KABANATA LABING-ANIM:

ANG PATAPON AT MAHINA NANG LIPUNAN

Lumapit ako sa Hadi Khalil na nang mga panahong iyon ay nasa loob ng kanyang pinagmamalaking pabilyo kasama ang matandang Mata na galing sa katimugan ng Malayang Andes ng Silangan. Ang aming pagkikita nang mga panahong ito ay pagpapatuloy ng kung ano ang nasimulan ilang buwan na ang nakakalipas, nang inaasahan niyang kagustuhan na gawin akong patnugot, pinuno at Hadezar nang kanyang maiiwang tahanan maging pagkakaroon namin nang isang magandang ugnayan.

Nang pumasok ako sa loob nang kanyang tahanan kasama si Ijiraq agad ko siyang nakita sa loob ng pabilyo. Kausap niya ang Hading-Mata…malalim ang kanilang pinag-uusapan, hindi ko alam kung ano, bagamat nakatitiyak ako na hindi ako ang laman nang kanilang pag-uusap. Kaya binaliwala ko at binaling ang aking atensyon sa pagpasok kay Ijiraq sa loob nang yungib na nasa loob nang kanyang tahanan.

Hindi maipinta ang kagalakan nang aking asawa na makita ang tahanan ng mga Ardashir. Ang pagmamalaki nito sa Adi Hikmet sa nasabing pabilyo ay pagmamalabis na pagkukumpara sa di-hamak na maskaaya-aya kaysa sa kung ano ang makikita sa aking mga kalaban.

Sa paglabas ko nang yungib narinig ko ang aking pangalan. Tinawag niya ako mula dito. Sa paghakbang ko mula sa nakaangat na pasilyo at mga baitang papunta sa kanya ay ang pagdungaw niya sa mga kurtinang-dingding na gawa sa kahoy nakatagilid ang kanyang katawan na tila may tinutungkuran nang mga sandaling ito.

Pabulyaw niyang sabi sa akin, “Tezhaa’ hōy, neyi qwazhabiiryi un’zah!  Kuzha’ndenyi Hadezar.” Ang kanyang nakakasuyang pagsigaw sa akin.

Nang makita niya akong papalapit sa kanya tumalikod siya sa pagdungaw.

Bagamat walang nakalulugod sa tahanang ito hindi maitatangging ang hangin dito ay sariwa at mahalumigmig, hindi gaya sa kinasasakupang lupain na aking pinagmulan na masangsang at higit pa sa tahanan ng aking asawa na umaalingasaw ang mabahong amoy na dala nang mga dumi nang mga inaalagaang mga hayop.

Lumapit ako sa kung nasaan siya. Sa pagpasok ko sa loob nang pabilyo agad akong nagbigay ng paggalang sa kanya bagay na kanyang tinanggap at binungad din sa akin nang kanyang pangangamusta.

Wika niya, “na’zhil siz’ö Hadi Yasir?”

Dito nagsimula ang aming pagkikita sa araw na ito, sa isang tanong. Sa isang pangkaraniwan, palasak na tanong na akala nang sinoman ay madaling sagutin ngunit ang madali lamang para sa palasak at pangkaraniwang tanong na ito ay kung sasagot ako ng kasinungalingan.

Nakaupo siya sa isa sa mga malalaking upuang nasa loob ng pabilyo, habang tinutungkuran nang kanyang kamay ang isa sa mga malalapad na patungan nang kamay at braso ng upuan at ang isa nakahawak sa kanyang tungkod.

Sinabi ko sa kanya, “hindi ko alam na nandito pala kayo Hadezar?”

Tumango-tango ang matanda…Wika niya sa aking tanong, “edere’irn, unzha eger’irn umut të eder gidyo’zur! Yuu’ne’duýi…asirvadda’ Ojokanri, Hadezar!”

Nang may ngiti tugon ko, “yuu’se maaste, Hadi Khalil! Bagay na siyang totoo sa mga sandaling ito.

Inanyayahan niya akong umupo sa upuang nasa kanyang harap. Tinanong ko siya kung hindi ba ako makagagambala sa kanilang pag-uusap nang Mata bagay na kanyang pinagsawalang bahala at sinabing hindi mahalaga ang kanilang pag-uusap…na ang totoo ay paalis na rin ito sa loob nang pabilyo.

Umupo ako sa upuang nakaharap sa kanya.

Dagdag nang Hadi Khalil, “Kung ganon sabihin mo sa akin…kamusta ka na Hadezar?”

Kahit ang aking asawa ay hindi alam kung ano ang tunay kong nararamdaman. Ang mga kasinungalingan na aking nililikha…sa bawat araw na tumatagal palalim nang palalim ang aking mga sinasabing walang katotohanan hindi lang sa Adi Hikmet ngunit pati na rin sa kanya, sa Hadi Khalil. Ngumiti ako. Puno nang pag-aagam ang aking mga salita. Wika ko, “ito ho!” maaari akong magsinungaling—sabihin sa kanya na ayos lang at wala siyang dapat na alalahanin. Walang suliraning bumabagabag sa akin. Walang asawang nagdadalang-tao na sa bawat araw na lumilipas ay palaki nang palaki ang kanyang tsan dahil sa dinadala niya ang aking anak. Pagpapatuloy ko, “kahit papaano nakakaraos naman. Sa katunayan nga kanina lamang ho ay kausap ko ang mga may-ari nang lupa, sinisimulan na namin na ayusin ang ilang mga pananim na napinsala nang nagdaang kalamidad…” Bagay na aking ginawa.

Tanong nang Hadi Khalil sa akin, “at ang kasal?”

Tugon ko, “düzenli tako të rab’evlilik…mofe eger edip ö’nivadu waxaa’erken çu’qho ithi’zeh yi subhat’edere. Para nhar ederi kufenele ö andolana azirki të açzi manasivah zhoorä të Hadi Eno va të nju age’xaaskiisa!”

Wika niya, “bono’tako yoki’edilir”—nang may ngiti. Dagdag niya, “at ang Adi Hikmet hindi ko na siya nakikita, simula nang, kailan ba—a nang huli kayong dumalaw dito…hindi ba sinamahan mo ako sa pag-iikot sa mga pampakulay nang mga damit? Kamusta na siya Hadi Yasir?”

Tugon ko sa kanya, “ganon din…maayos din ang kanyang kalagayan! Anim na buwan na ang kanyang dinadala kaya nahihirapan na rin siyang mag-iikot at kinakailangan ko na siyang samahan nang madalas ngunit kasama niya naman nang madalas ang Hadi Walid kapag umaalis ako, kaya may napagbibilinan ako!”

Marami na ang nag-alala sa kanya…palaging tinatanong ang kanyang kalagayan, ang kanyang kalusugan, ang kanyang pagdadalang-tao. Palagi siyang kinakamusta kapag nakakasalubong namin ang iba sa aming mga pinapatnugunan. Palagi niyang sinasabi na nasa ayos ang kanyang kalagayan, na wala kaming dapat na ipag-alala. Hindi ko alam kung totoo ang kanyang sinasabi o kung maging sa akin ay nagsisinungaling na rin siya. Kung minsan, humihigit pa sa pangangamusta ang kanilang pag-aalala sa Adi Hikmet, inaabutan nila ito ng mga halaman na sinasabi nila na makabubuti sa kalusugan at pagdadalang-tao nang aking asawa. Bagay na kanyang tinatanggap at pinasasalamatan. Kapag ako ang tinatanong nila para akong aninong ginagaya kung anoman ang kanyang sinasabi, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ngunit kapag mag-isa lang kami dinadaing niya ang pangangalay nang kanyang mga pagkilos. At tumitigil minsan sa kanyang paggawa.

Dagdag ko sa Hadi Khalil, “wala po kayong dapat na ipag-alala!”

Wika nito sa akin, “mabuti naman kung ganon! —at ang bata… kamusta?”

Sinabi ko, “malusog naman sila…ito nga nang huling dumalaw ang kanyang ina sa amin binigyan niya kami nang maiinom na erbal na luya, marami nga ang nagsasabi sa akin na makagagaan daw ito sa nararamdaman nitong pagkahilo…hindi ko nga lang alam kung nakakaramdam pa siya nang panghihilo pero madalas ito ang ibinibigay ko.”

Wika nang Hadi Khalil, “mabuti naman Hadi Yasir…mahalaga ang iyong mga biyenan sa pananatili nang kalusugan nang iyong asawa lalo pa’t mga bagong magulang kayo. Sa kanila niyo mabuting matutunan ang kahalagahan at pangangalaga nang inyong tahanan. Mayroon din nagsasabi sa akin na makabubuti ang prambuwesas para mapagaan ang pagbubuntis ng iyong asawa!”

Bagay na aking sinang-ayunan.

Matalino ang Hadi Khalil iyon ang totoo. May paggalang ang kanyang mga salita at may dangal ang kanyang mga papuri datapwat awa na lamang ang dahilan kung bakit pinagmamalasakitan pa siya nang ibang mga Hadezar, hindi paggalang ni hindi dahil sa dangal na tinataglay nang kanyang mga papuri. Ngunit hindi siya dapat ginagalang, ni kinakawaan. Tanong ko sa kanya, “kayo ho kamusta?”

Wika nito sa akin, “ito, matanda pa rin!”

Hindi iyan totoo, mukhang matanda ang kanyang itsura at pagkilos pero halatang malayo ang kanyang tunay na edad sa kanyang pag-ugod ugod. Hindi nakapagtataka na mahaba pa ang bibilangin nang huklubang ito para ibigay niya sa akin ang kanyang pamumuno at ang patnugot nang kanyang tahanan.

Ngumiti ako.

Sana mamatay na lamang siya para makuha ko ang pinanghahawakan niyang mga unyon… sa mga pagawaang kinakailangan hindi lang ang produkto at serbisyo kung hindi ang sariling gawa na may mahabang panahon ng pagsasanay at gawain na maituturing na kapakipakinabang sa buong lipunan ng mga Jingkar.

Ang kanilang tunay na impluwensya ay hindi sa lawak nang mga lupain, o sa mga inaani nilang mga pananim datapwat hindi pa rin maitatanggi na may lawak at laki ang sakop nilang lupain higit pa kaysa sa mga Harith, higit pa kaysa sa amin nang mga panahong nakikipagsabayan pa kami sa pamilihan. Ang tunay na impluwensya nang tahanan ng mga Ardashir ay sa mga pinanghahawakan nilang mga pamunuan at mga unyon na bumubuo sa mga samahan na naglilingkod sa kanila, nagbibigay nang mga produkto at serbisyo na ipinamamahagi sa buong lipunan ng Ja’khar at ipinamamalit sa mga produkto at serbisyo na ibinibigay at umikot tulad nang palitan sa pamilihan. Ganito ang pamamalakad sa Ja’khar. Ganito ang aming pamamalakad sa aming lupain…hindi sa pisikal na salipi na gawa sa pilak at ginto…sa tanso o sa tinga umiikot ang aming lupain. Sa aming lipunan humihinga ito sa pag-ikot nang produkto at serbisyo na naaayon sa kung ano ang pinagbabatayan…Sa kung ano ang nakaugalian na nilikha at ginawa nang kalipunan ng mga Hadezar at patuloy na nagbabago sa paglipas nang mga panahon. Sa kung anong produkto o serbisyo ang kayang ibigay at kayang ipalit na may pinaghihirapan at tinutumbasan. Ito ang aming lupain.

Ngumiti ako sa kanyang biro.

Sa mga pag-iikot at paglilibot na ginawa ko sa mga nasasakupan niyang lupain marami akong natutunan. Nakita ko ang kahirapan at kasaganahang tinatamasa nang kanyang tahanan. Ang paglilingkod niya sa kanyang mga nasasakupan. Ang pagkilala niya sa bawat pinuno ng mga samahan at mga may-ari ng lupa na nasa ilalim nang kanyang pamumuno…sinabi sa akin nang aking asawa na mabigat ang pagiging Hadezar. Na higit kaninoman nakasalalay dito ang ikaaangat o ikababagsak ng kanyang nasasakupan. Na higit kaninoman kailangang isaalang-alang niya ang kanyang mga nasasakupan higit pa kaysa sa kaya niyang gawin. Gusto ko siyang higitan…gusto kong pantayan ang kanyang pagmamalasakit at pag-unawa, silang dalawa nang aking asawa…magkatulad silang dalawa, na ang pamumuno ay hindi nagsisimula sa pinakamataas kung hindi sa pinakamababa…Sa mga ugat paakyat sa mga dulo ng mga dahon.

Siguro hinahangaan ko siya.

Wika ko, “ngunit hindi naman hamak na nakakakilos pa kayo, Hadezar!”

Nabaling sa aking atensyon na pinaglalaruan niya ang kanyang hawak na tungkod. Tugon niya, “siguro nga—tama ka, Hadezar! Ngunit iba pa rin talaga kung ramdam mo na sa iyong sarili ang iyong pagtanda! Maiba ako Hadi Yasir, alam mo na ba ang balita sa Hadi Hagir at sa kanyang karamdaman?”

Bagay na aking sinang-ayunan. Sinabi ko, “oo Hadezar, kanina ko lamang nalaman sa Adi Hikmet ang nangyaring pagbagsak nang Hadi Hagir at pagtama nang kanyang ulo sa batuhang baitang nang hagdanan mula sa ikalawang palapag! Nakakalungkot isipin, ngunit nangangamba ako na baka hindi rin siya magtatagal katulad nang iniisip nang iba?”

Tugon nang Hadi Khalil, “siya nga! Nakakaawa ang kanyang sinapit. Walaman ang may kagustuhan na mangyari ang bagay na iyon. Hindi natin maaaring ipagkaila na nakalagay sa bingit nang kamatayan ang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana!”

Wika nang Mata, “parang kailan lang nang matagpuan ang maraming bangkay sa baybayin nang Ja’khar…ngayon makakarinig naman tayo nang panibagong kahindik-hindik na pangyayari! Tila minamalas ang bayan nang mga kamatayan…”

Tugon nang Hadi Khalil kanyang Mata, “hindi sa tingin ko…isa pa ang bagay na iyon ay malubha at hindi basta-basta lamang binabanggit sa kahit sa kung saan…mabigat ang ating mga suliranin para dagdagan pa at ipaalala ang karimarimarim na pangyayari!”

Wika ko, “tama ka Hadezar! Ngunit hindi lahat ay katulad mong parehong mag-isip…katulad nang iyong liyaw sasabihin din nila kung ano ang sasabihin nang Mata. Na ginambala natin ang bahay nang mga putakte at ngayon lipana ang kamatayan sa ating bayan!”

Wika nito sa akin, “kung ganon kailangan nating baguhin ang ating pag-iisip!”

Siguro gusto kong maging katulad niya.

Ngunit isa lamang itong katha. Hindi ako bulag at bingi sa kailangan kong makita at marinig. Hindi ako katulad niya na ang mahalaga ay iyong gumagawa at kumikilos sa kanya, para sa kanya…para sa kanyang kagustuhan. Na sa kabila nang mga huwad na kasaganahan na pinapakita sa akin at ginagawa nang Hadi Khalil para sa mga unyon ng kanyang tahanan ang kasinungalingan nang mga nakararaming mga patapon at mahina ng lipunan ang nakakalat sa buong kanyang nasasakupan.

Tanong ko sa kanya, “maalala ko, kamusta po ba ang nangyaring pagtitipon ng mga Hadezar…ipagpatawad niyo kung hindi ako nakapunta…hindi naman lingid sa inyo ang aking kinatatayuan?”

Wika nang Hadi Khalil, “wala kang dapat na ipag-alala Hadezar! Nauunawaan ko kung ano ang iyong kalagayan.” Tinigil nito ang pagtapik sa puluhan nang tungkod nito, kasunod noon tumayo ito sa kinauupuan nito habang tinutungkuran nang hawak nitong panuhog. Lumapit dito ang Mata para alalayan ito datapwat tinigil ito nang Hadi Khalil at hiningi niya sa akin na alalayan ko siya sa pamamagitan nang pagbibigay niya nang kanyang kamay. Bagay aking na tinanggap. Tumayo ako sa aking kinauupuan. Inalalayan ko ang Hadi Khalil sa kanyang paglalakad palabas nang pamoso niyang pabilyo.

Sa aming paglalakad sinabi niya sa akin na hindi ko maiaalis sa kanila na pag-isipan na masama kung anoman ang dahilan nang hindi ko pagpunta. Sinabi niya na maituturing itong kawalan nang utang na loob sa mga Jingkar na nagdala sa akin at nag-angat sa pagiging isang Hadezar…bagay na kung iisipin ay hindi naman maitatangging may katwiran ang aming mga kapwa Hadezar. Karapatan nila na pamunuan namin sila nang naaayon sa kung ano ang aming pinanumpaan. Kami ang mga Hadezar, kami ang dapat na maglingkod at mangalaga sa kanilang mga karapatan at kalayaan.  Pero hindi ang aking nasasakupan, ang aking pinapatnugunan at pinamumunuan ngayon nang aking asawa habang wala ako sa kanyang tabi ang nagluklok sa akin sa kapangyarihang ito…hindi ba sila ang nagdala sa akin sa pagiging Hadezar? Hindi ba ang dahilan nang lahat ng ito ay walang ibang dapat sisihin kung hindi ang kanilang mga kakulangan at hindi ang aking mga kakulangan…

Dagdag nang Hadi Khalil, “sinabi nang Hadi Mirza na higit kaninoman ay hindi mo dapat inuuna ang iyong mga pansariling kadahilan. Bagay na siyang totoo Hadi Yasir! Aaminin ko, ako rin hinintay ko ang iyong pagdating sa tore ng mga Hadezar, datapwat hindi ibig sabihin noon nadismaya ako! Naniniwala ako na karapatang-sarili mo ang hindi pumunta sa aming pag-uusap. Isa pa wala namang nalutas sa ginawang pag-uusap kung hindi mga haka-haka lamang at mungkahi.”

Tanong ko, “sa tingin niyo tama ang aking ginawa?”

Wika niya, “hindi Hadezar! At kahit pa magkaroon nang susunod na pagtitipon nang kalipunan, kung makakaroonman matapos ang nangyari sa tahanan ng mga Parvana wala rin naman patutunguhan ang pag-uusap kung wala ka roon at hindi buo ang kalipunan!”

Nagpatuloy kami sa aming paglalakad. Sa mga sandaling ito sa aking pagtingin sa mga dingding na walang laman iniisip ko ano na lamang ba ang kinaunlad nang kanyang tahanan.

Naalala ko ang aking mga pag-iikot. Ang pagpayag niya na hayaan akong maglibot ng mag-isa at matuto sa kayang mga pinamumunuan na wala ang kanyang pangingialam. At nakita ko ang kanyang mga pinagmamalaki ay mga kasinungalingan. Nandito ang pinakamarami sa mga Kalisag na aking nakita. Sa tuwing nakakasalubong ako nang isa naaalala ko ang pakiramdam nang pangangalam ng aking sikmura, ang mga insulto at panghahamak na bumabalik lamang sa aking mga alaala…

Pagpapatuloy nang Hadi Khalil, “naalala ko ang iyong paagpupursigi na salungatin ang mungkahi nang sanggunian na patigilin ang pagkakaroon panandaliang pagtitigil sa pagluluwas at pag-aangkat. Ito ay hindi maikakaila na isang mabuting paghatol sa kung ano ang tama at makabubuti sa ating bayan, Datapwat sa tingin ako mayroon kang pansariling kadahilan kung bakit mo ito ginagawa? Tanungin kita Hadi Yasir…hindi mo mamasamain at pahihintulutan, ikaw ano ang gagawin mo kapag naroroon ka sa pagtitipon ng mga Hadezar!”

Natigil kami sa paglalakad sa gitna nang bulwagang silid ng tahanan ng mga Ardashir. Napatingin ako sa uugod-ugod na Hadezar habang hawak-hawak ko siya patungo sa ikalawang bahagi nang tahanan ng mga Ardashir.

Tanong ko, “neyi’bi ma’no Hadezar?”

Tatanungin niya ako tapos gagamitin niya ito na mistulang siya mismo ang nag-isip…lantarang pagnanakaw ang ginagawa niya. Gagamitin niya ang aking mungkahi sa sarili niyang pakinabang. Ang lakas nang loob niya …

Ngumiti siya sa akin. Wika niya, “kung sakasakali lang naman, Hadi Yasir…ngunit ano ba naman hindi ba…kalimutan muna ang aking sinabi…lalo pa ngayon na mukhang may hindi nangyayaring maganda sa tahanan ng mga Parvana…”

Hindi maganda?

Nagpatuloy kami sa aming paglalakad palabas sa bulwagan nang tahanan at patungo sa ikalawang bahagi nang tahanan ng mga Ardashir.

Sinabi ko sa kanya kung ano ang sa tingin kong makabubuti. Na sa ginawa naming mga Hadezar hindi magtatagal ay mabubunyag ang lihim na ito, kung hindiman ay nagsisimula na itong mabunyag. KAILANGAN naming paghandaan ang pagkabunyag nang palihim na kasunduan sa mga Kesh at sa mg Qaa. Na magagalit ang mga Jingkar, at hindi kalaunan ay kakalat ang mga bulongbulungan na pabagsak sa aming bayan. Sinabi ko, “Hadezar kapag nangyari iyon kailangan ay mayroong managot isaman sa atin. Kung ako ang tatanungin, handa akong ipagsangkalan ang aking sarili at managot sa pagkakamali natin datapwat ikasisira ito nang ating kalipunan! Sino ang mag-aaakala dalawang tahanan ang isa ay mayabang at makasarali at hindi kayang pagbigyan ang kalayaang pinangangalagaan sa sarili nating bayan at ang aking tahanan…ngayon kung mangyari ang bagay na iyon at ako ang umako nang ating mga kasalanan sasabihin naman ng iba lalong binubugbog ang tahanan nang mga Barakat nang kalipunan ng mga Hadezar…at sasabihin nila sino pa ba ang nagpapatakbo sa kalipunan nang katulad nang kanyang tahanan, hindi ba walang iba kung hindi ang tahanan ng mga Harith?” Naglakad kami sa damuhan sa malawak na lupain sa ikalawang bahagi nang tahanan nang mga Ardashir. Mula sa aming kinatatayuan tanaw namin ang puno nang Mahumanay. “Ngunit kung inyong pahihintulutan at hindi mamasamain, maaari ko bang imungkahi na bakit hindi ang Hadi Mahdi ang ating ipukol at pagbitangan. Magkaisa tayo Hadezar sa kalitagsan nang ating bayan…sa kaligtasan ng ating kalipunan!”

Nabaling ang aming atensyon sa puno nang Mahumanay…

Nakilala ko siya nang araw na iyon, isang Adi. May buhat-buhat na isang bata habang nakahawak sa kabila niyang kamay ang isa pang bata. Makailang ulit ko na siyang nakasalubong. Madalas kapag umiikot kami nang Hadi Khalil lagi siya ang nakakatawag nang aking pansin. Nahuhuling nakatingin sa aming dalawa. At minsan nakita ko siya na nagtatrabaho sa mga pampakulay nang mga kasuotan. Mano-mano niyang binubuhat kasama nang iba pa ang mga tela na kanilang inilulublob sa mga malalaking mga butas sa lupa na may lamang iba’t ibang kulay.

Alam ko kung sino siya. Siya ang kapatid nang Hadi Khalil na itinakwil matapos mabutis …kasama siya nang Hadi Khalil nang lumuhod ang aking ina sa kanilang harapan. Nagmamakaawa sa pagtulong at pagkalinga bagay na hindi binigay nang matadang hukluban. Nang araw na sinabi niya sa aking ina at mga kapatid na tapos na ang panahon nang pagtulong nang mga Hadezar.

Ngumiti ako sa ganda nang nakikita kong tanawin kasama ang mga alaga niyang ibong Hamsa at pabo maging ang puno na rin nang Mahumanay.

Wika ko, “iyon ang sa tingin ko lang naman!” Lumingon ako sa kanya. Tanong ko, “bakit niyo nga po ba ako pinatawag?”

Lumingon sa akin ang Hadi Khalil at kasunod nito ngumiti siya sa akin.

Nang gabing iyon sa pagbalik ko sa aming tahanan ng aking asawa naalala ko ang kalagayan nang kanyang mga nasasakupan. Nagpatuloy ako sa aking paglalakbay sakay kay Ijiraq. Masaya akong makita na puno ang langit nang maraming bituin…at lutang na lutang ang manining na tala nang Ja’khar sa kung saan ito nababagay. Inisip ko kung ano kanyang mga sinabi sa akin nang pumunta kami sa hindi natapos na gusaling dapat sana ay magiging tahanan ng mga Ardashir nang hinirang nila ang kanilang mga sarili bilang mga diyos ng Ja’khar. Sinabi niya sa akin na ito ang kinabukasan nang aming lipunan, ang biyaya niya sa aming bayan na paniguradong hindi namin matatanggihan. Bagay na isang kalabisan para sa Hadi Khalil.

Bago ako bumalik sa aming tahanan dumaan muna ako sa pinakamalapit na imbakan. Sa pagdating ko sa lupaing kinasasakupan nang mga may-ari nang mga sakahan ng Rimas, nakita ko ang liwanag na pumapaligid at tinataglay nang mga sulo at nang mga malalaking mga kawan nang apoy sa iilang mga kabahayan. Nakita ko ang isa sa mga anak nang Hadi Baaru. Lumapit ako sa kanya. Bumaba ako sa sinasakyan kong si Ijiraq. Nakita kong may dala siyang hiniwa-hiwang rimas na kanyang kinakain. Hindi niya ako kilala…hindi sa tingin ko matapos niyang magbigay sa akin nang paggalang bagay na aking tinanggap.

Tinanong niya sa akin kung ano ang maipaglilingkod niya. Tinanong ko sa kanya kung saan makikita ang pinakamalapit na imbakan dito. Tinuro niya sa akin ang kanilang imbakan. Bagay na aking pinasalamatan. Nagtungo ako sa kanilang imbakan upang kumuha nang aming makakain ngayong hapunan ng Adi Hikmet. Hiningi niya sa akin kung maaari niya ba munang alagaan si Ijiraq.

Binigyan niya ito nang pagkain at nagustuhan ito nang aking alaga.

Bagay na aking pinagbigyan.

Tumalikod ako at pumasok sa loob ng imbakan kung saan kumuha ako ng mga pansahog na aking gagamitin sa pagluluto. Kumuha ako nang iilang kohlrabi, manioc, mga maanghang na pampalasa, mga itlog at mga bunga nang mandarina. Sa aking pag-iikot-ikot sa loob nang imbakan nabaling ang aking pansin sa dunaw na nasa loob nang imbakan, napansin ko ang mga suso na kinakain ko…ngumiti ako nang makita ko ito. Kumuha ako nang iilan. Matapos noon lumabas ako sa loob nang imbakan, sinara ang bakal na lagusan, umakyat sa mga baitang at saka lumapit sa anak na babae nang Hadi Baaru na kasama si Ijiraq.

Nagpasalamat ako sa kanyang pag-aalaga.

Tinanong ko sa kanya kung kamusta ang kanyang ama…kung kamusta ang Hadi Baaru.

Sinabi niya sa akin na kahit papaano ay maayos-ayos na ang Hadi…na kahit papaano ay nakaraosraos na ang kanilang tahanan matapos ang pagkamatay nang ina nito.

Bagay na aking ikinatuwa. Sinabi ko sa kanya na mabuti naman kung ganon. Hiningi ko sa kanya ang kanyang pangalan. Sinabi niya sa akin ang kanyang pangalan ay Amani…gayong pinasalamatan ko siya nang marami, bagay na kanyang ikinahiya. At sinabi kong ikamusta niya na lamang ako sa kanyang ama. Sabihin na hinahangad ko ang lubusan niyang paggaling. Bagay na kanyang tinanggap at ipinagpasalamat. Matapos noon bumalik ako sa aming tahanan nang aking asawa, sakay kay Ijiraq.

Sa pag-uwi ko sa aming tahanan agad kong dinala si Ijiraq sa loob ng yungib. Sa pagpasok ko, bumungad sa akin ang iba naming mga alaga, sina Mamé at Amarok na naroroon at nagpapahinga sa loob ng yungib. Unang tumahol si Amarok pagkakita sa akin na sinundan nang paglapit ni Mamé. Hinimas-himas ko ang kanyang balahibo sa kanyang ulo. Kasabay noon, nagngitngit si Ijiraq dahilan upang lumayo sa akin nang kakaunti si Mamé. Sa tuluyan naming pagpasok ni Ijirak, tinanggal ko sa pagkakatali ang tiklis na nasa gilid nang paratilya. Sinuot ko ito sa aking mga balikat at inilagay sa aking likuran. Kasunod noon tinanggal ko sa pagkakatali ang paratilyang aking inuupuan at nakakabit sa kanyang likuran. Pagtanggal ko sa mga panali agad ko itong pinakawalan sa loob nang yungib. Nagtungo ito sa gilid malapit sa lagusan nang yungib kung saan madilim at malayo sa iba pang mga asong-gubat na aming inaalagaan.

Lumabas ako sa loob nang yungib sa lagusang nagdudugtong sa loob ng aming tahanan. Sa paglabas ko sa lagusan nang yungib dala ang mga paratilyang at tiklis nakita kong isa-isa nang sinisindihan nang Hadi Walid ang mga tinghoy na nakababad sa langis na nasa sulyaw at nakadikit sa mga dingding at haligi ng aming tahanan.

Nilagay ko ang paratilya sa sabitang may mga tungkod na nasa gilid ng hagdanan. Kasunod noon lumabas ako sa madilim na pasilyo at nakita ako ang Hadi Walid na papalabas.

Nagbigay siya ng paggalang pagkakita niya sa akin. Sinabi niya, “Hadezar!”

Bagay na aking tinugunan, at sinabing, “Hadi Walid!” —nang may ngiti. Inaamin ko nagseselos ako sa Hadi Walid…nagseselos ako sa kanyang pagsamasama sa aking asawa, nagseselos ako sa mga panahong wala ako sa kanyang tabi o mashigit niya akong kailangan.  Alam ko wala akong dapat na ipagselos sa kanya. Na walang namamagitan sa kanila nang aking asawa…na parang anak lamang ang turing nito sa aking asawa.

Sinabi ko sa kanya na maydala akong mga sangkap na lulutuin ko para sa aming hapunan…niyaya ko siyang maghapunan sa amin bagay na kanyang tinanggap.

Kinamusta ko ang kalagayan nang aking asawa sa Hadi Walid.

Sinabi niya sa akin na nasa loob nang aming silid ang Adi Hikmet at nagpapahinga. Niyaya ko siyang samahan ako na paghandaan ang aming hapunan ngunit tumanggi siya. sinabi niya na kailangan niya pang sindihan ang lahat nang ilaw sa aming bahay. Bagay na aking biglang naalala. At tinanggap ang aking pagkatalo. Kasunod noon nagbigay siya nang paggalang sa akin. Umalis siya sa aking harapan at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawang pagsindi nang mga liwanag sa aming tahanan.

Kasabay nang kanyang pagtalikod sa akin sinimulan kong magtungo sa loob nang silid-lutuan.

Sa gitna nang aking paglalakad lumingon ako sa kung nasaan ang Hadi Walid. Nabaling ang aking pansin sa aking liyaw. Pinagmasdan ko ang kanyang ginagawa. Nabaling din ang aking atensyon sa silid kung nasaan ang aking asawa, sa aming silid, nakita ko na madilim ang loob nang aming silid-tulugan, datapwat nakabukas ang dungawan nito at nakahawi ang tapiserya sa nakabukas na pintuan.

Hindi ko alam kung ano ang tunay nangyayari ngunit nakasisiguro ako na may mali at sa mga panahong ito, hindi ko alam kung magagawa ko pang magpanggap na walang nangyayaring hindi maganda sa loob nang aking pamamahay.

Pumasok ako sa loob nang silid lutuan. Pinatong ko ang tiklis sa ibabaw nang mataas na kahoy na lamesa na nasa gitna nang silid. Sinimulan kong ilabas ang mga sangkap na aking kinuha sa loob nang imbakan malapit sa taniman nang mga Rimas. Tinanggal ko sa loob ng tiklis ang kohlrabi, manioc, mga pampalasa, mga itlog at mga bunga nang mandarina. Ganon na rin ang mga suso na tahanan nang mga maliliit na mga talangka. Inilagay ko ang mga ito sa isang sulyaw at binuhusan nang nakakalasing na inumin.

Sinimulan kong ihanda ang aking mga lulutuin. Pinalambot ko ang karne nang Mantahungal na nakaburo sa loob nang bangang nagtataglay nang asin. Kasunod noon sinimulan kong balatan ang manioc, ilagay sa bakal na kaldero kasama nang pinakukuluan kong mainit na tubig. Sinunod kong balatan ang Kohlrabi, tadtarin ito nang pinong-pino hanggang maging manipis nang tulad sa tangkay.

Kahit anong gawin ko hindi ko matanggal na hindi isipin kung anoman ang kanilang mga ginagawa sa tuwing iniiwan ko sila na magkasama para puntahan ang tahanan ng Ardashir o ang mga Jingkar na nasa ilalim nang aking pamumuno. Gusto kong tigilan ang pagseselos na ito na walang kabuluhan, ano pa man. Gusto kong isipin na ang lahat nang aking masamang iniisp laban sa kanila ay isang kabaliwan, isang malikmata…

Hanggang narinig ko ang kanyang tinig. At ang pagsabing, “nandiyan ka na pala!”

Tinigil ko ang paghihiwa na pinalambot na manioc. Binaba ko ang kutsilyo sa rabaw nang gawaang-lamesa. Nakita ko siya…ang aking asawa. Ang pinakamamahal kong asawa. Ang dahilan kung bakit nabubuhay ako.

Tinanong ko siya, “nagugutom ka na ba?” hindi ko na hinintay pa ang kanyang sasabihin. Pagpapatuloy ko “sandali lang at malapit na itong maluto!”

Tinanong niya ako kung mayroon ba siyang maitutulong.

Muli binaling ko ang aking pansin sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na wala…ngunit alam kong mapilit siya kaya sinabi ko na maaari niya nang buksan ang pugon at ihanda ang pagluluto sa buhong na kakanin.

Sa aming paghihintay sa aming niluluto binigyan niya ako nang nakakalasing na inumin. Kinuha ko ito sa kanya. Umupo siya sa mataas na upuan na nasa kabilang bahagi nang mataas na lamesa. Umupo siya sa aking harapan.  Kinuha niya ang isa sa mga suso.

Nagtaka ako. Kinuha niya ang kutsilyo at dinurog ang suso gamit ang kayang kamay.

Tinanong ko kung ano ang ginagawa niya. Tinanong niya sa akin kung bakit ko ba gustong-gustong kainin ito. Sinabi ko sa kanya na masarap ito…at tinanong sa kanya kung ano ang magagawa niya.

Ngumiti siya.

Tumawa siya sa aking kinikilos.

Nang may pag-aalala tanong ng Adi Hikmet, “napagod ka ba.”

Ngumiti ako. Sinabi ko, “hindi ko alam kung nasisiraan na ba talaga nang bait ang Hadi Khalil.”

Tanong niya, “bakit ano na naman ba ang sinabi niya sa iyo?”

Sinamahan niya akong kumain nang laman nang suso.

Sinabi ko, “wala naman, nangamusta lang siya…sinabi niya sa akin na hindi ka na niya nakikita! At gusto kanyang makita…pero sinabi ko hindi pwede. Na marami kang ginagawa…at marami akong ginagawa. Kinamusta niya ang iyong pagbubuntis. Sinabi ko na may iniinom kang pampagaan sa iyong pagdadalang-tao, bigay nang iyong ina. Sinabi niya sa akin na mabuti daw na tumutulong sa atin ang Adi Arwa at malapit tayo sa iyong magulang doon daw nasusukat ang ating pagiging magulang…bagay na aking sinang-ayunan.”

Pagkulo nang panaing kinuha ko ito sa loob nang pugon.

Sinabi ko sa kanya na anyayahan niya na ang Hadi Walid at samahan niya tayo sa hapunan dito sa loob nang silid. Bagay na kanyang itinanggi. At sinabi niya sa akin na kung maaaring ako na lang ang gumawa at mahirap bumaba sa kanyang kinauupuan.

Bagay na aking ginawa.

Inayos ko ang pagawaang-lamesa. Hinanda ko ang aming hapunan, isang karne nang Mantahungal na may maanghang na sabaw at maanghang na pampalasa niligis na manioc at tinadtad na gulay nang kohlrabi na may matamis-maasim na amoy na galing sa bunga nang mandarina dahilan upang magkulay kahel ang pagkain sa kiniskis na balat nito at mabangong halimuyak. Naglagay ako nang mga pinggan, kubyertos at ang kakanin na may mais. Matapos noon hinayaan ko ang aking asawa na mag-ayos habang sinundo ko ang Hadi Walid at samahan kaming maghapunan.

Sinimulan nilang pag-usapan ang nangyari sa handaan matapos ang kasal. Kung paano naging kakaiba ang pagtitipon nang pagsasama nang dalawang kaugalian. Ang malalaking handaan nang mga Jingkar, at ang nakalulugod na sayawan at awitan nang mga Kesh bagay na hindi nangyayari sa aming bayan sa kahit anong uri at anyo. Nakita ko silang nagtatawanan at nagkukwentuhan sa aking harapan habang kumakain kami. Ang iba ay hindi ko maintindihan o hindi ko alam kung saan ang pinagmumulan o pinanggagalingan nang kanilang pag-uusap. Hindi ko gustong isipin ang mga magagandang sandali na kanilang pinagsasamahan na dapat sana ako ang kasama nang aking asawa, na kami ang gumagawa nang mga bagay na iyon at hindi sila. Iniisip ko tuloy kung— mayroon ba akong pagkukulang sa kanya.

Matapos ang hapunan agad na rin nagpaalam ang Hadi Walid sa amin. Hinatid siya nang aking asawa habang naiwan akong nag-iisa at inayos ang aming mga pinagkainan at pinaghugasan. Sa paglabas ko sa loob nang silid-lutuan nakita ko ang Adi Hikmet na nakaupo sa sahig sa labas nang bulwagan. Lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa kanyang tabi.

 Nilapag ko ang aking kamay sa kanyang tuhod.

Sinabi niya sa akin na hindi matatawaran ang pagmamahal sa akin nang Hadi Walid.

Sinabi ko, “alam ko!”

Sinabi niya, “kung ganon…wala kang dapat na ipagselos Sa kanya…” Lumingon ako sa kanya. “Mahal na mahal ka niya higit kaninoman. Nakita ko iyon kanina. Nang umalis ka lumapit siya sa akin. Sinabi niya sa akin na umalis ka. Sinamahan niya ako buong maghapon. Marami ang naghahanap sa iyo kanina. Tinanong nila kung saan ka pumupunta. Nagsinungaling siya para sa iyo. At nang may humahamak sa iyo sa mga Kesh kanina at sinasabi na bahag ang iyong buntot at ang iyong tahanan ay walang halaga ipinagtanggol ka niya!”

Tugon ko, “hindi ko alam…hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko!”

Wika niya, “ikaw na gumagawa nang mga walang halagang kasinungalingan? Hindi mo alam kung ano ang paniniwalaan mo?”

Nakiusap ako. Sinabi ko, “huwag…”

Yumuko siya. Pinatong niya ang kanyang kamay sa kanyang tsan.

Umiyak siya. Nakita ko siyang umiyak. Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak. Lumapit ako sa kanya nang maigi. Kinuha ko ang kanyang kamay. Hinawakan ko ito. Tinawag ko ang aking asawa. pinunasan niya ang kanyang luha sa kanyang mga mata. Tumingin siya sa akin. Nagulat ako. Alam ko ang mga sandaling ito…Alam ko kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin.

Umiling-iling ako. Wika ko sa kanya, “hindi…hindi Adi Hikmet!”

Sinabi niya sa akin na hindi ko dapat tinanggap ang kagustuhan nang Hadi Khalil na gawin akong tagapagmana nang kanyang tahanan.

Tinanggal ko ang aking mga kamay sa kanyang hita. Umatras ako mula sa pagkakatabi sa kanya at sinandal ang aking sarili sa haligi.

Wika niya sa akin, “alam mong sa simula pa lamang ay isa na itong patibong…hindi ba…” pinunasan niya ang kanyang ilong gamit nang likuran nang kanyang hintuturo.  Pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. “Sinabi ko na ito sa iyo matapos ko ito malaman sa aking ina. Sinabi mo sa akin alam mo. Sabihin mo sa akin, Hadi Yasir, banaúnah, alam mo bang sa ginagawa mo sinasadya nang Hadi Khalil na hindi matuloy ang ginagawa mong paghihigante sa iyong mga kalaban? Na sa katunayan ay ginagawa niya ang lahat nang paraan para hindi mo magawa na labanan ang tahanan ng mga Harith? Iyan ang kanyang ginagawa sa iyo. Hindi ba dapat mas alam mo ang mga nangyayari kaysa sa akin? Pwede ba sabihin mo sa’kin…kung ano ang binabalak mo para mapaghandaan ko!” Ngumiti ako. Pagpapatuloy niya, “Kung meronman…pakiusap lang, sana meron. Para alam ko ang gagawin ko. Alam mo…alam mong kaya kong intindihin ang ginagawa mo!”

Nawala ang ngiti sa aking mga labi. Wika ko sa kanya, “soyledi eger’ö dl’eder, mofe biziih të dubro’dhoshlhe waxaa thë Ardashir ija dl’thë Harith. Ji, Yoki’nhar usaane vhermeq dl’açzi të māga eger bha’gan edere kaçirmaq dl’nju yoki neyigamé të sozlhëre usaane.”

Hinintay ko kung ano ang sasabihin niya. Kita sa kanyang mukha kung anoman ang kanyang iniisip nang mga sandaling ito. Ano ang inisip mo Adi Hikmet? Tumango-tango siya. Tinignan niya ako. Kasabay noon tumayo ako mula sa aking pagkakaupo sa kanyang tabi at bago ko siya tuluyang iwanan sinabi ko, “unzha sen kufunele andolana, manasivah!” At tinalikuran ko siya.

Narinig ko ang aking pangalan mula sa kanyang pagtawag…ngunit hindi ko siya pinansin nagpatuloy ako hanggang sa narinig ko ang aking pangalan at ang sigaw nang aking asawa dahilan upang mapalingon ako sa kanya. Lumabas ako sa aming silid tulugan. Lumapit ako sa kanya. Pinapupunta niya ako…nagtaka ako. Paglapit ko kinuha niya ang aking kamay, nilagay niya ito sa kanyang tsan at naramdaman ko. Naramdaman ko ang buhay na umaangkin nang lahat ng aking pagkatao at nang aking mga galit at paghihigante. Sinabi niya sa akin na sumasayaw ang bata sa kanyang sinapupunan.

Ngumiti ako sa sayang nararamdaman ko. Sa sayang nararamdaman niya…

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinalikan ko siya at nang gabing iyon nakipagniig ako sa aking asawa. Hinangad ko siya sa aking isipan. Inangkin ko siya. Matapos kong maligo lumabas ako sa loob nang bukalang-silid. Sa pagpasok ko sa loob nang aming silid nakita ko siyang nakahubad. Lutang na lutang ang kanyang pagdadalang-tao. Nasa sahig ang kanyang basang pinaghubarang panloob na damit. Lumapit ako sa kanya…at kasabay noon tinanggal ko sa pagkakatapis ang tuwalyang nakapaikot sa aking beywang. Sinarado ko ang lagusan ng aming silid at ang tanging naiwang nakabukas ang nagpupusikit na liwanag na nakasindi sa timsing nakalagay sa sulyaw na pinagbabaran nito. Sa paglapit ko sa kanya. hinalikan ko siya sa labi. Dinala niya ako sa aming higaan. Humiga siya at sinundan ko siya sa kanyang paghiga. Humiga ako sa kanyang tabi. Tumagilid siya nang higa habang nakahilis ako paharap sa kanya at siya ay nakatalikod sa akin. Nakatihaya ako paharap sa kanya. Pinagmamasdan ko ang basa niyang likuran. Ginapang ko ang aking mga daliri paibaba sa kanyang Gulugod. Dahan-dahan ko itong binaba papunta sa kanyang balakang. Nagsimulang magmanhid ang aking mga hita. Nakaramdam ako nang libog sa aking katawan. Hinawakan ko ang kanyang balakang. Ibinaba ko ang aking kamay sa kanyang puwetan…Sa paglapit ko sa kanya hiningi ko siyang tumingin sa akin.

Lumingon siya sa akin.

Sinabi ko sa kanya na huwag niya akong talikuran.

Bagay na kanyang ginawa.

Humiga ako nang pahilis sa kanya at humiga siya nang pahilis at paharap sa akin. Hinalikan ko ang kanyang leeg paibaba sa kanyang dibdib…paibaba sa kanyang tsan. Paibaba sa kanyang pusod. Paibaba sa kanyang kaakuhan. Hinalikan ko siya habang nakapatong ang kanyang mga hita sa aking balikat. Pinasok ko ang aking dila sa loob nang kanyang katawan. Habang unti-unting Nagsisimulang tumigas ang aking tarugo. Hindi nagtagal pinasok ko ang aking katawan sa loob nang kanyang katawan. Ang aking kaliwang hita ay nakapatong at nakapulupot sa pagitan nang kanyang mga hita habang ang kanyang kanang hita ay nakapatong sa aking beywang at pinapagitnaan kami nang kanyang matambok na tsan. Ang aking kamay ay nakahilata at nakaunat habang ang isa kong kamay ay nakayakap sa kanya na kanyang hawak-hawak. Tinignan namin ang isa’t isa. Pareho naming hinangad ang isa’t isa. Nakipagsabayan kami sa isa ‘t isa. Naging mahalaga ito sa aming pareho…sa akin. Sa gayon akala kong pagnanasa ang dahilan kung bakit nangyayari ito bagkus mali pala.

Sa paglaki nang bata sa kanyang sinapupunan naging bibihira na lang ang aming pagtatalik. Kapag hinihingi ko sa kanya ang iisang bagay na siyang gusto ko ay pinipigilan ko ang aking sarili sa takot na baka saktan ko ang bata na kanyang dinadala. Hindi ko siya gustong lumayo sa akin. Handa akong gawin ang lahat upang hindi siya mawala sa akin, sa aking tabi, sila nang aking magiging pangarap at panaginip. Ang takot na mawala siya…ang takot na mawala sila ang lalong nagpapalalim nang aking pag-aalala sa kanya, sa kanila.

Nang gabing ito habang mahimbing siyang natutulog sa aking tabi dinilat ko ang aking mga mata. Inilagay ko ang aking kamay sa kanyang buhok. Hinimashimas ko ito. Tinatanong ko ang aking sarili kung ano ang iniisip niya laban sa akin. Kung alam niya bang patuloy pa rin ba akong nagsisinungaling sa kanya nang harapharapan. Kung alam niya bang marami pa akong hindi sinasabi sa kanya…Hindi ko alam baka natatakot siya na tanungin ako dahil maaaring bigyan ko lamang siya nang alalahanin kaya hindi niya gustong malaman kung anoman ang iniisip ko. Pero gusto kong tanungin niya ako. Gusto kong sabihin sa kanya kung anoman ang nasa loob nito…kung anoman ang laman nito. Kung anoman ang aking mga bagong nalaman at natutunan sa araw na ito. Alam ko, inuunawa niya ang mga pagkakataong wala ako sa kanyang tabi. Tinatanggap niya na kailangan ko itong gawin alangalang sa aming tahanan…kinalimutan ko ang aking mga iniisip, sa halip pinagtuunan ko ang aking mga nararamdaman sa mga sandaling ito. Pinikit ko ang aking mga mata at natulog ako na kasama siya…

Nang umagang ito, maaga akong gumising sa aking asawa, tulad nang kung ano ang nakagawian sa aming tahanan. Sinimulan ko ang araw na ito sa paghahanda nang aming agahan. Pinagsaluhan naming dalawa ang aming agahan sa loob nang bulwagan, sa isang mahabang lamesa na nasa loob nito. Matapos noon nagpaalam ako sa kanya at umalis upang mag-ikot sa aming nasasakupan. Niyaya ko siya na sumama subalit pinagpilitan niyang dumito sa aming tahanan at maiwang mag-isa. Bagay na wala akong nagawa.

Sa aking pag-iikot napansin ko ang mga kesh na nagtatrabaho sa aming mga lupain. Kapansin-pansin na parami sila nang parami sa bawat lumilipas na mga araw, bagay na kung iisipin ay maituturing na isang pabagsak sa aming mga Jingkar ngunit ano ang magagawa ko, sila ang nagkusa na tulungan kami sa aming mga lupain…at sa aming mga hanapbuhay kapalit nang pagtira nila sa aming lipunan.

Kung tutuusin utang namin sa kanila ang mga ito…

Nagpatuloy ako sa pag-iikot. Nakipag-usap ako sa mga may-ari nang lupang aking pinamumunuan…umikot-ikot na kasama sila. Hindi nawala sa kanila na alalahanin ang aking asawa at ang dinadala nito. Bagay na aking pinasasalamatan nang marami.

Matapos ang aking pag-iikot, nagtungo ako sa pinakamalapit na imbakan sa aming tahanan. Sa lugar na kinasasakupan nang may-ari nang sakahan nang mga puno ng jaboticaba. Sa loob nang imbakan kumuha ako ng sankap na aking gagamitin sa aming tanghalian. Tatlong isdang tamban na magkakasing haba datapwat iba’t iba ang laki; kakaunting butil ng paminta na nakalagay sa isang maliit na baul at tinatapalan nang kayumangging busalan; ilang galabok na maanghang na pampalasa; isang tubo nang luya kasama ang bunga nito at ang tangkay; at gatas na mula sa puno nang buri na binuburo upang gamiting suka. Matapos nito lumabas ako sa loob nang imbakan, sumakay kay Mamé at bumalik sa aming tahanan ng aking asawa.

Sa pagbalik ko sa aming tahanan, agad kong pinasok sa loob nang yungib si Mamé. Tinanggal ko ang paratilyang nakatali sa katawan nito at lumabas nang yungib papasok sa loob nang aming tahanan. Nilagay ko ang paratilya sa sampayan kasama nang iba pang mga paratilya at mga mahahabang telang-damit nang asong-gubat. Kasunod noon lumabas ako sa madilim na pasilyo at sa aking paglabas, sa hindi inaasahan nakita ko ang Adi Hikmet na kausap ang aking liyaw.

Bagay na aking pinagtakahan.

Tinawag ko ang kanilang pansin. Una kong tinawag ang aking asawa na sinundan nang pagtawak ko sa Hadi Walid. Dalidaling lumapit sa akin ang Adi Hikmet. Sinabi niya sa akin na patay na ang Hadi Hagir.

Bagay na aking ikinagulat.

Tulad nang inaasahan, mabilis na kumalat sa buong Ja’khar ang pagkamatay nang Hadi Hagir ng tahanan nang mga Parvana. Nakakahinayang ang kanyang pagkamatay. Kung iisipin mo, sinong mag-aakalang ganon-ganon lang mauuwi ang lahat para sa itinuturing na pinakamabait na Hadezar, at hindi maikakailang isa sa mga magigiting.

Ang huli kong pagkakatanda sa kanya ay nang huli kaming magkita at magkausap malapit sa unang pagbagsak sa gitna nang kasiyahan nang mga mangingisda.

Sinabi ko sa aking asawa na kinakailangan naming dumalaw, at magbigay nang paggalang para sa yumaong Hadezar na kabilang sa kapulungan nang mga pinuno na naglilingkod sa aming bayan. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Sinabi ko na maghahanda lamang ako nang aming pananghalian habang siya na ang bahala sa aming susuotin sa pagpunta sa pagburol at paglibing sa mabuting Hadezar ng tahanan ng mga Parvana. Bagay na kanyang ginawa.

Sinabihan ko ang Hadi Walid na sumama siya sa amin at ganon din ay saluhan niya kami sa aming pananghalian. Pinilit ko siya kahit sinubukan niyang tumanggi. Sinabi ko na makabubuti ito para sa lahat, bagay na wala na siyang nagawa.

Matapos nito, kaagad akong nagtungo sa loob nang silid-lutuan. Nilapag ko ang mga sangkap na aking kinuha. Sinimulan sindihan ang lutuan. At agad akong nag-umpisa na magluto. Sinimulan kong hiwain ang mga isda nang pahilis at hugitin ang kanilang bituka at mga hasang. Kasunod noon tinanggal ko ang mga hasang at palikpik. Pinutol ko ang mga buntot at saka ko sila inalmuhasan ng asin. At isa-isang inilagay sa mainit na kawali upang iprito. Habang napriprito ang isda sinimulan kong balatan ang luya at tadtarin ito nang pinong-pino…pagkaluto nang mga isda tinanggal ko ang kawali sa mga baga nang lutuan at sunod kong inilagay ang isa pang kawali na may masmalalim na lagayan kaysa sa nauna. Kasunod noon sinunod kong ginisa ang mga luya. Sunod na inilagay pagkahalo sunod kong inilagay ang mga paminta at muling hinalo. Kasunod noon inilagay ko ang gatas nang buri sa kawali…na sinundan nang mga pampalasa na hinahalo-halo ko hanggang mahalo ang pampalasa at ang gatas nang buri at saka ko idinagdag ang prinitong tamban na aking inilipat mula sa maliit na kawali. Hinayaan kong kumulo ang mga ito, at pagkulo saka ko inilagay ang mga dahon ng luya at mga tangkay na aking hiniwa.

Ang totoo, wala akong maramdaman na kahit anong kalungkutan sa pagkamatay nang Hadi Hagir…masasabi mong isa siyang mabuting Hadezar ngunit kilala ang tahanan ng mga Parvana bilang malapit at matalik na kaibigan nang aking mga kalaban. Kasangga sa bawat hangarin at kung anoman ang gawin isa ay kinukunsinte nang isa. Mahaba na ang kanilang pagsasama sa halos tatlumpung taon nang pagkakaibigan nang dalawang tahanan na magkapitbahay. Walang makasisira nang kanilang pagkakaibigan— kahit ang aking ina.

Tinulungan ako nang Hadi Walid na maghanda nang aming pananghalian sa gawaang lamesa. Niligpit niya ang mga gamit na nakalagay sa lamesa at sinimulang lagyan nang mga pinggan at mga kubyertos. Hinain ko ito sa mataas na lamesa.

At sa pagtawag sa aking asawa, pumunta ako sa ikalawang palapag nang aming tahanan kung saan nakita ko siyang nasa loob nang dating silid nang aking ina at nang abu na nagdadasal sa larawang nakadikit sa dingding nang silid na pinalagay nang Adi Hikmet. Hinintay kong matapos ang kanyang pagdarasal at nang makita niya ako sinabi ko sa kanya na nakahanda na ang aming tanghalian. Nang tanghaling iyon, sa tirik na tirik na sikat nang araw pinagsaluhan namin nang Adi Hikmet at Hadi Walid ang sinabawang isda na may gulay.

Sinabi nang Adi Hikmet na sinong mag-aakala sa hindi inaasahan ganon lamang ang sasapitin nang Hadi Hagir na walaman lang nalalaman kung anong karamdaman ang dumapo sa yumaong Hadezar.

Bagay na aking itinanggi…Sinabi ko sa kanya na nahulog sa ikalawang palapag nang tahanan nito ang Hadi Hagir.

Bagay na kanyang ikinagulat. Binaba ko ang palayok sa mataas na lamesa. Tinanong niya sa akin kung totoo ang aking sinabi. Bagay na aking sinang-ayunan. Tinanong nang Hadi Walid kung may kinalaban ba dito ang Adi Atiya…

Ngumiti ako. Sinabi ko sa kanya na hindi ko alam. Kung ano ang nangyari nang araw na iyon o kung iyon nga ba ang dahilan nang pagkamatay nang Hadi Hagir. Na madali lamang ang maghinala, at magbigay nang hakahaka ngunit hanggang walang patunay sa kung ano ang dahilan nang pagkamatay nang Hadezar nang tahanan ng mga Parvana makabubuti na umasa kami na hindi iyon ang tunay na nangyari at ang dahilan nang pagkamatay nang Hadezar.

Wika nang Adi Hikmet, “Kung ganon sino ang hihirangin bilang bagong Hadezar nang mga Parvana, ang Hadi Naveed?”

Tugon ko, “iyon ang nakatakda!”

Tinanong nang Hadi Walid ang aking asawa kung kilala niya ba ang Adi Atiya…ang asawa ng yumaong Hadi Hagir. Bagay na ipinagkaila nang Adi Hikmet. Sinabi nang aking asawa na may mga naririnig siya tungkol sa Adi Atiya—sa pagkatao nito, sa malaking pagkakakilanlan nang pag-uugali nito na lalong nagbibigay dito nang pa kasarilinan, sa kung sino ito o ano ito…o kung anoman ang hiwagang bumabalot sa mga pinaggagawa nito.

Tinanong ako nang Hadi Walid kung hindi ba’t nasa kapistahan ng mga mangingisda ang asawa nang yumaong Hadezar, na sa pagkakaalala nito ay palaging naroroon at hindi kailanman lumiliban sa pagtitipon. Bagay na aking itinanggi at sinabi sa kanya na nang isama ko ang Adi Hikmet ay wala siya sa papasimula ng pagdiriwang nang mga mangingisda sa dalampasigan.

Tinanong ako nang Adi Hikmet na gayong matalik na kaibigan at kakampi nang Hadi Mahdi ang yumaong Hadi Hagir ay kung ano ang gagawin ko kapag magkita kami sa lamay.

Tama ang Adi Hikmet. Hindi maiiwasan na magkita kami. Tumayo ako sa aking pagkakaupo, kasunod noon kinuha ko ang aking baso at nilagyan ito nang nakakalasing na inumin na nakalagay sa banga.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari, kung ano ang gagawin ko kapag magkita kaming dalawa nang kalabang minsan ko nang kinilalang ama. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, o kung paano ako kikilos.

Sinabi ko sa kanya, “kung ganon kailangan nating pumunta upang mapatunayan lamang natin kung ano ang gagawin ko sa mga sandaling iyon!” Nang pabiro.

Naiwan ang Adi Hikmet na naghuhugas nang aming mga pinagkainan. Habang hinatid ko ang Hadi Walid palabas nang aming tahanan.

Sa aming paglalakad tinanong sa akin nang Hadi Walid kung ano na ang mangyayari sa mga anak sa labas nang Hadi Hagir ganong wala nang magbabantay at mangangalaga sa mga ito laban sa kahindikan nang Ading hibang.

Sinabi ko sa kanya na kahit noong nabubuhay pa ang mabuting Hadezar ay wala rin naman itong nagawa para pangalagaan ang mga anak nito sa labas o ang mga babaeng kinalantari nito. Sinabi ko sa kanya na sa mga lumipas na mga panahon naging kalat ang mga labi nang mga Adi at mga bangkay na nagkalat sa buong Ja’khar at walang makapagsabi sa kung sino ang may kagagawan nito. Sinabi ko sa kanya na sinubukan itong pigilan nang kalipunan ng mga Hadezar. Kinausap nila ang Hadi Hagir at ang Adi Atiya ngunit kahit ang sanggunian ay wala rin nagawa para pigilan ito sa halip nagpatuloy at nagpatuloy ang kahindikan nang Ading hibang na sadyang tila hindi na ito mahalaga pa kung tutuusin.

Matapos noon umalis siya sa aming tahanan upang maghanda sa paglamay sa mabuting Hadezar. Sinarado ko ang lagusan kasabay noon bumalik ako sa loob nang aming tahanan.

Sa pagpasok ko sa loob nang bukalang silid, ipinatong ko ang mga gagamitin kong pampaligo at pamalit nang aking damit sa ibabaw nang mataaas na lamesa. Tinanggal ko ang mga suot kong damit. Hinubad ko ang Báta, ang saluwâl, ang bahag at kasunod noon kinuha ko ang tabo. Binuhusan ko ang aking katawan nang mainit na tubig at saka ko nilagyan nang mabangong galabok ang aking katawan. Saka ako nagbabad sa mainit na tubig ng bukalan.

Kasabay noon pumasok ang Adi Hikmet sa bukalan. Nakita ko siyang unti-unti niyang tinatanggal ang kanyang damit. At matapos na hubarin, saka niya pinahiran ang kanyang sarili nang mga galabok na insenso na may langis at pulot. Sinamahan niya akong maligo sa aming bukalang silid.

Nagbabad kami sa mainit na paliguan. Sa gitna nang aming pagligo, tinanong ko siya kung alam niya ba ang gumuhong gusali na dating pinagmamayabang ng mga Ardashir. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Sinabi niya sa akin na kalunus-lunos ang itsura nang gusali. Na isa itong malaking gusali walang hugis at anyo datapwat sa masinsinang pagtingin ay unti-unting mong makikita ang itsura nito. Sinabi niya sa akin na minsan na siyang nakapunta doon, na ang katotohanan ay pinangahasan. Kasunod noon tinanong niya ako kung ano ang dahilan kung bakit ko ito tinatanong sa kanya.

Lumapit ako sa kanya. Sinabi ko na may balak ang Hadi Khalil sa muling pagsasaayos nang gumuhong gusali. Na sa katunayan ay palihim itong ginagawa at walang sinoman ang nakakaalam sa pag-aayos at pag-aasikasong ginagawa nito dito.

Kinuha ko ang panghilod na nasa kanyang kamay. Tumalikod siya sa akin. Hinilod ko ang kanyang likuran.

Sinabi ko sa aking asawa na dumaan kami ng nakaraang araw upang ipagmalaki niya sa akin ang bagay na ito at sabihin na ito ang biyayang ipagkakaloob niya sa amin na hindi namin matatanggihan…

Bagay na kung iisipin ay siyang totoo, nilikha nila ito sa kagustuhang pamunuan ang Ja’khar at pabagsakin ang kalipunan nang mga Hadezar. Isang tore na gawa sa bato at putik na higit pa ang laki kaysa sa tore nang mga Hadezar ni higit ang taas kaysa sa tore nang mga Imago. Ang loob nito ay hindi maitatangging pambihira.

Sinabi nang Adi Hikmet na hindi magtatagal ay malalaman ito nang kalipunan ng mga Hadezar. Na hindi magtatagal matitigil din ang kabaliwang ito nang Hadi Khalil. Kinuskos ko ang kanyang balikat habang hawak niya ang kanyang buhok.

Hindi ko sigurado kung tama ang kanyang sinabi kaya tinanong ko siya kung sa tingin niya ba ay isa lamang itong kabaliwan ng matandang Hadezar, ngunit ibinalik niya sa akin ang tanong at wala akong naisagot na kahit ano…Matapos noon nagsimula na kaming kumilos. Unang umahon ang Adi Hikmet bagay na aking sinundan. Sumunod ako sa kanya sa pagpasok sa loob ng aming silid. Matapos noon agad kaming nagsimulang kumilos at magbihis para puntahan ang lamay at libing nang namayapang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana.

Nakasuot ang aking asawa ng kayumangging Báta na walang mga braso at gawa mula sa balat ng buwayang Magan ang balikat at dibdib at sa nang Avetas, na kapag sinisikatan nang apoy ay kumikinang. Sa ilalim nito nakasuot ang aking asawa ng mahabang panloob na palda na sutla at manipisnipis, burdado nang mga puting sinulid na mga sanga at mga tangkay ng punong tambis. Ang buhok nito ay nakatirintas. Ang mga tenga nito ay nagtataglay nang maliliit na itim na batong hikaw. At sa kaliwang hintuturo nito nakasuot ang singsing na ibinigay sa kanya nang Hadi Khalil.

Habang nakasuot naman ako ng itim na batá na may mga habing kaliskis sa dibdib at balikat nang tulad sa mga tata’u sa aking mga braso at mga balikat, na mula sa puno nang Avetas at kayumangging saluwâl na ang laylayan ay isang talampakan mula sa bukung-bukong ng aking mga paa at nagtataglay nang mga itim na bakal na panara. Sa aking kanang palasinsingan makikita ang singsing nang aking ina. Sa aking beywang ay mga sinturon na gawa mula sa balat nang Markupo na may bakal na hebilya at mga panaling itim na tela na may mga gintong bakal na palawit. Habang sa aking mga tenga makikita ang mga luntiang batong hikaw.

Nang hapong ito, umalis kami nang Adi Hikmet sa aming tahanan. Nakabalabal ang aking asawa nang itim na burdado nang mga gintong bulaklak nang gladiolus.  Nakasakay ang aking asawa kay Amarok, habang ako ay nakasakay kay Mamé.

Binaybay namin ang daan patungo sa lupaing kinasasakupan nang taniman ng maisan. Dumaan kami sa taniman ng kohlrabi at napadpad sa lupaing kinasasakupan nang tahanan ng mga Ardashir. Sa aming paglalakbay nang aking asawa kapansinpansin ang anino nang tore ng mga Hadezar sa hindi kalayuan. Ang simula nang lahat. Ang lugar na pinagdausan nang aking pagsilang bilang isang Hadezar…ngayon ay aninong nagtatago sa aking mga paningin…Dumaan kami sa lupain na nasa pagmamay-ari nang mga unyon nang mga panday ng Ja’khar. Kasunod noon lumabas kami sa kinasasakupang lupain ng tahanan ng mga Ardashir at narating namin ang lupain nang tahanan ng mga Parvana.

Isang lupaing balot nang maalat at mapait na alabok na hangin. Maaamoy mo sa kalawakan ang mga pampalasa na inaani at ang mga asin na kanilang tinatanim at ginagapas. Ang paglalakbay sa tahanan ng mga Parvana ay hindi naging madali. Ang asin na sumabay sa hangin ay masakit sa ilong habang ang mga mapapait na mga pampalasa ay pukyot sa kalawakan. Natunghayan naming dalawa nang Adi Hikmet ang dagat nang asin na malasalamin na ginagapas sa malalawak na lupain na nagtataglay nang mga gapunsong dami.

Nakita kong kinakayod nang ilang mga Jingkar ang mga asin mula sa mga tanimang may hanggang talampakan ang tubig. Kaliwa’t kanan ang mga taniman. Kahit saan ka lumingon nakakaingganyo ang karagatan sa asin na tinataniman nito.

Tinanong ako nang Adi Hikmet kung nakapunta na ba ako sa tahanan ng mga Parvana. Bagay na aking sinang-ayunan at sinabi sa kanya na binata pa lamang ako nang huli akong nakapasok at nakapunta sa loob tahanan nang mga Parvana.

Nagpatuloy kami sa aming paglalakbay hanggang sa narating namin ang tahanan ng mga Parvana. Sa aming pagdating una akong bumaba sa aking sinasakyang asong-gubat. Matapos noon tinulungan ko ang Adi Hikmet na makababa kay Amarok.  Nagpaalam ako na dadalhin ko lang ang aming mga alaga sa loob nang yungib bagay na kanyang sinang-ayunan. Hiningi ko sa kanya na hintayin niya ako…bagay na kanyang ginagawa.

Kaagad dinala ko ang mga asong-gubat sa loob nang yungib ng tahanan ng mga Parvana. Pagbalik ko sa aking asawa nakita ko siyang nakatayo at kausap ang Hadi Khalil habang inaalalayan nang matandang Mata ang buto’t balat na Hadezar. Lumapit ako sa kanila. Tinawag ko ang Adi Hikmet…dahilan upang mapalingon siya sa akin.

Sa paglapit ko sa kanila nagbigay ako ng paggalang sa matandang Hadezar.  Kinamusta ko siya tulad nang pangangamustang ginagawa niya sa akin at sa aking tahanan na tinugunan nang kabutihang asal at pagtanggap nang kanyang kabutihan.

Tinanong ko siya kung kararating pa lang nila nang kanyang liyaw na matandang Mata.

Bagay na kanyang itinanggi.

Sinabi niya sa akin na kanina pa sila sa tahanan nang mga Parvana. Sinabi niya sa akin na kailangan ang pagdalo nang mga Hadezar na masmabuti na ang sumunod sa kung ano ang nakaugalian kaysa baluktutin pa sa mga hambog na gawain.

Siya ang huling dumating sa libing nang aking ina…

Sumang-ayon ako sa kanyang sinabi.

Nang hapong ito, pinuri niya ang aking asawa. Sinabi niya sa akin na maaliwalas at napakaganda nang Adi Hikmet ngayon sa kabila nang napakainit na hapon. Sinabi niya sa akin na hindi nakapagtataka mahusay at maayos ang ginagawa kong pag-aalaga sa aking asawa, bagay na kung tutuusin ay hindi ko alam kung saan ang pinanggalingan nang kanyang papuring pinahihiwatig…

Sinabi nang Adi Hikmet na mabuti akong mag-alaga at masaya itong palagi akong nasa kanyang tabi at hindi ko siya pinababayaan.

Na lalo kong pinagtatakahan. Isa ba itong laro nang kasinungalingan? Nang laro ng pagsisinungaling?

Sabi nang Hadi Khalil, “narriin dara ‘a…ithi nwosi të khuzi’da xaaskiisa yi khuzi’da dubro’dhoshlhe!”

Tinanong niya ang aking asawa kung ilang buwan na ang dinadala nito. Sinabi nang Adi Hikmet na pitong buwan na ang pagdadalang tao at hindi magtatagal ay maisisilang na rin nito ang aking panganay.

Kasunod noon nabaling ang pansin nang Hadi Khalil sa akin. Wika niya, “siya nga pala Hadezar, maiba ako mabuti naman at naparito kayo. Ang totoo, hindi ko inasahan ang iyong pagpunta sa libing nang yumaong Hadi Hagir!”

Sinabi ko sa kanya na isang mabuting Hadezar ang Hadi Hagir. Na tulad nang kanyang sinabi ay masmabuti nang sumunod sa kung ano ang nakaugalian kaysa baluktutin pa sa mga hambog na gawain. Ngumiti ako. Nabaling ang aking pansin sa aking asawa. Niyaya ko silang pumasok sa loob nang tahanan nang mga Parvana…at saka ako lumingon sa Hadi Khalil at sa kanyang matandang liyaw na Mata.

 Matapos noon, pumasok kami sa loob nang tahanan ng mga Parvana.

Sa pagpasok namin sa loob nang tahanan bumungad sa amin ang mga inaasahang mga kakilala at mga may-ari nang lupa na pinamumunuan nang nasabing tahanan sa paglibing sa mabuting Hadezar. Ang loob nang tahanan ay walang pinagkaiba sa ibang mga tahanan. Ang mga silid at pasilyong pumapalibot sa malawak na lupain na nasa gitna nang tahanan at sa platapormang bato na may isang mataas na lamesa na napupuno nang mga tuyong pawid at mga tangkay kung saan nakalagay ang labi nang Hadi Hagir ang unang makikita sa pagpasok mo sa lob nang tahanan.

Ang lagusan nang tahanan ay gawa sa kahoy at nagtataglay ng mga nakaukit na larawan ng mga ibong may ulo ng isang babaeng at sumisigaw.

Hinawakan nang Adi Hikmet ang aking kamay at kasabay noon pumasok kami sa loob nang tahanan. Sa aming pagpasok humiwalay sa amin ang Hadi Khalil, kasama ang kanyang liyaw, upang lumapit sa Adi Atiya at magbigay nang pakikiramay. Habang kami nang aking asawa ay lumapit sa mga kamag-anak nito na naroroon sa tahanan nang mga Parvana.

Mararamdaman mo ang kalungkutan sa buong tahanan. Sa Adi Atiya na nakalubmok sa isang tabi habang kinakausap nang iilan at sa Hadi Naveed na kasama ang Hadi Mahdi at tila may pinag-uusapang kakaiba na binabaon nang mga ingay nang mga nag-uusap at hinihintay na simulan na ang paglibing sa mabuting Hadezar. Tulad nang inaasahan nandito sa loob ang tahanan ang mga Harith: ang Hadi Mahdi…na ngayon ay kasalukuyang kausap ang Hadi Naveed, ang bugtong na anak at tagapagmana sa pamumuno at pagiging Hadezar nang tahanan. Ang Adi Mahvash kasama ang Adi Dilshed na nasa isang sulok nang bulwagang-silid at kinakausap ang isang pinuno, na nagtatrabaho sa pagawaan nang mga sasakyang pandagat, nagbibigay nang paggalang…hanggang sa kinamayan ito nang Adi Mahvash at tuluyang umalis. Ang Hadi Nasrin na lumapit sa ama nito mula sa kanina pang ginagawang pag-iintay at pinipilit ang Hadi Mahdi na kumbinsihin ang Adi Atiya na simulan na ang libing nang Hadi Hagir bago ba dumilim…na kung iisipin ay masyado pang maaga para sabihin ito nang asawa nang aking kapatid. At ang aking kapatid kasama ang mga anak nito na sina Adi Ismat, Hadi Malik at Hadi Mahsa, ganon rin ang isa ko pang kapatid na si Adi Sule na tahimik at malungkot habang hawak-hawak ang kamay nang Adi Makbule.

Ang bulwagan ay sapat nang malaki para sa lahat nang mga tahanang bumubuo sa mga Hadezar, higit pa para sa mga may-ari nang lupa at mga unyon na nandito sa loob nang tahanan at nakikiramay habang ang iilan ay nasa labas nang silid.  Ngunit kung titignan sa mga sandaling ito, masyado itong masikip para pag-isahin ang lahat nang magkakaaway at hindi magkakasundo sa iisang silid. Ang lahat ay watak-watak…walang pagkakaisa sa paglalamay na pinagbugklod nang iisang namatay.

Walang naging laman ang pakikipag-usap nang aking asawa sa pinagmulan nitong tahanan, kung hindi Hadi Hagir…Nakakapagtaka lang na wala ang asawa nang aking pamangkin at ang ama nang aking asawa sa mga dumalo buhat sa tahanan ng mga Roshan.

Sinabi nang Adi Arwa sa amin na nang nabubuhay pa ang Hadi Hagir at noong bata pa ang ina nang aking asawa ay hindi maitatanggi ang kakisigan at pag-aalaga nang mabuting Hadezar sa kanyang mga nasasakupan…na kung tutuusin, sabi nang ina ng aking asawa, ay walang pinagkaiba ang aming ginagawang pag-iikot at paglilibot sa aming mga nasasakupan sa dating ginagawa nang Hadi Hagir.

Tinanong nang Adi Hala ang Adi Arwa kung totoo bang palikero ang Hadi Hagir. Ngunit ngumiti lamang ang Adi Arwa sa sinabi nang Adi Hala. Hindi maitatanggi na kalat at bulungbulungan ito sa aming bayan. Na ang pagiging babaero nang mabuting Hadezar ay umabot sa magkabilang dulo nang Ja’khar. Marami na ang nakapagpatunay nang bagay na ito datapwat marami pa rin ang hindi naniniwala. Alam kong totoo ito, maging ako ay naniniwala sa bagay na ito na kahit maging ang ina nang aking asawa ay hindi rin makatangging hindi ito di pabulaanan.

Walang sinoman sa amin ang nakakaalam sa hiwagang tinataglay nang mga nakikita nang mga dingding sa aming paligid, kung anoman ang nagyayari sa loob nang tahanang ito…sa pagitan nang mga Parvana sa isa’t isa, maging sa kaguluhang tinataglay nang mga ito.

Hindi nila alam kung ano ang dahilan nang pagpili sa akin nang Hadi Mahdi upang gawin akong Hadezar nang aming tahanan gayong kaya niyang tanggihan ang pagkakatakda sa akin bilang bagong kabahagi nang kalipunan nang mga Hadezar. Higit pa ito sa suliranin namin sa mga kesh, sa kaguluhang patuloy na nagaganap sa kanilang bayan…

Tinanong nang aking asawa sa ina nito kung minsan ba itong nasuyo nang mabuting Hadezar nang bata-bata pa ang mga ito.

Bagay na itinanggi nang Adi Arwa. Sinabi niya sa amin na hindi naman maitatanggi ang likas na malambing nang Hadi Hagir ngunit kung siya ang tatanungin, at kung totoo ang mga bulong-bulungan, hindi siya naniniwala na magagawang makapanloko at makapanakit nang damdamin ng babae nang yumaong Hadezar.

Siguro nga…nang mga panahong iyon, siguro nga…nang hindi pa nito asawa ang Adi Atiya, o nang hindi pa ito hindi masaya sa pagsasama nilang dalawa ng Ading hibang at itinatago pa nito ang iba pang mga babae sa kanilang pagsasama.

Kung alam lamang nito kung ano ang totoo.

Ipinagtaka nang Hadi Hakan kung ano ang mangyayari sa pagkakautang nila sa tahanan nang mga Parvana ganong wala na ang Hadezar nito.

Sinabi ko sa kanya na hindi ibig sabihin na patay na ang Hadezar ay bagsak na rin ang tahanan nito. Hindi magtatagal may hihirangin itong kapalit sa pamumuno at sa pagiging Hadezar. Nananatiling buhay ang kanilang pagkakautang. Magkagayonman maaari nilang hilingin kung gugustuhin nila na kalimutan ang pagkakautang nila sa yumaong Hadezar.

Tinanong sa akin nang Hadi Hakan kung ang tinutukoy ko ba ay ang Hadi Naveed.

Bagay na aking sinang-ayunan at sinabi ko na siyang dapat na hirangin. Lumapit sa akin ang Hadi Fadil. Binigyan niya kami nang makakain nang aking asawa at nakakalasing na inumin.

Nagpasalamat ako sa kanya.

Kapansinpansin ang biglang taas nang Hadi Fadil na ilang buwan din naming hindi nakita nang aking asawa…bagay na maging ang Adi Hikmet ay ikinagulat din ang kakaibang pangyayaring ito sa kanyang kapatid.

Sinabi nang Hadi Hakan sa akin ay katulad nang kung ano ang aking ginawa sa tahanan nang mga Harith nang hilingin ko sa kanila na putulin na ang ugnayang namamagitan sa amin nang aking mga kalaban at hayaang ibigay sa akin ang kalayaang matagal ko nang hinihingi. Bagay na hindi nila ginawa.

Sinabi nang Adi Hikmet na iba ang kalagayan nang aming tahanan sa kanilang kalagayan sa mga Parvana.

Tinanong ko sa Hadi Fadil kung nasaan ang kanyang ama at kapatid ngunit nagkimi’t balikat lamang siya at nang mabaling ang aking pansin sa Adi Arwa kaagad itong lumingon sa nakaupo kong asawa na nasa kanyang tabi.

Bagay na nakapagtataka sa mga sandaling ito.

Sinabi sa akin nang Adi Hala na bigla na lamang nawala ang mga ito matapos ang kanilang agahan ngayong araw. Sinabi nang Adi Arwa sa akin na kasama nang Hadi Yusuf ang Hadi Batul at maspinili nilang tapusin ang tahanang ginagawa nito malapit sa mahabang ilog para sa dalawang mag-asawa bago pa muling magkaroon nang sama nang panahon sa aming bayan.

Sinabi nang Adi Hikmet sa kanyang ina na hindi na talaga mapipigilan pa ang Hadi Batul na muling umalis sa tahanan ng mga Roshan.

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Arwa. Inamin nito sa amin na nakakalungkot mang isipin ngunit hindi gusto nang kanyang anak na manatili pa sa tahanan nang mga Roshan ganong hindi magtatagal ay isisilang nang Adi Ismat ang pangalawang nilang anak.

Lumapit sa amin ang Hadi Mirza. Hindi ko inasahan na bigla na lamang siyang susulpot sa aking likuran ng hindi ko namamalayan. Kinamusta niya ako…Lumingon ako sa kanya.

Sinabi ko sa kanya na mabuti naman ang aming kalagayan.

Nakita kong may hawak siyang tinapay na walang lebadura at may sarsa at mga gulay na palaman.

Hinawakan niya ang aking balikat. Ikinalugod niya na mabuti akong nandito sa libing nang yumaong mabait na Hadezar. Hindi ako sumagot.

Nabaling ang aking pansin sa kanyang kinakain.

Tinanong niya sa akin kung gusto ko ang kanyang kinakain.

Tinanong ko sa kanya kung ano ang kanyang kinakain. Hiniwa niya ang tinapay na kanyang hawak, ibinigay niya ito sa akin bagay na aking kinuha.

Tinikman ko ito…kasunod noon nang matikman ko niyaya ko ang Adi Hikmet kung bakit tikman niya rin ngunit tumanggi siya. Tinanong ako Hadi Mirza kung nagustuhan ko bagay na aking sinang-ayunan. Sinabi ko na masarap ang pagkain.  Muli tinanong ko siya kung ano ito dahil ngayon ko lamang natikman ang ganitong uri nang pagkain.

Sinabi niya sa akin na pagkain ito nang mga Kesh na dinala sa aming bayan. Isang tinapay na walang lebadura gawa sa galapong, na niluto sa pugon at sinamahan nang mga butil ng mungo na pinapalamanan ng sarsa na may atay nang baboy-ramo at gulay na kohlrabi. Sinabi niya sa akin na gawa ito nang aking kapatid… nabaling ang aking pansin sa Adi Sule.

Nakita ko ang aking mga kapatid. Nakita ko ang kanyang pag-iyak sa pagyakap sa kanya nang Adi Makbule Gusto kong malaman kung bakit siya umiiyak. Kung ano ang dahilan nang kanyang pagtangis? Gusto kong malaman kung katulad ba ito nang pag-iyak nang Adi Makbule nang talikuran niya ang Hadi Faysal at piliin niya ang kabutihan nang aming mga tahanan ganon ang kanyang mga anak kaysa sa akin? O sadyang luha ito nang kalungkutan at pag-aalala sa kinabukasang kamay nang mapagmalupit nang Ading hibang, at sa bugtong na anak nito na kanyang asawa?

Lumapit sa kanya ang Hadi Naveed…nag-usap sila nang panandalian nang aking nakatatandang kapatid kasama ang Adi Sule. Ibinigay nang Adi Sule ang pagyakap na hinihingi nito para sa Hadi Naveed.

Huwag mong sabihin sa akin na tuluyan nang nahulog ang iyong loob sa kanya?

Tinanong ako nang Hadi Mirza na kung maaari matapos ang paglibing ay makausap niya ako. Bagay na aking sinang-ayunan.

Tinawag ako nang Adi Hala. Tinanong niya sa akin kung maaari ko ba siyang samahan na magbigay galang sa namayapang Hadezar. Bagay na aking ginawa…

Hindi nawala ang aking tingin sa Hadi Naveed na kayakap ang aking kapatid.

Lumabas kami nang bulwagang silid. Sa aming paglalakad sinabi niya sa akin na bakit hindi ko kausapin ang aking mga kapatid…na higit kaninoman ay hindi maiaalis sa akin na hindi sila alalahanin.

Ngunit sinabi ko sa kanya, ano ang gagawin ko. Pinili nila ang kanilang mga kasalukuyang tahanan higit pa sa aking tahanan.

Pinaalalahanan niya ako na hindi ko dapat sisihin ang aking mga kapatid sa pagpili nila sa mga tahanang ngayong kinabibilangan nila na kung tutuusin ay wala silang mapagpipilian…at mabuti na wala silang pagpilian. Sinabi niya sa akin na nakasalaylay hindi lang ang kinabukasan nang aking mga kapatid sa ginagawa ko bagkus kung hindi rin ang kinabukasan nang kanilang mga buhay sa kamay ng mga tahanang kinabibilangan nila ngayon.

Sabi ko sa Adi Hala, “sa ginawa nila…hindi ko na sila mapapangalagaan pa!”

Wika niya, “mabuti kung ganon!” dumating kami sa kung nasaan nakalagay ang labi nang Hadi Hagir. Pagpapatuloy niya, “unzha un’zah ihhovizhi ö’onloraq bhul için…Unzha onloraqhi’anne, unzha un’ zah için merrén…ma’lum nwosi’ö mofe un’zah yanilmak vi az’zizunah ö mofe’nwosi yanilmak ko nezaman waxaa dja seçim!” (Jng. hindi mo tungkulin na alagaan pa sila…Hindi kanila magulang, hindi mo sila magulang…alam nila na kailangan mong magkamali at alam mo na kailangan nilang magkamali upang gumawa nang tamang pagpili!) Nabaling ang aming pansin sa yumaong Hadezar. Dagdag niya, “sa matindi mong pagmamahal sa kanila ay nakakalimutan mo na ang iyong sarili!”

Hindi ko nakasagot sa kanyang tinuran…sa halip nanatiling nakatuon ang aking pansin sa labi nang yumaong Hadezar.

Wika ko sa Adi Hala, “nhar sadjezhe duzhme ö irn të nju dubro’dhoshlhe!”

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Hala. Sinabi niya, “dogru…ma’lum un’zah ni yoki çin qaro seçizhini un’zah dl’ elayo iki?”

Tumango-tango ako. Sinabi ko sa kanya na alam ko kung sino ang karapatdapat. Ang nag-iisang anak nang Hadi Hagir sa Adi Atiya, walang iba pa ang dapat piliin bagkus iyon lamang…

Tinanong niya ako kung nakasisiguro ako. Nabaling ang aking pansin sa kanya.

Sinabi ko sa Adi Hala na matagal ko nang kilala Hadi Naveed, bata pa lamang kami ay magkakilala na kami.

Tugon niya sa akin, “matagal din ang inyong pagkakaibigan…”

Hindi ako kumibo. Sa halip muli kong ibinaling ang aking pansin sa labi nang Hadi Hagir na nasa aming harapan. Binalaan ko siya, “Adi Hala…kailangan mong mag-ingat nag-uumpisa nang magbago ang lahat!”

Tugon niya, “alam ko…sa tingin mo hindi ko alam ang dahilan kung bakit wala ang Hadi Batul at ang Hadi Yusuf?”

Tanong ko sa kanya, “Kung ganon ano ang gagawin mo?”

At sagot niya, “tulad nang ginagawa mo…kailangan kong pangalagaan kung ano ang akin!”

Hinawakan ko ang bumbuman nang Hadi Hagir yumuko ako at nagbigay nang paggalang sa yumaong Hadezar.

Sa hindi inaasahan lumapit sa amin ang Hadi Naveed. Narinig ko ang kanyang tinig.

Wika niya, “isang napakalungkot na hapon sa iyo Hadezar!”

Lumingon ako sa kanya. Hinawakan nang Adi Hala ang aking Braso kasabay noon iniwan niya kaming dalawa nang Hadi Naveed.

Wika ko, “kamusta ka na Hadi Naveed?”

Ngumiti siya sa akin. Wika niya, “Ito…hindi mabuti! —Matagaltagal din nang huli tayong mag-usap!”

Wika ko, “matagaltagal din ng huli tayong magkita!”

Wika niya, “tama ka… matagaltagal din”

Wika ko, “nakita kong kausap mo ang Hadi Mahdi kaya hindi na kita ginambala pa, at ibigay sa iyo ang aking pakikiramay!”

Lumingon siya sa akin. Ngumiti siya at kagyat nagbago ang lahat…ika niya, “huwag Hadezar…alam kong hindi ka pumunta dito upang makiramay! Hindi likas sa iyo ang magpanggap na mabuti at mabait. Ang magsinungaling at manloko iyon masbagay pa sa iyo…iyon ang nararapat sa iyo. Kahit kailan isa kang manloloko at sinungaling!”

Wika ko sa kanya, “kahit anong paniwalaan mo, nagbago na ako.”

Tanong niya, “Kung ganon sabihin mo sa akin ang tunay na dahilan kung bakit ka nandito sa lamay at libing nang aking ama gayong lubha mong kinamumuhian ang aming tahanan, lalo na aking mga magulang!”

Lumingon ako sa kanya. Kinuha ko ang kanyang kamay. At sinabing, “hindi mo ba nakikita… ginagawa ko ito para sa iyo.”

Ngumiti siya. Tinanggal niya ang kanyang kamay sa pagkakahawak ko sa kanya. Wika niya sa akin, “kita mo na kahit anong gawin mo hindi mawawala sa iyo kung sino ka ngang talaga.  Të iloh dhegishtam waxaa odam iloh bhul irn!”

Tugon ko sa kanya, “dugro…iloh të astaanta waxaa ‘açzi etkhiler…ki boyu’yuzu iloh irn të vharmak un’zah dl’ açzi! Yoki edilir neyi të rozgovoreë zeh waxaa Hadi Mahdi? Soyledi usaane ni dl’eder ö dayaara siz usaane yordam waayo noqon Hadezar?”

Wika niya sa akin, “hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo Hadezar, ako ang tagapagmana ng aking tahanan, nang aking ama! Ako ang patnugot at siyang dapat na maging pinuno at Hadezar!”

Wika ko sa kanya, “sino kaya sa atin ngayon ang nagsisinungaling! Akala mo ba hindi ko alam na walang iniwang tagapagmana ang iyong ama kaya kahit sino, kung gugustuhin namin, ay maaari naming kilalanin bilang Hadezar. Sa tingin mo ano ang tunay na dahilan kung bakit kami naparito…hindi ka ba nagtataka na buo ang kalipunan ng mga Hadezar, sa bingit nang kaguluhan.”

Wika niya sa akin, “Sa kaguluhang ikaw mismo ang may gawa!”

Tanong ko sa kanya, “sino ngayon ang kasama nang Hadi Mahdi!”

Tugon niya sa akin, “Ang Hadi Khalil…kausap niya ngayon ang Hadi Khalil! —nakita ko ang iyong asawa…maganda ang iyong asawa…tulad nang inaasahan magaling kang pumili! Alam niya bang may nangyaring pagkakaunawaan sa atin?”

Naglaho ang aking tingin sa labi nang Hadi Hagir. Lumingon ako sa kanya. Tanong ko, “bakit handa mo bang ibunyag na ang iyong ama ang may dahilan kung bakit ka pinakasalan nang aking kapatid?” Ngumiti ako. “Nangyari na ang nangyari. Matagal nang ubos ang tinta nang panulat. Dumaan na ang maraming panahon at ang lahat ay pawang inanod na ng tubig! Huwag na natin pang ungkatin ang hindi natin kailangang ungkatin!”

Kasunod noon tinalikuran ko siya at saka ako nagtungo sa kung nasaan ang aking mga kapatid.

Sa pagpasok ko sa loob nang bulwagan nang tahanan ng mga Parvana nakita kong kausap nang Hadi Mahdi ang Hadi Khalil…nakaupo ito sa mga batong upuang nakadikit sa dingding nang tahanan habang nakahawak ang matandang hadezar sa tungkod nito.

Lumapit ako sa aking mga kapatid subalit sa aking paglapit sa kanila lumapit sa akin ang Hadi Mirza at tinanong niya ako kung maaari niya ba kong makausap nang sarilinan.

Bagay na aking sinang-ayunan…

Nagbigay galang ako sa aking mga kapatid at mga pamangkin bagay na binalikan nila nang paggalang.  Matapos noon sumama ako sa Hadi Mirza sa paglabas nang bulwagan.

Naglakad kami patungo sa kanang bahagi nang tahanan ng mga Parvana.  Sa aming paglalakad, tinanong ako ng Hadi Mirza kung kamusta na ang mga napinsalang mga lupain na nasa ilalim ng aming pamumuno. Sinabi niya sa akin na sinabi nang Adi Hikmet sa kanya na maayos na at halos nakabalik na sa dati ang aming mga lupain matapos itong mapinsala.

Bagay na aking itinanggi at sinabing mabutibuti na ang aming nasasakupan at mga pinapatnugunan datapwat hindi pa ito nakakabalik sa dati. Hindi ko itinanggi sa kanya na marami pa ang kinakailangang ayusin at gawin sa aming lupain lalo pa’t walang tumutulong sa amin…ngunit hindi na kami hirap pa katulad nang dati. Maayos na ang aming mga lupain, maayos na ang ibang mga tahanan at hinihintay na lang namin na muling tumubo ang mga binhi na ngayon ay aming pinunla. Hindi rin magtatagal ang mga nasirang mga gusali ay maaayos na rin.

Wika niya, “mabuti naman kung ganon!”

Ikinatuwa ko na kahit ang kanyang lupain ay naging maayos na at walang gaanong napinsala. Sinabi ko sa kanya ang pag-aalala nang aking asawa nang mangyari ang kalunus-lunos na bagay na iyon. Bagay na hindi dapat kalimutan.

Sinabi nang Hadi Mirza, “na hindi rin magtatagal at pasaan ba ay makararaos din lahat. Siya nga pala Hadezar, balita ko napapadalas daw ang pagpunta mo sa tahanan nang mga Ardashir? Hindi yata maganda ang ginagawa mong pagpunta…lalo pa’t sa nangyayari sa atin ngayon!”

Tumango-tango ako. Sinabi ko, “wala po kayong dapat na ipag-alala…walang masama sa ginagawa ko, ang akin lang ay pagtanaw nang utang na loob sa ginawang pagtulong sa amin nang Hadi Khalil sa panahon nang aming pangangailangan! —Kaya nga nagpapasalamat ako nang marami sa kanyang ginagawa. Isa pa nandito ang Adi Hikmet at siya mismo magpapatunay noon Hadezar!”

Tumigil kami sa aming paglalakad. Nabaling ang aming mga pansin sa isa’t isa. Tinanong ko sa kanya kung kamusta na ang Hadi Merkabah. Sinabi niya sa akin na nakakatuwa ang bata…na nakakagapang-gapang na ito at minsan nahihirapan silang habulin. Sinabi sa akin nang Hadi Mirza na mainam lamang na mayroon na silang malilipatang tahanan para sa sandaling makalakad ang bata ay mapagaan-gaan na rin ang kanilang mga buhay.

Ngunit sinabi ko na lalo lamang din silang mahihihirapan dahil buntis pa rin ang Adi Ismat sa pangalawa nilang anak.

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Sinabi niya sa akin na kinausap siya nang Hadi Mahdi tungkol sa kung sino dapat ang maging Hadezar nang tahanan ng mga Parvana.

Tinanong ko siya kung sino.

Sinabi niya sa akin na hindi dapat maging Hadezar nang tahanan ng mga Parvana ang Hadi Naveed. Bagkus ang dapat naming piliin ay ang Adi Atiya. Na kailangan naming magkaisa sa pagpili sa kung sino ang hihiranging Hadezar nang tahanan nang mga Parvana. Kinumbinsi ito nang Hadi Mahdi tulad nang ginagawa niya sa aking pagkumbinsi.

Tanong ko sa kanya, “alam mo ang mangyayari kapag ang Adi Atiya ang maging Hadezar, Hadi Mirza…hindi na maitatago pa sa mga malikmata ang pagbagsak nang ating kalipunan! —bakit ito ginagawa nang Hadezar…bakit niya tayo kinukumbinsi na piliin ang Ading hibang kaysa ang karapatdapat na maging Hadezar, na sa aking tingin ay mastunay na karapatdapat kaysa sa iba?”

Wika niya sa akin, “dahil kahit anoman ang sabihin natin laban sa kanya…o ang pagtingin mo laban sa kanya, alam mong hindi siya nagkakamali sa pagpili! Sa ginagawa mo ngayon…isa kang mapagpaimbabaw at mashindi ko gusto ang isang Jingkar na mapagkunwari kaysa sa katulad mong isang tuso at sinungaling…maaari mong gawin kung anoman ang ginagawa mo sa iyong tahanan pero pinili ka niya…pinili niya ang iyong ina bago ka isilang bilang Hadezar. Pag-isipan mong mabuti Hadi Yasir ang kagustuhan nang Hadi Mahdi iyon lang ang hinihingi ko sa iyo!”

Tumango-tango ako bilang tugon.

Mapag-imbabaw? Ako pa ngayon ang mapag-imbabaw! Ano ang dahilan nang aking pag-angat! Hindi niya ba nakikita na ang lahat nang ito ay nangyayari sa kanila mismong, na sadyang nadamay lamang ako dahil kabahagi ako nang isang masmalaking pananagutan.

Matapos noon bumalik kami sa loob nang bulwagang-silid. Sa aming paglalakad papunta sa loob nang bulwagan nakita ko ang aking nakatatandang kapatid na nasa pasilyo, sa labas nang bulwagan. Lumapit ako sa kanila habang pumasok sa loob ng bulwagan ang Hadi Mirza.

Wika nang aking nakatatandang kapatid, “hindi mo dapat iniiwan na mag-isa ang iyong asawa! Lalo na’t nagdadalang-tao siya.”

Ngumiti ako sa kanyang sinabi.

Wika ko, “gusto ko sanang yakapin ka ngunit natatakot ako na baka may makakita! —kamusta ka na Adi Makbule?”

Tugon niya, “Ito…wala pa rin pinagbago…buhay pa rin hanggang ngayon!”

Wika ko, “mabuti naman kung ganon!”

Wika niya sa akin, “ano nga pala ang ginagawa mo dito?”

Tugon ko, “gusto nang Hadi Mahdi na maging Hadezar ang Adi Atiya…at gusto kong makita ang pinakamamahal nang aking kapatid na mailibing at makalimutan!”

Wika niya, “alam mong hindi ka dapat naparito!”

Tugon ko, “alam ko…pero ramdam ko na may mangyayaring maganda sa akin habang nandito ako!”

Wika niya sa akin, “kahit kailan hindi ka pa rin nagbabago!”

Wika ko sa kanya, “marami na ang nagbago sa atin kapatid ko!”

Tugon nang Adi Makbule, “alam kong nasaktan ka nang piliin ko ang mga Harith!”

Wika ko, “nasaktan ako nang piliin niyo kung ano ang kinakailangan niyong piliin! Hindi niyo dapat ginawa iyon…kamusta na ang Adi Sule?”

Wika niya, “maayos-ayos na siya. Sinamahan niya ang Adi Atiya na makapagpalit at makapag-ayos!”

“A!”, tugon ko, “mabuti naman kung ganon!” Nang may ngiti. “Masaya ako na makitang muli…”

Tugon nang Adi Makbule sa akin, “alam ko!”

Tanong ko, “nagkausap na ba kayo ng Adi Hikmet!”

Tumango-tango ang aking nakatatandang kapatid. Tugon niya, “Oo…kanikanina lang ngunit Nagkamustahan lang kami…mahirap nang makita nang mga umaalialigid. Baka ano pa ang sabihin nila!” ngumiti siya sa akin.

Lumapit sa amin ang aking asawa…nakita siya nang Adi Makbule. Sa paglapit niya dito tinanong niya ang aking nakatatandang kapatid kung nasaan ang Adi Sule.

Sinabi ko na kasama siya ngayon nang Adi Atiya na nag-aayos para sa gagawing paglibing sa yumaong Hadezar.

Tinanong nang Adi Makbule kung kailan manganganak ang aking asawa. Sinabi nang aking asawa na matagal pa…na pitong buwan pa lamang ang dinadala nito.

Sinabi nang Adi Makbule na hindi rin ito magtatagal ay isisilang na nang aking asawa ang aming panganay. Tiniyak nang aking nakatatandang kapatid na babae ang aming magiging panganay.

Bagay na pinagtakahan nang Adi Hikmet.

Sinabi nang Adi Makbule na kapag lalake daw ang magiging anak madalas daw na nawawala ang mistulang ningning nang pagkababae sa nagdadalang-tao at kabaliktarana naman ito pagbabae.

Sinabi nang aking asawa na hindi nito alam kung ano ang kasarian nang aming magiging anak datapwat magkagayonman hinahangad nito na kung anoman ang kasarian nang aming magiging anak ay magiging malusog ito.

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Makbule at sinabing iyon naman ang mahalaga.

Kasabay nito lumapit sa amin ang Adi Sule. Nang nakita ko ang aking kapatid agad ko siyang niyakap at ipinaabot ang aking pakikiramay sa kanya…sinabi niya sa akin na wala na akong dapat na ipag-alala, at ayos pa ang lahat. Sinabi niya sa amin na malapit nang magsimula ang pagburol. Kasunod noon tinawag niya ang iba pa na lumabas na nang bulwagan para simulan na ang paglibing sa Hadi Hagir.

Nang hapong ito nagsimula na ang paglibing sa mabuting Hadezar.

Lumabas ang Adi Atiya mula sa madilim na pasilyo. Nakasuot ito nang damit panluksa. Isang itim na bata na pinapatungan nang itim na balabal na mula sa balat nang Mantahungal. Nakasuot ito nang isicholo na gawa sa pilak…may mahaba itong palda na ang laylayan ay lagpas sa bukong-bukong na mga paa nito, burdado ito nang mga gintong santan…nagtataglay ito nang gintong alahas, mga garing at kwintas na may mga hugis santan na tinubog sa pilak at ginto.

Lumabas ito sa pasilyo na sinundan nang anak nito…ang nag-iisang tagapagmana nang tahanan ng mga Parvana. Sa paglabas niya sa tahanan ng mga Parvana, binaling ko ang aking tingin sa Adi Atiya at sa kanya, sa paglapit ng mga ito sa labi nang Hadi Hagir.

Napansin ko na nasa tabi nang yumaong Hadezar ang kawan na may tatlong paa na sumasagisag kapangyarihan nang Hadezar na nasa loob nang tahanan.

Lumapit sa akin ang Hadi Khalil napansin kong wala ang kanyang liyaw habang pinapanood namin ang paglibing sa yumaong Hadezar. Tinanong niya ako kung maaari niyang hawakan ang aking kamay bagay na kanyang sinang-ayunan. Nabaling ang kanyang atensyon sa Adi Hikmet na nasa aking tabi…nagbigay siya nang pantawag na pamitagan bagay na kakatwa.

Sinabi ko sa Hadi Khalil, “ang kanyang pamumuno bilang Hadezar ay tiyak na hindi makakalimutan nang sinoman. Isa siya sa mga magagaling at mabubuting Jingkar na aking kilala!”

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Tugon niya, “totoo, mabuti ang Hadi Hagir pero ang kanyang kabutihan ay ang kanyang kahinaan…kaya hindi nakapagtataka na ito ang dahilan ng ikinamatay nito…at siguro nang ikinabagsak nang tahanan nito…ang kanyang pagkamatay ay tulad din ng iba…makakalimutan.”

Sabi ko sa kanya, “darating ang araw na kailangan nating pumili sa kung sino ang magiging Hadezar nang kanilang tahanan!”

Lumingon siya sa akin. Wika niya, “gusto nang Hadi Mahdi na maging Hadezar ang Adi Atiya… kung ano ang gusto niya bahala siyang gawin kung ano ang gusto niya! Hindi ko gusto na madungisan ang kalipunan nang mga Hadezar tulad ng ginawa niyang pagdungis sa paghirang sa iyong ina bilang Hadezar. Hindi niya naiintindihan kung kailan siya dapat sumuko o hindi. Ang isang matandang Adi na walang tinataglay na kahit anong katungkulan o walang ginagawang kahit anong makabubuti sa kanyang tahanan ay hindi dapat maging Hadezar. Kung siya ang magiging hadezar, mabuti…mabuti at tamaan sana siya nang kanyang kapalaran sa kanyang pamumuno. Dahil titiyakin ko na aarawarawin ko na hangarin at dasalin ang pagbagsak nang kanyang tahanan.”

Lumapit ang isa sa mga anino ng tahanan sa Hadi Naveed, dala nito ang isang sulo na gagamitin sa pagsunog sa yumaong Hadezar. At sa paglapit nang Hadi Naveed sa labi nang ama nito pinigilan ito nang ina nito.  Lumingon ang Hadi Naveed sa Adi Atiya.

Hinawakan nito ang braso nito kasunod noon lumingon ito sa amin. Wika nang Ading hibang, “maraming salamat sa inyong pagdalaw sa libing nang aking asawa lalo na sa iyo Hadi Mahdi sa walang sawa mong pagsama sa aming mga pangangailangan. At sa inyo, mga kaibigan at kakilala nang aking asawa na ngayon sa nakakalungkot na araw na ito tayo ay kanyang pinagtipon upang sariwain at gunitain ang kanyang buhay. Maraming salamat!”

Nakita ko ang pagngisi nang Adi Dilshed sa wika nang Adi Atiya.

Mababaw na salita kung sasabihin mong magaspang ang pag-uugali nang Adi Atiya. Maaaring sa iba tinuturing siyang Ading walang kahihiyan, isang Ading hambog, mapagmataas, at may pagkukulang sa pag-iisip pero ang ituring ang kanyang pag-uugali na magaspang ay isang maling paggamit ng salita. Hindi magaspang ang kanyang pag-uugali. Hambog siya…at higit sa lahat pilit niyang pinagduduldulan ang kanyang sarili na mashigit pa sa amin na kahit ang totoo ay hindi niya kayang tanggapin na wala siyang pinagkaiba…

Matapos noon tuluyan nang sinunog nang Hadi Naveed ang labi nang kanyang ama.

Tumingin ako sa aking asawa. Nabaling ang kanyang atensyon sa akin habang hawak ko ang kanyang kamay at nakaipit ito sa aking mga braso. Sa aking pagtingin sa kanya nakita ko rin na nakatingin sa akin ang Hadi Mahdi. Hindi ko siya pinapansin…walang dahilan upang mag-usap pa kaming dalawa ni magkita.

Ngumiti ako sa aking asawa at kasabay noon hinalikan ko siya sa labi at muling binalikan ang panonood sa paglibing sa Hadi Hagir…Sinong mag-aakala na halos mag-iisang taon na rin simula nang mamatay ang aking ina. Parang kailan lang nang ganito din ang ginagawa ko sa pagsunog sa labi nang aking ina. Unti-unting tinutupok nang apoy ang katawan nang Hadi Hagir. Bumalot ang naglalagitik na apoy sa unti-unting nauupos na bangkay nang mabuting Hadezar. Namatay ang Hadi Hagir nang umagang ito at ngayong gabi bago tuluyang lumubog ang araw tuluyan nilang winakasan ang mahabang panahon nang kapayapaan sa tahanan ng mga Parvana.

Hindi nagtagal dumating ang Hadi Walid sa tahanang kakampi ng aming mga kalaban. Huli na ang kanyang pagdating sa libing nang Hadi Hagir ngunit tila masyado siyang maaga para sunduin kami at iwanan ang malungkot at nakakasuyong tahanang ito…

Matapos ang paglibing sa mabuting Hadezar isa-isa nang nagbigay nang paggalang ang bawat Jingkar na naparito, at bumubuo sa ilalim nang pamumuno nang tahanan nang mga Parvana. Tinanggap sila nang Adi Atiya at nang hadi Naveed.

Hindi nagtagal, Isa-isa nang nagbigay ng kanilang paggalang ang bawat Jingkar at mga tahanang bumubuo sa kalipunan nang mga Hadezar na dumalo at nakiramay sa libing nang namayapang Hadezar. Una silang tinanggap nang tahanan bilang mga panauhin. Na kung sa mga pangkaraniwang mga araw lamang ito, hindi tinatanggap ang mga ito nang hindi sang-ayon sa kung ano ang nakaugalian, ang paghuhugas nang mga paa at pagpupunas.

Unang nagpaalam mula sa kalipunan ng mga Hadezar ang Hadi Khalil, na ngayon ay nandito at sinusunod nang matandang liyaw nito. Nagbigay ito nang paggalang sa Adi Atiya, sinundan nang pagbibigay galang sa aking kapatid at sa asawa nito…matapos nagbigay din ito nang paalam sa amin nang aking asawa at sa tahanan nang mga Harith lalong-lalo na sa Adi Dilshed, na kanyang dating kaibigan at matagal na hindi nakita…Sinabi nang matandang Hadezar sa Adi Dilshed na masaya itong makitang buhay bagay na tinugunan nang Adi Dilshed nang pagsang-ayon at ganon din inulit nang lang din nito ang mga sinabi nito dito.

Matapos noon hindi rin nagtagal sinundan din ito nang pagpapaalam nang mga kamag-anak nang aking asawa. Una silang nagpaalam sa amin…na sinundan nang aking pagpapaalam sa kanila habang kausap ang Hadi Walid nang mga sandaling ito. Nagpaalam ako sa Adi Arwa, sa Adi Hala at sa aking pamangkin na si Adi Ismat. Kasunod noon nagpaalam ang Hadi Mirza sa Adi Atiya, sa Adi Sule at sa asawa nitong si Hadi Naveed na sinundan nang pagbibigay-galang sa aking maging nang kanyang mga anak na walang paggalang sa akin.

Tinanong ko siya kung maaari ko ba siyang samahan palabas nang tahanan nang mga Parvana. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Sa kanyang paglisan kasama ako sa loob nang bulwagan at palabas nang tahanan nang mga Parvana, sinabi ko sa Hadi Mirza kung ano ang aking napagpasyahan. Inamin ko sa kanya na hindi ito madali sa akin, magkagayonman tinanggap ko ang kanilang alok, sumang-ayon ako, hangarin na maging Hadezar ang Adi Atiya ng tahanan ng mga Parvana. Matapos noon tuluyan na siyang umalis at sinarado ko ang lagusan nang tahanan.

Sa pagbalik ko sa kung nasaan ang Hadi Walid inutusan ko siyang maghanda na, ilabas na ang aming mga alagang hayop palabas nang tahanan at magpapaalam lang kami nang Adi Hikmet sa tahanan nang mga Parvana at sa aking mga kapatid.  Bagay na tinalima nito.

Pumasok ako sa loob nang bulwagan. Lumapit ako sa Adi Hikmet. Inanyayahan ko siya na magpaalam na at maghanda na sa aming pag-alis.  Bagay na kanyang ginawa. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan. Tinulungan siya nang Adi Makbule.

Sa pagtayo nito, niyakap siya nang aking kapatid.  Lumapit ako sa Adi Atiya at nagbigay nang aking pakikiramay sa kanya…Kasunod noon lumapit sa amin ang aking asawa at gayong pinakilala ko siya sa Adi Atiya at sa Hadi Naveed…Niyakap siya nang aking kapatid at sinabi nito sa kanya ang hangad nang Adi Sule na makita itong muli at ang kabutihan nang mga kalusugan nang aking mag-ina.

Pinahayag nang Adi Atiya ang paghanga nito sa aking asawa na hindi nakapagtatakang natatakaran nito ang sinoman na nandito sa loob nang bulwagan. Nang hindi inaasahan, narinig ko ang pagtawag sa akin nang Adi Dilshed. Nakita ko siyang lumapit sa akin. Tinanong niya ako kung maari ba akong makausap nang sarilinan. Lumingon ako sa Adi Hikmet. Tumango ako at binalikan niya nang pagsang-ayon kasunod noon sinamahan ko ang Adi Dilshed kasabay nang aking paglabas sa loob nang bulwagan.

Sa aming paglabas, tinanong ko siya kung ano ang maipaglilingkod ko.

Sinabi niya sa akin ang hangad niyang pagkakaayos nang aming tahanan, gayong para na rin ito sa ikabubuti nang aming mga sarili at nang aming bayan, sa kabila nang nararanasan naming dalamhati…dulot nang panibagong pananalasa nang sama nang panahon noong mga nakaraang mga buwan.

Sumang-ayon ako sa kanya. Sinabi ko sa kanya na wala akong nakikitang masama kung magkaka-ayos kami nang Hadi Mahdi. Sinabi ko sa kanya na naniniwala ako na magagawa ang lahat sa pakiusapan.

Bagay na kanyang ikinalugod. Lumapit sa akin ang Hadi Mahdi…sinang-ayunan nito ang ina nito.  Sinabi nito sa akin na maaari namin itong ayusin.

Tumango-tango ako. Sumang-ayon ako sa kanya. Inamin ko rin sa kanya na maging ako gusto ko rin ang aming pag-aayos.

Muli nag-usap kaming dalawa, sa unang pagkakataon matapos ang kaguluhan sa aking lupain. Nakita ko ang paglabas nang aking asawa kasama ang aking mga kapatid at ang Adi Atiya. Maging ang tahanan nang mga Harith na inaantay ang inaasahang pagkakabati naming dalawa nang Hadi Mahdi. Nakita ko ang ngiti sa labi nang Adi Dilshed.

Nakita ko ang tuwa sa mga mata nang Hadi Mahdi. Wika niya, “Hadezar!”

Tanong ko sa kanya, “kung ganon tinatanggap mo na ang pagbali nang ugnayan nang ating mga tahanan, Hadezar?”

Nakita kong naglaho ang mga ngiti sa labi nang Adi Dilshed. Wika ko, “hindi malaking ang hinihingi ko sa iyo, Hadezar. Pwede natin itong ayusin hihingi ako sa iyo nang tawad kung pagbibigyan mo ako sa gusto ko!”

Naglaho ang tuwa sa mga mata nang Hadi Mahdi. Tanong niya, “bakit hindi na lang natin kalimutan ang mga nangyari? Magsimula tayo parang bago…isang maganda at bagong ugnayan, Hadezar!” Kasabay noon tuluyan nang nagdilim ang kalangitan lumubog ito sa aking likuran, sa likuran nang lagusan nang tahanan. Kasabay noon binalot nang kadiliman ang buong lupain.

Hindi ko pwedeng kalimutan ang lahat nang mga nangyari. Isa akong Jingkar, kapag kinalimutan ko ang aking nakaraan para mo rin akong inutusan na talikuran ko ang aking kasaysayan. At hindi ko iyon gagawin. Napatingin ako sa aking asawa na kasama ang aking mga kapatid. Buo na ang aking loob. Gagawin ko ang lahat nang aking makakaya upang makabangon.

Umiling-iling ako bilang tugon sa Hadi Mahdi at sinabi ko, “patawarin mo ako Hadezar, hindi ko magagawa ang gusto mo!” Matapos noon nagbigay ako nang paggalang sa kanya. Lumapit sa akin ang Adi Hikmet kasunod noon nagbigay ako nang paggalang sa Hadi Mahdi at sa banta nang pagtalikod ko sa kanya kasama ang aking asawa, saka naman nagbukas ang lagusan nang tahanan, nakita ko ang Hadi Walid, dala ang aming mga alagang hayop.

Muli kong narinig ang kanyang tinig. Wika niya sa akin, “HADEZAR!” dahilan upang mapalingon ako “Kung sa inaakala mong makukuha mo ang gusto mo ay nagkakamali ka.  Sisiguraduhin kong babagsak ang tahanan nang mga Barakat at gagapang kayo sa amin nang pabalik habang nakikiusap na tulungan namin kayo ulit…” Hindi ako kumibo. Sa halip tuluyan naming iniwan ang aking mga kalaban.  Dagdag niya, “at hindi ko kayo pagbibigyan!”

Advertisements

One thought on “KABANATA LABING-ANIM:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s