KABANATA DALAWAMPU’T ISA:

ANG PULANG LUPA SA ILALIM NANG BUGHAW NA LANGIT

Ang Hadi Yasir

Lumingon ako sa Hadi Yusuf. Sinabi niya sa akin na kailangan kong magdesisyon kung anoman ang kinakailangang susunod na magiging hakbang sa mga sandaling ito. Kasunod noon naglaho ang aking pansin sa kanya at muli itong ibinaling sa mga Aninong nakabarakada sa aming harapan, handa sa kanilang pagtambang at paglusob sa aming kumbuyan. Muli tinawag niya ako.

Narinig ko ang pagtawag sa akin nang Hadi Yusuf.

Bumaba ako sa aking sinasakyang asong-gubat. Hawak ang panali nito nanguna ako, hinila ko ang asong-gubat habang sinipat ko nang aking tingin ang mga Anino nang tahanan nang mga Parvana at nang iilang mga Anino nang tahanan ng mga Ardashir. Kasabay nito sumunod sa akin ang ama nang aking asawa.

Nakita ko ang Hadi Naveed na naroroon kasama nang mga Anino at pinamumunuan ang mga ito. Hindi niya alam kung ano ang kanyang ginagawa. Hindi siya isang mandirigma, lalong-lalo na hindi niya alam kung papaanong pamunuan ang labanang ito.

Bumaba ang Hadi Yusuf sa sinasakyan nitong asong-gubat.

Sa pagbukang-liwayway maaga akong nagising. Bumangon ako sa tabi nang aking asawa. Pinaghanda ko siya nang aming magiging agahan. Sa mga nakalipas na mga araw hinahanap niya sa akin ang sinabawang karne nang baboy na may mga tenga nang mais na kasama at dahon nang kohlrabi na may maanghang na pampalasa. Patuloy ang pagbuhos nang ulan na nagsimula mula kahapon pa nang tanghali. Hindi magtatagal magsisimula nang lumamig ang panahon.

Nang umagang ito pinakawalan ko sila Amarok, Mame at Ijiraq sa loob nang yungib ng aming tahanan. Hindi naglaon nagising na rin ang aking asawa at tinulungan niya ako sa pag-aayos nang aming hapagkainan. Nag-agahan kaming dalawa. Pinaghanda ko siya nang tinapay na walang labadura, isang mainit na sabaw na may karne nang baboyramo, kohlrabi at maanghang na pampalasa. Palaman na diyam na mula sa bunga nang mga jaboticaba at nilagang itlog.

Habang kumakain tinanong niya ako kung ano ang gagawin ko ngayong umaga. Sinabi ko sa kanya na baka mag-ikot ikot ako…sinabi ko sa kanya na nagyaya nang inuman ang may-ari nang sakahan nang mga Rimas baka sumaglit na rin ako pagkagaling ko sa aking pag-iikot at gabihin.

Tinanong ko siya kung ano ang balak niya. Sinabi niya sa akin na dito muna siya sa aming tahanan. Gusto niyang matulog at magpahinga.

Bagay na aking sinang-ayunan.

Nang umalis ako nakita ko rin siyang umalis nang aming tahanan. Nagtungo siya sa tahanan nang mga Parvana upang makipagkita sa Adi Atiya, ang bagong kasisilang na Hadezar nang tahanan nang mga Parvana.

Hindi ko siya pinigilan na gawin ito. Hinayaan ko lang na gawin niya kung anoman ang gusto niyang gawin. Nagpatuloy ako sa aking paglalakbay. Umikot ako sa aming mga kinasasakupan. Kinausap ko ang Hadi Eno tungkol sa suliranin niya sa mabagal na pagbunga nang kanyang mga tanim na mga mais. Sinabi niya sa akin na dahil papalapit na ang panahon nang taglamig nangangamba siya na baka masira lamang ang kanilang mga pananim.

Tinanong ko siya kung bakit siya magsasaka gayong parating na ang panahon nang taglamig. Nagtaka siya.

Nagtaka ako. Sinabi niya sa akin na madalas nila itong ginagawa para hindi masira ang lupa.

Sinabi ko sa kanya na alam niya dapat ang panahon kung kailan sila maaaring magtanim o hindi. Ang panahon nang taglamig ay ang panahon na walang maaaning kahit ano. Tinanong ko siya kung gagawin din ba ito nang ibang mga may-ari nang lupa na nasa ilalim nang kanyang pamumuno sinabi niya pinagpipilitan nila kung anoman ang sinabi ko.

Gayong tinanong ko siya, kaya niya ba ito sinasabi sa akin ay dahil pinagpipilitan niya ang kanyang gusto.

Hindi siya nakaimik. Sinabi ko sa kanya na bakit hindi siya makinig sa mga masnakakatanda sa kanya. Na wala kaming magagawa sa ngayon gayong kailangan naming gapasin ang huling natitirang bunga nang aming mga natrabaho.

Nagpatuloy ako sa aking pag-iikot. Pinuntahan ko ang mga nagsasaka nang mga Kohlrabi naghahanda na sila sa pagtatanim sa pagdating nang panahon nang taglamig. Nagpatuloy ako sa aking pag-iikot hanggang abutin na ako nang tanghali at sumali na ako sa pananghalian nang mga nagsasaka nang mga Rimas. Tumikim ako nang kanilang ani. Uminom ako nang kanilang ani. Pinag-usapan namin ang aking asawa. Pinag-usapan namin kung ano ang kailangan kong gawin sa aking lupain, sa aking kinasasakupan at sa aming bayan.

Alam nang mga kalalakihan at nang higit pang magsasaka kung ano nangyari noong nakaraang araw sa tahanan nang mga Parvana. Mabilis na kumalat ang balita sa Ja’khar…nagsimula ito sa pinakamaliit na bulong hanggang sa lumaki at sumiklab. Pinuri nang iilan ang aking ginawa. Kahit ang Hadi Baaru na hindi ko masyadong kasundo ay hinangad na sana tumagal pa ang maikling katahimikang ito sa aming bayan…Pinag-usapan namin ang maaaring pangangalakal nang mga nakakalasing na inumin mula sa bunga nang Rimas at kung maaaring ipalit ito sa mga bunga nang Agave.

Sinabi ko, magandang pangangalakal ang mga nakakalasing na inumin. Saan kang bayan pumunta, saan sulok nang mundo mayroon at mayroong iinom nang nakakalasing na inumin. Hindi iyon nakapagtataka, hindi iyon maiaalis. Ngunit pinaalalahanan ko sila na gayong hindi ito kasing tapang nang mga nakakalasing na inuming nagmumula sa mga tanim na Agave at hindiman sila agad na makikilala nang pamilihan nakatitiyak ako na makikilala ito at sisikat, kung hindiman, ako mismo ang magpapakilala nito sa aming bayan sa pamilihan.

Matapos noon, nang malapit nang magdilim nagtungo ako sakay kay Mame sa labas nang Ja’khar. Pumasok ako sa mapanglaw na kakahuyan at nagtungo sa mga nagtataasang mga kambal na Bato sa gitna nang kagubatan.

Bumaba ako sa mga gawang baitang patungo sa mga higanteng mga batuhan. Hinayaan ko ang aking alaga sa na sumunod. At sa pagdating ko sa mga nagtataasan at naglalakihang mga kambal na mga bato bumungad sa akin ang mga naniniwala sa kapangyarihan nang liwanag nang buwan.

Hindi ako lasing…hindi! Hindi pa. Alam ko kung ano ang nakikita ko at nasa aking harapan. Hinawakan ko ang panali ni Mame. Hinimashimas ko ang kanyang ulo gamit nang isa ko pang kamay. At kasabay noon, bungad ko sa siyam na makapangyarihan “iyi ’oqshem!” nang may pagngiti.

Alam kong inaasahan nila ang aking pagdating. Alam kong matagal na nila akong hinihintay. Nang gabing iyon sinabi ko sa kanila kung ano ang gusto nilang marinig mula sa akin. Ang aking balak laban sa tahanan nang mga Harith at sa mga Parvana. Kung ano ang mga maaaring mangyari sa aming bayan nang Ja’khar.

Tanong nang Hadi Yusuf, “ano na ang gagawin natin ngayon, Hadezar!”

Tugon ko sa kanya, “wala tayong dapat sayanging panahon, tuloy kung ano ang ating mga balak Hadi!” Ngayong araw dadanak ang dugo sa lupa. Babagsak ang tahanan nang mga Ardashir, at Adi Habib at ang kanyang mga anak.

Bumalik ako sa aking sinasakyang asong-gubat. Sumakay ako sa kanyang likuran at bulong sa kanya, “patawarin mo ako kailangan ko itong gawin!”

Tanong ko sa Hadi Yusuf, “natatandaan mo pa ba kung ano ang pinag-usapan natin!”

Tumango-tango ito…at bago ako tuluyang kumilos sinabi niya sa akin na mag-iingat ako. Bagay na aking tinugunan nang pagtango.

Kasunod noon pinakilos ko si Amarok papunta malapit sa mga nakabarakadang mga Anino sa aking harapan.

Nabaling ang pansin nang Hadi Naveed sa akin. Nakita niya akong nakatingin sa kanya. Muli nagkita kaming dalawa nang asawa nang aking kapatid.

Wika niya sa akin habang nagtatago sa mga dayak at sa mga mahahabang mga sibat nang mga ito, “Hadezar sumuko ka na habang may pagkakataon pa. Alangalang sa iyong kapatid, sa iyong mag-ina! Pakiusap huwag ka nang lumaban pa!”

Siguro kasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang sana ako nangarap nang mashigit pa. Kung pinagtuunan ko lang sana nang aking panahon ang aking tahanan at ang aking mag-ina, hindi siguro mauuwi sa ganito ang lahat, sa mga sandaling ito.

Inaamin ko hindi ako mandirigma, hindi kami mandirigma nang Hadi Naveed…hindi kami lumaki sa bingit nang digmaan, o sumabak sa kahit anong labanan na matagal nang naglaho sa aming bayan mahigit apatnaraang taon na ang nakakalipas. Ngunit tapos na ang panahon nang kapayapaan. Sumiklab na muli ang bagong pagbabago na magdadala sa amin sa isang bagong bukas na walang katiyakan at matagal nang naudlot nang pumutok ang Magiting na Kabundukan at lamunin ang aming bayan nang kadiliman. Na ang lahat ay naging itim maging kulay nang kalangitan.

Mga pangkaraniwan lamang kami, higit sa mga mandirigmang bayarang nangangalaga sa kanilang bayan at lipunan. Higit sa pangangailangan namin nang aming mga Anino. Kami nang Hadi Naveed…wala kaming kalaban-laban kung maghangadman nang digmaan ang ibang mga bayan laban sa amin.

Pero ito ang kailangan kong gawin. Wika ko sa Hadi Naveed, “asirvadda’owuro, Hadi Naveed!” Hindi niya sinagot ang aking pagbati sa kanya. Pagpapatuloy ko, “ito na ba ang bagong pamantayan ngayon, ang kalimutan ang paggalang at pagbati sa nag-aalok nito! Mukhang nagkamali yata ako nang pagkakakilala sa iyo Hadi Naveed!”

Wika nang Hadi Naveed, “hindi mo ako maloloko Hadi, kilala kita alam ko sa mga sandaling ito ang ginagawa mo!”

Wika ko, “o Hadi Naveed, ang sinomang nagsasabi nang hindi siya maloloko nang sinoman ay siyang madaling maloko nang sinoman!

“Alam ko ang takot na nananalaytay sa iyong mga ugat, tama ako hindi ba, at dumadaloy sa iyong dugo.” Dagdag niya.

Tama siya, hindi ako magsisinungaling takot na takot ako ngayon. Masarap na isipin na hindi ito totoo, ang mga nangyayari ngayon sa aking harapan, ngunit anong sakit na lamang ang gusto kong maramdaman sa aking kahinaan na sumusuway sa aking kalakasan—sa mga ambisyong maaari ko pang hangarin.

Pagpapatuloy nang Hadi Naveed, “alam ko kung ano ang ginagawa mo!”

Tanong ko sa kanya, “at ano ang ginagawa ko?”

Wika nang Hadi Naveed, “na isa kang mapagpanggap…Hadezar, alam mong mangyayari ang lahat nang ito…Alam mo na mauuwi ang lahat sa ganito, hindi mo lang inasahan na ako ang mamumuno at hindi ang Hadi Nasrin— hindi ba, tama ako?”

Wika ko, “oo! Tama ka, alam ko ang patibong na ito…na maaari itong mangyari at hindi nga ikaw ang inaasahan ko, pero masyado kang kumpiyansa sa sarili mo na magagawa mo akong pabagsakin ngayong araw, gayon paman humihingi na ako sa iyo ngayon nang paumanhin…dahil hindi ito mangyayari. Ikaw…ikaw ang mamatay ngayon, Hadi Naveed at kung sa inaakala mo na maliligtas ka nang iyong pinakamamahal na Hadi Nasrin ay nagkakamali ka!” Nakita niya ang pagtataka sa Hadi Naveed. Ang pagkagulat nito. Dagdag niya, “ang pagmamahal mo at pagkahumaling mo sa kanya ang magdadala sa iyo, sa iyong kamatayan!”

Bumukas ang lagusan nang tahanan nang mga Ardashir. Naglaho ang pansin sa akin nang Hadi Naveed at nabaling ito sa kumakawalang ingay.

Kasabay noon kumalas ang mga Anino nang tahanan ng mga Parvana at mga Ardashir.  Pinaikutan nila ang Hadi Naveed at binantayan nila ito tulad nang palagi nilang ginagawa.

Lumingon ako sa kung nasaan ang ama at kapatid nang aking asawa at iilang mga Anino nang tahanan kasabay noon tumango-tango ako. Pinakilos nang Hadi Yusuf at Hadi Fadil ang mga dala naming mga Anino nang tahanan nang mga Barakat at mga Roshan.

Sinabayan ko sila. Sa kanilang mga mahahabang mga sibat at pananggalang na dayak. Nilusob namin ang lupon nang mga Aninong nasa ilalim nang pamumuno nang Hadi Naveed.

Pinamunuan nang Hadi Batul ang mga Aninong nasa kanyang pamumuno at nasa ilalim nang aking patnugot. Ang ilan sa mga Anino nang tahanan nang mga Roshan, at ang mga Anino nang tahanan nang mga Barakat.

Dumanak ang dugo sa lupa. Nakipag-away ako sa ilang mga anino. Bumagsak si Amarok sa lupa. Nasugatan ang aking alaga. Pinakawalan nila Hadi Yusuf at Hadi Fadil sila Nanuk at Widad. Sinalakay namin ang mga Anino ng tahanang nasa ilalim nang pamumuno nang tahanan nang mga Parvana at Ardashir.

Nasaktan ang mga ito. Halos nilamon nang mga pumapagitnang mga Anino ang Hadi Naveed.

Sa hindi inaasahan lumusob ang mga Anino nang tahanan nang mga Harith na nasa ilalim nang pamumuno nang Hadi Nasrin.

Narinig ko ang pagsigaw nang Hadi Yusuf at pagtawag niya sa akin. Nabaling ang aking pansin sa pagdating nang mga kaalyado nang aming mga kalaban. Nakita ko ang nanggagalaiting mangmang.

Sa kanyang paglusob pumatay siya nang iilang mga Anino. Ang kanyang galit at puot…ang dugo sa kanyang mga kamay, ang pagkahumaling niya sa pagpatay. Lahat nang iyon, nakita ko sa kanya. Isa siyang nilalang na walang utak, isang kagamitan…nilusob niya ako tumilapon ang hawak kong golok. Bumagsak kami sa lupa, kumuha ako nang putik inipon ko ito sa aking kamay at nang akmang sasaksakin niya na ako pinigilan ko. Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang sandata. Inihagis ko sa kanya ang putik sa aking kamay. Ipinahid ko ito sa kanyang mukha.  Itinarak ko ang kanyang sandata sa lupa. Inagaw ko ang patalim sa kanya.  Nakipagbunuan kami.

Nagawa kong tumayo at bumangon ngunit nilusob ako ang Hadi Naveed na ngayon ay may lakas na nang loob ang kanina niyang naghihikahos na damdamin.

Bumangon ang Hadi Nasrin. Hinugot niya ang golok sa lupa…pilit akong sinasakal nang Hadi Naveed hawak niya ang aking mga kamay na nasa likuran. Handa na ako, noonman handa na ako pero hindi ito ang araw na mamatay ako. Inuntog ko ang aking sarili sa Hadi Naveed. Pinilit kong bumangon mula sa pagkakaluhod sa maputik na lupa. Umatras ako… umatras ako nang umatras hanggang sa bumangga kami at narinig ko ang pagtawag sa akin nang Hadi Batul.

Nawala ako sa aking pagkakatindig. Dumausdos kami pabaliktad at lumagapak ako sa katawan nang Hadi Naveed. Nagawa kong makawala mula sa Hadi Naveed. Dalidali akong kumilos patungo sa Hadi Batul. Ibinato niya sa akin ang aking golok. Bumagsak ito sa lupa. Hinablot ko ito sa lupa.

Nasugatan ko ang isa sa mga Aninong gustong lumusob sa akin. Napatay ko siya at bumagsak siya sa lupa. Hindi ko alam…hindi ko alam na ganito magiging kagulo ang labanan. Nabaling ang aking pansin sa Hadi Nasrin, nakita ko siyang papalapit sa akin. Lumingap ako sa aking paligid. Binaling ko ang aking pansin upang makahanap nang paraan upang pigilan ang Hadi Nasrin at ang kanyang pag-amok. Nakita ko ang pagbangon nang Hadi Naveed. Sa mga sandaling panahon lang ang hinihingi ko…Sumigaw ako. Tinawag ko ang Hadi Naveed at nabaling ang kanyang pansin sa Hadi Nasrin.

Iyon ang kanyang pagkakamali…

Dalidali akong lumapit sa Hadi Naveed

Nabaling ang pansin nang Hadi Naveed sa akin. Sinubukan niyang umalis. Tumalikod siya sa akin. Sinundan ko siya at tumakbo siya papalayo. Dalidali itong umatras at kasabay noon, sa hindi inaasahan bumulusok ang tudla mula sa aking likuran. Naramdaman ko ang pagdaplis nito sa aking balat. Malapit lamang ito sa kung nasaan ako ngayon.

Hindi ako lumingon. Hindi ako maaaring kumarap. Nakasalalay sa aking buhay ang buhay nang aking mag-ina. Hindi ko pinanilagan ang pagbulusok nang sumunod na mga tudla. Tumarak ito sa aking likuran. Naramdaman ko ito.

Nagpatuloy ako.

Kinuha ko ang sibat sa lupa. Inipit ko ito sa aking kilikili at habang hawak ang tangkay nito. Nagpatuloy ako.

Bumulusok muli ang tudla sa busog nang Hadi Nasrin. Bumagsak ito sa putikan. Sumigaw ako. Tinawag ko ang Hadi Naveed. Hindi siya lumingon. Nagpatuloy siya sa pagtakbo malayo sa pinangyayarihan nang labanan. Nagpatuloy ako sa pagsunod sa kanya.

Sinigaw ko muli ang pangalan nang Hadi Naveed.

Bumulusok muli ang tudla sa lupa.

Tumigil ako. Hindi ko na maramdaman pa ang bigat sa aking katawan. Naramdaman ko ang pangalawang tudla na tumarak sa aking likuran.

Sinigaw ko muli ang pangalan nang Hadi Naveed. At nang lumingon siya sa akin muling bumulusok ang tudla at tumama ito sa kanyang katawan. Sinundan ito nang pangalawa nang pangatlo. Sa kanyang ulo, sa kanyang dibdib at sa kanyang balikat.

Lumapit ako sa kanya. Naglaho ang kanyang pagkakatindig. Napaluhod siya at tinarak ko sa kanyang mukha ang sibat na aking hawak.

Sa paglingon ko pabalik sa pinangyayarihan nang labanan, nakita ko ang Hadi Fadil nakatago sa likuran nang Hadi Nasrin. Nakaluhod ito at pilit na ibinabalik ang ulirat mula sa kawalan. Kasabay noon tumalikod ang Hadi Fadil. Bumalik ito upang tulungan ang ama nito at kapatid.

Nakita niya ako. Nakita niya ang nakahandusay na kanyang minamahal. Alam niya kung ano ang gagawin niya. Alam niya kung ano ang maaaring mangyari.

Sumigaw ang Hadi Nasrin.

 Kinuha niya ang tudla na nasa lupa at ang busog na inipit niya sa kanyang kamay. Binitawan niya ito sa kanyang kamay at lumipad ang tudla at bumulusok ito sa aking dibdib. Nagulat ako…naramdaman ko ang gulat sa aking katawan at sa banta nang aking pagbagsak pinigilan ko ang aking sarili.

Sinubukan niya akong sugurin…handa ako…handa akong patayin siya ngunit bigla siyang tumigil. Nagtungo siya sa mga kabahayan na nasa kanang bahagi nang daanan. Sinubukan ko siyang sundan.

At nang makita ko siya…naglakad lamang siya papalayo sa amin.

Marami ang namatay sa labanang ito, ang mga Anino nang tahanan nang mga Parvana, nang mga Harith at nang mga Ardashir. Tinumbasan nito ang pagka-uhaw na tinataglay nang maputik na lupa. Ang mga nakaligtas pinili nilang pumanig sa amin. Tinanggap ko sila sa aking patnugot at pamumuno. Ibinigay nila sa akin ang kanilang katapatan at tungkulin na pangalagaan ang aking tahanan.

Iyon naman ang mahalaga hindi ba!

Nang umagang ito bago ang pananghalian, napasakamay ko ang tahanan nang mga Ardashir at ang impluwensyang tinataglay nang tahanang ito. Tinanong ako nang Hadi Yusuf kung ano ang gagawin sa mga bangkay inutos ko sa kanila na pag-iponipunin nila ang lahat nang ito. Ihiwalay ang labi nang Hadi Naveed at ang iba pa at dalhin sa ikalawang bahagi nang tahanan. Bagay na sinunod nila.

Inutusan ko ang Hadi Batul na sunduin ang aking mag-ina at dalhin sila dito. Bagay na kanyang tinalima.

Tinulungan ko sila sa pagliligpit nang mga bangkay nang mga Anino. Nilagay nila ito sa isang karwahe. Iniligpit ang mga Anino nang naayon at ibinalik sa kalipunan nang mga Imago sa tore nang mga Anino. Inutusan ko ang Hadi Fadil na magdala nang lahat nang pagkain at kinakailangan nang mga Anino bilang kabayaran sa lahat nang mga mabubuti at magagaling nitong mga kasapi sa nagawang digmaan…bagay na tinalima nito. Umalis ito sa tahanan nang mga Ardashir at dinala ang mga labi nang mga Aninong namatay sa tore nang mga Anino.

Pagkatapos noon bumalik ako sa loob nang tahanan ng mga Ardashir. Naglakad ako sa malawak na lupain ng unang bahagi. Nakita ko ang Hadi Yusuf na naghihintay sa akin sa labas nang pasilyo ng bulwagan. Sinabi niya sa akin na handa na ang lahat…

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. Kasunod noon pumasok ako sa loob nang bulwagan nang tahanan nang mga Ardashir. Lumabas ako sa kabilang bahagi nang tahanan at doon malapit sa puno nang Mahumanay, sa luntiang malawak na lupain, sa gitna nang ikalawang bahagi nang tahanan ng mga Ardashir nakahandusay ang mga labi nang iilang winaglit, kinalimutan at inihiwalay. Nakatakip ang kanilang mga katawan. Pinagpipiyestahan sila nang mga langaw at umaaligid na mga insektong gumagapang gapang.

Hindi ko magawang tanggalin sa isipan ko kung ano ang nangyari sa labanan kaninang umaga. Ang pagpili kong mabuhay sa kabila nang maraming mga namatay at pagdanak nang maraming dugo sa maputik na lupa.

Naglakad ako sa pasilyo. Sinubukan kong kalimutan at pabulaanan ang lahat nang nakikita ko ngunit kahit anong gawin ko hindi ko magawang maalis ang pagbaling sa mga labi na nakahandusay at wala nang buhay sa malawak na lupain. Nandito ang labi nang Hadi Naveed, ang labi nang mag-iina at nang Arsaad’sul…ang mga namatay sa labanang ito kasama nang mga hindi na mabilang pang mga kamatayan.

Kasalanan ko ang lahat…walang ibang dapat sisihin dito kung hindi ako. Ako ang nagkamali. Ako ang hindi marunong kumarap at lumingon para tumigil at isipin kung ano ang kinakailangan kong gawin. Narinig ko ang pagtawag sa akin nang aking kapatid na si Adi Sule.

Lumapit siya sa akin.

Hinawakan niya ang aking braso at dumaloy ang kanyang mga kamay paibaba sa aking kamay. Hinawakan niya ang aking kamay.

Dumikit siya sa akin.

Pinagmasdan namin ang mga bangkay na nasa aming harapan. Ang mga labi na kami mismo ang pumatay nang Adi Sule.

Tanong niya, “masaya ka na ba at nakuha mo na ang gusto mo? Ang maangkin ang tahanan nang mga Ardashir at mapasakamay ang impluwensyang tinataglay nang mga ito?”

Wika ko, “hindi…” Kailanman hindi ako magiging masaya na maagaw sa iba ang hindi sa akin, at maraming mamatay, sa aking mga pagkakamali.

Pagkakamaling ako mismo ang pumili.

Wika niya, “pinilit ko sila na pumanig sa iyo…sinabi ko sa kanila ang sinabi mo sa akin! Hindi sila nagtiwala sa akin, Sinabi nang matandang hukluban na alam nila ang iyong balak na pagpatay sa kanila…at kahit anong gawin nila hindi kanila maaaring pagkatiwalaan na iligtas mo sila… Pinaintindi ko sa kanila na ang iyong hangarin ay matigil ang lalong maaaring mangyari pang matinding kaguluhan. Ang pagpapahalaga mo sa buhay, higit sa lahat…Ngunit pinipilit nila ang gusto nila…ikaw ang pumatay sa kanyang kapatid, ano ang sasabihin ko pagkatapos noon. Sasabihin ko ba na hindi lang ikaw ang may gustong umangkin sa kapangyarihan at impluwensya nang tahanan nang mga Ardashir…siyempre sino ang paniniwalaan nila. Ako? Hindi nila ako kilala, hindi kanila kilala, ang alam lang nila kung ano ang sinasabi sa kanila nang kabatsoy na Hadezar, kaya sinaktan ko ang Adi Habib at pinatay ko kanyang mga anak!”

Tinanggal ko sa pagkakahawak ang aking kamay sa kanyang kamay.

Hindi mo dapat ginawa iyon! Mahalaga ang buhay, hindi na mahalaga kung mabuti man o masama ang sinoman.

Wika niya sa akin, “pero tumanggi sila sa iyo na tulungan mo sila! Sinabi mo sa kanya na mamamatay siya kasama ang kanyang mga anak!” Ano ang magagawa ko, bulag at bingi sila sa kung ano ang gusto nilang marinig. “Hindi ko sila masisisi na tumanggi sila sa akin…kaya, ginawa ko lang kung ano ang kinakailangan kong gawin!” Pinatay ko ang Adi Habib at ang kanyang mga anak. Kailangan ko itong gawin upang walang sinoman sa aking tahanan ang lalo pang masaktan, kung gusto kong makatiyak sa kanilang kinabukasan, makasiguro sa kanilang kaligtasan— kung ang pag-agaw lamang sa kapangyarihan nang tahanan nang mga Ardashir ang natitirang paraan…bakit hindi.

Lumayo siya sa akin.

Tanong niya, “ang kilalanin kang maging kalaban nang lahat, nang Ja’khar! Gusto mo bang matinag pati ang mga nagtitiwala sa iyo?”

Lumingon ako sa aking kapatid, at nakita ko ang Hadi Walid sa hindi kalayuan nagtatago sa kadiliman nang madilim na pasilyo. Wika ko sa kanila, “kita niyo, hindi ko na kinakailangan pa ang magtago sa dilim. Ang maghintay. Kapangyarihan na ang lumalaban sa akin. Impluwensya laban sa impluwensya na ang labanan. Iyon ang mahalaga hindi ba?”

Pagkatapos noon tinanggal ko ang aking tingin sa kanila at ibinaling ko ito sa mga bangkay na nasa ilalim nang puno nang Mahumanay.

Hadi Yasir Hadi Yasir sino ang dapat matakot sa Hadi Yasir?

Ang Hadi Batul

Sakay kay Mame tumulak siya patungo sa tahanan nang mga Barakat upang sunduin ang kanyang kapatid at bagong silang nitong anak. Nilakbay niya ang daan patungo sa pagawaan at pampakulay nang mga damit. Nabaling ang iilang mga Jingkar sa kanya na nasa labas nang kanikanilang mga tahanan. Alam nang mga ito kung ano ang nangyayari, mabilis na kumalat ang bulong-bulungan, ang labanan sa pagitan nang mga tahanan na bumubuo sa kalipunan ng mga Hadezar maging ang pag-angkin nang tahanan ng mga Barakat sa kapangyarihan at impluwensya ng mga Ardashir.

Sa kanyang paglalakbay nakita niya ang sinasabi nang Hadi Yasir na toreng ipagmalaki nang yumaong Hadi Khalil, na hindi maitatanggi ang gahigante nitong anyo.

Hindi nagtagal narating niya ang kinasasakupang lupain nang tahanan nang mga Barakat. Nagtutuloytuloy siya sa kanyang paglalakbay, dumaan sa nagsususong daanan kung saan sa hindi inaasahan nakita niya ang kalunos-lunos na nangyayari sa tahanan nang mga Barakat, ang pagsunog dito at malaking kumakalat na usok sa paligid nito na nilalamon ang buong kabahayan at kapaligirang kinasasakupan nito.

Nakaramdam siya nang pag-aalala sa kanyang kapatid at sa kanyang bagong silang na pamangkin. Kagyat dalidali niyang pinatakbo si Mame patungo sa pinagmumulan nang malaking usok na lumalamon sa kalawakan nang paligid.

Tinahak ang landas na paroroonan at nakita niya ang kanyang kapatid maging ang anak nito na kanyang pamangkin kasama ang iilang mga Jingkar na nasa ilalim nang pamumuno nang tahanan ng mga Barakat.

Ang Adi Hikmet

Bumukas ang lagusan nang yungib nang tahanan ng mga Barakat, at sa pagpasok nang kanyang asawa nabaling ang kanyang pansin sa Hadi Yasir habang bitbit niya ang kanilang panganay na anak. Nakita niyang nakahanda na ito, nakatali sa beywang ang isang golok na ang puluhan at hawakan ay inukit na katawan nang ahas na may mga matang pulang bato at gawa mula sa matibay na kahoy nang puno ng Avetas.

Lumapit ito sa kanya. Bigla siyang umatras. Nabaling ang pansin nang kanyang ama sa kanyang ginawa. Nagulat ito.

Sinabi niya sa kanyang asawa, “sige na ano pa ang ginagawa mo mahuhuli ka na!”

Tumango-tango ang Hadi Yasir bilang pagtalima sa kanya. At lumapit ito sa kanya at sinubukan siya nitong yakapin. At niyakap siya nito ngunit naging malamig siya, hindi niya kayang ipakita sa mga sandaling ito ang kanyang kahinaan. Ang kanyang katapusan…ang katapusan nang kanilang tahanan na labis niyang pinangangambahan.

Hinawakan nito ang kanyang pisngi. Hinalikan siya nito labi. Pinikit niya ang kanyang mga mata, tumulo ang luha sa kanyang pisngi at agad din siyang umalis sa pagkakahalik nito sa kanya at pinunasan ang kanyang luha sa kanyang pisngi.

Nabaling ang pansin nito sa kanilang anak. Hinalikan nito ang maliit na kamay nang Adi Atilla at kasunod noon tuluyan itong tumalikod sa kanilang mag-ina.

Nagtungo ito kay Amarok at inayos nito sa pagkakatali ang paratilyang gagamitin nito sa pagsakay dito.

Lumapit siya sa kanyang nakababatang kapatid. Niyakap niya ito nang mahigpit. Pinaalalahanan na mag-ingat ito. Ganon din niyakap niya ang kanyang ama at ibinigay ang basbas nito sa kanyang anak bagay na kanyang pinasalamatan.

Sinabi niya sa kanyang ama na ito na ang bahala sa kanyang asawa. Hiniling niya dito na kahit anong mangyari, iligtas nito at ibalik sa kanya nang buhay—ang ama nang kanyang anak.

Tumango-tango ito bilang pagtalima nito sa kanyang hinihiling. Hindi naglaon tuluyan nang umalis ang mga ito at naiwan siya sa tahanan nang mga Barakat kasama ang kanyang anak at si Ijiraq.

Sinarado niya ang lagusan nang yungib palabas ng tahanan ng mga Barakat. At matapos noon nabaling ang kanyang pansin sa Adi Atilla, at sinabing sila lamang ang nandito sa kanilang tahanan. Kasunod noon, inanyayahan niya itong pumasok sa loob nang kanilang tahanan. Bagay na kanyang ginawa. Bitbit ang Adi Atilla lumabas sila sa loob ng yungib nang tahanan ng mga Barakat at pumasok sa loob nang tahanan.

Naalala niya ang araw na iyon, ang gabing iyon…nang pinapanganak niya ang Adi Atilla.  Maghapong siyang nakaramdam nang pananakit at paghihilab nang katawan. Maagang pumutok ang kanyang panubigan. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Tinawag niya ang kanyang asawa. Sumigaw siya. Sinigaw niya ang pangalan nito.

SUMIGAW SIYA, at agad itong kumirapas, kumilos at pumaroon sa loob nang kanilang silid mag-asawa. Nakita siya nito. Nakita siya nito na nakagapang. Hirap na hirap. Kaagad nagmadali itong ihanda ang mga gamit…hindi nito alam kung ano ang gagawin, kung ano ang uunahin.

Ilang oras din siyang nahirapan sa kanyang panganganak…hindi nagtagal isinilang niya rin ang isang sanggol, isang babae na may mahahabang mga pilikmata na tulad nang kanyang asawa, itim na buhok limang maliliit na mga daliri sa magkabilang mga kamay, may mga paa na may tiglilimang daliri— may maliit na ilong

“Ang aking damgo!” Bulong niya sa kanyang sarili.

Sa pagpasok niya sa loob nang kanilang tahanan, lumabas siya sa madilim na pasilyo. Umupo sila sa tumba-tumba na nasa sa labas nang bulwagan na biyaya nang kanyang ama at inihanda nang Hadi Yusuf bago pa tuluyang umalis ang mga ito at maiwan siyang nag-iisa kasama ang Adi Atilla na kanyang bitbit. Dito hinintay niya ang pagbabalik nang kanyang banaúnah. Siya at nang kanyang anak. Hindi niya magawang tanggalin ang pagbaling sa Adi Atilla, ang hininga nang kanyang hininga…ang biyayang labis niyang ipinagraramot.

Hele niya,

“Tulog na! tulog na…

Matulog na mabuti

Upang lumaki ka nang maigi.

Magpakabait, at hindi matutong

Magsinungaling,

Papalain ka nang maykapal.

Matulog na mahal…

Matulog na mahimbing.

Di ka iiwan!

 Di maaaring pabayaan.

Matulog na mabuti…

Matulog na mahal ko!

Ikaw ay magpakabait, at hindi matutong

Magsinungaling.

Papalain ka nang maykapal.

Matulog na mahal…

Matulog na mahimbing…

Di ka iiwan

Di maaaring pabayaan

Ikaw lamang— aking mahal!

Matulog na…

Sa kapayapaan,

matulog na mahal ko!”

Lumabas si Ijiraq sa loob nang yungib nang tahanan ng mga Barakat. Lumapit ito sa kanilang mag-ina at humiga sa kanyang paanan. Nabaling ang kanyang pansin dito.

Tinanong niya ito kung maging din ba ito ay naiinip at iniisip ang kanyang asawa…

Nang gabing iyon, nang bumalik ang kanyang asawa sa pagpupulong sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar pinag-usapan nila kung ano ang mangyayari ngayong araw. Kung ano ang balak nang kanyang asawa na pilit niyang pinakikiusapan na huwag itong gawin ngunit buo na ang desisyon nang Hadi Yasir. Sasaktan niya ang mag-ina…at mapapahamak ang kanilang tahanan.

Sa gayon kapalit nito, hiningi nito sa kanyang mga magulang at mga kapatid na pangalagaan siya at ang kanyang anak. Na hanggang maaari ay ilayo sila malayo sa kapahamakan na maaaring idulot nang kanilang mga kalaban.

Nagtaka siya. Hindi niya maintindihan kung anoman ang binabando nito. Nagulat siya. Pinagtakahan niya kung ano ang desisyon nito. Nakiusap siya na huwag itong gawin nang kanyang asawa. Huwag siya nitong isuko sa tahanan nang mga Roshan, pabalik sa tahanan na kanyang pinagmulan.

Pinilit nang Hadi Yasir at nang kanyang ama na ito ang makabubuti alang-alang sa kaligtasan niya at nang kanilang anak. Sinabi nang Hadi Yusuf sa kanya na alalahanin niya ang Adi Atilla, ang kanilang panganay.

Ngunit tumanggi siya. Alam niya na tama ang mga ito…alam niya na ito lang ang natatanging paraan.

At kahit anoman ang gawin niyang pilit na huwag itong gawin sa kanya buo na ang desisyon nang mga ito at wala siyang magagawa na kahit ano pa.

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo. Binaling niya ang kanyang pansin sa kanyang asawa. Pinaalala niya sa Hadi Yasir ang pangako nito. Tanong niya, “hindi ba pinangako mo iyon sa akin? Nangako ka…”

Wika nito sa kanya, “at pinapangako…”

Wika niya, “hindi!”

Sinubukan siyang himukin nang kanyang ama.

Wika niya sa mga ito, “kaya ko ang sarili ko…kaya kong ipagtanggol ang Adi Atilla laban sa kung kaninoman. Maniwala kayo! Hinding-hindi ako magiging pabigat…sa iyo, banaúnah!”

Tugon nang Hadi Yasir sa kanya, “pero ako, oo…gusto nila akong patayin, Adi Hikmet! Magiging mapanganib sa akin, sa inyo ang mga gagawin ko.”

Wika niya, “isa akong Barakat, ama ka nang aking anak, ang dugong nananalaytay sa akin ngayon ay isang Barakat! Dalawang taon, pinili kita…tinanggap ko ang lahat nang pagkukulang mo. Isinuko ko ang aking pagkatao upang bigyan ka lang nang anak…Alam ko ang panganib nang makipag-isang dibdib ako sa iyo at nang dinala ko ang iyong magiging anak…huwag mong ipagkait sa akin ngayon ang panahong ito, at kung mamatay kaman maspipiliin kong makita kang naghihingalo sa aking harapan at nawawalan nang buhay kaysa manatili ako sa ibang tahanan at lalo lamang akong hindi matatahimik! Kaya kong tanggapin iyon…ikaw ano ang kaya mong gawin para sa akin?”

Tanong nang Hadi Yasir sa Adi Hikmet, “kung ganon hindi ka na mapipigilan pa?”

Hindi siya umimik. Tinignan niya ito nang masama at wala itong nagawa kung hindi sumang-ayon sa kanya.

Labis siyang nasaktan nang mga sandaling iyon. Hindi niya inasahan na kailangan niyang ipaglaban ang kanyang pagkatao at kung sino siya sa kanyang asawa. Patuloy siya sa paghele sa kanyang anak habang nakaupo sa tumba-tumba…at nang hindi inaasahan, nabaling ang kanyang pansin sa pagbukas nang lagusan nang kanyang tahanan. Pumasok ang isang lalake na ngayon niya lamang nakita.

Humingi ito sa kanya nang paumanhin. Sinabi nito na hindi nito sinasdya ang paggambala sa kanya, magkagayonman tinanong siya nito kung maaari nitong makausap ang Hadi Walid.

Nagtaka siya.

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo. Inayos ang anak sa pagkakahiga nito sa kanyang braso. Inayos niya ang lampin na nakatakip sa mukha nito.

Bumaba siya sa mga baitang nang nakaangat na pasilyo nang tahanan.

Tinanong niya ito kung ano ang kailangan nito sa Hadi Walid.

Sinabi nito sa kanya na kung maaari ay pagbigyan itong hayaan na makadalo sa pagtitipong nagaganap ngayon sa tahanan nito sa lupain nang mga sakahan nang mga bunga nang mga Rimas.

Humingi siya nang tawad. Sinabi niya na wala dito ang Hadi Walid, na mula kanina pa ay hindi pa ito nagpapakita sa kanila ni pumunta sa kanilang tahanan.

Hindi nito inasahan ang kanyang sagot. Tinanong nito sa kanya kung ganon ba talaga ang kanyang tinuran. Bagay na kanyang pinatotohanan. Sinabi niya sa lalake na siya lamang ang mag-isa sa kanilang tahanan ngayon kasama ang kanyang anak at isang asong-gubat na kapansinpansin ay hindi makita.

Tinanong niya ito kung bakit hindi nito puntahan ang Hadi Walid sa tahanan nito. Bagay na sinagot nang lalake sa kanya at sinabing ginawa nito ang kanyang minumungkahi at hindi nito nakita ang Hadi Walid sa tinitirhan nito.

Minungkahi niya na bakit hindi ito hanapin sa ibang kakilala datapwat gayong ni isa ay wala itong kakilalang kaibigan nang liyaw nang tahanan ng mga Barakat.

Bagamat sinabi nito sa kanya na nagkita sila nang nakaraang gabi lamang at sinabi nito na magiging abala ito ngayong araw kaya pinag-isipan nitong salubingin ang kaibigan sa tahanan nito at dito sa tahanan ng mga Barakat.

Inanyayahan niya ito na pumasok sa loob nang kanilang tahanan ngunit tumanggi ito at sinabing higit itong kailangan sa tahanan nito. Tinanong niya dito kung ano ang pangalan nito at sinabi nito sa kanya na ang pangalan nito ay Muqqabit.

Wika niya, “Hadi Muqqabit, kung hindi mo mamasamain at iyong pahihintulutan ngayon lamang kita nakita sa aming bayan…hindi ka isang dayuhan at malinaw na isa kang Jingkar gayong bakit ngayon lang kita nakita?”

Wika nito sa kanya, “hindi po ako isang Hadi!”

Wika niya dito, “patawarin mo ako, ngunit ito ang nakaugalian…pumasok ka sa aming tahanan at kailangan kitang pakitaan nang paggalang. Ngayon Hadi Muqqabit sabihin mo sa akin kung sino ka?”

Wika nang Hadi Muqqabit sa kanya, “isa po akong mangangalakal…lumaki ako sa pangangalakal nang aking mga magulang! Ang ina nang aking ama ay isang Jingkar na ngayon ay nagugunita nang pagkaulila sa yumaong asawa nito maraming taon na ang nakararaan!”

Tanong nang Adi Hikmet, “at ang iyong nanna?”

Wika nito sa kanya, “siya po ang ina nang may-ari nang sakahan nang puno ng mga Rimas!”

Tanong nang Adi Hikmet sa kanya, “sino sa mga may-ari nang taniman nang mga puno nang Rimas!”

 Wika nito sa kanya, “ang Hadi Bahadur!”

Ngumiti siya. Tanong niya dito, “maaari mo ba akong maintay! Kilala ko ang iyong nanna.”

Tumango-tango ito sa bilang pagtalima sa kanya.

Kasunod noon niyaya niya itong pumasok sa loob nang kanilang tahanan nang kanyang asawa. Tinanggap niya ito sa tahanan nang mga Barakat nang tulad nang nakaugalian. Hinugasan niya ang mga paa nito, inalmuhasan at pinunasan.

Kasunod noon tinanong niya ito kung maaaring mag-intay pa at sinabi niya na gusto niyang makita ang ina nito. Bagay na sinang-ayunan nito.

Pinaliguan niya ang kanyang anak. Sabay silang nagbabad sa mainit na tubig nang bukalan nang tahanan nang mga Barakat.

Sa gayon sa hindi inaasahan narinig niya ang tinig nang Hadi Muqqabit na tinawag siya at tinanong nito sa kanya kung maaari na ba silang lumakad dahil marami pa itong ginagawa. Sumang-ayon siya dito. Tinanong niya ito kung maaari nitong kunin ang mga tuwalyang nakatupi sa ibabaw nang mataas na lamesa, bagay na ginawa nito at iniabot sa kanya.

Umahon siya sa kanyang pagkakababad sa mainit na tubig nang bukalan. Nakiusap siya na kung maaari ay iabot nito sa kanya ang isa sa mga tuwalya.

Nang may pagkahiya ibinigay nito sa kanya ang tuwalya. Ibinalot ito sa anak at nakiusap muli siya sa Hadi Muqqabit kung maaari nitong kunin at hawakan ang kanyang anak habang magpapatuyo lamang siya at magpupunas.

Bagay na tinalima nito sa kanya.

Tinanong niya ang Hadi Muqqabit kung ilang taon na ito gayong mistulan itong bata sa itsura nito.

Sinabi nito sa kanya na ang edad nito ay labing-anim na taong gulang.

Tinanong siya nito kung ilang taon na siya, sinabi niya na labing siyam na taong gulang siya.

Pinagtakahan nito na masyado pa siyang bata para maging ina.

Gayong sinabi niya na wala sa pagiging matanda ang edad nang isang magulang bagay na sinang-ayunan nito.

Nang umagang iyon, naghanda siya nang kanyang masusuot. Ito na ang pagkakataon niya para makalabas nang kanilang tahanan. Makilala muli siya nang mga Jingkar na minsan niyang nakilala. Inayusan niya ang kanyang anak. Binihisan niya ito nang puting mahabang palda na gawa sa bulak at babero na may burda nang bulaklak na santan.

Nagsuot siya nang pulang magulang na Báta na may manggas na mula sa balat nang ahas. Sa ilalim nito ay isang mahabang palda na ang laylayan ay hanggang sa bukong-bukong nang kanyang mga paa, sandalyas, singsing na gawa sa luntiang bato at singsing na gawa sa pilak at may hubog nang dalawang ahas na may mga pulang batong mata at perlas.

Inayos niya ang kanyang buhok, hinayaan niya itong nakalugay na may kakaunting pagkakatali at kasunod noon lumabas siya nang kanilang silid mag-asawa at pumasok sa loob nang yungib nang tahanan nang mga Barakat kung saan naroroon si Ijiraq. Tinawag niya ito. Nilagyan niya ito nang paratilya at lampin. Inihanda niya ito at kasunod noon kinuha niya ang kanyang anak. Inilagay niya sa isang saluwâl na malilim na bughaw na may mga burda nang mga itim na bituin at mga pakahong mga linya.

Tinawag niya ang Hadi Muqqabit at niyaya niya ito na ihatid siya sa kinaroronan nang ina nang ama nito at kung nasaan ang salusalo kanina pang hindi maintay nito.

Bagay na ginawa nang batang Hadi.

Lumabas sila sa tahanan nang mga Barakat. Naglakbay sila patungo taniman nang mga Rimas.

Sa kanilang paglalakbay tinanong niya ito kung ito ang unang beses nitong makarating sa Ja’khar bagay na itinanggi nito. Sinabi nito sa kanya na makailang beses na itong pumunta sa Ja’khar, na pabalik-balik sila sa dalawang lupain nang mga magulang nito sa nakalipas na labing-limang taon.

Tinanong siya nito kung nagawa niya bang makalabas sa Ja’khar bagay na kanyang sinang-ayunan. Ngunit sinabi niya na hindi sa ibayong dagat bagkus sa mga nakapaligid na kakahuyan…

Hindi nagtagal narating din nila ang tahanan nang Hadi Baaru at nang mga anak nito. Nagpatuloy sila sa paglalakbay sa makitid na daan nang mga tanim nang mga Rimas. Nakita niya ang isang malaking paging sa labas nang mga tahanang bato na naliligid sa mga malalaking mga kulandong, Tinulungan siya nitong makababa sa kanyang pagkakasakay kay Ijiraq.

Laking gulat niya nang makita niya ang kasiyahan at ang kakaibang tinataglay nang pagdiriwang na ito. Niyaya siya nitong pumasok. Bagay na kanyang tinanggap.

Sa pagpasok niya bumungad sa kanya ang iba’t ibang mga Nebo, ang mga Jingkar na kanyang kakilala, iilan ay mga pinuno nang mga may-ari nang lupa…Ang Hadi Eno kasama ang asawa nitong si Adi Pikati, ang Hadi Baaru, Hadi Basir, Hadi Budur, Adi Baqira. Kahit ang ina nang Hadi Eno ay nandito kasama ang anak nitong si Adi Ayda na unang bumati sa kanya at kanyang nagkadaupang palad.

Sa gayon naging tampok sa kanila ang pagkilala sa kanyang anak at naging masaya at naging makabuluhan ang kanyang paglabas mula sa lisya nang kanyang pag-aalala.

Nagbigay galang siya sa amma nang Hadi Muqqabit. Tinanggap siya nito nang pagyakap at nang tulad nang kung ano ang nakaugalian, hinugasan nang ama nang Hadi Muqqabit ang kanyang mga paa.

Nakakilala siya nang iilang mga Kesh at mga Qaa na naroroon sa mga malalaking mga Kulandong. Iilan sa mga Qaa ay mga Mata at maging isang babaeng Gador na masmaitim ang kulay nang balat kaysa sa gabi at ang mga mata ay kulay kastanyas. Nagbigay ito sa kanya nang paggalang na kanyang binalikan nang paggalang. Nakilala niya ito bilang ang ina nang Hadi Muqqabit.

Nakilala niya rin ang dalawa pa nitong mga kapatid.

Nakipag-usap siya sa mga may-ari nang lupa at mga sakahan. Pinabatid niya na alam niya kung ano ang ginawa nang mga ito sa mga imbakan at maging sa mga Kesh.

Sinabi nang Hadi Baaru sa kanya na walang dahilan pa para pakinggan siya nang mga ito gayong hindi rin naman lingid sa mga ito kung ano ang nangyayari ngayon sa tahanan nang mga Ardashir.

Bagay na hindi niya ipinagkaila, inamin niyang totoo ang mga naririnig nito ang pag-angkin sa tahanan nang mga Ardashir nang kanyang asawa at higit sa lahat ang pag-angkin nang kanyang asawa sa impluwensyang tinataglay nito.

Nagpatuloy ang kasiyahan. Nakipag-usap siya sa Adi Ayda, sa ina nang Hadi Eno at maging sa asawa nito na si Adi Pikati na nagdadalang-tao.

Hanggang sa lumapit sa kanya ang Hadi Budur, at sinabi nito sa kanya na may hindi magandang nangyayari sa tahanan nang mga Barakat bagay na kanyang pinagtakahan. Sinabi nito sa kanya na nakawala ang alaga nitong hayop na si Ijiraq at agad nilang sinundan kung saan nakita nilang patungo ito sa kanyang tahanan at nalaman na nasusunog ang tahanan nito.

Nagulat siya. Nagtaka siya. Dalidali siyang lumabas sa mga malalaking kulandong, lumabas sa taniman nang mga Rimas hawak ang kanyang anak at doon sa kanyang paglabas nakita niya ang malaking usok na tinatabunan ang daanan.

Hindi naglaon nakita rin ito nang lahat na mga gustong mag-usisa. Nakita nila ang pagbagsak nang kanyang tahanan. Ang pagbagsak nang tahanan nang mga Barakat.

Narinig niya ang pag-ungol ni Ijiraq. Narinig niya ang pag-iyak nang asong-gubat na alay sa kanya nang kanyang asawa.

Dalidali siyang pumaroon subalit pinigilan siya nang Hadi Eno.

Hindi nagtagal dumating ang kanyang kapatid upang sunduin siya. Nakita nito kung ano ang nangyari sa kanyang tahanan. Sinundo siya nito at agad na dinala sa tahanan nang mga Ardashir kasama ang kanyang anak kung saan sila sinalubong nang kanyang ama at ina.

Niyakap siya nang Hadi Yusuf. Niyakap siya nang kanyang ina.

Hinanap niya ang kanyang asawa…gusto niyang makita ang Hadi Yasir.

Dinala siya nang Hadi Yusuf sa kung nasaan ang Hadi Yasir at sa pagdating nila sa ilalim nang puno nang Mahumanay nakita niya ang Hadi Yasir na nakatayo sa lilim nang puno, kinakausap ang sarili nito, may bahid nang dugo ang buong katawan, naliligo sa dumi at putik na nasa buong katawan nito.

Nagtaka siya.

Tinanong niya ang kanyang ama kung ano ang ginagawa nito at kung bakit nagkakaganito ang kanyang asawa. Sinabi nang Hadi Yusuf sa kanya na hindi nito alam kung ano ang nangyayari sa Hadi Yasir…na siguro kagagawan ito nang sumpa sa tahanan nang mga Barakat, ang sakit nang tahanan nang mga Barakat…na nagmula pa sa kanununuan nang mga ito. Isang sakit na walang lunas… na maging ito ay nilamon na nang sakit nang mga ninuno nito. Sinabi nito sa kanya na nang nakita nang kanyang ama ang Hadi Yasir, ganito na ito kinakausap na nito ang sarili…sinasabi nito sa sarili na kasalanan nito ang lahat at walang ibang dapat sisihin sa lahat nang mga nangyayari ngayon kung hindi ito at ito lamang.

Ibinigay niya ang kanyang anak sa Adi Arwa. Lumapit siya sa kanyang asawa. Inisip niya kung ito ba ang katapusan nang kanyang tahanan. Kung ito ba ang parusa sa kanyang ginawa sa Hadi Yasir, ang ilagay ito sa matinding kapahamakan at sa labis na pighati.

Wika nang Hadi Yasir, “magiging mahina tayo kung mag-iingat tayo. Mananahimik na lamang ba tayo at hintayin ang paglusob nang ating mga kalaban sa ating pinaglulunggaan.”

Nagtaka siya. Gusto niyang malaman sino ang kausap nang Hadi Yasir…na isa ba itong kabaliwan na tulad nang sinasabi nang kanyang asawa nang ikwento nito ang naging kapalaran nang ina nito at kung papaano ito namatay. Ito ba ay isang kathang-isip na gawa nang mga sapantaha at imahinasyon na mahirap suriin at kilatisin kung kagagawan ba ito nang mga diyos na naninirhan sa ibabaw nang mga ulap at sa ilalim nang karagatan, o tulad niya tulad nilang lahat isa itong biyaya na hindi maaaring ipagramot sa kahit kanino. Sino ang kausap nang kanyang asawa…

Dagdag nang Hadi Yasir, “magiging mahina tayo kung lulusob tayo ngayon nang walang paghahanda laban sa ating mga kalaban!”

Iyon ang totoo.

Umiling-iling ang Hadi Yasir. Wika nito, “hindi—hindi!” tumulo ang luha sa mga mata nang Hadi Yasir. Pagpapatuloy nito, “ano ang ginagawa mo dito? Hindi ka na dito nakatira. Matagal ka nang wala…akala mo siguro magiging katulad mo ako. Nagkakamali ka. Hindi mo ako katulad. Hindi tayo pareho. Hinayaan mo kaming magkapatid na mamatay sa daan nang mga panahong kinakailangan namin ang tulong mo. Hindi ko alam kung sinabi ko na sa iyo ito pero natatandaan mo ang sinabi mo sa aking ina na tapos na ang panahon ng mga Hadezar! Nang mga panahong iyon, tinuldukan mo kung anoman ang namamagitan sa ating dalawa, Hadezar. Ginawa ko lamang ang hindi mo kayang gawin. —Sa tingin mo hahayaan kitang mangyari iyon. Sa tingin mo bibigyan kita nang malinis at mabilis na kamatayan. Malas ko lang nagkataong nandoon ang iyong kapatid at mga pamangkin. Pero wala nang halaga pa.” tumawa ito…

Tinawag niya ang Hadi Yasir. Tinawag niya ang kanyang asawa.

Wika nang kanyang asawa, “tama ka…kasalanan ko na kung kasalanan ko pero unang una pa lang, sinabi mo sa akin…sa akin mo ipapamana ang pamumuno sa mga nasasakupan mo. Sinabi mo sa akin dahil alam mong kaya ko itong gawin…”

Tawag niya, “Hhadezar!”

“handa kong ibigay sa kanya ang tahanan nang mga Barakat, alang-alang sa tahanan nang mga Ardashir. Handa kong ipagkalulo ang sarili kong kapangyarihang tinataglay, maliitman ito, sa iyong sumpong. Tignan mo kung ano na ang nangyayari…akala mo siguro magiging mabait ako” Umiling-iling ang kanyang asawa. “Akala mo palalagpasin ko ang ginawa mo sa akin?”

Tawag niya, “Hadi Yasir!”

Tumigil siya panandalian.

Lumingon ito sa kanya. Pagpapatuloy nito, “Oo binalak ko…pinangako ko na papatayin kita at aagawin ko sa iyo ang iyong pamumuno pero hindi ko naman gagawin iyon. Napilitan lang ako. Sinaktan mo ang puso ko nang humingi ka nang tawad na hindi mo na hahayaan pa akong maging tagapagmana ng iyong pamumuno. Sinira mo ang iyong mga salita…akala ko iba ka. Na hindi ka katulad nila? Nagkamali ako!”

Wika niya sa kanyang asawa, “asawa ko!”

Sinubukang lumapit sa kanya nang Hadi Yasir.  Hindi siya makakilos…hindi niya magawang makaalis sa kanyang kinatatayuan nang mga sandaling iyon Nakaramdam siya nang takot.

Wika nito sa kanya, “nakita mo… alam mo—”

Niyakap siya nito. Sinabi niya na kailangan nitong maligo, magpalit nang masusuot at magpahinga. Sinabi niya na makabubuti kung magpapahinga ito.

Tinignan siya nito. Ngumisi ito sa kanya. Wika nito sa kanya, “mahal na mahal kita Adi Hikmet!” at tinalikuran siya at umalis patungo sa paliguan nang tahanan nang mga Ardashir.

Nag-alala ang kanyang mga magulang sa nangyayari sa kanyang asawa. Sa tingin nang Adi Arwa magiging mapanganib sa kanilang mag-ina ang manirhan pa kasama ang Hadi Yasir. Hindi nila alam kung ano ang kanilang mararamdaman. Ang mga nakita nila ay nagbibigay sa kanila nang takot lalo pa sa kung ano ang nakaraan nang tahanang ngayong kanyang kinabibilangan.

May katwiran ang kanyang ina. Alam nilang wala itong lunas…at maaari itong ipasa sa kanya o sa kanyang mga anak. Pero hindi siya naniniwala. Hindi siya naniniwala na tuluyan nang nilamon nang sakit ang kanyang asawa, hindi niya alam kung ano ang ikikilos sa harap nito. Kung tuluyan na ba itong nasisiraan nang bait o kung alam nito ang ginagawa nito.

Kasabay noon nang hindi inaasahan bumukas ang pintuan nang lagusan nang tahanan ng mga Ardashir at nakita nilang pinapasok nang Hadi Batul ang kanyang kapatid na si Hadi Fadil kasama ang Adi Makbule, ang mga anak nitong lalake at ang kapatid nang asawa nito na si Hadi Faysal.

Lumabas siya sa pamosong pabilyo nang tahanan nang mga Ardashir. Lumapit ang Hadi Fadil sa kanya. Nagbigay ito nang paggalang sa kanya, kasunod noon niyakap niya ang kanyang kapatid at sinabi nito sa kanya na nandito ang kapatid nang kanyang asawa.

Nabaling ang kanyang pansin sa Adi Makbule. Nagbigay siya nang paggalang sa kapatid nang kanyang asawa at binalikan siya nito nang paggalang. Sinamahan niya itong pumasok sa loob nang pabilyo nang tahanan nang mga Ardashir.

Sinabi nito sa kanya kung ano ang nangyayari ngayon sa tahanan nang mga Harith.  Ang ginawang pag-alis nang Adi Mahvash at Adi Dilshed sa tahanan nang mga Harith patungo sa Qaa’ur sakay sa mga mangangarabana nang mga banal na isla nang liwanag nang buwan. Ang kamay na bakal na pamumuno nang Hadi Mahdi sa tahanan nang mga Harith. Ang balak laban sa tahanan nang mga Barakat, Ardashir at mga Roshan.

Humingi ang kapatid nang kanyang asawa at ang Hadi Faysal na tulungan sila nito. Lumuhod ang Adi Makbule sa kanyang harapan bagay na sa hinagap ay hindi niya hingad na mangyayari.

Umiling-iling siya. Sinabi niya sa Adi Makbule na hindi nito kailangang lumuhod sa kanyang harapan bagkus tinatanggap niya ang pakiusap nitong tulungan nila ang mga ito.

Tumayo ang Adi Makbule sa pagkakaluhod nito sa kanyang harapan. Nagpasalamat ito sa kanya. Kasunod noon niyakap siya nito at binalikan niya nang pagyakap ang kapatid nang kanyang asawa. Hinawakan niya ang ulo nang Adi Makbule. Hinimashimas niya ang buhok nito. Nakaramdam siya nang saya sa pagtulong dito, nang kapangyarihan na hindi niya maintindihan kung saan ang pinagmumulan.

Tinanong niya sa Adi Makbule kung nasaan ang Adi Sule.

Tinanong siya nito kung wala ba ito sa kanilang tahanan bagay na kanyang itinanggi.

Nang hindi inaasahan pumasok ang Hadi Yasir sa loob nang pabilyo nang tahanan ng mga Ardashir at nakita nito ang ginagawa niyang pakikipag-usap sa nakatatanda nitong kapatid na babae.

Nang nakita nang Adi Makbule ang kanyang asawa kinamusta nito ang Hadi Yasir.

Nakita niyang maayos na ito. Nakasuot ito nang kayumangging Báta na gawa sa balat nang buwayang Magan at saluwâl na bughaw na may burdang halaman nang kalengkor na gawa sa ginto. Nakatago ang mahaba nitong buhok sa likuran nito…malinis na ang mukha nito datapwat halatang ang mga kamay nito ay mayroon pang bahid nang dugo at ang suot nitong sandalyas ay maputik pa.

Tinawag nito ang kapatid nito. Gayong binungad nito na ang tanghaling ito ay isang mapagpala.

Nagbigay din nang paggalang ang Hadi Faysal sa kanyang asawa. Lumapit ang Hadi Yasir sa kanyang mga pamangkin…niyakap nang kanyang asawa ang Hadi Mahsa at hinimashimas nito ang buhok nang Hadi Malik.

Wika nang Hadi Yasir sa Hadi Faysal, “kamusta ka na…Hadi Faysal!”

Wika nito sa kanyang asawa, “mabuti…ikaw?”

Ngumiti ang kanyang asawa. Umiling-iling ito. Wika nito, “hindi!”

Sinubukan nang Adi Makbule na paalalahanan ang kanyang asawa na magpahinga, ngunit tumanggi ito sa kapatid nito sinabi nito na maraming nangyari ngayong araw sa Ja’khar at hindi siya maaaring magpahinga.

Wika niya sa kanyang asawa, “makabubuti kung magpapahinga ka, Hadi Yasir! Banaúnah!

Wika niya, “saka na lang…”

Nakiusap ang Hadi Faysal sa kanyang asawa na kung maaari ay dumito muna sila at magkubli sa tahanan nang mga Ardashir. Sinabi nang kanyang asawa na walang kaso iyon dito…sa gayon maging sila ay kinakailangan din nila ang tahanan nang mga Ardashir dahil wala na rin silang matitirhan.

Nagtaka siya sa sinabi nang kanyan asawa. Tanong niya, “alam mo!”

Lumingon ito sa kanya. Sinabi nito sa kanya na sinabi nang Hadi Batul ang pagsunog sa kanilang tahanan…at ang pagkamatay ni Ijiraq. Na kahit sila ay kinakailangan din nilang manirhan kung saan sila mapapalagay.

Tinanong nang Adi Makbule sa kanyang asawa kung maaari niya bang makita ang kanyang anak. Tumango-tango ito. Agad lumapit ito sa kunan na nasa loob nang pabilyo nang tahanan nang mga Ardashir.

Tinanong nang Hadi Faysal sa kanyang asawa kung ano ang nangyari sa kapatid nito at ama. Sinabi nito sa Hadi Yasir na nakita nila ang mga Anino nang tahanan nang mga Harith at Parvana na nakalagay sa malalaking mga kariton at dinadala nang Hadi Fadil pabalik sa tore nang mga Anino.

Sinabi nito sa Hadi Faysal na nagkaroon nang labanan sa pagitan nang tahanan nang mga Barakat at Roshan laban sa tahanan nang mga Harith at Parvana. Sinabi nang kanyang asawa na napatay nito ang Hadi Naveed. Gayong ipinilit nang Hadi Faysal sa Hadi Yasir kung ano ang naging kalagayan nang Hadi Nasrin.

Sinabi nang kanyang asawa na nakatakas ang Hadi Nasrin sa labanan.

Nabaling ang pansin nang Hadi Yasir sa kung nasaan sila kasama ang mga bata. Tinanong nang Hadi Yasir sa kapatid nito kung nasaan ang Adi Sule…Hindi nakaimik ang Adi Makbule.

Kasabay nito nang hindi inaasahan bumalik ang kanyang kapatid na si Hadi Batul ang asawa nitong si Adi Ismat at ang panganay na anak nito sa loob nang pabilyo.

Sa gayon muling nagkita ang mag-ina at muling nakita nang asawa nang kanyang nakatatandang kapatid na lalake ang mga kapatid nito.

Hindi naglaon pinagsaluhan nila ang pananghalian sa loob nang malawak na silid-lutuan nang tahanan nang mga Ardashir. Pinaghanda sila nang makakain nang kanyang mga magulang.

Naroroon sa mahabang lamesa ang tatlong tahanang bumubuo sa kalipunan nang mga Hadezar: ang tahanan nang mga Roshan kung saan kabilang ang kanyang mga magulang, sina Hadi Yusuf at Adi Arwa maging ang kanyang mga kapatid na sina Hadi Batul at Hadi Fadil; ganon din ang Adi Ismat na panganay na anak nang Adi Makbule at pamangkin nang kanyang asawa; ang tahanan nang mga Harith na binubuo nang Adi Makbule, Hadi Faysal at nang dalawang anak na lalake nang Adi Makbule na sina Hadi Mahsa at Hadi Malik; ang kanilang tahanan nang mga Barakat kasama ang kanyang asawa at ang natutulog nilang bagong silang na sanggol.

Hinain nang Adi Arwa ang isang tinapay na walang labadura na niluto sa kawali, sarsa na may butil nang mga mais maanghang na pampalasa, giniling na karne nang baboyramo, at mga tinadtad na kamatis at mga niligis na mga sibuyas. Naghanda ang kanyang ama nang mainit na sabaw nang isda matangbaka na may kamatis, at kohlrabi; pinakuluang mga talangkang Gaki at bahaw na kaning ginawang kakanin. May mga nakakalasing na inumin na mula sa bunga nang Agave at rimas sa hapagkainan, tsaa na mula sa prambuwesas.

Pinagsaluhan nila ang kanilang tanghalian. Naging masaya ang salusalo. At nang makita niya ang lahat na masaya at parang langit sa lupa ang hindi maitatagong kasiyahan…nakaramdam siya nang kabanaagan nang loob. Nabaling ang kanyang pansin sa kanyang asawa.

Hinawakan nito ang kanyang kamay…hinihimas. Hindi magtatagal babalik rin sa kapayapaan ang lahat nang mga nangyayari sa kanila nang mga sandaling ito kailangan lang nila ang maghintay at mag-ingat.

Ang Hadi Nasrin

Lumapit siya sa kanyang ama. Tinawag niya ito habang nakaluhod ito sa harap ni Battala at nakatalikod sa kanya. Lumingon ito sa kanya. Tumayo ito at dalidali siyang niyakap nang Hadi Mahdi.

Humingi siya nang tawad sa Hadi Mahdi. Sinabi niya na binigo niya ang kanyang ama…hindi niya nagawang saktan ang Adi Hikmet at ang dinadala nito sa sinapupunan nito…gayon din ang Hadi Yasir.

Hinalikan siya sa labi nang kanyang ama. Sinabi nito sa kanya na wala siyang dapat ihingi nang tawad sa kanyang nagawang pagkakamali. Na hindi niya kasalanan ang lahat nang mga nangyari bagkus walang ibang dapat sisihin dito kung hindi ang kanilang mga kalaban.

Sinabi niya na nalaman niyang nanganak na ang Adi Hikmet…isinilang nito ang isang babaeng sanggol na pinangalanan nang mga ito na Atilla.

Tinanong niya ang kanyang ama kung ano na ang kailangan nilang gawin ngayon. Sinabi nito sa kanya na malamang sa malamang ay nagtatago ngayon ang mga ito sa loob nang tahanan nang mga Ardashir.

Sinabi niya sa kanya ama na hayaan silang magtago sa tahanan nang mga Ardashir. Na hindi magtatagal ay lalabas din ang mga ito sa pinaglulunggaan. Gayon paman inutusan siya nang kanyang ama na patayin ang Adi Atiya…sinabi nito sa kanya na wala nang pakinabang pa ang Hadezar nang tahanan nang mga Parvana sa kanila.

Bagay na kanyang tinalima at sinunod…   

Ang hagdan patungong langit

Ang tunay na pagmamahal pinagtatagumpayan ang kahit ano.

Hindi mahihiwalay nang buhay o kamatayan.

Ito’y wagas mula unang hininga hanggang huli.

Husgahan man ito nang kasalulukuyan.

Matahin nang nakaraan,

Itaga sa kasaysayan.

Kahit pa,

Maging labag sa mata nang batas,

Para sa katarungan .

Ipagbawal nang kahit anong nasyon.

Maging sino ka man.

Ang tunay na pagmamahal walang kinikilalang espasyo o panahon.

Umaga o gabi

Umalan—bumagyo

Oras? saglit?

Kahapon. Ngayon

mamaya, ni bukas!

 

“Hanggang sa muli nating pagkikita!”

Preview of chapter 21

Lumingon ako sa Hadi Yusuf. Sinabi niya sa akin na kailangan kong magdesisyon kung anoman ang kinakailangang susunod na magiging hakbang sa mga sandaling ito. Kasunod noon naglaho ang aking pansin sa kanya at muli itong ibinaling sa mga Aninong nakabarakada sa aming harapan, handa sa kanilang pagtambang at paglusob sa aming kumbuyan. Muli tinawag niya ako.

Narinig ko ang pagtawag sa akin nang Hadi Yusuf.

Bumaba ako sa aking sinasakyang asong-gubat. Hawak ang panali nito nanguna ako, hinila ko ang asong-gubat habang sinipat ko nang aking tingin ang mga Anino nang tahanan nang mga Parvana at nang iilang mga Anino nang tahanan ng mga Ardashir. Kasabay nito sumunod sa akin ang ama nang aking asawa.

Nakita ko ang Hadi Naveed na naroroon kasama nang mga Anino at pinamumunuan ang mga ito. Hindi niya alam kung ano ang kanyang ginagawa. Hindi siya isang mandirigma, lalong-lalo na hindi niya alam kung papaanong pamunuan ang labanang ito.

Bumaba ang Hadi Yusuf sa sinasakyan nitong asong-gubat.

Sa pagbukang-liwayway maaga akong nagising. Bumangon ako sa tabi nang aking asawa. Pinaghanda ko siya nang aming magiging agahan. Sa mga nakalipas na mga araw hinahanap niya sa akin ang sinabawang karne nang baboy na may mga tenga nang mais na kasama at dahon nang kohlrabi na may maanghang na pampalasa. Patuloy ang pagbuhos nang ulan na nagsimula mula kahapon pa nang tanghali. Hindi magtatagal magsisimula nang lumamig ang panahon.

Nang umagang ito pinakawalan ko sila Amarok, Mame at Ijiraq sa loob nang yungib ng aming tahanan. Hindi naglaon nagising na rin ang aking asawa at tinulungan niya ako sa pag-aayos nang aming hapagkainan. Nag-agahan kaming dalawa. Pinaghanda ko siya nang tinapay na walang labadura, isang mainit na sabaw na may karne nang baboyramo, kohlrabi at maanghang na pampalasa. Palaman na diyam na mula sa bunga nang mga jaboticaba at nilagang itlog.

Habang kumakain tinanong niya ako kung ano ang gagawin ko ngayong umaga. Sinabi ko sa kanya na baka mag-ikot ikot ako…sinabi ko sa kanya na nagyaya nang inuman ang may-ari nang sakahan nang mga Rimas baka sumaglit na rin ako pagkagaling ko sa aking pag-iikot at gabihin.

Tinanong ko siya kung ano ang balak niya. Sinabi niya sa akin na dito muna siya sa aming tahanan. Gusto niyang matulog at magpahinga.

Bagay na aking sinang-ayunan.

Nang umalis ako nakita ko rin siyang umalis nang aming tahanan. Nagtungo siya sa tahanan nang mga Parvana upang makipagkita sa Adi Atiya, ang bagong kasisilang na Hadezar nang tahanan nang mga Parvana.

Hindi ko siya pinigilan na gawin ito. Hinayaan ko lang na gawin niya kung anoman ang gusto niyang gawin. Nagpatuloy ako sa aking paglalakbay. Umikot ako sa aming mga kinasasakupan. Kinausap ko ang Hadi Eno tungkol sa suliranin niya sa mabagal na pagbunga nang kanyang mga tanim na mga mais. Sinabi niya sa akin na dahil papalapit na ang panahon nang taglamig nangangamba siya na baka masira lamang ang kanilang mga pananim.

Tinanong ko siya kung bakit siya magsasaka gayong parating na ang panahon nang taglamig. Nagtaka siya.

Nagtaka ako. Sinabi niya sa akin na madalas nila itong ginagawa para hindi masira ang lupa.

Sinabi ko sa kanya na alam niya dapat ang panahon kung kailan sila maaaring magtanim o hindi. Ang panahon nang taglamig ay ang panahon na walang maaaning kahit ano. Tinanong ko siya kung gagawin din ba ito nang ibang mga may-ari nang lupa na nasa ilalim nang kanyang pamumuno sinabi niya pinagpipilitan nila kung anoman ang sinabi ko.

Gayong tinanong ko siya, kaya niya ba ito sinasabi sa akin ay dahil pinagpipilitan niya ang kanyang gusto.

Hindi siya nakaimik. Sinabi ko sa kanya na bakit hindi siya makinig sa mga masnakakatanda sa kanya. Na wala kaming magagawa sa ngayon gayong kailangan naming gapasin ang huling natitirang bunga nang aming mga natrabaho.

Nagpatuloy ako sa aking pag-iikot. Pinuntahan ko ang mga nagsasaka nang mga Kohlrabi naghahanda na sila sa pagtatanim sa pagdating nang panahon nang taglamig. Nagpatuloy ako sa aking pag-iikot hanggang abutin na ako nang tanghali at sumali na ako sa pananghalian nang mga nagsasaka nang mga Rimas. Tumikim ako nang kanilang ani. Uminom ako nang kanilang ani. Pinag-usapan namin ang aking asawa. Pinag-usapan namin kung ano ang kailangan kong gawin sa aking lupain, sa aking kinasasakupan at sa aming bayan.

Alam nang mga kalalakihan at nang higit pang magsasaka kung ano nangyari noong nakaraang araw sa tahanan nang mga Parvana. Mabilis na kumalat ang balita sa Ja’khar…nagsimula ito sa pinakamaliit na bulong hanggang sa lumaki at sumiklab. Pinuri nang iilan ang aking ginawa. Kahit ang Hadi Baaru na hindi ko masyadong kasundo ay hinangad na sana tumagal pa ang maikling katahimikang ito sa aming bayan…Pinag-usapan namin ang maaaring pangangalakal nang mga nakakalasing na inumin mula sa bunga nang Rimas at kung maaaring ipalit ito sa mga bunga nang Agave.

Sinabi ko, magandang pangangalakal ang mga nakakalasing na inumin. Saan kang bayan pumunta, saan sulok nang mundo mayroon at mayroong iinom nang nakakalasing na inumin. Hindi iyon nakapagtataka, hindi iyon maiaalis. Ngunit pinaalalahanan ko sila na gayong hindi ito kasing tapang nang mga nakakalasing na inuming nagmumula sa mga tanim na Agave at hindiman sila agad na makikilala nang pamilihan nakatitiyak ako na makikilala ito at sisikat, kung hindiman, ako mismo ang magpapakilala nito sa aming bayan sa pamilihan.

Matapos noon, nang malapit nang magdilim nagtungo ako sakay kay Mame sa labas nang Ja’khar. Pumasok ako sa mapanglaw na kakahuyan at nagtungo sa mga nagtataasang mga kambal na Bato sa gitna nang kagubatan.

Bumaba ako sa mga gawang baitang patungo sa mga higanteng mga batuhan. Hinayaan ko ang aking alaga sa na sumunod. At sa pagdating ko sa mga nagtataasan at naglalakihang mga kambal na mga bato bumungad sa akin ang mga naniniwala sa kapangyarihan nang liwanag nang buwan.

Hindi ako lasing…hindi! Hindi pa. Alam ko kung ano ang nakikita ko at nasa aking harapan. Hinawakan ko ang panali ni Mame. Hinimashimas ko ang kanyang ulo gamit nang isa ko pang kamay. At kasabay noon, bungad ko sa siyam na makapangyarihan “iyi ’oqshem!” nang may pagngiti.

Alam kong inaasahan nila ang aking pagdating. Alam kong matagal na nila akong hinihintay. Nang gabing iyon sinabi ko sa kanila kung ano ang gusto nilang marinig mula sa akin. Ang aking balak laban sa tahanan nang mga Harith at sa mga Parvana. Kung ano ang mga maaaring mangyari sa aming bayan nang Ja’khar.

Tanong nang Hadi Yusuf, “ano na ang gagawin natin ngayon, Hadezar!”

Tugon ko sa kanya, “wala tayong dapat sayanging panahon, tuloy kung ano ang ating mga balak Hadi!” Ngayong araw dadanak ang dugo sa lupa. Babagsak ang tahanan nang mga Ardashir, at Adi Habib at ang kanyang mga anak.

Bumalik ako sa aking sinasakyang asong-gubat. Sumakay ako sa kanyang likuran at bulong sa kanya, “patawarin mo ako kailangan ko itong gawin!”

Tanong ko sa Hadi Yusuf, “natatandaan mo pa ba kung ano ang pinag-usapan natin!”

Tumango-tango ito…at bago ako tuluyang kumilos sinabi niya sa akin na mag-iingat ako. Bagay na aking tinugunan nang pagtango.

Kasunod noon pinakilos ko si Amarok papunta malapit sa mga nakabarakadang mga Anino sa aking harapan.

Nabaling ang pansin nang Hadi Naveed sa akin. Nakita niya akong nakatingin sa kanya. Muli nagkita kaming dalawa nang asawa nang aking kapatid.

Wika niya sa akin habang nagtatago sa mga dayak at sa mga mahahabang mga sibat nang mga ito, “Hadezar sumuko ka na habang may pagkakataon pa. Alangalang sa iyong kapatid, sa iyong mag-ina! Pakiusap huwag ka nang lumaban pa!”

Siguro kasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang sana ako nangarap nang mashigit pa. Kung pinagtuunan ko lang sana nang aking panahon ang aking tahanan at ang aking mag-ina, hindi siguro mauuwi sa ganito ang lahat, sa mga sandaling ito.

Inaamin ko hindi ako mandirigma, hindi kami mandirigma nang Hadi Naveed…hindi kami lumaki sa bingit nang digmaan, o sumabak sa kahit anong labanan na matagal nang naglaho sa aming bayan mahigit apatnaraang taon na ang nakakalipas. Ngunit tapos na ang panahon nang kapayapaan. Sumiklab na muli ang bagong pagbabago na magdadala sa amin sa isang bagong bukas na walang katiyakan at matagal nang naudlot nang pumutok ang Magiting na Kabundukan at lamunin ang aming bayan nang kadiliman. Na ang lahat ay naging itim maging kulay nang kalangitan.

Mga pangkaraniwan lamang kami, higit sa mga mandirigmang bayarang nangangalaga sa kanilang bayan at lipunan. Higit sa pangangailangan namin nang aming mga Anino. Kami nang Hadi Naveed…wala kaming kalaban-laban kung maghangadman nang digmaan ang ibang mga bayan laban sa amin.

Pero ito ang kailangan kong gawin. Wika ko sa Hadi Naveed, “asirvadda’owuro, Hadi Naveed!” Hindi niya sinagot ang aking pagbati sa kanya. Pagpapatuloy ko, “ito na ba ang bagong pamantayan ngayon, ang kalimutan ang paggalang at pagbati sa nag-aalok nito! Mukhang nagkamali yata ako nang pagkakakilala sa iyo Hadi Naveed!”

Wika nang Hadi Naveed, “hindi mo ako maloloko Hadi, kilala kita alam ko sa mga sandaling ito ang ginagawa mo!”

Wika ko, “o Hadi Naveed, ang sinomang nagsasabi nang hindi siya maloloko nang sinoman ay siyang madaling maloko nang sinoman!

“Alam ko ang takot na nananalaytay sa iyong mga ugat, tama ako hindi ba, at dumadaloy sa iyong dugo.” Dagdag niya.

Tama siya, hindi ako magsisinungaling takot na takot ako ngayon. Masarap na isipin na hindi ito totoo, ang mga nangyayari ngayon sa aking harapan, ngunit anong sakit na lamang ang gusto kong maramdaman sa aking kahinaan na sumusuway sa aking kalakasan—sa mga ambisyong maaari ko pang hangarin.

Pagpapatuloy nang Hadi Naveed, “alam ko kung ano ang ginagawa mo!”

Tanong ko sa kanya, “at ano ang ginagawa ko?”

Wika nang Hadi Naveed, “na isa kang mapagpanggap…Hadezar, alam mong mangyayari ang lahat nang ito…Alam mo na mauuwi ang lahat sa ganito, hindi mo lang inasahan na ako ang mamumuno at hindi ang Hadi Nasrin— hindi ba, tama ako?”

Wika ko, “oo! Tama ka, alam ko ang patibong na ito…na maaari itong mangyari at hindi nga ikaw ang inaasahan ko, pero masyado kang kumpiyansa sa sarili mo na magagawa mo akong pabagsakin ngayong araw, gayon paman humihingi na ako sa iyo ngayon nang paumanhin…dahil hindi ito mangyayari. Ikaw…ikaw ang mamatay ngayon, Hadi Naveed at kung sa inaakala mo na maliligtas ka nang iyong pinakamamahal na Hadi Nasrin ay nagkakamali ka!” Nakita niya ang pagtataka sa Hadi Naveed. Ang pagkagulat nito. Dagdag niya, “ang pagmamahal mo at pagkahumaling mo sa kanya ang magdadala sa iyo, sa iyong kamatayan!”

Bumukas ang lagusan nang tahanan nang mga Ardashir. Naglaho ang pansin sa akin nang Hadi Naveed at nabaling ito sa kumakawalang ingay.

Kasabay noon kumalas ang mga Anino nang tahanan ng mga Parvana at mga Ardashir.  Pinaikutan nila ang Hadi Naveed at binantayan nila ito tulad nang palagi nilang ginagawa.

Lumingon ako sa kung nasaan ang ama at kapatid nang aking asawa at iilang mga Anino nang tahanan kasabay noon tumango-tango ako. Pinakilos nang Hadi Yusuf at Hadi Fadil ang mga dala naming mga Anino nang tahanan nang mga Barakat at mga Roshan.

Sinabayan ko sila. Sa kanilang mga mahahabang mga sibat at pananggalang na dayak. Nilusob namin ang lupon nang mga Aninong nasa ilalim nang pamumuno nang Hadi Naveed.

Pinamunuan nang Hadi Batul ang mga Aninong nasa kanyang pamumuno at nasa ilalim nang aking patnugod. Ang ilan sa mga Anino nang tahanan nang mga Roshan, at ang mga Anino nang tahanan nang mga Barakat.

Dumanak ang dugo sa lupa. Nakipag-away ako sa ilang mga anino. Bumagsak si Amarok sa lupa. Nasugatan ang aking alaga. Pinakawalan nila Hadi Yusuf at Hadi Fadil sila Nanuk at Widad. Sinalakay namin ang mga Anino ng tahanang nasa ilalim nang pamumuno nang tahanan nang mga Parvana at Ardashir.

Nasaktan ang mga ito. Halos nilamon nang mga pumapagitnang mga Anino ang Hadi Naveed.

Sa hindi inaasahan lumusob ang mga Anino nang tahanan nang mga Harith na nasa ilalim nang pamumuno nang Hadi Nasrin.

Narinig ko ang pagsigaw nang Hadi Yusuf at pagtawag niya sa akin. Nabaling ang aking pansin sa pagdating nang mga kaalyado nang aming mga kalaban. Nakita ko ang nanggagalaiting mangmang.

Sa kanyang paglusob pumatay siya nang iilang mga Anino. Ang kanyang galit at puot…ang dugo sa kanyang mga kamay, ang pagkahumaling niya sa pagpatay. Lahat nang iyon, nakita ko sa kanya. Isa siyang nilalang na walang utak, isang kagamitan…nilusob niya ako tumilapon ang hawak kong golok. Bumagsak kami sa lupa, kumuha ako nang putik inipon ko ito sa aking kamay at nang akmang sasaksakin niya na ako pinigilan ko. Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang sandata. Inihagis ko sa kanya ang putik sa aking kamay. Ipinahid ko ito sa kanyang mukha.  Itinarak ko ang kanyang sandata sa lupa. Inagaw ko ang patalim sa kanya.  Nakipagbunuan kami.

Nagawa kong tumayo at bumangon ngunit nilusob ako ang Hadi Naveed na ngayon ay may lakas na nang loob ang kanina niyang naghihikahos na damdamin.

Bumangon ang Hadi Nasrin. Hinugot niya ang golok sa lupa…pilit akong sinasakal nang Hadi Naveed hawak niya ang aking mga kamay na nasa likuran. Handa na ako, noonman handa na ako pero hindi ito ang araw na mamatay ako. Inuntog ko ang aking sarili sa Hadi Naveed. Pinilit kong bumangon mula sa pagkakaluhod sa maputik na lupa. Umatras ako… umatras ako nang umatras hanggang sa bumangga kami at narinig ko ang pagtawag sa akin nang Hadi Batul.

Nawala ako sa aking pagkakatindig. Dumausdos kami pabaliktad at lumagapak ako sa katawan nang Hadi Naveed. Nagawa kong makawala mula sa Hadi Naveed. Dalidali akong kumilos patungo sa Hadi Batul. Ibinato niya sa akin ang aking golok. Bumagsak ito sa lupa. Hinablot ko ito sa lupa.

Nasugatan ko ang isa sa mga Aninong gustong lumusob sa akin. Napatay ko siya at bumagsak siya sa lupa. Hindi ko alam…hindi ko alam na ganito magiging kagulo ang labanan. Nabaling ang aking pansin sa Hadi Nasrin, nakita ko siyang papalapit sa akin. Lumingap ako sa aking paligid. Binaling ko ang aking pansin upang makahanap nang paraan upang pigilan ang Hadi Nasrin at ang kanyang pag-amok. Nakita ko ang pagbangon nang Hadi Naveed. Sa mga sandaling panahon lang ang hinihingi ko…Sumigaw ako. Tinawag ko ang Hadi Naveed at nabaling ang kanyang pansin sa Hadi Nasrin.

Iyon ang kanyang pagkakamali…

Dalidali akong lumapit sa Hadi Naveed

Nabaling ang pansin nang Hadi Naveed sa akin. Sinubukan niyang umalis. Tumalikod siya sa akin. Sinundan ko siya at tumakbo siya papalayo. Dalidali itong umatras at kasabay noon, sa hindi inaasahan bumulusok ang tudla mula sa aking likuran. Naramdaman ko ang pagdaplis nito sa aking balat. Malapit lamang ito sa kung nasaan ako ngayon.

Hindi ako lumingon. Hindi ako maaaring kumarap. Nakasalalay sa aking buhay ang buhay nang aking mag-ina. Hindi ko pinanilagan ang pagbulusok nang sumunod na mga tudla. Tumarak ito sa aking likuran. Naramdaman ko ito.

Nagpatuloy ako.

Kinuha ko ang sibat sa lupa. Inipit ko ito sa aking kilikili at habang hawak ang tangkay nito. Nagpatuloy ako.

Bumulusok muli ang tudla sa busog nang Hadi Nasrin. Bumagsak ito sa putikan. Sumigaw ako. Tinawag ko ang Hadi Naveed. Hindi siya lumingon. Nagpatuloy siya sa pagtakbo malayo sa pinangyayarihan nang labanan. Nagpatuloy ako sa pagsunod sa kanya.

Sinigaw ko muli ang pangalan nang Hadi Naveed.

Bumulusok muli ang tudla sa lupa.

Tumigil ako. Hindi ko na maramdaman pa ang bigat sa aking katawan. Naramdaman ko ang pangalawang tudla na tumarak sa aking likuran.

Sinigaw ko muli ang pangalan nang Hadi Naveed. At nang lumingon siya sa akin muling bumulusok ang tudla at tumama ito sa kanyang katawan. Sinundan ito nang pangalawa nang pangatlo. Sa kanyang ulo, sa kanyang dibdib at sa kanyang balikat.

Lumapit ako sa kanya. Naglaho ang kanyang pagkakatindig. Napaluhod siya at tinarak ko sa kanyang mukha ang sibat na aking hawak.

Sa paglingon ko pabalik sa pinangyayarihan nang labanan, nakita ko ang Hadi Fadil nakatago sa likuran nang Hadi Nasrin. Nakaluhod ito at pilit na ibinabalik ang ulirat mula sa kawalan. Kasabay noon tumalikod ang Hadi Fadil. Bumalik ito upang tulungan ang ama nito at kapatid.

Nakita niya ako. Nakita niya ang nakahandusay na kanyang minamahal. Alam niya kung ano ang gagawin niya. Alam niya kung ano ang maaaring mangyari.

Sumigaw ang Hadi Nasrin.

 Kinuha niya ang tudla na nasa lupa at ang busog na inipit niya sa kanyang kamay. Binitawan niya ito sa kanyang kamay at lumipad ang tudla at bumulusok ito sa aking dibdib. Nagulat ako…naramdaman ko ang gulat sa aking katawan at sa banta nang aking pagbagsak pinigilan ko ang aking sarili.

Sinubukan niya akong sugurin…handa ako…handa akong patayin siya ngunit bigla siyang tumigil. Nagtungo siya sa mga kabahayan na nasa kanang bahagi nang daanan. Sinubukan ko siyang sundan.

At nang makita ko siya…naglakad lamang siya papalayo sa amin.

Marami ang namatay sa labanang ito, ang mga Anino nang tahanan nang mga Parvana, nang mga Harith at nang mga Ardashir. Tinumbasan nito ang pagka-uhaw na tinataglay nang maputik na lupa. Ang mga nakaligtas pinili nilang pumanig sa amin. Tinanggap ko sila sa aking patnugod at pamumuno. Ibinigay nila sa akin ang kanilang katapatan at tungkulin na pangalagaan ang aking tahanan.

Iyon naman ang mahalaga hindi ba!

Nang umagang ito bago ang pananghalian, napasakamay ko ang tahanan nang mga Ardashir at ang impluwensyang tinataglay nang tahanang ito. Tinanong ako nang Hadi Yusuf kung ano ang gagawin sa mga bangkay inutos ko sa kanila na pag-iponipunin nila ang lahat nang ito. Ihiwalay ang labi nang Hadi Naveed at ang iba pa at dalhin sa ikalawang bahagi nang tahanan. Bagay na sinunod nila.

Inutusan ko ang Hadi Batul na sunduin ang aking mag-ina at dalhin sila dito. Bagay na kanyang tinalima.

Tinulungan ko sila sa pagliligpit nang mga bangkay nang mga Anino. Nilagay nila ito sa isang karwahe. Iniligpit ang mga Anino nang naayon at ibinalik sa kalipunan nang mga Imago sa tore nang mga Anino. Inutusan ko ang Hadi Fadil na magdala nang lahat nang pagkain at kinakailangan nang mga Anino bilang kabayaran sa lahat nang mga mabubuti at magagaling nitong mga kasapi sa nagawang digmaan…bagay na tinalima nito. Umalis ito sa tahanan nang mga Ardashir at dinala ang mga labi nang mga Aninong namatay sa tore nang mga Anino.

Pagkatapos noon bumalik ako sa loob nang tahanan ng mga Ardashir. Naglakad ako sa malawak na lupain ng unang bahagi. Nakita ko ang Hadi Yusuf na naghihintay sa akin sa labas nang pasilyo ng bulwagan. Sinabi niya sa akin na handa na ang lahat…

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. Kasunod noon pumasok ako sa loob nang bulwagan nang tahanan nang mga Ardashir. Lumabas ako sa kabilang bahagi nang tahanan at doon malapit sa puno nang Mahumanay, sa luntiang malawak na lupain, sa gitna nang ikalawang bahagi nang tahanan ng mga Ardashir nakahandusay ang mga labi nang iilang winaglit, kinalimutan at inihiwalay. Nakatakip ang kanilang mga katawan. Pinagpipiyestahan sila nang mga langaw at umaaligid na mga insektong gumagapang gapang.

Hindi ko magawang tanggalin sa isipan ko kung ano ang nangyari sa labanan kaninang umaga. Ang pagpili kong mabuhay sa kabila nang maraming mga namatay at pagdanak nang maraming dugo sa maputik na lupa.

Naglakad ako sa pasilyo. Sinubukan kong kalimutan at pabulaanan ang lahat nang nakikita ko ngunit kahit anong gawin ko hindi ko magawang maalis ang pagbaling sa mga labi na nakahandusay at wala nang buhay sa malawak na lupain. Nandito ang labi nang Hadi Naveed, ang labi nang mag-iina at nang Arsaad’sul…ang mga namatay sa labanang ito kasama nang mga hindi na mabilang pang mga kamatayan.

Kasalanan ko ang lahat…walang ibang dapat sisihin dito kung hindi ako. Ako ang nagkamali. Ako ang hindi marunong kumarap at lumingon para tumigil at isipin kung ano ang kinakailangan kong gawin. Narinig ko ang pagtawag sa akin nang aking kapatid na si Adi Sule.

Lumapit siya sa akin.

Hinawakan niya ang aking braso at dumaloy ang kanyang mga kamay paibaba sa aking kamay. Hinawakan niya ang aking kamay.

Dumikit siya sa akin.

Pinagmasdan namin ang mga bangkay na nasa aming harapan. Ang mga labi na kami mismo ang pumatay nang Adi Sule.

Tanong niya, “masaya ka na ba at nakuha mo na ang gusto mo? Ang maangkin ang tahanan nang mga Ardashir at mapasakamay ang impluwensyang tinataglay nang mga ito?”

Wika ko, “hindi…” Kailanman hindi ako magiging masaya na maagaw sa iba ang hindi sa akin, at maraming mamatay, sa aking mga pagkakamali.

Pagkakamaling ako mismo ang pumili.

Wika niya, “pinilit ko sila na pumanig sa iyo…sinabi ko sa kanila ang sinabi mo sa akin! Hindi sila nagtiwala sa akin, Sinabi nang matandang hukluban na alam nila ang iyong balak na pagpatay sa kanila…at kahit anong gawin nila hindi kanila maaaring pagkatiwalaan na iligtas mo sila… Pinaintindi ko sa kanila na ang iyong hangarin ay matigil ang lalong maaaring mangyari pang matinding kaguluhan. Ang pagpapahalaga mo sa buhay, higit sa lahat…Ngunit pinipilit nila ang gusto nila…ikaw ang pumatay sa kanyang kapatid, ano ang sasabihin ko pagkatapos noon. Sasabihin ko ba na hindi lang ikaw ang may gustong umangkin sa kapangyarihan at impluwensya nang tahanan nang mga Ardashir…siyempre sino ang paniniwalaan nila. Ako? Hindi nila ako kilala, hindi kanila kilala, ang alam lang nila kung ano ang sinasabi sa kanila nang kabatsoy na Hadezar, kaya sinaktan ko ang Adi Habib at pinatay ko kanyang mga anak!”

Tinanggal ko sa pagkakahawak ang aking kamay sa kanyang kamay.

Hindi mo dapat ginawa iyon! Mahalaga ang buhay, hindi na mahalaga kung mabuti man o masama ang sinoman.

Wika niya sa akin, “pero tumanggi sila sa iyo na tulungan mo sila! Sinabi mo sa kanya na mamamatay siya kasama ang kanyang mga anak!” Ano ang magagawa ko, bulag at bingi sila sa kung ano ang gusto nilang marinig. “Hindi ko sila masisisi na tumanggi sila sa akin…kaya, ginawa ko lang kung ano ang kinakailangan kong gawin!” Pinatay ko ang Adi Habib at ang kanyang mga anak. Kailangan ko itong gawin upang walang sinoman sa aking tahanan ang lalo pang masaktan, kung gusto kong makatiyak sa kanilang kinabukasan, makasiguro sa kanilang kaligtasan— kung ang pag-agaw lamang sa kapangyarihan nang tahanan nang mga Ardashir ang natitirang paraan…bakit hindi.

Lumayo siya sa akin.

Tanong niya, “ang kilalanin kang maging kalaban nang lahat, nang Ja’khar! Gusto mo bang matinag pati ang mga nagtitiwala sa iyo?”

Lumingon ako sa aking kapatid, at nakita ko ang Hadi Walid sa hindi kalayuan nagtatago sa kadiliman nang madilim na pasilyo. Wika ko sa kanila, “kita niyo, hindi ko na kinakailangan pa ang magtago sa dilim. Ang maghintay. Kapangyarihan na ang lumalaban sa akin. Impluwensya laban sa impluwensya na ang labanan. Iyon ang mahalaga hindi ba?”

Pagkatapos noon tinanggal ko ang aking tingin sa kanila at ibinaling ko ito sa mga bangkay na nasa ilalim nang puno nang Mahumanay.

Hadi Yasir Hadi Yasir sino ang dapat matakot sa Hadi Yasir?

Ode 

We are the music-makers,
And we are the dreamers of dreams,
Wandering by lone sea-breakers
And sitting by desolate streams;
World losers and world forsakers,
On whom the pale moon gleams:
Yet we are the movers and shakers
Of the world for ever, it seems.
With wonderful deathless ditties
We build up the world’s great cities.
And out of a fabulous story
We fashion an empire’s glory:
One man with a dream, at pleasure,
Shall go forth and conquer a crown;
And three with a new song’s measure
Can trample an empire down.
We, in the ages lying
In the buried past of the earth,
Built Nineveh with our sighing,
And Babel itself with our mirth;
And o’erthrew them with prophesying
To the old of the new world’s worth;
For each age is a dream that is dying,
Or one that is coming to birth.

—ARTHUR O’SHAUGHNESSY

KABANATA DALAWAMPU:

ANG LIYAW NANG TAHANAN NG MGA BARAKAT

Ang Adi Makbule

Patuloy pa rin ang pagbuhos nang ulan, sa pagbangon niya sa tabi nang kanyang mga anak agad niyang sinuot ang bughaw na Báta na may mga tahing mga kabibe na nagsisilbing mga butones at nakasampay sa sandalan nang upuang malapit sa kama nilang mag-iina. Inayos niya ang kanyang panloob na damit. Sinuot niya ang kanyang mga sandalyas at kasunod noon lumabas siya sa loob nang silid nilang mag-iina na nasa ikalawang palapag nang tahanan. Iniwan niya ang kanyang mga anak habang natutulog. Sinarado niya ang pintuan nang lagusan habang nakaiwang bukas ang mga durangaw.

Nagsimula siyang maglakad. Nagpatuloy siya. Sa kanyang paglalakad nakita niyang bukas ang silid nilang mag-asawa. Nabaling ang kanyang pansin sa nakabukas na lagusan. Sa ingay na Nakita niya ang Hadi Naveed na nagbibihis habang nakahiga ang kanyang asawa sa kanilang kama. Nag-uusap ang ito. Masaya ang mga ito na nag-uusap. Nakita niyang nakangiti ang kanyang asawa habang nag-uusap ang dalawa. Nakatuntong ang isang tuhod nang Hadi Naveed sa ibabaw nang kama nilang mag-asawa.

Hindi niya magawang tanggalin ang kanyang tingin sa mga ito. Ang kasiyahan sa kanilang mga mukha…ang mga tuwa sa kanilang mga labi.

Hindi siya napapansin nang mga ito sa kasiyahan na tinataglay nang kanilang mga pakikipagkwentuhan.

Malambing sila sa isa’t isa.

Inaamin niya, naiingget siya sa mga ito. Naiingget siya sa sayang nakikita niya sa mga ito. Pinatong nang Hadi Nasrin ang kamay nito sa hita nang Hadi Naveed.  Bumangon ito sa pagkakahiga nito sa kanilang kamang mag-asawa. Lumapit ito sa Hadi Naveed. Hinawakan nito ang pisngi nang puwetan Hadi Naveed. Hinalikan nito ang katawan nang asawa ng kanyang kapatid.

Hinawakan nito ang kamay nang Hadi Naveed. Binaling nang Hadi Naveed ang pansin nito sa kanyang asawa. Hinawakan nito ang ulo nang kanyang asawa. Hinimashimas nito ang buhok nang Hadi Nasrin.

Hinatak nito ang kamay nang asawa nang kanyang kapatid.

Lumapit ang Hadi Naveed sa kanyang asawa. Hinalikan nito ang kanyang asawa sa labi.

Niyakap ito nang Hadi Nasrin.

Kasunod noon tinalikuran niya ang mga ito. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad. Ngumiti siya. Wala na siyang maramdaman pang kahit ano…Wala na siyang pakialam pa sa kahit ano…manhid na siya sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Bumaba siya sa mga baitang nang kanyang tahanan.

Sa pagbaba niya, agad siyang nagtungo sa silid-lutuan. Kung saan sa kanyang paglalakad nakasalubong niya ang kanyang pinakamamahal na kapatid na matagal din niyang hindi nakita matapos itong ikulong sa loob nang silid na tinitirhang nito at wala itong magawa…at wala siyang magawa para iligtas ito.

Dali-dali siyang lumapit dito. Niyakap niya ang kanyang pinakamamahal na kapatid. Nagkamali siya…meron, ang totoo meron pa siyang nararamdaman! Ang pagmamahal niya sa kanyang mga kapatid, ang pagmamahal niya sa kanyang mga anak. Kung magagawa lang sana nilang makatakas.

Tinanong niya ang kanyang kapatid. Kinamusta niya ito…

Hindi ito nakaimik. Niyakap niya ito nang mahigpit. Lingid ang hindi nila nalalaman pinapanood sila nang Adi Mahvash.

Habang nagtatanghalian sila sa loob nang pamosong pabilyo nang tahanan ng mga Harith, kasama ang Adi Atiya, ang anak nitong si Hadi Naveed at ang kanyang pinakamamahal na kapatid hindi magawang pigilan nang Hadi Mahdi ang kagalakan nito na makita muli ang Adi Sule matapos ang ilang araw nitong pagkakakulong sa loob nang silid nito.

Binati nila ang Adi Sule. Ipinagpasalamat sa mga diyos na naninirhan sa ibabaw nang mga ulap at sa ilalim nang karagatan ang pagbuti at muling pagbabalik nang kanyang kapatid sa kanila.

Malugod na tinanggap nang Adi Mahvash ang Adi Sule.  Magkagayonman agad itong naglaho at nabaling sa kung anoman ang inaasahang mangyayari sa mga susunod na mga araw.

Sinabi nang Adi Atiya sa Hadi Mahdi na kailan na nilang paghandaan ang pagtatalaga sa susunod na magiging Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir. Sinabi nang Adi Atiya sa Hadi Mahdi na kailangan na nitong magpatawag nang pagpupulong sa kalipunan nang mga Hadezar.

Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Nasrin. Nabaling ang kanyang pansin sa kanyang asawa habang sinusubuan niya ang kanilang bunsong anak…Sinabi nang kanyang asawa sa ama nito na masmabuti nang masmaaga kaysa patagalin pa ang pagpupulong nang kalipunan nang mga Hadezar.

Tumango-tango ang Hadi Mahdi bilang pagsang-ayon.

Sinabi nang Adi Atiya na nakasalalay dito ang kinabukasan nang tahanan ng mga Ardashir maging ang kinabukasan nang kalipunan nang mga Hadezar, lalong-lalo na ang kanilang kapakanan.   Hindi maitatangging ito ang pagbagsak nang tahanan ng mga Barakat. Ang harapharapang panghahamak sa kanya at sa kanyang mga kapatid.

Matapos ang kanilang hapunan sa loob nang bulwagan, pinaliguan niya ang kanyang mga anak sa bukalang silid nang tahanan nang mga Harith. Sinamahan siyang magbabad nang Adi Sule. Tinulungan siya nito na paliguan ang kanyang mga anak…Inayos niya ang dalawa sina Mahsa at Malik. Pinatulog niya ang kanyang mga anak sa loob nang kanilang silid na tinutuluyan sa ikalawang palapag nang tahanan.

Kasabay noon sinamahan siya nito sa loob nang silid nang dalawang bata. Nag-usap silang dalawa. Sinabi nang Adi Sule sa kanya habang nakadungaw sila sa durangaw nang silid habang nakaupo sa magkabilang mga upuan na may mga sandalan at bahagyang magkalayo sa isa’t isa na magtutuloy-tuloy pa ang sama nang panahong ito na kinahaharap nila. Ang pagguhit nang kidlat sa kalangitan ang pagdagundong nang malalakas na mga kulog sa ibabaw nang mga ulap.

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Iniilawan sila nang iilang mga nakasinding timsim na nakakababad sa langis na mula sa taba nang tapir at nakapatong sa ibabaw nang mataas na lamesa na makikita sa loob nang silid kasama nang iilang mga gamit at mga damit nang kanyang mga anak na lalake.

Ipagkailaman nila, hindiman nila itanggi ang mga nangyayari sa kanila ngayon…ang ginagawa nang kanilang mga asawa, ang kabalahuran at nakakapahindik balahibo ay nakakailang at kakaiba na hindi maintindihan. Inamin nang Adi Sule na ayaw niyang pag-usapan ang bagay na ito ngunit sino siya para hindi ito pagtawanan habang iniisip niya at inilalarawan kung anoman ang ginagawa nang mga ito.

Ngumiti siya. Kahit siya kapag iniisip niya ang bagay na ito kapag naririnig niya ang ginagawa nang mga ito o nakikita niya ang mga ito hindi niya magawang tanggalin sa kanyang isipan ang isipin kung anoman ang ginagawa nang dalawa…

Sinabi niya sa kanyang pinakamamahal na kapatid na ang totoo masaya siyang makitang masaya ang Hadi Nasrin.

Tinanong siya nito kung sa kabila ba nang mga ginawa nito laban sa kanya…sa kabila ba nang pananakit nito sa kanya ay may nararamdaman pa rin siyang kahit na ano dito.

Wika niya, “kahit ano!” nang ay pagngisi.

Wika nang kanyang kapatid, “oo…hindi ko naman hinihinging marinig sa iyo na mahal mo pa siya! Siguro kahit paggalangman lang, kahit katiting ay meron at meron pa rin. Siya pa rin ang kinakilalang ama nang iyong mga anak!”

Wika niya, “wala na…kahit awa wala na akong maramdaman pa sa kanya, paggalang pa kaya. Alam ko hindi niya ako mahal, wala siyang nararamdamang pagtingin sa akin at nang una ko siyang nakilala at mapangasawa, tinanggap ko iyon! Pagmamahal wala…pero nang ilang beses niya akong saktan. Harapharapan niya akong pinapahiya at pinamumukha sa akin na wala akong halaga, sa tingin mo may paggalang pa kaya ako sa kanya. Kung sa akin nga hindi ko na makita pa ang sarili ko. Wala na akong paggalang sa sarili ko, sa kanya pa kaya…gagalangin ko siya?” Umiling-iling ang Adi Makbule.

Wika nang Adi Sule, “may pagkakamali tayo!”

Wika niya, “oo…” tumango-tango siya. “Meron, pero sino ang sisihin natin ang wala na dito sa atin? Matagal nang patay ang Adi Hiba. Pinili natin ang mga tahanan nang ating mga asawa dahil naroroon ang mga mahal natin. Pero wala na sila, tayo hanggang ngayon nandito pa rin at nagtitiis!”

Wika nang Adi Sule, “nandito pa ang iyong mga anak!” Lumingon ang Adi Sule sa Hadi Mahsa at Hadi Malik na natutulog sa kama. Dagdag nito sa kanya, “may kabig ka pa rin sa tahanan nang mga Harith!”

Lumingon siya kung saan natutulog ang kanyang mga anak. Sumang-ayon siya…alam niyang tama ang Adi Sule pero hindi niya kayang ipaglaban sa kanyang asawa at sa pamilya nito ang kanyang mga anak. Ito ang kanyang mga anak, hindi niya magagawang gamitin ang mga ito laban sa kanyang pansariling kapakinabangan.

Tanong nang Adi Sule sa kanya, “ano na ang mangyayari sa atin ngayon?”

Binaling niya ang pansin dito. Hindi niya magawang panghinayangan ang mga masasayang sandaling ito. Kung magagawa niya lang sanang baguhin ang lahat nang hindi nila magagandang nakaraan.

Wika niya, “hindi ko alam…ayoko nang isipin pa. Pagod na pagod na ako.”  At saka siya ngumiti sa Adi Sule.

Nang gabing iyon nagpatuloy ang pagbuhos nang mga ulan, ang sunud-sunod na pagkulog at mga pagkidlat. Nanatili itong patigil-tigil at tuloy-tuloy hanggang sa hindi inaasahan, nagliwanag ang buong kalangitan. Kumalat ang usok sa hangin. Dumagundong ang langit at lupa, na nang makita nang lahat at masaksihan, nalamang unti-unti na palang tinutupok nang malaking apoy ang tore nang mga Hadezar at nagsisimula na itong gumuho nang tuluyan.

Walang kaalamalam ang sinoman kung sa sino, at paano ito nagsimula. Bumagsak ang tore nang mga Hadezar…

Sa muling pagbukang liwayway nang umaga, nakapagtatakang tumigil ang malalakas at pautay-utay na pagbuhos nang ulan. Sumikat ang araw sa kalangitan…narinig ang nakaririmarim na paghuni nang mga kaibig-ibig na mga ibon.

Nang dinilat nang Adi Makbule ang kanyang mga mata ang una niyang nakita ay ang Hadi Mahsa na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi habang pinapagitnaan niya ang dalawa niyang bunsong anak.

Nang bumangon siya, hinalikan niya ang pisngi nang Hadi Mahsa. Lumingon siya at hinalikan niya ang noo nang Hadi Malik. Mahal niya ang kanyang mga anak, hindi ito nakapagtataka sa kanya at kailanman hindi ito magagawang tanggalin sa kanya nang ninoman. Ang mga ito ang kanyang mga pangarap at mga panaginip.

Tumayo siya sa kama kung saan mahimbing na natutulog ang dalawang bata. Kinuha niya ang Báta na nakasampay sa sandalan nang upuan na nasa tabi nang kanilang kama. Kinuha niya ang mga sandalyas sa ilalim nang kama nilang mag-ina. Sinuot niya ang mga ito. Kinuha niya ang balabal na nakapatong sa mataas na lamesa, ibinilabal niya ito sa kanyang katawan. Lumabas siya nang silid na kanyang tinutuluyan kasama ang kanyang mga anak. Iniwan niya ang mga ito na natutulog. Sinarado niya ang lagusan nang kanilang silid. Naglakad siya. Napansin niyang sarado ang pintuan nilang mag-asawa. Bumaba siya sa ikalawang palapag nang tahanan nang mga Harith.

Sa kanyang paglalakad sa pasilyo napansin niya ang ama nang kanyang asawa, ang Adi Atiya, ang asawa nang kanyang kapatid at ang kanyang asawa na nasa loob nang pamosong pabilyo nang mga Harith at nag-uusap.  Nagtungo siya sa silid-lutuan. Nakita niya ang Adi Mahvash na naghahanda nang kanilang agahan. Tinulungan niya ang ina nang kanyang asawa na makapaghanda.

Nang umagang ito nag-almusal sila sa loob nang pamosong pabilyo nang tahanan nang mga Harith. Hinanap niya ang Adi Sule na nang mga sandaling iyon ay wala sa loob nang pabilyo o kahit saanman sa tahanan nang mga Harith.

Nang umagang ito naghanda ang tahanan nang mga Harith at Parvana sa pagkilos upang isagawa ang pagboto gayong tuluyan nang bumagsak ang tore nang mga Hadezar. Sinabi sa kanila nang Hadi Mahdi habang nag-aagahan sila na gaganapin ang pagboto sa harap nang gumuhong tore nang mga Hadezar. Mainam pa rin na doon gawin ang pagboto at sanggunian nang kalipunan gayong nananatili pa rin banal at iginagalang ang tore nang mga hadezar nang lahat ng sinoman.

Matapos ang kanilang almusal naghanda na ang kanyang asawa, ang Hadi Mahdi at ang tahanan nang mga Parvana sa pagpunta sa pagpupulong na gaganapin sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar.

Naiwan siya kasama ang Adi Mahvash, ang Adi Dilshed at ang kanyang mga anak. Hanggang ngayon nag-aalala pa rin siya sa kanyang pinakamamahal na mga kapatid.

Inayos niya ang kama nang kanyang mga anak. Kasunod noon inayos niya ang kanyang sarili.  Nagtungo silang mag-iina sa bulwagan kung saan masayang naglalaro ang dalawa. Sa kanyang pagtataka, napansin niya ang higit pang katahimikan na bumubulabog sa loob nang kanyang tahanan. Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo habang pinanood, binabantayan at pinagmamasdan ang kanyang mga anak.  Hinanap niya ang Adi Mahvash sa loob nang silid lutuan maging sa loob nang tinutuluyan nitong silid, kahit ang silid nilang dalawa nang Hadi Mahdi ay hindi nito nakita ang anino nang Adi Mahvash. Nagtungo siya sa loob nang silid nang Adi Dilshed. Wala ito roon… nagtaka siya. Wala ang mga ito sa bulwagan o sa kahit saanman hanggang sa nakarinig siya nang tinig. Binaling niya kung saan ang pinanggalingan nang tinig hanggang sa nakita niya ang Adi Mahvash na nakatago sa kadiliman nang madilim na pasilyo malapit sa mga baitang nang tahanan. Tinawag siya nito. Dali-dali siyang lumapit dito. Sinundan niya ito kung saan ito patungo. Dinala siya nito sa ibabang bahagi nang tahanan nang mga Harith, patungo sa yungib.

Sa pagbaba nila sa mga baitang, patungo sa loob nang yungib, nakita niya ang Adi Dilshed na nasa loob at nakaiimpake ang mga gamit, hawak nito ang kahoy na tungkod na ipinangtutungkod nito sa buhangin. Ayos ang buo nitong sarili. May suot itong itim na balabal na nakapatong sa ulo nang matanda. May suot itong singsing na may itim na bato at tinubog na ginto.

Nagtaka ang Adi Makbule sa kung ano ang nangyayari.

Tinanong nang Adi Dilshed ang Adi Mahvash kung ano ang ginagawa nang Adi Makbule dito. Sinabi nang Adi Mahvash sa ina nang kanyang asawa na gusto lang nitong magpaalam sa kanya.

Bagay na kanyang ipinagtaka.

Tanong niya, “aalis kayo…saan naman po kayo pupunta, Adi? Adi Dilshed!”

Wika nang Adi Mahvash, “malayo…kung saan hindi kami makikita nang Hadi Mahdi o nang kahit sinoman!”

Wika nang Adi Dilshed, “wala kang dapat na ipag-alala Adi Makbule, pupunta lang kami sa Qaa’ur! Doon sa aking mga anak…sa mga magulang nang Adi Mahvash! Doon kami pupunta.”

Wika nang Adi Mahvash, “kung gusto mo sumama ka sa amin! Isama mo ang mga anak mo!”

Wika ko, “paano ang Hadi Mahdi? Paano ang aking asawa! Paano ang tahanan nang mga Harith?”

Wika nang Adi Dilshed, “umalis ka na dito Makbule, habang may pagkakataon pa.  Tama ang Adi Mahvash makabubuti kung sasama ka sa amin kasama ang iyong mga anak, para na rin sa iyong ikabubuti, at sa kaligtasan nang iyong mga anak!”

Umiling-iling siya. Wika niya, “hindi…kailangan pa ako dito! Kailangan pa nila ako.”

Wika nang Adi Dilshed, “alam kong tatanggi ka!” Kasunod noon tinawag nito ang Adi Mahvash. Nagpaalam ang Adi Mahvash sa kanya. nagpaalam siya dito. Matapos noon umalis ang mga ito. Iniwan siya nito sa tahanan nang mga Harith na nag-iisa kasama ang kanyang mga anak.

Umakyat siya sa tahanan nang mga Harith. Pinuntahan niya ang kanyang mga anak. Tinawag niya ang mga ito. Nagdesisyon siyang manatili. Kasunod noon pinaghanda niya ang mga ito. Naghanda sila. Kumuha sila nang mga gamit at mga susuoting mga damit. Lumabas sila sa tahanan nang mga Harith mula sa yungib. Naglakad sila sa dalampasigan nang Ja’khar, malayo sa kanyang mga kalaban. Malayo sa mga matang mapagmatsag. Naglakad sila. Naglakad sila sa mga galapok na buhangin, sa kung saan na alam nilang mananatiling silang ligtas. At nang dumating sila sa isang tahanan na tago sa mga mapagmatsag, sa kanilang mga kalaban. Nakita niya ang Hadi Faysal.

Nakita siya nang Hadi Faysal.

Lumapit sila sa tunay na ama nang kanyang mga anak. Lumapit siya sa tunay niyang mahal…tinupad niya ang pangako niya dito na muli silang magkikita at magkakasamang muli, na sasama siya dito. Lumapit ito sa kanya. Niyakap siya nito at niyakap niya ito at pumasok silang mag-iina sa tahanan nang kanyang pinakamamahal na lalake at ama nang kanyang mga anak.

Nang umagang ito, dumating ang Hadi Yasir sa tore nang mga Hadezar sakay kay Mamé kasama ang ilang mga Anino nang tahanan ng mga Barakat at ang Hadi Walid. Suot ang isang pulang magulang na Báta na may mga burda nang mga ibong kotinga, saluwâl na rosas na lilang kulay na may mga burda nang mga halaman ng kalengkor. Bumaba siya sa kanyang sinasakyang asong-gubat.

Naglakad siya sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar at sa kanyang pagdating nang umagang ito hinintay niya ang pagdating nang kanyang mga kalaban. Sa pagtagaltagal nang kanyang paghihintay lumapit sa kanya ang Hadi Walid. Tinanong siya nito kung nakatitiyak ba siyang darating ang mga ito dito.

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Sinabi niya sa kanyang liyaw na bakit hindi, nakatitiyak siya na darating ang mga ito sa tore nang mga Hadezar upang pag-usapan at pagbotohan ang paghirang sa susunod na magiging pinuno, patnugot at Hadezar nang tahanan ng mga Ardashir. Sinabi niya sa Hadi Walid na maraming araw na ang nasayang at mahaba na rin ang panahon na inilaan para pag-isipang mabuti at pag-usapan sa kung sino ang karapatdapat na humalili sa katungkulang iniwan nang Hadi Khalil. Dagdag niya isa pa ang Hadi Mahdi ang tuwirang nagpasabi nito sa kanya bago ang araw nang inaasahang pagpupulong ngayong araw.

Bagay na maslalong pang ikinababahala sa ngayon nang liyaw nang tahanan ng mga Barakat. Hindi nagtagal dumating ang Hadi Mahdi, kasama ang anak nitong si Hadi Nasrin at ang Adi Atiya kasama ang anak nitong si Hadi Naveed at maging ang iilang mga Anino nang dalawang tahanan.

Lumapit sa kanya ang kanyang liyaw. Tinawag siya nito sa gitna nang kanilang paghihintay at sa kanyang pagtingin dito sinabi nito sa kanya na nandito na ang kanilang mga kalaban.

Nakita niyang umakyat ang mga ito sa mga baitang nang tore ng mga Hadezar.

Nang may ngiti nagbigay siya nang paggalang sa mga ito. Lumapit siya sa mga ito. Iniabot niya ang kanyang kamay sa Hadi Mahdi. Tinawag niya ito nang may pamitagan. Tugon niya, “Hadezar!”

Bagay na binalikan din nito nang pagbungad na pantawag na pamitagan, “Hadezar!”

Wika nang hadi Yasir, “iyi’owuro!”

Wika nang hadi Mahdi, “yuu’se maste Hadi Yasir!”

Lumapit siya sa Adi Atiya. Nagbigay siya nang paggalang sa Hadezar nang tahanan ng mga Parvana. Wika niya sa Ading hibang, “Adi Atiya!”

Wika nito sa kanya, “Hadezar!” Lumapit ito sa kanya. Niyakap siya nito at binalikan nang pagyapos. Wika nito sa kanya, “asirvadda’owuro!”

Matapos noon nawala ng pagyakap nila sa isa’t isa. Wika niya sa Adi Atiya, “ganon din sa iyo Adi Atiya!” nang may ngiti.

Kasunod noon lumingon siya sa Hadi Naveed tumango ito sa kanya at tumango siya dito nang may pamitagan.

Kasunod noon ipinakilala niya ang Hadi Walid sa kanila, sinabi niya sa mga ito na siguro naman kilala na nila ang kanyang liyaw, ang Hadi Walid. Bagay na tinuran nang mga ito sa kanya at sinang-ayunan.

Tanong nang Hadi Nasrin sa kanila, “wala pa ba dito ang Hadi Mirza?”

Sinabi nang Hadi Yasir, “Wala pa…ako palang at kayo!”

Wika nang Hadi Nasrin, “Nakakapagtaka…nahuli na nga kami nang dating ayon sa panahon nang pinag-usapan siya pa ang wala!”

Tanong nang Hadi Yasir, “ang Adi Habib ho hindi niyo yata siya kasama Hadezar!”

Wika nang Hadi Mahdi, “bakit mo naman nasabi iyan Hadezar?”

Wika nang Hadi Yasir, “akala ko ho kasi, sa inyo muna tumutuloy ang mag-iina habang wala pang pinagdedesisyunan!”

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi…wala siya sa aming tahanan! Pinili niyang tumira sa kung saan siya higit na mapapalagay sa tahanan nang mga Ardashir, habang wala pang hinihirang na susunod na patnugot at Hadezar nang tahanan ng mga Ardashir!”

Wika nang Adi Atiya sa Hadi Yasir, “wala ka naman dapat ikabahala Hadezar…ligtas ang mag-iina at nasa mabuti silang mga kamay nang mga Anino nang aming mga tahanan!”

Wika nang Hadi Yasir, “mabuti naman ho kung ganon! Pupunta po ba sila?”

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi sa tingin ko…hindi ko sila nasabihan tungkol sa gagawin nating pagpupulong…makabubuting ang kalipunan muna nang mga Hadezar, ang siyang umayos nang suliranin natin sa tahanan ng mga Ardashir. Magkagayonman hindi naman din itong maituturing na suliranin nang ating lipunan.”

Ngumiti ang Hadi Yasir. Wika niya, “kung ganon hindi po sila makakarating!”

Nagkaroon nang kakaunting katahimikan.

Tanong nang Hadi Nasrin, “bakit hindi na natin simulan pa ang pagpupulong nang kalipunan nang mga Hadezar kaysa hintayin pa natin ang Hadi Mirza!”

Wika nang Hadi Mahdi sa kanyang anak, “huwag kang mainip Hadi Nasrin…sa tingin ko papunta na rin iyon dito!”

Sa kanilang pag-iintay sa mga baitang nang tore ng mga Hadezar naghanap nang mauupuan ang Hadi Mahdi. Umupo ito sa isa mga malalaking bato nang gumuhong tore…ganon din ay sinundan ito nang Adi Atiya na umupo sa isa mga gumuhong bato nang tore ng mga Hadezar. Umupo ang Hadi Yasir kasama ang Hadi Walid sa isa sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar habang nanatiling nakatayo ang Hadi Nasrin at pinagmamasdan ang gumuhong tore nang mga Hadezar.

Maliwanag at sikat na ang araw sa kalangitan. Hindi magtatagal magmamataaas na ito at lalong iinit ang buong paligid.

Sinabi nang Hadi Nasrin na hindi nito inaasahan na ganito kalaki ang magiging sira nang tore ng mga Hadezar. Sa gayon tinanong nito ang ama nito kung maaari pa bang maayos ang gumuhong tore.

Bagay na sinang-ayunan ng Hadi Mahdi datapwat sinabi nito sa anak nito matatagalan pa bago maayos ang tore, na aabutin nang mga taon sa pag-aayos at muling pagtatayo sa tore nang mga Hadezar.

Tinanong nito ang ama nito kung bakit pa kailangan paabutin nang maraming taon, gayong maaari namang gamitin ang mga bato nang gumuhong tore upang muling maayos at maipanumbalik ito sa dati.

Sinabi nang Hadi Yasir na walang kaso kung ano ang gagamiting gamit, kung kukuha ba nang bago at papalitan nang bago, o pipiliin pa rin gamitin kung ano ang ilang daang taon nang nakatayo at ang mga gumuho sa tore ng mga Hadezar…aabutin nang maraming taon dahil sa pagtatayo at dahil marami na rin ang kailangang ayusin sa tore nang mga Hadezar.

Nabaling sa kanya ang pansin nito. Sinabi nito sa kanya na alam nito kung ano dahilan kung bakit kinakailangang abutin nang maraming taon ang pag-aayos at muli pagtatayo sa tore nang mga Hadezar. Pinagpilitan nito na alam nito kung ano ang dahilan at pawang nagbibiro lamang ito ng mga sandaling ito.

Sinabi nang Hadi Naveed na may bulong-bulungang kumakalat na sinadya ang pagkasira at pagsunog sa tore nang mga Hadezar dahilan kung bakit ito gumuho.

Tinanong nang Hadi Yasir kung alam ba nang mga bulong-bulungan kung ano ang itsura nang Jingkar na nagsunog at nagpabagsak sa tore. Bagay na itinanggi nang Hadi Naveed at sinabi nito na ang pagkakaalam lamang nang mga narinig nito ay pagbagsak sa tore nang mga Hadezar ay hindi kagagawan nang pagguhit nang malakas na kidlat.

Sinabi nang Hadi Nasrin na hindi naman nakapagtataka ang bagay na iyon na kumalat ang isang sapantaha gayong lahat ay nasa loob nang kanilang tahanan habang namiminsala ang malakas na pagkulog at mga pagkidlat.

Sinabi nang Hadi Mahdi na makabubuti na ang masira ang tore, may lamat na ang mga dingding nito, at marupok na ang mga kahoy na haligi at mga sahig nito…na hindi magtatagal ay kinakailangan na rin itong ayusin at palitan sa mga nangyayaring pagbabago ngayon sa kanilang bayan.

Kasabay nito tumayo ang Hadi Yasir. Sinabi niya sa mga ito nandito na ang Hadi Mirza. Nabaling ang pansin nang kanyang mga kalaban sa pagdating nang tiyo ng kanyang asawa…nakita nila na may mga kasama itong mga anino, ang Mata at ang Adi Habib.

Ngumiti siya kasabay nang pagbaling nang kanyang atensyon sa Hadi Walid na nasa kanyang tabi. Hinawakan niya ang balikat nito at saka siya umalis at umakyat sa mga baitang ng tore nang mga Hadezar.

Tinanggap nang kanyang mga kalaban ang kapatid nang pumanaw na Hadezar at ang Mata na kasama nang Haid Mirza. Sinabi nang Adi Atiya sa Adi Habib na mabuti naman at pinaunlakan nito ang paanyaya na samahan sila sa pagpupulong at sa pagboto sa kalipunan nang mga Hadezar.

Pinaghanda nang Hadi Mirza ang isang tolda para sa gagawing pagpupulong nang kalipunan. Nang umagang ito ginanap ang pagpupulong nang kalipunan sa loob nang tolda sa labas nang gumuhong tore ng mga Hadezar. Sa loob nito inihanda ang isang bilugang lamesa na may apat na paa. Apat na upuan na walang mga patungan nang mga braso ngunit may mga sandalan para sa mga Hadezar. Umupo sila sa inihandang upuan. Nakaupo siya sa dulong bahagi habang nasa likuran niya ang Hadi Walid, kaharap ang tiyo nang kanyang asawa kung saan nasa likuran nito ang Hadi Arsaad at ang Adi Habib; habang nasa magkabilang gilid ang tahanan nang mga Parvana at nang mga Harith.

Unang nagsalita ang Hadi Mahdi sa kanila. Malugod nitong tinanggap sa kalipunan nang mga Hadezar ang pagdalo at pagiging panauhin nang kapatid nang nasirang Hadezar sa gaganapin ngayong pag-uusap at pagboto sa magiging Hadezar nang tahanan ng mga Ardashir, lalo pa ngayon na lubhang mapanganib ang kumakalat na bulung-bulungan at ang kanilang bayan ay nag-aalala sa mga suliranin na kinahaharap nito. Magkagayonman ay wala silang dapat na ipag-alala sa suliranin na ayon sa pagkakaintindi nito ay sadya lamang itong sapantaha at gawa-gawa nang mga mapag-isip.

Tinawag nang Hadi Yasir ang Hadi Mahdi. Tinawag niya ito para tanungin kung hindi pa ba sila magsisimula.

Kaagad nagbago ang isip nang matanda at nagpasya itong simulan na ang pagpupulong sa kung sino ang dapat na hirangin bilang susunod na Hadezar nang tahanan ng mga Ardashir.

Wika nang Hadi Mahdi, “neki’hava bhul samo të prije tola ö mara të Hadezar waxaa etkhiler waxa thë Ardashir…ma’lum eger irora’ü waayo dl’motam, dl’Adi Habib više’bhul va leh’dosh usaane të satta. Ali të’nas awujo yi phëzu addara waxaa digu’hava waxa samaya. Unzha sathi të neki hava’himoya biziih yi tola va rihiisa waxaa alopa. Ma’lum ü waxaa thë Hadezar ö ithē phoq, va az’zizunah ö irn ü phoq Adi Habib.” (Jng. “ilang araw pa lamang ang nakakaraan matapos na mamatay ang hadezar nang tahanan ng mga Ardashir…alam ko masakit ito para sa namatayan, sa Adi Habib lalo pa at kapatid niya ang namatay. Ngunit ang ating lipunan ay nasa bingit nang mahabang panahon ng kapayapaan. Hindi magtatagal ang ilang dekadang pinangangalagaan natin ay matatapos na at tuluyan nang mababaliwala. Alam ito nang mga Hadezar na nandito ngayon, at alam mo na rin ito ngayon Adi Habib.)

Nabaling ang pansin nang Hadi Mirza sa kapatid nang yumaong matandang Hadezar na nakatayo sa likuran nito, kasama ang Mata.

Dagdag nang Hadi Mahdi, “ang kalipunan nang mga Hadezar ay pinakamataas na katungkulan at ang pinakamabigat na gampanin sa ating bayan…Alam ko iyon, ngunit naniniwala ako na katulad sa kakayahan nang Adi Atiya na nandito ngayon, at tulad sa kakayahan nang ina nang Hadi Yasir naway maging mapayapa ang kaluluwa nito kasama nang mga diyos ang Adi Hiba, na may kakayahan din ang Adi Habib na maging Hadezar…at kilala ako nang lahat na handang sumugal sa sinomang sa tingin ko ang karapatdapat—at naniniwala ako sa iyo Adi  Habib na magiging isa kang mabuting Hadezar!”

Sinang-ayunan ito nang Adi Atiya. Wika nito sa Adi Habib, “sadjezhe ö hava ö irn isiqala waxaa iki obinrin të saraava mhanuna Hadezar dl’içhatta, Unzha ni Hadi Mahdi! Uvjeren edere dl’Hadi Mahdi va dl’kartadssin onun ö’noqon bire’siz Hadezar va revve waxaa etkhiler waxaa thë Ardashir…ki’nikan të ifiyessi eger’nikan yi…” (Jng. “matagal na panahon na rin simula nang dalawang babae ang manungkulan bilang Hadezar sa kalipunan, hindi ba Hadi Mahdi! Naniniwala ako sa Hadi Mahdi at sa desisyon nito na maging isa kang Hadezar at pinuno nang tahanan nang mga Ardashir…kaya lang ang pinag-aalala ko lang ay…”) Nauutal nitong wika “—yi unzha ni obbijhen siz waxaa Hadi Khalil? Unzha ü yashirin usmu…unzha ü yashirin dl’oluvar Ja’khar. Ö dl’qoida’vinari bire siz Kalisag va të kalisag yi kalmak Kalisag!” (Jng.  “—y hindi ba itinakwil ka nang Hadi Khalil? Hindi ito lingid sa amin…hindi ito lingid sa buong Ja’khar. Na sa maalitutunang-salita isa kang Kalisag at ang Kalisag ay mananatiling Kalisag!”)

Hindi ito maintindhan nang Adi Habib datapwat nakakaintindi siya nang Jingkaris at nang mga sinasabi nito. Datapwat pinapaliwanag ito sa kanya nang Mata hindi niya maintindihan ang pinagmumulan nang mga sinasabi sa kanya nang Adi Atiya.

Sinubukan nitong magsalita subalit pinigilan lamang ito nang Hadi Mirza at nang Mata.

Tanong nang Hadi Mirza sa Adi Atiya, “kung ganon sino ang gusto mong kilalanin ngayon Adi Atiya ang Hadi Yasir na naging Kalisag din nang higit na sampung taon bago tanggalin din nang sarili kalipunang ito kung saan ka kabilang ang pagiging kalisag nang ina nito at nilang magkakapatid. Ikaw na rin ang nagsabi ang Kalisag ay mananatiling Kalisag!”

Wika nang Adi Atiya, “Wala akong binabanggit na kahit ano… ni hindi ko binabando ang Hadi Yasir sa aking sinabi datapwat hindi mo maaaring sabihin na ganon na nga ang nangyari. Magkaiba ang kaso nang Hadi Yasir sa Adi Habib. Sa loob nang halos sampung taon kilala na ang Hadi Yasir, sa kanyang mga napatunayan, sa kanyang mga nagawang pagbabago sa kanyang lupain sa kanyang pamumuno bilang Hadezar. Kilala nang lahat ang Hadi Yasir, bilang isang pinuno patnugot at siyempre bilang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat! Ano ang pagkakakilalan natin sa Adi Habib! Paano natin mapapatunayan na ang lahat nang kanyang sinabi sa atin, at lahat nang nalalaman natin sa kanya maging nang Hadi Yasir na hindi nga siya nagsisinungaling?”

Wika nang Hadi Mahdi, “yoki edilir dl’vharmak un’zah ni të Hadezar waxaa etkhiler waxa thë Barakat të layik ö yas’vvi dl’urvatta ihhovizhi waxaa satta Hadezar?” (Jng.  “kung ganon sa tingin mo ba ang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat ang karapatdapat na humalili sa naiwang katungkulan nang yumaong Hadezar?”)

Wika nang Adi Atiya sa Hadi Mahdi, “tarte të sunmo ö qarindoshlari waxaa Hadi Khalil, amaki usaane të Hadi Khalil, ravarrak thë nju merrén të satta Hadezar…Neden unzha!”

Isa itong pabagsak.

Binagsak nang Hadi Mirza ang kamay nito sa bilugang lamesa. Nang may pagngisi, “ang sabi sa batas, hindi maaaring humawak nang dalawang katungkulan, o nang dalawang tahanan ang isang Jingkar na nagmula sa parehong tahanan at bahagi nang kalipunan nang mga Hadezar.”

Wika nang Adi Atiya, “perubahan sa saligan nang Ja’khar, sa ilalim nang pangkat labing-lima, talata pangalawa…kung hindi ako nagkakamali ‘walang sinoman sa isang Hadezar ang maaaring humawak o manungkulan bilang Hadezar nang isa pang tahanan na kinabibilangan dito o tanghalin ang sarili nito bilang Herren nang kalipunan nang mga Hadezar at nang buong Ja’khar. Alam ko iyon, pinanumpaan ko ang mga saligan na kailangan kong isadiwa at kabisaduhin. Datapwat—datapwat…hindi ba naaayon din sa ating saligan ang pagbabawal sa isang kalisag na hawakan o kausapin. Hindi ba isa iyong batas…dalawang libong taong batas?”

Nabaling sa kanya ang atensyon nang Hadi Mahdi. Tinanong siya nito kung ano ang sa tingin niya.

Sinabi niya, “hindi ako nakakasigurado kung ano ang binabando nang Adi Atiya sa mga sandaling ito…kahit pa ako ang tumayo at humalili sa naiwang katungkulan nang yumaong Hadezar, hindi ako nakakasiguro na ako nga ang karapatdapat! Ngunit ang aking paniniwala ay ganito, ang kamatayan nang Hadi Khalil at pag-ulila nito sa katungkulan nang walang hayagang naiwang tagapagmana na napagkasunduan ay hindi ba katiyakan na ito lamang ang natitirang sagot sa ating suliranin?”

Pagtataka nang Hadi Mahdi, “ang binabando mo ba ay hayaan na lamang nating iwanan nang walang laman ang naulilang posisyon nang yumaong Hadezar, ganon ba Hadi Yasir?”

Wika niya, “iyon ang aking pagkakaintindi. Hindi ito ang unang beses na walang kinilalang Hadezar ang kalipunang ito, Nangyari ito sa aking tahanan, sa tahanan nang mga Barakat mahigit dalawampung taon na ang nakararaan, nangyari ito sa tahanan ng mga Harith mahigit walumpung taon na ang nakararaan at lalong nangyari ito sa tahanan nang mga Roshan isang libong taon na ang nakararaan!

Wika nang Hadi Mirza, “paghatian natin ang mga kinasasakupang lupain nang iniwang Hadezar? At tuluyan na nating ibaon sa limot ang minsang tahanang tinitingala nang nakararami, ganon ba ang ibig mong sabihin Hadi Yasir?” nang may pagkahibang.

Wika niya sa tugon nang tiyo ng kanyang asawa, “iyon lang ang sa tingin kong makabubuti!”

Wika nang Hadi Mirza, “ngayon nagtataka kayo kung bakit nasa bingit na nang mahabang panahon nang kapayapaan ang ating bayan? Nang nakaraang mga panahon, takot na takot kayong lahat sa pag-aakalang ang nasa labas nang ating bayan ang tunay na panganib.” Tumayo ang Hadi Mirza “Kaya natin hinirang ang Hadi Yasir…ngayon na nasa labas na ito nang pintuan nang ating mga tahanan, hindi kayo natatakot na baka lalong lumala pa ang itinatanggi niyong suliranin nang ating lipunan!”

Wika nang Hadi Mahdi, “O Hadezar masyado ka naman yatang pinanghihinaan nang loob?”

Wika nang Hadi Mirza, “nasa loob nang ating bayan ang mga Kesh na pilit nating tinataboy …hindi lang bastabastang mga Kesh ang nandito, mga takas at naghahanap nang mapagtataguan sa ating bayan! Maiintindihan ko kung mga dayuhan sila…hindi natin alam kung ano ang pagkatao nila. Kung nakagawa ba sila nang pagkakamali sa Ka’desh at naghahanap nang bagong simula sa ating bayan o kung dito ba nila ipagpapatuloy ang kanilang mga pagkakamaling nagawa. Alam natin ang pamamalakad sa Kadesh tungkol sa kanilang mga Kriminal. Hindi ba at may suliranin ka pa rin ngayon Hadezar sa pagtanggap mo sa kanila sa iyong lupain. Ngayon at bibigyan niyo siya nang panibagong tungkulin na hindi natin alam kung magagawa niya nga ba talagang tugunan ng maayos? Mga Hadezar, pag-isipan niyo ang mga binabalak niyo!”

Wika nang Adi Atiya, “totoo ba ito Haid Yasir!”

Bagay na hindi niya itinanggi.

Wika nang Hadi Mahdi, “sa tingin ko ang suliranin ay suliranin. Hindi natin maaaring maipayo sa ating mga sarili kung tama ba o mali ang pag-intindi natin sa saligan na ating kinalakihan. Kailangan nating isipin at paghandaan kung hindiman sa mga sandaling ito ang magiging tiyak nating kasagutan.” Umupo ang Hadi Mirza sa upuan. Dagdag nang Hadi Mahdi, “sa tingin ko kung wala nang dapat pang pag-usapan, maaari na tayong magsimula. Mangyaring itaas niyo lamang ang inyong mga daliri sa pagsabing makabubuting pagbotohan natin ang pagiging patnugot nang Hadi Yasir sa tahanan ng mga Ardashir o ang Adi Habib.”

Isinandal niyang mabuti ang kanyang sarili sa sandalan nang kanyang kinauupuan.

Pinagmasdan niya ang kanyang paligid.

Ang pagboto nang mga nakapaligid sa kanya at pagtunghay nang mga nandito ngayong mga panauhin at magpapatunay sa kanilang pagboto ngayong araw.

Tinawag nang Hadi Mahdi ang pangalan nang Adi Habib. Tinaas nang Hadi Mirza ang kamay nito at daliri. Kasunod noon tinawag nang Hadi ang kanyang pangalan at itinaas nang kanyang mga kalaban ang mga kamay at daliri nang mga ito sa pagboto sa kanya bilang ang Hadezar nang tahanan ng mga Ardashir.

Ngumiti siya.

Ngumisi ito.

Sinabi nang Hadi Mahdi na may katwiran ang Adi Atiya…kung pipili ang sanggunian maskarapatdapat siyang piliin bilang Hadezar nang tahanan ng mga Ardashir kaysa sa hindi nila kilala.

Malinaw na isa itong pabagsak isang panghahamak, higit sa lahat isa itong patibong nang tahanan nang mga Harith at Parvana.

Tinanong siya nang Hadi Mahdi kung ano ang kanyang pinili at pinili niyang hindi lumahok sa pagbotong ito. Magkagayonman ang mayorya ang nagdesisyon at piliin siyang maging Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir.

Tumanggi ang Hadi Mirza. Bagay na pinigilan nang Hadi Mahdi. Wika nito, “totoo ang aking pagboto ay sa hadi Yasir…totoo na sa tingin ko na siya ang mashigit na karapatdapat kaysa sa Adi Habib at hindi nagbabago ang aking sinabi na may kakayahan ang Adi na magiging pinuno nang tahanan ng mga Ardashir, datapwat kailangan nating sundin ang batas…binigay niyo ang inyong paniniwala sa kung ano ang inyong pagkakaintindi sa saligan nang Ja’khar, ang pagkakaintindi ko ay marapat na sundin kung anoman ang nakasulat at nakataga na sa mga bato—sa saligang-batas nang Ja’khar.” Wika nito sa kanya, “Sa paghirang mo bilang hadezar nang tahanan ng mga Ardashir gusto kong maghanda ka rin nang mapagpipilian sa kung sino ang karapatdapat sa tingin mo ang humalili sa iyong tungkulin bilang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat.” Nabaling ang pansin nang Hadi Mahdi sa kanyang liyaw. Dagdag nito, “Bakit hindi mo piliin ang Hadi Walid!”

Ngumiti siya.

Sa kanilang pag-alis sa mga baitang nang gumuhong tore nang mga Hadezar, agad silang nagtungo sa kanyang tahanan…kasama ang iilang mga Anino nang tahanan ng mga Barakat binagtas nila ang nageekis na daanan, ang malalawak na sakahan nang mga kohlrabi at mga oca.

Mabagal nag kanilang pagkilos…nangunguna siya habang nasa kanyang likuran ang Hadi Walid kasama ang kanyang mga Anino. Nang tuluyang bumalik ang mga ito sa loob nang pinamamahalaang nang mga itong tahanan sa ilalim nang kanyang kinasasakupang lupain naiwan silang dalawa nang kanyang liyaw.

Tinanong siya nang Hadi Walid kung ano na ang mangyayari ngayon sa kanila.

Hindi niya alam kung ano na ang mangyayari ngayon sa kanila.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay pabalik sa kanyang tahanan.

At nang narating nila ang tahanan nang Hadi Walid nagpaalam ito sa kanya at nagpaalam siya dito. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay at nang dumating siya sa tahanan nang mga Barakat agad niyang dinala si Mamé pabalik sa loob noong yungib at pumasok siya sa loob nang kanilang tahanang mag-asawa.

Sa pagpasok niya sa loob nang kanilang tahanan una niyang nilingap ang Adi Hikmet. Wala ito sa kanilang silid ni sa loob nang bukalan. Nagtungo siya sa bulwagan at sa pagdating niya sa bulwagan nang tahanan nang mga Barakat nakita niya ang kanyang asawa kasama ang kanyang kapatid na si Adi Sule at ang ama at nakatatanda nitong kapatid na lalake na si Hadi Batul.

Nagtaka siya. Hindi niya inaasahan ang pagdating nang kanilang mga panauhin. Lumingon ang kanyang maybahay sa kung nasaan siya. Nabaling ang kanyang pansin dito pagkakita sa kanya.

Sinabi nito sa kanya, “nandyan ka na pala!”

Nabaling ang kanyang pansin sa mga ito. Ngumiti siya…nagliwanag ang kanyang mukha na parang walang mga bukas. Lumapit siya sa kanyang asawa at mabilis napalitan nang saya at tuwa ang lungkot at pangamba na kanina niya pa nararamdaman. Ito, ang kasagutan sa kanyang mga ambisyon. Ang higit na kaligayahan na kanyang nararamdaman. Ang hindi maintindihang takot na nagtatago sa kaduluduluhan nang kanyang diwa. Nakita niya ang mga ito, at nakita siya nito. Saloobloob niya, ang kanyang mga pangarap at panaginip. At nang mga sandaling iyon, hindi nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Nang gabing iyon, sa ilalim nang laksang mga bituin sa kalangitan at sa mahiwagang buwan. Hinawakan niya ang pangarap at ang lahat nang gusto niyang maangkin sa kanyang mga kamay. Hinayaan siya nang kanyang asawa, ang buhay nang kanyang buhay…buhay nang kanyang tahanan, sa mga sandaling ito. Nasa kanyang mga kamay ang pinakatangi-tangi nang lahat, ang yamang hindi magagawang bilhin nang sinoman o alinman. Mainit at buhay, ang dulot nang kanilang pagmamahalang dalawa nang Adi Hikmet, isang biyayang hindi maipagraramot. Sinabi niya,

Uyqu’ö yaxshi (Matulog na mabuti),

Ko o’sadi siz waxaa vizuri (upang lumaki ka nang maigi).

Vagaane, va unzha uyronuü (Magpakabait, at hindi matutong)

derew (Magsinungaling),

Asisa’siz waxaa nirmata (Papalain ka nang maykapal).

Uyqu’ö volim (Matulog na mahal) …

Uyqu’ö gurhi (Matulog na mahimbing).

Unzha’siz ketago (Di ka iiwan)!

 Unzha bolno nivaddu (Di maaaring pabayaan).

Du’yi vagaane, va unzha uyronuü (Ikaw ay magpakabait, at hindi matutong)

derew (Magsinungaling).

Asisa’siz waxaa nirmata (Papalain ka nang maykapal).

Uyqu’ö volim (Matulog na mahal) …

Uyqu’ö gurhi (Matulog na mahimbing) …

Unzha’siz ketago (Di ka iiwan)

Unzha bolno nivaddu (Di maaaring pabayaan)

Uyqu’ö (Matulog na) …

Uyqu’ö volim (Matulog na…mahal)!

Dl’samaya, Uyqu’ö volim (Sa kapayapaan, matulog na mahal).

Unzha’siz ketago, waxaa nivaddu (Di ka iiwan, maaaring pabayaan).

            Uyqu’ö…volim (Matulog na…mahal)!

Inilapit niya ang kanyang bibig sa ulo nang sanggol kasunod noon hinalikan niya ang noo nang kanyang bagong silang na anak. Kasunod noon ibinaba niya ito sa kunang hinihigan nito. Inihiga at pinalibutan nang mga unan.

Kasunod noon, lumingon siya sa Adi Hikmet. Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa kanyang labi. Bulong niya sa kanyang asawa sa hindi kalayuan, habang nakaupo sa kanilang kama at kumakain nang inihanda niyang pagkain dito na natira sa kanilang pinaghapunan, “tulog na siya”. Kaagad naglaho ang kanyang pansin dito at binaling ito sa kanyang asawa.

Lumapit siya sa kung nasaan ito. Sinamahan itong kumain sa kanilang higaan. Kinuha niya ang sulyaw na may sabaw at dinaing na isda. Tinanong nito sa kanya kung ano na ang mangyayari sa kanilang tatlong mag-anak.

Sinabi niya, “gagawin ko pa rin kung ano ang una nating napag-usapan. Sasaktan ko pa rin ang mag-iina. Papatayin ko pa rin sila!”

Wika nito sa kanya, “hawak mo na ang lahat! Nasa sa iyo na ang tahanan nang mga Ardashir. Hindi magtatagal makukuha mo na rin kung ano ang matagal mo nang pinapangarap, ang kalayaan nang tahanang ito!”

Wika niya, “pero mali!”

Tanong nang Adi Hikmet sa kanya, “ano ang mali?”

Wika niya, “mali ang lahat…ang nangyayari ngayon, ang hinayaan lang na maibigay sa akin nang Hadi Mahdi ang tahanan ng mga Ardashir kahit pa binabalak niya na ibigay ito sa Adi Habib…Madali ang lahat at hindi ganon ang Hadi Mahdi kung mag-isip!”

Wika nang kanyang asawa, “siguro nagbago na ang kanyang pasya. Siguro nakita niya ang iyong kakayahan para piliin ka niyang maging Hadezar at patnugot nang tahanan ng mga Ardashir!”

Lumingon siya sa Adi Hikmet. Nakita nito ang kanyang pag-aalala. Umiling-iling siya. Sinabi niya, “mali ka…”

Bukas dadanak ang dugo…naalimpungatan siya. Bulong niya sa kanyang sarili, “oo nandyan na…nandyan na!” Dinilat niya ang kanyang mga mata. Nabaling ang kanyang pansin sa kanyang asawa na nakatalikod sa kanya at natutulog. Narinig niya ang isang maliit na haluhoy. Bumangon siya sa kanyang pagkakaupo. Tumayo sa kanilang kamang mag-asawa at lumapit sa kuna na nasa loob nang kanilang silid na iniilawan ng nakasinding timsim na ang tinghoy ay nakababad sa isang sulyaw sa ibabaw nang mataas na lamesa. Nakapikit pa ang mga mata nito…wala pang luha ang tumutulo sa mga mata nito at dumadaloy sa mga pisngi nito. Hindi niya mawari kung ano ang kanyang gagawin.

Kung magagawa niya lang sanang mahawakan palagi ang kanyang anak siguro magagawa niya itong maintindihan. Magagawa niya itong maunawaan. Binuhat niya ang kanyang anak…napansin niyang basa ang hinihigan nito. Kinapa niya ang likuran nito at ang puwetan nito. Kasunod noon pinalitan niya ito nang lampin…bumalik sila sa loob nang silid nilang mag-asawa.

Sa pagbalik niya buhat ang Adi Atilla, nakita niyang natutulog pa rin ang kanyang asawa. Napagod ito sa buong araw na pag-aaalaga sa kanilang anak. Halos hindi ito nawala sa tabi nang kanyang asawa. Ito ang kasama nitong matulog, ito ang madalas nitong katabi—ang Adi Atilla.

Hinele niya ang sanggol habang nakahiga ito sa kanyang dibdib at ang kanyang mga kamay ay nakaalalay sa katawan nito. Ito ang unang beses na babantayan niya ito. Ang kanyang pangarap at panaginip.

Hanggang sa nagising na lamang siya sa haplos nang kanyang asawa. hiningi nito sa kanya ang kanyang anak. Ibinigay niya ang Adi Atilla sa kanyang asawa. Sinabi nito sa kanya na kailangan niya nang maghanda. Na hindi magtatagal ay darating na rin dito ang mga kapatid nito at ama.

Nakiusap siya na kung maaari ay ilang panahon pa…kahit isang sandali lang.

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Hikmet.

Isinilang nito ang kanyang panganay sa loob nang kanilang silid mag-asawa…maghapong nakaramdam ang Adi Hikmet nang pagkahapo at hapdi. Maagang Pumutok ang panubigan nang kanyang asawa. Narinig niya ang sigaw nang Adi Hikmet habang nasa loob siya nang yungib nang mga asong-gubat. Hinanda niya ang mga gamit nito sa panganganak. Ilang oras din nahirapan sa panganganak ang kanyang asawa. Tinulungan niya ito. Nilinis niya ang dumi nito. Ang dugo sa kanilang kama at sahig at hindi nagtagal isinilang din nito ang kanilang panganay na anak. Isang babae, isang napakagandang babae. Tinanggal niya ang inunan na nakabalot sa katawan nito. Nilinis niya ang kanyang anak nang mabasabasang pamunas. Tinanggal niya ang dugo at ang pusod sinunog niya ang dulo nang pinagputulan nang pusod nang kanyang anak at nilagyan nang maliit na panipit. At binalutan niya ito nang lampin at ibinigay sa kanyang asawa. Ang kanyang pangarap at panaginip, ang tanglaw nang kanyang asawa sa gabing madilim, Atilla.

Hindi niya maintindihan ang unang pakiramdam nang masilayan niya ito, magkahalong takot at saya ang kanyang nararamdaman nang mga panahong iyon.

Hanggang sa dinilat niya ang kanyang mga mata. Hindi na bumubuhos ang ulan…hindi na dumadagundong ang pagkulog at pagkidlat na kanyang nararamdaman nang mga panahong iyon habang ipinanganganak niya ang kanilang panganay.

Maliwanag na ang umaga.  Maririnig mo na ang mga kalunoslunos na huni nang mga ibon sa kalangitan. Sariwa at malamig na ang hangin. At sa kanyang paglabas sa kanilang silid nakita niyang nakabukas ang lagusan nang kanilang tahanan, at ang iilang mga Anino na mabibilang sa mga kamay na nakahanda, at nakaayos alinsunod sa kung ano ang nakagawian, pinaghahandaan kung anoman ang maaaring mangyari ngayong araw sa malawak na lupain sa gitna nang kanyang tahanan. Pinagigitnaan ng gawang plataporma na namumukod-tangi sa nag-aalab na kawan na makikita sa ibabaw nito at nakatungkod gamit ang tatlo nitong mga paa, ang sagisag ng kapangyarihan nang pagiging Hadezar.

Narinig niya ang Hadi Yusuf na tinawag siya. Lumingon siya dito. Niyaya siya nitong mag-almusal sa loob nang silid-lutuan nang kanilang tahanan. Bagay na kanyang tinanggap. Pinagsaluhan nila ang mga tinapay na walang labadura na may mga palaman nang gulay, kamatis, tinadtad na karne nang pato at may maanghang na pampalasa. Mabigat ang kanilang agahan nang umagang ito. Hindi masyadong nakakain ang kanyang asawa. May malagkit na bahaw na kakanin ito sa pinggan at mainit na sabaw…may mga prutas rin itong nakalagay sa pinggan nito.

Matapos noon pinaghanda siya nang pamilya nang kanyang asawa na kumilos at sinabi na ang mga ito na ang bahala sa pag-aayos at paglilinis nang mga pinagkainan.

Bagay na kanyang tinalima. Kasunod noon agad siyang nagtungo sa loob nang kanilang silid mag-asawa. Sa pagpasok niya sa loob nang kanilang silid mag-asawa agad niyang kinuha niya ang gamit niyang pampaligo. Hinanda niya ang mga susuotin niya sa pagpunta sa tahanan nang mga Ardashir. Dinala niya ang mga sa loob nang silid bukalan nang kanyang tahanan, ipinatong sa ibaba nang mataas na lamesa sa ibabaw nang mataas na lamesa malapit sa lagusan nang bukalan.

Hinubad niya ang kanyang suot na mga damit. Una niyang tinanggal ang suot niyang sandalyas sa kanyang mga paa. Kasunod noon hinubad niya ang kanyang suot na Báta, ang saluwâl at ang bahag. Ipinatong niya ang mga ito sa ibabaw nang mataas na lamesa na nasa loob ng bukalang-silid. Kinuha niya ang tabo at binuhusan ang kanyang katawan nang mainit na tubig nang bukalan. Pinahiran niya ang kanyang katawan nang mabangong galapong na insenso at langis. Hinilod niya ang kanyang katawan, ang mga kasingitsingitan nang kanyang mga katawan, ang kanyang batok…hanggang sa sinimulan niyang magbabad sa mainit na tubig nang bukalan. Naghilamos siya nang mukha. Inilubog ang kanyang katawan sa mainit na tubig nang bukalan. Lumangoy-langoy.

Sinubukan niyang tanggalin sa kanyang katawan ang pag-aagamagam na nararamdaman sa pagpatay sa Adi Habib at sa mga anak nito.

Kailangan niya itong gawin.

Matapos niyang lumangoy-langoy, agad siyang umahon mula sa mainit na tubig ng bukalan…Kinuha niya ang nakatuping tuwalya malapit sa kanyang mga pinaghubarang damit. Pinunasan niya ang kanyang basang katawan. Isinampay niya ang tuwalya sa kanyang balikat habang kinuha niya ang nakatuping tela na gagawin niyang bahag at iikutin niya sa kanyang katawan sa pagitan nang nakatuping tela na magiging saluwâl at nang Báta. Kasunod noon nagbihis siya. Tinupi niya ang dulong bahagi nang mahabang tela sa kanyang kamay. Tinakip ito sa kanyang ari. Ipinaloob niya ito sa pagitan nang kanyang mga hita. Ipinasok sa kanyang singit at inikot-ikot sa kayang katawan. Nang nakapulupot na tinanggal niya sa pagkakatupi ang dulong bahagi at itinali sa kabilang dulong bahagi nang puting bahag na kanyang suot. Kasunod noon sunod niyang sinuot ang mga biyas na gawa sa balat nang hayop, sinintas niya ang mga ito at saka niya sinuot ang isang pulang-magulang na saluwâl na may mga tansong-dilaw na burda nang sagisag ni Battala na nilagyan niya nang mga bakal na panara na gawa sa itim na bato. Sunod niyang sinuot ang dalawang malalapad na sinturon na nakabalalay sa isa’ t isa at may mga balat na baluti sa mga kabilang balikat. Sinuot niya ang itim na Báta na may mga hinabing mistulang kaliskis nang ahas sa buong katawan at mayroong mga manggas. At matapos noon, sunod niya namang sinuot ang mga sandalyas sa kanyang mga paa.

Nagtungo siya sa loob nang isa mga imbakan nang kanilang tahanan, kinuha niya ang golok sa loob nang imbakan. Itinali niya ang lagayan nito sa kanyang beywang at Isinukbit ang golok na may hawakan ng tulad sa uluhan nang ahas. Naglakad sa mahabang pasilyo na nasa harapan nang bulwagang silid ng kanyang tahanan. Dumiretso siya sa madilim na pasilyo sa pagitan nang kanilang silid mag-asawa at nang bukalan. Pumasok siya sa loob nang nakabukas na pintuan nang yungib nang tahanan at nakita sa loob nang yungib ang Hadi Fadil at ang Hadi Yusuf kasama ang kanyang asawa at anak. Nabaling ang kanyang atensyon sa mga ito at nabaling ang atensyon nang mga ito sa kanya.

Tumango-tango siya bilang pagtalima sa kanilang pinag-usapan. Kasunod noon lumapit siya sa kanyang asawa. Niyakap niya ang mga ito, hinawakan ang pisngi ng asawa, hinalikan niya ito sa labi at saka hinawakan ang kamay nang anak at tinalikuran ang mga ito.

Sinabi nang Adi Hikmet sa ama nito na ito na ang bahala sa kanya. Hiniling nito sa Hadi Yusuf na kahit anong mangyari ibalik siya nang mga ito na buhay at ligtas sa piling nang kanyang asawa.

Hindi niya narinig ang tugon nang Hadi Yusuf habang sumakay na siya kay Amarok. Matapos noon, sakay ang Hadi Yusuf kay Nanuk at ang Hadi Fadil kay Widad tuluyan na silang umalis sa tahanan nang mga Barakat kasama ang iilang mga Anino nang tahanan nang mga Roshan na mabibilang lamang sa mga daliri at ang iilan sa mga Anino nang tahang kanyang pinamumunuan.  Iniwan niyang nag-iisa ang kanyang asawa at anak sa loob nang kanyang tahanan.

Nang araw na ito sinimulan niyang angkinin kung anoman ang handang ipagkait sa kanya ng kanyang mga kalaban. Wala nang makapipigil sa kanya sinigurado niya sa kanyang gagawin ang kanyang pangalan ay makikilala at matatandaan nang bawat kasaysayan.

Alam niyang wala na siyang kalaban-laban kung maghangadman ang kanyang mga kalaban sa pagtambang sa kanya o kung patibongman ang lahat ng ito. Siguro nga isa itong pagkakamali…na kung babagsak siya ngayon mawawala sa kanya ang lahat. Wala siyang kalabanlaban, iyon ang totoo at sa isang katulad niyang kailanman hindi maglalakas loob na kalabanin ang higit na nakararami. Ang kanyang itsura ay isang pang-uuyam, ang kanyang pagkatao ay isang pang-uuyam.

Hindi siya isang mandirigma…hindi siya kailanman sumabak sa kahit anong pakikipaglaban, o maging sa mga sagupaan. Isa lamang siyang pangkaraniwan…ang kanyang mga salita ay pangkaraniwan. Ang kanyang mga kasinungalingan ay mga pangkaraniwan.

Pero ito ang kailangan niyang gawin. Hindi ito ang kabawasan nang kanyang mga kalaban, bagkus ito’y kabawasan ng mga maaari pang gamitin laban sa kanya ng mga Harith at Parvana. Kapag pinatay niya ang Adi Habib at ang mga anak nito, kapag nangyari iyon, magsisimula ito ng higit na pagbabago…nang matinding sagupaan. Ang kanyang galit at puot…ang dugo sa kanyang mga kamay…ang pagkahumaling niya sa pagpatay. Lahat nang iyon malalaman at makikilala nang Ja’khar. Kung sino siya at kung ano siya…

Hindi siya maaaring kumurap, iyan ang totoo…

Wala nang hanggang sa muli, wala nang pagsabi na “mahal na mahal kita Adi Hikmet!” bagay na kailanman ay hindi niya nasasabit sa kanyang asawa sa mgaa panahong kasama ito.

Sa kanilang pagbabagtas sa maputik na daanan nang umagang ito nakasalubong sila nang tatlong Jingkar; isang matandang Adi na kanyang kilala at minsan nang nakita at dalawang batang Jingkar na hindi nalalayo sa mga edad nang kanyang mga pamangkin.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay, hindi nagtagal naglaho na rin ang mga ito sa kanyang paningin.

Hindi nagtagal narating na rin nila ang tahanan nang mga Ardashir at bumungad sa kanila ang mga Anino nang tahanan nang Parvana at nang mga Anino nang tahanan ng mga Ardashir. Nakatambang sa kanila, hinaharangan ang kanilang daraanan.

Lumingon sa kanya ang Hadi Yusuf. Muli narinig niyang tinawag siya nito…pero buo na ang kanyang loob wala nang pagkakataon pa, siya kasama ang ama at kapatid nang kanyang asawa sampung Anino nang tahanan nang mga Roshan at iilang mga anino nang tahanan nang mga Barakat.

Hindi siya maaaring kumarap, hindi siya maaaring kumurap nang mga sandaling ito na handa na ang lahat…

Ang Hadi Walid

Sa pagdating nang mga Anino nang tahanan ng mga Harith, kasama ang Hadi Nasrin at siya sa tahanan nang mga Barakat nakiusap siya sa Hadi Nasrin an kung maaari ay hayaan siya nitong makausap ang Adi Hikmet bago nila gawin ang pagpatay dito…gusto niyang makatiyak na hindi magiging labag sa kanyang kalooban kung ano ang kanyang ginawa, at kung anoman ang kanyang gagawin.

Sumang-ayon ang Hadi Nasrin sa kanya. umalis siya sa lupon nang mga Anino na nakatambang sa tahanan nang mga Barakat at handang pabagsakin ang tahanan nang mga Barakat sa kahit anong mangyari.

Binuksan niya ang lagusan nang tahanan nang mga Barakat. Pumasok siya sa loob. Hinanap niya ang Adi Hikmet sa kung saanman at nang hindi niya ito nakita pumasok siya sa loob nang silid nito kung saan sa hindi inaasahan nakita niya ang kunan. Lumapit siya dito at nagulat siya sa kanyang nakita…

Bumitaw ang isa tudla mula sa busog. Tumama ito sa kanyang katawan, nagulat siya. Nagulat siya sa mga nangyayari ngayon.

Gayong nakita niya ang Adi Hikmet…nakita niya ang Anino nito hawak ang isang busog at may dalang mga tudla. Ito ang kanyang katapusan. Ang kanyang pagkakamali.

Hindi niya dapat pinagkatiwalaan ang Adi Hikmet para sa kapakanan nang kanyang anak.

Tatlong araw bago ang naganap na pamamagitan sa loob nang tahanan ng mga Barakat, tinapos nang Hadi Walid ang kanyang pagbubungkal nang mga lupa, bumalik siya sa kanyang tahanan. Mataas ang sikat nang araw nang tanghaling iyon. Walang pagbabanta nang sama nang panahon, nang mga sandaling iyon. Sa pagbalik niya sa kanilang tahanan nakita niya ang kanyang asawa na nakaupo sa tabi nang hapagkainan nilang mag-asawa. Umiiyak.

Tinanong niya ito kung ano ang nangyayari. Umiling-iling ito sa kanya bilang tugon. Sinabi nito sa kanya na wala kasunod noon tinanong siya nito kung nagugutom na ba siya. bagay na kanyang sinang-ayunan.

Nagpatuloy ang pagiging malamig nang kanyang asawa sa mga sumunod na mga araw. Hanggang sa inaway siya nito at sinaktan niya ito at humingi siya nang tawad. Iniwan niya ito sa kanilang tahanan. Nagtungo sa tahanan nang Hadi Ogeyerg, kung saan sa hindi inaasahan nakita niya ang Hadi Karim. Sinunggaban niya ito. Nagkaroon nang kaguluhan. Nag-away silang dalawa at inawat sila nang Hadi Ogeyerg at nang mga anak nito.

Pinaghiwalay silang dalawa nang may-ari nang sakahan. Bumalik siya sa kanilang tahanan nang Adi Fidda. Hindi nagtagal hinuli siya nang mga Imago ng tahanan nang mga Barakat…at dinala sa tahanan nang kanyang Hadezar, kung saan nilitis ang kanyang ginawang pananakit sa Hadi Karim. Ang kahihiyan nang tahanan ng mga Barakat. Ang naglagay sa kanyang tahanan sa pagkagunaw nito at tuluyang pagbagsak, ang paglaho nang kanyang mga pangarap at mga panaginip.

Wala siyang nagawa…bumubuhos ang ulan ng mga sandaling iyon, hinanda niya ang pagpatay sa kanyang asawa. Tinali niya ang mga kamay nito. Lumuhod ito sa knayang harapan at bunihusan niya ito nang mantika na mula sa taba nang tapir.  Gusto niyang tigilan ito…gusto niyang tumakas silang dalawa, malayo sa Ja’khar malayo sa mga pangmamata nang ibang mga Jingkar. Magsimula sila nang bago sa Ka’desh o sa Qaa’ur.

Pero hindi niya ito nagawa. Mahina siya, wala siyang lakas nang loob na talikuran ang kanyang kinalakihan, ang kanyang kapanganakan iwanan ito…natatakot siya na hindi niya makukuha ang katarungan na hinihingi niya mula sa tahanan nang mga Barakat. Ipinagkait nang mga ito na mabuhay siya at wala siyang nagawa para hindi niya ito ibigay.

Sinunog niya ang kanyang asawa habang nasa loob ito nang kanilang tahanan. Pinilit siya nang mga Anino na panoorin ito…Hindi niya kaya. Umiling-iling siya.  Dalidali siyang tumakbo patungo sa lagusan nang kanyang tahanan. Binuksan niya ito, pumasok siya sa loob lumapit siya sa Adi Fidda at niyakap ito at humingi siya nang tawad. Sabay silang nasunog pero namatay ito at nabuhay siya.

Mahigit dalawampung taon na ang nakakalipas nang mangyari ang pagkagunaw na iyon sa kanya, ang pagpatay sa kanyang asawa nang tahanang inaakala niyang tutulungan siya, pagsisilbihan ang kanyang pangangailangan na makuha ang hinihingi niyang katarungan, ang tahanang naging malapit sa kanya at itinuring siyang kapamilya —ang mga Barakat.

Lumapit siya sa mga nagkukumpulang mga bata na pinagtatawanan at kinukutya ang mashamak at masmaliit kaysa sa kanilang lahat. Inutusan niya ang mga ito na “tama na iyan! Tama na iyan!” Hinarangan niya ang mga ito, Natakot ang mga ito sa kanya. Tumakbo ang mga ito papalayo sa kanyang kahindik-hindik na anyo, isang halimaw. Nakita niya ang bata, nakadapa, lagapak at nakahilig. Duguan ang mukha. Nasa isang sulok at nagtatago…Masmaliit ito kaysa sa kanya. Masmahina ito kaysa sa kanya.

Tinawag niya ito. Inutusan niya ito na lumapit sa kanya. Tumayo ito at lumapit ito sa kanya. Tinanong niya ito kung nasaan ang mga magulang nito…hindi ito kumibo. Tinanong niya ito kung nagsasalita ba ito, hindi ito kumibo. Tumihaya siya nang upo sa harap nang bata. Pinagmasdan niya ito. Ang gusgusin nitong katawan, madumi nitong suot na damit, ang payatot nitong mga braso at balikat, ang nakabuhaghag nitong buhok, ang uhugin nitong mukha. Sinong magulang ang makagagawa na hayaang ganito na lamang ang maging itsura nang kanilang anak. Naawa siya sa bata.

Sa kanyang kalunuslunos na anyo nakita niya ang kanyang sarili sa batang kanyang kaharap. Niyaya niya ito sa kanyang tahanan. Tinanong niya ito kung gusto nito na ampunin niya na lang ito. Hindi ito kumibo. Dinala niya ito sa kanyang tahanan. Sinubukan niya itong iwan sa kanyang barung-baro hindi niya nagawa…nakaramdam siya nang takot na baka pag umuwi siya hindi niya na makita. Namalimos sila kung kanikanino nang pinaglumaang mga damit na suusotin nito, hiningi niya kahit yung sira-sira na at pinaglumaan na. Pinahiram sila nang kanyang mga kakilala.

At nang pabalik na sila sa kanyang tahanan, sinabi niya dito sa kanya na lang ito tumira. Sisiguraduhin niya, pinapangako niya na bubuhayin niya ito. Sinabi niya dito pagdating nila sa kanyang tahanan agad niya itong paliliguan. Naglakad sila pabalik na magkahawak ang mga kamay.

Hanggang sa bumitaw ang bata sa kanyang kamay…hinagilap niya ito nang tingin at nakita niya itong pumasok sa loob nang tahanan nang mga Barakat. Hinabol niya ito. Sinabi niya na huwag silang papasok doon…na hindi makabubuti ang pagpasok nila sa loob nang pinagbabawal na tahanang iyon, ngunit pumasok ang bata at hindi niya na ito nagawang pigilan pa.

Sinundan niya ito sa loob nang tahanan ng mga Barakat at sa kanyang

Pagpasok sa loob nang tahanan nang mga Barakat bumalik sa kanya ang masasakit na alaala na nagpapaalala sa kanya nang masalimuot na nakaraan. Nakita niya ang bata at isang Adi. Kilala niya ito, namukaan niya ito, ang Adi Hiba.

Lumapit ang bata sa Adi Hiba at kinarga ito nang Adi Hiba. Nakita niya ang ngiti sa Adi at doon napagtanto-tanto niya na ito ang ina nang bata.

Nabaling ang pansin nito sa kanya. Sinubukan niyang itago ang kanyang sarili sa pagitan nang mga nakabukas na pintuan nang lagusan nang tahanan ng mga Barakat.

Tinawag siya nito. Tinanong siya nito kung sino siya. hindi siya namukaan nang Adi Hiba.

Limang taon na ang nakararaan nang mamatay ang kanyang asawa, nang pinatay nang kanyang itinuturing na amaamahan ang kanyang asawa at magiging anak. Walang ibang dapat sisihin dito kung hindi ang tahanan ng mga Barakat. Halos mabaliw siya nang mga sandaling ito, hindi niya inaasahan ang mga pangyayari…hindi niya inakala na manunumbalik ang lahat nang pilit niyang nililimutan: ang sakit at pait, ang galit at puot. Akala niya handa na siyang magbago, ang harapin ang bagong bukas. Nagkamali siya, hindi niya magagawang kalimutan ang lahat nang sakit, pait, galit at puot na ginawa sa kanya nang tahanan nang mga Barakat. Tinanggal nito sa kanya ang kalayaan niyang mabuhay ngayon tatanggalin niya ang kalayaan nitong ipagpatuloy ang salinlahi nito. Papatayin niya ang Hadi Yasir.

Pinaghandaan niya kung papaano niya papatayin ang bata. Araw at gabi minanmanan niya ang galaw sa tahanan ng mga Barakat. Umaraw, umulan…hinintay niya ang kanyang pagkakataon na nakawin ang saya at ngiti sa mga labi nang tahanang nagkasala sa kanya. Nang bumukas ang lagusan nang tahanan ng mga Barakat at umalis ang Adi nang tahanan at nakita niya sinundan ito nang batang tagapagmana agad siyang kumuha nang pagkakataon.

Tinawag niya ang paslit. Niyaya niya ito na sumama sa kanya. Sumama ito sa kanya. Tinanong siya nito kung sila pupunta. Sinabi niya na magtiwala ito sa kanya bagay na ginawa nang Hadi Yasir sa kanya.

Sa kanilang paglalakad napansin niya ang pasa sa braso nang Hadi Yasir. Nagtaka siya. Tinanong niya kung ano ang nangyari dito. Tinanong niya ito kung sinasaktan na naman ito nang ina nito.

Hindi kumibo ang Hadi Yasir sa kanyang tanong.

Lumabas sila nang Ja’khar. Dinala niya ito sa paanan nang magiting na kabundukan. Naglakad sila, sinamahan niya ito katulad nang madalas nilang ginagawa sa mga nakalipas na mga taon. Sa paanan nang kabundukan, niyaya niya itong maligo sa ilog paanan nang isang mababaw na talon. Naligo silang dalawa sa mababaw na ilog, at nangisda nang kanilang magiging tanghalian.

Habang nagtatanghalian sila, tinanong niya dito kung hindi ba ito hahanapin nang ina nito.

Sinabi nito sa kanya na hindi. Sinabi nito sa kanya na kasama nito ang hadi Mahdi at ang tahanan nang mga Harith. Na sa malamang hindi nito mapapansin ang kanyang pagkawala.

Tinanong niya dito kung hindi ba ito hahanapin nang Hadezar ng tahanan ng mga Harith.

Bagay na pinagkimi’t balikat lamang nito. Sinabi nito sa kanya na hindi nito alam…na ewan nito.

Tinanong niya dito kung hindi ba tinatanong nang ina nito kung saan-saan ito nagpupunta at kung sino ang kasama nito. At sinabi nito sa kanya na hindi.

Ito ang kanyang pagkakataon. Walang sinoman ang makakaalam na siya ang may kagagawan kung sakaling patayin niya ngayong araw ang Hadi Yasir. Na bago paman ito hanapin nang magulang nito nakasisiguro siya na nagawa niya na ang balak niyang pagpatay sa batang ito.

Tinanong nito sa kanya kung marunong ba siyang mangaso. Nagtaka siya. Sinabi niya, “oo marunong”. Gayon tinanong niya ito kung ito ba marunong, bagay na itinanggi nito.

Tinanong niya ito kung gusto ba nitong matuto…tinignan siya nito, nakita niya ang saya at tuwa sa mukha nito. Binalikan siya nito nang tanong kung nakasisisguro ba siya. Tumango-tango siya bilang tugon.

Tinanong niya ito kung gusto ba nitong makita ang pagbukang liwayway. Sumang-ayon ito sa kanya datapwat maspinagpilitan nito ang kanyang pangako na tuturuan niya itong mangaso. Ngumiti siya.

Matapos ang tanghalian, umakyat sila nang kabundukan. Tinanong niya ito kung bakit gusto nitong matutong mangaso. Sinabi nito sa kanya na halos lahat nang kalalakihan sa kanilang bayan ay nangangaso. Bagay na kanyang ipinagkaila. Tinanong niya ito kung bakit hindi na lang ito matutong magsaka o mangisda.

Sinabi nito sa kanya na gawaing pambabae lamang ang pagsasaka habang ang pangingisda naman nakakatamad at paniguradong katatamaran niya lang.

Sinabi niya dito na wala na halos nangangaso sa loob nang mga nakapaligid na kakahuyan sa kanilang bayan, madalas nagpaparami na lamang ito nang mga alaga at iyon ang kinakatay at ginagawang mga pagkain nang kanilang mga kapwa.

Sinabi nito sa kanya na noong bata pa lamang siya, nang nakakakita siya nang mga Jingkar na pumapasok sa loob nang lagusan nang Ja’khar na may dalang mga nahuling mga hayop agad na pinagkakaabalahan ang mga ito nang halos lahat sa Ja’khar.

Sinabi niya dahil kailangan nang Ja’khar ang mga nahuli nitong mga hayop pandagdag sa mga imbakan at hapagkainan.

Bagay na sinang-ayunan ng bata…Hinangaan nito ang pangangailangan nang Ja’khar sa kagitingang dala nang mga mangangaso. Inisip nito na mapanganib ang kakahuyan at nakakatakot ang mga nakaambang na peligro.

Sinabi niya dito na bata pa ito, kaya nasasabi nito ang mga ganon. Na kung tutuusin na ang mga mangangaso ay wala rin ipinagkaiba sa mga magsasaka, mangingisda o sa kahit anomang gawain sa Ja’khar. Na lahat kailangan ang isa’t isa, at nagtutulungan.

Nang gabing iyon naging hapunan nila ang mga prutas, pukyot at natirang niluto nilang isda. Tinanong nito sa kanya kung kakilala niya ang ama nito. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Tinanong nito sa kanya kung ano itsura nito. Sinabi niya na katulad ito nang ibang Jingkar, na walang ipinagkaiba. Sinabi niya mabait ang ama nito. Na nang minsang humagupit ang isang malakas na sama nang panahon, marami itong natulungan sa kanilang bayan lalo na sa mga nasasakupan nang mga ito. Kinahuhumalingan din ito nang mga babae sa kanilang bayan, halos lahat hindi magkadarapa kapag nakikita ito…mahal na mahal nang ama nito ng ina nito at ganon ang Adi Hiba sa Hadi Karim.

Sinabi nito sa kanya na bata pa lamang ito nang mamatay ang Afu nito, namatay sa matinding kalungkutan…sa isang sakit na walang lunas. Nalulong ito sa matinding kalungkutan hanggang sa nagpakamatay at sinundan nang amma nito. Tinanong nito sa kanya kung naaalala pa ba niya ang ama nito at hindi niya ito itinanggi.

Tinanong nito sa kanya kung maging ang ginawa nang tahanan nito hindi pa ba niya nakakalimutan.

Hindi siya nakasagot.

Wika nang Hadi Yasir sa kanya, “hindi ko alam kung ano ang itsura nang baba. Walang sinasabi sa akin ang aking ina…na kahit ano.”

Pagtataka nang Hadi Walid, “kahit ang iyong mga kapatid!”

Umiling-iling ito.

Wika nito sa kanya, “nagtungo ang Hadi Mahdi sa amin…hiningi nito sa nanna na maging isa itong Hadezar.” Nagtaka siya. Dagdag nang Hadi Yasir, “pumayag ang nanna na maging hadezar at pinuno at patnugot nang aming tahanan.”

Tanong niya sa Hadi Yasir, “alam mo ba ang ibig sabihin noon?”

Tumango-tango ang Hadi Yasir sa kanya bilang tugon. Sinabi nito sa kanya na sinabi nang mga kapatid nito na hindi magtatagal ay magiging Hadezar din ito nang tahanan.

Sinabi niya ang pagiging Hadezar, ang pinakamakapangyarihan tungkulin sa kanilang bayan at pinakamaimpluwensya.

At isa lang ang ibig sabihin nito, hindi magtatagal mawawala na rin ang pagiging Kalisag nang tahanan ng mga Barakat.

Tanong niya sa Hadi Yasir, “natatakot ka!”

Umiling-iling ito. Sinabi niya dito na mabuti kung ganon na wala itong dapat na ikatakot.       

Bago ang tuluyang pagbukang liwayway ginising niya ito. Tinawag niya ito at sa paggising nito pinakita niya dito ang pagbukang-liwayway habang nasa Magiting na kabundukan sila.

Inalay niya ang kanyang sarili sa tahanan nang mga Barakat. Kinatay niya sa harapan nang bagong tahanan ng mga Barakat ang nahuli niyang batang Saola. Inalay niya ang pirapiraso nitong bahagi sa bawat Jingkar. Hindi nagtagal tinanggal nang Hadi Yasir sa kanya ang kanyang pagiging Kalisag.

Tinuruan niya ang Hadi Yasir sa pangangaso…pinakilala niya ito sa lahat nang kanyang mga kakilala, kahit ang ina nito pinakilala niya rin sa lahat nang kanyang mga kakilala. Nagustuhan nila ang Hadi Yasir. Ikinatuwa nila ang kanyang anak-anakan.

At pinangako niya sa kanyang sarili na aalagaan niya ito at babantayan. Marami siyang natutunan sa kanyang Hadezar. Marami silang naging pagsasama sa paglipas nang mga panahon. Mga paglalakbay sa hilagang bahagi nang Malayang Andes. Pinakita nito sa kanya ang mundo at natutunan niyang pahalagahan ang kanyang sarili at itakwil ang lahat nang pag-iimbot na kanyang nararamdaman.

Naglaho ang lahat.  

Sinabi nito sa kanya minsan na alam nito ang balak niyang pagpatay dito noong bata pa lamang siya. Tinanong niya ito kung natakot ba ito. Bagay na itinanggi nito sa kanya…Sinabi nito sa kanya na utang nito ang buhay nito sa kanya. At siya alay niya ang kanyang buhay dito.

Lumipas ang mga panahon…dumaan ang maraming pagkakataon. Marami na ang umaalis sa bagong tahanan nang mga Barakat, at siya nanatili pa rin sa tabi nang kanyang Hadezar. Ngunit hindi rin ito nagtagal. Hiniling nito sa kanya na kailangan na nilang maghiwalay. Nagtaka siya. Naguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, kung may nagawa ba siyang masama o mali dito…o kung may pagkukulang ba siya sa Hadi Yasir.

Itinanggi ito lahat nang kanyang anak.

Sinabi nito sa kanya na hindi dahil sa hindi na siya nito kailangan kung bakit kailangan nilang magpakalayo…kung hindi dahil hinangad nito sa kanya na magkaroon nang maganda at maayos na buhay. Tumatanda na silang pareho, darating ang panahon hindi na rin nila kakailanganin ang isa’t isa.

Ibinitang niya na kagagawan ito nang Hadi Mahdi. Sinabi niya sa Hadi Yasir na noon paman alam nilang pareho na gusto na nang Hadi Mahdi na maghiwalay silang dalawa. Ipinagpilitan niya sa kanyang anak na iyon ang totoo…at hindi ito itinanggi nang Hadi Yasir sa kanya. magkagayonman ito hindi pa rin ito ang dahilan kung bakit kinakailangan niyang umalis.

Hiniling niya dito na sabihin nito sa kanya kung ano nag tunay na dahilan kung bakit kinakailangan nilang maghiwalay.

At sinabi nito sa kanya na higit itong kailangan nang ina nito at kailangan nitong tuparin kung anoman ang hinihingi nang Adi Hiba dito.

Wika nang Hadi Walid, “ang maging masama ka? Ang magkamali ka! Tinuro ko sa iyo na hindi mabuting gamitin ang karahasan. Marami na tayong nagawang pagkakamali, Hadi Yasir…at alam mo na kung gusto mong maging Hadezar higit pa sa iyong ama higit pa sa iyong afu. Hindi dahas ang sagot para kilalanin ka at makilala ka.”

Wika nito sa kanya, “alam ko iyon!”

Iniwan niya ito. Tinalikuran niya ito at pinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya babalik pa sa tahanan nang mga Barakat, maging sa Ja’khar. Iniwan niya ang Hadi Yasir. Iniwan niya ito nang walang halong kahit anong pagpapaalam sa kanyang anak. Umalis siya sa Ja’khar tulad nang pinangako niya, naglakbay siya sa katimugan nang Malayang Andes. Binabay niya ang nagbabagang disyerto. Sa tulong nang iilang nagmagandang loob sa kanya na patungong Qaa’ur nakaligtas siya sa sama nang panahon sa malawak na disyerto. Nagtungo siya sa Ka’desh kung saan inakala niya na may dadatnan siyang magandang bukas para sa inaasam na pagbabago, ngunit nagkamali siya…hindi rin siya nagtagal sa Ka’desh, buwan ang lumipas at mga araw pinili niyang lumayo sa lupain nang mga kulandong at mga Kesh…sa makamundong daigdig nito at sa mga sigalot at sinundan niya ang paglalakbay nang mga nakilala patungo sa Qaa’ur at sa mga banal na isla nang liwanag nang buwan kung saan sa tulong nang mga Sul nakahanap siya nang kapayapaan…nang pagiging kuntento sa buhay. Marami siyang natutunan sa mga Mata. Nagsaksihan niya ang pamosong espada nang bughaw na langit, ang banal na relikyang itinatago nang mga ito sa loob nang halos dalawang libong taon.

Tinuruan siya nang mga kaparian, at nang mga mangangalakal. Hindi naglaon sumama rin siya sa mga ito at nakilala ang Hadi Muqqabit na naging malapit sa kanya sa paglalakbay patungo sa Malawak na Andes nang kanluran, sa mga guho nang Asbalta at higit sa lahat sa mga malalaking tipak nang yelo nito at sa mga matataas na nagyeyelong kabundukan na tunay na kaibig-ibig at hindi matatawaran. Tatlong taon din siyang nawala sa Ja’khar. Kinalimutan niya ang lahat ngunit maspinili niyang bumalik nang sa tingin niyang tama na ang lahat at nakita niya na ang buong mundo.

Sakay sa sasakyang nang mga mangangalakal na mga Karabbana bumalik siya sa Ja’khar, mula sa daungan nang Asbalta patungo sa baybayin nang Ja’khar. Ilang araw na rin siyang nanatili sa karagatan at nang bumalik siya marami na ang nagbago. Higit nang masmaimpluwensya nang mga Harith; sinalanta nang isang masamang panahon ang kanyang bayan at pinipinilit nitong makabangon mula sa abot nang makakaya nito.

Bumalik siya sa kanyang tahanan, nakita niyang walang pinagbago ang mga ito. Maayos at walang nangyaring masama sa kanyang iniwang kabahayan. Ilang araw pa lamang ang nakakalipas may isang hindi inaasahang panauhin ang bumisita sa kanya at tinanong kung maaari siyang makausap—ang Hadi Mahdi, kasama ang anak nito na si Hadi Nasrin, ang asawa nang Adi Makbule.

Nag-usap sila. Tinanong nito sa kanya kung kailan siya bumalik. Sinabi niya tatlong araw nang nakakalipas. Tinanong nito sa kanya kung kamusta ang kanyang paglalakbay sa Malawak na Andes at maging sa Ka’desh.  Sinabi niya ayos lang. Tinanong nito sa kanya kung nagkita na ba sila nang kanyang anak…at sinabi niya hindi pa. Tinanong niya ito kung ito ba ang dahilan kung bakit ito naparito bagay na hindi itinanggi sa kanya nang kabatsoy na Hadezar.

Alam niya ang dahilan nang pagpunta nito. Alam niyang hindi siya gusto nito para sa Hadi Yasir. Alam niya na gusto nitong hindi na sila magkita pa…Sinabi niya sa Hadi Mahdi na wala itong dapat na ipag-alala, na hindi siya makikipagkita sa Hadi Yasir.

Bagay na pinagdudahan nang Hadi Mahdi. Sinabi nito sa kanya na maliit lamang ang Ja’khar para hindi sila magkita nang kanyang anak. Tinanong nito sa kanya kung alam ba nito na Hadezar na ang kanyang anak. Bagay na kanyang sinang-iyunan…alam niya na matagal nang patay ang Adi Hiba, pabalik pa lamang siya nang Ja’khar nang malaman niya ang malungkot at kalunos-lunos na balita.

Sinabi nang Hadi Mahdi sa kanya na ang katotohanan liban lamang sa gusto siya nitong makita ay kung maaaring maglingkod siyad dito. Bagay na labis niyang kinasusuklaman. Sinabi nito sa kanya na makabubuti kung sa ilalim nang pamumuno nito siya kikilos upang magawa kung anoman ang kanyang gusto, at bilang isang Jingkar ay maging isang mabuting huwarang mamamayan nang kanilang bayan.

Ngunit tumanggi siya. Tinanggihan niya ito, bago pa lamang itong matapos kung anoman ang sasabihin pa sa kanya nang Hadi Mahdi.

Sinabi nito sa kanya na sayang naman kung hindi niya gagamitin ang mga natutunan niya at nalaman, sa kanyang mga paglalakbay habang wala siya sa Ja’khar. Sinabi nito sa kanya magiging isa itong malaking pakinabang, datapwat nanatili ang kanyang sagot sa minumungkahi nang Hadezar nang tahanan ng mga Harith, “hindi”—iyon ang kanyang sagot sa Hadi Mahdi.

Matapos ang kanilang pagkikita kaagad din itong umalis sa kanyang pamamahay.

Higit kaninoman, sa lahat nang mga Hadezar ito ang masmasahol at hindi niya hahayaang malaman nito kung anoman ang kanyang mga natutunan sa pagpunta niya sa Ka’desh at sa kanyang paglalakbay sa ibayong dagat.

Ikinasal ang kanyang anak sa panganay na babae nang Hadi Yusuf at Adi Arwa nang tahanan ng mga Roshan. Sinubukan niyang makipagkita sa Hadi Yasir. Sinubukan niyang makita ang kanyang anak kahit sandali lang, nagawa niya nakita ito…hindi siya nito nakita. Ayos lang sa kanya ang mahalaga makita niya itong masaya sa piling nang bago nitong asawa…

Lumipas pa ang mga araw, nagpatuloy ang kanyang buhay…nakipagkita siya sa mga dating mga kakilala at naging kaibigan. Sa mga ito nalaman niya ang kabutihan nang kanyang anak, ang kagandahango-loob nang kanyang manugang. Naging masaya siya para sa kanila, at iyon ang mahalaga sa kanya.

Hindi nagtagal nagkita rin silang mag-ama. Hiningi din nito sa kanya ang kanyang tulong na bantayan ang asawa nito at tulungan siya nito na mapangalagaan ang kanilang tahanan sa paghahandang gagawin nito laban sa tahanan nang mga Harith, ang paghingi nang pagbali sa ugnayan nang dalawang tahanan at pagkakaroon nang tahanan nang mga Barakat nang sarili nitong kalayaan.

Hindi ito hinayaan nang Hadi Mahdi. Umigting ang hindi magandang pakikitungo nang dalawang tahanan sa isa’t isa. Nabalitaan na lamang nila na pinili nang mga kapatid nang kanyang Hadezar ang mga tahanang kinabibilangan nang mga ito. At wala siyang nagawa para tulungan ito…

Sa gitna nang pag-iisa nito, nakita niya itong nakaupo sa isa mga batuhang upuan na nakadikit sa dingding sa loob nang bulwagan ng tahanan. Tinawag niya ito.

Lumingon ito sa kanya.

Tinanong niya ito kung mayroon pa itong ipag-uutos sa kanya, bagay na tinanggi nito.  Sinabi niya dito na aalis na siya bagay na sinang-ayunan nito. At sa banta nang kanyang pag-alis tinanong siya nito kung ano ang kanyang tingin sa kanilang bayan. Nagtaka siya.

Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito. Bagamat sinabi niya kung ano ang sa tingin niyang totoo, na marami na siyang napuntahan…kung saansaan niya nakapag-ikot at wala pa rin makakahigit sa kanilang bayan na itinuturing nilang kanila. Sinabi niya sa Hadi Yasir na ito ang kanyang tahanan, ang Ja’khar. Na kahit anong mangyayari babalik at babalik siya sa Ja’khar.

Sinabi nito sa kanya na hindi nito hangarin na magkaroon nang kaguluhan.

Bagay na kanyang pinaniwalaan.

Sinabi niya sa Hadi Yasir, na hindi magtatagal, alam niya, makakabangon din ang Ja’khar sa dati nitong tinatamasang kasikatan at karangyaan. Na hindi magtatagal muli rin itong makikilala nang lahat tulad sa pinapangarap nang kanilang mga ninuno na magiging isang bayan na para sa lahat ang kanilang lipunan, higit pa sa Qaa’ur ni sa daungan nang dating Asbalta.

Muli bumulusok ang tudla sa kanyang katawan. Naramdaman niya ito…parang kirot sa kanyang dibdib na unti-unting umatake sa kanya nang palihim. Isa…dalawa…tatlo at sa pang-apat bumagsak siya sa sahig nang silid nito at ang huli niyang nakita ang mukha nang asawa nang kanyang Hadezar.

Pinikit niya ang kanyang mga mata. Narinig niya ang nakabibinging mga ingay. Naamoy niya ang latak na mitya…narinig niya ang pag-iyak nang sanggol. Ang init nang apoy sa pagbagsak nang mga haligi at unti-unting pagtupok nang apoy sa kanya at sa buong kabahayan. Bumagsak ang tahanan nang kanyang anak. Bumagsak siya kasama nito…nagkamali siya nang pagtitiwala sa mga ito.

Pininsala nang masamang panahon ang Ja’khar at tulad nang inaasahan, lalo lamang inilubog nang mataas na baha ang kanyang bayan.

Lumingon siya sa gitna nang mataaas na sika nang araw, sa alikabok na dulot nang mga nililipad na mga buhangin at nakita niya ang Adi Hikmet sakay kay Amarok…binabagtas ang daan patungo sa tahanan nang mga Parvana.

Hindi siya kumibo. Wala siyang sinabing kahit ano sa ginagawa nang Adi Hikmet laban sa kanyang anak. Alam niya na isa itong patibong…alam nang kanyang Hadezar na isa itong patibong. Ngunit ano ang magagawa niya, hindi siya nito pakikinggan kahit anoman ang gawing pagpigil niya dito sa pagpasok sa tahanan nang mga Parvana. Iniwan siya nitong nag-iisa, kasama niya ang alaga nitong si Amarok. Pumasok ito sa tahanan ng mga kalaban nang kanyang asawa, hindi niya dinala si Amarok sa loob nang yungib nang tahanan nang mga Parvana…binantayan niya ito habang nasa labas siya at hinihintay ang paglabas nito.

Ngunit sa hindi inaasahan nakita niya ang pagdating nang Hadi Mahdi at nang Hadi Mirza sa patungo sa tahanan nang mga Parvana. Nakasalubong siya nang mga ito. Nakita siya nang mga ito datapwat hindi siya pinansin nang Hadezar nang tahanan nang mga Roshan, nagbigay naman sa kanya nang paggalang ang Hadi Mahdi. Binuksan nang Hadi Mirza ang lagusan nang tahanan lumapit ang Hadi Mahdi sa kanya. Nakaramdam siya nang pag-aalinlangan sa Hadezar nang tahana nang mga Harith datapwat sinubukan siya nitong kamayan at kamustahin ngunit hindi niya ginawa ang pagkamay dito.

Pinaalala nito sa kanya ang kanilang napag-usapan. Na huwag nitong kalimutan na hindi pa huli ang lahat.

Hindi niya maintindihan kung anoman ang ibig nitong sabihin.

Narinig niya ang pagtawag nang Hadi Mirza dito.

Alam niyang isa itong patibong. Na ang lahat nang ito ay kagagawan nang mga kalaban nang kanyang anak.

Matapos noon tinalikuran siya nito at pumasok sa loob nang tahanan nang mga Parvana.  Naiwan silang dalawa nang Hadi Mirza. Pinagtakahan siya nito datapwat hindi siya nito kilala at hindi pa siya nito nakikita.

Tinawag siya nang Adi Sule. Dalidali siyang pumasok sa loob nang tahanan nang mga Parvana…nakita niya ang asawa nang kanyang anak na walang malay. Nagtaka siya. Tinanong niya ang mga ito kung ano ang nangyari. Sinabi sa kanya nang Adi Atiya at nang Hadi Mahdi na wala siyang dapat na ipag-alala, nahimatay lamang ang Adi Hikmet habang nag-uusap ang mga ito.

Kasunod noon tinanong nang Hadi Mahdi kung maaari ba silang mag-usap nang sarilinan, bagay na kanyang tinanggap. Sinabi nang Hadi Mahdi sa kanya kung ano ang pinag-usapan nila nang Adi Hikmet, ang pagtataksil na ginawa nito sa kanyang anak at lalong pagdiin nito sa Hadi Yasir, at sa balak nitong pagpatay sa Hadi Khalil bagay na kanyang itinanggi sa Hadi Mahdi.

Sinabi nang Hadi Mahdi sa kanya na pangalagaan niya ang Hadi Yasir laban sa Adi Hikmet. Na ang noon paman alam na nang Hadi Mahdi ang impluwensya nang asawa nang kanyang anak dito. Mapanganib ang Adi Hikmet. Matapos ang kanilang pag-uusap nagpasalamat ito sa kanya dahil nandito siya ngayon at pinangangalagaan at binabantayan ang tahanan nang mga Barakat.

Bago sila umalis nang Adi Hikmet pinaalala nang Hadi Mahdi sa kanya na huwag na huwag niyang kalilimutan na alagaan ang tahanan nang mga Barakat, lalong-lalo na ang kinabukasan nang tahanang kanyang pinagtatanggol sa kahit anomang mangyari…Kasunod noon tuluyan na silang umalis sa tahanan nang kanyang mga kalaban.

Sa pagbalik nila nang tahanan nang mga Barakat nakakalong na ito sa kanya, nakayakap sa habang pinapakilos niya si Amarok pabalik nang kanilang tahanan ng kanyang asawa.

Sa ginawa nang Adi nasa matinding kapahamakan ang tahanan nang mga Barakat. Ang tahanan nang kanyang anak na pilit niyang pinangangalagaan sa kamay nang mga gustong mang-abuso o manghamak dito. Ngayon wala na siyang magagawa pa kung hindi ipagtanggol ang kanyang anak, at ang tahanan nito laban sa asawa nito…Tulad nang kanyang tinalima sa ibinilin nito sa kanya na pangalagaan ang asawa nito, ibinalik niya ang Adi Hikmet sa tahanan nang mga Barakat malayo sa kapahamakang maaari pang idulot nang kanilang mga kalaban.

Pagpasok nito sa lagusan nang tahanan nang mga Barakat tuluyan niya nang tinalikuran pa ang pag-aalaga at pagbabantay sa asawa nang kanyang anak sa halip pinili niya kung papaano niya mapaghihiwalay ang dalawa at hindi na nito lalong mailalagay sa matinding kapahamakan ang tahanan nang mga Barakat at ang kanyang anak.

Nagtungo siya sa tahanan nang mga Harith upang kausapin ang Hadi Mahdi. Tinanong niya dito kung ano ang nalalaman nito sa Adi Hikmet. Nagtaka sa kanya ang Hadezar. Sinabi nito sa kanya na kagagawan nang Adi Hikmet kung bakit pilit na hinihingi sa mga ito ang pagbali nang anomang ugnayan at kasunduang namamagitan dito at sa tahanan nang mga Barakat. Bagay na hindi naman lingid sa kanya. Tinanong niya ang Hadi Mahdi tungkol binabalak nito sa tahanan nang mga Barakat…

Ngunit ngumiti lamang ito. Sinabi nito sa kanya na anak pa rin ang kanyang turing sa Hadi Yasir at tulad niya, nagmamalasakit din siya sa kapakinabangan at ikabubuti nang kinabukasan nang tahanan nang mga Barakat. Magkaibaman ang kanilang gawi sa isa’ t isa ngunit hindi pa rin noon maiaalis na ang pangunahing kahalagahan nang kanilang mga ginagawa ay para sa Hadezar nang tahanan nang mga Barakat.

Hiningi nito sa kanya na tulungan niya ito…nagtanong siya sa alin. At sinabi nito sa kanya pag-intindi sa Hadi Yasir na walang mangyayaring kabuluhan kung gagamit ito nang dahas para sa pansarili nitong mga ambisyon. Lalo na sa kaligtasan at kinabukasan nang tahanan nang mga Barakat.

Sinabi nito sa kanya hindi magtatagal, pasasaan ba ang pinapangarap nang kanilang mga ninuno ay magkakatotoo isang Ja’khar na malayo sa kaguluhan at nagkakaisa. Isang Ja’khar na para sa lahat.

Hindi nagtagal sinabi nito sa kanya na kailangan nilang patayin ang Adi Hikmet. Ito lamang ang tanging paraan. Hiningi nang tahanan nang mga Harith ang kanyang tulong at ibinigay niya ito. Wala siyang nagawa…kailangan niyang patayin ang Adi Hikmet at ang magiging anak nito para ipaunawa sa kanyang anak na hindi nararapat sa kanya ang Adi Hikmet.

Sa pagdating nila sa tore nang mga Hadezar nang Hadi Yasir nakita nila ang tuluyang pagguho nang pinagmamalaki nang lahat na pagbagsak nang tore nang mga Hadezar. Sila ang unang dumating sa tore. Hindi niya inakala na ganito kalaki ang magiging sira nang saligan nang Ja’khar. Sinabi sa kanya nang Hadi Yasir na wala siyang dapat na ipag-alala. Lumingon siya dito. Sinabi nito sa kanya na gusali lamang ang nasira hindi ang kalipunan nang mga Hadezar.

Kasunod noon ibinigay nito sa kanya si Mamé at umakyat ito sa mga baitang nang tore ng mga Hadezar.

Hindi niya inakala na hahantong ang lahat sa ganito…sa kamatayan nang Adi Hikmet, sa pagbagsak nang tahanan ng kanyang anak. Sinubukan niyang ipaunawa sa Hadi Mahdi na baguhin ang desisyon nito ngunit sinabi nito sa kanya na kung hindi nila magiging kakampi ang tahanan ng mga Barakat ay sagabal lamang ito sa kanilang kagustuhan para sa pagkakaisa at kapayapaan nang buong Ja’khar—ang pinapangarap nang kanilang mga ninuno.

Sa pag-alis nila sa tore nang mga Hadezar tinanong niya sa kanyang hadezar kung ano na ang binabalak nito. Gayong hindi ito kumibo. Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay. Hinatid nila pabalik ang mga Anino nang tahanan ng mga Barakat sa barikada at maliit na tahanang nakalaan sa mga ito. Nagbigay ang kanyang Hadezar nang paggalang sa mga ito. Kasunod noon kinausap nang Hadi Yasir ang isa sa mga Anino nang tahanan nito.

Sinabi nito sa Anino kung ano ang maaaring mangyari sa mga susunod na mga araw. Na magkakaroon, dadanak ang dugo sa lupa nang tulad nang kanilang inaasahan at pagbabago na matagal nang natigil mahigit apatnaraang taon ay muling ibabalik at ipagpatuloy.

Sinabi nito sa mga Anino na may pagkakataon pa para suwayin kung anoman ang inuutos nito. Maaari pang tumalikod ang mga ito at bumalik sa tore nang mga Hadezar kung saan nagmula ang mga ito. Inulit nito na dadanak ang dugo sa Ja’khar, magkakaroon nang kaguluhan na hindi nila hinahangad. Matapos noon umalis na lamang ito nang biglaan palabas nang tinitirahan ng mga Anino nang tahanan nito.

Lumapit siya sa kanyang anak. Tinanong niya ang kanyang Hadezar kung ano ang bumabagabag dito.

Sinabi nito sa kanya na natatakot ito sa mga mangyayari. Nakakaramdam ito nang kahinaan sa sarili nito. Nang agam-agam sa gagawin nito at sa mga mangyayari. Pinaalala niya sa kanyang hadezar ang kanyang sinabi nito, na kung papatay ito hindi dapat itong magdalawang isip. Na gawin nito kung anoman ang kinakailangang gawin nito. Na kung sasaktan nito ang mag-ina at aagawin nito ang tahanan nang mga Ardashir mula sa mga nagkakait dito…ay higit sa lahat hindi ito dapat panghinaan nang loob at makaramdam nang pag-aalala.

Lumingon ito sa kanya mula sa pagkakatalikod nito.

Tumango-tango at bago ito bumalik sa tinitirhang nang mga Anino nang tahanang pinamumunuan nito sinabi niya sa Hadi Yasir na may gusto siyang sabihin dito.

Sinabi nito sa kanya na alam nito ang kanyang ginagawang pagtataksil sa tahanan nito at ang balak niyang pagpatay sa asawa nitong si Adi Hikmet.

Hindi siya nakaimik. Kasunod noon bumalik ito sa tinitirhang nang mga Anino nang tahanan nito.

Bumalik siya sa kanyang tahanan habang bumalik na mag-isa nag kanyang anak sa pinamumunuan nitong tahanan kasama ang asawa nitong nagdadalang-tao. Sa kanyang pagbalik sa tahanan sa hindi inaasahan nakita niya ang dati niyang kasamahan sa pangangalakal at paglalakbay kasama nang mga mangangarabana. Lumapit siya dito.

Tinanong niya ito kung kailan pa ito bumalik.

Sinabi nito sa kanya nang nakaraang araw lamang ito nakabalik. Sinabi nito sa kanya na marami na ang nangyari sa kanilang bayan simula nang umalis ito, simula nang umalis sila.

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Tinanong niya ito kung ano ang ginagawa nito malapit sa kanilang tahanan.

Sinabi nito sa kanya na pinagtanong-tanong nito sa mga nakakakilala sa kanya kung saan siya nakatira, aanyayahan sana siya nito na sumama sa pagdiriwang kasama nang pamilya nito sa huling paggunita nang amma sa pagkamatay nang afu matagal na panahon na, at dahil ito na huli magiging malaki ang pagdiriwang.

Tinanong niya dito kung kailan.

Sinabi nito sa kanya na bukas.

Sinabi niya dito na hindi siya maaaring pumunta dahil magiging abala siya kinabukasan.

Nagtaka ito sa kanya. Tinanong nito sa kanya na kung maaaring ipagpaliban ang gagawin niya bukas alang-alang sa kanilang pagsasamahan ngunit tumanggi siya. Sinabi niya na hindi na pwedeng ipagsawalang bahala at iliban kung anoman ang kinakailangan niyang gawin bukas. Iyon lang ang tanging paraan.

Tinanong siya nito kung hindi na ba siya nito mapipilit. Bagay na kanyang tinanggi.

Bago ito umalis, tinanong niya ang Hadi Muqqabit kung hindi ba’t matagal nang patay ang afu…bagay na sinang-ayunan nito.

Sinabi nito sa kanya na ito kasi ang huling ulit na gugunitain nang amma ang asawa nito at natatakot ang amma nito na baka hindi na matadaan pa o maalala nang matanda ang asawa nito dahil na rin sa tinatamong katandaan nang babae.

Sinabi niya dito na nakakalungkot lang isipin na mauuwi ang lahat sa ganito.

Pagtataka nito sa kanya kung ano nga pala ang meron…

Hindi siya umimik bagkus nagpaalam ito sa kanya at nagpaalam siya dito.

Nang umagang ito, nagising siya na nag-iisa sa kanyang tahanan. Bumangon siya sa kanyang hinihigan. Naghilamos siya nang mukha. Kumain siya nang kanyang agahan na nilagang mais at rimas. Kasunod noon hinanda niya ang kanyang susuotin. Kinuha niya ang kayumangging Báta na may mga paekis na mga burda, gayak na ginagamit niya sa kanyang pangangaso, ang busog at tudla. Ang mga biyas at mga manggas na balat sandalyas. Sinturon na gawa sa balat. Itinali niya ang lalagyan nang tudla sa kanyang beywang at kasunod noon saka siya umalis nang kanyang tinitirhang na gawa sa pawid.

Nagtungo siya sa tahanan nang mga Harith. Sinamahan siya nang Hadi Nasrin at nang ilang mga Anino nang tahanan nang mga ito na magtungo sa tahanan ng mga Barakat. Alam nila kung ano ang balak nang kanyang anak. Sinabi niya sa mga ito kung ano ang gagawin nang Hadi Yasir sa araw na ito, na aalis ito pupunta ito sa tahanan nang mga Ardashir at kukunin nito ang tahanan upang agawin sa mag-iina at patayin ang mag-iina habang maiiwang nag-iisa ang asawa nito na si Adi Hikmet.

Sa pagdating nila sa tahanan nang mga Barakat sinabi niya sa Hadi Nasrin kung maaari niyang makausap muna ang Adi Hikmet at pilitin itong sumuko. Lumingon ito sa kanya. Sinabi nito sa kanya na ang utos nang ama nito ay patayin ang Adi Hikmet at pasukuin. Sinabi nito sa kanya na matagal nang huli ang lahat para sumuko lamang ang Adi Hikmet at Hadi Yasir sa ginagawa nang mga ito na panggugulo at paninira nang kapayapaan nang kanilang bayan.

Nakiusap siya. Kahit sandali lang…bigyan siya nang pagkakataon na makausap ito. Alam nilang nagdadalang-taong ang Adi Hikmet, hindi niya maaatim na kung ang batang dinadala nito ay mapahamak dahil sa pagkakamali nang mga magulang nito.

Sumang-ayon ang Hadi Nasrin. Sinabi nito sa kanya na bibigyan siya nito nang pagkakataon na pasukuin ang Adi Hikmet. Na kapag sumuko ito ikukulong nila ito sa tahana nang mga Harith at kapag nanganak ito doon nila bibitayin ang Adi Hikmet.

Tumango-tango siya bilang pagtalima dito.

Agad siyang umalis sa tahanan lupon nang mga Anino na nasa harap nang tahanan nang mga Barakat at pumasok sa loob nang tahanan ng kanyang anak. Alam niya may pagkakataon pa. Alam niya maaari niya pang iligtas ang anak nang kanyang anak.

Agad niyang hinanap ang Adi Hikmet. Agad siyang nagtungo sa silid nito. At nang buksan niya ang pintuan at makita niya ang kunan na nasa loob nang silid nang mag-asawa agad siyang lumapit sa kunan.

Gusto niyang makita ang anak nito.

Gusto niyang makita ang kanyang apo sa kanyang anak.

Ngunit sa paglapit niya, wala siyang nakitang kahit ano. Nagtaka siya. Tinanong niya sa kanyang sarili kung nasaan ang mag-ina. Kung ano ang pagkakamali na ginawa niya. Gayon naalala niya ang sinabi nang Hadi Yasir sa kanya na alam nito kung ano ang kanyang ginawang pagtataksil sa tahanan nito at sa mag-ina nito.

Bumukas ang tahana lagusan nang tahanan nang mga Barakat pumasok ang mga Anino nang tahanan nang mga Harith kasama ang panganay na anak nang Hadi Mahdi. Lumapit ang Hadi Nasrin sa kanya narinig niya ang pagtawag nito sa kanya at sa kanyang pagbaling nakita niya ang tudla na nakaumang sa kanya.

Sinabi niya dito, “wala sila…”

Sinabi nito sa kanya, “alam ko!”

Nagtaka siya. Sinabi niya, “nakatakas sila!”

At pinakawalan nito ang tudla sa hawak nitong busog at bumulusok ito sa kanyang dibdib…sinundan nang pangalawa, nang pangatlong pagtarak at sa pagtarak nang pang-apat sa kanyang dibdib, bumagsak siya. Lumapit ang Hadi Nasrin sa kanya. hawak ang patalim, sinaksak siya nito sa dibdib. Pinatay siya nito.

Ang Hadi Nasrin

Inutusan nang Hadi Nasrin an sunugin ang tahanan nang mga Barakat. Binuhusan nila ito nang alkitran at sinunog nila ang tahanan nang mga Barakat. Matapos noon umalis sila at nagtungo sa tahanan nang mga Ardashir kung saan naroroon ang Hadi Naveed, ang kanyang pinakamamahal, upang tulungan itong pabagsakin ang tahanan nang mga Barakat una at higit sa lahat ang tuluyan nitong pagbagsak.