Preview of chapter 21

Lumingon ako sa Hadi Yusuf. Sinabi niya sa akin na kailangan kong magdesisyon kung anoman ang kinakailangang susunod na magiging hakbang sa mga sandaling ito. Kasunod noon naglaho ang aking pansin sa kanya at muli itong ibinaling sa mga Aninong nakabarakada sa aming harapan, handa sa kanilang pagtambang at paglusob sa aming kumbuyan. Muli tinawag niya ako.

Narinig ko ang pagtawag sa akin nang Hadi Yusuf.

Bumaba ako sa aking sinasakyang asong-gubat. Hawak ang panali nito nanguna ako, hinila ko ang asong-gubat habang sinipat ko nang aking tingin ang mga Anino nang tahanan nang mga Parvana at nang iilang mga Anino nang tahanan ng mga Ardashir. Kasabay nito sumunod sa akin ang ama nang aking asawa.

Nakita ko ang Hadi Naveed na naroroon kasama nang mga Anino at pinamumunuan ang mga ito. Hindi niya alam kung ano ang kanyang ginagawa. Hindi siya isang mandirigma, lalong-lalo na hindi niya alam kung papaanong pamunuan ang labanang ito.

Bumaba ang Hadi Yusuf sa sinasakyan nitong asong-gubat.

Sa pagbukang-liwayway maaga akong nagising. Bumangon ako sa tabi nang aking asawa. Pinaghanda ko siya nang aming magiging agahan. Sa mga nakalipas na mga araw hinahanap niya sa akin ang sinabawang karne nang baboy na may mga tenga nang mais na kasama at dahon nang kohlrabi na may maanghang na pampalasa. Patuloy ang pagbuhos nang ulan na nagsimula mula kahapon pa nang tanghali. Hindi magtatagal magsisimula nang lumamig ang panahon.

Nang umagang ito pinakawalan ko sila Amarok, Mame at Ijiraq sa loob nang yungib ng aming tahanan. Hindi naglaon nagising na rin ang aking asawa at tinulungan niya ako sa pag-aayos nang aming hapagkainan. Nag-agahan kaming dalawa. Pinaghanda ko siya nang tinapay na walang labadura, isang mainit na sabaw na may karne nang baboyramo, kohlrabi at maanghang na pampalasa. Palaman na diyam na mula sa bunga nang mga jaboticaba at nilagang itlog.

Habang kumakain tinanong niya ako kung ano ang gagawin ko ngayong umaga. Sinabi ko sa kanya na baka mag-ikot ikot ako…sinabi ko sa kanya na nagyaya nang inuman ang may-ari nang sakahan nang mga Rimas baka sumaglit na rin ako pagkagaling ko sa aking pag-iikot at gabihin.

Tinanong ko siya kung ano ang balak niya. Sinabi niya sa akin na dito muna siya sa aming tahanan. Gusto niyang matulog at magpahinga.

Bagay na aking sinang-ayunan.

Nang umalis ako nakita ko rin siyang umalis nang aming tahanan. Nagtungo siya sa tahanan nang mga Parvana upang makipagkita sa Adi Atiya, ang bagong kasisilang na Hadezar nang tahanan nang mga Parvana.

Hindi ko siya pinigilan na gawin ito. Hinayaan ko lang na gawin niya kung anoman ang gusto niyang gawin. Nagpatuloy ako sa aking paglalakbay. Umikot ako sa aming mga kinasasakupan. Kinausap ko ang Hadi Eno tungkol sa suliranin niya sa mabagal na pagbunga nang kanyang mga tanim na mga mais. Sinabi niya sa akin na dahil papalapit na ang panahon nang taglamig nangangamba siya na baka masira lamang ang kanilang mga pananim.

Tinanong ko siya kung bakit siya magsasaka gayong parating na ang panahon nang taglamig. Nagtaka siya.

Nagtaka ako. Sinabi niya sa akin na madalas nila itong ginagawa para hindi masira ang lupa.

Sinabi ko sa kanya na alam niya dapat ang panahon kung kailan sila maaaring magtanim o hindi. Ang panahon nang taglamig ay ang panahon na walang maaaning kahit ano. Tinanong ko siya kung gagawin din ba ito nang ibang mga may-ari nang lupa na nasa ilalim nang kanyang pamumuno sinabi niya pinagpipilitan nila kung anoman ang sinabi ko.

Gayong tinanong ko siya, kaya niya ba ito sinasabi sa akin ay dahil pinagpipilitan niya ang kanyang gusto.

Hindi siya nakaimik. Sinabi ko sa kanya na bakit hindi siya makinig sa mga masnakakatanda sa kanya. Na wala kaming magagawa sa ngayon gayong kailangan naming gapasin ang huling natitirang bunga nang aming mga natrabaho.

Nagpatuloy ako sa aking pag-iikot. Pinuntahan ko ang mga nagsasaka nang mga Kohlrabi naghahanda na sila sa pagtatanim sa pagdating nang panahon nang taglamig. Nagpatuloy ako sa aking pag-iikot hanggang abutin na ako nang tanghali at sumali na ako sa pananghalian nang mga nagsasaka nang mga Rimas. Tumikim ako nang kanilang ani. Uminom ako nang kanilang ani. Pinag-usapan namin ang aking asawa. Pinag-usapan namin kung ano ang kailangan kong gawin sa aking lupain, sa aking kinasasakupan at sa aming bayan.

Alam nang mga kalalakihan at nang higit pang magsasaka kung ano nangyari noong nakaraang araw sa tahanan nang mga Parvana. Mabilis na kumalat ang balita sa Ja’khar…nagsimula ito sa pinakamaliit na bulong hanggang sa lumaki at sumiklab. Pinuri nang iilan ang aking ginawa. Kahit ang Hadi Baaru na hindi ko masyadong kasundo ay hinangad na sana tumagal pa ang maikling katahimikang ito sa aming bayan…Pinag-usapan namin ang maaaring pangangalakal nang mga nakakalasing na inumin mula sa bunga nang Rimas at kung maaaring ipalit ito sa mga bunga nang Agave.

Sinabi ko, magandang pangangalakal ang mga nakakalasing na inumin. Saan kang bayan pumunta, saan sulok nang mundo mayroon at mayroong iinom nang nakakalasing na inumin. Hindi iyon nakapagtataka, hindi iyon maiaalis. Ngunit pinaalalahanan ko sila na gayong hindi ito kasing tapang nang mga nakakalasing na inuming nagmumula sa mga tanim na Agave at hindiman sila agad na makikilala nang pamilihan nakatitiyak ako na makikilala ito at sisikat, kung hindiman, ako mismo ang magpapakilala nito sa aming bayan sa pamilihan.

Matapos noon, nang malapit nang magdilim nagtungo ako sakay kay Mame sa labas nang Ja’khar. Pumasok ako sa mapanglaw na kakahuyan at nagtungo sa mga nagtataasang mga kambal na Bato sa gitna nang kagubatan.

Bumaba ako sa mga gawang baitang patungo sa mga higanteng mga batuhan. Hinayaan ko ang aking alaga sa na sumunod. At sa pagdating ko sa mga nagtataasan at naglalakihang mga kambal na mga bato bumungad sa akin ang mga naniniwala sa kapangyarihan nang liwanag nang buwan.

Hindi ako lasing…hindi! Hindi pa. Alam ko kung ano ang nakikita ko at nasa aking harapan. Hinawakan ko ang panali ni Mame. Hinimashimas ko ang kanyang ulo gamit nang isa ko pang kamay. At kasabay noon, bungad ko sa siyam na makapangyarihan “iyi ’oqshem!” nang may pagngiti.

Alam kong inaasahan nila ang aking pagdating. Alam kong matagal na nila akong hinihintay. Nang gabing iyon sinabi ko sa kanila kung ano ang gusto nilang marinig mula sa akin. Ang aking balak laban sa tahanan nang mga Harith at sa mga Parvana. Kung ano ang mga maaaring mangyari sa aming bayan nang Ja’khar.

Tanong nang Hadi Yusuf, “ano na ang gagawin natin ngayon, Hadezar!”

Tugon ko sa kanya, “wala tayong dapat sayanging panahon, tuloy kung ano ang ating mga balak Hadi!” Ngayong araw dadanak ang dugo sa lupa. Babagsak ang tahanan nang mga Ardashir, at Adi Habib at ang kanyang mga anak.

Bumalik ako sa aking sinasakyang asong-gubat. Sumakay ako sa kanyang likuran at bulong sa kanya, “patawarin mo ako kailangan ko itong gawin!”

Tanong ko sa Hadi Yusuf, “natatandaan mo pa ba kung ano ang pinag-usapan natin!”

Tumango-tango ito…at bago ako tuluyang kumilos sinabi niya sa akin na mag-iingat ako. Bagay na aking tinugunan nang pagtango.

Kasunod noon pinakilos ko si Amarok papunta malapit sa mga nakabarakadang mga Anino sa aking harapan.

Nabaling ang pansin nang Hadi Naveed sa akin. Nakita niya akong nakatingin sa kanya. Muli nagkita kaming dalawa nang asawa nang aking kapatid.

Wika niya sa akin habang nagtatago sa mga dayak at sa mga mahahabang mga sibat nang mga ito, “Hadezar sumuko ka na habang may pagkakataon pa. Alangalang sa iyong kapatid, sa iyong mag-ina! Pakiusap huwag ka nang lumaban pa!”

Siguro kasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang sana ako nangarap nang mashigit pa. Kung pinagtuunan ko lang sana nang aking panahon ang aking tahanan at ang aking mag-ina, hindi siguro mauuwi sa ganito ang lahat, sa mga sandaling ito.

Inaamin ko hindi ako mandirigma, hindi kami mandirigma nang Hadi Naveed…hindi kami lumaki sa bingit nang digmaan, o sumabak sa kahit anong labanan na matagal nang naglaho sa aming bayan mahigit apatnaraang taon na ang nakakalipas. Ngunit tapos na ang panahon nang kapayapaan. Sumiklab na muli ang bagong pagbabago na magdadala sa amin sa isang bagong bukas na walang katiyakan at matagal nang naudlot nang pumutok ang Magiting na Kabundukan at lamunin ang aming bayan nang kadiliman. Na ang lahat ay naging itim maging kulay nang kalangitan.

Mga pangkaraniwan lamang kami, higit sa mga mandirigmang bayarang nangangalaga sa kanilang bayan at lipunan. Higit sa pangangailangan namin nang aming mga Anino. Kami nang Hadi Naveed…wala kaming kalaban-laban kung maghangadman nang digmaan ang ibang mga bayan laban sa amin.

Pero ito ang kailangan kong gawin. Wika ko sa Hadi Naveed, “asirvadda’owuro, Hadi Naveed!” Hindi niya sinagot ang aking pagbati sa kanya. Pagpapatuloy ko, “ito na ba ang bagong pamantayan ngayon, ang kalimutan ang paggalang at pagbati sa nag-aalok nito! Mukhang nagkamali yata ako nang pagkakakilala sa iyo Hadi Naveed!”

Wika nang Hadi Naveed, “hindi mo ako maloloko Hadi, kilala kita alam ko sa mga sandaling ito ang ginagawa mo!”

Wika ko, “o Hadi Naveed, ang sinomang nagsasabi nang hindi siya maloloko nang sinoman ay siyang madaling maloko nang sinoman!

“Alam ko ang takot na nananalaytay sa iyong mga ugat, tama ako hindi ba, at dumadaloy sa iyong dugo.” Dagdag niya.

Tama siya, hindi ako magsisinungaling takot na takot ako ngayon. Masarap na isipin na hindi ito totoo, ang mga nangyayari ngayon sa aking harapan, ngunit anong sakit na lamang ang gusto kong maramdaman sa aking kahinaan na sumusuway sa aking kalakasan—sa mga ambisyong maaari ko pang hangarin.

Pagpapatuloy nang Hadi Naveed, “alam ko kung ano ang ginagawa mo!”

Tanong ko sa kanya, “at ano ang ginagawa ko?”

Wika nang Hadi Naveed, “na isa kang mapagpanggap…Hadezar, alam mong mangyayari ang lahat nang ito…Alam mo na mauuwi ang lahat sa ganito, hindi mo lang inasahan na ako ang mamumuno at hindi ang Hadi Nasrin— hindi ba, tama ako?”

Wika ko, “oo! Tama ka, alam ko ang patibong na ito…na maaari itong mangyari at hindi nga ikaw ang inaasahan ko, pero masyado kang kumpiyansa sa sarili mo na magagawa mo akong pabagsakin ngayong araw, gayon paman humihingi na ako sa iyo ngayon nang paumanhin…dahil hindi ito mangyayari. Ikaw…ikaw ang mamatay ngayon, Hadi Naveed at kung sa inaakala mo na maliligtas ka nang iyong pinakamamahal na Hadi Nasrin ay nagkakamali ka!” Nakita niya ang pagtataka sa Hadi Naveed. Ang pagkagulat nito. Dagdag niya, “ang pagmamahal mo at pagkahumaling mo sa kanya ang magdadala sa iyo, sa iyong kamatayan!”

Bumukas ang lagusan nang tahanan nang mga Ardashir. Naglaho ang pansin sa akin nang Hadi Naveed at nabaling ito sa kumakawalang ingay.

Kasabay noon kumalas ang mga Anino nang tahanan ng mga Parvana at mga Ardashir.  Pinaikutan nila ang Hadi Naveed at binantayan nila ito tulad nang palagi nilang ginagawa.

Lumingon ako sa kung nasaan ang ama at kapatid nang aking asawa at iilang mga Anino nang tahanan kasabay noon tumango-tango ako. Pinakilos nang Hadi Yusuf at Hadi Fadil ang mga dala naming mga Anino nang tahanan nang mga Barakat at mga Roshan.

Sinabayan ko sila. Sa kanilang mga mahahabang mga sibat at pananggalang na dayak. Nilusob namin ang lupon nang mga Aninong nasa ilalim nang pamumuno nang Hadi Naveed.

Pinamunuan nang Hadi Batul ang mga Aninong nasa kanyang pamumuno at nasa ilalim nang aking patnugod. Ang ilan sa mga Anino nang tahanan nang mga Roshan, at ang mga Anino nang tahanan nang mga Barakat.

Dumanak ang dugo sa lupa. Nakipag-away ako sa ilang mga anino. Bumagsak si Amarok sa lupa. Nasugatan ang aking alaga. Pinakawalan nila Hadi Yusuf at Hadi Fadil sila Nanuk at Widad. Sinalakay namin ang mga Anino ng tahanang nasa ilalim nang pamumuno nang tahanan nang mga Parvana at Ardashir.

Nasaktan ang mga ito. Halos nilamon nang mga pumapagitnang mga Anino ang Hadi Naveed.

Sa hindi inaasahan lumusob ang mga Anino nang tahanan nang mga Harith na nasa ilalim nang pamumuno nang Hadi Nasrin.

Narinig ko ang pagsigaw nang Hadi Yusuf at pagtawag niya sa akin. Nabaling ang aking pansin sa pagdating nang mga kaalyado nang aming mga kalaban. Nakita ko ang nanggagalaiting mangmang.

Sa kanyang paglusob pumatay siya nang iilang mga Anino. Ang kanyang galit at puot…ang dugo sa kanyang mga kamay, ang pagkahumaling niya sa pagpatay. Lahat nang iyon, nakita ko sa kanya. Isa siyang nilalang na walang utak, isang kagamitan…nilusob niya ako tumilapon ang hawak kong golok. Bumagsak kami sa lupa, kumuha ako nang putik inipon ko ito sa aking kamay at nang akmang sasaksakin niya na ako pinigilan ko. Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang sandata. Inihagis ko sa kanya ang putik sa aking kamay. Ipinahid ko ito sa kanyang mukha.  Itinarak ko ang kanyang sandata sa lupa. Inagaw ko ang patalim sa kanya.  Nakipagbunuan kami.

Nagawa kong tumayo at bumangon ngunit nilusob ako ang Hadi Naveed na ngayon ay may lakas na nang loob ang kanina niyang naghihikahos na damdamin.

Bumangon ang Hadi Nasrin. Hinugot niya ang golok sa lupa…pilit akong sinasakal nang Hadi Naveed hawak niya ang aking mga kamay na nasa likuran. Handa na ako, noonman handa na ako pero hindi ito ang araw na mamatay ako. Inuntog ko ang aking sarili sa Hadi Naveed. Pinilit kong bumangon mula sa pagkakaluhod sa maputik na lupa. Umatras ako… umatras ako nang umatras hanggang sa bumangga kami at narinig ko ang pagtawag sa akin nang Hadi Batul.

Nawala ako sa aking pagkakatindig. Dumausdos kami pabaliktad at lumagapak ako sa katawan nang Hadi Naveed. Nagawa kong makawala mula sa Hadi Naveed. Dalidali akong kumilos patungo sa Hadi Batul. Ibinato niya sa akin ang aking golok. Bumagsak ito sa lupa. Hinablot ko ito sa lupa.

Nasugatan ko ang isa sa mga Aninong gustong lumusob sa akin. Napatay ko siya at bumagsak siya sa lupa. Hindi ko alam…hindi ko alam na ganito magiging kagulo ang labanan. Nabaling ang aking pansin sa Hadi Nasrin, nakita ko siyang papalapit sa akin. Lumingap ako sa aking paligid. Binaling ko ang aking pansin upang makahanap nang paraan upang pigilan ang Hadi Nasrin at ang kanyang pag-amok. Nakita ko ang pagbangon nang Hadi Naveed. Sa mga sandaling panahon lang ang hinihingi ko…Sumigaw ako. Tinawag ko ang Hadi Naveed at nabaling ang kanyang pansin sa Hadi Nasrin.

Iyon ang kanyang pagkakamali…

Dalidali akong lumapit sa Hadi Naveed

Nabaling ang pansin nang Hadi Naveed sa akin. Sinubukan niyang umalis. Tumalikod siya sa akin. Sinundan ko siya at tumakbo siya papalayo. Dalidali itong umatras at kasabay noon, sa hindi inaasahan bumulusok ang tudla mula sa aking likuran. Naramdaman ko ang pagdaplis nito sa aking balat. Malapit lamang ito sa kung nasaan ako ngayon.

Hindi ako lumingon. Hindi ako maaaring kumarap. Nakasalalay sa aking buhay ang buhay nang aking mag-ina. Hindi ko pinanilagan ang pagbulusok nang sumunod na mga tudla. Tumarak ito sa aking likuran. Naramdaman ko ito.

Nagpatuloy ako.

Kinuha ko ang sibat sa lupa. Inipit ko ito sa aking kilikili at habang hawak ang tangkay nito. Nagpatuloy ako.

Bumulusok muli ang tudla sa busog nang Hadi Nasrin. Bumagsak ito sa putikan. Sumigaw ako. Tinawag ko ang Hadi Naveed. Hindi siya lumingon. Nagpatuloy siya sa pagtakbo malayo sa pinangyayarihan nang labanan. Nagpatuloy ako sa pagsunod sa kanya.

Sinigaw ko muli ang pangalan nang Hadi Naveed.

Bumulusok muli ang tudla sa lupa.

Tumigil ako. Hindi ko na maramdaman pa ang bigat sa aking katawan. Naramdaman ko ang pangalawang tudla na tumarak sa aking likuran.

Sinigaw ko muli ang pangalan nang Hadi Naveed. At nang lumingon siya sa akin muling bumulusok ang tudla at tumama ito sa kanyang katawan. Sinundan ito nang pangalawa nang pangatlo. Sa kanyang ulo, sa kanyang dibdib at sa kanyang balikat.

Lumapit ako sa kanya. Naglaho ang kanyang pagkakatindig. Napaluhod siya at tinarak ko sa kanyang mukha ang sibat na aking hawak.

Sa paglingon ko pabalik sa pinangyayarihan nang labanan, nakita ko ang Hadi Fadil nakatago sa likuran nang Hadi Nasrin. Nakaluhod ito at pilit na ibinabalik ang ulirat mula sa kawalan. Kasabay noon tumalikod ang Hadi Fadil. Bumalik ito upang tulungan ang ama nito at kapatid.

Nakita niya ako. Nakita niya ang nakahandusay na kanyang minamahal. Alam niya kung ano ang gagawin niya. Alam niya kung ano ang maaaring mangyari.

Sumigaw ang Hadi Nasrin.

 Kinuha niya ang tudla na nasa lupa at ang busog na inipit niya sa kanyang kamay. Binitawan niya ito sa kanyang kamay at lumipad ang tudla at bumulusok ito sa aking dibdib. Nagulat ako…naramdaman ko ang gulat sa aking katawan at sa banta nang aking pagbagsak pinigilan ko ang aking sarili.

Sinubukan niya akong sugurin…handa ako…handa akong patayin siya ngunit bigla siyang tumigil. Nagtungo siya sa mga kabahayan na nasa kanang bahagi nang daanan. Sinubukan ko siyang sundan.

At nang makita ko siya…naglakad lamang siya papalayo sa amin.

Marami ang namatay sa labanang ito, ang mga Anino nang tahanan nang mga Parvana, nang mga Harith at nang mga Ardashir. Tinumbasan nito ang pagka-uhaw na tinataglay nang maputik na lupa. Ang mga nakaligtas pinili nilang pumanig sa amin. Tinanggap ko sila sa aking patnugod at pamumuno. Ibinigay nila sa akin ang kanilang katapatan at tungkulin na pangalagaan ang aking tahanan.

Iyon naman ang mahalaga hindi ba!

Nang umagang ito bago ang pananghalian, napasakamay ko ang tahanan nang mga Ardashir at ang impluwensyang tinataglay nang tahanang ito. Tinanong ako nang Hadi Yusuf kung ano ang gagawin sa mga bangkay inutos ko sa kanila na pag-iponipunin nila ang lahat nang ito. Ihiwalay ang labi nang Hadi Naveed at ang iba pa at dalhin sa ikalawang bahagi nang tahanan. Bagay na sinunod nila.

Inutusan ko ang Hadi Batul na sunduin ang aking mag-ina at dalhin sila dito. Bagay na kanyang tinalima.

Tinulungan ko sila sa pagliligpit nang mga bangkay nang mga Anino. Nilagay nila ito sa isang karwahe. Iniligpit ang mga Anino nang naayon at ibinalik sa kalipunan nang mga Imago sa tore nang mga Anino. Inutusan ko ang Hadi Fadil na magdala nang lahat nang pagkain at kinakailangan nang mga Anino bilang kabayaran sa lahat nang mga mabubuti at magagaling nitong mga kasapi sa nagawang digmaan…bagay na tinalima nito. Umalis ito sa tahanan nang mga Ardashir at dinala ang mga labi nang mga Aninong namatay sa tore nang mga Anino.

Pagkatapos noon bumalik ako sa loob nang tahanan ng mga Ardashir. Naglakad ako sa malawak na lupain ng unang bahagi. Nakita ko ang Hadi Yusuf na naghihintay sa akin sa labas nang pasilyo ng bulwagan. Sinabi niya sa akin na handa na ang lahat…

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. Kasunod noon pumasok ako sa loob nang bulwagan nang tahanan nang mga Ardashir. Lumabas ako sa kabilang bahagi nang tahanan at doon malapit sa puno nang Mahumanay, sa luntiang malawak na lupain, sa gitna nang ikalawang bahagi nang tahanan ng mga Ardashir nakahandusay ang mga labi nang iilang winaglit, kinalimutan at inihiwalay. Nakatakip ang kanilang mga katawan. Pinagpipiyestahan sila nang mga langaw at umaaligid na mga insektong gumagapang gapang.

Hindi ko magawang tanggalin sa isipan ko kung ano ang nangyari sa labanan kaninang umaga. Ang pagpili kong mabuhay sa kabila nang maraming mga namatay at pagdanak nang maraming dugo sa maputik na lupa.

Naglakad ako sa pasilyo. Sinubukan kong kalimutan at pabulaanan ang lahat nang nakikita ko ngunit kahit anong gawin ko hindi ko magawang maalis ang pagbaling sa mga labi na nakahandusay at wala nang buhay sa malawak na lupain. Nandito ang labi nang Hadi Naveed, ang labi nang mag-iina at nang Arsaad’sul…ang mga namatay sa labanang ito kasama nang mga hindi na mabilang pang mga kamatayan.

Kasalanan ko ang lahat…walang ibang dapat sisihin dito kung hindi ako. Ako ang nagkamali. Ako ang hindi marunong kumarap at lumingon para tumigil at isipin kung ano ang kinakailangan kong gawin. Narinig ko ang pagtawag sa akin nang aking kapatid na si Adi Sule.

Lumapit siya sa akin.

Hinawakan niya ang aking braso at dumaloy ang kanyang mga kamay paibaba sa aking kamay. Hinawakan niya ang aking kamay.

Dumikit siya sa akin.

Pinagmasdan namin ang mga bangkay na nasa aming harapan. Ang mga labi na kami mismo ang pumatay nang Adi Sule.

Tanong niya, “masaya ka na ba at nakuha mo na ang gusto mo? Ang maangkin ang tahanan nang mga Ardashir at mapasakamay ang impluwensyang tinataglay nang mga ito?”

Wika ko, “hindi…” Kailanman hindi ako magiging masaya na maagaw sa iba ang hindi sa akin, at maraming mamatay, sa aking mga pagkakamali.

Pagkakamaling ako mismo ang pumili.

Wika niya, “pinilit ko sila na pumanig sa iyo…sinabi ko sa kanila ang sinabi mo sa akin! Hindi sila nagtiwala sa akin, Sinabi nang matandang hukluban na alam nila ang iyong balak na pagpatay sa kanila…at kahit anong gawin nila hindi kanila maaaring pagkatiwalaan na iligtas mo sila… Pinaintindi ko sa kanila na ang iyong hangarin ay matigil ang lalong maaaring mangyari pang matinding kaguluhan. Ang pagpapahalaga mo sa buhay, higit sa lahat…Ngunit pinipilit nila ang gusto nila…ikaw ang pumatay sa kanyang kapatid, ano ang sasabihin ko pagkatapos noon. Sasabihin ko ba na hindi lang ikaw ang may gustong umangkin sa kapangyarihan at impluwensya nang tahanan nang mga Ardashir…siyempre sino ang paniniwalaan nila. Ako? Hindi nila ako kilala, hindi kanila kilala, ang alam lang nila kung ano ang sinasabi sa kanila nang kabatsoy na Hadezar, kaya sinaktan ko ang Adi Habib at pinatay ko kanyang mga anak!”

Tinanggal ko sa pagkakahawak ang aking kamay sa kanyang kamay.

Hindi mo dapat ginawa iyon! Mahalaga ang buhay, hindi na mahalaga kung mabuti man o masama ang sinoman.

Wika niya sa akin, “pero tumanggi sila sa iyo na tulungan mo sila! Sinabi mo sa kanya na mamamatay siya kasama ang kanyang mga anak!” Ano ang magagawa ko, bulag at bingi sila sa kung ano ang gusto nilang marinig. “Hindi ko sila masisisi na tumanggi sila sa akin…kaya, ginawa ko lang kung ano ang kinakailangan kong gawin!” Pinatay ko ang Adi Habib at ang kanyang mga anak. Kailangan ko itong gawin upang walang sinoman sa aking tahanan ang lalo pang masaktan, kung gusto kong makatiyak sa kanilang kinabukasan, makasiguro sa kanilang kaligtasan— kung ang pag-agaw lamang sa kapangyarihan nang tahanan nang mga Ardashir ang natitirang paraan…bakit hindi.

Lumayo siya sa akin.

Tanong niya, “ang kilalanin kang maging kalaban nang lahat, nang Ja’khar! Gusto mo bang matinag pati ang mga nagtitiwala sa iyo?”

Lumingon ako sa aking kapatid, at nakita ko ang Hadi Walid sa hindi kalayuan nagtatago sa kadiliman nang madilim na pasilyo. Wika ko sa kanila, “kita niyo, hindi ko na kinakailangan pa ang magtago sa dilim. Ang maghintay. Kapangyarihan na ang lumalaban sa akin. Impluwensya laban sa impluwensya na ang labanan. Iyon ang mahalaga hindi ba?”

Pagkatapos noon tinanggal ko ang aking tingin sa kanila at ibinaling ko ito sa mga bangkay na nasa ilalim nang puno nang Mahumanay.

Hadi Yasir Hadi Yasir sino ang dapat matakot sa Hadi Yasir?

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s