KABANATA LABING-TATLO:

ANG PAMIMINSALA NANG MGA DIYOS

Napuno ang langit ng madidilim na mga ulap, at ang maputik na lupa nang mga nakasuot nang itim. Nang hapong ito pinagluksa nang taniman nang maisan ang pagkamatay nang isa sa mga itinuturing na pinakamabuting Jingkar sa kanilang lupain, ang pagkamatay nang Hadi Abusta…ang patnugot at may-ari nang taniman nang maisan, hindi kalayuan sa tahanan nang mga Barakat.

Nang hapong ito umalis sila sa kanilang tahanan. Nagtungo sa tahanan nang yumaong Hadi Abusta. Nakiramay sa kabutihang taglay nang mga ito na naglilingkod sa kanila.

Ang kanyang damit ay isang puting palda na panloob, manipisnipis, sutla at burdado nang mga tanim nang mais na iniibabawan nang saluwâl na kulay itim at may mga burda nang mga alitaptap na mistulang sumasayaw na burda sa mga tansong-dilaw na sinulid nakatali sa kanyang kaliwang balikat at pinapatungan nang kayumangging babero. Nakaayos ang kanyang buhok nang may mga panali sa likuran at pinapalamutian nang mga balahibong itim. Wala siyang kahit anong suot na palamuti sa katawan liban lamang sa tata’u sa kanyang baba na patayong linya at tuldok at mga itim na hikaw na gawa mula sa itim na mga bato.

Nakasuot ang Hadi Yasir nang itim na Báta na may mga habing kaliskis sa dibdib nang tulad sa mga tata’u nito sa mga braso at balikat nang kanyang asawa, banig na itsura na hinabi mula sa mga puno nang Avetas na mistulang kalikis nang ahas na bitis, ang pang-ibaba nito ay pulang-magulang na saluwâl na ang laylayan ay isang talampakan mula sa bukung-bukong nang kanyang mga paa na may mga bakal na itim na panara, may tapis nang balat ng Markupo at mga itim na telang panali na may mga gintong singsing na palawit. Tulad niya, wala rin itong suot na kahit anong palamuti sa katawan liban lamang sa luntiang singsing nang ina nito at mga balat na galang sa magkabilang braso habang balot ang katawan nang itim na saluwâl na may mga tansong-dilaw na gladiolus na burda.

Nandito sa libing ang iba’t ibang mga Hadi na kanilang kakilala ng kanyang asawa, ang Hadi Ogeyerg na patnugot at may-ari nang sakahan nang mga jaboticaba kasama ang mga anak nito at asawa, ang Hadi Baaru na patnugot at may-ari nang sakahan nang rimas kasama ang asawa nito, ilan sa mga anak at pamangkin at mga apo. Ang Adi Baqira na patnugot at may-ari nang tanim nang mga halamang Cafir at ang Hadi Walid na liyaw nang kanyang asawa. Sa katakataka, isang matandang Hadi na may kasamang dayuhan ang nandito. Nakasuot ito nang kulay luntian at halos pakupas na Báta na gawa mula sa balat nang buwayang Magan. Nakabalot ang buo nitong katawan nang itim na saluwâl na may mga puting burda nang Saola na tinatalukbungan ang kalahati nang matandaan mukha nito na may matangos ngunit mapurol na ilong at bagsak na mga pisnging tulad sa isang kalansay. May hawak itong tungkod na may tansong dilaw na hawakan na busol at inaalalayan nang isang matandang dayuhan na may nakakatakot na itsura. May lalim at bigat ang mga matang kulay bughaw. Walang pang-itaas at kita ang malakansay nitong dibdib bundat na tiyan. May suot itong mahabang palda na gawa sa kupas na bughaw na saluwâl na may mga disenyong okri na tumatakip hanggang sa mga paa nito at ang laylayan ay sumasayad sa maputik na lupa. Hindi katulad niya madilim at itim ang kulay ng kulubot at laylay nitong mga balat na tulad sa uling na nagbibigay kagandahan sa luntiang kulay nitong mga mata. Hindi ito isang Jingkar… Ang buhok nito ay kulot at manipis na may naglilitawang puting kulay ng mga buhok. Ang noo nito ay may pulang tata’u na mistulang tulad sa nakabaliktad na dahon. Ang mga pudpod at manilawnilaw na mga kuko nito ay may makikitang mga itim na mga duming masmadumi pa sa kulay nang mga itim na mga bato at tulad sa mga alkitran marahil ay dulot nang pagpapanday na ginagawa nito sa mga gawaang-bakal. Bahagya itong nakayuko habang inaalalayan ang matandang Hadi na kasama nito at may hawak na isang makulay na balahibo nang isang Mantahungal na lagas-lagas sa kabila nitong kamay.

Habang pinanonood nila ang paglapit nang Hadi Eno sa labi nang ama nito upang sunugin, tinanong niya ang kanyang asawa kung sino ang Hadi na kanyang nakikitang may kasamang dayuhan. Sinabi nito sa kanya na ang kanilang nakikita ay walang iba kung hindi ang Hadi Khalil, ang Hadezar ng tahanan nang mga Ardashir kasama ang liyaw nitong Mata na isang dayuhan. Isang Mata…ang tata’u sa noo nito, doon pa lang magsasabi na kung sino ito at kung saan ito nagmula, isang Mata na sumasamba sa mga diyos na naninirhan sa ilalim nang karagatan at sa ibabaw nang mga ulap.

Tinawag nang Hadi Eno ang mga kapatid nitong lalake. Kaagad lumapit dito ang dalawa nitong kapatid na sina Hadi Butrus at Hadi Bulus. Mga kakatwang pangalan. Magkakasama, sinunog nila gamit ang mga hawak na sulo ang labi nang bangkay nang kanilang ama na si Hadi Abusta. Matagal ding naghirap ang matanda sa kalagayan nitong tulad sa isang lantang-gulay na ang kinamatay ay atake sa puso.

Ang Adi Hikmet

Matapos ang paglibing sa Hadi Abusta naghiwalay sila nang kanyang asawa…kasama ang Hadi Walid pumasok sila sa loob nang tahanan nang may-ari ng lupa nang sakahan ng mga maisan. Lumapit ang kanyang asawa sa Hadi Khalil na naroroon rin sa ginawang paglibing at paglamay sa yumaong may-ari nang lupa.

Lumapit siya sa asawa at ina nang Hadi Abusta. Nakiramay siya sa mga ito at ipinabatid ang kanyang kalungkutan at dalamhati sa pagkamatay nang isang Hadi na kahit hindi niyaman lubusang nakilala ay naging malapit na sa kanyang puso.

Hindi nagtatagal ituturing na bagong may-ari at pinuno ang panganay nitong anak na nakatakdang pumalit sa yumao nitong ama bilang bagong patnugot at may-ari nang sakahan nang lupain ng maisan, ang Hadi Eno. Hindi maikakailang may kabataan pa ang Hadi Eno upang manahin ito sa ama nito, lumapit ito sa kanila at binigyan sila nang nakakalasing na inumin na mula sa bunga nang Agave. Iniisip niyang nasa kalugaran ito nang kanyang katandaan datapwat sa kanyang nakikita tila binatak na ito nang panahon.

Pagtataka niya sa Hadi Eno, “hindi ba at masyado ka pang bata upang maging patnugot at may-ari nang lupa?”

Wika nang ina nito, “iyon din ang iniisip ko…sa tingin ko ako na lamang muna ang hahalili at tatayong patnugot nang aming tahanan!”

Ngunit pinigilan ito nang ina nang yumaong Hadi Abusta at sinabing makabubuti na dito na lamang ito sa tahanan, alagaan ang mga anak at hayaang ang panganay nitong lalake ang mamuno at maglingkod. Na kung anoman ang pagkakamali nito ay hayaang magkamali at matuto sa pagkakamaling mga gagawin. Sinang-ayunan nito ang kanilang sinabing bata pa ang Hadi Eno gayon tugon din nang ina nang yumaong Hadi Abusta ay walang mali sa pagiging bata na sa katunayan bata rin nagsimula ag Hadi Abusta at ang Hadi Eno nang tulad nang ama nito ay marami pa itong kailangang matutunan.

Wika nang Hadi Eno sa kanila, “kailangan ko itong gawin para sa aking ama…para matuwa siya sa akin at para hindi masayang ang kanyang mga pinaghirapan!”

Bagay na kanyang ikinahingi nang tawad sa Hadi Eno.  Kasunod nito humingi ito nang paumanhin at lumiban sa kanilang pag-uusap.

Umupo sila sa tabi nang mahabang lamesa. Ang loob nang tahanan nang mga ito ay hindi maituturing na ganong kalakihang, datapwat sapat na upang matawag na isang maliit na pamayanan ang paligid nang tahanan at ang mga gusali na nandito. Katulad ito sa kanilang tahanan nagtataglay nang mga samu’t saring mga pintuan at lagusan, at mga durangaw at dungawan. Pinaliligiran nang isang malawak na sakahan nang maisan. May sariling silid ang mga babae sa ikalawang palapag nang tahanan. Mga batong upuang nakadikit sa dingding at napupuno nang mga kagamitang kahoy. May malaking pugon na siyang lutuan at nagsisilbing painitan sa buong sa ganitong mga malalamig na hapon habang nagbabanta ang isang sama nang panahon.

Napansin niya ang isang batang babae na nakatingin sa kanya… ngumiti siya dito bagay na binalikan nito nang pagngiti, ang Adi Ayda.

Tinanong siya nang Adi nang tahanan kung kailan siya manganganak. Sinabi niya ay matagal pa at malayo pa… sa katapusan nang tag-init ang inaasahang pagsilang nang kanilang magiging panganay nang Hadi Yasir. At nang tinanong siya nito kung ano ang kanyang hangad na kasarian wala siyang maisip na kahit ano bagkus sinabi niya kahit anong kasarian, lalakeman o babae ay hindi na mahalaga basta malusog at maayos ang kalagayan nang magiging anak nila nang kanyang asawa.

Sinabi sa kanya nang Adi nang tahanan na sana babae ang kanyang magiging anak…

Bagay na kanyang ipinagtaka. Tinanong niya ito kung bakit.

Sinabi nito sa kanya na ayon sa naranasan nito madali ang pag-aalaga sa mga babaeng sanggol. Madaling bihisan at ayusan…madaling malibang ang mga ito sa mga ina…datapwat pagtagaltagal at lumaki ang mga ito ay sila pang mga ina ang kaaway nang kanilang mga anak na babae.

Siguro nga, saloob niya sa kanyang sarili. Dalawa ang Adi nang tahanan ng maisan, ang asawa nang yumaong Hadi Abusta at ang ina nito, bagay na bibihirang mangyari at ngayon ay mapalad siyang kasama ang mga ito at kausap. May limang babaeng anak nag Hadi Abusta at tatlong lalake. Ang panganay nito ay babae na sinundan nang lalake at nang isang babae at isang lalake na nasundan din nang isang lalake at nang dalawa pang babae.

Ang panganay na anak na babae nang Hadi Abusta ay buntis at inaasahang manganganak sa kalagitnaan nang panahon nang tag-init. Lumapit ito sa kanya at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakilala niya ito.

Sinabi nito sa kanya na parang kagabi lamang ay nandito ito at nakikipagkwentuhan sa ama. Maramdamin ang panganay na anak na babae nang Hadi Abusta. Ito ang unang umiyak nang sinusunog na ang bangkay nang ama nito. At nang nagkukwento ito sa kanila habang kasama nag ina hindi nito mapigilang hindi umiyak at ngumawa, lumikha nang kaguluhan sa loob nang tahanan kasama nag mga iilan pang mga panauhin.

Humingi ito nang tawad sa kanila. Hindi nito gustong ipaalala ang masasakit na mga nakaraan.

Tinanggal nang panganay na babae ang suot nitong sandalyas sa paa. Nagkwentuhan sila habang hinihintay niyang sunduin siya nang kanyang asawa sa loob nang tahanan ng yumaong may-ari nang maisan.

Ginala niya ang kanyang tingin sa paligid nang tahanan. Napansin niya ang mga abalang mga Hadi at Adi na nasa loob nang tahanan at nasa labas sa kabila nang namumuong sama nang panahon. Ang mga naglalarong mga bata sa loob nang kabahayan ay walang nalalaman sa kung ano ang tunay na nagyayari at abala lamang sa kanilang paglalaro.

Sinabi nang ina nang yumaong Hadi Abusta na parang kailan lang at natagpuang patay sa loob nang kanilang sakahang lupain ang ina nang knayang asawa. Isang nakakalungkot na araw, wika nito sa kanya.

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Tinanong siya nito kung alam niya ba kung papaano namatay ang Adi Hiba…bagay na kanyang itinanggi. Tinanong siya nito na kung ganon ay hindi pa nito nasasabi nang kanyang asawa. Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Sinabi nito sa kanya na walang sinoman ang nakakaalam kung papaano namatay ang Adi Hiba. Natagpuang ito sa loob nang kanilang sakahan na naliligo sa sarili nitong dugo, at natatabunan nang maraming bumagsak na halaman nang Adi Ayda.

Tinanong siya nang nakatatandang anak na babae nang yumaong may-ari nang lupa na totoo ba na matagal na silang magkakilala nang kanyang asawa bago palang ang una nilang pagkikita sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar. Bagay na kanyang itinanggi at sinabing iyon ang una nilang pagkikita nang Hadi Yasir. Gayon pa man itinanong nito sa kanya kung saan nito nalaman ang ganitong balita.

Sinabi nito sa kanya na bulongbulungan na magkababata sila nang kanyang asawa at ang dahilan daw kung bakit siya nito pinakasalan ay nabuntis daw siya nang Hadi Yasir pero nakunan siya. Sinabi niya na isa itong hindi magandang mga sitsit na hindi dapat isiping totoo at walang kahalagahan.  Na ang kanyang unang pagbubuntis ay gawagawa lamang at hindi dapat paniwalaan.

Bagay na ikinahingi nang tawad nito sa kanya…magkagayon pa man sinabi niyang wala itong dapat na ihingi nang tawad.  Matapos noon iniba nila ang usapan at gayon tinanong siya nito kung kamusta naman siya

Sinabi nito sa kanya na napapadalas ang pamamanas nang mga paa nito. Bagay na tinuran nang ina nito na pangkaraniwan lamang ito sa isang magiging ina dahil lumalaki ang bata sa sinapupunan nito.

Wika nang asawa nang yumaong may-ari ng sakahan ng maisan sa kanya, “Adi Hikmet kung iyong pahihintulutan… hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Gusto ko sana na tulungan mo kami tulad nang ginawa mong pagtulong sa iba.”

Nagtaka siya. Wika niya, “ano po ba ang ibig niyong sabihin…maaari ko po kayong tulungan!”

Kasabay nito lumapit sa kanila ang isang Adi. Ang nakatakda at pinangakuan nang Hadi Eno na maging asawa. Galing ito sa Ka’desh…pinalapit ito nang ina ng yumaong Hadi Abusta. Sumabay ito sa kanilang pakikipagkwentuhan. Bago itong dating galing sa Ka’desh kasama ang ama at mga kapatid mula sa nangyayarihang kaguluhan ngayon sa pinagmulan nitong bayan.

Sinabi sa kanya nang kapatid nang Hadi Eno na wala siyang dapat na ipag-alala dahil malaki ang naitutulong nito sa kanilang sakahan kahit pa ba sa unang pagkakataon ay hindi maasahas at palpak sa mga gawain na hindi rin nagtagal ay natuto at nakatulong nang malaki.

Kasabay nito lumapit sa kanila ang Hadi Walid hiningi siya nito sa mga Ading kanyang kausap. Sinabi nito sa kanya na tinatawag na siya nang kanyang asawa. Pinayagan siya nang mga kababihang kanyang kasama na umalis sa kanilang pag-uusap. Nagpaalam siya sa mga ito. Nang makita ang Hadi Eno nagpaalam siya dito. Sinabi niya sa Hadi Eno hanggang sa muli nilang pagkikita. Matapos noon tuluyan na siyang umalis at lumabas sa tahanan nang may-ari nang maisan.

Sa kanilang paglabas sa tahanan nang maisan nakita niyang kausap nang Hadi Yasir ang Hadi Khalil…kasabay nito nagsimula nang pumatak ang tubig mula sa kalangitan. Nagsimula nang umambon.

Sa kanilang paglapit sa kung nasaan ang kanyang asawa tinanong niya ang Hadi Walid kung ano ang kaugnayan nang kanyang asawa sa matandang Hadezar na kausap nito ngayon.

Sinabi nito sa kanya na ang Hadi Khalil ay pinsan nang ina nang kanyang asawa at tiyo ito nang Hadi Yasir.

Lumapit sila sa kung nasaan ang dalawang Hadezar kasabay nang kanilang paglalakad nakita niya ang kanyang asawa na kinamayan ang Hadi Khalil. Sinabi nito dito na makakaasa ito na tutuparin kung anoman ang pinag-usapan nang mga ito.

Pinakilala siya nang kanyang asawa sa matandang Hadezar. Nagbigay siya nang paggalang dito at binungad sa matandang Hadezar ang mga katagang isang maulang umaga sa salitang jingkaris.

Bagay na pinatotohanan nito at inamin na isa ngang maulang umaga ang hapong ito.

Tumugon ito sa kanya at sinabing, “bire’yagmurthlu ojokanri irn dl’zeh Adi Hikmet!”

Nahiya siya sa kanyang pagkakamali. Datapwat sinabi nito sa kanya na wala siyang dapat na ikahiya at pangkaraniwan lamang ang pagkakamali.

Sinabi nang Hadi Khalil sa kanyang asawa na kung gayon pala ay siya ang asawa nang kanyang asawa…ang pinag-uusapan nang buong mundo. Ang kumalat na bulongbulungan kung bakit hiningi nang kanyang asawa sa Hadezar nang tahanan ng mga Harith ang kalayaan nilang pamunuan ang kanilang kinasasakupan nang walang halong kahit anong pangingialam sa mga ito.

Wika nito sa kanya, “nagkakilala rin tayo Adi Hikmet!”

Tumango-tango siya bilang tugon dito.

Sinabi nito sa kanya na totoo ang sinasabi nito. Na nagpapasalamat ito at totoo ang nararamdaman nitong karangalan na makita siya nito at makilala.

Ibinigay nito ang kamay nito sa kanya hinawakan niya ang kamay nang matandang hadezar, naramdaman niya ang mabuto at makalansay na anyo nang kamay nito na binatak sa hirap at pinaglipasan ng panahon. Na isang karangalan sa kanya na makita at malaman kung sino ito at ano ito.

Bago ito tuluyang umalis sinabi nito sa kanyang asawa na huwag nitong kalilimutan ang pangakong ibinilin nito sa kanyang asawa bagay na tinalima nang Hadi Yasir at sinang-ayunan.

Matapos nito nagpaalam na sa kanila ang Hadi Khalil at saka ito tuluyang umalis.

Sa pag-iwan nang mga iilang mga Jingkar na nakiramay sa paglibing sa Hadi Abusta ng sakahan ng mga maisan, sinimulan nang kanyang asawa na tawagin at kausapin ang Hadi Eno. Sinabi niya sa Hadi Eno na simulan na ang pagkilala dito bilang ang pinakabagong patnugot, pinuno at may-ari nang lupang sakahan ng mga mais. Sinimulan ito sa pakikipag-usap nang kanyang asawa sa Hadi Walid, sa ina nang Hadi Eno at sa ina nang yumaong dating may-ari nang lupa.

Pumasok sa loob ang mga Adi nang tahanan. Kasunod noon sinarado nila ang lagusan habang naiwan sila nang kanyang asawa at nang Hadi Walid at ang mga iilang mga trabahador na naglilingkod sa ilalim nang pangangasiwa, pamumuno at patnugot nang sakahan sa loob nang tahanan.

Hindi naglaon, nagbukas ang lagusan nang tahanan. Pumasok ang kanyang asawa sa loob, kasama ang mga kamag-anak nang Hadi Eno at tinanggap sila nang mga ito na ayon sa kung ano ang nakaugalian.

Unang tinanggap nang mga ito ang kanyang asawa na sinundan nang paghuhugas nang kanyang mga paa at paghuhugas nang mga paa ng Hadi Walid.

Matapos nito, tinanggal nang Hadi Yasir ang nakabalot na saluwâl na kanina pa nito suot at tinatago ang pulang magulang na kulay nang suot nitong pang-ibabang kasuotan. Ibinigay ito sa ina nang Hadi Eno. Kasunod noon lumapit ang isa sa mga kapatid nang Hadi Eno na may dalang palangganang naglalaman nang abo na sinundan nang nakatatandang kapatid nitong babae na may dalang maliit pitsel na may lamang malinis na tubig.

Kinuha nang kanyang asawa ang pitsel. Ibinihos nito ang tubig sa abo. Kasunod noon lumapit ang bunsong kapatid na lalake nang Hadi Eno sa kanyang asawa na may dalang mabangong insensong langis. Nilagyan ito nang putik mula sa abo at saka ipinahid sa mukha nang Hadi Eno.

Tinanong nang Hadi Yasir ang nakaluhod na batang Hadi kung handa ba nitong sundin ang lahat nang inaasahang gampanin nito bilang bagong pinuno nang tahanan nang may-ari nang sakahan ng maisan. Bagay na tinalima nito nang walang pagdadalawang-isip at may pagsang-ayon. Tinanong nang kanyang asawa dito kung handa ba nitong alagaan at gampanan ang lahat nang tungkulin sa panganagalaga sa karangalan, at kabutihan nang mga nasasakupan nito. Bagay na tinalima nito sa kanyang asawa. Panghuli tinanong nang kanyang asawa sa Hadi Eno kung handa ba itong sumalalim sa patnugot, pamumuno at pagiging Hadezar nang kanilang tahanan bilang ang pinakabagong pinuno, patnugot at may-ari nang tahanan nito at nangn sakahan nang mga tanim na maisan. At sinang-ayunan ito nang Hadi Eno sa kanyang asawa at kinilala nang kanyang asawa at Hadezar nang kanyang tahanan ang mga ito.

Tinayo nang Hadi Yasir ang nakaluhod na Hadi Eno. Niyakap nito ang pinakabatang may-ari nang lupa na kanyang nakilala…at tinanggap at kinilala nang tuwiran.

Bago sila tuluyang umalis sa tahanan ng sakahan ng maisan nang kanyang asawa pinasalamatan siya nang matandang Adi nang tahanan at ibinigay sa kanya ang isang maliit at pulang abaloryo na gawa mula sa mga pulang bato na may mga kasamang pilak at tinubog na pilak. Nagtagtaglay ito nang mga manik sa iba’t ibang laki na ang pinakamalaki ay may lilom nang kahel, kayumanggi at pulang singsingang umiikot sa makintab na bato habang ang pinakauluhan ay maymaliit na debuho nang dalawang babae, na ang isa may buntot nang isda at ang isa ay may pakpak ng ibon. Sinabi nito sa kanya na galing ito sa yumaong asawa na ipinasa sa Hadi Abusta at ngayon ibinibigay ito sa kanya matandang Adi sang-ayon na rin sa kagustuhan nang yumaong may-ari ng lupa. Nagpasalamat siya dito. Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. Kasunod noon narinig niya ang pagtawag sa kanya nang Hadi Yasir.

Matapos nito bumalik sila sa kanilang tahanan…iniwan sila nang Hadi Walid pabalik sa sarili nitong bahay habang sila sinimulan nila ang takipsilim sa paghahanda nang kanilang hapunan.

Nang gabing ito nagsimulang magbadya ang isang masamang panahon. Nagsimula sa pagguhit nang kidlat sa madilim at mapanglaw na kalangitan. Sinimulan nang pagdagundong nang sunod-sunod na pagkulog na mistulang pinapalong tambol. Lumakas ang hangin at ang ihip ay naging karimarimrim.

Nabaling ang kanyang atensyon kasabay nang pag-iilaw sa buong tahanan habang nasa pasilyo siya sa unang palapag.

Nagsimulang mahulog ang unang malalaking patak nang ulan sa kadiliman nang gabi. Sinundan ito nang isa pa at sinundan nang sumunod pa hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang malakas na hanging dala. Ito ang pangalawang sama nang panahon na tumama sa kanilang lupain nang ganitong kahigit. Ito ang unang sama nang panahon na nagpapaalala sa kanila sa gabing kung saan pinaniniwalaang namatay ang ina nang kanyang asawa.

Tinawag niya ang Hadi Yasir buhat mula sa silid lutuan nang kanilang tahanan. Pinuntahan siya nito kung nasaan siya. Pinatingin niya dito ang sama nang panahon na kanilang nakikita.

Wika niya, “nakakatakot ang hangin at buhos nang ulan!”

Sagot nito sa kanya, “tama ka!”

Tanong niya sa kanyang asawa, “anong gagawin natin Hadi Yasir?”

Wika nito sa kanya, “kapag tumigil bukas ang ulan maaari tayong umikot at tumulong kung hindi n wala tayong magagawa kung hindi ang maghintay…ito lamang sa ngayon ang magagawa natin asawa ko…”

Ang maghintay sa takot na kanyang nararamdaman ay parang matulis na karayom na tumutusok sa kanyang mga mata.

Tanong niya, “wala ba tayong ibang pwedeng gawin bukod dito!”

Wika nang kanyang asawa, “wala, ngayon wala!”

Kasunod nito iiwan siya nang Hadi Yasir na nag-iisa at bumalik sa loob nang silid-lutuan.

Sa kanyang pag-aalala at mga panalangin nagtungo siya saloob nang silid-lutuan. Nakita siya nang Hadi Yasir. Kinuha niya ang isang maliit na lalagyan nang asin na gawa sa paso. Alam niyang gusto siyang tanungin nang Hadi Yasir kung saan niya paggagamitan ang hawak niyang paso na may punung-punong laman ng asin. Subalit hindi siya nito tinanong bagkus sinabi nito sa kanya na malapit na silang maghapunan. Sa ganitong sandali hindi niya maintindihan kung bakit ganon lamang kalamig ang kanyang asawa sa mga ganitong pagkakataon na ang takot ay naghahariharian. Lumabas siya nang silid-lutuan. Sa paglabas niya nilagyan niya nang asin ang lagusan nang silid. Nakita siya nang Hadi Yasir na ginagawa ito habang hinihintay nitong maluto ang sinasaing nito.

Umalis siya. Tinalikuran niya itong nag-iisa. At sa kanyang pag-iisa sinimulan niya ang pagbubuhos nang asin sa bawat lagusan at dungawan nang tahanan.

Lalong lumakas ang pagbuhos nang ulan at ang maragsang ihip nang hangin nito. Narinig niya ang kanyang asawa habang nasa pasilyo siya sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan. Tinawag siya nito at sinabing kakain na. Bumaba siya sa ikalawang palapag. Nakita niya ang Hadi Yasir na naghihintay sa kanya. Sinamahan siya nito na pumasok sa loob nang silid lutuan kung saan sa mataas na lamesa nakahanda ang kanilang hapunan na karne nang pato na ginata sa maasim na panlasa at gatas na mula sa puno nang buri at Mantahungal na may mapait at maanghang na panlasa, luya at togue. At nagmamantika.

Naghapunan sila nang Hadi Yasir.

Sinabi nito sa kanya na wala silang dapat na ipag-alala…sa kanilang mga nasasakupan at sa mga mabibiktima nang sama nang panahon na nararanasan nila. Na alam nito na nag-aalala siya. Na hindi nito mapipigilan na huwag siyang mag-alala datapwat pinaalala nito sa kanya na hindi sa lahat nang pagkakataon na tuwing makakaranas ang Ja’khar nang sama ng panahon ay kinakailangan nilang umikot at kamustahin ang kanilang mga nasasakupan…na kung papaano ay maging biktima rin sila.

Wika nang kanyang asawa, “hindi tayo pwedeng magpalalang sa mga kinababahala natin Adi Hikmet! Biktima din tayo nang malakas na delubyong ito!”

May katwiran ang Hadi Yasir. Binalaan siya nito na huwag nitong suwayin ang pasya nito kung sakaling hindi tumigil ang malakas na sama nang panahon at tumigil sila sa loob nang pamamahay.

Tinanong niya ang kanyang asawa kung ano ang napag-usapan nila nang Hadi Khalil.

Sinabi nito sa kanya na alam nito ang nangyari noong mga nakaraang araw, kung papaanong dumating ang Hadi Mahdi at ang Hadi Nasrin sa nasasakupan nilang lupaing. Hinimok nito ang kanyang asawa na pagbatiin sila nang Hadi Mahdi datapwat hindi nito binigyan nang tugon ang mungkahing paghingi nang tawad sa Hadezar nang tahanan ng mga Harith sa ginawa nito dito. Nalaman nito ang balita sa mga tagabulong. At hindi nito ikinagulat ang mga nangyari datapwat nanghinayang ito na mauuwi lang sa ganito ang lahat…sa isang kaguluhan.

Tanong niya sa kanyang asawa, “ngunit kaguluhan nga ba talaga ang hangad mo…o napipilitan ka lang?”

Wika nito sa kanya, “alam mo ang totoo!”

Tugon niya, “oo…alam ko! Mahirap nga lang isipin kung saan magsisimula ang kaguluhan na para sa amin at ang kaguluhan na para sa iyo!”

Wika nito sa kanya, “pero hindi mo maiintindihan!”

Wika niya, “Ipaunawa mo sa akin…at baka matutunan kong tanggapin!”—ngunit hindi ito ginawa nang kanyang asawa. iniwan niya ito sa loob nang silid lutuan matapos kumain. Tinapos nito ang kanyang mga gawain habang siya ay nagtungo sa loob nang bukalang silid, naligo at nagbabad sa mainit na tubig nang bukalan. Sa kanyang pagbababad sa mainit na tubig, sa hindi inaasahan, pumasok ang kanyang asawa sa loob nang bukalang silid. Nakita niya ito. May dala itong insensaryo na may tungkod at mga paa na gawa sa tansong-dilaw habang hawak sa kabilang kamay ang isang tunawang-sulyaw na ilalagay sa loob nang insensaryo at maliit pang sulyaw na naka-ibabaw dito at may lamang maliit na kutsara at pang-insensong may nakakalasing na amoy na mula sa pinatuyong mga dahon nang halamang Cafir.

Minsan niya nang nakitang sinindihan ito nang kanyang asawa…sa gitna nang pag-iisa nito sa mga panahong hindi pa sila nag-uusap. Nakita niya ito na ginamit sa kanyang ina upang mahimasmasan ito sa pagdadamdam ng panganganak nito sa kanyang bunsong kapatid na si Hadi Fadil.

Nilagyan nang kanyang asawa ang tunawang-sulyaw nang mga pinatuyong dahon ng Cafir. Pinasok ito sa insensaryo at sinindihan.

Nagtungo ito sa kasilyas na malapit sa lagusan nang tahanan. Hinubad nito ang suot nitong bahag. Umupo ito sa kasilyas at humingi sa kanya nang tubig na mainit na galing sa bukalan bagay na kanyang ibinigay dito na nakalagay sa tabo na malapit sa bukalan.

Wika niya sa kanyang asawa, “mukhang habang tumatagal pabigat ka nang pabigat ka Hadi Yasir!”

 Ngumisi ito sa kanya, “huwag!” Kasabay na umiling-iling. Wika nito sa kanya, “hindi mo dapat ginagawa sa akin iyan!”

Wika niya, “totoo ang sinasabi ko! May tiyan ka na ngayon…hindi katulad nang dati. Mukha ka nang palakang naka-upo sa lupa at naghihintay nang ulan!”

Anya nang kanyang asawa, “O Adi Hikmet bakit ang lamig mo sa akin ngayon?”

Matapos noon tumayo ito mula sa pagkaka-upo nito. Nagbihis ito kasunod noon tinanong siya nito kung nakasisiguro siya na tumataba siya…habang pisil-pisil nito ang tiyan nito. Bagay na kanyang sinang-ayunan sa kanyang asawa at hindi itinanggi. Sinabi niya dito na tigilan na nito ang pag-inom…at tumugon ito sa kanya na siguro nga kailangan na nitong maghersisyo.

Umalis ito dala ang timba na nasa kasilyas…

Unti-unting pumapasok sa kanyang katawan ang nakakalasing na amoy na galing sa insensaryo. Nakaramdam siya nang kabigatan sa kanyang sarili. Nagsimula siyang makaramdam ng panunuyo sa kanyang katawan. Nagsimula ito sa kanyang balakang na naramdaman sa kanyang balikat, batok at dibdib. Nakaramdam siya nang simbuyo na hindi niya matanggal sa kanyang sarili. Kumampay ang kanyang mga daliri. Inilapit niya ang kanan niyang kamay sa pagitan nang kanyang mga hita. Ipinasok niya ang kanyang hinlalato sa kanyang katawan na sinundan nang kanyang hintuturo. Hinawakan niya ang kanyang sarili. Naging kalatuwa ang kanyang paghinga sa bawat pag-udyok na ginagawa niya sa kanyang sarili. Hind naglaon humikbi siya. Nagpatuloy siya, at nagpatuloy at nagpatuloy. Pinukaw nito ang kanyang imahinasyon…dinala ang kanyang katawan sa higit na sensayo.

Nakaramdam siya nang tunog nang pagtulo nang tubig. Ang pagbuhos nang ulan. Ang pagbagsak nito sa lupa at mga salusoy na malalakas at malaking pag-onda. Hanggang naramdaman niya ang kanyang asawa at ang kamay nito na lumapit sa kanya. nakatayo sila nang sinsinan sa isa’t isa. Naramdaman niya na hinawakan nito ang kanyang kamay. Hinawakan niya ang kamay nito. Ang mga daliri nito. Hinindot siya nito. Sinabi niya, GANYAN NGA…GANYAN NGA… Sinabi niya, HUWAG KANG TITIGIL…Sinabi niya, DIYAN…DIYAN…naramdaman niya sa kanyang hita ang pagsalsal nito sa titi nito. Hiniga nito ang ulo nito sa kanyang balikat. Naramdaman niya ang paghinga nang kanyang asawa. Hinawakan niya ang kamay nito itinuri niya dito kung saan, kung gaano kabilis o kabagal ang pagsalsal nito sa kanya.

Narinig ang tinig nang kanyang asawa…narinig niyang may sinasabi ito sa kanya bagay na hindi niya pinakinggan.

Humikbi siya. Humikbi siya.

Narinig niya sa kanyang asawa na inutusan siya nitong tumalikod…bagay na kanyang itinanggi. Sinabi niya, “…TAPUSIN MO MUNA AKO…” at pumayag siya sa gusto nitong gawin. Naramdaman niya ang halik nito sa kanyang balikat. Sinabi niya, “MALAPIT NA…” MALAPIT NA…MALAPIT NA… Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Tumalikod siya sa kanyang asawa inayos niya ang kanyang sarili upang hayupan siya nitong kantutin. Ginawa ito nang kanyang asawa. Sinimulan nitong halikan siya sa batok. Paibaba.

Narinig niya na sinabi nito sa kanya na ngayon lamang ito ginawa nang kanyang asawa. Na hindi ito ang natutunan nito sa mga kapatid bagkus kabalintunaan nito ang kanilang ginawa at ngayon lamang ito ginawa ng kanyang asawa.

Niyaya siya nito na umahon. Bagay na kanyang ginawa. Pinunasan nito ang kanyang basang katawan at ang kanyang mukha at buhok. Pinunasan niya ang basa nitong katawan ang mukha nito at ang ulo nito. Nang gabing ito muli silang nagtalik. Pinamunuan nila ang isa’t isa. Umibabaw siya sa Hadi Yasir habang nakahiga ito sa kanilang kama.  Ang kanyang mayhubog na tiyan ay naka-arko sa katawan ng Hadi Yasir. Isa itong lisya nang kanilang mga katawan. Hinayaan siya nang kanyang asawa na dalhin ito sa rurok. Dinahandahan niya ang pag-angat at baba nito sa langit. Ang kuryenteng dagitay na kumakawala sa tiyan nito ay kanyang pinipisil, binibigyan nang paghinga, pinipisil binibigyan nang paghinga habang tinataas-baba.

Isa itong pagbibigayan, mali, malinaw na ito ay isang maruming laro. Ang tagisan nang kanilang kakayahan sa kung sino ang tama at sa kung sino ang makapaglalamang datapwat pareho nilang dinala ang kanilang sarili sa mga pagkakataon.

Patuloy ang pagbuhos ng ulan na pumapatak sa basang lupa. Nang gabing ito naramdaman niya ito sa kanyang pisngi. Ang malamig na buhos nang ulan. Ang unti-unting paglamon sa kanya sa kaibuturang nang karagatan na nagtataglay nang malalakas na mga alon. Na sa kanyang pagdilat nakita niya ang paglangoy nang mga hayop na unti-unti siyang tinatalikuran sa kabila nang paghingi niya nang tulong at hindi siya matulungan. Hanggang naramdaman niyang umiibabaw ang kanyang katawan. Bumulusok sa rabaw kasama nang mga hayop na tinatalikuran siya. At umahon sa mga hayop na lumalangoy pabalik sa unti-unting nilalamong dagat na mga lupain. Narinig niya ang mga iyak na uyayi…at sa paggising niya at pagbangon isang panaginip lang pala ang lahat at wala sa kanyang tabi ang kanyang asawa.

Bumangon siya sa kanyang hinihigan, kinuha ang panloob niyang damit na nakakalat sa sahig ng silid. Sinuot niya ito kinuha ang balabal na nakasampay sa ulunan nang kanilang higaan. Sa paglabas niya nakita niyang madilim pa rin ang kalangitan at mataas na ang tubig sa labas. Hinanap niya ang Hadi Yasir. Nakita niya itong inaangat sa ikalawang palapag nang tahanan ang kanilang mga gamit at siyang pinagmamadali nitong kumilos. Bagay na kanyang ginawa.

Ang Hadi Yasir

Sa pagpasok niya sa kanilang tahanan pinuntahan niya kung nasaan ang Adi Hikmet. Nakita niya ito sa loob nang kanilang silid-lutuan at naglalaba nang kanilang mga damit…Tinawag niya ang kanyang asawa kasunod ng kanyang pagpasok. Lumingon ito sa kanya at kasabay noon sinabi niya dito na pumanaw na ang Hadi Abusta, ang may-ari nang lupang sakahan ng mga maisan.

Tinanong nito sa kanya kung kailan. At sinabi niyang kanikanina lamang umaga.

Nakita niya ang pagkagimbal sa kanyang asawa. Pinunasan nito ang kamay nito sa suot nitong panloob na mahabang palda na ang laylayan ay hanggang bukung-bukong ng paa nito at iniibabawan nang saluwâl itim malilim na bughaw na itinapis nito sa katawan nito.

Sinabi nang kanyang asawa na kailangan nilang maghanda at dumalo sa paglibing sa mabuting may-ari nang lupa. Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Tinulungan niya ang kanyang asawa na tapusin ang paglalaba nito matapos noon isinampay niya ang mga nilaban nitong sapin at tapiserya sa sampayan na nasa ikalawang palapag nang kanilang tahanan sa kanang bahagi. Kasunod noon nagtanghalian sila nang Adi Hikmet. At matapos na mananghalian agad silang nagtungo sa sakahan nang maisan na magkasamang naglakad sa gilid nang daan.

Nakasuot ang kanyang asawa nang isang puting palda na panloob, manipis at sutla. Burdado nang mga tanim nang mais na iniibabawan nang saluwâl na kulay itim at nagtataglay nang mga burda nang mga alitaptap sa tansong-dilaw na sinulid nakatali ito sa balikat nito at inibabawan nang babérong gawa sa kahoy. Habang siya ay nakasuot nang itim na Báta na may mga habing kaliskis sa dibdib nang tulad sa kanyang mga tata’u sa kanyang braso pataas sa balikat nito, banig na itsura na hinabi mula sa mga puno nang Avetas na mistulang kalikis nang ahas na bitis. Ang kanyang saluwâl ay pulang-magulang na ang laylayan ay isang talampakan mula sa bukung-bukong nang kanyang mga paa na may mga bakal na itim na panara, may tapis nang balat nang Markupo at mga itim na telang panali na may mga gintong singsing sa mga palawit…tinatakpan ito nang suot niyang saluwâl na panago na may mga burda nang gladiolus sa tansong-dilaw.

Nang hapong ito, napuno ang langit ng madidilim na ulap. Nagpatuloy ang masamang panahon na nararanasan nila dalawang araw na ang nakakalipas buhat nang mangyari ang araw na iyon nang dumating ang kanyang mga kalaban at pinagbantaan ang kanyang tahanan. Nagbabanta ang isang pagluksa at walang tigil na pagbuhos ng ulan. Pinagluksa nang taniman nang maisan ang pagkamatay nang isa sa mga itinuturing na pinakamabuting Jingkar sa kanilang lupain. Nakiramay sila sa kabutihang taglay nang tahanan nang mga ito.

Pinanonood nila ang pagsunong nang tatlong anak na lalake nang Hadi Abusta sa bangkay nito.

Tulad nang inaasahan maraming dumalo sa libing nang nayapang mabuting Jingkar. Nandito ang Hadi Ogeyerg nang sakahan nang mga jaboticaba, ang Adi Baqira na patnugot at may-ari nang tanim nang mga halamang Cafir, ang kanyang liyaw at ang Hadi Khalil kasama ang Mata nito na buhat sa kung saanman ang pinanggalingan nang dayuhang ito.

Matapos ang paglibing sa Hadi Abusta naghiwalay sila nang kanyang asawa…sinabi nito sa kanya ang kagustuhan nitong kamustahin ang maybahay nang yumaong Hadi bagay na kanyang pinagbigyan. Nagpaalam siya dito na kakausapin niya lamang ang Hadi Khalil at ipapatawag niya na lamang ito kung malapit na silang umalis sa kanyang liyaw. Bagay na tinalima nito.

Lumapit siya sa Hadi Khalil matapos siyang iwanan nang Adi Hikmet.

Sa paglapit niya dito tinawag niya ito. Lumingon ito sa kanya matapos nitong kausapin ang Mata na kasakasama nito ngayong hapon. Kinamusta niya ang Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir. Sinabi niya dito na isang mapagpalang hapon ang araw na ito

Bagay na itinaggi nito sa kanya at sinabing walang puwang ang paggalang ngayong araw.

Magkagayonman hindi pa rin nila maitatanggi na ang hapong ito ay naging mapalad para sa kanilang lahat. Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Khalil. Dagdag nito sa kanya, “totoo… siguro nga tama ka!”

Hinanap nito sa kanya ang kanyang asawa. Sinabi niya na nasa loob ito nang tahanan ng may-ari nang maisan kasama ang ina at asawa nang yumaong Hadi. Tinanong nito sa kanya ang kalagayan nang pagdadalang-tao nito, ang pagdadamdam nang pagbubuntis nito…kung may hinihingi ba ito sa kanya bagay na kanyang tinugunan na marami itong nagugustuhan sa kanyang pagluto. Marami itong hinihingi sa kanya gaya nang paghahanap nang mtatamis na pagkain tuwing matapos ang pananghalian. Datapwat hindi niya sigurado kung nakakaranas pa rin ito nang pagkahilo tuwing umaga ngunit may mga pagkakataon nakikita niya ito na humihilata o hindi naman kaya umupo sa sahig nang kanilang tahanan kapag tumitigil ito sa pagkilos o pagtayo nang matagal.

Wika nang Hadi Khalil, “Magkagayonman hangad ko ang magandang kalusugan nang iyong asawa at nang iyong magiging anak.”

Bagay na kanyang pinagpasalamat sa pag-alala nito sa kanila.

Sinabi nito na madilim na ang kalangitan at nagbabadya na ang isang masamang panahon datapwat ang tunay na panganib ay wala sa mga sandaling ito kung hindi sa mga nangyari ilang araw na ang nakararaan. Bagay na hindi niya itinanggi sa Hadi Khalil.

Ngumiti siya nang sinabi nito sa kanya ang bagay na siya mismo ang may pakana at saksi sa pangyayari.

Wika nito, “marami na ang naganap sa Ja’khar ngunit hindi pa rin nagbabago ang pagkuha nang mga balita. Nagmumula pa rin ito sa mga tagabulong na habang umuulad ang ating lipunan siya naman ang pagiging palaasa natin sa mga tagabulong na nagpapakalat sa mga ito. Mukhang habang tumatagal at pilit nating inaabot ang ating kinabukasan ay umuunlad naman tayo nang paurong Hadezar. Muntik ko nang makalimutan kamusta ka na Hadi Yasir!”

Wika nang Hadi Yasir, “mabuti ho!”

Wika nito sa kanya, “mabuti kung ganon!”

Inutusan nito ang kasamang Mata upang kumuha nang upuan sa loob nang silid. Inutusan nito ang Mata na magtanong-tanong saan maaaring kumuha. Tinanong rin nito sa kanya kung kagustuhan ba nito na umupo bagay na kanyang ipinagkaila at sinabing makabubuti kung tatayo siya.

Na ikinapayag naman nang matandang Hadezar. Wika nito, “masyado ka pang bata para umupo” Kasunod nito nawala sa kanilang paningin ang Mata na kasama nito. “Sabihin mo sa akin ang totoo sinubukan mo ba talagang baliin ang ugnayan niyo sa tahanan nang mga Harith?”

Tumango-tango siya.  Sinabi niya “totoo ho!”

Ngumiti ang Hadi Khalil. Wika nito sa kanya, “kung ganon totoo ang kumakalat na mga bulongbulungan. Sa una mahirap paniwalaan. Sa mga panahong ito hindi mo na alam kung ano ang totoo at hindi. Matapang ka para gawin iyon Hadi Yasir, ang kagatin ang kamay na nagpapakain sa iyo, sa iyong asawa.  Hinahangaan ko ang iyong ginawa pero isa iyong malaking katangahan. Hindi ko gusto ang iyong ginawa. Hindi ko sinasabing binigo mo ako…o binigo mo ako. Sabihin mo Hadezar alam ba ng iyong asawa na may balak kang pabagsakin ang tahanan nang mga Harith?” Hindi siya nakaimik. “Hindi siguro!”

Nakita niyang umiikot ang mga anak nang yumaong Hadi upang bigyan ang mga ito nang maiinom na galing mula sa bunga nang Agave. Lumapit sa kanila ang Adi Ayda. Inalok sila nito nang maiinom. Kumuha siya nang maiinom matapos noon nagpasalamat siya dito.

Lumapit sa kanila ang Mata. Ibinigay nito sa Hadi Khalil ang isang upuan habang kausap niya ito sa gitna nang nakararaming mga Jingkar na nasa labas nang tahanan nang may-ari nang maisan. Kasunod noon umupo ang Hadi Khalil at sinabi nito sa kanya na mahirap na talaga kapag tumatatanda…

Sinabi sa kanya nang Hadi Khalil na lumapit sa kanya ang Hadi Mahdi. Dumaan ito sa tahanan nito at hiningi ang tulong nito na kausapin siya at sabihin sa kanya na humingi siya nang tawad dito.

Wika niya, “patawarin niyo ako Hadezar pero hindi ko magagawa ang sinasabi niyo!”

Wika nito sa kanya, “iyon din ang sa tingin ko. Sinabi ko sa kanya, ‘kung gusto nang bata na kunin sa iyo ang pagkakaroon nito nang kakayahan na mamuno na mag-isa nang walang nangingialam bakit hindi niya ibigay?’ Ngunit nilahad niya sa akin na malaki na ang pagkakautang niyo sa kanila para hayaan ka lamang niya na basta-bastang umalis sa kanyang patnugot at pagbigyan ang iyong kagustuhan sa iyong kalayaan—Hadi Yasir, Sabihin mo sa akin bakit mo ito ginagawa?”

Tinignan niya ang Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir. Nakita niya ang bumabalot na katandaan sa mga mata nito. Ang mapurol nitong ilong, ang tunaw nitong mukha, ang mabuto nito mga kamay na mistulang mga galamay nang gagamba ngunit kung kumapit sa hawakan nang kahoy na tungkod na kulay tangili ay parang linta.

Ngumiti siya. Nakaramdam siya nang pagdadalawang-isip ngunit sinubukan niya. Wika niya, “ang totoo iyan hindi ko kagustuhan na saktan ang Hadi Mahdi ngunit pinilit niya ako. Mabait siya sa amin. Pinakitaan niya kami nang kabutihan sa ilalim nang kanyang pamumuno sa loob nang kanyang tahanan sa gabi nang pagdiriwang ng kapistahan nang mga mangingisda. Ngunit hinimak niya ang aking asawa. Hindi ito alam nang Adi Hikmet…at wala akong balak na sabihin ito sa kanya.”

Wika nito sa kanya, “hindi siguro. Hindi mo naiintindihan ang mga maaaring mangyari. Nang bumagsak ang aming tahanan marami ang nawala sa amin. Nahirapan kaming makabangon at tulad nang tahanan nang mga Harith pinilit din namin ang aming sarili na makabalik muli sa dati nitong kapangyarihan…”

Dalamhati niya, “pero ano ang gagawin ko? Habang buhay na lamang ba akong magpapasindak sa kanila? Sa tingin niyo ho ba hindi pa ba napapanahon para gawin nang tahanan nang mga Barakat ang pagbali ng kung anoman ugnayan ang nag-uugnay sa amin nang mga Harith?”

Tugon nang Hadi Khalil sa kanya, “sabihin mo sa kanya…may karapatan siyang malaman kung ano ang totoo…”

Wika niya sa Hadi Khalil, “pero masasaktan siya!”

Wika nang Hadi Khalil, “hindi…alam mong matalinong babae ang iyong pinakasalan, kaya mo siya pinakasalan. Ikaw na rin ang nagsabi hindi ito paghihigante!” Hiningi nito ang kanyang kamay. Bagay na kanyang ibinigay. “Masyado na akong matanda para mag-alala sa mga makamandag…kailanman hindi ko siya nagustuhan ngunit ikaw…unti-unti kitang nagugustuhan. Alam kong masmalalim ang dahilan kung bakit mo ito ginagawa! Hindi ako pumunta dito para basta lamang makiramay Hadezar… ang totoo ikaw ang aking sadya dahil alam ko, at batid ko na pupunta ka dito tulad nang inaasahan na sa iyo!” Nagtaka siya. Nagkaroon siya nang pangamba sa kung ano ang sasabihin sa kanya nang Hadi Khalil. Pagpapatuloy nito, “hindi na ako magpapaliguyligoy pa…Hadezar. Matagal ko itong pinag-isipan at gusto ko, kung sasang-ayon ka, ay gawin kitang tagapagmana nang aking tahanan!”

Nagulat siya sa kanyang narinig…Ngumiti siya. Wika niya sa Hadi Khalil, “mahirap pong tanggihan ang inaalok niyo sa akin!”

Wika nang Hadi Khalil, “kung ganon huwag.”

Tanong niya, “pero bakit ako? Isa akong Barakat…”

Wika nito sa kanya, “alam ko, at iyon ang dahilan kung bakit ikaw ang aking pinili…”

Tanong niya, “hindi ba’t isang pabagsak ang inyong ginagawa sa ating lipunan? Papaano kung tanggapin ko, ano ang mangyayari sa akin, sa aking tahanan, sa aking mag-ina? Hindi ko maaaring pamunuan ang dalawang tahanan na magkasabay!”

Tugon nang Hadi Khalil, “Sa tingin mo magkakabunga ang mga binabalak mo? Parang kanina lamang handa kang gawin ang lahat alangalang sa kalayaan nang iyong tahanan…Talikuran mo ang iyong pagiging Hadezar. Ibigay mo ito sa iyong asawa…huwag mong sabihing hindi mo kagustuhang hayaang mamuno ang iyong asawa sa iyong tahanan…Ano ang kinatatakot mo Hadezar ang mawala sa iyo ang lahat? Maniwala ka man o hindi pero matagal nang wala sa iyo ang lahat. Isa kang halimaw…lahat tayo ay mga halimaw na humahangad nang mashigit pa kaysa sa atin, sa ating tahanan, sa ating pinagmulan. Ang maging mapag-ambisyon. Kapag naging Hadezar ka nang aking tahanan at ang iyo asawa nang iyong tahanan isipin mo kung ano ang mga magagawa mo?”

Tinignan niya ang Hadi Khalil.

Nabaling ang kanyang atensyon sa kasama nitong Mata. Tinignan nito ang kanyang pagtingin sa Mata. At sinabing wala itong dapat na ipag-alala dito dahil kung anoman ang pinag-uusapan nila ngayon ay bingi at bulag itong nagbabantay sa kanila.

Pinag-isipan niya kung ano ang kanyang isasagot sa mga sandaling ito. Gayon wika niya sa Hadi Khalil, “nakakatawa lang pong isipin, sino ang mag-aakala na ang Jingkar na nagtawil sa aking ina at ginawa kaming palaboy ang siya pang nakikiusap sa akin na iligtas ang kanyang tahanan. Paano po ang inyong kapatid at ang inyong mga pamangkin sa kanya? Hindi ba kamag-anak niyo rin sila. Hindi ba maskinakailangan rin nila nang higit na tulong at pagtanggap sa inyo kaysa sa katulad ko?”

Wika nang Hadi Khalil sa kanya, “kilala mo ako Hadezar. Hindi na bago kung anoman ang ginawa ko. Pero hindi lang ikaw ang nangangailangan dito. Ako rin nangangailangan. Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin. Pero kailangan mong mamili: oo o hindi!”

Ngumiti siya. Pumayag siya sa alok nang Hadi Khalil na maging tagapagmana nang tahanan nito…

Lumapit sa kanya ang Hadi Walid. Nabaling ang kanyang atensyon dito habang may hawak itong inumin na nakakalasing at kausap ang Hadi Ogeyerg. Nabaling ang pansin nito sa kanya. nagbigay siya nang pag-utos dito sa pamamagitan nang pagtango. Tumango-tango ito bilang pagtalima sa kanyang inutos dito. Hinawakan nito ang braso nang matandang Hadi Ogeyerg. Kasunod noon tumalikod ito sa Hadi na may-ari nang taniman nang mga jaboticaba at pumasok sa loob nang tahanan.

Hinimok siya nito na kung maaari ay wala munang sinoman ang makaalam nang kanilang kasunduan hanggang hindi pa siya nito hinihirang bilang tagapagmana nang tahanan nang mga Ardashir kahit ang kanyang asawa.

Ngumiti siya. Sinabi niya dito kung ano ang gusto nitong marinig ang pagpayag nito datapwat may hinuha na siya na ang lahat nang ito ay paraan lamang ng pagbabakasakali nang matandang Hadezar upang manatiling buhay ang tahanan nito bagay na hindi niya maitatangging totoo.

Tumayo ito sa kinauupuan nito…tinulungan niya itong makatayo habang inutusan nito ang kasamang Mata na kunin ang karwaheng pinapatakbo nang mga asong-gubat. Bagay na tinalima nang Mata. Sinabi nang Hadi Khalil sa kanya na hangad nito ang isang magandang pagkakaibigan sa pagitan nilang dalawa…at bago nito makalimutan inanyayahan siya nitong maghapunan sa tahanan nang mga Ardashir kasama ang kanyang asawa at ipakilala ito dito. Tinanong niya ito kung kailan at sinabi nito sa kanya kung kailan niya gusto at kung kailan mayroon siyang panahon. Sinabi nito sa kanya na wala itong dapat na ipag-alala may ibibigay ito sa kanyang asawa na sa tingin nito ay lubha nitong magugustuhan…at para na rin mapag-usapan nila ang mga kinakailangan nilang pag-usapan bagay na kanyang sinag-ayunan kasabay nang pagbigay muli nang kanyang kamay dito.

Sa hindi inaasahan nagsimulang pumatak ang unang ambon nang hapong ito. Kasabay noon lumapit ang kanyang asawa sa kanilang dalawa nang Hadi Khalil. Pinakilala niya ito sa matandang Hadezar. Nagbigay ito nang paggalang at pantawag na pamitagan sa Hadezar ng tahanan ng mga Ardashir.

Wika nang Adi Hikmet, “bire’yagmurthlu owuro…Hadi Khalil!”  nang may ngiti at habang iniaabot ang kamay nito upang kamayan ang matandang Hadezar. Tumango-tango ang Hadi Khalil. Sumang-ayon ito sa sinabi nang kanyang asawa at sinabi nito dito na isang maulang hapon din sa Adi Hikmet.

Sinabi nang Hadi Khalil sa kanyang asawa na wala itong dapat na ikahiya sa sinabi nito. Nabaling ang kanyang tingin sa Adi Hikmet nakita niya ang lugmok nitong mukha…Sinabi nang Hadi Khalil na isang pangkaraniwang pagkakamali lamang ang nangyari sa kanyang asawa.

Wika nang Hadi Khalil, “kung ganon ikaw pala ang asawa nang Hadezar…ang Ading pinag-uusapan nang buong mundo dahil sa ginawa nang iyong asawa bagay na sa tingin ko ay hindi naman lingid sa iyo hindi ba. Nagkakilala rin tayo Adi Hikmet!”

Tumango-tango ito bilang pagsang-ayon sa Hadi Khalil. Humingi nang tawad ang Hadi Khalil sa kanyang asawa. Hindi nito hangarin na masaktan ang kanyang asawa. Sinabi nito, “ang totoo kinagagalak kitang makilala Adi Hikmet. Na sa katunayan pa nga nagpapasalamat ako, dito mismo kita nakilala sa napakalungkot na araw na ito!”  Kasabay noon bumalik ang Mata sa pagkuha nito nang karwaheng hilahila nang mga asong-gubat.

Bago ito tuluyang umalis sinabi nito sa kanya na huwag na huwag nitong kalilimutan ang bilin nito sa kanya bagay na kanyang tinalima sa pamamagitan nang patango at pagpaapaaalala dito nang pag-iingat hanggang sa tuluyan itong umalis…at iniwan silang dalawa nang kanyang asawa.

Tinanong siya nang kanyang asawa kung handa na ba silang umalis. Sinabi niya dito na hindi pa at may isa pang bagay ang kinakailangan niyang gawin. Lumapit siya sa Hadi Eno. Kinausap niya ito na kung maaari ay makausap niya ang mga Adi nang tahanan tawagin ito at ito upang maghanda na.

Inutusan niya ang Hadi Walid na kausapin nito ang mga Jingkar na nasa loob nang tahanan. Inutusan niya ang kanyang asawa na sumunod sa Hadi Walid. Tinanong siya nito kung ano ang nangyayari. At sinabi niya ngayong araw ding ito magaganap ang pagkilala at pagtanggap sa Hadi Eno bilang ang bagong patnugot at pinuno nang sakahan nang maisan.

Sumunod ito sa Hadi Walid. Habang naiwan siya kasama ang Hadi Eno sa labas nang tahanan. Sinarado nang mga ito ang lagusan nang tahanan ng may-ari nang sakahan ng maisan. Sinamahan siya nang Hadi Eno kasabay nang pagpasok nang mga ito sa loob nang tahanan nang may-ari nang maisan.

Binuksan nang mga nakababatang kapatid nito ang lagusan nang tahanan. Binungad sila nito nang mainit na pagtanggap. Tumigil ang Hadi Eno sa lagusan habang pumasok siya sa loob nang tahanan nito. Nagbigay siya nang pagkilos at inutusan ang Hadi Eno na pumasok at tanggapin siya at ang kanyang asawa ayon sa kung ano ang nakagawian. Bagay na ginawa nang mga ito. Pumasok saloob ang Hadi Walid kasama ang ilang mga trabahador na nasa labas nang tahanan.

Matapos ang pagtanggap hinubad niya ang nakabalot na saluwâl sa kanyang buong katawan na kanina niya pa suot. Ibinigay niya ito sa ina nang Hadi Eno. Lumapit ang isa sa mga kapatid nito sa kanya. may dalang palangganang naglalaman nang abo na sinundan nang nakatatandang kapatid nitong babae na may dalang maliit pitsel na may lamang malinis na tubig.

Kinuha niya ang pitsel. Ibinihos nito ang tubig sa abo. Kasunod noon lumapit ang bunsong kapatid nitong lalake sa kanya na may dalang mabangong insensong langis. Nilagyan ito nang putik mula sa abo. Lumuhod sa kanyang harapan ang nakatatandang anak na lalake nang yumaong may-ari nang sakahan ng taniman na mga mais. Kasunod noon nilagyan niya ang mukha nito nang putik na may mabangong langis.

Tinanong niya dito kung handa ba nitong sundin ang lahat nang inaasahang gampanin nito bilang bagong pinuno nang tahanan nang may-ari nang sakahan ng maisan. Bagay na tinalima nito ng pagsang-ayon. Tinanong niya dito kung handa ba nitong alagaan at gampanan ang lahat nang tungkulin sa panganagalaga sa karangalan, kabutihan nang mga nasasakupan nito. Bagay na tinalima nito nang pagsang-ayon. At panghuli, tinanong niya ito kung handa itong sumailalim sa kanyang tahanan bilang ang pinakabagong pinuno, patnugot at may-ari nang lupa na sakahan nang taniman nang mais. At sinang-ayunan ito sa kanya. Sa huli kinilala niya ito bilang bagong patnugot at may-ari nang sakahan ng maisan.

Tinayo niya ito, niyakap, at tinanggap nang tuwiran.

Matapos nito bumalik sila sa kanilang tahanan. Hindi maitatanggi na may bigat at pag-aalala ang kanyang paglalakad. Natatakot siya na kung ano ang maaaring mangyari ngayong tinanggap niya ang alok nang Hadi Khalil sa kanya ngunit batid niyang ang tanging kalaban niya sa mga sandaling ito ay ang kanyang sariling desisyon

Umalis ang Hadi Walid matapos nito silang samahan pabalik sa kanilang tahanan. Magkausap ang kanyang asawa at ang kanyang liyaw sa buong araw na pagsasama nila. Pumasok siya sa loob habang nagbigay nang paggalang ang kanyang asawa at paalam sa kanyang itinuturing na kaibigan.

Nang gabing ito nagsimulang magbadya ang isang masamang panahon. Gumuhit ang kidlat sa madilim na lupa. Sinundan ng pagdagundong nang sunod-sunod na pagkulog. Lumakas ang pagbuhos nang ulan…na may dalang malalakas na hanging karimarimrim at sa bawat pagdaan nang bawat sandali, na likha nang pag-aaway nang mga diyos na nanirhan sa ibabaw nang mga ulap at sa ilalim nang karagatan, palakas nang palakas ang hanging dulot ng sama nang panahon. Sunud-sunod ang pagkalabog sa kalawakan na sinusundan nang pagguhit ng kidlat. Kahindik-hindik ang mga nababanaag at nakikita.

Narinig niya ang tinig nang kanyang asawa…nakita niya ito habang naghahanda siya nang kanilang hapunan. Nakita nila ang kalunuslunos na kalagayan nang kanilang bayan sa ilalim nang mapanira at mapangwasak na sama ng panahon.

Sinabi nito sa kanya na nakakatakot ang hangin at ang buhos nang ulan bagay na kanyang sinang-ayunan. Tinanong siya nito kung ano ang kanilang gagawin. At sinabi niya dito na kapag tumigil ang buhos nang ulan bukas iikot sila at tutulungan nila ang nasalanta. Kung hindi wala silang ibang maaaring gawin kung hindi ang maghintay. Tanging iyon lamang ang paraan.

Sinimulang buhusan nang asin ng kanyang asawa ang kanilang tahanan. Pinalibutan nito ang bawat lagusan at dungawan nang asin sa parehong una at ikalawang palapag ng tahanan upang iwasan ang naka-ambang kamatayan na dulot nang pagtatalo nang mga diyos at ang pananalasang ginagawa nang mga ito.

Nang umakyat siya sa ikalawang palapag nang tahanan nakita niya ang kanyang asawa na nasa malaking silid na matatagpuan sa gitnang bahagi nang ikalawang palapag…ang dating silid nang kanyang yumaong ina. Nakita niya itong nakaluhod sa tapiseryang may burda nang makapangyarihang diyos na Battala. Isang nebonid na may mga pakpak imbis sa mga kamay at lumilipad sa araw na may limang sinag na mistulang palawit sa ulo. Ito ang sagisag nang kalipunan nang mga Hadezar, ang sagisag nang Ja’khar. Nananalangin ito nang pabulong sa salitang Jingkaris…ibinubulong sa hangin at kadiliman nang paligid nang silid na tanging iniilawan lamang nang iilang mga sulyaw na may tenga at tinghoy na binabaran nang langis ang kanilang kaligtasan, ang kanyang kaligtasan, ang kaligtasan nang kanyang nasasakupan at ang kaligtasan nang tahanang pinagmulan nito. Hinihiling nito sa mga makapangyarihang diyos na naninirhan sa ibabaw nang kalangitan at sa ilalim nang karagatan, kay Battala na kinikilalang diyos nang iilan sa Malayang Andes at sa kapangyarihan nang liwanag nang buwan na nagtatago sa madidilim na mga ulap kasama nang mga bituin lalong-lalo na ang nag-iisang bituin nang Ja’khar na iadya sila mula sa kamatayan at matinding kapahamakan. Tinalikuran niya ito matapos na makita.

Walang magagawa ang mga panalangin nito. Bingi at bulag ang langit sa kanilang mga panaghoy at panalangin. Lalong lumakas ang lumalakas na buhos ng ulan.

Tinawag niya ang kanyang asawa upang maghapunan. Bagay na tinalima nito. Nang gabing ito kumain sila sa loob nang silid-lutuan. Nakaibabaw sa kahoy na mataas na lamesang matatagpuan sa loob nang silid lutuan, na kanyang pinaggagawaan at pinaghahandaan nang mga iluluto, ang karne nang pato na ginata sa maasim na panlasa at gatas na mula sa puno nang buri at Mantahungal na may mapait at maanghang na panlasa, luya at togue. At nagmamantika. Nandito din ang bahog na kakaning nakalagay sa isang malaking sulyaw na kahoy at mga tinapay na walang lebadura na natira kaninang tanghalian bago sila umalis nang Adi Hikmet. Ang mga kubyertos at mga pinggan na kanyang hinanda habang nagdadasal ang Adi sa itaas na bahagi nang tahanan, na nakalagay sa magkabilang gilid nang mahabang lamesa. Umupo siya sa likuran nang nakasarang lutuan habang inurong nang kanyang asawa ang mga kubyertos at ang pinggan sa kanang sulok nang mataas na lamesa at umupo sa kanyang tabi.

Tinignan niya ang kanyang asawa habang kumakain. Tinanong niya ito kung nagustuhan ba nito ang kanyang niluto. Bagay na hindi nito nagustuhan. Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo. Kinuha ang diyam ng jaboticaba at binigay sa kanyang asawa ang tinapay na walang lebadura na nakalagay sa malaking tiklis.

Kinuha niya ang pinggan nito na may lamang malagkit na bahog at inilagay sa kanyang pinggan.

Sinubukan nitong isawsaw ang tinapay na walang lebadura na may palaman sa kanyang niluto…bagay na kakaiba kung ituturing at nagustuhan nito ang lasa. Ang asim at tamis na naghahalo ang nagbibigay dito nang kagustuhang kumain.

Nang mga sandaling ito, sinabi niya sa kanyang asawa na wala siyang dapat na ipag-alala…alam niyang nag-aalala ito sa kanilang mga nasasakupan at sa mga mabibiktima nang sama ng panahon lalo pa’t sa nararanasan ngayon nila.

Sinabi nito sa kanya na hindi niya ito mapipigilang hindi mag-alala.

Bagay na hindi niya maitatangging tama ang kanyang asawa. Datapwat pinaalalahanan niya ito na hindi sa lahat nang pagkakataon na tuwing makakaranas ang Ja’khar nang sama ng panahon ay kinakailangan nilang umikot at kamustahin ang kanilang mga nasasakupan…Wika niya, “papaano kung biktima din tayo? Hindi tayo pwedeng magpalalang sa mga kinababahala natin Adi Hikmet!” Giit niya “Pakiusap huwag mong suwayin ang aking pasya…alam mong makabubuti din ito para sa atin!”

Tumango-tango ang Adi Hikmet bilang pagtalima asa kanya.

Tinanong nito sa kanya kung ano ang napag-usapan nila nang Hadi Khalil. Sinabi niya na nangangasmuta lamang ito…kinakamusta siya nito at ito dito. Sinabi nito sa kanya na alam nito ang nangyari noong nakaraang araw, kung papaanong dumating ang Hadi Mahdi at ang Hadi Nasrin, at hinimok siya nito na makipag-ayos sa Hadezar nang tahanan ng mga Harith bagay hindi niya tinanggap. Sinabi rin nito sa kanya na nalaman nito ang balita sa mga tagabulong at hindi nito ikinagulat ang mga nangyari datapwat nanghinayang ito na mauuwi lang sa ganito ang lahat…sa isang kaguluhan.

Tanong nang kanyang asawa, “ngunit kaguluhan nga ba talaga ang hangad mo…o napipilitan ka lang?”

Wika niya, “alam mo ang totoo!”

Tugon nito, “oo…alam ko! Mahirap nga lang isipin kung saan magsisimula ang kaguluhan na para sa amin at ang kaguluhan na para sa iyo!”

At sinabi niyang hindi nito kayang unawain ang nangyayari.

Wika nito sa kanya, “Ipaunawa mo sa akin…at baka matutunan kong tanggapin!”

Hindi siya kumibo. Nagpatuloy ang katahimikan hanggang binasag ito nang Adi Hikmet. Tinanong siya nito kung siguro ay nagtataka siya kung ano ang ginagawa niya at kung bakit niya nilalagyan nang asin ang bawat lagusan at dungawan nang kanilang tahanan. Tinanong niya ang kanyang asawa kung bakit. At sinabi nito sa kanya na kaugalian sa tahanan nang mga Roshan, na gawin ito sa tuwing darating ang ganitong sama nang panahon na sinasabayan nang pagdarasal sa kapangyarihan nang liwanag nang buwan o kay Battala. Itinuro ito nang ina nito sa tiyo nito at ang tiyo nito ang naging dahilan kung bakit madalas na itong ginagawa nang tahanan nang mga Roshan.

Tinanong niya ito kung nagdasal ito. Sinagot siya nito nang pagsang-ayon at niyayang sumama sa kanya kung gusto niyang samahan itong magdasal bagay na kanyang itinanggi at sinabing marami pa siyang kailangang gawin.

Alam niya ang pagdarasal na ito…kung ano ang ginagawa nang kanyang asawa…Hindi ito lingid sa kanya at maslalong hindi ito kakaiba sa kanya. Nakita niya na ang bagay na ito. Ginawa niya na ang bagay na ito, nanalangin na siya para sa lahat nang nagmamahal sa kanya at handang magmahal sa kanya. Marami na siyang hiniling…at nakalimutan niya na ang bagay na ito.

Iniwan siya nang Adi Hikmet sa loob nang silid lutuan matapos ang kanilang hapunan. Nilinis niya at hinugasan ang kanilang mga pinagkainan habang nagtungo ito sa loob nang bukalang silid at nagbabad. Ngunit sa hindi inaasahan nakaramdam siya nang pagkaalburuto nang sikmura at pananakit nang tiyan. Dali-dali siyang umalis sa silid lutuan iniwan ang kanyang paghuhugas, kinuha ang insensaryo sa silid lutuan at nagtungo sa loob nang bukalang silid kung saan nakita niya ang Adi Hikmet na nagbababad sa mainit na bukalan. Sinindihan niya ang insensaryo at umupo sa kasilyas. Humingi siya nang tubig sa Adi Hikmet bagay na ibinigay nito ang tubig na nasa tabo.

Sinabi sa kanya nang Adi Hikmet na habang tumatagal ay pabigat siya nang pabigat. Bagay na kanyang pinigilan at sinabing hindi nito dapat ginagawa sa kanya ang bagay na ito.

Pambubuyo nito, “totoo ang sinasabi ko! May tiyan ka na ngayon…hindi katulad nang dati. Mukha ka nang palakang naka-upo sa lupa at naghihintay nang ulan!”

Sinundan niya ang kanyang likuran sa dingding nang silid at pabiro niya sa kanyang asawa, “o Adi Hikmet bakit ang lamig mo sa akin…ano ang nagawa kong pagkakamali?”

Matapos nito tumayo siya sa kanyang pagkaka-upo sa kasilyas. Kinuha ang hinubad na bahag at saluwâl. Itinapis ang saluwâl sa katawan nito. At habang pisil-pisil ang tiyan pabiro niyang tanong dito kung talaga bang tumataba na siya.

Bagya na sinang- ayunan nito at sinabi nito sa kanya na tigilan niya ang pag-inominom…

Tugon niya, “siguro kailangan ko nang maghersisyo…” at saka niya ito tinalikuran.

Lumabas nang bukalang silid at sinarado ang lagusan. Umakyat siya sa ikalawang palapag nang tahanan. Pinuntahan niya ang silid kung saan nagdasal ang kanyang asawa. Lumuhod siya sa sahig sa harap nang tapiseryang larawan ni Battala. Nagdasal siya sa mga diyos na makaririnig sa kanyang mga panalangin. Sa kapangyarihan nang liwanag nang buwan kung saan siya kabilang at ang panganay na kapatid na lalake nang Adi Hikmet. Nagdasal siya na bigyan siya nang lakas at katatagan na sabihin sa kanyang asawa kung anoman ang kinakailangan nitong malaman sa kanyang tahanan…ang lihim na kailanman ay ipinagkakait nilang magkakapatid sa lahat nang nakapaligid sa kanila. Nagdasal siya na sana huwag maging bulag at bingi ang Adi Hikmet at maintindihan niya ang kalunuslunos na katotohanan. Nagdasal siya sa mga diyos na makaririnig sa kanyang pagsusumamo na bigyan siya nang pangitain upang sabihin ito sa Adi Hikmet…dahil hindi niya kanyang sabihin kung anoman ang matagal nang ibinabaon sa limot nang kanyang tahanan.

Hanggang nakarinig siya nang ingay. Isang tiririt… lumabas siya sa silid at nakita niya sa pasilyo ang isang ibong basang-basa at humihuni. May mga itim itong balahibo at puti sa mga pakpak nito at buntot. Tinanong niya ang kanyang sarili ito ba ang ibong hinihintay magising ang signos…siguro nga…siguro. Kagyat dali-dali siyang bumaba sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan pinuntahan kung nasaan ang Adi Hikmet at nakita niya ito na pinupukaw ang sarili at hinahangad ang isang malalangit na ginhawa.

Tama, isang pagkakamali ang maniwala na dininig nang langit ang kanyang pakiusap…pipi at bingi ang mga ito na nagtatalo. Iyon ang totoo. Iyon ang hindi maitatangging katotohanan.

Hinubad niya ang kanyang mga suot na damit. Lumapit siya sa Adi Hikmet nang hindi nito nalalaman. Hinawakan niya ito at ginamay ang ginagawa nitong pagsalsal sa kaluban nito. Narinig niya ang paghikbi nito…mga sunod-sunod na haluyhoy. Tinawag niya ito…sinabi niya na may sasabihin siya dito. Sinabi niya na sasabihin niya ang katotohanan dito ngunit hindi siya nito pinakinggan.

Inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga nang Adi Hikmet. Hiniling niya ditong tumalikod ngunit hindi nito ginawa ang kanyang sinabi. Bagkus nagpatuloy sila sa kanilang ginagawa.

Nang gabing iyon nagniig sila nang Adi Hikmet. Isang pagbibigayan nang kanilang kakayahan sa kung sino ang tama at sa kung sino ang makalalamang.

Inaamin niya, mahal niya ang kanyang asawa…kapag kasama niya ito mastuso siya at gahaman…lahat hinahangad niya. Inaagaw kung anoman ang hindi sa kanya, ang dapat sa kanya. Masisisi ba siya nang iba kung hangarin niya kung anoman ang higit sa kinakailangan niya. Ang maging ambisyon sa kabila nang lahat nang nangyayari. Na kahit kaguluhan gagawin niya hindi lang mawala sa kanya ang babaeng kanyang kasama at hinahangad niya habangbuhay. Hindi na ito paghihigante…mali…tapos na ang paghihigante bagkus ito ay pang-aagaw. Pag-aangkin nang hindi dapat sa kanya. Isang malayang kinabukasan na magiging sanhi nang kanilang pagbabago. Nang gabing ito alam niya, nila, marami ang magbabago sa kanilang buhay. Bagay na inaasahan na nilang mangyari.

Matapos ang kanilang paniniig…nakita niyang nakatagilid nang higa ang kanyang asawa nang gabing ito paharap sa kanya. wala itong suot na damit at ang mga hita nito ay nakapulupot sa kanya. Hinaplos niya ang mukha nito. Hinalikan niya ang nakapikit nitong mata

Pinangako niya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat para hindi mapagdusahan nang kanyang asawa at magiging anak ang kung anoman ang naranasan niya mahigit dalawampung taon na ang nakakalipas at ang pagbagsak nang kanyang tahanan. Isang pangako nang isang ama para sa kanyang anak.

Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga. Kinuha ang bahag at itim na saluwâl na nakakalat sa sahig nang kanilang silid. Kinuha niya ang bahag at inilagay sa marumihan. Tinapis niya ang saluwâl sa kanyang beywang at kasabay na lumabas nang kanilang silid.  Nakita niyang mataas na ang tubig sa labas. Inakyat ang mga gamit sa itaas na bahagi nang tahanan. Kinuha niya ang mga gamit at pagkain sa silid lutuan. Inakyat niya ang kanilang mga damit at gamit na panligo.

Kasabay nito nakita niya ang kanyang asawa sinabi niya dito na kailangan na nilang kumilos…bagay na agad nitong tinalima. Inayos nito ang dati niyang silid sa ikalawang palapag. Inakyat nito ang mga gamit nila sa loob nang dati niyang silid habang ang mga gamit sa mga imbakan ay inakyat niya sa loob nang mga silid.

Nang gabing ito patuloy ang pagbuhos nang ulan. Hindi siya nakatulog habang binabantayan niya ang kanyang asawa na nakahiga sa kamang nasa loob nang kanyang dating silid kasama ang kanilang mga asong-gubat na sina Ijiraq at Mamé na katabi nang mga ito. Hindi nila nagawang iakyat ang lahat nang gamit na tanging ang mga laman lamang nang silid lutuan, ang iilang kagamitan sa imbakan ang mga malalaking banga na naglalaman nang nakakalasing na inumin na mula sa bunga nang Agave; ang kanilang mga alagang hayop at ang gamit nang mga ito at mga pagkain; ang kanilang mga gamit gaya nang alahas at mga kasuotan; ang mga gamit nilang panligo at mga malilinis na pamalit sa kanilang higaan at mga tapiseryang nakabalandra at tumatakip sa kanilang mga lagusan na kanyang mga tinanggal. Datapwat tama lamang ang kanilang mga nasagip kung magtatagal pa ang pananalasa nang sama nang panahon…habang pinagmamasdan niya sa dungawan nang kanyang dating silid ang pananalasa nang sama nang panahon narinig niya ang Adi Hikmet. Tinanong siya nito kung bakit hindi pa siya natutulog.

Sinabi niya sa kanyang asawa na hindi siya makatulog buhat sa ginawa nilang pag-akyat nang kanilang mga gamit…Sinabi niya nag-aalala siya para sa kanila at para sa kanilang mga kaibigan.

Wika nito sa kanya, “hindi ko alam na nag-aalala ka pala?  Akala ko wala…”

Tugon niya, “akala ko rin!”

Tinanong siya nang Adi Hikmet kung bakit hindi siya magpahinga…hintayin nilang tumila ang ulan at saka sila kumilos at gawin kung anoman ang mga inaasahan sa kanila.

Nagkimit-balikat siya. Sinabi niya hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanila. Sinubukang bumangon nang kanyang asawa at lapitan siya. Sinabi niya hindi niya na alam kung ano ang ginagawa niya…kung ano pa ang dahilan para gawin niya ito.

Tanong nang Adi Hikmet sa kanya, “kung ganon sabihin mo sa akin? kailangan kong malaman kung anoman ang binabalak mo…alam ko…alam ko!”

Tugon niya sa kanyang asawa, “kinausap ako nang Hadi Khalil. Hiningi niya sa akin na maging tagapagmana nang kanyang tahanan. Tinanggap ko ang kanyang alok”

Wika nito sa kanya, “O Hadi Yasir!”

Tugon niya, “alam ko!”

Pagtataka nang Adi Hikmet, “kung ganon sino na ang mamumuno sa tahanan ng mga Barakat kapag ginawa kanyang Hadezar!”

Wika niya, “ikaw…”

Pagtataka nang Adi Hikmet, “pero hindi ko alam kung magagawa ko ang pamunuan ang ating mga nasasakupan!”

Wika niya, “kailangan natin itong gawin. Kung itoman ang tanging paraan para sa digmaang ito na sinusuong natin kailangan nating kumilos! Pansamatala ikaw muna ang hahalili sa akin habang pinag-aaralan ko kung papaano ang mamuno sa tahanan ng mga Ardashir.”

Tanong nang Adi Hikmet, “sigurado ka?”

Tumango-tango ang Hadi Yasir.

Tanong nang Adi Hikmet, “ano ang gagawin ko?”

Ngumiti ang Hadi Yasir sa kanyang asawa. Wika niya, “alam mo kung ano ang gagawin mo! Wala kang dapat na ipag-alala.”

Wika nang Adi Hikmet, “Tutulungan mo ako. Magtutulungan tayo.”

Nabaling ang kanyang pansin sa kanyang asawa…ngumiti siya.

Nang umagang iyon patuloy ang pagbuhos nang ulan…

Advertisements

One thought on “KABANATA LABING-TATLO:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s