KABANATA DALAWAMPU’T APAT:

ANG MGA HINDI INAASAHAN AT BIGLAANG PAGBABAGO

Ang Hadi Batul

Gumising ang Hadi Batul nang umagang ito sa tabi nang kanyang asawa na si Adi Ismat na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin natutulog.  Nakatalikod ito sa kanya, sa kadiliman nang kanilang silid sa iilang mga nakasinding timsim na nakababad sa langis at nakalagay sa mga sulyaw na may tenga. Yakap-yakap ang bago nilang silang na anak na si Hadi Hazan, pangalang una sa tahanan ng mga Roshan at nagmula sa tahanan ng mga Harith.

Binubulong niya sa kanyang sarili, sinasabing ‘ang lamig, ang lamig-lamig…’

Hindi maitatangging napakalamig ng mga panahon ngayon, dulot ito nang pagpasok ng bagong panahon at mula noon, nang gabing iyon, hindi lang panahon ang nagbago sa mga nakalipas na panahong dumaan.

Nakakatamad ang kumilos— lalo pa nang tanghaling ito na kakasikat pa lamang ng araw.

Kinatatamaran niya ang bumangon. Hindi ito nakapagtataka.

Kagyat tumayo siya. Dali-dali siyang bumangon at kingking na lakad patungo sa arinola habang nakapulupot ang kanyang mga braso at kamay sa kanyang katawan upang umihi.

Ang pagkakamali niya ay wala siyang suot na kahit anong damit liban lamang sa panloob niyang bahag. Pinasok niya ang kanyang kamay sa loob nang suot niyang bahag. Dinakot niya ang kanyang titi, inilabas ito at umihi.

Nang gabing iyon, sumambulat sa kanilang katahimikan ang hindi inaasahang ingay ng pag-iyak at paghingi ng tulong mula sa kanyang nakatatandang kapatid. Nang makita nila ito, wala silang ibang naramdaman kung hindi awa sa kung anoman ang nangyari sa kanyang nakatatandang kapatid at sa tahanang kung saan ito nabibilang. Ang kalunuslunos nitong itsura, ang mga bahid nang luha sa mga pisngi nito maging ang dugo sa suot nitong panloob na damit at mga paa na may bahid ng putik maging gamol, nang gabing iyon, nagbigay ito sa kanya nang kirot, sakit at hapdi. Galit…matinding galit kung anoman ang nangyari— ang pagkamatay ng kanyang pamangkin, panganay na anak nang kanyang nakatatandang kapatid at tiyo nang kanyang minamahal na asawa sa kamay nang panganay na anak nang Hadezar ng tahanan ng mga Harith, ang sarili nitong tagapagmana, ang Hadi Nasrin.

Agad kumilos sila patungo sa tahanan nang mga Barakat. Nalaman nila ang pagkamatay nang Hadi Nasrin sa kamay nang kanyang nakatatandang kapatid at ang Adi Atilla sa kamay nang Hadi Nasrin.

Ang kanyang ama ang unang nakakita sa Hadezar nang tahanan mga Barakat habang nasa mga kamay nito ang walang buhay na anak.

Bumalik siya sa kanilang higaan na mag-asawa. Humilis siya nang higa tumagilid paharap sa Adi Ismat. Pinatong niya ang kanyang braso at kamay sa kanyang asawa. Niyakap niya ito habang dumadampi ang dulo nang kanyang mga daliri sa balat nang bagong silang nilang anak sa ilalim nang patong-patong na kumot na gawa mula sa balat ng mga hayop.

Sa taong tatlongdaan at dalawampu’t apat tuluyang napunta sa pamumuno nang tahanan ng mga Roshan ang mga lupaing kinasasakupan ng dating tahanan ng mga Barakat. Nagsimula ito ng tuwirang palayain nang Hadi Yasir ang mga may-ari nang mga lupa at mga sakahan sa ilalim ng pamumuno nito at patnugot. Nagsimula ito sa tuwirang pagpaparaya, sa pamamaraan nang pagmamano nang mga ito sa asawa nang kanyang kapatid at sa paghuhugas nang mga kamay sa palangganang naglalaman ng malinis na tubig na inihanda nang tahanan ng mga Barakat.

Kumalat sa Ja’khar ang kasunduan ng dalawang tahanan, ang ginawa ng Hadi Yasir na pagpaparaya at pagbibigay nang mga nasasakupan nito at pinapatnugunan sa ilalim nang pamumuno ng kanyang ama.

Marami ang nagulat sa ginawa nang Hadezar ng tahanan ng mga Barakat, kahit ang Hadi Mahdi hindi ito inasahan na mangyayari— ang isang Hadezar tuwiran at ganap na nagparaya sa kanyang mga nasasakupan na mapunta sa ibang pamumuno at patnugot. Makailang ulit nang bumagsak ang mga tahanang bumubuo sa kalipunan ng mga Hadezar at nakabangon muli sa pagbagsak datapwat walang sinoman ang nag-akala na mangyayari ang ganito…

Ngunit ito pa lamang ang simula…

Sa paggising niya wala na sa kanyang tabi ang kanyang asawa…tuluyan nang sumikat ang araw sa pananghalian. Bumangon siya sa kanyang hinihigan. Kinuha niya ang kanyang sandalyas sa ilalim nang kama.  Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid nang higaan, balot ang sarili nang makapal na kumot lumapit siya sa mataas na lamesa na nasa loob nang kanilang silid mag-asawa. Kinuha sa katabing upuan nito na may sandalan ang mga nakasampay na mga pinaggamitang kasuotan. Una niyang sinuot ang kayumangging kulay na Báta, na sinundan nang pagsusuot nang saluwâl na bughaw na may mga burda nang mga mais. Itinali itong mabuti sa kanyang katawan. Nilagyan nang sinturon at bakal na panara. Kasunod noon itinali niya sa kanyang katawan ang balat na babero at panapis sa beywang.

Saka lumabas nang kanilang silid mag-asawa. Bumaba sa ikalawang palapag ng tahanan at nagtungo sa loob nang silid lutuan kung nasaan naroroon ang kanyang ina na si Adi Arwa at ang kanyang panganay na anak na si Hadi Merkabah. Nakita niya ang kanyang ina na pinapakain ang Hadi Merkabah nang pananghalian habang kalong-kalong ang bata sa hita nito.

Lumapit siya sa mga ito. Sinabi niya sa kanyang ina na siya na ang bahala sa pagpapakain sa kanyang anak, bagay na tinalima nang kanyang ina.

Hiningi niya ang Hadi Merkabah sa kanyang nanna. Ibinigay ito nang Adi ng tahanan at kasunod noon siya ang nagpakain at nagsubo nang pagkain sa kanyang una at panganay na anak.

Tinanong niya ang Adi Arwa kung nasaan ang kanyang asawa at bunsong anak.

Tinanong siya ng Adi Arwa kung wala ba ito sa kanilang silid mag-asawa. Bagay na pinagtakahan ng Hadi Batul at sinabing wala.

Tinanong siya nang Adi Arwa kung nakita ba nito ang anak sa loob nang silid nang Hadi Merkabah at Hadi Hazan. Bagay na kanyang itinanggi at sinabing hindi pa siya nakakapunta sa loob nang silid.

Kasunod noon lumapit ang Adi Arwa sa kanya. Ibinigay nito ang isang sulyaw na naglalaman nang lugaw at iniibabawan nang isang malapad na tinapay na walang labadura. Tinanong siya ng Adi Arwa kung babalik pa ba siya sa nakasusulasok at kahindik-hindik niyang trabaho ngayong araw. Bagay na kanyang sinang-ayunan sa kanyang ina.

Kinuha niya ang tinapay sa ibabaw nang malaking sulyaw. Ibinaba ito sa kahoy na lamesa na nasa loob nang kanilang silid lutuan, kinuha ang kubyertos at saka kumain.

Sinabi niya sa kanyang iyon ang kailangan.

Ang kanyang kapatid ay nasa ilalim nang pamumuno nang Hadi Ogeyerg habang siya ay gumagawa sa kulungan nang mga hayop na Mahumanay. Ang kanyang ama ang nangangalaga nang mga hayop na asong-gubat. Habang ang kanyang ina ang nagsisilbing tagapaglinis at taga-ayos nang kanilang tahanan.

Sinabi nang Adi Arwa sa kanya na may dumating sa kanilang tahanan at hinahanap siya. Tinanong niya ang kanyang ina kung ano ang kailangan nito. Sinabi nitong gusto siyang makausap nang Hadezar ng tahanan ng mga Harith.

Bagay na sa una ay kanyang pinagtakahan at hindi kalaunan ay natauhan din.

Pinagtakahan nang Adi Arwa ang kanyang ginagawang pakikipag-usap sa Hadi Mahdi at sa tahanan ng mga Harith. Hindi nakapagtataka kung makausap niya ang Hadezar, datapwat nakakagulat ang pagiging malapit niya sa tahanang minsan siyang itinakwil.

Sinabi niya sa kanyang ina na ito pa rin ang afu nang kanyang mga anak.

Bagay na hindi ipinagkait ng Adi Arwa.

Matapos ang pananghalian pinuntahan niya ang kanyang asawa sa loob nang silid nang kanilang mga anak. Nakita niya itong nakaupo sa tumba-tumba, akay sa mga bisig ang naiiba nilang anak.

Wika niya sa Adi Ismat bakit hindi ito magtanghalian at kumain sa baba…may natitira pang pagkain.

Sinabi nang kanyang asawa ang pag-aalala nito sa kanilang bagong silang na anak. Kung bakit lubha itong mahina, at maliit kung ikukumpara sa Hadi Merkabah. Nag-aalala ang Adi Ismat para sa kalagayan nang kanilang bunso, gayong hindi ito ang unang beses na nawalan sila nang anak at alam niya ito.

Sinabi niya sa kanyang asawa na wala silang dapat na ipag-alala. Na walang dapat ikabahala ang Adi Ismat dahil hindi ito kagaya nang pagkawala nang una nilang anak. Hindi na sila katulad pa nang dati, iyon ang tinitiyak niya sa kanyang asawa, marami na ang nagbago sa kanilang dalawa…marami na silang natutunan at alam na nila kung papaanong alagaan ang kanilang mga sarili maging ang kanilang mga anak at magiging mga anak.

Tinignan siya nang Adi Ismat.

Nakita niya ang pag-aalala nito sa mga mata nito.

Iniwan niya ang kanyang asawa sa piling ng kanilang mga anak. Pinilit niya itong pakainin bago siya umalis.

Iniwanan niya ito ng makakain.

Nagpaalam siya sa kanyang ina. Umalis nang kanilang tahanan at nagtungo sakay ng isang kayumangging asong-gubat patungo sa kulungan ng mga hayop na Mantahungal.

Matapos ang pagpaparaya ng Hadi Yasir sa mga nasasakupan nito at pagbibigay nang pahintulot sa kanila na pamunuan ang mga lupaing dating pagmamay-ari nang tahanan ng mga ito, tuluyan din tinalikuran nang Hadi Yasir ang pagiging Hadezar nito sa tahanan ng mga Barakat. Tinanggal nito ang bawat sagisag ng tahanan. Ikinubli ang sarili sa pansariling buhay. Ilang araw na hindi nakita ang asawa nang kanyang kapatid. Lumipas ang mga araw, dumaan ang buwan at mga panahon hindi nagtagal kumalat ang mga bulungbulungan. Sa una kumalat ang bulongbulungan na pinalaya nang Hadezar ng tahana ng mga Barakat ang mga Imago na nasa ilalim nang pamumuno nito at tapat ditong naglilingkod. Sinundan ito nang paghihiwalay ng kanyang kapatid at ng asawa nito. Ang pakiki-apid nang Adi Hikmet sa bagong liyaw nang tahanan nito at hindi inaasahang pagbubuntis nito.

Sinundan pa ito nang pagkamatay ng Hadezar nang tahanan ng mga Barakat…

Tuloy hindi mapigilan nang sinoman ang mag-usisa at gumawa nang maraming mga kwento, ang mga panahong iyon, tinawag ang mga panahong iyon ang huli at ang tuluyang pagbagsak nang tahanan ng mga Barakat.

Alam niya na hindi ito dapat ginawa nang Hadi Yasir.

Ang isara ang tahanan nito sa nakararami, ang itago ang kanyang kapatid at ang tunay na nangyayari sa mga buhay nang mga ito na walang sinoman ang nakakaalam, kahit ang kanyang tahanan.

Hindi sila naglaho sa Ja’khar ang pansariling buhay nang mga ito ay naging tahimik datapwat pampublikong buhay nang mga ito ay naging mata at kasiyahan nang nakararami.

Nanatili ang panandaliang kapayapaan sa Ja’khar. Nang mga panahong iyon nagsimula ang pagbabago sa kanilang tahanan: ang saya sa naganap na panunumpa nang mga may-ari ng mga lupa at sakahan sa kanilang tahanan, ang pagkakaloob nang katapatan nang mga ito, ang pagturing sa kanyang ama bilang patnugot nito, at pagtulong nang kanilang tahanan sa mga ito.

Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon, nang pinahid nang kanyang ama ang putik na abo na may puting pangkulay sa mga mukha nang bawat may-ari ng mga sakahan na dating nasa ilalim ng pamumuno nang tahanan ng mga Barakat at pagmamano. Iyon pa lamang ang simula.

Sinundan ito nang ilan sa mga kinasasakupang lupain nang tuluyang bumagsak na tahanan ng mga Parvana, matapos ang pagkamatay nang Hadezar nitong si Adi Atiya. Pinaghatian nang tahanan ng mga Harith at Roshan ang pamumuno. Hiningi din nang mga ito ang patnugot at pamumuno nang kanilang tahanan dito bagay na pinagbigyan at maluwag na tinanggap nang kanyang ama.

Sa gayon kinilala ang tahanan ng mga Roshan at ang kinasasakupan nitong mga lupain at ang lahat nang mga sakahan sa silangan, hilagang bahagi at katimugan bilang ang pinakamalaking pagmamay-ari nang isang tahanan na bumubuo sa kalipunan ng mga Hadezar. Na sinundan nang tahanan ng mga Harith sa mga palaisdaan, pagawaan nang mga sasakyang pandagat, sakahan nang mga asin at pagpaparami nang mga talaba at lamang-dagat.

Sa mga sumunod na buwan nagpatuloy ang pagbabago.

Sinimulan niya ang kanyang gawain sa pag-aalaga nang mga Mantahungal. Nagsimula ito sa pagpasok niya sa kulungan nang mga hayop. Nagsimulang paliguan ang mga ito at linisin ang kulungan. Nagpala ng mga gabundok na dumi.

Nang gabing ito naghapunan sila sa loob nang bulwagan ng tahanan ng mga Roshan. Kinuwento nang kanyang kapatid ang pagtatrabaho nito sa ilalim ng pamumuno nang Hadi Ogeyerg. Sinabi niya na naging maayos naman ang kanyang araw nang umagang ito na tila walang nangyaring kahit ano.

Kinuwento nang Hadi Fadil ang ginawa nilang pakikipag-usap sa mga may-ari nang sakahan at sa kapisanan ng mga ito nang hapong iyon.

Ilang buwan lamang ang lumipas, nagsimula ang pagtatatag ng isang kapisanan, na binubuo nang mga may-ari nang lupa, nang mga taniman at mga sakahan maging ng mga paghahayop. Nalaman ito nang kanyang ama. Nalaman ito nang kanilang tahanan. Hindi ito nagustuhan nang Hadi Yusuf. Isa itong pabagsak sa kanilang tahanan. Isa itong kalapastanganan sa dangal nang tahanan at sa pagtitiwalang ibinigay nang kanyang mga magulang sa kanilang mga nasasakupan at pinapatnugunan.

Nalaman niya na layunin nang kapisanan na tanggalin sa kanilang tahanan ang pamumuno at pagmamay-ari sa mga sakahan. Hindi ito naging maganda sa kanya. Lalong-lalo na ang maaaring idulot nito sa kanilang tahanan. Walang ibang dapat sisihin dito ang kanyang kapatid at ang Hadi Yasir na malamang at itinitiyak niya ang mga ito ang mga pasimuno.

Sinubukan niyang kausapin ang Adi Hikmet at ang Hadi Yasir sa tahanan ng mga ito bagkus nalaman niya ang katotohanan sa likod nang mga kumakalat na mga bulungbulungan. Totoo ang pakiki apid nang kanyang kapatid sa bagong liyaw nang tahanan ng mga Barakat, na si Hadi Muqqabit. At alam ito nang Hadi Yasir.

Nakita niya ang Hadi Yasir na nasa loob nang pabilyo. Naroroon at tahimik.

Pinatahimik siya nang Hadi Yasir.

Tinignan siya nito. Hindi niya maintindihan.

Alam nang kanyang manugang kung ano ang dahilan nang kanyang ikinapunta dito. Nagtaka siya. Sinabi nito sa kanya na nalaman nito ang kagustuhan nang mga magsasaka at nang mga may-ari nang mga sakahan at mga lupain na magtatag nang isang samahan na binubuo nang mga magsasaka at may layuning pangalagaan, tulungan at pagsilbihan ang isa’t isang bumubuo sa kapisanang ito.

Tinanong niya ito kung ito ba ang may kagagawan nang mga nangyari. Bagay na itinanggi nang Hadi Yasir at sinabing kailanman wala siyang kinalaman at magiging bahagi pa sa kahit anong pampulitika at pagbabago sa buong Ja’khar.

Sinabi nito sa kanya kung ano ang kinakailangan niyang marinig, tuluyan nang bumagsak ang tahanan ng mga Barakat at hindi na ito makakahon pa, gayon din ang kalipunan ng mga Hadezar, iyon ang masakit na katotohanan na kailangan nilang tanggapin.

Nagbabago na ang kanilang bayan, at wala silang ibang dapat gawin kung hindi tanggapin ang pagbabagong ito.

Tinanong niya sa tiyo nang kanyang asawa kung ano ang kinakailangan nilang gawin. Kasabay nito pumasok ang Adi Hikmet sa loob nang pabilyo nang tahanan. Nakita siya nito.

Tinawag nito ang kanyang pangalan. Dahilan upang lumingon siya dito.

Nakita niya ang kanyang kapatid at malaki na ang tiyan nito dulot ng pagbubuntis nito na nakatago sa ilalim nang suot nitong panloob na damit at balabal na nasa mga braso nito.

Sinabi nang Hadi Yasir sa kanya bago siya tuluyang umalis na pilitin niya ang kanyang ama na makipagpulong at tanggapin ang kapisanan, o konseho o kapulungan anoman ang gustong itawag nang mga ito sa ginagawang pagkakaisa.

Wala siyang nagawa kung hindi tanggapin ito—ang kanilang itinakdang kapalaran.

Napilitan ang patnugot nang tahanan ng mga Roshan na tanggapin ang payo nang Hadezar ng tahanan ng mga Barakat. Nag-usap ang kanyang ama at ang kalipunan o kapisanan o kung anoman ang gusto nitong itawag sa ginagawang pagkakaisa.

Apat na buwan…sa loob nang apat na buwan naglaho ang lahat nang kanyang pinapangarap para sa kanyang tahanan, para sa kanyang anak at magiging anak.

Naglatag ang Hadi Yusuf at ang pinuno nang kapulungan na si Hadi Eno nang mga kasunduan sa pagkakaayos nang tahanan ng mga Roshan at nang mga nasasakupan nitong nagkakaisa laban sa kanila. Nilahukan ito nang buong tahanan ng mga Roshan gayon din nang ilan sa mga bahagi nang kapisanan ng mga magsasaka at mga may-ari ng lupa.

Una, ang tahanan ng mga Roshan, ang patnugot, pinuno at Hadezar na tumatayo dito ay magiging sagisag lamang, tagapamahala nang mga nasasakupan at wala nang iba pa bukod dito. Hindi tungkulin nang sinoman sa tahanan ng mga Roshan na mangialam, maghukom at magpataw nang kahit anong parusa.

Isa itong malaking pabagsak sa kanilang tahanan at sa kanilang minanang kaugalian.

Tinanong nang kanyang ama kung ano ang pangalawa.

Pangalawa, tinatanggap nang kapisanan nang mga magsasaka at mga may-ari nang mga lupa ang batas nang Ja’khar na nilikha nang mga unang mga pinuno nang limang tahanang bumubuo sa kalipunan ng mga Hadezar na binago upang makisabay sa panahon ni Eo.

Bago ang mga panahong iyon nang pagpupulong tinanong niya ang kanyang ama kung ano ang gagawin nila. Sinabi nang kanyang ama sa kanya na mabuti na ang ganito. Na bumaba sa kapangyarihan ang tahanan ng mga Roshan. Nang gabing iyon tinanong niya ang kanyang ama kung hindi ba ito natatakot sa mga maaaring magbago pa. Sinabi nitong natatakot. Walang sinoman ang hindi natatakot sa pagbabagong maaaring mangyari. Sinabi nang kanyang ama na hindi nila mababago kung anoman ang kinakailangan.

Pangatlo, kapalit nang kawalan nang paghuhukom at pamamagitan, ang kapisanan ng mga magsasaka at may-ari ng mga lupa ang tatayong hukuman at pamamagitan nang sinomang nagkasala sa mga lupaing nasa ilalim nang pamumuno nang mga may-ari nang mga lupa na bubuuin nang siyam na may patas na pagtingin at ayon sa kagustuhan nang higit na nakararami.

Isang pagbabago…isang hindi inaasahang pagbabago.

Binubulong niya sa kanyang sarili, ‘ang lamig, ang lamig-lamig…’ Tumagilid siya nang higa. Pinalipit niya sa kanyang kamay ang makapal na kumot na gawa sa mga balat. Hanggang sa dinilat niya ang kanyang mga mata at sa paggising niya wala sa kanyang tabi ang kanyang asawa.

Sinabi nang kanyang ama ang pang-apat sa mga kasunduan nang tahanan ng mg Roshan at nang kapisanan ng mga magsasaka at mga may-ari ng mga lupa, mananatili sa tahanan ng mga Roshan ang mga lupain bilang bahagi at kinasasakupan nito, ang mga halamang tutubo at ang mga hayop na pinaparami ay nasa ilalim nang pamamahala at patnugot nang tahanan ng mga Roshan.

Bagay na sinang-ayunan at tinanggap nang Hadi Eno at tinanggap nang ilan sa mga bahagi nang kapisanan.

Higit sa lahat, kapalit nito tungkulin nang tahanan ng mga Roshan at nang mga Aninong nasa ilalim nang pamumuno nito na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa nasasakupan nito. Mananatili pa rin ang pagpapalitan nang produkto at serbisyo sa tahanan at sa mga nasasakupan nito, datapwat pananagutan at kinakailangan nang bumubuo sa tahanan ng mga Roshan na gumawa, kumilos at makibahagi sa pagtatanim at pag-aalaga.

Siguro ito pa lamang ang unang hakbang para sa pagbabago at wala silang dapat na ipag-alala sa ngayon.

Bumangon siya sa kanyang hinihigan. Napakalamig ng araw na ito, sa pangalawang pagkakataon. Kinuha niya ang kanyang sandalyas sa ilalim nang kama. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid nang higaan, balot ang sarili nang makapal na kumot lumapit siya sa mataas na lamesa na nasa loob nang kanilang silid mag-asawa. Kinuha sa katabing upuan nito na may sandalan ang mga nakasampay na mga pinaggamitang kasuotan. Nagbihis matapos noon lumabas nang kanilang silid mag-asawa at bumaba sa ikalawang palapag nang tahanan ng mga Roshan. Nawala sa kanila ang patnugot datapwat nananatili sa kanila ang pamumuno at pagmamay-ari nang mga lupain.

Lumabas siya nang kanilang tahanan sakay nang kayumangging asong-gubat. Nagtungo siya kulungan nang mga Mantahungal kung saan binungad siya nang Hadi Garam. Lumapit siya dito sakay sa asong-gubat. Bumaba. Nag-usap sila nang panandalian at kasunod noon nagtungo sila sa loob nang kulungan. Tinulungan niya ang Hadi Garam na hilahin mula sa katawan nang babaeng Mantahungal ang anak nito at iluwal.

Nagpatuloy ang kanyang araw nang tulad sa nakaugalian, ang palasak at walang halagang ginagawa niya sa kulungan nang mga Mantahungal…ang pag-aalipin nang isa sa mga may-ari nang mga nagpaparami sa mga alagang hayop sa buong Ja’khar. Bago siya umuwi tinanong siya nang Hadi Garam kung maaaring manatili muna siya dito at samahan ito at ang tahanan nito sa isang hapunan.

Bagay na kanyang tinanggap at pinaunlakan. Hindi niya alam kung ano ang pumasok dito kung bakit siya nito pinagmamalasakitan.

Nang gabing iyon naghapunan siya kasama ang tahanan ng Hadi Garam. Tinanggap siya ng mga ito sa tahanan nang may-ari ng lupa, nagpasalamat ito sa kanya maging asawa rin nito sa ginagawang pagtulong niya sa mga ito.

Nabaling ang kanyang pansin sa isa sa mga pinggan na nakalapag sa hapagkainan. Tinanong niya ang Hadi Garam kung may inaasahan pa ba silang panauhin. Hindi nagtagal dumating ang Hadi Yasir sa tahanan ng may-ari nang pagpaparami ng mga Mantahungal at sumalo ito sa kanilang hapunan.

Matapos ang hapunan bumalik din siya sa tahanan ng mga Roshan. Sa pagdating niya agad siyang naligo. Nagbabad sa mainit na tubig nang bukalan nang tahanan. Nagpalit ng damit nagbihis at naglatag nang mahihigan sa ilalim nang kanilang kamang mag-asawa. Humiga. Dinungaw ang kisame ng kanilang silid.

Hanggang sa narinig ang tinig ng Adi Ismat.

Tinanong siya nito kung kararating niya lang.

Sinabi niya ditong ‘oo’.

Humingi ang Adi Ismat sa kanya nang patawad dahil dito natulog ang kanilang mga anak bagay na kanyang pinagsawalang bahala.

Tinanong siya nang kanyang asawa kung ano ang ginagawa niya sa sahig. Niyaya siya nitong umakyat sa kanilang kama. Matulog kasama nang kanyang mga anak. Bagay na kanyang ginawa.

Ang Adi Makbule

Nang gabing ito, nagniig sila nang Hadi Faysal sa loob nang kanilang silid mag-asawa. Pareho silang nakahiga sa kanilang kama. Nakatihaya ang kanyang mga balikat at ulo sa kanilang kama habang nakapatong ang kanyang asawa sa kanya nang nakaluhod at nakataas ang kanyang mga binti at hita sa likuran nito. Tumatagos sa kanyang buong katawan ang dagitab na tumatama sa kanyang maselang bahagi. Hindi niya mapigilan ang hindi sumigaw. Ang lumabas ang mga hikbi sa kanyang bibig at marinig ito sa labas ng kanilang silid.

Pinagsaluhan nila ang isa’t isa. Matapos noon, humiga siya sa dibdib nang kanyang asawa habang nakayakap ito sa kanya.

Sinabi niya, “hindi ko alam na pwede palang gawin iyon.”

Tugon nang Hadi Faysal sa kanya, “ako rin!”

Lumingon siya sa kanyang asawa. Tumingin siya dito. Nagkatinginan silang dalawa. Ngumiti siya. Ngumisi ang Hadi Faysal, labas ang ngipin nito habang hinihimas nito ang kanyang mga buhok. Pagkatapos noon agad din nitong tinanggal ang pansin nito sa kanya.

Tanong niya, “Faysal…bakit mo ginawa iyon?”

Pagtataka nito sa kanya, “bakit!” nang hindi tinatanggal ang mga ngiti nito sa labi.

Tanong nang Adi Makbule, “gusto mo pa bang magkaroon pa tayo ng anak?”

Tanong nang Hadi Faysal, “kaya mo pa ba?” Lumingon siya sa kanyang asawa. Dagdag nito, “hindi ba makasasama sa’yo ang magdalang-tao?”

Umiling-iling siya. Wika niya, “hindi! Kaya kong alagaan ang sarili ko…Siguro pwede pa akong magbuntis ng isa pa, dalawa pa!”

Pagbibiro nang kanyang asawa, “kaya mo pa ba nang apat?”

Ngumisi siya. Tanong niya sa kanyang asawa, “kaya mo pa ba ng apat?”

Wika nito sa kanya, “hindi siguro dalawa na lang o isa pa! Sa dami nang mga nangyayari ngayon, nagbabago ang ating daigdig nang hindi natin nalalaman. Mahirap na! Hindi natin hawak ang ating kinabukasan para balakin pa natin kung ano ang maaari pang mangyari.”

Hindi siya nakaimik. Nabaling ang kanyang pansin sa ari ng kanyang asawa. Tinignan niya ito. Pinagtakahan niya ito. Isang kakatwang bagay. Buntong, “hah!” Lumingon siya sa kanyang asawa. Ngumiti siya.

Wika niya, “kakaiba lang!” Bagay na pinagtakahan nang Hadi Faysal. Kasabay nito, hinawakan niya ang titi nang kanyang asawa. Pinaglaruan niya ito, hinimashimas gamit ang kanyang hinlalaki. Dagdag niya, “mainam.”

At nilapit niya ang kanyang mukha sa titi at bayag nang kanyang asawa.

Sa taong tatlongdaan at dalawampu’t pito, napilitang lumisan ang tahanan ng mga Harith sa bayan at estadong lungsod nang Ja’khar. Kung may magagawa lamang sila para hindi ito mangyari. Sakay nang isang malaking balangay iniwan nila ang kanilang tahanan at bayan. Biglaan ang mga hindi inaasahang pagbabago…Wala silang nagawa kung hindi tumakas, higit sa lahat baka hindi na kailanman makabalik pa sa kanilang pinagmulang tahanan.

Suot ang isang esmaltin na kulay na Báta na may mga matingkad na pulang kulay na panali at panloob na mahabang palda na kulay tial na gawa sa sutla. May kwintas na perlas at mga hikaw na gawa mula sa pulang korales. Kasama ang kanyang asawa na si Hadi Faysal, iniwan nila ang tahanan ng mga Harith at nagtungo sa daungan nang mga sasakyang pandagat.

Sakay nang isang sinundo nila ang pagbabalik nang Adi ng tahanan ng mga Harith.

Iniwan nila ang kanilang mga anak na sina Hadi Malik at Hadi Mahsa sa pagtitiwala sa Hadezar nang tahanan na si Hadi Mahdi.

Nang umagang ito dumating ang sinasakyang Caracoa ng Adi Dilshed. Una itong namataan papasok sa kinasasakupang dagat nang Ja’khar, hindi kalayuan sa tarangkahan nang estadong-lungsod at mga malalaking debuho nang limang unang naging mga pinuno at Hadezar. Dumaan ito sa malalaking mga debuho. Lumusot sa pagitan ng dalawang Hadezar na sina Barakat at Harith. Ang malaking siwang sa pagitan nang dala ang pinakalagusan nang malalaking mga sasakyang pandagat kagaya nang Caracoa na galing sa bayan at daungan nang Qaa’ur.

Ang puluhan nang sasakyan ay may inukit na debuho nang isang harpyas na nakalugay ang mga pakpak at nakalabas ang mga pangil, handang sakmalin at dagitin ang sinomang maghamon sa tinataglay na lakas nang sungay nitong sumusuwag. Isa itong sasakyang pandagat na lulan nang mga mangangalakal na umiikot sa buong daigdig ng Soluna, nakikipagpalitan nang mga produkto at mga gawa upang ikalakal, at iluwas ang mga nakuhang produkto sa ibang panig nang Soluna, at ipalit ang mga angkat mula rin sa ibang panig ng daigdig.

Nagmula ito sa Qaa’ur— kung saan din nanggaling ang Adi Dilshed kasama nang kanyang mga apo at nang mga kapatid nang Hadi Mahdi.

Ang Caracoa ay pinamumunuan nang isang magiting na puno, na kilala sa pangalang Izdihar, isang mangangalakal na nagtataglay nang napakaraming alahas at humuhamiling sa tinataglay na kagandahan nang Adi Mahvash na minsan na nitong nakilala at nagkadaupang palad na sa kasawiang palad ay hindi tinanggap nang ina nang kanyang asawa ang pagtingin nito at mas pinagtuunan pa nang pansin ang pagbabalik nito sa Ja’khar matapos malaman ang pagkamatay nang Hadi Nasrin. Magkagayonman pinakitaan nang Adi Dilshed kasama nang Adi Mahvash ang pinuno at ibinalik lamang ang kabutihang ipinakita nang dalawang dito.

Hindi nagtagal tuluyan itong nakapasok sa baybayin ng Ja’khar at dumaong sa daungan. Hinintay nila ang pagbaba nang Adi Dilshed sa sasakyang-pandagat…Hindi maitatanggi ang kagandahang tinataglay nito. Ang mga inukit na larawan at mga adornong pananggalang gaya nang pananggalang nang mga Anino nang Ja’khar o nang magigiting na mandirigma nang mga Kesh at ganon din nang iba’t ibang mga lahi mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Nagtungo ang ilang mga bangka mula sa dalampasigan patungo sa caracoa kung saan lulan ang Adi Dilshed. Sinundan pa ito nang isa pa na hindi nagtagal ay sinundan nang pangalawang sasakyang pandagat. Nang lumaon ay namataan nila ang pagbaba nang Adi Dilshed, ang Adi ng tahanan, mula sa Caracoa at ang pagsakay nito sa isa sa mga bangka habang inaalalayan nang isang binatang dayuhan na may itim na mga balat, jata na buhok na may mga pilak na singsing, at may suot na gawa mula sa balat ng Amalanhig. Kapansinpansin ang malakaliskis na balat nito na dulot nang mg peklat na likha nang mga kapwa nito Kesh, nagpapakita nang kagitingan at pagiging magaling na mga mandirigma.

Tinulungan din ito ng Jingkar na nakaupo sa isa sa mga upuan nang bangka at matapos noon, pagbaba nang mga bitbit na dala nang Adi Dilshed sa sasakyang pandagat tuluyan na itong kumilos at dinala ang sasakyang pandagat sa dalampasigan nang Ja’khar, na sinundan pa nang dalawa pang bangka na may mga dala namang mga kahon at mga angkat na produkto.

Hinintay nila ang pagdating nang Adi Dilshed sakay nang bangka, at sa pagtigil nito sa dalampasigan, agad na lumapit ang kanyang asawa para tulungan ang Adi Dilshed na makababa sa bangka, na kanyang sinundan upang alalayan naman ang matanda sa paglalakad sa dalampasigan.

Malaki na ang pinagbago nang Adi Dilshed simula nang umalis ito sa kanilang bayan. Hindi na ito katulad pa nang dati, ang sayang natitira sa mga mata nito at sa mga labi ay tuluyan nang naglaho. Isa na itong mapait na matandang babae. Nakasuot ito nang itim na pandong na nakabalot sa ulo nito at nakapalibot sa buong mukha nito habang nakaipit sa suot nitong malilim na kulay bughaw na Báta na makapal at gawa sa bulak na walang kahit anong disenyo at ang laylayan ay aabot hanggang sa binti nito. May manggas ang suot nitong Báta, na hanggang kamay. Sa ilalim nang suot nito ay ang mahabang palda na panloob na hanggang sa bukung-bukong nang mga paa nito na gawa sa linso.

Lumapit siya sa Adi ng tahanan.

Siya ang unang bumungad sa Adi Dilshed habang kausap pa nito ang kanyang asawa at pinagsasabihang alalayang mabuti ang pagkuha nang kanyang mga gamit habang nakatayo siya sa dalampasigan at tinutungkuran ang dala niyang tikin. Wika niya sa matanda, “kamusta na po kayo?”

Lumingon ito sa kanya. Tinignan siya nito. Nakita niya ang hindi maipintang galit na nararamdaman nito, tago sa mga mata nito.

Ngunit kaysa matakot, ngumiti siya dito…ang makita muli ang Ading may matabing na dila ay kagalakan sa kanya.

May pangkulay ang mukha nito nang itim na makikita mula sa noo hanggang sa ilalim nang mga mata nito, sa ibabaw nang mga pisngi na may tata’u na isdang kataw.

Tanong niya, “natatandaan niyo pa po ba ako…Adi Dilshed?”

Ngumiti ang matanda…bagay na hindi niya inaasahan. Lumapit ito sa kanya. Sinubukan niya itong alalayan sa paglapit nito sa kanya, ibinigay nito ang kulubot na kamay nito sa kanya at kinuha niya ito.

Sa paglapit nito sa kanya. kakaibang inilapit nito ang kamay nito sa kanyang pisngi. Kakaibang Hinaplos nito ang matandang kamay nito sa kanyang pisngi at sinabi nito, “oo naman…ikaw, kamusta ka na Adi Makbule!” nang nakapagtataka at pilit ang mga ngiti nito.

Wika niya, “heto po, ito—”

Kasabay nito kagyat tinanggal nang Adi Dilshed ang kamay nito sa kanyang pisngi. At pagpuputol nito, “halika na! marami pa tayong kinakailangang gawin.”

Tinalikuran siya nito bago pa siya matapos sa pagsasalita. Pinaalalahanan nito ang Hadi Faysal at ang ilan sa mga katuwang nito na sila na ang bahala sa pagbitbit nang kanyang mga gamit. Kasunod noon nagsimula silang maglakad sa dalampasigan, patungo sa karwahe na ginamit nila upang sunduin ang Adi ng tahanan.

Sa kanilang paglalakad sa buhanginan, wika nang Adi Dilshed sa kanya, “hindi ko alam na nandito ka pa pala sa aming tahanan akala ko tuluyan mo nang tinalikuran ang tahanan nang mga Harith at bumalik sa iyong pinagmulan?”

Wika niya, “hindi ho… pinili ko po na manatili sa tahanan ng mga Harith. Kung nasaan ang aking asawa at ang aking mga anak!”

Tanong nang Adi Dilshed sa kanya, “sino?”

Wika niya, “ang Hadi Faysal…Adi!”

Wika nang Adi Dilshed sa kanya, “hindi mo na ako kailangan pang tawaging Adi, maaari mo naman akong tawaging amma tulad nang aking mga apo. Apo naman na rin ang turing ko sa iyo matapos mong asawahin ang aking mga apo!”

Wika niya, “salamat ho!”

Wika nito sa kanya, “magkagayonman…umalis na ako lahat-lahat at bumalik ikaw nanatili pa rin sa tahanan ng aking asawa at mga anak! Ganon mo ba talaga kinamumuhian ang buhay mo para sayangin lang ang mga nalalabi pang sandali ang aking buhay?”

Wika niya, “hindi naman po sa ganon!”

Wika nito sa kanya, “eh ano…malubha na ba ang iyong pangangailangan!”

Tumigil sila sa kanilang paglalakad. Wika niya, “may mga pangarap po ako Adi Dilshed. Hindi kasama sa mga pangarap na iyon ang pagsilbihan ka o ang iyong tahanan.”

Wika nito sa kanya, “alam ko…alam ko!

Nabaling ang kanyang pansin sa Hadi Faysal na kasunod nila.  Ngumiti ang Adi Dilshed sa kanya. Wika nito, “mapalad ang aking mga apo sa iyo…Adi Makbule. Hindi nila alam kung ano ang kaya mong gawin ngunit sa mahabang panahon nang aking pagkakakilala sa iyo alam ko kung ano ang kaya mong gawin para sa tahanang ito.”

Lumingon siya dito. Wika niya, “matagal po ang tiniis niyo bago makabalik dito!”

Wika nito sa kanya, “matagal pa ang titiisin mo!”

Bago ang kanyang pagbabalik, una nang dumating Adi Mahvash sa Ja’khar, ito ay matapos malamang namatay ang panganay nitong anak…at kinakailangang hintayin ito bago tuluyang sunugin ang labi nang Hadi Nasrin. Limang araw din ang tinanggal nang nangangamoy na labi nang dati niyang asawa. At nang dumating ang Adi Mahvash, agad na sinunog ang labi nang Hadi Nasrin nang araw din ng pagdating ina nito at asawa nang Hadi Mahdi.

Sa huli hindi rin ito nagtagal. Iniwan din nito ang Hadezar ng tahanan ng mga Harith. Ang huli nilang pagkakaalam sa dating Adi ng tahanan, ay naninirhan na ito sa isa sa mga isla nang liwanag nang buwan at naniniwala sa kapangyarihang tinataglay nang mga diyos na naninirhan sa ibabaw nang mga ulap at sa ilalim nang karagatan.

Ang Adi Dilshed ang unang sinakay ng kanyang asawa. Matapos noon tinulungan niya ang Hadi Faysal na ipasok sa loob ang mga gamit ng Adi Dilshed. Sumakay sa unahan ang kanyang asawa habang siya ang huling sumakay sa loob ng karwahe.

Sa taong tatlongdaan at dalawampu’t pito, napilitang lumisan ang tahanan ng mga Harith sa bayan at estadong lungsod nang Ja’khar. Sakay nang isang malaking balangay iniwan nila ang Ja’khar at wala silang nagawa kung hindi tumakas, marahil kailanman ay baka hindi na inaasam pang makabalik sa kabila nang nagaganap na kaguluhan sa loob nang estadong lungsod at dakilang bayan nang Ja’khar.

Nagsimula silang magbalotbalot nang gabing iyon upang lumikas sa tahanan nang mga Harith. Hindi nagtagal nagsimula nang magliwanag ang gabi. Mapula, mainit at nagbabaga ang kulay nang nagmumula, naninilaw at kumukulay kahel sa gabing madilim. Aligaga ang kanilang tahanan sa pagkilos. Dalidaling sinakay nang kanyang asawa ang kanilang mga anak sa mga asong-gubat. Unang lumikas ang kanyang mga anak. Hindi nagtagal, sakay sa karwahe na hilahila nang mga asong-gubat iniwan nila ang kanilang tahanan.

Sa kanilang pagbabalik sa tahanan nang mga Harith sakay nang karwahe tinanong nang Adi Dilshed Ang kanyang asawa kung kamusta na ang anak nito at ama nang kanyang asawa na si Hadi Mahdi.

Sinabi nang kanyang asawa na maayos naman ang kalagayan nang ama nito, na sa katunayan ay bumabalik na ang dating sigla na nawala dito.

Kasunod noon tinanong nito ang kanyang asawa kung kamusta rin ang Hadi Yasir at ang tahanan nang mga Barakat. Sinabi nang kanyang asawa na sa pagkakaalam nila ay maayos rin naman ang kalagayan nang tahanan nang mga Barakat, ayon sa kanilang naririnig at nalalaman.

Nagtaka ang Adi Dilshed. Tinanong siya nito kung hindi pa ba nila nakaka-usap ang kanyang kapatid matapos maganap ang karumalrumal nitong ginawa sa kanilang tahanan at sa tahanan ng mga Barakat. Bagay na kanyang sinang-ayunan at sinabing hindi pa.

Sinabi nang kanyang asawa sa amma na wala itong dapat na ipag-alala kung ikinababahala nang Adi Dilshed ang kinabukasan nang tahanan. Sinabi nang kanyang asawa na nagdadalang-tao ang Adi Hikmet sa pangalawang anak nito sa Hadezar nang tahanan ng mga Barakat.

Bagay na sinalungat nang Adi Dilshed at pinaalala sa kanila na hindi iyon ang naririnig niya, na tuluyan nang itinakwil nang Hadi Yasir ang pagiging Hadezar nito kasabay nang pagpaparayang ginawa nito sa tahanan nang mga Roshan upang hayaan lamang na ibigay ang pamunuan maging ang lahat ng mga nasasakupan nito sa tahanang pinagmulan ng asawa nito.

Na gayon tignan na lamang nila ngayon kung ano ang nangyayari sa tahanan nang mga Roshan hindi malayong sumunod ang tahanan ng mga Roshan sa kung ano ang kinasapitan ng mga Ardashir at mga Parvana gayon inaasahan na hindi magtatagal ay susundan din ito nang mga Barakat.

Sinabi niya na kailangang magbago ang kanilang lipunan kasabay nang pagbabago nang kanilang mga daigdig.

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Dilshed.

Datapwat hindi katanggap-tanggap pa rin para sa Adi Dilshed ang ginawa nang Hadi Yasir para sa tahanan nito at magtago sa likod nang kalungkutang nararamdaman nito. Na kung ito ang nasa lugar nang pinakabatang Hadezar mamarapatin nitong gawin ang lahat nang makakaya nito para ibalik ang nawalang sigla sa tahanan nito. Sinabi nitong sandali lamang ang bagay na iyon na wala itong pinagbago sa ilang beses na pagbagsak at pagkakamali nang isang tahanan halos isang libong taon na ang nakararaan.

Tinanong nang kanyang asawa kung ang Adi Dilshed ang magiging Hadezar nang tahanan ng mga Barakat paano pa ba nito maibabalik ang tahanan matapos ang pagkamatay nang unang anak nito. Tinanong nito ang amma kung ano ang gagawin nito

Sinabi nito sa kanila, na kung ito ang magiging Hadezar ng tahanan nang mga Barakat. Malamang matagal na itong kumilos at inayos ang tahanan nito at ginawa kung anoman ang kinakailangan nitong gawin upang maibalik ang tahanan nito sa kaayusan at panatilihin ang kapayapaan sa nasasakupan nito.

Tanong nang Hadi Faysal sa kanya ito ba ay gaya nang maghigante.

Bagay na sinalungat at tinanggi nang Adi Dilshed.

Tinanong nito ang kanyang asawa kung ano ang silbi nang paghihigante gayong tapos na at hindi na nila maibabalik pa ang buhay nang nawalay na bata. Hindi kamatayan sa Hadi Mahdi ang tunay na kasagutan, isa itong digmaan at hindi isang labanan na walang mauuwing panalo kung hindi patayan lamang, pagkamatay matapos nang isa pang pagkamatay.

Gayong hindi ito pinaniwalaan nang kanyang asawa.

Sinabi nang Adi Dilshed sa kanila na ang rebelyon ay hindi upang salungatin ang katwiran nang isa pa o nang gawain nang isa pa bagkus ang rebelyon ay dapat pagsang-ayon sa iisang layunin, magbigay nang salit na katwiran at salit na paraan. At bahalang ang kasaysayan ang maghusga kung ano ang makabubuti sa hindi.

Tinanong nang Hadi Faysal kung ito ba ang dahilan kung bakit gusto nitong patayin ang ama nang kanyang asawa, ang anak nang Adi Dilshed upang salitan ito nang makabubuti para sa tahanan nang mga Harith. Gayong wala itong idinulot kung hindi kaguluhan…

Sinabi nang Adi Dilshed sa kanyang asawa na parepareho lamang sila ng layunin, ang makabuti ang kanilang tahanan. Sinabi nang amma sa kanyang asawa na hindi nito kagustuhan na patayin ang Hadi Mahdi, ang sarili nitong anak, ang Hadezar ng tahanan ng mga Harith na ito mismo ang nagpalaki at nagturo nang lahat nang kinakailangan nitong malaman. Hindi kagustuhan nang Adi Dilshed na pangarapin ang pabagsak ng kanilang tahanan mula sa kagagawan nang kanilang mga kalaban— nang kanyang kapatid.

Inamin nito sa kanila na ito ang sa tingin nitong makabubuti… dahil hindi nakikita nang ama nang kanyang asawa ang tunay na anyo nang kanilang pamamahay, na kaysa isipin ang kabutihan nang tahanan ng mga Harith ay mas inaatupag pa ng impluwensya nito, kung paanong mapapalago ang pamana nito sa kanilang mga nasasakupan at sa kanilang tahanan.

Ito ang dahilan…hindi dahil labis na pagkamuhi.

Sinabi nang kanyang asawa sa amma na tulad nga nang sinabi ng Adi Dilshed tanging ang kasaysayan lamang ang makapaghuhusga sa kung ano ang makabubuti sa hindi.

Nag umagang ito, narating nila nag tahanan ng mga Harith. Unang bumaba ang kanyang asawa. binuksan nito ang lagusan nang yungib ng tahanan. Tinulungan niya ang kanyang asawa na maibaba ang mga gamit nang ina ng ama nito. Tinulungan niya ang Adi Dilshed na makababa sa karwahe. At tulad nang papaano din iniwan ng Adi Dilshed ang tahanan ng mga Harith, gayon din itong bumalik dito.

Tinulungan niya ang Adi Dilshed na makapanaog sa itaas. Nang narating nila ang madilim na pasilyo nang tahanan. Tinanong niya ang Adi Dilshed kung gusto ba nitong makita ang anak nito.

Lumingon ito sa kanya. Sinabi nito sa kanya na wala pa rin pinagbago ang kanilang tahanan bagay na kanyang sinang-ayunan. Tumango-tango ang Adi Dilshed. Sinabi nito sa kanya na gusto nitong makita ang Hadi Mahdi. Tinanong nito sa kanya kung nasaan na ba ito. Sinamahan niya ang matanda patungo sa loob nang pabilyo ng tahanan ng mga Harith.

Sa pagdating nila sa pasilyong nasa harap nang bulwagan ng tahanan

Nakita nito ang malawak na lupa sa gitna nang tahanan. Sinabi nito sa kanya na nasayang lamang ang mga halaman nito, matapos hindi maalagaan.

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Inalalayan niya itong makababa sa nakaangat na sahig nang tahanan. Mula sa mga baitang patungo sa malawak na lupain magkasama silang naglakad sa mga batong lakaran na nakabaon sa lupa. Sa kanilang paglalakad tanaw nila ang Hadi Mahdi na nakaupo sa isa sa mga upuan na malapit sa mahabang lamesa na nasa loob nang pamosong pabilyo. Tahimik ang matanda kasabay nang kanilang paglalakad.

At nang hindi inaasahan, agad na lumapit ang kanyang mga anak sa kanila. Nagbigay ang mga ito nang pagbibigay galang sa Adi ng tahanan…labis ang­­­­­­­­­­­­­­­­­­ pagkapungay nang mga ito sa pagkawalay sa kanilang amma. Niyakap nang Adi Dilshed ang kanyang mga apo. Tinanong niya kung kamusta na ang mga ito. Sinabi niya sa mga ito ang pakiramdam na hindi makita ang kanyang mga apo ng mahabang panahon.

Nabaling ang pansin nang Adi Dilshed sa hadi Mahdi. Nakita nila ang Hadezar na nakatingin sa kanila. Nakatayo sa loob nang pabilyo at pinagmamasdan sila. Sinubukang tumayo nang Adi Dilshed na mag-isa nang hindi niya inaalalayan. Binitawan niya ang kamay nito at hawak ang tungkod nito, nagsimula itong lumapit sa anak nito.

Nagsimulang lumapit ang Hadi Mahdi sa kanila. Sa paglapit nito sa Adi Dilshed, nagbigay ito nang pantawag na pamitagan sa Adi ng tahanan. Kasunod noon tinawag nang Hadi Mahdi ang Adi Dilshed na ina. Ibinigay nang Adi Dilshed ang kamay nito sa anak.

Wika ng Adi Dilshed, “kamusta ka na Mahdi! Matagal din tayong hindi nagkita.”

Sinubukan nang Hadezar na lumuhod sa harapan ng ina nito at nang lumuhod ito, hinalikan nito ang likuran nang kamay nito. Na sinundan nang pagmano at paghingi ng kapatawaran sa lahat nang mga ginawa nitong hindi magaganda habang wala ito sa Ja’khar.

Hinawakan nang Adi Dilshed ang maubang buhok nang anak. Hinaplos ito nang Adi Dilshed. Wika nito sa anak, “pareho na tayong matanda.”

Sa taong tatlongdaan at dalawampu’t pito, napilitang lumisan ang tahanan ng mga Harith sa bayan at estadong lungsod nang Ja’khar. Sakay nang isang malaking balangay iniwan nila ang Ja’khar at wala silang nagawa kung hindi tumakas, marahil kailanman ay baka hindi na makabalik pa sa bayan at tahanang kinalakihan nila.

Nagsimula silang magbalotbalot nang gabing iyon upang lumikas sa tahanan nang mga Harith. Hindi nagtagal nagsimula nang magliwanag ang gabi. Aligaga ang kanilang tahanan sa pagkilos. Unang sinakay ang kanilang mga anak sa mga asong-gubat na kanilang sinundan sa pag-alis nila sa tahanan ng mga Harith sakay nang isang karwahe na hilahila rin ng mga asong-gubat.

Naiiba ang araw na iyon. Muling nagkalat ang mga palawit sa buong Ja’khar. Namutawi ang mga matitingkad na kulay lila, limbaon at mga pulang-magulang sa buong mga daanan sa loob nang bayan. Nang araw na iyon muling binuksan ang pagdiriwang at ang kapistahan ng mga mangingisda.  Pinalibutan ang mga debuho ng mga Hadezar ng mga hagdanan na gawa sa kawayan at mga malalaking plataporma na nakadikit dito.

Ang dalampasigan ay may mga gawang nakalatag na matataas na platapormang may panlaban sa init mula sikat nang araw nang pananghalian, hindi nalalayo ang mga pag-alon ng mga tubig sa dagat.

Nang tanghaling ito pinagsaluhan nila ang karne nang baboy at isdang matangbaka kasama ang Hadi Batul at Adi Ismat na inimbitahan nang Hadezar.

Kinahapunan, hinugasan niya ang mga pinagkainan nila habang nakikipaglaro ang kanyang mga bunso sa kanyang mga apo at kausap nang Adi Dilshed ang kanyang panganay at ang asawa nito.  Nalaman nang Adi Dilshed kung ano ang nangyayari sa loob nang tahanan ng mga Barakat ng hindi nila nalalaman. Bagay na ikinagulat nito ang mga hindi inaasahang mga kaganapan.

Sinabi nito sa kanya na walang natira sa Ja’khar kung hindi kahihiyan at karuhaginan. Nang gabing iyon, inayos niya ang tulugan ng Adi Dilshed at matapos ang hapunan nila, pinatulog niya ang matanda. Umalis nang silid nito at iniwan itong nag-iisa.

Lumabas siya sa silid nito at naglakad sa madilim na pasilyo. Nabaling ang kanyang pansin sa Hadi Mahdi na hanggang ngayon ay naroroon pa rin sa loob nang pamosong pabilyo at nag-iisa at umiinom nang nakakalasing na inumin mula sa bunga nang Agave.

Nang hindi inaasahan, nagbukas ang lagusan nang kanilang tahanan at nakita niya ang Hadi Yasir na papasok sa loob. Nagtaka siya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari…kung ano ang dahilan kung bakit nandito sa loob ng tahanan ng mga Harith ang kanyang kalaban.

Nakita niyang tumayo ang Hadi Mahdi. Mistulang inaasahan na nito ang pagdating ng Hadi Yasir.  Pumasok ito sa loob nang pabilyo at nagbigay nang paggalang sa kanyang ama.

Bago matulog ang kanyang mga anak, ikinuwento niya sa mga ito ang bulalakaw na tumama sa kanilang daigdig matagal at mahabang panahon na ang nakakaraan na naging dahilan ng pagkamatay nang maraming mga hayop at pagkaubos nang halos maraming mga tao sa buong mundo.

Nang tumama ito sa lupa ay nagdulot ito nang matinding lindol, umulan nang mga apoy sa lupa at nilamon nang dagat ang buong Soluna. Sinabi niya sa kanyang mga anak nabuhay sila…at naging masagana ang buong lupain na ang tanging naiwan ay ang mga higanteng mga bato na nagkalat sa nakapaligid na kakahuyan sa buong Soluna.

Sinabi niya sa kanyang mga anak kung ano ang ibig sabihin nito. Na ang kanilang daigdig ay nilikha sa isang kaguluhan at ang mga bulalakaw, na tumama sa kanilang daigdig at nagbigay sa kanila nang iba’t ibang mga lupain at naging sagana ang kanilang mundo ay isang kabutihan hindi nila dapat na ipagkait.

Sinabi niya sa kanyang mga anak na wala silang dapat katakutan. Maaari matakot subalit sandali lang.

Sinabi nang Hadi Malik na matapang siya at wala itong kinatatakutan. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Magkagayonman kung mangyari ang bagay na iyon ulit…at hindi na sila magkita pa binilinan niya ang kanyang mga anak na magpakatatag…at isumpa sa kanya na aalagaan nang mga ito ang isa ‘t isa.

Pinilit niya ang mga ito na mangako sa kanya…at nangako ang mga ito sa kanya.

Matapos ang kanilang kwentuhan at pagbibigay nang mga hinuha pinatulog niya ang kanyang mga anak. Hinalikan niya ang mga noo nito at iniwan ang mga ito saka lumabas nang silid nang mga ito.

Nang gabing iyon patuloy ang pakikipagkwentuhan nang Hadi Yasir sa kanyang Hadezar.

Dinilat niya ang kanyang mga mata. Bumangon siya mula sa kanyang pagkakahiga sa tabi ng kanyang asawa nang araw na ito. Tumayo siya sa kanilang higaan. Sinimulan niya ang araw na ito tulad nang mga nakagawian sa nakalipas na mga araw. Nagbihis siya. Lumabas nang kanilang silid. Nagtungo sa silid nang kanyang mga anak. Sinilip ang mga ito bago siya bumaba sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan. Bumaba sa ikalawang palapag. Pinuntahan ang Adi Dilshed at tinignan kung gising pa ito.

Nang nakitang gising na ang amma, tinanong niya ito kung gusto ba nito ng mainit na tsaa bagay na sinang-ayunan nang Adi Dilshed. Bago siya umalis nagpasalamat ito sa kanya. Matapos noon, iniwan niya ito sa tinutuluyan nitong silid.

Ang Adi Hikmet

Bumukas ang lagusan nang tinutuluyang silid ng Adi Hikmet. Narinig niya ang pagtawag sa kanya nang kanyang ina. Kaagad naglaho ang kanyang pansin sa sarili niyang larawan na kanina niya pa pinagmamasdan habang nakaupo sa upuang may sandalan at nakaharap sa malabong salamin na gawa sa itim na bato, sa harap nang lamesa na pinaglalagyan nang kanyang mga gamit at adorno sa katawan.

Narinig niya ang tinig nang kanyang ina. Narinig niyang tinawag siya nitong anak, na ngayon niya lamang ulit narinig matapos ang mahabang panahon nang pagkakawalay sa kanyang mga magulang. Wika nang kanyang ina, “nakahanda na lahat, ikaw na lang ang hinihintay.”

Lumingon siya sa Adi Arwa. Hawak niya sa kanyang kamay ang mga perlas na palawit na nakatahi sa panali sa kanyang buhok. Nasa kanyang harapan at naka-ibabaw sa rabaw nang lamesa ang maliit na suklay na mula sa Qaa’ur.

Nag-aalangan siyang magsalita. Sabihin kung anoman ang kanyang pinangangambahan. Ayaw niyang isipin na totoo ang lahat nang mga nangyayari sa kanyang sarili. Ang pagkamatay nang kanyang anak, ang gabing nagdaan lalong-lalo na ang isipin na hindi na siya magiging ina pa tulad nang pagiging magulang niya sa Adi Atilla.

Binaba niya ang perlas na kanina niya pa nilalaro sa pagitan nang dalawa niyang mga daliri sa lamesa. Kinuha niya ang gunting sa maliit na lalagyang kahon na gawa sa kahoy. Tinanong niya ang kanyang ina kung maaari ba nito siyang tulungan.

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Arwa.

Ginupit nang kanyang ina ang kanyang buhok. Inalmuhasan ito nang langis na may mabangong insenso. Ginupit hanggang sa ibabaw nang kanyang mga balikat at pinagtulungang ayusin sa pagtitirintas nang kanyang buhok.

Matapos noon nagbihis siya. Nagsuot siya nang babero na gawa sa balat nang hayop. Tinulungan siya nang Adi Arwa na itali ito sa kanyang katawan sa ilalim nito nakasuot siya nang kulay bughaw na langit na panloob na palda na ang laylayan ay hanggang sa bukung-bukong nang kanyang mga paa at may mga burda nang mga halamang mais. Inibabawan niya ito nang itim na kulay na sari na may mga burda nang mga bulaklak na tambis na mula sa tanso at gintong sinulid. Tinali niya sa kanyang katawan ang isang sinturon na may gintong hebilya, sinuot ang singsing nang kanyang asawa na minana pa nito sa ina nito, at singsing na biyaya sa kanya nang Hadi Khalil bago ito pumanaw.

Matapos noon lumabas siya sa kanilang tinutuluyang silid mag-asawa. Nakita niya ang kanyang mga kapatid, ang asawa nang Hadi Batul na si Adi Ismat, ang kanyang mga pamangkin, ang kanyang ama, higit sa lahat lalong-lalo na ang kanyang asawa na nakasuot nang itim na Báta na walang mga manggas at may habi nang mga tulad sa mga balat nang ahas kagaya sa mga tata’u na nasa balikat at braso nang kanyang Hadezar, at saluwâl na kulay lila na may mga itim na burda nang mga isdang Bakunawa. Labas ang matingkad at nagmumurang mga burdadong tata’u nang Hadi Yasir sa mga braso at kamay nito, sa balikat at sa mga binti nito. Nakaayos ang buhok nito, nakatali sa likuran at ahit ang mga balbas at bigote.

Ito ang kanyang asawa…ang una niyang nakita at nakilala sa mga baitang nang tore ng mga Hadezar.

Lumapit siya sa mga ito. Bumaba siya sa isa mga nakaangat na sahig ng pasilyo. Tumabi siya sa kanyang ina. Hindi niya magawang itago na mabaling ang kanyang pansin sa kanyang asawa. Nakikita niya dito ang suliranin na kanyang nararamdaman at kinahaharap. Ang kalungkutang sabay nilang nararamdaman at hindi maipinta nang kanilang mga ikinikilos.

Lumapit sa kanila ang kanyang ama. Ibinigay nito sa kanyang asawa ang hawak nitong sulo. Tinanggap ito nang Hadi Yasir. Kinuha ito sa kanyang ama at kasunod noon nagtungo ang kanyang asawa sa kung nasaan ang siga at ang labi nang kanilang panganay upang sunugin.

Hindi nagtagal sinimulan nitong silaban ang siga at ang labi nang kanilang panganay, gamit ng hawak nitong sulo. Nagsimulang magliyab ang siga at hindi nagtagal unti-unting tinupok ang siga at ang labi nang kanilang anak habang pinanood nila ito kasama ang tahanan ng mga Roshan sa malawak na lupain sa gitna nang ikalawang bahagi nang tahanan ng mga Barakat.

Nang gabing ito nakita niya ang kanyang asawa na nag-iisa at umiinom sa loob ng pabilyo ng tahanan. Lumapit siya dito.

Nakita siya nito.

Sa paglapit niya dito lumingon ito sa kanya. Hiningi niya sa kanyang asawa ang hawak nitong baso na may lamang nakakalasing na inumin.

Ibinigay ito ng Hadezar.

Uminom siya nang nakakalasing na inumin. Gusto niyang magpakalasing. Kalimutan ang lahat ng mga nangyari nang araw na ito nang gabing iyon. Magpakatanga sa kanyang mga nararamdaman.

At nang ininom niya na ito nagtaka siya.

Gayon tanong niya sa kanyang asawa, “tubig?”

Inabot nang Hadi Yasir ang isang baso na nasa ilalim nang upuan at ibinigay ito sa kanya nang Hadi Yasir at ipinagpalit niya ang hawak niyang basong may lamang tubig.

Wika nang kanyang asawa, “sumasakit ang sugat ko kapag umiinom ako!”

Wika niya, “at nagpapanggap kang hindi ka lasing!”

Wika nito sa kanya, “kaunti lang… nakainom lang!”

Nagtungo siya sa upuan na nakaharap sa kinauupuan nang kanyang asawa sa loob ng pamosong pabilyo ng tahanan ng mga Ardashir. Umupo siya. Ngayon pinapagitnaan sila nang isang mababaw na lamesa na depormado ang itsura at inayon sa pinutol na tangkay nang puno. Makikita dito ang mga guhit na nakapaikot. Nakapatong dito ang pitsel na naglalaman nang nakakalasing na inumin. Inabot niya ang pitsel, kinuha niya ito at sinalukan ang hawak niyang baso na galing sa kanyang Hadezar.

Binaba niya ito sa lamesa. Pinatong sa ibabaw at kasunod noon uminom at saka sinandal ang likuran sa malapad na sandalan nang upuan sa loob ng pabilyo nang tahanan.

Tanong niya sa Hadi Yasir, “akala ko ba hindi ka na umiinom?”

Wika nito sa kanya, “ngayon lang!”

Uminom siya sa nang kaunti.

Tanong nito sa kanya, “iiwan mo ba ako…”

Wika niya dito, “maraming kinakailangang ayusin sa bahay na ito, kung gugustuhin natin ditong tumira nang matagal. Marurupok ang mga sahig sa itaas, sira-sira ang mga kisame. May mga lumot ang mga bubong at maraming agiw ang mga sulok.”

Wika nito sa kanya, “pwede nating baguhin ang buong tahanan kung gugustuhin mo?”

Tanong niya dito, “sa tingin mo?”

Tugon nito sa kanya, “bakit hindi!”

Wika niya, “magiging matrabaho nga lang ang bagay na iyon…”

Wika nang Hadi Yasir, “oo…pero kung gusto nating magsimula nang panibago bakit hindi tayo magsimula sa simula! Ang unang bahagi ay ang mga imbakan, silid-lutuan…pwedeng kang magtanim sa isang sulok, at ang ikalawang bahagi ang ating magiging tahanan. Babawasan natin nang mga silid ang unang bahagi, palalakihin ang bawat silid. Ililipat ang lahat nang tulugang silid at ang ikalawang palapag sa ikalawang bahagi.”

Wika niya dito, “pwede…kaya lang saan mo ilalagay ang paliguan?”

Wika nang kanyang asawa, “iniisip ko bakit hindi nating lagyan nang malalaking mga banyera at arinola ang bawat silid nang tahanan. Gagawa tayo nang malalaking lagayan nang tubig at mga lutuan sa malaking silid lutuan.”

Tanong niya, “at ang mga hayop!”

Wika nito, “ililipat ko sa kabila ang kulungan!”

Wika niya, “gusto ko ang iniisip mo! Maaaring kaysa gumawa pa tayo nang malaking bulwagan buksan natin ang pagitang naghihiwalay sa dalawang bahagi at gawin itong isang malaking silid. May mga haligi at mga kurtinang linso.” Gayon pagtataka niya, “paano ang mga gamit?”

Wika nito, “pwede pa rin naman nating gamitin ang mga nakuha natin sa loob ng imbakan.”

Wika niya, “oo! —at ang pabilyo?”

Sinabi nito, “wala akong nakikitang masama kung pananatilihin pa natin ito…”

Wika niya, “siguro marapat lang na tanggalin na ito.”

Tanong nang Hadi Yasir, “sigurado ka?”

Wika niya, “oo!”

Wika nito sa kanya, “mabuti kung ganon.”

Wika niya, “gusto kong maghigante sa ginawa nila sa atin…sa pagpatay nila sa aking anak!”

Tanong nang Hadi Yasir sa kanya, “sa tingin mo may magagawa ang paghihigante mo?”

Wika niya, “hindi na mahalaga…pero iyon ang makapagpapatahimik sa akin…”

Wika nito sa kanya, “kung ganon hayaan mong ako ang gumawa!”

Wika niya, “ayoko!”

Wika nito, “ano ang gagawin mo, susugurin mo sila…papatayin mo ang Hadi Mahdi, sa tingin mo ganon kadali ang gusto mong gawin?”

Wika niya, “bakit hindi? Anong masama kung hingin ko ang buhay nang Hadezar nang tahanan ng mga Harith kapalit nang buhay ng anak ko. Namamaga ang katawan ko, nasasaktan ako…”

Wika nito, “ako rin! Kamusta ka na Adi Hikmet.”

Wika niya, “hindi mabuti…”

Wika nito sa kanya, “madali kung pipiliin nating saktan ang Hadi Mahdi, patayin siya, pero hindi natin pwedeng piliin ang madali. Hayaan mong akong ang gumawa nang paghihigante. Sinisiguro ko sa iyo at tinatiyak ko, hindi lang ang Hadezar ang mananagot sa pagkamatay nang ating anak…gayon din ang pagbagsak nang tahanan ng mga Harith.”

Wika nang Adi Hikmet, “hindi ko alam kung magagawa pa kitang bigyan nang anak…”

Binaba nang Hadi Yasir ang basong hawak nito sa ibabaw nang lamesa. Tumayo ito sa kinauupuan nito. Hindi niya magawang tignan ang kanyang asawa. Hindi niya alam kung ano makikita niya sa Hadi Yasir. Wala siyang narinig ditong kahit ano.

At nang tignan niya ito tuluyan na siya nitong tinalikuran. Naglakad papalayo sa kanya. Lumabas nang pabilyo nang tahanan hanggang sa tuluyan na siya nitong iniwan.

KABANATA DALAWAMPU’T TATLO:

Ang Hadi Yasir

Binaba ko ang Adi Atilla sa kuna nito na malapit sa aming kama. Sa likuran nang aking mga mata nakita ko ang anino nang aking asawa na papasok sa aming silid. Lumapit siya sa akin.

Sinabi ko sa kanya, “tulog na siya…” ang aking anak bulong ko sa aking sarili. Tanong ko sa Adi Hikmet, “tapos ka na bang maligo?” kasabay nang aking paglingon ang ngiti sa aking mga mata ay biglang napalitan nang magkahalong kasawian at pagkagulat.

Wika niya sa akin, “Iyi’ Okshem Hadezar!”

At naramdaman ko ang panaksak sa aking katawan na gumagapos sa aking paghinga at gumugunaw sa aking pagkatao. Isa itong nagbabagang apoy na nasa loob nang aking katawan. Sinusunog ang aking laman. Tinutunaw ang bawat litid at balat. Napakainit nito sa pakiramdam na para kang nasusunog gayong napakalamig at kinikilabutan ka mula ulo hanggang paa.

Pagmamakaawa ko sa Hadi Nasrin, “huwag…” gayong hinugot niya sa aking katawan ang kanyang panaksak. Sa una hindi ko ito naramdaman sa halip nakita ko ang pagtulo nang luha sa kanyang mga mata…hindi ko maintindihan—bakit mo ito ginagawa. Sa gayon pagkatanggal niya nang panaksak sa pagkakatarak nito sa aking katawan, saka ko lamang tuluyang naramdaman ang hapdi at kirot nang idinulot nito sa akin sarili. Sinubukan kong kumapit sa kuna nang Adi Atilla, pero hindi ko ito naabot. At nang bibigay na ako mula sa aking pagkakatayo at malapit na akong bumagsak agad sinalo niya ako, niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Kung ano ang nangyayari.

Naramdaman ko ang pagtulo nang dugo sa aking katawan. Ang paglabas nito na tila bukal at bumabahid sa aking mga kamay na pilit na pinipigilan ang pagtagas mula sa pagdaloy nito sa loob nang aking katawan. Basa ang aking kamay nang dugo. Unti-unti nang lumalabo ang aking mga paningin at gumugunaw ang aking mga nakikita. Naramdaman ko ang kanyang labi sa aking leeg. Hinalikan niya ako sa leeg at kasunod noon hinawakan niya ang aking mukha at hinalikan niya ako sa labi.

Tinulungan niya akong makaupo sa sahig isinandal niya ang aking katawan sa paanan nang aming higaan nang aking asawa. Nakita ko ang kanyang mukha, ang dugo sa kanyang suot na damit sa hawak niyang patalim…ang mga Anino na nasa labas nang aming silid nang aking asawa. Tinignan niya ako, kinaawaan niya ba ako?

Kasunod noon iniwan niya akong nakaupo. Lumapit siya sa kuna kung nasaan ang aking anak. Kinuha niya ang Adi Atilla sa kuna. Hindi ko alam—mali—hindi…hindi, hindi iyon maaaring mangyari. Hindi ko hahayaang saktan niya ang aking anak.

Nabaling ang aking pansin sa kanya. Sinubukan kong makiusap…sinubukan ko, hindi ko kaya. Pinikit ko ang aking mga mata. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig. Sinabi ko, “pakiusap!”

At kasabay noon, sa hindi ko inaasahan narinig kong inawit niya ang awit na kinakanta ko madalas sa Adi Atilla.

Matulog na mabuti,

upang lumaki ka nang maigi.

Magpakabait, at hindi matutong

Magsinungaling,

Matulog na…

Matulog na.

“Napakagandang awit hindi ba?” Tanong niya sa akin. “Uyqu’ö…volim matulog na mahal! Hindi ko alam na may maganda pa palang maaaring magmula sa tahanan ng mga Barakat. Nagtataka ka siguro kung bakit alam ko ang awiting ito?” Nabaling ang kanyang pansin sa akin. Naglaho ang ngiti sa kanyang mga mata at ang lungkot sa kanyang mga labi ang labis na nagbibigay sa akin nang pagkabagabag. Dagdag niya, “narinig ko itong kinakanta nang aking kapatid sa aming unang anak, at ang iyong kapatid. Doon akong nagsimula maghinala na may namamagitan sa kanilang dalawa! Sa awiting ito—sinimulan ko siyang saktan— ang pinakamamahal mong kapatid. Hindi ko gustong saktan ang Adi Makbule, pero inagaw niyo sa akin ang lahat…kinuha niyo sa akin ang pagmamahal nang aking ama, ang pagmamahal nang aking kapatid at ngayon ang aming tahanan.” Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi habang hawak niya ang patalim na ginamit niya sa akin. “Bakit—”

“Ano ang ginagawa mo, bakit hindi ka kumilos?”

Muli nabaling ang aking pansin sa Hadi Nasrin.

Dagdag niya, “bakit pilit niyong inaagaw ang lahat-lahat nang sa akin, ano ba ang ginawa kong pagkakamali para ganituhin niyo ako?”

“Tumayo ka na…ano pa ang hinihintay mo… bakit hindi ka pa kumilos?”

Wika nang Hadi Nasrin, “aagawin ko ang lahat sa iyo, ang aking ama, ang aking kapatid, ang iyong tahanan lalong-lalo na ang pinakamamahal mong anak. Sisiguraduhin kong walang matitira sa iyo.”

“Hindi mo ba nakikita, pinagtitinginan ka nila? HADEZAR!”

Pagpapatuloy nang Hadi Nasrin, “alam mo, hindi ba”

“Ikaw ang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat!”

HADI NASRIN: “Alam mong nang pinanganak ang iyong anak ay mamatay din siya.”

“Tungkulin mong panagutan kung sinoman ang umaasa sa iyo…kailangan ka nila. Hadi Yasir.”

HADI NASRIN: “na ang kanyang kapanganakan ang kanyang magiging kamatayan?”

“Hindi mo ba naiintindihan, kung mawawala ka paano ang iyong kapatid, ang iyong asawa. Sino ang tutulong sa kanila? Ikaw lang ang makagagawa nang mga kaya mong gawin…anak!”

Bulong ko, “Hadi Walid…”

Walang katapusang pagsasalita nang hambog na Hadi, “huwag kang mag-alala hindi siya ang dahilan, kahit kailan hindi siya magiging dahilan nang kanyang kamatayan.”

Wika ko, “Huwag…ako na lang, ako na lang ang patayin mo…”

Wika niya, “sige! Wala naman akong intensyon patayin ang iyong anak. Pero kapag pinatay kita paano ka nakakasiguro na hindi ko papatayin ang iyong anak?”

Wika ko, “dahil hindi mo kaya…hindi ka mamamatay!”

Wika niya, “nagkakamali ka pinatay ko ang Adi Atiya. Pinagpirapiraso ko ang kanyang katawan at itinarak ang bawat bahagi nang kanyang katawan sa bawat sibat at pinalandakan sa bawat lansangan.”

Wika ko, “hindi…”

Wika niya, “Oo!”

Pagpupumilit ko sa kanya, “ang Hadi Mahdi, siya ang pumatay sa Adi Atiya!”

Wika niya, “ako ang pumatay sa Adi Atiya. Pinaghigante ko siya laban sa kanyang ina. Sa lahat nang pagtanggi nang kanyang ina kung sino siya at ano siya. Sinong ina ang makagagawa na makipagtalik nang paulit-ulit sa kanyang anak at tanggalin ang nararapat nitong pagkatao, ang magmahal nang kung sino ang dapat nitong mahalin, nang walang panghuhusga? Kita mo na wala kang alam, hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin? —Mahal na mahal ko siya Hadi Yasir pero inagaw mo siya, at wala kang itinira para sa akin!”

ANG KASAYSAYAN NANG TATLONG BABAE

Ang Adi Makbule

Nagpaalam kami sa aking kapatid at sa kanyang asawa nang umagang ito, alam kong ito ang huli naming pagkikita bilang magkakampi nang Hadi Yasir. Nararamdaman ko na tuluyan nang naghiwalay ang aming mga landas. Siya, ang aking kapatid bilang ang tunay na Barakat, ako bilang ina nang mga Harith.

Sinabi nang aking asawa kung ano ang napag-usapan nila nang aking kapatid sa maaaring mangyari para sa tahanan nang mga Harith. Hinimok nang aking kapatid na makipagbati ang aking asawa sa kanyang ama sa gayon mapalapit ang Hadi Faysal sa kanyang ama matapos ang mahabang panahon nang pagkakawalay nito, at hindi nila pagkikitang dalawa.

Matapos ang libing sa aking pinakamamahal na kapatid na si Adi Sule tuluyan naming iniwan ang aking kapatid sa mga magpalalang na mga asong-gubat nang tahanan ng mga Roshan, tago sa kanilang mga pinapakitang kabutihan ang tunay nilang hangarin na mapabagsak ang aming tahanan—hindi, mali— ang tahanan nang aking kapatid.

Nagsabi siya sa akin na makabubuti kung pumaroon muna ang Hadi Mahsa at Hadi Malik sa tahanan nang mga Roshan habang patungo kami sa tahanan ng mga Harith. Alam ko…at wala akong magagawa.  Iniwan ko ang aking mga bunso sa pangangalaga nang aking panganay na anak at sa tahanan nang kanyang asawa. Nagpaalam ako sa Hadi Mahsa at Hadi Malik. Sinabing kukunin ko sila matapos lamang ang lahat nang mga nangyayari ngayon.

Walang pagpapaalam. Walang hanggang sa muli…makabubuti na ang ganito ang walang pangako.

Una kaming umalis sa tahanan nang mga Barakat. Sakay sa isang asong-gubat iniwan namin ang tahanan ng mga Barakat at bumalik sa pinagmulang tahanan ng aking asawa, ang tahanang pinili ko kaysa sa aking kapatid.

Binagtas namin ang kahabaan ng daan nang panaghoy. Dumating kami sa kinasasakupang lupain nang tahanan nang mga Parvana, narating namin ang malalawak na taniman ng mga asin, ang pagawaan nang mga sasakyang pandagat at hindi nagtagal, narating namin ang kinasasakupan nang tahanan ng mga Harith.

Walang kibo ang Hadi Faysal sa buo naming paglalakbay pabalik sa kanyang kinalakihang tahanan. Matagal din siyang hindi nakabalik sa tahanan ng mga Harith. Nag-aalala ako para sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang mga maaaring mangyari…Maraming gumugulo sa aking isipan. Nangangamba ako na baka walang patutunguhan ang aming pagbabalik sa tahanang kanyang kinalakihan. Nangangamba ako na baka kung hingin niya ang kapatawaran ng kanyang ama ay hindi ito pagbigyan.

Ang Hadi Nasrin—paano kung magkita kami ng Hadi Nasrin?

Ang totoo— ang totoo hindi ko alam kung ano ang binabalak nang aking kapatid! Kung ano ang tunay niyang layunin kung bakit niya ito ginagawa? Kung isa ba itong patibong laban sa tahanan ng aming mga kala— mali, hindi—laban sa tahanan ng kanyang mga kalaban. Ngayon, nauunawaan ko na! Mas naiintindihan ko na kung ano ang totoo…

Bago kami umalis, sinabi sa akin nang aking asawa na ginagawa ito nang Hadi Yasir upang makuha namin ang tahanan ng mga Harith sa Hadi Mahdi. Sige, kung iyon ang totoo—paniwalaan mo kung ano ang kailangan mong paniwalaan—Iyon ang paliwanag niya…iyon ang alam ko. Hindi nagtagal narating namin ang tahanan ng mga Harith. Tinulungan niya akong makababa sa sinasakyan naming asong-gubat.  Iniwan niya ako sa harapan nang tahanan habang bumaba siya at dinala ang aming alaga sa loob nang yungib nang tahanan.

Ganitong-ganito din ang araw na iyon, nang niyaya niya akong umalis, at nagpaalam siya sa akin at iniwan niya ako, at wala akong nagawa kung hindi manatili sa tahanang ito. Tinitignan ko ngayon ito, ang palasak, at walang gandang tahanan na walang idinulot sa akin kung hindi sakit at pahirap sa mga kalunuslunos nilang ginawa laban sa akin at sa aking tahanan— mala, hindi— sa akin…sa akin lang nang tahanan natutunan ko nang mahalin, nang tahanang pinagmulan nang aking mga asawa! Kahit papaano nang kinikilala kong mga asawa. Hindi ko mapapatawad ang Hadi Mahdi lalong-lalo na hindi ko mapapatawad ang Hadi Nasrin.

Binalikan niya ako. Nagtaka ako.

Lumapit siya sa akin. Sinabi niya, “halika na!” Tumango-tango ako at hinawakan niya ang aking kamay. Naglakad kami na magkahawak ang mga kamay namin. Ngayon niya lang ulit hinawakan ang kamay ko. Ang saya-saya ko…dagdag niya, “nanna” Saka niya binuksan ang pintuan ng lagusan, at bumungad sa amin ang tahanan ng mga Harith.

Naglaho ang pansin ko sa kanya kasunod noon binaling ko ang aking pansin sa tahanan ng mga Harith. Nakita ko ang tahanan ng mga Harith at ang saya sa aking mga labi ay agad na napalitan ng hindi inaasahang pagkagulat. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ito. Ang ganda at katangi-tangi sa tahanang kinaiinggitan nang lahat ay tuluyan nang napalitan ng hindi maipaliwanag na karumalrumal, masahol, masukal at magulong tahanan, ngayon hindi ko na halos makilala pa ang tahanang kinalakihan nang aking mga anak.

Nakakalungkot na isipin na ganito lang ang mangyayari sa tahanan ng mga Harith sa gitna nang digmaang ito at ang saya-saya ko. Ang saya-saya ko…

Binaling ko ang aking pansin sa aking asawa. Hindi ko magawang ngumiti sa harap nang aking pinakamamahal—hindi—wala na akong maramdaman pa na kahit ano sa ama nang aking mga anak. Mahal ko ang aking mga anak, siguro mahal ko ang Hadi Faysal…pero ang pagmamahal na iyon ay nagsisilbi na lamang katwiran hindi ko kakayanin at hindi ko gugustuhin na bumalik pa sa Hadi Nasrin. Tinignan ko siya nang palasak at may pagtataya. Tinignan ko ang kanyang mukha, kung ano ang kanyang mararamdaman. Pinakita ko kung ano ang kinakailangan niyang maramdaman. Ang kalungkutan sa aking mga mata…ang pagkahabag sa kanya at ang pag-aalala para sa isang asawa na nagmamahal sa kanyang asawa. Lumingon siya sa akin. Bagkus…ngumiti siya sa akin. Tanong niya, “halika na?”

Hindi ko magawang ngumiti…ang saya-saya ko. Gusto kong tumawa nang malakas. Humalakhak.  Gumapang sa buhangin sa kakatawa—nakakaiyak, hindi ba?

Tumugon ako sa kanya. Tinalima ko ang kanyang pag-aaya. Sumang-ayon ako. Kasunod noon pumasok kami sa loob nang tahanan ng mga Harith. Tila pinaglalaruan yata ako nang tadhana. Gustong-gusto kong umalis dito, babalik din pala dito. Walang nakakulong sa pagkakamali dito sa Ja’khar pero ako sa loob nang mahigit dalawampung taon…nakakulong ako sa tahanan ng mga Harith.

Sa pagdating namin sa loob sinabi ko sa aking asawa na tignan niya ang loob nang pabilyo.

Bagay na kanyang ginawa. Binitawan ko ang kanyang kamay. Nagpasabi ako sa kanya na pupunta ako sa itaas, sa dating tinutuluyan kong silid. Bagay na kanyang pinayagan. Nagkahiwalay kaming dalawa. Pumasok siya sa loob nang pabilyo nang tahanan ng mga Harith habang ako, pinanood ko ang kanyang pagpasok, at nang tuluyan na siyang nakapasok sa loob nang pabilyo. Iniwan ko siya kasama ang kanyang ama na naroroon sa loob nang pabilyo nang tahanan nang mga Harith. Habang ako pumasok ako sa loob nang tahanan ng mga Harith. Pumunta ako sa loob nang yungib nang tahanan. Wala akong nakitang kakaiba sa loob nang yungib nang tahanan nang mga Harith. Datapwat nagtataka lamang ako…katakataka lang? Hindi ko pa nakikita ang Hadi Nasrin…kung sa bagay bakit ko naman siya gustong makita.

Binuksan ko ang yungib nang tahanan ng mga Harith. Hindi pinasok nang aking asawa ang aming alaga. Hindi nakabukas ang yungib…nakasarado ito sa labas. Umakyat ako sa itaas, pumunta ako sa ikalawang palapag nang tahanan at nagtungo sa silid naming dalawa nang aking asawa.

Sa aking paglalakad hindi ko mapigilang hindi mabaling ang aking pansin sa kung ano ang nangyayari sa ibaba nang tahanan. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad.

Pumasok ako sa loob nang aming silid nang Hadi Nasrin. Sa pagpasok ko halatang hindi ba nagagalaw ang buong silid. Nakatiwangwang pa ang hindi maayos na higaan, nakakalat pa ang gamit nang aking asawa, nakatiwawang sa sahig ang pinaghubaran niyang pandigmang kasuotan. Ang kanyang patalim ay nasa kama kasama nang kanyang busog at tudla. Ang kanyang mga sandalyas ay nakalabas sa ilalim nang kama malapit sa arinola.

Nakakahinayang na ganito ko makikita ang silid na ito? Kung sa bagay ano pa nga ba ang pakialam ko.

Kinuha ko ang nakakalat na baluti sa sahig. Ang mabigat at gawa sa kahoy. Malapit nang matanggal ang pirapirasong bahagi nito na gawa sa maliliit na kahoy mula sa pagkakatahi.

Matapos noon nagtungo ako sa mga baul na lagayan nang aming mga damit. May mga hindi pa ako nakukuhang dami dito. Kumuha ako nang lagayan na paglalagyan nang aking mga damit. Agad, sinimulan kong kunin ang aking mga damit. Isa-isa kong nilagay sa tiklis na banig na tampipi ang aking mga naiwang kasuotan at mga kagamitang mga alahas na iba ay bagay pa sa akin nang aking ina.

Ang totoo, wala akong inaasahan na kahit anong maaaring mangyari ngayon. Kung ito ang aking katapusan. Kung sa simula’t simula…matagal nang balak ito nang tahanan ng mga Harith. Magawa nilang paibigin ang isang katulad ko na akala nilang walang kaalam-alam at madaling saktan. Hindi ako natatakot…

Sa hindi inaasahan narinig ko ang kanyang tinig. Wika niya, “anong ginagawa mo dito?”

Hindi ako natatakot na saktan nila ako, kaya lang paano ang aking mga anak? Ano ang mangyayari sa kanila sakaling saktan na naman ako nang mga Harith at sa pagkakataong ito wala na akong magawa pa…wala na ring tutulong sa akin! Nakakatawa. Palagi na lamang bang ganito na matatakot ako sa kanya, sa tuwing maririnig ko ang kanyang tinig at hindi ko siya nakikita.

Binaling ko ang aking pansin sa kanya. Tumayo ako, hawak ang isang kwintas na gawa na may gintong bato.

Wika ko, “ililipat ko aking mga gamit sa kabilang silid! Kanina ka pa nandiyan?”

Wika niya, “hindi kararating ko lang! Kasama mo ang Hadi Faysal?”

Tugon ko, “Oo…bumalik kami dito—siya, nagdesisyon siya na iwanan ang aking kapatid at humingi nang kapatawaran sa iyong ama! Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang hingan nang tawad sa Hadi Mahdi!”

Wika nito sa akin, “baka gusto niyang hingin ang iyong kamay sa aking ama? Gawin ka niyang asawa!”

Ngumiti ako.

Ang totoo wala akong pakialam.

Pumasok siya sa loob nang aming silid mag-asawa. Lumapit siya sa akin. Kumuha siya nang masusuot sa loob nang baul na pinaglalagyan din nang iba ko pang mga gamit.

Tanong niya, “at ikaw ano ang ginagawa mo dito?”

Wika ko, “dahil sa Hadi Faysal” lumingon siya sa akin. Pagpapatuloy ko, “Kung bakit ako nandito!”

Tinanggal ko ang aking pansin sa kanya. Kumuha siya nang masusuot isang bughaw na saluwâl na nakapatong sa ibabaw nang kanyang iba pang mga damit. Habang ako inilagay ko ang hawak ang kwintas sa loob nang tampipi.

Tanong niya, “masaya ka ba sa kanya?”

Nabaling ang aking pansin sa aking asawa.

Tanong ko sa kanya, “mahalaga ba sa iyo kung masaya ako sa kanya?”

Wika niya, “oo.”

Ngumiti ako. Wika ko, “oo!” Kasunod noon kaagad ko rin tinanggal ang aking pansin sa Hadi Nasrin. Tanong ko sa kanya, “aalis ka, saan ka pupunta?”

Wika niya sa akin, “may kailangan akong tapusin…”

Alam ko—Kinuha ko ang bahag na nakatupi. Ibinigay ko ito sa kanya. tanong ko, “gagamitin mo ba ang iyong baluti? Kung gagamitin mo, tinabi ko lang sa ibabaw nang kama…nakakalat!” Kinuha niya ang nakatuping bahag sa aking kamay.

Nagpasalamat siya sa akin. Tanong niya, “dito na ba talaga kayo mananatili sa amin?”

Wika ko, “oo…”

Pagtataka niya, “at ang mga bata?”

Tugon ko, “nasa tahanan sila nang mga Roshan…kasama nang iyong panganay!”

Wika niya, “mabuti naman kung ganon!”

Tinalikuran niya ako. Hinubad niya ang nakatapis na tuwalya sa kanyang katawan. Sinuot ang bahag sa kanyang katawan. Ang bughaw na saluwâl at ang itim na Batá na kanyang kinuha.

Pagkatapos kong kunin ang aking mga naiwan pang mga damit, bago ako tuluyang lumabas sa aming silid, wika ko sa Hadi Nasrin, “hangad ko ang iyong tagumpay…”

At ang tugon niya sa akin, “sana nga!”

Pagkatapos noon tuluyan kong iniwan ang Hadi Nasrin. Lumabas ako nang aming silid nang aking asawa at nagtungo sa kabilang silid na dating tinutuluyan nang Hadi Faysal. Iyon ang kanyang katapusan. Hindi niya nalalaman ang kanyang ginagawa o siguro hindi ko alam kung ano ang kaya pang gawin nang Hadi Nasrin!

Kung sa bagay ano ba naman ang nalalaman ko hindi ba?

Marami—marami na ang nagbago sa tahanan nang mga Harith sa nakalipas na halos tatlumpung taon.

Nang araw na ito, nag-ayos ako. Hinanda ko ang aking sarili sa muli naming pagkikita ng aking kalaban. Nagsuot ako ang puting palda na gawa mula sa sutla. May mga habing bulaklak nang tambis. Kasunod noon inayos ko ang aking buhok. Tinali ko ito sa aking likuran at inibabawan ko ang aking paldang suot nang bughaw na Batá na gawa mula sa balat nang imdugud. Matapos noon lumabas ako nang aming silid nang Hadi Faysal.

Pinuntahan ko kung nasaan ang ama nang aking mga asawa sa loob nang pabilyo. Bumaba ako sa ikalawang palapag nang aming tahanan. Nagtungo sa malawak na lupain kung saan makikita ang pamosong pabilyo nang tahanan ng mga Harith.

Sa pagdating ko sa loob nakita ko ang Hadi Faysal, kausap niya ang kanyang ama. Nakatalikod siya sa akin.

Nabaling ang aking pansin sa Hadi Nasrin na papalapit sa akin. Wika nito, “tignan mo ang aking ama!”

Lumingon ako sa kanya. Nagtaka ako.

Nabaling ang pansin nang Hadi Mahdi sa akin. Dinungaw niya ako mula sa likuran nang Hadi Faysal.

Ngumiti ang Hadi Mahdi sa akin. Nakita kong tinignan niya ang aking asawa pagkatapos noon, kasunod noon lumingon ang Hadi Faysal sa kung nasaan ako at ang Hadi Nasrin.

Nakita nila ako. Ngumiti ako.

Tumayo ang ama nang aking asawa sa kanyang pagkakaupo sa upuang may mataas na sandalan. Tinulungan siya nang Hadi Faysal na tumayo at sa pagtayo nang kabatsoy na Hadezar nakita ko ang kaibahan sa pagkilos nang Hadezar nang tahanan ng mga Harith.  Paika-ika siyang naglakad habang inaalalayan siya nang aking asawa. May hawak siyang tungkod na nakatali sa kanyang braso at kamay.

Lumapit sa akin ang Hadi Mahdi. Wika niya sa akin, “kamusta ka na Adi Makbule?”

Tugon ko, “mabuti naman po, kayo po?”

Wika niya, “ayos lang ako…Hindi ko alam na darating kayo dito! Kung alam ko lang pinaayos ko ang tahanan. Patawad kung magulo ang pamamahay. Ang Hadi Yasir, kamusta siya?”

Wika ko, “nang iniwan namin sila maayos naman sila!”

Wika niya, “nalaman ko nanganak na raw ang Adi Hikmet!”

Wika ko, “Oho, babae ang kanyang anak. Pinangalanan nilang Atilla ang sanggol!”

Tanong nang Hadi Nasrin sa akin, “nasa tahanan pa rin ba sila nang mga Ardashir?”

Lumingon ako sa Hadi Nasrin kagyat tinanggal ko ang kanyang pansin at nabaling sa Hadezar. Tanong ko sa kanya, “ano po ang nangyari sa inyo?”

Wika niya, “ito…katandaan!”

Narinig namin ang pagtawa nang Hadi Nasrin. Nakita namin ang kanyang pagtawa. Dagdag nang Hadi Mahdi, “mabuti pa ay maghanda na tayo nang ating hapunan, Adi Makbule maaari mo ba akong tulungan?”

Bagay na aking tinanggap. Wika ko, “sige po!”

Kasunod noon, hiningi ko ang kanyang kamay habang nakaharap siya sa akin, at inaalalayan nang aking asawa. Sa gayon ibinigay niya ito sa akin at tinulungan ko siyang maglakad palabas nang pabilyo nang tahanan, at lumabas kami sa loob nang pabilyo

Sa aming paglalakad wika niya sa akin, “masaya ako nandito kayo ngayon!”

Tugon ko, “ako rin!”

Pagtataka niya, “siya nga?”

Sinabi ko, “oo…sa una hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero inisip-isip ko hinahanaphanap nang aking katawan ang tahanan ng mga Harith!”

Tanong niya, “kahit marami na ang nangyari sa iyo sa tahanang ito Adi Makbule?”

Tinignan ko siya. Nagpatuloy kami sa aming paglalakad papasok sa loob nang tahanan ng mga Harith habang sinusundan kami nang aking asawa at nang Hadi Nasrin. Hindi nawala ang aking ngiti sa kanya.

Dagdag ko, “totoo…marami na ang nangyari sa akin sa tahanang ito pero hindi ko maaaring baliwalain ang lahat-lahat nang mga nakalipas. Nangingibabaw pa rin ang mga pait at sugat na datapwat dito ko nakilala ang Hadi Faysal, dito ko pinanganak ang aking mga anak. At kahit maraming hindi magagandang alaala hindi ko maaaring hayaang pang-ibabawan ang mga hindi magaganda nang maraming masasayang sandali.”

Sa pagpasok namin sa loob nang tahanan ng mga Harith nagpatuloy siya sa aming pag-uusap. Wika niya, “Magkagayonman masaya ako nandito kayo at ang araw na ito ay isang napakagandang bukas!”

Pagtataka ko sa kanya, “alam mo hindi ba?”

Wika niya, “hindi kita maintindihan!”

Alam ko…Wika ko, “alam ko na alam niyo ang kung ano ang ibig kong sabihin. Kung bakit kami nandito…Kung ano ang ginagawa namin dito!”

Wika niya, “matalinong Hadezar ang iyong kapatid, Adi Makbule. Iyan ang hinahangaan ko sa kanya. Kung ano ang dahilan nang inyong pagpunta dito. Siguro nga makabubuti na mangyari ang bagay na iyon.”

Wika ko, “hindi ko alam! Ang alam ko kung ano ang totoo.”

Tanong niya, “at ano ang totoo, Adi Makbule?”

Wika ko, “ngayong gabi mamatay ang iyong panganay!”

Wika niya, “siya nga…”

Wika ko, “o hindi…siguro ang pagbagsak nang tahanan ng mga Barakat! Magkagayonman ang iyong panganay o ang aking kapatid isa sa kanila ang kinakailangang magbuwis nang buhay…iyon ang alam ko at marahil hindi na nakapagtataka pa na iyon rin ang alam mo Hadezar.”

Wika niya, “matalino kang babae Adi Makbule. Pinipili mo kung sino ang magiging kalaban mo.”

Wika ko, “hindi…” Umiling-iling ako. “Pero nagpaalam ako sa kanya. Alam ko na iyon ang huli naming pagkikita bilang magkakampi. Ngunit, huwag mo sanang iisipin na kakampi ako sa inyo—sa iyo, lalong-lalo na sa iyo! Kalaban pa rin kita Hadezar at kung sa inaakala mo natatakot ako sa iyo nagkakamali ka!”

Wika niya, “alam ko…kailanman hindi niyo ko pinangilagan, kayong magkakapatid!”

Tumigil kami sa aming paglalakad papasok sa loob nang silid-lutuan nang tahanan. Hindi namin kasunod ang sinoman sa mga anak nang Hadi Mahdi.

Dagdag niya, “pero sa mga mangyayari ngayong gabi…at sa mga susunod pa gusto kong isipin mong mabuti, pagnilaynilayan mo kung sino ang dapat mong kampihan— Adi Makbule!”

At kasabay noon sa hindi inaasahan nakita kong kasunod namin ang aking asawa, ang ama nang aking mga anak. Nagtaka ako. Hindi niya kasama ang Hadi Nasrin. Siguro nga…siguro nga umalis na ang panganay na anak nang Hadi Mahdi.

Wika ko, “Hindi! Tayo na pumasok na tayo sa loob, Hadi?”

Nang hapong iyon umalis ang Hadi Nasrin. Sinabi nang aking asawa sa amin nang Hadi Mahdi na may kinakailangan itong tapusin at gawin. Naghanda kami nang aming magiging hapunan. Nagluto nang pusit ang aking asawa na nilaga niya sa dugo nang baboyramo at sa dagta. Nagprito ako nang karne nang Mahi-mahi na binudburan ko nang asin at maanghang na pampalasa. Naggisa din ako nang maliit na pulang bunga.

Matapos ang pagluluto, pinagsaluhan namin ang hapunan. Nang gabing iyon sinabi ko sa Hadi Faysal kung ano ang alam ko…pinagtapat sa kanya kung saan at ano ang ginagawa sa mga sandaling ito nang kanyang kapatid—ang pagpatay nang Hadi Nasrin sa tahanan nang aking kapatid.

Bagay na kanyang pinabulaanan at sinabing hindi totoo. Pinilit ko siya na kung bakit hindi niya ito tanungin sa Hadi Mahdi. Bagay na ipinagtapat nang Hadezar ng tahanan ng mga Harith sa ama nang aking mga anak.

Nagalit siya sa akin. Tinanong niya ako kung bakit ito ginagawa. Kung matagal ko nang alam ang bagay na ito, o kung alam din nang aking kapatid na mangyayari ito. Sinabi ko na hindi ako nakasisiguro na kung ganito ng ang mangyayaring gabi sa tahanan ng mga Barakat—bagamat ang Hadi Mahdi na ang nagpatunay sa pusapusaang balak laban sa aking kapatid at sa tahanan nito.

Tinanong niya ako kung alam rin ba ito nang aking kapatid bagay na aking pinabulaanan at sinabing walang alam ang Hadi Yasir na magaganap ngayong gabi ang paglusob nang Hadi Nasrin at nang iilang mga anino nang tahanan ng mga Harith sa tahanan ng mga Barakat.

Sinubukan nang aking asawa na tulungan ang Hadi Yasir…pero pinilit ko siya na huwag iyong gawin. Sinabi ko na makabubuti kung hindi niya iyon gagawin— kung hindi kami kikilos…lalong-lalo na laban sa tahanan ng mga Harith.

Pinaalala niya sa akin kung papaano ang aming mga anak. Sinabi ko sa kanya na wala siyang kailangang ipag-alala nasa mabuting pangangalaga ang aming mga anak sa Adi Ismat. Ngunit sinabi niya na hindi kami nakasisiguro. Na kung mamatay ang Adi Hikmet, at babagsak ang tahanan ng mga Barakat kailangan na naming katakutan ang mga higit pang katakot-takot na maaari pang mangyari sa aming mga tahanan. Ang pagbagsak nang tahanan ng mga Barakat at ang pagbagsak nang tahanan ng mga Harith.

Ngunit tiniyak ko sa kanya na walang gagawing masama ang tahanan ng mga Roshan sa aking mga anak, iyon ang totoo at iyon ang isinisiguro ko sa kanya. Kung gusto naming makatiyak sa kapayapaan at kaayusan nang aming mga tahanan at nang buong Ja’khar hindi gagawin nang mga Roshan ang aming mga kinatatakutan.

Wal ang imik ang Hadi Faysal. Naiintindihan ko kung bakit hindi siya bumalik sa akin nang gabing iyon at hindi kami nag-usap nang umagang ito.

Tawagin niya na akong makasarili. Isipin niya na kung ano ang gusto niyang isipin pero tama ako na hindi namin kinakailangang kumilos.  

Hindi namin nakita pang buhay ang Hadi Nasrin, simula nang umalis siya nang hapong iyon. Hindi nagtagal nalaman namin kung ano ang nangyari sa tahanan ng mga Barakat.

Ang Adi Sule

Bumukas ang takip ng pinagkukulungan sa akin nang Adi Atiya. Nabaling ang aking pansin sa sinomang nagbukas nang panakip ng pinag-iimbakan nang asin. Nakita ko ang mukha nang Hadi Nasrin. Hindi iyon ang inaasahang mukhang makikita ko bago ako mamatay, magkagayon paman wala naman akong inaasahang magliligtas din sa akin.

Niligtas niya ako nang araw na iyon. Pinagkatiwala ko sa kanya ang aking buhay nang araw na iyon. Hindi kami nag-usap kasabay nang aming pag-alis. Wala kaming pinag-usapan…hindi ko inalam sa kanya kung ano ang nangyari sa tahanan nang mga Barakat. Kung bumagsak na ba ang tahanan nang aking kapatid, ang kinalakihan ko ang aking pinagmulan. Hindi ko tinanong sa kanya kung ano ang nangyari sa tahanan nang mga Parvana, kung siya ba ang pumatay sa Adi Atiya o kung ang duguang mga kamay niya ba na kumakarga sa akin ngayong araw, nang parang sanggol at nagligtas sa akin mula sa aking kamatayan ang siyang papatay din sa akin.  Hindi ko na alam pa…pagod na pagod na ako. Ayoko nang malaman kung anoman ang maaaring mangyari pa sa akin o kahit sa aking mga kapatid.

Kung ito ang aming pagbagsak, ang pagbagsak nang tahanan ng mga Barakat na nagbabadya simula ilang taon na ang nakakalipas at magpahanggang sa ngayon. Ito—ito ang akk…ming pagbagsak.

Nang gabing iyon, dinala niya ako sa isang lugar sa dalampasigan malapit sa unang pagbagsak. Pinasok niya ako sa loob nang isang kweba…kasama nang iba pang mga hayop na naroroon na hindi niya nalalaman na doon nakatira. Mataas ang tubig sa batuhan pero sa lugar na kung saan niya ako hiniga, tuyo at mahangin na nagmumula sa siwang na makikita sa itaas kung saan tanglaw mo ang laksang mga bituin at ang liwanag nang buwan na nagmumula sa kalangitan, at pinang-iibabawan ang lahat ng kinasasakupan nito dito sa Ja’khar. Hiniga niya ako sa batuhan at iniwan niya akong nag-iisa—hinihintay ko na lamang ang aking kamatayan.

Bago siya umalis hinawakan ko ang kanyang kamay. At sa unang pagkakataon simula nang hindi namin pakikipagkibuan, mula kanina, nagpasalamat ako sa kanya sa asawa nang aking kapatid. Nang gabing iyon—

Ang Adi Atilla

Siguro hindi mo naiintidihan anak, kung bakit natin kinakailangang umalis ngayong umaga, kung bakit ko ito ginagawa…ang masilayan ang unang sinag sa pagbukang liwayway. Ang alam mo hindi mo makikita ang iyong ama. Siguro nagtataka ka kung bakit hindi natin kasama siya ngayon. Huwag kang mag-alala babalik din tayo ng Ja’khar, magkikita din kayo ulit nang Hadi Yasir.  Wala kang dapat na ipag-alala, nagpaalam ako sa kanya bago tayo umalis ngayong umaga. Gusto lang kitang maangkin, kahit ngayong umaga.

Sa paggising ko ikaw ang una kong nakita. Nakahiga ako sa damuhan habang ikaw sinusubukan mong bumangon mula sa pagkakaupo mo sa sapin na nakalatag sa damuhan.

Bumangon ako upang tulungan kang tumayo.

Ang tapang-tapang mo. Kahit ilang ulit ka nang bumagsak at madapa pinipilit mo pa rin bumangon. Pinanonood kita. Malayo sa pagbukang liwayway na dapat sana ngayon ay ating sabay na tinatanglaw na mag-ina. Higit ka pa sa kahit ilang pagsikat nang araw at pagbukang liwayway. Sabi nang iyong ama nang isilang ka, ikaw ang aming biyaya— ang aming pangarap at panaginip. Totoo. Ikaw ang aming Damgo. Ang liwanag at panalangin. Ang pag-asa— isang pag-asa, ang tanglaw sa gabing madilim, ang pinagmulan nang iyong pangalan…Adi Atilla.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo. Binuhat kita. Hinawakan ko ang magkabila mong kamay. Tinulungan kitang maglakad sa damuhan. Matindi ang kapit mo sa aking mga kamay. Ayaw mong bumitaw. Ayaw kitang pakawalan. Pagkatapos noon naghanda tayo nang ating agahan. Naghanda ang iyong ama nang ating makakain. Kumain ako nang kakaunti habang sinusubuan kita sa pagkain.

Inayos ko ang ating hinigan, niligpit ko ang sapin na ating tinulungan. Matapos noon kumilos tayo. Binuhat kita sa aking likuran. May sapin ang iyong ulo panlaban sa init ngayong umaga at sa pananghalian…nakatali ka sa aking katawan nang makakapal na tela habang nakalagay sa isang tiklis na buhat-buhat ko sa pagbaba natin sa burol at pagpasok sa loob nang kakahuyan.

Nang umagang ito, isasabak kita sa una mong pangangaso, tulad nang ginawa ng aking tiyo at ama sa’kin, at nang kanilang mga ama sa kanila bago pa ang aking pagsilang. Huwag kang mag-alala wala kang dapat na katakutan. Nandito ang iyong ina para alagaan ka at ipagtanggol.

Susuungin natin ang ilog na naghihiwalay sa madilim na kakahuyan at sa ating pinagmulang bayan. Dadalhin kita sa lugar kung saan madalas kaming nagtitipon at pinaghahandaan ang aming gagawing pangangaso sa loob nang gubat na mapanglaw. Hindi kita kalilimutan. Hindi ka kailanman mawawala sa aking pansin habang sabay nating haharapin ang pagsubok na magbabago sa atin mga pagkatao.

Dadalhin kita sa pinakapusod nang kagubatan, papatagin natin nang golok kung anoman ang humahadlang sa ating daraanan, ang masukal na kakahuyan. Ihahanda ko ang daan nang mga patibong habang kasama kita at karga-karga kita sa aking likuran tulad nang isang unggoy sa kanyang mga inakay, sa ating gagawing pangangaso. Ituturo ko sa iyo ang lahat ng bahagi nang kakahuyan, ililibot kita mula sa maaaring hindi mo puntahan, sa mga mapanganib at tahanan nang mga mababangis hanggang sa pinakaligtas na maaari kang tumigil at manatili hanggang pagkagat nang dilim. Aakyat tayo nang puno, maliligo tayo sa batis at sa malinaw na lawa na matatagpuan sa loob nang kakahuyan.

Huwag kang mag-alala umiyak kaman ngayon at maghanap nang pagkain at magdalot sa ating mga buhay nang kapahamakan, alam ko kung ano ang gagawin ko, ikaw—lalong-lalo ka na ang unang-una at higit sa lahat ang aking ililigtas.  Hindi ako mag-aalala, mas lalong hindi kita kakagalitan ikaw man ang gumawa nang pagkakamali ako ang nagkamali. Ito pa lamang ang simula nang iyong pagsasanay, anak, at ang pag-aaral sa paraan na ating kinalakihan. Sa nakasanayan nang ating lahi. Kailangan mo itong matutunan habang bata ka pa at wala ka pang muang sa nangyayari sa iyong paligid. Hindi magtatagal matutunan mo rin ang lahat-lahat. Alam ko, hangad ko na darating ang araw mamahalin mo ang kakahuyan at ituturing mo itong pangalawang tahanan.

Ang Adi Hikmet

Nagsimula ang lahat…nagsimula ang lahat sa isang ingay. Sa una nagtaka ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa labas nang paliguan. Iniwan ko ang aking mag-ama sa loob nang kanilang silid habang ako nandito sa paliguan. Sinubukan kong malaman kung ano ang nangyayari sa labas nang silid. Lumabas ako nang paliguan. Tinignan ko kung ano ang nangyayari sa labas nang silid. Sinilip ko kung ano ang nangyayari sa labas nang madilim na pasilyo na nag-uugnay sa paliguang silid ng dating tahanan ng mga Ardashir at sa aming silid na mag-asawa.  At nakita ko…at nakita ko ang paglusob nang aming mga kalaban sa loob nang aming pamamahay.

Wala kaming kalabanlaban. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang araw na ito, lalo na na mangyayari ang hindi inaasahang bagay na ito.

Nang gabing iyon, nilusob nang Hadi Nasrin ang aming tahanan. Nagsimula ito sa maliit na ingay na hindi naglaon ay palakas nang palakas. Lumabas ako nang paliguang-silid. Sinilip ko kung ano ang nangyayari sa labas nang madilim a pasilyo na nagdudugtong sa paliguan at sa ikalawang bahagi nang aming tahanan.

Hanggang sa nakita ko siya kasama ang ilan sa mga Anino na nasa ilalim nang pamumuno nang tahanan nang mga Harith. Nagtago ako…hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Pumasok siya sa loob nang tinutuluyan naming silid na mag-asawa.

Kailangan kong may gawing paraan, Kinakailangan akong kumilos. Dalidali akong kumilos. Naglakad ako sa madilim na pasilyo, dumiretso sa silid kung saan nakalagay ang mga sandata at gamit na pangaso nang tahanan nang mga Ardashir. Kinuha ko ang lahat nang maaaring kong kunin.

Umakyat ako sa ikalawang palapag nang unang bahagi ng tahanan. Pumasok ako sa isa sa mga silid. Maingat kong hinakbang ang aking mga paa sa marupok na sahig kung nasaan ako. Lumapit ako sa bintana. Dinungaw kung anoman ang nangyayari sa loob nang silid naming mag-asawa. Hindi ko maintindihan ang dami nang mga Anino na nasa loob nang aming tahanan. nakikilala ko ang iba, magkagayonman na halos parepareho ang kanilang itsura ang takda sa kanilang mga sandata at pananggalang ang nagpapatunay na minsan silang naging bahagi nang mga Aninong nasa ilalim nang aming pananagutan, sila ang mga sumumpa sa aking asawa matapos ang pagkamatay nang Hadi Naveed at ang pagbagsak nang tahanan ng mga Ardashir.

Hindi sila dapat pinagkatiwalaan nang aking asawa…hindi na sila dapat pang binuhay nang Hadi Yasir.

Kinuha ko ang mga busog at tudla na nasa labas nang silid at nasa pasilyo. Hinanda ko ang mga sandata. Ang mga busog at tudla…ngunit nang hindi ko na sila maabot pa nang aking tanaw nagtungo ako sa ibang silid. Kinuha ko ang mga tiklis na naglalaman nang mga tudla.  Lumabas ako nang silid. Pumasok ako sa pinakamalayong silid, malapit sa unang kalaban na naghahangad sa buhay naming mag-asawa at nang aking anak. Kung sasaktan nila ang aking anak, kung patay na ngayon ang aking asawa hindi ko sila hahayaang agawin sa akin ang aking tahanan. Hindi ako aalis dito nang hindi lumalaban o kahit papaano ay hindi ko man lang nasasaktan ang Hadi Nasrin.

Sasaktan ko ang Hadi Nasrin…papatayin ko ang Hadi Nasrin. Iyon ang iniisip ko, ipapakita ko sa kanya na hindi niya basta-bastang magagapi at mapapabagsak ang aming tahanan, ang tahanan ng mga Barakat. At kung mamatay ako, masaya akong mamatay kasama nang aking anak at asawa.

Binitawan ko ang unang bugso nang palaso. Tumarak ito sa leeg nang isa sa mga Anino. Sinimulan ko ulit na kalabitin ang busog at pakawalan ang tudla sa pangalawang pagkakataon.

Lintik lang ang walang ganti. Iyon ang sinisiguro ko sa kanila. Kasunod noon kinuha ko ang tiklis na naglalaman nang mga tudla at ang pana. Isinabit ko ang mga ito sa aking katawan. Pinunit ang suot kong panloob na damit na nakatali sa ibabaw nang aking mga dibdib. Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa palabas nang silid. Maingat kong binantayan ang aking pagkilos at ang paghahamon sa aking mga kalaban na hindi nila nalalaman na nandito ako.

Lumabas ako nang silid.

Kinuha ko ang golok at ang patalim na nakalapag sa sahig nang pasilyo nang ikalawang palapag. Itinali ko ang mga kaluban nang mga ito sa aking beywang. Kasunod noon, bumaba ako sa ikalawang palapag nang tahanan. Nang walang pag-iisip, kinalimutan ko ang aking sarili…alam ko…alam ko hindi ko dapat ginawa iyon. Pero ito ang kinakailangan kong gawin.

Lumabas ako nang unang bahagi nang tahanan. Pumasok sa ikalawang bahagi. Nang walang pag-aagamagam nilusob ko ang mga Anino na nasa ilalim nang pamumuno nang Hadi Nasrin. Naglakad ako sa damuhan, tinapak ko nag mga hubad kong mga paa asa masukal na malawak na lupain sa gitna nang tahanan. Dahan-dahan kong nilusob sila. Bago pa man sila lumusob isa-isa ko nang binitawan ang mga tudla at tinarak sa kanilang mga ulo. Sa kanilang mga katawan.

Pinaulanan ko sila nang mga tudla…at nang malapitan pinagsasaksak ko sila. Hindi ako katulad nang Hadi Yasir…hindi ako nagpapatalo nang hindi lumalaban. Tahasan akong lumalaban, at tuwiran kong pinaghahandaan at pinag-iisipan ang lahat nang aking mga gustong makuha.

Nakasalalay dito ang aking tahanan. Lalong-lalo na ang kapakanan nang buhay ng aking anak at nang buhay nang aking asawa.

Pinilit kong makarating patungo sa loob nang silid kung nasaan ang aking mag-ama. Ang sampu o ang hindi mabilang na Aninong kasama nang Hadi Nasrin ay mistulang naglahong parang bula ng tulad sa kanilang mga buhay inakin ko at inagaw sa kanila.

Nang malapit na akong sa lagusan nang silid. Narinig ko siya.  Sabi niya, “napagandang awit hindi ba? Uyqu’ö…volim matulog na mahal! Hindi ko alam na may maganda pa palang maaaring magmula sa tahanan ng mga Barakat.” Hindi ko maintindihan. Dagdag niya, “nagtataka ka siguro kung bakit alam ko ang awiting ito?” Buhay pa ang aking asawa—ang Hadi Yasir.  Pagpapatuloy niya, “narinig ko itong kinakanta nang aking kapatid sa aming unang anak, at ang iyong kapatid. Doon akong nagsimula maghinala na may namamagitan sa kanilang dalawa! Sa awiting ito—sinimulan ko siyang saktan— ang pinakamamahal mong kapatid. Hindi ko gustong saktan ang Adi Makbule, pero inagaw niyo sa akin ang lahat…kinuha niyo sa akin ang pagmamahal nang aking ama, ang pagmamahal nang aking kapatid at ngayon ang aming tahanan.” Kasalanan ito nang Adi Makbule. Walang ibang dapat sisihin dito kung hindi ang Adi Makbule. Hindi ko dapat siya pinagkatiwalaan. Hindi ko dapat tinanggap ang paghingi nang kanyang tawad. “Bakit? Bakit pilit niyong inaagaw sa akin ang lahat? Ano ba ang ginawa kong pagkakamali para ganituhin niyo ako? Aagawin ko ang lahat sa iyo, ang aking ama, ang aking kapatid, ang iyong tahanan lalong-lalo na ang pinakamamahal mong anak. Sisiguraduhin kong walang matitira sa iyo.” Hindi, hindi mangyayari iyon.

“Ako na lang… ako na lang ang patayin mo!” Wika nang aking asawa.

Nagsimula ang lahat…nagsimula ang lahat sa isang ingay. Sa una nagtaka ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa labas nang paliguan. Iniwan ko ang aking mag-ama sa loob nang kanilang silid habang ako nandito sa paliguan. Sinubukan kong malaman kung ano ang nangyayari sa labas Tinignan ko kung ano ang nangyayari sa labas. Sinilip ko at nakita ko…at nakita ko ang paglusob nang aming mga kalaban sa loob nang aming pamamahay.

Walang kalabanlaban ang Hadi Yasir pero ako ginawa ko ang lahat nang makakaya ko para labanan ang aming mga kalaban…sinabi ko sa sarili ko kung hindi nang aking asawa ako ang lalaban para sa kapakanan nang aking mag-ama. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang araw na ito, lalong-lalo na ang mga sandaling ito. At hindi ako makakapayag—

Kinuha ko ang tudla na nakatarak sa mga Anino. Isa… dalawa…tatlo.  Kasundo noon pumasok ako sa loob nang aming silid na mag-asawa.

Nakahandusay ang aking asawa sa sahig malapit sa aming higaan. Duguan, naghihingalo at hinahabol ang mga paghinga. Putlang-putla siya…maraming dugo ang nasaya sa kanya. Hawak nang Hadi Nasrin ang aming anak sa ilalim nito hawak niya ang isang patalim.

Wika niya, “ako ang pumatay sa Adi Atiya. Pinaghigante ko siya laban sa kanyang ina. Sa lahat nang pagtanggi nang kanyang ina kung sino siya at ano siya. Sinong ina ang makagagawa na makipagtalik nang paulit-ulit sa kanyang anak at tanggalin ang nararapat nitong pagkatao, ang magmahal nang kung sino ang dapat nitong mahalin, nang walang panghuhusga? Kita mo na wala kang alam, hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin? —Mahal na mahal ko siya Hadi Yasir pero inagaw mo siya, at wala kang itinira para sa akin!”

Dalawang bagay lamang ang maaring mangyari ngayong gabi ang buhay nang aking anak at asawa at ang kamatayan nang Hadi Nasrin. Iyon lang, at wala nang iba.

Nabaling ang pansin sa akin nang Hadi Yasir. Umiling-iling siya.

Nakita ako nang Hadi Nasrin. Nabaling ang kanyang pansin sa akin. Nakatutok sa kanya ang tudla sa busog na hawak ko. Binago niya ang pagkakahawak niya sa patalim na kanyang hawak itinutok ito sa aming anak. Buo na ang aking loob.

Nabaling ang aking pansin sa aking asawa. Nakangiti siya. Kaagad kong tinanggal ang aking pansin at Itinuon ito sa Hadi Nasrin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam ko hindi ko maliligtas ang aking anak kung hindi kung hindi ko…buo na ang aking loob. Buo na ang aking loob!

Bumangon ang aking asawa asa kanyang kinauupuan. Lumapit siya sa Hadi Nasrin at ang patalim na nakatutok sa likuran nang aking, aming anak ay tinusok niya sa katawan nang aming panganay at binitawan ko ang tudla at tumarak ito sa Hadi Nasrin.

Nagulat siya.

ISA… DALAWA muli lumingon siya sa akin, nang may pagkagulat at hindi makapaniwala. Binitawan ko muli ang bugso nang tudla sa aking busog. Nasaktan ang Hadi Nasrin. Isa sa kanyang balikat. Pangalawa sa kanyang tuhod.

Bumagsak ang Hadi Nasrin.

Nasalo nang aking asawa ang duguan naming anak. Buhay pa ito…buhay ang Adi Atilla, may pagkakataon pa.

TATLO. Pinakawalan ang bugso nang tudla sa aking busog at tumama ito sa kaliwang mata at tumagos sa bungo nang Hadi Nasrin.

Buhay pa ang hungkag na nilalang pero pinatay ko siya gamit ang patalim na aking hawak.

Matapos noon binitawan ko ang hawak kong busog at tiklis sa aking katawan. Tinulungan ko ang aking asawa na makaupo sa aming higaan. Nabaling ang aking pansin sa aming anak. Sinabi niya sa akin na puntahan ko ang aking mga magulang. Tawagin niya ang aking mga kapatid. Sinabi niya sa akin na wala akong dapat na ipag-alala…buhay pa ang aming anak. Sinabi niya sa akin na higit naming kailangan ang tulong ngayon ng iba. Wala akong nagawa. Ito ang kinakailangan.

Iniwanan ko silang dalawa at dali-dali akong nagtungo sa aking mga magulang upang humingi nang tulong sa kanila. Tinulungan nila ako…dali-daling kumilos ang aking mga magulang at kapatid.

Pagbalik namin, nakita ko ang Hadi Yasir na nasa labas nang aming silid, nakaupo sa nakaangat na pasilyo hawak ang labi nang aming anak. Nakapikit ang aking asawa. Nakayuko ang knayang ulo habang duguan at halos na hindi na makilala pa. nasa kanyang mga kamay ang aming anak.

Sumigaw ako. Tinawag ko ang kanyang pangalan. Ayoko-ayoko hindi ito totoo…hindi ito to…totoo. Buha pa ang aking anak, ang Hade—

Sinubukan kong lumapit.

Narinig ko ang aking ama. Kasunod noon narinig ko ang aking asawa. Wika niya, “patawarin mo Adi Hikmet!”

Ano ang gagawin ko? Pareho kaming naliligo sa dugo. May mga putik at may sugat ang aking mga paa sa paglalakad nang nakatapak at dali-daling pagtakbo patungo sa tahanan nang mga Roshan.

Ano ang gagawin ko? Huli na ang lahat.

Tapos na ang lahat, at hindi ito masaya.