong walang makakaalam na sila ang nasa likod nang lahat ng ito.

Tinanong nang prinsipe Nerva ang matanda kung papaano kung magkaroon ng kaguluhan. Nang pagdanak nang dugo nang dalawang mga lahi. Hindi kagustuhan nang prinsipe na ilagay sa mga kamay nito ang kasalanan nang pagkawala nang maraming buhay.

Bagay na ipinagkaila nang matandang Adi at sinabing hindi kailanman magkakaroon ng pagdanak ng dugo sa kanilang mga daanan at bayan. Na matapos ang nagdaang malaking kaguluhan hindi hahayaan nang kapisanan na magkaroon pa nang kahit anong patayan at karahasan sa kanilang mga lansangan at iyon ang isinisiguro nang matanda sa kanilang lahat.

Hindi magtatagal hahayaan din nang kapisanan na pakawalan ang mga Kesh sa kanilang bayan. Sasang-ayunan nila ang gagawin nang mga ito para sa ikabubuti ng kanilang bayan.  Makukuha nang mga prinsipe ang tulong sa kanilang mga kalahi. Matutulungan nila ang mga ito sa pagbawi nang kung anoman ang dapat na para sa mga ito.

Tinanong nang prinsipe Nerva ang matandang Adi kung akala ba nito ay gustong mawala ang kapisanan sa Ja’khar. Gayong bakit kinakailangang tulungan pa nila ang mga ito.

Sinabi nang Adi Dilshed na sino ba ang nagsabing tutulungan nila ang kapisanan nang mga magsasaka at manggagawa. Gayong wala silang hinahangad kung hindi pigilan ang mga ito sa pag-angkin nang dapat na sa kanila…ang pamumuno nang buong Ja’khar. Sinabi nang Adi Dilshed na hindi ibig sabihin na kukumbisihin nila ito na tuligsain at pigilan ang pag-alis nang mg kesh ay tutulungan na nila ito. Na ang totoo ay kukumbinsihin lang nila ang mga ito na wasakin ang sarili nitong kalipunan sa pag-iisip na ang kanilang ginagawa ay makakatulong nang malaki sa kanilang bayan at sa pang-araw-araw na pamumuhay kanilang mga kalahi bago pa tuluyang maging pananagutan ang mga ito sa kanila.

Sinabi nang Adi Dilshed na hindi na nito gustong maulit pa kung ano nangyari na nagdulot ng pagkamatay nang kanyang ama na anak nito. Malinaw na isa itong paghihigante.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan sa loob nang bulwagang silid matapos ang kanilang tanghalian. Maliwanag ang sikat ng araw nang tanghaling iyon. Malapit nang umalis ang panahon ng taglamig sa kanilang bayan.

Nagtungo siya sa loob nang silid-lutuan. Nakita niya ang Adi Makbule na tinatanggal ang mga natirang pagkain sa mga pinggan. Tinanong siya nang kanyang asawa kung maaari ba siya nitong tulungan. Bagay na kanyang tinalima.

Lumapit siya sa Adi Makbule. Niyakap niya ito. Tumigil ang kanyang asawa sa paglagay nang pinggan sa hugasin. Tanong niya, “alam mong babalik sa atin ang lahat nang mga gustong mangyari nang amma?”

Wika nito, “oo!”

Kinuha niya ang baso na nasa gilid nang lamesa. Ibinaba niya ito sa hugasin, malapit sa mga nakapatong na mga pinggan at nakaligpit na mga kubyertos.

Tanong niya, “bakit hindi mo siya pigilan…ikaw ang palagi niyang kasama?”

Tanong nito sa kanya, “may magagawa ba ako? Buo na ang kanyang desisyon…alam mo na walang sino man ang makakapigil sa matanda.”

Wika niya, “makakasira ito sa ating tahanan.”

Wika nang Adi Makbule sa kanya, “ito lang ang tanging paraan.”

Wika niya, “hindi. May iba pang paraan.”

Kinuha niya ang pinggan na nasa kamay nang kayang asawa. Ibinaba niya ito sa mga hugasin.

Tanong nito, “ano ang gusto mong gawin ko?”

Lumapit siya sa tenga nang kanyang asawa. Dumampi ang kanyang bibig sa tenga nito. Bumulong siya dito. Bulong niya, “gusto kong akitin mo nang masama ang isa sa mga prinsipe.” Kinuha niya ang mahabang damit na suot nang kanyang asawa. “Kuhanin mo siya sa iyong mga kamay tulad nang pagkuha mo sa akin. Linlangin mo siya sa mga kagustuhan na hindi niya nalalaman…” Hinawakan niya ito at itinaas saka pinasok ang kanyang kamay sa loob nang mahaba nitong palda. “mga bata pa ang mga prinsipe? Ano ang alam nila sa kayang gawin nang isang babae na katulad mo?” Hinipo niya ang Adi Makbule. Hinawakan niya ang ari nito. ipinasok ang kanyang daliri sa katawan nito.

Napakapit ang kanyang asawa sa dulo nang mataas na lamesang bato na nasa loob nang silid-lutuan nila. Tinanggal niya ang kanyang bibig sa tenga nang Adi. Ibinaba niya ang kanyang kamay mukha at inilapit ang kanyang bibig sa tenga nang Adi na nakalihis at nakaunan sa kanyang ulo. “Hihingi ako nang tulong sa ating panganay at sa tahanan ng kanyang asawa. Gayon din sa mga itinuturing nating mga kalaban. Kailangang mapigilan ang Adi Dilshed sa kahit anomang paraan! Kahit kamatayan niya man ang magiging kapalit.”

Nang banta na pagtanggal niya sa kanyang hinlalato hinawakan nang kanyang asawa ang kanyang kamay. Wika nito, “huwag mong tigilan —aahah!”

Tinanggal niya ang kanyang kamay sa loob nang damit nang kanyang asawa. Hinugasan niya ito sa tubig na nasa palanggana. Matapos noon kinuha niya ang mga pinggan na may lamang tira na ipapakain sa mga alaga nilang hayop. Lumabas siya sa loob nang silid-lutuan. Kinuha ang malaking palanggana na nasa labas nang silid-lutuan sa madilim na pasilyo. Kumuha nang tiring pagkain at mga Kinatay na mga karne nang baboy at inihalo ang mga ito gamit nang kanyang kamay. Pinaghiwalay ang mga ito sa bawat kainan nang kanilang mga alaga at nagtungo sa loob nang yungib nang tahanan nang mga hayop at pinakain ang mga ito.

Nang Hapong ito umalis siya sa tahanan ng mga Harith sakay kay Higalik. Nagtungo siya sa gumuhong tahanan ng mga Barakat upang makipagkita sa Hadi Batul at sa Hadi Eno. Sa kanyang paglalakbay sa dalampasigan nakita niya ang may gumuguhit sa Unang pagbagsak.  Pinagtakahan niya ang mangguguhit sa gayon ito ay nakatawag nang pansin sa kanya.

Tinanong niya ito kung ano ang ginagawa nito.

Lumingon ito sa kanya.

At sinabi nito sa kanya na iginuguhit nito ang mataas na talampas na malapit sa bukana nang ilog. Pinagtatakahan nang malikot nitong imahinasyon ang Unang pagbagsak.

Tinanong niya ang dayuhan kung ano ang pangalan nito…gayong pinagtakahan nito kung bakit nito ibibigay ang pangalan nito.

Sinabi niya ang kanyang pangalan at kung sino siya. Agad siyang nakilala nang nilalang mula sa pangalan nang kanyang tahanan at humingi nang tawad sa pagiging mapagmalabis nito.

Muli hiningi niya ang pangalan nang dayuhan at sinabi nito sa kanya na ang pangalan nito ay Duron.

Tinawag niya itong Hadi Duron bagay na itinanggi nito at sinabing Duron lang, mula sa tahanan ni Boron na isang Qaa.

Hiniling niya kung maaari niya bang makita ang larawan na iginuguhit nito sa kahoy bagay na tinalima nito. Pinakita nito sa kanya ang larawan na hindi naglaon ay kanya rin ibinalik at pinuna na gayong may matalas itong panlasa pagdating sa mga guhit datapwat kakaunting imahinasyon.

Ngumiti ito sa kanya at nang may pangunguya ay nagpasalamat ito. Tinalikuran niya ito kasabay nang pagdating nang isang batang Jingkar na may buhat-buhat na tiklis at humahangos patungo dito.

Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay patungo sa dating tahanan ng mga Barakat. Sa kanyang pagdating siya lamang ang naroroon. Nakahiga si Higalik sa loob nang yungib nang dating tahanan ng mga Barakat. Hinihintay niya sa pagdating ang mga inaasahan niyang kakausapin sa gumuhong tahanan habang nagmamanman sa kanyang paligid.

Sa pagdilim nang kalangitan ng hapong iyon dumating ang Hadi Batul sakay sa alagang asong gubat nito. May dala itong nakakalasing na inumin. Agad siyang nagpakita mula sa kanyang tinataguan. Hindi nagtagal nasundan ito nang pagdating nang Hadi Eno at nang ilan sa mga Jingkar na kasama nito at bahagi sa bumubuo sa kapisanan nang mga pangkaraniwan, isang pang-uuyam sa matandang Adi.

Nang gabing ito nagtungo sila sa loob nang yungib nang dating tahanan ng mga Barakat. Kasama ang mga alagang asong-gubat habang iniilawan nang mga nakasinding timsim na nakadikit sa mga haligi at ng dingding ng yungib.

Binuksan nang Hadi Batul ang takip ng maliliit na bangang may lamang nakakalasing na inumin.

Nagpasalamat siya sa pagpunta nang mga ito sa kanyang paanyaya nang pag-uusap.

Tinanong nang Hadi Eno kung ano ang dahilan nang biglang pagpapatawag nang pakikipagtalastasan.

Sinabi nang isa sa mga kasama nito na nangangaba ito na hindi ito isa lamang biglang pag-uusap.

Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Batul.

Kumuha siya nang mga baso mula sa tiklis na nakasabit sa katawan nang alagang asong-gubat nito.

Isa-isang tinagayan ang apat na maliliit na mga basong gawa sa putik. Ibinigay nang Hadi Eno ang isang baso sa kanya at tatlo sa mga pangkaraniwan.

Tinanong nang Hadi Eno kung hindi ito iinom.

Bagay na pinagsinungalingan nito at sinabing hindi ito umiinom nang nakakalasing na inumin. Tinanggal niya ang pangamba nang mga ito na sinabing walang dapat na ipag-alala ang mga ito sapagkat walang lamang lason ang hawak nilang mga baso. Bagkus ito lamang ay isang nakakalasing na inumin na mula sa bunga nang rimas at gayong hindi gaano katapang.

Nagsimula siyang uminom.

Sinabi niya na hindi na siya magpapaliguyligoy pa. Sinabi niya na kaya siya nagpatawag nang pag-uusap upang sabihin sa mga ito na nandito sa kanilang lupain ang mga prinsipe nang Ka’desh. Bagay na alam na ng kanyang manugang at ngayon lamang nalaman ng kinatawan nang kapisanan.

Tinanong nang isa sa mga kinatawan nito kung ano ang dahilan nang pagparito sa kanila nang mga prinsipe.

Sinabi nang Hadi Faysal na iyon ay upang pabagsakin ang kapisanan nang mga magsasaka at may-ari nang mga lupain.

Tanong nang Hadi Eno, “anong gusto mong gawin namin ngayon?”

Wika niya, “hinihiling ko sa inyo na tulungan niyo ako! Gusto kong pigilan ang aking amma sa kanyang binabalak, at upang mapigilan siya kinakailangan ko ang tulong niyo!”

Tanong nang isa mga kinatawang kasama nang Hadi Eno, “bakit mo ginagawa, Hadezar?”

Ngumisi siya. Sinabi niya, “hindi Hadezar…katulad niyo isa lamang akong pangkaraniwan. Hindi ako ang tagapagmana nang aking tahanan ngunit tulad niyo sinuway namin ang kagustuhan nang nararapat at pinili kung ano ang kinakailangan. Hindi naman lingid sa inyo ang ginawa nang aking tahanan…alam ko ang dahilan kung bakit pinagkasunduan niyong piliin na huwag makipaglamay sa libing nang aking ama! Naiintindihan namin kung ano ang dahilan ngunit hindi ako ang aking ama ni ang aking kapatid. Masama man ang turing niyo sa aking tahanan handa akong baguhin kung anoman ang kinakailangan at isa na roon ang Adi Dilshed at ang mga prinsipe nang Ka’desh.”

Tanong nang Hadi Batul, “Hadi Faysal, hindi namin alam kung ano ang binabalak nang iyong amma hindi rin namin alam kung ano ang kagustuhan mong mangyari.”

Wika nang isa sa mga kinatawan, “tama ang Hadi Batul…ano ba talaga ang gagawin nang Adi Dilshed at kung bakit kinakailangan pa nang tulong ng mga prinsipe.”

Sinabi niya, “napagkasunduan nila na gamitin ang mga Kesh at ang hidwaan nang dalawang lahi sa pagpapabagsak nang Kapisanan nang mga masasaka at may-ari nang mga lupain. Hihimukin nang mga prinsipe ang mga Kesh sa ating bayan na sumanib sa mga ito at bawiin ang bayan nang Ka’desh mula sa Herren Malakith. Binabalak nang Adi na lumikha nang isang kaguluhan…naniniwala ito na hindi kayo kikilos o gagawa nang kahit anong masama na ikadadanak nang dugo at ikalalaki nang kaguluhan. Na hahayaan niyo ang mga Kesh datapwat magpapatuloy pa rin ang kaguluhan at iyon ang magiging dahilan nang paghihiwalay nang inyong kapisanan at tuluyang pagbagsak nang ideya— kayo mismo ang gagawa nang kaguluhan.”

Wika nang Hadi Eno, “muli tinatanong kita Hadezar ano ang gusto mong gawin ngayon!”

Wika niya, “hindi Hadezar—”

Wika nang Hadi Eno, “maaari ba akong magbigay sa iyo nang isang mungkahi…kung tatanggapin ka namin sa aming kapisanan at hihimukin ka namin na sumali sa aming adhika handa ka bang maniwala sa aming layunin na wala kaming gagawin kahit ano na ikababagsak o ikasisira nang iyong tahanan bagkus ikaw at bumubuo lamang sa iyong tahanan ang may kayang gawin iyon!”

Hindi siya nakaimik. Sinubukan niyang magsalita.

Pagpapatuloy nang Hadi Eno, “tulad nang sinabi ko sa Hadi Yasir ng himukin ko siya at tumanggi siya sa amin…”

Bagay na pinagtakahan nang Hadi Batul.

Ang Hadi Batul

“ano?”

Tanong nang Hadi Budur, “hindi mo ba alam Hadi Batul?”

Tanong niya, “ano ang pinag-usapan niyo nang Hadi Yasir, Hadi Eno!”

Wika nito, “tulad nang sinabi ko hinimok siya na sumapi sa aming adhika ngunit tumanggi siya datapwat kinumbinsi niya ako na makabubuti ko itong gawin…at ito ang tama para sa Ja’khar!”

Tanong niya, “at naniniwala ka sa Hadi Yasir?”

Wika nito, “Oo!”

Wika niya, “kung ganon tama ako, siya ang dahilan!”

Wika nang Hadi Basir, “nagkakamali ka Hadi Batul…”

Nagtaka siya.

Dagdag nang Hadi Basir, “wala siyang kinalaman sa kahit anoman sa aming adhika. Isa siya sa mga sumasalungat at hindi naniniwala sa aming kakayahan! Bago siya umalis nang Ja’khar pinaalalahanan niya pa kami na huwag naming pakikialaman ang kahit anong desisyon nang mga tahanang dating bumubuo sa kalipunan nang mga Hadezar!”

Pagtataka nang Hadi Faysal, “nandito pa ba ang Hadi Yasir habang inililibing namin ang aking ama!”

Wika nang Hadi Eno, “ang alam namin ay bago sila umalis nang Adi Hikmet ay tinatago pa sila nang tahanan ng mga Roshan!”

Ngumiti ang Hadi Faysal.

Wika nang Hadi Budur, “kinausap kami nang Hadi Yasir…sinabi niya na alam niya na may gagawin hindi maganda ang tahanan nang mga Harith maging ang tahanan ng mga Roshan sa aming kagustuhan!”

Sabat nang Hadi Eno, “sa aming pinaglalabang kagustuhan. Hindi lang kayo ang nagtataglay nang mga tenga at mata dito sa Ja’khar, mga Hadezar.”

Pagpipilit nang Hadi Faysal, “hindi kami Hadezar!”

Pagpapatuloy nang hadi Eno, “nakakahinayang…kayo pa naman ang aming pinili at pinagbotohan na maging Hadezar! Malinaw na binilin sa amin nang Hadezar na kahit anoman ang maging desisyon at gagawin nang mga tahanan na dating bumubuo sa kalipunan ng mga Hadezar ay kailangan naming galangin ang mga tahanang bumubuo sa kalipunan ng mga Hadezar.”

Wika nang Hadi Budur, “hindi pa tapos ang panahon ng pagtulong ng mga Hadezar. Nagsisimula pa lamang ang muling pagkakatatag nang kalipunan.”

Tanong nang Hadi Faysal sa mga ito, “at anong kalipunan iyon!”

Wika nang Hadi Budur, “ang kalipunan nang mga Hadezar, Hadezar!”

Wika nang Hadi Eno, “ngayon kami naman ang pakinggan niyo…sa susunod na mga araw na magkakaroon nang kaguluhan at pagdanak sa dugo sa mga daanan at kalsada nang Ja’khar. Hinihiling namin sa inyo na wala muna kayong gawin na kahit anong ikasisira nang aming mga balak—malinaw sa amin na hindi namin kayo mapipigilan at wala kaming balak na pigilan kayo. Maaari mong gawin kung ang binabalak mo Hadi Faysal ngunit kung anoman ang mga gagawin mo kailangang makarating din sa amin kung ano ang mga binabalak mo… ganon din sa iyo Hadi Batul!”

Wika nang Hadi Batul, “hindi niyo kami pwedeng itali sa mga pasya niyo!”

Tugon nang Hadi Eno, “at doon ka nagkakamali Hadi Batul. Ano man ang gagawin mo, ano man ang magiging pasya mo o binabalak na mangyari kasama kami, at ang aming mga tahanan sa bawat pasya, at balak na gustong mangyari nang kalipunan ng mga Hadezar. Hindi namin kayo itinatali sa aming desisyon gusto lang namin na alalahanin niyo kami…maging manunuri at timbangan na kung anoman ang gagawin niyo kami ang makikinabang o kami ang madadamay. Hindi namin kinakalimutan kung ano ang bahagi namin sa lipunang ito ngunit mistulang kinakalimutan niyo kung ano ang bahagi niyo sa pamumunong ito!”

Wika nang Hadi Budur, “Hindi lang kami…lahat kami ito ang hinahangad na mangyari…ang tignan at pakinggan niyo kami.”

Dagdag nang hadi Basir, “na mistulang lahat kayo ang nakakalimot…hindi kami ang nakakalimot dito.”

Nang gabing iyon bumalik siya sa tahanan nang mga Roshan na lasing sa pag-inom ng nakakalasing na inumin mula sa bunga nang rimas. Nagtungo siya sa yungib nang kanilang tahanan. Tinanggal niya ang mga paratilya at sapin sa asong-gubat at pinakawalan niya ito sa loob ng yungib.

Humiga siya sa tabi nang kanyang asawa. Nakita niyang gising pa ito at nakadungaw sa kisame nang kanilang silid. Lumingon siya dito habang nakahiga silang magkatabi sa kanilang kamang mag-asawa. Pagkatapos noon agad din niyang tinanggal ang kanyang pansin dito at muling Dinungaw ang kahoy na kisame ng kanilang silid.

Nang umagang ito dumanak ang dugo sa loob nang Ja’khar. Natagpuang patay at nakahandusay sa dalampasigan ang dalawang Jingkar, inanod nang dagat at inaanod nang baybayin habang hindi kalayuan sa kalsada patungo sa isa sa mga imbakan ng bayan ang isa pang Jingkar na wala na rin buhay.

Bago matapos ang araw ay inilibing ang mga ito. Nagpatuloy ang kaguluhan at karahasan sa loob nang Ja’khar sa mga sumunod pang araw. Nagkaroon nang mga patayan at pagdanak nang dugo.

Nagtungo silang dalawang magkapatid kabilang bahagi nang Mahabang ilog. Binagtas nila ang daan nang mga panaghoy at sinuri ang bahagi nang kabilang ilog nang Ja’khar.

Tinanong nang Hadi Fadil sa kanya kung dito niya ba iniisip na palawakin ang Ja’khar. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Gayong pinatunayan lamang nito sa kanyang kapatid ang matagal nang gumagambala sa kanyang isipan— ang pagpapalawak at paglaki nang kanilang bayan.

Sinabi nang kanyang kapatid na kumpara sa kanilang bayan mas masukal at matubig ang bahaging ito.

Sinabi niya na hindi nakapagtataka kung bakit ang kinatitirikan nang kanilang estadong-lungsod ang pinili nang mga unang nanirhan doon. Bagay na sinang-ayunan.

Ngunit sa pagtitiyaga lang at pagpipilit maaari nilang pagtulungan ang pagpapalawak nang kanilang bayan sa mga makabagong pamamaraan nang pagbuo nang mga bagong bayan. Sinabi niya na may nakausap siyang isang dayuhan na galing sa Kanluran kung saan pinagmamalaki ang mga nagtataasang mga lupain at muog, gayon din ang mga tagilo nito. Ang pag-usbong nang bagong bayan sa Mahiwagang Andes nang Katimugan maging nang Taravara sa kanluran, ang daungan at maliit na bayang dating nasa ilalim nang pamumuno ng mga Vanlandi.

Sinabi niya, “hindi mo ba nakikita ang mga dingding doon” habang itinuturo ang kalayuan na kanilang abot tanaw “diyan…mga batong kalsada at isang naaangkop na mahabang tulay hindi ang palagiang inaayos na tulay nang daan nang mga panaghoy!”

Tugon nang Haid Fadil, “hindi ko alam aka kung ano ang nakikita mo!”

Binatukan niya ang kanyang kapatid.

Wika niya, “tignan mong mabuti Hadi Fadil— ANG JA’KHAR!”

Gayong hindi pa rin nakita ito nang kanyang kapatid. Pinilit niya itong tulungan siya…gamitin ang kanilang kakaunting nalalaman at kakaunting tinataglay na impluwensya upang palawakin ang kanilang bayan.

Isang bayang sisibol para sa isang bagong bukas.

Nagpatuloy ang kaguluhang nilikha nang tahanan ng mga Harith nang araw na ito, o nang mga sumunod pang mga araw matapos ang araw na ito. Nagsimula na ang mga prinsipe ng Ka’desh na kumbinsihin ang mga kalahi nang mga ito na sumanib at tulungan ang mga ito sa pagpapabagsak sa kasalukuyang Herren ng Ka’desh at maibalik sa mga ito ang ‘kanilang bayan’.

Hindi na ito bago pa sa Ka’desh…ang pinakamatandang bayan sa buong Malayang Andes nang silangan.  Isa sa tatlong mga lahi na unang nakarating sa pamamagitan nang mga tulay na lupa na bago pa ang kanilang pagdating sakay nang mga naglalakihang mga sasakyang pandagat na Caracoa.

Sa kanilang paglalakbay, nakita nila ang mga prinsipe na nakasakay sa mga asong-gubat patungo sa isa mga nag-aalaga nang mga hayop.

Tinanong ng kanyang kapatid kung hindi niya iniisip kung ano ang tunay na layunin nang pagdating ng mga prinsipe sa kanilang bayan.

Tinanong niya ang Hadi Fadil kung ano ang ibig sabihin nito gayong pinaliwanag niya na dito at sa kanilang ama, kung ano ang dahilan nang pagdating nang mga Kesh sa kanilang bayan, ito ay upang magkabuo ng isang hukbong handang lumaban sa Herren nang Ka’desh.

Sinabi nang kanyang kapatid na hindi lamang nito maintindihan gayong, bakit sa kanilang bayan…Tinanong siya nang Hadi Fadil kung hindi ba naiisip nito na kakaunti lamang ang mga Kesh sa Ja’khar na kung makumbinsi man nang mga prinsipe ang mga ito na tumulong at sumanib sa pagpapabagsak sa Herren Malakith ay gayong galanggam lamang ang laki nang mala-isang buong kamay na hukbong sandatahan nang Herren ng Ka’desh.

Gayong sinabi niya na naway sampalin nang langit ang mga prinsipe upang tuluyan ng matauhan sa kahibangang ginagawa ng mga ito.

Walang mahalaga sa kanya ngayon kung hindi ang ilagay ang kanilang tahanan sa karangyaang dapat na tinatamasa nila. Ito ang kanyang pamana sa mga susunod salinlahi ng kanyang tahanan.

Nang araw na ito kinausap niya ang kanyang ama sa kagustuhan niyang pagpapalawak nang Ja’khar sa kanilang bayan. Sinabi niya na makakatulong ito nang malaki sa kanilang kababayan.

Tinanong nang kanyang ama kung saan niya gustong ilagay ang bagong Ja’khar. Sinabi niya na gusto niya itong ilagay sa kabilang ilog. Sinabi niya na kung hahayaan siya nito at pahihintulutan gusto niyang umalis nang Ja’khar, maglakbay sa laban ng kanilang bayan at makipag-usap sa mga gustong tumulong sa pagpapalawak nang kanilang estadong-lungsod.

Tinanong siya nang Hadi Yusuf kung papaano niya mapipilit ang mga tagalabas na mamuhunan sa kanilang bayan at maglaan nang mga karunungan sa pagpapalawak nang kanilang bayan. Tinuran nito na iba ang kalakalan sa labas nang Ja’khar. Pinangunahan siya nang kanyang ama, sinabi nito sa kanya na hindi nito gustong ibaba ang kanyang loob datapwat pinapaalalahanan lamang siya nito na mag-ingat.

Sinabi nito sa kanya na kung gugustuhin nito na isama ang kanyang mag-ina ay makabubuting manatili ang mga ito sa kung nasaan ang kanyang nakatatandang kapatid.

Sinabi nang kanyang ama na nahanap na nito kung nasaan ang Hadi Yasir at ang Adi Hikmet. Sinabi nito sa kanya na nasa Qaa’ur ang mga ito at doon balak isilang ang panganay na anak nang mag-asawa.

Tinanong niya ang kanyang ama bakit hindi dito sa kanilang bayan, gayong makakabuti rin na nandito at mapapangalagaan ang mga ito nang kanyang mga magulang.

Sinabi nang kanyang ama na nagdesisyon ang Adi Arwa na umalis nang Ja’khar at sundan ang kanyang nakatatandang kapatid. Sinabi nang kanyang ama na kinausap siya nang Hadi Ogeyerg at Hadi Baaru na kung maaari ay sumali ito sa kapisanan nang mga magsasaka at mga may-ari nang mga lupa bagay na tinanggap nito.

Nagtaka siya. Tinanong niya ang kanyang ama kung bakit nito ito ginawa. Inalala niya ang kanilang tahanan. Tinanong niya dito kung papaano ang kanilang tahanan, ang tahanan ng mga Roshan, ang kalipunan ng mga Hadezar.

Gayong sinabi nito sa kanya na hindi ito para sa kapakanan lamang nang kanilang tahanan bagkus para ito sa kinabukasan ng kanilang bayan.

Tinanong niya ang kanyang ama kung maging din ba ito ay nabulag na rin sa mga pinagsasabi nang kapisanan ng mga magsasaka at may-ari nang mga lupain. Na ang ginagawa nang mga ito ay para sa kanilang bayan datapwat hindi iyon ang totoo at gusto lamang nang mga ito na pabagsakin ang Kapisanan ng mga Hadezar kaya pinagkakalat na tuluyan nang bumagsak ang kalipunang kinabibilangan nang kanilang tahanan.

Bagay na tinugunan nang kanyang ama at sinabing alam nila na matagal nang bumagsak ang kalipunan nang mga Hadezar at hindi ito kasalanan nang mga may-ari nang mga sakahan, ni nang mga nag-aalaga nang mga hayop at mga mangingisda. Na ang totoo, sila ang at ang kanilang mga tahanan ang may dahilan kung bakit bumagsak ang Kalipunan nang mga Hadezar at sila lamang makakagawang maibangon ito mula sa abo nang pagbagsak nito.

Sinabi nang kanyang ama na wala siyang dapat na ipag-alala…maganda ang kanyang binabalak at kagustuhang mangyari sa kanilang bayan. Ngunit kailangan na nilang simulan kung ano ang kinakailangan, ang pagbubuo nang isang bagong Ja’khar kasabay nang bagong pamahalaan.

Handa siyang tulungan nang Hadi Yusuf na maisagawa nang maayos at nasa tama ang pagkakabuo nang kanyang pinapangarap, ito lamang ang kagustuhang mangyari nang kanyang ama at wala nang iba pa.

Nang gabing iyon, umalis sila nang kanyang ama, kasama ang kanyang kapatid patungo sa loob nang kakahuyan. Tinanong nang Hadi Fadil sa kanilang ama kung saan sila pupunta, kung ano ang gagawin nila sa loob nang gubat na mapanglaw ngunit hindi ito kumibo bagkus nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay.

Nagpaalam ang Hadi Yusuf sa Adi Arwa. Pinaalalahanan nang kanyang ina ang kanyang ma na mag-iingat. Bagay na sinang-ayunan nang kanyang ama at sinabi nang kanyang ina na wala itong dapat na ipag-alala. Sinabi ng Hadi Yusuf sa Adi Ismat na babalik din sila agad…na matapos ang pag-uusap sa loob nang tahanan nang mga Roshan agad silang umalis sa kanilang tahanan at umalis nang Ja’khar.

Dumaan sila sa bahaging dating kinasasakupan nang tahanan nang mga Barakat. Hindi nagtagal nakalabas sila nang Ja’khar at binagtas ang kahabaan na nagdudugtong sa mga daanan nang kanilang bayan at sa labas nang Ja’khar. Binaybay nila ang daan nang mga panaghoy, ang tulay na bato na nagdudugtong mula sa mababaw na bahagi nang mahabang ilog patungo sa kabilang-ilog. Hindi nagtagal narating nila ang kabilang bahagi nang ilog. Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay…hanggang sa matanaw na nila nang kanyang ama at kapatid ang naglalakihang kambal na mga bato na gabundok ang taas.

Nang gabing iyon pinakilala siya nang kanyang ama sa mg sumasamba sa kapangyarihan nang liwanag ng buwan. Iyon ang unang pagkakataong nakita niya ang Hadi Yusuf na maging bahagi nang lihim na samahan na namumuno sa kanilang bayan liban pa ang mga Hadezar at ngayon ay ang mga may-ari nang mga lupa.

Pagdating nila sa Kambal na bato at sa lungaw, tahimik ang buong paligid. Maliwanag ang kabilugan nang buwan na dinadaanan lamang ng mga ulap. Maingay ang buong kakahuyan at walang ni isa man sa mga bumubuo at sumasamba sa kapangyarihan nang liwanag ng buwan ang naroroon. Hindi nagtagal hindi niya napansin na nawala ang kanyang ama at nang nalaman niya na lamang ay nang sinabi ito nang kanyang kapatid na sinabing binilinan sila nang Haid Yusuf na dumito muna at maghintay.

Gayong ipinagtaka niya kung ano ang kinakailangan nilang hintayin nang gabing ito na unti-unti nilang nararamdaman ang lamig nang paligid.

Sa kawalan, unti-unting nagpakita ang mga nilalang na nagtatago sa balat-kayo at iba’t ibang anyo.

Bumalik siya sa dati nilang tahanang mag-asawa sa tabing ilog. Wala na ang lamang nang kanilang tahanan na ibinigay sa kanilang mga-asawa nang kanyang tiyo at tiya. May iba nang nakatira dito…pinamamahayan nang mga Kesh na nagtatrabaho sa ilalim nang patnugod at pamumuno nang Hadi Basir. Hinangad niya na maging katulad siya nang kanyang tiyo, ang Hadi Mirza, maging isang pinuno at may-ari nang sariling lupain na tinatamasa nito. Na magkaroon nang isang tahanan kasama ang Adi Ismat at ang kanyang mga anak na hindi pinapakialaman nang darakila pa sa kanila. Wala na ang darakila pa sa kanilang tahanan, bumagsak na masnakahihigit sa kanilang tahanan at ngayon ay iisa na lamang ang mga Roshan.

Nang gabing iyon marami siyang nalaman na matagal niya ng hinahangad na marinig sa ahas na Hadezar. Tama lang na matutunan niya ito sa kanyang ama. Ang Ja’khar ay higit na kaayaaya kaysa sa kanyang inaasahan.

Hindi na siya nanatili pa sa kinatitirakan nang kanyang dating tahanan. Masaya siya na may naninirhan na dito…kailanman hindi ito ang kanyang naging tahanan bagkus ang tahanan ng mga Roshan.

Nang umagang ito nagpaalam siya sa kanyang ama at nakababatang kapatid. Nakasakay ang kanyang asawa sa kanilang alagang asong-gubat na una nang nagpaalam sa kanila nang kanyang ina. Nakasakay ang kanyang ina sa pa nilang inaalagaang asong-gubat.

Nagpaalam ang kanyang ama sa kanyang mga anak. Pinaalalahanan siya nito na mag-iingat sa kanilang gagawing paglalakbay nang kanyang asawa, mga anak at nang kanyang ina. Bagay na kanyang tinalima. Pinaalalahanan din siya nang kanyang ama na ingatan ang kanyang ina sapagkat hindi nito nalalaman ang paligid nito at natatakot ang Hadi Yusuf na baka mapano ang kanyang nanay. Nang umagang ito sakay sa mga asong-gubat umalis sila ng Ja’khar patungo sa daungan at bayan nang Qaa’ur kung saan makikipagkita sila sa Hadi Yasir at sa kanyang nakatantandang kapatid.

Nagsimula silang maglakbay patungo sa lagusan palabas nang Ja’khar sa Magiting na Mesa at talampas ng itim na mga bato. Lumabas sila sa lagusan nang Ja’khar at tinahak ang daan nang mga banal. Sa kanilang paglalakbay pinakita nang kanyang asawa at ina sa kanyang mga anak ang malinaw na lawa, ang bughaw at luntian sa kailaliman nang tubig at ang malasalamin nitong pumupukaw sa larawan nang kalangitan.

Nagpatuloy sila sa paglalakbay sa daan ng mga Panaghoy, sa loob nang mahiwagang pulang gubat…Sinabi niya sa kanyang asawa na makabubuti kung magkampo sila sa paanan nang talampas ngunit hindi pumayag ang Adi Ismat.

Tinanong nito sa kanya kung gaano kalayo ang Qaa’ur mula sa kanilang bayan. Sinabi niya na aabutin nang dalawang araw ang paglalakbay sa pamamagitan nang mga asong-gubat bago makarating sa bayan ng Qaa’ur.

Gayong sinabi nito sa kanya na hindi sila maaaring manatili sa malawak na lugar kung saan maari silang makita nang sinoman na ikakapanganib nang kanilang mga buhay.

Ngunit sinabi niya sa kanyang asawa na walang liblib na lugar ang kanilang dadaanan. Ang Siko ay isang malawak na patag na lupain ng mga nagtataasang mga damo na sa kaliwa nito ay ang nagbabagang lupain at sa kanan nito ay ang matataas at matatarik na mga baybayin.

Sinabi nang Adi Ismat na maaari silang magpahinga sa labas nang itim na mga bato, datapwat sandali lang.

Bagay na sinang-ayunan nang kanyang ina.

Kung parepareho lamang nilang alam ang kanilang mga ginagawa.

Lumabas sila sa pulang-gubat bago magtanghali. Patuloy sila sa kanilang paglalakbay. Binabaybay ang matatarik na mga talampas nang itim na bato. Tanaw hindi sa kalayuan ang magiting na Mesa na pumapaimbulong sa kanila at sa kanilang mga paligid ang mga minahan nang itim na mga bato kung saan makikita ang ilang mga Jingkar at mga Kesh na nagmimina papasok sa loob nang talampas at kumukuha nang mga itim na mga bato na gagamitin sa paggawa nang mga matatalas na gamit sa loob nang Ja’khar.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay. Nang hapon ito, narating nila ang pinagkakampo nang mga manlalakbay na patungo ng Ja’khar. Nanatili sila dito kasama ng mga ito.

Nagtayo nang maliit na kulandong ang Hadi Batul habang kumuha nang mga pagkain at nakiluto sa mga nananatili sa Tarangkahan ang kanyang ina at asawa kasama ang kanyang mga anak para sa kanilang pananghalian.

Pinaliligiran sila nang dalawang nagtataasang mga talampas nang itim na mga bato. Sa dulo nito makikita ang Siko at ang daan nang mga Banal na umiekis patungo sa mababang mga ilog. Bago sila makarating sa Qaa’ur babaybayin muna nila ang Mata at ang mga galamay nito. Hanggang sa tuluyan silang makarating sa paanan nang Gulugod kung saan makikita ang bayan at daungan nang Qaa’ur. Matapos ang hapunan nagpalabuylaboy siya saloob nang kampo. Maliwanag ang kampo nang gabing ito. Nandito ang ilang mga mangangarabana na patungo sa kanilang bayan. Naglalakihan ang mga sasakyang karwahe na dala nang mga ito at hilahila nang mga asong-gubat o mga Bagat at mga Lampong.

Makukulay ang tinataglay nang mga tolda na pansamantalang tinitirhan nila. May bughaw, pula, luntian, dilaw at gawa sa balat. May mga palawit na ginto at balisungsong na bakal na makikita sa gitna nang mga bubungan. May iba na naglalakihan at may iba na parang itinali lamang sa apat na nakatarak na haliging gawa sa kahoy sa lupa.

Nandito rin ang ilang mga Jingkar na nagmula sa mga minahan sa Magiting na mesa at itim na mga bato patungo sa isang aliwan na makikita sa loob nang gubat ng mga tolda. Pinupukaw ang mga sarili sa isang makamundong panandalian at tiyak na babalik din ang mga ito kinabukasan.

Sinubukan niyang sundan ang mga ito ‘at tiyakin kung tama ang kanyang mga hinala’ na maging siya ay maaari rin maaliw sa kagandahan at kabaliwan. Sinundan niya ang mga ito…ang mga lalakeng barat at libog sa panandalian nang mga panahon gayong gipit at inaalipin ang sandali.

Nang gabing ito, walang kasing ningning ang tinataglay nang liwanag ng buwan. Higit pa nang gabing iyon, na ngayon ay tinatakpan ang mga bituin at mga dumaraang mga ulap.

Pinakilala nang kanyang ama ang sumasamba sa kapangyarihan at liwanag ng buwan. Sinabi nang kanyang ama sa kanilang magkakapatid na may isang lihim na samahan na kumikilos upang ilagay sa kaayusan at ilayo sa kaguluhan ang kanilang bayan. Sinabi nang kanyang ama na ito na ang tamang pagkakataon upang ipakilala sa kanilang magkapatid ang mga pinabubulaanan at kalat-kalat sa buong Ja’khar na sumasamba sa kapangyarihan at liwanag ng buwan.

Sinabi nang kanyang ama na hindi lang iilan na nasa kanilang harapan, siyam, ang bumubuo at katuwang sa lihim na samahan. Binubuo ito mula sa pinakamaliit sa kanila hanggang sa pinakamataas. Palaging papalit-palit at iba-iba ngunit iisa lang ang kinakatawan, iyon ang kinabukasan nang Ja’khar.

Sinabi nang kanyang ama na minsan nang nagtungo dito ang ahas na Hadezar at hilingin ang pagpapabagsak sa tahanan ng mga Harith at Parvana. Sinabi nang kanyang ama na may isa rin ina ang lumapit at humiling na gawing Hadezar ang sarili nitong anak gayong handa nitong ibigay kung ano ang kinakailangang ibigay. At ibinigay nito ang sarili nitong anak sa pabangon nang tahanan ng mga ito.

Tinanong siya nang kanyang ama. Tinanong siya nito kung ano ang kapalit na handa niyang ibigay para sa kanyang pinapangarap na bagong lipunan ng Ja’khar.

Gayong sinabi nang kanyang kapatid na handa itong ibigay ang sarili nito sa pagkakatatag nang bagong bayan para sa kanilang lipunan.

Nagulat siya. Nakiusap siya na huwag itong gawin nang Hadi Fadil gayong ipinilit nang kanyang kapatid na ito ang tama at makabubuti…tinawag siya nitong HADEZAR. Ang hadezar nang tahanan ng mga Roshan gaya nang tawag sa kanya nang Hadi Eno at ang mga bumubuo sa Kapisanan nang mga magsasaka at may-ari nang mga lupa.

Ang kanilang tahanan ay palaging pabago-bago nang walang humpay at katiyakan. Isa itong bangungot— isa itong bangungot na gusto niyang magising.

Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad, na sa kanyang pagtahak sa pagtatakang ito sa hindi inaasahan narinig niya ang Qaa’ur at Harras nang Ka’desh sa iisang pangungusap.

Nagulat siya.

Nagtaka siya.

Gayong sa kanyang pagkakaintindi, isa lamang ang ibig sabihin nito— kaguluhan.

Lumapit siya sa mga ito. Sa gayon sa pagpasok niya sa tolda nakita niya ang mga ito na nakaupo sa lupa, pinapagitnaan ng isang maliit na siga na may malaking kalderong pinakukuluan ang isang mainit na sabaw na may mga sahog na gulay at maliliit na karne.

Napakaliit nang tolda nang mga ito kung ihahambing sa mga gahiganteng nandito sa maliit na pitak na pinapaligiran nang dalawang malalaking mga talampas.

Nalaman niya na mangangarabana ang mga ito, mga Taiaman, na galing sa Qaa’ur at gayong kalalapag lamang galing sa karagatan na ang iilan ay magtutungo sa Ka’desh at ang ilan ay sa Ja’khar. Tinanong niya kung maaari ba siyang sumali sa mga ito.

Bagay na pinagtakahan nang iilan sa mga ito…halata ang alinlangan at kaba sa mga mukha nito. Nakatitiyak siyang sa ilalim nang mga binti nang mga ito ay may patalim na nakatago na kung kumilos man siya nang hindi kaayaaya ay mangyaring malagutan siya nang buhay nang hindi inaasahan.

Ngunit may isang nagpaunlak sa kanya. Tinanong siya nito kung gusto niya ba nang mainit na sabaw. Bagay na kanyang pinasalamatan sa pamamagitan nang pagtango.

Umupo siya malapit sa lagusan nang tolda.

Tinanong siya nito kung papaano siya nakakaintindi nang salitang Edda. Gayong sinabi niya na kakaunti lamang ang kanyang nalalaman na kung tutuusin ay wala siyang kaalam-alam sa salitang Edda nang kanluran ni ang salitang Kesh nang timog sa salitang Jingkaris.

Tinanong niya ito kung papaano ito nakakaintindi nang salitang Jingkar nang kanilang bayan sa hilaga nang Malayang Andes nang Silangan.

Wika nito, “lumaki ako sa tahanan na ang aking salita ay Edda at Jingkaris. Ang aking ina ay isang Jingkar at ang aking ama ay isang Taiaman. Sa tingin ako, kung iyong mamarapatin at pahihintulutan maaari ko bang malaman kung sino ka?”

Humingi siya nang tawad. Sinabi niya, “ang pangalan ko ay Batul!”

Wika nito, “gayon huwag mong mamasamain humihingi ako nang tawad Hadi Batul sa kawalan ko nang galang. Ang pangalan ko ay Rafarga.”

Wika niya, “kung ganon kinagagalak kitang makilala Rafarga. Ako rin humihingi sa inyo nang tawad sa hindi ko sinasadyang pakikinig nang inyong pag-uusap. Mangyaring narinig ko na may kaguluhang maaaring mangyari Qaa’ur kung saan kami pupunta nang aking tahanan. Nangangamba ako na baka ang tahanan nang aking asawa, kung saan siya nagmula na kasalukuyang naroroon nang mga panahong iyon ay madamay!”

Nagsalita ang isa sa mga Taiaman. Mistulang pinipigilan nito na pagsalitain ang Hadi Rafarga nang mga kaganapan sa Qaa’ur. Nakarinig siya nang salitang huwag sa wikang Edda. Bumubula ang bibig nito nang mga hindi niya maintindihang mga salita at ang laya nito ay nararamdaman niyang tumatalsik sa kanyang balat.  Magkagayon man ay nagsalita pa rin ang Hadi Rafarga.

Humingi ito sa kanya nang tawad sapagkat hindi ito nakakaintindi nang Jingkar. Gayong may hinala siya na alam nito ang kanyang pinag-aalala…ngunit isa lamang itong hinala at hindi siya nakakasigurado.

Sinabi nito sa kanya, “ang totoo Hadi Batul may nalaman kaming balita na kung saan laganap na rin sa Qaa’ur ang banta nang mga Kesh. Ilang mga Harras ang naroroon sa Qaa’ur at kumukuha nang mga kaalaman kung papaano masasalakay nang mga ito ang bayan nang Qaa’ur. Mistulang tinitignan nang mga ito kung gaano kalaki ang Qaa’ur, kung anong mabisang paraan upang tahakin sa mabilis na pagkakataon gamit nang mga malalaking sasakyang panlupa ang Qaa’ur. Kaya iniisip namin na mukhang may balak ang Ka’desh na salakayin ang Qaa’ur.”

Tanong niya, “Hadi Rafarga, kung isang Jingkaris ang iyong ina gayon ay lumaki siya sa Ja’khar. May mga Jingkar din na nanatili sa Malawak na Andes nang kanluran matapos ang pagbagsak nang Herren’si nang mga Vanlandi. Ayon sa aking pagkakaalam mayroon lamang humigit kumulang na isandaan, pataas…ang bilang nang dami nang mga Jingkar. Maaari ko bang malaman kung ano na ba ang kalagayan nang aking mga kalahi sa Taravarra?”

Wika nito sa kanya, “kung ganon alam niyo ang balita tungkol sa mga Aesir…kaya mo ba ako tinatanong?” ngunit hindi siya nakasagot, wala siyang nalalaman sa mga Aesir na mistulang umiikot na rin sa buong Soluna ayon sa kanyang pagkakaalala sa sinabi sa kanya nang ahas na Hadezar tungkol sa mga bakal na sasakyang panghimpapawid nang mga ito. Dagdag nito sa sinabi nito, “wala kang dapat na ipag-alala. Iyon ay aksidente lamang at bibihirang nangyayari na may mga Taiaman at Jingkar ang nadadamay sa kaguluhan sa Kanluran. Ang malaking bahagi nang Kanluran ay isang malawak na disyerto na kayang lamunin kahit ang Nagbabagang lupain. Hindi nga lang sa amin ang pinakamainit sa lahat nang mga disyerto! Ito’y bibihira Hadi Batul.”

Wika niya, “ito ay bibihira!”

Nagpatuloy ang kanilang kwento nang gabing iyon. Pinag-usapan nila ang malawak na Andes nang kanluran at kung ano ang dahilan nang kanyang pagpunta sa Qaa’ur.  Bagay na kanyang pinagsinungalingan.

Sinabi nito sa kanya na maraming mga taga-silangan ang tila nagtutungo sa kanlurang Andes, bumibisita sa Taravarra at sa mga puting batong bundok nito. Isang dating minahan sa hilagang silangan nang gumuhong Herren’si nang Asbalta na ngayon ay ang mismong bayan ay makikitang nakatayo pa kung hindi man ay nakalubog sa mga lupa at buhangin. Ang mga muog nito na napinsala nang maraming sakuna at paglusob ay mga nagtataasang mga lapidang tinatakpan ang liwanag nang araw sa kalangitan. Ganito sa kanya ilarawan ang Hadi Walid ang dating estadong lungsod.

Sinabi sa kanya nang Hadi Rafarga na isa na lamang itong guho, kasama nang mga talampas at nagtataasang mga bundok na pumapaligid dito. Na ang tunay na halaga nito ay hindi para sa kanilang mga Kanluranin bagkus ay para sa kanilang mga naninirhan sa ibayong-dagat na hindi pa nikikita ang bayan at lipunan na naging pangunahin sa sining at arkitektura— na hindi nakakakita nang isang bayan na katulad nang Asbalta.

Nang tinanong siya nang Hadi Rafarga tungkol sa pagpunta nila sa Qaa’ur sinabi niya na bibisitahin nila ang kanilang malayong kamag-anak sa Qaa’ur upang saksihan ang panganganak nang kinakapatid nang kanyang asawa, ang panganay nang tiyo nito at asawa nang tiyo nito.

Matapos ang pag-uusap nilang dalawa, nagpaalam siya dito at sinabing hinahangad niya ang muli nilang pagkikita. Gayong hindi rin nito itinanggi ang parehong simpatiya.

Bumalik siya sa Kulandong na tinutulugan nang kanyang tahanan sa paso nang itim na mga bato.

Sa pagbalik niya sa kung nasaan ang kanyang mag-ina at ang kanyang nanna, nakita niya ang Adi Arwa na nakaupo sa labas nang tolda, sa mga batuhan na malapit dito na mistulan mga koronang balat nang prutas na maaaring upuan.

Wika nang Adi Arwa sa kanya, “bigla kang nawala!”

Wika niya, “naglibot-libot lang ako.”

Tanong nito sa kanya, “at nahanap mo ba ang gusto mong makita?”

Umiling-iling siya.

Wika nang Adi Arwa sa kanya, “nag-aalala ang Adi Ismat sa iyo. Nag-aalala ako sa iyo! Alam ko na mahirap para sa iyo ang gawin ito, ang umalis sa Ja’khar at dalhin ang iyong lumalaking tahanan malayo sa kinalakihan mong bayan. Hindi na kita mapapangaralan pa…matanda ka na! Alam mo na kung ano ang ginagawa mo.”

Hindi niya maintindihan. Tanong niya, “alam kong may galit kayo sa amin matapos ang ginawa namin sa Hadi Mirza at sa mga anak nito. Alam ko na hindi nito kayang tanggapin kung anoman ang mga ginawa namin nang baba

Wika nang Adi Arwa sa kanya, “nagkakamali ka anak…nauunawaan ko ang bigat nang inyong pasakit ng iyong ama. Kung bakit niyo ginawa ang bagay na iyon. Alam ko rin ang bigat nang pasakit nang iyong kapatid kung bakit niya kinakailangang manatili sa kanyang asawa. Naiintindihan ko— hindi man lubusan!”

Wika niya, “ina, hindi ako pumunta ni pumasok sa kanila…gusto ko at alam kong kaya kong gawin ngunit may mas higit na kinakailangan akong gawin ngayon at para ito sa kapakanan nang aking mag-iina at nang tahanan ng mga Roshan! Isa lamang iyong paglingap. —May kailangan kang malaman, nas panganib ang pinakamamahal mong anak. May bantang gustong sakupin nang mga Kesh ang Qaa’ur sa pamumuno nang bago nitong Herren at nakatitiyak ako na sasaktan niya ang iyong anak…kapag nangyari iyon malalagay ang inyong mga buhay sa panganib.”

Wika nang kanyang ina, “sige na magpahinga ka na maaga pa tayo aalis bukas. Kailangan pa natin makipagkita sa asawa nang iyong kapatid upang dalhin nila tayo sa kanilang tahanan.”

Tinalikuran niya ang kanyang ina at pumasok sa loob nang tolda na tinutuluyan nilang mag-asawa. Walang malinaw na dahilan kung ano ang pinag-ugatan nang hindi nila pakikipagkibuang magnanay sa mga nakalipas na mga panahon. Bata pa lamang siya ay mailap na siya sa Adi Arwa, ngunit hindi niya maitatanggi ang pagmamahal at pag-aaalala na ibinibigay nito sa kanya.

Ito ang unang yumakap sa kanya at tumanggap nang bumalik siya sa tahanan nang mga Roshan matapos ang mahabang panahon nang pagkawalay niya sa mga ito. May mga nagawa man siyang hindi maganda sa kanilang tahanan at sa Ja’khar sa mga nakalipas na panahon hindi ito kumibo bagkus ito pa ang umintindi sa kanya. Ang pagmamahal nito sa kanyang mga anak ang dahilan kung bakit nanatili siyang malapit sa matanda.

Nang umagang ito pinunasan niya ang kanyang mukha sa maliit na batis na nasa paso. Inayos niya ang kanyang sarili at matapos ang kanilang agahan nang umagang ito niligpit niya ang kanilang mga gamit.

Matapos nito umalis sila sa talampas nang itim na bato at nagsimulang maglakbay patungo sa daan nang mga banal. Nakita niya pa ang Hadi Rafarga gayong nang napansin ng kanyang asawa ang pagbibigay gala niya sa isang Taiaman na katulad nito tinanong siya nito kung sino ang kanyang pinatanguan gayong sinabi niya na ang tinutukoy nito ay ang Hadi Rafarga.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay patungo sa Qaa’ur. Sinabi niya sa kanyang asawa kung ano ang maaaring mangyari sa Qaa’ur, ang pagdating nang mga Kesh sa paglusob nang mga ito at pagsakop dito nang tinanong siya nang Aid Ismat kung sino ang Hadi Rafarga at kung paano sila nagkakilala.

Tinanong siya nang Adi Ismat kung ano ang gagawin nila. Gayong sinabi niya na hindi sila maaaring bumalik nang Ja’khar, hindi pa sa ngayon at hindi sila maaaring magtungo sa Qaa’ur o manatili dito.

Sabat nang kanyang ina na ang kailangan lang nilang gawin ay magpatuloy. Sinabi nang Adi Arwa na kung totoo man ang sinasabi nang Taiaman ay hindi nila mapipigilan ang paglusob at pananakop nang mga Kesh sa Qaa’ur. Maaari silang magtago at umalis ngunit hanggang wala pang tamang balak kung ano ang maaari nilang gawin kailangan nilang magpatuloy.

Tinanong nang kanyang asawa kung anong dahilan upang lusubin at sakupin nang mga Kesh ang Qaa’ur.

Gayong sinabi niya na malinaw na walang hinahangad na kahit ano ang mga Kesh kung hindi kaguluhan at kaguluhan lamang ang dala ng mga ito. Gayong hindi magtataka kung magkaroon rin nang kaguluhan sa Ja’khar dulot nang mga prinsipe.

Hindi nagtagal narating nila ang Qaa’ur.

Sa taong tatlong-daan at dalawampu’t pito nilusob nang Harras ng Ka’desh ang bayan at daungan nang Qaa’ur. Nagsimula ito sa pagmartsa nila sa nagbabagang lupain patungo sa Gulugod kasabay nang unang pagsikat nang araw nang umagang iyon. Isa ito sa malalagim na mga umagang nangyari sa taong 327 Eo at marami pa ang nangyari nang sumunod na mga panahon.

MALAKITH

Sa paglaki nang bata, tinuruan ito at sinanay na maging bahagi nang magigiting na mga Harras na nag-alaga dito. Nakitaan nang matandang pinuno na si Ixchel, ang pinuno nang lupon ng mga Harras na nag-aalalaga kay Malakith nang matinding kakayahan upang maging isa sa mga pinakamahusay na mga mandirigma nang panahon nito.

Kinilala nang binatang unang nakakita dito na si Sopespian ang bata bilang kapatid nito. Itinuring at pinahalagaan nang binatang Sopespian hindi lang bilang isang kamag-anak bagkus maging isa sa mga malalapit na kaibigan at kanang kamay.

Lumaki ang Hadi Malakith bilang isa sa mga magagaling na mandirigma nang Ka’desh. Ang kanyang pangalan ay naging kaakibat nang kagitingan sa kanyang kabataan. Kinatakutan siya nang karamihang bumubuo sa kalipunan ng mga magigiting na mga mandirigmang Harras. Ang kanyang bughaw na mga mata ay sagisag nang kapusukan at kalakasan nang loob— walang kinatatakutan at walang hindi kayang harapin na anoman pagsubok.

Pinandirihan siya ng mga kalahi nang kanyang ina gayong ang kanyang kulay ay hindi naiiba sa mga ito ay mas pinili niya pa ang maging isang Kesh kaysa maging isang Gador. Itinuring niya ang kalahi nang kanyang ina na pangalawang mamamayan gayong kailanman ay hindi siya nagtanim nang kahit anong sama ng loob sa kanyang mga kalahi.

Pinagmamalaki niya ang kanyang kulay. Umangat siya sa patuntungan nang kanyang kinagisnan. Pinatunayan niya ang kanyang kagalingan ay hindi isang maituturing na saglit na sandali bagkus siya at ang kanyang kagalingan ay iisa. Siya at ang kanyang kagalingan ay higit pa.

Siya ang pinakamagaling at pinakamahusay na mandirigma ng Ka’desh— Hamak na hindi siya tunay na isang Kesh at putok lamang siya sa buho.

Hindi siya magaling at iyon ang hind niya kayang ipaalam sa buong mundo.

Tinalaga siyang bantay sa bayan nang Gador’Ur kung saan niya ipinamalas katuwang nang kanyang nakatatandang kapatid na si Sopespian ang pagbabantay at pagpapatuloy nang mahabang panahon ng kapayapaan sa pagitan nang dalawang lahi.

Hindi nagtagal umusbong ang kaguluhan sa Gador’Ur. Ang himagsikan nang mga alipin ay nauwi sa marahas na kaguluhan at kamatayan ng apatnapung Gador at tatlong Kesh. Bago dito dalawampung Gador ang napatay matapos malaman ang balak na paghihimagsik nang mga alipin sa Gador. Nauna na dito ang hindi makatarungan na pagbitay sa limang Gador na nagtangkang maglaban sa mga nagbabantay na mga Harras, na pinugutan nang mga ulo at itinarak sa mga itim na batong dingding nang Gador’Ur bilang tanda nang huwag pamarisan.

Sinundan ito nang pagbitay nang maraming Gador, sa bayan nang Ka’desh at Gador’Ur.

Matapos ang ilang taon bumalik siya sa Ka’desh kung saan muli silang nagkita nang kanyang kaulayaw, ang isa sa tatlong anak na babae ng Herren Izzaldin.

Sa taong tatlongdaan at pito pinakasalan niya ang isa sa mga anak na babae nang Herren Izzaldin— si. Nagkaroon sila nang dalawang anak mula dito, sina Juvila at Kamaria. Hindi nagtagal itinalaga siya bilang ang kauna-unahang may lahing Gador na maging pinuno nang isa sa mga hukbong sandatahan, ang maging pinuno ng isang Harras sa ilalim ng patnugod at gabay nang matandang Ixchel.

Limang taon lamang ang nakakalipas namatay ang Herren Izzaldin at pinalitan ito nang nakatatandang kapatid nito na si Herren Ixchel, ama nang prinsipe Sopespian. Kasabay nito kinilala siyang bilang prinsipe nang Ka’desh— ang prinsipe Malakith. Sa sumunod na buwan namatay ang kanyang asawa.  Inulila siya nito nang dalawang anak na babae, parehong musmos pa ng mga panahong iyon.

Isang taon lang ang nakakalipas namatay ang Herren Ixchel at pinalitan ito nang prinsipe Sopespian. Nanatili sa kanya ang pangangalaga nang kanyang mga anak na babae habang umalis sila kasama nang ilan sa mga hukbong sandatahan na nasa ilalim nang kanyang pamumuno patungo sa Gador’Ur kung saan ginawa niyang himpilan at kampo ang buong isla sa sumunod na walong taon, bago siya bumalik nang Ka’desh upang kalabanin ang kanyang kinikilalang kapatid at pabagsakin ang pamumuno nito sa Ka’desh at Gador’Ur. — ang simula nang pagdanak nang dugo.

 

KABANATA ISA:

KABANATA ISA:

ANG PANGWAWASAK

Ang Adi Makbule

Dinilat niya ang kanyang mga mata at kasabay noon bumangon siya sa tabi nang kanyang asawa. Tumayo siya sa kanilang higaan, nagbihis— nag-ayos nang kanyang sarili, sinuot ang isang bughaw na pambabaeng Báta na may manggas na hanggang sa ibabaw nang kanyang mga siko. Itinali ito sa kanyang katawan. Inayos ang kanyang buhok at sinuot ang mga sandalyas sa kanyang mga paa. Nang araw na ito sinimulan niya ang kanyang mga madalas na nakagawian. Una siyang nagtungo sa silid sa nang kanyang mga anak. Binuksan ang pintuan nang lagusan nang silid nang mga ito. Sinilip niya ang mga ito at nang tignan niya natutulog pa ang mga ito.

Ginising niya ang kanyang mga anak. Pinakilos niya ang mga ito bago siya bumaba sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan ng mga Harith. Inutusan niya ang nakatatandang si Mahsa na bumangon na at huwag siya nitong paghintayin na magalit pa at utusan pa ang mga ito na kumilos. Kasunod noon binuhat niya si Malik sa kanyang katawan. Hinintay na bumangon ang isa niya pang anak at sa paglabas niya sa silid nang mga ito, sabay silang bumaba sa ikalawang palapag nang tahanan nang mga Harith.

Dinala niya ang mga ito sa kanyang biyenang babae, ang matandang Adi nang tahanan. Sa pagbaba niya nakita niyang gising na ang Adi Dilshed sa loob nang silid nito, pumasok siya sa loob nang silid nito. Dinala niya ang kanyang mga anak na lalake sa amma nang mga ito. Bago siya umalis tinanong niya ang matanda kung gusto ba nito nang maiinom na mainit na tsaa, bagay na sinang-ayunan nito.

Nagpasalamat ito sa kanya. matapos noon iniwan niya ang kanyang mga anak sa matandang ina nang kanyang Hadezar. Lumabas nang silid nito at nagtungo sa loob nang silid lutuan kung saan sinimulan niyang sindihan ang siga, pakuluan at painitan ang tubig at gumawa nang tsaa na mula sa tuyong mga bulaklak nang roselya.

Nagsimula na rin siyang maghanda nang kanilang magiging agahan ngayong araw. Binaling niya ang kanyang pansin sa loob nang silid lutuan nang tahanan nang mga Harith. Kasunod noon lumabas siya sa loob nang silid at nagtungo sa kanyang lalakeng biyenan na nasa loob nang pamosong pabilyo nang tahanan ng mga Harith.

Lumabas siya sa loob nang tahanan. Naglakad sa buhanginan nang malawak na lupain sa gitna nang tahanan at nagtungo sa loob nang pamosong pabilyong pinagmamalaki nang kanyang biyenan kung saan nakita niya itong wala nang buhay nakabagsak ang ulo may, giniliitan ang leeg, naliligo sa sariling dugo at ang maliit na patalim ay nasa sahig nang pabilyo sa ilalim nang kinauupuan nito sa kanang bahagi.

Narinig ang sigaw sa buong tahanan. Hindi nagtagal nakita ito nang Adi Dilshed at nang kanyang asawa habang siya nasa labas nang pabilyo nang tahanan malayo sa mga ito na nasa loob ng pabilyo at pinagmamasdan ang bangkay nang kanyang biyenan. Nakayakap sa kanya ang kanyang mga anak. Tinatakpan niya ang mga mata nang mga ito.

Sinabi nang kanyang asawa na walang ibang dapat sisihin dito kung hindi ang kanyang kapatid na nakitang kausap ang ama nito. Sinabi nang Adi Dilshed na kailangang mahuli ang Hadi Yasir sa lalong madaling panahon bago pa ito tuluyang makatakas. Dagdag nang matanda kailangang maparusahan ang dapat managot.

Hindi nakaimik ang kanyang asawa.

Matapos noon naghanda ang kanyang asawa sa pag-alis nito at pagtawag nang mga Aninong nasa ilalim nang kanilang pamumuno upang ipahuli at dakpin ang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat. Sinundan niya ito sa yungib nang mga asong-gubat. Sa pagkakita niya, tinawag niya ito.

Lumingon ito sa kanya. Wika nito, “huwag mo kong piliting gawin kung anoman ang ayokong gawin!”

Wika niya, “hindi…alam ko—alam kong kailangang managot ni Yasir sa pagpatay sa iyong ama! Pero kailangan bang ngayon? Paano ang labi ng iyong ama, sino ang tutulong sa amin sa pag-aasikaso sa kanya— Paano kung?”

Tugon nito sa kanya, “babalik din ako agad…maaari mong tawagin ang Hadi Batul at makiusap ka sa kanya na buhatin ang baba at ni Ismat sa pag-aayos sa labi nito.” Binuksan nito ang lagusan nang yungib. Sumakay sa asong-gubat na kanilang alaga. Dagdag nito bago ito umalis sa kanilang tahanang mag-asawa, “wala kang dapat na ipag-alala!”

Tumango-tango siya.

Pero hindi niya magawang hindi mag-alala. Umalis ang kanyang asawa sa loob nang kanilang tahanan iniwan siya nito kasama ang labi ng Hadi Mahdi at ang Adi nang tahanan. Bumalik siya sa loob nang kanilang tahanang mag-asawa. Bumalik siya sa loob nang pabilyo kung saan naroroon ang Adi Dilshed at ang kanyang mga anak na yakap-yakap ang mga ito at akay-akay.

Nananatiling nakaupo ang labi nang matanda sa upuan…ang mga dugo sa sahig. Ang patalim na ginamit sa pagpatay dito.

Sa pagpasok niya tinawag niya ang kanyang mga anak. Nakiusap sa kanya ang Adi Dilshed na kung maaari ay dumito muna sa loob nang pabilyo sina Mahsa at Malik.

Bagay na kanyang itinanggi. Ngunit hindi napilit ang dalawang bata, bagkus nanatili ang mga ito sa tabi nang kanilang amma. Tinanong nang Adi Dilshed sa kanya kung nakaalis na ba ang Hadi Faysal bagay na kanyang sinang-ayunan.

Sinabi nang matanda sa kanya na bakit humingi nang tulong sa tahanan nang mga Roshan. Kausapin ang kanyang manugang at anak na tulungan sila sa pag-aayos para sa paglilibing nang Hadezar nang tahanan ng mga Harith.

Tinanong niya ito kung papaano ang mga ito, ang kanyang mga anak lalong-lalo na ang kanyang mga anak, kanino niya maipapaiwan ang mga ito.

Sinabi nang Adi Dilshed na maaaring ipagkatiwala dito ang kanyang mga batang anak.

Bagay na hindi niya tinanggap…Sinabi niya na makabubuti kung sasama sa kanya ang kanyang mga anak. Sinabi niya na mas mapapanatag ang kanyang loob kung nasa sa kanyang tabi ang kanyang mga anak.

Kinausap nang Adi Dilshed ang Hadi Mahsa at Hadi Malik. Ipinaubaya nang matandang Adi sa kanya ang pag-aalaga sa kanyang mga anak. Tinakpan niya ang labi nang Hadi Mahdi habang nananatili itong nakaupo at wala nang buhay sa loob nang pinagmamalaki nitong pabilyo nang tahanan.

Umalis siya kasama nang mga bata sa loob nang tahanan. Sakay nang kayumangging asong-gubat tinahak nila ang pinakamadaling daan patungo sa tahanan nang mga Roshan. Mula sa nag-eekis na daan napadpad sila sa dating kinasasakupan nang tahanan nang mga Barakat na ngayon ay ang kinasasakupang lupain nang tahanan ng mga Roshan. Hindi nagtagal narating nila ang tahanang pinagmulan nang asawa ng kanyang kapatid.

Bumukas ang lagusan papasok sa tahanan nang mga Roshan. Hinila niya ang asong-gubat sa loob nang tahanan. Sa pagpasok niya nakita niya ang kanyang anak na nagpapakain nang mga alagang bibe. Nakita siya nang Adi Ismat.  Nakita niya ang pagtataka sa mukha nang kanyang anak. Binaba niya ang Hadi Mahsa at ang Hadi Malik. Inutusan niya ang Hadi Mahsa na samahan ang kapatid nito sa pagpunta sa mga patnugod nang tahanan at magbigay galang.

Nang umagang iyon, mabilis na kumalat sa Ja’khar ang pagkamatay nang Hadezar ng tahanan ng mga Harith. Tumulong ang mga Roshan sa pag-aayos sa labi nang Hadi Mahdi. Ibinurol ang labi nito sa loob nang pamosong pabilyo nang tahanan. Nakapatong sa mahabang lamesa na pinaliligiran nang mga bulaklak at nang mga nakasinding tinghoy.

Sa pagbalik nang Hadi Faysal sa tahanan nang mga Harith sumalubong sa kanyang asawa ang nakaayos na labi nang ama nito. Naroroon ang dalawang tahanan na bumubuo sa kalipunan ng mga Hadezar.

Nakita niya ang kanyang asawa kasama ang mga Anino nang tahanan. Lumapit siya dito. Nang may pag-aalala tinanong niya ito kung ano ang nangyari sa loob nang tahanan ng mga Ardashir. Gayong binaling siya nito nang tanong at hinanap sa kanya ang kanyang kapatid. Bagay na kanyang pinagtakahan. Tinanong siya nito kung nasaan ang kanyang nakababatang kapatid, nasaan ang Hadi Yasir. Hindi siya nakaimik. Hindi niya alam kung ano ang isasagot…

Wala siyang ibang nasabi kung hindi, “hindi ko alam!”

Tinanong siya nito kung papaanong hindi niya alam gayong siya ang nakakita na dumating ang Hadi Yasir sa loob nang kanilang tahanan at siya ang nagsabi dito na nandito ang Hadi Yasir kausap ang kanilang ama. Tinanong siya nito kung hindi ba sila nag-usap. Sinabi niya sa Hadi Faysal na hindi sila nagkausap.

Hinanap niya sa Hadi Faysal ang Adi Hikmet.

Bagay na sinabi nitong nang dumating ito kasama ang mga Anino nang tahanan ng mga Harith wala nang naabutan ang mga ito sa loob nang tahanan ng mga Ardashir na kahit ano. Sira-sira ang loob nang tahanan ng mga Ardashir nang dumating ang Hadi Faysal dito.

Wika niya, “ano ang ginawa nang Hadi Yasir!”

Tugon nang kanyang asawa, “kung totoo man ang sinasabi mo na siya ang pumatay sa aking ama, hindi na ako magtataka pa. Matagal niyang pinaghandaan ang bagay na ito. Hindi ko lang inasahan na talagang hahamakin niya na patayin ang aking ama at baliin ang ano man para sa Ja’khar. Ito na ang simula nang ating nalalabing katapusan.”

Nang gabing iyon nilibing nila ang Hadezar nang tahanan ng mga Harith. Nabulabog sa mga pangluksang kulay nang damit ang tahanan ng mga Harith. Nagliwanag ang bawat sulok nang paligid. Ang mga haligi nang pabilyo ay kumitab at nagkikislapan sa pagkakahubog nito sa mga itim na bato.

Nagbigay ang Adi Dilshed nang maliit na pahimakas para sa anak nito. Inilarawan nito ang unang pagkakataon na masilayan ang Hadi Mahdi, nang isinilang ito nang matanda at itinuring ito bilang ang pag-asa nang tahanan nito. Mistulang bumalik sa gunita nang matanda ang kabutihan nang anak nito. Ang mga saglit na bula nang nakaraan, imahe sa mga naggunita at kailanman ay hindi na mawawala pa. Ang lungkot sa pagkawala nang tahanan nito at sa muling pag-angat nang mga ito bilang panibagong tahanan ng mga Harith— ang anak nito, ang maimpluwensyang Hadezar na nagpalaya sa kanilang tahanan at bumangon bilang maimpluwensya at kinikilalang tahanan.

Kasunod noon hiningi nang Adi Dilshed ang kanyang asawa sa kanya upang magbigay ito nang huling pagbibigay galang sa ama nito. Lumapit ang anak sa ama…Nakatalikod ito sa kanila habang hinihintay nang matanda kung ano ang sasabihin nang kanyang asawa.

Nanatili ang Hadi Faysal doon nang sandali. Pinagmamasdan ang labi nang ama…Hanggang sa kumilos ito. Kinuha nito ang sulo, sinindihan gamit sa nakasinding kawan. Hindi nagtagal sinunog nito ang labi nang ama nito sa labas nang pabilyo, sa harap nang tahanan.

Dinaluhan ito nang buong tahanan ng mga Roshan at nang mga Anino nang kanilang tahanan. Pinanood nila ang pagtupok nang apoy sa labi nang Hadi Mahdi. Ang pagbagsak nang huling kasalukuyang pinuno nang kanyang panahon.

Matapos ang libing nagkaroon nang maliit na salusalo ang dalawang tahanan. Nakita niya ang Hadi Batul na inaalagaan ang kanyang mga apo, ang Hadi Merkabah at ang bagong silang na Hadi Hazan. Lumapit siya sa asawa nang kanyang panganay na anak sa loob nang maliwanag na bulwagan.

Tanong niya, “maaari ba kitang makausap Hadi Batul!”

Bagay na sinang-ayunan nito.

Pagpapatuloy nang Adi Makbule, “gusto ko lang malaman kung alam mo ba kung nasaan ang aking kapatid, at iyong kapatid?”

Wika niya, “patawarin mo ako Adi Makbule pero matagal na naming pinutol kung anoman ang ugnayang namamagitan sa amin nang iyong kapatid at nang aming tahanan.”

Nagulat siya.  Lumapit siya sa isa sa mga upuang nakadikit sa dingding nang bulwagan. Napaupo siya sa isa sa mga upuang nakadikit sa dingding. Wika niya, “naiintindihan ko!”

Dagdag nang Hadi Batul, “ang huli naming pagkikita ay ilang buwan na ang nakakalipas kasama ang isa sa may-ari nang mga nag-aalalaga at nagpaparami ng Mantahungal na aking pinapasukan…naroroon siya sumali sa aming hapunan.”

Tanong niya dito, “sigurado ka!”  Bagay na sinag-ayunan nito. Sa kanyang pagtataka, tanong niya, “kung ganon nasaan ang Hadi Yasir at ang Adi Hikmet?”

Hindi nakasagot sa kanya ang Hadi Batul sa kanyang tinatanong dito.

Hindi nagtagal inihanda sa loob nang Bulwagan nang tahanan ng mga Harith ang kanilang hapunan. Masasarap na karneng hiniwa mula sa isdang Matambok, sinabawang isdang apahap na prinito muna bago ilagay sa sabaw at mga gulay na Kohlrabi at Manioc. Mga pinasingawang tahong na may maasim na sawsawan na mula sa nangasim na gatas nang buri at pamintang durog, kanin na malagkit at nakakalasing na inumin.

Matapos ang hapunan pinag-usapan nila ang tahanan ng mga Barakat. Ang banta nang pagbabalik nang Hadezar nito at nang Adi Hikmet. Kailangan nilang makatiyak na hindi na makakabalik pa ang Hadi Yasir o hindi na makakabangon pang muli ang tahanan ng mga Barakat. Iyon ang ganti nang Adi Dilshed sa pagkamatay nang nag-iisang anak nitong lalake, ang huli sa mga anak nito.

Tinanong nang Hadi Yusuf ang Adi Dilshed na kung papaano at bumalik pa ang kanyang kapatid sa Ja’khar.

Gayong tinuran nang Adi Makbule sa patnugod nang tahanan ng mga Roshan na hindi na dapat pang bumalik ang kanyang kapatid dahil kamatayan lamang ang naghihintay dito at sa pamilya nito sa pagbabalik nang mga ito sa Ja’khar kung talagang tuluyan na ngang iniwan nang mga ito ang kanilang bayan.

Tanong nang Hadi Batul sa mga ito na papaano ang mga naiwang tungkulin nang tahanan ng mga Barakat at mga Ardashir. Malinaw na pinamumunuan nang tahanan nang mga Harith ang ilan sa mga dating kinasasakupan nang mga Parvana at ngayon ay may sariling pamumuno ang mga magsasaka at may-ari nang mga lupain sa loob nang Ja’khar na dating pinapatnugunan nang tahanan nang mga Roshan.

Sinabi nang Adi Dilshed na kailangang ibalik ang Ja’khar sa pamumuno nang mga Hadezar. Sinabi nito sa kanila na nakausap nito sa isang pagpupulong ang mga dating anak nang Herren Sopespian. Maaari silang tulungan nito kapalit nang pagtulong nila sa pagbawi nang mga ito sa Herren’si nang Ka’desh. May mga nabuo na ang mga itong mga mandirigmang maaari silang tulungan na supilin at pigilan ang mga gagawin pa nang Kapisanan nang mga magsasaka, mga may-ari nang mga sakahan at taniman maging nang mga alagaan at pagpaparami nang mga hayop, kung anoman ang gustong itawag nang mga ito sa pabagsak na ginagawa.

Pagtataka nang Hadi Fadil gayong anong laban nang Ja’khar sa mga Harras nang Ka’desh.

Tinuran nang Hadi Batul na makailang ulit nang nilusob nang mga Kesh ang kanilang bayan gayong kailanman ay hindi pa ito nasasakop nang kanilang mga kalaban.

Tanong nang Hadi Fadil sa kanila, “hindi ba alam naman nang lahat nang matatanda na nandito kung ano ang ating kasaysayan, kung papaanong nilusob tayo nang mga Kesh sa una at pangalawang pagkakataon. At pinagtulungan nang buong Ja’khar na magapi ang Ka’desh pero gaano na po ba katagal simula nang nangyaring paglusob na iyon. Nang naungusan natin ang ating mga kalaban sa banta nang pagsakop nila sa atin? Huwag niyo pong mamasamain at inyong pahihintulutan, katulad nang aking kapatid, kami ay naging nasa ilalim din nang pagtuturo nang Hadezar…at alam nang buong Ja’khar kung ano tayo ngayon at kung ano tayo bago ang pagbagsak nang kalipunan nang mga hadezar.”

Wika nang Hadi Batul, “tama ang aking kapatid. Hindi makatwiran na sumali pa tayo, ulit, sa kung anoman ang kaguluhang nangyayari sa loob nang Ka’desh! Tignan niyo na lamang kung ano nangyari nang nalaman ng lahat ang ginawa nang kalipunan nang mga Hadezar.”

Tanong nang Hadi Faysal, “kung ganon, ano ang gusto mong gawin natin Hadi Batul?”

Wika nang Adi Makbule, “maaari natin kumbinsihin ang Ja’khar na ang ating bayan ay nasa kapayapaan at kaayusan. Gamitin kung anoman ang lahat ng meron tayo…”

Tanong nang Hadi Yusuf sa kanya, “at paano mo gagawin iyon, Adi? Paano mo makukumbinsi, ang ating mga kababayan na ang ating bayan ay nasa kaayusan. Na wala tayong dapat na ipag-alala? Nasa gitna tayo nang kaguluhan!”

Tugon nang Adi Makbule, “wala tayo sa gitna nang kaguluhan, Huwag kang magmalabis. Katatapos palang nang huling paglusob. Gaano na ba katagal nang huling nagkaroon nang kaguluhan sa labas nang ating mga tahanan at sa mga kalsada. Hind ba ang Hadi Yasir ang lumikha nang kaguluhan. Hindi ba ang Hadi Yasir ang gustong pabagsakin ang ating mga tahanan at sirain ang ating pamahalaan. Pinatay nang Hadi Yasir ang Hadi Khalil, nang dahil sa kanya bumagsak ang tahanan ng mga Ardashir. Nang dahil sa kanya kaya tayo ngayon ay nandito nagdadalamhati.”

Wika nang Hadi Yusuf, “at hindi ako ang nakakalimot dito Adi Makbule.”

Wika nang Adi Dilshed, “hindi tayo mga banal. Walang sinoman ang malinis at gumawa nang hindi maganda sa kapwa. Ang mahalaga at kinakailangang gawin, ngayon ay para sa Ja’khar.  Gusto niyong ibigay ang kapayapaan at linlangin ang mga tao…malaya niyong gawin kung anoman ang gusto niyo ngunit hindi maaaring itago ang kaguluhan— ang kaguluhan ay kaguluhan. Hindi kailanman magagawang itago kung anoman ang pinakawalan na. Nandiyan na iyan. Gayon bakit hindi ito gamitin sa ating kapikanabangan? Kailangan natin nang tulong pero hindi ibig sabihin noon wala na tayong gagawin pang iba. At bahagi nang pagkilos ay kung magagawa din natin magbigay nang tulong sa mga tutulong sa atin. Nandiyan ang Ka’desh at ang Qaa’ur. Ang Malawak na Andes nang Kanluran. O mga Hadi at Adi” Tumayo ang Adi Dilshed sa kanyang pagkakaupo sa upuang batong nakadikit sa dingding sa loob nang bulwagan nang tahanan. Nakatungkod sa kanyang tikin. Pagpapatuloy niya, “panahon naman siguro para humingi tayo nang pakiusap gayon alam natin na ang mga susunod na mga panahon ay ang pinakamahirap.” Nagsimula siyang maglakad palabas nang bulwagan nang tahanan ng mga Harith. Bago siya lumabas paalala niya sa mga ito, “hindi na natin maaaring itanggi kung anoman ang totoo. Dahil napakalayo natin sa katotohanan!”

Matapos noon tuluyang umalis ang Adi Dilshed sa loob nang bulwagan nang tahanan.  Sinubukan niyang habulin ang matanda para alalayan ito ngunit tumanggi ito at sinabing alam nito ang pasikot-sikot nang tahanan nito at hindi na kailangan pang alalayan.

Naglakad itong mag-isa patungo sa loob nang silid nito.

Sa pagbalik niya narinig niya ang sinabi nang Hadi Yusuf tungkol sa paalala sa kanila nang Adi Dilshed kung hindi ba nito nalalalaman na hanggang ngayon ay may utang pa sila sa mga mangangaraba nang Qaa’ur at hindi sila maaaring tulungan nang Ka’desh gayong nagkukupkop sila nang mga takas galing dito.

Bumalik siya sa loob nang bulwagan.

Wika nang Hadi Batul, “may punto ang amma, hindi natin maaaring itanggi kung anoman ang maaaring mangyari sa mga susunod na mga buwan. Wala tayong pamahalaan. Paano tayo magluluklok nang bagong Hadezar, sino pa ang kakatawanin para maging Hadezar. Ang aking ama ay hindi isang Hadezar ang aming tahanan ay mistulang kinalimutan na nakaraan…”

Wika niya, “hindi ba maaari ang Hadi Faysal?”

Wika nang Hadi Faysal, “huwag mo nang ipilit kung ano ang hindi.”

Tugon nang Hadi Batul, “paano tayo nakakatiyak na ang Hadi Faysal ang tagapagmana nang pagiging Hadezar. Ikaw man ang patnugod at pinuno nang tahanan hindi ibig sabihin nito maaari ka nang maging Hadezar!”

Sabat nang Hadi Fadil, “kagaya na lamang nang nangyari sa Hadi Rahim nang tahanan ng mga Barakat.”

Tugon nang Hadi Faysal sa kanya, “at sa iyong ina. Ngunit magkagayonman ang punto dito ay hindi ang pagbagsak nang ating pamahalaan, kung hindi ako nagkakamali, bagkus nang ating tahanan Adi Makbule. Iyon ang totoo” Binaling nang kanyang asawa ang pansin nito sa Hadi Yusuf. Dagdag nito, “Wala na tayong magagawa pa kung hindi maging katulad na lamang nang iba. Isang kalunuslunos na katotohanan.”

Hindi rin nagtagal nagbigay sa kanila nang paggalang ang Hadi Yusuf at ang asawa nitong si Adi Arwa sa pamamaalam nang mga ito. Sinundan ito nang batang Hadi Fadil sa pagbibigay nang pagdadalamhati nito sa pagkamatay nang Hadezar nang tahanan ng mga Roshan na Nakakapagtaka na wala man lang isa sa mga nasa ilalim nang pamumuno nang yumaong Hadezar ang nagbigay nang huling paggalang sa labi nang Hadi Mahdi.

Nananatili sa kanilang tahanan ang mag-aasawa, ang kanilang panganay na anak na si Adi Ismat at ang asawa nitong si Hadi Batul kasama ang mga anak nito na nakatulog na sa loob nang silid ng amma.

Nang gabing iyon, nilinis niya ang kanyang mukha. Tinanggal niya ang buhok sa pagkakatali nito, ang mga perlas na hikaw sa kanyang mga tenga, ang mga singsing na gawa sa ginto at tansong-dilaw sa kanyang mga kamay at panghuli saka niya hinubad ang itim na Báta, at isa-isang ipinatong ang mga ito sa mababaw na lamesa na nasa loob na kanilang silid mag-asawa. Lumabas siya sa kanilang silid. Sinilip niya ang kanyang mga bunsong anak sa loob nang silid nang mga ito. Nakita niya ang Hadi Batul na natutulog sa kama nang Hadi Malik at ang dalawa niyang musmos na magkatabi sa kama nang kanyang panganay na anak na lalake.

Kasunod noon bumaba siya mula sa ikalawang palapag nang tahanan. Nakita niya ang Hadi Faysal na nasa malawak na lupain sa gitna nang tahanan malapit sa pinagsunugan nang labi nang maimpluwensyang Hadezar ng kanilang panahon. Nakatingkayad ito nang upo, unti-unting kinukuha ang mga labi at abo nang yumaong Hadezar. Napansin niyang bumubulong-bulong ito. Kinakausap nito ang abo at mga buto nang ama habang iniipon sa loob nang maliit na bangang nasa tabi nito.

Gusto niya itong lapitan.

Nang hindi niya inaasahan, isang nilalang ang papalapit sa kanya nang hindi niya nalalaman. Basang-basa ang buong katawan nito, mula ulo hanggang paa. Ang buhok nito ay basa at kasing itim nang itim na bato. Ang suot nitong panloob na damit ay sira-sira, may mga lumot at marumi habang tumutulo ang tubig sa ilalim nang laylayan nang damit nito. Ang Balat nito ay maputla, ang mga kuko nito ay nangingitim, madungis at may mga sugat sa mga braso. Gilitan ang leeg nito at dahan-dahan itong lumalapit sa kanya habang naiiwan ang mga bakas nang mga paa nito sa sahig na bato nang tahanan.

Lumapit ito sa kanya. Bulong nito sa kanya nang may kaskas ang bawat sambit at may kumakawalang hangin, “bakit hindi mo siya lapitan, Adi Makbule! May karapatan kang lapitan siya at yakapin siya. Ikaw ang kanyang asawa!” Pero hindi niya ito ginawa. Tinalikuran niya ang kanyang asawa. Hinayaan niyang ipagluksa nito ang ama nito habang siya isa-isa niyang pinatay ang mga nakasinding timsim sa nakapaligid na pasilyo sa malawak na lupain sa gitna nang tahanan. Pagkatapos noon sinilip niya ang Adi nang tahanan at nakita niya ang kanyang panganay na kausap ang amma nito.

Nang gabing iyon nagniig sila nang Hadi Faysal. Pinagsaluhan nila ang isa’t isa. Nakayakap sa kanya nang mabuti ang Hadi Faysal. Nakayakap siya dito nang mabuti habang hinihimas niya ang likuran at umiiyak ito sa kanyang likuran. Alam niyang may maaaring gawin ang Hadi Faysal, alam niya iyon ngunit minabuti nitong huwag itong gawin at itama kung anoman ang pagkakamaling ginawa nang tahanan nito.

Gusto niyang malaman kung nasaan ang kanyang kapatid…kung tuluyan na nga ba itong umalis sa kanilang bayan at kinalimutan ang Ja’khar na nagsilbing masalimuot sa kanilang magkakapatid. Tinanggal niya ang kanyang pansin sa kisame nang kanilang silid mag-asawa.

Nakayakap sa kanya ang Hadi Faysal habang siya ay nakahiga sa kanyang likuran. Binaling niya ang kanyang pansin sa malikmatang gumuguhit sa dulo nang kanyang mga mata…gayong nakita niya ang nilalang na nakaupo sa mataas na upuan na malapit sa mababaw na lamesa na nasa loob ng kanilang silid. Naka-de-kwatro ito nang upo at pinagmamasdan siya sa hindi kalayuan.

Ang Hadi Batul

Sa pagbukas nang lagusan sa tahanan nang mga Roshan, bumungad ang pagpasok nang Adi Ismat habang bitbit nito at nakatali sa katawan ang kanilang bunsong anak na si Hadi Hazan. Nasa likuran siya nito at kasunod lamang, nagtatago sa mga anino nang mga naglalakihang lagusan ng pintuan. Unang pumasok ang kanyang asawa pagkababa at pagkababa nito sa sinasakyan nilang alagang asong-gubat. Agad itong tumuloy sa loob nang tahanan habang naiwan siya kasama ang kanyang panganay at ang kanilang alaga.

Pumasok ang kanyang asawa sa loob nang kanilang tahanan habang dinala niya ang kanilang mga alaga sa loob nang yungib nang tahanan. Binuksan niya ang yungib nang tahanan ng mga Roshan. Tumuloy sila nang kanyang anak, habang buhat-buhat niya ito sa kanyang likuran. Pumasok sa loob nang yungib at saka pinakawalan ang alaga sa pagkakatali nito, at sa paratilya at sapin na nasa likuran nang asong-gubat. Sinarado niya ang lagusan nang yungib at saka lumabas sa kabilang lagusan na nagdudugtong sa loob nang kanilang tahanan. Sinarado niya ang pintuan nang lagusan, tinakpan ang pintuan ng pantapis at lumabas nang madilim na pasilyo, bumaba sa mga nakaangat na sahig nang tahanan at naglakad sa malawak na lupain sa gitna nang kanilang tahanan. Sinarado ang pangunahing lagusan at saka bumalik papasok sa loob nang kanyang tahanan.

Sa kanyang paglalakad sa malawak na lupain sa gitna nang tahanan, nabaling ang kanyang pansin sa nakasinding kawan na may tatlong panungkod na paa at nakapatong sa plataporma nang tahanan. Kasunod noon nabaling ang kanyang pansin sa bulwagan sa loob nang tahanan at tumuloy siya papasok sa kanyang tahanan.

Pumasok siya sa loob nang bulwagan bitbit ang panganay na anak na isang taong gulang at doon, nakita niya ang kanyang nakatatandang kapatid, Ang Adi Hikmet kausap ang kanyang ina at ang Hadi Fadil. Lumapit siya sa mga ito at sa kanyang paglalakad napansin niya, hindi sa kalayuan nang mga ito, nagtatago sa kasuluksulukan ang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat.

Nagbigay siya nang paggalang sa mga ito, pagkatapos noon agad din siyang umalis sa bulwagan at dinala ang kanyang anak sa kanilang silid mag-asawa sa ikalawang palapag nang tahanan kung saan naroroon ang kuna nang anak. Ibinaba niya sa kuna ang hadi Merkabah. Inayos ito nang mabuti…at saka lumabas nang silid-tulugan.

Tanong niya, “akala ko umalis na kayo!”

Wika nang Hadi Yasir sa kanya, “wala kang dapat na ipag-alala…para sa iyong kaalaman wala na kami dito!”

Pagtataka nang Hadi Batul, “kung ganon ano ang ginagawa niyo pa dito!”

Wika nito sa kanya, “bago ako umalis may gusto akong sabihin sa iyo…at gusto ko makinig kang mabuti.”

Nabigla ang Hadi Batul. Hindi siya mapakali sa mga sandaling ito habang nakaupo sa isa sa mga batuhang upuan na nakadikit sa dingding ng tahanan.

Pagpupumilit nang Hadi Yasir sa kanya, “Hadi Batul…Hadi Batul! Kailangan mong pakinggan ang lahat nang sinasabi ko sa iyo. Para ito sa kinabukasan nang iyong tahanan at nang Ja’khar. Naiintindihan mo ba? Para ito sa iyo…sa iyong kasaysayan at sa magiging kasaysayan pa nang buong Ja’khar sa ilalim nang iyong pamumuno.”

Nagulat siya. Tumango-tango siya.

Wika nito sa kanya, “mabuti kung ganon. Ngayon unang-una sa lahat bago ko kailangang sabihin sa iyo ang mga kailangan mong gawin, gusto kong sabihin sa iyo na hindi pa ito ang tamang pagkakataon para muling ibalik ang kalipunan ng mga Hadezar. Sinabi na sa akin nang iyong ina kung ano ang mga nangyari sa pag-uusap sa tahanan ng mga Harith. Alam ko kung bakit ito ginagawa nang tahanan ng mga Harith…Isang paghihigante. Malinaw na gusto nilang paghigantihan ang pagkamatay nang kanilang patnugod, pinuno nang kanilang tahanan.”

Wika niya, “ikaw ang pumatay sa Hadi Mahdi!”

Ngumisi ito sa kanya. Tugon nito, “oo…ako ang pumatay sa Hadezar pero sabihin mo sa akin kailangan niya nga bang talaga na bantaan ang pagpatay sa aking mag-ina?” muli itong ngumiti sa kanya. Dagdag nito, “O Hadi Batul nang dahil sa kanya at sa kanyang impluwensya maraming tahanan ang bumagsak at nasira…at isa na ang tahanan ng mga Barakat sa mga nasira!”

Tanong niya, “ano ba ang gusto mong ipagawa sa akin?”

Wika nito sa kanya, “ang gusto ko pangalagaan mo at pamunuan mo ang gagawing pagpupulong sa pagitan nang inyong mga tahanan at nang kapisanan nang mga magsasaka at mga may-ari nang mga lupain.”

Wika niya, “tama nga… Ikaw nga ang may dahilan kung bakit hindi naging bahagi nang kalipunan ng mga Hadezar ang aking tahanan. Kung bakit wala kaming napala nang tulungan ka namin. Matapos mong hingin ang tulong namin na tulungan kang patakasin sa Ja’khar? Ngayon naman hinihingi mo ang tulong ko, na tulungan at kampihan ang aming mga kalaban!”

Wika nito sa kanya, “hindi ako!”

Pagtataka niya, “ano?”

Dagdag nang Hadi Yasir, “hindi ko sila tinulungan o kinausap para kalabanin ang inyong tahanan. Hindi ako ang lumikha nang isang kapisanan na para sa mga magsasaka at sa mga may-ari nang mga sakahan. Sila…sila ang kumilos, hindi dahil sa inyo ni kahit sa aking pag-uutos. Tinanong nila ako, nandiyan ang iyong kapatid siya ang kasama ko nang dumating ang Hadi Eno at Adi Baqira sa aming tahanan, siya ang magpapatunay na ako ang unang-unang tumutol na hindi makabubuti na gawin ito ngayon!”

Tanong nang Hadi Batul, “ngayon?”

Wika nito sa kanya, “oo ngayon…dahil hindi magtatagal mangyayari at mangyayari ang bagay na ito sa Ja’khar at sa mga susunod pang mga estadong lungsod sa labas nang Ja’khar. Alam mo ba kung ano na ang nangyayari ngayon?”

Pagtataka nang hadi Batul sa kanya, “ikaw alam mo ba ang nangyayari ngayon sa iyong paligid?”

Tugon nito, “hindi!”

Ngumiti ang Hadi Batul. Wika niya dito, “wala kang kaalam-alam para pangaralan ako at tanungin kung alam ko ang nangyayari sa labas nang ating bayan kung ikaw mismo hindi mo nakikita kung ano idinulot mo para sa aming bayan. Ang lahat nang kamatayan, ang ginawa mong kaguluhan…hindi ako nakakalimot bahagi ako nang pagmamanipula mo. Sinasabi mo sa amin kung ano ang gusto naming marinig, paniniwalaan ka namin…tutulungan ka namin sa huli hindi kami ang makikinabang. Akala ko, kahit kailan simula nang bata pa lamang ako at pinakasalan ko ang iyong pamangkin…hindi na dapat pa kaming naniwala sa inyong mag-asawa. Kinuha mo ang aking kapatid sa aming tahanan, ngayon hindi ko na siya kilala pa…”

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo sa isa sa mga batong upuang nakadikit sa dingding nang bulwagan. Kasunod noon lumabas siya nang bulwagang silid. Iniwan ang mga ito at nagsimulang maglakad papasok sa madilim na bahagi nang pasilyo. Hinawi ang tapiserya na tumatakip sa lagusan at sa pinto. Binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Nakita niya ang mga asong-gubat sa loob na nakahiga at nagpapahinga. Ngayon niya lang napansin Mamé na naroroon sa loob nang yungib. Ang bigat-bigat nang kanyang pakiramdam. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya, kung ano ang gusto niyang maramdaman nang mga sandaling ito.

Hanggang sa bumukas ang yungib ng tahanan at narinig niya ang pagtawag sa kanya nang kanyang nakatatandang kapatid.

Wika nito, “…pwede ba tayong mag-usap!”

Tinawag siya nito sa pangalawang pagkakataon. “Hadi Batul!”

Nilingon niya ang kanyang kapatid. Nakita niya ito na nakatayo sa kanyang harapan. Nakabukas ang lagusan nang silid. Nakahawi ang tapiserya nang pintuan. Naroroon ang Adi Hikmet, na nagbubuntis.

Wika nito sa kanya, “natatandaan mo noon kapag pinagagalitan ka palagi ka ditong nagpupunta!”

Hinawi nito ang tapiserya. Sumilip sa likuran nito at saka muling ibinaling ang pansin nito sa kanya. Pumasok ito sa loob nang yungib. Sinarado ang pinto nang lagusan.

Pagtataka niya, “ano ba ang ginagawa mo dito?”

Wika nang Adi Hikmet sa kanya, “wala gusto lang kitang makausap.”

Wika niya, “kung sa inaakala mong mapipilit mo kong gawin kung anoman ang gustong gawin nang iyong asawa nagkakamali ka, Hindi mo ako mapipilit!”

Wika nang Adi Hikmet, “sige…hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Maaari mo ba akong tulungan na makababa.”

Lumapit siya sa kanyang kapatid. Hiningi niya ang kamay nito at ibinigay nito sa kanya ang kamay nito. Tinulungan niya itong makababa sa yungib. Nagpasalamat ito sa kanya.

Tanong niya dito, “kailan ka manganganak!”

Wika nito sa kanya, “matagal pa, dalawang buwan pa.”

Wika niya, “kung mangyari iyon…wala ka na dito sa Ja’khar! Saan ba kayo pupunta nang Hadi Yasir!”

Wika nito, “hindi ko pa alam.”

Tumango-tango siya. Sinabi niya na makabubuti kung sa Qaa’ur maisisilang nang kanyang kapatid ang anak nito…may nakapagsabi sa kanya na mabuti daw ang pagpapaanak nang mga Mata kung gugustuhin nitong maisilang ang panganay sa mga isla nang liwanag nang buwan.

Tanong nang kanyang kapatid sa kanya, “doon sa sinabi mo sa Hadi Yasir. Totoo ba iyon, hindi mo na nga ba talaga ako kilala?”

Tugon niya, “hindi ko na alam!”

Wika nito, “naiintindihan ko.” Lumapit ito sa isa sa mga haligi. Sinubukan nitong tumungkod dito. Gayong nakaramdam siya nang pag-aalala sa kanyang kapatid. Naghagilap siya nang mauupuan nito at nang nakakita pinaupo niya ito sa mataas na upuan na malapit sa pagawaan nang yungib.

Sinubukan niyang tulungang makaupo ang kanyang kapatid. Gayong tumanggi ito at sinabing kaya na nito.

Wika nang Adi Hikmet, “Hindi na kailangan— Alam mong hindi mo dapat ginawa iyon sa Hadi Yasir. Kahit anoman ang isipin mo hindi masama ang layunin niya para sa inyo!”

Ngumisi siya. Tulad nang inaasahan mauuwi rin ang kanilang pag-uusap sa ganito.  Tugon niya, “pero hindi rin ibig sabihin noon na makakabuti iyon para sa amin…”

Wika nito, “hindi masama ang Hadi Yasir!”

Wika niya, “o Adi Hikmet hindi mo kailangang ipagtanggol sa akin ang iyong pinakamamahal na asawa! Ilang ulit ka na ba niyang sinaktan at niloko.”

Wika nang kanyang kapatid, “nagkakamali ka.”

Wika nang Hadi Batul, “Adi…tama na!”

Tumayo ito sa kinauupuan nito. Pagpapatuloy nito sa kanya, “subukan mong kausapin ang Hadi Yasir. Makinig ka sa kanya dahil mahalaga ang sasabihin niya sa iyo. May kinalaman ito sa kinabukasan nang tahanan ng mga Roshan!”

Bumukas ang lagusan na nagdudugtong sa loob nang tahanan at sa yungib. Narinig nila ang pagbukas nang pintuan dahilan upang lumingon silang pareho sa gayon nabaling ang kanilang pansin sa kanilang ama. Tinawag nang Hadi Yusuf ang kanyang nakatatandang kapatid. Sinabi nito dito na matapos na makapagtanghalian sa kanilang tahanan ay maaaring ang mga ito na dumito. Nagkausap na ang kanyang ama at ang ahas na Hadezar. Sinabi nito sa kanila na pinaliwanag na nito dito na makabubuting umalis sila nang Ja’khar sa kalagitnaan nang gabi gayong iilan ang maaaring maghinala na tinatago nila ang mga ito sa kanilang tahanan.

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Hikmet.

Matapos noon tinawag siya ng kanyang ama. Inutusan siya nitong tumulong sa paghahanda nang kanilang kakainin ngayong pananghalian.

Bagay na kanyang tinalima.

Tinulungan niya ang Hadi Yusuf na magluto nang kanilang tanghalian. Nagluto sila nang karne nang Mantahungal na kanilang inihaw. Nagsaing siya nang kakanin na malagkit at naglaga nang mais. Gumawa ang kanyang ama nang sawsawan na mula sa pinaasim na singaw nang gata na mula sa puno nang buri. Pinipig na mula sa pinatuyong hindi pa nahihinog na bunga nang mais at maanghang na pampalasa.

Tumulong ang Hadi Fadil sa paghahanda nang kanilang pananghalian sa loob nang bulwagan nang tahanan. Nakita niya ang kanyang asawa na kinakausap nito ang tiyo nito habang buhat-buhat nilang pareho ang kanyang mga anak. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Kung ano ang isinisiksik nang Hadi Yasir sa isipan nang kanyang asawa.

Pinagsaluhan nila ang tanghalian nang hapong iyon.

Matapos ang pananghalian umakyat siya sa hardin sa ikalawang palapag nang tahanan sa balkon na nasa ibabaw nang yungib nang tahanan nang kanilang mga alagang hayop. Umupo siya sa isa sa mga malalapad na mga upuan na may mababaw na sandalan at mahahabang patungan nang kamay. Sinubukan niyang ipikit ang kanyang mga mata. Ngunit hindi siya makatulog.

Nang hapong iyon sa kanyang pag-iisa narinig niya ang tinig nang Hadi Yasir.

Sinabi nang ahas na hadezar sa kanya na alagaan niya ang kapatid nito at ang pamangkin nito na kanyang asawa. Na huwag niyang hahayaan na may mangyaring hindi maganda sa dalawang ito. na siya na ang bahala sa mga ito.

Pagkatapos noon hindi niya na ulit narinig pa ang tinig nang Hadezar.

Nang gabing ito umalis nang Ja’khar ang mga ito sa kanilang tahanan. nagpaalam ang Adi Hikmet sa kanyang mga magulang. Tinalikuran niya ito…Hindi nagtagal tuluyang umalis ang mga ito sa kanilang tahanan sakay kay Amarok at Mamé.

Matapos noon bumalik sila sa loob nang kanilang tahanan. Sinarado niya ang pintuan nang lagusan habang tuluyang pinatay nang kanyang ama ang nakasinding kawan.

Alam nang lahat na para ito sa ikabubuti nang higit na nakararami.

Pagkapatay nang mga nakasinding timsim umakyat siya sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan Pumasok sa loob nang kanilang silid mag-asawa kung saan nakita niya ang Adi Ismat na nag-aalaga sa Hadi Hazan.

Sinarado niya ang pintuan nang kanilang silid. Hinayaan niyang nakabukas ang mga durangaw para pumasok ang malamig na simoy nang hangin. Kasunod noon hinubad niya ang kanyang suot na Báta. Ipinatong ito sa mataas na lamesa malapit sa nakasinding timsim sa loob nang kanilang silid.

Umupo siya sa mataas na upuan. Tinanggal niya sa pagkakatali ang kanyang mga sandalyas gayong habang ginagawa ito tinanong niya ang kanyang asawa kung ano ang sinabi nang Hadi Yasir dito kanina matapos sa pananghalian nang nakita niyang kausap nito ang kanyang asawa.

Sinabi sa kanya nang Adi Ismat na himukin siya nitong paburan ang kapisanan nang mga magsasaka at pamunuan ang mga ito na palakihin ang Ja’khar hanggang sa kabilang ilog.

Bagay na kanyang ikinangisi. Tinanong niya ang kanyang asawa kung iyon lang ang sinabi nito dito. Bagay na sinang-ayunan nito sa kanya. Tinanong siya nito kung may kailangan pa ba siyang malaman.

Gayong itinanggi niya.

Sinabi nang Adi Ismat sa kanya na makabubuti kung susundin niyang gawin ang sinabi ng ahas na Hadezar. Sinabi nito sa kanya na walang masama kung susubukan nitong gawin ang sinasabi nang Hadi Yasir, ang matagal na dapat ginawa, at sinubukang gawin nang Ja’khar. Gayong sa tingin nito na ito ang makabubuti para sa lahat.

Matapos noon tinanong siya nito kung ano ang sa tingin niya. Gayong hindi siya nagbigay nang tugon dito. Hinubad niya ang suot niyang saluwâl at humiga sa kama nilang mag-asawa nang nakabahag lamang at saka binaling ang pansin sa kisame nang kanilang habang nakaunan sa kanyang batok ang kanyang nakayuping kaliwang braso.

Pinagmamasdan niya ang kisame…

Nang sumunod na araw isang pagpupulong ang hiniling nang kapisanan nang mga magsasaka sa tahanan nang mga Roshan. Nagpaalam ang Hadi Eno sa kanyang ama nang makausap ito kahapon sa hindi sinasadyang pagkikita kung mamarapatin nang kanyang ama na pagbigyan nila ito sa pagkakaroon nang talastasan. Bagay na unang pinagtakahan nang kanyang ama.

Inilahad ito nang kanyang ama sa panananghalian kasama nang mga Barakat. Gayong nang hingin nang Hadi Yusuf ang palagay nang ahas na Hadezar wala itong nasabi kung hindi kilala nito ang Hadi Eno at hindi ito gagawa nang hindi maganda at ikasisira nang tahanan nito at nang pangalan nang ama nito. Na sa kanyang palagay ay malinaw na sinasabi nang ahas na Hadezar na sila na ang bahala sa Ja’khar gayong hindi naman nakapagtataka na lantaran na nilang pinalalayas ang mga ito sa kanilang bayan.

Pinagbigyan nang kanyang ama ang pagkakaroon nang pakikipagtalastasan sa Hadi Eno…Nang umagang ito dumating ang mga ito sa kanilang tahanan. Kasama nang pinuno nang kapisanan nang mga magsasaka at may-ari nang mga taniman, at may-ari nang sakahan nang maisan na si Hadi Eno ang Hadi Ogeyerg na pinaglilingkuran nang kanyang nakababatang kapatid at ang Hadi Garam na kanyang pinagtatrabahuhan.

Nang hapong iyon pinag-usapan nila ang balak nang kapisanan na palawakin ang bumubuo dito. Hiningi nang mga ito ang payo nang kanyang ama na kung makabubuting kumbinsihin at kausapin nang mga ito ang mga mangingisda at ang mga unyon na nagtatrabaho dati sa ilalim nang patnugot nang tahanan ng Hadi Khalil.

Tinanong nang kanyang ama kung ano ang dahilan kung bakit ang mga ito ay hinihingi ang payo nito.

Gayong sinabi nang Hadi Eno sa kanila na makabubuti ang pagsangguni sa tahanan ng mga Roshan dahil hindi maitatanggi ang malasakit at katapatan nito sa kanilang bayan…bagay na kung tutuusin ay isang malinaw na pabagsak sa kanilang tahanan.

Sinabi nang Hadi Ogeyerg na gayong malinaw na walang kakayahan ang kalipunan nang mga Hadezar na mamuno marapat lang na pagbigyan ang Kapisanan na tumulong sa pag-aalaga at pamumuno habang hindi pa tuluyang nakakabangon ang Kalipunan nang mga Hadezar.

Tinanong niya ang Hadi Garam kung ano ang palagay nito sa pag-uusap gayong tulad nang mga ito ay lantaran ang panghahamak sa kanilang tahanan. Tinanong niya ang kanyang pinagtatrabahuhan kung may sama ba nang loob ito. Gayong tinanggi ito nang Hadi Garam at sinabing katulad rin niya ay para ito sa malaking tulong na makukuha nang tahanan nito at maging sa ikabubuti nang Ja’khar.

Sinabi nito sa kanya na walang masama kung pakikinggan ang kapisanan gayong sila ang tunay na kumikilos para sa Ja’khar.

Hindi niya nagustuhan ang pananalita nang Hadi Garam. Pinigilan siya nang kanyang ama na gumawa pa nang kaguluhan.

Sinabi nang kanyang ama kung ano ang nararamdaman nito. Humingi ito nang tawad sa mga ito sa kadahilanang wala itong maibibigay na tulong…o kung kagustuhan nang mga ito na kausapin ang tahanan ng mga Harith at kumbinsihin ang mga ito na tumulong para sa pag-uusap nang mga ito dito ay hindi kayang gawin nang kanyang ama. Sinabi nang kanyang ama na wala itong masasagot na kahit ano. Magkagayonman ibinigay nang kanyang ama ang buong tulong sa pag-usad na ito nang Ja’khar kahit pa masakit sa loob nito ang pag-amin nang pagkatalo.

Malinaw na isa itong pagkatalo nang kanilang tahanan. Gayon sa kanilang pag-uusap nang kanyang ama kung bakit ito ang naging desisyon na panigan at tulungan ang Kapisanan ay sinabi nito na paano sila mananalo kung ang kanilang kalaban ay kanilang pinamumunuan din.

Sinabi nang kanyang ama na hayaan ang mga ito na gawin kung anoman ang gusto nilang gawin hindi magtatagal babalik din ang mga ito at hihingin din ang kanilang tulog…sa huli sila ang tunay na magwawagi. Ang kailangan lang gawin ang maghintay at tulungan ang mga ito habang pinalalasap nila sa mga ito ang sandaling kalayaan.

Kinausap nang kapisanan nang mga magsasaka, nang may-ari nang mga sakahan at taniman maging nang pagpaparami nang mga hayop ang mga unyon na tapat na naglilingkod sa tahanan ng mga Ardashir, ang mga mangingisda, ang nag-aani nang mga asin at nagtatanim nang mga nakakalasing na inumin at nagtatanim nang mga pampaanghang na pampalasa, at ang mga gumagawa nang mga sasakyang pandagat na sumapi sa kapisanan kapalit ang kaparakan na may layuning pamahalaan ang sarili sa iisang pamumuno habang umuugong-ugong ang pamahalaan nang kalipunan ng mga Hadezar. Kasama sa kaparakan nang mga ito ay tuwiran at payak na pagpapalitan nang produkto nang walang halong pangingialam nang kanilang mga tahanan ng mga Harith at Roshan.

Panatilihin ang saligan na buo, suriin, bantayan at bawasan ang kapangyarihan at impluwensya nang kanilang mga tahanan at higit sa lahat ang hindi na maulit pang kaguluhan na makailang beses nang nangyari sa kanilang bayan na sila-sila rin ang nagdulot nang karahasan at takot.

Kinausap nang kanyang ama ang Adi Dilshed. Sinabi nito sa matabing Adi na panahon na para bumaba ang kanilang tahanan sa yabang at dunong na tinataglay nang mga maliliit sa kanila.

Dagdag nang kanyang ama ginawa ito nang Hadi Yasir ng makailang ulit kasama ang kanyang kapatid sa paglilibot sa buong nasasakupan nito. Naging kabahagi ang mga ito sa tahanan ng mga Barakat sa ilalim nang pamumuno ng Hadi Yasir, sa bawat kainan at tawanan…

Gayong sa tingin nang Adi Dilshed alam nito kung bakit ito ginawa nang ahas na Hadezar. Isa itong isterismo sa takot nang pagbagsak. Mga dagang tumatakbo papalayo sa lumulubog na sasakyang pandagat.

At nauunawaan ito nang matandang Adi nang tahanan. Gayong tiniyak nito na paikot-ikot lang ang lahat sa daigdig, na darating ang araw na babalik ang mga ito sa kanila at sila ang magiging mabuti mula sa larawan nang kasamaang pinipinta nang mga ito sa kanila.

Saloobloob niya hindi lang produkto o serbisyo ang ibinigay nang Hadi Yasir, gayong ginagawa rin nila ito, bagkus itinuring nang mga ito na kabilang sa tahanan ng mga Barakat.

Sumabat siya sa pag-uusap nang kanyang ama at nang Adi Dilshed habang nasa loob sila nang pabilyo nang tahanan nang mga Harith. Sinabi niya na sa tingin niya sa tinuran nang Adi Dilshed na hindi ito tungkol sa kanilang pagmamalabis o sa kanilang pagiging masama sa mga mata ng kapisanan bagkus naniniwala siya na tungkol ito sa gutom…at hindi sa pagtuturo nang magpababalingan ng sisi.

Marami ang nagugutom…marami ang nagtatrabaho sa ilalim nang isang pamunuan gayong unang-una hindi pa lubusan na nakakabangon ang kanilang bayan mula sa pinsala nang nagdaang masamang panahon, sa pagpasok nang maagang taglamig at pagka-unano nang mga tanim. Lalo na ang utang nila sa mga manlalayag at mangangarabana na kada dating ay binabawasan ang laman nang dapat sa kanila.

Na ang totoo kailangan nilang magpasalamat nang marami dahil mahabang panahon man ang dulot nang ginagawa nang mga ito sa Ja’khar, lalo pa na paparating ang pagpasok nang panahon nang tag-ulan, ay halos hindi ito mararamdaman nang kanilang bayan liban lamang sa mas mababa sa kanila at sa mga hikahos.

MALAKITH

Sa timog-kanlurang bahagi ng Ka’desh matatagpuan ang magiting na isla at tahanan ng mga Gador— Ang Gador’Ur, ang isla ng itim na Bato. Isa ang mga Gador sa tatlong unang mga lahi na nakarating sa malayang Andes nang Silangan sa pamamagitan nang tulay na mga lupa tatlong libong taon na ang nakararaan. Mula sa Mahiwagang Andes nang katimugan pinaniniwalaan na naglakbay sila sa Sungay nang Mahiwagang Andes patungo sa kung saan ngayon na mas kilala ang timog na bahagi nang Malayang Andes.

Ang mga Kesh, Gador at mga Erebo ang tatlong mga lahi na nakarating sa Malayang Andes ng Silangan. Nagtungo sa hilagang bahagi ang mga Erebo kung saan itinayo nang mga Erebo ang sarili nilang bayan at pamahalaan na hindi kalaunan ay sinakop at pinagbagsak nang mga dayuhang nag-ibang dagat at tumakas mula sa tuluyang pagbagsak nang imperyo nang mga Vanlandi, ang Herren’si nang Asbalta. Habang nanatili ang mga Kesh at mga Gador sa katimugan kung saan nagagawa nilang makapaglakbay at makapagpalitan nang mga produkto at serbisyo sa pamamagitan nang tulay na mga lupa na nagdudugtong sa Malayang Andes nang Silangan at sa Mahiwagang Andes nang Kanluran bago ito tuluyang nilamon nang mga karagatan.

Nanatili ang mga Kesh at Gador sa katimugan sa sumunod na mahabang panahon kasabay nang pagbabago ng mga panahon. Nagdulot ito nang kakulangan nang pagkain at kawalan nang mga lupain na maaaring sakahan sa paglawak nang nagbabagang lupain. Sa sumunod na mga panahon sinubukang sakupin ng mga Kesh at Gador ang mga bayan nang Ja’khar at Qaa’ur ngunit pawang ang kanilang mga pananakop at marahas na pagnanakaw ay hindi nagtagumpay, lalo na sa Ja’khar.

Sa huli nagkasundo at napapayag nang mga pinuno nang Ja’khar at Qaa’ur na makipagpalitan nang mga produkto at serbisyo ang kanilang mga bayang sa dalawang bayan na nasa dulo nang kanilang daigdig. Kapwa parehong nagkaroon ng pagkakatatag nang isang pamahalaan at lipunan ang dalawang bayan. Sa tulong nang mga Qaa at Taiaman itinatag ang bayan nang Ka’desh habang minabuting piliin nang mga pinuno ng mga Gador ang pagiging mailap nang kanilang mga lahi at pagkakagawa nang isang napakataas na muog na pumapalibot sa buong isla at ang mismong mga haligi ay nakatarak sa mga lupa, ngayon kapag inisip ang Gador’Ur ang laman nang mga isipan nang mga mangangarabana at mga dayuhan kung hindi ang kanilang isla na gawa sa itim na mga bato at ang mga nagtataasang mga muog na mas makapal pa kaysa sa mga balat ng isdang Bakunawa na naninirhan sa mga ilog nang hilagang bahagi ng Malayang Andes at sa mga daliri nang Mata.

Nanatili ang mga Kesh na mga kapanalig nang Ja’khar at Qaa’ur habang bumalik sa pagpipirata at pagnanakaw ang Gador. Umunlad ang Ka’desh at nakilala ang bayan nang mga ito na tahana ng mga magigiting na mga mandirigma na pinamumunuan nang mga pinuno na tinatawag na mga Herren at maaaring pabagsakin sa pamamagitan nang paghamon nang masmalakas at masmakapangyarihan.

Kailanman wala nang narinig pa na kahit ano sa loob nang Gador’Ur liban lamang sa bawat tumatakas na mga Gador at tumatawid sa ilog nang mga luha at nagagawang tumakas mula sa mga lubak nang Hardin nang mga Buto at nakakarating na Qaa’ur at Ka’desh na nagsasabing patuloy ang nararanasang kahirapan sa loob nang bayan, kagaya na lamang sa mga nakalipas na mga kasalukuyang panahon. Minsan ang ga tumatakas o nakagagawang tumakas ay hindi na nakikita pang buhay at bangkay na lamang na palutang-lutang sa matatarik na baybayin at sa dagat nang tag-init.

Sa taong Dalawangdaan at pitumpu Eo nagsimula ang pag-angkin nang mga Kesh sa bayan nang Gador’ur sa hindi malamang dahilan, ito ay kumalat sa apat na sulok nang Malayang Andes nang Silangan.

Sinimulan nang Herren ng mga panahong iyon na si Izzaldin, anak nang yumaong mabuting Herren na si Ybrahim na angkinin at ituring na pagmamay-ari nang mga Kesh ang Gador. Nagsimula ang malawakang paghahanda at pagbabalak sa pag-angkin ng Gador’ur sa taong 270 Eo. Tuluyang gumuho ang pinagmamalaking mga muog na mga Gador sa taong 273 Eo at nagsimula ang pagsakop nang mga Kesh sa Gador’Ur sa sumunod na araw. Sa sumunod na mga buwan tuluyang bumagsak ang pamahalaan at ang lipunan ng ma Gador at hindi nagtagal naging alipin-bayan ng Ka’desh ang Gador’Ur.

Sa taong Dalawangdaan at pitumpu’t pito, sa panahon ni Eo (277 Eo) isang babaeng Gador ang nagsilang nang isang lalakeng sanggol sa loob nang kural ng mga baboyramo. Ito ay matapos nitong makatakas mula sa iilang mga Kesh na naghahanap dito. Tumakas ang babae mula sa mahabang panahon nang pang-aabuso at pananakit dito nang iilan sa mga Harras nang Ka’desh sa takot na mawala dito ang magiging anak nito, bagay na mahigpit na ipinagbabawal sa loob nang Ka’desh ang pagkakaroon nang ugnayan at anak ang isang Kesh at Gador.

Hindi nagtagal namatay ang batang babae mula sa komplikasyon nang panganganak. Maraming dugo ang nawala dito at ang murang-edad nito nagpalala nang kalubhaan ng panganganak nito. Ang sanggol ay bunga nang kawalang-hiyaan na pinaggagawa nang magigiting Harras ng Ka’desh sa batang babae.

Nakita nang isang binatang Kesh ang wala nang buhay na katawan nang babae habang nasa paanan nito ang anak nito at nilalawayan ng mga biik. Agad na tinawag nang binata ang kanyang pinuno, tinuran ang kanyang nakita at agad na nagtungo sa kung nasaan ang mag-ina.

Rinig ang ingay nang sanggol sa pag-iyak nito. Agad na kinuha ito nang matanda matapos na pagkaguluhan ng mga biik—nagsisimula nang kainin nang mga baboyramo ang labi nang batang babaeng Gador.

Kinuha ito nang matanda. Isang sanggol na nagtataglay ng salat na ilong, bughaw na mga mata, kulot-kulot na buhok at itim na balat na kasing itim ng kulay nang alkitran. Sa mukha nito at ulo ay may maliliit na kagat nang mga biik.

Tinanong nang isa sa mga binata na kasama nang matandang Kesh kung ano ang gagawin nila sa sanggol. Gayong inamin nang matanda na malinaw ang sanggol na ito ay bunga nang dalawang lahi, dahil kung hindi hindi magagawa nang ina nito na magtago sa banta nang kamatayan para sa sanggol.

Sinabi nang matanda na kukupkupin nila ang sanggol. Bagay na kanilang ginawa, itinuring nila itong sarili nilang mga kadugo…Itinago sa paghihigpit nang kanilang pamahalaan sa pagbabawal nang pagkakaroon nang anak na bunga nang dalawang lahi bagay na naging laganap matapos ang pagsakop at pag-angkin nang Ka’desh sa Gador’Ur. Pinangalanan ito nang mga Harras na nagtatago sa bata at nag-aalaga dito sa pangalang Malakith o araw sa gabi, mula sa pangalan ng makinang na bituin na tanging makikita lamang sa Malayang Andes ng Silangan kagaya ng nakakaakit na bughaw na mga mata nito—“Malakith!”