KABANATA LABING-PITO:

ISANG MAHABANG UMAGA

Nanaginip ako. Nanaginip ako ng isang masamang panaginip. Nanaginip ako nang panaginip na parang totoong-totoo. Na sa sobrang totoong-totoo hindi ko na alam kung nananaginip pa nga ba ako o hindi. Ngunit hindi ko ito pinagsawalang bahala, ni minsan hindi ko pinagsasawalang bahala ang aking mga. Ang aking mga panaginip ay nagkakatotoo.

Nang dinilat ko ang aking mga mata nang umagang ito, nakita ko ang basag na sulyaw na nasa sahig nang aming silid. Ang bumagsak na mataas na lamesa na pinaglalagyan ng mga gamit ng aking asawa. Ang mga nakakalat na gamit nang Hadezar. Ang nakatuping sulat na malapit sa nakataob na lamesa. Nakahilis ako nang higa. Nakatagilid sa kanya sa takot na baka makita ko ang kanyang mukha at makaramdam ako nang matinding galit na hindi ko pa nararamdaman. Natakot ako na makita siya…natakot ako na baka mangyari ang aking mga kinatatakutan at magkatotoo ang aking mga panaginip. Ang mawala siya sa akin, ang hindi ko na siya makita pang muli.

Sinubukan kong humiga na ang aking likod ay nakadapa sa aming kama. Sa paghiga ko nabaling ang aking pansin sa kisame nang aming silid. Ang pagal na mga kahoy na walang kahit anong larawan ang nakakatawag sa aking pansin… ang mga nabubulok na bahagi na unti-unti nang nasisira at kinakailangan nang palitan. May liwanag mula sa nauupos na apoy na nakababad sa sulyaw na may timsim. Bahagyang nakabukas ang aming silid at nandito ang itim na asong-gubat na binabantayan ang aking pagtulog.

At nang mabaling ang aking pansin sa kung nasaan siya madalas na humihiga wala siya sa aking tabi…hindi siya natulog sa aming silid. Hindi niya ako hinanap o pinagmalabisan…hanggang ngayon nagmamatigas pa rin siya sa akin. Hanggang ngayon nagmamatigas pa rin ako sa kanya. Siguro masyado kong hinayaan ang kanyang mga layaw sa takot na hindi ko siya maunawaan at matanggap. Ang totoo hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling mawala siya sa akin, o mawala sa amin ang lahat.

Nilapag ko ang aking kamay sa bahagi nang kama na madalas niyang hinihigan. Hinawi ko ito sa aking kamay at saka ko binalot ang aking mga kamay, nilukot ko ito na handa nang pagsang-ayon at pagtalima sa aking mga kamao.

Tumayo ako sa aking hinihigan. Sinuot ko ang sandalyas na nasa sahig sa paanan nang aming higaan. Nagtaka ako. Nagtaka ako dahil hindi ko maalala na dinala ko ang aking mga sandalyas sa loob pagpasok ko sa aming silid…siyang tunay na hindi ko dinala…nandito siya kanina, nandito siya kanina at hindi ko man lamang namalayan na nandito siya kanina, hindi niyaman lang ako ginising. Nagbihis siya bago siya kumilos at sinimulan ang umagang ito.

Kinuha ko ang balabal na nakasabit sa uluhan ng aming higaan. Ibinalot ko ito sa aking katawan…Tinago ang aking mga braso at mga kamay sa lamig nang umagang ito na hindi pa sumisikat ang araw at malilim pa ang mga ulap na nagtatago sa magandang kalangitan na kulay abo sa mga sandaling ito.

Kasabay nang aking paglabas, sinutsutan ko si Amarok. Tinawag ko siya mula sa kanyang pagkakahiga sa paanan ng aming kama. Sumunod siya sa aking paglabas sa aming silid. Sinarado ko ang lagusan at nagpatuloy…

Sa aking paglalakad, naamoy ko ang niluluto sa loob nang aming silid-lutuan. Ang ginagawang pagluluto nang aking asawa para sa aming agahan. Nagtungo ako sa loob nang aming silid-lutuan. Nakita ko ang Hadi Yasir nakatalikod sa akin at nagluluto. Amoy mo ang mahalimuyak na amoy nang pagkain. Ang karneng ginigisa sa sarsang may maanghang na pampalasa at pulang bunga na niligis at niluto sa malalim na kawali. Nakabukas ang pugon sa loob nang silid. Naghahanda ang aking asawa nang tinapay na siya mismo ang may gawa at natutunang gawin sa pakikihalubilo niya sa mga nasasakupan nang tahanan ng mga Ardashir…isang tinapay na walang lebadura na may, pinong-pino sa pagkakalapad, walang lasa at amoy-pinipig….

Kalat sa buong paligid ng silid ang amoy nang kanyang niluluto…Napakasarap na amuyin ang maginhawang halimuyak na nakakagutom sa sikmura.

Lumapit sa kanya si Amarok. Sinusuyo siya nang aming alaga. Napilitan na rin akong pumasok sa loob nang silid. Hindi nakapagtatakang magiliw sa kanya ang aming mga alaga…siya ang nag-alaga sa mga ito at nag-asikaso. Ang kabutihan nang kanyang puso ay tago sa kanyang mga paghihigante at pagmamatigas.

Nagtungo ako sa kung nasaan ang mga nakataob na pitsel. Hinugasan ko ito at kasunod noon tinabuan ko ito nang tubig sa banga.  Matapos noon ipinatong ko ito sa ibabaw nang gawaang lamesa. Lumapit ako sa kanyang tabi… kumuha ako nang mga pinggan, sulyaw at mga kubyertos na nasa tabi nang lutuan. Ibinigay ko sa kanya ang sulyaw at dalawang pinggan…habang dinala ko ang iba pa sa ibabaw nang mataas na lamesa na nasa gitna nang silid. Tinanggal ko ang mga gamit sa ibabaw nang gawaang lamesa. Inilipat sa ibang lamesa na nasa loob nang silid lutuan kasunod noon sinimulan kong ayusin ang lamesa. Pinagharap ang dalawang pinggan sa magkabilang dulo nito. Inibabaw ang mga kubyertos at inilagay ang mga upuan sa magkabilang dulo.

Kumuha nang isa pang sulyaw ang Hadi Yasir. Kasunod noon sinalukan niya ito nang sarsa na may karne nang Saola. Dinala ito sa labas nang silid-lutuan na sinundan ni Amarok, dahilan upang lumabas din ito nang aming silid. Kasunod noon kinuha ko ang mga tinapay na walang lebadura sa loob nang walang apoy na pugon. Ipinatong ko ito sa ibabaw nang mataas na lamesa sa pagitan nang dalawang pinggan. Kumuha na rin ako nang mga baso at inilagay ang mga ito sa kung nasaan ang mga pinggan. Sa pagbalik nang aking asawa kinuha niya ang ibinigay kong malaking sulyaw. Inilagay niya ang halos lahat ng laman nang malalim na kawali sa malaking sulyaw. Matapos nito ipinatong niya ang sulyaw sa ibabaw nang kahoy na lamesa at nilagyan nang panandok. Ibinigay niya ang buong kawali kay Amarok upang manimot.

Sinabi ko sa kanya na hindi niya lang basta-basta mapapaalis si Amarok…

Hindi siya kumibo. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinakausap. Wala siyang balak na kausapin ako. Magkasama kaming nag-almusal. Kumain kaming magkaharap kapwa sa isa’t isa, kapwa parehong nasa magkabilang dulo nang mataas na lamesa habang kumakain ng kanyang nilutong tinapay na walang lebadura na may palaman nang sarsa na may karne nang Saola. Kumuha siya nang nakakalasing na inumin. Uminom siya kahit higit pang maaga para gawin ito.

Nakabibingi ang katahimikang pumapalibot sa amin ngayong umaga…ngayon lamang nangyari ito na walang sinoman sa amin ang gustong magbigay…Madalas ako ang nagbibigay sa kanyang mga pagkakamaling nagawa sa akin, ako ang umuunawa at tumatanggap…ngunit hindi ko na alam kung magagawa ko pang pagtiisan ang nakabibinging katahimikang ito. Tumingin ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang pagal niyang itsura. Ang huwad na pagiging kanyang mahinahon. Ang kanyang maingat na pagkilos. Binaba ko ang hawak kong kutsara sa aking pinggan. Tinanong ko siya, “kung ganon saan ang punta mo ngayon?” isang pagal na tanong sa kanyang mapagpanggap at sinungaling na mga pagkilos.

Lumingon siya sa akin. Sinabi niya, “pupuntahan ko ang Hadi Basir, ngayon…mukhang may hindi magandang pakikitungo ang matandang Hadi sa mga dayuhang nagtatrabaho sa kanya at hindi siya mapilit nang kanyang mga anak na baguhin ang asal na madalas ay sinasawsawan pa nang asawa nito!”

Nagtaka ako, “hindi ba isang Qaa ang asawa nang Hadi Basir?”

Tumango-tango siya sa akin bilang tugon. Wika niya, “ang totoo hindi ko na alam ang gagawin ko, kung anong pagtingin ang gustong ituring nang mga may-ari nang lupa sa mga dayuhan…kahit ang mga dayuhan umaalma sa pakikitungo sa kanila nang ating mga nasasakupan. Nangangamba ako na baka paghantungan pa ito nang kaguluhan!”

Wika ko sa kanya, “hindi mo maiiwasan na magkagulo…bahagi iyon nang iyong pamumuno. Ang mahalaga ay paghandaan natin ang mga susunod na pagkilos!”

Ngumiti ang Hadi Yasir sa aking sinabi. Sinabi niya, “tama ka!”

Tanong niya sa akin, “kung gusto mo bakit hindi ka sumama sa akin…makabubuti na makita ka nila…tiyak matutuwa ang anak na babae nang Hadi Basir pagkakita sa iyo.”

Sinabi ko, “ikaw na lang…gusto ko man na kumilos ngunit nangangamba ako na baka wala akong magawa at isa pa hindi ko na rin kagustuhan ang magkikilos pa!”

Tanong niya sa akin, “hindi ba palagi kayong nag-uusap nang anak nang may-ari nang lupa?”

Sinabi ko, “Oo…”

Wika niya, “kung ganon sayang naman kung hindi ka sasama…isa pa ano rin naman ang gagawin mo dito hindi ba?”

Tinignan niya ako.

Tumingin ako sa kanya.

Hindi ako umimik. Sa halip ngumiti ako. Nginitian ko ang kanyang pabagsak at pagdududa…may dahilan ang kanyang pagdududa at tama siya; tama siya na nagsisinungaling ako sa kanyang mga pagal at malamlam na pagngiti na akala mo kaya niyang basahin kung ano ang susunod mong gagawin. Ngunit hindi niya naiintindihan kung ano ang kaya kong gawin…Ngumiti ako. Ngumiti ako sa kanyang kahambugan. Sa kanyang marahan na pagkilos at lubhang pag-iingat sa mga susunod niyang mga gagawin— O sasabihin!

Hindi ako katulad niya. Pinagmasdan ko ang kanyang pagkain. Pagkatapos nito tumayo siya sa kanyang kinauupuan sa aking harapan. Nilapag niya ang kanyang pinggan sa hugasan. At kinuha ang baso at muli itong tinagayan nang nakakalasing na inumin, saka siya lumingon sa akin…

Kung pwede lang naming kalimutan ang mga nangyari kagabi. Ngunit hindi ko pwedeng kalimutan na sinaktan niya ako, ako habang dinadala ang kanyang magiging anak, ang kanyang pangarap at panaginip…ang kanyang panganay.

Wika ko, “sa tingin ko kailangan na natin tigilan ito!”

Nagulat siya.

Pagpapatuloy ko, “alam ko may nagawa akong mali! At hindi ko gusto na magkaganito tayo…na hindi nag-uusap! Ayoko nang makipag-away sa iyo!”

Wika niya sa akin, “ako rin, hindi ko rin gusto ang ginagawa ko! Ang hindi tayo nag-uusap. Kaya makabubuti pa, bago pa lumala ang lahat, tigilan mo na ang ginagawa mong pagpunta sa Adi Atiya.”

“Hindi!”

Nagalit siya sa akin. Binawalan niya akong makipagkita sa Adi Atiya o pumunta sa tahanan nang mga Parvana…sinabi niya sa akin na hindi na ito kailangan pang pag-usapan. Na hindi ito isang pag-uusap kung hindi isa itong utos mula sa kanya. Ngunit umangal ako. Sinabi ko sa kanya na gagawin ko pa rin ang pakikipagkita sa Adi Atiya, o ang pagpunta sa tahanan ng mga Parvana kahitman tumutol siya sa aking gagawin o samahan niya ako.

Sinabi niya sa akin bakit ba mahirap kong intindihin ang kanyang mga pag-aalala. Na matigas ang ulo ko at padalosdalos ako sa aking pagkilos. Na alam kong hindi ito magiging maganda sa aming tahanan…na higit sa lahat ay niloloko lamang ako nang Adi Atiya. Na ginagawa niya lamang ito para makuha niya kung ano ang gusto nito at maagaw ako sa kanya

Alam ko.

Tama siya.

Pero hindi ako magtitiis na lamang dito at magsasawalang bahala na maulit na naman ang lahat, dahil paulit-ulit na lamang ang kanyang ginagawa at wala nang nangyayari sa amin.

Sinabi ko sa kanya, “gusto mong sundin kita at tigilan ang kahibangang ito, kung ganon humingi ka sa akin ng tawad at aminin mo na ikaw ang nagkamali at hindi ako. Na ikaw ang sumira nang iyong pangako…hindi ako, at pinapangako ko sa iyo hindi na ako pupunta o makikihalubilo sa Adi Atiya kailanman, kung iyon ang gusto mo, Hadi Yasir.” Pero hindi niya ginawa. Sa halip nanatili siyang nakatayo…nakatingin sa akin. “kita mo na maging ikaw hindi mo rin kaya ang tumupad sa iyong mga pangako!”

Lumabas ako nang silid-lutuan ng aming tahanan. Iniwan ko siyang nag-iisa sa loob nang silid-lutuan. Galit na galit ako sa kanya…isang bagay lamang ang hinihingi ko sa kanya bakit hindi niya pa kayang ibigay sa akin. Mahirap bang humingi nang tawad sa pagkakamaling siya mismo ang may gawa…kaya ko siyang patawarin at pagbigyan, kung gugustuhin ko kalilimutan ko ang kanyang ginawa sa akin. Pero gusto ko humingi siya sa akin nang tawad…buong-buo at may katiyakan.

Bumalik ako sa aming silid. Pinigilan ko si Amarok sa pagsunod sa akin. Pumasok ako sa loob ng aming silid, sinarado ang pintuan at nanatili sa loob nang aming silid.

Mabuti na siguro ang ganito ang hindi kami nag-uusap. Ang hindi namin kayang unawain ang isa’t isa. Narinig ko ang pagkalmot ni Amarok sa pinto nang aming silid. kasunod noon narinig ko ang Hadi Yasir na sinutsutan si Amarok at tinawag…

Nananatili ako sa loob ng aming silid. Nakita ko ang sulat na nakakalat sa sahig, malapit sa aming higaan. Kinuha ko ito… Itinago sa aking mga kamay. Hindi niya ako papayagang umalis ngayong araw. Pipigilan ako nang sinoman na hahadlang sa akin sa pagpunta sa tahanan ng mga Parvana at makipagkita sa Adi Atiya.

Kumuha ako nang mga damit na susuotin niya sa kanyang pag-alis nang aming tahanan at pagpunta sa taniman nang mga puno nang buri. Kasunod noon lumabas ako sa aming silid. Sa pagbukas nang pintuan nakita ko si Amarok na nakaharang sa lagusan. Nakahiga siya sa sahig na mistulang maamong hayop na napagalitan. Nilaktawan ko siya sa aking pagtawid. Nagtungko ako sa loob ng bukalan-silid upang dalhin ang kanyang mga pamalit na damit sa loob nang bukalan. Sa pagpasok ko nakita ko siya sa loob nang bukalan, nagbababad sa mainit na tubig nang bukalan.

Ipinatong ko ang mga ito sa mataas na lamesa na malapit sa lagusan.

Tinawag ko siya.

Lumingon siya sa akin.

Sinabi ko sa kanya na hindi ko siyang gustong makitang umalis sa aming tahanan na lasing at lango. Na kung aalis siya at maghihintay ako sa loob nang aming tahanan gusto ko na lumabas siya nang maayos. Na walang masasabi ang iba laban sa kanya o sa akin. Tinanong ko siya kung nagkakaintindihan ba kami bagay na kanyang sinunod. Hiningi ko sa kanya na pagkatiwalaan niya ako, na alam ko kung ano ang ginagawa ko.

Datapwat wika niya, “papaniwalain ka niyang kaibigan ka niya! Sasabihin niya sa iyo kung ano ang gusto mong marinig. Ngunit ang totoo noon may iba siyang dahilan kung bakit gusto ka niyang kaibiganin. Ganon ang Adi Atiya!”

“Alam ko…”

“Hindi mo nauunawaan!”, giit niya, “hindi mo alam ang takot na ibinibigay mo sa akin!”

“Alam ko! Hindi ko hinihingi ang pahintulot mo. Gusto ko lang magpaalam.”

Hindi siya kumibo.

Kasunod noon iniwan ko siyang nag-iisa sa loob nang bukalang-silid.

Hindi nagtagal, iniwan niya rin akong nag-iisa sa loob nang aming tahanan. Nakasuot siya nang itim na Báta na gawa sa hinabing banig na mistulang baluti at malilim na bughaw na saluwâl na may mga burdang gintong alitaptap. Umalis siya sa aming tahanan upang gawin kung ano ang inaasahan sa kanya nang lahat. Nagtungo siya sa lupain nang mga puno nang buri at uway upang makipagtalastasan sa Hadi Basir at sa tahanan nito tungkol sa mga dinadaing nang mga dayuhang nagtatrabaho sa aming lupain sa pang-aalipustang ginagawa nang mga may-ari ng sakahan nang mga puno ng buri.

Pinagkatiwalaan niya ako tulad nang hiningi ko sa kanya, ang hindi niya alam kasabay nang kanyang pag-alis naghanda na rin ako para pumunta sa tahanan nang mga Parvana upang makipagkita sa bagong Hadezar nang tahanan.

Agad akong kumilos. Umalis ako sa aming tahanan at tinakasan ang pagdating at pagbabantay na ginagawa sa akin ng Hadi Walid na inaasahang sasama ngayong araw sa aking pagpunta sa tahanang kakampi nang mga kalaban nang aking asawa. Sakay kay Amarok binagtas ko ang kahabaan nang mga pananim ng mga puno ng Jaboticaba, na nagsisimula na namang muling magbunga na hindi magtatagal ay mahihinog at magmimistulang may sakit na ketong ang itsura.

Sa pagdaan ko sa nagsususong daan nakita ko ang isang Jingkar na naglalakad sa gilid nang daanan, may dala itong tiklis ng mga panaba na tila papunta sa direksyon nang aming tahanan. Nakilala niya ako. Nagbigay siya sa akin ng pamitagan bagay na aking binalikan nang paggalang, nang tuluyan na siyang lumayo sa akin, agad akong lumingon sa kanya. Inakala ko…mali ang aking akala, nilagpasan niya ang aming tahanan at nagtungo sa kinasasakupang lupain nang tahanang may-ari nang mga sakahan ng maisan.

Nagpatuloy ako sa aking paglalakbay.

Sa paglagpas ko sa nagsususong daanan, binabaybay ko naman ang daan na pinapalibutan nang mga tanim nang mga halaman nang rimas. Napadpad ako sa mga Kohlrabi kung saan muling may nakatawag sa aking pansin at nagbibigay nang paggalang matapos akong makita…ang aking akala ay nagkatotoo! Ang aking mga sapantaha na alam nang hadi Yasir ang aking ginagawa nang mga sandaling ito at sinusubukan niya lamang ako ay totoo.

Hindi naglaon narating ko ang dagat ng mga asin, na pumapagilid sa isang mahabang daanan patungo sa tahanan ng mga Parvana.

Mali ba ang aking ginagawa?

Inaamin ko, walang malugod sa kagustuhan nang ninoman na tanawin ko ang hatid na pagkakaibigan sa akin nang matandang Ading itinuturing ng lahat na isang hibang, ngunit anong gagawin ko sa kanya ako nakakita nang mga sandaling ito nang pagmamalasakit, sa akin at sa aking mga gustong sabihin.

Mali ba na pagkatiwalaan siya? Ang kakampi nang mga kalaban nang aking asawa…mali ba na hinahayaan kong gawin niya ang bagay na ito, na kahit may hinala na ako na ang lahat nang ito ay hindi totoo at pagkukunwari lang, mali ba na pagkatiwalaan ang mga sandaling ito gayong gusto ko lang na may makakausap na iba! Handang gawin ang lahat para sa kanyang tahanan alang-alang sa kanyang anak at sa tahanang ipinagkatiwala sa kanya nang buong kalipunan nang mga Hadezar! Kahit ang aking asawa, pinagkatiwalaan ang Ading hibang na maging Hadezar nang tahanan ng mga Parvana!

Nagpatuloy ako sa aking paglalakbay. At sa hindi kalayuan, natanaw ko ang malikmata nang liyaw nang aking asawa na naghihintay sa aking pagdating. Ang Hadi Walid! Nagpatuloy ako. Lumingon siya sa akin sa paglagpas ko sa kanya at saka siya sa akin nagbigay nang pamitagan.

Nilagpasan ko siya. Sinundan niya ako.

Sa pagtigil ko sa harapan nang tahanan ng mga Parvana tinulungan niya akong makababa.

Hindi ako kumibo…hindi siya kumibo…nakabibingi ang katahimikang pumapalibot sa aming dalawa. Bagay na aking ipinagpapasalamat sa mga sandaling ito. Sa kanya! Kinuha niya ang panali na hawak ko.

 Isa ba itong patibong?

Nagbabadya ba sa akin ang isang patibong nang hindi ko nalalaman…Ang magandang dayag bang ito nang tahanan ng mga Parvana ay isang malaking pagkakamali…siguro…siguro nga kagagawan ito nang Hadi Mahdi…siguro nga nagkamali ako.

Lumapit ako sa lagusan nang tahanan. Nagsimula akong kumatok. Nang sa tinging kong walang makaririnig nang aking pagkatok muli kong sinubukan. Nakita ko ang Hadi Walid sa dulo nang aking mata na palabas sa yungib…lumingon ako sa kanya. Tumango siya nang may banta nang kanyang pagsang-ayon sa aking ginagawa.

Ako ba ang panghibo sa lahat nang mga nangyayaring ito sa paligid ko nang hindi ko nalalaman?

Bumukas ang lagusan nang tahanan ng mga Parvana. Bumungad sa akin ang Hadi Naveed na nasa loob nang tahanan. Nagulat siya sa aking pagdating… Suot ko ang isang pilak na kwintas na may hugis buwan at batong perlas sa aking leeg…pulang saluwâl na burdado nang mga tansong-dilaw na mga ahas na Banakon na mistulang gumagapang at lumilingkis, na nakatapis sa aking buong katawan ng pahalang, nakasabit at nakatali sa aking balikat…Hubog sa aking katawan at tinatago ang mga panali at ibabaw nang suot kong damit na panloob na mahabang palda na ang laylayan ay hanggang sa bukung-bukong ng aking mga paa na may mga sandalyas na ang pabalat at ang mga panali ay gawa mula sa balat ng Mantahungal. Ang suot kong panloob na damit ay may burdado nang mga tutubi. Nakasinturon sa aking beywang ang mga balat na may mga bakal na hebilya. Nakaayos ang aking buhok nang malinis at nakatali ito sa aking likod. Sa aking kanang hintuturo suot ko ang isang luntiang batong singsing, habang sa kaliwa kong palasinsingan suot ko ang isang pilak na singsing na pulupot at may dalawang ulo nang ahas na may mga pulang bato at perlas…Samantala sa magkabilang kong mga tenga makikita ang mga pula at itim na mga maliliit na mga batong mga hikaw.

Tinanong niya ako kung ano ang ginagawa ko sa kanyang tahanan. Tinanong ko sa kanya kung nandito ba ang Adi Atiya…sinabi ko sa kanya na hinihintay ako nang kanyang ina. Bagay na lalo niyang pinagtakahan.

Ngumiti ito sa akin.

Sinabi nito na hindi niya alam na may inaasahan pala silang panauhin…magkagayonman pinapasok niya ako sa loob nang kanilang tahanan. Sa pagpasok ko, sinabi niya sa akin na ako pala ang dahilan kung bakit kanina pa aligaga ang Hadezar sa pag-aayos at pag-aasikaso nang kanilang tahanan.

Ngumiti ako. Sinabi ko, “ganon ba…nakakatuwa naman ang kanyang ginagawa! Kamusta na nga pala siya?”

Tugon nang Hadi Naveed, “kahit papaano maayos-ayos na ang aking ina!”

Pag-aalala ko, “umiiyak pa ba siya…matapos na mawala ang iyong ama.” Tinignan ako nang Hadi Naveed “patawarin mo ako hindi ko alam na nangangahas na ako?”

Wika niya, “ang totoo hindi ko alam na umiiyak pa rin siya sa pagkamatay ng aking ama! sinabi niya sa iyo iyon?”

Tugon niya, “oo…nang minsan kaming magkita…sinabi niya sa akin na nalulungkot siya, lalo pa ngayong wala na ang iyong ama sa kanyang tabi. Na hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Na paano pa siya mabubuhay.”

Ngumiti ang Hadi Naveed. Wika nito, “hindi ko alam na nararamdaman niya pala iyon.”

Wika ko, “siguro, hindi niya lang pinapahalata pero matatag ang iyong ina, Hadi Naveed at nakikita ko ang kanyang katatagan!”

Wika niya sa akin, “tama ka! —ano pa ang mga sinasabi niya sa iyo?”

Wika ko, “na gagawin niya ang lahat para ipagpatuloy ang kinabukasan ng inyong tahanan at ang sinimulan nang iyong ama.”

Ngumiti ito sa akin kasabay nang kanyang paglingon. Nang tumigil kami sa aming paglalakad, sinabi niya sa akin na tatawaging niya lamang ang Adi Atiya at kung makabubuti ay maghintay ako sa loob nang bulwagang silid kung saan ako tatanggapin nang Adi tulad nang kung ano ang nakaugalian.

Bagay na aking sinang-ayunan.

Bago siya tuluyang umalis sinabi ko sa kanya na higit kaninoman ay kailangan siya nang kanyang ina… upang tumulong. At matapos nito tinalikuran niya ako at pinuntahan kung nasaan ang Adi Atiya…

Pumasok ako sa loob ng bulwagan. Umupo ako sa isa mga batuhang upuang nakadikit sa dingding ng silid at sa aking paghihintay narinig ko ang tinig nang Adi Atiya na hinahanap ako.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo.

Lumapit siya sa akin. Sinalubong ako nang Hadezar nang na may tuwa at masibago…wika niya, “o Adi Hikmet!”— nang may ngiti sa mga pisngi at may kagalakan.

Siguro nga isa itong patibong. Siguro nga kagagawan ito ng mga kalaban ng aking asawa. Pero gayon pa man binungad niya ako ng may kagalakan…Niyakap niya ako nang mainit na pagtanggap. Sinabi niya sa akin na mabuti naman at nakarating ako…inabiabi niya ako sa kanyang tahanan…

Sinabi niya, “akala ko hindi ka na makakarating!”

Sinabi ko, “pwede ba naman iyon!”

Saka siya tumawa at sinundan ko nang pagngiti.

Kinamusta niya ang aking kalagayan, ang aking pagdadalang-tao. Tinanong niya sa akin ang madalas na tinatanong ng lahat kung kailan ako manganganak. Sinabi ko sa kanya na sa darating na pagpasok nang taglamig. Tinanong niya ako kung hindi ba ako mahihirapang manganak.

Sinabi ko sa kanya na nakahanda na ang lahat sa aking panganganak. Bagay na kanyang ikinatuwa at ipinagpasalamat.

Kasunod noon pumasok ang Adi Sule sa loob nang bulwagang silid kung nasaan kami nang Adi Atiya. Nagbigay ito sa akin nang pantawag na pamitagan. Kinamusta ako nang kapatid nang aking asawa. Sinabi niya sa akin na mabuti naman at nakarating ako.

Sunod na pumasok ang Hadi Naveed sa loob nang bulwagan. Sa pagpasok niya dala niya na ang palangganang naglalaman nang malinis na tubig at pamunas. Bumalik ako sa aking pagkakaupo sa mga upuang bato na nakadikit sa dingding ng bulwagan. Kasabay noon inilapag nang Hadi Naveed ang palangganang naglalaman ng malinis na tubig sa sahig.

Nang nakaupo siya nang patingkayad sa aking harapan una niyang hiningi sa akin ang aking kaliwang paa. Ibinigay ko ito sa kanya. Tinanggal niya ang sandalyas sa aking kaliwang paa. Binuhusan niya ito gamit nang kanyang kamay nang malinis na tubig, inalmuhasan at ibinabad sa malinis na tubig na nasa palanggana at saka niya ito pinunasan gamit nang malinis na pamunas na iniabot sa kanya nang kapatid nang aking asawa. Saka niya sinuot sa aking kaliwang paa ang aking sandalyas.

Kasunod noon hinugasan niya ang kanan kong paa at tulad din nang ginawa niya sa aking kaliwang paa, hinugasan niya ito…inilubog sa malinis na tubig na nasa palanggana, inalmuhasan at pinunasan nang pamunas na kinuha niya mula sa pagkakasampay sa kanyang hita habang naka upo siya aking harapan. Matapos noon binalik niya sa pagkakasuot ang aking sandalyas sa aking kanang paa.

Matapos ang pagtanggap sa akin nang tahanan nang mga Parvana, sinabi sa akin nang Adi Atiya na may pinaghanda siyang pananghalian sa aking pagdating.

Bagay na aking ikinatuwa at ipinagpasalamat sa Ading hibang.

Nagtanong ang Adi Sule kung hindi ba ako hinahanap sa amin nang kanyang kapatid.

Sinabi nang Adi Atiya sa kanyang manugang na ano ba naman ang masama kung dito ako magtatanghalian sa kanilang tahanan. Isa akong babaeng Jingkar, malaya kong gawin kung anoman ang gusto kong gawin. Bagay na kanyang itinanong sa akin at aking pilit na sinang-ayunan. Wika niya, “mabuti naman kung ganon…isa pa hindi ka naman dito gugutumin—kaya bakit niya kailangang mag-alala?”

Matapos noon niyaya niya akong magtungo sa bilugang silid nang tahanan ng mga Parvana bagay na aking pinaunlakan. Ipinagmalaki niya sa akin ang maliit at bilugang silid sa dulong bahagi nang isa sa mga madidilim na pasilyo. Sinabi niya sa akin na madalas siya doong nagpapalipas nang mga araw. Doon maaari kaming makapag-usap nang sarilinan.

Tinanong nang Hadi Naveed ang kanyang ina kung doon rin ba namin gagawin ang panananghalian. Bagay na sinang-ayunan nang Adi Sule at sinabi sa amin na makabubuti kung doon kami magtatangahalian, gayong upang hindi na rin ako kinakailangan pang magkikilos.

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Atiya.

Sa paglabas namin nang bulwagan agad kaming umalis papunta sa bilugang silid. Hinawakan nang Adi Atiya ang aking braso. Inakbayan niya ako.  Kasabay nito, tinanong niya ako kung nagawa ko na bang makapaglibot sa kanilang tahanan. Bagay na aking sinang-ayunan.

Nagtaka siya. Tinanong niya sa akin kung kailan. Sinabi ko sa kanya na inilibot ako nang Adi Makbule sa unang palapag nang kanilang tahanan nang araw din na mailibing ang kanyang yumaong asawa, ang dating Hadezar.

Wika niya, “siya nga, pero dito lang unang palapag! Hindi bale huwag kang mag-alala pagkatapos nang ating tanghalian iikot ang buong tahanan. Sinisiguro ko sa iyo na magugustuhan mo mga makikita mo.”

Nagpatuloy kami sa aming paglalakad.

Sa madilim na pasilyo sa kaliwang bahagi nang tahanan ng mga Parvana. Binuksan nang Adi Atiya ang pintuan at kasabay nito nagliwanag ang madilim na pasilyo mula sa sikat nang araw na pumapasok sa mga durangaw nang bilugang silid. Maririnig mo dito ang pag-alon nang dagat. Ang mahalumigmig na simoy nang hangin na nagmumula sa malawak na dalampasigan kung saan mababaw pa ang tubig sa umagang ito.

Sa pagpasok namin sa loob, tinanong ako nang Adi Atiya kung ano ang masasabi ko sa buong silid.

Lumingon ako sa kanya, ngumiti ako at sinabi ko, “napakaaliwalas nang buong silid.”

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Isang silid na nagtataglay nang malalaking mga durangaw na abot tanaw ang lawak ng dalampasigan. Nagtataglay nang mga inukit na larawan nang mga puno ng mga Mandarina. Ang sahig nito ay kahoy at bato…maaamoy mo mula sa ibaba ang amoy nang yungib nang mga alagang asong-gubat. Ang masangsang na amoy na nagmumula sa labas nang kanilang tahanan.

Umupo ako sa isa mga batuhang upuan na nakadikit sa dingding sa loob ng silid. Sa paglapit niya hinawakan niya ang aking kamay. Nabaling ang kanyang pansin sa kagandahan nang aming paligid.

Wika niya, “tignan mo kahit saan ka lumingon makikita mo ang dalampasigan. Ang ganda hindi ba? Ang totoo iyan ang nakaisip nito ay ang Hadi Hagir. Pinangako niya sa akin ang lugar na ito pero ang hindi ko alam dito ko pala siya matatagpuang nakahandusay at wala nang buhay!”

Nabaling ang aking pansin sa kanya.

Nagtaka ako.

Nakita ko ang pagdaloy nang kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi.

Kasunod noon ngumiti ang Adi Atiya sa akin. Wika niya, “patawarin mo ako… sabi ko sa sarili ko hindi na ako iiyak!” Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga pisngi gamit ang kanyang kamay.

Wika ko, “patawarin niyo po ako!  Gusto ko kayong damayan kaya lang…”

Tugon niya sa akin, “wag kang mag-alala, naiintindihan ko!”

Ngumiti ang Adi Atiya sa akin.

Umupo siya sa aking tabi. Tanong niya ako kung maaari niya ba akong kaibiganin.

Tumango-tango ako…

Kasunod noon nagpasalamat siya sa akin.

Wika ko, “Kung hindi niyo mamasamain…at kung inyong pahihintulutan paano po ba kayo nagkakilala nang Hadi Hagir!”

Wika niya, “sabi nila tadhana na raw ang dahilan kung bakit nagkikita ang isa’t isa… nagkita kami nang Hadezar matapos akong ipakilala nang aking ama sa kanya. Patawarin mo ako Hadezar pa rin ang tawag ko sa kanya…kahit noong mag-asawa pa kami iyon ang turing ko sa kanya, isang Hadezar. Napakakisig nang Hadi Hagir nang bata-bata pa siya. Nang una pa lamang kaming magkita agad nang nahulog ang aking loob sa kanya! Pinakilala siya sa akin ng aking ama dahil gusto niyang magkaroon ako nang asawa. Kaso pangatlo ako sa mga pinagpipilian. Kaya naglakas loob ako…at ako ang kanyang naging asawa! —Kayo ba paano ba kayo nagkakilala nang Hadi Yasir?”

Sinabi ko sa kanya na ang una naming pagkikita nang hadi Yasir ay sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar, kasabay nang pagsilang nang aking asawa bilang Hadezar. Matapos noon sinundan ito nang maraming pagkikita hanggang sa hingin niya sa aking tiyo at ama ang aking kamay bilang kanyang kabiyak.

Wika niya, “nakakatuwa naman kayo!”

Nagtaka ako. Naglaho ang kanyang pansin sa akin at nabaling sa mga durangaw. Napansin niya ang mga Jingkar na mistulang langgam na naglalakad sa baybaying dagat at may mga dalang malalaking mga kahoy. Sinabi niya sa akin na gagamitin iyon sa paggawa nang mga sasakyang pandagat na gagamitin nang mga Harith.

Muli lumingon siya sa akin. Wika niya, “mahal na mahal mo ang Hadi Yasir, hindi ba?” hindi ako nakasagot. “Kaya lang hindi ba…sinasaktan ka nang Hadi Yasir?”

Siguro nga isa itong patibong na sa bandang huli ay aking pagsisisihan.

Hindi ako nakaimik.

Dagdag niya, “huwag mo sana itong mamasamain kaya lang gusto kong malaman kung hanggang ngayon pa rin ba ay sinsaktan ka pa rin ng iyong asawa?”

Sinubukan kong ngumiti sa kanya…na parang walang nangyari. Ngunit tinago ko ang aking mga ngiti. Naging tikom ang aking bibig. Tinanggal ko ang aking pansin sa kanya.

Yumuko ako. Pinikit ko ang aking mga mata. Hinawakan niya ang aking kamay… at tinanong niya ako kung hindi ba kami magkaibigan, tulad nang kanyang hiningi sa akin at aking ibinigay.

Sinabi niya sa akin na maaari ko siyang pagkatiwalaan bagay na aking ginawa…at inamin sa kanya na hanggang ngayon ay sinasaktan pa rin ako nang Hadi Yasir! Bagay na isang kasinungalingan.

Wika ko, “nakakahiya!”

Wika niya, “wala kang dapat na ikahiya! Ako rin hindi lang ikaw…nasaktan na rin ako nang Hadezar. Nang Hadi Hagir. Pero wala silang kasalanan hindi ba?”

Napatingin ako sa Adi Atiya.

Nakita ko siyang umiiyak. Wika niya, “pinilit lang nila tayo…pinagbantaan…sinabihan ng kung ano-ano Paulit-ulit…Paulit-ulit hanggang wala ka nang maramdaman sa iyong sarili!  Kung hindi paghihigante?”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Tanong nang Adi Atiya sa akin, “sabihin mo sa akin ang totoo, alam ba nang iyong asawa na nandito ka sa aming tahanan?”

Umiling-iling ako.

Hinawakan niya ang aking kamay. Wika niya, “mabuti! —Alam mo kung ano ang gusto kong gawin…dito ka na lang tumira sa amin, ipaayos ko ang silid na ito, ito ang magiging silid mo kung gugustuhin mo! Dito ka na lang.”

Ngunit tumanggi ako.

Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Tanong niya, “bakit ayaw mo? Hindi maganda ang aming tahanan para sa iyo? Sabihin mo sa akin saan ka titira…sa masahol mong pinagmulan!”

Hinawakan niya ang aking kamay nang madiin. Sinabi ko sa kanya na nasasaktan ako.

Wika niya sa akin, “wala kang utang na loob! Tinanggap kita sa aking tahanan tapos ganito ang ipapakita mo sa akin, hindi ko alam na isa kang mapagkunwari Adi Hikmet…kunwari may pakialam ka!  Kinakaibigan mo ako…nagmamagandang loob ka iyon pala puro panloloko ang ginagawa mo.”

Bagay na aking itinanggi.

“SINUNGALING!” sinubukan kong kumawala ngunit hinatak niya ang aking kamay.

“WALA KANG UTANG NA LOOB!”

Sinabi ko sa kanya na tama na…na nasasaktan na ako! Nakiusap ako sa kanya…

Sinabi niya sa akin na hindi ko siya manloloko, na alam niyang nagsisinungaling ako at katulad lang ako nang iba. Tumanggi ako.

Hanggang bumukas ang pintuan nang silid at pumasok ang Hadi Naveed.

Tinawag nito ang Adi Atiya. Wika nito, “ina!”

Sinampal niya ako.

Lumapit ang Hadi Naveed sa amin. Inawat niya ang kanyang ina. Niyakap niya ang Adi Atiya \ hanggang sa hindi na ito makawala pa. Pinaghiwalay niya kami. Inilapit nang anak ang bibig sa tenga ng ina nito. Dahilan upang tumigil ang Hadezar at ngumiti ito.

Kumawala ito sa pagkakagapos sa mga kamay nang Hadi Naveed.

Wika niya sa akin, “O Adi Hikmet… napakaganda nang katulad mong walang muwang! Maaari kang maghintay dito! Aayusin ko lang ang ating kakainin… maiba ako hindi ba makasasama sa iyo ang pagkain nang maanghang?”

 Umiling-iling ako.

“Mabuti naman kung ganon…” Tugon niya sa akin. Kasunod noon tumalikod siya sa amin nang Hadi Naveed. Lumabas nang silid habang naiwan kaming dalawang nag-iisa nang kanyang anak.

Humingi nang tawad ang Hadi Naveed sa akin sa ginawa nang kanyang ina. Sinabi niya sa akin na hindi alam nang Adi Atiya ang kanyang mga ginagawa…na kung sa inaakala ko na hindi totoo ang mga kumakalat tungkol sa kanyang ina ay nagkakamali ako. Na hindi lamang basta-bastang tinatawag ang ina nito na hibang ng walang dahilan. Muli humingi siya sa akin ng tawad. Sinabi niya sa akin na ipapasundo niya ako sa Adi Sule bago pa lumala ang lahat. Kasunod noon tinalikuran niya ako. Lumabas siya nang bilugang silid at sinarado ang lagusan.

Siguro nga isa itong patibong…at ako ang pain nang aking asawa. Pumayag siya sa gusto kong gawin…dahil alam niyang hindi niya ako mapipigilan. Ngunit hindi ko alam kung ano ang pinasok ko…kung ano ang nagbabadya sa akin laban sa kakampi nang aming mga kalaban.

Naiwan akong nag-iisa sa loob nang silid…iniisip kung papaano ako makakaalis sa ginawa kong pagkakamali. Tumayo ako sa aking pagkakaupo. Umikot-ikot ako sa loob nang bilugang silid. Hinintay ko ang pagdating ng Adi Sule upang samahan ako na umalis at iwanan ang tahanan ng mga Parvana. Hanggang bumukas ang lagusan at sa paglingon ko nakita ko ang Adi Atiya at ang Hadi Mahdi kasama ang aking tiyo.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit sila nandito…kung ano ang ginagawa nila dito.

Nagbigay nang paggalang ang Hadi Mahdi sa akin bagay na aking tinanggap. Wika niya sa Adi Atiya, “hindi ko alam na may bisita ka pala Adi Atiya? Mukhang nagambala namin ang inyong pag-uusap.”

Wika nang Adi Atiya sa Hadi Mahdi, “siguro naman ayos lang sa Adi Hikmet na maimbitahan ko rin kayo sa tanghalian—Hindi ba Adi Hikmet?”

Bagay na aking sinang-ayunan.

Wika nang Adi Atiya, “mabuti naman kung ganon!”

Lumapit sa akin ang aking tiyo. Niyakap niya ako. Sinabi nito sa akin na hindi nito alam kung ano ang nangyayari…Na dapat sana ay magkakaroon lamang sila nang pag-uusap nang Hadi Mahdi sa tahanan nito nang biglang magbago ang isip nang Hadezar at pumunta sila sa tahanan ng mga Parvana.

Sinabi nang Hadi Mahdi sa Adi Atiya na hindi pa sila nito tinatanggap ng Hadezar. Bagay na hiningan ng tawad nang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana. Bago ito umalis para kumuha ng palanggana na may malinis na tubig at pamunas, sinabi nito sa amin na mayamaya lamang ay nakahanda na ang pananghalian. At saka ito umalis.

Hinayaan niya akong maiwan sa aking tiyo at sa kalaban ng aking asawa nang nag-iisa. Bumalik ako sa aking pagkakaupo. Hinihintay ang pagkakataon na dumating ang Adi Sule at gumawa nang dahilan upang umalis ako sa tahanang ito at talikuran ang araw na ito pabalik sa aking asawa.

Sa aming paghihintay kinamusta ako ng Hadezar ng tahanan ng mga Harith.

Bagay na aking tinugunan at sinabing mabuti ang aking kalagayan. Kasunod noon ibinalik ko sa kanya ang tanong at tulad nang aking sinabi…sinabi niya rin sa akin na mabuti din ang kanilang tahanan.

Tinanong ako nang Hadi Mirza kung hindi ba sa akin makakasama ang aking paglabaslabas gayong hindi magtatagal malapit na rin akong manganak. Bagay na aking itinanggi. Tinanong ako nang Hadi Mahdi kung ilang buwan na ang aking dinadala.

Sinabi ko sa kanya na walong buwan.

Sinabi sa akin nang Hadi Mahdi na may katwiran ang aking tiyo.

Hindi ako kumibo. Nanatili akong walang imik sa kabila nang takot na hindi ko hinahangad.

Tinanong ako nang Hadi Mahdi kung hindi ba makasasama sa akin ang panganganak sa panahon nang taglamig, baka hindi ko makayanan.

Bagay na aking itinanggi…Sinabi ko na nakahanda na ang lahat nang mga gagamitin namin

Bagay na ikinagalak nang Hadi Mahdi.

Lumapit ang Hadi Mirza sa malalaking dungawan nang silid. Ikinatuwa niya ang malawak na dalampasigan at malamig na hangin na nagmumula dito.

Matapos noon kinamusta ko sa kanya ang kalagayan nang kanyang ina. Sinabi niya sa akin na mabuti naman ang kalagayan nang kanyang ina…Tinanong niya rin sa akin kung ano ang sa tingin kong magiging kasarian nang bata at gayong kung may nakahanda na ba kaming ipapangalan sa kanya.

Sinabi ko sa kanya na hindi ko alam kung ano ang magiging kasarian nang bata Gayonpaman, sinabi ko na maraming nagsasabi sa akin na magiging babae ang aming magiging anak nang Hadi Yasir.

Wika niya, “magiging mapalad ang iyong asawa kung ang iyong ibibigay sa kanya ay anak na lalake!”

Tinanong sa akin nang aking tiyo kung ano ang ipapangalan ko sa aming magiging anak.

Sinabi nang hadi Mahdi na mahalaga ang ibibigay na pangalan sa isang bata. Na dapat yung katangi-tangi at may pakinabang. Yung madaling tandaan…

Sinabi ko sa kanila na pinag-isipan na namin nang Hadi Yasir ang bagay na iyan at napag-usapan. Sinabi ko sa kanila na kung lalake ang aming magiging anak nang aking asawa ay gustong isunod nang Hadi Yasir ang pangalan nito sa kanyang nakilalang tiyo na si Hadi Rahim at kung babae inisip namin na magiging maganda ang pangalang Atilla.

Hindi nagtagal pumasok ang Adi Atiya na may dalang palangganang naglalaman ng malinis na tubig at pamunas…Tinanggap nang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana ang aking tiyo at ang Hadi Mahdi. Inuna nang Adi Atiya ang Hadezar ng tahanan ng mga Harith. Kasabay nito kinamusta nang Hadi Mahdi sa Adi Atiya kung kamusta na ang pamamalakad nito sa tahanan nito. Bagay na sinabi nang Adi Atiya na masmaayos na ang lahat kaysa dati…Sinabi nito na nagawa na nitong makapag-usap sa mga may-ari nang lupa tungkol sa pagpapasimula ng mga kulang na tanim ng mga halaman ng Agave.

Bagay na nagustuhan nang Hadi Mahdi. Sinabi nang Hadi Mahdi na sa lalong paglamig nang mga panahon hindi maikakailangang mahihirapang mamunga ang mga halaman nang Agave at lalong ikinababahala ang pagpasok nang panahon ng taglamig.

Sinabi nang Adi Atiya na kahit papaano ay mga nakaimbak pang nakakalasing na mga inumin sa mga imbakan kaya walang dapat na ipag-alala.

Kasunod noon tinanong ng Hadi Mahdi ang Adi Atiya kung ano na ang balita sa pinagagawa nitong mga sasakyang pandagat bilang pandagdag sa gamit nang mga mangingisda…bagay na sinabi nito sa Hadezar ng tahanang kakampi nito na inuumpisahan na ang paggawa sa mga sasakyang pandagat na pinamamalakaran nang Hadi Naveed.

Matapos na tanggapin ng Adi Atiya ang Hadi Mahdi sunod nitong tinanggap ang aking tiyo.

Matapos noon lumabas ang Hadi Mahdi upang kumuha nang mga upuan…sinundan ito nang Adi Atiya pagkatanggap sa Hadi Mirza. Nang naiwan kaming dalawa sa loob nang bilugang silid. Tinanong ko ang aking tiyo kung ano ang tunay na dahilan kung bakit siya lumapit sa Hadi Mahdi at gustong makausap ito.

Sinabi niya sa akin na hindi ko maiintindihan. Hindi ko sa kanya na ipaunawa niya sa akin

Tinignan niya ako…habang nakaharap kami sa isa’t isa at nakaupo sa mga gawang upuang bato na nakadikit sa dingding nang bilugang silid. At sinabi niya sa akin kung ano ang tunay na dahilan.

Wika niya, “may balak ang iyong ama na angkinin ang aking katungkulan bilang Hadezar at patnugot nang tahanan nang mga Roshan! At alam ito nang iyong asawa at tinutulungan niya ito na mangyari ang kagustuhan nang iyong ama!”

Hindi na ako nagulat pa. Tinanong ko siya kung ano ang dahilan nang aking ama para gawin iyon nito.

Ngunit tumanggi ang Hadi Mirza na sabihin ito sa akin.

Hanggang sa muling pumasok ang Hadi Naveed sa bilugang silid…sinundan ito nang Hadi Mahdi. Dala na nila ang isang mahabang lamesa na kanilang buhat-buhat. Matapos noon sinundan ito nang Adi Atiya at Adi Sule na may mga dalang mga upuan. Pagkaayos nang mahabang kahoy na lamesa lumabas ang Hadi Naveed upang kunin pa ang isang upuan. Nang maayos na ang lahat sa loob nang bilugang silid tumulong ang aking tiyo sa pagkuha nang aming pananghalian. Sinamahan ito nang Adi Atiya at sinundan nang Hadi Mahdi habang naiwan kami nang Adi Sule at ng Hadi Naveed.

Bahagyang sinarado nang Hadi Naveed ang lagusan. Hiningi ko sa kanya kung maaari niya na akong ilabas sa kanilang tahanan ngunit paghingi lamang nang tawad ang naging tugon nito sa aking pagsusumamo. Sinabi nang Adi Sule na hindi nila ito magagawa…na walang paraan para itakas ako sa Adi Atiya at sa patibong na nilikha nang tahanan ng mga Parvana. Sinabi sa akin ng kapatid nang aking asawa na hindi na dapat pa akong pumunta dito simula’t simula pa lamang.

Ngunit anong magagawa ko, huli na ang lahat!

Sa pagpasok nang aking tiyo, nang Adi Atiya at nang Hadi Mahdi nagsimula na ang aming tanghalian. Sa mahabang lamesa nakahanda ang karne nang Tapir na hiniwa-hiwa nang pinungpino, binubudburan ng sarsa na gawa sa bunurong bunga nang jaboticaba. Sa tabi nito makikita ang mga nilutong sigay na pinakuluan sa singaw nang mga puno ng buri. Sa kabila nito ang kakanin na mula sa niligis na Manioc at niluto sa pugon na may kasamang mga butil ng mais. Habang sa magkabilang dulo ay ang mga pitsel na naglalaman nang mga nakakalasing na inumin na sayang lamang ay hindi ko maiinom at malinis na inuming tubig. Parehong nakaupo sa magkabilang dulo ang Adi Atiya at ang Hadi Naveed. Habang ako ay nakaupo sa tabi nang aking tiyo, nasa aking kaliwa ang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana habang nasa aking harapan ang Adi Sule at ang Hadezar nang tahanan ng mga Harith. Nagsimula kaming mananghalian.

Nagpasalamat ang Adi Atiya sa amin.  Sinabi nito na tunay siyang nagagalak sa aming pagpunta. Sa kanyang paanyaya. Bagay na kanyang tatanawin bilang isang utang na loob. Itinaas niya ang baso na may lamang nakakalasing na inumin. Dagdag niya, “para sa ikauunlad at pagpapatuloy nang ating mga tahanan!”

Nagpatuloy kami sa aming pagkain.

Kinamusta nang Hadi Mahdi sa Hadi Naveed ang pangangasiwa nito sa mga hinihingi nitong mga karagdagang mga sasakyang pandagat na gagamitin sa mangingisda nito.

Tumingin sa kanya ang Hadi Naveed. Napatigil ang Hadi Naveed sa pagnguya. Matapos lunukin ang kinakain nito sinabi nito sa amin na maayos naman ang mga nangyayari sa pagawaan ng mga sasakyang pandagat…na ang tanging masama lamang na nangyari ay ang pagkamatay nang isang Hadi na gumagawa sa pagawaan ng mga sasakyan.

Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Mahdi…gayong maging ito ay narinig din ang nakakalungkot na balita. Sinabi nang aking tiyo na hindi maiiwasan ang mangyaring ang bagay na iyon… na may mangyari mangyayaring aksidente. Na bahagi na siguro nang aming buhay ang mamatay at hindi ito dapat binabaliwala.

Wika nang Adi Atiya, “ngunit bukod lamang doon ay masasabi namang maayos ang gawain sa mga sasakyang pandagat. Ang totoo nga iyan kung hindi niyo naitatanong ay nagkaroon na nang botohan sa unyon nang gumagawa ng mga sasakyang pandagat at ang Hadi Naveed ang binotong panibagong pinuno nang samahan!”

Wika nang Hadi Mahdi, “mabuti naman kung ganon.”

Tanong nang Hadi Mirza, “Hadi Mahdi kung hindi mo mamasamain bakit ka nga pala nagpapagawa nang dagdag na mga bangka gayong sa iyong kinasasakupan ay marami naman nang mga sasakyang pandagat na maayos pa at maaari pang gamitin?”

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi sa tingin ko…sa nagdaang masamang panahon sa atin, marami ang nasirang mga sasakyang pandagat na hindi na maaaring pakinabangan pa. Marami sa mga sasakyang pandagat ko ang natangay nang mga malalakas na alon na bumaha sa dalampasigan. Sinira ang iilan at nagdulot nang kasawian sa aking mga pinapatnugunan! Ang kinatatakot ko ay lalo pa’t maaaring dumating ang mga susunod na masmalakas pang masamang panahon sa ating bayan gayong makabubuti na ang mag-ingat.”

Wika nang Adi Atiya, “parang kailan lang nang nagtatanghalian pa tayo Hadi Mahdi kasama ang aking yumaong asawa. Hindi ba?”

 Bagay na sinang-ayunan nito.

Kasunod noon narinig ko ang pagtawag sa akin ng Hadi Mahdi dahilan upang mapalingon ako sa kanya. Tanong niya, “totoo ba na hanggang ngayon ay sinasaktan ka pa rin nang iyong asawa?”

Napatingin sa akin ang aking tiyo.

Ngumiti ako. Sinabi ko, “hindi ko alam na maging kayo ay nakikinig sa mga bulung-bulungan, Hadezar!”

Wika niya, “kung ganon walang basihan ang mga sinabi sa akin ng Adi Atiya?”

Tumingin ako sa Adi Atiya. Pinagkatiwalaan kita…

Hindi siya umimik.

Wika niya, “totoo ba ang sinabi sa akin nang Adi Atiya? Na hanggang ngayon ay sinasaktan ka pa rin nang iyong asawa Adi Hikmet?”

Hindi mo lamang ako inilagay sa alanganin bagkus hinayaan mo pang masira ang pagtitiwala ko sa iyo!

Pinilit ako nang Adi Atiya na sabihin ko sa kanila kung ano ang sinabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay. Hinawakan niya ito nang mahigpit. Sinubukan kong magpumiglas.

Wika nang Adi Atiya, “ang totoo iyan…” Lumingon sa akin ang Ading hibang.

Nakita ko ang pag-aalala sa aking tiyo.

Wika nang Hadi Mirza, “ano ang totoo, Hikmet?”

Pagpupumilit nang Adi Atiya, “sige na Adi Hikmet… sabihin mo na sa kanila ang totoo! Kailangan nilang malaman ang totoo!”

Tumingin ako sa Ading hibang. Sa Ading handang makinig sa akin sa mga sandaling kagaya nito at handang alalayan ako sa mga sandaling kagaya nito. Nagkamali siya nang sasaktan.

Tumango-tango ako sa kanya bilang tugon. Lumingon ako sa kanila. Kasunod noon sinabi ko kung ano gusto nilang marinig.  Nang gabi bago ang lahat ng ito, nanaginip ako…nanaginip ako nang isang masamang panaginip. Napanaginipan ko ang kamatayan nang aking asawa. nakabigkis siya sa isang punong tuod, nakaluwa ang kanyang tiyan at bituka habang nakabagsak ang kanyang ulo. Nakakatakot ang panaginip na iyon, na makita mo ang lahat nang iyong pinapangarap ay mautas mula sa iyong mga salita at mawala sa iyo nang tuluyan.

Wika ko, “sinasaktan niya pa rin ako!” nagsimulang mamunto ang aking mga mata, mabalot nang luha ang aking mga paningin. Napayuko ako sa kahihiyan…Doon nagsimula ang pagtulo nang aking mga luha.

Nagulat ang Hadi Mirza. Nagalit ang Hadi Mirza. Wika niya, “akala ko ba hindi ka na sinasaktan nang iyong asawa? Dinadala mo ang kanyang magiging anak sa iyong sinapupunan, wala siyang utang na loob.” Isang kasinungalingan. “Tinuring namin siyang parang bahagi nang aming tahanan!” Isang kasinungalingan. Tumayo ang Hadi Mirza mula sa pagkakaupo nito.

Sinubukan siyang pigilan nang Hadi Mahdi.

Isa itong pagkukunwari…ang lahat nang ito ay patibong! Ako ang kanilang panghibo at ang aking tiyo ang kanilang panauhin sa pagganap na ito.

Wika nang Hadi Mirza, “sinaktan niya ang aking pamangkin. Pinagbantaan ko na siya noon sinabi ko na sa kanya na kapag inulit niya pang saktan ang aking pamangkin papatayin ko siya. Papatayin ko siya!”

At iyon ang totoo…iyon ang totoo! Lumabas din ang lahat sa kanilang mga labi ang kagustuhan nilang saktan ang aking asawa. Ang patayin ang Hadi Yasir at tuluyang pabagsakin ang tahanan ng mga Barakat.

Wika nang Hadi Mahdi, “pakiusap Hadi Mirza bakit hindi ka muna umupo. Pakinggan natin ang kung anoman ang sasabihin sa atin nang Adi Hikmet. Pakiusap!”

Umiling-iling ang Hadi Mirza. Wika nito, “hindi…”

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi natin pwedeng patayin ang Hadi Yasir. Sa gagawin mong iyan lilikha ka lamang nang kaguluhan. Sabihin mo Hadi Mirza nakalimutan mo na ba ang nangyari sa pagitan nang aking tahanan at nang tahanan ng mga Ardashir?”

Wika nang Adi Atiya, “tama ang sinabi nang Hadi Mahdi. Parang awa mo na…Hadi Mirza, umupo ka.”

Napilitang umupo ang aking tiyo…nabaling ang mga atensyon ng mga ito sa akin…

Tanong nang Hadi Mirza, “kung ganon ano ang gagawin natin! Hindi ako uupo lang dito at walang gawin sa walang utang na loob na iyon!”

Wika nang Hadi Mahdi, “mula sa simula pa lamang ay ginagamit at niloloko na tayong lahat nang Hadezar nang tahanan nang mga Barakat. Pinapaikot niya lamang tayo sa kanyang mga kamay nang tulad nang isang laruan! Hindi ko ito inakala na magagawa nang Hadi Yasir sa Adi Hikmet. Iba ang pagkakakilala ko sa bata…ngunit mukha sa mga nangyayari ngayon sa ating bayan. Sa mga naririnig ko sa laban sa kanya na hindi maganda, lalo pa’ t ngayon nalaman ko na totoo pala ang kumakalat na bulong-bulungan na sinasaktan pa ito nang Hadi Yasir ay sa tingin ko ay kailangan nating paniwalaan ang mga kumakalat ngayon!”

Pinikit ko ang aking mga mata.

Wika nang Hadi Naveed, “sa tingin niyo po ba ay magagawa iyon nang Hadi Yasir?”

Umalma ang aking tiyo. Tanong niya sa Hadi Naveed, “anong ibig mong sabihin Hadi Naveed na nagsisinungaling aking pamangkin sa akin…sa atin? Hindi kayang magsinungaling nang aking pamangkin! Malamang iyan wala siyang nalalaman sa ginagawa nang kanyang asawa!”

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi sa tingin ko Hadezar! Sa tingin ko alam niya kung ano ang ginagawa nang kanyang asawa…isang taon na silang nagsasama, hindi magtatagal isisilang niya ang kanilang panganay malabo na wala siyang nalalaman kahit ano!”

Wika nang Hadi Mirza, “pero hindi ba dapat ka rin sisihin, Hadezar! Ikaw ang may kagagawan nang lahat nang ito! Simula pa lamang ikaw na ang naglagay sa Hadezar nang tahanan nang mga Barakat sa kanyang katungkulan!”

Tanong nang Adi Atiya, “sa tingin mo?”

Wika nang aking tiyo, “ano pa nga ba…ngayong malinaw na sa akin ang lahat mula sa simula pa lamang ang lahat nang ito ay kagustuhan at pinaghandaan nang Hadezar nang tahanan nang mga Barakat laban sa tahanan ng mga Harith. Simula’ t sapul pa lamang ikaw na ang may kagagawan nito, kung hindi mo nilagay ang iyong pagmamataas at pagmamalabis sa kalipunan nang mga Hadezar hindi mangyayari ang lahat nang ito…ang madamay ang lahat!”

Lumingon ako sa Adi Atiya. Tumingin siya sa akin. Tinignan niya ako.

Tanong nang Adi Atiya sa akin, “mayroon ka pa bang hindi nasasabi sa amin Adi Hikmet?”

Mofe iwou Adi Hikmet!

                                                                        Kailangan Kita Adi Hikmet!

Alam ko!

Tumango-tango bilang sagot.

Wika ko, “akala ko” tinanggal ko sa pagkakapatong ang aking mga kamay sa lamesa. “Magiging ayos na ang lahat…pero sinimulan niya na naman akong saktan. Gabi-gabi na lang pagkagaling niya sa tahanan ng mga Ardashir…” Nakapatong ang aking mga kamay sa isa’t isa, ang kaliwa sa kanan. Niyayapos nang aking mga daliri ang likuran nang kanan kong kamay. “Matapos siyang makainom…sinusubukan niya akong gahasain at saktan!” alam ko kailangan ko itong gawin. Diniin ko ang aking kaliwang kamay sa aking mga nakapamaluktot na mga daliri. Yumuko ako. Hanggang tumulo ang luha sa aking mga mata. “wala akong magawa! Takot na takot ako! Pinipilit niya ako! Wala akong magawa…”

               Mofe waxa’açzi dubro’dhoshlhe.

                                                                                        Kailangan Ka Nang Aking Tahanan.

Nagtaka ang Hadi Naveed, “ano ang ginagawa niya sa tahanan nang mga Ardashir gabi-gabi?”

Wika ko, “sinasanay siya nang Hadi Khalil na maging Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir kapalit nang pamumuno nito dito at maging tagapagmana nang tahanan!”

Wika nang Hadi Naveed, “hindi ba labag iyon sa batas ang maging Hadezar nang dalawang makapangyarihang tahanan? Alam ko ipinagbabawal ito!”

Alam ko!

Wika nang Hadi Mahdi, “kailan ito nangyari?”

Wika ko, “noong pumunta ang Hadi Khalil sa libing nang isa naming mga may-ari nang mga sakahan bago ang masamang panahon na tumama sa ating bayan. Ibinigay nang Hadi Khalil sa aking asawa ang tagapagmana nang kapangyarihan sa pamumuno sa tahanan nang mga Ardashir…Kapalit noon ang pagtakwil nito sa tahanan nang mga Barakat upang maging Hadezar at gawin akong kapalit niya sa pamumuno at pagiging Hadezar nang kanyang tahanan doon, makukuha namin ang dalawang makapangyarihang mga tahanan upang pabagsakin ang inyong tahanan, Hadi Mahdi!”

Wika nang Hadi Mirza, “sabi ko na nga ba…iyan ang mangyayari!”

Tumingin ako sa Adi Sule. Hindi niya magawang makatingin sa akin. Isa itong pagtataksil sa kanyang kapatid. IYON ANG TOTOO AT MALINAW.

Wika nang Hadi Mahdi, “wala nang iba pang dahilan—akala niya ako ang pumatay sa kanyang ina…ako ang nanakit sa kanyang ina kaya niya ginagawa ang lahat nang ito, ang putulin ang ugnayan nang aming mga tahanan, ang tanggapin ang kagustuhan nang Hadi Khalil na gawin siyang Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir…pinagkatiwalaan ko ang matandang Hadezar, pinagkatiwalaan ko ang iyong asawa, ganito lang ang igaganti nila sa akin!

Wika ko, “isa pa…” at nagsimulang tumulo ang luha sa aking mga mata. Wika ko, “gusto niyang patayin ang Hadi Khalil!”

Nagulat ang Adi Atiya. Wika nito, “o mahabaging langit!”  kaagad lumapit siya sa akin at sinubukan niya akong yakapin nang tulad sa isang tunay na kaibigan.

Pagtataka nang hadi Naveed, “sigurado ka? —pero bakit?”

Tugon nang Hadi Mahdi, “para lalo siyang maging malakas. Para magawa niyang angkinin ang lahat! Iyon ang totoo…pinaikot niya ang matandang hadezar tulad nang pagpapaikot niya sa ating lahat!”

Narinig ko ang pagngisi nang Hadi Naveed.

Wika ko, “papatayin niya ako…papatayin niya kami.” Sinubukan akong patahanin nang Adi Atiya. MANLOLOKO. Sinabi niya sa akin na wala akong kailangang ipag-alala…na walang mangyayari sa aming masama nang aking magiging anak. SINUNGALING.

Maging ang aking tiyo ay napaniwala nila. Wala siyang kaalam-alam na ang lahat nang ito ay isang pagkukunwari lang. Na inuuto lamang siya nang lahat nang nandito. Tapos sasabihin niya sa akin na wala siyang nalalaman kung bakit nagbabalak ang aking ama laban sa kanya, maging ang aking mga kapatid? Wala siyang nalalaman na kahit ano. Hindi ang aking asawa ang nagpapaikot nang lahat nang ito, kung hindi ang Hadi Mahdi!

Wika nang Adi Atiya sa akin, “magiging ayos lang ang lahat, iyan ang pinapangako ko sa iyo!”

WALA KANG UTANG NA LOOB.

Kasabay nito bilang tumayo ang Adi Sule mula sa pagkakaupo nito at lumabas ito ng bilugang silid.

Tanong nang aking tiyo sa Hadezar nang tahanan ng mga Harith, “kung ganon ano na ang gagawin natin ngayon Hadezar?”

Sinandal nang Hadi Mahdi ang kanyang likuran sa sandalan nang upuang kinauupuan nito. Lumingon ito sa aking tiyo at sinabing, “kailangan nating pigilan ang Hadi Yasir, iyon lang ang tanging paraan. Kailangan nating isipin at paghandaan ang mga gagawin natin!”

Nagtagumpay sila sa kanilang mga binabalak laban sa aking asawa. Hanggang sa nawalan ako nang malay.

Nang gabi iyon, nanaginip ako… nanaginip ako ng isang masamang panaginip. Napanaginipan ko ang kamatayan nang aking asawa. Nakabigkis siya sa isang punong tuod, nakaluwa ang kanyang tiyan at bituka habang nakabagsak ang kanyang ulo. Naroroon ako. Nakikita ko siya…habang nasa harapan niya ako. Pinuputakte nang mga makamandag at gumagapang na mga hayop. Pinang-iibabawan nang mga uwak na may nakaririmarim na mga huni.

Nang dinilat ko ang aking mga mata nakita ko ang Adi Sule na nagbabantay sa akin. Sinubukan kong bumangon ngunit pinigilan niya ako. Sinabi niya sa akin na huwag akong kumilos. Bagay na aking ginawa. Binigyan niya ako nang aking makakain. Sinabi niyang kailangan kong kumain…kailangan kong maging malakas. Iniabot niya sa akin ang isang pinggan na may lamang karne ng tapir at kakanin.

Nagpasalamat ako. Kinuha ko ito at kumain ako…Tinignan niya ako. Tinanong ko siya kung bakit.

Tanong niya, “paano mo nagawa iyon Adi Hikmet?”

Binaba ko ang aking hawak na pinggan at kutsara habang nakasandal ang aking katawan sa uluhan nang higaan at nasa aking mga kamay ang pinggan at kutsara.

Wika ko, “hindi ko alam. Pero kailangan ko iyong gawin!”

Wika niya sa akin, “sinira namin siya, ako, ang Adi Makbule ang aming ina. Kami ang sumira sa kanya upang sa gayon ay maging isa siyang Hadezar. Bagay na ngayon ay labis naming pinagbabayaran. Hindi ko alam na pati ikaw maaatim mong sirain ang aking kapatid. Akala ko nagbago na ang lahat! Kapag nawala sa iyo, ang lahat, ang magiging anak mo, ang buhay mo, sa huling hininga mo pinapangako ko maaalala mo kung ano ang sinabi ko sa iyo: hindi ka dapat nandito! Hindi mo siya kilalang lubusan…hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin!”

Wika ko sa kanya, “pero alam ko! Alam ko kung ano ang kaya niyang gawin kaya ko ito ginagawa”

Tumayo siya sa pagkakaupo sa aking tabi. Wika niya, “mayamaya lang nandito na ang Hadi Walid…susunduin ka niya!”

Matapos noon umalis ako sa tahanan ng mga Parvana, pabalik sa aming tahanan ng aking asawa. Sa paglabas ko kasama ni Amarok at ang Hadi Wald na siyang nagpapatakbo nang asong-gubat, pinagmasdan ko ang malawak na dalampasigan at ang mga sasakyang-pandagat. Sinabi ko sa Hadi Walid, “ang ganda!” Bagay na kanyang sinang-ayunan. Hindi niya ako tinanong kung ano ang mga nangyari…siguro alam niya kung ano ang aking mga sinabi at ginawa.

Nagpatuloy kami sa aming paglalakbay. At sa pagbalik ko sa tahanan nang mga Barakat, nakita ko ang aking asawa na nag-iintay sa akin sa labas nang bulwagan. May hawak-hawak itong maliliit na mga tutang asong-gubat. Lumapit ako sa kanya.

Tinignan niya ako at sa paglapit ko hindi niya inalis ang kanyang tingin sa akin habang nakangiti.

Umupo ako sa kanyang tabi. Lumingon siya sa akin. Hinalikan ko siya. Ibinigay niya sa akin ang isa sa mga hawak niyang tuta.

Tanong niya, “mukhang napagod ka!”

Tumango-tango ako.

Wika niya, “may tinira akong pagkain diyan! Kung gusto mo kumain ka, ipaghahanda kita.”

Sinabi ko sa kanya na kumain na ako bago ako umalis sa tahanan ng mga Parvana.

Tanong niya, “ano na ang gagawin natin ngayon, manasivah!”

Wika ko, “kailangan mong patayin ang Hadi Khalil!”

Hindi ito umimik.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya. Hinintay ko siya na may sabihin sa akin na hindi maganda…na sabihing nagkamali ako na ginawa at mga nangyari. Na hindi na dapat pa akong pumunta sa tahanan nang mga Parvana. Iyon ang totoo. Ngunit tumingin lamang siya sa akin. Hindi niya inalis ang kanyang tingin sa akin habang nagsimulang kumawala ang hawak niyang asong-gubat sa kanyang kamay. Natatakot akong madismaya siya sa akin.

Wika niya, “sige…”  Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

UMAGA

Hindi nagtagal, iniwan niya rin akong nag-iisa sa loob nang aming tahanan. Nakasuot siya nang itim na Báta na gawa sa hinabing banig na mistulang baluti at malilim na bughaw na saluwâl na may mga burdang gintong alitaptap. Umalis siya sa aming tahanan upang gawin kung ano ang inaasahan sa kanya nang lahat. Nagtungo siya sa lupain nang mga puno nang buri upang makipagtalastasan sa Hadi Basir at sa tahanan nito tungkol sa mga dinadaing nang mga dayuhang nagtatrabaho sa aming lupain sa pang-aalipustang ginagawa nang mga may-ari ng sakahan nang mga puno ng buri.

Advertisements

One thought on “KABANATA LABING-PITO:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s