Notice

Sa susunod na taon i-update ko ang aking mga blogpost. kasama ang mga kabanata nang mga Kalisag at ilan sa mga tula.

Maraming salamat sa iyong pagbabasa at pagpunta sa aking blog.

—JORIK

Advertisements

ISANG PAHIMAKAS SA KAPASKUHAN

Paalam, lumang panahon. Sa sinapit na maraming pagbabago—paalam.

Paalam, sa dati at nakagawian; sa masalimuot at hindi tiyak.

Sa hapis at puot…dalamhati at kasawian—paalam.

Nagsimula itong taon sa kaguluhan, sa pag-aalsa.

Sa pagkamatay nang mga iniidolo…sa galit

Nang mabagal na pag-usad sa kabila nang unti-unting pagsulong.

Akala natin, maaabot na natin ang ating tugatog

Hindi tayo nabigo, nangalay lang tayo sa pag-akyat.

Inaayos lang natin ang mga nakaligtaan,

At kung anoman ang ating tinigil— paalam sa ating dating mga sarili.

Patawarin natin ang mga hindi magagandang nakagawian.

Kalimutan ang hindi magagandang asal

At tuluyan nang magpaalam sa ating pagkakamali.

 

Ang Magandang Parol

Ang Magandang Parol

Isang papel itong ginawa ng lolo
may pula, may asul, may buntot sa dulo;
sa tuwing darating ang masayang Pasko
ang parol na ito’y makikita ninyo.

Sa aming bintana doon nakasabit
kung hipan ng hangi’y tatagi-tagilid,
at parang tao ring bago na ang bihis
at sinasalubong ang Paskong malamig.

Kung kami’y tutungo doon sa simbahan
ang parol ang aming siyang tagatanglaw,
at kung gabi namang malabo ang buwan
sa tapat ng parol doon ang laruan.

Kung aking hudyatin tanang kalaguyo,
mga kapwa bata ng pahat kong kuro,
ang aming hudyatan ay mapaghuhulo:
“Sa tapat ng lolo tayo maglalaro.”

Kaya nang mamatay ang lolo kong yaon,
sa bawat paghihip ng amihang simoy,
iyang nakasabit na naiwang parol
nariyan ang diwa noong aming ingkong.

Nasa kanyang kulay ang magandang nasa,
nasa kanyang ilaw ang dakilang diwa,
parang sinasabi ng isang matanda:
“Kung wala man ako’y tanglawan ang bata.”

—José Corazón de Jesús, 1928

KABANATA DALAWAMPU’T LIMA:

KABANATA DALAWAMPU’T LIMA:

ANG GABING BUMAKSAK ANG KANILANG MGA KALABAN SA KANILANG MGA KAMAY

Binaba niya ang hawak niyang baso na may lamang nakakalasing na inumin sa ibabaw ng mababang lamesa sa loob ng pabilyo nang tahanan ng mga Barakat. Kasunod noon, tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Lumabas nang pabilyo at nagtungo sa loob nang paliguang silid.

Sa pagpasok niya dala ang isang sulyaw na may nakasinding timsim, agad niya itong ibinaba sa mataas na lamesa malapit sa pintuan. Kasunod noon isa-isa niyang tinanggal sa pagkakatali ang mga sintas nang suot niyang Báta. Hinubad ang kanyang damit.  Ibinagsak ito sa sahig ng paliguan. Tinanggal sa pagkakatali ang suot na saluwâl, tinanggal ang mga panara na nasa ibabaw nang kanyang mga hita at saka tuluyan itong hinubad at ipinatong sa ibabaw ng mataas na lamesa. Sunod noon, sunod niyang hinubad ang kanyang suot na bahag. Tinanggal sa pagkakapulupot sa kanyang katawan at iniwang nakakalat sa sahig nang paliguan.

Tuloy tuluyang nakita ngayong gabi ang kanyang pagkatao: ang kanyang mabilbil na tiyan; ang mga sugat sa kanyang tagiliran, likuran, puwetan, hita at binti; ang nakapalumpon na buhok na nakapalibot sa kanyang ari, at ang mga maninipis na buhok sa kanyang itlog; ang maugat at mahaba niyang titi. Lahat nang ito nasaksihan nang mga mapupungay na mga mata nang mga nakaukit na larawan nang mga nakahubad na mga babae at nang mga lalakeng nakikipagtalik.

Lumapit siya sa banyera. Kinuha ang panabo na nasa loob nito. Nagsalok nang tubig at binuhusan ang sarili. Kinuha ang panghilod, ang galapok na may mabangong langis at saka pinahiran ang buong katawan at saka nagbanyos nang maigi.

Tinanggal niya sa kanyang katawan ang mga alikabok at dumi saka siya nagbabad sa tubig na nasa banyera at kinuskos ang sarili bago tuluyang ilublob ang buong katawan sa tubig.

Nanatili siya sa loob nang banyera na nakababad ang buong katawan sa tubig. Nakasandal ang ulo at nakatihaya ang katawan sa banyera at sa gilid nito.

Nagmunimuni. Bahagyang nakabuka ang bibig, bahagyang nakadilat ang mga mata. Nakadungaw at nagmamasid sa paligid kung nasaan siya at sa mga larawang nagpapakita nang mga hindi kaayaaya at mga bastos na mga larawan. Nag-iisip. Kailanman hindi siya tumigil sa pag-iisip nang mga kung anoman ang mga kinakailangan niyang gawin para sa kanya, sa kanyang ina, sa kanyang mga kapatid, sa kanyang asawa at anak lalong-lalo na sa kanyang mga kalaban.

Nanatili siya sa loob nang paliguan, nakababad sa banyera nang ilang mga sandali habang iniilawan nang nag-iisang nakasinding timsim na nakalagay sa isang sulyaw at nakapatong sa mataas na lamesa na malapit sa lagusan nang silid.

Hindi nagtagal umahon din siya sa kanyang pagkakababad sa tubig. Lumabas sa loob nang banyera, tumawid sa sahig nang silid at lumapit kung saan nakakalat ang kanyang bahag na nasa sahig. Kinuha niya ito. Ginamit niya ito upang pampatuyo sa kanyang katawan. Pinatuyo niya ang kanyang sarili gamit ito at kasunod noon, itinapis niya ito sa kanyang beywang. Kinuha ang mga pinaghubarang damit: ang Báta na nakakalat sa sahig at ang saluwâl na nakapatong sa lamesa at saka lumabas nang paliguang-silid habang nakalimutang iwan ang nakabukas na timsim na nakalagay sa sulyaw at ang mga bakal na panara sa ibabaw nang mataas na lamesa malapit sa lagusan.

Lumabas siya ng paliguan…sa madilim at masikip na lagusan papasok sa loob nang paliguan na tanging liwanag sa loob nang madilim na tahanan ng mga Barakat, na tinatabunan nang kanyang anino sa kanyang paglabas.

Kasunod nagtungo siya sa silid nilang mag-asawa habang nakayapak at kaninang pang walang suot na kahit anong saplot sa mga paa, sa pag-iisa niya sa loob nang kanilang tahanan.

Binuksan niya ang lagusan nang silid. Pumasok sa loob. Madilim ang buong silid pagpasok niya. Bahagyang nakabukas ang durangaw kung saan pumapasok ang malamig na simoy nang hangin ng kinagabihan sa pagsisimula nang pagpasok ng malamig na panahon.

Tahimik ang buong paligid. Madilim ang buong tahanan ng mga Barakat. Kahit saan ka lumingon walang kislap nang kahit anong liwanag ang tinataglay nito, maging ang liwanag sa loob nang paliguan, nagpupusikit na rin sa hangganan nang isang madilim na pasilyong mistulang kweba na may hangganan.

Sa pagpasok niya, nakita niya ang kanyang asawa na natutulog sa kanilang kama. Bahagya itong nakatagilid nang higa, sa kanang bahagi. Ang mga hita nito ay magkapatong.  Ang kaliwang braso nito ay nakapatong dibdib at ang kanan nitong kamay ay bahagyang nakalabas sa bastidor nang higaan. Lumapit siya sa higaan. Binagsak sa sahig ang pinaghubarang damit. Hinubad ang nakatapis na tela sa kanyang beywang.  Nakahubad na lumapit sa kanyang asawa na natutulog. Dahan-dahang umupo sa kanilang kama. Lumapit sa Adi Hikmet— tumabi sa Adi Hikmet. Humiga sa tabi nang Adi Hikmet. Nakatihaya siya nang higa habang nasa tabi ang kanyang asawa na walang kamalaymalay. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang matulog…sinubukan niyang itago ang kanyang nararamdaman, kalimutan ito hanggang maaari.

Hanggang sa dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang kamay sa kanyang ari. Hinimashimas ito. Dahan-dahang niyayapos nang kanyang mga daliri at kamay hanggang sa unti-unti itong namumukol. Unti-unti siyang nakakaramdam ng libog.

Binaling niya ang kanyang pansin sa Adi Hikmet. Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga. Dahan-dahang pinaghiwalay ang magkapatong mga hita nito. Binukaka niya ang asawa. Dahan-dahan itong itinaas ang suot nitong panloob na damit. Lumapit sa asawa. Pumatong sa Adi Hikmet. Ang kanyang mga kamay ay nakatungkod sa kanilang higaan. Ang kanyang mga binti ay nasa pagitan nang mga hita at binti nito.

Itinaas ang kanang binti nang Adi Hikmet. Inilapit niya ang kanyang katawan dito. Dahan-dahang pinasok ang kanyang katawan sa katawan nito. Pinasok ang kanyang ari sa ari nang asawa at sinimulan itong kantutin.

Kinantot niya ito nang kinantot na binabayo ang katawan nito. Inulos nang inulos. Humuhugong ang kanilang higaan.

Hanggang sa naalimpungatan ang Adi Hikmet. Nakita siya nito. Tinignan siya nito. Tinignan niya ito. Hinawakan niya ang kanang kamay nito nang madiin. Kinuha niya ito at ipinatong sa dibdib nang Adi Hikmet. Kasunod noon inipit niya ito gamit nang kanyang bigat at lakas. Dinaganan niya ang asawa. Ang bigat nang kanyang katawan ang tumatama sa katawan nito mistulang pinapako sa kanilang kama.

Nilapit niya ang kanyang mukha sa ulo nito. Tinago niya ang kanyang mukha sa unan. Naging kakaiba ang kanyang paghinga. Ang amoy nang nakasusulasok na hininga sa kanyang bibig ramdam sa kanyang ilong, at marahil maging nang kanyang asawa. Naramdaman niya ang paa at binti nang kanyang asawa sa kanyang hita at likuran nang tuhod. Naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang ulo. Ang pagdiin nang kamay nito sa kanyang ulo. Naramdaman niya ang tubig sa kanyang balikat, ang pagtulo nang luho nang Adi Hikmet, ang pagdaloy nito sa gilid nang pisngi nito.

Ginusto niya ito…hinangad niya ito ngayong gabi. Nakapikit ang kanyang mga mata…ramdam niya mga nakadungaw na pansin nang kanyang asawa, ang pag-iyak nito…o siguro ang kalungkutan nito.

Hanggang sa tuluyan siyang bumigay sa katawan nito. Pumutok ang kanyang tamod at sumabog ito loob nang katawan nang Adi Hikmet. Nang matapos siya, hinalikan niya ang pisngi nang Adi Hikmet. Tinanggal niya ang kanyang titi sa katawan nito, na hanggang ngayon ay matigas pa. Bumagsak sa kanilang higaan. Humiga sa tabi nito.

Hindi na siya masaya pa. Hindi na nila alam pa ang pakiramdam nang maging masaya. Hinahayaan na lamang siya nitong matapos.

Pinasok nito ang daliri nito sa pagitan ng hita nito. Pinunasan nang suot nitong damit ang loob nang katawan nito.  Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga sa kanilang kama sa tabi nito. kasunod noon kinuha ang hinubad na bahag at ang mga damit na pinaghubaran. Itinago ang ari nito sa mga pinaggamitang damit na nasa kamay nito at lumabas nang silid nilang mag-asawa.

Hindi siya nakatulog. Nang umagang iyon nanatili siya sa loob nang pabilyo nang tahanan ng mga Barakat na nag-iisa. Umiinom nang nakakalasing na inumin. Tinutungga ang pitsel na kanyang hawak-hawak. Nilalango ang sarili at ginagawang tanga ang mga nararamdaman.

Hinintay niya ang pagbukang liwayway na hindi magtatagal ay tuluyan nang sisikat. Nang naubos ang laman nang pitsel.  Ibinaba niya ito sa sahig nang pabilyo. Sinandal ang kanyang likuran sa mahabang sandalan ng upuan. Pinatong ang kanyang ulo sa kanyang kamay. Hindi naglaon kasabay nang pagsikat nang araw nang umagang ito, pinikit niya ang kanyang mga paa at nakatulog.

Hanggang sa narinig niya ang tinig nang kanyang asawa. Naalimpungatan siya. Nabaling ang kanyang pansin dito. Tinanong siya nito kung ano ang ginagawa niya dito. Bakit hindi siya pumasok sa kanilang silid at doon matulog.

Sinabi niya na susunod na lamang siya.

Sinabi nang kanyang asawa na hindi sila dapat nagkikita nang ganito. Sa gayon tuluyan siyang nakatulog.

Nilagyan siya nang kumot nang kanyang asawa. Kinumutan siya nito. Natulog siya nang parang sanggol nang umagang iyon. Namimilipit sa lamig nang mga panahon iyong. Sa paggising niya muli niyang nakita ang Adi Hikmet na nasa harap nang kanyang kinauupuan, nakaupo sa upuang nasa harapan nang kanyang hinihigang upuan, hindi na nalalayo sa kanyang tinutulugan.

Nakita niya ang pagkain sa mababaw na lamesa. Niyaya siya nitong kumain at magtanghalian bagay na kanyang ginawa.

Kumain siya. Sinaluhan siya nang Adi Hikmet na magtanghalian nang pritong isda at mainit na sabaw nang mais na mula sa pinakuluang karne nang pabo at may gata.

Wika nang Adi Hikmet sa kanya, “hindi natin ito dapat ginagawa…ang hindi nagpapansinan! Siguro marapat lang na hindi na tayo magsama pang dalawa. Ibalik mo na lang kaya ako sa amin?”

Tanong niya, “saan mo nakuha ito?”

Wika nang kanyang asawa, “may nagmagandang loob na bigyan ako nang mainit na sabaw…kumuha ako nang mga isda sa imbakan, ako ang nagprito.”

Tumango-tango siya. Wika niya, “patawarin mo ako!”

“Hindi” wika nito. “Akala mo may kapatawaran ang ginawa mo sa akin? Hinamak mo ako. Hinimak mo ang aking pagkatao. Ang baba nang ginawa mo, ang baba nang ginawa mo sa akin. Kailanman hindi kita mapapatawad. Hindi mo dapat ginawa iyon!”

Wika niya, “gusto ko pa nang anak…”

Ngumisi ang Adi Hikmet. Wika nito, “hindi madali ang sinasabi mo.”

Wika niya, “gusto ko pa nang mga anak sa iyo!”

Nagulat ang Adi Hikmet. Hindi ito nakapagsalita. Nilagay nito ang hintuturo nito at hinlalato sa pagitan nang mga labi. Ipinatong sa patungan nang kamay ang siko nito Nakabaliko ang mga daliri nito. Tumulo ang luha sa mga mata nito.

Wika nito sa kanya, “ayoko na!”

Tanong niya, “kahit ilan…isa, dalawa”

Umiling-iling ang Adi Hikmet. Hindi ito makapaniwala sa naririnig nito sa kanya.

Wika niya, “pagkatapos noon malaya mong gawin kung ano ang gusto mo. Iwanan mo sa akin ang aking mga anak. Tutulungan natin silang palakihing magkasama. Makikilala mo sila…tutulungan kita sa pagpapalaki— sa mga pangangailangan. Gusto ko…” Tumahimik siya.

Bagay na pinagtakahan ng kanyang asawa.

Dagdag niya, “huwag mo akong iwan!

Wika nito sa kanya, “dalawa!”

Pagpipilit niya, “apat.”

Ngumiti ang Adi Hikmet. Sinubukan nitong makatawad sa kanya. Pagpupumilit nito, “dalawa…”

Umiling-iling siya. Wika niya, “hindi”

Wika nito sa kanya, “makasarili ka! Wala kang kaalam-alam sa pinagdadaanan ko, sa nararamdaman ko.” Kinuha nito ang mga pinagkainan nito. Tumayo ito sa kinauupuan nito.

Sa banta nang paglabas nito binilinan niya ito. Paalala niya, “kapag nangyari iyon, nakipaghiwalay ka sa akin…umalis ka sa aking tahanan hindi ka na maaari pang makapagpakasal sa kahit sinoman dito sa Ja’khar. Itatakwil ka nila…namin!”

At tuluyan siya nitong iniwan.

Nang hapon iyon lumabas siya sa kanilang tahanan.  Suot ang isang kulay kayumangging Báta na may mga tahi nang balat nang buwaya sa balikat, paibaba at sa likuran nang damit. Luntiang saluwâl na may mga burda nang mga halamang mais mula sa mga itim, at tansong kulay nang sinulid.  Nagtataglay nang mga bakal na mga singsing na panara na gawa sa ginto sa parehong ibabaw at ilalim nang kanyang magkabilang tuhod. Balat na sinturon na may bakal na hebilya at tapis na gawa mula balat nang Saola iniwan niya ang Adi Hikmet na mag-isa sa loob nang kanilang tahanan. Sakay kay Mamé tumulak siya paalis nang kinasasakupang lupain nang tahanan nang mga Ardashir.

Marami ang nakakakita sa kanya sa gitna nang kanyang paglalakbay. Pinagtakahan nang iilan kung sino siya. Ang kanyang kulay ay dayuhan datapwat ang kanyang suot ay nakagawian. May dungis ang kanyang mukha nang papatubong bigote at balbas. Ang kanyang mga tata’u sa braso ay lutang na lutang at nagpapaalala nang kanyang nakaraan at kasalukuyan. Wala siyang suot na kahit anong adorno sa kanyang katawan liban lamang sa panali na nasa kanyang buhok. Ito ang unang araw niya sa pagpapakilala sa buong mundo. Ang kanyang pagbabalik sa mundo ng mga buhay.

Hindi nagtagal nakaluwas siya sa kinasasakupang lupain nang tahanan ng mga Ardashir. Narating niya ang mga sakahan… ang mga naglalakihang mga sakahan nang mga Manioc, oca, jaboticaba, nang mga bagong pulang bunga na una niyang Pinasinayanan at ngayon namumulaklak sa dami nang tinataglay nang bawat isang halaman at higit sa lahat narating niya rin ang kinasasakupang lupain nang sakahan nang mga maisan.

Marami ang tumawag ng pansin nang kanyang pagbabalik. Natatandaan nang ito ang kanyang alaga. Natatandaan nang kanyang alaga ang ilan sa mga ito. Namukaan niya ang isa. Lumingon si Mamé pagkakita dito. Gayong gayon na lamang ang ngisi nang kanyang alaga na mistulang nakawala mula sa kulungan nito.

Tama ang Mamé. Bumalik sila…nakabalik sila sa kanilang pinagmulan, at nakalakihan. Nakita siya nang Adi Ayda at nang dalawa pa nitong nakatatandang kapatid.

Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay hanggang sa narating niya ang tahanan nang mga Barakat. Ang tahanang kanyang kinalakihan at kinamulatan. Ang malaking lagusan, ang kahoy na pintuan na may tinubog na bakal, larawan nang isang bulaklak na nakabuka at pinapapalandakan ang sarili sa sinomang gustong makakita at nagpapapansin sa ganda at tingkad nang mga talulot nito na may kulay pula at ginto, luntiang mga dahon, manipis at kurbadong tangkay at tagilong mga sanga. Nakatago sa isang sisidlan na hugis tinghoy. Ang mga tore sa magkabilang bahagi nang tahanan; ang malawak na lupain; ang nakaangat na plataporma na may dalawang baitang at ang kawan nang kanyang ama, na may tatlong paa at may apoy.

Sa gayon wala siyang naramdaman na kahit ano kung hindi kalungkutan at pagkabigo. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad sa mga guho at natirang bahagi nang kanyang nawasak na tahanan.

Hanggang sa nakarinig siya nang may tumawag sa kanya. Wika nito, “Hadi Yasir?” at nang lumingon siya nakita niya ang Hadi Eno.

Wika niya, “asirvadda’owuro Hadi Eno!”

Nagbigay nang paggalang sa kanya ang Hadi Eno.

Tinanong siya nito kung maaari siya nitong makausap. Binalik niya ang kanyang pansin sa nasirang tahanan nang mga Barakat. Wasak ang dayag nang tahanan. Gumuho ang kanang bahagi, bumagsak ang kisame at ang ikalawang palapag at natabunan ang bukalan. May butas ang gitnang bahagi. Giba ang malawak na bulwagan at ang tahanan alaala na lamang nang nakaraan.

Sinabi nito sa kanya, “maaari po ba namin kayong makausap Hadezar!”

Lumingon siya kay Mamé. Wika niya sa Hadi Eno, “hindi na ako ang iyong Hadezar kung nakakalimutan mo.” Tinanggal niya ang panali nito at pinakawalan niya ang kanyang alaga.  Lumingon siya sa may-ari nang sakahan nang maisan.  Nakita niya ito. Wala itong imik sa kanya. May pagdadalawang-isip. Tanong niya, “kung ganon sabihin mo ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?” habang hawak sa kamay nito ang nakatuping panali nang kanyang alagang asong-gubat.

Sa pag-alis niya sa gumuhong tahanan nang mga Barakat, iniwan niya si Mamé sa pangangalaga sa tahanan nang Hadi Eno. Sinabi niya na kung maaari ay dumito muna ang kanyang alaga at may pupuntahan siyang iba, na wala itong dapat na ipag-alala at babalik din ito agad. Bagay na tinanggap nang may-ari nang sakahan nang maisan.

Naglakad siyang mag-isa sa malawak na daanang pinaliligiran nang mga puno nang jaboticaba. Nakita siya nang Hadi Ogeyerg habang kausap nito ang isa sa mga tauhan nito. Nagbigay nang paggalang ang Hadi Ogeyerg sa kanya. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay. Hindi naglaon narating niya ang sakahan nang mga Rimas. Nagtungo siya sa naiwang tahanan nang kanyang liyaw.

Lumapit siya sa lagusan nang maliit na tahanan. Binuksan niya ito at sa pagbukas niya nang pintuan nakita niya ang kanina niya pang inaasahan. Wika niya sa kanyang kakilala, “matagal din tayong hindi nagkita?”

Gayong lumingon ang kanyang inaasahan at nakita niya ang pagtataka sa mukha nang Hadi Muqqabit na nag-iisa sa loob nang tahanan nang Hadi Walid.

Wika nito, “Hadi Yasir!”

Pumasok siya sa loob. Naiwang nakabukas ang lagusan. Pumapasok ang liwanag nang araw sa mga siwang nang kisame at sa nakabukas na lagusan nang tahanan.

Tanong nang Hadi Muqqabit sa kanya, “anong ginagawa niyo rito?”

Wika niya sa Hadi Muqqabit, “hindi na ako magpapaliguyligoy pa alam ko kung ano ang ginagawa niyo nang aking asawa.”

Wika nito sa kanya, “nagkakamali kayo Hadezar walang namamagitan sa amin nang inyong asawa.”

Ngumisi ang Hadi Yasir. Hawak-hawak mabuti ang panali nang kanyang alagang asong-gubat. Pinaglalaruan sa kanyang kaliwang kamay ang nakatuping panali habang mahinang pinapalo sa kanyang hita. Wika niya, “hindi ako tanga Hadi Muqqabit.” Tantiyado, “maslalong hindi ako manhid.” Ngumiti siya. Dagdag niya, “matagal ko nang alam ang ‘namamagitan’ sa inyo ng aking asawa.”

Wika nito sa kanya, “kung sa inaakala niyo na magagawa niyo kaming paghiwalayin nagkakamali ka. Hindi mo mahihiling sa akin na layuan ko ang iyong asawa. Mahal ko ang iyong asawa at nagmamahalan kami.”

Tanong niya, “sabihin mo sa akin, ilang taon ka na? labing-walo? Dalawampu’t isa?”

Wika nito, “labing-anim pero hindi sa pagitan nang taon makikita ang pagmamahal.”

Wika niya, “at ano ang alam mo sa pagmamahal? Hindi iyon pagmamahal Hadi Muqqabit. Hindi mo mahal ang aking asawa. Hindi ka mahal nang Adi Hikmet.”

Tanong nito sa kanya, “at mahal mo ang iyong asawa…at mahal ka nang Adi Hikmet?”

Yumuko siya. Ngumisi siya. Tugon niya, “oh!” Binaling niya ang kanyang pansin sa Hadi Muqqabit. Kasunod noon sinarado niya ang pintuan nang lagusan.

Nang gabi, sumama siya sa hapunan nang may-ari nang sakahan ng maisan. Pinagsaluhan nila kasama ang asawa nito na si Adi Pikati, ang ina nang Hadi Eno, ang matandang Adi na magulang nang dating may-ari nang sakahan na kanyang naabutan na si Hadi Abusta at ang mga kapatid nito    ang mga pagkaing nilagang mais, tinapay na walang labadura, karne nang Mantahungal at mga dinaing na isda. Naging pangkaraniwan ang kanilang salu-salo. Walang mainit na sabaw sa hapagkainan datapwat nagsisimula na namang lumamig ang simoy nang hangin kasabay nang tuluyang paglalim nang gabi ay mayroon namang mainit-init na tsaa na gawa mula sa giniling na buto nang pili.

Kaayaaya ang kanilang pagsasalo. Hindi maituturing maruwal ngunit ang saya at tawanan sa mga usapan at biruan sa magkakapatid at kaguluhan sa hapagkainan na kinasanayan na nang mga matatanda at nang mga mapagpanggap na mga matatanda ay nagbibigay nang magkahalong pait at tamis sa kanya. Nang gabing iyon pinag-usapan nila ang nagaganap na pagbabago sa kanilang lipunan. Ang hindi maitatangging mga kaguluhan na nagbibigay sa kanilang mga sarili nang desisyon na baguhin at tignan ang kanilang mga kilos at salita sa ibang paraan.

Hindi nawala sa kanila ang kanyang nakaligtaan nang Hadezar pa lamang siya ang pag-usapan ang naganap na kaguluhan sa pagitan nang mga Kesh at nang mga may-ari nang mga sakahan ganon din nang nagaganap na hindi magandang turingan at pag-uugali nang mga may-ari nang ibang sakahan at mga lupain, lalong-lalo na ang ibang Jingkar sa mga dayuhan at nakatirang mga Kesh sa kanilang bayan.

Sinabi nang matadang Adi sa kanila na hindi na nila magagawa pang baguhin kung anoman ang mga nakasanayan. Bagay na ipinagtaka nang Hadi Yasir.

Sinabi nang matandang Adi na naniniwala ito at katulad din nang ilang mga Jingkar na nasa ilalim nang pamumuno nang apo nito na ang lupaing itinulong nang mga Kesh ay hindi para sa mga Kesh bagkus para sa kanilang mga Jingkar. Na hindi sila obligadong makihati sa kung anoman ang dapat sa mga Kesh. Na kung anoman ang para sa mga Jingkar ay para sa mga Jingkar. Na bago paman dumating at tulungan sila nang mga Kesh, ang kanilang mga ninuno ang unang gumawa nang hakbang para bumuo nang isang bayan na para sa kanila. Gayong sila ang unang nanirhan dito, mula sa kanilang mga kanunuan hanggang sa susunod pang salinlahi.

Gayong kinatwiran niya na hindi sila ang unang nakatira sa ngayong kinikilalang magiting na Ja’khar bagkus sila ang sumakop sa mga Erebo, ang pumatay sa mga ito at nagpalayas sa mga ito sa sariling upain nito bago angkinin nang kanilang mga ninuno.

 Kinatwiran nang matandang Adi papaano ang ginawa nang kanilang mga ninuno nang sumabog ang Magiting na kabundukan at halos walang natira sa kanilang mga pananim…hindi ang mga Erebo ang gumawa nang magiting na Ja’khar. Naging Ja’khar ang kanilang maliit na bayan matapos sumabog ang magiting na kabundukan at mapinsala ang kanilang mga ikinabubuhay.

At hindi niya nakakalimutan ang kanyang kasaysayan.

Sinabi nang Hadi Eno sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala dahil sinusubukan nang kapisanan nang mga magsasaka ang lahat nang makakaya nito upang pantay ang pagtingin nang halos nakakarami sa bumubuo sa pamunuan at kilalanin ang lahat nang mga naninirhan sa Ja’khar na nagtatrabaho nang may sapat na pangkabuhayan at bahagi nang lupain hindi sa pagkilala nang pag-aalipin. Mapanatili ang kaayusan sa mga magsasaka at mga may-ari nang mga lupa.

Gayong hindi pa sapat ang kanyang nakikita niya at naniniwala siya na hindi rin ito magtatagal.

Tinanong niya ang Hadi Eno kung sino na ngayon ang nagsisilbing tagapamagitan.

Sinabi nitong may itinalaga ang kapisanan na bubuo sa mga maghuhusga at magpapataw nang kaparusahan sa sinomang lalabag sa batas nang Ja’khar.

Pinaalala niya sa Hadi Eno na huwag nitong kalilimutan na bahagi na nang kanilang mga pamumuno ang kanilang mga kakilala at mga katrabahong mga Kesh. Na dapat maging pantay ang turingan sa isa’t isa gayong ang tunay na kaayusan ay walang nakikitang kulay at dayuhan. Hindi na dapat pang ituring na dayuhan ang mga Kesh sa kanilang bayan bagkus ituring ito na katulad sa isang Jingkar gaya nang pagturing nang kanilang mga ninuno sa mga Taiaman na sumama sa kanila upang makita at mahanap ang Malayang Andes nang Silangan. Ang pagiging patas ay hindi lamang nakikita sa kulay nang balat kung hindi rin sa batas na para sa lahat.

Matapos noon ikinuwento sa kanya nang isa sa mga kapatid na babae nang Hadi Eno ang ginagawang pagtatrabaho nang mga Roshan sa kanilang mga sakahan, at pagsusumikap para maitaguyod ang mga sakahan at pag-aalaga nang mga hayupan. Maging ang pambubuyo nito sa paghanga nang isa sa mga kapatid nito sa Hadi Fadil.

Hindi rin nakaligtaan nang mga ito na kamustahin ang kalagayan nang pagbubuntis nang kanyang asawa. Bagay na ikinagulat nang ina nang Hadi Eno. Sinabi niya na maayos ang kalagayan nang kanyang asawa. Na walang dapat na ipag-alala ang mga ito. Kakaunti ang kanyang mga salita. Nakita niya sa dalawang matandang Adi nang tahanan at sa asawa nang Hadi Eno na batid nila kung ano naririnig nila sa mga bulong-bulungang kumakalat sa buong Ja’khar tungkol sa kanyang asawa datapwat hindi nila nalalaman kung ano ang buong pangyayari.

Sinabi niya sa mga ito na pinagdesisyunan nilang mag-asawa na umalis sa Ja’khar.

Bagay na ikinagulat nang tahanan nang Hadi Eno.

Nagtaka ang ina nang Hadi Eno. Tinanong siya nito kung iiwanan na ba nila ang Ja’khar.

Bagay na knayang itinanggi. Sinabi niya na hindi nila maaaring iwanan ang Ja’khar— ang kanilang kinalakihang bayan datapwat kinakailangan nila itong gawin dahil ito ang kinakailangan.

Tinanong nang nakatatandang kapatid na babae nang Hadi Eno kung ano ang mangyayari sa kanila. Gayong Sinabi niya na nandito ang kanilang kapatid at ang tahanan nang mga Roshan. Pinagkakatiwalaan niya ang tahanan nang mga Roshan. Pinabatid niya na alam niyang mashigit ang nalalaman nang mga Roshan, nang Hadi Batul nang ama nito at kapatid nito, kung ano ang sa ngayong makabubuti para sa mga sakahan at lupaing ngayon ay nasa ilalim na nang pangangalaga nang mga Roshan.

Kapansinpansin ang kanyang pagiging mailap.

Sinabi niya na kung anoman ang naririnig nang mga ito…hindi niya ito maaaring pagsinungalingan. Hindi ito ang tunay na nangyari…hindi ito ang mga tunay na pangyayari at hindi magtatagal malalaman din nila ang tunay na nangyayari. Humingi siya nang tawad sa ginawa niyang pagtalikod sa mga ito…sa pag-iwan niya sa kanyang katungkulan at hindi pagtanggol sa nasasakupan at pinamumunuan nang knayang tahanan sa loob nang napakahabang panahon.

Sinabi niya sa amma na matagal nang magkakilala ang kanilang mga tahanan. Ang tahanan nang may-ari ng maisan ang unang tumulong sa kanila noong mga panahong walang-wala ang kanyang ina at naghihikahos ang kanilang tahanan. Ito rin ang isa sa mga unang tahanan na bumalik sa kanila at kinilala ang kanilang pamumuno. Marami siyang dapat na ipagpasalamat sa tahanang may-ari nang maisan, maging sa iba pang mga tahanan at mga sakahan na nagbigay sa kanila nang pagkakataon na pamunuan silang muli nang tahanan nang mga Barakat sa ikalawa at huling pagkakataon.

Naalala niya ang sinabi nang kanyang ina nang tanggapin niya ang mga ito muli. Pinaalala niya ito sa matandang Adi na hinding-hindi na babagsak muli ang tahanan nang mga Barakat at kung mangyari iyon hinangad nang kanyang ina ang pagkamatay nang kanilang tahanan at sa pagkakataong ito bumagsak ang kanyang tahanan sa sarili niyang pagkakamali.

Matapos ang hapunan nagpatuloy ang kanilang pag-uusap nang Hadi Eno sa labas nang tahanan nang may-ari nang sakahan ng maisan.

Tinanong siya nang Hadi Eno kung totoo ba ang mga sinabi niya sa kanilang hapagkainan. Bagay na hindi niya itinanggi. Sinabi niya sa Hadi Eno na walang ibang dapat sisihin dito kung hindi siya at ang kanyang mga maling desisyon.

Tinanong siya nang Hadi Eno kung may pagkakataon pa ay magagawa niya bang baguhin kung anoman ang kanyang mga nagawang pagkakamali.

Bagay na kanyang itinanggi. Sinabi niya na hindi niya pinagsisisihan ang kanyang mga ginawa…Iyon ang kanyang mga ginawa. Siya ang nagdesisyon na gawin ang bagay na iyon…gamitin ang kanyang mga nasasakupan para sa pansariling interes. Maghigante sa tahanan nang mga Harith. Ang patayin ang Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir at pabagsakin ang tahanan nito. Kailangan niyang gawin ang mga iyon…at kailangan niyang pagsisihan na ginawa niya ang mga iyon.

Sinabi niya sa Hadi Eno na kailangang magpatuloy ang kapisanan nang mga magsasaka at may-ari nang mga lupa gawin nito kung ano ang kinakailangan nitong gawin gaya nang kanilang pinag-usapan nang ibinibigay niya ang ideyang ito dito at pinaghahandaan nila ang bagay na ito. Sinabi niya sa Hadi Eno na ang kanilang pinag-usapan ay kinakailangang mangyari…titignan niya ang pinagkasunduan nilang lugar— Ang paglilipat nang buong Ja’khar sa ibang lugar.

Tinanong siya nito kung ano ang balak nito sa mga Narmer at Aesir.

Sinabi niya na hayaan nila na sakupin nito ang malayang Andes nang Silangan. Hindi magtatagal, gaya nang mga iba pang mga imperyo maglalaho at mawawala din ito kasabay nang pagbabago.

Ang kanilang bayan ay hindi ginawa para sakupin at ang kanilang lahi ay hindi na magpapasakop pa. Matagal na panahon nang natapos ang panahon nang pananakop at paghahanap nang mga lupain. Ang tunay na laban ay hindi lang sa laki nang mga lupain at malalamig na mga sandata. Kinaiinggitan ang Ja’khar sa ibang paraan, sa labanan nang kung ano ang nalalaman nang bawat isa na kahit hindi sabihin alam nang lahat kung ano ang ginagawa nang bawat isa. Sinabi niya makakatulong ang mga Kesh sa kanila ganon din nang mga Qaa.

Matapos niyang ubusin ang kanyang iniinom na nakakalasing na inumin nagdesisyon siyang magpaalam sa Hadi Eno at umalis sa tahanan nito.

Bagay na tinanggap nang may-ari nang sakahan nang maisan.

Nagpasalamat siya sa masarap na hapunan na ibinigay nito sa kanya at gayon din pinabatid nito ang ginagawa nitong pag-aalala para sa kanyang asawa bagay na kanyang tinanggap at pinagsinungalingang matatanggap nito ang pangangamusta nang tahanan nito para sa kanyang asawa.

Bago siya umalis sa tahanan nang may-ari ng sakahan nang mga maisan pinaalala nang Hadi Eno sa kanya ang ipinangako niya dito bagay na hindi niya nakakalimutan. Babalik siya sa Ja’khar.  Ganon din pinaalala niya sa Hadi Eno ang kanilang napag-usapan na tutuparin nito kung anoman ang kanilang mga napagkasunduan. Ang pagbagsak nang kanyang mga kalaban. Alam niya na tutuparin ito nang Hadi Eno. May agam-agam sa mga mata nito gayong nakikita niya at nasasaksihan na gagawin nito ang bagay na kanyang ibinilin dito, tulad nang pagbagsak ng pagpatay nila sa Hadi Muqqabit.

Wala itong nagawa kung hindi sumang-ayon.

Sakay sa kanyang asong-gubat na si Mamé tuluyan niyang tinalikuran ang may-ari nang sakahan ng maisan at umalis. Lumabas siya sa sakahan at tinungtong ang daan na patungo sa kanyang gumuho at dating tahanan. Gayong tila ang pangalan nang mga Barakat ay kasabay din nilamon nang pagbagsak nito. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay, hindi alintana kung anoman ang mangyayari pa lamang. Ito ang wakas sa tingin niya…nararamdaman niya sa kanyang buto na ito ang katapusan nang kanyang mga pangarap, kaya ang katapusan nang kasaysayang ito. Ang kanyang pagkakamali. Bagamat hindi nalalayo sa kanya ang mangarap at umasa na ito pa lamang ang bagong simula. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay, iyon ang mahalaga sa ngayon.

Kasabay nito, sa gitna nang kanyang paglalakbay nabanaag niya sa mga pinagtataguang mga ulap ang pagiging kakaiba nang buwan ngayong gabi. Nakita niya ang pagiging malaki nang buwan sa malamig na panahon at ang kawalan nang mga bituin. Saloobloob niya, ang kanyang mga pangarap at mga panaginip.

Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay—narating niya ang nag-eekis na daan. Nagpatuloy siya…binagtas ang baybayin, ang dalampasigan at hindi nagtagal narating niya ang kinasasakupan— mali! Ang kinatatayuang tahanan nang kanyang mga kalaban.

Bumaba siya sa kanyang sinasakyang asong-gubat. Hila si Mamé dinala niya ang kanyang alaga paibaba nang yungib nang tahanan ng mga Harith. Dinala niya ang kanyang alaga sa yungib at paglabas niya agad din siyang umakyat sa buhanginan at nagtungo sa loob nang tahanan ng mga Harith.

Bahagya niyang binuksan ang lagusan nang tahanan. Pumasok siya sa loob at sa pagpasok niya nakita niya ang Hadi Mahdi na nag-iisa sa loob nang pamosong pabilyo nang tahanan ng mga Harith. Naglakad siya patungo sa kung nasaan ang Hadezar.

Lumapit siya sa kanyang Hadezar.

Sa pagpasok niya sa maliwanag na pabilyong iniilawan nang mga nakasinding timsim, nakita niya ang Hadi Mahdi na umiinom nang nakakalasing na inumin na mula sa bunga nang Agave. Nakaupo ito sa upuang may mataas na sandalan at patungan nang mga braso na nasa dulo nang mahabang lamesa sa loob nang pabilyo. May dalawang baso at isang pitsel ang nasa ibabaw nang mahabang lamesa.

Nabaling ang pansin sa kanya nang Hadi Mahdi. Gayong tumayo ito sa kinauupuan nito.

Wika nito sa kanya, “iyi’Okshem Hadezar!” (Jng. magandang gabi Hadezar!)

Nabigla siya. Wika niya, “iyi’Okshem— Hadezar”

Lumapit ito sa kanya. Hindi siya makakilos sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari.

Hanggang sa niyakap siya nito. At nagulat siya…Hanggang sa naramdaman niya ang pag-iyak nang Hadi Mahdi. Ang pagtulo ng luha sa mata nito. At ang pagtawag nito sa kanya nang “anak” at ang paghingi nito sa kanya nang tawad sa lahat nang mga ginawa nito sa kanya— lalong-lalo na sa kanyang tahanan. At hindi niya ito maintindihan.

Wala siyang nagawa. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Bumagsak ito sa balikat ng Hadi Mahdi. Tinaas niya ang kanyang mga kamay. Niyakap niya ang Hadezar. Pinatong niya ang isa niyang kamay sa ulunan nang matanda.

Pinatawad niya ito. Kinakailangan niyang magdesisyon, kahit masakit pa. Iyon ang dahilan kung ano ang kinakailangan niyang gawin ngayon. Pinagsisihan niya ang patawarin ito, ang lumapit siya dito at tinawag siya nitong anak.

Tinignan siya nito. Nakita niya ang ngiti nang matandang hadezar sa kanya. Ang pagngisi nito nang parang isang ulol. Tinapik nito ang kanyang pisngi. Pinunasan nito ang mga luha nito sa mukha nito. At ipinatong ang isa sa mga kamay nito sa kanyang balikat at tinanggap siya sa tahanan ng mga Harith.

Hindi siya maaaring ngumiti, sa pagpapakita dito nang isang paggalang na nararapat dito. Hindi ito dapat galangin. Tuloy ang higante saloob-loob niya.

Kasunod noon tinanggap siya nito sa tahanan nang mga Harith sa kung ano ang nakaugalian. Kumuha ito nang palangganang naglalaman nang malinis na tubig at pamunas. Lumuhod ito sa kanyang harapan. Tinanggal ang kanang sandalyas na kanyang suot at hinugasan, inalmuhasan at inilubog sa malinis na tubig ang kanyang kanang paa. kasunod noon pinunasan nito ang kanan niyang paa. Na sinundan nang paghuhugas nang kaliwa niyang paa…Binuhusan ito nang kanyang ama nang malinis na tubig gamit ang kamay nito. Inalmuhasan at saka hinugasan. Matapos noon saka nito inilublob ang kaliwa niyang paa sa malinis na tubig at pinunasan nang malinis at mabasabasang pamunas. Saka isinuot ang sandalyas sa kaliwa niyang paa.

Matapos noon, tuluyan na siya nitong tinanggap sa kanyang pamamahay.

Niyaya siya nitong umupo sa isa sa mga mahahabang mga upuan sa loob nang pamosong pabilyo. Bagay na kanyang pinaunlakan. Sumunod noon, kinamusta siya nang Hadezar nang tahanan ng mga Harith. Kinamusta nito ang kanyang tahanan at ang kanyang asawa.

Sinabi niya na maaayos naman ang kanyang pamilya. Sinabi niya na matapos ang mamatay ang kanilang anak nang kanyang asawa ay marami na ang nagbago sa kanilang mag-asawa. Sa kanilang mga nakasanayan na pang-araw-araw lalo na sa kanilang mga nakaugalian tuwing umaga at hapon.

Nagawa nilang maglibot sa mga nasasakupan nang tahanan ng mga Ardashir. Sinabi niya na pinuntahan nila ang pandayan…Sinabi niya sinabi nang kanyang asawa na naiiba ang itsura nang pandayan sa tahanan nang mga Ardashir. Na pinaliligiran ito nang mga dalawang nagtataasang mga lupa, at ang mga pandayan ay nakalubog sa lupa kung san makikita mo ang mahahabang mga balisungsong at naglalakihang mga pugon. Hindi nagtagal nagsimulang magtrabaho ang kanyang asawa sa pandayan…

May limang pandayan sa loob nang Ja’khar. Hindi nagkakalayo ang bawat isa. Mabilis na natuto ang Adi Hikmet. Sinabi nang kanyang asawa sa kanya na ang mga pagawaan hindi tulad sa mga sakahan na mga produkto nito ang kapalit sa bawat serbisyo bagkus serbisyo ang mahalaga higit paman.

Bagay na kanyang sinang-ayunan at maging nang Hadi Mahdi.

Marami rin silang naikot na mag mag-asawa. Nagtungo sila sa mga malalaking mga sanaw na mga pampakulay.  Pinanood nila ang ito sa pagpapakulay nang mga tela…ang manomanong pagpiga at pagpapatuyo nang mga ito bago ito maging kasuotan at maging mga damit. Nagawa nilang makausap ang mga ito…sumalo sa pananghalian at pagpapahinga. Nasubukan ang hirap nang pagtatrabaho nang mga ito.

Marami silang nalaman sa mga ito… ang kahirapan sa pagkuha sa malilinis na tubig lalo na pagpapatuyo sa buong paligid. Marami ang nadadapuan sa kanila nang mga sakit. Nagtungo din sila sa mga lugong na makikita sa kanilang bayan. Nanood sila nang mga sabungan nang mga lampong at nang iba’t iba pang mga hayop.

Sinabi niya sa Hadi Mahdi na hindi pa nakakapanood ang kanyang asawa nang mga sabungan sa mga lugong kaya dinala niya ito dito. Masaya ang araw na iyon, hindi niya iyon maitatanggi.

Tinanong siya nang Hadi Mahdi kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

Sinabi niya na habang siya ay nagsimula naman paggawa nang mga damit. Bagay na pinagtakahan nang Hadezar nang tahana nang mga Harith habang walang humpay sa pag-inom nang nakakalasing na inumin.

Sinabi niya na marami siyang nakilala na mga matatanda at mga dalagang mga Adi na tinuon ang mga sarili sa pagsisilbi at paghahabi nang mga pinakamagandang mga tela at burda sa kanilang bayan. Hindi mapapantayan ang mga tela na galing sa kanila gaya nang mga bulak at mga himaymay na mula sa iba’t ibang mga halaman gaya nang buri, sa mga dahon nang Avetas at maging sa mga halaman nang mga Cafir. Nanghihinayang lamang siya na kailangan pa nilang iangkat ang mga sutla sa Hilaga at sa katimugan. Natuto siya sa paggawa nang mga damit lalong-lalo na sa pagbuburda.

Tinanong siya nang Hadi Mahdi kung hindi ba ito gawain nang isang babae. Bagay na kanyang itinanggi at sinabing naging malaking tulong ito sa kanya lalong-lalo na sa kanilang tahanan. Datapwat maliban doon, natuto din siya sa pag-aayos nang mga daan at paggawa nang mga gusali sa nakalipas na limang buwan, pitong buwan mula sa pagkamatay nang kanyang anak.

Hindi nagtagal sinimulan niyang ayusin, katuwang nang iba pang mga Jingkar na kanyang naging kakilala ang bagong tahanan nang mga Barakat.  Naging masaya ang kanilang mga buhay kahit papaano.

Bagay na ikinatuwa nang Hadi Mahdi. Sinalukan siya nito nang maiinom mula sa pitsel na naglalaman nang nakakalasing na inumin. Ibinigay ito sa kanya nang matanda at kinuha niya ito.

Dagdag niya na sa kasalukuyan ay inaayos nila ngayon ang daluyan nang tubig at bagsakan nang mga pinaggamitang mga tubig sa mga sanaw palabas nang kinasasakupan nitong lupain at patungo sa mga palikuran na gagamitin muli ang mga pinanggamitang tubig sa paglilinis at pag-aayos nang mga dumi habang papasok naman ang malinis na tubig.

Tinanong siya nang Hadi Mahdi kung papaano ang mga naiwang mga dumi nang mga pangkulay.

Sinabi niya na tinitignan nila kung gagana ang paglalagay nang mga pansala at paghihiwalay nang tubig na pinanggamitan sa mga dumi nang pangkulay…magkagayonman hindi pa rin nito matatanggal ang kulay sa mga tubig.

Gayon din ang paggawa nang mga bato sa mga daanan sa buong Ja’khar.

Tinanong siya nang Hadi Mahdi kung siya ba ang nakaisip nang bagay na iyon, bagay na kanyang itinanggi.

Sinabi niya na sinisimulan na itong tapusin sa buong kinsasakupang bahagi nang mga Ardashir.

Saka siya tinanong nito, kung siya…kailan niya gustong bumalik sa pagiging Hadezar nang tahanan ng mga Barakat.

Wika niya, “samava un’zah edere Hadezar…Unzha’ö edere bolno vapasi bhul dl’ içhatta waxaa thë Hadezar.” (Jng. patawarin mo ako Hadezar…hindi na ako maaaring makabalik pa sa kalipunan nang mga Hadezar.)

Tanong nito sa kanya, “va’neden?” (Jng. at bakit?)

Wika nito sa kanya, “jo fattu’ö të hava waxaa thë Hadezar…fattu’ö të liderlik biziih dl’elayo. Cú’ age waxaa çe’bhitti thë revve të dayaara dyurs’myghel dl’nas liderlik va un’zha wa të avval dl’vhezqqurë ederen engari çe’bhitti bolük ö gana wa waxaa vhezqqurë ederen…Wa thë’kohne… Unzha eger tovbë të ikvat të olma Hadezar, yoki ederen të düşünme zeh Hadezar. Setmek eger’ü unzha çu qho— dl’duhn neyi’bhul, duhn unzha saraba edere ö yapmak yoki neyi të dja va ‘kerak.”                  (Jng. dahil tapos na ang panahon nang mga Hadezar…tapos na ang pamumuno natin sa kanila. May bago nang magiging mga pinuno ang handang pumalit sa ating pamumuno at hindi tayo ang una sa kasaysayang iyon bagkus magiging bahagi na lamang tayo nang kasaysayang iyon…tayong mga niluma…Hindi ko pinagsisihan ang talikuran ang pagiging Hadezar, kung iyon ang iniisip niyo Hadezar. Pinili ko ito hindi dahil— sa kung ano pa man, kung hindi mas payapa ako na gawin kung anoman ang mas tama at kinakailangan.)

Tanong nang Haid Mahdi sa kanya, “Unzha un’zah ni bolno yapmak ederen yoki du të Hadezar waxaa dubro’dhoshlhe waxaa thë Barakat? Unzha ni shahavet yoki vharlaaq siz xanaq va zinthu ö yapmak yoki neyi të istemek un’zah yapmak dl’igbagbo shahavet ü dl’ eder tesislerinde?” (Jng. hindi mo ba pwede gawin iyon kung ikaw ang Hadezar nang tahanan nang mga Barakat? Hindi ba makabubuti kung mayroon kang kapangyarihan at impluwensya na gawin kung anoman ang gusto mong gawin sa paniniwalang makabubuti ito sa iyong nasasakupan?)

Wika niya, “maaari…pero hindi nakikita ang tunay na kapangyarihan at impluwensya sa ginagalawan. Maaari ka pa rin mamuno at magkaroon nang impluwensya kahit hindi ka isang Hadezar. Ang isang pangkaraniwang mamamayan ay maaaring maging higit pa ang impluwensya at kapangyarihan kaysa sa isang pinuno. O ang isang mas bata at kulang ang nalalaman ay maaaring mas maging maimpluwensya pa at makapangyarihan kaysa sa nakatatanda sa kanya. O të bire oti dl’ thë ora…neyi ni të zinthu va xanaq. Bire samo ü esassen ö yarati waxaa çin’qaro
ö cú yebalayi…od dl’menzi. Yarati biziih ü waayo berkenaan’wa va uznat’wa ko uymak için dl’nas. Bolno biziih degişim të yasa va asghilak ü dl’nas shahavet. Bolno biziih ma’no ö të bire kartadssin yi shahavat dl’menzi waxaa unzha nas bilinçli të çe’bhitti urduun onun va bolno yapmak onun dl’nas. Neyi ni të olma Hadezar phoq, Hadi Mahdi…bire ö samo ü nama ö uzivanje çu’qho dl’ duhn neyi të ravatti va igbagbo, nah’sil bhul ki duhn të nama ö ederen yi kirlenmiş ö— Nah’sil bhul ki duhn të menzi yi kompas bhul waxaa kujha?”
(Jng. O ang isang patay sa mga buhay…ano ba ang impluwensya at kapangyarihan. Isa lamang itong salita na nilikha nang sinoman na may mas nakahihigit…kaysa sa nakararami. Nilikha natin ito para galangin tayo at kilalanin tayo upang sumunod sila sa atin. Maaari nating baguhin ang batas at gamitin ito sa ating kabutihan. Maaari nating sabihin na ang isang desisyon ay makabubuti sa nakararami nang hindi natin nalalaman ang magiging kahihinatnan nito at maaaring gawin nito sa atin. Ano ba ang pagiging Hadezar ngayon, Hadi Mahdi…isa na lamang itong pangalan na tinatangkilik dahil sa kung ano ang nakaugalian at paniniwala, papaano pa kaya kung ang pangalan na iyon ay madumihan na—Papaano pa kaya kung ang nakararami ay mahigitan pa nang iilan?)

Ngumiti ang Hadi Mahdi. Uminom muli ito nang nakakalasing na inumin. Kasunod noon Tinanong siya nito kung hindi na ba talaga siya mapipigilan.

Bagay na kanyang pinilit at sinabing hindi na.

Matapos tinanong siya nang Hadi Mahdi kung kamusta ang kanyang asawa.

Bagay na kanyang sinagot at sinabing nasa maayos naman ang kalagayan nito…

Gayong tinanong nang Hadi Mahdi kung kamusta ang pagbubuntis nang kanyang asawa.

Binaling niya ang kanyang pansin sa basong nasa ibabaw nang mahabang lamesa. Kinuha niya ito at saka uminom.

Wika nang Hadi Mahdi sa kanya, “ma’lum eger duhn neyi të dl’etkhiler zeh…Duhn neyi nirmaan dl’zeh waxaa eder xaaskiisa. Soyledi eger dl’zeh ö unzha shahavet të Adi Hikmet waayo dl’zeh. Ö unzha un’zah setmek qilmoq xaaskiisa të Adi Hikmet waxaa dubro’dhoshlhe të thë Roshan!” (Jng. alam ko kung ano ang nangyayari sa tahanan niyo…kung ano ang ginagawa sa iyo nang iyong asawa. Sinabi ko sa iyo na hindi makabubuti ang Adi Hikmet para sa iyo. Na hindi mo dapat piniling gawing asawa ang Adi Hikmet nang tahanan ng mga Roshan!)

Wika niya, “unzha ederen të ndeva eger soyledi un’zah dl’açzi manasivah…” (Jng. hindi iyon ang narinig kong sinabi mo sa aking asawa…)

Tanong nito sa kanya, “kung ibibigay ko ba sa iyo ang hinihingi mong pagbali nang ugnayang namamagitan sa ating mga tahanan. Tatanggapin mo pa rin ba?”

Sabat niya, “matagal niyo na dapat ginawa iyon. Ngayon huli na ang lahat…wala na kayong makukuha pa sa amin. Hindi na kami sagabal pa sa inyo o bagay na may halaga pa.”

Wika nang Hadi Mahdi sa kanya, “may pagkakataon pa Hadezar!”

 Hindi siya nakaimik.

Dagdag nang Hadi Mahdi, “bolno un’zah bhul qaytish’të dubro’dhoshlhe waxaa thë Barakat dl’duhn neyi lämna’onun zevk liderlik va xanaq. Bolno’siz yana ö noqon Hadezar waxaa dubro’dhoshlhe waxaa thë Barakat. Noqon agaasimah waxaa thë tesislerinde’zemin. Caawin iwou ö vhermeq dl’zeh të liderlik dl’nilam waxaa dubro’dhoshle waxaa thë Ardashir. Gibi waxaa thosa’biziih. Hadezar?” (Jng. maaari mo pang ibalik ang tahanan nang mga Barakat sa kung anong iniwan nitong tinatamasang pamumuno at kapangyarihan. Maaari ka ulit na maging Hadezar nang tahanan nang mga Barakat. Maging patnugot nang mga nasasakupang lupain. Tutulungan kita na ibigay sa iyo ang pamumuno sa lupain nang tahanan nang mga Ardashir. Tulad nang napagkasunduan natin. Hadezar?)

Tinignan niya ang Hadi Mahdi. Ang sinag nang liwanag na nagmumula sa likuran nito na dulot sa mga nakasinding timsim. Nabaling ang kanyang pansin sa kamay nang Hadi Mahdi na pilit na iniaabot at hinihingi ang kanyang kamay upang makadaupang muli at magkaroon muli sila ng pagkakaunawaan.

Wika niya, “may balak ang Adi Hikmet na iwan ako.” Tinignan niya ang Hadi Mahdi. Tinanggal nito ang kamay nito sa ibabaw nang mahabang hapagkainan. Muling napasandal ang Hadezar sa kinauupuan nito.  Dagdag niya, “sumama sa kalaguyo niya na pinapangako sa kanya ang langit at paraiso. Wala akong maibibigay na kahit ano sa aking asawa. Wala akong magagawa kung hindi iparaya siya sa iba…kahit dinadala niya ang aming magiging anak.” Tinanggal niya ang kanyang pansin sa hadezar at binaling ito sa hawak niyang baso. “Alam kong hindi magiging madali ang lahat” Umiling-iling siya. “Pero pagod na pagod na akong ulitin pa ang lahat…bumalik sa dati, magsimula muli. Sinayang ko lang ang lahat nang pinaghirapan nang aking ina” Binaling niya muli ang kanyang tingin sa Hadezar nang tahanan ng mga Harith. “waxaa açzi thë leh’dosh!” (Jng. nang aking mga kapatid!)

Tanong nang Hadi Mahdi sa kanya, “wala ka bang gagawin?”

Tanong niya, “saan?”

Wika nang Hadi Mahdi sa kanya, “ibalik ang iyong asawa at magiging anak. Ikaw pa rin ang kanyang asawa at siya pa rin ang ina nang magiging anak mo.”

Wika niya, “nhar’ö tarte…” (Jng. wala na siya…)

Sinarado niya ang lagusan nang tahanan. Nagdilim ang buong tahanan. Kinuha niya ang patalim na nakaipit sa pintuan. Nagbalak ang Hadi Muqqabit na makaalis subalit hindi niya ito hinayaang makalabas nang pintuan. Agad niyang sinaksak ito pagkaharang dito at tinambangan bago paman ito tuluyang makaalis.

Pagpapatuloy niya, “dl’thë hava’ü jasi bha’ghun usaane ö të Hadi Muqqabit.” (Jng. sa mga panahong ito marahil kasama niya na ang Hadi Muqqabit)  

Bumagsak ang Hadi Muqqabit sa sahig nang tahanan. Naghihingalo pa ito pero buhay. Hindi niya hinayaang mabuhay ito. Makailang ulit niya itong sinaksak gamit nang patalim na hawak niya sa tiyan nito. Kinuha niya ang unang makita niyang mahaba at matigas na bagay sa loob nang tahanan at inihambalos niya ito sa mukha nang liyaw nang kanyang tahanan. hanggang sa tuluyang na itong hindi makahinga at nalunod sa sarili nitong dugo.

Dagdag niya, “va jahackin ö için waxaa arghoth va qoldirib ö waxaa Ja’khar. (Jng. at pasakay na sila nang sasakyang-pandagat at paaalis na nang Ja’khar) Nahuli ko sila…ako mismo ang nakakita sa kahalayaang ginagawa nila sa aking likuran. Sa panghahamak nila habang nakatalikod ako at nagtitiwala na wala silang ginagawang kababuyan. Niloloko nila ako at ang masakit noon” Tumulo ang luha sa kanyang mga mata “mahal ko pa rin ang aking asawa. Mahal ko pa rin ang Adi Hikmet!” Binaling niya ang kanyang pansin sa kanyang kanang kamay. Pinagmasdan niya ang mga singsing na tata’u sa kanyang mga daliri. Dagdag niya, “sinubukan ko silang paghiwalayin. Pinagbantaan ko ang lalake…nagsinungaling ako na hindi siya ang unang lalakeng nang bahagi nang aming pagsasama at handang ipalit sa akin nang aking asawa. Na wala siyang pinagkaiba sa mga pinagnasaan na nang aking asawa, mga libangan at mga laruan lamang silang pampalipas nang Adi Hikmet. Sinuhulan ko siya, minungkahi ko sa kanya na kapag tinanggap niya ang aking alok ibibigay ko sa kanya at sa kanyang pamilya na maaari nilang pamahalaan ang pag-aangkat at pagluluwas nang mga produkto at serbisyo na mula sa aming bayan, diskuwentado pa sila…tanging sila lamang at sila lamang…” Umiling-iling siya. pagpapatuloy niya, “sa una lang iyon akala ko tapos na ang lahat, nagkamali ako.”

Wika nang Hadi Mahdi, “unzha samo du të kirgin dl’ Soluna ü… unzha’du të bire va unzha’du të çe’bhitti koch.” (Jng. hindi lang ikaw ang nasaktan sa mundong ito…hindi ikaw ang una at hindi ikaw ang magiging huli.)

Wika niya, “Hadi Mahdi…patawarin niyo ako sa lahat nang mga ginawa ko laban sa inyo, higit sa lahat sa inyong tahanan. Hindi ko hinangad na mauwi sa pagkakaganito ang lahat.”

Wika nang Hadi Mahdi sa kanya, “wala kang dapat na ihingi nang tawad. Wala kang kasalanan sa mga nangyayari sa atin ngayon. Walang ibang dapat sisihin dito kung hindi ang iyong ina at ang kanyang mga pinapangarap para sa bayan, laban sa aming tahanan.”

Pag-aalala niya, “minsan iniisip ko, madalas, paano kaya kung hindi nangyari ang lahat nang ito. Ano kaya kung hindi bumagsak ang aming tahanan, kung hindi namatay ang aking ama, hindi pinanagutan nang Hadi Walid ang ginawa nitong pagtataksil dito. Ano kaya kami ngayon— ano kaya ang bukas na naghihintay sa amin? Siguro hanggang ngayon nakatayo pa ang tahanan ng mga Barakat. Buhay pa ang aking ama at siya pa ang kasalukuyang Hadezar.”

Tugon nang Hadi Mahdi sa kanya, “minahal ko ang iyong ina…hindi ko alam kung nasabi ko na ito sa iyo pero minahal ko siya. Hindi lang isang beses, hindi lang dalawang beses o minsan. Minahal ko siya nang higit pa sa buhay ko. Siya at siya lamang ang inaasam kong makasama sa habang buhay. Mula sa paggising hanggang sa huling hininga. Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya.”

Muli binaling niya ang kanyang pansin sa Hadi Mahdi. Kasunod noon ngumiti ang Hadi Yasir.

Hindi nagtagal iniwan niya ang Hadi Mahdi na nag-iisa sa loob nang pinagmamalaking pamosong pabilyo nito. Lumabas siya nang tahanan nang mga Harith. Nagtungo siya sa yungib nang tahanan kinuha si Mamé at lumabas nang yungib. Hanggang sa tuluyan niyang tinalikuran ang tahanan nang mga Harith at binaybay ang kahabaan nang dalampasigan.

Sa pagdating niya sa kanilang tahanan, binuksan niya ang pintuan nang lagusan. Pumasok sa loob hila-hila si Mame. Pinakawalan ang alaga sa malawak na lupain sa gitna nang unang bahagi. Nagtungo sa loob nang tahanan…Sa madidilim na mga pasilyo. Pumasok sa loob nang silid-lutuan. Naghanda ng uling sa lutuan. Sinindihan ang mga uling. Hinintay na uminit at saka nagpainit nang tubig mula sa maliit na bakal na kawan na gawa sa tingga. Pumasok sa ikalawang bahagi, sa loob nang silid nilang mag-asawa at kumuha nang mga pamalit at panligong mga gamit saka lumabas nang kanilang silid mag-asawa at nagtungo sa loob nang paliguan.

Hindi nagtagal ibinabad niya ang kanyang sarili sa mainit-init na tubig na nasa banyera. Nagkuskos nang maigi gamit nang panghilod na may galabok na insenso at pukyot. Saka umahon, nagpatuyo nang katawan at nagpalit nang damit. Lumabas sa paliguang silid at nagtungo sa silid nilang mag-asawa.

Nang gabing ito humiga siya sa kanilang higaan. Tumabi sa Adi Hikmet at natulog na kayakap ito.

Lumapit sa kanya ang Adi Hikmet. Hinaplos nito ang mga naghilom na mga sugat na gawa sa mga tudla sa kanyang katawan. Habang nakaupo siya sa maliit na upuan at nakatapis ang tuwalya sa kanyang katawan. Pinipilit na kapain ang inaahit na balbas nang hindi nakikita.

Tanong nang Adi Hikmet sa kanya, “hindi ba may ganyan ka na rin tata’u sa iyong paanan” habang pinapansin nito ang tata’u na tutubi sa kanyang likuran.

Bagay na kanyang sinang-ayunan at sinabing “oo”

Sa kanyang likuran makikita ang mga bagong tata’u. Tatlong tagilo na magkakapatong at magkakaiba ang laki, na mula sa pinaka-ibaba hanggang sa pinaka-itaas. May tatlo itong mahabang linya na sumasapaw at bumabagtas sa magkakapatong na mga tagilo habang pinaliligiran nang tatlong putol na animang gilid sa magkabilang gilid nang kanyang likuran at tagiliran. Ang apat ay nakaharap palabas ang kaputol na mas mahaba ang nauna at maliit ang pumangalawa. Habang ang dalawang panghuli na masmaliit dito ay bumabalandra ang mga guhit mula sa tigdalawang kaputol na animang gilid at sumasapaw sa tuktok nang pinakamaliit na tagilo sa kanyang likuran.

Kinuha nito ang pang-ahit sa kanyang kamay. Humarap ito sa kanya. Umupo ito sa isa sa kanyang mga hita at tinulungan siya nitong tapusin ang kanyang inaahit. Tumingala siya.

Sinabi nito sa kanya na marami pa siyang hindi naaahit sa ilalim nang kanyang baba. Kinuha nito ang pukyot at pinahiran nito ang knayang mukha at pinagpatuloy ang pag-aahit.

Sinabi nang Adi Hikmet sa kanya na kailangan niya na rin magpagupit. Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Wika nang Adi Hikmet sa kanya, “hanggang kailan natin ito gagawin, asawa ko? Kailangang pagbayaran nang Hadi Mahdi ang lahat nang ginawa niya sa atin. Hindi mo maaaring asahan lamang ang iyong kapatid at ang asawa nito ngayon na gawin kung anoman ang kinakailangan nating gawin. Sa ginagawa nila ngayon binigyan mo lamang sila nang pagkakataon na lumakas at babalikan rin nila tayo. Maniwala ka sa akin!”

Wika niya, “alam ko!”

Tanong nito sa kanya, “alam mo bang dumating dito ang isa sa mga anak nang yumaong Herren nang Ka’desh?”

Wika niya, “hindi magtatagal na rin nang Herren nang Ka’desh ang mga nangyayari sa ating bayan…”

Kinuha nito ang malinis na pamunas pinunasan nito ang mukha niya. Tanong nito sa kanya, “ano ang sa tingin mo?” Saka tumayo sa pagkakaupo sa knayang hita.

Wika niya, “kung mangyari iyon…susubukan nila tayong salakayin. Pamunuan ang ating bayan sa ilalim nang kanilang Herren’si!”

Tanong nito sa kanya, “ano na ang mangyayari sa atin ngayon!”

Ngumiti siya. Tumawa.

Kinuha niya ang gunting na kasama nang pang-ahit sa balat na lalagyang nakabukas sa ibabaw nang sahig.

Nabaling ang kanyang pansin sa kanila Mamé at Amarok.  Na papalapit sa kanila. Ibinigay niya sa kanyang asawa ang panggupit sa kanyang buhok.

Wika niya, “pababagsakin nila tayo…magkakaroon nang isang kaguluhan na hindi pa natin nakikita.

Bumaba siya sa kanyang pagkakaupo sa ibabaw nang maliit na upuan. Nagtungo sa kanyang likuran ang Adi Hikmet at umupo ito sa mababaw na upuan.

Sinimulan nitong gupitin ang kanyang mahabang buhok.

Wika niya sa kanyang asawa, “kinausap ko siya…”

Tanong nito sa kanya, “anong sabi nito sa iyo?”

Wika niya, “hiningi ko ang kanyang tulong…sa una hindi siya makapaniwala na gagawin ko iyon. Sinabi ko sa kanya na mahal kita, at dinadala mo ang ating magiging anak” Napatigil ang Adi Hikmet. Pagpapatuloy niya, “Hindi siya makapaniwala. Inakala niya na siya ang ama nang pinagbubuntis mo. Hindi niya alam…Sinabi ko sa kanya na nangangamba ako na baka ipalaglag mo ang ating anak. Hindi siya pumayag. Natakot siya…Lumabas siya nang tahanan nang hadi Walid. Nakita ko siyang kumaripas nang takbo…masyado pa siyang bata para maging isang ama. Hindi niya kaya ang tungkulin na maging isang magulang. Hindi ka magiging masaya sa kanya!”

Tanong nito sa kanya, “anong ginawa mo sa kanya?”

Tanong niya, “anak ko ba ang dinadala mo?” Naramdaman niya ang pagtulo nang luha sa kanyang ulo.

Pinagpatuloy nito ang paggupit sa kanyang buhok. Pinutol nito ang kanyang buhok hanggang sa ibabaw nang kanyang batok. Inahit pati ang magkabilang gilid ng kanyang ulo, hinayaan ko lamang matira ang buhok niya sa itaas na mahaba.

Matapos noon, tumayo ito sa pagkakaupo nito sa maliit na upuan. Bago ito umalis at iwan siya kinuha niya ang kamay nito. Sinabi niya, “patawarin mo ako kung pilit man kitang inilalayo sa lahat nang mga nagmamahal sa iyo.  Kailangan kita…hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin. Huwag mo akong iwan!”

Pinakawalan niya ang Adi Hikmet. Nasugatan ang kanyang kamay sa matalim na bahagi nang pang-ahit na hawak nito.  Lumingon ito sa kanya.

Tumingala siya dito. Tinignan siya nito nang may galit. Handa siya nitong saktan…patayin kung kinakailangan. At wala siyang nagawa. Hindi nila kayang tignan ang isa’t isa—nang patas at tuwid. Bumalik siya sa kanyang pagyuko. Napansin niya ang tumutulong dugo sa kamay nang kanyang asawa.

Narinig niya ang pagngisi nang Adi Hikmet. Inilagay nito ang mga kamay nito sa beywang nito. Inilapit niya ang kanyang kamay sa sugatang kamay nito…kinuha niya ang pang-ahit sa kamay nito, ibinaba sa sahig at hinawakan niya ang kamay nito.

Sa ganon, tinanggap niya ang kanyang pagsuko.