KABANATA DALAWAMPU’T TATLO:

Ang Hadi Yasir

Binaba ko ang Adi Atilla sa kuna nito na malapit sa aming kama. Sa likuran nang aking mga mata nakita ko ang anino nang aking asawa na papasok sa aming silid. Lumapit siya sa akin.

Sinabi ko sa kanya, “tulog na siya…” ang aking anak bulong ko sa aking sarili. Tanong ko sa Adi Hikmet, “tapos ka na bang maligo?” kasabay nang aking paglingon ang ngiti sa aking mga mata ay biglang napalitan nang magkahalong kasawian at pagkagulat.

Wika niya sa akin, “Iyi’ Okshem Hadezar!”

At naramdaman ko ang panaksak sa aking katawan na gumagapos sa aking paghinga at gumugunaw sa aking pagkatao. Isa itong nagbabagang apoy na nasa loob nang aking katawan. Sinusunog ang aking laman. Tinutunaw ang bawat litid at balat. Napakainit nito sa pakiramdam na para kang nasusunog gayong napakalamig at kinikilabutan ka mula ulo hanggang paa.

Pagmamakaawa ko sa Hadi Nasrin, “huwag…” gayong hinugot niya sa aking katawan ang kanyang panaksak. Sa una hindi ko ito naramdaman sa halip nakita ko ang pagtulo nang luha sa kanyang mga mata…hindi ko maintindihan—bakit mo ito ginagawa. Sa gayon pagkatanggal niya nang panaksak sa pagkakatarak nito sa aking katawan, saka ko lamang tuluyang naramdaman ang hapdi at kirot nang idinulot nito sa akin sarili. Sinubukan kong kumapit sa kuna nang Adi Atilla, pero hindi ko ito naabot. At nang bibigay na ako mula sa aking pagkakatayo at malapit na akong bumagsak agad sinalo niya ako, niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Kung ano ang nangyayari.

Naramdaman ko ang pagtulo nang dugo sa aking katawan. Ang paglabas nito na tila bukal at bumabahid sa aking mga kamay na pilit na pinipigilan ang pagtagas mula sa pagdaloy nito sa loob nang aking katawan. Basa ang aking kamay nang dugo. Unti-unti nang lumalabo ang aking mga paningin at gumugunaw ang aking mga nakikita. Naramdaman ko ang kanyang labi sa aking leeg. Hinalikan niya ako sa leeg at kasunod noon hinawakan niya ang aking mukha at hinalikan niya ako sa labi.

Tinulungan niya akong makaupo sa sahig isinandal niya ang aking katawan sa paanan nang aming higaan nang aking asawa. Nakita ko ang kanyang mukha, ang dugo sa kanyang suot na damit sa hawak niyang patalim…ang mga Anino na nasa labas nang aming silid nang aking asawa. Tinignan niya ako, kinaawaan niya ba ako?

Kasunod noon iniwan niya akong nakaupo. Lumapit siya sa kuna kung nasaan ang aking anak. Kinuha niya ang Adi Atilla sa kuna. Hindi ko alam—mali—hindi…hindi, hindi iyon maaaring mangyari. Hindi ko hahayaang saktan niya ang aking anak.

Nabaling ang aking pansin sa kanya. Sinubukan kong makiusap…sinubukan ko, hindi ko kaya. Pinikit ko ang aking mga mata. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig. Sinabi ko, “pakiusap!”

At kasabay noon, sa hindi ko inaasahan narinig kong inawit niya ang awit na kinakanta ko madalas sa Adi Atilla.

Matulog na mabuti,

upang lumaki ka nang maigi.

Magpakabait, at hindi matutong

Magsinungaling,

Matulog na…

Matulog na.

“Napakagandang awit hindi ba?” Tanong niya sa akin. “Uyqu’ö…volim matulog na mahal! Hindi ko alam na may maganda pa palang maaaring magmula sa tahanan ng mga Barakat. Nagtataka ka siguro kung bakit alam ko ang awiting ito?” Nabaling ang kanyang pansin sa akin. Naglaho ang ngiti sa kanyang mga mata at ang lungkot sa kanyang mga labi ang labis na nagbibigay sa akin nang pagkabagabag. Dagdag niya, “narinig ko itong kinakanta nang aking kapatid sa aming unang anak, at ang iyong kapatid. Doon akong nagsimula maghinala na may namamagitan sa kanilang dalawa! Sa awiting ito—sinimulan ko siyang saktan— ang pinakamamahal mong kapatid. Hindi ko gustong saktan ang Adi Makbule, pero inagaw niyo sa akin ang lahat…kinuha niyo sa akin ang pagmamahal nang aking ama, ang pagmamahal nang aking kapatid at ngayon ang aming tahanan.” Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi habang hawak niya ang patalim na ginamit niya sa akin. “Bakit—”

“Ano ang ginagawa mo, bakit hindi ka kumilos?”

Muli nabaling ang aking pansin sa Hadi Nasrin.

Dagdag niya, “bakit pilit niyong inaagaw ang lahat-lahat nang sa akin, ano ba ang ginawa kong pagkakamali para ganituhin niyo ako?”

“Tumayo ka na…ano pa ang hinihintay mo… bakit hindi ka pa kumilos?”

Wika nang Hadi Nasrin, “aagawin ko ang lahat sa iyo, ang aking ama, ang aking kapatid, ang iyong tahanan lalong-lalo na ang pinakamamahal mong anak. Sisiguraduhin kong walang matitira sa iyo.”

“Hindi mo ba nakikita, pinagtitinginan ka nila? HADEZAR!”

Pagpapatuloy nang Hadi Nasrin, “alam mo, hindi ba”

“Ikaw ang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat!”

HADI NASRIN: “Alam mong nang pinanganak ang iyong anak ay mamatay din siya.”

“Tungkulin mong panagutan kung sinoman ang umaasa sa iyo…kailangan ka nila. Hadi Yasir.”

HADI NASRIN: “na ang kanyang kapanganakan ang kanyang magiging kamatayan?”

“Hindi mo ba naiintindihan, kung mawawala ka paano ang iyong kapatid, ang iyong asawa. Sino ang tutulong sa kanila? Ikaw lang ang makagagawa nang mga kaya mong gawin…anak!”

Bulong ko, “Hadi Walid…”

Walang katapusang pagsasalita nang hambog na Hadi, “huwag kang mag-alala hindi siya ang dahilan, kahit kailan hindi siya magiging dahilan nang kanyang kamatayan.”

Wika ko, “Huwag…ako na lang, ako na lang ang patayin mo…”

Wika niya, “sige! Wala naman akong intensyon patayin ang iyong anak. Pero kapag pinatay kita paano ka nakakasiguro na hindi ko papatayin ang iyong anak?”

Wika ko, “dahil hindi mo kaya…hindi ka mamamatay!”

Wika niya, “nagkakamali ka pinatay ko ang Adi Atiya. Pinagpirapiraso ko ang kanyang katawan at itinarak ang bawat bahagi nang kanyang katawan sa bawat sibat at pinalandakan sa bawat lansangan.”

Wika ko, “hindi…”

Wika niya, “Oo!”

Pagpupumilit ko sa kanya, “ang Hadi Mahdi, siya ang pumatay sa Adi Atiya!”

Wika niya, “ako ang pumatay sa Adi Atiya. Pinaghigante ko siya laban sa kanyang ina. Sa lahat nang pagtanggi nang kanyang ina kung sino siya at ano siya. Sinong ina ang makagagawa na makipagtalik nang paulit-ulit sa kanyang anak at tanggalin ang nararapat nitong pagkatao, ang magmahal nang kung sino ang dapat nitong mahalin, nang walang panghuhusga? Kita mo na wala kang alam, hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin? —Mahal na mahal ko siya Hadi Yasir pero inagaw mo siya, at wala kang itinira para sa akin!”

ANG KASAYSAYAN NANG TATLONG BABAE

Ang Adi Makbule

Nagpaalam kami sa aking kapatid at sa kanyang asawa nang umagang ito, alam kong ito ang huli naming pagkikita bilang magkakampi nang Hadi Yasir. Nararamdaman ko na tuluyan nang naghiwalay ang aming mga landas. Siya, ang aking kapatid bilang ang tunay na Barakat, ako bilang ina nang mga Harith.

Sinabi nang aking asawa kung ano ang napag-usapan nila nang aking kapatid sa maaaring mangyari para sa tahanan nang mga Harith. Hinimok nang aking kapatid na makipagbati ang aking asawa sa kanyang ama sa gayon mapalapit ang Hadi Faysal sa kanyang ama matapos ang mahabang panahon nang pagkakawalay nito, at hindi nila pagkikitang dalawa.

Matapos ang libing sa aking pinakamamahal na kapatid na si Adi Sule tuluyan naming iniwan ang aking kapatid sa mga magpalalang na mga asong-gubat nang tahanan ng mga Roshan, tago sa kanilang mga pinapakitang kabutihan ang tunay nilang hangarin na mapabagsak ang aming tahanan—hindi, mali— ang tahanan nang aking kapatid.

Nagsabi siya sa akin na makabubuti kung pumaroon muna ang Hadi Mahsa at Hadi Malik sa tahanan nang mga Roshan habang patungo kami sa tahanan ng mga Harith. Alam ko…at wala akong magagawa.  Iniwan ko ang aking mga bunso sa pangangalaga nang aking panganay na anak at sa tahanan nang kanyang asawa. Nagpaalam ako sa Hadi Mahsa at Hadi Malik. Sinabing kukunin ko sila matapos lamang ang lahat nang mga nangyayari ngayon.

Walang pagpapaalam. Walang hanggang sa muli…makabubuti na ang ganito ang walang pangako.

Una kaming umalis sa tahanan nang mga Barakat. Sakay sa isang asong-gubat iniwan namin ang tahanan ng mga Barakat at bumalik sa pinagmulang tahanan ng aking asawa, ang tahanang pinili ko kaysa sa aking kapatid.

Binagtas namin ang kahabaan ng daan nang panaghoy. Dumating kami sa kinasasakupang lupain nang tahanan nang mga Parvana, narating namin ang malalawak na taniman ng mga asin, ang pagawaan nang mga sasakyang pandagat at hindi nagtagal, narating namin ang kinasasakupan nang tahanan ng mga Harith.

Walang kibo ang Hadi Faysal sa buo naming paglalakbay pabalik sa kanyang kinalakihang tahanan. Matagal din siyang hindi nakabalik sa tahanan ng mga Harith. Nag-aalala ako para sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang mga maaaring mangyari…Maraming gumugulo sa aking isipan. Nangangamba ako na baka walang patutunguhan ang aming pagbabalik sa tahanang kanyang kinalakihan. Nangangamba ako na baka kung hingin niya ang kapatawaran ng kanyang ama ay hindi ito pagbigyan.

Ang Hadi Nasrin—paano kung magkita kami ng Hadi Nasrin?

Ang totoo— ang totoo hindi ko alam kung ano ang binabalak nang aking kapatid! Kung ano ang tunay niyang layunin kung bakit niya ito ginagawa? Kung isa ba itong patibong laban sa tahanan ng aming mga kala— mali, hindi—laban sa tahanan ng kanyang mga kalaban. Ngayon, nauunawaan ko na! Mas naiintindihan ko na kung ano ang totoo…

Bago kami umalis, sinabi sa akin nang aking asawa na ginagawa ito nang Hadi Yasir upang makuha namin ang tahanan ng mga Harith sa Hadi Mahdi. Sige, kung iyon ang totoo—paniwalaan mo kung ano ang kailangan mong paniwalaan—Iyon ang paliwanag niya…iyon ang alam ko. Hindi nagtagal narating namin ang tahanan ng mga Harith. Tinulungan niya akong makababa sa sinasakyan naming asong-gubat.  Iniwan niya ako sa harapan nang tahanan habang bumaba siya at dinala ang aming alaga sa loob nang yungib nang tahanan.

Ganitong-ganito din ang araw na iyon, nang niyaya niya akong umalis, at nagpaalam siya sa akin at iniwan niya ako, at wala akong nagawa kung hindi manatili sa tahanang ito. Tinitignan ko ngayon ito, ang palasak, at walang gandang tahanan na walang idinulot sa akin kung hindi sakit at pahirap sa mga kalunuslunos nilang ginawa laban sa akin at sa aking tahanan— mala, hindi— sa akin…sa akin lang nang tahanan natutunan ko nang mahalin, nang tahanang pinagmulan nang aking mga asawa! Kahit papaano nang kinikilala kong mga asawa. Hindi ko mapapatawad ang Hadi Mahdi lalong-lalo na hindi ko mapapatawad ang Hadi Nasrin.

Binalikan niya ako. Nagtaka ako.

Lumapit siya sa akin. Sinabi niya, “halika na!” Tumango-tango ako at hinawakan niya ang aking kamay. Naglakad kami na magkahawak ang mga kamay namin. Ngayon niya lang ulit hinawakan ang kamay ko. Ang saya-saya ko…dagdag niya, “nanna” Saka niya binuksan ang pintuan ng lagusan, at bumungad sa amin ang tahanan ng mga Harith.

Naglaho ang pansin ko sa kanya kasunod noon binaling ko ang aking pansin sa tahanan ng mga Harith. Nakita ko ang tahanan ng mga Harith at ang saya sa aking mga labi ay agad na napalitan ng hindi inaasahang pagkagulat. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ito. Ang ganda at katangi-tangi sa tahanang kinaiinggitan nang lahat ay tuluyan nang napalitan ng hindi maipaliwanag na karumalrumal, masahol, masukal at magulong tahanan, ngayon hindi ko na halos makilala pa ang tahanang kinalakihan nang aking mga anak.

Nakakalungkot na isipin na ganito lang ang mangyayari sa tahanan ng mga Harith sa gitna nang digmaang ito at ang saya-saya ko. Ang saya-saya ko…

Binaling ko ang aking pansin sa aking asawa. Hindi ko magawang ngumiti sa harap nang aking pinakamamahal—hindi—wala na akong maramdaman pa na kahit ano sa ama nang aking mga anak. Mahal ko ang aking mga anak, siguro mahal ko ang Hadi Faysal…pero ang pagmamahal na iyon ay nagsisilbi na lamang katwiran hindi ko kakayanin at hindi ko gugustuhin na bumalik pa sa Hadi Nasrin. Tinignan ko siya nang palasak at may pagtataya. Tinignan ko ang kanyang mukha, kung ano ang kanyang mararamdaman. Pinakita ko kung ano ang kinakailangan niyang maramdaman. Ang kalungkutan sa aking mga mata…ang pagkahabag sa kanya at ang pag-aalala para sa isang asawa na nagmamahal sa kanyang asawa. Lumingon siya sa akin. Bagkus…ngumiti siya sa akin. Tanong niya, “halika na?”

Hindi ko magawang ngumiti…ang saya-saya ko. Gusto kong tumawa nang malakas. Humalakhak.  Gumapang sa buhangin sa kakatawa—nakakaiyak, hindi ba?

Tumugon ako sa kanya. Tinalima ko ang kanyang pag-aaya. Sumang-ayon ako. Kasunod noon pumasok kami sa loob nang tahanan ng mga Harith. Tila pinaglalaruan yata ako nang tadhana. Gustong-gusto kong umalis dito, babalik din pala dito. Walang nakakulong sa pagkakamali dito sa Ja’khar pero ako sa loob nang mahigit dalawampung taon…nakakulong ako sa tahanan ng mga Harith.

Sa pagdating namin sa loob sinabi ko sa aking asawa na tignan niya ang loob nang pabilyo.

Bagay na kanyang ginawa. Binitawan ko ang kanyang kamay. Nagpasabi ako sa kanya na pupunta ako sa itaas, sa dating tinutuluyan kong silid. Bagay na kanyang pinayagan. Nagkahiwalay kaming dalawa. Pumasok siya sa loob nang pabilyo nang tahanan ng mga Harith habang ako, pinanood ko ang kanyang pagpasok, at nang tuluyan na siyang nakapasok sa loob nang pabilyo. Iniwan ko siya kasama ang kanyang ama na naroroon sa loob nang pabilyo nang tahanan nang mga Harith. Habang ako pumasok ako sa loob nang tahanan ng mga Harith. Pumunta ako sa loob nang yungib nang tahanan. Wala akong nakitang kakaiba sa loob nang yungib nang tahanan nang mga Harith. Datapwat nagtataka lamang ako…katakataka lang? Hindi ko pa nakikita ang Hadi Nasrin…kung sa bagay bakit ko naman siya gustong makita.

Binuksan ko ang yungib nang tahanan ng mga Harith. Hindi pinasok nang aking asawa ang aming alaga. Hindi nakabukas ang yungib…nakasarado ito sa labas. Umakyat ako sa itaas, pumunta ako sa ikalawang palapag nang tahanan at nagtungo sa silid naming dalawa nang aking asawa.

Sa aking paglalakad hindi ko mapigilang hindi mabaling ang aking pansin sa kung ano ang nangyayari sa ibaba nang tahanan. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad.

Pumasok ako sa loob nang aming silid nang Hadi Nasrin. Sa pagpasok ko halatang hindi ba nagagalaw ang buong silid. Nakatiwangwang pa ang hindi maayos na higaan, nakakalat pa ang gamit nang aking asawa, nakatiwawang sa sahig ang pinaghubaran niyang pandigmang kasuotan. Ang kanyang patalim ay nasa kama kasama nang kanyang busog at tudla. Ang kanyang mga sandalyas ay nakalabas sa ilalim nang kama malapit sa arinola.

Nakakahinayang na ganito ko makikita ang silid na ito? Kung sa bagay ano pa nga ba ang pakialam ko.

Kinuha ko ang nakakalat na baluti sa sahig. Ang mabigat at gawa sa kahoy. Malapit nang matanggal ang pirapirasong bahagi nito na gawa sa maliliit na kahoy mula sa pagkakatahi.

Matapos noon nagtungo ako sa mga baul na lagayan nang aming mga damit. May mga hindi pa ako nakukuhang dami dito. Kumuha ako nang lagayan na paglalagyan nang aking mga damit. Agad, sinimulan kong kunin ang aking mga damit. Isa-isa kong nilagay sa tiklis na banig na tampipi ang aking mga naiwang kasuotan at mga kagamitang mga alahas na iba ay bagay pa sa akin nang aking ina.

Ang totoo, wala akong inaasahan na kahit anong maaaring mangyari ngayon. Kung ito ang aking katapusan. Kung sa simula’t simula…matagal nang balak ito nang tahanan ng mga Harith. Magawa nilang paibigin ang isang katulad ko na akala nilang walang kaalam-alam at madaling saktan. Hindi ako natatakot…

Sa hindi inaasahan narinig ko ang kanyang tinig. Wika niya, “anong ginagawa mo dito?”

Hindi ako natatakot na saktan nila ako, kaya lang paano ang aking mga anak? Ano ang mangyayari sa kanila sakaling saktan na naman ako nang mga Harith at sa pagkakataong ito wala na akong magawa pa…wala na ring tutulong sa akin! Nakakatawa. Palagi na lamang bang ganito na matatakot ako sa kanya, sa tuwing maririnig ko ang kanyang tinig at hindi ko siya nakikita.

Binaling ko ang aking pansin sa kanya. Tumayo ako, hawak ang isang kwintas na gawa na may gintong bato.

Wika ko, “ililipat ko aking mga gamit sa kabilang silid! Kanina ka pa nandiyan?”

Wika niya, “hindi kararating ko lang! Kasama mo ang Hadi Faysal?”

Tugon ko, “Oo…bumalik kami dito—siya, nagdesisyon siya na iwanan ang aking kapatid at humingi nang kapatawaran sa iyong ama! Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang hingan nang tawad sa Hadi Mahdi!”

Wika nito sa akin, “baka gusto niyang hingin ang iyong kamay sa aking ama? Gawin ka niyang asawa!”

Ngumiti ako.

Ang totoo wala akong pakialam.

Pumasok siya sa loob nang aming silid mag-asawa. Lumapit siya sa akin. Kumuha siya nang masusuot sa loob nang baul na pinaglalagyan din nang iba ko pang mga gamit.

Tanong niya, “at ikaw ano ang ginagawa mo dito?”

Wika ko, “dahil sa Hadi Faysal” lumingon siya sa akin. Pagpapatuloy ko, “Kung bakit ako nandito!”

Tinanggal ko ang aking pansin sa kanya. Kumuha siya nang masusuot isang bughaw na saluwâl na nakapatong sa ibabaw nang kanyang iba pang mga damit. Habang ako inilagay ko ang hawak ang kwintas sa loob nang tampipi.

Tanong niya, “masaya ka ba sa kanya?”

Nabaling ang aking pansin sa aking asawa.

Tanong ko sa kanya, “mahalaga ba sa iyo kung masaya ako sa kanya?”

Wika niya, “oo.”

Ngumiti ako. Wika ko, “oo!” Kasunod noon kaagad ko rin tinanggal ang aking pansin sa Hadi Nasrin. Tanong ko sa kanya, “aalis ka, saan ka pupunta?”

Wika niya sa akin, “may kailangan akong tapusin…”

Alam ko—Kinuha ko ang bahag na nakatupi. Ibinigay ko ito sa kanya. tanong ko, “gagamitin mo ba ang iyong baluti? Kung gagamitin mo, tinabi ko lang sa ibabaw nang kama…nakakalat!” Kinuha niya ang nakatuping bahag sa aking kamay.

Nagpasalamat siya sa akin. Tanong niya, “dito na ba talaga kayo mananatili sa amin?”

Wika ko, “oo…”

Pagtataka niya, “at ang mga bata?”

Tugon ko, “nasa tahanan sila nang mga Roshan…kasama nang iyong panganay!”

Wika niya, “mabuti naman kung ganon!”

Tinalikuran niya ako. Hinubad niya ang nakatapis na tuwalya sa kanyang katawan. Sinuot ang bahag sa kanyang katawan. Ang bughaw na saluwâl at ang itim na Batá na kanyang kinuha.

Pagkatapos kong kunin ang aking mga naiwan pang mga damit, bago ako tuluyang lumabas sa aming silid, wika ko sa Hadi Nasrin, “hangad ko ang iyong tagumpay…”

At ang tugon niya sa akin, “sana nga!”

Pagkatapos noon tuluyan kong iniwan ang Hadi Nasrin. Lumabas ako nang aming silid nang aking asawa at nagtungo sa kabilang silid na dating tinutuluyan nang Hadi Faysal. Iyon ang kanyang katapusan. Hindi niya nalalaman ang kanyang ginagawa o siguro hindi ko alam kung ano ang kaya pang gawin nang Hadi Nasrin!

Kung sa bagay ano ba naman ang nalalaman ko hindi ba?

Marami—marami na ang nagbago sa tahanan nang mga Harith sa nakalipas na halos tatlumpung taon.

Nang araw na ito, nag-ayos ako. Hinanda ko ang aking sarili sa muli naming pagkikita ng aking kalaban. Nagsuot ako ang puting palda na gawa mula sa sutla. May mga habing bulaklak nang tambis. Kasunod noon inayos ko ang aking buhok. Tinali ko ito sa aking likuran at inibabawan ko ang aking paldang suot nang bughaw na Batá na gawa mula sa balat nang imdugud. Matapos noon lumabas ako nang aming silid nang Hadi Faysal.

Pinuntahan ko kung nasaan ang ama nang aking mga asawa sa loob nang pabilyo. Bumaba ako sa ikalawang palapag nang aming tahanan. Nagtungo sa malawak na lupain kung saan makikita ang pamosong pabilyo nang tahanan ng mga Harith.

Sa pagdating ko sa loob nakita ko ang Hadi Faysal, kausap niya ang kanyang ama. Nakatalikod siya sa akin.

Nabaling ang aking pansin sa Hadi Nasrin na papalapit sa akin. Wika nito, “tignan mo ang aking ama!”

Lumingon ako sa kanya. Nagtaka ako.

Nabaling ang pansin nang Hadi Mahdi sa akin. Dinungaw niya ako mula sa likuran nang Hadi Faysal.

Ngumiti ang Hadi Mahdi sa akin. Nakita kong tinignan niya ang aking asawa pagkatapos noon, kasunod noon lumingon ang Hadi Faysal sa kung nasaan ako at ang Hadi Nasrin.

Nakita nila ako. Ngumiti ako.

Tumayo ang ama nang aking asawa sa kanyang pagkakaupo sa upuang may mataas na sandalan. Tinulungan siya nang Hadi Faysal na tumayo at sa pagtayo nang kabatsoy na Hadezar nakita ko ang kaibahan sa pagkilos nang Hadezar nang tahanan ng mga Harith.  Paika-ika siyang naglakad habang inaalalayan siya nang aking asawa. May hawak siyang tungkod na nakatali sa kanyang braso at kamay.

Lumapit sa akin ang Hadi Mahdi. Wika niya sa akin, “kamusta ka na Adi Makbule?”

Tugon ko, “mabuti naman po, kayo po?”

Wika niya, “ayos lang ako…Hindi ko alam na darating kayo dito! Kung alam ko lang pinaayos ko ang tahanan. Patawad kung magulo ang pamamahay. Ang Hadi Yasir, kamusta siya?”

Wika ko, “nang iniwan namin sila maayos naman sila!”

Wika niya, “nalaman ko nanganak na raw ang Adi Hikmet!”

Wika ko, “Oho, babae ang kanyang anak. Pinangalanan nilang Atilla ang sanggol!”

Tanong nang Hadi Nasrin sa akin, “nasa tahanan pa rin ba sila nang mga Ardashir?”

Lumingon ako sa Hadi Nasrin kagyat tinanggal ko ang kanyang pansin at nabaling sa Hadezar. Tanong ko sa kanya, “ano po ang nangyari sa inyo?”

Wika niya, “ito…katandaan!”

Narinig namin ang pagtawa nang Hadi Nasrin. Nakita namin ang kanyang pagtawa. Dagdag nang Hadi Mahdi, “mabuti pa ay maghanda na tayo nang ating hapunan, Adi Makbule maaari mo ba akong tulungan?”

Bagay na aking tinanggap. Wika ko, “sige po!”

Kasunod noon, hiningi ko ang kanyang kamay habang nakaharap siya sa akin, at inaalalayan nang aking asawa. Sa gayon ibinigay niya ito sa akin at tinulungan ko siyang maglakad palabas nang pabilyo nang tahanan, at lumabas kami sa loob nang pabilyo

Sa aming paglalakad wika niya sa akin, “masaya ako nandito kayo ngayon!”

Tugon ko, “ako rin!”

Pagtataka niya, “siya nga?”

Sinabi ko, “oo…sa una hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero inisip-isip ko hinahanaphanap nang aking katawan ang tahanan ng mga Harith!”

Tanong niya, “kahit marami na ang nangyari sa iyo sa tahanang ito Adi Makbule?”

Tinignan ko siya. Nagpatuloy kami sa aming paglalakad papasok sa loob nang tahanan ng mga Harith habang sinusundan kami nang aking asawa at nang Hadi Nasrin. Hindi nawala ang aking ngiti sa kanya.

Dagdag ko, “totoo…marami na ang nangyari sa akin sa tahanang ito pero hindi ko maaaring baliwalain ang lahat-lahat nang mga nakalipas. Nangingibabaw pa rin ang mga pait at sugat na datapwat dito ko nakilala ang Hadi Faysal, dito ko pinanganak ang aking mga anak. At kahit maraming hindi magagandang alaala hindi ko maaaring hayaang pang-ibabawan ang mga hindi magaganda nang maraming masasayang sandali.”

Sa pagpasok namin sa loob nang tahanan ng mga Harith nagpatuloy siya sa aming pag-uusap. Wika niya, “Magkagayonman masaya ako nandito kayo at ang araw na ito ay isang napakagandang bukas!”

Pagtataka ko sa kanya, “alam mo hindi ba?”

Wika niya, “hindi kita maintindihan!”

Alam ko…Wika ko, “alam ko na alam niyo ang kung ano ang ibig kong sabihin. Kung bakit kami nandito…Kung ano ang ginagawa namin dito!”

Wika niya, “matalinong Hadezar ang iyong kapatid, Adi Makbule. Iyan ang hinahangaan ko sa kanya. Kung ano ang dahilan nang inyong pagpunta dito. Siguro nga makabubuti na mangyari ang bagay na iyon.”

Wika ko, “hindi ko alam! Ang alam ko kung ano ang totoo.”

Tanong niya, “at ano ang totoo, Adi Makbule?”

Wika ko, “ngayong gabi mamatay ang iyong panganay!”

Wika niya, “siya nga…”

Wika ko, “o hindi…siguro ang pagbagsak nang tahanan ng mga Barakat! Magkagayonman ang iyong panganay o ang aking kapatid isa sa kanila ang kinakailangang magbuwis nang buhay…iyon ang alam ko at marahil hindi na nakapagtataka pa na iyon rin ang alam mo Hadezar.”

Wika niya, “matalino kang babae Adi Makbule. Pinipili mo kung sino ang magiging kalaban mo.”

Wika ko, “hindi…” Umiling-iling ako. “Pero nagpaalam ako sa kanya. Alam ko na iyon ang huli naming pagkikita bilang magkakampi. Ngunit, huwag mo sanang iisipin na kakampi ako sa inyo—sa iyo, lalong-lalo na sa iyo! Kalaban pa rin kita Hadezar at kung sa inaakala mo natatakot ako sa iyo nagkakamali ka!”

Wika niya, “alam ko…kailanman hindi niyo ko pinangilagan, kayong magkakapatid!”

Tumigil kami sa aming paglalakad papasok sa loob nang silid-lutuan nang tahanan. Hindi namin kasunod ang sinoman sa mga anak nang Hadi Mahdi.

Dagdag niya, “pero sa mga mangyayari ngayong gabi…at sa mga susunod pa gusto kong isipin mong mabuti, pagnilaynilayan mo kung sino ang dapat mong kampihan— Adi Makbule!”

At kasabay noon sa hindi inaasahan nakita kong kasunod namin ang aking asawa, ang ama nang aking mga anak. Nagtaka ako. Hindi niya kasama ang Hadi Nasrin. Siguro nga…siguro nga umalis na ang panganay na anak nang Hadi Mahdi.

Wika ko, “Hindi! Tayo na pumasok na tayo sa loob, Hadi?”

Nang hapong iyon umalis ang Hadi Nasrin. Sinabi nang aking asawa sa amin nang Hadi Mahdi na may kinakailangan itong tapusin at gawin. Naghanda kami nang aming magiging hapunan. Nagluto nang pusit ang aking asawa na nilaga niya sa dugo nang baboyramo at sa dagta. Nagprito ako nang karne nang Mahi-mahi na binudburan ko nang asin at maanghang na pampalasa. Naggisa din ako nang maliit na pulang bunga.

Matapos ang pagluluto, pinagsaluhan namin ang hapunan. Nang gabing iyon sinabi ko sa Hadi Faysal kung ano ang alam ko…pinagtapat sa kanya kung saan at ano ang ginagawa sa mga sandaling ito nang kanyang kapatid—ang pagpatay nang Hadi Nasrin sa tahanan nang aking kapatid.

Bagay na kanyang pinabulaanan at sinabing hindi totoo. Pinilit ko siya na kung bakit hindi niya ito tanungin sa Hadi Mahdi. Bagay na ipinagtapat nang Hadezar ng tahanan ng mga Harith sa ama nang aking mga anak.

Nagalit siya sa akin. Tinanong niya ako kung bakit ito ginagawa. Kung matagal ko nang alam ang bagay na ito, o kung alam din nang aking kapatid na mangyayari ito. Sinabi ko na hindi ako nakasisiguro na kung ganito ng ang mangyayaring gabi sa tahanan ng mga Barakat—bagamat ang Hadi Mahdi na ang nagpatunay sa pusapusaang balak laban sa aking kapatid at sa tahanan nito.

Tinanong niya ako kung alam rin ba ito nang aking kapatid bagay na aking pinabulaanan at sinabing walang alam ang Hadi Yasir na magaganap ngayong gabi ang paglusob nang Hadi Nasrin at nang iilang mga anino nang tahanan ng mga Harith sa tahanan ng mga Barakat.

Sinubukan nang aking asawa na tulungan ang Hadi Yasir…pero pinilit ko siya na huwag iyong gawin. Sinabi ko na makabubuti kung hindi niya iyon gagawin— kung hindi kami kikilos…lalong-lalo na laban sa tahanan ng mga Harith.

Pinaalala niya sa akin kung papaano ang aming mga anak. Sinabi ko sa kanya na wala siyang kailangang ipag-alala nasa mabuting pangangalaga ang aming mga anak sa Adi Ismat. Ngunit sinabi niya na hindi kami nakasisiguro. Na kung mamatay ang Adi Hikmet, at babagsak ang tahanan ng mga Barakat kailangan na naming katakutan ang mga higit pang katakot-takot na maaari pang mangyari sa aming mga tahanan. Ang pagbagsak nang tahanan ng mga Barakat at ang pagbagsak nang tahanan ng mga Harith.

Ngunit tiniyak ko sa kanya na walang gagawing masama ang tahanan ng mga Roshan sa aking mga anak, iyon ang totoo at iyon ang isinisiguro ko sa kanya. Kung gusto naming makatiyak sa kapayapaan at kaayusan nang aming mga tahanan at nang buong Ja’khar hindi gagawin nang mga Roshan ang aming mga kinatatakutan.

Wal ang imik ang Hadi Faysal. Naiintindihan ko kung bakit hindi siya bumalik sa akin nang gabing iyon at hindi kami nag-usap nang umagang ito.

Tawagin niya na akong makasarili. Isipin niya na kung ano ang gusto niyang isipin pero tama ako na hindi namin kinakailangang kumilos.  

Hindi namin nakita pang buhay ang Hadi Nasrin, simula nang umalis siya nang hapong iyon. Hindi nagtagal nalaman namin kung ano ang nangyari sa tahanan ng mga Barakat.

Ang Adi Sule

Bumukas ang takip ng pinagkukulungan sa akin nang Adi Atiya. Nabaling ang aking pansin sa sinomang nagbukas nang panakip ng pinag-iimbakan nang asin. Nakita ko ang mukha nang Hadi Nasrin. Hindi iyon ang inaasahang mukhang makikita ko bago ako mamatay, magkagayon paman wala naman akong inaasahang magliligtas din sa akin.

Niligtas niya ako nang araw na iyon. Pinagkatiwala ko sa kanya ang aking buhay nang araw na iyon. Hindi kami nag-usap kasabay nang aming pag-alis. Wala kaming pinag-usapan…hindi ko inalam sa kanya kung ano ang nangyari sa tahanan nang mga Barakat. Kung bumagsak na ba ang tahanan nang aking kapatid, ang kinalakihan ko ang aking pinagmulan. Hindi ko tinanong sa kanya kung ano ang nangyari sa tahanan nang mga Parvana, kung siya ba ang pumatay sa Adi Atiya o kung ang duguang mga kamay niya ba na kumakarga sa akin ngayong araw, nang parang sanggol at nagligtas sa akin mula sa aking kamatayan ang siyang papatay din sa akin.  Hindi ko na alam pa…pagod na pagod na ako. Ayoko nang malaman kung anoman ang maaaring mangyari pa sa akin o kahit sa aking mga kapatid.

Kung ito ang aming pagbagsak, ang pagbagsak nang tahanan ng mga Barakat na nagbabadya simula ilang taon na ang nakakalipas at magpahanggang sa ngayon. Ito—ito ang akk…ming pagbagsak.

Nang gabing iyon, dinala niya ako sa isang lugar sa dalampasigan malapit sa unang pagbagsak. Pinasok niya ako sa loob nang isang kweba…kasama nang iba pang mga hayop na naroroon na hindi niya nalalaman na doon nakatira. Mataas ang tubig sa batuhan pero sa lugar na kung saan niya ako hiniga, tuyo at mahangin na nagmumula sa siwang na makikita sa itaas kung saan tanglaw mo ang laksang mga bituin at ang liwanag nang buwan na nagmumula sa kalangitan, at pinang-iibabawan ang lahat ng kinasasakupan nito dito sa Ja’khar. Hiniga niya ako sa batuhan at iniwan niya akong nag-iisa—hinihintay ko na lamang ang aking kamatayan.

Bago siya umalis hinawakan ko ang kanyang kamay. At sa unang pagkakataon simula nang hindi namin pakikipagkibuan, mula kanina, nagpasalamat ako sa kanya sa asawa nang aking kapatid. Nang gabing iyon—

Ang Adi Atilla

Siguro hindi mo naiintidihan anak, kung bakit natin kinakailangang umalis ngayong umaga, kung bakit ko ito ginagawa…ang masilayan ang unang sinag sa pagbukang liwayway. Ang alam mo hindi mo makikita ang iyong ama. Siguro nagtataka ka kung bakit hindi natin kasama siya ngayon. Huwag kang mag-alala babalik din tayo ng Ja’khar, magkikita din kayo ulit nang Hadi Yasir.  Wala kang dapat na ipag-alala, nagpaalam ako sa kanya bago tayo umalis ngayong umaga. Gusto lang kitang maangkin, kahit ngayong umaga.

Sa paggising ko ikaw ang una kong nakita. Nakahiga ako sa damuhan habang ikaw sinusubukan mong bumangon mula sa pagkakaupo mo sa sapin na nakalatag sa damuhan.

Bumangon ako upang tulungan kang tumayo.

Ang tapang-tapang mo. Kahit ilang ulit ka nang bumagsak at madapa pinipilit mo pa rin bumangon. Pinanonood kita. Malayo sa pagbukang liwayway na dapat sana ngayon ay ating sabay na tinatanglaw na mag-ina. Higit ka pa sa kahit ilang pagsikat nang araw at pagbukang liwayway. Sabi nang iyong ama nang isilang ka, ikaw ang aming biyaya— ang aming pangarap at panaginip. Totoo. Ikaw ang aming Damgo. Ang liwanag at panalangin. Ang pag-asa— isang pag-asa, ang tanglaw sa gabing madilim, ang pinagmulan nang iyong pangalan…Adi Atilla.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo. Binuhat kita. Hinawakan ko ang magkabila mong kamay. Tinulungan kitang maglakad sa damuhan. Matindi ang kapit mo sa aking mga kamay. Ayaw mong bumitaw. Ayaw kitang pakawalan. Pagkatapos noon naghanda tayo nang ating agahan. Naghanda ang iyong ama nang ating makakain. Kumain ako nang kakaunti habang sinusubuan kita sa pagkain.

Inayos ko ang ating hinigan, niligpit ko ang sapin na ating tinulungan. Matapos noon kumilos tayo. Binuhat kita sa aking likuran. May sapin ang iyong ulo panlaban sa init ngayong umaga at sa pananghalian…nakatali ka sa aking katawan nang makakapal na tela habang nakalagay sa isang tiklis na buhat-buhat ko sa pagbaba natin sa burol at pagpasok sa loob nang kakahuyan.

Nang umagang ito, isasabak kita sa una mong pangangaso, tulad nang ginawa ng aking tiyo at ama sa’kin, at nang kanilang mga ama sa kanila bago pa ang aking pagsilang. Huwag kang mag-alala wala kang dapat na katakutan. Nandito ang iyong ina para alagaan ka at ipagtanggol.

Susuungin natin ang ilog na naghihiwalay sa madilim na kakahuyan at sa ating pinagmulang bayan. Dadalhin kita sa lugar kung saan madalas kaming nagtitipon at pinaghahandaan ang aming gagawing pangangaso sa loob nang gubat na mapanglaw. Hindi kita kalilimutan. Hindi ka kailanman mawawala sa aking pansin habang sabay nating haharapin ang pagsubok na magbabago sa atin mga pagkatao.

Dadalhin kita sa pinakapusod nang kagubatan, papatagin natin nang golok kung anoman ang humahadlang sa ating daraanan, ang masukal na kakahuyan. Ihahanda ko ang daan nang mga patibong habang kasama kita at karga-karga kita sa aking likuran tulad nang isang unggoy sa kanyang mga inakay, sa ating gagawing pangangaso. Ituturo ko sa iyo ang lahat ng bahagi nang kakahuyan, ililibot kita mula sa maaaring hindi mo puntahan, sa mga mapanganib at tahanan nang mga mababangis hanggang sa pinakaligtas na maaari kang tumigil at manatili hanggang pagkagat nang dilim. Aakyat tayo nang puno, maliligo tayo sa batis at sa malinaw na lawa na matatagpuan sa loob nang kakahuyan.

Huwag kang mag-alala umiyak kaman ngayon at maghanap nang pagkain at magdalot sa ating mga buhay nang kapahamakan, alam ko kung ano ang gagawin ko, ikaw—lalong-lalo ka na ang unang-una at higit sa lahat ang aking ililigtas.  Hindi ako mag-aalala, mas lalong hindi kita kakagalitan ikaw man ang gumawa nang pagkakamali ako ang nagkamali. Ito pa lamang ang simula nang iyong pagsasanay, anak, at ang pag-aaral sa paraan na ating kinalakihan. Sa nakasanayan nang ating lahi. Kailangan mo itong matutunan habang bata ka pa at wala ka pang muang sa nangyayari sa iyong paligid. Hindi magtatagal matutunan mo rin ang lahat-lahat. Alam ko, hangad ko na darating ang araw mamahalin mo ang kakahuyan at ituturing mo itong pangalawang tahanan.

Ang Adi Hikmet

Nagsimula ang lahat…nagsimula ang lahat sa isang ingay. Sa una nagtaka ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa labas nang paliguan. Iniwan ko ang aking mag-ama sa loob nang kanilang silid habang ako nandito sa paliguan. Sinubukan kong malaman kung ano ang nangyayari sa labas nang silid. Lumabas ako nang paliguan. Tinignan ko kung ano ang nangyayari sa labas nang silid. Sinilip ko kung ano ang nangyayari sa labas nang madilim na pasilyo na nag-uugnay sa paliguang silid ng dating tahanan ng mga Ardashir at sa aming silid na mag-asawa.  At nakita ko…at nakita ko ang paglusob nang aming mga kalaban sa loob nang aming pamamahay.

Wala kaming kalabanlaban. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang araw na ito, lalo na na mangyayari ang hindi inaasahang bagay na ito.

Nang gabing iyon, nilusob nang Hadi Nasrin ang aming tahanan. Nagsimula ito sa maliit na ingay na hindi naglaon ay palakas nang palakas. Lumabas ako nang paliguang-silid. Sinilip ko kung ano ang nangyayari sa labas nang madilim a pasilyo na nagdudugtong sa paliguan at sa ikalawang bahagi nang aming tahanan.

Hanggang sa nakita ko siya kasama ang ilan sa mga Anino na nasa ilalim nang pamumuno nang tahanan nang mga Harith. Nagtago ako…hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Pumasok siya sa loob nang tinutuluyan naming silid na mag-asawa.

Kailangan kong may gawing paraan, Kinakailangan akong kumilos. Dalidali akong kumilos. Naglakad ako sa madilim na pasilyo, dumiretso sa silid kung saan nakalagay ang mga sandata at gamit na pangaso nang tahanan nang mga Ardashir. Kinuha ko ang lahat nang maaaring kong kunin.

Umakyat ako sa ikalawang palapag nang unang bahagi ng tahanan. Pumasok ako sa isa sa mga silid. Maingat kong hinakbang ang aking mga paa sa marupok na sahig kung nasaan ako. Lumapit ako sa bintana. Dinungaw kung anoman ang nangyayari sa loob nang silid naming mag-asawa. Hindi ko maintindihan ang dami nang mga Anino na nasa loob nang aming tahanan. nakikilala ko ang iba, magkagayonman na halos parepareho ang kanilang itsura ang takda sa kanilang mga sandata at pananggalang ang nagpapatunay na minsan silang naging bahagi nang mga Aninong nasa ilalim nang aming pananagutan, sila ang mga sumumpa sa aking asawa matapos ang pagkamatay nang Hadi Naveed at ang pagbagsak nang tahanan ng mga Ardashir.

Hindi sila dapat pinagkatiwalaan nang aking asawa…hindi na sila dapat pang binuhay nang Hadi Yasir.

Kinuha ko ang mga busog at tudla na nasa labas nang silid at nasa pasilyo. Hinanda ko ang mga sandata. Ang mga busog at tudla…ngunit nang hindi ko na sila maabot pa nang aking tanaw nagtungo ako sa ibang silid. Kinuha ko ang mga tiklis na naglalaman nang mga tudla.  Lumabas ako nang silid. Pumasok ako sa pinakamalayong silid, malapit sa unang kalaban na naghahangad sa buhay naming mag-asawa at nang aking anak. Kung sasaktan nila ang aking anak, kung patay na ngayon ang aking asawa hindi ko sila hahayaang agawin sa akin ang aking tahanan. Hindi ako aalis dito nang hindi lumalaban o kahit papaano ay hindi ko man lang nasasaktan ang Hadi Nasrin.

Sasaktan ko ang Hadi Nasrin…papatayin ko ang Hadi Nasrin. Iyon ang iniisip ko, ipapakita ko sa kanya na hindi niya basta-bastang magagapi at mapapabagsak ang aming tahanan, ang tahanan ng mga Barakat. At kung mamatay ako, masaya akong mamatay kasama nang aking anak at asawa.

Binitawan ko ang unang bugso nang palaso. Tumarak ito sa leeg nang isa sa mga Anino. Sinimulan ko ulit na kalabitin ang busog at pakawalan ang tudla sa pangalawang pagkakataon.

Lintik lang ang walang ganti. Iyon ang sinisiguro ko sa kanila. Kasunod noon kinuha ko ang tiklis na naglalaman nang mga tudla at ang pana. Isinabit ko ang mga ito sa aking katawan. Pinunit ang suot kong panloob na damit na nakatali sa ibabaw nang aking mga dibdib. Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa palabas nang silid. Maingat kong binantayan ang aking pagkilos at ang paghahamon sa aking mga kalaban na hindi nila nalalaman na nandito ako.

Lumabas ako nang silid.

Kinuha ko ang golok at ang patalim na nakalapag sa sahig nang pasilyo nang ikalawang palapag. Itinali ko ang mga kaluban nang mga ito sa aking beywang. Kasunod noon, bumaba ako sa ikalawang palapag nang tahanan. Nang walang pag-iisip, kinalimutan ko ang aking sarili…alam ko…alam ko hindi ko dapat ginawa iyon. Pero ito ang kinakailangan kong gawin.

Lumabas ako nang unang bahagi nang tahanan. Pumasok sa ikalawang bahagi. Nang walang pag-aagamagam nilusob ko ang mga Anino na nasa ilalim nang pamumuno nang Hadi Nasrin. Naglakad ako sa damuhan, tinapak ko nag mga hubad kong mga paa asa masukal na malawak na lupain sa gitna nang tahanan. Dahan-dahan kong nilusob sila. Bago pa man sila lumusob isa-isa ko nang binitawan ang mga tudla at tinarak sa kanilang mga ulo. Sa kanilang mga katawan.

Pinaulanan ko sila nang mga tudla…at nang malapitan pinagsasaksak ko sila. Hindi ako katulad nang Hadi Yasir…hindi ako nagpapatalo nang hindi lumalaban. Tahasan akong lumalaban, at tuwiran kong pinaghahandaan at pinag-iisipan ang lahat nang aking mga gustong makuha.

Nakasalalay dito ang aking tahanan. Lalong-lalo na ang kapakanan nang buhay ng aking anak at nang buhay nang aking asawa.

Pinilit kong makarating patungo sa loob nang silid kung nasaan ang aking mag-ama. Ang sampu o ang hindi mabilang na Aninong kasama nang Hadi Nasrin ay mistulang naglahong parang bula ng tulad sa kanilang mga buhay inakin ko at inagaw sa kanila.

Nang malapit na akong sa lagusan nang silid. Narinig ko siya.  Sabi niya, “napagandang awit hindi ba? Uyqu’ö…volim matulog na mahal! Hindi ko alam na may maganda pa palang maaaring magmula sa tahanan ng mga Barakat.” Hindi ko maintindihan. Dagdag niya, “nagtataka ka siguro kung bakit alam ko ang awiting ito?” Buhay pa ang aking asawa—ang Hadi Yasir.  Pagpapatuloy niya, “narinig ko itong kinakanta nang aking kapatid sa aming unang anak, at ang iyong kapatid. Doon akong nagsimula maghinala na may namamagitan sa kanilang dalawa! Sa awiting ito—sinimulan ko siyang saktan— ang pinakamamahal mong kapatid. Hindi ko gustong saktan ang Adi Makbule, pero inagaw niyo sa akin ang lahat…kinuha niyo sa akin ang pagmamahal nang aking ama, ang pagmamahal nang aking kapatid at ngayon ang aming tahanan.” Kasalanan ito nang Adi Makbule. Walang ibang dapat sisihin dito kung hindi ang Adi Makbule. Hindi ko dapat siya pinagkatiwalaan. Hindi ko dapat tinanggap ang paghingi nang kanyang tawad. “Bakit? Bakit pilit niyong inaagaw sa akin ang lahat? Ano ba ang ginawa kong pagkakamali para ganituhin niyo ako? Aagawin ko ang lahat sa iyo, ang aking ama, ang aking kapatid, ang iyong tahanan lalong-lalo na ang pinakamamahal mong anak. Sisiguraduhin kong walang matitira sa iyo.” Hindi, hindi mangyayari iyon.

“Ako na lang… ako na lang ang patayin mo!” Wika nang aking asawa.

Nagsimula ang lahat…nagsimula ang lahat sa isang ingay. Sa una nagtaka ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa labas nang paliguan. Iniwan ko ang aking mag-ama sa loob nang kanilang silid habang ako nandito sa paliguan. Sinubukan kong malaman kung ano ang nangyayari sa labas Tinignan ko kung ano ang nangyayari sa labas. Sinilip ko at nakita ko…at nakita ko ang paglusob nang aming mga kalaban sa loob nang aming pamamahay.

Walang kalabanlaban ang Hadi Yasir pero ako ginawa ko ang lahat nang makakaya ko para labanan ang aming mga kalaban…sinabi ko sa sarili ko kung hindi nang aking asawa ako ang lalaban para sa kapakanan nang aking mag-ama. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang araw na ito, lalong-lalo na ang mga sandaling ito. At hindi ako makakapayag—

Kinuha ko ang tudla na nakatarak sa mga Anino. Isa… dalawa…tatlo.  Kasundo noon pumasok ako sa loob nang aming silid na mag-asawa.

Nakahandusay ang aking asawa sa sahig malapit sa aming higaan. Duguan, naghihingalo at hinahabol ang mga paghinga. Putlang-putla siya…maraming dugo ang nasaya sa kanya. Hawak nang Hadi Nasrin ang aming anak sa ilalim nito hawak niya ang isang patalim.

Wika niya, “ako ang pumatay sa Adi Atiya. Pinaghigante ko siya laban sa kanyang ina. Sa lahat nang pagtanggi nang kanyang ina kung sino siya at ano siya. Sinong ina ang makagagawa na makipagtalik nang paulit-ulit sa kanyang anak at tanggalin ang nararapat nitong pagkatao, ang magmahal nang kung sino ang dapat nitong mahalin, nang walang panghuhusga? Kita mo na wala kang alam, hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin? —Mahal na mahal ko siya Hadi Yasir pero inagaw mo siya, at wala kang itinira para sa akin!”

Dalawang bagay lamang ang maaring mangyari ngayong gabi ang buhay nang aking anak at asawa at ang kamatayan nang Hadi Nasrin. Iyon lang, at wala nang iba.

Nabaling ang pansin sa akin nang Hadi Yasir. Umiling-iling siya.

Nakita ako nang Hadi Nasrin. Nabaling ang kanyang pansin sa akin. Nakatutok sa kanya ang tudla sa busog na hawak ko. Binago niya ang pagkakahawak niya sa patalim na kanyang hawak itinutok ito sa aming anak. Buo na ang aking loob.

Nabaling ang aking pansin sa aking asawa. Nakangiti siya. Kaagad kong tinanggal ang aking pansin at Itinuon ito sa Hadi Nasrin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam ko hindi ko maliligtas ang aking anak kung hindi kung hindi ko…buo na ang aking loob. Buo na ang aking loob!

Bumangon ang aking asawa asa kanyang kinauupuan. Lumapit siya sa Hadi Nasrin at ang patalim na nakatutok sa likuran nang aking, aming anak ay tinusok niya sa katawan nang aming panganay at binitawan ko ang tudla at tumarak ito sa Hadi Nasrin.

Nagulat siya.

ISA… DALAWA muli lumingon siya sa akin, nang may pagkagulat at hindi makapaniwala. Binitawan ko muli ang bugso nang tudla sa aking busog. Nasaktan ang Hadi Nasrin. Isa sa kanyang balikat. Pangalawa sa kanyang tuhod.

Bumagsak ang Hadi Nasrin.

Nasalo nang aking asawa ang duguan naming anak. Buhay pa ito…buhay ang Adi Atilla, may pagkakataon pa.

TATLO. Pinakawalan ang bugso nang tudla sa aking busog at tumama ito sa kaliwang mata at tumagos sa bungo nang Hadi Nasrin.

Buhay pa ang hungkag na nilalang pero pinatay ko siya gamit ang patalim na aking hawak.

Matapos noon binitawan ko ang hawak kong busog at tiklis sa aking katawan. Tinulungan ko ang aking asawa na makaupo sa aming higaan. Nabaling ang aking pansin sa aming anak. Sinabi niya sa akin na puntahan ko ang aking mga magulang. Tawagin niya ang aking mga kapatid. Sinabi niya sa akin na wala akong dapat na ipag-alala…buhay pa ang aming anak. Sinabi niya sa akin na higit naming kailangan ang tulong ngayon ng iba. Wala akong nagawa. Ito ang kinakailangan.

Iniwanan ko silang dalawa at dali-dali akong nagtungo sa aking mga magulang upang humingi nang tulong sa kanila. Tinulungan nila ako…dali-daling kumilos ang aking mga magulang at kapatid.

Pagbalik namin, nakita ko ang Hadi Yasir na nasa labas nang aming silid, nakaupo sa nakaangat na pasilyo hawak ang labi nang aming anak. Nakapikit ang aking asawa. Nakayuko ang knayang ulo habang duguan at halos na hindi na makilala pa. nasa kanyang mga kamay ang aming anak.

Sumigaw ako. Tinawag ko ang kanyang pangalan. Ayoko-ayoko hindi ito totoo…hindi ito to…totoo. Buha pa ang aking anak, ang Hade—

Sinubukan kong lumapit.

Narinig ko ang aking ama. Kasunod noon narinig ko ang aking asawa. Wika niya, “patawarin mo Adi Hikmet!”

Ano ang gagawin ko? Pareho kaming naliligo sa dugo. May mga putik at may sugat ang aking mga paa sa paglalakad nang nakatapak at dali-daling pagtakbo patungo sa tahanan nang mga Roshan.

Ano ang gagawin ko? Huli na ang lahat.

Tapos na ang lahat, at hindi ito masaya.

Advertisements

One thought on “KABANATA DALAWAMPU’T TATLO:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s