Ang Ja’khar

ANG KASAYSAYAN NANG JA’KHAR

Ang kasaysayan nang estadong-lungsod ng Ja’khar ay nagsimula mahigit dalawang libong taon na ang nakararaan nang dumating ang mga Jingkar sa lupalop na pinapangarap nang kanilang mga ninuno, ang Malayang Andes Nang Silangan. Isang lupain na bahagi nang masmalaking sumasakop na kasaysayan at pinaliligiran nang iba’t ibang lupalop at lupain.

Ang mga Jingkar ay mga lahing nagtataglay ng kulay olibong mga balat, makakapal, alon-alon, kulay kastanyas na mga buhok, at kulay luntiang mga mata. Nagmula sila sa katimugang bahagi nang Malawak na Andes nang Kanluran, sa mga isla nang Pleaides mahigit tatlong libong taon na ang nakararaan. Walang katiyakang pagtataya ang makapagsasabi kung kailan o sa paanong paraan nabuhay ang mga Jingkar sa mga isla nang Pleaides na karamihan ay tuluyan nang nilamon nang dagat.

Sakay sa mga naglalakihang sasakyang-pandagat na mga Caracoa tumakas ang mga Jingkar kasabay nang tuluyang pagbagsak nang isang luma at makapangyarihang imperyo— ang Herren’si nang Asbalta, ang imperyo ng mga Vanlandi, na sa una ay isang maliit na palaisdaan na pinalilibutan nang tatlong malalaking mga ilog at ngayon ay ang tanging natira na lamang ay ang mga guho nito, ang sarili nitong minahan at ang sarili nitong daungan nang mga sasakyang-pandagat.

Nagsimula ang pagsakop nang mga Vanlandi sa taong dalawanglibo at walong daan panahon nang paghuhukom. Kasunod nito nagkaroon nang malawak na pananakop sa buong Malawak na Andes nang Kanluran. Sa pamumuno nang mga Vanlandi nagkaroon nang marami at malaking pagbabago hindi lang sa kung ano ang nakasanayan nang malawak na Andes maging ng buong Soluna.

Sila ang naging tagapanguna sa mga kasalukuyang arkitektura na matatagpuan sa Malayang Andes nang Silangan maging sa katimugang bahagi nang Malamig na Andes nang hilaga. Sa kanila nagsimula ang pagkakaroon nang iisang salita at panulat na pinagpatuloy nang mga lahing Jingkar. Ang kanilang sining at agham ay ipinagpatuloy gayong hindi rin ito nagtagal at pinalitan nang panibagong pagbabago.

Itinuturing itong ang pinakamalaki sa lahat nang mga naunang mga imperyo at nagtagumpay sa pagbabago sa buong daigdig. Ang sakop nito ay mula sa katimugan, sa mga isla nang Pleaides hanggang sa bulubundukin sa hilaga. Ang kanilang estadong-lungsod ay tatlong beses ang laki kaysa sa Ja’khar at dalawang beses ang laki kaysa sa Ka’desh.

Sa kanilang pamumuno nagkaroon ng katahimikan sa buong lupain ngunit hindi rin ito nagtagal. Muling umusbong ang kaguluhan sa loob nang kinasasakupan ng mga Vanlandi. Mabilis na naglaho ang dalawang daang taong katahimikan, na ang banta nang pagbagsak sa imperyo ay hindi na maitatanggi pa. Nagsimula ito sa pagkatalo nang Asbalta na sakupin ang hilaga laban sa mga Aesir. Na sinundan nang mga nabigong pag-aaklas at nang mga pagtatalo nang mga kamag-anak nang Herren at nang sunod-sunod na mga pagbabago nang pamunuan na nagdulot nang mga hindi maipaliwanag na mararahas na kaguluhan sa pagitan nang mga mandirigma at nang mga pangkaraniwan at ang pag-usbong nang isang Hukbong Kumakalaban sa Asbalta o H.K.A. na nagpabagsak sa mga satrap nito.

Sa paghihiwalay nang tatlong lahi: nang mga Jingkar, Qaa at Taiaman matapos ang pagbagsak nang imperyo nagsimula naman ang mga Jingkar na bumuo nang sarili nilang lipunan sa gayon nakilala ang mga pinunong matandang Ardashir, Barakat, Parvana at Roshan. Sa tulong ni Harthi na isang Taiaman…naglayag sila sa mga naglalakihang mga Caracoa paalis nang Malayang Andes nang kanluran at sinubukang hanapin ang lupang nakaguhit sa mapa mula sa isang dayuhang galing sa Mahiwagang Andes nang katimugan.

Ilang araw ding tiniis ng mga Jingkar ang paglalakbay sa siyam na dagat…wala silang ibang pinaghatian kung hindi ang mga hilaw na karne nang mga isda at mga ibong pumapangibabaw sa kanila. Hindi naglaon narating nila ang isang mabuhanging dalampasigan na ngayon ay maskilala sa tawag na Baybayin ng Ja’khar kung saan nakilala nila ang mga Erebo— mga Nebonid na may mga balat na kasing itim nang itim na bato, maliit at balingkinitan ang mga pangangatawan. Isa sa mga unang lahing nanirhan sa Malayang Andes nang Silangan.

Walang mga tala o impormasyon ang makapagsasabi kung ano ang paraan nang pamumuhay nang mga Erebo maliban lang sa nakaukit na mga larawan sa tahanan nang mga Barakat na nagsasalaysay nang unang pagkikita ng mga Jingkar at Erebo na hindi naging mapayapa at umabot sa karahasan na nauwi sa pagtataksil at pagsakop nang mga Jingkar sa mayaman at saganang lupain. Hindi mapapantayan ang katapangang tinataglay nang mga ito, at pagiging mga palaban.

Inangkin nang mga Jingkar ang lupaing tinitirhan nang mga Erebo na hindi nagtagal ay naging Ja’khar. Na sa taong isangdaan at walumpu panahon nang Bagong-Bukas, nakilala ang Ja’khar nang buong Soluna at binuksan ito sa pamilihan.

ANG JA’KHAR

Ang Ja’khar ay nagmula sa dalawang pinagsamang Jingkaris na salita: ang Jingkaris na “jai’se” na ang ibig sabihin ay sarili at “khara” na ang ibig sabihin ay mamahalin. Ang Ja’khar ay matatagpuan sa hilagang-silangan nang Malayang Andes. Pinaliligiran nang mga kakahuyan at gubat sa hilaga at timog. Nakaharap sa malawak na dagat at nakatalikod sa magiting na kabundukan. Hindi nalalayo dito ang Magiting na Mesa na pinagkukuhanan nang mga itim na mga bato sa paggawa nang bakal. May lawak itong aabot sa tatlonglibo at walong daang ektaryang (3,800) na binabakuran nang mga nagtataasang mga dingding na may lapad na limang metro at taas na labing-limang metro.

Pinamumunuan ito nang limang makapangyarihan at maimpluwensyang mga Hadezar na isang Jingkaris na salita na ang ibig sabihin ay may-ari nang isang malawak na lupain at may sariling awtonomiya. Ang mga Hadezar ay mga pinunong nagmula sa limang tinitingalang tahanan sa Ja’khar. Sila ang panginoon nang kanilang nasasakupang lupain na humahati sa limang maliliit na mga sakop at namumuno nang naayon at nasa kaugalian. Sila ang mga Ardashir, Barakat, Harith, Parvana, at Roshan na namuno sa pagtakas mula sa malawak na Andes nang Kanluran at itinuturing ang mga salinlahi bilang mga kasalukuyang mga pinuno.

Na hindi naglaon ay napalitan ng triyumbiradong mga tahanan nang Barakat, Harith, Roshan sa taong Tatlongdaan At Dalawampu’t Apat (324 Eo).

Ang bawat Hadezar ay tinatakda sa pamamagitan nang pamamana o nang pagboto nang mga Hadezar—ito ay maaaring ang asawa, kapatid o anak nang nakaraang Hadezar.

Isinisilang ang mga Hadezar sa pamamaraan nang pagsusuot nang nakagawiang kapa na pinapatong sa likuran na may sagisag ng pinagmulang tahanan: ang puno nang Mahumanay para sa mga Ardashir, ang ahas na Markupo para sa mga Barakat, ang isdang-Kataw para sa mga Harith, ang tatlong magkaka-ekis na mga sibat sa mga Parvana at ang mga asong-gubat para sa mga Roshan. Na sinusundan nang panunumpa nang isisilang na Hadezar sa pagbigkas at pagsasadiwa nang mga nakasanayang batas na saligan nang kanilang lipunan at pamahalaan sa harap nang mga nakaukit na sulatin sa mga naglalakihang mga bato na matatagpuan sa loob ng tore nang mga Hadezar saka susundan ng paglalagay nang pulang pangkulay sa mukha na mula sa pinaghalong putik, ihi at langis na mula sa taba ng Tapir.

Ang Ja’khar ay walang tinataglay na pag-aalipin, hindi tulad sa ibang lipunan, Ang patakaran nang lipunan sa pag-aalipin ay masahol at walang bahagi sa tinatamasa nilang pag-unlad (o pagbagsak). Sa halip ang bawat Jingkar o dayuhan ay sumasailalim sa pamumuno at patnugot ng bawat Hadezar kung saan nito hinangad na mapabilang at tinutumbasan nang bawat Hadezar ng panatilihing matatag, nasa sapat na kaayusan at pagkakaisa ang buong nasasakupan. Kinikilala nila ang bawat Jingkar na kanilang pinapatnugunan sa pamamaraan nang pagmamano at pagtapik sa mga ulo ng mga nasa ilalim ng patnugot.

Wala rin silang monetaryong pagbubuwis, sa halip kapalit nang bawat ibinibigay na produkto at serbisyo ay produkto at serbisyo rin na ipinagkakaloob sa ilalim nang pamumuno at pamamalakad nang bawat Hadezar.

Isa sa mga batas na sinusunod ng bawat Jingkar, at hanggang ngayon ay kasalukuyan pa rin bahagi nang saligan nang Ja’khar ay kung hindi ka magbibigay ng produkto o serbisyo asahang ang kapalit noon ay isang matinding kaparusahan. Dahil dito nagkakaroon ngayon ang bawat sakop nang bawat Hadezar ng sariling takdang pamumuhay at ang bawat Hadezar ay yamang tinatamasa.

Dahil dito nahati ang Ja’khar sa limang bahagi, ang lupaing pinamumunuan nang mga Ardashir ay matatagpuan sa pusod at katimugan nang Ja’khar; ang mga kinsasakupan nang mga Barakat sa hilagang kanluran, ang mga Roshan sa timog kanluran, ang mga Parvana sa timog silangan at sa baybayin, at ang mga Harith sa hilagang silangan at sa baybayin.

Sa paglipas nang panahon, kasabay nang sunod-sunod na pagbabago at pagbagsak at pag-angkin nabawasan at nagdagdagan ang mga lupaing pagmamay-ari o pinapatnugunan nang bawat tahanan na bumubuo sa kalipunan nang mga Hadezar.

Namumuhay ang mga kinasasakupan nang mga Harith sa pangingisda at sa yaman nang ilog at dagat. Nagpaparami sila nang mga tamban, Banak at apahap. Nagtatanim sila nang mga bahura na para sa mga talaba, tahong at mga sigay sa tabi ng mahabang ilog at baybaying-dagat.

Habang sa mga kinasasakupan nang tahanan ng mga Parvana ay nabubuhay sa paggawa ng mga sasakyang-pandagat, pag-iimpok ng asin, pagtatanim ng mga oca, manioc, at mga halamang agave.

Sa ilalim nang impluwensya at patnugot nang tahanan ng mga Ardashir isinilang ang mga pagawaan at mga unyon. Nabubuhay ang mga pinapatnugunan at kinasasakupan nang tahanan ng mga Ardashir sa paghahabi nang mga damit (na nagmumula sa mga materyal na uway, buri, puno ng Avetas, halaman nang Cafir, mga bulak, at mga balat ng mga hayop), sa paggawa nang mga sandalyas, pagpatag ng mga daan, irigasyon, pagpapanday nang mga kagamitang bakal at paggawa nang mga gusali.

Nabubuhay sa ilalim nang patnugot at pamumuno nang tahanan ng mga Roshan ang mga Jingkar sa paghahayop, gaya nang mga pato, pagpaparami nang mga baboy-ramo, tapir, mga buwayang Magan at mga ahas, mga asong-gubat at mga Mantahungal na ginagamit sa pagsasaka, sasakyan at pangangaso.

Habang ang mga nasa ilalim nang patnugot at pamumuno nang tahanan ng mga Barakat ay nabubuhay sa pagsasaka at pagtatanim gaya nang mga bunga nang Rimas, Jaboticaba, mais, kohlrabi, mga halamang Cafir, mga puno nang Buri, mga halamang uway at bulak.

Naiiba ang mga gusali sa loob nang Ja’khar pagdating sa yari at gawa. Ang kanilang mga imbakan ay nagtataglay ng mga domang hugis punso na may balisungsong sa gitna habang ang mismong katawan ay nakalubog sa lupa. Ang kanilang mga pampublikong paliguan ay malapagoda na pinapalibutan nang maraming haligi habang pinaliligiran ng mga dingding na bato na may mga singaw na nagmumula sa ilalim nang lupa at mga nakadikit na kasilyas. Mga lugong na ginagawang sabungan. Mga naglalakihang mga rebulto na inukit sa mga malalaking mga bato na nagtataglay ng mga kawan nang apoy at tuwing gabi ay sinisilaban ang mga bunganga at mga mata upang magsilbing parola sa mga manlalayag at mangingisda. Mga tahanang gawa sa bato, na may sahig na kahoy at kung minsan ay may ikalawang palapag at mga inukit na dingding at mga lagusan na pinapalamutian ng mga tapiserya. May iilan, lalo na sa mga tahanan nang mga Hadezar, na nagtataglay ng mga nagtataasang mga bakod, malalaking mga bulwagan na may mga upuang nakadikit sa dingding, mga silid na may malalaking mga dungawan, lagusang gahigante at tinubog sa bakal, malawak na lupaing pinalilibutan nang mga nakaangat na mga pasilyo at sinusuportahan ng mga barakilya at lintel…kung minsan, makikitaan pa nang mga plataporma na may mga kawan ng apoy na sagisag nang kapangyarihan nang bawat Hadezar, sa gitna nang malalawak na lupain at ginagamit sa pag-uusig.

Ganon din sa Ja’khar, makikita ang dalawang pinagmamalaki nitong mga tore: ang Tore ng mga Hadezar at ang Tore ng mga Anino na ang bawat isa ay tatlong beses ang taas sa isa’t isa. Ang Tore ng mga Hadezar ay sagisag nang kapangyarihan at impluwensya nang mga namumuno dito. Makailan ulit itong napinsala kasabay nang pananalasa nang mga sama nang panahon, nang pagguho dulot nang lindol, at ang pagsunog noong 325 Eo na naging dahilan tuluyang pagbagsak nang tore nang mga Hadezar.

Ang Tore nang mga Anino ay sagisag nang katatagan at impluwensya nang minanang kasaysayan. Isang malaking tore na napapalibutan nang mga tahanang mistulang mga lumubog na uluhan nang sasakyang-pandagat sa lupa na tinitirhan at tahanan nang mga Anino nang Ja’khar.

Ang mga Anino o Imago ay mga mandirigmang nangangalaga sa kapayapaan at kaayusan sa loob ng Ja’khar at nasa ilalim nang pamumuno ng bawat Hadezar nang mga tahanan.

Tanyag ang mga ito sa kanilang mga kaanyuan na puno ang buong katawan nang mga tata’u na nagbibigay sa kanila nang pagkakakilalan (Hal. tatlong mahahaba at makakapal na mga nakatayong linya sa kahabaan nang kanilang abot-agawin at pinaliligiran nang gabuhok na mga tatsulok na umiekis na magkakaibang laki at mga muog na hating pakwadrado).

Pinanganak silang walang mga magulang, inabandona at kinupkop nang isang kalipunan na ang tanging layunin ay bigyan nang kapayapaan at kaayusan ang loob at labas ng mga kinsasasakupang lupain nang lipunan ng mga Jingkar.

Sa ilalim nang isang mataas na pinuno ng mga Anino sinasanay ng Ja’khar ang mga susunod na mandirigmang mangangalaga sa kapayapaan sa loob at paligid nang kalipunang kinabibilangan ng mga ito. Tanging ang mga pinakamalusog na mga batang lalake ang sinasanay at nagiging isang Anino at sa kanilang depormadong kaanyuan sila’y mga mandirigmang tinanggalan nang karapatan na magkaroon nang sariling pagkatao at mamuhay nang ganap at buo.

Ang tata’u ay malaking bahagi ng kanilang lipunan. Nagsisimula ito sa kanilang pagkabata at inaani sa kanilang pagtanda hanggang sila ay mamatay. Gamit ang mga buto ng hayop, mga kabibe, itim na abo at kahoy itinatata’u nang isang Ba’tuk ang mga tuldok, mga patayo, pahalang, pakurbadong mga linya, tatsulok, diyamante at bilog upang lumikha nang iba’t ibang mga anyo sa mga balat.

Makikita ito sa likuran ng kanilang mga ulo, sa kanilang mga mukha, sa kanilang mga leeg paibaba sa kanilang mga balikat, sa kanilang mga braso, sa kanilang mga kamay at mga daliri. Sa kanilang mga tagiliran at mga beywang, sa kanilang mga hita at mga binti.

Sa mga daliri nang mga Jingkar makikita ang mga tata’u na mga singsing: Sa magkabilang hintuturo kumakatawan ang mga buhay na kanilang mga inaligi, isang singsing sa bawat dekada. Sa kanilang palasinsingan makikita ang estado ng kanilang pamumuhay, may asawa o wala. Sa kanilang hinlalato makikita ang larawan nang kanilang pamumuhay, isa sa bawat manggagawa, dalawa sa bawat may-ari nang lupa, tatlo sa mga pinanganak sa mga makapangyarihang mga tahanan, apat sa bawat mga pinuno at mga patnugot at lima sa bawat mga Hadezar.

Habang sa mga babaeng ina makikita ang mga nakaikid na mga tata’u sa mga pusod na sagisag nang panahon ng kanilang pagbubuntis. Dalawang tutuldok at isang patayong guhit sa mga babaeng may-asawa. Mga bulaklak at mga mistulang balat nang hayop bilang pagpapaganda.

Ang mga Anino ay nakasuot nang mga babero nagtataglay nang magkakapatong na balat nang hayop na nakabalalay sa isa’t isa na madalas na nakikitang sinusuot maging nang mga mangangasong lalake nang Ja’khar sa ibabaw nang kanilang mga dibdib, tapis sa kanilang mga tagiliran na nagagawang tanggalin, at nakapatong na mga balat nang hayop sa kanilang mga balikat, paibaba sa kanilang mga braso na nakasinturon sa likuran nang kanilang mga braso na mga gawa mula sa balat nang mga buwayang Magan, isdang Bakunawa at may mga tahing habing uway at buri. Nakasuot sila nang bahag at nagtataglay nang mga pulinas ang kanilang mga binti.

Ang higit na mababang uri nang baberong pandigmang sinusuot nang mga Anino o Imago ay ang mga pangkaraniwang mga babero na gawa sa balat nang hayop, dalawang malalapad na sinturon na nakasinturon sa likuran nang kanilang mga braso Nakatali sa buo nilang katawan ang mga sinturon at nakabalalay sa isa’t isa. Nagsusuot sila nang mga maninipis na mga manggas at pulinas na hanggang sa kanilang hita na gawa sa balat nang hayop na Saola o hindi naman kaya ay balat nang tapir o baboyramo.

Habang ang mga babero nang mga babae ay tumatakip sa kanilang pang-itaas na katawan, may kalakihang at gawa kung minsan sa mga hinabing dahon nang mga puno at balat nang mga nito at ipinapatong sa kanilang mga mahahabang mga palda

Madalas na makikita mo ang mga Imago, o mga Anino na may mga suot na mga sinturon na may malalapad at magkakabigkis na mga balat ng hayop na itinatali sa kanilang beywang hinihigpitan ng mga bakal na hebilya at pinaglalagyan nang kanilang mga sandatang golok, may hawak na mahabang sibat at mga pananggalang na tinatawag na Dayak. Pinapanatili nilang maiksi ang kanilang mga buhok na halos wala nang makita sa kanilang ulunan.

Nagsusuot ang mga babae nang mga mahahabang panloob na palda na ang laylayan ay hanggang sa bukong-bukong nang kanilang mga paa at isinisintas ang mga panali na matatagpuan sa ibabaw nang kanilang mga dibdib na kanilang iniibabawan ng mga Babero o Báta.

Habang ang mga lalake naman ay nagsusuot nang mga bahag bilang panloob na kasuotan at mga saluwâl na ginagawang korto nang mga lalake tulad sa isang maliit na palda at isang talampakan ang pagitan mula sa bukong-bukong ng mga paa. Isa itong mahabang tela na silindriko na tinatamo sa pagsusuot nang mga bakal na panara sa ibabaw o ilalim nang magkabilang tuhod at sinturon na gawa sa balat nang hayop na may bakal na hebilya o telang may palawit na may mga singsing sa beywang.

Ginagamit din ito nang mga babae bilang pampatong sa kanilang mga suot na Báta o Babero, na isinasampay sa kanilang mga balikat at itinatapis sa kanilang buong katawan na mistulang pabalat at paikot nang hindi masilip-silipan, datapwat mabilis itong pinalitan nang mga sari na masmadaling suotin kaysa sa mga saluwâl.

Pangkaraniwan nang nagsusuot ang mga Jingkar ng mga Báta: mga dyaket na gawa mula sa mga balat nang hayop at makakapal na tela. May mga lutang na mga tahi sa tagiliran, balikat at likuran. Masmahaba ang harapan kaysa sa likuran. Burdado nang iba’t ibang larawan, may mga tahing bakal at kung minsan nang iba’t ibang bato. Walang mga kuwelyo, at may pakahon na linya nang leeg. May mga patayong bukasan sa harap na isinasara sa pamamagitan ng mga panali. Gawa sa mga hinabing buri, uway, balat nang mga puno at mga hayop na lumilikha nang konong itsura sa mga nagsusuot. Nagtataglay ito nang iba’t ibang mga uri: a.) yung may mga manggas na hanggang sa braso, b.) yung walang mga manggas at may malalapad na mga balikat na tuluyang naglaho at pinalitan sa paglipas nang panahon at natira na lamang ay ang mga pangkaraniwang mga walang mga manggas, at c.) yung mga nagtataglay nang mga palawit.

Nagsusuot ang mga lalake nang mga pandong sa kanilang mga ulo na bashlyk bilang panlaban sa init na kadalasang gawa mula sa balat nang hayop habang ang mga babae ay nagsusuot nang mga sambalilong na isicholo na ginagamit bilang palamuti sa katawan.

Pinapanatiling mahaba nang mga babae ang kanilang mga buhok, tinitirintas nang mga ito sa iba’t iba at halos komplikadong pamamaraan, at pinuputol lamang kung ang kanilang kabiyak ang pumanaw. Habang inaahit nang mga lalake ang magkabilang gilid nang kanilang mga ulo at kung minsan ay iniiwan lamang ang korona nang kanilang mga buhok na pinapahaba. Pinapanatiling mahaba at makapal nang mga lalake ang kanilang mga balbas at bigote na madalang kung ahitan.

Palasak at pangkaraniwan ang mga adorno nang mga lalake kaysa sa mga babae sa Ja’khar: mga hikaw sa kanilang mga tenga ang madalas na kilala, bibihira ang mga alahas, kung mayroonman gawa sa balat nang hayop o hindi mamahaling bato. Habang ang mga babae, sikat sa kanilang mga galang at palamuting perlas, iba’t ibang mga bato at mga kulay limbaon na korales.

Nagsusuot sila nang mga tapis na gawa mula sa balat nang hayop o tela, ang mga isinisilang na mga Hadezar, nang mga banal na mga kapa na may burda nang kasaysayan o sagisag nang kanilang mga tahanan. Nagsusuot din sila nang mga manggas (sleeves) at mga pulinas (leggings) sa kanilang mga katawan na gawa mula sa mga malalambot na balat ng mga lampong, o nang anomang hayop na itinatali sa kanilang mga braso at mga hita at ginagamit sa pangangaso at sa panahon nang taglamig.

Hindi nagtagal ang panapis na gawa sa balat nang hayop ay napalitan nang mga panapis na mahahabang mga palda na itinatali sa katawan nang mga lalake at pinapatungan nang mga sinturon na gawa mula sa balat nang hayop o hindi naman kaya ay gawa sa tela. Na ginagamit sa mga opisyal na pagkakataon at mahahalagang mga okasyon.

Ang kanilang mga gayak sa kanilang mga paa ay mga sandalyas na gawa sa balat nang hayop, na ang suwelas ay gawa sa kahoy at balat nang hayop. Na may mga nakaangat na takong at tapal na gawa sa balat nang hayop at mga sintas na gawa sa balat nang puno.

Ang kanilang bayan ay sagana sa mga Tagabulong, mga bayarang nangangalap ng mga kaalaman at itinitinda sa pinakamataas na mangangalok. Sinasabing kung gaano kalakas at maimpluwensya ang sinoman gayon din karami ang mga tagabulong na naglilingkod dito. Ang pagiging isang tagabulong ay nangangahulugan nang kawalan nang pag-iisip, boses sa lipunan ng Ja’har at kamatayan. Sila’y mga tinig at mang-aawit sa sinoman gayon din sila ay mga pipi at mga bingi halos isang paniniwala na kaakibat na nang kanilang pamumuhay.

Ang Jingkaris (Jng.) ay ang pangunahing pananalita nang Ja’khar, sa loob nang tahanan ng mga Jingkar, at ginagamit sa mga pangaraw-araw na pamumuhay at kinalakihan. Nagmula ito sa iba’t ibang pananalita sa Soluna limang libong taon na nakararaan. Lumago ang paggamit nito sa imperyo nang mga Vanlandi na hindi nagtagal ay tuluyang pinalitan ang salitang Edda sa buong Soluna.

ANG MGA NAKAGAWIAN AT NAKASANAYAN

Kinikilala nang bawat Jingkar ang kanilang mga sarili sa pagsabi nang “Hadi” para sa mga lalake at “Adi” para sa mga babae bilang paggalang sa isa’t isa.  Tinatawag nilang “Baba” ang kanilang ama, “Nanna” ang kanilang ina, “Amma” (lola) at “Afu” (lolo) ang mga magulang nang kanilang ama’t ina.

Walang kinikilalang kahit anong lihitimong relihiyon o “Evre” (diyos) ang lipunan nang mga Jingkar, datapwat hindi naman nangangahulugan nito na hindi na bahagi nang kanilang lipunan ang pagkakaroon nang mga paniniwala sa iba’t ibang mga sambahan. Ang mga mangingisda, mga nabubuhay sa yaman nang karagatan at mga ilog ay naniniwala sa mga diyos na naninirhan sa ilalim ng mga dagat habang ang mga magsasaka, mga may-ari nang lupang sakahan at naninirhan sa gubat ay naniniwala sa mga diyos na naninirhan sa ibabaw nang mga ulap.

Naniniwala ang mga Jingkar sa pagtatalo nang karagatan at kalangitan na dulot nang mga diyos na naninirhan sa mga ito na lumilikha nang mga delubyong mapanira sa kanilang lupain na ang tanging paraan lamang ay ang paglalagay nang asin sa loob nang kanilang pamamahay na sinasamahan nila ng pagdarasal.

May uri nang kalipunan naman na halos tago ngunit lantad ang kanilang mga ngalan, ang mga naniniwala sa Kapangyarihan nang liwanag ng buwan.

Nakasanayan sa kanila, na kilalanin sila ayon sa kanilang pangalan na ibinibigay nang kanilang mga magulang at tahanang pinagmulan.

Nakasanayan sa kanila, ang paghuhugas nang kanilang mga paa sa pagpasok sa loob nang ibang tahanan. Ito ay tumatayo sa malugod na pagtanggap nang mga may-ari nang tahanan sa kanilang mga panauhin. Isang katungkulang pinasisimunuan ng mga may-ari ng tahanan sa pamamaraan nang paghuhugas nang mga paa at paglilinis nang tuyo at manilis na pamunas.

Nakasanayan sa kanila na tumayo ang mga magulang bilang patnugot nang mga anak, guro nang pananalita at pagbigkas sa yaman ng Jingkaris. Gayon din ang nakasanayang pamumuhay at pangaraw-araw na mga gawain.

Sa pagkakataon ng pag-uusig, isa sa mga tungkulin at gampanin ng mga Hadezar ang tumayong tagapamagitan. Nagaganap ang paglilitis sa gitna nang napakaraming mga tao sa loob ng tahanan ng Hadezar. Kamatayan ang parusa kapalit nang bawat krimeng nagagawa nang isang Jingkar sa lipunan nang Ja’khar ang dahilan nito ay alam dapat nang bawat Jingkar ang mga batas na tungkulin nilang malaman. Maraming paraan kung papaano ginaganap ang pagpatay sa isang nahatulang-Jingkar. Tulad nang pagsunog ng buhay na sa una muna ay tinatalian ang mga kamay at paa nito saka bubuhusan nang mantika mula sa taba nang hayop at susunugin ng buhay; Ang paglapa sa mga mababangis na hayop gaya ng asong-gubat, mga Mantahungal at mga malalaking carniborong-isda at mga buwaya na naninirhan sa ilalim nang mga nakapaligid na ilog ng malayang Andes; Ang pag-inom nang lason na gawa mula sa mga nakakalasong bulaklak o makamandag na hayop; ang paggiliit sa leeg o pagputol sa ulo mula sa katawan; at ang pag-sisibat.

Kapag ang miyembro nang pamilya ng Hadezar ang nasa bingit ng pagpaparatang tungkulin nang tumatayong tagapamagitan at nang buong tahanan kung saan nabibilang ang itaktakwil na kamag-anak na hugasan ang kanilang mga kamay kapag ang kasalanan ay napatunayan gayon kinikilala ang nahatulang na isang “Kalisag”. Isang jingkaris na salita na ang ibig sabihin ay inabandona o itinakwil nang tahanan. Ang sukdulang panghahamak nang isang Jingkar sa kapwa nito Jingkar. Isang mabigat na kaparusahan, hindi sa kasalanang nagawa kung hindi sa kahihiyang sinapit o sasapitin nang isang Jingkar. Ang estado nang isang Jingkar sa pinakamalugpog at tuluyang kawalan nang isang sarili.

Ang lipunan nang Ja’khar ay may patas na pagtingin sa parehong lalake at mga babae. Pantay ang pagtrato nila sa parehong kasarian. Parehong ang dalawang kasarian na may kakayahan na maging pinuno nang kanilang tahanan. Ang babaeng Jingkar ay may kakayahan na magmana nang mga ariarian tulad nang may kakayahan ang isang lalake na magmana nang ariarian. Ang ariariang ito ay nanatili sa babaeng Jingkar kahit mag-asawa pa man ito datapwat ang ariarian nang Lalakeng Jingkar ay maaaring mailipat sa iba sa mga salinlahi nito o sa asawa nito kung ang lalakeng Jingkar ay wala nang kakayahan na mamuno dito.

Nakagawian na sa Ja’khar ang pag-aayos ng mga pag-iisang dibdib lalo na sa mga tahanang bumubuo sa kalipunan ng mga Hadezar. Ang pag-aayos o pagkakasundo ng pag-iisang dibdib ay isang pulitikal at maituturing na kalakalan sa estadong-lungsod.

Matapos ang napagkasunduang kasal at sa araw nang pag-iisang dibdib, magsisimula ang araw nang isang lalakeng Jingkar na ikakasal sa pagbababad nito sa pampublikong paliguan o kung sa mga makapangyarihang tahanang bumubuo sa kalipunan ng mga Hadezar ay sa bukal sa loob ng sarili nitong tahanan. Matapos ang paglilinis nang katawan, ipapaalam ng lalakeng Jingkar sa kanyang mga magulang ang kanyang pagliban upang sunduin ang kanyang mapapangasawa. Pagdating nang lalakeng Jingkar sa tahanan ng kanyang mapapangasawa, tatanggapin ito nang tahanan nang babaeng Jingkar sa pamamagitan nang pagtanggap dito gaya nang kung ano ang nakagawian, ang paghuhugas ng mga paa nito. Kapag ang kamay nang babae ay ibinigay sa lalakeng mapapangasawa doon pa lamang magsisimula ang pag-iisang dibdib. Matapos nito magpapaalam ang dalawa upang ihatid nang lalakeng Jingkar ang kanyang mapapangasawa sa kanyang tahanan upang ipakilala naman ito sa kanyang tahanan, kung saan inaasahan na sasalubungin sila nang tahanan nito at tatanggapin bilang mag-asawa gaya nang kung ano ang nakagawian sa pagpasok sa tahanan nito. Magkakaroon nang maliit na salu-salo, kung maruwal at inasahan ang pag-iisang dibdib at kung hindiman ganap at maituturing na ang babae bilang ang asawa nang lalake.

Sa pagpanaw nang isang Jingkar ang katawan nito ay babalutan nang mantika na mula sa taba nang isang hayop. Mula dito babalutan ito nang dalawang beses nang tela na ibinabad sa nasabing mantika saka susunugin ang bangkay nang pamilyang kung saan ito nabibilang.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s