KABANATA DALAWAMPU’T DALAWA:

ANG MGA GAMUGAMO SA APOY

Ang Hadi Batul

Bumukas ang lagusan nang tahanan nang mga Roshan. Pumasok ang mga Anino sa loob nang tahanan. Nilusob nila sa ilalim nang pamumuno nang Hadi Yusuf, ang kanyang ama at nang kanyang kapatid ang tahanang kanilang pinagmulan at pinaglilingkuran sa loob nang mahabang panahon.

Inutusan nang kanyang ama na dakpin ang kanyang tiyo at mga pinsan. Binulabog nila ang katahimikan nang tahanan na kanilang pinalilibutan at nilusob, sa bukang-liwayway. Mabilis na nagulantang ang lahat na nasa loob nang tahanan. Nagkaroon nang kaguluhan ang kunwaring katahimikang pinalalandakan nang patnugot, pinuno at Hadezar nang tahanan ng mga Roshan ay tuluyang naglaho.  Isa-isang pinagkukuha sa ilalim nang malalim na pagkakahimbing ang Hadezar nang tahanan ng mga Roshan, ang Hadi Mirza at ang mga anak nitong mga Hadi na sina Hadi Hakan at Hadi Fidan.

Hindi matukoy kung nasaan ang Adi Hala, walang makapagsabi sa kanila, kung sinoman sa kanyang mga pinsan at tiyo kung nasaan ang Adi nang tahanan. Kagyat naglaho itong parang bula sa kanilang mga paningin, lalo sa bingit nang unti-unting nagsisimulang kaguluhan.

Hindi niya alam kung ano ang pinagmulan nang alitan nang kanyang ama at nang kanyang tiyo o kung paano ito nagsimula. Hindi ingget ang naging dahilan kung bakit hinangad nang kanyang ama na agawin sa Hadi Mirza ang pamumuno at pagiging patnugot nang kanilang tahanan. Ni minsan hindi pinangarap nang kanyang ama ang maging Hadezar nang kanilang tahanan.

Sinabi nang kanyang ina na nakita nang kanyang ama ang ginagawang pamamalakad nang kanyang ama sa kanilang tahanan. Nang umalis siya sa kanilang tahanan kasama ang kanyang bagong asawa, tinuon nang kanyang ama ang pagtulong at paggawa sa mga nasasakupan nang kanilang tahanan.

Sinabi nang kanyang ama na gusto nitong maging katulad ang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat…pinipilit ang sarili na maiayos ang sarili nitong tahanan at ang pamilya nang kanyang kapatid sa ikabubuti nang mga ito.

Doon nagsisimula ang lahat, ambisyon. Sa isang pangarap na pilit inaabot. Alam nang kanyang ama na kailangan nilang gumawa nang paraan. Na kailangang magbago ang pamamalakad sa pamumuno at sa tahanan ng mga Roshan. Sinabi niya sa kanyang ama na hindi ito magiging madali.

Sinabi nang kanyang ama na mahal nito ang kapatid nito, at anoman ang kagustuhan nito handa nitong tulungan ang kapatid. Ngunit hindi nito nakikita sa kapatid nito ang pagbabago na makailang ulit na nilang pinagtalunan. Iyon ang totoo.

Hindi nagtagal nalaman niya ang kagustuhan nang kanyang ama na pumanig sa Hadi Yasir at sa anomang binabalak nito. Hindi naglaon, nalaman nila ang balak nang Hadi Yasir na pagpapabagsak sa tahanan nang mga Ardashir.

Isang araw sa pagdating niya sa tahanan nang mga Roshan, narinig niyang nagtatalo ang kanyang ama at ang kanyang tiyo. Sinabi nang kanyang ina na hindi na maganda pa ang pagtatatalong nangyayari sa dalawang magkapatid. Nalaman nang kanyang tiyo na pumanig ang kanyang ama sa tahanan nang mga Barakat at ang balak nang kanyang ama na agawin sa kanyang tiyo ang pamumuno sa tahanan nang mga Roshan, bagay na isang malaking kasinungalingan.

Matindi itong pinabulaanan nang kanyang ama. Paulit-ulit nitong pinaiintindi sa kanyang tiyo na hindi ito totoo…na hindi totoo ang binibintang nang kang tiyo sa kanyang ama. Sa gayon napilitan ang kanyang mga magulang na umalis sa tahanan nang mga Roshan. Sa gayon, ginawang totoo ang kumakalat na bulong sa buong kinasasakupan nang tahanan nang mga Roshan nang kanyang ama na angkinin at agawin sa Hadezar nang tahanan nang mga Roshan ang kapangyarihan, pagiging patnugot at pinuno nang tahanan nang kanilang pinagmulan.

Nang araw na iyon, nagsimula ang alitan nang dalawang magkapatid.

At ang araw na ito natapos ang alitan nang dalawang magkapatid…

Dinala nang kanyang ama ang kapatid nito, at ang mga pamangkin nito sa malawak na lupain sa gitna nang tahanan. Hindi na nila kinailangan pa ang Adi Hala.

Hiniling nang kanyang ama na isuko ng kapatid nito ang pamumuno sa tahanan nang mga Roshan bagay na hindi ginawa nang kanyang tiyo. Hindi ito umimik ni balingin nang pansin ang kanyang ama habang nakaluhod ang mga ito sa lupa at nakasubsub ang mga pansin. Buo ang loob nang kanyang tiyo na hindi ibigay sa kanyang ama ang pamumuno sa tahanan nang mga Roshan at kahit sa mga anak nang kanyang Hadezar walang sinoman ang may gustong isuko ang pamumuno at patnugot nang tahanan nang mga Roshan.

Hindi dahilan nang kanyang ama ang pagiging sangang nang kanilang tahanan sa masnakahihigit pang darakila sa kanila.  Tapos na ang lahat para sa kanyang mga tiyo at mga pinsan.

Nang araw na ito, tanong nang kanyang ama, “anomang salita?”

Ngumiti ang kanyang tiyo. Tinignan nito ang kanyang ama sa huling pagkakataon. Wika nang kanyang tiyo sa kanyang ama, “Mka, zidadji’nu qhare’dosh” Dumura ito sa lupa kasunod noon muli itong yumuko.

Kailanman hindi kagustuhan nang kanyang ama na agawin sa kanyang tiyo ang pamumuno sa tahanan ng mga Roshan, ang maging darakila pa higit dito kaysa mapabilang sa sanga nilang tahanan— sa halip ginawa nang kanyang ama kung ano ang kinakailangan.

Ang Hadi Yasir

Nang gabing ito, pumasok ang Hadi Yasir sa loob nang silid kung nasaan ang Adi Hikmet at ang kanyang anak. Nakita niya ang kanyang asawa na nag-aayos nang kanilang matutulugan. Hinahanda ang kama na kanilang hihigan habang nakahiga sa mataas na lamesa ang kanilang panganay na anak.

Tinanong siya nang kanyang asawa kung tapos na sila sa kanilang inuman.

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Binuhat niya ang kanyang anak. Sinabi niya na sa tingin niya ay may mga kuna at mga higaang naitatago ang tahanan ng mga Ardashir.

Bagay na pinagpalagay nang Adi Hikmet.

Malamig ang pakikitungo ngayon sa kanya ng kanyang asawa, malayo ang loob nito at hindi niya alam kung ano ang kanyang ginawa para magkaganito ang Adi Hikmet. Kanina pa ito hindi mapalagay, hindi niya alam kung ano ang nangyayari dito.

Kaninang tanghaling, bago ang kanilang hapunan, sinunog nila ang mga labi nang Adi Habib, nang Mata na si Hadi Arsaad at ang mga anak nang Adi Habib sa malawak at luntiang lupain na nasa gitna nang ikalawang bahagi nang tahanan nang mga Ardashir. Pinanood nila ang pagtupok nang apoy sa mga ito bilang pagbibigay-galang, at marahil pagbabayad na rin kung ano ang kanyang nagawa sa mga ito.

Wika niya sa kanyang asawa, “alam mo ba kung ano ang sinabi sa akin nang Adi Habib bago ko sila patayin…” Nabaling ang atensyon nang Adi Hikmet sa kanya. Lumingon ito sa kanya. Dagdag niya, “na hindi nila kailangan ang aking tulong! Na hindi nila ako kayang paniwalaan dahil ako ang pumatay sa kanyang kapatid. Wala akong nagawa…pinatay ko sila, aking asawa!”

Matapos nito tinanggal nang Adi Hikmet ang pansin nito sa kanya.

Bumalik ito sa pag-aayos nang kanilang higaan at pagkatapos noon umupo ito sa kanilang hihigan.

Wika nito, “bakit mo sa akin sinasabi ang bagay na iyan? Na pinatay mo sila…” Sinubukan niyang magsalita gayong wala nang halaga pa kung magpapatuloy siya sa kung anoman ang gusto niyang sabihin. Tama ang Adi Hikmet. Wala nang halaga pa kung anoman ang kanyang sasabihin dito tungkol sa pagkamatay nang Adi Habib at nang tahanan nito sa kanyang mga kamay at sa kamay nang kapatid nito. Wika nito sa kanya, “sa tingin mo may halaga pa ang bagay na iyan? Wala nang halaga kahit sabihin mo man ito sa akin, o sabihin mo man ang kanilang mga pangalan! Nagawa mo na kung ano ang kailangan mong gawin…nasa sa iyo na ang tahanan nang mga Ardashir.”

Hinubad nito ang suot nitong Báta. Tinanggal nito ang mga hikaw nito sa magkabilang mga tenga, ang mga singsing na suot nito sa mga braso at kamay.

Wika niya, “pero nawalan tayo nang tahanan…nawala sa atin ang lahat, ang tahanan nang mga Barakat…si Ijiraq. Kailangan kita Adi Hikmet, ngayon lalonglalo na mashigit paman!”

Binuhaghag nito ang buhok nito. At inibabaw ang mga pinaghubarang suot sa isa pang mataas na lamesa na naroroon sa loob nang silid na kanilang tinutuluyan.

Dagdag niya, “kailangan ka nang aking tahanan!”

Umupo ang kanyang asawa sa inayos nitong higaan.

Lumingon ito sa kanya, pinagmasdan siya nito. Tinignan siya nito nang may paglamlam at pagpipigil…may lalim ang paghinga nito. May bigat ang bawat sandali na hinihingi nito sa kanya. Wika nito sa kanya, “wala na sa atin ang lahat…hindi magtatagal mawawala na rin sa iyo ang mga tahanang nasa ilalim nang pamumuno nang mga may-ari ng mga sakahan. Ano pa ang gusto mo…ano pa ang gusto mong marinig sa akin?”

Sinubukan niyang sabihin dito na mahal niya ito. Sinubukan niyang ipaalala dito ang kanyang pakiramdam at pagkahumaling sa babaeng una niyang nakita sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar bagkus hindi niya nagawa. Bagkus wika niya, “na wala tayong dapat na ipag-alala! Magiging ayos lang ang lahat. Para sa kanya, lalong-lalo na sa kanya!”

Wika nito sa kanya, “alam ko! Hindi mo kailangang sabihin…Gusto ko lang magpahinga!”

Humiga ang kanyang asawa sa kamang kanilang tutulungan. Tinalikuran siya nito, humiga ito nang nakahilis habang siya naiwang gising bitbit ang Adi Atilla. Nabaling ang kanyang pansin sa kanyang panganay. Hindi niya magawang tanggalin ang sayang nararamdaman niya habang nakikita niya ito.

Kasunod noon, lumabas silang mag-ama sa loob nang silid na kanilang tinutuluyang mag-anak. Iniwan niya ang kanyang asawa na nagpapahinga. Bumaba sa mga baitang nang pasilyo, at patungo sa malawak at luntiang lupain sa gitna nang ikalawang bahagi nang tahanan nang mga Ardashir. Ang mga sandaling kagaya nito, na kasama niya ang kanyang bagong silang na anak ay siyang kasiyahan na hindi niya magagawang kalimutan.

Hinayaan niyang nakabukas ang pintuan nang lagusan at mga durangaw nito.

Umupo silang mag-ama sa sahig nang pasilyo. Binaling niya ang kanyang pansin sa magiting na puno nang Mahumanay na agad din niyang tinanggal at ibinaling sa anak.

Tanong niya sa kanyang anak, “ano ang pinaggagawa niyong mag-ina buong araw? Siguro walang sawa ka niyang pinapakain at binubundat…no…tama ako, hindi ba! Kailangan mo iyan anak. Kailangan mong maging malakas para sa amin nang iyong ina. Alam ko…alam ko hindi mo kami pananagutan, ikaw pa nga ang aming tungkulin na pangalagaan, wala naman akong hinihinging sa iyong kapalit! Huwag kang mag-alala hindi ka namin pipilitin. Malaya kang gawin kung anoman ang gusto mo. Ikaw ang aking anak, kahit anong mangyari.”

Kinanta niya sa Adi Atilla ang uyaying madalas niyang kinakanta dito. Uyqu’ö yaxshi, /Ko o’sadi siz waxaa vizuri, /Vagaane, va unzha uyronuü. /Derew/Asisa’siz waxaa nirmata/ Uyqu’ö volim/Uyqu’ö gurhi/ Unzha’siz ketago.

Nang umagang ito, sinimulan niyang ayusin ang magiging silid nilang mag-asawa. Inisip niya na kung dito sila mamamalagi ng walang katiyakan makabubuti na magiging maginhawa ang kanilang pamamalagi sa tahanan nang mga Ardashir.

Pinaghanda niya ang lahat nang mga Anino na nasa ilalim nang kanyang pamumuno. Inutusan niyang bantayan nang mga ito ang lahat ng daanan papasok at palabas sa kanyang mga kinasasakupan. Nalaman niya na pinili nang bawat pinuno at may-ari nang mga sakahan na kanyang pinamumunuan na magdesisyon na talikuran ang kanyang tahanan, baliin kung anoman ang namamagitan sa kanya at sa mga ito. Ang mga ito ang mismong nakiusap sa kanya, sa loob nang pamosong pabilyo nang tahanan nang mga Ardashir. Natakot ang mga ito sa banta nang higit pang paglala ng alitan sa pagitan nang kanyang tahanan at nang lahat na pumapanig sa kanyang mga kalaban lalo pa na baka madamay lamang ang mga ito.

Wala siyang nagawa. Alam niya ang takot sa mga ito…nauunawaan niya— naiintindihan niya ang pangamba na dapat niya rin maramdaman. Kung bakit ginagawa nang mga ito ang kinakailangang gawin. Alam niyang ito lamang tanging makabubuting paraan para sa mga ito.

Pinagbigyan niya ang mga ito, ibinigay niya sa mga ito kung ano ang hinihingi nang mga ito sa kanya. Pinakawalan niya ang mga ito sa ilalim nang kanyang pamumuno. Matapos noon umalis nang mga ito at tinalikuran siya.

Nagtungo siya sa isa sa mga imbakan nang tahanan ng mga Ardashir. Binuksan niya ang pintuan nang lagusan. Pumasok siya sa loob hinanap ang kunan na aayusin niya at gagamitin niya para sa kanyang anak. At nang nakita niya ito, kinuha niya ang mga bahagi nito at isa isang dinala malapit sa kanilang tinutuluyang silid sa ikalawang bahagi nang tahanan, Nilinis niya ito at inayos at inilagay malapit sa kama nilang mag-asawa.

Nandito sa tahanan nang mga Ardashir ang mga magulang nang kanyang asawa at mga kapatid. Nandito rin ang kanyang kapatid at ang kanyang mga pamangkin at ang kapatid nang asawa kanyang kapatid na ngayon ay kalaguyo na nang kanyang nakatatandang kapatid na babae.

Sa mga sandali nang araw na ito hindi niya pa rin magawang hindi mag-alala at alalahanin kung nasaan na nga ba talaga ang kanyang bunsong kapatid na babae na si Adi Sule; ang liyaw nang tahanan nang mga Barakat.

Matapos ang hapunan, tinulungan niya ang nanna nang kanyang asawa na maghugas nang kanilang pinagkainan at maglinis nang silid-lutuan. habang tinutulungan niya ang ina nang kanyang asawa tinanong siya nito kung ano ang magiging balak niya. Alam nila na hindi habang panahon mananatili sila dito at ang kanilang mga kalaban ay mananatiling tahimik. Alam nila na hindi magtatagal ay magkakaroon ulit nang panibagong kaguluhan, dadanak muli ang dugo at marami ang masasaktan at mapipinsala.

Tanong nang Adi Arwa sa kanya, “Bakit hindi kayo tumakas?”

Nagtaka siya. Tanong niya, “at saan naman po kami pupunta!”

Wika nito sa kanya, “ikaw lang!”

Nabaling ang pansin niya sa ina nang kanyang asawa. Nagulat siya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Hindi niya inaasahan na marinig ito sa kanyang biyenang babae.

Wika nang Adi Arwa sa kanya, “kailangan mo itong gawin Hadi Yasir.” Inilagay nito ang kamay nito sa kanyang braso. Dagdag nito, “makabubuti kung tatakas ka sa Ja’khar. Isipin mo na lang ang iyong mag-ina, na ginagawa mo ito para sa kinabukasan nila.

Wika niya, “hindi naman po siguro tama iyon?”

Wika nang Adi Arwa, “darating ang araw makakalimutan din nang buong Ja’khar kung ano ang mga nangyari. Makakabalik ka dito nang walang pag-aalinlangan.”

Tanong niya, “pag-umalis ako, ano ang mangyayari sa aking mag-ina? Paano ang magiging buhay nang aking anak? Ano ang mangyayari kung tumakasman ako at manatili kayo dito?”

Wika nito sa kanya, “maaari tayong mag-isip nang masama pero pwede din tayong mag-isip para sa ikabubuti. Malay mo may mangyari mabuti, magkaroon nang katahimikan makita mo ang iyong anak na lumaki, mayakap mo sila—hindi mo ba gugustuhin na mangyari iyon Hadi Yasir!” Dagdag nito, “habang may pagkakataon pa, isipin mo ang iyong mag-ina.

Hindi siya nakaimik. Pagkatapos noon iniwan niya ang Adi Arwa sa loob nang silid-lutuan na mag-isa. Pinuntahan niya kung nasaan ang kanyang asawa at anak. Tama ang Adi Arwa. Tanga siya kung iisipin niya na tahimik na ang lahat at nasa kaayusan na ang kanilang bayan. Na ang totoo, nagsisimula pa lamang ang lahat, panandalian lamang ang katahimikang ito at hindi magtatagal muling magkakaroon na panibagong kaguluhan.

Sa pagpasok niya nang kanilang silid mag-asawa, napansin niyang wala ang kanyang mag-ina. Nagtungo siya sa loob nang paliguan nang tahanan nang mga Ardashir. Nakita niya ang mga ito na nakababad sa banyera na nasa paliguan nang tahanan.

Sinabi nang kanyang asawa na hindi niya dapat ginawa iyon, ang pagbali at pagbibigay sa kalayaan nang mga may-ari nang mga sakahan na makipaghiwalay sa ilalim nang kanyang pamumuno at patnugot. Ibinaba niya ang mga gamit pampaligo sa ibabaw nang mataas na lamesa sa loob ng paliguan. Umupo siya sa sahig malapit sa banyera, sa harap nang mga ito, isinandal niya ang kanyang likod sa dingding.

Sinabi nito sa kanya “tinapon mo lamang ang dalawampung taon nang pamumuno at patnugot sa mga ito!”

Wika niya, “kailangan ko iyong gawin Adi Hikmet!”

Lumingon ito sa kanya. Tanong nito, “bakit? Anong dahilan para gawin mo ito…wala na ba talaga kaming halaga sa iyo?” Niyuko niya ang kanyang ulo. Ibinaling niya kanyang pansin sa sahig nang silid. “Anong dahilan? Paano na tayo ngayon! Gusto kong malaman ang totoo, kung ano ang binabalak mo…sabihin mo naman sa akin, hindi parang palaisipan ang lahat at tinatanong ko kung ano ang maaaring mangyari sa atin bukas, kung ano ang maaaring mangyari bukas! Hindi nang nag-aaalala ako nang ganito habang ikaw ngumingiti-ngiti diyan at nakikipag-inuman sa aking ama at sa Hadi Faysal.”

Tinanggal niya ang kanyang tingin sa sahig nang paliguang-silid nang tahanan ng mga Ardashir. Nabaling ang kanyang pansin sa kanyang asawa. Wika niya, “hindi ako ngumingiti dahil akala ko na panatag na ang lahat…nakakatawa lang, parang kagabi lang sinabi mo sa akin ganitong-ganito din pag-uusap na hindi magtatagal ay mawawala sa atin ang lahat-lahat…”

Tanong nang Adi Hikmet sa kanya, “kailangan ko pa bang paulit-ulit sa iyong sabihin?”

Wika niya, “tama ka—tama ka sa mga sinabi mo…ito ang ating tahanan, ang tahanang ito hindi magtatagal ay ang magiging bagong tahanan nang mga Barakat! Nakipag-usap sila sa akin, pinagbigyan ko sila. Ngunit ang totoo noon, wala na tayong magagawa pa kung hindi pagbigyan kung ano ang kagustuhan nilang mangyari…kaya ibigay ko. Pinagbigyan ko kung ano ang hinihingi nila sa akin. Pero hiningi ko sa kanila na kapalit noon ang kinabukasan nang ating bayan!”

Pagtataka nang kanyang asawa, “ano ang pinagsasabi mo Hadi Yasir?”

Wika niya, “humingi ako sa kanila nang kapalit sinabi ko sa kanila kung ano ang kinabukasan nang bayang ito. Kapag natapos na ang kaguluhang ito. Sinabi ko kung papayag sila maaari kong kausapin ang iyong ama na tanggapin sila bilang pinapatnugunan nang tahanan ng mga Roshan. Sinabi ko na makakatulong ang Hadi Yusuf sa kanila nang malaki. Kilala nila ang Hadi Yusuf…alam nila kung papaanong kumilos ang iyong ama, maging ang mga anak nito! Nakikita mo naman kung ano ang ginagawa nila sa inyong tahanan hindi ba?”

Tanong nang Adi Hikmet sa kanya, “pero bakit?”

Wika niya, “nag-usap kami nang iyong ama at nang Hadi Faysal. Sinabi ko kung ano ang mga mangyayari at ang mga binabalak ko sa ating tahanan at sa Ja’khar. Sinabi ko sa kanila kung ano ang kailangan nilang gawin. Sinabi ko na handa kong ibigay ang lahat nang pinamumunuan at pinapatnugunang tahanan ng mga Barakat sa iyong ama, ang pagtatatag nang isang nagkakaisang samahan nang mga magsasaka at mga may-ari nang mga paghahayop. Gayon din sinabi ko sa Hadi Faysal na gusto kong pamunuan niya at patnugunan niya ang mga tahanang nasa ilalim nang pamumuno nang tahanan nang mga Harith, maging Hadezar at maging ang lahat nang nasa ilalim ng pamumuno nang tahanan ng mga Parvana! Iyon ang pinag-usapan namin.”

Tanong nang Adi Hikmet sa kanya, “akala ko?”

Wika niya, “hindi kaya nang Ja’khar na magkaroon nang iisang pinuno lamang.”

Tanong nito sa kanya, “paano tayo ano ang sa atin?”

Wika niya, “ang lahat-lahat nang pagmamay-ari at nasasakupan nang dating tahanan nang mga Ardashir!”

Tinanggal niya ang pagkakasandal nang kanyang likuran sa dingding nang silid. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Kinuha niya ang mga tuwalya para sa kanyang mag-ina at ibinigay niya ang mga ito dito.

Kinuha ito nang kanyang asawa kasabay nang pagbibigay sa kanya sa kanilang panganay na anak. Itinapis nito ang ibinigay niyang tuwalya sa katawan nito habang siya binalot niya nang tuwalya ang kanilang anak. Umahon ang Adi Hikmet, tinulungan niya itong makaalis sa paliguan.

Ibinaba nang kanyang asawa ang kanilang anak sa ibabaw nang kahoy na lamesa. Pinatuyo nito ang kanilang anak habang nakatalikod ito sa kanya.

Nabaling ang kanyang pansin sa paliguan. Kasunod noon hinubad niya ang kanyang suot na damit. Una niyang hinubad ang suot niyang Báta. Tinanggal sa pagkakatali ang mga sintas nito.  Hinubad niya ito at bumagsak ito sa sahig nang silid. Sunod niyang tinanggal ang kanyang saluwâl na walang mga panara at nakatali lamang sa kanyang katawan.

Hinubad niya ito sa kanyang katawan at bumagsak ito sa sahig.

Sinabi nang kanyang asawa, “natatakot ako Yasir sa kung ano ang maaaring mangyari sa atin. Hindi ka ba natatakot?”

Lumingon siya dito habang sinisimulan niyang tanggalin ang suot niyang bahag.

Tugon niya, “natatakot! Pero ano na ang dahilan para matakot pa? Hindi na natin kailangan pa ang mag-ingat manasivah bagkus ang kailangan natin ay maghanda!”

Pagkahubad sa kanyang sinuot na bahag agad siyang lumusong sa banyera upang magsimulang maligo.

Kinuha niya ang mabangong insensong langis sa tabi nang paliguan. Inilagay niya ito sa kanyang katawan, ikinuskos sa kanyang mga kamay at ipinahid sa kanyang buhok at katawan. Saka ibinabad ang sarili sa maligamgam na tubig nang banyera.

Tanong nang Adi Hikmet sa kanya, “alam mo ba na pinapatay nang Hadi Mahdi ang Adi Atiya sa Hadi Nasrin?”

Kinuha niya ang tabo sa sahig at saka niya binuhusan ang kanyang sarili nang maligamgam na tubig mula sa banyera.

Inalmuhasan niya ang kanyang mukha. Kasunod noon binaling niya ang kanyang pansin sa kanyang asawa. Nakasuot ito nang panloob na mahabang palda na kulay na nakapatong sa ibabaw nang dibdib nito.

Sinabi niya, “sinabi sa akin nang Hadi Faysal!”

Matapos noon, bitbit ang kanilang anak umalis ito nang paliguan at iniwan siya nitong nag-iisa.

Inilublob niya ang kanyang katawan sa tubig. Tumingala siya sa kisame nang silid habang nakaunan sa dulo nang banyera ang kanyang ulo. Dinungaw niya ang mga bato at kahoy ng kisame.

Kasunod noon pinikit niya ang kanyang mga mata at inilubog niya ang kanyang sarili sa mainit na tubig ng banyera.

Sa pag-ahon niya agad niyang kinuha ang tuwalyang nakaibabaw sa mataas na lamesa na nasa loob nang silid. Pinunasan niya ang kanyang sarili gamit ng tuwalya. Lumabas nang silid habang nakatapis ang tuwalya sa kanyang katawan at agad na nagtungo sa loob nang tinutuluyan nilang silid na mag-asawa, ang dating silid nang yumaong Hadi Khalil.

Sa pagbalik niya sa kanilang silid mag-asawa, nakita niya ang Adi Hikmet na inihihiga ang kanilang panganay na anak sa loob nang kuna nitong siya mismo ang nag-ayos. Gawa ito sa kahoy na may mga paratilyang ang bawat haligi ay may hubog nang mga babaeng nakahubad at nagtataglay nang mga pakpak kaysa mga kamay, na nakaharang at may taas na tatlong talampakan.

Inihiga nang Adi Hikmet ang kanilang anak sa loob ng kuna.

Sinarado niya ang lagusan nang kanilang tinutuluyang silid.

Wika nang Adi Hikmet sa kanya, “sana tama ka nga na makabubuti ito sa atin?”

Lumingon siya dito.  Nakita niyang nakatingin ito sa kanya.

Wika niya, “sa tingin ko!”

Pinatay niya ang isa sa mga nakasinding timsim sa ibabaw nang mataas na lamesa.

Wika nito, “kung ito ang magiging tahanan natin marami ang kailangang ayusin…maraming dingding ang hindi pa nilalagyan nang mga inukit na larawan.”

Sinunod niyang patayin ang isa pang nakasinding tinghoy na nakababad sa sulyaw na may mantika.

Wika niya, “talaga!”

Tumango-tango ang Adi Hikmet. Wika nang Adi Hikmet sa kanya, “maraming silid lang ang kinakailangang ayusin at linisin.”

Hindi na nawala ang kanyang pansin dito.

Wika niya, “maaari mo akong tulungan!” Ngumiti siya.

Lumapit ito sa kanya. Nagtaka siya. Hinalikan siya nito.

Tanong niya, “anong ginagawa mo?”

Wika nito sa kanya, “huwag kang maingay…natutulog ang bata!”

Hinubad nang Adi Hikmet ang nakatapis na tuwalya sa kanyang katawan. Ginapang nito ang kamay nito paibaba sa kanyang dibdib at patungo sa kanyang ari. Lumapit siya dito. Sinabi nito sa kanya, “kailangan kita Hadi Yasir…kailangan kita ngayon!”

Wika niya, “mahal na mahal kita Adi Hikmet…” Hinalikan niya ito. Naghalikan silang dalawa. Nang gabing iyon nagniig silang dalawa. Dinala nila ang sensayo ng isa’t isa sa kanilang mga pangangailangan.

Isa itong panaginip. Kung panaginip lamang sana ito. Sa gayon ay unti-unti siyang nilalamon, nalulunod, nang kadiliman na bumabaon sa kanya. “Adi Hikmet!” Bulong niya sa kanyang sarili. “Adi Hikmet”. Dinilat niya ang kanyang mga mata at nakita niya ang kalawakan nang espasyo na namamagitan sa kanya sa lantay na dingding nang silid na kanilang tinutuluyan at sa kanyang pagkakahiga sa kamang gawa sa rattan.

Sa pagbangon niya agad niyang kinuha ang kanyang mga susuotin. Naglakad siya patungo sa mataas na lamesa. Kinuha niya ang mga damit na inihanda sa kanya nang Adi Hikmet sa ibabaw nang mataas na lamesa. Sinuot niya ang bahag na nakapatong sa ibabaw nang saluwâl.  Inipit niya sa pagitan nang kanyang mga singit ang bahag at itinali sa kanyang beywang. Kasunod noon, sunod niyang kinuha ang saluwâl at isinuot niya ito sa kanyang beywang. Inayos niya ito nang mabuti nilagyan nang mga banig na panara ang dulo nito at sunod niyang kinuha ang kayumangging Báta na nakasampay sa higaang kanilang tinutulugang mag-asawa.

Lumabas siya sa kanilang silid mag-asawa at sa paglabas niya nakita niya ang kaaliwasan nang umaga, ang maningning na sikat nang umaga na nakakapaso. Naglakad siya sa lilim nang pasilyong may mga bubong.

Kinuha niya ang mga damit na pinaghubaran sa loob nang paliguan at ibinalik sa loob nang kanilang silid mag-asawa.

Sa kanyang paglalakad nakita niya ang kanyang kapatid na si Adi Makbule na nakaupo sahig nang pasilyo sa labas nang tinutuluyan nilang silid nang Hadi Faysal.

Nabaling ang pansin nito sa kanya.

Wika nito sa kanya, “hindi mo dapat ginawa iyon?”

Wika niya, “alam ko!” Bigla nawala ang pansin nito sa kanya at ibinaling nito ang tingin sa malawak at luntiang lupain sa gitna nang ikalawang bahagi nang tahanan.

Lumapit siya sa kanyang kapatid. Umupo siya sa tabi nito.

Tanong nito sa kanya, “alam mo bang patay na ang Adi Atiya?”

Wika niya, “Oo, alam ko!”

Dagdag nang Adi Makbule, “pinatay siya nang Hadi Nasrin? Hindi ko alam na magagawa niya iyon!”

Tanong niya, “ang alin?”

Wika nito sa kanya, “ang patayin ang Adi Atiya!”

Wika niya, “alam natin na hindi niya kayang gawin iyon…kapatid ko.”

Wika nito sa kanya, “oo tama ka nga” Lumingon ito sa kanya. Dagdag nito, “mukhang nagkakasayahan kayo kagabi?”

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Wika niya, “Oo…kayo rin, sigurado ka na ba?”

Hindi nakaimik ang Adi Makbule.

Wika niya, “masaya ako na nakikita kitang masaya…at kung anoman ang gusto mong mangyari alam mong nandito lang ako!”

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo sa tabi nang kanyang kapatid. Bago siya umalis wika nang Adi Makbule sa kanya, “panahon na kapatid ko— ang maging masaya tayo.”

Wika niya, “tama ka…” Bago siya umalis dagdag niya, “dito kami magsisimula nang Adi Hikmet. Hangad ko na matupad mo ang lahat nang mga pangarap mo kapatid ko…”

Kasunod noon tuluyan niyang iniwan ang Adi Makbule at lumabas nang ikalawang bahagi nang tahanan at nagtungo sa loob nang silid-lutuan.

Matapos ang tanghalian binantayan niya ang kanyang anak sa loob nang pabilyo nang tahanan ng mga Ardashir.  Naiwan siyang kasama ito at nag-aalaga sa kanyang panganay habang katuwang na naghuhugas nang mga pinagkainan at nag-aayos nang lamesa ang kanyang asawa at ina nito. Kasama nang kanyang kapatid ang tatlo nitong anak, at mga apo habang kanina pa ang mga Hadi ng tahanan nang mga Roshan at ang Hadi Faysal na kaaalis lang upang kumuha nang mga dagdag na gamit sa tahanan nito.

Sa kanyang pag-iisa hindi niya magawang tanggalin ang kanyang pansin sa kanyang panganay. Ang nakapikit nitong mga mata, at walang muang nitong itsura ang nagbibigay sa kanya nang kabanaagan nang loob at katiwasayan sa sarili.

Ang kanyang pangarap at panaginip, ang dahilan kung bakit siya nabubuhay at ginagawa ang lahat nang kinakailangang gawin.

Pumasok ang Adi Arwa sa kanya.

Nabaling ang kanyang pansin habang nakaupo siya sa isa sa mga malalaking mga upuan sa loob nang pabilyo at akay-akay ang anak sa kanyang mga bisig.

Wika nang Adi Arwa sa kanya, “tapos na kaming mag-ayos at maglinis, akin na ang bata!”

Nabaling ang kanyang pansin sa nanna nang kanyang asawa. Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo. Lumapit sa Adi Arwa.

Sinabi niya, “ito ho kanina pa niya hinahanap ang kanyang ina!”

Wika nang Adi Arwa, “buti natahimik siya sa kaiiyak!”

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Dagdag niya, “mabuti nga po…”

Ibinigay niya ang Adi Atilla sa ina nang kanyang asawa.

Pagtataka nang Adi Arwa sa kanya, “may gagawin ka pa ba?”

Nagtaka siya. Tanong niya, “bakit ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?”

Tanong nang Adi Arwa sa kanya, “gusto ko lang malaman kung ano ang naging desisyon mo—” bumukas ang lagusan ng tahanan. Pumasok sakay nang kanikanilang mga alagang asong-gubat ang Hadi Yusuf, Hadi Batul at Hadi Fadil kasama ang ilan sa mga Anino na nasa ilalim nang pamumuno nang tahanan ng mga Roshan.

Nabaling ang kanyang atensyon sa pagdating nang mga Roshan sa loob nang kanyang tahanan. Dala nang mga ito sa mga sibat ang mga pugot na ulo nang Hadi Mirza at nang mga anak nito.

Napabuntong hininga siya. Ngumiti siya…sa gayon matapos nito, lumingon siya sa ina nang kanyang asawa. Nakita niya ang pagkagulat sa mga nakikita nito.

Tanong nang Adi Arwa sa kanya, “ano ang ginawa mo?”

Wika niya, “hindi mo maiintindihan kahit pa sabihin ko pa sa iyo. Hindi mo ako katulad Adi Arwa, natutunan ko na kung gusto kong makuha kung anoman ang gusto ko, kailangan kong makipagsapalaran…kung tatakas ako at susundin ko ang payo mo walang mangyayari. Ikaw ano ang kaya mong isugal kapalit nang ikabubuti nang tahanan nang mga Roshan?”

Lumapit siya sa kanyang biyenan. Kinuha niya ang kanyang anak na akay-akay nito. Sinabi niya na bakit hindi niya puntahan ang mga ito. Bagay na ginawa nang ina nang kanyang asawa. Agad lumabas ito nang pabilyo nang tahanan. Lumapit ito sa mag-aama nito.

Nakita niya ang pagtangi nang ina nang kanyang asawa sa asawa nito. Ang hindi maitatangging pagmamahalan at pagsasama nang dalawa sa bawat pagsubok at paglipas nang panahon. Gayong agad din niyang tinanggal ang kanyang pansin sa mga ito.

Hindi naglaon hinain nito sa kanya ang mga pugot na ulo nang darakilang tahanan nang mga Roshan na nasa ilalim nang pamumuno ng tiyo nang kanyang asawa na si Hadi Mirza, tatlong pugot na ulo na nakabuka ang mga bibig at luwa ang mga mata.

Sinabi nang Hadi Batul sa kanya na hindi nila makita ang Adi Hala, na pagdating nila sa tahanan nang mga Roshan wala na ito roon bagkus ang tanging naiwan na lamang ay ang mga Hadi na sina Hadi Mirza at ang mga anak nito.

Tinanong niya kung kamusta ang mga magulang nito.

Sinabi nang Hadi Batul sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala. Magiging ayos din ang mga ito sa pagtagaltagal.

Bago ito tuluyang umalis tinanong nito sa kanya kung ano ang gusto niyang gawin sa mga ito. Inutos niya na sunugin ang mga ito…

Tumango-tango ang Hadi Batul.

Muli ibinaling niya ang kanyang pansin sa kanyang panganay. Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo sa isa sa mga upuan sa loob nang pabilyo nang tahanan nang mga Ardashir at sa banta nang kanyang paglabas nabaling ang kanyang pansin sa hindi pa umaalis na manugang.

Nagtaka siya.

Wika nito sa kanya, “bago kami bumalik dito nakita namin ang pugot na ulo nang Adi Atiya na nakatarak sa malalaking mga sibat na magkaka-ekis sa labas nang kinsasakupan nang tahanan ng mga Parvana. Iba pang mga bahagi nang katawan nang Adi Atiya ang nakatarak sa mga sibat sa mga sumunod patungo sa tahanang kinasasakupan nito.”

Tanong niya, “at?”

Tugon nang Hadi Batul, “naroroon rin ang mga pugot na ulo nang Hadi Naveed at nang iyong kapatid, Hadezar! —malinaw na isa itong patibong.”

Kinuha nang Hadi Batul ang isang supot na nasa baitang nang pabilyo sa labas nito. Matapos noon lumapit ito sa mababaw na lamesa at ibinaba ang pugot na ulo nang kanyang kapatid. Binuksan nito ang supot at ipinakita sa kanya ang pugot na ulo nang Adi Sule.

Tinanong niya ang Hadi Batul kung mayroon pa bang nakakaalam nito bukod sa kanilang dalawa at nang tahanan nang mga Roshan. Sinabi nang Hadi Batul na halos alma na nang lahat ang nangyari sa Adi Sule.

Inutusan niya ang Hadi Batul na kunin ang mga labi nang Adi Atiya, nang Hadi Naveed at nang kanyang kapatid. Sunugin ang mga ito at itapon ang mga abo sa kung saanman gusto nitong itapon.

Nang hapong iyon, naiwan siyang nag-iisa sa loob nang pabilyo nang tahanan ng mga Barakat. Hawak niya ang Adi Atilla, bitbit sa kanyang mga bisig ang kanyang pinakamamahal na panganay. Alam niya na hindi magtatagal malalaman na rin ng buong Ja’khar kung ano ang nangyari sa tahanan ng mga Parvana, ang pagbagsak nang Adi Atiya at ang pag-angkin nang Hadezar nang tahanan ng mga Harith sa kapangyarihan at impluwensyang tinataglay nang dating itinuturing na kapanalig.

Lumapit siya sa Kuna na nasa loob nang pabilyo. Inilagay ang anak sa loob nito. Lumabas siya sa loob nang pabilyo habang naiwang nag-iisa ang kanyang panganay at pinakamamahal na anak sa loob nito.

Sa paglabas niya sa loob nang pabilyo ng tahanan, nagtungo siya sa silid-lutuan kung saan sa hindi inaasahan, sa kanyang paglalakad hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na hindi makaramdam nang pangangalam ng sikmura, pagbabara sa kanyang lalamunan at pagduduwal.

Agad kumuha siya nang maiinom na malinis na tubig mula sa isa sa mga banga na nasa loob nang malawak na silid-lutuan nang tahanan ng kanilang tahanan, at uminom siya gamit nang maliit na panabo na nandito.

Nakarinig siya nang ingay sa labas nang silid-lutuan. Binaling niya ang kanyang sa pinanggalingan nito. Dinungaw niya ang bintana nang silid, at doon nakita ang kanyang biyenan at ang kanyang asawa na pumasok sa loob nang pabilyo. Kinuha nila ang kanyang panganay, ang kanyang nag-iisang anak, ang laman nang kanyang laman, dugo nang kanyang dugo higit sa lahat ang kanyang pangarap at panaginip.

Sa paglabas niya nang silid-lutuan agad siyang dumiretso sa ikalawang bahagi nang tahanan. Marami na ang nagbago sa dating tahanan nang mga Ardashir, ang ikalawang bahagi nang tahanan ay ang pinakabago sa lahat nang mga pagbabago. Pumasok siya sa loob nang bulwagang silid. Lumusot siya sa lagusan nito patungo sa ikalawang bahagi at lumabas sa ikalawang bahagi nang bulwagan, kung saan makikita ang luntian at malawak na lupain sa gitna nang tahanan.

Sa paglabas niya, bumaba siya sa mga baitang paibaba nang malawak at luntiang lupain. Hindi maikakailang masmalawak at masmahaba ang ikalawang bahagi nang tahanan nang mga Ardashir. Masmarami ang okupadong silid na nandito at wala itong tinataglay na ikalawang palapag, siyam na malalaking silid, tatlo sa kanang bahagi, tatlo sa kaliwang bahagi at tatlo sa dulo.

Naglakad siya sa malawak na lupain.

Narinig niya ang nagtatawanan at naghahagigikang mga bata sa ikalawang palapag nang unang bahagi. Nabaling ang kanyang pansin sa pinagmumulan nito at nakita niya ang kanyang mga batang pamangkin na nagkakatuwaan.

Ngumiti siya sa mga ito at nagpatuloy sa kanyang paglalakad.  Sa kanyang paglalakad nakita niya ang pag-uusap nang kanyang asawa akay ang kanilang anak at ang Hadi Faysal.

Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad.

Nang gabing ito, nagtungo siya sa loob nang paliguang silid nang tahanan. Ibinaba niya ang mga gamit niya pampaligo sa mataas na lamesa na nasa loob nang silid. Lumapit siya sa banyera na nakadikit sa dingding nang paliguan. Pinakiramdaman niya ang init nang tubig na nakalagay dito. At nang nalaman niyang mainit init na ito, pinatay niya ang siga na nasa ilalim nito. Kasunod noon, hinubad niya ang kanyang mga suot na damit. Tinanggal niya sa pagkakatali ang mga sintas nang suot niyang Báta, hinubad ito sa kanyang katawan. Kasunod noon, sunod niyang tinanggal ang kanyang suot na saluwâl na sinundan nang paghubad niya sa kanyang suot na bahag.

Nilagyan niya ang kanyang katawan nang malagkit na galapok. Binalutan ang katawan at saka nagbabad sa mainit init na tubig na laman nang banyera. Kinuha niya ang tabo na nasa loob nang banyera, binuhusan ang sarili nang mainit na tubig at saka kinuskos ang kanyang katawan nang maigi.

Nang hindi inaasahan pumasok ang Adi Hikmet sa loob nang paliguan. Nabaling ang kanyang pansin dito.

Tanong niya, “tulog na ang Adi Atilla?”

Bagay na sinang-ayunan nang kanyang asawa.

Wika nang Adi Hikmet sa kanya, “Hadezar…patawarin mo ako kung hindi ko man nalaman agad ang nangyari sa iyong kapatid!”

Nabaling ang kanyang pansin dito. Sinabi niya, “wala kang dapat na ihingi nang tawad!”

Lumapit ito sa kanya.

Tanong nito sa kanya, “kung ganon ano ang gusto mong sabihin ko?”

Hindi niya tinanggal ang kanyang pansin sa kanyang pinakamamahal na asawa. Sinabi niya, “wala…” Gusto niyang malaman kung anoman ang pinag-usapan nila nang Hadi Faysal kaninang tanghali, kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Lumapit ang Adi Hikmet sa kanya. Umupo ito paharap sa kanya at niyakap siya nito. Wika nito sa kanya, “gusto kong sabihin mo sa akin kung ano ang nararamdaman mo katulad nang dati…kung ano ang iniisip mo ngayon. Gusto kong magsalita ka!”

Tanong niya, “gusto kong malaman kung ano ang pinag-usapan niyo nang Hadi Faysal kanina!”

Lumingon ito sa kanya. Tinanggal nito ang pagkakayapos nito sa kanya. Nagtaka ito. Nagulat ito. Hindi nito maunawaan kung ano ang kanyang pinagsasabi. Hindi nito alam kung ano ang gusto niyang malaman.

Bagkus hinubad nito ang suot nitong damit. Nakita niya ang katawan nito…ang malalaki nitong mga suso na hindi na katulad nang dati. Ang balakang nito na nagkahugis matapos na maipanganak ang kanilang panganay na anak.

Lumusong ito sa mainit na tubig na kanyang pinagbabaran.

Umatras siya. Binabad nito ang sarili nito sa mainit na tubig nang paliguan.

Wika nito sa kanya, “gusto mo bang malaman?”

Tugon niya, “hindi ko alam…marami na ang nangyari” Naramdaman niya na lumalapit ang paa nito sa kanya. Hinahawakan nang daliri nang paa nito ang kanyang tarugo.

Nakita niya ang pagngisi nang kanyang asawa sa kanya. Dagdag niya, “pwede mo sa aking sabihin!”

Wika nang Adi Hikmet sa kanya, “tinatanong sa akin nang Hadi Faysal kung ano ang balak mo para sa tahanan nang mga Harith…gayong nalaman niya kung ano ang ginawa mo laban sa Hadi Mirza!”

Tanong niya dito, “natatakot ba siya na baka hingin ko rin sa kanya na ipagkalulo niya ang kanyang ama para sa akin?”

Wika nang Adi Hikmet sa kanya, “hindi ko alam bakit hindi mo sa akin sabihin!”

Kinuha niya ang paa nang Adi Hikmet. Inilapit niya ang kanyang mukha dito. At hinalikan ang talampakan nito at hinalikan ang hinlalaki nito at ang gilid nang paa nito. Tugon niya, “bakit sasabihin mo sa kanya?” at kinagat niya ang hinlalaki nito sa paa.

Binitawan niya ang paa nang Adi Hikmet.

Lumapit ito sa kanya. Tumagilid siya para magkaroon nang espasyo sa kanyang tabi. Tumabi ito sa kanya habang nakababad sila sa mainit na tubig na nasa banyera.  Humiga ito sa kanyang balikat.

Wika nang Adi Hikmet sa kanya, “alam mong wala kang dapat na ipagselos sa Hadi Faysal.”

Wika niya, “alam ko—kaya lang?”

Wika nang Adi Hikmet sa kanya, “alam kong masakit sa iyo ang pagkawala nang Adi Sule…nakikita ko iyon sa iyon, hindi ko man nararamdaman ang nararamdaman mo ngayon nauunawaan ko at alam ko ang sakit nang mawalan nang kapatid. Mahal mo siya Hadi Yasir, Ipagkaila mo man sa akin mahal mo silang dalawa at iyon ang totoo. Siguro, dapat lang siguro na tigilan na natin ang lahat nang ito. Tapusin na natin ang kaguluhang ito habang nagsisimula pa lamang na lumala ang lahat, ayokong pati ang aking anak ay madamay sa masalimuot na kaguluhang ito.” Tinignan siya nang Adi Hikmet. “hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung pati ang ating anak ay mawala sa atin!”

Wika nang Hadi Yasir sa kanyang asawa, “hindi ko maipapangako sa iyo na magagawang kong tigilan ang lahat nang mga nangyayari…at ayokong ipangako sa iyo ang bagay na iyon. Sasabihin ko sa iyo at gusto ko na wala kang ipagsasabi sa kahit kanino. Pinag-usapan namin nang iyong ama kung ano ang naaayong mangyari laban sa tahanan nang mga Harith. Sinabi nang iyong ama sa akin na handa ang tahanan nang mga Roshan na salakayin at angkinin ang tahanan nang mga Harith. Ganon din ang paghahanda sa gagawing pagsalakay.

Tanong nang Adi Hikmet sa kanya, “at kung magawaman natin ang pag-angkin sa tahanan nang mga Harith ano ang mangyayari sa Hadi Faysal?”

Wika niya, “siya ang magiging Hadezar nang tahanan nang mga Harith…”

Tanong nang kanyang asawa, “kung ganon kailangang mamatay nang Hadi Mahdi at nang Hadi Nasrin!”

Tugon niya dito, “iyon ang kapalit na kinakailangan niyang ipagsapalaran!”

Tanong nito sa kanya, “at kung tumanggi siya?”

Wika niya, “siguro may mga iba pang paraan na maaari nating gawin! Iyon pa lamang ang naiisip ko sa mga sandaling ito.”

Matapos maligo ginupitan nito ang kanyang buhok at inahitan nito ang kanyang bigote at balbas. Pinunasan niya ang basa niyang katawan. Inayos niya ang kanyang sarili, sinuot ang bahag sa kanyang katawan, ang dinala nitong bughaw na Báta sa kanya at saluwâl na kayumanggi saka sinundan ang kanyang asawa sa loob nang kanilang silid-tulugan.

Nang gabing ito nagtungo siya sa loob nang pamosong pabilyo nang tahanan nang mga Ardashir. Sa pagdating niya naroroon at nilalamon nang kadiliman at mga nakasinding timsim ang Hadi Faysal at ang Hadi Yusuf. Pinag-usapan nila ang nangyayaring kaguluhan sa kanilang bayan, bagay na kahindik-hindik.

Sinabi niya na walang mangyayari kung ipagpapatuloy nila ang kaguluhan ito. Sinabi niya na walang mangyayari sa kanila kung hindi lalabas lamang silang mga mang-aagaw. Siya ang pag-agaw niya sa tahanan ng mga Ardashir, at ang Hadi Yusuf sa pag-agaw nito sa tahanan ng mga Roshan sa kapatid nito.

Tinanong nang Hadi Yusuf sa kanya kung ano ang binabalak niya

Sinabi niya na hindi na sila maaari pang gumamit nang dahas. Na ang unang-una sa lahat ang kailangan nilang itakda ay ang muling pagpapanumbalik nang kapayapaan at katahimikan sa kanilang bayan.

Nagtaka ang ama nang kanyang asawa. Sinabi nito sa kanya kung naririnig niya ang kanyang sinasabi. Sinabi nito sa kanya na dahil sa kanya pinatay nito ang kapatid nito. Na siya ang may dahilan kung bakit namatay ang kapatid nito.

Alam niya iyon at nagkamali siya na sabihin iyon sa Hadi Yusuf. Magkagayonman hindi nila maaaring ipagpatuloy pa ang kaguluhang sila mismo ang nagsimula. Sinabi niya na nangyari na ang nangyari sa tahanan nang mga Roshan at hindi nila magagawa pang baguhin kung anoman ang ginawa nila sa halip ang kailangan nila ay itama kung anoman ang nagawa nilang pagkakamali.

Sinabi nang Hadi Yusuf sa kanya na ngayon ay nagising siya sa katotohanan at pinangangaralan niya ang mga ito.

Nabaling ang kanyang pansin sa ama nang kanyang asawa. Sinabi niya na huwag nitong tangkilikin ang kanyang mga pagkakamali. Hindi…na ang totoo ay wala siyang pinapangaral na kahit ano sa mga ito, bagkus hindi niya tungkulin ang pangaralan pa ang mga ito. Pinaalala niya sa Hadi Yusuf kung ano ang pinag-usapan nila, na ibinigay niya dito ang kinasasakupang mga lupain at pinamumunuan niyang mga tahanan dito. Sinabi niya dito na angkinin nito ang tahanan nang mga Roshan dahil sa iyon ang una niyang iniisip na balakin at kanyang pinaghahandaan hindi ang saktan at patayin ang kapatid nito at mga pamangkin. Na kung tutuusin ito ang gumawa nang bagay na iyon.

Sinabi niya na iniisip niya na makabubuti kung babalik sila sa kanikanilang mga tahanan. Ang Hadi Yusuf sa tahanan ng mga Roshan at ang Hadi Faysal sa tahanan ng mga Harith.

Nagtaka ang Hadi Faysal. Tinanong nito sa kanya kung akala ba nito mangyayari ang paglusob sa tahanan nang mga Harith.

Sinabi niya hindi nila maaaring dagdagan kung anoman ang kaguluhang nangyayari na sa kanilang bayan. Bagkus ang hiningi niya sa Hadi Faysal na lumapit ito sa ama nito, humingi nang tawad at makiusap na tanggapin ito muli sa tahanan nang mga Harith.

Tinanong nito sa kanya kung papaano ang Adi Makbule at ang mga anak nito.

Tinanong niya ito kung handa ba nitong ipaglaban ang kanyang kapatid at mga pamangkin laban sa ama nito at sa kapatid nito, bagay na sinang-ayunan nang Hadi Faysal sa kanya.

Sinabi niya sa mga ito na sa tingin niya magiging maganda sa kanilang bayan kung pananatilihin nila ang kabanalan at tinataglay na kapangyarihan nang kalipunan nang mga Hadezar. Alam niya marami na silang nababalitaan na pagbabago sa labas nang kanilang bayan…mga bagong lipunan na pausbong sa katimugan at sa hilaga. Nagsisimula na rin makakakita ang iilang mga nagbabantay sa kanilang karagatan, at sa mga mangingisda nang mga bagong sasakyang pandagat na ngayon lamang nila nakikita, may mga puluhang gawa sa bakal at nakakapangwasak nang mga sasakyang pandagat.

Sinabi niya sa mga ito na hindi naman lingid sa mga ito ang nagaganap na mga pagbabago sa pamunuan ng Ka’desh at ang ginagawa nang mga kaparian nang mga Mata at nang pamunuan nang Qaa’ur sa pakikipagsanib-pwersa sa mga bagong Herren nang Ka’desh…at hindi magtatagal susunod sila sa pagbabagong ito.

Tinanong nang Hadi Yusuf kung paano siya nakakasiguro na magagawa nga nang Hadi Faysal na pasukuin ang ama nito.

Nilinaw niya na hindi hangarin nang kanilang pag-uusap na pasukuin ang Hadezar nang tahanan ng mga Harith.

Bagay na pinagtakahan nang Hadi Faysal.

Lumingon siya dito.

Tanong niya, “bakit wala na ba sa iyong halaga ang iyong ama…kahit malasakitman lang? Siya pa rin ang Hadezar nang tahanan ng mga Harith higit kaninoman masnagtitiwala siya sa iyo kaysa sa iyong kapatid. Alam niya kung ano ang kaya mong gawin Hadi Faysal. Isa pa rin siyang ama at kahit kailan hindi mawawala sa isang ama ang pagmamahal niya sa kanyang mga anak.

Wika nang Hadi Faysal sa kanya, “hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo…”

Tanong niya dito, “magtanong kita ano ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal mo sa aking kapatid? Mahal mo ang aking kapatid hindi ba—bakit hindi mo subukan na gawin ang hinihiling ko sa iyo. Humingi ka nang tawad sa iyong ama…sabihin mo sa kanya na nagkamali ka na makipagtulungan sa akin at sabihin mo din sa kanya na mahal mo ang aking kapatid, higit sa lahat lalong lalo na bilang tunay na ama nang aking mga pamangkin. Ngayon mo ipaglaban sa kanya na mashigit ka niyang kailangan at mashigit mong kailangan ang kanyang pagpapatawad. Iyon ang gawin mo Hadi Faysal…iyon ang tanging paraan kung gusto mong matigil ang kaguluhang ito at magkaroon nang kaayusan sa ating bayan!”

Dagdag niya, “alam ko marami akong kailangang ihingi nang tawad sa mga nagawa ko, pero ang aking pagkakamali ay aking pagkakamali Hadi Yusuf, humihingi ako sa iyo nang tawad sa iyong ginawa…sa aking sinabi magkagayonman kilala ang mga Roshan bilang maaasahan at pumapanig sa kaligtasan bago kumilos. Inuuna ang sariling tahanan bago ang lahat nang pumapaligid dito. Pinagsapalaran mo na ang lahat. At ang mga Harith, ikaw Hadi Faysal higit sa lahat inuuna mo ang iyong tungkulin at trabaho…hindi katulad ko, hindi katulad nang aking tahanan.”

Tanong nang Hadi Yusuf sa kanya, “alam mo ba kung ano ang tinatawag sa amin nang iba ngayon, mga asong nakapaligid sa ahas na bitis. Totoo nga ang sinasabi nila…totoo nga na mahirap kang kilalaning mabuti Hadi Yasir.”

Wika niya, “alam ko, pero tungkulin nang kalipunan nang mga Hadezar ang pamunuan ang Ja’khar. Ipatupad ang kapayapaan hanggang maaari, hindi ang lumikha nang kaguluhan…Hindi lang ako ang pinuno nang Ja’khar. Hindi lang ako ang maaaring magpatakbo sa Ja’khar.”

Bago siya umalis sa loob nang pabilyo nang tahanan pinatay niya ang nakabukas na timsim sa ibabaw nang lamesa at sa mga nakadikit na mga haligi. Agad siyang lumabas sa loob nang pabilyo. Nagtungo sa loob nang yungib ng tahanan. Tinawag niya sina Mamé at Amarok. Kinausap niya ang mga ito. Humingi siya nang tawad sa hindi paglabas at sa hindi pag-aasikaso sa mga ito sa nakalipas na mga araw. Sinabi niya na babawi siya sa mga ito… na pakakawalan niya ang mga ito sa loob nang yungib bukas. Pinangako niya na siya mismo ang magpapakain sa mga ito hindi ang Hadi Fadil. Hinimashimas niya ang ulunan ni Mame. Hinalikan niya ang ulo nito ganon din si Amarok.

Kasunod noon lumabas siya nang yungib nang tahanan nang mga Barakat, pumasok sa lagusang nagdudugtong sa malawak na silid-lutuan nang tahanan at nang yungib, saka bumalik sa ikalawang bahagi nang kanilang tahanang mag-asawa, sa loob nang kanilang silid na tinutuluyan nang Adi Hikmet.

Naiiba ang tahanan nang mga Ardashir kung ikukumpara sa iba pang mga tahanan nang mga Hadezar. Binubuo ito nang dalawang bahagi, ang unang bahagi na may ikalawang palapag at nagsisilbing pangunahing tahanan, at ang tunay na tahanan nang mga Ardashir at ang ikalawang bahagi na kasalukuyan nilang tinutuluyan nang kanyang asawa at anak. Hindi maitatagong isang paraiso sa gitna nang napakaraming pagbabagong nagaganap kanilang mga tahanan.

Ang unang palapag ng unang bahagi ay nagtataglay nang apat na silid sa kaliwang bahagi na ang unang tatlo ay magkakadikit na mga imbakan, habang ang isa ay walang lamang silid. Sa kanang bahagi nang unang palapag ay ang malaking silid-lutuan na labis niyang kinaiinggitan sa Hadi Khalil at maging ang yungib nang tahanan ng mga Ardashir.  Higit sa lahat makikita din sa unang palapag ang bulwagan nang tahanan ng mga Ardashir.

Naglakad siya sa nakaangat na sahig nang tahanan na gawa sa bato at kahoy patungo sa ikalawang bahagi. Lumabas siya sa isa sa mg madidilim na pasilyo at pumasok sa ikalawang bahagi nang tahanan.

Sa kanyang paglalakad nabaling ang kanyang mga pansin sa mga silid na tinutuluyan nang kanyang mga biyenan at nang pamilya nang kanyang kapatid. Nalaman nilang hindi na mapapakinabangan pa ang ikalawang palapag nang tahanan, dahil sa mga inaanay na sahig nito at hindi na mapapakinabangan mga silid. napansin niya ang kasiyahan sa kanyang mga pamangkin, Ang pagmamahal nang Adi Ismat sa anak nito at sa Hadi Batul, ang katahimikan sa loob nang silid nang kanyang mga biyenan. Sa gayon iniisip niya ito ba ang kanyang langit, ang makitang maginhawa at walang pag-aalala sa kanyang tahanan at sa kanyang sarili.

Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad at hindi naglaon narating niya ang tinutuluyang silid nilang mag-asawa. Nakita niya ang kanyang asawa na pinasususo ang kanilang panganay. Ang langit sa kanyang mga panaginip…ang katahimikan bago ang tunay na kaguluhan.

Nag-alinlangan siyang pumasok. Hindi niya alam kung ano ang maaaring mangyari kung sakaling humakbang siya sa lagusang iyon at makita ang kanyang asawa na masaya at ang mukha nang kanyang bagong silang na anak. Isa itong bangungot na labis niyang kinatatakutan…Alam niyang darating ang sandali wala siyang magagawa.

Magiging totoo kung anoman ang pinangangambahan nang kanyang biyenan na si Adi Arwa.

Sa halip umupo siya sa sahig, sa mga baitang nang pasilyo at binaling ang kanyang pansin sa malawak na lupain sa gitna nang tahanan, at sa gahiganteng aninong kumakawala sa magiting na puno nang Mahumanay.

Pilit niyang sinasabi sa kanyang sarili kulang ang kanyang mga pinaghahandaan. Hindi sapat ang maging handa at kumilos sa tawag nang pangangailangan, kailangan niyang manguna…kailangan niyang kumilos bago pa ang pagkilos nang kanyang mga kalaban.

Hanggang sa narinig niya ang pagtawag sa kanya nang kanyang asawa, “Hadi Yasir” Tinanong siya nito, “bakit hindi ka pumasok sa loob?”

Hadi Yasir

Hadi Yasir…

Lumingon siya sa kung nasaan ito. Nakita niya na nasa loob ito nang kanilang silid, sa may lagusan nang kanilang tinutuluyang silid mag-asawa. iniilawan nang liwanag na nagmumula sa loob nang kanilang silid-tulugan.

Wika niya, “naalala ko…naalala ko ang aka alam mo noong maliliit kami madalas kaming dinadala nang Hadi Walid sa may dalampasigan. Kapag nagyayaya ang Hadi Walid na maligo sa dagat, tuwang-tuwa na ang Adi Sule, gustong-gusto niya ang dagat kahit noong maliliit pa lamang kami. Ang dagat lang kasi nagpapasaya sa kanya…nag-aalis nang kanyang mga suliranin at pinangangambahan.”

“Hadi Yasir!”

Pagpapatuloy niya, “kahit kailan siya na ang palagi kong kasama…siya ang nagpapasaya sa akin. Kapag sinasaktan ako nang aming ina siya at ang Hadi Walid ang naggagamot nang sugat sa aking katawan. Hindi mo siya makikitang malungkot! Kahit anong gawin mong hindi maganda alam mo at alam mo na hindi ka niya pakikitaan nang masama. Iyon ang kinahahangaan ko sa aka, marami kang maaaring sabihin sa aking mga kapatid pero pagdating sa Adi Sule, madali mong matatanggap kung bakit niya iyon ginawa at kung bakit kinakailangan niya iyong gawin —ang sakit-sakit lang, ang sakit-sakit lang na akala mo magiging ayos na ang lahat siya pa na isa sa mahahalaga sa iyo ang kailangang mawala?”

Wika nang kanyang asawa, “bakit hindi mo siya bigyan nang naaayong libing, kung iyon ang makabubuti!” Sumang-ayon siya sa kanyang asawa. Pagkatapos noon dagdag nito, “halika na pumasok ka na sa loob—Hadezar!”

Bagay na kanyang ginawa. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Sumunod siya sa Adi Hikmet na bitbit ang kanilang anak. Pumasok siya sa loob ng tinutuluyan nilang silid mag-asawa.

Hinubad niya ang kanyang suot na Báta. Ipinatong ito sa mataas na lamesa na malapit sa kuna. Pinatay niya ang isa sa mga nakasinding timsim na nakapatong sa lamesa. Hinubad ang suot niyang saluwâl at isinampay sa upuan. Naglakad siya patungo sa kamang kanilang hinihigan. Tinanggal niya ang kanyang sandalyas sa kanyang paa at saka siya humiga sa kanilang kama.

Pinikit niya ang kanyang mga mata…sinubukan niyang matulog. Hindi nagtagal nabawasan ang liwanag sa loob nang kanilang silid mag-asawa. Nagdilim halos ang kabuuan nang silid. Ibinaba nang kanyang asawa ang kanilang anak sa kuna nito, Hindi nagtagal tumabi ang Adi Hikmet sa kanya at natulog silang magkatabi.

Humarap siya sa kanyang asawa. Niyakap niya ito…humiga ang Adi Hikmet sa kanyang braso at natulog silang magkayakap.

Nang umagang ito, sinunog nila ang mga labi nang Adi Sule malapit sa puno nang Mahumanay. Halos apatnapung taon na nakararaan nang isilang ng kanyang ina, nang Adi Hiba, ang kanilang kapatid. Naroroon sa ginawang paglibing ang kanyang nakatatandang kapatid at ang asawa nito, maging ang mga pamilya nang kanyang asawa at ang halos at natitirang tahanan na lamang ng mga Roshan.

Ipinanganak ito sa gitna nang malakas na sama nang panahon…Ang pagkasilang nito sa kadiliman ay pag-asa sa pagmamahalan nang kanyang mga magulang. Sinasabi na iyon ang pinakamalakas. Pinanood nila ang unti-unting pagtupok sa labi nang kanyang kapatid. Pinalilibutan ito nang mga gamit na hindi na maaari pang gamitin na kinuha sa loob nang mga imbakan.

Gusto niyang magpaalam sa Adi Sule…sa pagiging kapatid nito sa kanya. Ito ang kanyang paalam. Hinawakan nang Adi Hikmet ang kanyang kamay.

Matapos ang libing inipon niya ang mga abo nang kanyang kapatid at inilagay ito sa isang lalagyan na gawa sa paso. Hindi naglaon pinaghatian nila nang Adi Makbule ang mga abo at labi nang Adi Sule.

Matapos noon, naghanda ang Adi Arwa nang kanilang makakain. Pinaghanda sila nang Adi nang tahanan ng Roshan nang nilagang karne na mula sa Mantahungal, na may mga gulay na Kohlrabi manioc at may mga sarsa na gawa sa dugo at hinaluan nang dagta nang pusit. May mga inihaw na karne nang bibe at kanin na malagkit. Pinagsaluhan nila ito sa loob nang silid lutuan, sa mahabang hapagkainan na nasa loob nang silid.

Hindi nagtagal, nagpaalam sa kanya ang ama nang kanyang asawa at ang Adi Arwa. Sinabi nang Adi Arwa sa kanilang mag-asawa ang kagustuhan nang mga ito na bumalik sa tahanan ng mga Roshan. Sinabi nang Hadi Yusuf sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala na tuloy ang kanilang napagkasunduan sa gayong kailangan na nang mga ito na bumalik sa tahanan ng mga ito upang makapagsimula, at maayos ang tahanang iniwan.

Nagpasalamat siya sa ama nang kanyang asawa at maging sa ina nito. Nauunawaan niya ang kinakailangang gawin nang mga ito. Hindi nagtagal umalis ang tahanan nang mga Roshan sa kanilang tahanan kasama ang kanyang mga pamangkin at ang apo nito…habang umalis din ang Adi Makbule at ang Hadi Faysal pabalik naman sa tahanan nang mga Harith upang simulan ang pagtatakda sa susunod na magiging hakbang nila sa kanilang binabalak para sa Ja’khar.

Dinala nang Hadi Batul ang kanilang mga alagang hayop upang makatiyak ang kabutihan at kalusugan nang mga ito, at nangakong ibabalik din ang mga ito agad-agad.

Naiwan silang mag-asawa kasama ang Adi Atilla sa loob nang kanilang bagong tahanan nang mga Barakat. Ang Adi Hikmet ang nag-alaga nang kanilang anak habang siya, sinimulan niyang linisin at tanggalin ang mga nabubulok at sirang mga gamit sa loob ng mga imbakan. Tinanggal niya ang napakaraming tikin nang Hadi Khalil, ang ahendres na pinagmamalaki ng yumaong Hadezar na galing pa sa Ka’desh, ang mga alahas at maging ang iba’t ibang mga damit na pinaglumaan na at hindi na maaari pang gamitin.

Pinaghiwalay niya ang mga sinasabi nang kanyang asawa na mga nabubulok at inaamag mula sa mga maaari pang pakinabangan. Habang ang Adi Hikmet ay nasa loob nang imbakan at binabantayan ang kanilang anak. Pinagmamasdan ang kanyang ginagawa.

Hindi naglaon tinulungan din siya nang kanyang asawa sa pag-aayos nang mga imbakan. Pinagtulungan nilang linisin ang madumi at mabahong imbakan.

Sa gitna nang kanyang paglilinis sa pangatlong imbakan narinig niya ang pagtawag sa kanya nang Adi Hikmet. Tinanong siya nito kung ano ang binabalak niyang magiging ayos nang kanilang tahanan, bagay na kanyang pinagtakahan.

Wika nito sa kanya, “Hindi mo basta-basta maaari lamang pabayaang ganito ang magiging itsura nang iyong magiging tahanan!”

Nilingap niya ito. Tanong niya, “ano ba ang sa tingin mo?” Lumingon ito sa kanya.

Sinabi nito, “hindi mo maaaring pabayaan lamang ang mga nabubulok na sahig at kisame sa ikalawang palapag. Sa tingin ko kailangan mong palitan ang mga kisame at sahig nang mga bagong kahoy! Baguhin at ayusin muli ang ikalawang palapag.”

Wika niya, “o hindi naman kaya pabagsakin ang ikalawang palapag, magiging maluwag sa gawain kaysa ayusin muli at pakinabangan pang muli ang ikalawang palapag ng tahanan.”

Tanong nito sa kanya, “tatanggalin mo ang ikalawang palapag nang tahanan?”

Wika niya, “iyon ang sa tingin kong makabubuti. Sa tingin mo?”

Tugon nito sa kanya, “hindi ko alam?  Kaya lang iniisip ko hindi ba tayo magkukulang sa mga silid kung tatanggalin natin ang mga kwarto sa itaas!”

Wika niya, “hindi siguro…kung tutuusin ang tahanang ito ang may pinakamaraming silid sa buong Ja’khar…sa ikalawang bahagi ay may siyam na silid na, idagdag mo pa ang mga silid-lutuan ang mga imbakan at ang yungib maging ang bulwagan nasa dalawampu’t dalawang silid ang mayroon ang tahanang ito. Kung gusto mo, bakit hindi natin kaya ililipat ang ikalawang palapag sa ikalawang bahagi?”

Tanong nang Adi Hikmet, “Hindi kaya magiging matrabaho iyon?”

Wika niya, “iyon na nga ang mangyayari at wala na tayong ibang pwedeng gawin pa.”

Ngumiti ang Adi Hikmet sa kanya. Wika nito sa kanya, “sa tingin ko nga rin.”

Bumalik siya sa paglilinis sa ikatlong imbakan, nang hindi niya inaasahan tinanong siya nang Adi Hikmet kung ano ang sa tingin niya sa pabilyo nang tahanan nang mga Ardashir. Bagay na pareho nilang sinang-ayunan na sobra kung tutuusin ang pananatili pa nang pabilyo.

Sa gitna nang kanilang pagpapahinga, bitbit nang Adi Hikmet ang kanilang anak at siya tinatanggal ang dumi sa kanyang katawan gamit nang piniggang pamunas na kakababad lamang sa palanggana na nasa sahig nang pabilyo. Tinanong siya nito, kung makabubuti din na baguhin ang mga larawan na nasa dingding nang mga pasilyo.

Tanong niya, “ano ang ipapalit mo?”

Wika nito sa kanya, “kung ano ang maaaring ipalit, ang kasaysayan nang tahanan nang mga Barakat…ang pagbagsak nang tahanan at muling pag-angat nito…ang pagkilala sa iyo bilang ang pinakabagong pinuno nang kinasasakupang lupain nang tahanan nang mga Ardashir.”

Bagay na itinanggi nang Hadi Yasir. Wika niya, “hindi sa tingin ko! Makabubuti kung hindi na muna natin gagalawin ang mga larawan sa dingding nang tahanan. Kung tutuusin anoman ang nangyari sa aking tahanan noon at anoman ang mga nangyayari ngayon wala pa tayong napapatunayan para sabihin nating karapatdapat tayo sa pagkilalang iyon sa mga nakaukit na larawan.”

Wika nang Adi Hikmet, “siguro nga!”

Matapos noon bumalik siya sa kanyang ginagawang paglilinis habang naiwan ang kanyang asawa na nagbabantay nang kanilang anak.

Nang gabing ito sinunog niya ang mga inihiwalay niyang luma at hindi na maaari pang pakinabangan pang gamit sa malawak na lupain sa gitna nang unang bahagi nang tahanan. Kasunod noon nilinis niya ang kanyang katawan, nagpalit nang masusuot na damit at saka naghanda nang kanilang makakain nang kanyang asawa.

Pinagsaluhan nila ang pritong karne nang tapir, sabaw, at nilagang Oca na may bahaw na kanin.

Matapos ang kanilang hapunan bumalik ang kanyang asawa sa loob ng kanilang tinutuluyang silid habang siya ay naiwan sa paghuhugas nang kanilang mga pinagkainan, at pag-aayos sa loob nang silid-lutuan. Pagkatapos nito, pinatay niya ang nakasinding timsim sa loob nang silid lutuan at lumabas nang silid upang isa-isang patayin ang mga nakasinding nakababad na timsim sa mga pasilyo. Bumalik siya sa kanilang tinutuluyang silid nang kanyang mag-ina. Pumasok sa ikalawang bahagi nang tahanan mula sa madilim na pasilyo at dumating sa kanilang silid mag-asawa.

Sa pagdating niya, nakita niya ang kanilang anak na nakahiga sa kuna nito, iniilawan nang nakasinding timsim na nakalagay sa isang sulyaw na may tenga sa ibabaw nang lamesa. Wala ang Adi Hikmet sa kanilang silid datapwat napansin niya ang mga nakatuping damit nito sa ibabaw nang kanilang kamang mag-asawa.

Lumapit siya sa kuna nang kanilang anak. Kinuha niya ang gising na Adi Atilla. Inangat niya ito gamit nang dalawa niyang kamay. Wika niya sa kanilang anak, “ang aking anak!” Inakay niya ito sa kanyang mga bisig. Naramdaman sa kanyang kamay ang basa nitong lampin. Dagdag niya, “naku!” Inamoy ang lampin…ang masangsang at mabahong amoy.

Ibinalik ito sa kuna nito. Kumuha nang pamalit at saka pinalitan nang lampin ang kanyang anak.

Sa pagbalik nang kanyang asawa sa loob nang kanilang silid. Kinuha nito ang mga naiwan nitong gamit pampaligo.

Sinabi nito sa kanya na hindi naging magandang pakiramdam nito sa kanilang kinain. Sinabi niya sa kanyang asawa na maligo na ito, at bilisan nitong maligo, dahil pagkatapos nitong maligo ay siya naman ang susunod.

Sinabi nang Adi Hikmet sa kanya na kung may kailangan siya puntahan na lamang siya nito sa paliguan.

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Matapos nito iniwan silang dalawa nang kanyang anak nang kanyang asawa, bumalik sa silid paliguan. At gayon muling binitbit ang anak at kinarga sa kanyang katawan habang inaalalayan nang kanyang mga kamay. Inakay niya ang kanilang anak…nang mga sandaling ito, sila lamang dalawa ang magkasama sa loob nang silid. Isa-isa niyang pinatay ang mga nakasinding timsim habang karga ang Adi Atilla.

Hindi naglaon naging madilim ang buong silid, at sila—at sila lamang dalawa nang gabing ito habang karga ang kanyang anak sa kanyang dibdib, akay-akay ito sa kanyang mga kamay at braso. Ang kanyang pangarap at panaginip.

Hinawakan niya ang kamay ng kanyang anak. Pinisil nito ang kanyang hintuturo habang ang itim nitong mga mata ay nakadungaw sa kanya, at ang ulo nito ay nakahiga sa kanyang dibdib.

Mahal na mahal niya ang Adi Hikmet, iyon ang totoo Hinele niya ang kanyang anak. Awit niya, “Matulog na mabuti upang lumaki ka nang maigi. Magpakabait, at hindi matutong magsinungaling”—May lakas na siya nang loob na ipagsigawan sa mundo ang kanyang nararamdamang pagmamahal nang walang sinoman ang pumipigil sa kanya na gawin ito. Pagpapatuloy niya, “Papalain ka nang maykapal, matulog na mahal…Matulog na mahimbing. Di ka iiwan! Di maaaring pabayaan. Matulog na…” Hindi niya na kailangan pang sabihin sa iba ang kanyang tunay na nararamdaman. Ang takot na mawala ang mga ito sa kanya, o ang hindi na magawa pang kinakailangang gawin— “Uyqu’ö volim” ang pangalagaan ang mga ito “Uyqu’ö gurhiBinaba niya ang Adi Atilla sa kuna nito. Wika niya, “tulog na siya…” nang may ngiti.

Nang hindi inaasahan, sa hindi inaasahan, nabaling ang kanyang pansin sa lagusan nang kanilang silid at nakita niya ang Hadi Nasrin kasama ang iilang mga Anino na nasa ilalim nang pamumuno nito.

Wika nito sa kanya, “Iyi’ Okshem Hadezar!”

“Huwag”

Ang Adi Sule

“Makbule…Makbule…”

“Neden?”

Ithē’ib’ö da’siz dl’açzi!”

“Syeda’wa çaan?” (Jng. saan tayo pupunta?)

“Palā’wa!” (Jng. tatakas tayo!)

“Të thë og’ron?”

Tugon ko, “isasama natin sila!”

At sinabi niya, “Hindi.”

Iyon ang huli naming pag-uusap nang aking pinakamamahal na kapatid.

Nang gabing iyon iniwan ko siya. Tinalikuran ko ang aking mga kapatid…iniwan ko ang tahanan ng mga Harith, at sinubukan kong magpakalayolayo pero huli na ang lahat. Nakita ako nang Adi Atiya. Tinanong niya ako kung saan ako pupunta, kung ano ang ginagawa ko. Hindi niya ako hinayaang makatakas. Sa halip kinulong niya ako sa imbakan nang mga asin sa ilalim nang mga buhangin. Sinarado niya ang sisidlan at hindi ko nagawang makatakas…hindi ako sumigaw. Gusto kong sumigaw! Gusto kong humingi nang tulong at kung hihingi ako nang tulong at may makaririnig sa akin sino ang tutulong sa akin…sino ang magliligtas sa akin?

Hindi nila ako kayang iligtas. Walang sinoman ang makakapagligtas sa akin— iyon ang totoo!