KABANATA LABING-WALO:

ANG MGA DESISYONG KINAKAILANGANG GAWIN

Alam ko hindi ko dapat ginawa iyon…Hindi ko dapat siya sinaktan.

Sa pagdilat nang aking mga mata wala akong ibang nakita kung hindi ang katotohanan. Ang simula nang aking mga kinatatakutan. Ang aking pagbagsak at ang kanyang pag-angat. Gumising ako na wala siya sa aking tabi. Gumising ako na wala ako sa kanyang tabi. Hindi ko siya gustong saktan, hindi ko siya gustong mawala sa akin. Ayoko ko lang na mapahamak siya, ni ang aking magiging anak na kanyang dinadala.

Bumangon ako sa aking pagkakahiga. Tuluyan akong gumising sa katotohanan, sa sikat nang araw na pumapaimbulong, sa magandang huni ng ibong nakabibingi. sa sariwang simoy nang hangin na nakasusulasok at sa sakit nang ulo na mistulang binibiyak, nang tulad sa paghati sa tangkay nang dahon ng buri, idinilat ko ang aking mga mata at gumising sa katotohanan mula sa pagkakahilis nang higa sa ratang higaan. Sa aking pagbangon, umiikot-ikot ang aking paningin. Lumabas sa aking bibig ang nakasusulasok at kahindik-hindik. Ang nakakasunog sa lalamunan. Ang pait nang lasa na aking nalalasahan…ang nakadidiri sa sahig at ang nakadidiri na aking naaamoy.

Siguro nga mainam nang tigilan ko ang pag-inominom. Matagal niya na akong pinatitigil matigas lang ang ulo ko. Tinanggal ko ang aking pansin sa nilalang na nasa sahig. Dakot ang mahabang telang panapis na nasa pagitan nang aking mga hita itinapis ko ito sa akin beywang at paika-ikang lumabas sa silid na aking kinalakihan.

Sa pagbaba ko agad akong nagtungo sa aming silid mag-asawa. Kinuha ko ang sandalyas na nakakalat sa sahig. Ipinasok ko ito sa loob. Nakita ko siya na mahimbing na natutulog. Nakahilis nang higa, nakahiga sa bahagi nang kama na aking hinihigan.

Tinignan ko siya habang natutulog. Hindi niya ako hinanap. Alam kong gising siya, siguro gising siya. Hindi ko siya pinatulog. Hindi ako nakatulog. Hanggang ngayon nagmamatigas pa rin siya sa akin. Siguro ako ang nagmamatigas, siguro hindi ko lang hinahayaan ang kanyang mga layaw sa takot na baka mawala sila akin. Ibinaba ko ang mga sandalyas sa sahig sa ilalim nang kama.

Lumapit ako sa bumagsak na mataas na lamesa. Kumuha ako nang mga damit. Hindi ko na siya ginambala pa, o kumilos pa nang kahit ano sa bantang magising siya at mag-away lamang kami. Makabubuti na siguro ang ganito, ang hindi kami nag-uusap. Kinuha ko ang mga sandalyas na nasa tabi nang mataas na lamesa. Kasunod noon lumabas ako sa aming silid, iniwan siyang nag-iisa habang nakabukas ang lagusan nang silid sa gitna nang kanyang pagkukunwari.

Matapos noon, nagtungo ako sa loob nang bukalang silid. Nagbihis. Sinuot ko ang bahag, ang itim na saluwâl at ang Báta na gawa mula sa balat nang buwayang Magan. Sinuot ko sa aking mga paa ang aking mga sandalyas.

Kumuha ako nang timba at pamunas. Kumuha ako nang malinis na tubig mula sa bukalang-silid Sa aking paglabas sa loob nang bukalan agad kong dinala ang timba at pamunas paakyat sa ikalawang palapag nang aming tahanan. Nilinis ko ang aking pinagsukahan sa ikalawang palapag, sa loob nang dati kong silid. Matapos noon, nagtungo ako sa loob nang yungib kung saan pinakawalan ko ang mga asong-gubat sa loob ng aming tahanan. Saka ko sila iniwan na nagbabantay sa aming tahanan at nagtungo sa mga imbakan upang kumuha nang mga sangkap na aking gagamitin sa pagluluto nang aming agahan.

Nang umagang ito, bago ang tuluyang pagbukang-liwayway sinimulan kong ihanda ang pagluluto sa tinapay na walang lebadura. Hinalo ko ang harina at ang malinis na tubig sa malaking sulyaw. Hinalohalo ko ito hanggang mamuo at hindi na maging malagkit. Kasunod noon sinimulan ko naman itong nipisan gamit nang rodilyo. Pagkanipis inilagay ko ito sa malapad na bakal na bandeha at binutas-butas nang maliliit gamit ang bakal na panusok. Kasunod noon saka ko ito ipinasok sa loob nang pugon. At sinimulan ko namang gawin ang sarsa. Nilagyan ko ang kawali nang mantika mula sa taba nang tapir, nang mga hiniwang bunga ng jaboticaba at nang mga hiniwa at niligis na mga bunga nang kamatis bago ko ito inilagay sa isang maliit na kawali at doon hinahalo ang mga ito habang ginigisa sa mahinang apoy. Pagkaluto tinanggal ko ito sa siga. Na sinundan ko nang pagluto mula sa tinadtad na karne nang Saola sa isa pang kawali. Ginisa ko ang mga ito nang sabay-sabay.

Hanggang nang hindi ko inaasahan ay lumapit sa akin si Amarok. Sinubukan kong ilayo sa kanya ang niluluto ko ngunit hindi siya nagpaawat. Hindi naglaon narinig ko naman ang kanyang tinig. Inutusan niya si Amarok na lumayo sa aking ginagawa. Tinaboy niya ang kanyang alaga. Inilabas niya ito nang lagusan gayon pa man ay pumasok pa rin ito nang loob nang silid-lutuan at naiwan sa lagusan na nagbabantay sa aking niluluto. Lumapit siya sa akin. Ibinigay niya sa akin ang isang sulyaw at dalawang pinggan.

Nilagyan ko ang aking niluluto nang maanghang na pampalasa at gata mula sa puno ng buri. Inilagay ko ang sarsa sa ibinigay niyang sulyaw. Ganon din, kumuha pa ako nang isang sulyaw upang simutin ang lahat ng laman nang kawali at ibigay ito kay Amarok, dahilan upang lumabas ito nang silid-lutuan at doon kumain sa harap nang lagusan. Ipinatong ko ang sulyaw sa mataas na gawaang lamesa kung saan nakahanda ang mga pinggan at mga kubyertos at pitsel na may lamang malinis na tubig. Nilagyan ko ito nang maliit na panandok.

Kinuha nang Adi Hikmet ang mga tinapay sa loob nang pugon na kanina ko pa tinanggalan ng apoy. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng mataas na lamesa sa pagitan naming dalawa.

Nang bumalik pa sa loob nang silid-lutuan si Amarok ibinigay ko na pati ang pinaggamitang kawali sa kanyang alaga upang simutin nito ang buong laman.

Sinabi niya sa akin na hindi ko basta-bastang mapapaalis ng ganon lang kadali ang itim na asong-gubat.

Tinignan ko siya. Nakaupo siya sa isa sa mga mataas na upuan sa dulong bahagi nang gawang lamesa. Hindi ako kumibo sa kanyang sinabi.

Nang umagang ito sinamahan niya akong mag-almusal…Kumain kaming magkaharap sa isa’t isa. Parehong nasa magkabilang dulo nang mataas na lamesa. Gusto kong humingi sa kanya nang tawad. Gustong kong sabihin sa kanya na nagkamali ako. Na hindi ko dapat ginawa iyon, ang saktan siya. Ang magdabog sa kanyang harapan. Pero pareho kaming galit sa isa’t isa. Sa aming mga kahinaan at mga pagkakamali. Galit siya sa ginawa ko at galit ako sa aking sarili. Gusto kong humingi sa kanya nang tawad pero hindi ko gawain ang magsabi ng aking pagkakamali. Sinaktan ko siya, Oo. Sinubukan kong pigilan ang aking sarili, Oo…at tinalikuran ko siya at iniwan ko siya nang gabing iyon.

Pinagmasdan ko siya habang kumakain. Hindi niya masyadong ginagalaw ang laman nang kanyang pinggan. Hindi ba niya alam kung papaano ang pagkain nang tinapay na walang lebadura? Hindi sa tingin ko. Hindi niya gusto ang aking niluto kung gayon o hindi naman kaya ay sadyang wala lang siyang ganang kumain ngayon araw, ngunit kung hindi kakain nang kanyang almusal alam niyang lalo lamang siyang gugutumin ngayong araw, hindi niya ba alam ang mga bagay na iyon? Na sinasaktan niya ako sa kanyang katahimikan at pagiging malamig. Tumayo ako sa aking kinauupuan. Kumuha ako nang nakakalasing na inumin. Uminom ako ng umagang ito.

Kasabay noon, tinanong niya ako kung saan ang punta ko ngayong araw.

Sinabi ko sa kanya na pupunta ako sa tahanan nang Hadi Basir para kausapin ito tungkol sa nakakarating sa aming balita sa hindi magandang pakikitungo nito, at nang kanyang asawa sa mga dayuhang nagtatrabaho sa kanyang lupain.

Pagtataka nang Adi Hikmet, “hindi ba isang Qaa ang asawa nang Hadi Basir?”

Tumango-tango ako. Sinabi ko, “ang totoo, hindi ko na alam ang gagawin ko kung anong pagtingin ang gustong ituring nang mga may-ari nang lupa sa mga dayuhan…kahit ang mga dayuhan umaalma sa pakikitungo sa kanila nang ating mga nasasakupan! Baka hindi magtagal ay magkaroon lamang nang kaguluhan sa pagitan nang mga ito.”

Wika niya, “hindi mo maiiwasan ang magkagulo…bahagi iyan nang iyong pamumuno. Ang mahalaga ay paghandaan natin ang mga susunod na pagkilos para hindi na lumala pa ang lahat!”

Bagay na aking sinang-ayunan. Sabi ko, “tama ka! —Kung gusto mo bakit hindi ka sumama sa akin…makabubuti na makita ka nila…tiyak matutuwa ang anak na babae nang Hadi Basir pagkakita sa iyo.”

Ngunit tumanggi siya. Sinabi niya sa akin na ako na lang ang magpunta na gusto niya sana kaya lang nangangamba siya na maging pabigat lamang siya sa aking ginagawang pakikipag-usap sa mga ito.

Tanong ko, “hindi ba palagi kayong nag-uusap nang anak nang may-ari nang lupa?” Bagay na kanyang sinang-ayunan. Pagapatuloy ko, “kung ganon sayang naman kung hindi ka pupunta. Isa pa, ano rin naman ang gagawin mo dito?”

Tinignan ko siya.

Tinignan niya ako.

Alam niya na alam kong nagsisinungaling siya. Na kung anoman ang binabalak niya ay pipigilan ko.

Ngumiti siya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya.

Pagkatapos kong kumain agad akong tumayo sa aking kinauupuan. Nagtungo ako sa hugasan, inilapag ko ang aking mga pinagkainan. Kasunod noon kinuha ko ang baso. Nilagyan ko ito nang nakakalasing na inumin.

Kung pwede ko lang kalimutan ang lahat…kung pwede ko lang kalimutan ang araw na ito.

Tinignan niya ako habang umiinom ako. Tinignan ko siya. iniisip ko kung ano ang iniisip niya ngayon. Kung ano ang tingin niya sa aking ginagawang pag-inom. Minsan iniisip ko, gusto kong biyakin ang ulo niya, tignan kung ano laman nito.

Sinabi niya sa akin na tigilan na namin itong hindi namin pakikipagkibuan. Inamin niya ang kanyang pagkakamali. Bagay na aking ikinagulat. Sinabi niya sa akin na hindi niya gusto na hindi kami nag-uusap.

Bagay na aking sinang-ayunan. Sinabi ko, “ako rin, hindi ko rin gusto ang ginagawa ko! Ang hindi tayo nag-uusap.”  Kasunod noon, saka ko siya hinikayat na tigilan na kung anoman ang ginagawa nitong pakikipagkaibigan sa Ading hibang.

Bagay na kanyang binaliwala.

Sumigaw ako. Wika ko, “TAMA NA…Hindi ka makikipagkita sa Adi Atiya o pumunta sa kanyang tahanan.”  Ano ba ang akala niya sa kanya. Magagawa niya akong suwayin? Sinabi niya lang na hindi mangingilabot na ako at susunod sa kanya? Sinabi ko, “Hindi pakiusap ito Adi Hikmet! Hindi ka maaaring pumunta sa tahanan nang Parvana o makipagkita pa sa Adi Atiya!”

Wika niya sa akin, “Hindi…Hindi Hadi Yasir!”

Tumanggi ako, “Bakit bang ang hirap mong umintindi …Alam mong hindi ka kaibigan nang Adi Atiya. Na ginagawa niya lamang ito para makuha ka niya sa akin at maagaw. Kaya huwag! Huwag Adi Hikmet… Huwag, mong subukan ang aking pasensya hangga’t nagpipigil pa ako…Ang tigas nang ulo mo!”

Hindi siya nakaimik. Hindi niya ako ginustong subukan pa na lalong magalit sa kanya at baliwalain ang aking mga sinabi. Ayoko rin na magalit sa kanya. Tumalikod ako ibinaba ko ang baso na aking hawak sa hugasan.

Hanggang sa narinig ko siya. Wika niya “gusto mong sundin kita at tigilan ang kahibangang ito, kung ganon humingi ka sa akin ng tawad at aminin mo na ikaw ang nagkamali at hindi ako. Na ikaw ang sumira nang iyong pangako…hindi ako at Pinapangako ko sa iyo hindi na ako pupunta o makikihalubilo sa Adi Atiya kailanman, kung iyon ang gusto mo, Hadi Yasir.”

O Adi Hikmet ano ang ginagawa mo?

Wala akong nagawa. Alam niya kung saan niya ako tatamaaan, ang aking mga kahinaan. Hindi ako nakakibo.

Wika niya, “kita mo na maging ikaw hindi mo rin kaya ang tumupad sa iyong mga pangako!”

Alam ko…

Tama siya…

Lumabas siya ng silid-lutuan. Iniwan niya akong nag-iisa. Kung pwede ko lang kalimutan ang mga nangyari kagabi…Hindi ko alam kung ano ba ang nakita niya sa Adi Atiya at patuloy niyang sinusuway ang aking kagustuhan. Gusto ko lang naman na alalahanin niya ang aming magiging anak. Na isipin niya ang nararamdaman ko. Nag-aalala rin ako! Hindi niya inubos ang kanyang pagkain. Sinundan ko siya…pumasok siya sa loob nang aming silid. Sinarado niya ang pintuan nang lagusan. Pinili niya ang mag-isa sa kabila nang aking pagkakamali.

Ayokong magalit siya sa akin…na ako ang umuunawa sa kanya kaysa siya ang mashigit na umuunawa sa akin at sa aking mga pagkakamali, siguro hindi ngayon…hindi sa mga pagkakataong ito na nagtatampo siya sa akin at kinaaawaan ko ang aking sarili. Ayokong isipin niya na magbabago na ang lahat sa amin…o isipin ko na magbabago na ang lahat sa amin, dahil ayoko. Lumapit ako sa lagusan nang aming silid. Tinawag ko si Amarok. Inilayo ko siya mula sa ginagawa niyang pagkalmot sa pintuan na lumilikha nang malalaking gasgas. Sinubukan niyang tumayo…isa siyang higante. Sinigawan ko siya, binulyawan. Sinutsutan nang malakas. At nang natinag ang kaawaawa nanatili siyang nakahiga sa harap nang nakasaradong lagusan nang sa aming silid mag-asawa.

Bumalik ako sa loob nang silid-lutuan, kumuha ako nang nakakalasing na inumin sa isa sa mga bangang nasa loob nang silid. Tinungga ko ang panabo na may lamang nakakalasing na inumin, uminom ako, uminom ako para makalimot.

Nang gabing iyon umuwi siya mula sa lihim nilang pagkikita nang Adi Atiya. Hindi niya alam na nakita ko silang dalawa na nag-uusap na magkasama. Nang umuwi siya nagalit ako sa kanya. Nagsinungaling siya sa akin. Ipinagkaila niya ang ginagawa nilang pakikipag-uusap nang Ading hibang. Gusto ko siyang saktan nang mga panahong iyon. Lasing ako nang mga panahong iyon. Nasaktan ko siya. Nasampal ko siya sa kanyang mukha at nagtulak ko siya. Sinaktan niya ako at nang susuntukin ko siya pinigilan ko ang aking sarili. Nagdabog ako sa loob nang aming silid. Binalibag ko ang lamesa. Natapon ang mga gamit na nasa ibabaw nito. Nabasag ang sulyaw na nakaibabaw dito at namatay ang liwanag na tinataglay ng timsim nito.

Iniwan ko siyang nag-iisa nang gabing iyon. Iniwan ko siya matapos ko siyang saktan at magdabog at manira ng mga gamit.

Hindi niya nararamdaman kung ano ang nararamdaman ko.  Kaya kong ibigay sa kanya ang buo kong pagtitiwala. Kahit ang aking pagkatao, ibibigay ko, maintindihan niya lamang sana ang nararamdaman ko at maunawaan. Alam ko mahirap iyong intindihin…Alam ko.

Nagtungo ako sa loob nang bukalang silid. hinubad ko ang aking mga suot na damit. Kasunod noon Pinahiran ko nang mabangong insenso ang aking buong katawan saka ako nagbabad sa mainit na tubig ng bukalan…. Lumangoy-langoy ako. Patungo sa gitna nang bukalan. Patawid sa kabilang bahagi at pabalik. Inulit-ulit ko ito hanggang tuluyang mawala sa aking katawan ang kalasingan.

Ngunit nang hindi inaasahan, narinig ko ang kanyang tinig at muli nakita ko siya. Bungad niya, “Hadi Yasir!”

Lumingon ako sa kanya habang nakaharap siya sa akin at nagbabad ako sa mainit na tubig nang bukalan. Sinabi niya sa akin na hindi niya gustong makita akong umalis sa aming tahanan nang lasing at lango, na kung aalis ako hindi niya ako hahayaan na umalis nang hindi maayos. Na walang masasabi ang iba laban sa amin. Nabaling ang aking pansin sa mga damit na nasa ibabaw nang mataas na lamesa at ang mga damit na kanyang hawak-hawak na aking hinubad kanina.

Tinanong niya ako kung nagkakaintindihan kami bagay na aking sinang-ayunan.

Sinabi niya sa akin, “kailangan mo akong pagkatiwalaan asawa ko!” Ngumiti ako. Tinignan ko siya habang nakatayo siya sa aking harapan at nakababad ako sa mainit na tubig ng bukalan. Dagdag niya, “alam ko kung ano ang ginagawa ko.”

Wika ko, “papaniwalain ka niyang kaibigan ka niya! Sasabihin niya sa iyo kung ano ang gusto mong marinig. Ngunit ang totoo noon may iba siyang dahilan kung bakit gusto ka niyang kaibiganin. Ganon ang Adi Atiya!”

Wika niya, “alam ko…”

Wika ko, “hindi mo nauunawaan! Hindi mo alam ang takot na ibinibigay mo sa akin!”

Wika niya, “alam ko! Hindi ko hinihingi ang pahintulot mo. Gusto ko lang magpaalam.”

Hindi ako nakakibo. Hindi ko siya mapipigilan, kahit anong gawin ko hindi ko siya mapipigilang umalis. Kasunod noon tuluyan siyang umalis sa loob nang bukalang silid at naiwan akong nag-iisa.

Nang gabing ito, narinig kong muli ang kanyang boses habang nakatitig ako sa kanya. Hiniling niya sa aking patayin ang Hadi Khalil. Ang luntian niyang mata ay nag-uudyok. Hindi ko maalis ang aking tingin sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko siyang pagkatiwalaan…mukhang malabo pang mangyari na mapagkakatiwalaan ko siyang muli. Alam ko kung saan siya pumunta. Alam ko kung ano ang kanyang ginawa. Kung ano ang kanyang binabalak. Hindi ko inalis ang aking pansin sa kanya. Siguro nga ito ang aking pagbagsak at ang kanyang pag-angat…at ginagawa niya ito para saktan ako at ang kalipunan nang mga Hadezar ngunit wala akong pakialam, kailangan ko siya.

Sinabi ko, “sige!”

Nang gabi din iyon nagniig kami, pinagsaluhan namin ang magdamag at ang bawat sandali. Napakaganda nang mga sandaling iyon. Hinangad ko na sana hindi na matapos ang gabing iyon, ngunit isa lamang itong hiling na hindi pinag-isipan.

Hanggang sa muling magbukang-liwayway at sumikat ang araw sa kalangitan.

Sa pagdilat nang aking mga mata siya ang aking unang nakita. Nakaharap siya sa akin habang hawak ko ang kanyang mga kamay at nakapatong ang isa sa kanyang mga hita sa aking hita. Nakayakap ako sa kanya at nakayakap siya sa akin. Ang aking mga pangarap at panaginip… sila ang aking mga pangarap at panaginip. Hinimashimas ko ang kanyang buhok…hinalikan ko ang kanyang noo at kasunod noon bumangon ako sa higaan at iniwan kong siyang nag-iisa.

Sa aking pagtayo agad kong kinuha ang mga nakakalat na mga damit sa sahig. Kinuha ko ang kanyang pinaghubaran, ang aking pinaghubaran. Ipinatong ko ang mga ito sa ibabaw nang mataas na lamesa at agad kong sinuot ang damit na aking tinanggal bago ang aming paniniig. Itinali ko sa aking katawan ang bahag, sunod sinuot ko ang itim na Báta at ang kulay kayumangging saluwâl at saka ako lumabas ng aming silid nang nakapaa.

Sa paglabas ko agad akong nagtungo sa lagusan nang yungib nang aming mga alagang mga hayop. Binuksan ko ang lagusan at pinalabas sa loob nang yungib papasok sa loob nang aming tahanan sina Amarok, Ijiraq at Mamé.  Pumasok si Amarok sa loob nang aming silid. Pinapasok ko siya sa loob nang aming silid upang bantayan ang aking asawa. Humiga siya sa paanan ng higaan. Kasunod noon, iniwan ko silang dalawa na nag-iisa sa loob nang aming silid.

Naghilamos ako nang mukha sa loob nang bukalan. Pinunasan ko ang aking mukha nang malinis na pamunas na nakalagay sa ibabaw nang mataas. Pagkapunas ko nang aking mukha inilagay ko ito sa marumihang nasa ilalim nang mataas na lamesa. Matapos noon agad akong nagtungo sa loob nang silid-lutuan, kinuha ang tiklis at lumabas nang aming tahanan upang kumuha nang mga sangkap na aking gagamitin sa pagluluto nang aming agahan sa isa sa mga pinakamalapit na imbakan na nasa ilalim nang aming kinasasakupang mga lupain.

Sa aking paglalakad patungo sa imbakan nakasalubong ko ang Hadi Butrus, ang kapatid nang Hadi Eno. Nagbigay siya sa akin nang paggalang bagay na aking binalikan ng paggalang.

Sa aking pagtigil tumigil din siya sa kanyang paglalakad. Kinamusta ko siya.

Sinabi niya sa akin na mabuti lang ang kanyang kalagayan.

Gayon kasunod noon kinamusta ko rin sa kanya ang kanyang nakatatandang kapatid na lalake na si Hadi Eno maging ang asawa nito na ayon sa aking pagkakaalam ay nagdadalang-tao sa panganay nilang anak.

 Wala siya sa aking sinabing kahit ano.

Napansin ko sa kanya ang hawak niyang bola na gawa sa rattan.  Matapos noon bigla siyang umalis at iniwan akong nag-iisa pabalik sa kanyang tahanan.

Sa pagdating ko, nakita ko ang Hadi Eno kasama ang Hadi Walid na magkausap sa labas nang imbakan. Lumapit ako sa kanila at sa aking paglapit agad na nabaling ang kanilang mga pansin sa aking pagdating.  Napatigil sila sa kanilang pag-usap, nagbigay ako nang pambungad na pamitagan sa kanila. Sinabi ko, “iyi’owuro!” Bagay na tinugunan nang Hadi Eno nang pagbibigay nang pambungad na pamitagan sa pamamagitan nang pagmamano at nang Hadi Walid nang pagtango.

Tinanong ko sila kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Napalingat sila sa isa’t isa. Dala nang Hadi Eno ang aalinlangan sa aking pagdating at ang Hadi Walid nang hindi maipintang pag-aalala. Hindi naglaon pinakita nila sa akin kung ano ang kanina pa nila pinag-uusapang dalawa bago ako dumating. Pinakita nila sa akin ang loob nang imbakan na malapit sa sakahan nang maisan. Ang halos nasimot na laman nito na sinabi nila sa akin na nakita na lamang na nakabukas nang hadi Butrus at nang Hadi Walid at dahilan upang tawagin nang nakababatang kapatid ang may-ari nang lupa at pinuno nang mga sakahan.

Pumasok ako sa loob nang imbakan.

Tinanong ko ang Hadi Eno kung papaano ito nangyari.

Wala siyang maisagot sa akin. Bagkus sinisi niya ang pagdagsa nang mga Kesh sa aming lupain, na higit kaninoman ay siyang mashigit na nakakaalam na walang kinalaman dito ang mga Kesh sa pagkawala nang mga pagkain sa iisang imbakan at malinaw na isa itong pagnanakaw.

Hindi ko inasahan na sa kanya ko ito maririnig lalo pa at ang kanyang asawa ay isang Kesh. Nakapanghihinayang ang kanyang mga sinabi. Ang ibaling ang kanyang kapabayaan sa iba.

Matapos noon umikot pa kami sa ibang mga imbakan na nasa ilalim nang kinasasakupang kong lupain. Nalaman namin tatlo sa mga imbakan na nasa ilalim nang mga lupang aking pinapatnugunan ang ninakawan at inangkin nang mga pinapaniwalaang mga Kesh na kumuha nang mga laman nang mga imbakan nang aming mga pagkain.

Nang araw din iyon inutusan ko ang mga anino na pulungin ang mga may-ari nang mga sakahan at nang mga taniman, gayon din ang halos lahat nang mga nagtatrabaho sa mga lupaing nasa paligid nang tatlong nasimot na imbakan. Pinagsimulan ito nang kaguluhan. Kaguluhan sa pagitan nang mga Kesh at nang mga Jingkar. Walang pakundangang ibinaling ang sisi nang mga iilang mga trabahador at mga may-ari nang lupa ang bintang sa mga Kesh na nasa aming bayan. Unti-unti na nilang sinisimulang pagtulungan at abusuhin ang mga dayuhang naglilingkod sa ilalim ng aking pamumuno ng hindi ko nalalaman.

Nagsimula ito sa taniman ng mga buri at uway ngayon naman sa mga lupaing hindi nalalayo sa aking bakuran. Hindi magtatagal magkakaroon nang kaguluhan at walang ibang dapat sisihin dito kung hindi kami rin na tumanggap sa kanila at nagmaliit sa kanila.

Itinanggi nang mga Kesh ang kanilang mg pagkakamali. Itinanggi nila wala silang ginagawang pagnanakaw. Gayong lantarang nilang ibinabaling ang sisi at pagkakamali sa mga may-ari nang mga lupa, at mga trabahador na nasa ilalim nang pamumuno nang mga ito. Tinanong nang Hadi Walid kung ano ang gagawin ko. Wala akong maisagot. Wala pa akong desisyon kung gagawin ko kung sino ang papanigan ko. Gayong ipinilit nang Hadi Eno na kinakailangan kong magdesisyon. Sinabi sa akin nang Hadi Budur na ito lamang ang tanging paraan. Kahit ang hadi Basir na nandito ito rin ang mungkahi, bago pa lumala ang lahat.

Sinabi ko sa kanila kung ano ang aking desisyon. Sinabi ko na wala akong ibang dapat gawin kung hindi sang-ayunan ang mga Jingkar. Ito lang ang maaari kong magawa. Datapwat sinabi ko rin sa kanila na naniniwala akong wala sa mga kesh ang dapat pagbintangan, hindi ako nakatitiyak na mayroon sa kanila ngunit ang pagkakaalam ko ang may hawak nang susi nang bawat lagusan ay walang iba kung hindi ang mga Jingkar, ang mga may-ari nang lupa na malapit dito at ang mga may-ari nang mga sakahan na malapit dito.

Sinabi ko sa kanila, maaari nilang pagbintangan ang isa’t isa ngunit hindi nila maiaalis ang katotohanan na walang sinoman ang may kakayahan na sirain ang bawat lagusan nang mga imbakan lalo pa’t gawa ito sa bakal may kadena at sinususian. Dalawa sa mga nasimot na imbakan ay malayang pinasok nang walang paninira nang bawat tanikala at kandado. Nasimot halos lahat ngunit kapansinpansin na itinago sa ibang mga imbakan upang paghinalaan ang mga Kesh. Iyon ang totoo. Kahit ang Hadi Walid nakapagpatunay na iyon ang totoo.

Inutusan ko ang mga may-ari nang sakahan na parusahan ang mga may-ari nang lupa na may hawak na mga susi nang mga lagusan at ang mga Kesh na walang kaalam-alam ay hinikayat kong alalahanin kung ano ang kanilang lugar sa aming bayan, isa silang dayuhan…magkagayonman hindi iyon sapat upang hayaan lamang nila ang kanilang mga sarili na maging mangmang. Pagbibigyan ko sila lahat ngayon, sa kanilang mga pagiging desperado na saktan ang bawat isa. Kailangan nang lunas…kailangan nang pagkakakilanlan kung hindi ang lahat nang aming mga pinaghirapan ay mababaliwala lamang.

Inutusan ko ang Hadi Walid na kunin lahat ang mga susi nang bawat imbakan. Inutusan ko siya na pamahalaan ang lahat nang imbakan, ang bawat laman nito at ang mga susi ay ibibigay sa akin sa bawat pagtatapos nang araw. Ito ang kanilang pagkakamali, dapat nila itong pagsisihan.

Matapos noon iniwan ko sila. Bumalik ako sa aking tahanan dala ang aking mga kinuhang sangkap sa pagluluto. Sa pagbalik ko sa aming tahanan nakita ko ang Adi Hikmet kasama ang aming mga alaga. Lumapit ako sa kanya.

Tinanong ko sa kanya kung alam niya ba ang nangyari.

Tumango-tango siya. Sinabi niya nalaman kung ano mga narinig niya. Sinabi niya sa akin hindi magtatagal malalaman ito nang buong Ja’khar, nang aming mga kalaban at gagamitin ito laban sa amin. Sinabi niya sa akin na matagal na siyang naghihintay at hindi niya na kayang makapaghintay pa.

Sinabi ko sa kanya na hindi namin kayang lutasin ang lahat nang suliranin na aming pinagdadaanan nang isang araw lamang. Sinabi ko sa kanya paunti-unti, bawat araw, hindiman ngayon maaaring bukas, maaaring sa susunod baka magawa naming lutasin ang lahat nang mga suliranin na bumabagabag sa amin at aming kinahaharap.

Matapos noon niyaya ko siyang mag-agahan.

Kinuha ko ang pitso ng Mantahungal na aking hiniwahiwa at inilaga sa kumukulong tubig upang palambutin ang karne. Sa paglambot ng karne agad ko itong tinanggal sa pinakukulo kong tubig na may mga halugap. Inilagay ang mga ito sa isang pinggan. Kasunod noon tinanggal ko ang kalderong ginamit sa pagpapalambot ng mga karne at saka inilagay ang parilya sa lutuan at pinahiran ito nang mantika na mula sa taba ng baboy-ramo sa pagluluto. Inihaw ko ang mga karne sa parilya. Binudburan ito nang asin at pampalasa. Hinayaang maluto hanggang maging katamtaman ang luto nang karne at kitang-kita pagkakulay limbaon nito. Matapos maluto ang karne, inilagay ko ito sa hiwaan sa rabaw ng mataas na lamesa. Hiniwahiwa ko ito nang maliliit at mga hugis pakahon. Inilagay ito kasama nang mga hiniwahiwang kohlrabi at kamatis. Hinaluan nang maanghang na pampalasa, kakaunting gata na mula sa puno ng buri at itinali gamit nang panaling buri.

Nang umagang ito magkasama kaming nag-agahan nang Adi Hikmet. Sa aming agahan, sinabi ko sa kanya na darating dito ang Hadi Walid para bantayan siya

Tinanong niya ako kung ano ang balak ko ngayong araw. Sinabi ko sa kanya na kailangan kong pumunta sa tahanan nang mga Ardashir.

Nagulat siya.

Nagtaka siya…

Tinanong niya ako kung ngayon ko na ba gagawin ang pagpatay sa Hadi Khalil.

Bagay na aking sinang-ayunan.

Tinanong niya ako kung ito lang ba ang gagawin ko ngayong araw, ang pumunta sa tahanan nang mga Ardashir at makipagkita sa Hadi Khalil.

Bagay na aking sinang-ayunan.

Tinanong niya ako kung mayroon ba siyang maitutulong sa akin.

Bagay na aking itinanggi. Sinabi ko wala. Datapwat inamin ko na makabubuti kung magagawa niyang puntahan ang Hadi Eno at ang asawa nitong si Adi Pikati. Sinabi ko sa kanya na maganda kung kakamustahin niya ito gayong nagdadalang-tao ang asawa nang Hadi Eno.

Sinabi niyang mabuti ngang gawin niya ito. Minungkahi niya na rin kung ano ang magagawa niya sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan nang mga kesh at mga Jingkar. Na maganda kung magagawa niyang kausapin ang mag-asawa at paliwanagan ang mga ito na makita ang kanilang hangarin, sa ikabubuti nang aming mga kinsasakupan at nang aming mga pinapatnugunan.

Tumingin ako sa kanya matapos ko itong marinig.

Tinignan ko siya. Tinanong ko siya kung nakasisiguro ba siya na mapapaintindi namin sa kanila na ang ginagawa nila ay isang pagkakamali.

Sinabi niya sa akin susubukan niya.

Matapos ang aming agahan nang Adi Hikmet, siya ang naghugas nang aming mga pinagkainan habang pinakain ko naman ang aming mga alaga. Kasabay noon bumukas ang pintuan ng lagusan. Pumasok ang Hadi Walid sa aming tahanan at sa kanyang paglalakad papalapit sa akin habang pinapanood kong kumain ang aming mga alaga. Lumapit siya sa akin. Hindi maitatanggi ang kanyang pag-aalala sa aking gagawin. Alam niya ang gagawin ko. Nagbigay siya sa akin nang paggalang. Bagay na aking binalikan nang paggalang. Kasunod noon ibinigay niya sa akin ang mga susi nang mga imbakan.

Bagay na aking pinagpasalamat.

Tinanong ko siya kung nag-agahan na ba siya. Sinabi niya sa akin na hindi pa. Kasabay nito narinig namin ang Adi Hikmet. Nakita siya nang aking asawa. Nagbigay nang pamitagan ang Hadi Walid sa Adi Hikmet. Tinanong ko ang Adi kung may natira pang pagkain sa loob nang kusina. Sinabi niya sa akin na mayroon pa siyang natatabi. Sinabi ko sa kanya na hindi pa nag-aagahan ang Hadi Walid.

Bagay na kanyang pinag-alala at niyaya ang aking liyaw na mag-agahan sa amin.

Habang nag-aagahan ang Hadi Walid naririnig ko ang Adi Hikmet tinatanong ang aking liyaw kung maaari ba nitong samahan ang aking asawa sa papunta sa tahanan nang may-ari nang mga sakahan ng mga maisan.

Bagay na ipinagtaka nang Hadi Walid. Sinabi nang aking asawa na gusto nitong bisitahin ang Hadi Eno at ang Adi Pikati na matagal na nitong hindi nakikita. Bagay na tinanggap nang Hadi Walid.

Tinanong nang aking liyaw sa aking asawa kung alam ko rin ba ang pagpunta nito sa tahanan nang may-ari nang mga sakahan nang mga maisan.

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Hikmet.

Ganitong-ganito din ang araw na iyon ng umalis ako sa aming tahanan upang puntahan ang tahanan nang mga Harith at hingin sa kanila ang kalayaan na pamunuan ang aming tahanan nang hindi nila pinapakelaman.

Matapos ang aming tanghalian umalis ang Adi Hikmet at ang Hadi Walid upang magtungo sa sakahan nang mga maisan.

Naiwan akong nag-iisa sa loob nang aming tahanan…Nagtungo ako sa loob ng imbakan ng mga gamit. Tinanggal ko ang nakahawing tapiserya na nakatalukob sa lagusang matagal nang hindi nabubuksan. Binuksan ko ang pintuan at sa pagpasok ko umalingasaw ang amoy nang mga nabubulok na mga gamit. Puno na nang sapot ng mga gagamba ang buong silid. Patong-patong ang mga kagamitang nandito. Mula sa mga gamit nang aking mga kapatid, hanggang sa aking mga magulang at sa aking mga kanunuan. Nandito ang pangkat nang mahahabang mga lamesa na nakabagsak nang pahilis habang pinapatungan nang mahahabang mga pangkat nang mga upuan na walang sandalan at patungan nang mga braso. Ang mga baul na pinaglalagyan nang mga lumang kasuotan nang aking mga ninuno. Ang kanilang mga tikin na nagtataglay nang mga inukit na puluhan. Mga ulunan nang mga higaan at maging ang mga mahahabang mga busog at tiklis na lagayan nang mga tudla na mabibilang lamang ang dami sa mga daliri. Higit sa lahat, ang duyan na aking pinaggamitan nang maliit pa lamang ako.

Kinuha ko ang isa sa mga mahahabang mga busog at tiklis nang mga tudla. Inangkin ko ito gaya nang pag-akin ko sa kanila noong ninikaw ko ang mga ito at sumasama sa Hadi Walid sa pagpunta sa loob nang mga nakapaligid na kakahuyan upang mangaso. Hanggang sa hindi inaasahan, nakita ko ang isang maliit na itim na banga na may takip—alam ko kung ano ang laman nito. Hindi ko ito agad napansin sa aking paglingap. Kinuha ko ito mula sa pagkakatago. Tinanggal ko ang panaklob para makasiguro, inamoy ko ang laman nito at wala akong maamoy na kahit ano. Pinasok ko ang aking mga kamay sa loob nang maliit na banga. Naramdaman ko ang tubig sa dulo nang aking mga daliri. At hindi ko maikakaila sa aking sarili ang aking tamang hinuha— Isang lason na walang amoy at walang lasa. Isang lason na ang tanging paraan lamang upang matukoy ay kung sisindihan mo ito at dagli itong kikislap. Sinubukan ko. Nagliyab ang isang patak na dagli din naglaho.

Matapos noon, sinimulan kong maghanda. Agad akong naligo sa aming bukalan. Sinimulan kong maghanda. Pumasok ako sa loob ng bukalan. Sa pagpasok ko, agad kong nakita ang mga inilaang damit ng aking asawa na aking susuotin ng araw na ito sa pagpunta ko sa tahanan ng mga Ardashir at pabisita sa Hadi Khalil. Kaagad naligo ako. Hinubad ko ang aking mga suot na damit. Binuhusan ko ang aking katawan nang mainit na tubig. Pinahiran nang galapong na hinaluan ng pukyot, naghilod, muling binuhusan ang buong katawan ng mainit na tubig at nagbabad sa mainit na tubig nang bukalan.

Matapos kong makaligo, agad kong sinuot ang inihanda niyang damit para sa akin.

Sinimulan kong suotin ang bahag na nakahiwalay sa bagong tahing Báta. Tinupi ko ang dulong bahagi nito sa aking kanang kamay. Tinakip ko ito sa aking katawan. Ipinasok sa aking singit. Isinuksok sa pagitan nang aking mga hita at saka ko ito inikot-ikot sa aking buong katawan at itinali ang magkabilang dulo. Sinuot ko sa aking mga hita at binti ang mga biyas. Itinali ko ang mga sintas nito. Matapos noon, sinuot ko ang kulay itim na saluwâl na may mga burda nang mga paruparong Tahamaling na ang laylayan ay isang talampakan mula sa bukung-bukong ng aking mga paa at nagtataglay nang mga na singsing na panara na gawa sa itim na bato. Kasunod noon sinuot ko ang itim na Báta na may mga tahing animang gilid na mula sa mga itim na mga bato. Nakatali sa aking beywang ang isang pulang telang sinturon na may mga bakal na tansong dilaw na palawit. Sa aking mga kamay, mga galang na gawa mula sa balat nang buwayang Magan, suot ko rin ang singsing ng aking ina at mga itim na mga batong hikaw sa magkabila kong mga tenga. Huli kong sinuot ang mga sandalyas sa aking paa.

Agad akong nagtungo sa loob nang yungib nang aking mga alagang hayop na mga asong-gubat. Kinuha ko si Mame bilang sasakyan sa pagpunta sa tahanan ng mga Ardashir. Nilagyan ko ito nang paratilya. Kinuha ko ang maliit na tangkay ng kawayan sa loob nang silid-lutuan. Ang ininhandang pagkain sa akin at sa Hadi Khalil na nakalagay sa isang malambot na tiklis na inihanda nang Hadi Walid. May laman itong niluto kong karne na binalot sa gulay, mga bunga ng jaboticaba at kakanin. Matapos noon inilagay ko ang maliit na tangkay ng kawayan sa loob nang malambot na tiklis at isinabit sa aking mga balikat at saka lumabas nang aming tahanan nang aking asawa.

Sa aking paglabas sa aming tahanan ramdam kong may takot ang lupa at sangsang ang hangin.  Tuluyan kong nilisan ang tahanan ng mga Barakat at umalis sa kinasasakupang lupain nang aming tahanan.

Ganitong-ganito din ang araw na iyon…

Binagtas ko ang kahabaan nang sakahan ng mga maisan kung saan naroroon ang Adi Hikmet at ang Hadi Walid. Napadpad ako sa sakahan ng mga manioc at oca. Kung saan abot-tanaw ang sagisag nang kapangyarihan at pamumuno sa Ja’khar, ang tore ng mga Hadezar. Binagtas ko ang kahabaan nang daan kung saan makikita ang mga malalaking mga sanaw na naglalaman ng iba’t ibang pampakulay ng mga kasuotan. Dito muli ko siyang nakita ang kapatid nang Hadi Khalil na itinakwil nito na nagtatrabaho kasama ng iba pa. Napadpad ako sa isa sa mga malalaking mga lugong na tagisan ng palakasan at sabungan ng mga hayop. Hindi naglaon narating ko ang lupaing kinatitirikan ng tahanan ng mga Ardashir.

Sa aking pagdating, agad kong pinigil ang aking sinasakyang asong-gubat. Bumaba ako sa kanyang likuran at habang hawak ang panali lumapit kami sa lagusan. Binuksan ko ang pintuan at pumasok kami sa loob. Sa pagpasok ko agad kong dinala si Mamé sa loob ng yungib. Pinakawalan ito sa loob ng silid tinanggal ang paratilya at balabal, isinampay sa sampayang nakatungkod at saka lumabas nang yungib ng tahanan nang mga Ardashir dala ang mga inihanda nang Hadi Walid at kawayang may lamang inumin.

Hinanap ko ang Hadi Khalil sa buong kabahayan. Sinimulan ko itong puntahan sa pinagmamalaki nitong pabilyo, wala ito dito. Umikot ako sa unang bahagi…sa ikalawang palapag nang tahanan nito. Hanggang sa nagtungo ako sa ikalawang bahagi ng tahanan nang mga Ardashir at wala ni isang bakas nang matandang Hadezar ang naririto sa loob nang tahanang kanyang pinangangalagaan.

Hindi ko alam kung saan nagpunta ang matandang Hadezar. Kung alam niya ba ang ginawa nang aking asawa sa tahanan ng mga Parvana at ang balak kong pagpatay sa kanya ngayong araw. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon.

Pumasok ako sa loob nang kanyang pinagmamalaking pabilyo. Sa pagpasok ko inilapag ko ang nakasaradong tangkay at ang mga pagkain na aking niluto at ginawa nang araw na ito para sa paghahandang gagawin ko sa kanyang kamatayan. Inilapag ko ang mga ito sa mababaw na lamesa na nasa gitna nang pabilyo, malapit sa mga nakakalat na mga laruan nang ahendres na D’janggi na para sa mga bata sa loob nang pabilyo.

Umupo ako sa isa sa mga upuang nasa loob ng pabilyo…na may mataas na sandalan at mahabang patungan ng mga kamay hinintay ko ang kanyang pagbabalik.

Pinagmasdan ko ang inihanda kong pagkain. Sayang lamang kung hindi ito kakainin…kung hindi mangyayari ang aking kinatatakutan at sa halip mauuwi ang lahat ng aking pinangangambahan sa wala.

Naghintay ako.

Hanggang sa hindi inaasahan bumukas ang pintuan nang lagusan at nakita ko ang pagpasok nang Hading Mata, ang katiwala nang Hadi Khalil na madalas niyang kasama akay-akay ang Hadi Khalil at ang hawak nitong tungkod. Kaagad akong tumayo sa aking kinauupuan. Lumabas ako sa mga naiikot nitong lagusan. Nakita ako nang dalawang matanda.

Nabaling ang atensyon nila sa akin. Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Ngumiti ako pagkakita niya sa akin. Agad akong lumapit sa kung nasaan sila. Lumingon siya sa Mata, may sinabi sa kanya ang Mata bagay na sinang-ayunan ng Hadi Khalil. Binitawan niya ang Hadi Khalil at iniwan niya ito habang papalapit ako sa kanila.

Kapansin-pansin ang kakaibang kinikilos nang matanda, may pait ang kanyang ngiting pinaaabot sa akin.

Wika ko sa Hadi Khalil, “iyi’owuro Hadezar!”

Bagay na hindi niya ipinagkait sa akin. Wika niya, “yuu’se maaste Hadi Yasir, bire asirvadda’owuro”

Hiningi ko ang kanyang kamay. Bagay na kanyang ibinigay. Tinulungan ko siyang makapaglakad papasok sa loob nang pabilyo ng kanyang tahanan.

Gitna nang aming paglalakad, tanong ko “Dönuştar siz’ö Hadezar?”

Wika niya, “Iște, boladi bhul irn va unzha digar…Du dönuştar siz’ö Hadi Yasir?”

Tugon ko, “bono, bunar’tako!”

Wika niya, “Bunar’tako yoki edilir! —va të eder manasivah Hadi Yasir dönuştar tarte?”

Sagot ko, “bono irn të rewșa! Dl’gerçeklik ‘y düzenli ö të nju imsin, va qwazhabiiryi duhn samo avemu të nju doğum.”

Wika niya, “mabuti, mabuti naman kung ganon. Malapit na ang panahon ng taglamig, hindi magtatagal matatapos na ang panahon ng tag-init. Inaalala ko lang ang kanyang kalagayan!” Bagay na aking sinang-ayunan. Dagdag niya, “Siya nga pala maiba ako…kamusta na rin ang iyong nasasakupan?”

Wika ko sa kanya, “ganon din ho, mabuti din ang kanilang mga kalagayan!”

Tumigil kami sa gitna nang aming paglalakad sa labas nang pabilyo, Wika niya sa akin, “mabuti, mabuti!”  Kasunod noon pumasok kami sa loob nang pabilyo. Sinabi ko sa kanya na pinadadala ito ng aking asawa. Na gusto nang Adi Hikmet na matikman nang Hadi Khalil ang niluto nito.

Tinanong sa akin nang Hadi Khalil kung ito ba ang dahilan nang ikinapunta ko dito. Bagay na aking itinanggi…Sinabi niya sa akin na hindi na dapat pa akong nag-abala pa.

Sinabi kong walang kaso iyon. Kasabay noon, tinanggal ko ang takip nang malambot na tiklis. Pinakita ko ito sa kanya. Binigyan ko siya ng binalot na karne. Pinatikim ko sa kanya ito. Pinagmalaki ko na gawa ito ng Adi Hikmet bagay na kanyang pinagtakahan kung ang Adi Hikmet nga ba ang may gawa nito bagay na aking sinang-ayunan.

Tinikman niya ito. Nagustuhan niya ang lasa nang binalot na karne. Bagay na aking ikinatuwa…sinabi niya sa akin na masarap ang pagkain. Nagpasalamat ako sa kanyang papuri. Tinulungan ko siyang makaupo sa isa sa mga upuan. Umupo siya sa upuang kaharap nang mababaw na lamesa na nasa gitna nang pabilyo. At kasabay nang kanyang pag-upo umupo rin ako sa upuang nakaharap sa kanya.

Tanong ko, “napansin niyo po ba na napaka-alinsangan nang panahon ngayon? Panigurado tiyak iyan ay uulan! —Hindi ko alam na mahilig pala kayong maglaro nang D’janggi.”

Bagay na kanyang itinanggi. Sinabi niya sa akin na matagal na ang D’janggi dito sa kanilang tahanan. Na bata pa lamang siya nang ibigay ito sa kanilang magkakapatid nang Herren Ybrahim nang Ka’desh ang ama ng kanyang ina. Dagdag nang Hadi Khalil, “nakita ko lang iyan habang tinutulungan akong maglinis sa imbakan ng Mata!”

Tugon ko, “ganon ho ba Hadezar?”

Wika niya, “hindi maitatanggi na isa itong pamana sa aming tahanan! Tamang-tama naman at nandito na ang aking mga pamangkin noong nakaraang araw kaya hinayaan ko silang maglaro!”

Nagtaka ako. Tanong ko nang may ngiti, “talaga ho?”

Wika niya sa akin, “alam ko na mahalaga sa iyo ang iyong tahanan…sa katunayan nga ay hangang-hanga ako sa iyong ginagawa Hadezar!”

Tanong ko, “kung ganon Hadezar…maayos na ang iyong tahanan?”

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Pag-uusisa ko, “kung ganon Hadezar nagkaayos na pala kayo nang Adi Habib! Mabuti naman kung ganon! Siya nga po pala ang ibig po bang sabihin noon ay wala na ang ating napagkasunduan tungkol sa aking pagiging Hadezar sa tahanan ng mga Ardashir?”

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Wika niya, “patawarin mo ako Hadi Yasir…ginagawa ko lang ang sa tingin kong makabubuti sa ating tahanan!”

Wika ko, “sa inyong tahanan, Hadezar! —Kung ganon patawarin niyo ako sa paggambala ko sa inyo!”

Bagay na kanyang itinanggi. Sinabi niya, “hindi kung tutuusin ako pa ang dapat humingi sa iyo nang tawad. Ang totoo hindi ko alam kung ano ang aking isasagot sa iyo o kung paano ko ito maipapaliwanag sa iyo nang hindi ka nasasaktan! Siguro nga makabubuti na tanggihan na lamang natin kung anoman ang ugnayan na namamagitan sa ating dalawa, Hadezar!”

Tinignan ko siya. Naglaho ang aking ngiti sa kanya. Sinabi ko sa kanya na may katwiran siya. Na makabubuti nga na mauuwi na lamang ang lahat sa ganito—sa wala!

Wika niya, “hindi naman siguro, Hadi Yasir. Pamilya pa rin tayo kahit papaano. Maaari mo pa rin ituring ang aking tahanan, na sa iyo!”

Hindi naglaon lumapit sa akin ang Mata upang tanggapin ako sa loob nang kanyang tahanan. Una siyang lumuhod sa aking harapan. Tumihaya nang upo at ibinaba ang dala niyang palanggana na may lamang malinis na tubig. Kasunod noon, hiningi nito sa akin ang aking mga paa bagay na aking ibinigay. Una niyang hinugasan ang kanan kong paa. Binuhusan niya ito nang malinis na tubig, inilubog, at saka pinunasan gamit nang malinis na pamunas.

Habang ginagawa ito nang matandang Mata tinanong ko ang Hadi Khalil kung paano sila nagkabati nang Adi Habib.

Sinabi niya sa akin an lumapit ito noong nakaraang araw, humingi nang tawad at nakiusap na tanggapin muli sa kanilang tahanan matapos mamatay ang asawa nito. Ipinabatid nito sa kanya ang malaking pagsisisi sa ginawa nitong pagkakamali at sa pagsira nang tiwala nito sa Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir. Sinabi niya sa akin na nang nalaman niya ito at makita ang kanyang mga pamangkin nakaramdam siya nang dagok sa kanyang puso at pinatawad niya ang kanyang kapatid. Awa ang ibinigay niya sa mga ito. Naawa siya sa kanyang mga pamangkin, at kapatid na walang-wala nang mga panahong iyon. Sinabi niya sa akin na naaalala niya ang aking ina nang mga panahon.

Kasabay noon sunod na hinugasan nang Mata ang aking kaliwang paa.

Dagdag nang Hadi Khalil, “ang totoo, utang ko sa iyo kung bakit kami nagkabati muli nang aking kapatid!” bagay na aking ikinatuwa “Kung hindi dahil sa iyo at sa pagmamalasakit mo sa iyong mag-ina. Hindi ko muli mararamdaman ang kalungkutan at ang maging mapag-isa. Kaya nang walang pagdadalawang isip. Tinanggap ko siya at ang kanyang tahanan!”

Tanong ko, “ganon po ba? —kung ganon natutuwa ako sa inyong ginawa Hadezar!”

Tumango-tango siya sa aking sinabi. Iminungkahi ko na makabubuti na magdiwang kami sa pagkakabati nila nang kanyang kapatid. Ngumiti sa akin ang Hadi Khalil. Sumang-ayon siya sa aking sinabi. Sinabi niyang tama ako. Sinabi niyang walang masama kung magkakaroon nang maliit na kasiyahan para sa kabutihan nang kanyang mga pamangkin na mas pinili niya kaysa sa akin. Pinabatid ko ang hangarin ko sa kanilang pag-unlad na magkapatid.

Ang ikabubuti nang kanilang tahanan. Ang ikabubuti nang aking tahanan.

Inutusan niya ang Mata na ihanda ang pagkain sa loob nang silid lutuan bagay na aking pinigilan at sinabing makabubuti na kung ako ang maghahanda. Sinabi ko sa Hadi Khalil na gusto ko, kung kanyang pahihintulutan at hahayaan, ay hayaan niya ako ang maghanda at mag-ayos nang aming pagsasalo sa pagkakabati nila nang Adi Habib.

Bagay na pinagbigyan nito. Kasunod noon, inutusan nang Hadi Khalil ang matandang Mata na kumuha nang mga baso at pinggan para sa paghahanda nang pagkain at inumin na aking dinala.

Sa pag-alis ng Mata tinanong ko sa Hadi Khalil kung dito ba tumutuloy ang kanyang kapatid at pamangkin.

Bagay na kanyang itinanggi.

Humingi siya sa akin ng tawad sa kaguluhan nang lamesa. Sinabi niya sa akin na napabayaan nang ligpitin ang D’janggi.

Tinanong ko siya kung kamusta ang kanyang mga pamangkin.

Sinabi niya sa akin na mabuti ang mga kalagayan nang mga ito. Ipinagmalaki niya ang pagkabibo ng mga bata. Sinabi niya ang pangalan ng mga ito, Ilyas at Seda. Dalawang musmos na bata na hindi nakilala ang pinagmulan at ngayon ay naaayon sa kagustuhan nang Hadi Khalil. Si Ilyas ay ang panganay na anak nang Adi Habib habang bunso naman ang Adi Seda.

Wika niya sa akin hindi daw niya maipinta ang tuwa nang makita niya ang mga ito sa unang pagkakataon.

Sinabi ko sa kanya na kakaiba ang mga bata sa amin. Bagay na siyang totoo. Pinaalala ko sa kanya na minsan na namin silang nakita kasama nang Adi Habib habang umiikot kami.

Bagay na kanyang ikinatuwa.

Kasunod noon muling bumalik ang Mata dala ang mga pinggan, kubyertos at mga baso. Inihanda ko ang aking dalang pagkain. Inilabas sa malambot na tiklis ang mga nakabalot na karne at inilagay sa dalawang maliit na mga pinggan.

Habang ginagawa ko ito, tinanong niya sa akin kung bakit hindi ko isama minsan ang Adi Hikmet sa pagpunta ko at pagdalaw sa kanyang tahanan.

Bagay na aking sinang-ayunan.

Sinabi niya na makabubuti kung matapos itong makapagpanganak ay ipakilala naman nito sa kanya ang aming magiging anak.

Tinanggal ko ang takip nang dala kong maliit na lalagyan nang inumin na mula sa tangkay ng kawayan. Sinalukan ko ang mga baso. Ibinigay ko ang isa sa Hadi Khalil at ang isa sa akin. Nilapag ko ang tiklis sa sahig nang pabilyo.

Tinanong ng Mata ang Hadi Khalil kung may ipag-uutos pa ito. Bagay na itinanggi nito. Kasunod noon nagpaalam ito sa amin at lumabas ng pabilyo. Naiwan kaming dalawang nag-iisa.

Kumuha ito nang isa sa mga nakabalot na karne. Tanong niya, “siya nga pala Hadezar gusto kong tanungin sa iyo ano ang dahilan kung bakit napapadalas ang pagkikita nang iyong asawa at nang Adi Atiya?”

Bagay na aking hindi itinanggi. At pinatotohanan.

Sinabi ko na hindi naman lingid at hindi naman itinatago na naging magkadaupang palad ang dalawang Adi nang magkaibang tahanan sa libing nang Hadi Hagir. Na kapwa sila naging malapit sa isa’t isa simula nang mamatay ang Hadi Hagir at maging bahagi nang kalipunan nang mga Hadezar ang Adi Atiya.

Nakita ko ang pangamba sa mga mata nang Hadi Khalil.

Tinikman niya ang nakabalot na karne ng Mantahungal. Matapos itong nguyain, kinuha nito ang baso na may lamang inumin sa lamesa, at uminom sa baso. Sabi niya, “mapanganib ang Adi Atiya…hindi mo dapat hinahayaan ang iyong asawa na kaibiganin ang isang katulad niya. Siya ang pumatay sa kanyang asawa. Malinaw kung ano ang kanyang ginawa!”

Humingi ako sa kanya ng tawad. Sinabi ko, “Hadezar alam niyo na hindi ko kayo magagawang lokohin. Hindi ko kayo magagawang pagsinungalingan!”

Tugon niya, “alam ko! Kaya lang inaalala ko…ang Adi Hikmet! Ikaw na rin ang nagsabi maselan ang kanyang pagbubuntis!”

Wika ko sa kanya, “ano ang magagawa ko Hadi Khalil…kayo na rin ang nagsabi matalino ang aking asawa. Sinubukan ko siyang pigilan, ngunit kahit anong gawin ko hindi ko siya mapipigilan.

Wika niya, “wala tayong katiyakan, Hadi Yasir! Hindi natin alam kung ano ang kayang gawin nang Adi sa iyong asawa. Baka hindi rin magtagal ay babaliktad sa iyo ang iyong asawa at kakampi sa tahanan nang mga Parvana at kalabanin ka. Marami ka nang kalaban…gugustuhin mo bang madagdagan?”

Alam niya ang dahilan kung bakit ako naparito.

Wika niya, “volim un’zah të Adi Hikmet, Hadezar…edere të vharmak eger! Yuune’duyi unzha eger ma’lum të nedheen yoki neyi sabab yoki neden siz gelde. Itibaren kizhasurçe bhul meh’etdkim eger jhutha siz ö dl’açzi. Diyesordhe dl’zeh të eder tesislerinde yoki na’zhil söyledi un’zah dl’açzi ö düzenli të durum onun.” (Jng. mahal mo ang Adi Hikmet, Hadezar…iyon ang sa tingin ko! Magkagayonman hindi ko alam ang katotohanan kung ano ang dahilan kung bakit ka naparito. Mula kanina pa napapansin ko nagsisinungaling ka na sa akin. Tinanong ko sa iyo ang iyong nasasakupan kung kamusta sinabi mo sa akin na maayos ang kalagayan nito.)

Tugon ko, “dahil iyon ang totoo Hadezar!”

Ngumiti ang Hadi Khalil. Wika niya sa akin, “unzha dl’vharmak eger. Az’zinu të sorun zeh dl’të yabanci Kesh…”

Giit ko, “Hadezar! Nakakahiya mang sabihin ngunit ayoko na ipamukha ang suliranin na ako ang siyang dapat na nag-aasikaso. Gayong kaya hindi ko sinabi sa inyo ang aking suliranin sa mga dayuhan at sa aking pinapatnugunan ay gusto ko munang gumawa, at maghanda nang lunas sa aking kinahaharap na suliranin.”

Tanong niya, “at ang iyong asawa? Hindi ba ay may pagpupulong na nagaganap sa loob nang tahanan ng sakahan ng mga maisan at naroroon siya at wala ka roon para kausapin ang may-ari nang sakahan tungkol sa nagaganap na pagnanakaw?”

Hindi ako umimik.

Tinago ko ang aking bibig sa aking mga kamay habang nakapamaluktot ang aking mga daliri at iniibabawan nang isa ko pang kamay. Tinago ko ang aking pagngiti.

Muli ininom niya ang basong aking sinalukan mula sa tangkay nang kawayan na may lamang inumin. Pinagmasdan ko siya habang umiinom siya.

Pagpapatuloy niya, “dara ’irn waxaa soru mofe yoki na’zhil’siz. Yalançi’siz dl’açzi Hadezar. Itibaren kizhasurçe bhul’ y asılsız siz’ö dla’açzi… Isiqala va tug’ma ö oturmak siz koltuk un’zah va ghirmek siz dl’ndenyi waxaa açzi etkhiler asilsiz siz’ö dl’açzi Hadi Yasir!” (Jng. ganon din nang tanungin kita kung kamusta ka. Nagsinungaling ka sa akin Hadezar. Mula kanina pa ay nagsisinungaling ka na sa akin…simula’t sapul na umupo ka sa kinauupuan mo at pumasok ka sa loob nang aking tahanan nagsisinungaling ka na sa akin Hadi Yasir!)

Nabaling ang aking pansin sa tikin na nakasandal sa gilid nang kanyang upuan. Hinawakan niya ito. Inikot-ikot sa kanyang kamay ang puluhan nitong mistulang busol.

Dagdag niya, “uddesa un’zah ni edere oldurmek Hadezar?” (Jng. balak mo ba akong patayin Hadezar?)

Nabaling ang aking pansin sa kanya. Hindi ako nakaimik.

Kinuha ko ang basong may lamang inumin. Binaba ko ang inumin sa aking mga kamay. Tinignan ko siya habang nakatingin siya sa akin. Ang aking pansin ay nakatuon sa kanya nang buung-buo.  Nilapag ko ang baso na may lamang nakakalasong inumin sa aking palad habang hawak ang katawan nito nang isa ko pang kamay.

Wika niya, “düsüçe eder boyu’yuzu unzha eder bilmek yoki neyi të hëtü un’zah? Istemek un’zah kaçirmak dla’açzi të açzi liderlik! Du’ö bire iloh ö surunen-edinme waxaa gibi dl’bire halka-iloh çok’küçük dl’çamurlu ö zemin waxaa açzi etkhiler! Unzha siz hoşgörü. Ederi të manasivah! Unzha ederi hoşgörü. Qabhul eger edere të düzenli. Ko’rib ö gerçekten ö qhare’dosh.” (Jng. akala mo siguro hindi ko malalaman kung ano ang binabalak mo? Gusto mong agawin sa akin ang aking pamumuno! Ikaw na isang ahas na gumagapang-gapang nang tulad sa isang singsingan napakaliit sa maputik na lupa nang aking tahanan! Wala kang utang na loob. Kayo nang iyong asawa! Wala kayong utang na loob. Tinanggap ko kayo ng maayos. Itinuring na tunay na kadugo.)

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo.

Pagpapatuloy niya, “boladi nikan sädecë të intikam un’zah dl’açzi, Hadi Yasir. Yüz yanlış edere dl’ kimlik dl’zeh, olsabile nezhamhan unzah değişim të bire kalisag. Të Kalisag ý kalmak kalisag!” (Jng. ganito lang pala ang igaganti mo sa akin, Hadi Yasir…mukhang nagkamali ako sa pagkakakilala sa iyo, kahit kailan hindi magbabago ang isang Kalisag…ang Kalisag ay mananatiling Kalisag!)

Bigla natumba siya sa kanyang pagkakatayo. Nagulat ako. Bumagsak siya. Agad akong tumayo sa aking pagkakaupo natapon ang laman nang hawak kong baso sa aking katawan. Agad akong lumapit sa kanya. Sinubukan ko siyang alalayan. Binalik ko siya sa kanyang pagkakaupo. Hindi nawala ang kanyang tingin sa akin. Tinitigan niya ako nang masama.  Alam niya…alam niya. Sasaktan ko siya… Sasaktan ko siya. Siya na nilait ang aking tahanan. Siya na nilait ang aking pagkatao. Ang ina nang aking magiging anak…Tulad nang pinangako ko sa aking asawa, papatayin ko siya.

Bumagsak ang kanyang tungkod sa kanyang kamay sa sahig nang pabilyo kung nasaan kami. Gumulong ito sa sahig.

Nakatihaya ako nang upo sa kanyang harap. Hawak ang kanyang kamay na nagsisimula nang lumamig. Dinidiinan ko ang kapit sa mga ito. Umupo ako sa mababang lamesa. Pinakita kong nag-aalala ako sa kanyang kalusugan.

Tinanong ko siya kung ano ang nangyayari sa kanya. Kung ayos lang ba siya…kung magagawa niya bang kumilos o magsalita. Ngunit mistulan siyang napipi. Kinakain nang kanyang ngipin ang kanyang bibig at ang kanyang mukha ay mistulang nayupi.

Wika ko, “dja, dedini’të soyledi zeh! Va’ederen të’sabab yoki’neden edere gelde!” tumulo ang luha sa aking mga mata. “Hindi ko po sinasadya, mofe nikan…nhar edere uddesa ö zarar ederi Hadi Khalil. O kaçırmak dl’seninki të seninki liderlik! Para…keçiruü un’zah edere Hadezar!”

Sinubukan niyang magsalita ngunit huli na ang lahat. Ang lasong ibinigay ko sa kanya ay nasa kanyang inumin at nasa kanyang pagkain. Ang lasong ito ay mabagal. Pahihirapan siya sa simula. Pipigilan ang kanyang paggalaw. Magmamanhid ang kanyang mga kalamnan. Ang buo niyang katawan. Magiging buhay na bangkay siya. Tatanggalin nito sa kanya ang lahat ng kanyang pakiramdam, wala itong ibang iiwan kung hindi ang pakiramdam nang pagkalunod hanggang sa tuluyan siyang bawian nang buhay at mamatay.

Nakakalungkot.

Nakakalungkot na isipin na mauuwi lang sa ganito ang dapat sanang masayang pagsasama. Pinagtabuyan niya ang aking ina.  Pinagtabuyan niya ang kanyang kapatid…kasuklamsuklam ang katulad niya.

Lumapit ako sa kanya, hinalikan ko ang kanyang noo. Hinaplos ko ito.  Kasunod noon tumayo ako. Kinuha ko ang tungkod na nakalapag sa sahig malapit sa akin. Saka ako lumabas ng pabilyo at tuluyan siyang tinalikuran…

Advertisements

2 thoughts on “KABANATA LABING-WALO:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s