Tula No.# 00

Gusto kong magsalita nang aking sasabihin.

Nang mga katagang malinaw sa aking kokote.

Nang mga salitang  ginagaya nang aking mga labi,

Sinasambit nang aking dila,

Pinagsisigawan nang aking puso.

Gusto kong sumigaw—bumulong nang mahinang-mahina

Na sa sobrang mahina tanging mga insekto at paniki lamang ang makakarinig.

Na sa sobrang hina, tanging ang mga tunay na may malasakit lamang ang

nakakaintindi.

Iyong galing sa puso.

Iyong hindi kayang salingin nang mga bala at  sandata.

Iyong nanunukal sa kaisipan nang sinoman at bumabarena

Tagos hanggang buto.

Iyong nagpapaalab nang digmaan,

sumusugod hanggang sansinukob…

pumapatay nang mga sakit…nagpapagaling nang mga nasa hilahil.

Gusto kong magsalita ngunit hindi ko magawa.

May bumabara  sa aking pagkatao.

Sinasakal ang aking leeg.

Ginagapos nang bakal na tanikala,

Pinipihit nang garote ang aking paghinga at mga katagang mga sasabihin.

Parang atake nang asthma sa kawalan nang paghinga.

Miasma nang mga nabubulok na itlog at alimuong matapos ang ulan.

Sinisilidan sa lalagyan nang bigas.

Pinapako nang martilyo

kinukulong nang parang may sala.

At pinagtatawanan nang mga payaso!

pagod na pagod na ako….sa malulutong na mga bulong na dinig sa buong daigdig.

Sa kamunduhan nang tuliro, sa kamunduhan nang walang magawa sa buhay!

Sigaw na ako nang sigaw sa tinig na parang bulong…

sa lumalagitik na tunog nang nasusunog na tuyong punong kahoy sa higanteng apoy

At ayoko na.

Pagod na pagod na ako…

Pinagpapawisan na ako nang malagkit,

barado na ang aking paghinga, pagtingin at pandinig.

Bulag, pipi at bingi na akong tumitingin

Pinagmamasdan…

at pinakikinggan ang buong mundo.

manhid na manhid na ako…

Ayoko nang magsalita.

tahimik na lamang ako nang parang patay

patay na ako…lantang gulay na tulala

inaabot nang tingin ang puting kisame na butas-butas.

Nakanganga kinakapos nang mga salita. Inaantay ang kamatayan

Sa huling mga hininga.

Pipikit na lamang ako, at matutulog

I binge

And feel tired for 2 days…

May body can keeo up 

And always hungry.

I love watching series…

And can talk about it

All the time.

If there is.

Though I maybe fall asleep

While typing this

I also love to write. 

My day is great and love it…

So thank god for people 

who do great shows

Only I can binge it. 

And also the sunny weather…

KABANATA LABING-SIYAM:

ANG PAGBAGSAK NANG KALIPUNAN NG MGA HADEZAR

Sa pagbukas nang kulay-kasoy na pintuan na nagtataglay ng mga bakal na tinubog at inukit na larawan ng isang malaking puno na mayroong mga halamang mistulang buhay lumabas ang isang maginoo. Isang maginoo, at matanda na nagtataglay ng masmagarang kasuotan mula ulo hanggang paa. Handa sa inaasahang mangyayari ngayong araw…Ang kanyang pandong ay bughaw na ninakaw sa salaming-dagat at sa kulay nang kalangitan. Nagtataglay nang mga itim na sinulid na tahi na mga nakausling mistulang ngipin. Ang kanyang bughaw na Báta ay burdado nang mga paekis na mga mahahabang mga linya at gintong alon-alon at gawa mula sa hinabing tangkay ng puno ng Avetas dahilan upang magmistulang makintab ang kulay nang kasuotan. Maginoo siyang lumabas hila ang isang alagang asong-gubat na may makapal na kulay abong mga balahibo. Sinarado ang pintuan at saka sumakay sa asong-gubat. Ang kanyang suot saluwâl ay bughaw na gawa sa hinabing puno ng buri, may mga tahing sanga at mga dahon ng kalengkor na mga nakapaikot at mga nag-eekis.  Ang kanyang sinturon ay nagtataglay ng iba’t ibang makukulay na mga panaling tela na may mga palawit na gintong singsing at bakal na mga panara. Habang ang kanyang binti at hita ay may mga adornong bakal na garing at mga aboloryong-sinturon na tinatago ang mga tata’u na nakaukit ng pahaba sa kanyang magkabilang binti.

Ang araw na ito ay kanyang hinihintay na pagkakataon…ang kanyang muling pag-iisang dibdib matapos ang mahabang panahon simula ng huli siyang maikasal. Naglakbay siya upang sunduin ang kanyang mapapangasawa. Hindi ito ang unang beses na humingi siya nang kamay nang kanyang magiging kabiyak, at marahil hindi rin ito ang magiging huli. Pero ito ang unang pagkakataon na umibig siya sa isang Adi na ni minsan ay hindi niya pa nakikilala.

Matapos noon tuluyan siyang umalis at naglakbay sa gitna nang init ng kalangitan. Naglakbay siya upang sunduin ang kanyang mapapangasawa at sa kanyang pagdating sa tahanan nito, pinakilala ito sa kanya ng mga magulang nito…at nakita niya ang Adi sa unang pagkakataon. Tama ang mga nalaman niya at mga bulong na narinig niya at nabalitaan niya. Na wala itong kasingganda…na hindi mapapantayan ang kagandahang tinataglay nito. Isang Ading may kulay kayumangging mga balat at ginintuang mga mata, Isang Taiaman mula ulo hanggang paa. Kulot ang kayumangging mga buhok at mapungay ang mga mata.

Nang araw din iyon, nang hindi pa nito nakikilalang mabuti ang mapapangasawa nito, ibinigay nang mga magulang nito na kilalang gumagawa nang mga gusali sa Ja’khar at itinuturing na pinagkakatiwalaan nang maginoo ang kamay nang kanilang anak sa Hading nagmula sa makapangyarihan tahanan. Ito ay walang iba kung hindi ang Hadezar ng tahanan ng mga Ardashir ang Hadi Khalil.

Nakasuot ang Adi nang isang puting kasuotan na nagtataglay ng mga pangkaraniwang tahi at burda sa buong damit na lantay at palasak. Gawa sa sutla, kita ang hubog nang katawan, ang mga aninong nakabuyayang sa hugis at anyo nang hubog nang babae. Datapwat tago ang mukha nito, may belo ang ulo, may takip ang mukha habang lantaran ang kinang na nagmumula sa mga mata nito. Hindi maikakaila ang kagandahan nang Adi ng mga sandaling iyon sa Hadi Khalil. Walang kapintasan itong maituturing maliban sa pinagmulan nito. Ito ang unang pagkakataon na masasabi niyang nakaramdam siya nang kasiyahan sa buong buhay niya. Bagay na kahit kailan ay hindi niya pa nararamdaman.

Nakiusap siya na ipakita ang mukha nito sa kanya. Pinilit niya at pinagbantaan niya nang hindi ito pumayag. Ngunit pinili nila ang kabanalan ng kanilang paniniwala…at napilitan ang Hadi Khalil na gawin at sundin ito sa tawag nang kanyang pangangailangan. Hinawakan niya ang malambot nitong mga kamay at mga daliri na mala-kandila. Sinakay niya ito sa alagang asong-gubat at nagpaalam at nagbigay ng paggalang sa mga magulang nang kanyang mapapangasawa. Nang dumating sila sa loob nang tahanan ng mga Ardashir agad na tinanggap ng Hadi Khalil ang kanyang magiging kabiyak. Hinugasan niya ang mga paa nito tulad nang kung ano ang nakaugalian. Inikot niya ito sa buong kabahayan, ipinagmalaki niya dito ang kanilang magiging tahanan. Ipinakita nito ang magiting na puno ng Mahumanay. Hanggang sa dinala niya ito sa loob ng kanyang silid.

Sa pagpasok sinarado ang lagusan, hinarangan ang pintuan…at nang walang patumangga pinilit. Nakiusap ito sa kanya datapwat tumanggi ang Hadi Khalil. Pinatuwad niya ito Pinunit ang kasuotan, at habang tago ang mukha at balot ang itsura nakipagniig siya sa asawang hindi kilala at dayuhan…

Tinakpan nito ang kanyang mga mata. Pinakiusapan siya nito na pumikit… at habang nakapikit ang kanyang mga mata at ang kamay nito ay nasa kanyang mga mata hinawakan niya ang hubad nitong katawan…ang malalaki nito at matambok nitong mga suso. Hinawakan nito ang kanyang titi. Sinalsal habang nakahilis siya patungo dito at nakaharap sa harapan nito. At nang hindi siya maawat hinalikan niya ito at hinubad ang talukbong sa mukha nito.

Pinamunuan siya nito sa kanyang kama…Nang dinilat niya ang kanyang mga mata, at nagliwanag ang kanyang silid, tuluyan niyang nakilala ang kanyang mapapangasawa at wala siyang ibang nakita kung hindi ang pangit nitong ngiti…ang nakakatakot nitong itsura, ang bibig nitong may bingot. Nagkamali siya na pagkatiwalaan ang mga magulang nang kanyang asawa.  Nagkamali siya na kilalanin ang kanyang asawa sa kapangitan nito. Nagimbal siya. Ang kanyang kinabukasan, ang kanyang ngiti ay naglaho at nawala.

At nang gabing iyon, naglaho ang lahat nang pag-asa ng pagsasama nilang dalawa. Itinakwil niya ito…at kumalat sa Ja’khar ang kahihiyan nang Hadi Khalil at nang babaeng hindi pinangalanan. Dinakip ang babae habang naglahong parang bula ang mga magulang nito. Pinalapa ito nang Hadi Khalil sa mga gutom na gutom na isdang kataw. Pinanood niya ito hanggang tuluyan itong maglaho.

Ang Hadi Yasir

Pinagmasdan ko siya…ang kanyang matandang itsura. Ang kanyang naghihingalong katawan. Tumulo ang luha sa aking mga mata nang hindi ko nalalaman kung ano ang pighating pinanggagalingan. Alam ko na isa itong pagkakamali na wala akong ibang dapat gawin kung hindi pagsisihan ang pagkakamaling nagawa ko. Ngunit ginusto ko ito. Ito ang kinakailangan kong gawin. Binitawan ko ang kanyang mga kamay. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata.

Lumapit ako sa kanya, Hinawakan ko ang kanyang ulo. Inilapit ko ito sa aking bibig at saka ko ito hinalikan. Wala akong ibang maramdaman na kahit ano sa kanya, nang mga sandaling ito, kung hindi pagkaawa. Hinaplos ko ito.

Bulong ko, “patawarin mo ako…”

Kasunod noon tumayo ako at kinuha ang tungkod na nakalapag sa sahig malapit sa akin. Lumabas ako nang pabilyo at tuluyan ko siyang iniwanan.

Nang iniwan ko siya humihinga pa siya…bagsak ang kanyang ulo sa kanyang balikat, wala sa ayos ang kanyang pagkakaupo at ang kanyang bibig ay bahagyang nakabukas at lawit ang kanyang dila. Tuluyan na siyang nilamon ng lason. Matagal nang nanigas ang mga laman niya bago ko siya iwanan at pakawalan sa aking mga kamay. At nang tuluyan akong umalis sa loob ng pabilyong kanyang pinagmamalaki nakatirik na ang kanyang mga mata, hindi magtatagal titigil na rin ang pagtibok nang kanyang puso at ang kanyang paghinga.

Sa paglabas ko nang pabilyo nabaling ang aking atensyon sa pasilyong malapit sa yungib ng tahanan. Nagtungo ako sa loob nang yungib. Sa aking paglalakad nakita ko ang paglapit sa akin ng matandang Mata na naglalakad sa hindi pantay na pasilyo ng tahanan. Tumigil ako sa aking paglalakad papasok sa yungib at binaling ang aking pansin sa kanya. Hinarangan niya ang aking daraanan.

Tinawag niya ang aking pangalan ng may pamitagan. Sinabi niya “Hadezar!” bungad niya sa akin. Susubukan niya akong pigilan. Wika niya, “neyi të yapilmiș un’zah Hadezar?”

Sinabi ko sa kanya, “ahh! Të’Sul, të ajantay waxaa etkhiler waxaa thë Ardashir…ma’lum un’zah irn ni të’uddesa eger, Hadi?” Hindi siya kumibo sa aking tinatanong. Pagpapatuloy ko, “boyu’yuzu ma’lum un’zah. Neden unzha un’zah tarte’ölçulu? Neden unzha un’zah tarte’jaytana. du, va’waxaa eder Asirvadda!” 

Tanong niya sa akin, “Neden unzha du Hadezar?”

Tugon ko, “dahil kailangan ko lang gawin kung ano ang kailangan kong gawin, Hadi…may pagkakataon pa…mabagal ang lason na ibinigay ko sa kanya!”

Wika niya, “hindi ko alam kung ano ang pangunang lunas!”

Ngumiti ako. Hinawakan kong mabuti ang tungkod nang Hadi Khalil na hawak-hawak ko. Wika ko sa kanya, “walang lunas ang lasong ibinigay ko.”

Nabaling ang kanyang pansin sa hawak kong tungkod nang matandang Hadezar. Tanong niya sa akin, “sasaktan mo rin ba ako Hadezar kung pipigilan kitang saktan ang mag-ina?”

Tanong ko sa kanya, “bakit, kaya mo ba silang ipagtanggol?” Hindi siya nakaimik. Bagkus wala siyang ginawang kahit ano. “Nasaan sila?”

Wika niya, “huwag ang mga bata at ang Adi Habib, Hadezar!”

Nagsimula akong humakbang papunta sa kanya. Sinubukan niya akong harangan sa pagpasok sa loob ng yungib mula sa kinatatayuan ko. At sa banta nang aking paglusob lumuhod siya sa aking harapan at nakiusap siya sa akin na iligtas ko ang Adi Habib at ang mga anak nito.

Wika ko sa kanya, “israf un’zah samo të eder hava…Arsaad’sul.” Tumingin siya sa akin. Pagpapatuloy ko, “dogru edere unzha’ni, ederen të’eder nama. Arsaad? Düsüçe un’zah ni unzha eger ma’lum yoki çin’qaro siz. Düsüçe un’zah ni unzha edere bilinçli ampi dl’zeh Arsaad’sul?”

Matapos noon tinalikuran ko siya. pumasok ako sa loob nang yungib nang tahanan ng mga Ardashir. Nanatili siyang nakaluhod habang sinisimulan kong kunin ang paratilya at sapin mula sa sampayang nasa loob ng silid at ilagay ito sa likuran at itali ito sa katawan ni Mamé.

Tanong niya sa akin, “sa tingin mo ba tama ang iyong ginagawa, Hadezar?”

 Muli nabaling ang aking tingin sa kanya. Nakita ko siyang nakatayo. Hindi ako kumibo, buo na ang loob. Hila-hila si Mamé, lumabas kami nang yungib nang tahanan ng mga Ardashir at tuluyan ko siyang tinalikuran paalis nang kanyang tahanan.

Sa aking paglalakbay pabalik sa aming tahanan ng aking asawa, binaybay ko ang daan kung saan makikita ang malalaking mga sanaw na may lamang iba’t ibang tela na nakababad sa mga pampakulay. Hinanap ko ang kapatid ng Hadi Khalil, hindi ko siya makita. Halos wala nang nagtatrabaho sa mga pampakulay ng mga damit kung hindi ang mga kalalakihan na lamang at ilang mga bata na basa ang halos buong katawan at pinagtutulungang ilagay sa kariton ang mga nakababad na mga damit na patutuyuin bago gawing mga damit.

Binagtas ko ang kahabaan ng sakahan ng mga manioc at mga oca. Narating ko ang mga sakahan ng mga maisan at sa aking paglalakbay, hindi naglaon, narating ko rin ang aming tahanan. Bumaba ako sa likuran ni Mamé. Kasunod noon dinala ko siya sa loob ng yungib kung saan bumungad sa akin si Ijiraq at si Amarok. Sinarado ko ang lagusan nang pintuan at kasabay noon bumukas ang pintuan nang yungib at nakita ko ang aking asawa maging ang kanyang pag-aalala.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit. Sinabi ko sa kanya na tapos na ang lahat…ginawa ko na kung ano ang kinakailangan kong gawin.

Tumingin siya sa akin.

Tinanong niya ako kung ano na ang mangyayari sa amin at sinabi ko kailangan naming kunin ang tahanan nang mga Ardashir sa aming mga kalaban.

Iyon ang kinakailangan kong gawin. Iyon lamang ang tanging paraan, kung gugustuhin kong mabuhay at maisaalang-alang ang aming tahanan laban sa aming mga kalaban, sa kasaysayan.

Tinanong ko siya, “halika na, pumasok na tayo sa loob asawa ko!”

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Sa pagpasok namin sa loob nang aming tahanan agad kong nakita ang hadi Walid na naghihintay sa amin. Nagbigay siya nang paggalang sa akin bagay na aking binalikan nang pagtanggap sa kanya. Isinampay ko ang dala kong paratilya at sapin sa sampayan sa ilalim nang hagdanan.  Kasunod noon tinanong ko ang Adi Hikmet kung ano ang gusto niya sa aming hapunan.

Sinabi niya sa akin na ako na ang bahala sa kung ano ang lulutuin ko.

Inanyayahan ko ang Hadi Walid na samahan ako sa paghahanda nang aming hapunan bagay na kanyang sinang-ayunan. Binilinan ko na rin siya na dito siya maghapunan sa aming tahanan bagay na kanyang pinaunlakan.

Nang gabing iyon nagpatuloy ang aming mga buhay.

Tinulungan ako nang Hadi Walid sa paghahanda nang aming magiging hapunan. Hinandan kong hiwahiwain ang mga kolhrabi at mga manioc. Pinakuluan nang Hadi Walid ang karne nang baboyramo upang lumambot at nang lumambot ito, ang sabaw nang pinagkuluan at ang halugap nang karne ang ginamit na pampalasa. Nilagyan ito nang sandampot na asin, maanghang na pampalasa at saka inilagay ang mga gulay.

Habang ako sinimulan ko namang isaing ang malagkit na kakanin sa loob nang pugon. Tinulungan kami nang Adi Hikmet sa paghahanda nang hapagkainan sa mahabang lamesa sa loob nang bulwagang silid.

Kasabay nang aming hapunan: ako, nang aking asawa at nang Hadi Walid nagsimula ang pagbabanta nang masamang panahon. Sinimulan ito nang malakas na pagbuhos nang ulan.

Sa hapagkainan makikita ang sinabawang karne nang baboyramo na may mga gulay nang kohlrabi at manioc, kakanin na bahaw na may mga butil nang mais at pitsel na may lamang nakakalasing na inumin. Pinagsaluhan namin ang hapunan sa loob nang bulwagan sa kabila nang pagbuhos ng ulan.

Habang kumakain kami sinabi ko sa Adi Hikmet ang nalaman kong bulong bulungan tungkol sa hindi magandang pagkakaunawaang nagaganap ngayon sa kanyang pinagmulang tahanan, sa pagitan nang kanyang ama at nang kanyang tiyo, gayong tinanong ko siya kung may nalalaman ba siya tungkol dito.

Bagay na hindi niya ipinagkaila.

Sinabi niya sa akin na nalaman niya ito sa kanyang tiyo nang minsang magkita sila. Sinabi niya sa akin na hindi magtatagal ay magkakaayos din ang mga ito, at ang alitang ito ay away lamang nang magkapatid.

Bagay na aking sinang-ayunan. Tinanong ko siya kung minsan na ba itong nangyari sa pagitan nang Hadi Yusuf at Hadi Mirza.

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Tugon niya marami ang hindi napagkakasunduan nang dalawang magkapatid ngunit sa lahat nang hindi pagkakasundo nang kanyang ama at tiyo, ay ni minsan hindi niya nakita ang mga ito na hindi nagkakasundo o walang hindi napagkakasunduan.

Sinabi ko mabuti naman kung ganon.

Sinabi nang Adi Hikmet sa Hadi Walid na kumain pa ito nang marami, na huwag mahiya sa kanilang hapunan. Dagdag niya hindi ba ito ang nagluto nang aming pagkain.

Sinabi nang Hadi Walid sa aking asawa na tinulungan niya lamang ako sa paghahanda at iyon lang ang ginawa nito.

Datapwat pinagpilitan pa rin nang aking asawa na kumain pa ito nang marami.

Bagay na tinalima nang Hadi Walid.

Tinanong sa akin nang Adi Hikmet kung totoo bang hawak ko ang mga susi nang mga imbakan. Bagay na aking sinang-ayunan. Kasunod noon, tinanong ko siya kung kamusta ang naganap na pag-uusap nila nang may-ari nang sakahan nang maisan at nang asawa nitong Kesh.

Sinabi niya sa akin na naging maayos naman ang kanilang naging pag-uusap.

Tinanong ko siya kung napapayag niya ba ang mga ito na makapag-usap sa kanya at himukin na sumang-ayon sa aming hangarin.

Bagay na kanyang itinanggi. Sinabi niya sa akin na maayos ang pagtanggap nang mga ito sa kanya. Na ikinatuwa nang ina nang may-ari nang sakahan nang maisan ang kanyang pagdating kasama ang Hadi Walid, lalo na ang Adi Ayda at ang Adi Pikati na matagal niya din na hindi nakita. Sinabi niya sa akin na matagal din silang hindi nagkita nang matandang Adi kaya gayon itong kasaya na makita siya nito.

Tanong nang Adi Hikmet, “du, dönuştar’të gidyo’zur un’zah dl’ethkiler waxaa’the Ardashir?”

Wika ko, “bono!”

Tinanong ako nang Hadi Walid kung patay na ang Hadi Khalil. Nabaling aking pansin sa kanya at sinabi kong oo. Matapos noon hindi na ako kumibo pa. Hindi para sa kanya…siguro hindi para sa kanya.

Kasunod noon hindi na siya umimik pa.

Kinuha ko ang baso na may lamang nakakalasing na inumin. Kasunod noon uminom ako sa hawak kong baso.

Alam niya. Alam niya kung ano ang gagawin ko. Alam niya kung ano ang ginawa ko. Alam niya kung ano ang gagawin ko para sa tahanang ito. Kailangan kong gawin kung ano ang kinakailangan kong gawin.

Minungkahi nang Adi Hikmet sa akin na makabubuti kung magtatalaga ako nang pagpupulong sa kanila para mapag-usapan namin ang nagaganap na kaguluhan.

Sinabi ko sa kanya na ginawa ko na ito…hindi sila nakinig kaya pinili kong kunin ang mga susi nang mga imbakan sa kanila at italaga ang Hadi Walid bilang patnugot sa pagbabantay sa bawat imbakan.

Wika niya, “alam ko! Sinabi mo sa akin…pero makatwiran ba iyon, ang ipagkait sa kanila kung ano ang pangangailangan nila? Hinahawakan mo ang pangangailangan nila dahil natatakot ka na mauwi ang lahat sa kaguluhan. Natatakot ka na baka walang matira sa iyo, kung sakaling maisipan nga nila na magnakaw, ang mga Kesh, ang mga Jingkar na nasa ilalim nang ating patnugot. Madali nating maaayos ang kaguluhan kung sila ang magtatalo-talo, ang ipaunawa sa kanila na magkakampi tayo at iisa lang ang ating pinagmulang lahi, pero ang magkampihan sila laban sa atin sa tingin mo sino pa ang makikinig sa iyo?”

Wika ko, “sige…kung iyan ang gusto mo! Magpapatawag ako nang pagpupulong sa lahat nang may-ari nang sakahan at nang mga lupa na nasa ilalim nang ating pamumuno, kung magagawa mo silang kausapin at himukin na sumang-ayon sa ating hangarin na pagbatiin sila, bakit hindi mo gawin!”

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Kasunod noon humigop siya nang mainit na sabaw mula sa sulyaw na nasa tabi nang kanyang pinggan.

Nagpatuloy ang buhos nang ulan, matapos naming kumain hinatid nang Adi Hikmet ang Hadi Walid palabas nang tahanan. Dumaan sila sa kanang bahagi nang tahanan, sa mga pasilyong nabububungan nang mga sahig nang ikalawag palapag. Nakita ko itong nagpaaalam sa Adi Hikmet, at nang nakita niya ako kasabay nang kanyang pag-alis palabas nang pintuan nang lagusan nagbigay rin siya sa akin nang paggalang bagay na aking tinanggap. At tuluyan akong pumasok sa loob nang silid lutuan.

Hinugasan ko ang aming mga pinagkainan. Palakas nang palakas ang buhos nang ulan.

Nang hindi inaasahan lumapit sa akin ang Adi Hikmet. Tinulungan niya ako sa loob nang kusina. Hinugasan ko at binanlawan ang mga pinagkainan namin habang siya inayos niya ang pagkain nang aming mga alagang hayop.

Tanong ko sa kanya, “sa tingin mo hahamakin niya?” Lumingon ako.

Tinignan niya ako.

Wika niya, “hindi…kilala mo ang Hadi Walid!”

Wika ko, “oo! Pero hindi mo siya ganong kilala!”

Wika niya, “ano ang balak mo sa mag-iina? Sasaktan mo rin ba sila!”

Napatigil ako sa aking ginagawa. Wika ko, “hindi ko pa alam! Sa tingin mo!”

Wika niya, “ayoko!”

Wika ko, “pero gagamitin sila laban sa atin!”

Wika niya, “ayoko pa rin!”

Wika ko, “sige…nauunawaan ko isa pa baka dumiretso na roon ang Hadi Walid at susubukan niyang iligtas ang Mata at ang mga anak nang Adi Habib!”

Matapos kong maghugas nang aming mga pinagkainan agad kong pinakain sila Mamé, Ijiraq at Amarok. Matapos noon kinuha ko ang supot na naglalaman nang mga tuyong dinurog na dahon nangCafir na nasa ilalim nang hagdanan. Kinuha ko rin ang mga insensaryo sa tabi nang sampayan nang mga paratilya at mga damit at saka ako nagtungo sa loob nang bukalang silid. Nakita ko ang Adi Hikmet, nakababad siya sa mainit na tubig nang bukalan.

Nakita niya akong pumasok. Kasunod noon, niyaya niya akong samahan siyang maligo nang gabing ito sa mainit na tubig ng bukalan.

Bagay na aking ginawa.

Tinanggal ko ang aking mga damit, sinamahan ko siyang magbabad sa mainit na tubig nang bukalan. Lumangoy ako patungo sa kanya at sinundan ang kanyang bawat pagkilos…

Nang mga sandaling ito, habang sinusundan ko siya at nakakapit siya sa mga batohan at lumalalangoy ako nang kasunod sa kanya, patuloy ang pagbuhos ng ulan. Hinilod ko ang kanyang katawan habang pareho kaming nakababad sa mainit na tubig nang bukalan.

Wika ko sa kanya, “nag-uumpisa nang lumamig ang panahon!” Bagay na kanyang sinang-ayunan. Dagdag ko, “Wala pang nakakasiguro kung kailan ang pagpasok nang taglamig.”

Wika niya, “ganon ba!”

Tinigil ko ang paghilod sa kanyang likuran, habang nakatalikod siya sa akin, at nakahawi ang kanyang basang buhok sa isa sa kanyang mga balikat. Mistulan niya itong pinipiga kasabay nang paghawak siya dulong bahagi nang mga ito.

Parang batong tumigil ang lahat sa pagkilos at paggalaw sa aming dalawa. Nakatalikod siya sa akin. May pag-aalala sa aming dalawa.

Wika niya, “naalala mo ba ang itsura nang una mong pinatay?”

Wika ko, “oo”

Wika niya, “paano mo siya pinatay?” Sinubukan ko siyang pigilan. “Gusto kong malaman!”

Wika ko, “kapag sinabi ko, magtatanong ka at magtatanong ka sa akin. Wala nang katapusan ang pagtatanong mo!”

Wika niya, “marami na ang nagbago” Lumingon siya sa akin. Dagdag niya, “sa atin!”

Wika ko, “nagtungo ako sa kanyang tahanan. Sinundan ko siya hanggang sa malaman ko kung saan siya nakatira. Nakita ko siya sa pagawaan nang mga bakal…isa siyang magpapanday. May lapnos ang kanyang mukha, sa kanang pisngi malapit sa kanyang mata. Masmalaki siya sa akin. Masmalakas siya sa akin. Masmatanda siya sa akin. Habang gumagawa, nakita niya ako. Nagpakita ako sa kanya. Tumigil siya, sa kanyang ginagawa. Namukaan niya ako. Mayroon siyang hawak na maliit na martilyo. Agad lumapit siya sa akin. Binagsak niya ang martilyo sa lupa. Susubukan niya akong ulit saktan. Papatayin niya ako, at sa pagkakataong ito wala na akong kawala. Sinubukan kong magpumiglas. Sinaktan ko siya. Sinaktan niya ako pabalik. Hinablot niya ako sa aking damit. Sinubukan kong makawala pero hindi ko nagawa. Inipit niya ako sa kanyang mga kamay sasakalin niya ako. Dinala niya ako sa pugon. Papasuin niya ako susubukan niya akong pasuin sa nagbabagang apoy. Sinubukan niya. Nang mga panahong iyon, akala ko iyon na ang aking katapusan pero iniligtas ako nang Hadi Walid. Sinunggaban kami nang Hadi Walid. Bumangga kami sa dingding. Nakawala ako sa kanya. Sinubukan niyang bumangon ngunit pumatong sa kanya ang Hadi Walid. Nakita ko na sinasakal niya ito.  Lumapit ako sa kanila. Hawak ang martilyo, sinaktan ko siya. Pinatay ko siya gamit ang martilyo. Tinulungan ako nang Hadi Walid na patayin siya. Sinubukan niya akong patayin, hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang bigat nang kanyang mga kamay. Bumabaon sa aking ulo habang pilit niya akong nilulunod. At nang naghihingalo na ako…”

Lumingon siya sa akin. Nakita ko siyang malungkot.

Dagdag ko, “pinilit niya ako. Ginahasa niya ako. Nagising na lamang ako wala na akong suot na kahit ano…Umuwi ako sa amin nang may putik, hubo’t hubad. Tinago ako nang aking mga kapatid sa aming ina. Dinala nila ako sa Hadi Walid…pinatay ko siya… Ikaw paano mo siya pinatay?”

Wika niya, “sinaktan ko siya nang walang awa, nang walang kahit anong pagdadalawang-isip. Iyon ang turo sa akin…sa amin. Sa pangangaso. Alam ba ito nang iyong ina?”

Umiling-iling ako. Sabi ko, “pero alam nila!”

Wika niya, “pinili nating mabuhay!”

Sumang-ayon ako sa kanyang sinabi.

Matapos naming magbabad sinimulan ko nang umahon sa mainit na tubig ng bukalan. Kasabay nito tinanong ko siya kung mananatili pa siyang nakababad, bagay na kanyang itinanggi. Sumunod siya sa akin…Kinuha ko ang pamunas na nakapatong sa mataas na lamesa. Dalidali akong lumapit sa kanya at ibinigay ito. Itinapis niya ito sa kanyang katawan habang ako, lumabas ako nang bukalang-silid, pumasok sa aming silid, kinuha ko ang pamunas na nakapatong sa ibabaw nang aming kama. Sumunod siya sa akin sa pagpasok.

Pinunasan ko ang aking basang katawan. Sinabi niya sa akin na nakahanda na ang aking mga suusotin.

Tinanong ko siya kung nakapagpatuyo ba siya. Nakita kong kumuha siya nang kumot na mula sa tinahitahing balat nang Saola.

Sinabi niya sa akin na oo, nakapagpatuyo siya bago lumabas nang bukalang silid. Madilim na ang bukalan. Bawas na rin ang mga ilaw sa labas nang aming tahanan. Nanatili pa rin bukas ang aming pintuan, maging ang nakasinding timsim na nakababad sa langis at nakalagay sa sulyaw sa ibabaw nang lamesa.

Kinuha ko ang bahag na nasa ilalim nang mga nakatuping damit. Itinapis ko ito sa aking katawan at sinuot.

Sinampay ko ang tuwalya sa sampayan. Nakita ko siya na inaayos ang aming kama.

Tinanong ko siya na matutulog lamang siya nang ganyan lang bagay na kanyang sinang-ayunan. Tinanong ko siya kung hindi ba siya giginawin. Sinabi niya sa akin na may kumot naman siya. Niyaya akong samahan siya. matapos kong maitali ang bahag sa aking katawan agad akong sumunod sa kanya. Tumabi ako sa kanya sa pagtulong. Natulog kaming dalawa na magkasama sa ilalim nang isang makapal na kumot mula sa balat nang Saola. Niyakap ko siya nang mahigpit habang nakatalikod siya sa akin. Hinawakan niya ang aking mga kamay nang mahigpit at nang gabing ito kasabay nang kadilimang tinataglay nang aming tahanan, tumila ang buhos nang ulan at natulog kaming magkayakap habang hinayaan naming nakasindi ang apoy at ang nakabukas ang pintuan.

Kung magagawa ko lamang sanang patigilin ang pagkilos ng panahon.

Maago akong gumising upang maghanda nang aming almusal. Tumayo ako sa aking pagkakahiga. Kinuha ko ang kayumangging saluwâl at ang pulang Báta sa ibabaw nang upuan. Kasunod noon lumabas ako nang nakayapak sa aming silid.

Binuksan ko ang lagusan nang yungib, pinalabas ko ang aming mga alagang hayop. Naiwang nakabukas ang lagusan nang aming silid. Pumasok si Amarok sa loob nang aming silid. Habang agad na nagtungo ang dalawa sa loob nang bulwagan.

Sinimulan kong maghanda nang aming almusal. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan…datapwat paambon-ambon na lamang ito. Sa paglapit niya sa akin tinanong ko siya kung nagugutom na ba siya. Bagay na kanyang hindi itinanggi. Naglaga ako nang mais. Nag-ihaw ako nang karne nang baboyramo. Nang umagang iyon kumain kami sa loob nang silid-lutuan. Nagdesisyon akong manatili sa loob nang aming tahanan. Pinili naming mag-asawa na makabubuti kung manatili kami dito sa loob nang aming tahanan. Bagay na aking sinang-ayunan.

Matapos ang aming agahan, ang Adi Hikmet ang naghugas nang aming pinagkainan. Pinakain ko sila, ang aming mga alagang hayop. Kasunod noon sinimulan kong linisin ang kanilang yungib. Naglaba ang Adi Hikmet nang araw na ito nang aming maruruming mga damit at sapin sa kama. Sinamahan siya ni Amarok sa loob nang silid-lutuan sa gitna nang paglalaba nito.

Sa gitna ng aming pagiging abala, sa hindi inaasahan, bumukas ang pintuan ng aming lagusan at dumating ang Hadi Walid. Tulad nang inaasahan…kumalat na sa buong Ja’khar ang balitang matagal ko ng alam. Tinawag ko ang Adi Hikmet. Lumabas siya sa silid-lutuan. Nabaling ang aking pansin kasabay nang kanyang paglapit sa akin.

Tinanong niya ako kung bakit. Sinabi ko nandito na ang Hadi Walid. Nabaling ang kanyang pansin sa paglapit nang Hadi Walid sa gawang plataporma.

Patay na ang Hadi Khalil.

Lumapit ako sa Hadi Walid. Pinuntahan ko siya kung nasaan siya nakatayo, sa platapormang nasa gitna ng malawak na lupain nang aming tahanan. Naglakad ako sa maputik na lupa patungo sa kanya. Nilagpasan ko ang kawang may nag-aalab na apoy na sagisag ng kapangyarihan nang pamumuno ng isang Hadezar. Dito nagbigay ng pantawag na pamitagan sa akin ang aking liyaw.

May bigat ang kanyang pagkilos at paggalaw. Alam ko ang kanyang sinasadya sa mga sandaling ito. Alam ko ang dahilan ng pagiging mailap at pagiging tago niya…Hindi niya gusto ang aking ginawa. Hindi sa hindi ito sapat, datapwat alam niya sa ginagawa ko ibinabalik lamang namin ang lahat mula sa simula. Na walang patutunguhan ang mga nangyayari ngayon. Alam ko…pero kailangan ko siyang iligtas. Kailangan ko silang iligtas, sila ang aking tahanan.

Nagbigay siya sa akin nang pamitagan. Bagay na aking tinanggap. Dito, tuwiran niyang pinabatid sa akin ang parepareho na naming alam —Patay na ang Hadi Khalil at mabalis itong kumalat sa buong Ja’khar.

Tinanong ko siya kung kanino niya ito nalaman. Sinabi niya sa akin na usap-usapan na ito sa buong Ja’khar.

Tinanong ko siya kung walang sinoman ang nagsabi nito sa kanya na ipabatid sa akin kung ano ang kagabi niya pang alam.

Sinabi niya sa akin na walang sinoman ang nagsabi nito sa kanya maliban sa mga usap usapan na kanyang naririnig.

Kasabay noon lumapit sa amin ang aking asawa. Niyaya niya kaming dalawa na pumasok sa loob ng tahanan at doon mag-usap sa loob nang bulwagan. Bagay na aking ginawa. Niyaya ko ang Hadi Walid. Tumalima siya sa aking paanyaya.

Sa aming paglalakad sinabi ko sa kanila na tiyak na marami ang makikipaglamay sa matandang Hadezar nang tahanan ng mga Ardashir. Na nakasisiguro ako na pakikialaman nang mga hadezar ang magiging lamay at libing nang matandang Hadezar.

Sinabi nang Hadi Walid na hinahangaan nang nakararami ang kabutihan nang Hadi Khalil.

Bagay na hindi itinanggi. Sinabi ko sa kanya na iyon ay totoo. Isang mabuting pinuno ang matandang Hadezar.

Sa pagtungtong namin sa nakaangat na pasilyo nang tahanan, sinabi nang aking asawa na marami ang pupunta sa lamay at libing nang matandang Hadezar.

Sinabi ko sa kanya na iyon ang inaasahang mangyari.

Iminungkahi nang Adi na kung bakit hindi ko sabihin sa kanila na gawin sa labas nang tore nang mga Hadezar ang libing nang Hadi Khalil.

Nagulat ako sa narinig ko sa kanya. Isa itong pabagsak, ang ilapit ako sa matinding kapahamakan…isa itong pabagsak. Ano ang iyong binabalak Manasivah?

Kagyat humingi nang pahintulot ang Hadi Walid sa akin na magsalita. Bagay na aking pinagbigyan. Tinanong niya sa akin kung hindi ba ito makakasama sa akin…gayong nakasisiguro siya na batid na nang aming mga kalaban, nang mga Hadezar kung anoman ang balak kong pagpatay sa Hadi Khalil…alam nila kung sino ang kanilang panghihinalaan. Nakatitiyak ang Hadi Walid na mapupunta ang lahat nang bagsak nito sa akin. Sinabi niya sa akin na ngayon na may patunay sila, hindi sila magdadalawang-isip na hindi ako saktan at paghandaan ang aking kamatayan.

Mungkahi nang aking asawa, mabuti kung magsama ako nang mga Anino…at gayong isama ko na rin maging ang Hadi Walid.

Sumang-ayon ang Hadi Walid sa mungkahing ito.

Pumayag ako sa kanilang mungkahi Pinilipit nila akong dalawa na kumilos sa masmali at masmapanganib. Wala akong nagawa kung hindi sumang-ayon at pangalagaan sila.

Sinabi ko kung iyon lang ang tanging paraan.

Bagay na ikinagusto nang aking asawa. Sinabi niya, “mabuti pa nga!”

Matapos noon tumalikod sa amin ang Adi Hikmet. Hinayaan niya kaming makapag-usap na mag-isa at nang sarilinan sa loob nang bulwagan kasama nila Mamé at Ijiraq. Kasunod noon iniwan niya kaming dalawa. Pumasok kami sa loob nang bulwagan.

Tanong niya, “ano na ang gagawin natin, Hadezar!”

Sinabi ko, “wala tayong ibang dapat gawin ngayon kung hindi ang maghintay!”

Sumang-ayon siya sa akin. Kasunod noon tinanong ko siya kung nag-almusal na ba siya bagay na kanyang sinang-ayunan. Niyaya ko siya na dito na magtanghalian sa amin. Sinabi ko hindi magtatagal ay patatawag ako nang mga Hadezar para sa gagawing pagpupulong.

Umupo ako sa isa sa mga nakadikit na batohang upuan sa dingding nang silid. Lumapit sa akin si Mamé. Hinimashimas ko ang kanyang balahibo habang nasa tabi ko siya.

Tanong ko sa kanya, “nakita mo sila?”

Bagay na kanyang pinagtakahan. Wika niya, “hindi!”

Wika ko, “kung ganon nakatakas sila…”

Wika niya, “maaaring nakaalis na sila sa Ja’khar. Siguro alam nang Hadi Khalil na ganito ang mangyayari sakaling ibigay niya sa iyo ang tungkulin na maging patnugot at pinuno nang kanyang tahanan at mga nasasakupan!” Nabaling ang aking pansin sa kanya. “Na nang nalaman niya ang nangyari agad niyang inutusan ang Mata at itakas ito kung saan, nang araw na pumunta ka sa kanyang tahanan.”

Kasabay noon pumasok ang Adi Hikmet sa loob nang bulwagan. May dala itong palangganang naglalaman nang malinis na tubig at pamunas. Nagtaka ang Hadi Walid. Nagtaka ako. Tinanong ko ang aking asawa kung ano ang ginagawa niya at kung bakit siya may dalang palanggana at pamunas. Sinabi niya sa kailangan naming tanggapin ang Hadi Walid gaya nang kung ano ang nakaugalian.

Nabaling sa akin ang pansin nang Hadi Walid. Sumang-ayon ako sa aking asawa. Tinanggap namin ang Hadi Walid, gaya nang kung ano ang nakaugalian sa loob nang aming pamamahay. Tinanggap ko ang Hadi Walid sa aking tahanan.

Nang umagang ito nagpatuloy ako sa aking ginagawa…Hinintay ko ang pagkakataon na magpatawag ng pagpupulong ang kalipunan ng mga Hadezar upang pag-usapan at paghandaan namin ang magiging lamay at libing ng matandang Hadezar.

Kinuha ko ang mga nilaban nang Adi Hikmet sa loob nang silid lutuan na mga mabibigat na mga kumot. Sinampay ko ang mga ito sa sampayang nasa kanang bahagi nang pasilyo. Umaambon pa rin hanggang ngayon…nagpapatuloy pa rin ang sama nang panahon na hindi na maiiwasan.

Kasabay nito, habang ginagawa ko ito, nang hindi ko inasahan nakita ko ang Hadi Walid at ang Adi Hikmet na nag-uusap at naglalakad sa kaliwang bahagi nang pasilyong nakaharap sa malawak na lupain nang aming tahanan.

Gusto kong malaman kung ano ang pinag-uusapan nila. Gusto kong makatiyak na hindi nila ako pinagtataksilan. Gusto kong malaman kung ano ang kanilang binabalak. Ang saktan ako…ang patayin ako! Hindi ko alam kung saan ako nagkulang…Alam ko. Marami akong nagawang pagkakamali sa kanya pero hindi ko siya niloko. Oo, nagsinungaling ako sa kanya. Sinaktan ko siya…pero ni minsan alam ko, alam ko sa sarili ko hindi ko ipinagkait sa kanya ang lahat nang kailangan niya. Lahat nang gusto niyang malaman, hanggang kaya kong sabihin sinasabi ko…meron pa ba akong ipinagkakait sa kanya…alam ko marami. Kulang pa ba na ilantad ko ang aking sarili…ipakilala kung sino ang tunay na ako sa mga mata nang aking mga kalaban. Sa mata nang aking tiyo na kahit papaano ay naging malapit na rin sa akin. Sa kanya. Meron pa ba akong itinatanggi sa kanya na gusto niyang malaman, alam ko meron pa! Pero ang hayagan niyang sabihin sa akin na kailangan ko itong gawin, ang lantarang ipagsangkalan ang aking sarili sa matinding kapahamakan at ipamukha sa akin na kailangan kong ibuwis ang aking buhay para sa kanya…para sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya. Hindi ko na alam kung ano pa ang kaya niyang gawin.

Pinaghanda kami nang Hadi Walid nang tanghalian. Inihaw na isda na may mga palaman ang loob nang iba’t ibang gulay at mais. Gayon din nang bahaw na kakanin. Bumalik ako sa aking paglilinis. Nilinis ko ang bukalan. Inayos ko ang mga gamit na mga nakalagay sa ibabaw nang mataas na lamesa na nasa loob nang bukalang-silid.  Tinanggal ko ang mga dahon na nakapaligid sa pasilyo. Nilinis ko ang plataporma na nasa malawak na lupain sa gitna nang aming tahanan.

Hindi nagtagal tinawag ako nang Adi Hikmet upang magtanghalian sa loob nang bulwagan kasama ang Hadi Walid. Pinagsaluhan namin ang tanghalian sa loob nang bulwagan.

Sinabi ko sa Adi Hikmet kung gagawin namin ang gusto niyang mangyari kailangan natin ang tulong nang kanyang tahanan. Nagtaka siya. Sinabi ko sa kanya. Hindi natin ito magagawa nang tayo lamang.

Sumang-ayon siya sa akin. Sinabi ko sa kanya na kausapin niya ang kanyang ama at mga kapatid…Sinabi niya sa akin na hindi sila papayag. Kahit anong gawin naming paghingi nang tulong sa tahanan nang mga Roshan para tulungan kami, at kumbinsihin sila na tulungan kami…itago kami o iligtas mula sa tahanan nang mga Harith at Parvana. Hindi sila papayag. Walang tulong ang makakarating sa tahanan nang mga Roshan matapos ang ginawa ko sa kanya sa gabi nang aming pag-iisang dibdib. Iyon ang sinabi nang kanyang tiyo at nang kanyang ama sa kanya, sa akin.

Wala akong nagawang kahit ano. Wala na akong kawala pa. Tumango-tango ako…Sinabi ko sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala; na gagawa ako nang paraan; na malay namin matapos lamang ang lahat nang ito sunod naman naming maayos ang suliranin namin sa mga may-ari nang lupa na aming pinapatnugunan.

Pinangako ko iyan sa kanya.

Kasunod noon ngumiti ako.

Matapos ang aming tanghalian pinakain ko ang aming mga alaga sa loob nang aming tahanan. Ang Hadi Walid ang nag-ayos at naghugas nang aming pinagkainan. Hinanda nang Adi Hikmet ang gagamitin ko sa inaasahang pagpupulong sa loob nang tore nang mga Hadezar.

Inayos ko ang yungib nang mga asong-gubat. Nang hindi inaasahan narinig kong tinawag ako nang Hadi Walid. Sinabi niya may Qaa na naghihintay sa akin sa malawak na lupain sa gitna nang tahanan. Agad kumilos ako. Lumabas ako nang yungib nang tahanan nang mga Barakat, kasama ang Hadi Walid. Pinuntahan ko kung nasaan nakatayo ang Qaa na tinutukoy nang aking liyaw. Nakita ko siya sa harap nang plataporma. Agad akong lumabas sa loob nang aming tahanan. Nagtungo ako sa kung nasaan siya.

Sa pagtungtong ko sa plataporma tinanong ko kung sino siya at ano ang ginagawa niya dito. Hindi ko siya kilala. Hindi siya isang tagabulong…lalong lalo na hindi siya nagmula sa mga naglilingkod sa ilalim nang kapangyarihan at pamumuno nang Hadi Mahdi. Hindi niya sinagot ang tinatanong ko sa halip sinabi niya sa akin na kailangan ako sa tore nang mga Hadezar at pinapatawag nila ako.

Matapos kong malaman iyon tinanong ko siya kung nakapagtanghalian na ba siya. Hindi siya kumibo.  Niyaya ko siya sa loob nang aming tahanan. Inimbitahan ko siya na kumain nang aming tanghalian. At sa pagbalik ko sa loob nang aming tahanan kasama ang batang Qaa inutusan ko ang Hadi Walid na pakainin ito.

Bagay na kanyang tinalima.

Sinabi ko sa Adi Hikmet na kailangan na naming maghanda, na pinapatawag na ako nang kalipunan nang mga Hadezar. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Sinabi ko sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala, walang mangyayari sa aking masama sa tore nang mga Hadezar. Alam na ang kabanalan nang tore nang mga Hadezar para sa lahat nang mga Jingkar at hindi ito

Hindi ko nagawang tanggalin ang kanyang pag-aalala at mga pangamba. Siya ang may kagagawan nito ngunit mashigit pa siyang nag-aalala kaysa sa akin.

Sinabi niya na nasa loob nang aming silid mag-asawa ang aking mga pamalit na damit. Sinabi niya kukunin niya lang sandali. Pumasok siya sa loob nang aming silid. Sumunod ako sa kanya.

Tinawag ko siya. Lumingon siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Pinangako ko sa kanya na walang mangyayaring masama sa akin…iyon ag totoo. Iyon ang kailangan niyang panghawakan.

Kinuha ko ang aking mga susuotin sa kanya sa pagpunta ko sa tore nang mga Hadezar. Naligo ako sa mainit na tubig nang bukalan. Kinuskos ko ang aking katawan nang maigi at matapos noon sinuot ko ang aking mga damit. Sinuot ko ang bahag na ibinigay niya sa akin, ang pulang-magulang na Báta na may mga burda nang mga lumilipad na maliliit na mga ibong ruwisenyor, ang malilim na bughaw na saluwâl na may mga gintong burda nang mga maliliit na bituin at mga pakwadradong parihabang mga linya sa magkabilang gilid. Nakatali sa aking mga kamay ang mga balat na galang at mga bakal na panara sa aking mga tuhod. Sinuot ko ang aking mga sandalyas at matapos noon, sa aking paghahanda, pagpapalit nang magsusuot, at pagbibihis nang mga damit na inilaan niya sa akin nagpaalam ako sa aking asawa. Hindi mawawala sa kanya ang mag-alala sa mga sandaling ito kahit anong gawin kong pagsabi sa kanya na walang mangyayari sa akin sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar hindi ko magagawang tanggalin sa kanya ang pag-aalala sa kung ano ang kakasapitin nang aming tahanan sakaling may mangyari sa akin na masama. Umalis ako sa aming tahanan. Iniwan ko siyang nag-iisa. Sinamahan ako nang Qaa at nang Hadi Walid patungo sa tore nang mga Hadezar.

Binaybay namin ang taniman nang sakahan nang mga jaboticaba. Lumabas kami sa nagsususong daan. Tinahak namin ang landas nang mga Kohlrabi. Sa aming paglalakbay sinabi ko sa Hadi Walid na kung anoman ang mangyayari ngayon gusto kong ipangako niya sa akin na hindi niya hahayaang masaktan ang aking magiging mag-ina.

Nagtaka siya. Tinanong niya sa akin kung anong kabaliwan ang iniisip ko.

Sinabi ko sa kanya na hindi iyon isang kabaliwan.

Sinabi niya sa akin na ako mismo ang nagsabi sa Adi Hikmet na walang mangyayaring masama sa akin. Bagay na aking pinatotohanan datapwat maging aking ako ay may pagdadalawang-isip na mangyari pa kung ano ang aking ipinangako sa kanya na wala sa aking mangyayaring masama.

Sinabi niya sa akin na huwag akong panghinaan nang loob. Na walang mangyayari sa aking masama. Kung hindi naman kaya ay may pagkakataon pa para umalis at iwanan ang Ja’khar.

Tama siya, may pagkakataon pa…pwede ko pang talikuran ang lahat nang ito isama ang Adi Hikmet at magpakalayolayo sa Ja’khar. Tinanong ko siya kung saan naman ako pupunta.

Sinabi niya sa akin na maaari akong pumunta sa Qaa’ur…humingi nang tulong sa Herren nang Ka’desh. Maaari ako makiusap sa kanila na tulungan kami at iligtas kami mula sa aming mga kalaban sa Ja’khar.

Sinabi ko sa kanya na may hindi pagkakaunawaan ngayon ang Qaa’ur at ang Ja’khar habang mahirap sumugal sa bagong Herren nang Ka’desh, lalo pa’t bulung-bulungan ang kanyang hindi magandang pag-uugali at pakikitungo sa kanyang mga nasasakupan.

Minungkahi niya sa akin na kung bakit hindi ako mag-ibang bayan. Isama ko ang Adi Hikmet sa malawak na Andes nang kanluran…manatili kami sa Taravarra o kaya sa Asbalta kung saan nakasisiguro na hindi kami masusundan nang aming mga kalaban. Ngunit hindi ako sumang-ayon. Hindi ko kayang iwanan ang Malayang Andes at bumalik sa pinagmulan nang aking mga ninuno. Ano na lamang ang iisipin nila, ang isang Barakat na nagmula sa Ja’khar isa sa mga tinitingalang tahanan at maimpluwensya tumakas sa pagkagunaw nang Asbalta ngayon bumabalik sa malawak na Andes nang Kanluran sa lupaing tinakasan nito. Hindi iyon mangyayari. Masnanaisin ko pang manatili sa aming lupain kaysa bumalik sa pinagmulan nang aking mga ninuno. Isa itong pabagsak, sa aking tahanan lalonglalo na sa aking mga ninuno.

Nagpatuloy kami sa aming paglalakbay. Sa pagdating namin sa tore nang mga Hadezar agad kong nakita ang mga Anino na nakapaligid sa labas nang tore. Nakahilera sila alinsunod sa kung ano ang nakatakda sa kanila. Nakahalang at nakaharap sa amin.

Inaamin ko, natatakot ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari…maaari mong tawagin itong kahibangan, siguro nga! Ngunit sa kabila nang takot at pag-aalala na nararamdaman ko sa mga sandaling ito hindi ko maiwasan ang hindi ito maramdaman para sa akin magiging mag-ina. Naglaho na ang pag-asa na makakaligtas pa ako sa mga sandaling ito…na ang aking kapahamakan ay hindi na maitatanggi pa. Isa na lamang akong hamog sa bukang-liwayway na habang sumisikat ang araw ay unti-unting nawawala.

Narinig ko ang tinig nang Hadi Walid sa akin. Tinawag niya ako. Lumingon ako sa kanya at sa aking paglingon nakiusap siya sa akin na huwag itong gawin. Na magiging mapanganib ito sa akin.

Hindi…hindi ako maaaring panghinaan nang loob. Buo na ang aking desisyon.

Wika ko, “patawarin mo ako Hadi Walid. Kailangan kong gawin kung ano ang kinakailangan kong gawin.”

Wika niya, “Hadezar…”

Nabaling ang aking pansin sa Hadi Walid. Sinabi ko, “alam ko, alagaan mo sila para sa akin!”

Tumango-tango ang Hadi Walid. Kasunod noon, bumaba ako sa aking sinasakyang asong-gubat na si Amarok. Ibinigay ko sa isa sa mga Anino ang panali na aking hawak-hawak. Kinuha ito nang Hadi Walid sa aking kamay.

Tinanong niya ako kung handa na ba ako. Wala akong isinagot na kahit ano.

Hindi na siya nakaimik pa.

Pinauna ko ang Qaa habang pag-akyat kami sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar na aking sinundan. Umalis ako sa kung nasaan siya naglakad ako sa mga baitang nang tore ng mga Hadezar habang sinusundan ang batang lalakeng Qaa na nagpadala sa akin nang utos upang maparito ngayon. Maaaring patibong lamang ang lahat nang ito…kung nasaan at nag-aabang ang ilan sa mga Anino ng aking mga kalaban. Alam nila na hindi maaaring magkaroon nang kaguluhan sa banal na lupaing kinatitirikan nang tore nang mga Hadezar. Sinabi ko sa aking asawa hindi ito hahayaang mangyari nang kalipunan, at iyan ang ikinasisiguro ko sa kanya. Ngayon hindi ko na alam pa.

Inaamin ko, habang naglalakad sa pagitan nila na mistulang mga dingding sa aking paligid, sa kabila nang takot at pag-aalala hindi ko maiwasan na hindi humanga sa kanila, sa mga nakikita ko. Maaaring hindi ko na lubos maisip, kung anoman ang aking kakayahan upang matakot at mangilag. Ngunit sa unang pagkakataon nakaramdam ako nang higit na kalayaan sa aking sarili, nakaramdam ako ng pagpapahalaga…iyon ang totoo. Nagmamanhid na ako sa takot na hindi ko kaya pang tanggapin ang aking pagbagsak. Ang aking katapusan. Ngumiti ako.

Sa pagdating ko sa tore ng mga Hadezar agad akong lumapit sa nakasaradong lagusan, itinungkod ko ang aking mga kamay at sinimulan ko itong buksan. At sa pagbukas ko nang malalaking pintuan ng lagusan bumungad sa akin ang liwanag na tinataglay nang mga nakabukas na timsim. Ang kadilimang bumabalot sa paligid, ang masidhing liwanag at sa isang anino na nakatalikod sa akin at nakadungaw sa nakasabit na tapiserya na burda nang larawan ni Battala. Dito nagsimula ang lahat…nang una ko siyang makita, nang hirangin ang aking ina bilang hadezar nang aming tahanan, nang maging Hadezar ako nang aming tahanan. Nabaling ang aking pansin sa larawan ni Battala.

Hanggang sa narinig ko ang kanyang tinig, ang Jingkar na nakatalikod sa akin at nakadungaw sa malaking tapiserya. Wika niya, “iyi’ortasi Hadezar!” Kagyat nabaling ang aking pansin sa kanya.  May tata’u na mga puno at sibat ang isa sa kanyang mga braso, patunay na nabibilang siya sa isang maimpluwensyang tahanan. Ang kanyang itim na batá ay gawa sa balat ng Mantahungal na may malumay na kulay bughaw sa pagitan nang mga siwang nang suot nitong damit na may mga burdang asong-gubat. Nakaayos ang buhok nito nang tulad ng nakagawian. Sa kaliwang hinlalato nito makikita ang isang limang singsing na patunay na ito ay isang Hadezar…

Siya ang nagpatawag sa akin. Siya ang nasa likod nang lahat nang ito—ang Hadi Mirza. Nagbigay ako sa kanya nang paggalang. Bungad ko, “Hadezar! Iyi’ortasi…”

Wika niya, “keçiruu un’zah edere…Unzha eger ma’lum yoki enye ni edere dl’zeh wa’xaa bire iyi ortasi, o unzha, dl’thë mediyhaad endi…para na’ka’edere ö të owuro ü yi bire asirvadda!” (Jng. Patawarin mo ako…hindi ko alam kung magbibigay ba ako sa iyo nang isang magandang umaga, o hindi, sa mga nangyayari ngayon…pero nakatitiyak ako na ang umagang ito ay isang mapagpala!)

Ngumiti ako. Sinabi ko, “Dogru! Bunar!”

Tanong niya sa akin, “duhn edilir ndeva’zeh ö irn të iindaba. Kung sa bagay sino ba naman ang hindi…”

Bagay na aking sinang-ayunan. Tanong ko, “kayo pa lang?”

Wika niya, “unzha…Hadezar! Ikaw lang…susunod na lang sila.”

Hindi ko maintindihan. Ako lang…anong ibig sabihin noon? Lumapit ako sa kanya. Pinagtakahan ko ang labis niyang pagtataka sa larawan ni Battala. Tinanong niya ako kung mayroon ba kaming larawan ni Battala sa aming tahanan.

Bagay na aking sinang-ayunan. Sinabi ko mayroon, nasa ikalawang palapag ng aming tahanan

Sinabi niya ang sa kanila ay makikita sa unang palapag nang kanilang tahanan. Sa bulwagan. Bagay na aking sinang-ayunan at siyang totoo.

Tanong ko sa kanya, “bakit ako lang, Hadezar!”

Lumingon siya sa akin. Wika niya, “hindi ka dapat kasama sa pagtitipong ito. Sa gagawin naming pagpupulong sa kung ano ang mangyayari sa tahanan nang mga Ardashir at kung ano ang kinakailangang gawin sa paglibing sa labi nang Hadi Khalil. Alam namin na ikaw ang pumatay sa Hadi Khalil. Sinabi ito sa akin ng iyong asawa…at nang ilang pang mga Hadezar. Magkagayonman alam ko na hindi mo iyon basta bastang magagawa. Napilitan ka lang, hindi ba!” Hindi ako nakaimik. “Kaya pinili kong isama ka, ayon na rin sa sarili kong kagustuhan nang hindi nila nalalaman. Kailangan mong ipagtanggol ang iyong sarili Hadezar…naniniwala ako na wala kang kasalanan!”

Wika ko, “iyon po ba ang dahilan kung bakit ako nandito?” Panghihinala ko. Hindi ako makakapayag na mangyari iyon…ang hindi ako makisali sa pagpupulong na gagawin nang mga Hadezar. Ako pa rin ang Hadezar nang tahanan nang mga Barakat.

Wika niya, “siguro nga hindi ka na dapat pang naparito! Pero isa ka pa rin Hadezar! Hahayaan mo silang saktan ka nila, ang iyong tahanan…ang aking pamangkin at ang iyong dinadala para sa iyong pagmamataas?”

Tanong ko, “kung ganon ano ang sasabihin ko sa kanila…na ang aking asawa ang may pakana nang lahat nang ito. Sasaktan nila ang iyong pamangkin, ang aking asawa ang kanyang dinadala na aking anak. Sisirain nila ang aking tahanan, at kapag nangyari iyon at pinagtulung-tulungan niyo pa kami ulit para sa pagbagsak nang aking tahanan…hindi na makakabangon pa aking tahanan!”

Wika niya sa akin, “O Hadezar. Huwag! Ilang beses ka na bang nagkamali sa aming tahanan? Sa aking pamangkin. Akala mo ginagawa ko ito para sa iyo, sa tahanan nang mga Barakat? Alam ko, naging mabuti ka sa aming tahanan sa mga nakalipas na mga panahon. Nang bagsak na bagsak kami tinulungan mo kami. Tinulungan mo ang aking mga pamangkin. Pero huwag mong ipagkaila sa akin ang katotohanan na hindi mo sinasaktan ang aking pamangkin. Hindi ko na sa iyo itatanong kung bakit. Pinigilan na kita minsan. Nangako ka na sa akin minsan na hindi mo na ito uulitin. Hindi ko alam kung ano ba ang ginawang pagkakamali nang aking tahanan kung bakit mo pinahihirapan ang aking Adi Hikmet. Gusto lang kitang balaan iyon lang! Habang may pagkakataon pa…bahala ka, kung hihingi ka nang katarungan sa aming mga Hadezar, o handa kang umalis sa aming lipunan. Mamili ka, iako mo ang pagkakamali nang iyong asawa o talikuran mo nang tuluyan ang Ja’khar.”

Wika ko, “Kung ganon iyon ang totoo…alam mo na wala akong pagkakamali…pero hinihingi mo sa akin ang aking kamatayan”

Tanong niya, “mahirap ba iyong mangyari?”

Tumalikod ako sa kanya. Nabaling ang aking pansin sa mga mahahabang upuan na nasa loob ng tore ng mga Hadezar. Lumapit ako sa isa mga upuan. Umupo ako. Tinignan ko siya habang nakatingin siya sa akin. Wika niya, “totoo. Sinasaktan ko pa rin ang Adi Hikmet. Pero kailangan ko ang inyong pamangkin…Mahal ko ang aking asawa, at kung may pagkukulang man ako bilang kanyang asawa, iyon ay ni minsan hindi ko alam kung papaano ang maging isang buo at magpakalalake…Wala akong nakilalang ama at kung gusto niyong iako ko ang aking pagkakamali iyon ang gagawin ko…”

Wika niya, “mabuti naman kung ganon— at ang iyong asawa?”

Hindi…ano ang binabalak nang matandang Hadezar?

Wika niya, “ibigay mo sa akin ang Adi Hikmet…ako ang magpapalaki at mag-aalaga sa iyong anak. Ituturing ko siya bilang tunay na kabahagi nang aking tahanan!” Sumang-ayon ako. Dagdag niya, “gagamitin niya ang pangalan nang aking tahanan” Nagulat ako. Pagpapatuloy niya, “sa gayon walang sinoman ang makakaalam nang kung sino siya at ano siya sa lipunang ito!”

Ganon ba talaga niya kinamumuhian ang pangalan nang aking tahanan, ang mga Barakat. Ano ba ang ginawa nang tahanan nang mga Barakat sa kanyang tahanan para kamuhian niya na lamang ito nang ganito?

Kasunod noon biglang bumukas ang lagusan ng tore nang mga Hadezar. Nabaling ang aking pansin kasabay nang boses na kumawala sa loob ng buong tore. Sa aming paglingon nang Hadi Mirza nabaling ang aming pansin sa Hadi Mahdi na papalapit sa amin. Ang liwanag ay tuluyang kumawala mula sa bahagyang nakabukas na lagusan ng tore. At ang kadiliman na kanina pa ay humahati sa loob ay tuluyang napawi. Patuloy ang pag-ambon sa labas ng tore ng mga Hadezar… Nananatili ang mga anino na nakatayo at nag-iintay sa susunod na pagkilos. Naroroon ang Hadi Walid sa labas ng tore ng mga Hadezar kasama aking mga Anino.

Wika niya sa aming dalawa, “patawarin niyo ako mga Hadezar! At Nahuli kami nang dating…kung ganon nandito na pala ang lahat, siguro naman ay maaari na tayong magsimula.” Kasama niya ang Adi Atiya, kung ganon totoo pala ang mga bulongbulungan na may namamagitan na sa kanilang dalawa.

Tumayo ako sa aking kinauupuan. Nagbigay ako ng paggalang sa mga Hadezar na bagong dating. Wika niya sa akin, “hindi ko pala alam nandito ka Hadi Yasir. Mabuti naman at nandito ka!”

Wika ko, “Hadezar!” ipinaabot ko ang aking kamay sa Hadi Mahdi. Ngumiti siya sa akin. Inilapit niya ang kanyang kamay sa aking kamay, at kinamayan niya ito. Niyakap niya ako…at niyakap ko siya. Dagdag niya, “kinagagalak kitang makitang muli, Yasir!”

Wika ko sa kanya, “ganon din ako baba!”

Matapos noon tinanggal nang Hadi Mahdi ang kanyang kamay sa akin mula sa kanyang pagkakayakap. Hinawakan niya ang aking mukha at hinalikan niya ang aking noo. Kasunod noon nagtungo siya sa altar nang tore nang mga Hadezar. Nakita ko ang pagkagulat sa Hadi Mirza. Hindi nakaimik ang Adi Atiya na umupo sa isa sa mga mahahabang mga upuan sa loob ng tore ng mga Hadezar…hindi nawala ang aking ngiti nang mga sandaling iyon.

Lumapit ang Hadi Mahdi sa altar. Bumalik ako sa aking pagkakaupo. Kasabay noon saka nag-umpisa ang pagpupulong nang mga Hadezar sa gagawing paglamay at paglibing sa namayapang Hadezar.

Wika nang Hadi Mahdi, “siguro naman hindi na lingid sa inyo, sa atin, na isang nakakalungkot na balita ang gumising sa ating mga umaga, ngayon…ngayong araw ang buong Ja’khar ay nagluluksa sa pagpanaw nang isang maituturing na haligi nang ating kalipunan— ang pagpanaw nang Hadi Khalil! Tulad nang alam niyo na, namatay siya ng hindi inaasahan kaninang umaga lang… Alam ko ang iba sa inyo rito ay itinuturing siyang ama-amahan, naging malaking bahagi siya ng ating lipunan. Ang mga naiambag niya sa ating lipunan at kalipunan ay kailanman ay hindi malilimutan. Gusto ko sana sa mga sandaling ito na alalahanin natin ang matandang Hadezar. Nakakalungkot mang isipin wala tayong magagawa kung hindi para paghandaan ang kanyang magiging libing ngayong hapon!”

Kasabay noon ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa rabaw ng altar.

Pagtataka nang Hadi Mirza, “ngayong hapon?”

Tanong nang Hadi Mahdi, “bakit hindi Hadezar! Kailan pa natin pwedeng ilibing ang matandang Hadezar, bukas? Kung kailan naaagnas na ang katawan nito at pinaglalamayan na ito nang mga langaw at mga nakakadiring insekto! Kapag pinagduduldulan na ito nang mga sakit…Ngayon ang pagkakataon, habang mataimtim pa ang langit at nagluluksa pa ang kalangitan. Ngayon ang panahon, bago lumubog ang araw…mailibing at maipag-alala ang kanyang kamatayan.”

Wika nang Hadi Mirza, “isang mabuting Hadezar at kagalanggalang ang Hadi Khalil. Hindi iyan nakapagtataka. Totoo marami siyang naiambag at naitulong sa ating lipunan sa nakalipas na apatnapung taon. Ngunit isa rin siya sa mga Hadezar sa ating kalipunan na maiging nagsususog nang kung ano ang ating kaugalian at mga nakagawian. Ipagkakait ba natin sa kanya na hindi siya pagbigyan at ibigay sa kanya ang libing na mahigpit niyang ipinaglalaban, ayon sa kung ano nakaugalian at nakagawian?”

Wika ko, “naniniwala ang Hadezar sa kaugalian at paniniwala…tama ang Hadi Mirza Hadi Mahdi. Magkagayonman matagal na nating nakalimutan ang paglibing sa ating mga namayapa kasabay nang pagbukang liwayway sa loob nang apatnapung taon. Hindi natin pwedeng iasa ang ating desisyon sa kagustuhan nang patay. Hindi siya magsasalita! Tayo ang magsasalita…tayo ang kikilos sa kanyang paglamay at paglibing. Iyon ang totoo.”

Wika nang Hadi Mirza, “pero…”

Wika nang Adi Atiya, “may katwiran ang Hadi Mahdi. Makabubuti na ngayong hapon gawin ang paglibing sa mabuting Hadezar!”

Walang nasabi ang Hadi Mirza pagkatapos na sumang-ayon ang Adi Atiya sa kagustuhan nang Hadi Mahdi.

Wika nang Hadi Mahdi, “kung ganon nagkakaisa tayo…ngayong hapon ililibing ang matandang Hadezar!” Lahat kami pumayag. Dagdag nang hadi Mahdi, “kung ganon magsimula na tayo…kailangan na nating maghanda!”

Matapos noon tinuran nang Hadi Mirza na makabubuti na gawing pansarili at iilan ang libing ng Hadi Khalil…

Sumang-ayon ang Adi Atiya sa mungkahi nang Hadi Mirza.

Ngunit sinalungat ko ang kagustuhang mangyari nang Hadi Mirza. Sinabi ko sa kanila na makabubuti kung gagawin ang libing ng Hadi Khalil sa tore ng mga Hadezar, saksi ang mga Jingkar sa gagawing paglibing sa dating pinuno, at patnugot nang tahanan ng mga Ardashir. Ito ang sa tingin kong makabubuting para upang alalahanin at gunitain ang kasaysayan at ang mga naiambag nito sa aming lipunan. Na kung hindi namin maibibigay ang kagustuhan nang namayapa sa takot na maging sanhi pa ito nang karamdaman sa aming lipunan kahit papaano mailibing at mapaglamayanman nang higit na nakararami.

Lumingon sa akin ang Ading hibang. Tanong niya, “hindi ba maaaring maging sanhi pa lamang ito nang kaguluhan Hadezar? Pagdadala pa lang sa bangkay nang Hadi Khalil ay kailangan nang isaalang-alang!”

Sumang-ayon ang Hadi Mahdi sa Adi Atiya.

Gusto ko silang pagtawanan nang mga sandaling ito. Kung itoman ang huling mga sandali nang buhay ko, gusto ko silang pagtawanan…sabihin sa kanila na hindi nila naiisip ang katotohanan na magkakaroon lamang nang kaguluhan kung hindi namin magagawang ayusin at pagtulungan ang paghahanda sa ikabubuti nang kapakanan higit na nakararami. Ang kamatayan nang hadi Khalil at ang paglibing dito ay kapakanan nang estado. Gusto kong ngumisi sa kanilang katangahan.

Wika ko, “ang Hadi Khalil ay bahagi nang ating kalipunan. Ang kanyang kamatayan ay kapakanan nang ating estado. Bigyan natin sila nang maliliit at pansariling libing maghahangad sila nang malaki at pangkalahatan…bigyan natin sila nang malaki at pangkalahatan iisipin nila na ito ay para sa kanila, ibigay natin sa kanila ang para sa kanila.”

Tanong nang Adi Atiya sa akin, “hindi ba tayo mahihirapan? Marami tayong kailangang intindihin at isipin kung gagawin ito nang ganito kalaki. Sino ang magtatawag sa mga tao… sino ang mag-aaayos nang prosisyon at ang pagbuburulan?”

Tanong nang Hadi Mahdi sa Adi Atiya, “pero sa tingin mo tama lang ba itong gawin? Adi Atiya!”

Wika nang Adi Atiya sa Hadi Mahdi, “wala akong nakikitang masama! Lalo pa at sa ikabubuti ito nang higit na nakararami.”

Wika ko, “wala tayong ibang pwedeng gawin kung hindi paalalahanan ang mga Jingkar sabihin sa kanila na ito ay isang paggunita sa tahanan nang mga Ardashir. Nakatitiyak naman ako makakapunta naman sila sa libing at prosisyon nang matandang Hadezar!”

Tanong nang Hadi Mahdi sa Hadi Mirza, “ikaw, sa tingin mo Hadi Mirza!”

Wika nito sa Hadi Mahdi, “katulad nang sinabi nang Adi Atiya…mabuti ito para sa atin!”

Wika nang Hadi Mahdi, “kung makabubuti na gawin pangkalahatan ang libing at lamay nang Hadi Khalil gawin ito…” Pumayag ang hadi Mahdi. “sa tingin ko maganda kung gagawin ito sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar…para doon makita nang pangkalahatan. Maigi na siguro na pakilusin din ang mga Anino na magsilbing tagapangalaga nang kaayusan sa magiging pagburol at paglibing sa matandang hadezar!” Sumang-ayon kami sa kanyang desisyon. Dagdag niya, “ang ating aalalahanin na lamang ay kung sino ang magdadala nang labi nang matandang Hadezar patungo sa tore!”

Wika ko, “Hadezar…mamarapatin niyo maiging ako na ang pumunta sa tore nang mga Hadezar…hindi naman lingid sa inyo na magkamag-anak sila nang aking ina.”

Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Mahdi. Minarapat din nito na magsama pa ako nang isang Hadezar sa gayon inutusan nito ang Hadi Mirza na samahan ako sa pagdadala nang labi nang Hadi Khalil sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar.

Bagay na aking sinang-ayunan at tinalima.

Wika nang Hadi Mahdi, “kung ganon kung maayos na ang lahat at wala na tayo pang kailangang pag-usapan maaari na siguro tayong kumilos at maghanda bago pa magdilim!”

Ngunit pinigilan siya nang Hadi Mirza. Wika niya, “sa tingin ko may gusto pang sabihin sa iyo, Hadezar ang Hadi Yasir?” nabaling ang kanyang pansin sa akin. Dagdag nang Hadi Mirza, “hindi ba Hadezar…may sasabihin ka pa sa kanila! Tulad nang sinabi mo sa akin kanina habang nag-uusap tayo bago sila dumating!”

Ito ang gusto niyang mangyari…ngunit hindi ko siya pagbibigyan. Wika ko, “sa tingin ko hindi maganda na sabihin ko pa kung ano ang pinag-usapan natin kanina Hadi Mirza!”

Wika nang Hadi Mirza sa akin, “sandali lamang ito Hadezar…hindi rin ito magtatagal!”

Wika nang Adi Atiya, “O Hadi Mirza…pinapalayaw mo ang mga pangyayari! Kung hindi mabuting pag-usapan…hindi dapat pag-usapan!”

Wika nang Hadi Mahdi, “sa tingin ko nga rin.”

Wika nang Hadi Mirza, “kailangan…kailangang pag-usapan! —Hadi Yasir…”

Wika ko, “pinag-usapan lang namin nang Hadi Mirza kung ano na ang mangyayari sa iniwang tahanan nang Hadezar lalo pa at walang kamag-anak ang Hadi Khalil! Bagay na aking itinanggi sa kanya.”

Tanong nang Hadi Mahdi sa Hadi Mirza, “totoo ba ito Hadezar!”

Hinintay ko siyang magsalita. Aminin ang totoo ngunit hindi siya nakaimik.

Wika nang Hadi Mahdi, “ang pinag-uusapan dito ay ang kaayusan nang hindi mangyayari ngayon…Ang umagang ito ay hindi makabubuti para pag-uusap kung sino ang dapat na humalili at mamuno sa tahanan ng mga Ardashir ngayong kamamatay lamang nang Hadi Khalil.”

 Datapwat, inaamin ko na hindi naman din ako lubusang sumasalungat kung pag-uusapan namin ngayon kung sino ang dapat na mamuno sa iniwan nang Hadezar.  Gayon mabuti na pagtuunan na muna natin ang libing nang Hadi Khalil…hindi ba Hadi Yasir? Hindi ba Hadi Mirza?”

Bagay na aking sinang-ayunan at tinalima nang Hadi Mirza.

Matapos noon tuluyan na naming tinapos ang pag-uusap nang kalipunan ng mga Hadezar.

Sa paglabas ko madilim ang umaga…napupuno nang ulap ang buong kalangitan at nagbabanta nang pag-ulan.

Bumaba ako sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar patungo sa Hadi Walid at sa mga Anino na aking kasakasama sa pagpunta sa tore nang mga Hadezar.

Dito nagsimula ang lahat…sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar…Sa galit. Galit na naging dahilan at mitya ng kaguluhan. Kung bakit ko gustong saktan ang tahanan ng mga Harith. Kung bakit ko pinapangarap at hinahangad na magkaroon ng pagbabago at kaguluhan sa Ja’khar. Nang hindi inaasahan narinig ko ang pagtawag sa akin nang Hadi Mirza. Tumigil ako sa aking paglalakad sa mga baitang.  Lumingon ako. Nakita ko siya na nasa likuran ko. Lumapit ako sa kanya at lumapit siya sa akin.

Wika ko, “Hadezar!”

Wika niya, “Hadezar…”

Wika ko sa kanya, “ano po ba ang maipaglilingkod ko?”

Wika niya, “hindi ko alam kung ano ang mga nakita ko. Kung ano ang laman nang utak mo at kung ano ang binabalak mo pero meron tayong pinag-usapan…”

Wika ko, “at wala po kayong dapat na ipag-alala hindi ko nakakalimutan ang aking pangako.”

Wika niya, “mabuti kung ganon…pinapaalala ko lang!”

Kasunod noon iniwan niya ako, nauna siyang umalis.

Sa pagbaba ko sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar agad akong lumapit sa Hadi Walid. Nagbigay siya sa akin nang paggalang. Tinanong niya sa akin kung ano ang nangyari sa loob nang tore nang mga Hadezar.

Sumakay ako kay Amarok. Sinabi ko sa Hadi Walid na balak nila akong patayin. Gayon na nakagawa ako nang paraan para mapahaba ang aking panahon kahit papaano…Tinanong niya sa akin kung ano ang gagawin ko. Sinabi ko sa kanya na kailangan na muna naming bumalik sa tahanan nang mga Barakat at sabihin sa aking asawa kung ano ang nangyari. Bagay na aming ginawa.  Agad pinausad ko nang takbo si Amarok habang nakasakay ang Hadi Walid kay Mamé at sumusunod sa aking pagkilos.

Sa pagbalik namin sa aking tahanan matapos ang pag-uusap sa loob ng tore ng mga Hadezar. Agad kong nakita ang Adi Hikmet. Pumasok ako sa lagusan nang tahanan. Lumapit ako sa kanya habang nakatayo siya sa pasilyo sa labas nang bulwagan. Niyakap ko siya at hinalikan sa labi.

Tinanong niya ako kung ano ang nangyari.

Sinabi ko sa aking asawa kung ano ang nangyari sa loob ng tore ng mga Hadezar. Sinabi ko na pumayag ang mga Hadezar na gawin ang pagburol at paglibing sa matandang Hadezar sa labas nang tore. Sinabi ko na hindi nagdalawang isip ang mga ito na gawin dito ang paglibing…na ito ang makabubuti at mainam para ipalaalala sa lipunan ang magandang naiambag nang Hadi Khalil.

Bagay na kanyang ikinatuwa at sinabing mabuti naman kung ganon.

Sinabi ko na inakala kong tatanggi ang mga ito sa aking mungkahi datapwat lahat nang mga ito ay sumang-ayon.

Pumasok kami sa loob nang bulwagang silid. Kasunod noon, tinanong niya ako kung ano ang gagawin namin ngayon. Umupo siya sa isa sa mga nakadikit na upuan sa dingding nang silid.

Sinabi ko sa kanya na pupuntahan ko ang labi nang Hadi Khalil at ako ang mag-aayos nito. Iminungkahi ko ang aking sarili na pumunta gayong sasamahan ako nang Hadi Mirza at nang Hadi Walid.

Nagtaka siya.

Sinabi ko sa kanya na makabubuti kung ako ang maglilinis nang labi nang matandang Hadezar kahit papaano magagawa kong itago ang lahat nang nagpapatunay na ako ang pumatay sa matandang Hadezar.

Wika niya, “ngunit alam nila…ako ang nagsabi sa kanila!”

Wika ko, “totoo…pero kahit ikaw ang nagsabi maaari kong pabulaanan ang lahat. Maaari kong ikatwiran na wala akong kinalaman sa pagkamatay nang namayapang Hadezar!”

Tinanong niya ako kung dito ba ako magpapalit nang damit. Sinabi niya na makabubuti kung doon na lamang sa tahanan nangn Ardashir ako makapagpalit at makapagbihis nang susuotin ko sa paglamay at paglibing sa matandang Hadezar.

Bagay na aking sinang-ayunan.

Kasabay nang kanyang pagtayo pinigilan ko siya. Sinabi ko na may gusto pa akong sabihin sa kanya at may kailangan pa siyang malaman.

Tanong niya, “ano iyon?”

Sinabi ko sa kanya na pinangako ko sa kanya na hindi na ako magsisinungaling pa…alam ko mayroon pa at mayroon pa akong hindi nasasabi sa kanya. Sinabi ko sa kanya na intensyon nang kalipunan nang mga Hadezar na hindi ako papuntahin dapat sa ginawang pagpupulong. Na hanggang maaari ay gusto nilang wala akong malaman sa kung ano ang binabalak nila laban sa akin, sa tahanan nang mga Ardashir at maging sa aming tahanan.

Nagtaka siya. Tinanong niya sa akin kung ano ang kailangan niyang malaman.

Sinabi ko sa kanya kung ano ang pinag-usapan namin nang kanyang tiyo. Sinabi ko sa kanya na Pinapili ako nang Hadi Mirza…kung magagawa ko bang ipagkalulo ang aking asawa o iako ang pagpatay sa Hadi Khalil.

Tanong niya sa akin, “ano ang pinili mo!”

Umupo ako sa kanyang tabi. Tinanggal nang aking asawa ang kanyang mga sandalyas. Matapos noon, sinabi ko sa kanya kung ano ang naging desisyon ko, at pinili ko ang mabuhay na kasama siya…Sinabi ko sa kanya na may pagkakataon pa maaari pa kaming tumakas. Magpakalayolayo sa Ja’khar magtungo kung saan hindi kami matutunton nang aming mga kalaban at walang sinoman ang nakakaalam kung sino kami.

Wika niya, “hindi!”

Tugon ko, “alam ko iyan ang sasabihin mo!”

Hinawakan ko ang kanyang kamay habang nakatingin ako sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit.

Wika niya sa akin, “isa kang Hadezar…Ikaw ang Hadezar ng tahanan ng mga Barakat! Tungkulin mo na pangalagaan ang tahanang ito!”

Tanong ko sa kanya, “papaano kung mamatay ako papaano kung diin na diin na ako at kung anoman ang sabihin ko sa kanila sa sandaling hulihin nila ako, dakpin ay buo na ang kanilang desisyon na parusahan ako nang kamatayan!”

Wika niya, “hindi mo hahayaan na mawala sa iyo ang lahat…”

Wika ko, “Oo…hinding-hindi!”

Wika niya, “mabuti kung ganon!”

Pinagsmadan ko siya. Pagkatapos nang aming pag-uusap nagpaalam ako sa kanya. Sinabi niya sa akin na susunod na lamang siya sa pagpunta sa aming tahanan.

Sa paglabas ko sa loob nang aming tahanan mula sa agusan agad kong sinarado ang pintuan nang aming tahanan. Nakita ko ang Hadi Walid. Inutusan ko siyang puntahan ang aking asawa…samahan niya ito hanggang makarating sila sa tahanan nang mga Ardashir.

Tinanong niya sa akin kung papaano ako.

Sinabi ko sa kanya na kaya ko ang sarili ko.

Matapos noon tumalima siya. Pumasok siya sa loob nang aming tahanan naiwan akong nag-iisa kasama si Amarok. Hinatid ko si Amarok sa loob nang yungib matapos noon agad akong umalis nang aming tahanan. Naglakad ako sa maputik na daan patungo sa tahanan nang mga Ardashir gusto kong makapag-isa. Gusto ko hangga’t maaari na walang makakita sa akin sa mga sandaling ito, kasabay nang hamog na bumabalot sa paligid. Kasabay nang aking mga pag-iisip.

Narinig ko,

Hadi Yasir…Hadi Yasir!

Ayokong makita nila ako sa aking kahinaan. Ayokong malaman nila na nawawalan na ako nang pag-asa…naglakad ako sa maputik na daan. Binagtas ko ang kahabaan nang taniman nang mga mais, nang mga manioc at oca. Sa aking kawalan.

Hanggang sa hindi inaasahan, mga anino na nagtatago sa hamog at usok ang aking nakita.

Narinig ko ang kanilang tinig.

Tumigil ako sa aking paglalakad.

Wika nang isa, “HADEZAR!”

Kilala ko ang tinig na iyon. Kilala ko kung sino siya. Ang Hadi Yusuf, kasama niya ang Hadi Batul at ang ilan sa mga anino nang tahanan nang mga Roshan.

Hindi ako mapalagay. Nag-aalangan ako na tumugon at sumagot sa kanilang pantawag. Nakita nila ang pagtataka sa akin. Nakita ko ang pag-aalala sa Hadi Batul, ang hindi mapaglagyang galit sa mukha nang Hadi Yusuf, marahil sa ginawa ko sa kanyang anak. Bumaba siya kay Nanuk. Lumapit siya sa akin. Sinampal niya ako. Sinaktan niya ako. Bumagsak ako sa lupa at nabahiran nang putik ang aking katawan.

At nang tumigil siya sinabi niya sa akin, “siguro naman gigising ka na Hadezar!”

Nagtaka ako. Sa alin.

Sinabi niya sa akin na kailangan naming kumilos na marami pa kaming kailangang ayusin. Bagay na aking sinang-ayunan.  Itinayo niya ako sumakay ako sa kanyang likuran, sa likuran ni Nanuk. Nagtungo kami sa tahanan nang mga Ardashir.

Sa aming paglalakbay sinabi niya sa akin na kailangan kong magpakalakas, alang-alang sa aking asawa lalong lalo na sa kanya. Kailangan ako nang tahanan ng mga Barakat. Ako lang ang nag-iisang maaaring makapagdala sa aming tahanan sa kagustuhan sa kalayaan na matagal ko nang hinihingi sa tahanan ng mga Harith.

Nagpatuloy kami sa aming paglalakbay.

Sinabi niya sa akin na binabalak nang mga Hadezar na gawin akong tagapagmana nang tahanan nang mga Ardashir.

Nagtaka ako. Gumising ako.

Tinanong ko siya kung ano ang ibig niyang sabihin. Nagulat siya. Ngumiti siya at sinabi niya sa akin na sa wakas ay gumising na rin ako sa katotohanan. Sinabi niya sa akin ang kagustuhang mangyari nang kalipunan nang mga Hadezar na gagawin nila akong hadezar nang tahanan nang mga Ardashir para patayin lang nila ako at saktan ang aking tahanan sa gayon tuluyang bumagsak ang tahanan nang mga Barakat at ang tahanan nang mga Ardashir.

Nagtaka ako…Tinanong ko siya kung papaano ang mga anak nang Adi Habib, ano na ang mangyayari sa kanila. Sinabi niya sa akin na walang ititirang buhay ang kalipunan nang mga Hadezar. Na tanging ang tahanan nang mga Harith, Parvana at Roshan ang maiiwan lamang bilang bumubuo sa kalipunan nang mga Hadezar.

Sinabi ko sa kanya na isa iyong katangahan. Malinaw na kagagawan iyon nang Ading hibang at sinasang-ayunan lamang nang Hadi Mahdi. Bagamat itinanggi nito na kagagawan lamang iyon lahat nang Adi Atiya, bagkus may kinalaman din dito ang knayang kapatid, ang Hadi Mirza…maging Hadi Mahdi.

 Nagpatuloy kami sa aming paglalakbay patungo sa tahanan nang mga Ardashir at nang makarating kami, agad na bumungad sa amin ang daan-daang mga Jingkar na nakapalibot sa labas nang tahanan nang mga Ardashir. Bumaba kami sa aming mga sinasakyang asong-gubat.  Sinubukan naming pumasok sa loob nang tahanan nang mga Ardashir mula sa mga nakaharang na mga Jingkar. Nagawa naming makapasok sa loob nang tahanan. Sa pagpasok namin nang tahanan agad kaming nagtungo sa kung nasaan ang labi nang Hadi Khalil.

Nagtungo kami sa loob nang kanyang silid sa ikalawang bahagi nang tahanan nang mga Ardashir.

Kung saan sa aming pagdating ay nakita namin ang isang matandang babae kasama ang isang higante. Nang nakita niya kami, tinanong siya nang Hadi Yusuf kung sino siya at kung ano ang ginagawa niya dito, hindi niya sinabi sa amin kung sino siya o kung ano ang ginagawa niya dito bagkus tinanong niya kami kung kami ba ang mag-aayos sa labi nang Hadi Khalil.

Sumang-ayon ako sa kanyang tanong…Tinanong ko siya kung mayroon ba kaming maipaglilingkod sa kanya. Ngunit tumanggi siya. Sinabi niya sa amin na binibisita niya lamang ang Hadi Khalil.

Tinanong ko siya kung matagal na ba silang magkakilala. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Sinabi niya sa akin na matagal.

Tinanong ko siya kung sino ang kasama niya.

Sinabi niya sa amin na wala kaming dapat na ipag-alala…mabait ang kanyang anak. Humingi kami nang patawad. Hindi namin alam…

Nakiusap ako sa kanya na kung mamarapatin niya ay hayaang ako ang mag-ayos at maghanda sa labi nang Hadi Khalil.

Nakiusap ang Hadi Yusuf na kung maaari ay lumabas ang mga ito sa loob nang silid. Bagay na tinalima nang mga ito. Nakiusap ako sa hadi Yusuf na kung maaari ay bigyan nang makakain ang mag-ina. Bagay na tinalima nang ama nang aking asawa.

Kasunod noon sinimulan kong ihanda ang labi nang Hadi Khalil. Tinulungan ako nang Hadi Batul sa pagpapalit at pag-aayos sa matandang Hadezar. Sinimulan naming tanggalin ang mga suot nitong damit. Matapos noon, nilinis namin ang labi nang Hadi Khalil nang malinis na pamunas na ibinabad namin malinis na tubig na nasa palanggana. Kasunod noon sinimulan namin siyang pagtulungang balutin nang tatlong magkakaibang pambalot. Binalot namin siya nang mga telang ibinabad sa mantika na mula sa taba nang tapir. Matapos ang pambalot muli namin siyang balutin nang puting tela. Binuhusan namin ang labi nang katawan nang Hadi Khalil nang mabangong insenso bago namin balutan pa ito nang panibagong puting tela.

Nang hindi ko nalalaman ay kanina pa kami pinapanood nang aking asawa. Matapos kong ayusin ang labi nang Hadi Khalil nakita ko ang aking asawa na naghihintay sa akin kasama ang Hadi Walid.

Lumapit ako sa kanya habang may hawak na pamunas sa aking kamay sa loob nang madilim na silid na iniilawan lamang nang mga nakasinding timsim na nakakababad sa mga tinghoy sa loob nang silid nang yumaong Hadezar.

Sinabi niya sa akin na kailangan na naming maghanda at hinihintay na kami nang lahat sa gagawing pagburol at paglibing sa yumaong Hadezar. Bagay na aking sinang-ayunan. Ibinigay niya sa akin ang aking mga pamalit na damit. Sinabi ko sa kanya na maghintay na lamang siya sa bulwagan nang tahanan sa aking paglabas.

Bagay na kanyang tinalima.

Matapos noon sinimulan kong magpalit nang damit at magbabad sa mainit na tubig nang bukalan nang tahanan nang mga Ardashir. Nagtungo ako sa bukalan nang tahanan nang mga Ardashir. Hinubad ko ang aking mga damit. Nagbabad ako sa mainit na tubig nang bukalan at nang hindi inaasahan sinundan niya ako kahit sinabi ko sa kanya na hintayin niya na lamang ako sa loob nang bulwagang-slid, bagay na hindi niya ginawa.

Tinulungan niya akong magkuskos. Inayos niya aking buhok.  Tinanggal niya ito sa pagkakatirintas. Hinawakan niya aking buhok. Sinabi niya sa akin na kailangan ko na itong gupitin dahil mahaba na…Sinabi ko sa kanya na bakit hindi niya ito gawin.

Bagay na kanyang ginawa. Ginupit niya ang aking buhok. Inahit niya ang magkabilang gilid nang aking ulo. Kasunod noon Inahit niya rin ang bigote at balbas sa aking mukha. Sinabi ko sa kanya ang kakaibang nangyari pagdating namin sa tahanan nang mga Ardashir. Sinabi ko sa kanya na nakita namin ang isang matandang Adi kasama ang anak nito na higante. Sinabi ko sa kanya na nakausap namin ito. Sinabi niya sa amin na kilala niya ang Hadi Khalil, na sa katunayan ay kilalang—kilala ang yumaong Hadezar. Isang babae na may bingot at may anak na higante.

Tinulungan niya akong magpunas pagkatapos kong maligo. Pinunasan niya ang aking likuran. Kasunod noon sinuot ko ang mga dala niyang damit sa akin. Sinuot ko ang hinubad kong bahag bago maligo. Sinuot ko ang isang itim na Báta na may mga tahing animang gilid at may manggas. Sinuot ko ang isang itim na saluwâl na may mga burdang mga pulang Tahamaling. Sinuot ko ang singsing nang aking ina…ang mga hikaw na itim na mga bato, galang na balat nang Magan at mga bakal na mga panara. Inayos niya ang aking buhok. Tinirintas niya ito at nilagyan nang mga singsing na ginto. matapos noon lumabas kami sa loob nang bukalan at sa tahanan nang mga Ardashir.

Naghihintay sa aming paglabas ang labi nang Hadi Khalil na bitbit nang ilang mga Anino nang tahanan nang mga Roshan at nang ilang Anino nang tahanan nang mga Barakat. Sa paglabas namin nang tahanan nang mga Ardashir nakita naming mag-asawa ang aming mga asong gubat…Si Nanuk kung saan nakasakay ang Hadi Yusuf, si Ijiraq ang puting asong-gubat, si Amarok kung saan nakasakay ang Hadi Batul at si Mamé kung saan nakasakay ang Hadi Walid.

Sumakay ang aking asawa kay Amarok kung saan kasama niya ang kanyang kapatid. Sumakay ako kay Ijiraq. Habang buhat-buhat nang mga anino nang aming mga tahanan ang labi nang yumaong Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir.

Naglakbay kami sa maputik na daan patungo sa tore nang mga Hadezar. Hindi naglaon, kasama ang dagsa-dagsang mga Jingkar na nasa aming mga likuran ang mga Anino nang aming mga tahanan at ang ilan sa mga asong-gubat na aming mga kasama, narating namin ang tore ng mga Hadezar. Tulad nang inaasahan naroroon ang lahat nang tahanang bumubuo sa kalipunan nang mga Hadezar. Nakabukas ang lagusan nang tore nang mga Hadezar.

Dinala nang mga Anino ang labi nang hadi Khalil patungo sa ginawang siga sa mga baitang nang tore. Napuno ang labas nang tore nang mga Hadezar nang napakaraming mga Jingkar…karamihan ay mga anino mula sa iba’t ibang mga tahanan na nabibilang sa kalipunan ng mga Hadezar. Naroroon sa paligid nang tore ng mga Hadezar ang aming mga kalaban at ang kanilang mga pamilya.

Naroroon ang tahanan nang mga Harith na nasa ilalim ng pamumuno nang kabatsoy na Hadezar na si Hadi Mahdi, katabi ang asawa nito at ang ina nito. Naroroon rin ang aking mga kapatid sina Adi Makbule at Adi Sule kasama ang kanikanilang mga asawa, sina Hadi Nasrin at Hadi Naveed. Naroroon rin ang aking mga pamangkin sina Hadi Malik, Hadi Mahsa at Adi Ismat.

Nandoon din ang Adi Atiya, ang Hadezar nang tahanan nang mga Parvana at ganon din ang tahanang pinagmulan nang aking asawa, ang mga Roshan na pinangungunahan nang Hadi Mirza kasama ang kanyang asawa at mga pamangkin. Ganon din ang ina nang aking asawa na si Adi Arwa maging ang isa pang kapatid nang aking asawa na si Hadi Fadil bitbit ang Hadi Merkabah.

Lumapit kami sa kanila kasabay nang paglalagay nang labi nang hadi Khalil sa siga na sisilaban. Tumabi kami sa mga Roshan. Tumabi ang aking asawa sa kanyang ina, ang Hadi Batul sa aking pamangkin at ang Hadi Yusuf sa tabi nang Hadi Fadil. Habang nasa ilalim nila kami at katabi ang Hadi Walid.

Nang mga sandaling iyon nagbabadya ang isang masamang panahon. Makulimlim ang langit, mahangin paligid at nagsisimula nang gumuhit nag mga kidlat at mga kulog. Walang ulan…wala sa ngayon.

Halos lahat nakasuot nang ga panluksang kulay…itim na magagara at mula sa iba’t ibang balat nang hayop. Lalo na ang aking asawa na nakasuot nang saluwâl na may mga burdang ginintuang bulaklak nang gladiolus na nakasabit sa kanyang kaliwang balikat at nakahiris sa kanyang katawan habang litaw ang hubog nang kanyang pagdadalang-tao.

Nakahanda na ang lahat…hindi ko alam kung ano ang iniintay namin.

Lumapit ang Hadi Mahdi sa nakaburol na labi nang Hadi Khalil. Sinabi niya sa amin na nasa aming mga harapan ang labi nang Hadi Khalil, ang Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir…ang huli sa kanyang tahanan. Sinabi niya sa amin na mabuting Hadezar ang hadi Khalil na sa katunayan marami itong naiambag sa aming lipunan at lupain sa loob nang apatnapung taon nang pamumuno nito. Naging huwaran ang kanyang pamumuno sa higit na nakararami, naging ama siya sa mga tumatangkilik sa kanyang kabutihan. Sinabi niya sa amin na hindi naman lingid sa amin ang ginawa nang tahanan nito mahigit animnapung taon na ang nakararaan, magkagayonman katulad nang kanyang tahanan, tulad niya lumaki rin itong ulila sa kawalan nang kanilang tahanan. Na tulad din niya Maaga nitong pinanghawakan ang katungkulan nang pamumuno nang kanyang tahanan at maging Hadezar kasama ang kapatid nito, tulad niya na kasama ang kanyang ina sa pamumuno at patnugot nang tahanan nito. Hindi niya itinanggi sa aming lahat ang ginawa nang Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir sa tahanan nito, lalong-lalo na sa kapatid nito at mga anak, ngunit ngayon magbabago ang lahat sabi nang Hadi Mahdi sa aming lahat habang nakaharap sa labi nang Hadi Khalil, sa mga tahanang bumubuo sa kalipunan nang mga Hadezar nandito ngayon at sa mga Anino nang bawat tahanan.

Kasabay nito sa hindi inaasahan, kasabay nang kanyang paglingon sa lagusan nang tore nang mga Hadezar nakita namin ang Adi Habib kasama ang kanyang mga anak at ang Mata na si Hadi Arsaad. Nabaling ang aming pansin sa kanilang pagbaba.

Nabaling ang pansin nang aking asawa sa akin.

Hadi Yasir Hadi Yasir sino ang dapat matakot sa Hadi Yasir?

Hadi Yasir…Hadi Yasir

Siya ang pangalawa ang una’y naglagay sa tugatog nang katwiran…

Hadi Yasir…Hadi Yasir…

Ang isa ay Jingkar. Ang isa ay halimaw.

Hadi Yasir…Hadi Yasir sino ang dapat matakot sa Hadi Yasir?

Hadi Yasir… Hadi Yasir ikaw ba ang magpapabagsak sa aming tahanan.

Hinawakan niya ang aking kamay. Hinawakan niya ang aking kamay nang madiin.

Magara ang kanilang mga kasuotan. Binihisan sila nang tahanan nang mga Harith. Lumapit ang Hadi Arsaad sa labi nang Hadi Khalil.

Sinabi nang Hadi Mahdi sa aming lahat na hindi kailanman babagsak ang tahanan ng mga Ardashir. kailanman mananatili ito sa aming mga buhay, sa isip at sa aming mga puso.

Tapos na ang panahon nang pagtulong nang mga Hadezar. Tapos na ang panahon nang kalipunan nang mga Hadezar. Ngayon na ang simula nang pagbagsak nito, ang pagbagsak ng kalipunan ng mga Hadezar…

Binawi ko ang aking pansin at pagtingin sa kanila. Lumingon ako sa aking asawa…Tinignan niya ako. Sumang-ayon siya sa akin.

Sino ang dapat matakot sa akin?

Hadi Yasir…Hadi Yasir sino ang dapat matakot sa Hadi Yasir?

Hadi Yasir…Hadi Yasir isang pangalan na salamin sa kagitingan.

Ang una’y naglagay sa tugatog nang katwiran.

Ang pangalawa’y malakas, mahiwaga’t hinahangaan.

Ang isa’y kakampi, ako ang kanilang kalaban…

Sasaktan ko sila…Lahat nang may gustong sumira sa aking tahanan, sasaktan ko sila. Papatayin ko ang Adi Habib at ang kanyang mga anak. Aangkinin ko sa kanila ang lahat ng dapat na ipinagkaloob sa akin ng matandang Hadezar noong nabubuhay pa ito.

Lumapit ako sa aking asawa. Bumulong ako sa kanya.

Kasunod noon lumapit ang Hadi Mahdi sa kawan. Kinuha nito ang takim na nakatusok dito. At saka ibinigay sa Adi Habib. Binaba nang Adi Habib ang bunso niyang anak na kanina niya pa karga. Kinuha ito nang Adi Mahvash. Kasunod noon hinawakan nang kapatid nang Hadi Khalil ang takim at saka lumapit sa Hadi Khalil at sinimulan silaban ang labi nang matandang Hadezar.

Inutusan nang Hadi Mahdi ang kanyang mga Anino na ibuhos ang buong laman ng kawan na may apoy sa labi nang matandang Hadezar. Bagay na ginawa nang mga ito. Kasabay nang pagbuhos sumiklab pang lalo ang labi nang matandang Hadezar, at kasabay nang pagbuhos ng ulan at malakas na hangin. Bumigay ang hinihigan nitong pinagsusunugang siga.

Nagulat kami. Gumulong ang labi nito sa mga baitang nang mga tore ng mga Hadezar.

Totoo, walang sinoman ang makakalimot sa tahanan ng mga Ardashir… ang magiting na Hadezar, ang hindi matatawarang kagalingan nito sa pamumuno at patnugot. Walang sinoman ang makakalimot sa mga ginawa at naiambag nang matandang Hadezar. Pero matagal nang nagunaw ang kanyang tahanan kasabay nang pagpili niya na maging mapag-isa.

Unti-unting nilamon nang apoy ang matandang Hadezar. Hanggang sa nabaling ang aking pansin sa Adi Habib kasama ang kanyang mga anak at ang tahanan ng mga Harith. Walang sinoman ang nagkikibuan sa mga sandaling ito. Palakas nang palakas ang pagbuhos nang ulan. Nagsisimula nang dumagundong ang kalangitan nang pagkulog at pagkidlat na hindi maglalaon ay magiging isang malakas na masamang panahon, habang kami pinapanood namin ang unti-unting pagtupok nang apoy sa labi nang Hadi Khalil.

KABANATA LABING-PITO:

ISANG MAHABANG UMAGA

Nanaginip ako. Nanaginip ako ng isang masamang panaginip. Nanaginip ako nang panaginip na parang totoong-totoo. Na sa sobrang totoong-totoo hindi ko na alam kung nananaginip pa nga ba ako o hindi. Ngunit hindi ko ito pinagsawalang bahala, ni minsan hindi ko pinagsasawalang bahala ang aking mga. Ang aking mga panaginip ay nagkakatotoo.

Nang dinilat ko ang aking mga mata nang umagang ito, nakita ko ang basag na sulyaw na nasa sahig nang aming silid. Ang bumagsak na mataas na lamesa na pinaglalagyan ng mga gamit ng aking asawa. Ang mga nakakalat na gamit nang Hadezar. Ang nakatuping sulat na malapit sa nakataob na lamesa. Nakahilis ako nang higa. Nakatagilid sa kanya sa takot na baka makita ko ang kanyang mukha at makaramdam ako nang matinding galit na hindi ko pa nararamdaman. Natakot ako na makita siya…natakot ako na baka mangyari ang aking mga kinatatakutan at magkatotoo ang aking mga panaginip. Ang mawala siya sa akin, ang hindi ko na siya makita pang muli.

Sinubukan kong humiga na ang aking likod ay nakadapa sa aming kama. Sa paghiga ko nabaling ang aking pansin sa kisame nang aming silid. Ang pagal na mga kahoy na walang kahit anong larawan ang nakakatawag sa aking pansin… ang mga nabubulok na bahagi na unti-unti nang nasisira at kinakailangan nang palitan. May liwanag mula sa nauupos na apoy na nakababad sa sulyaw na may timsim. Bahagyang nakabukas ang aming silid at nandito ang itim na asong-gubat na binabantayan ang aking pagtulog.

At nang mabaling ang aking pansin sa kung nasaan siya madalas na humihiga wala siya sa aking tabi…hindi siya natulog sa aming silid. Hindi niya ako hinanap o pinagmalabisan…hanggang ngayon nagmamatigas pa rin siya sa akin. Hanggang ngayon nagmamatigas pa rin ako sa kanya. Siguro masyado kong hinayaan ang kanyang mga layaw sa takot na hindi ko siya maunawaan at matanggap. Ang totoo hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling mawala siya sa akin, o mawala sa amin ang lahat.

Nilapag ko ang aking kamay sa bahagi nang kama na madalas niyang hinihigan. Hinawi ko ito sa aking kamay at saka ko binalot ang aking mga kamay, nilukot ko ito na handa nang pagsang-ayon at pagtalima sa aking mga kamao.

Tumayo ako sa aking hinihigan. Sinuot ko ang sandalyas na nasa sahig sa paanan nang aming higaan. Nagtaka ako. Nagtaka ako dahil hindi ko maalala na dinala ko ang aking mga sandalyas sa loob pagpasok ko sa aming silid…siyang tunay na hindi ko dinala…nandito siya kanina, nandito siya kanina at hindi ko man lamang namalayan na nandito siya kanina, hindi niyaman lang ako ginising. Nagbihis siya bago siya kumilos at sinimulan ang umagang ito.

Kinuha ko ang balabal na nakasabit sa uluhan ng aming higaan. Ibinalot ko ito sa aking katawan…Tinago ang aking mga braso at mga kamay sa lamig nang umagang ito na hindi pa sumisikat ang araw at malilim pa ang mga ulap na nagtatago sa magandang kalangitan na kulay abo sa mga sandaling ito.

Kasabay nang aking paglabas, sinutsutan ko si Amarok. Tinawag ko siya mula sa kanyang pagkakahiga sa paanan ng aming kama. Sumunod siya sa aking paglabas sa aming silid. Sinarado ko ang lagusan at nagpatuloy…

Sa aking paglalakad, naamoy ko ang niluluto sa loob nang aming silid-lutuan. Ang ginagawang pagluluto nang aking asawa para sa aming agahan. Nagtungo ako sa loob nang aming silid-lutuan. Nakita ko ang Hadi Yasir nakatalikod sa akin at nagluluto. Amoy mo ang mahalimuyak na amoy nang pagkain. Ang karneng ginigisa sa sarsang may maanghang na pampalasa at pulang bunga na niligis at niluto sa malalim na kawali. Nakabukas ang pugon sa loob nang silid. Naghahanda ang aking asawa nang tinapay na siya mismo ang may gawa at natutunang gawin sa pakikihalubilo niya sa mga nasasakupan nang tahanan ng mga Ardashir…isang tinapay na walang lebadura na may, pinong-pino sa pagkakalapad, walang lasa at amoy-pinipig….

Kalat sa buong paligid ng silid ang amoy nang kanyang niluluto…Napakasarap na amuyin ang maginhawang halimuyak na nakakagutom sa sikmura.

Lumapit sa kanya si Amarok. Sinusuyo siya nang aming alaga. Napilitan na rin akong pumasok sa loob nang silid. Hindi nakapagtatakang magiliw sa kanya ang aming mga alaga…siya ang nag-alaga sa mga ito at nag-asikaso. Ang kabutihan nang kanyang puso ay tago sa kanyang mga paghihigante at pagmamatigas.

Nagtungo ako sa kung nasaan ang mga nakataob na pitsel. Hinugasan ko ito at kasunod noon tinabuan ko ito nang tubig sa banga.  Matapos noon ipinatong ko ito sa ibabaw nang gawaang lamesa. Lumapit ako sa kanyang tabi… kumuha ako nang mga pinggan, sulyaw at mga kubyertos na nasa tabi nang lutuan. Ibinigay ko sa kanya ang sulyaw at dalawang pinggan…habang dinala ko ang iba pa sa ibabaw nang mataas na lamesa na nasa gitna nang silid. Tinanggal ko ang mga gamit sa ibabaw nang gawaang lamesa. Inilipat sa ibang lamesa na nasa loob nang silid lutuan kasunod noon sinimulan kong ayusin ang lamesa. Pinagharap ang dalawang pinggan sa magkabilang dulo nito. Inibabaw ang mga kubyertos at inilagay ang mga upuan sa magkabilang dulo.

Kumuha nang isa pang sulyaw ang Hadi Yasir. Kasunod noon sinalukan niya ito nang sarsa na may karne nang Saola. Dinala ito sa labas nang silid-lutuan na sinundan ni Amarok, dahilan upang lumabas din ito nang aming silid. Kasunod noon kinuha ko ang mga tinapay na walang lebadura sa loob nang walang apoy na pugon. Ipinatong ko ito sa ibabaw nang mataas na lamesa sa pagitan nang dalawang pinggan. Kumuha na rin ako nang mga baso at inilagay ang mga ito sa kung nasaan ang mga pinggan. Sa pagbalik nang aking asawa kinuha niya ang ibinigay kong malaking sulyaw. Inilagay niya ang halos lahat ng laman nang malalim na kawali sa malaking sulyaw. Matapos nito ipinatong niya ang sulyaw sa ibabaw nang kahoy na lamesa at nilagyan nang panandok. Ibinigay niya ang buong kawali kay Amarok upang manimot.

Sinabi ko sa kanya na hindi niya lang basta-basta mapapaalis si Amarok…

Hindi siya kumibo. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinakausap. Wala siyang balak na kausapin ako. Magkasama kaming nag-almusal. Kumain kaming magkaharap kapwa sa isa’t isa, kapwa parehong nasa magkabilang dulo nang mataas na lamesa habang kumakain ng kanyang nilutong tinapay na walang lebadura na may palaman nang sarsa na may karne nang Saola. Kumuha siya nang nakakalasing na inumin. Uminom siya kahit higit pang maaga para gawin ito.

Nakabibingi ang katahimikang pumapalibot sa amin ngayong umaga…ngayon lamang nangyari ito na walang sinoman sa amin ang gustong magbigay…Madalas ako ang nagbibigay sa kanyang mga pagkakamaling nagawa sa akin, ako ang umuunawa at tumatanggap…ngunit hindi ko na alam kung magagawa ko pang pagtiisan ang nakabibinging katahimikang ito. Tumingin ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang pagal niyang itsura. Ang huwad na pagiging kanyang mahinahon. Ang kanyang maingat na pagkilos. Binaba ko ang hawak kong kutsara sa aking pinggan. Tinanong ko siya, “kung ganon saan ang punta mo ngayon?” isang pagal na tanong sa kanyang mapagpanggap at sinungaling na mga pagkilos.

Lumingon siya sa akin. Sinabi niya, “pupuntahan ko ang Hadi Basir, ngayon…mukhang may hindi magandang pakikitungo ang matandang Hadi sa mga dayuhang nagtatrabaho sa kanya at hindi siya mapilit nang kanyang mga anak na baguhin ang asal na madalas ay sinasawsawan pa nang asawa nito!”

Nagtaka ako, “hindi ba isang Qaa ang asawa nang Hadi Basir?”

Tumango-tango siya sa akin bilang tugon. Wika niya, “ang totoo hindi ko na alam ang gagawin ko, kung anong pagtingin ang gustong ituring nang mga may-ari nang lupa sa mga dayuhan…kahit ang mga dayuhan umaalma sa pakikitungo sa kanila nang ating mga nasasakupan. Nangangamba ako na baka paghantungan pa ito nang kaguluhan!”

Wika ko sa kanya, “hindi mo maiiwasan na magkagulo…bahagi iyon nang iyong pamumuno. Ang mahalaga ay paghandaan natin ang mga susunod na pagkilos!”

Ngumiti ang Hadi Yasir sa aking sinabi. Sinabi niya, “tama ka!”

Tanong niya sa akin, “kung gusto mo bakit hindi ka sumama sa akin…makabubuti na makita ka nila…tiyak matutuwa ang anak na babae nang Hadi Basir pagkakita sa iyo.”

Sinabi ko, “ikaw na lang…gusto ko man na kumilos ngunit nangangamba ako na baka wala akong magawa at isa pa hindi ko na rin kagustuhan ang magkikilos pa!”

Tanong niya sa akin, “hindi ba palagi kayong nag-uusap nang anak nang may-ari nang lupa?”

Sinabi ko, “Oo…”

Wika niya, “kung ganon sayang naman kung hindi ka sasama…isa pa ano rin naman ang gagawin mo dito hindi ba?”

Tinignan niya ako.

Tumingin ako sa kanya.

Hindi ako umimik. Sa halip ngumiti ako. Nginitian ko ang kanyang pabagsak at pagdududa…may dahilan ang kanyang pagdududa at tama siya; tama siya na nagsisinungaling ako sa kanyang mga pagal at malamlam na pagngiti na akala mo kaya niyang basahin kung ano ang susunod mong gagawin. Ngunit hindi niya naiintindihan kung ano ang kaya kong gawin…Ngumiti ako. Ngumiti ako sa kanyang kahambugan. Sa kanyang marahan na pagkilos at lubhang pag-iingat sa mga susunod niyang mga gagawin— O sasabihin!

Hindi ako katulad niya. Pinagmasdan ko ang kanyang pagkain. Pagkatapos nito tumayo siya sa kanyang kinauupuan sa aking harapan. Nilapag niya ang kanyang pinggan sa hugasan. At kinuha ang baso at muli itong tinagayan nang nakakalasing na inumin, saka siya lumingon sa akin…

Kung pwede lang naming kalimutan ang mga nangyari kagabi. Ngunit hindi ko pwedeng kalimutan na sinaktan niya ako, ako habang dinadala ang kanyang magiging anak, ang kanyang pangarap at panaginip…ang kanyang panganay.

Wika ko, “sa tingin ko kailangan na natin tigilan ito!”

Nagulat siya.

Pagpapatuloy ko, “alam ko may nagawa akong mali! At hindi ko gusto na magkaganito tayo…na hindi nag-uusap! Ayoko nang makipag-away sa iyo!”

Wika niya sa akin, “ako rin, hindi ko rin gusto ang ginagawa ko! Ang hindi tayo nag-uusap. Kaya makabubuti pa, bago pa lumala ang lahat, tigilan mo na ang ginagawa mong pagpunta sa Adi Atiya.”

“Hindi!”

Nagalit siya sa akin. Binawalan niya akong makipagkita sa Adi Atiya o pumunta sa tahanan nang mga Parvana…sinabi niya sa akin na hindi na ito kailangan pang pag-usapan. Na hindi ito isang pag-uusap kung hindi isa itong utos mula sa kanya. Ngunit umangal ako. Sinabi ko sa kanya na gagawin ko pa rin ang pakikipagkita sa Adi Atiya, o ang pagpunta sa tahanan ng mga Parvana kahitman tumutol siya sa aking gagawin o samahan niya ako.

Sinabi niya sa akin bakit ba mahirap kong intindihin ang kanyang mga pag-aalala. Na matigas ang ulo ko at padalosdalos ako sa aking pagkilos. Na alam kong hindi ito magiging maganda sa aming tahanan…na higit sa lahat ay niloloko lamang ako nang Adi Atiya. Na ginagawa niya lamang ito para makuha niya kung ano ang gusto nito at maagaw ako sa kanya

Alam ko.

Tama siya.

Pero hindi ako magtitiis na lamang dito at magsasawalang bahala na maulit na naman ang lahat, dahil paulit-ulit na lamang ang kanyang ginagawa at wala nang nangyayari sa amin.

Sinabi ko sa kanya, “gusto mong sundin kita at tigilan ang kahibangang ito, kung ganon humingi ka sa akin ng tawad at aminin mo na ikaw ang nagkamali at hindi ako. Na ikaw ang sumira nang iyong pangako…hindi ako, at pinapangako ko sa iyo hindi na ako pupunta o makikihalubilo sa Adi Atiya kailanman, kung iyon ang gusto mo, Hadi Yasir.” Pero hindi niya ginawa. Sa halip nanatili siyang nakatayo…nakatingin sa akin. “kita mo na maging ikaw hindi mo rin kaya ang tumupad sa iyong mga pangako!”

Lumabas ako nang silid-lutuan ng aming tahanan. Iniwan ko siyang nag-iisa sa loob nang silid-lutuan. Galit na galit ako sa kanya…isang bagay lamang ang hinihingi ko sa kanya bakit hindi niya pa kayang ibigay sa akin. Mahirap bang humingi nang tawad sa pagkakamaling siya mismo ang may gawa…kaya ko siyang patawarin at pagbigyan, kung gugustuhin ko kalilimutan ko ang kanyang ginawa sa akin. Pero gusto ko humingi siya sa akin nang tawad…buong-buo at may katiyakan.

Bumalik ako sa aming silid. Pinigilan ko si Amarok sa pagsunod sa akin. Pumasok ako sa loob ng aming silid, sinarado ang pintuan at nanatili sa loob nang aming silid.

Mabuti na siguro ang ganito ang hindi kami nag-uusap. Ang hindi namin kayang unawain ang isa’t isa. Narinig ko ang pagkalmot ni Amarok sa pinto nang aming silid. kasunod noon narinig ko ang Hadi Yasir na sinutsutan si Amarok at tinawag…

Nananatili ako sa loob ng aming silid. Nakita ko ang sulat na nakakalat sa sahig, malapit sa aming higaan. Kinuha ko ito… Itinago sa aking mga kamay. Hindi niya ako papayagang umalis ngayong araw. Pipigilan ako nang sinoman na hahadlang sa akin sa pagpunta sa tahanan ng mga Parvana at makipagkita sa Adi Atiya.

Kumuha ako nang mga damit na susuotin niya sa kanyang pag-alis nang aming tahanan at pagpunta sa taniman nang mga puno nang buri. Kasunod noon lumabas ako sa aming silid. Sa pagbukas nang pintuan nakita ko si Amarok na nakaharang sa lagusan. Nakahiga siya sa sahig na mistulang maamong hayop na napagalitan. Nilaktawan ko siya sa aking pagtawid. Nagtungko ako sa loob ng bukalan-silid upang dalhin ang kanyang mga pamalit na damit sa loob nang bukalan. Sa pagpasok ko nakita ko siya sa loob nang bukalan, nagbababad sa mainit na tubig nang bukalan.

Ipinatong ko ang mga ito sa mataas na lamesa na malapit sa lagusan.

Tinawag ko siya.

Lumingon siya sa akin.

Sinabi ko sa kanya na hindi ko siyang gustong makitang umalis sa aming tahanan na lasing at lango. Na kung aalis siya at maghihintay ako sa loob nang aming tahanan gusto ko na lumabas siya nang maayos. Na walang masasabi ang iba laban sa kanya o sa akin. Tinanong ko siya kung nagkakaintindihan ba kami bagay na kanyang sinunod. Hiningi ko sa kanya na pagkatiwalaan niya ako, na alam ko kung ano ang ginagawa ko.

Datapwat wika niya, “papaniwalain ka niyang kaibigan ka niya! Sasabihin niya sa iyo kung ano ang gusto mong marinig. Ngunit ang totoo noon may iba siyang dahilan kung bakit gusto ka niyang kaibiganin. Ganon ang Adi Atiya!”

“Alam ko…”

“Hindi mo nauunawaan!”, giit niya, “hindi mo alam ang takot na ibinibigay mo sa akin!”

“Alam ko! Hindi ko hinihingi ang pahintulot mo. Gusto ko lang magpaalam.”

Hindi siya kumibo.

Kasunod noon iniwan ko siyang nag-iisa sa loob nang bukalang-silid.

Hindi nagtagal, iniwan niya rin akong nag-iisa sa loob nang aming tahanan. Nakasuot siya nang itim na Báta na gawa sa hinabing banig na mistulang baluti at malilim na bughaw na saluwâl na may mga burdang gintong alitaptap. Umalis siya sa aming tahanan upang gawin kung ano ang inaasahan sa kanya nang lahat. Nagtungo siya sa lupain nang mga puno nang buri at uway upang makipagtalastasan sa Hadi Basir at sa tahanan nito tungkol sa mga dinadaing nang mga dayuhang nagtatrabaho sa aming lupain sa pang-aalipustang ginagawa nang mga may-ari ng sakahan nang mga puno ng buri.

Pinagkatiwalaan niya ako tulad nang hiningi ko sa kanya, ang hindi niya alam kasabay nang kanyang pag-alis naghanda na rin ako para pumunta sa tahanan nang mga Parvana upang makipagkita sa bagong Hadezar nang tahanan.

Agad akong kumilos. Umalis ako sa aming tahanan at tinakasan ang pagdating at pagbabantay na ginagawa sa akin ng Hadi Walid na inaasahang sasama ngayong araw sa aking pagpunta sa tahanang kakampi nang mga kalaban nang aking asawa. Sakay kay Amarok binagtas ko ang kahabaan nang mga pananim ng mga puno ng Jaboticaba, na nagsisimula na namang muling magbunga na hindi magtatagal ay mahihinog at magmimistulang may sakit na ketong ang itsura.

Sa pagdaan ko sa nagsususong daan nakita ko ang isang Jingkar na naglalakad sa gilid nang daanan, may dala itong tiklis ng mga panaba na tila papunta sa direksyon nang aming tahanan. Nakilala niya ako. Nagbigay siya sa akin ng pamitagan bagay na aking binalikan nang paggalang, nang tuluyan na siyang lumayo sa akin, agad akong lumingon sa kanya. Inakala ko…mali ang aking akala, nilagpasan niya ang aming tahanan at nagtungo sa kinasasakupang lupain nang tahanang may-ari nang mga sakahan ng maisan.

Nagpatuloy ako sa aking paglalakbay.

Sa paglagpas ko sa nagsususong daanan, binabaybay ko naman ang daan na pinapalibutan nang mga tanim nang mga halaman nang rimas. Napadpad ako sa mga Kohlrabi kung saan muling may nakatawag sa aking pansin at nagbibigay nang paggalang matapos akong makita…ang aking akala ay nagkatotoo! Ang aking mga sapantaha na alam nang hadi Yasir ang aking ginagawa nang mga sandaling ito at sinusubukan niya lamang ako ay totoo.

Hindi naglaon narating ko ang dagat ng mga asin, na pumapagilid sa isang mahabang daanan patungo sa tahanan ng mga Parvana.

Mali ba ang aking ginagawa?

Inaamin ko, walang malugod sa kagustuhan nang ninoman na tanawin ko ang hatid na pagkakaibigan sa akin nang matandang Ading itinuturing ng lahat na isang hibang, ngunit anong gagawin ko sa kanya ako nakakita nang mga sandaling ito nang pagmamalasakit, sa akin at sa aking mga gustong sabihin.

Mali ba na pagkatiwalaan siya? Ang kakampi nang mga kalaban nang aking asawa…mali ba na hinahayaan kong gawin niya ang bagay na ito, na kahit may hinala na ako na ang lahat nang ito ay hindi totoo at pagkukunwari lang, mali ba na pagkatiwalaan ang mga sandaling ito gayong gusto ko lang na may makakausap na iba! Handang gawin ang lahat para sa kanyang tahanan alang-alang sa kanyang anak at sa tahanang ipinagkatiwala sa kanya nang buong kalipunan nang mga Hadezar! Kahit ang aking asawa, pinagkatiwalaan ang Ading hibang na maging Hadezar nang tahanan ng mga Parvana!

Nagpatuloy ako sa aking paglalakbay. At sa hindi kalayuan, natanaw ko ang malikmata nang liyaw nang aking asawa na naghihintay sa aking pagdating. Ang Hadi Walid! Nagpatuloy ako. Lumingon siya sa akin sa paglagpas ko sa kanya at saka siya sa akin nagbigay nang pamitagan.

Nilagpasan ko siya. Sinundan niya ako.

Sa pagtigil ko sa harapan nang tahanan ng mga Parvana tinulungan niya akong makababa.

Hindi ako kumibo…hindi siya kumibo…nakabibingi ang katahimikang pumapalibot sa aming dalawa. Bagay na aking ipinagpapasalamat sa mga sandaling ito. Sa kanya! Kinuha niya ang panali na hawak ko.

 Isa ba itong patibong?

Nagbabadya ba sa akin ang isang patibong nang hindi ko nalalaman…Ang magandang dayag bang ito nang tahanan ng mga Parvana ay isang malaking pagkakamali…siguro…siguro nga kagagawan ito nang Hadi Mahdi…siguro nga nagkamali ako.

Lumapit ako sa lagusan nang tahanan. Nagsimula akong kumatok. Nang sa tinging kong walang makaririnig nang aking pagkatok muli kong sinubukan. Nakita ko ang Hadi Walid sa dulo nang aking mata na palabas sa yungib…lumingon ako sa kanya. Tumango siya nang may banta nang kanyang pagsang-ayon sa aking ginagawa.

Ako ba ang panghibo sa lahat nang mga nangyayaring ito sa paligid ko nang hindi ko nalalaman?

Bumukas ang lagusan nang tahanan ng mga Parvana. Bumungad sa akin ang Hadi Naveed na nasa loob nang tahanan. Nagulat siya sa aking pagdating… Suot ko ang isang pilak na kwintas na may hugis buwan at batong perlas sa aking leeg…pulang saluwâl na burdado nang mga tansong-dilaw na mga ahas na Banakon na mistulang gumagapang at lumilingkis, na nakatapis sa aking buong katawan ng pahalang, nakasabit at nakatali sa aking balikat…Hubog sa aking katawan at tinatago ang mga panali at ibabaw nang suot kong damit na panloob na mahabang palda na ang laylayan ay hanggang sa bukung-bukong ng aking mga paa na may mga sandalyas na ang pabalat at ang mga panali ay gawa mula sa balat ng Mantahungal. Ang suot kong panloob na damit ay may burdado nang mga tutubi. Nakasinturon sa aking beywang ang mga balat na may mga bakal na hebilya. Nakaayos ang aking buhok nang malinis at nakatali ito sa aking likod. Sa aking kanang hintuturo suot ko ang isang luntiang batong singsing, habang sa kaliwa kong palasinsingan suot ko ang isang pilak na singsing na pulupot at may dalawang ulo nang ahas na may mga pulang bato at perlas…Samantala sa magkabilang kong mga tenga makikita ang mga pula at itim na mga maliliit na mga batong mga hikaw.

Tinanong niya ako kung ano ang ginagawa ko sa kanyang tahanan. Tinanong ko sa kanya kung nandito ba ang Adi Atiya…sinabi ko sa kanya na hinihintay ako nang kanyang ina. Bagay na lalo niyang pinagtakahan.

Ngumiti ito sa akin.

Sinabi nito na hindi niya alam na may inaasahan pala silang panauhin…magkagayonman pinapasok niya ako sa loob nang kanilang tahanan. Sa pagpasok ko, sinabi niya sa akin na ako pala ang dahilan kung bakit kanina pa aligaga ang Hadezar sa pag-aayos at pag-aasikaso nang kanilang tahanan.

Ngumiti ako. Sinabi ko, “ganon ba…nakakatuwa naman ang kanyang ginagawa! Kamusta na nga pala siya?”

Tugon nang Hadi Naveed, “kahit papaano maayos-ayos na ang aking ina!”

Pag-aalala ko, “umiiyak pa ba siya…matapos na mawala ang iyong ama.” Tinignan ako nang Hadi Naveed “patawarin mo ako hindi ko alam na nangangahas na ako?”

Wika niya, “ang totoo hindi ko alam na umiiyak pa rin siya sa pagkamatay ng aking ama! sinabi niya sa iyo iyon?”

Tugon niya, “oo…nang minsan kaming magkita…sinabi niya sa akin na nalulungkot siya, lalo pa ngayong wala na ang iyong ama sa kanyang tabi. Na hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Na paano pa siya mabubuhay.”

Ngumiti ang Hadi Naveed. Wika nito, “hindi ko alam na nararamdaman niya pala iyon.”

Wika ko, “siguro, hindi niya lang pinapahalata pero matatag ang iyong ina, Hadi Naveed at nakikita ko ang kanyang katatagan!”

Wika niya sa akin, “tama ka! —ano pa ang mga sinasabi niya sa iyo?”

Wika ko, “na gagawin niya ang lahat para ipagpatuloy ang kinabukasan ng inyong tahanan at ang sinimulan nang iyong ama.”

Ngumiti ito sa akin kasabay nang kanyang paglingon. Nang tumigil kami sa aming paglalakad, sinabi niya sa akin na tatawaging niya lamang ang Adi Atiya at kung makabubuti ay maghintay ako sa loob nang bulwagang silid kung saan ako tatanggapin nang Adi tulad nang kung ano ang nakaugalian.

Bagay na aking sinang-ayunan.

Bago siya tuluyang umalis sinabi ko sa kanya na higit kaninoman ay kailangan siya nang kanyang ina… upang tumulong. At matapos nito tinalikuran niya ako at pinuntahan kung nasaan ang Adi Atiya…

Pumasok ako sa loob ng bulwagan. Umupo ako sa isa mga batuhang upuang nakadikit sa dingding ng silid at sa aking paghihintay narinig ko ang tinig nang Adi Atiya na hinahanap ako.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo.

Lumapit siya sa akin. Sinalubong ako nang Hadezar nang na may tuwa at masibago…wika niya, “o Adi Hikmet!”— nang may ngiti sa mga pisngi at may kagalakan.

Siguro nga isa itong patibong. Siguro nga kagagawan ito ng mga kalaban ng aking asawa. Pero gayon pa man binungad niya ako ng may kagalakan…Niyakap niya ako nang mainit na pagtanggap. Sinabi niya sa akin na mabuti naman at nakarating ako…inabiabi niya ako sa kanyang tahanan…

Sinabi niya, “akala ko hindi ka na makakarating!”

Sinabi ko, “pwede ba naman iyon!”

Saka siya tumawa at sinundan ko nang pagngiti.

Kinamusta niya ang aking kalagayan, ang aking pagdadalang-tao. Tinanong niya sa akin ang madalas na tinatanong ng lahat kung kailan ako manganganak. Sinabi ko sa kanya na sa darating na pagpasok nang taglamig. Tinanong niya ako kung hindi ba ako mahihirapang manganak.

Sinabi ko sa kanya na nakahanda na ang lahat sa aking panganganak. Bagay na kanyang ikinatuwa at ipinagpasalamat.

Kasunod noon pumasok ang Adi Sule sa loob nang bulwagang silid kung nasaan kami nang Adi Atiya. Nagbigay ito sa akin nang pantawag na pamitagan. Kinamusta ako nang kapatid nang aking asawa. Sinabi niya sa akin na mabuti naman at nakarating ako.

Sunod na pumasok ang Hadi Naveed sa loob nang bulwagan. Sa pagpasok niya dala niya na ang palangganang naglalaman nang malinis na tubig at pamunas. Bumalik ako sa aking pagkakaupo sa mga upuang bato na nakadikit sa dingding ng bulwagan. Kasabay noon inilapag nang Hadi Naveed ang palangganang naglalaman ng malinis na tubig sa sahig.

Nang nakaupo siya nang patingkayad sa aking harapan una niyang hiningi sa akin ang aking kaliwang paa. Ibinigay ko ito sa kanya. Tinanggal niya ang sandalyas sa aking kaliwang paa. Binuhusan niya ito gamit nang kanyang kamay nang malinis na tubig, inalmuhasan at ibinabad sa malinis na tubig na nasa palanggana at saka niya ito pinunasan gamit nang malinis na pamunas na iniabot sa kanya nang kapatid nang aking asawa. Saka niya sinuot sa aking kaliwang paa ang aking sandalyas.

Kasunod noon hinugasan niya ang kanan kong paa at tulad din nang ginawa niya sa aking kaliwang paa, hinugasan niya ito…inilubog sa malinis na tubig na nasa palanggana, inalmuhasan at pinunasan nang pamunas na kinuha niya mula sa pagkakasampay sa kanyang hita habang naka upo siya aking harapan. Matapos noon binalik niya sa pagkakasuot ang aking sandalyas sa aking kanang paa.

Matapos ang pagtanggap sa akin nang tahanan nang mga Parvana, sinabi sa akin nang Adi Atiya na may pinaghanda siyang pananghalian sa aking pagdating.

Bagay na aking ikinatuwa at ipinagpasalamat sa Ading hibang.

Nagtanong ang Adi Sule kung hindi ba ako hinahanap sa amin nang kanyang kapatid.

Sinabi nang Adi Atiya sa kanyang manugang na ano ba naman ang masama kung dito ako magtatanghalian sa kanilang tahanan. Isa akong babaeng Jingkar, malaya kong gawin kung anoman ang gusto kong gawin. Bagay na kanyang itinanong sa akin at aking pilit na sinang-ayunan. Wika niya, “mabuti naman kung ganon…isa pa hindi ka naman dito gugutumin—kaya bakit niya kailangang mag-alala?”

Matapos noon niyaya niya akong magtungo sa bilugang silid nang tahanan ng mga Parvana bagay na aking pinaunlakan. Ipinagmalaki niya sa akin ang maliit at bilugang silid sa dulong bahagi nang isa sa mga madidilim na pasilyo. Sinabi niya sa akin na madalas siya doong nagpapalipas nang mga araw. Doon maaari kaming makapag-usap nang sarilinan.

Tinanong nang Hadi Naveed ang kanyang ina kung doon rin ba namin gagawin ang panananghalian. Bagay na sinang-ayunan nang Adi Sule at sinabi sa amin na makabubuti kung doon kami magtatangahalian, gayong upang hindi na rin ako kinakailangan pang magkikilos.

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Atiya.

Sa paglabas namin nang bulwagan agad kaming umalis papunta sa bilugang silid. Hinawakan nang Adi Atiya ang aking braso. Inakbayan niya ako.  Kasabay nito, tinanong niya ako kung nagawa ko na bang makapaglibot sa kanilang tahanan. Bagay na aking sinang-ayunan.

Nagtaka siya. Tinanong niya sa akin kung kailan. Sinabi ko sa kanya na inilibot ako nang Adi Makbule sa unang palapag nang kanilang tahanan nang araw din na mailibing ang kanyang yumaong asawa, ang dating Hadezar.

Wika niya, “siya nga, pero dito lang unang palapag! Hindi bale huwag kang mag-alala pagkatapos nang ating tanghalian iikot ang buong tahanan. Sinisiguro ko sa iyo na magugustuhan mo mga makikita mo.”

Nagpatuloy kami sa aming paglalakad.

Sa madilim na pasilyo sa kaliwang bahagi nang tahanan ng mga Parvana. Binuksan nang Adi Atiya ang pintuan at kasabay nito nagliwanag ang madilim na pasilyo mula sa sikat nang araw na pumapasok sa mga durangaw nang bilugang silid. Maririnig mo dito ang pag-alon nang dagat. Ang mahalumigmig na simoy nang hangin na nagmumula sa malawak na dalampasigan kung saan mababaw pa ang tubig sa umagang ito.

Sa pagpasok namin sa loob, tinanong ako nang Adi Atiya kung ano ang masasabi ko sa buong silid.

Lumingon ako sa kanya, ngumiti ako at sinabi ko, “napakaaliwalas nang buong silid.”

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Isang silid na nagtataglay nang malalaking mga durangaw na abot tanaw ang lawak ng dalampasigan. Nagtataglay nang mga inukit na larawan nang mga puno ng mga Mandarina. Ang sahig nito ay kahoy at bato…maaamoy mo mula sa ibaba ang amoy nang yungib nang mga alagang asong-gubat. Ang masangsang na amoy na nagmumula sa labas nang kanilang tahanan.

Umupo ako sa isa mga batuhang upuan na nakadikit sa dingding sa loob ng silid. Sa paglapit niya hinawakan niya ang aking kamay. Nabaling ang kanyang pansin sa kagandahan nang aming paligid.

Wika niya, “tignan mo kahit saan ka lumingon makikita mo ang dalampasigan. Ang ganda hindi ba? Ang totoo iyan ang nakaisip nito ay ang Hadi Hagir. Pinangako niya sa akin ang lugar na ito pero ang hindi ko alam dito ko pala siya matatagpuang nakahandusay at wala nang buhay!”

Nabaling ang aking pansin sa kanya.

Nagtaka ako.

Nakita ko ang pagdaloy nang kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi.

Kasunod noon ngumiti ang Adi Atiya sa akin. Wika niya, “patawarin mo ako… sabi ko sa sarili ko hindi na ako iiyak!” Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga pisngi gamit ang kanyang kamay.

Wika ko, “patawarin niyo po ako!  Gusto ko kayong damayan kaya lang…”

Tugon niya sa akin, “wag kang mag-alala, naiintindihan ko!”

Ngumiti ang Adi Atiya sa akin.

Umupo siya sa aking tabi. Tanong niya ako kung maaari niya ba akong kaibiganin.

Tumango-tango ako…

Kasunod noon nagpasalamat siya sa akin.

Wika ko, “Kung hindi niyo mamasamain…at kung inyong pahihintulutan paano po ba kayo nagkakilala nang Hadi Hagir!”

Wika niya, “sabi nila tadhana na raw ang dahilan kung bakit nagkikita ang isa’t isa… nagkita kami nang Hadezar matapos akong ipakilala nang aking ama sa kanya. Patawarin mo ako Hadezar pa rin ang tawag ko sa kanya…kahit noong mag-asawa pa kami iyon ang turing ko sa kanya, isang Hadezar. Napakakisig nang Hadi Hagir nang bata-bata pa siya. Nang una pa lamang kaming magkita agad nang nahulog ang aking loob sa kanya! Pinakilala siya sa akin ng aking ama dahil gusto niyang magkaroon ako nang asawa. Kaso pangatlo ako sa mga pinagpipilian. Kaya naglakas loob ako…at ako ang kanyang naging asawa! —Kayo ba paano ba kayo nagkakilala nang Hadi Yasir?”

Sinabi ko sa kanya na ang una naming pagkikita nang hadi Yasir ay sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar, kasabay nang pagsilang nang aking asawa bilang Hadezar. Matapos noon sinundan ito nang maraming pagkikita hanggang sa hingin niya sa aking tiyo at ama ang aking kamay bilang kanyang kabiyak.

Wika niya, “nakakatuwa naman kayo!”

Nagtaka ako. Naglaho ang kanyang pansin sa akin at nabaling sa mga durangaw. Napansin niya ang mga Jingkar na mistulang langgam na naglalakad sa baybaying dagat at may mga dalang malalaking mga kahoy. Sinabi niya sa akin na gagamitin iyon sa paggawa nang mga sasakyang pandagat na gagamitin nang mga Harith.

Muli lumingon siya sa akin. Wika niya, “mahal na mahal mo ang Hadi Yasir, hindi ba?” hindi ako nakasagot. “Kaya lang hindi ba…sinasaktan ka nang Hadi Yasir?”

Siguro nga isa itong patibong na sa bandang huli ay aking pagsisisihan.

Hindi ako nakaimik.

Dagdag niya, “huwag mo sana itong mamasamain kaya lang gusto kong malaman kung hanggang ngayon pa rin ba ay sinsaktan ka pa rin ng iyong asawa?”

Sinubukan kong ngumiti sa kanya…na parang walang nangyari. Ngunit tinago ko ang aking mga ngiti. Naging tikom ang aking bibig. Tinanggal ko ang aking pansin sa kanya.

Yumuko ako. Pinikit ko ang aking mga mata. Hinawakan niya ang aking kamay… at tinanong niya ako kung hindi ba kami magkaibigan, tulad nang kanyang hiningi sa akin at aking ibinigay.

Sinabi niya sa akin na maaari ko siyang pagkatiwalaan bagay na aking ginawa…at inamin sa kanya na hanggang ngayon ay sinasaktan pa rin ako nang Hadi Yasir! Bagay na isang kasinungalingan.

Wika ko, “nakakahiya!”

Wika niya, “wala kang dapat na ikahiya! Ako rin hindi lang ikaw…nasaktan na rin ako nang Hadezar. Nang Hadi Hagir. Pero wala silang kasalanan hindi ba?”

Napatingin ako sa Adi Atiya.

Nakita ko siyang umiiyak. Wika niya, “pinilit lang nila tayo…pinagbantaan…sinabihan ng kung ano-ano Paulit-ulit…Paulit-ulit hanggang wala ka nang maramdaman sa iyong sarili!  Kung hindi paghihigante?”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Tanong nang Adi Atiya sa akin, “sabihin mo sa akin ang totoo, alam ba nang iyong asawa na nandito ka sa aming tahanan?”

Umiling-iling ako.

Hinawakan niya ang aking kamay. Wika niya, “mabuti! —Alam mo kung ano ang gusto kong gawin…dito ka na lang tumira sa amin, ipaayos ko ang silid na ito, ito ang magiging silid mo kung gugustuhin mo! Dito ka na lang.”

Ngunit tumanggi ako.

Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Tanong niya, “bakit ayaw mo? Hindi maganda ang aming tahanan para sa iyo? Sabihin mo sa akin saan ka titira…sa masahol mong pinagmulan!”

Hinawakan niya ang aking kamay nang madiin. Sinabi ko sa kanya na nasasaktan ako.

Wika niya sa akin, “wala kang utang na loob! Tinanggap kita sa aking tahanan tapos ganito ang ipapakita mo sa akin, hindi ko alam na isa kang mapagkunwari Adi Hikmet…kunwari may pakialam ka!  Kinakaibigan mo ako…nagmamagandang loob ka iyon pala puro panloloko ang ginagawa mo.”

Bagay na aking itinanggi.

“SINUNGALING!” sinubukan kong kumawala ngunit hinatak niya ang aking kamay.

“WALA KANG UTANG NA LOOB!”

Sinabi ko sa kanya na tama na…na nasasaktan na ako! Nakiusap ako sa kanya…

Sinabi niya sa akin na hindi ko siya manloloko, na alam niyang nagsisinungaling ako at katulad lang ako nang iba. Tumanggi ako.

Hanggang bumukas ang pintuan nang silid at pumasok ang Hadi Naveed.

Tinawag nito ang Adi Atiya. Wika nito, “ina!”

Sinampal niya ako.

Lumapit ang Hadi Naveed sa amin. Inawat niya ang kanyang ina. Niyakap niya ang Adi Atiya \ hanggang sa hindi na ito makawala pa. Pinaghiwalay niya kami. Inilapit nang anak ang bibig sa tenga ng ina nito. Dahilan upang tumigil ang Hadezar at ngumiti ito.

Kumawala ito sa pagkakagapos sa mga kamay nang Hadi Naveed.

Wika niya sa akin, “O Adi Hikmet… napakaganda nang katulad mong walang muwang! Maaari kang maghintay dito! Aayusin ko lang ang ating kakainin… maiba ako hindi ba makasasama sa iyo ang pagkain nang maanghang?”

 Umiling-iling ako.

“Mabuti naman kung ganon…” Tugon niya sa akin. Kasunod noon tumalikod siya sa amin nang Hadi Naveed. Lumabas nang silid habang naiwan kaming dalawang nag-iisa nang kanyang anak.

Humingi nang tawad ang Hadi Naveed sa akin sa ginawa nang kanyang ina. Sinabi niya sa akin na hindi alam nang Adi Atiya ang kanyang mga ginagawa…na kung sa inaakala ko na hindi totoo ang mga kumakalat tungkol sa kanyang ina ay nagkakamali ako. Na hindi lamang basta-bastang tinatawag ang ina nito na hibang ng walang dahilan. Muli humingi siya sa akin ng tawad. Sinabi niya sa akin na ipapasundo niya ako sa Adi Sule bago pa lumala ang lahat. Kasunod noon tinalikuran niya ako. Lumabas siya nang bilugang silid at sinarado ang lagusan.

Siguro nga isa itong patibong…at ako ang pain nang aking asawa. Pumayag siya sa gusto kong gawin…dahil alam niyang hindi niya ako mapipigilan. Ngunit hindi ko alam kung ano ang pinasok ko…kung ano ang nagbabadya sa akin laban sa kakampi nang aming mga kalaban.

Naiwan akong nag-iisa sa loob nang silid…iniisip kung papaano ako makakaalis sa ginawa kong pagkakamali. Tumayo ako sa aking pagkakaupo. Umikot-ikot ako sa loob nang bilugang silid. Hinintay ko ang pagdating ng Adi Sule upang samahan ako na umalis at iwanan ang tahanan ng mga Parvana. Hanggang bumukas ang lagusan at sa paglingon ko nakita ko ang Adi Atiya at ang Hadi Mahdi kasama ang aking tiyo.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit sila nandito…kung ano ang ginagawa nila dito.

Nagbigay nang paggalang ang Hadi Mahdi sa akin bagay na aking tinanggap. Wika niya sa Adi Atiya, “hindi ko alam na may bisita ka pala Adi Atiya? Mukhang nagambala namin ang inyong pag-uusap.”

Wika nang Adi Atiya sa Hadi Mahdi, “siguro naman ayos lang sa Adi Hikmet na maimbitahan ko rin kayo sa tanghalian—Hindi ba Adi Hikmet?”

Bagay na aking sinang-ayunan.

Wika nang Adi Atiya, “mabuti naman kung ganon!”

Lumapit sa akin ang aking tiyo. Niyakap niya ako. Sinabi nito sa akin na hindi nito alam kung ano ang nangyayari…Na dapat sana ay magkakaroon lamang sila nang pag-uusap nang Hadi Mahdi sa tahanan nito nang biglang magbago ang isip nang Hadezar at pumunta sila sa tahanan ng mga Parvana.

Sinabi nang Hadi Mahdi sa Adi Atiya na hindi pa sila nito tinatanggap ng Hadezar. Bagay na hiningan ng tawad nang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana. Bago ito umalis para kumuha ng palanggana na may malinis na tubig at pamunas, sinabi nito sa amin na mayamaya lamang ay nakahanda na ang pananghalian. At saka ito umalis.

Hinayaan niya akong maiwan sa aking tiyo at sa kalaban ng aking asawa nang nag-iisa. Bumalik ako sa aking pagkakaupo. Hinihintay ang pagkakataon na dumating ang Adi Sule at gumawa nang dahilan upang umalis ako sa tahanang ito at talikuran ang araw na ito pabalik sa aking asawa.

Sa aming paghihintay kinamusta ako ng Hadezar ng tahanan ng mga Harith.

Bagay na aking tinugunan at sinabing mabuti ang aking kalagayan. Kasunod noon ibinalik ko sa kanya ang tanong at tulad nang aking sinabi…sinabi niya rin sa akin na mabuti din ang kanilang tahanan.

Tinanong ako nang Hadi Mirza kung hindi ba sa akin makakasama ang aking paglabaslabas gayong hindi magtatagal malapit na rin akong manganak. Bagay na aking itinanggi. Tinanong ako nang Hadi Mahdi kung ilang buwan na ang aking dinadala.

Sinabi ko sa kanya na walong buwan.

Sinabi sa akin nang Hadi Mahdi na may katwiran ang aking tiyo.

Hindi ako kumibo. Nanatili akong walang imik sa kabila nang takot na hindi ko hinahangad.

Tinanong ako nang Hadi Mahdi kung hindi ba makasasama sa akin ang panganganak sa panahon nang taglamig, baka hindi ko makayanan.

Bagay na aking itinanggi…Sinabi ko na nakahanda na ang lahat nang mga gagamitin namin

Bagay na ikinagalak nang Hadi Mahdi.

Lumapit ang Hadi Mirza sa malalaking dungawan nang silid. Ikinatuwa niya ang malawak na dalampasigan at malamig na hangin na nagmumula dito.

Matapos noon kinamusta ko sa kanya ang kalagayan nang kanyang ina. Sinabi niya sa akin na mabuti naman ang kalagayan nang kanyang ina…Tinanong niya rin sa akin kung ano ang sa tingin kong magiging kasarian nang bata at gayong kung may nakahanda na ba kaming ipapangalan sa kanya.

Sinabi ko sa kanya na hindi ko alam kung ano ang magiging kasarian nang bata Gayonpaman, sinabi ko na maraming nagsasabi sa akin na magiging babae ang aming magiging anak nang Hadi Yasir.

Wika niya, “magiging mapalad ang iyong asawa kung ang iyong ibibigay sa kanya ay anak na lalake!”

Tinanong sa akin nang aking tiyo kung ano ang ipapangalan ko sa aming magiging anak.

Sinabi nang hadi Mahdi na mahalaga ang ibibigay na pangalan sa isang bata. Na dapat yung katangi-tangi at may pakinabang. Yung madaling tandaan…

Sinabi ko sa kanila na pinag-isipan na namin nang Hadi Yasir ang bagay na iyan at napag-usapan. Sinabi ko sa kanila na kung lalake ang aming magiging anak nang aking asawa ay gustong isunod nang Hadi Yasir ang pangalan nito sa kanyang nakilalang tiyo na si Hadi Rahim at kung babae inisip namin na magiging maganda ang pangalang Atilla.

Hindi nagtagal pumasok ang Adi Atiya na may dalang palangganang naglalaman ng malinis na tubig at pamunas…Tinanggap nang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana ang aking tiyo at ang Hadi Mahdi. Inuna nang Adi Atiya ang Hadezar ng tahanan ng mga Harith. Kasabay nito kinamusta nang Hadi Mahdi sa Adi Atiya kung kamusta na ang pamamalakad nito sa tahanan nito. Bagay na sinabi nang Adi Atiya na masmaayos na ang lahat kaysa dati…Sinabi nito na nagawa na nitong makapag-usap sa mga may-ari nang lupa tungkol sa pagpapasimula ng mga kulang na tanim ng mga halaman ng Agave.

Bagay na nagustuhan nang Hadi Mahdi. Sinabi nang Hadi Mahdi na sa lalong paglamig nang mga panahon hindi maikakailangang mahihirapang mamunga ang mga halaman nang Agave at lalong ikinababahala ang pagpasok nang panahon ng taglamig.

Sinabi nang Adi Atiya na kahit papaano ay mga nakaimbak pang nakakalasing na mga inumin sa mga imbakan kaya walang dapat na ipag-alala.

Kasunod noon tinanong ng Hadi Mahdi ang Adi Atiya kung ano na ang balita sa pinagagawa nitong mga sasakyang pandagat bilang pandagdag sa gamit nang mga mangingisda…bagay na sinabi nito sa Hadezar ng tahanang kakampi nito na inuumpisahan na ang paggawa sa mga sasakyang pandagat na pinamamalakaran nang Hadi Naveed.

Matapos na tanggapin ng Adi Atiya ang Hadi Mahdi sunod nitong tinanggap ang aking tiyo.

Matapos noon lumabas ang Hadi Mahdi upang kumuha nang mga upuan…sinundan ito nang Adi Atiya pagkatanggap sa Hadi Mirza. Nang naiwan kaming dalawa sa loob nang bilugang silid. Tinanong ko ang aking tiyo kung ano ang tunay na dahilan kung bakit siya lumapit sa Hadi Mahdi at gustong makausap ito.

Sinabi niya sa akin na hindi ko maiintindihan. Hindi ko sa kanya na ipaunawa niya sa akin

Tinignan niya ako…habang nakaharap kami sa isa’t isa at nakaupo sa mga gawang upuang bato na nakadikit sa dingding nang bilugang silid. At sinabi niya sa akin kung ano ang tunay na dahilan.

Wika niya, “may balak ang iyong ama na angkinin ang aking katungkulan bilang Hadezar at patnugot nang tahanan nang mga Roshan! At alam ito nang iyong asawa at tinutulungan niya ito na mangyari ang kagustuhan nang iyong ama!”

Hindi na ako nagulat pa. Tinanong ko siya kung ano ang dahilan nang aking ama para gawin iyon nito.

Ngunit tumanggi ang Hadi Mirza na sabihin ito sa akin.

Hanggang sa muling pumasok ang Hadi Naveed sa bilugang silid…sinundan ito nang Hadi Mahdi. Dala na nila ang isang mahabang lamesa na kanilang buhat-buhat. Matapos noon sinundan ito nang Adi Atiya at Adi Sule na may mga dalang mga upuan. Pagkaayos nang mahabang kahoy na lamesa lumabas ang Hadi Naveed upang kunin pa ang isang upuan. Nang maayos na ang lahat sa loob nang bilugang silid tumulong ang aking tiyo sa pagkuha nang aming pananghalian. Sinamahan ito nang Adi Atiya at sinundan nang Hadi Mahdi habang naiwan kami nang Adi Sule at ng Hadi Naveed.

Bahagyang sinarado nang Hadi Naveed ang lagusan. Hiningi ko sa kanya kung maaari niya na akong ilabas sa kanilang tahanan ngunit paghingi lamang nang tawad ang naging tugon nito sa aking pagsusumamo. Sinabi nang Adi Sule na hindi nila ito magagawa…na walang paraan para itakas ako sa Adi Atiya at sa patibong na nilikha nang tahanan ng mga Parvana. Sinabi sa akin ng kapatid nang aking asawa na hindi na dapat pa akong pumunta dito simula’t simula pa lamang.

Ngunit anong magagawa ko, huli na ang lahat!

Sa pagpasok nang aking tiyo, nang Adi Atiya at nang Hadi Mahdi nagsimula na ang aming tanghalian. Sa mahabang lamesa nakahanda ang karne nang Tapir na hiniwa-hiwa nang pinungpino, binubudburan ng sarsa na gawa sa bunurong bunga nang jaboticaba. Sa tabi nito makikita ang mga nilutong sigay na pinakuluan sa singaw nang mga puno ng buri. Sa kabila nito ang kakanin na mula sa niligis na Manioc at niluto sa pugon na may kasamang mga butil ng mais. Habang sa magkabilang dulo ay ang mga pitsel na naglalaman nang mga nakakalasing na inumin na sayang lamang ay hindi ko maiinom at malinis na inuming tubig. Parehong nakaupo sa magkabilang dulo ang Adi Atiya at ang Hadi Naveed. Habang ako ay nakaupo sa tabi nang aking tiyo, nasa aking kaliwa ang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana habang nasa aking harapan ang Adi Sule at ang Hadezar nang tahanan ng mga Harith. Nagsimula kaming mananghalian.

Nagpasalamat ang Adi Atiya sa amin.  Sinabi nito na tunay siyang nagagalak sa aming pagpunta. Sa kanyang paanyaya. Bagay na kanyang tatanawin bilang isang utang na loob. Itinaas niya ang baso na may lamang nakakalasing na inumin. Dagdag niya, “para sa ikauunlad at pagpapatuloy nang ating mga tahanan!”

Nagpatuloy kami sa aming pagkain.

Kinamusta nang Hadi Mahdi sa Hadi Naveed ang pangangasiwa nito sa mga hinihingi nitong mga karagdagang mga sasakyang pandagat na gagamitin sa mangingisda nito.

Tumingin sa kanya ang Hadi Naveed. Napatigil ang Hadi Naveed sa pagnguya. Matapos lunukin ang kinakain nito sinabi nito sa amin na maayos naman ang mga nangyayari sa pagawaan ng mga sasakyang pandagat…na ang tanging masama lamang na nangyari ay ang pagkamatay nang isang Hadi na gumagawa sa pagawaan ng mga sasakyan.

Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Mahdi…gayong maging ito ay narinig din ang nakakalungkot na balita. Sinabi nang aking tiyo na hindi maiiwasan ang mangyaring ang bagay na iyon… na may mangyari mangyayaring aksidente. Na bahagi na siguro nang aming buhay ang mamatay at hindi ito dapat binabaliwala.

Wika nang Adi Atiya, “ngunit bukod lamang doon ay masasabi namang maayos ang gawain sa mga sasakyang pandagat. Ang totoo nga iyan kung hindi niyo naitatanong ay nagkaroon na nang botohan sa unyon nang gumagawa ng mga sasakyang pandagat at ang Hadi Naveed ang binotong panibagong pinuno nang samahan!”

Wika nang Hadi Mahdi, “mabuti naman kung ganon.”

Tanong nang Hadi Mirza, “Hadi Mahdi kung hindi mo mamasamain bakit ka nga pala nagpapagawa nang dagdag na mga bangka gayong sa iyong kinasasakupan ay marami naman nang mga sasakyang pandagat na maayos pa at maaari pang gamitin?”

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi sa tingin ko…sa nagdaang masamang panahon sa atin, marami ang nasirang mga sasakyang pandagat na hindi na maaaring pakinabangan pa. Marami sa mga sasakyang pandagat ko ang natangay nang mga malalakas na alon na bumaha sa dalampasigan. Sinira ang iilan at nagdulot nang kasawian sa aking mga pinapatnugunan! Ang kinatatakot ko ay lalo pa’t maaaring dumating ang mga susunod na masmalakas pang masamang panahon sa ating bayan gayong makabubuti na ang mag-ingat.”

Wika nang Adi Atiya, “parang kailan lang nang nagtatanghalian pa tayo Hadi Mahdi kasama ang aking yumaong asawa. Hindi ba?”

 Bagay na sinang-ayunan nito.

Kasunod noon narinig ko ang pagtawag sa akin ng Hadi Mahdi dahilan upang mapalingon ako sa kanya. Tanong niya, “totoo ba na hanggang ngayon ay sinasaktan ka pa rin nang iyong asawa?”

Napatingin sa akin ang aking tiyo.

Ngumiti ako. Sinabi ko, “hindi ko alam na maging kayo ay nakikinig sa mga bulung-bulungan, Hadezar!”

Wika niya, “kung ganon walang basihan ang mga sinabi sa akin ng Adi Atiya?”

Tumingin ako sa Adi Atiya. Pinagkatiwalaan kita…

Hindi siya umimik.

Wika niya, “totoo ba ang sinabi sa akin nang Adi Atiya? Na hanggang ngayon ay sinasaktan ka pa rin nang iyong asawa Adi Hikmet?”

Hindi mo lamang ako inilagay sa alanganin bagkus hinayaan mo pang masira ang pagtitiwala ko sa iyo!

Pinilit ako nang Adi Atiya na sabihin ko sa kanila kung ano ang sinabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay. Hinawakan niya ito nang mahigpit. Sinubukan kong magpumiglas.

Wika nang Adi Atiya, “ang totoo iyan…” Lumingon sa akin ang Ading hibang.

Nakita ko ang pag-aalala sa aking tiyo.

Wika nang Hadi Mirza, “ano ang totoo, Hikmet?”

Pagpupumilit nang Adi Atiya, “sige na Adi Hikmet… sabihin mo na sa kanila ang totoo! Kailangan nilang malaman ang totoo!”

Tumingin ako sa Ading hibang. Sa Ading handang makinig sa akin sa mga sandaling kagaya nito at handang alalayan ako sa mga sandaling kagaya nito. Nagkamali siya nang sasaktan.

Tumango-tango ako sa kanya bilang tugon. Lumingon ako sa kanila. Kasunod noon sinabi ko kung ano gusto nilang marinig.  Nang gabi bago ang lahat ng ito, nanaginip ako…nanaginip ako nang isang masamang panaginip. Napanaginipan ko ang kamatayan nang aking asawa. nakabigkis siya sa isang punong tuod, nakaluwa ang kanyang tiyan at bituka habang nakabagsak ang kanyang ulo. Nakakatakot ang panaginip na iyon, na makita mo ang lahat nang iyong pinapangarap ay mautas mula sa iyong mga salita at mawala sa iyo nang tuluyan.

Wika ko, “sinasaktan niya pa rin ako!” nagsimulang mamunto ang aking mga mata, mabalot nang luha ang aking mga paningin. Napayuko ako sa kahihiyan…Doon nagsimula ang pagtulo nang aking mga luha.

Nagulat ang Hadi Mirza. Nagalit ang Hadi Mirza. Wika niya, “akala ko ba hindi ka na sinasaktan nang iyong asawa? Dinadala mo ang kanyang magiging anak sa iyong sinapupunan, wala siyang utang na loob.” Isang kasinungalingan. “Tinuring namin siyang parang bahagi nang aming tahanan!” Isang kasinungalingan. Tumayo ang Hadi Mirza mula sa pagkakaupo nito.

Sinubukan siyang pigilan nang Hadi Mahdi.

Isa itong pagkukunwari…ang lahat nang ito ay patibong! Ako ang kanilang panghibo at ang aking tiyo ang kanilang panauhin sa pagganap na ito.

Wika nang Hadi Mirza, “sinaktan niya ang aking pamangkin. Pinagbantaan ko na siya noon sinabi ko na sa kanya na kapag inulit niya pang saktan ang aking pamangkin papatayin ko siya. Papatayin ko siya!”

At iyon ang totoo…iyon ang totoo! Lumabas din ang lahat sa kanilang mga labi ang kagustuhan nilang saktan ang aking asawa. Ang patayin ang Hadi Yasir at tuluyang pabagsakin ang tahanan ng mga Barakat.

Wika nang Hadi Mahdi, “pakiusap Hadi Mirza bakit hindi ka muna umupo. Pakinggan natin ang kung anoman ang sasabihin sa atin nang Adi Hikmet. Pakiusap!”

Umiling-iling ang Hadi Mirza. Wika nito, “hindi…”

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi natin pwedeng patayin ang Hadi Yasir. Sa gagawin mong iyan lilikha ka lamang nang kaguluhan. Sabihin mo Hadi Mirza nakalimutan mo na ba ang nangyari sa pagitan nang aking tahanan at nang tahanan ng mga Ardashir?”

Wika nang Adi Atiya, “tama ang sinabi nang Hadi Mahdi. Parang awa mo na…Hadi Mirza, umupo ka.”

Napilitang umupo ang aking tiyo…nabaling ang mga atensyon ng mga ito sa akin…

Tanong nang Hadi Mirza, “kung ganon ano ang gagawin natin! Hindi ako uupo lang dito at walang gawin sa walang utang na loob na iyon!”

Wika nang Hadi Mahdi, “mula sa simula pa lamang ay ginagamit at niloloko na tayong lahat nang Hadezar nang tahanan nang mga Barakat. Pinapaikot niya lamang tayo sa kanyang mga kamay nang tulad nang isang laruan! Hindi ko ito inakala na magagawa nang Hadi Yasir sa Adi Hikmet. Iba ang pagkakakilala ko sa bata…ngunit mukha sa mga nangyayari ngayon sa ating bayan. Sa mga naririnig ko sa laban sa kanya na hindi maganda, lalo pa’ t ngayon nalaman ko na totoo pala ang kumakalat na bulong-bulungan na sinasaktan pa ito nang Hadi Yasir ay sa tingin ko ay kailangan nating paniwalaan ang mga kumakalat ngayon!”

Pinikit ko ang aking mga mata.

Wika nang Hadi Naveed, “sa tingin niyo po ba ay magagawa iyon nang Hadi Yasir?”

Umalma ang aking tiyo. Tanong niya sa Hadi Naveed, “anong ibig mong sabihin Hadi Naveed na nagsisinungaling aking pamangkin sa akin…sa atin? Hindi kayang magsinungaling nang aking pamangkin! Malamang iyan wala siyang nalalaman sa ginagawa nang kanyang asawa!”

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi sa tingin ko Hadezar! Sa tingin ko alam niya kung ano ang ginagawa nang kanyang asawa…isang taon na silang nagsasama, hindi magtatagal isisilang niya ang kanilang panganay malabo na wala siyang nalalaman kahit ano!”

Wika nang Hadi Mirza, “pero hindi ba dapat ka rin sisihin, Hadezar! Ikaw ang may kagagawan nang lahat nang ito! Simula pa lamang ikaw na ang naglagay sa Hadezar nang tahanan nang mga Barakat sa kanyang katungkulan!”

Tanong nang Adi Atiya, “sa tingin mo?”

Wika nang aking tiyo, “ano pa nga ba…ngayong malinaw na sa akin ang lahat mula sa simula pa lamang ang lahat nang ito ay kagustuhan at pinaghandaan nang Hadezar nang tahanan nang mga Barakat laban sa tahanan ng mga Harith. Simula’ t sapul pa lamang ikaw na ang may kagagawan nito, kung hindi mo nilagay ang iyong pagmamataas at pagmamalabis sa kalipunan nang mga Hadezar hindi mangyayari ang lahat nang ito…ang madamay ang lahat!”

Lumingon ako sa Adi Atiya. Tumingin siya sa akin. Tinignan niya ako.

Tanong nang Adi Atiya sa akin, “mayroon ka pa bang hindi nasasabi sa amin Adi Hikmet?”

Mofe iwou Adi Hikmet!

                                                                        Kailangan Kita Adi Hikmet!

Alam ko!

Tumango-tango bilang sagot.

Wika ko, “akala ko” tinanggal ko sa pagkakapatong ang aking mga kamay sa lamesa. “Magiging ayos na ang lahat…pero sinimulan niya na naman akong saktan. Gabi-gabi na lang pagkagaling niya sa tahanan ng mga Ardashir…” Nakapatong ang aking mga kamay sa isa’t isa, ang kaliwa sa kanan. Niyayapos nang aking mga daliri ang likuran nang kanan kong kamay. “Matapos siyang makainom…sinusubukan niya akong gahasain at saktan!” alam ko kailangan ko itong gawin. Diniin ko ang aking kaliwang kamay sa aking mga nakapamaluktot na mga daliri. Yumuko ako. Hanggang tumulo ang luha sa aking mga mata. “wala akong magawa! Takot na takot ako! Pinipilit niya ako! Wala akong magawa…”

               Mofe waxa’açzi dubro’dhoshlhe.

                                                                                        Kailangan Ka Nang Aking Tahanan.

Nagtaka ang Hadi Naveed, “ano ang ginagawa niya sa tahanan nang mga Ardashir gabi-gabi?”

Wika ko, “sinasanay siya nang Hadi Khalil na maging Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir kapalit nang pamumuno nito dito at maging tagapagmana nang tahanan!”

Wika nang Hadi Naveed, “hindi ba labag iyon sa batas ang maging Hadezar nang dalawang makapangyarihang tahanan? Alam ko ipinagbabawal ito!”

Alam ko!

Wika nang Hadi Mahdi, “kailan ito nangyari?”

Wika ko, “noong pumunta ang Hadi Khalil sa libing nang isa naming mga may-ari nang mga sakahan bago ang masamang panahon na tumama sa ating bayan. Ibinigay nang Hadi Khalil sa aking asawa ang tagapagmana nang kapangyarihan sa pamumuno sa tahanan nang mga Ardashir…Kapalit noon ang pagtakwil nito sa tahanan nang mga Barakat upang maging Hadezar at gawin akong kapalit niya sa pamumuno at pagiging Hadezar nang kanyang tahanan doon, makukuha namin ang dalawang makapangyarihang mga tahanan upang pabagsakin ang inyong tahanan, Hadi Mahdi!”

Wika nang Hadi Mirza, “sabi ko na nga ba…iyan ang mangyayari!”

Tumingin ako sa Adi Sule. Hindi niya magawang makatingin sa akin. Isa itong pagtataksil sa kanyang kapatid. IYON ANG TOTOO AT MALINAW.

Wika nang Hadi Mahdi, “wala nang iba pang dahilan—akala niya ako ang pumatay sa kanyang ina…ako ang nanakit sa kanyang ina kaya niya ginagawa ang lahat nang ito, ang putulin ang ugnayan nang aming mga tahanan, ang tanggapin ang kagustuhan nang Hadi Khalil na gawin siyang Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir…pinagkatiwalaan ko ang matandang Hadezar, pinagkatiwalaan ko ang iyong asawa, ganito lang ang igaganti nila sa akin!

Wika ko, “isa pa…” at nagsimulang tumulo ang luha sa aking mga mata. Wika ko, “gusto niyang patayin ang Hadi Khalil!”

Nagulat ang Adi Atiya. Wika nito, “o mahabaging langit!”  kaagad lumapit siya sa akin at sinubukan niya akong yakapin nang tulad sa isang tunay na kaibigan.

Pagtataka nang hadi Naveed, “sigurado ka? —pero bakit?”

Tugon nang Hadi Mahdi, “para lalo siyang maging malakas. Para magawa niyang angkinin ang lahat! Iyon ang totoo…pinaikot niya ang matandang hadezar tulad nang pagpapaikot niya sa ating lahat!”

Narinig ko ang pagngisi nang Hadi Naveed.

Wika ko, “papatayin niya ako…papatayin niya kami.” Sinubukan akong patahanin nang Adi Atiya. MANLOLOKO. Sinabi niya sa akin na wala akong kailangang ipag-alala…na walang mangyayari sa aming masama nang aking magiging anak. SINUNGALING.

Maging ang aking tiyo ay napaniwala nila. Wala siyang kaalam-alam na ang lahat nang ito ay isang pagkukunwari lang. Na inuuto lamang siya nang lahat nang nandito. Tapos sasabihin niya sa akin na wala siyang nalalaman kung bakit nagbabalak ang aking ama laban sa kanya, maging ang aking mga kapatid? Wala siyang nalalaman na kahit ano. Hindi ang aking asawa ang nagpapaikot nang lahat nang ito, kung hindi ang Hadi Mahdi!

Wika nang Adi Atiya sa akin, “magiging ayos lang ang lahat, iyan ang pinapangako ko sa iyo!”

WALA KANG UTANG NA LOOB.

Kasabay nito bilang tumayo ang Adi Sule mula sa pagkakaupo nito at lumabas ito ng bilugang silid.

Tanong nang aking tiyo sa Hadezar nang tahanan ng mga Harith, “kung ganon ano na ang gagawin natin ngayon Hadezar?”

Sinandal nang Hadi Mahdi ang kanyang likuran sa sandalan nang upuang kinauupuan nito. Lumingon ito sa aking tiyo at sinabing, “kailangan nating pigilan ang Hadi Yasir, iyon lang ang tanging paraan. Kailangan nating isipin at paghandaan ang mga gagawin natin!”

Nagtagumpay sila sa kanilang mga binabalak laban sa aking asawa. Hanggang sa nawalan ako nang malay.

Nang gabi iyon, nanaginip ako… nanaginip ako ng isang masamang panaginip. Napanaginipan ko ang kamatayan nang aking asawa. Nakabigkis siya sa isang punong tuod, nakaluwa ang kanyang tiyan at bituka habang nakabagsak ang kanyang ulo. Naroroon ako. Nakikita ko siya…habang nasa harapan niya ako. Pinuputakte nang mga makamandag at gumagapang na mga hayop. Pinang-iibabawan nang mga uwak na may nakaririmarim na mga huni.

Nang dinilat ko ang aking mga mata nakita ko ang Adi Sule na nagbabantay sa akin. Sinubukan kong bumangon ngunit pinigilan niya ako. Sinabi niya sa akin na huwag akong kumilos. Bagay na aking ginawa. Binigyan niya ako nang aking makakain. Sinabi niyang kailangan kong kumain…kailangan kong maging malakas. Iniabot niya sa akin ang isang pinggan na may lamang karne ng tapir at kakanin.

Nagpasalamat ako. Kinuha ko ito at kumain ako…Tinignan niya ako. Tinanong ko siya kung bakit.

Tanong niya, “paano mo nagawa iyon Adi Hikmet?”

Binaba ko ang aking hawak na pinggan at kutsara habang nakasandal ang aking katawan sa uluhan nang higaan at nasa aking mga kamay ang pinggan at kutsara.

Wika ko, “hindi ko alam. Pero kailangan ko iyong gawin!”

Wika niya sa akin, “sinira namin siya, ako, ang Adi Makbule ang aming ina. Kami ang sumira sa kanya upang sa gayon ay maging isa siyang Hadezar. Bagay na ngayon ay labis naming pinagbabayaran. Hindi ko alam na pati ikaw maaatim mong sirain ang aking kapatid. Akala ko nagbago na ang lahat! Kapag nawala sa iyo, ang lahat, ang magiging anak mo, ang buhay mo, sa huling hininga mo pinapangako ko maaalala mo kung ano ang sinabi ko sa iyo: hindi ka dapat nandito! Hindi mo siya kilalang lubusan…hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin!”

Wika ko sa kanya, “pero alam ko! Alam ko kung ano ang kaya niyang gawin kaya ko ito ginagawa”

Tumayo siya sa pagkakaupo sa aking tabi. Wika niya, “mayamaya lang nandito na ang Hadi Walid…susunduin ka niya!”

Matapos noon umalis ako sa tahanan ng mga Parvana, pabalik sa aming tahanan ng aking asawa. Sa paglabas ko kasama ni Amarok at ang Hadi Wald na siyang nagpapatakbo nang asong-gubat, pinagmasdan ko ang malawak na dalampasigan at ang mga sasakyang-pandagat. Sinabi ko sa Hadi Walid, “ang ganda!” Bagay na kanyang sinang-ayunan. Hindi niya ako tinanong kung ano ang mga nangyari…siguro alam niya kung ano ang aking mga sinabi at ginawa.

Nagpatuloy kami sa aming paglalakbay. At sa pagbalik ko sa tahanan nang mga Barakat, nakita ko ang aking asawa na nag-iintay sa akin sa labas nang bulwagan. May hawak-hawak itong maliliit na mga tutang asong-gubat. Lumapit ako sa kanya.

Tinignan niya ako at sa paglapit ko hindi niya inalis ang kanyang tingin sa akin habang nakangiti.

Umupo ako sa kanyang tabi. Lumingon siya sa akin. Hinalikan ko siya. Ibinigay niya sa akin ang isa sa mga hawak niyang tuta.

Tanong niya, “mukhang napagod ka!”

Tumango-tango ako.

Wika niya, “may tinira akong pagkain diyan! Kung gusto mo kumain ka, ipaghahanda kita.”

Sinabi ko sa kanya na kumain na ako bago ako umalis sa tahanan ng mga Parvana.

Tanong niya, “ano na ang gagawin natin ngayon, manasivah!”

Wika ko, “kailangan mong patayin ang Hadi Khalil!”

Hindi ito umimik.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya. Hinintay ko siya na may sabihin sa akin na hindi maganda…na sabihing nagkamali ako na ginawa at mga nangyari. Na hindi na dapat pa akong pumunta sa tahanan nang mga Parvana. Iyon ang totoo. Ngunit tumingin lamang siya sa akin. Hindi niya inalis ang kanyang tingin sa akin habang nagsimulang kumawala ang hawak niyang asong-gubat sa kanyang kamay. Natatakot akong madismaya siya sa akin.

Wika niya, “sige…”  Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

UMAGA

Nanaginip ako. Nanaginip ako ng isang masamang panaginip. Nanaginip ako nang panaginip na parang totoong-totoo. Na sa sobrang totoong-totoo hindi ko na alam kung nananaginip pa nga ba ako o hindi. Ngunit hindi ko ito pinagsawalang bahala, ni minsan hindi ko pinagsasawalang bahala ang aking mga. Ang aking mga panaginip ay nagkakatotoo.

Nang dinilat ko ang aking mga mata nang umagang ito, nakita ko ang basag na sulyaw na nasa sahig nang aming silid. Ang bumagsak na mataas na lamesa na pinaglalagyan ng mga gamit ng aking asawa. Ang mga nakakalat na gamit nang Hadezar. Ang nakatuping sulat na malapit sa nakataob na lamesa. Nakahilis ako nang higa. Nakatagilid sa kanya sa takot na baka makita ko ang kanyang mukha at makaramdam ako nang matinding galit na hindi ko pa nararamdaman. Natakot ako na makita siya…natakot ako na baka mangyari ang aking mga kinatatakutan at magkatotoo ang aking mga panaginip. Ang mawala siya sa akin, ang hindi ko na siya makita pang muli.

Sinubukan kong humiga na ang aking likod ay nakadapa sa aming kama. Sa paghiga ko nabaling ang aking pansin sa kisame nang aming silid. Ang pagal na mga kahoy na walang kahit anong larawan ang nakakatawag sa aking pansin… ang mga nabubulok na bahagi na unti-unti nang nasisira at kinakailangan nang palitan. May liwanag mula sa nauupos na apoy na nakababad sa sulyaw na may timsim. Bahagyang nakabukas ang aming silid at nandito ang itim na asong-gubat na binabantayan ang aking pagtulog.

At nang mabaling ang aking pansin sa kung nasaan siya madalas na humihiga wala siya sa aking tabi…hindi siya natulog sa aming silid. Hindi niya ako hinanap o pinagmalabisan…hanggang ngayon nagmamatigas pa rin siya sa akin. Hanggang ngayon nagmamatigas pa rin ako sa kanya. Siguro masyado kong hinayaan ang kanyang mga layaw sa takot na hindi ko siya maunawaan at matanggap. Ang totoo hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling mawala siya sa akin, o mawala sa amin ang lahat.

Nilapag ko ang aking kamay sa bahagi nang kama na madalas niyang hinihigan. Hinawi ko ito sa aking kamay at saka ko binalot ang aking mga kamay, nilukot ko ito na handa nang pagsang-ayon at pagtalima sa aking mga kamao.

Tumayo ako sa aking hinihigan. Sinuot ko ang sandalyas na nasa sahig sa paanan nang aming higaan. Nagtaka ako. Nagtaka ako dahil hindi ko maalala na dinala ko ang aking mga sandalyas sa loob pagpasok ko sa aming silid…siyang tunay na hindi ko dinala…nandito siya kanina, nandito siya kanina at hindi ko man lamang namalayan na nandito siya kanina, hindi niyaman lang ako ginising. Nagbihis siya bago siya kumilos at sinimulan ang umagang ito.

Kinuha ko ang balabal na nakasabit sa uluhan ng aming higaan. Ibinalot ko ito sa aking katawan…Tinago ang aking mga braso at mga kamay sa lamig nang umagang ito na hindi pa sumisikat ang araw at malilim pa ang mga ulap na nagtatago sa magandang kalangitan na kulay abo sa mga sandaling ito.

Kasabay nang aking paglabas, sinutsutan ko si Amarok. Tinawag ko siya mula sa kanyang pagkakahiga sa paanan ng aming kama. Sumunod siya sa aking paglabas sa aming silid. Sinarado ko ang lagusan at nagpatuloy…

Sa aking paglalakad, naamoy ko ang niluluto sa loob nang aming silid-lutuan. Ang ginagawang pagluluto nang aking asawa para sa aming agahan. Nagtungo ako sa loob nang aming silid-lutuan. Nakita ko ang Hadi Yasir nakatalikod sa akin at nagluluto. Amoy mo ang mahalimuyak na amoy nang pagkain. Ang karneng ginigisa sa sarsang may maanghang na pampalasa at pulang bunga na niligis at niluto sa malalim na kawali. Nakabukas ang pugon sa loob nang silid. Naghahanda ang aking asawa nang tinapay na siya mismo ang may gawa at natutunang gawin sa pakikihalubilo niya sa mga nasasakupan nang tahanan ng mga Ardashir…isang tinapay na walang lebadura na may, pinong-pino sa pagkakalapad, walang lasa at amoy-pinipig….

Kalat sa buong paligid ng silid ang amoy nang kanyang niluluto…Napakasarap na amuyin ang maginhawang halimuyak na nakakagutom sa sikmura.

Lumapit sa kanya si Amarok. Sinusuyo siya nang aming alaga. Napilitan na rin akong pumasok sa loob nang silid. Hindi nakapagtatakang magiliw sa kanya ang aming mga alaga…siya ang nag-alaga sa mga ito at nag-asikaso. Ang kabutihan nang kanyang puso ay tago sa kanyang mga paghihigante at pagmamatigas.

Nagtungo ako sa kung nasaan ang mga nakataob na pitsel. Hinugasan ko ito at kasunod noon tinabuan ko ito nang tubig sa banga.  Matapos noon ipinatong ko ito sa ibabaw nang gawaang lamesa. Lumapit ako sa kanyang tabi… kumuha ako nang mga pinggan, sulyaw at mga kubyertos na nasa tabi nang lutuan. Ibinigay ko sa kanya ang sulyaw at dalawang pinggan…habang dinala ko ang iba pa sa ibabaw nang mataas na lamesa na nasa gitna nang silid. Tinanggal ko ang mga gamit sa ibabaw nang gawaang lamesa. Inilipat sa ibang lamesa na nasa loob nang silid lutuan kasunod noon sinimulan kong ayusin ang lamesa. Pinagharap ang dalawang pinggan sa magkabilang dulo nito. Inibabaw ang mga kubyertos at inilagay ang mga upuan sa magkabilang dulo.

Kumuha nang isa pang sulyaw ang Hadi Yasir. Kasunod noon sinalukan niya ito nang sarsa na may karne nang Saola. Dinala ito sa labas nang silid-lutuan na sinundan ni Amarok, dahilan upang lumabas din ito nang aming silid. Kasunod noon kinuha ko ang mga tinapay na walang lebadura sa loob nang walang apoy na pugon. Ipinatong ko ito sa ibabaw nang mataas na lamesa sa pagitan nang dalawang pinggan. Kumuha na rin ako nang mga baso at inilagay ang mga ito sa kung nasaan ang mga pinggan. Sa pagbalik nang aking asawa kinuha niya ang ibinigay kong malaking sulyaw. Inilagay niya ang halos lahat ng laman nang malalim na kawali sa malaking sulyaw. Matapos nito ipinatong niya ang sulyaw sa ibabaw nang kahoy na lamesa at nilagyan nang panandok. Ibinigay niya ang buong kawali kay Amarok upang manimot.

Sinabi ko sa kanya na hindi niya lang basta-basta mapapaalis si Amarok…

Hindi siya kumibo. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinakausap. Wala siyang balak na kausapin ako. Magkasama kaming nag-almusal. Kumain kaming magkaharap kapwa sa isa’t isa, kapwa parehong nasa magkabilang dulo nang mataas na lamesa habang kumakain ng kanyang nilutong tinapay na walang lebadura na may palaman nang sarsa na may karne nang Saola. Kumuha siya nang nakakalasing na inumin. Uminom siya kahit higit pang maaga para gawin ito.

Nakabibingi ang katahimikang pumapalibot sa amin ngayong umaga…ngayon lamang nangyari ito na walang sinoman sa amin ang gustong magbigay…Madalas ako ang nagbibigay sa kanyang mga pagkakamaling nagawa sa akin, ako ang umuunawa at tumatanggap…ngunit hindi ko na alam kung magagawa ko pang pagtiisan ang nakabibinging katahimikang ito. Tumingin ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang pagal niyang itsura. Ang huwad na pagiging kanyang mahinahon. Ang kanyang maingat na pagkilos. Binaba ko ang hawak kong kutsara sa aking pinggan. Tinanong ko siya, “kung ganon saan ang punta mo ngayon?” isang pagal na tanong sa kanyang mapagpanggap at sinungaling na mga pagkilos.

Lumingon siya sa akin. Sinabi niya, “pupuntahan ko ang Hadi Basir, ngayon…mukhang may hindi magandang pakikitungo ang matandang Hadi sa mga dayuhang nagtatrabaho sa kanya at hindi siya mapilit nang kanyang mga anak na baguhin ang asal na madalas ay sinasawsawan pa nang asawa nito!”

Nagtaka ako, “hindi ba isang Qaa ang asawa nang Hadi Basir?”

Tumango-tango siya sa akin bilang tugon. Wika niya, “ang totoo hindi ko na alam ang gagawin ko, kung anong pagtingin ang gustong ituring nang mga may-ari nang lupa sa mga dayuhan…kahit ang mga dayuhan umaalma sa pakikitungo sa kanila nang ating mga nasasakupan. Nangangamba ako na baka paghantungan pa ito nang kaguluhan!”

Wika ko sa kanya, “hindi mo maiiwasan na magkagulo…bahagi iyon nang iyong pamumuno. Ang mahalaga ay paghandaan natin ang mga susunod na pagkilos!”

Ngumiti ang Hadi Yasir sa aking sinabi. Sinabi niya, “tama ka!”

Tanong niya sa akin, “kung gusto mo bakit hindi ka sumama sa akin…makabubuti na makita ka nila…tiyak matutuwa ang anak na babae nang Hadi Basir pagkakita sa iyo.”

Sinabi ko, “ikaw na lang…gusto ko man na kumilos ngunit nangangamba ako na baka wala akong magawa at isa pa hindi ko na rin kagustuhan ang magkikilos pa!”

Tanong niya sa akin, “hindi ba palagi kayong nag-uusap nang anak nang may-ari nang lupa?”

Sinabi ko, “Oo…”

Wika niya, “kung ganon sayang naman kung hindi ka sasama…isa pa ano rin naman ang gagawin mo dito hindi ba?”

Tinignan niya ako.

Tumingin ako sa kanya.

Hindi ako umimik. Sa halip ngumiti ako. Nginitian ko ang kanyang pabagsak at pagdududa…may dahilan ang kanyang pagdududa at tama siya; tama siya na nagsisinungaling ako sa kanyang mga pagal at malamlam na pagngiti na akala mo kaya niyang basahin kung ano ang susunod mong gagawin. Ngunit hindi niya naiintindihan kung ano ang kaya kong gawin…Ngumiti ako. Ngumiti ako sa kanyang kahambugan. Sa kanyang marahan na pagkilos at lubhang pag-iingat sa mga susunod niyang mga gagawin— O sasabihin!

Hindi ako katulad niya. Pinagmasdan ko ang kanyang pagkain. Pagkatapos nito tumayo siya sa kanyang kinauupuan sa aking harapan. Nilapag niya ang kanyang pinggan sa hugasan. At kinuha ang baso at muli itong tinagayan nang nakakalasing na inumin, saka siya lumingon sa akin…

Kung pwede lang naming kalimutan ang mga nangyari kagabi. Ngunit hindi ko pwedeng kalimutan na sinaktan niya ako, ako habang dinadala ang kanyang magiging anak, ang kanyang pangarap at panaginip…ang kanyang panganay.

Wika ko, “sa tingin ko kailangan na natin tigilan ito!”

Nagulat siya.

Pagpapatuloy ko, “alam ko may nagawa akong mali! At hindi ko gusto na magkaganito tayo…na hindi nag-uusap! Ayoko nang makipag-away sa iyo!”

Wika niya sa akin, “ako rin, hindi ko rin gusto ang ginagawa ko! Ang hindi tayo nag-uusap. Kaya makabubuti pa, bago pa lumala ang lahat, tigilan mo na ang ginagawa mong pagpunta sa Adi Atiya.”

“Hindi!”

Nagalit siya sa akin. Binawalan niya akong makipagkita sa Adi Atiya o pumunta sa tahanan nang mga Parvana…sinabi niya sa akin na hindi na ito kailangan pang pag-usapan. Na hindi ito isang pag-uusap kung hindi isa itong utos mula sa kanya. Ngunit umangal ako. Sinabi ko sa kanya na gagawin ko pa rin ang pakikipagkita sa Adi Atiya, o ang pagpunta sa tahanan ng mga Parvana kahitman tumutol siya sa aking gagawin o samahan niya ako.

Sinabi niya sa akin bakit ba mahirap kong intindihin ang kanyang mga pag-aalala. Na matigas ang ulo ko at padalosdalos ako sa aking pagkilos. Na alam kong hindi ito magiging maganda sa aming tahanan…na higit sa lahat ay niloloko lamang ako nang Adi Atiya. Na ginagawa niya lamang ito para makuha niya kung ano ang gusto nito at maagaw ako sa kanya

Alam ko.

Tama siya.

Pero hindi ako magtitiis na lamang dito at magsasawalang bahala na maulit na naman ang lahat, dahil paulit-ulit na lamang ang kanyang ginagawa at wala nang nangyayari sa amin.

Sinabi ko sa kanya, “gusto mong sundin kita at tigilan ang kahibangang ito, kung ganon humingi ka sa akin ng tawad at aminin mo na ikaw ang nagkamali at hindi ako. Na ikaw ang sumira nang iyong pangako…hindi ako, at pinapangako ko sa iyo hindi na ako pupunta o makikihalubilo sa Adi Atiya kailanman, kung iyon ang gusto mo, Hadi Yasir.” Pero hindi niya ginawa. Sa halip nanatili siyang nakatayo…nakatingin sa akin. “kita mo na maging ikaw hindi mo rin kaya ang tumupad sa iyong mga pangako!”

Lumabas ako nang silid-lutuan ng aming tahanan. Iniwan ko siyang nag-iisa sa loob nang silid-lutuan. Galit na galit ako sa kanya…isang bagay lamang ang hinihingi ko sa kanya bakit hindi niya pa kayang ibigay sa akin. Mahirap bang humingi nang tawad sa pagkakamaling siya mismo ang may gawa…kaya ko siyang patawarin at pagbigyan, kung gugustuhin ko kalilimutan ko ang kanyang ginawa sa akin. Pero gusto ko humingi siya sa akin nang tawad…buong-buo at may katiyakan.

Bumalik ako sa aming silid. Pinigilan ko si Amarok sa pagsunod sa akin. Pumasok ako sa loob ng aming silid, sinarado ang pintuan at nanatili sa loob nang aming silid.

Mabuti na siguro ang ganito ang hindi kami nag-uusap. Ang hindi namin kayang unawain ang isa’t isa. Narinig ko ang pagkalmot ni Amarok sa pinto nang aming silid. kasunod noon narinig ko ang Hadi Yasir na sinutsutan si Amarok at tinawag…

Nananatili ako sa loob ng aming silid. Nakita ko ang sulat na nakakalat sa sahig, malapit sa aming higaan. Kinuha ko ito… Itinago sa aking mga kamay. Hindi niya ako papayagang umalis ngayong araw. Pipigilan ako nang sinoman na hahadlang sa akin sa pagpunta sa tahanan ng mga Parvana at makipagkita sa Adi Atiya.

Kumuha ako nang mga damit na susuotin niya sa kanyang pag-alis nang aming tahanan at pagpunta sa taniman nang mga puno nang buri. Kasunod noon lumabas ako sa aming silid. Sa pagbukas nang pintuan nakita ko si Amarok na nakaharang sa lagusan. Nakahiga siya sa sahig na mistulang maamong hayop na napagalitan. Nilaktawan ko siya sa aking pagtawid. Nagtungko ako sa loob ng bukalan-silid upang dalhin ang kanyang mga pamalit na damit sa loob nang bukalan. Sa pagpasok ko nakita ko siya sa loob nang bukalan, nagbababad sa mainit na tubig nang bukalan.

Ipinatong ko ang mga ito sa mataas na lamesa na malapit sa lagusan.

Tinawag ko siya.

Lumingon siya sa akin.

Sinabi ko sa kanya na hindi ko siyang gustong makitang umalis sa aming tahanan na lasing at lango. Na kung aalis siya at maghihintay ako sa loob nang aming tahanan gusto ko na lumabas siya nang maayos. Na walang masasabi ang iba laban sa kanya o sa akin. Tinanong ko siya kung nagkakaintindihan ba kami bagay na kanyang sinunod. Hiningi ko sa kanya na pagkatiwalaan niya ako, na alam ko kung ano ang ginagawa ko.

Datapwat wika niya, “papaniwalain ka niyang kaibigan ka niya! Sasabihin niya sa iyo kung ano ang gusto mong marinig. Ngunit ang totoo noon may iba siyang dahilan kung bakit gusto ka niyang kaibiganin. Ganon ang Adi Atiya!”

“Alam ko…”

“Hindi mo nauunawaan!”, giit niya, “hindi mo alam ang takot na ibinibigay mo sa akin!”

“Alam ko! Hindi ko hinihingi ang pahintulot mo. Gusto ko lang magpaalam.”

Hindi siya kumibo.

Kasunod noon iniwan ko siyang nag-iisa sa loob nang bukalang-silid.

Hindi nagtagal, iniwan niya rin akong nag-iisa sa loob nang aming tahanan. Nakasuot siya nang itim na Báta na gawa sa hinabing banig na mistulang baluti at malilim na bughaw na saluwâl na may mga burdang gintong alitaptap. Umalis siya sa aming tahanan upang gawin kung ano ang inaasahan sa kanya nang lahat. Nagtungo siya sa lupain nang mga puno nang buri upang makipagtalastasan sa Hadi Basir at sa tahanan nito tungkol sa mga dinadaing nang mga dayuhang nagtatrabaho sa aming lupain sa pang-aalipustang ginagawa nang mga may-ari ng sakahan nang mga puno ng buri.

Pinagkatiwalaan niya ako tulad nang hiningi ko sa kanya, ang hindi niya alam kasabay nang kanyang pag-alis naghanda na rin ako para pumunta sa tahanan nang mga Parvana upang makipagkita sa bagong Hadezar nang tahanan.

Agad akong kumilos. Umalis ako sa aming tahanan at tinakasan ang pagdating at pagbabantay na ginagawa sa akin ng Hadi Walid na inaasahang sasama ngayong araw sa aking pagpunta sa tahanang kakampi nang mga kalaban nang aking asawa. Sakay kay Amarok binagtas ko ang kahabaan nang mga pananim ng mga puno ng Jaboticaba, na nagsisimula na namang muling magbunga na hindi magtatagal ay mahihinog at magmimistulang may sakit na ketong ang itsura.

Sa pagdaan ko sa nagsususong daan nakita ko ang isang Jingkar na naglalakad sa gilid nang daanan, may dala itong tiklis ng mga panaba na tila papunta sa direksyon nang aming tahanan. Nakilala niya ako. Nagbigay siya sa akin ng pamitagan bagay na aking binalikan nang paggalang, nang tuluyan na siyang lumayo sa akin, agad akong lumingon sa kanya. Inakala ko…mali ang aking akala, nilagpasan niya ang aming tahanan at nagtungo sa kinasasakupang lupain nang tahanang may-ari nang mga sakahan ng maisan.

Nagpatuloy ako sa aking paglalakbay.

Sa paglagpas ko sa nagsususong daanan, binabaybay ko naman ang daan na pinapalibutan nang mga tanim nang mga halaman nang rimas. Napadpad ako sa mga Kohlrabi kung saan muling may nakatawag sa aking pansin at nagbibigay nang paggalang matapos akong makita…ang aking akala ay nagkatotoo! Ang aking mga sapantaha na alam nang hadi Yasir ang aking ginagawa nang mga sandaling ito at sinusubukan niya lamang ako ay totoo.

Hindi naglaon narating ko ang dagat ng mga asin, na pumapagilid sa isang mahabang daanan patungo sa tahanan ng mga Parvana.

Mali ba ang aking ginagawa?

Inaamin ko, walang malugod sa kagustuhan nang ninoman na tanawin ko ang hatid na pagkakaibigan sa akin nang matandang Ading itinuturing ng lahat na isang hibang, ngunit anong gagawin ko sa kanya ako nakakita nang mga sandaling ito nang pagmamalasakit, sa akin at sa aking mga gustong sabihin.

Mali ba na pagkatiwalaan siya? Ang kakampi nang mga kalaban nang aking asawa…mali ba na hinahayaan kong gawin niya ang bagay na ito, na kahit may hinala na ako na ang lahat nang ito ay hindi totoo at pagkukunwari lang, mali ba na pagkatiwalaan ang mga sandaling ito gayong gusto ko lang na may makakausap na iba! Handang gawin ang lahat para sa kanyang tahanan alang-alang sa kanyang anak at sa tahanang ipinagkatiwala sa kanya nang buong kalipunan nang mga Hadezar! Kahit ang aking asawa, pinagkatiwalaan ang Ading hibang na maging Hadezar nang tahanan ng mga Parvana!

Nagpatuloy ako sa aking paglalakbay. At sa hindi kalayuan, natanaw ko ang malikmata nang liyaw nang aking asawa na naghihintay sa aking pagdating. Ang Hadi Walid! Nagpatuloy ako. Lumingon siya sa akin sa paglagpas ko sa kanya at saka siya sa akin nagbigay nang pamitagan.

Nilagpasan ko siya. Sinundan niya ako.

Sa pagtigil ko sa harapan nang tahanan ng mga Parvana tinulungan niya akong makababa.

Hindi ako kumibo…hindi siya kumibo…nakabibingi ang katahimikang pumapalibot sa aming dalawa. Bagay na aking ipinagpapasalamat sa mga sandaling ito. Sa kanya! Kinuha niya ang panali na hawak ko.

 Isa ba itong patibong?

Nagbabadya ba sa akin ang isang patibong nang hindi ko nalalaman…Ang magandang dayag bang ito nang tahanan ng mga Parvana ay isang malaking pagkakamali…siguro…siguro nga kagagawan ito nang Hadi Mahdi…siguro nga nagkamali ako.

Lumapit ako sa lagusan nang tahanan. Nagsimula akong kumatok. Nang sa tinging kong walang makaririnig nang aking pagkatok muli kong sinubukan. Nakita ko ang Hadi Walid sa dulo nang aking mata na palabas sa yungib…lumingon ako sa kanya. Tumango siya nang may banta nang kanyang pagsang-ayon sa aking ginagawa.

Ako ba ang panghibo sa lahat nang mga nangyayaring ito sa paligid ko nang hindi ko nalalaman?

Bumukas ang lagusan nang tahanan ng mga Parvana. Bumungad sa akin ang Hadi Naveed na nasa loob nang tahanan. Nagulat siya sa aking pagdating… Suot ko ang isang pilak na kwintas na may hugis buwan at batong perlas sa aking leeg…pulang saluwâl na burdado nang mga tansong-dilaw na mga ahas na Banakon na mistulang gumagapang at lumilingkis, na nakatapis sa aking buong katawan ng pahalang, nakasabit at nakatali sa aking balikat…Hubog sa aking katawan at tinatago ang mga panali at ibabaw nang suot kong damit na panloob na mahabang palda na ang laylayan ay hanggang sa bukung-bukong ng aking mga paa na may mga sandalyas na ang pabalat at ang mga panali ay gawa mula sa balat ng Mantahungal. Ang suot kong panloob na damit ay may burdado nang mga tutubi. Nakasinturon sa aking beywang ang mga balat na may mga bakal na hebilya. Nakaayos ang aking buhok nang malinis at nakatali ito sa aking likod. Sa aking kanang hintuturo suot ko ang isang luntiang batong singsing, habang sa kaliwa kong palasinsingan suot ko ang isang pilak na singsing na pulupot at may dalawang ulo nang ahas na may mga pulang bato at perlas…Samantala sa magkabilang kong mga tenga makikita ang mga pula at itim na mga maliliit na mga batong mga hikaw.

Tinanong niya ako kung ano ang ginagawa ko sa kanyang tahanan. Tinanong ko sa kanya kung nandito ba ang Adi Atiya…sinabi ko sa kanya na hinihintay ako nang kanyang ina. Bagay na lalo niyang pinagtakahan.

Ngumiti ito sa akin.

Sinabi nito na hindi niya alam na may inaasahan pala silang panauhin…magkagayonman pinapasok niya ako sa loob nang kanilang tahanan. Sa pagpasok ko, sinabi niya sa akin na ako pala ang dahilan kung bakit kanina pa aligaga ang Hadezar sa pag-aayos at pag-aasikaso nang kanilang tahanan.

Ngumiti ako. Sinabi ko, “ganon ba…nakakatuwa naman ang kanyang ginagawa! Kamusta na nga pala siya?”

Tugon nang Hadi Naveed, “kahit papaano maayos-ayos na ang aking ina!”

Pag-aalala ko, “umiiyak pa ba siya…matapos na mawala ang iyong ama.” Tinignan ako nang Hadi Naveed “patawarin mo ako hindi ko alam na nangangahas na ako?”

Wika niya, “ang totoo hindi ko alam na umiiyak pa rin siya sa pagkamatay ng aking ama! sinabi niya sa iyo iyon?”

Tugon niya, “oo…nang minsan kaming magkita…sinabi niya sa akin na nalulungkot siya, lalo pa ngayong wala na ang iyong ama sa kanyang tabi. Na hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Na paano pa siya mabubuhay.”

Ngumiti ang Hadi Naveed. Wika nito, “hindi ko alam na nararamdaman niya pala iyon.”

Wika ko, “siguro, hindi niya lang pinapahalata pero matatag ang iyong ina, Hadi Naveed at nakikita ko ang kanyang katatagan!”

Wika niya sa akin, “tama ka! —ano pa ang mga sinasabi niya sa iyo?”

Wika ko, “na gagawin niya ang lahat para ipagpatuloy ang kinabukasan ng inyong tahanan at ang sinimulan nang iyong ama.”

Ngumiti ito sa akin kasabay nang kanyang paglingon. Nang tumigil kami sa aming paglalakad, sinabi niya sa akin na tatawaging niya lamang ang Adi Atiya at kung makabubuti ay maghintay ako sa loob nang bulwagang silid kung saan ako tatanggapin nang Adi tulad nang kung ano ang nakaugalian.

Bagay na aking sinang-ayunan.

Bago siya tuluyang umalis sinabi ko sa kanya na higit kaninoman ay kailangan siya nang kanyang ina… upang tumulong. At matapos nito tinalikuran niya ako at pinuntahan kung nasaan ang Adi Atiya…

Pumasok ako sa loob ng bulwagan. Umupo ako sa isa mga batuhang upuang nakadikit sa dingding ng silid at sa aking paghihintay narinig ko ang tinig nang Adi Atiya na hinahanap ako.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo.

Lumapit siya sa akin. Sinalubong ako nang Hadezar nang na may tuwa at masibago…wika niya, “o Adi Hikmet!”— nang may ngiti sa mga pisngi at may kagalakan.

Siguro nga isa itong patibong. Siguro nga kagagawan ito ng mga kalaban ng aking asawa. Pero gayon pa man binungad niya ako ng may kagalakan…Niyakap niya ako nang mainit na pagtanggap. Sinabi niya sa akin na mabuti naman at nakarating ako…inabiabi niya ako sa kanyang tahanan…

Sinabi niya, “akala ko hindi ka na makakarating!”

Sinabi ko, “pwede ba naman iyon!”

Saka siya tumawa at sinundan ko nang pagngiti.

Kinamusta niya ang aking kalagayan, ang aking pagdadalang-tao. Tinanong niya sa akin ang madalas na tinatanong ng lahat kung kailan ako manganganak. Sinabi ko sa kanya na sa darating na pagpasok nang taglamig. Tinanong niya ako kung hindi ba ako mahihirapang manganak.

Sinabi ko sa kanya na nakahanda na ang lahat sa aking panganganak. Bagay na kanyang ikinatuwa at ipinagpasalamat.

Kasunod noon pumasok ang Adi Sule sa loob nang bulwagang silid kung nasaan kami nang Adi Atiya. Nagbigay ito sa akin nang pantawag na pamitagan. Kinamusta ako nang kapatid nang aking asawa. Sinabi niya sa akin na mabuti naman at nakarating ako.

Sunod na pumasok ang Hadi Naveed sa loob nang bulwagan. Sa pagpasok niya dala niya na ang palangganang naglalaman nang malinis na tubig at pamunas. Bumalik ako sa aking pagkakaupo sa mga upuang bato na nakadikit sa dingding ng bulwagan. Kasabay noon inilapag nang Hadi Naveed ang palangganang naglalaman ng malinis na tubig sa sahig.

Nang nakaupo siya nang patingkayad sa aking harapan una niyang hiningi sa akin ang aking kaliwang paa. Ibinigay ko ito sa kanya. Tinanggal niya ang sandalyas sa aking kaliwang paa. Binuhusan niya ito gamit nang kanyang kamay nang malinis na tubig, inalmuhasan at ibinabad sa malinis na tubig na nasa palanggana at saka niya ito pinunasan gamit nang malinis na pamunas na iniabot sa kanya nang kapatid nang aking asawa. Saka niya sinuot sa aking kaliwang paa ang aking sandalyas.

Kasunod noon hinugasan niya ang kanan kong paa at tulad din nang ginawa niya sa aking kaliwang paa, hinugasan niya ito…inilubog sa malinis na tubig na nasa palanggana, inalmuhasan at pinunasan nang pamunas na kinuha niya mula sa pagkakasampay sa kanyang hita habang naka upo siya aking harapan. Matapos noon binalik niya sa pagkakasuot ang aking sandalyas sa aking kanang paa.

Matapos ang pagtanggap sa akin nang tahanan nang mga Parvana, sinabi sa akin nang Adi Atiya na may pinaghanda siyang pananghalian sa aking pagdating.

Bagay na aking ikinatuwa at ipinagpasalamat sa Ading hibang.

Nagtanong ang Adi Sule kung hindi ba ako hinahanap sa amin nang kanyang kapatid.

Sinabi nang Adi Atiya sa kanyang manugang na ano ba naman ang masama kung dito ako magtatanghalian sa kanilang tahanan. Isa akong babaeng Jingkar, malaya kong gawin kung anoman ang gusto kong gawin. Bagay na kanyang itinanong sa akin at aking pilit na sinang-ayunan. Wika niya, “mabuti naman kung ganon…isa pa hindi ka naman dito gugutumin—kaya bakit niya kailangang mag-alala?”

Matapos noon niyaya niya akong magtungo sa bilugang silid nang tahanan ng mga Parvana bagay na aking pinaunlakan. Ipinagmalaki niya sa akin ang maliit at bilugang silid sa dulong bahagi nang isa sa mga madidilim na pasilyo. Sinabi niya sa akin na madalas siya doong nagpapalipas nang mga araw. Doon maaari kaming makapag-usap nang sarilinan.

Tinanong nang Hadi Naveed ang kanyang ina kung doon rin ba namin gagawin ang panananghalian. Bagay na sinang-ayunan nang Adi Sule at sinabi sa amin na makabubuti kung doon kami magtatangahalian, gayong upang hindi na rin ako kinakailangan pang magkikilos.

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Atiya.

Sa paglabas namin nang bulwagan agad kaming umalis papunta sa bilugang silid. Hinawakan nang Adi Atiya ang aking braso. Inakbayan niya ako.  Kasabay nito, tinanong niya ako kung nagawa ko na bang makapaglibot sa kanilang tahanan. Bagay na aking sinang-ayunan.

Nagtaka siya. Tinanong niya sa akin kung kailan. Sinabi ko sa kanya na inilibot ako nang Adi Makbule sa unang palapag nang kanilang tahanan nang araw din na mailibing ang kanyang yumaong asawa, ang dating Hadezar.

Wika niya, “siya nga, pero dito lang unang palapag! Hindi bale huwag kang mag-alala pagkatapos nang ating tanghalian iikot ang buong tahanan. Sinisiguro ko sa iyo na magugustuhan mo mga makikita mo.”

Nagpatuloy kami sa aming paglalakad.

Sa madilim na pasilyo sa kaliwang bahagi nang tahanan ng mga Parvana. Binuksan nang Adi Atiya ang pintuan at kasabay nito nagliwanag ang madilim na pasilyo mula sa sikat nang araw na pumapasok sa mga durangaw nang bilugang silid. Maririnig mo dito ang pag-alon nang dagat. Ang mahalumigmig na simoy nang hangin na nagmumula sa malawak na dalampasigan kung saan mababaw pa ang tubig sa umagang ito.

Sa pagpasok namin sa loob, tinanong ako nang Adi Atiya kung ano ang masasabi ko sa buong silid.

Lumingon ako sa kanya, ngumiti ako at sinabi ko, “napakaaliwalas nang buong silid.”

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Isang silid na nagtataglay nang malalaking mga durangaw na abot tanaw ang lawak ng dalampasigan. Nagtataglay nang mga inukit na larawan nang mga puno ng mga Mandarina. Ang sahig nito ay kahoy at bato…maaamoy mo mula sa ibaba ang amoy nang yungib nang mga alagang asong-gubat. Ang masangsang na amoy na nagmumula sa labas nang kanilang tahanan.

Umupo ako sa isa mga batuhang upuan na nakadikit sa dingding sa loob ng silid. Sa paglapit niya hinawakan niya ang aking kamay. Nabaling ang kanyang pansin sa kagandahan nang aming paligid.

Wika niya, “tignan mo kahit saan ka lumingon makikita mo ang dalampasigan. Ang ganda hindi ba? Ang totoo iyan ang nakaisip nito ay ang Hadi Hagir. Pinangako niya sa akin ang lugar na ito pero ang hindi ko alam dito ko pala siya matatagpuang nakahandusay at wala nang buhay!”

Nabaling ang aking pansin sa kanya.

Nagtaka ako.

Nakita ko ang pagdaloy nang kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi.

Kasunod noon ngumiti ang Adi Atiya sa akin. Wika niya, “patawarin mo ako… sabi ko sa sarili ko hindi na ako iiyak!” Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga pisngi gamit ang kanyang kamay.

Wika ko, “patawarin niyo po ako!  Gusto ko kayong damayan kaya lang…”

Tugon niya sa akin, “wag kang mag-alala, naiintindihan ko!”

Ngumiti ang Adi Atiya sa akin.

Umupo siya sa aking tabi. Tanong niya ako kung maaari niya ba akong kaibiganin.

Tumango-tango ako…

Kasunod noon nagpasalamat siya sa akin.

Wika ko, “Kung hindi niyo mamasamain…at kung inyong pahihintulutan paano po ba kayo nagkakilala nang Hadi Hagir!”

Wika niya, “sabi nila tadhana na raw ang dahilan kung bakit nagkikita ang isa’t isa… nagkita kami nang Hadezar matapos akong ipakilala nang aking ama sa kanya. Patawarin mo ako Hadezar pa rin ang tawag ko sa kanya…kahit noong mag-asawa pa kami iyon ang turing ko sa kanya, isang Hadezar. Napakakisig nang Hadi Hagir nang bata-bata pa siya. Nang una pa lamang kaming magkita agad nang nahulog ang aking loob sa kanya! Pinakilala siya sa akin ng aking ama dahil gusto niyang magkaroon ako nang asawa. Kaso pangatlo ako sa mga pinagpipilian. Kaya naglakas loob ako…at ako ang kanyang naging asawa! —Kayo ba paano ba kayo nagkakilala nang Hadi Yasir?”

Sinabi ko sa kanya na ang una naming pagkikita nang hadi Yasir ay sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar, kasabay nang pagsilang nang aking asawa bilang Hadezar. Matapos noon sinundan ito nang maraming pagkikita hanggang sa hingin niya sa aking tiyo at ama ang aking kamay bilang kanyang kabiyak.

Wika niya, “nakakatuwa naman kayo!”

Nagtaka ako. Naglaho ang kanyang pansin sa akin at nabaling sa mga durangaw. Napansin niya ang mga Jingkar na mistulang langgam na naglalakad sa baybaying dagat at may mga dalang malalaking mga kahoy. Sinabi niya sa akin na gagamitin iyon sa paggawa nang mga sasakyang pandagat na gagamitin nang mga Harith.

Muli lumingon siya sa akin. Wika niya, “mahal na mahal mo ang Hadi Yasir, hindi ba?” hindi ako nakasagot. “Kaya lang hindi ba…sinasaktan ka nang Hadi Yasir?”

Siguro nga isa itong patibong na sa bandang huli ay aking pagsisisihan.

Hindi ako nakaimik.

Dagdag niya, “huwag mo sana itong mamasamain kaya lang gusto kong malaman kung hanggang ngayon pa rin ba ay sinsaktan ka pa rin ng iyong asawa?”

Sinubukan kong ngumiti sa kanya…na parang walang nangyari. Ngunit tinago ko ang aking mga ngiti. Naging tikom ang aking bibig. Tinanggal ko ang aking pansin sa kanya.

Yumuko ako. Pinikit ko ang aking mga mata. Hinawakan niya ang aking kamay… at tinanong niya ako kung hindi ba kami magkaibigan, tulad nang kanyang hiningi sa akin at aking ibinigay.

Sinabi niya sa akin na maaari ko siyang pagkatiwalaan bagay na aking ginawa…at inamin sa kanya na hanggang ngayon ay sinasaktan pa rin ako nang Hadi Yasir! Bagay na isang kasinungalingan.

Wika ko, “nakakahiya!”

Wika niya, “wala kang dapat na ikahiya! Ako rin hindi lang ikaw…nasaktan na rin ako nang Hadezar. Nang Hadi Hagir. Pero wala silang kasalanan hindi ba?”

Napatingin ako sa Adi Atiya.

Nakita ko siyang umiiyak. Wika niya, “pinilit lang nila tayo…pinagbantaan…sinabihan ng kung ano-ano Paulit-ulit…Paulit-ulit hanggang wala ka nang maramdaman sa iyong sarili!  Kung hindi paghihigante?”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Tanong nang Adi Atiya sa akin, “sabihin mo sa akin ang totoo, alam ba nang iyong asawa na nandito ka sa aming tahanan?”

Umiling-iling ako.

Hinawakan niya ang aking kamay. Wika niya, “mabuti! —Alam mo kung ano ang gusto kong gawin…dito ka na lang tumira sa amin, ipaayos ko ang silid na ito, ito ang magiging silid mo kung gugustuhin mo! Dito ka na lang.”

Ngunit tumanggi ako.

Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Tanong niya, “bakit ayaw mo? Hindi maganda ang aming tahanan para sa iyo? Sabihin mo sa akin saan ka titira…sa masahol mong pinagmulan!”

Hinawakan niya ang aking kamay nang madiin. Sinabi ko sa kanya na nasasaktan ako.

Wika niya sa akin, “wala kang utang na loob! Tinanggap kita sa aking tahanan tapos ganito ang ipapakita mo sa akin, hindi ko alam na isa kang mapagkunwari Adi Hikmet…kunwari may pakialam ka!  Kinakaibigan mo ako…nagmamagandang loob ka iyon pala puro panloloko ang ginagawa mo.”

Bagay na aking itinanggi.

“SINUNGALING!” sinubukan kong kumawala ngunit hinatak niya ang aking kamay.

“WALA KANG UTANG NA LOOB!”

Sinabi ko sa kanya na tama na…na nasasaktan na ako! Nakiusap ako sa kanya…

Sinabi niya sa akin na hindi ko siya manloloko, na alam niyang nagsisinungaling ako at katulad lang ako nang iba. Tumanggi ako.

Hanggang bumukas ang pintuan nang silid at pumasok ang Hadi Naveed.

Tinawag nito ang Adi Atiya. Wika nito, “ina!”

Sinampal niya ako.

Lumapit ang Hadi Naveed sa amin. Inawat niya ang kanyang ina. Niyakap niya ang Adi Atiya \ hanggang sa hindi na ito makawala pa. Pinaghiwalay niya kami. Inilapit nang anak ang bibig sa tenga ng ina nito. Dahilan upang tumigil ang Hadezar at ngumiti ito.

Kumawala ito sa pagkakagapos sa mga kamay nang Hadi Naveed.

Wika niya sa akin, “O Adi Hikmet… napakaganda nang katulad mong walang muwang! Maaari kang maghintay dito! Aayusin ko lang ang ating kakainin… maiba ako hindi ba makasasama sa iyo ang pagkain nang maanghang?”

 Umiling-iling ako.

“Mabuti naman kung ganon…” Tugon niya sa akin. Kasunod noon tumalikod siya sa amin nang Hadi Naveed. Lumabas nang silid habang naiwan kaming dalawang nag-iisa nang kanyang anak.

Humingi nang tawad ang Hadi Naveed sa akin sa ginawa nang kanyang ina. Sinabi niya sa akin na hindi alam nang Adi Atiya ang kanyang mga ginagawa…na kung sa inaakala ko na hindi totoo ang mga kumakalat tungkol sa kanyang ina ay nagkakamali ako. Na hindi lamang basta-bastang tinatawag ang ina nito na hibang ng walang dahilan. Muli humingi siya sa akin ng tawad. Sinabi niya sa akin na ipapasundo niya ako sa Adi Sule bago pa lumala ang lahat. Kasunod noon tinalikuran niya ako. Lumabas siya nang bilugang silid at sinarado ang lagusan.

Siguro nga isa itong patibong…at ako ang pain nang aking asawa. Pumayag siya sa gusto kong gawin…dahil alam niyang hindi niya ako mapipigilan. Ngunit hindi ko alam kung ano ang pinasok ko…kung ano ang nagbabadya sa akin laban sa kakampi nang aming mga kalaban.

Naiwan akong nag-iisa sa loob nang silid…iniisip kung papaano ako makakaalis sa ginawa kong pagkakamali. Tumayo ako sa aking pagkakaupo. Umikot-ikot ako sa loob nang bilugang silid. Hinintay ko ang pagdating ng Adi Sule upang samahan ako na umalis at iwanan ang tahanan ng mga Parvana. Hanggang bumukas ang lagusan at sa paglingon ko nakita ko ang Adi Atiya at ang Hadi Mahdi kasama ang aking tiyo.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit sila nandito…kung ano ang ginagawa nila dito.

Nagbigay nang paggalang ang Hadi Mahdi sa akin bagay na aking tinanggap. Wika niya sa Adi Atiya, “hindi ko alam na may bisita ka pala Adi Atiya? Mukhang nagambala namin ang inyong pag-uusap.”

Wika nang Adi Atiya sa Hadi Mahdi, “siguro naman ayos lang sa Adi Hikmet na maimbitahan ko rin kayo sa tanghalian—Hindi ba Adi Hikmet?”

Bagay na aking sinang-ayunan.

Wika nang Adi Atiya, “mabuti naman kung ganon!”

Lumapit sa akin ang aking tiyo. Niyakap niya ako. Sinabi nito sa akin na hindi nito alam kung ano ang nangyayari…Na dapat sana ay magkakaroon lamang sila nang pag-uusap nang Hadi Mahdi sa tahanan nito nang biglang magbago ang isip nang Hadezar at pumunta sila sa tahanan ng mga Parvana.

Sinabi nang Hadi Mahdi sa Adi Atiya na hindi pa sila nito tinatanggap ng Hadezar. Bagay na hiningan ng tawad nang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana. Bago ito umalis para kumuha ng palanggana na may malinis na tubig at pamunas, sinabi nito sa amin na mayamaya lamang ay nakahanda na ang pananghalian. At saka ito umalis.

Hinayaan niya akong maiwan sa aking tiyo at sa kalaban ng aking asawa nang nag-iisa. Bumalik ako sa aking pagkakaupo. Hinihintay ang pagkakataon na dumating ang Adi Sule at gumawa nang dahilan upang umalis ako sa tahanang ito at talikuran ang araw na ito pabalik sa aking asawa.

Sa aming paghihintay kinamusta ako ng Hadezar ng tahanan ng mga Harith.

Bagay na aking tinugunan at sinabing mabuti ang aking kalagayan. Kasunod noon ibinalik ko sa kanya ang tanong at tulad nang aking sinabi…sinabi niya rin sa akin na mabuti din ang kanilang tahanan.

Tinanong ako nang Hadi Mirza kung hindi ba sa akin makakasama ang aking paglabaslabas gayong hindi magtatagal malapit na rin akong manganak. Bagay na aking itinanggi. Tinanong ako nang Hadi Mahdi kung ilang buwan na ang aking dinadala.

Sinabi ko sa kanya na walong buwan.

Sinabi sa akin nang Hadi Mahdi na may katwiran ang aking tiyo.

Hindi ako kumibo. Nanatili akong walang imik sa kabila nang takot na hindi ko hinahangad.

Tinanong ako nang Hadi Mahdi kung hindi ba makasasama sa akin ang panganganak sa panahon nang taglamig, baka hindi ko makayanan.

Bagay na aking itinanggi…Sinabi ko na nakahanda na ang lahat nang mga gagamitin namin

Bagay na ikinagalak nang Hadi Mahdi.

Lumapit ang Hadi Mirza sa malalaking dungawan nang silid. Ikinatuwa niya ang malawak na dalampasigan at malamig na hangin na nagmumula dito.

Matapos noon kinamusta ko sa kanya ang kalagayan nang kanyang ina. Sinabi niya sa akin na mabuti naman ang kalagayan nang kanyang ina…Tinanong niya rin sa akin kung ano ang sa tingin kong magiging kasarian nang bata at gayong kung may nakahanda na ba kaming ipapangalan sa kanya.

Sinabi ko sa kanya na hindi ko alam kung ano ang magiging kasarian nang bata Gayonpaman, sinabi ko na maraming nagsasabi sa akin na magiging babae ang aming magiging anak nang Hadi Yasir.

Wika niya, “magiging mapalad ang iyong asawa kung ang iyong ibibigay sa kanya ay anak na lalake!”

Tinanong sa akin nang aking tiyo kung ano ang ipapangalan ko sa aming magiging anak.

Sinabi nang hadi Mahdi na mahalaga ang ibibigay na pangalan sa isang bata. Na dapat yung katangi-tangi at may pakinabang. Yung madaling tandaan…

Sinabi ko sa kanila na pinag-isipan na namin nang Hadi Yasir ang bagay na iyan at napag-usapan. Sinabi ko sa kanila na kung lalake ang aming magiging anak nang aking asawa ay gustong isunod nang Hadi Yasir ang pangalan nito sa kanyang nakilalang tiyo na si Hadi Rahim at kung babae inisip namin na magiging maganda ang pangalang Atilla.

Hindi nagtagal pumasok ang Adi Atiya na may dalang palangganang naglalaman ng malinis na tubig at pamunas…Tinanggap nang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana ang aking tiyo at ang Hadi Mahdi. Inuna nang Adi Atiya ang Hadezar ng tahanan ng mga Harith. Kasabay nito kinamusta nang Hadi Mahdi sa Adi Atiya kung kamusta na ang pamamalakad nito sa tahanan nito. Bagay na sinabi nang Adi Atiya na masmaayos na ang lahat kaysa dati…Sinabi nito na nagawa na nitong makapag-usap sa mga may-ari nang lupa tungkol sa pagpapasimula ng mga kulang na tanim ng mga halaman ng Agave.

Bagay na nagustuhan nang Hadi Mahdi. Sinabi nang Hadi Mahdi na sa lalong paglamig nang mga panahon hindi maikakailangang mahihirapang mamunga ang mga halaman nang Agave at lalong ikinababahala ang pagpasok nang panahon ng taglamig.

Sinabi nang Adi Atiya na kahit papaano ay mga nakaimbak pang nakakalasing na mga inumin sa mga imbakan kaya walang dapat na ipag-alala.

Kasunod noon tinanong ng Hadi Mahdi ang Adi Atiya kung ano na ang balita sa pinagagawa nitong mga sasakyang pandagat bilang pandagdag sa gamit nang mga mangingisda…bagay na sinabi nito sa Hadezar ng tahanang kakampi nito na inuumpisahan na ang paggawa sa mga sasakyang pandagat na pinamamalakaran nang Hadi Naveed.

Matapos na tanggapin ng Adi Atiya ang Hadi Mahdi sunod nitong tinanggap ang aking tiyo.

Matapos noon lumabas ang Hadi Mahdi upang kumuha nang mga upuan…sinundan ito nang Adi Atiya pagkatanggap sa Hadi Mirza. Nang naiwan kaming dalawa sa loob nang bilugang silid. Tinanong ko ang aking tiyo kung ano ang tunay na dahilan kung bakit siya lumapit sa Hadi Mahdi at gustong makausap ito.

Sinabi niya sa akin na hindi ko maiintindihan. Hindi ko sa kanya na ipaunawa niya sa akin

Tinignan niya ako…habang nakaharap kami sa isa’t isa at nakaupo sa mga gawang upuang bato na nakadikit sa dingding nang bilugang silid. At sinabi niya sa akin kung ano ang tunay na dahilan.

Wika niya, “may balak ang iyong ama na angkinin ang aking katungkulan bilang Hadezar at patnugot nang tahanan nang mga Roshan! At alam ito nang iyong asawa at tinutulungan niya ito na mangyari ang kagustuhan nang iyong ama!”

Hindi na ako nagulat pa. Tinanong ko siya kung ano ang dahilan nang aking ama para gawin iyon nito.

Ngunit tumanggi ang Hadi Mirza na sabihin ito sa akin.

Hanggang sa muling pumasok ang Hadi Naveed sa bilugang silid…sinundan ito nang Hadi Mahdi. Dala na nila ang isang mahabang lamesa na kanilang buhat-buhat. Matapos noon sinundan ito nang Adi Atiya at Adi Sule na may mga dalang mga upuan. Pagkaayos nang mahabang kahoy na lamesa lumabas ang Hadi Naveed upang kunin pa ang isang upuan. Nang maayos na ang lahat sa loob nang bilugang silid tumulong ang aking tiyo sa pagkuha nang aming pananghalian. Sinamahan ito nang Adi Atiya at sinundan nang Hadi Mahdi habang naiwan kami nang Adi Sule at ng Hadi Naveed.

Bahagyang sinarado nang Hadi Naveed ang lagusan. Hiningi ko sa kanya kung maaari niya na akong ilabas sa kanilang tahanan ngunit paghingi lamang nang tawad ang naging tugon nito sa aking pagsusumamo. Sinabi nang Adi Sule na hindi nila ito magagawa…na walang paraan para itakas ako sa Adi Atiya at sa patibong na nilikha nang tahanan ng mga Parvana. Sinabi sa akin ng kapatid nang aking asawa na hindi na dapat pa akong pumunta dito simula’t simula pa lamang.

Ngunit anong magagawa ko, huli na ang lahat!

Sa pagpasok nang aking tiyo, nang Adi Atiya at nang Hadi Mahdi nagsimula na ang aming tanghalian. Sa mahabang lamesa nakahanda ang karne nang Tapir na hiniwa-hiwa nang pinungpino, binubudburan ng sarsa na gawa sa bunurong bunga nang jaboticaba. Sa tabi nito makikita ang mga nilutong sigay na pinakuluan sa singaw nang mga puno ng buri. Sa kabila nito ang kakanin na mula sa niligis na Manioc at niluto sa pugon na may kasamang mga butil ng mais. Habang sa magkabilang dulo ay ang mga pitsel na naglalaman nang mga nakakalasing na inumin na sayang lamang ay hindi ko maiinom at malinis na inuming tubig. Parehong nakaupo sa magkabilang dulo ang Adi Atiya at ang Hadi Naveed. Habang ako ay nakaupo sa tabi nang aking tiyo, nasa aking kaliwa ang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana habang nasa aking harapan ang Adi Sule at ang Hadezar nang tahanan ng mga Harith. Nagsimula kaming mananghalian.

Nagpasalamat ang Adi Atiya sa amin.  Sinabi nito na tunay siyang nagagalak sa aming pagpunta. Sa kanyang paanyaya. Bagay na kanyang tatanawin bilang isang utang na loob. Itinaas niya ang baso na may lamang nakakalasing na inumin. Dagdag niya, “para sa ikauunlad at pagpapatuloy nang ating mga tahanan!”

Nagpatuloy kami sa aming pagkain.

Kinamusta nang Hadi Mahdi sa Hadi Naveed ang pangangasiwa nito sa mga hinihingi nitong mga karagdagang mga sasakyang pandagat na gagamitin sa mangingisda nito.

Tumingin sa kanya ang Hadi Naveed. Napatigil ang Hadi Naveed sa pagnguya. Matapos lunukin ang kinakain nito sinabi nito sa amin na maayos naman ang mga nangyayari sa pagawaan ng mga sasakyang pandagat…na ang tanging masama lamang na nangyari ay ang pagkamatay nang isang Hadi na gumagawa sa pagawaan ng mga sasakyan.

Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Mahdi…gayong maging ito ay narinig din ang nakakalungkot na balita. Sinabi nang aking tiyo na hindi maiiwasan ang mangyaring ang bagay na iyon… na may mangyari mangyayaring aksidente. Na bahagi na siguro nang aming buhay ang mamatay at hindi ito dapat binabaliwala.

Wika nang Adi Atiya, “ngunit bukod lamang doon ay masasabi namang maayos ang gawain sa mga sasakyang pandagat. Ang totoo nga iyan kung hindi niyo naitatanong ay nagkaroon na nang botohan sa unyon nang gumagawa ng mga sasakyang pandagat at ang Hadi Naveed ang binotong panibagong pinuno nang samahan!”

Wika nang Hadi Mahdi, “mabuti naman kung ganon.”

Tanong nang Hadi Mirza, “Hadi Mahdi kung hindi mo mamasamain bakit ka nga pala nagpapagawa nang dagdag na mga bangka gayong sa iyong kinasasakupan ay marami naman nang mga sasakyang pandagat na maayos pa at maaari pang gamitin?”

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi sa tingin ko…sa nagdaang masamang panahon sa atin, marami ang nasirang mga sasakyang pandagat na hindi na maaaring pakinabangan pa. Marami sa mga sasakyang pandagat ko ang natangay nang mga malalakas na alon na bumaha sa dalampasigan. Sinira ang iilan at nagdulot nang kasawian sa aking mga pinapatnugunan! Ang kinatatakot ko ay lalo pa’t maaaring dumating ang mga susunod na masmalakas pang masamang panahon sa ating bayan gayong makabubuti na ang mag-ingat.”

Wika nang Adi Atiya, “parang kailan lang nang nagtatanghalian pa tayo Hadi Mahdi kasama ang aking yumaong asawa. Hindi ba?”

 Bagay na sinang-ayunan nito.

Kasunod noon narinig ko ang pagtawag sa akin ng Hadi Mahdi dahilan upang mapalingon ako sa kanya. Tanong niya, “totoo ba na hanggang ngayon ay sinasaktan ka pa rin nang iyong asawa?”

Napatingin sa akin ang aking tiyo.

Ngumiti ako. Sinabi ko, “hindi ko alam na maging kayo ay nakikinig sa mga bulung-bulungan, Hadezar!”

Wika niya, “kung ganon walang basihan ang mga sinabi sa akin ng Adi Atiya?”

Tumingin ako sa Adi Atiya. Pinagkatiwalaan kita…

Hindi siya umimik.

Wika niya, “totoo ba ang sinabi sa akin nang Adi Atiya? Na hanggang ngayon ay sinasaktan ka pa rin nang iyong asawa Adi Hikmet?”

Hindi mo lamang ako inilagay sa alanganin bagkus hinayaan mo pang masira ang pagtitiwala ko sa iyo!

Pinilit ako nang Adi Atiya na sabihin ko sa kanila kung ano ang sinabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay. Hinawakan niya ito nang mahigpit. Sinubukan kong magpumiglas.

Wika nang Adi Atiya, “ang totoo iyan…” Lumingon sa akin ang Ading hibang.

Nakita ko ang pag-aalala sa aking tiyo.

Wika nang Hadi Mirza, “ano ang totoo, Hikmet?”

Pagpupumilit nang Adi Atiya, “sige na Adi Hikmet… sabihin mo na sa kanila ang totoo! Kailangan nilang malaman ang totoo!”

Tumingin ako sa Ading hibang. Sa Ading handang makinig sa akin sa mga sandaling kagaya nito at handang alalayan ako sa mga sandaling kagaya nito. Nagkamali siya nang sasaktan.

Tumango-tango ako sa kanya bilang tugon. Lumingon ako sa kanila. Kasunod noon sinabi ko kung ano gusto nilang marinig.  Nang gabi bago ang lahat ng ito, nanaginip ako…nanaginip ako nang isang masamang panaginip. Napanaginipan ko ang kamatayan nang aking asawa. nakabigkis siya sa isang punong tuod, nakaluwa ang kanyang tiyan at bituka habang nakabagsak ang kanyang ulo. Nakakatakot ang panaginip na iyon, na makita mo ang lahat nang iyong pinapangarap ay mautas mula sa iyong mga salita at mawala sa iyo nang tuluyan.

Wika ko, “sinasaktan niya pa rin ako!” nagsimulang mamunto ang aking mga mata, mabalot nang luha ang aking mga paningin. Napayuko ako sa kahihiyan…Doon nagsimula ang pagtulo nang aking mga luha.

Nagulat ang Hadi Mirza. Nagalit ang Hadi Mirza. Wika niya, “akala ko ba hindi ka na sinasaktan nang iyong asawa? Dinadala mo ang kanyang magiging anak sa iyong sinapupunan, wala siyang utang na loob.” Isang kasinungalingan. “Tinuring namin siyang parang bahagi nang aming tahanan!” Isang kasinungalingan. Tumayo ang Hadi Mirza mula sa pagkakaupo nito.

Sinubukan siyang pigilan nang Hadi Mahdi.

Isa itong pagkukunwari…ang lahat nang ito ay patibong! Ako ang kanilang panghibo at ang aking tiyo ang kanilang panauhin sa pagganap na ito.

Wika nang Hadi Mirza, “sinaktan niya ang aking pamangkin. Pinagbantaan ko na siya noon sinabi ko na sa kanya na kapag inulit niya pang saktan ang aking pamangkin papatayin ko siya. Papatayin ko siya!”

At iyon ang totoo…iyon ang totoo! Lumabas din ang lahat sa kanilang mga labi ang kagustuhan nilang saktan ang aking asawa. Ang patayin ang Hadi Yasir at tuluyang pabagsakin ang tahanan ng mga Barakat.

Wika nang Hadi Mahdi, “pakiusap Hadi Mirza bakit hindi ka muna umupo. Pakinggan natin ang kung anoman ang sasabihin sa atin nang Adi Hikmet. Pakiusap!”

Umiling-iling ang Hadi Mirza. Wika nito, “hindi…”

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi natin pwedeng patayin ang Hadi Yasir. Sa gagawin mong iyan lilikha ka lamang nang kaguluhan. Sabihin mo Hadi Mirza nakalimutan mo na ba ang nangyari sa pagitan nang aking tahanan at nang tahanan ng mga Ardashir?”

Wika nang Adi Atiya, “tama ang sinabi nang Hadi Mahdi. Parang awa mo na…Hadi Mirza, umupo ka.”

Napilitang umupo ang aking tiyo…nabaling ang mga atensyon ng mga ito sa akin…

Tanong nang Hadi Mirza, “kung ganon ano ang gagawin natin! Hindi ako uupo lang dito at walang gawin sa walang utang na loob na iyon!”

Wika nang Hadi Mahdi, “mula sa simula pa lamang ay ginagamit at niloloko na tayong lahat nang Hadezar nang tahanan nang mga Barakat. Pinapaikot niya lamang tayo sa kanyang mga kamay nang tulad nang isang laruan! Hindi ko ito inakala na magagawa nang Hadi Yasir sa Adi Hikmet. Iba ang pagkakakilala ko sa bata…ngunit mukha sa mga nangyayari ngayon sa ating bayan. Sa mga naririnig ko sa laban sa kanya na hindi maganda, lalo pa’ t ngayon nalaman ko na totoo pala ang kumakalat na bulong-bulungan na sinasaktan pa ito nang Hadi Yasir ay sa tingin ko ay kailangan nating paniwalaan ang mga kumakalat ngayon!”

Pinikit ko ang aking mga mata.

Wika nang Hadi Naveed, “sa tingin niyo po ba ay magagawa iyon nang Hadi Yasir?”

Umalma ang aking tiyo. Tanong niya sa Hadi Naveed, “anong ibig mong sabihin Hadi Naveed na nagsisinungaling aking pamangkin sa akin…sa atin? Hindi kayang magsinungaling nang aking pamangkin! Malamang iyan wala siyang nalalaman sa ginagawa nang kanyang asawa!”

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi sa tingin ko Hadezar! Sa tingin ko alam niya kung ano ang ginagawa nang kanyang asawa…isang taon na silang nagsasama, hindi magtatagal isisilang niya ang kanilang panganay malabo na wala siyang nalalaman kahit ano!”

Wika nang Hadi Mirza, “pero hindi ba dapat ka rin sisihin, Hadezar! Ikaw ang may kagagawan nang lahat nang ito! Simula pa lamang ikaw na ang naglagay sa Hadezar nang tahanan nang mga Barakat sa kanyang katungkulan!”

Tanong nang Adi Atiya, “sa tingin mo?”

Wika nang aking tiyo, “ano pa nga ba…ngayong malinaw na sa akin ang lahat mula sa simula pa lamang ang lahat nang ito ay kagustuhan at pinaghandaan nang Hadezar nang tahanan nang mga Barakat laban sa tahanan ng mga Harith. Simula’ t sapul pa lamang ikaw na ang may kagagawan nito, kung hindi mo nilagay ang iyong pagmamataas at pagmamalabis sa kalipunan nang mga Hadezar hindi mangyayari ang lahat nang ito…ang madamay ang lahat!”

Lumingon ako sa Adi Atiya. Tumingin siya sa akin. Tinignan niya ako.

Tanong nang Adi Atiya sa akin, “mayroon ka pa bang hindi nasasabi sa amin Adi Hikmet?”

                                    Mofe iwou Adi Hikmet!

                                                                        Kailangan Kita Adi Hikmet!

Alam ko!

Tumango-tango bilang sagot.

Wika ko, “akala ko” tinanggal ko sa pagkakapatong ang aking mga kamay sa lamesa. “Magiging ayos na ang lahat…pero sinimulan niya na naman akong saktan. Gabi-gabi na lang pagkagaling niya sa tahanan ng mga Ardashir…” Nakapatong ang aking mga kamay sa isa’t isa, ang kaliwa sa kanan. Niyayapos nang aking mga daliri ang likuran nang kanan kong kamay. “Matapos siyang makainom…sinusubukan niya akong gahasain at saktan!” alam ko kailangan ko itong gawin. Diniin ko ang aking kaliwang kamay sa aking mga nakapamaluktot na mga daliri. Yumuko ako. Hanggang tumulo ang luha sa aking mga mata. “wala akong magawa! Takot na takot ako! Pinipilit niya ako! Wala akong magawa…”

Nagtaka ang Hadi Naveed, “ano ang ginagawa niya sa tahanan nang mga Ardashir gabi-gabi?”

Wika ko, “sinasanay siya nang Hadi Khalil na maging Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir kapalit nang pamumuno nito dito at maging tagapagmana nang tahanan!”

Wika nang Hadi Naveed, “hindi ba labag iyon sa batas ang maging Hadezar nang dalawang makapangyarihang tahanan? Alam ko ipinagbabawal ito!”

Alam ko!

Wika nang Hadi Mahdi, “kailan ito nangyari?”

Wika ko, “noong pumunta ang Hadi Khalil sa libing nang isa naming mga may-ari nang mga sakahan bago ang masamang panahon na tumama sa ating bayan. Ibinigay nang Hadi Khalil sa aking asawa ang tagapagmana nang kapangyarihan sa pamumuno sa tahanan nang mga Ardashir…Kapalit noon ang pagtakwil nito sa tahanan nang mga Barakat upang maging Hadezar at gawin akong kapalit niya sa pamumuno at pagiging Hadezar nang kanyang tahanan doon, makukuha namin ang dalawang makapangyarihang mga tahanan upang pabagsakin ang inyong tahanan, Hadi Mahdi!”

Wika nang Hadi Mirza, “sabi ko na nga ba…iyan ang mangyayari!”

Tumingin ako sa Adi Sule. Hindi niya magawang makatingin sa akin. Isa itong pagtataksil sa kanyang kapatid. IYON ANG TOTOO AT MALINAW.

Wika nang Hadi Mahdi, “wala nang iba pang dahilan—akala niya ako ang pumatay sa kanyang ina…ako ang nanakit sa kanyang ina kaya niya ginagawa ang lahat nang ito, ang putulin ang ugnayan nang aming mga tahanan, ang tanggapin ang kagustuhan nang Hadi Khalil na gawin siyang Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir…pinagkatiwalaan ko ang matandang Hadezar, pinagkatiwalaan ko ang iyong asawa, ganito lang ang igaganti nila sa akin!

Wika ko, “isa pa…” at nagsimulang tumulo ang luha sa aking mga mata. Wika ko, “gusto niyang patayin ang Hadi Khalil!”

Nagulat ang Adi Atiya. Wika nito, “o mahabaging langit!”  kaagad lumapit siya sa akin at sinubukan niya akong yakapin nang tulad sa isang tunay na kaibigan.

Pagtataka nang hadi Naveed, “sigurado ka? —pero bakit?”

Tugon nang Hadi Mahdi, “para lalo siyang maging malakas. Para magawa niyang angkinin ang lahat! Iyon ang totoo…pinaikot niya ang matandang hadezar tulad nang pagpapaikot niya sa ating lahat!”

Narinig ko ang pagngisi nang Hadi Naveed.

Wika ko, “papatayin niya ako…papatayin niya kami.” Sinubukan akong patahanin nang Adi Atiya. MANLOLOKO. Sinabi niya sa akin na wala akong kailangang ipag-alala…na walang mangyayari sa aming masama nang aking magiging anak. SINUNGALING.

Maging ang aking tiyo ay napaniwala nila. Wala siyang kaalam-alam na ang lahat nang ito ay isang pagkukunwari lang. Na inuuto lamang siya nang lahat nang nandito. Tapos sasabihin niya sa akin na wala siyang nalalaman kung bakit nagbabalak ang aking ama laban sa kanya, maging ang aking mga kapatid? Wala siyang nalalaman na kahit ano. Hindi ang aking asawa ang nagpapaikot nang lahat nang ito, kung hindi ang Hadi Mahdi!

Wika nang Adi Atiya sa akin, “magiging ayos lang ang lahat, iyan ang pinapangako ko sa iyo!”

WALA KANG UTANG NA LOOB.

Kasabay nito bilang tumayo ang Adi Sule mula sa pagkakaupo nito at lumabas ito ng bilugang silid.

Tanong nang aking tiyo sa Hadezar nang tahanan ng mga Harith, “kung ganon ano na ang gagawin natin ngayon Hadezar?”

Sinandal nang Hadi Mahdi ang kanyang likuran sa sandalan nang upuang kinauupuan nito. Lumingon ito sa aking tiyo at sinabing, “kailangan nating pigilan ang Hadi Yasir, iyon lang ang tanging paraan. Kailangan nating isipin at paghandaan ang mga gagawin natin!”

Nagtagumpay sila sa kanilang mga binabalak laban sa aking asawa. Hanggang sa nawalan ako nang malay.

Nang gabi iyon, nanaginip ako… nanaginip ako ng isang masamang panaginip. Napanaginipan ko ang kamatayan nang aking asawa. Nakabigkis siya sa isang punong tuod, nakaluwa ang kanyang tiyan at bituka habang nakabagsak ang kanyang ulo. Naroroon ako. Nakikita ko siya…habang nasa harapan niya ako. Pinuputakte nang mga makamandag at gumagapang na mga hayop. Pinang-iibabawan nang mga uwak na may nakaririmarim na mga huni.

Nang dinilat ko ang aking mga mata nakita ko ang Adi Sule na nagbabantay sa akin. Sinubukan kong bumangon ngunit pinigilan niya ako. Sinabi niya sa akin na huwag akong kumilos. Bagay na aking ginawa. Binigyan niya ako nang aking makakain. Sinabi niyang kailangan kong kumain…kailangan kong maging malakas. Iniabot niya sa akin ang isang pinggan na may lamang karne ng tapir at kakanin.

Nagpasalamat ako. Kinuha ko ito at kumain ako…Tinignan niya ako. Tinanong ko siya kung bakit.

Tanong niya, “paano mo nagawa iyon Adi Hikmet?”

Binaba ko ang aking hawak na pinggan at kutsara habang nakasandal ang aking katawan sa uluhan nang higaan at nasa aking mga kamay ang pinggan at kutsara.

Wika ko, “hindi ko alam. Pero kailangan ko iyong gawin!”

Wika niya sa akin, “sinira namin siya, ako, ang Adi Makbule ang aming ina. Kami ang sumira sa kanya upang sa gayon ay maging isa siyang Hadezar. Bagay na ngayon ay labis naming pinagbabayaran. Hindi ko alam na pati ikaw maaatim mong sirain ang aking kapatid. Akala ko nagbago na ang lahat! Kapag nawala sa iyo, ang lahat, ang magiging anak mo, ang buhay mo, sa huling hininga mo pinapangako ko maaalala mo kung ano ang sinabi ko sa iyo: hindi ka dapat nandito! Hindi mo siya kilalang lubusan…hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin!”

Wika ko sa kanya, “pero alam ko! Alam ko kung ano ang kaya niyang gawin kaya ko ito ginagawa”

Tumayo siya sa pagkakaupo sa aking tabi. Wika niya, “mayamaya lang nandito na ang Hadi Walid…susunduin ka niya!”

Matapos noon umalis ako sa tahanan ng mga Parvana, pabalik sa aming tahanan ng aking asawa. Sa paglabas ko kasama ni Amarok at ang Hadi Wald na siyang nagpapatakbo nang asong-gubat, pinagmasdan ko ang malawak na dalampasigan at ang mga sasakyang-pandagat. Sinabi ko sa Hadi Walid, “ang ganda!” Bagay na kanyang sinang-ayunan. Hindi niya ako tinanong kung ano ang mga nangyari…siguro alam niya kung ano ang aking mga sinabi at ginawa.

Nagpatuloy kami sa aming paglalakbay. At sa pagbalik ko sa tahanan nang mga Barakat, nakita ko ang aking asawa na nag-iintay sa akin sa labas nang bulwagan. May hawak-hawak itong maliliit na mga tutang asong-gubat. Lumapit ako sa kanya.

Tinignan niya ako at sa paglapit ko hindi niya inalis ang kanyang tingin sa akin habang nakangiti.

Umupo ako sa kanyang tabi. Lumingon siya sa akin. Hinalikan ko siya. Ibinigay niya sa akin ang isa sa mga hawak niyang tuta.

Tanong niya, “mukhang napagod ka!”

Tumango-tango ako.

Wika niya, “may tinira akong pagkain diyan! Kung gusto mo kumain ka, ipaghahanda kita.”

Sinabi ko sa kanya na kumain na ako bago ako umalis sa tahanan ng mga Parvana.

Tanong niya, “ano na ang gagawin natin ngayon, manasivah!”

Wika ko, “kailangan mong patayin ang Hadi Khalil!”

Hindi ito umimik.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya. Hinintay ko siya na may sabihin sa akin na hindi maganda…na sabihing nagkamali ako na ginawa at mga nangyari. Na hindi na dapat pa akong pumunta sa tahanan nang mga Parvana. Iyon ang totoo. Ngunit tumingin lamang siya sa akin. Hindi niya inalis ang kanyang tingin sa akin habang nagsimulang kumawala ang hawak niyang asong-gubat sa kanyang kamay. Natatakot akong madismaya siya sa akin.

Wika niya, “sige…”  Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

KABANATA LABING-ANIM:

ANG PATAPON AT MAHINA NANG LIPUNAN

Lumapit ako sa Hadi Khalil na nang mga panahong iyon ay nasa loob ng kanyang pinagmamalaking pabilyo kasama ang matandang Mata na galing sa katimugan ng Malayang Andes ng Silangan. Ang aming pagkikita nang mga panahong ito ay pagpapatuloy ng kung ano ang nasimulan ilang buwan na ang nakakalipas, nang inaasahan niyang kagustuhan na gawin akong patnugot, pinuno at Hadezar nang kanyang maiiwang tahanan maging pagkakaroon namin nang isang magandang ugnayan.

Nang pumasok ako sa loob nang kanyang tahanan kasama si Ijiraq agad ko siyang nakita sa loob ng pabilyo. Kausap niya ang Hading-Mata…malalim ang kanilang pinag-uusapan, hindi ko alam kung ano, bagamat nakatitiyak ako na hindi ako ang laman nang kanilang pag-uusap. Kaya binaliwala ko at binaling ang aking atensyon sa pagpasok kay Ijiraq sa loob nang yungib na nasa loob nang kanyang tahanan.

Hindi maipinta ang kagalakan nang aking asawa na makita ang tahanan ng mga Ardashir. Ang pagmamalaki nito sa Adi Hikmet sa nasabing pabilyo ay pagmamalabis na pagkukumpara sa di-hamak na maskaaya-aya kaysa sa kung ano ang makikita sa aking mga kalaban.

Sa paglabas ko nang yungib narinig ko ang aking pangalan. Tinawag niya ako mula dito. Sa paghakbang ko mula sa nakaangat na pasilyo at mga baitang papunta sa kanya ay ang pagdungaw niya sa mga kurtinang-dingding na gawa sa kahoy nakatagilid ang kanyang katawan na tila may tinutungkuran nang mga sandaling ito.

Pabulyaw niyang sabi sa akin, “Tezhaa’ hōy, neyi qwazhabiiryi un’zah!  Kuzha’ndenyi Hadezar.” Ang kanyang nakakasuyang pagsigaw sa akin.

Nang makita niya akong papalapit sa kanya tumalikod siya sa pagdungaw.

Bagamat walang nakalulugod sa tahanang ito hindi maitatangging ang hangin dito ay sariwa at mahalumigmig, hindi gaya sa kinasasakupang lupain na aking pinagmulan na masangsang at higit pa sa tahanan ng aking asawa na umaalingasaw ang mabahong amoy na dala nang mga dumi nang mga inaalagaang mga hayop.

Lumapit ako sa kung nasaan siya. Sa pagpasok ko sa loob nang pabilyo agad akong nagbigay ng paggalang sa kanya bagay na kanyang tinanggap at binungad din sa akin nang kanyang pangangamusta.

Wika niya, “na’zhil siz’ö Hadi Yasir?”

Dito nagsimula ang aming pagkikita sa araw na ito, sa isang tanong. Sa isang pangkaraniwan, palasak na tanong na akala nang sinoman ay madaling sagutin ngunit ang madali lamang para sa palasak at pangkaraniwang tanong na ito ay kung sasagot ako ng kasinungalingan.

Nakaupo siya sa isa sa mga malalaking upuang nasa loob ng pabilyo, habang tinutungkuran nang kanyang kamay ang isa sa mga malalapad na patungan nang kamay at braso ng upuan at ang isa nakahawak sa kanyang tungkod.

Sinabi ko sa kanya, “hindi ko alam na nandito pala kayo Hadezar?”

Tumango-tango ang matanda…Wika niya sa aking tanong, “edere’irn, unzha eger’irn umut të eder gidyo’zur! Yuu’ne’duýi…asirvadda’ Ojokanri, Hadezar!”

Nang may ngiti tugon ko, “yuu’se maaste, Hadi Khalil! Bagay na siyang totoo sa mga sandaling ito.

Inanyayahan niya akong umupo sa upuang nasa kanyang harap. Tinanong ko siya kung hindi ba ako makagagambala sa kanilang pag-uusap nang Mata bagay na kanyang pinagsawalang bahala at sinabing hindi mahalaga ang kanilang pag-uusap…na ang totoo ay paalis na rin ito sa loob nang pabilyo.

Umupo ako sa upuang nakaharap sa kanya.

Dagdag nang Hadi Khalil, “Kung ganon sabihin mo sa akin…kamusta ka na Hadezar?”

Kahit ang aking asawa ay hindi alam kung ano ang tunay kong nararamdaman. Ang mga kasinungalingan na aking nililikha…sa bawat araw na tumatagal palalim nang palalim ang aking mga sinasabing walang katotohanan hindi lang sa Adi Hikmet ngunit pati na rin sa kanya, sa Hadi Khalil. Ngumiti ako. Puno nang pag-aagam ang aking mga salita. Wika ko, “ito ho!” maaari akong magsinungaling—sabihin sa kanya na ayos lang at wala siyang dapat na alalahanin. Walang suliraning bumabagabag sa akin. Walang asawang nagdadalang-tao na sa bawat araw na lumilipas ay palaki nang palaki ang kanyang tsan dahil sa dinadala niya ang aking anak. Pagpapatuloy ko, “kahit papaano nakakaraos naman. Sa katunayan nga kanina lamang ho ay kausap ko ang mga may-ari nang lupa, sinisimulan na namin na ayusin ang ilang mga pananim na napinsala nang nagdaang kalamidad…” Bagay na aking ginawa.

Tanong nang Hadi Khalil sa akin, “at ang kasal?”

Tugon ko, “düzenli tako të rab’evlilik…mofe eger edip ö’nivadu waxaa’erken çu’qho ithi’zeh yi subhat’edere. Para nhar ederi kufenele ö andolana azirki të açzi manasivah zhoorä të Hadi Eno va të nju age’xaaskiisa!”

Wika niya, “bono’tako yoki’edilir”—nang may ngiti. Dagdag niya, “at ang Adi Hikmet hindi ko na siya nakikita, simula nang, kailan ba—a nang huli kayong dumalaw dito…hindi ba sinamahan mo ako sa pag-iikot sa mga pampakulay nang mga damit? Kamusta na siya Hadi Yasir?”

Tugon ko sa kanya, “ganon din…maayos din ang kanyang kalagayan! Anim na buwan na ang kanyang dinadala kaya nahihirapan na rin siyang mag-iikot at kinakailangan ko na siyang samahan nang madalas ngunit kasama niya naman nang madalas ang Hadi Walid kapag umaalis ako, kaya may napagbibilinan ako!”

Marami na ang nag-alala sa kanya…palaging tinatanong ang kanyang kalagayan, ang kanyang kalusugan, ang kanyang pagdadalang-tao. Palagi siyang kinakamusta kapag nakakasalubong namin ang iba sa aming mga pinapatnugunan. Palagi niyang sinasabi na nasa ayos ang kanyang kalagayan, na wala kaming dapat na ipag-alala. Hindi ko alam kung totoo ang kanyang sinasabi o kung maging sa akin ay nagsisinungaling na rin siya. Kung minsan, humihigit pa sa pangangamusta ang kanilang pag-aalala sa Adi Hikmet, inaabutan nila ito ng mga halaman na sinasabi nila na makabubuti sa kalusugan at pagdadalang-tao nang aking asawa. Bagay na kanyang tinatanggap at pinasasalamatan. Kapag ako ang tinatanong nila para akong aninong ginagaya kung anoman ang kanyang sinasabi, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ngunit kapag mag-isa lang kami dinadaing niya ang pangangalay nang kanyang mga pagkilos. At tumitigil minsan sa kanyang paggawa.

Dagdag ko sa Hadi Khalil, “wala po kayong dapat na ipag-alala!”

Wika nito sa akin, “mabuti naman kung ganon! —at ang bata… kamusta?”

Sinabi ko, “malusog naman sila…ito nga nang huling dumalaw ang kanyang ina sa amin binigyan niya kami nang maiinom na erbal na luya, marami nga ang nagsasabi sa akin na makagagaan daw ito sa nararamdaman nitong pagkahilo…hindi ko nga lang alam kung nakakaramdam pa siya nang panghihilo pero madalas ito ang ibinibigay ko.”

Wika nang Hadi Khalil, “mabuti naman Hadi Yasir…mahalaga ang iyong mga biyenan sa pananatili nang kalusugan nang iyong asawa lalo pa’t mga bagong magulang kayo. Sa kanila niyo mabuting matutunan ang kahalagahan at pangangalaga nang inyong tahanan. Mayroon din nagsasabi sa akin na makabubuti ang prambuwesas para mapagaan ang pagbubuntis ng iyong asawa!”

Bagay na aking sinang-ayunan.

Matalino ang Hadi Khalil iyon ang totoo. May paggalang ang kanyang mga salita at may dangal ang kanyang mga papuri datapwat awa na lamang ang dahilan kung bakit pinagmamalasakitan pa siya nang ibang mga Hadezar, hindi paggalang ni hindi dahil sa dangal na tinataglay nang kanyang mga papuri. Ngunit hindi siya dapat ginagalang, ni kinakawaan. Tanong ko sa kanya, “kayo ho kamusta?”

Wika nito sa akin, “ito, matanda pa rin!”

Hindi iyan totoo, mukhang matanda ang kanyang itsura at pagkilos pero halatang malayo ang kanyang tunay na edad sa kanyang pag-ugod ugod. Hindi nakapagtataka na mahaba pa ang bibilangin nang huklubang ito para ibigay niya sa akin ang kanyang pamumuno at ang patnugot nang kanyang tahanan.

Ngumiti ako.

Sana mamatay na lamang siya para makuha ko ang pinanghahawakan niyang mga unyon… sa mga pagawaang kinakailangan hindi lang ang produkto at serbisyo kung hindi ang sariling gawa na may mahabang panahon ng pagsasanay at gawain na maituturing na kapakipakinabang sa buong lipunan ng mga Jingkar.

Ang kanilang tunay na impluwensya ay hindi sa lawak nang mga lupain, o sa mga inaani nilang mga pananim datapwat hindi pa rin maitatanggi na may lawak at laki ang sakop nilang lupain higit pa kaysa sa mga Harith, higit pa kaysa sa amin nang mga panahong nakikipagsabayan pa kami sa pamilihan. Ang tunay na impluwensya nang tahanan ng mga Ardashir ay sa mga pinanghahawakan nilang mga pamunuan at mga unyon na bumubuo sa mga samahan na naglilingkod sa kanila, nagbibigay nang mga produkto at serbisyo na ipinamamahagi sa buong lipunan ng Ja’khar at ipinamamalit sa mga produkto at serbisyo na ibinibigay at umikot tulad nang palitan sa pamilihan. Ganito ang pamamalakad sa Ja’khar. Ganito ang aming pamamalakad sa aming lupain…hindi sa pisikal na salipi na gawa sa pilak at ginto…sa tanso o sa tinga umiikot ang aming lupain. Sa aming lipunan humihinga ito sa pag-ikot nang produkto at serbisyo na naaayon sa kung ano ang pinagbabatayan…Sa kung ano ang nakaugalian na nilikha at ginawa nang kalipunan ng mga Hadezar at patuloy na nagbabago sa paglipas nang mga panahon. Sa kung anong produkto o serbisyo ang kayang ibigay at kayang ipalit na may pinaghihirapan at tinutumbasan. Ito ang aming lupain.

Ngumiti ako sa kanyang biro.

Sa mga pag-iikot at paglilibot na ginawa ko sa mga nasasakupan niyang lupain marami akong natutunan. Nakita ko ang kahirapan at kasaganahang tinatamasa nang kanyang tahanan. Ang paglilingkod niya sa kanyang mga nasasakupan. Ang pagkilala niya sa bawat pinuno ng mga samahan at mga may-ari ng lupa na nasa ilalim nang kanyang pamumuno…sinabi sa akin nang aking asawa na mabigat ang pagiging Hadezar. Na higit kaninoman nakasalalay dito ang ikaaangat o ikababagsak ng kanyang nasasakupan. Na higit kaninoman kailangang isaalang-alang niya ang kanyang mga nasasakupan higit pa kaysa sa kaya niyang gawin. Gusto ko siyang higitan…gusto kong pantayan ang kanyang pagmamalasakit at pag-unawa, silang dalawa nang aking asawa…magkatulad silang dalawa, na ang pamumuno ay hindi nagsisimula sa pinakamataas kung hindi sa pinakamababa…Sa mga ugat paakyat sa mga dulo ng mga dahon.

Siguro hinahangaan ko siya.

Wika ko, “ngunit hindi naman hamak na nakakakilos pa kayo, Hadezar!”

Nabaling sa aking atensyon na pinaglalaruan niya ang kanyang hawak na tungkod. Tugon niya, “siguro nga—tama ka, Hadezar! Ngunit iba pa rin talaga kung ramdam mo na sa iyong sarili ang iyong pagtanda! Maiba ako Hadi Yasir, alam mo na ba ang balita sa Hadi Hagir at sa kanyang karamdaman?”

Bagay na aking sinang-ayunan. Sinabi ko, “oo Hadezar, kanina ko lamang nalaman sa Adi Hikmet ang nangyaring pagbagsak nang Hadi Hagir at pagtama nang kanyang ulo sa batuhang baitang nang hagdanan mula sa ikalawang palapag! Nakakalungkot isipin, ngunit nangangamba ako na baka hindi rin siya magtatagal katulad nang iniisip nang iba?”

Tugon nang Hadi Khalil, “siya nga! Nakakaawa ang kanyang sinapit. Walaman ang may kagustuhan na mangyari ang bagay na iyon. Hindi natin maaaring ipagkaila na nakalagay sa bingit nang kamatayan ang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana!”

Wika nang Mata, “parang kailan lang nang matagpuan ang maraming bangkay sa baybayin nang Ja’khar…ngayon makakarinig naman tayo nang panibagong kahindik-hindik na pangyayari! Tila minamalas ang bayan nang mga kamatayan…”

Tugon nang Hadi Khalil kanyang Mata, “hindi sa tingin ko…isa pa ang bagay na iyon ay malubha at hindi basta-basta lamang binabanggit sa kahit sa kung saan…mabigat ang ating mga suliranin para dagdagan pa at ipaalala ang karimarimarim na pangyayari!”

Wika ko, “tama ka Hadezar! Ngunit hindi lahat ay katulad mong parehong mag-isip…katulad nang iyong liyaw sasabihin din nila kung ano ang sasabihin nang Mata. Na ginambala natin ang bahay nang mga putakte at ngayon lipana ang kamatayan sa ating bayan!”

Wika nito sa akin, “kung ganon kailangan nating baguhin ang ating pag-iisip!”

Siguro gusto kong maging katulad niya.

Ngunit isa lamang itong katha. Hindi ako bulag at bingi sa kailangan kong makita at marinig. Hindi ako katulad niya na ang mahalaga ay iyong gumagawa at kumikilos sa kanya, para sa kanya…para sa kanyang kagustuhan. Na sa kabila nang mga huwad na kasaganahan na pinapakita sa akin at ginagawa nang Hadi Khalil para sa mga unyon ng kanyang tahanan ang kasinungalingan nang mga nakararaming mga patapon at mahina ng lipunan ang nakakalat sa buong kanyang nasasakupan.

Tanong ko sa kanya, “maalala ko, kamusta po ba ang nangyaring pagtitipon ng mga Hadezar…ipagpatawad niyo kung hindi ako nakapunta…hindi naman lingid sa inyo ang aking kinatatayuan?”

Wika nang Hadi Khalil, “wala kang dapat na ipag-alala Hadezar! Nauunawaan ko kung ano ang iyong kalagayan.” Tinigil nito ang pagtapik sa puluhan nang tungkod nito, kasunod noon tumayo ito sa kinauupuan nito habang tinutungkuran nang hawak nitong panuhog. Lumapit dito ang Mata para alalayan ito datapwat tinigil ito nang Hadi Khalil at hiningi niya sa akin na alalayan ko siya sa pamamagitan nang pagbibigay niya nang kanyang kamay. Bagay aking na tinanggap. Tumayo ako sa aking kinauupuan. Inalalayan ko ang Hadi Khalil sa kanyang paglalakad palabas nang pamoso niyang pabilyo.

Sa aming paglalakad sinabi niya sa akin na hindi ko maiaalis sa kanila na pag-isipan na masama kung anoman ang dahilan nang hindi ko pagpunta. Sinabi niya na maituturing itong kawalan nang utang na loob sa mga Jingkar na nagdala sa akin at nag-angat sa pagiging isang Hadezar…bagay na kung iisipin ay hindi naman maitatangging may katwiran ang aming mga kapwa Hadezar. Karapatan nila na pamunuan namin sila nang naaayon sa kung ano ang aming pinanumpaan. Kami ang mga Hadezar, kami ang dapat na maglingkod at mangalaga sa kanilang mga karapatan at kalayaan.  Pero hindi ang aking nasasakupan, ang aking pinapatnugunan at pinamumunuan ngayon nang aking asawa habang wala ako sa kanyang tabi ang nagluklok sa akin sa kapangyarihang ito…hindi ba sila ang nagdala sa akin sa pagiging Hadezar? Hindi ba ang dahilan nang lahat ng ito ay walang ibang dapat sisihin kung hindi ang kanilang mga kakulangan at hindi ang aking mga kakulangan…

Dagdag nang Hadi Khalil, “sinabi nang Hadi Mirza na higit kaninoman ay hindi mo dapat inuuna ang iyong mga pansariling kadahilan. Bagay na siyang totoo Hadi Yasir! Aaminin ko, ako rin hinintay ko ang iyong pagdating sa tore ng mga Hadezar, datapwat hindi ibig sabihin noon nadismaya ako! Naniniwala ako na karapatang-sarili mo ang hindi pumunta sa aming pag-uusap. Isa pa wala namang nalutas sa ginawang pag-uusap kung hindi mga haka-haka lamang at mungkahi.”

Tanong ko, “sa tingin niyo tama ang aking ginawa?”

Wika niya, “hindi Hadezar! At kahit pa magkaroon nang susunod na pagtitipon nang kalipunan, kung makakaroonman matapos ang nangyari sa tahanan ng mga Parvana wala rin naman patutunguhan ang pag-uusap kung wala ka roon at hindi buo ang kalipunan!”

Nagpatuloy kami sa aming paglalakad. Sa mga sandaling ito sa aking pagtingin sa mga dingding na walang laman iniisip ko ano na lamang ba ang kinaunlad nang kanyang tahanan.

Naalala ko ang aking mga pag-iikot. Ang pagpayag niya na hayaan akong maglibot ng mag-isa at matuto sa kayang mga pinamumunuan na wala ang kanyang pangingialam. At nakita ko ang kanyang mga pinagmamalaki ay mga kasinungalingan. Nandito ang pinakamarami sa mga Kalisag na aking nakita. Sa tuwing nakakasalubong ako nang isa naaalala ko ang pakiramdam nang pangangalam ng aking sikmura, ang mga insulto at panghahamak na bumabalik lamang sa aking mga alaala…

Pagpapatuloy nang Hadi Khalil, “naalala ko ang iyong paagpupursigi na salungatin ang mungkahi nang sanggunian na patigilin ang pagkakaroon panandaliang pagtitigil sa pagluluwas at pag-aangkat. Ito ay hindi maikakaila na isang mabuting paghatol sa kung ano ang tama at makabubuti sa ating bayan, Datapwat sa tingin ako mayroon kang pansariling kadahilan kung bakit mo ito ginagawa? Tanungin kita Hadi Yasir…hindi mo mamasamain at pahihintulutan, ikaw ano ang gagawin mo kapag naroroon ka sa pagtitipon ng mga Hadezar!”

Natigil kami sa paglalakad sa gitna nang bulwagang silid ng tahanan ng mga Ardashir. Napatingin ako sa uugod-ugod na Hadezar habang hawak-hawak ko siya patungo sa ikalawang bahagi nang tahanan ng mga Ardashir.

Tanong ko, “neyi’bi ma’no Hadezar?”

Tatanungin niya ako tapos gagamitin niya ito na mistulang siya mismo ang nag-isip…lantarang pagnanakaw ang ginagawa niya. Gagamitin niya ang aking mungkahi sa sarili niyang pakinabang. Ang lakas nang loob niya …

Ngumiti siya sa akin. Wika niya, “kung sakasakali lang naman, Hadi Yasir…ngunit ano ba naman hindi ba…kalimutan muna ang aking sinabi…lalo pa ngayon na mukhang may hindi nangyayaring maganda sa tahanan ng mga Parvana…”

Hindi maganda?

Nagpatuloy kami sa aming paglalakad palabas sa bulwagan nang tahanan at patungo sa ikalawang bahagi nang tahanan ng mga Ardashir.

Sinabi ko sa kanya kung ano ang sa tingin kong makabubuti. Na sa ginawa naming mga Hadezar hindi magtatagal ay mabubunyag ang lihim na ito, kung hindiman ay nagsisimula na itong mabunyag. KAILANGAN naming paghandaan ang pagkabunyag nang palihim na kasunduan sa mga Kesh at sa mg Qaa. Na magagalit ang mga Jingkar, at hindi kalaunan ay kakalat ang mga bulongbulungan na pabagsak sa aming bayan. Sinabi ko, “Hadezar kapag nangyari iyon kailangan ay mayroong managot isaman sa atin. Kung ako ang tatanungin, handa akong ipagsangkalan ang aking sarili at managot sa pagkakamali natin datapwat ikasisira ito nang ating kalipunan! Sino ang mag-aaakala dalawang tahanan ang isa ay mayabang at makasarali at hindi kayang pagbigyan ang kalayaang pinangangalagaan sa sarili nating bayan at ang aking tahanan…ngayon kung mangyari ang bagay na iyon at ako ang umako nang ating mga kasalanan sasabihin naman ng iba lalong binubugbog ang tahanan nang mga Barakat nang kalipunan ng mga Hadezar…at sasabihin nila sino pa ba ang nagpapatakbo sa kalipunan nang katulad nang kanyang tahanan, hindi ba walang iba kung hindi ang tahanan ng mga Harith?” Naglakad kami sa damuhan sa malawak na lupain sa ikalawang bahagi nang tahanan nang mga Ardashir. Mula sa aming kinatatayuan tanaw namin ang puno nang Mahumanay. “Ngunit kung inyong pahihintulutan at hindi mamasamain, maaari ko bang imungkahi na bakit hindi ang Hadi Mahdi ang ating ipukol at pagbitangan. Magkaisa tayo Hadezar sa kalitagsan nang ating bayan…sa kaligtasan ng ating kalipunan!”

Nabaling ang aming atensyon sa puno nang Mahumanay…

Nakilala ko siya nang araw na iyon, isang Adi. May buhat-buhat na isang bata habang nakahawak sa kabila niyang kamay ang isa pang bata. Makailang ulit ko na siyang nakasalubong. Madalas kapag umiikot kami nang Hadi Khalil lagi siya ang nakakatawag nang aking pansin. Nahuhuling nakatingin sa aming dalawa. At minsan nakita ko siya na nagtatrabaho sa mga pampakulay nang mga kasuotan. Mano-mano niyang binubuhat kasama nang iba pa ang mga tela na kanilang inilulublob sa mga malalaking mga butas sa lupa na may lamang iba’t ibang kulay.

Alam ko kung sino siya. Siya ang kapatid nang Hadi Khalil na itinakwil matapos mabutis …kasama siya nang Hadi Khalil nang lumuhod ang aking ina sa kanilang harapan. Nagmamakaawa sa pagtulong at pagkalinga bagay na hindi binigay nang matadang hukluban. Nang araw na sinabi niya sa aking ina at mga kapatid na tapos na ang panahon nang pagtulong nang mga Hadezar.

Ngumiti ako sa ganda nang nakikita kong tanawin kasama ang mga alaga niyang ibong Hamsa at pabo maging ang puno na rin nang Mahumanay.

Wika ko, “iyon ang sa tingin ko lang naman!” Lumingon ako sa kanya. Tanong ko, “bakit niyo nga po ba ako pinatawag?”

Lumingon sa akin ang Hadi Khalil at kasunod nito ngumiti siya sa akin.

Nang gabing iyon sa pagbalik ko sa aming tahanan ng aking asawa naalala ko ang kalagayan nang kanyang mga nasasakupan. Nagpatuloy ako sa aking paglalakbay sakay kay Ijiraq. Masaya akong makita na puno ang langit nang maraming bituin…at lutang na lutang ang manining na tala nang Ja’khar sa kung saan ito nababagay. Inisip ko kung ano kanyang mga sinabi sa akin nang pumunta kami sa hindi natapos na gusaling dapat sana ay magiging tahanan ng mga Ardashir nang hinirang nila ang kanilang mga sarili bilang mga diyos ng Ja’khar. Sinabi niya sa akin na ito ang kinabukasan nang aming lipunan, ang biyaya niya sa aming bayan na paniguradong hindi namin matatanggihan. Bagay na isang kalabisan para sa Hadi Khalil.

Bago ako bumalik sa aming tahanan dumaan muna ako sa pinakamalapit na imbakan. Sa pagdating ko sa lupaing kinasasakupan nang mga may-ari nang mga sakahan ng Rimas, nakita ko ang liwanag na pumapaligid at tinataglay nang mga sulo at nang mga malalaking mga kawan nang apoy sa iilang mga kabahayan. Nakita ko ang isa sa mga anak nang Hadi Baaru. Lumapit ako sa kanya. Bumaba ako sa sinasakyan kong si Ijiraq. Nakita kong may dala siyang hiniwa-hiwang rimas na kanyang kinakain. Hindi niya ako kilala…hindi sa tingin ko matapos niyang magbigay sa akin nang paggalang bagay na aking tinanggap.

Tinanong niya sa akin kung ano ang maipaglilingkod niya. Tinanong ko sa kanya kung saan makikita ang pinakamalapit na imbakan dito. Tinuro niya sa akin ang kanilang imbakan. Bagay na aking pinasalamatan. Nagtungo ako sa kanilang imbakan upang kumuha nang aming makakain ngayong hapunan ng Adi Hikmet. Hiningi niya sa akin kung maaari niya ba munang alagaan si Ijiraq.

Binigyan niya ito nang pagkain at nagustuhan ito nang aking alaga.

Bagay na aking pinagbigyan.

Tumalikod ako at pumasok sa loob ng imbakan kung saan kumuha ako ng mga pansahog na aking gagamitin sa pagluluto. Kumuha ako nang iilang kohlrabi, manioc, mga maanghang na pampalasa, mga itlog at mga bunga nang mandarina. Sa aking pag-iikot-ikot sa loob nang imbakan nabaling ang aking pansin sa dunaw na nasa loob nang imbakan, napansin ko ang mga suso na kinakain ko…ngumiti ako nang makita ko ito. Kumuha ako nang iilan. Matapos noon lumabas ako sa loob nang imbakan, sinara ang bakal na lagusan, umakyat sa mga baitang at saka lumapit sa anak na babae nang Hadi Baaru na kasama si Ijiraq.

Nagpasalamat ako sa kanyang pag-aalaga.

Tinanong ko sa kanya kung kamusta ang kanyang ama…kung kamusta ang Hadi Baaru.

Sinabi niya sa akin na kahit papaano ay maayos-ayos na ang Hadi…na kahit papaano ay nakaraosraos na ang kanilang tahanan matapos ang pagkamatay nang ina nito.

Bagay na aking ikinatuwa. Sinabi ko sa kanya na mabuti naman kung ganon. Hiningi ko sa kanya ang kanyang pangalan. Sinabi niya sa akin ang kanyang pangalan ay Amani…gayong pinasalamatan ko siya nang marami, bagay na kanyang ikinahiya. At sinabi kong ikamusta niya na lamang ako sa kanyang ama. Sabihin na hinahangad ko ang lubusan niyang paggaling. Bagay na kanyang tinanggap at ipinagpasalamat. Matapos noon bumalik ako sa aming tahanan nang aking asawa, sakay kay Ijiraq.

Sa pag-uwi ko sa aming tahanan agad kong dinala si Ijiraq sa loob ng yungib. Sa pagpasok ko, bumungad sa akin ang iba naming mga alaga, sina Mamé at Amarok na naroroon at nagpapahinga sa loob ng yungib. Unang tumahol si Amarok pagkakita sa akin na sinundan nang paglapit ni Mamé. Hinimas-himas ko ang kanyang balahibo sa kanyang ulo. Kasabay noon, nagngitngit si Ijiraq dahilan upang lumayo sa akin nang kakaunti si Mamé. Sa tuluyan naming pagpasok ni Ijirak, tinanggal ko sa pagkakatali ang tiklis na nasa gilid nang paratilya. Sinuot ko ito sa aking mga balikat at inilagay sa aking likuran. Kasunod noon tinanggal ko sa pagkakatali ang paratilyang aking inuupuan at nakakabit sa kanyang likuran. Pagtanggal ko sa mga panali agad ko itong pinakawalan sa loob nang yungib. Nagtungo ito sa gilid malapit sa lagusan nang yungib kung saan madilim at malayo sa iba pang mga asong-gubat na aming inaalagaan.

Lumabas ako sa loob nang yungib sa lagusang nagdudugtong sa loob ng aming tahanan. Sa paglabas ko sa lagusan nang yungib dala ang mga paratilyang at tiklis nakita kong isa-isa nang sinisindihan nang Hadi Walid ang mga tinghoy na nakababad sa langis na nasa sulyaw at nakadikit sa mga dingding at haligi ng aming tahanan.

Nilagay ko ang paratilya sa sabitang may mga tungkod na nasa gilid ng hagdanan. Kasunod noon lumabas ako sa madilim na pasilyo at nakita ako ang Hadi Walid na papalabas.

Nagbigay siya ng paggalang pagkakita niya sa akin. Sinabi niya, “Hadezar!”

Bagay na aking tinugunan, at sinabing, “Hadi Walid!” —nang may ngiti. Inaamin ko nagseselos ako sa Hadi Walid…nagseselos ako sa kanyang pagsamasama sa aking asawa, nagseselos ako sa mga panahong wala ako sa kanyang tabi o mashigit niya akong kailangan.  Alam ko wala akong dapat na ipagselos sa kanya. Na walang namamagitan sa kanila nang aking asawa…na parang anak lamang ang turing nito sa aking asawa.

Sinabi ko sa kanya na maydala akong mga sangkap na lulutuin ko para sa aming hapunan…niyaya ko siyang maghapunan sa amin bagay na kanyang tinanggap.

Kinamusta ko ang kalagayan nang aking asawa sa Hadi Walid.

Sinabi niya sa akin na nasa loob nang aming silid ang Adi Hikmet at nagpapahinga. Niyaya ko siyang samahan ako na paghandaan ang aming hapunan ngunit tumanggi siya. sinabi niya na kailangan niya pang sindihan ang lahat nang ilaw sa aming bahay. Bagay na aking biglang naalala. At tinanggap ang aking pagkatalo. Kasunod noon nagbigay siya nang paggalang sa akin. Umalis siya sa aking harapan at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawang pagsindi nang mga liwanag sa aming tahanan.

Kasabay nang kanyang pagtalikod sa akin sinimulan kong magtungo sa loob nang silid-lutuan.

Sa gitna nang aking paglalakad lumingon ako sa kung nasaan ang Hadi Walid. Nabaling ang aking pansin sa aking liyaw. Pinagmasdan ko ang kanyang ginagawa. Nabaling din ang aking atensyon sa silid kung nasaan ang aking asawa, sa aming silid, nakita ko na madilim ang loob nang aming silid-tulugan, datapwat nakabukas ang dungawan nito at nakahawi ang tapiserya sa nakabukas na pintuan.

Hindi ko alam kung ano ang tunay nangyayari ngunit nakasisiguro ako na may mali at sa mga panahong ito, hindi ko alam kung magagawa ko pang magpanggap na walang nangyayaring hindi maganda sa loob nang aking pamamahay.

Pumasok ako sa loob nang silid lutuan. Pinatong ko ang tiklis sa ibabaw nang mataas na kahoy na lamesa na nasa gitna nang silid. Sinimulan kong ilabas ang mga sangkap na aking kinuha sa loob nang imbakan malapit sa taniman nang mga Rimas. Tinanggal ko sa loob ng tiklis ang kohlrabi, manioc, mga pampalasa, mga itlog at mga bunga nang mandarina. Ganon na rin ang mga suso na tahanan nang mga maliliit na mga talangka. Inilagay ko ang mga ito sa isang sulyaw at binuhusan nang nakakalasing na inumin.

Sinimulan kong ihanda ang aking mga lulutuin. Pinalambot ko ang karne nang Mantahungal na nakaburo sa loob nang bangang nagtataglay nang asin. Kasunod noon sinimulan kong balatan ang manioc, ilagay sa bakal na kaldero kasama nang pinakukuluan kong mainit na tubig. Sinunod kong balatan ang Kohlrabi, tadtarin ito nang pinong-pino hanggang maging manipis nang tulad sa tangkay.

Kahit anong gawin ko hindi ko matanggal na hindi isipin kung anoman ang kanilang mga ginagawa sa tuwing iniiwan ko sila na magkasama para puntahan ang tahanan ng Ardashir o ang mga Jingkar na nasa ilalim nang aking pamumuno. Gusto kong tigilan ang pagseselos na ito na walang kabuluhan, ano pa man. Gusto kong isipin na ang lahat nang aking masamang iniisp laban sa kanila ay isang kabaliwan, isang malikmata…

Hanggang narinig ko ang kanyang tinig. At ang pagsabing, “nandiyan ka na pala!”

Tinigil ko ang paghihiwa na pinalambot na manioc. Binaba ko ang kutsilyo sa rabaw nang gawaang-lamesa. Nakita ko siya…ang aking asawa. Ang pinakamamahal kong asawa. Ang dahilan kung bakit nabubuhay ako.

Tinanong ko siya, “nagugutom ka na ba?” hindi ko na hinintay pa ang kanyang sasabihin. Pagpapatuloy ko “sandali lang at malapit na itong maluto!”

Tinanong niya ako kung mayroon ba siyang maitutulong.

Muli binaling ko ang aking pansin sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na wala…ngunit alam kong mapilit siya kaya sinabi ko na maaari niya nang buksan ang pugon at ihanda ang pagluluto sa buhong na kakanin.

Sa aming paghihintay sa aming niluluto binigyan niya ako nang nakakalasing na inumin. Kinuha ko ito sa kanya. Umupo siya sa mataas na upuan na nasa kabilang bahagi nang mataas na lamesa. Umupo siya sa aking harapan.  Kinuha niya ang isa sa mga suso.

Nagtaka ako. Kinuha niya ang kutsilyo at dinurog ang suso gamit ang kayang kamay.

Tinanong ko kung ano ang ginagawa niya. Tinanong niya sa akin kung bakit ko ba gustong-gustong kainin ito. Sinabi ko sa kanya na masarap ito…at tinanong sa kanya kung ano ang magagawa niya.

Ngumiti siya.

Tumawa siya sa aking kinikilos.

Nang may pag-aalala tanong ng Adi Hikmet, “napagod ka ba.”

Ngumiti ako. Sinabi ko, “hindi ko alam kung nasisiraan na ba talaga nang bait ang Hadi Khalil.”

Tanong niya, “bakit ano na naman ba ang sinabi niya sa iyo?”

Sinamahan niya akong kumain nang laman nang suso.

Sinabi ko, “wala naman, nangamusta lang siya…sinabi niya sa akin na hindi ka na niya nakikita! At gusto kanyang makita…pero sinabi ko hindi pwede. Na marami kang ginagawa…at marami akong ginagawa. Kinamusta niya ang iyong pagbubuntis. Sinabi ko na may iniinom kang pampagaan sa iyong pagdadalang-tao, bigay nang iyong ina. Sinabi niya sa akin na mabuti daw na tumutulong sa atin ang Adi Arwa at malapit tayo sa iyong magulang doon daw nasusukat ang ating pagiging magulang…bagay na aking sinang-ayunan.”

Pagkulo nang panaing kinuha ko ito sa loob nang pugon.

Sinabi ko sa kanya na anyayahan niya na ang Hadi Walid at samahan niya tayo sa hapunan dito sa loob nang silid. Bagay na kanyang itinanggi. At sinabi niya sa akin na kung maaaring ako na lang ang gumawa at mahirap bumaba sa kanyang kinauupuan.

Bagay na aking ginawa.

Inayos ko ang pagawaang-lamesa. Hinanda ko ang aming hapunan, isang karne nang Mantahungal na may maanghang na sabaw at maanghang na pampalasa niligis na manioc at tinadtad na gulay nang kohlrabi na may matamis-maasim na amoy na galing sa bunga nang mandarina dahilan upang magkulay kahel ang pagkain sa kiniskis na balat nito at mabangong halimuyak. Naglagay ako nang mga pinggan, kubyertos at ang kakanin na may mais. Matapos noon hinayaan ko ang aking asawa na mag-ayos habang sinundo ko ang Hadi Walid at samahan kaming maghapunan.

Sinimulan nilang pag-usapan ang nangyari sa handaan matapos ang kasal. Kung paano naging kakaiba ang pagtitipon nang pagsasama nang dalawang kaugalian. Ang malalaking handaan nang mga Jingkar, at ang nakalulugod na sayawan at awitan nang mga Kesh bagay na hindi nangyayari sa aming bayan sa kahit anong uri at anyo. Nakita ko silang nagtatawanan at nagkukwentuhan sa aking harapan habang kumakain kami. Ang iba ay hindi ko maintindihan o hindi ko alam kung saan ang pinagmumulan o pinanggagalingan nang kanilang pag-uusap. Hindi ko gustong isipin ang mga magagandang sandali na kanilang pinagsasamahan na dapat sana ako ang kasama nang aking asawa, na kami ang gumagawa nang mga bagay na iyon at hindi sila. Iniisip ko tuloy kung— mayroon ba akong pagkukulang sa kanya.

Matapos ang hapunan agad na rin nagpaalam ang Hadi Walid sa amin. Hinatid siya nang aking asawa habang naiwan akong nag-iisa at inayos ang aming mga pinagkainan at pinaghugasan. Sa paglabas ko sa loob nang silid-lutuan nakita ko ang Adi Hikmet na nakaupo sa sahig sa labas nang bulwagan. Lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa kanyang tabi.

 Nilapag ko ang aking kamay sa kanyang tuhod.

Sinabi niya sa akin na hindi matatawaran ang pagmamahal sa akin nang Hadi Walid.

Sinabi ko, “alam ko!”

Sinabi niya, “kung ganon…wala kang dapat na ipagselos Sa kanya…” Lumingon ako sa kanya. “Mahal na mahal ka niya higit kaninoman. Nakita ko iyon kanina. Nang umalis ka lumapit siya sa akin. Sinabi niya sa akin na umalis ka. Sinamahan niya ako buong maghapon. Marami ang naghahanap sa iyo kanina. Tinanong nila kung saan ka pumupunta. Nagsinungaling siya para sa iyo. At nang may humahamak sa iyo sa mga Kesh kanina at sinasabi na bahag ang iyong buntot at ang iyong tahanan ay walang halaga ipinagtanggol ka niya!”

Tugon ko, “hindi ko alam…hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko!”

Wika niya, “ikaw na gumagawa nang mga walang halagang kasinungalingan? Hindi mo alam kung ano ang paniniwalaan mo?”

Nakiusap ako. Sinabi ko, “huwag…”

Yumuko siya. Pinatong niya ang kanyang kamay sa kanyang tsan.

Umiyak siya. Nakita ko siyang umiyak. Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak. Lumapit ako sa kanya nang maigi. Kinuha ko ang kanyang kamay. Hinawakan ko ito. Tinawag ko ang aking asawa. pinunasan niya ang kanyang luha sa kanyang mga mata. Tumingin siya sa akin. Nagulat ako. Alam ko ang mga sandaling ito…Alam ko kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin.

Umiling-iling ako. Wika ko sa kanya, “hindi…hindi Adi Hikmet!”

Sinabi niya sa akin na hindi ko dapat tinanggap ang kagustuhan nang Hadi Khalil na gawin akong tagapagmana nang kanyang tahanan.

Tinanggal ko ang aking mga kamay sa kanyang hita. Umatras ako mula sa pagkakatabi sa kanya at sinandal ang aking sarili sa haligi.

Wika niya sa akin, “alam mong sa simula pa lamang ay isa na itong patibong…hindi ba…” pinunasan niya ang kanyang ilong gamit nang likuran nang kanyang hintuturo.  Pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. “Sinabi ko na ito sa iyo matapos ko ito malaman sa aking ina. Sinabi mo sa akin alam mo. Sabihin mo sa akin, Hadi Yasir, banaúnah, alam mo bang sa ginagawa mo sinasadya nang Hadi Khalil na hindi matuloy ang ginagawa mong paghihigante sa iyong mga kalaban? Na sa katunayan ay ginagawa niya ang lahat nang paraan para hindi mo magawa na labanan ang tahanan ng mga Harith? Iyan ang kanyang ginagawa sa iyo. Hindi ba dapat mas alam mo ang mga nangyayari kaysa sa akin? Pwede ba sabihin mo sa’kin…kung ano ang binabalak mo para mapaghandaan ko!” Ngumiti ako. Pagpapatuloy niya, “Kung meronman…pakiusap lang, sana meron. Para alam ko ang gagawin ko. Alam mo…alam mong kaya kong intindihin ang ginagawa mo!”

Nawala ang ngiti sa aking mga labi. Wika ko sa kanya, “soyledi eger’ö dl’eder, mofe biziih të dubro’dhoshlhe waxaa thë Ardashir ija dl’thë Harith. Ji, Yoki’nhar usaane vhermeq dl’açzi të māga eger bha’gan edere kaçirmaq dl’nju yoki neyigamé të sozlhëre usaane.”

Hinintay ko kung ano ang sasabihin niya. Kita sa kanyang mukha kung anoman ang kanyang iniisip nang mga sandaling ito. Ano ang inisip mo Adi Hikmet? Tumango-tango siya. Tinignan niya ako. Kasabay noon tumayo ako mula sa aking pagkakaupo sa kanyang tabi at bago ko siya tuluyang iwanan sinabi ko, “unzha sen kufunele andolana, manasivah!” At tinalikuran ko siya.

Narinig ko ang aking pangalan mula sa kanyang pagtawag…ngunit hindi ko siya pinansin nagpatuloy ako hanggang sa narinig ko ang aking pangalan at ang sigaw nang aking asawa dahilan upang mapalingon ako sa kanya. Lumabas ako sa aming silid tulugan. Lumapit ako sa kanya. Pinapupunta niya ako…nagtaka ako. Paglapit ko kinuha niya ang aking kamay, nilagay niya ito sa kanyang tsan at naramdaman ko. Naramdaman ko ang buhay na umaangkin nang lahat ng aking pagkatao at nang aking mga galit at paghihigante. Sinabi niya sa akin na sumasayaw ang bata sa kanyang sinapupunan.

Ngumiti ako sa sayang nararamdaman ko. Sa sayang nararamdaman niya…

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinalikan ko siya at nang gabing iyon nakipagniig ako sa aking asawa. Hinangad ko siya sa aking isipan. Inangkin ko siya. Matapos kong maligo lumabas ako sa loob nang bukalang-silid. Sa pagpasok ko sa loob nang aming silid nakita ko siyang nakahubad. Lutang na lutang ang kanyang pagdadalang-tao. Nasa sahig ang kanyang basang pinaghubarang panloob na damit. Lumapit ako sa kanya…at kasabay noon tinanggal ko sa pagkakatapis ang tuwalyang nakapaikot sa aking beywang. Sinarado ko ang lagusan ng aming silid at ang tanging naiwang nakabukas ang nagpupusikit na liwanag na nakasindi sa timsing nakalagay sa sulyaw na pinagbabaran nito. Sa paglapit ko sa kanya. hinalikan ko siya sa labi. Dinala niya ako sa aming higaan. Humiga siya at sinundan ko siya sa kanyang paghiga. Humiga ako sa kanyang tabi. Tumagilid siya nang higa habang nakahilis ako paharap sa kanya at siya ay nakatalikod sa akin. Nakatihaya ako paharap sa kanya. Pinagmamasdan ko ang basa niyang likuran. Ginapang ko ang aking mga daliri paibaba sa kanyang Gulugod. Dahan-dahan ko itong binaba papunta sa kanyang balakang. Nagsimulang magmanhid ang aking mga hita. Nakaramdam ako nang libog sa aking katawan. Hinawakan ko ang kanyang balakang. Ibinaba ko ang aking kamay sa kanyang puwetan…Sa paglapit ko sa kanya hiningi ko siyang tumingin sa akin.

Lumingon siya sa akin.

Sinabi ko sa kanya na huwag niya akong talikuran.

Bagay na kanyang ginawa.

Humiga ako nang pahilis sa kanya at humiga siya nang pahilis at paharap sa akin. Hinalikan ko ang kanyang leeg paibaba sa kanyang dibdib…paibaba sa kanyang tsan. Paibaba sa kanyang pusod. Paibaba sa kanyang kaakuhan. Hinalikan ko siya habang nakapatong ang kanyang mga hita sa aking balikat. Pinasok ko ang aking dila sa loob nang kanyang katawan. Habang unti-unting Nagsisimulang tumigas ang aking tarugo. Hindi nagtagal pinasok ko ang aking katawan sa loob nang kanyang katawan. Ang aking kaliwang hita ay nakapatong at nakapulupot sa pagitan nang kanyang mga hita habang ang kanyang kanang hita ay nakapatong sa aking beywang at pinapagitnaan kami nang kanyang matambok na tsan. Ang aking kamay ay nakahilata at nakaunat habang ang isa kong kamay ay nakayakap sa kanya na kanyang hawak-hawak. Tinignan namin ang isa’t isa. Pareho naming hinangad ang isa’t isa. Nakipagsabayan kami sa isa ‘t isa. Naging mahalaga ito sa aming pareho…sa akin. Sa gayon akala kong pagnanasa ang dahilan kung bakit nangyayari ito bagkus mali pala.

Sa paglaki nang bata sa kanyang sinapupunan naging bibihira na lang ang aming pagtatalik. Kapag hinihingi ko sa kanya ang iisang bagay na siyang gusto ko ay pinipigilan ko ang aking sarili sa takot na baka saktan ko ang bata na kanyang dinadala. Hindi ko siya gustong lumayo sa akin. Handa akong gawin ang lahat upang hindi siya mawala sa akin, sa aking tabi, sila nang aking magiging pangarap at panaginip. Ang takot na mawala siya…ang takot na mawala sila ang lalong nagpapalalim nang aking pag-aalala sa kanya, sa kanila.

Nang gabing ito habang mahimbing siyang natutulog sa aking tabi dinilat ko ang aking mga mata. Inilagay ko ang aking kamay sa kanyang buhok. Hinimashimas ko ito. Tinatanong ko ang aking sarili kung ano ang iniisip niya laban sa akin. Kung alam niya bang patuloy pa rin ba akong nagsisinungaling sa kanya nang harapharapan. Kung alam niya bang marami pa akong hindi sinasabi sa kanya…Hindi ko alam baka natatakot siya na tanungin ako dahil maaaring bigyan ko lamang siya nang alalahanin kaya hindi niya gustong malaman kung anoman ang iniisip ko. Pero gusto kong tanungin niya ako. Gusto kong sabihin sa kanya kung anoman ang nasa loob nito…kung anoman ang laman nito. Kung anoman ang aking mga bagong nalaman at natutunan sa araw na ito. Alam ko, inuunawa niya ang mga pagkakataong wala ako sa kanyang tabi. Tinatanggap niya na kailangan ko itong gawin alangalang sa aming tahanan…kinalimutan ko ang aking mga iniisip, sa halip pinagtuunan ko ang aking mga nararamdaman sa mga sandaling ito. Pinikit ko ang aking mga mata at natulog ako na kasama siya…

Nang umagang ito, maaga akong gumising sa aking asawa, tulad nang kung ano ang nakagawian sa aming tahanan. Sinimulan ko ang araw na ito sa paghahanda nang aming agahan. Pinagsaluhan naming dalawa ang aming agahan sa loob nang bulwagan, sa isang mahabang lamesa na nasa loob nito. Matapos noon nagpaalam ako sa kanya at umalis upang mag-ikot sa aming nasasakupan. Niyaya ko siya na sumama subalit pinagpilitan niyang dumito sa aming tahanan at maiwang mag-isa. Bagay na wala akong nagawa.

Sa aking pag-iikot napansin ko ang mga kesh na nagtatrabaho sa aming mga lupain. Kapansin-pansin na parami sila nang parami sa bawat lumilipas na mga araw, bagay na kung iisipin ay maituturing na isang pabagsak sa aming mga Jingkar ngunit ano ang magagawa ko, sila ang nagkusa na tulungan kami sa aming mga lupain…at sa aming mga hanapbuhay kapalit nang pagtira nila sa aming lipunan.

Kung tutuusin utang namin sa kanila ang mga ito…

Nagpatuloy ako sa pag-iikot. Nakipag-usap ako sa mga may-ari nang lupang aking pinamumunuan…umikot-ikot na kasama sila. Hindi nawala sa kanila na alalahanin ang aking asawa at ang dinadala nito. Bagay na aking pinasasalamatan nang marami.

Matapos ang aking pag-iikot, nagtungo ako sa pinakamalapit na imbakan sa aming tahanan. Sa lugar na kinasasakupan nang may-ari nang sakahan nang mga puno ng jaboticaba. Sa loob nang imbakan kumuha ako ng sankap na aking gagamitin sa aming tanghalian. Tatlong isdang tamban na magkakasing haba datapwat iba’t iba ang laki; kakaunting butil ng paminta na nakalagay sa isang maliit na baul at tinatapalan nang kayumangging busalan; ilang galabok na maanghang na pampalasa; isang tubo nang luya kasama ang bunga nito at ang tangkay; at gatas na mula sa puno nang buri na binuburo upang gamiting suka. Matapos nito lumabas ako sa loob nang imbakan, sumakay kay Mamé at bumalik sa aming tahanan ng aking asawa.

Sa pagbalik ko sa aming tahanan, agad kong pinasok sa loob nang yungib si Mamé. Tinanggal ko ang paratilyang nakatali sa katawan nito at lumabas nang yungib papasok sa loob nang aming tahanan. Nilagay ko ang paratilya sa sampayan kasama nang iba pang mga paratilya at mga mahahabang telang-damit nang asong-gubat. Kasunod noon lumabas ako sa madilim na pasilyo at sa aking paglabas, sa hindi inaasahan nakita ko ang Adi Hikmet na kausap ang aking liyaw.

Bagay na aking pinagtakahan.

Tinawag ko ang kanilang pansin. Una kong tinawag ang aking asawa na sinundan nang pagtawak ko sa Hadi Walid. Dalidaling lumapit sa akin ang Adi Hikmet. Sinabi niya sa akin na patay na ang Hadi Hagir.

Bagay na aking ikinagulat.

Tulad nang inaasahan, mabilis na kumalat sa buong Ja’khar ang pagkamatay nang Hadi Hagir ng tahanan nang mga Parvana. Nakakahinayang ang kanyang pagkamatay. Kung iisipin mo, sinong mag-aakalang ganon-ganon lang mauuwi ang lahat para sa itinuturing na pinakamabait na Hadezar, at hindi maikakailang isa sa mga magigiting.

Ang huli kong pagkakatanda sa kanya ay nang huli kaming magkita at magkausap malapit sa unang pagbagsak sa gitna nang kasiyahan nang mga mangingisda.

Sinabi ko sa aking asawa na kinakailangan naming dumalaw, at magbigay nang paggalang para sa yumaong Hadezar na kabilang sa kapulungan nang mga pinuno na naglilingkod sa aming bayan. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Sinabi ko na maghahanda lamang ako nang aming pananghalian habang siya na ang bahala sa aming susuotin sa pagpunta sa pagburol at paglibing sa mabuting Hadezar ng tahanan ng mga Parvana. Bagay na kanyang ginawa.

Sinabihan ko ang Hadi Walid na sumama siya sa amin at ganon din ay saluhan niya kami sa aming pananghalian. Pinilit ko siya kahit sinubukan niyang tumanggi. Sinabi ko na makabubuti ito para sa lahat, bagay na wala na siyang nagawa.

Matapos nito, kaagad akong nagtungo sa loob nang silid-lutuan. Nilapag ko ang mga sangkap na aking kinuha. Sinimulan sindihan ang lutuan. At agad akong nag-umpisa na magluto. Sinimulan kong hiwain ang mga isda nang pahilis at hugitin ang kanilang bituka at mga hasang. Kasunod noon tinanggal ko ang mga hasang at palikpik. Pinutol ko ang mga buntot at saka ko sila inalmuhasan ng asin. At isa-isang inilagay sa mainit na kawali upang iprito. Habang napriprito ang isda sinimulan kong balatan ang luya at tadtarin ito nang pinong-pino…pagkaluto nang mga isda tinanggal ko ang kawali sa mga baga nang lutuan at sunod kong inilagay ang isa pang kawali na may masmalalim na lagayan kaysa sa nauna. Kasunod noon sinunod kong ginisa ang mga luya. Sunod na inilagay pagkahalo sunod kong inilagay ang mga paminta at muling hinalo. Kasunod noon inilagay ko ang gatas nang buri sa kawali…na sinundan nang mga pampalasa na hinahalo-halo ko hanggang mahalo ang pampalasa at ang gatas nang buri at saka ko idinagdag ang prinitong tamban na aking inilipat mula sa maliit na kawali. Hinayaan kong kumulo ang mga ito, at pagkulo saka ko inilagay ang mga dahon ng luya at mga tangkay na aking hiniwa.

Ang totoo, wala akong maramdaman na kahit anong kalungkutan sa pagkamatay nang Hadi Hagir…masasabi mong isa siyang mabuting Hadezar ngunit kilala ang tahanan ng mga Parvana bilang malapit at matalik na kaibigan nang aking mga kalaban. Kasangga sa bawat hangarin at kung anoman ang gawin isa ay kinukunsinte nang isa. Mahaba na ang kanilang pagsasama sa halos tatlumpung taon nang pagkakaibigan nang dalawang tahanan na magkapitbahay. Walang makasisira nang kanilang pagkakaibigan— kahit ang aking ina.

Tinulungan ako nang Hadi Walid na maghanda nang aming pananghalian sa gawaang lamesa. Niligpit niya ang mga gamit na nakalagay sa lamesa at sinimulang lagyan nang mga pinggan at mga kubyertos. Hinain ko ito sa mataas na lamesa.

At sa pagtawag sa aking asawa, pumunta ako sa ikalawang palapag nang aming tahanan kung saan nakita ko siyang nasa loob nang dating silid nang aking ina at nang abu na nagdadasal sa larawang nakadikit sa dingding nang silid na pinalagay nang Adi Hikmet. Hinintay kong matapos ang kanyang pagdarasal at nang makita niya ako sinabi ko sa kanya na nakahanda na ang aming tanghalian. Nang tanghaling iyon, sa tirik na tirik na sikat nang araw pinagsaluhan namin nang Adi Hikmet at Hadi Walid ang sinabawang isda na may gulay.

Sinabi nang Adi Hikmet na sinong mag-aakala sa hindi inaasahan ganon lamang ang sasapitin nang Hadi Hagir na walaman lang nalalaman kung anong karamdaman ang dumapo sa yumaong Hadezar.

Bagay na aking itinanggi…Sinabi ko sa kanya na nahulog sa ikalawang palapag nang tahanan nito ang Hadi Hagir.

Bagay na kanyang ikinagulat. Binaba ko ang palayok sa mataas na lamesa. Tinanong niya sa akin kung totoo ang aking sinabi. Bagay na aking sinang-ayunan. Tinanong nang Hadi Walid kung may kinalaban ba dito ang Adi Atiya…

Ngumiti ako. Sinabi ko sa kanya na hindi ko alam. Kung ano ang nangyari nang araw na iyon o kung iyon nga ba ang dahilan nang pagkamatay nang Hadi Hagir. Na madali lamang ang maghinala, at magbigay nang hakahaka ngunit hanggang walang patunay sa kung ano ang dahilan nang pagkamatay nang Hadezar nang tahanan ng mga Parvana makabubuti na umasa kami na hindi iyon ang tunay na nangyari at ang dahilan nang pagkamatay nang Hadezar.

Wika nang Adi Hikmet, “Kung ganon sino ang hihirangin bilang bagong Hadezar nang mga Parvana, ang Hadi Naveed?”

Tugon ko, “iyon ang nakatakda!”

Tinanong nang Hadi Walid ang aking asawa kung kilala niya ba ang Adi Atiya…ang asawa ng yumaong Hadi Hagir. Bagay na ipinagkaila nang Adi Hikmet. Sinabi nang aking asawa na may mga naririnig siya tungkol sa Adi Atiya—sa pagkatao nito, sa malaking pagkakakilanlan nang pag-uugali nito na lalong nagbibigay dito nang pa kasarilinan, sa kung sino ito o ano ito…o kung anoman ang hiwagang bumabalot sa mga pinaggagawa nito.

Tinanong ako nang Hadi Walid kung hindi ba’t nasa kapistahan ng mga mangingisda ang asawa nang yumaong Hadezar, na sa pagkakaalala nito ay palaging naroroon at hindi kailanman lumiliban sa pagtitipon. Bagay na aking itinanggi at sinabi sa kanya na nang isama ko ang Adi Hikmet ay wala siya sa papasimula ng pagdiriwang nang mga mangingisda sa dalampasigan.

Tinanong ako nang Adi Hikmet na gayong matalik na kaibigan at kakampi nang Hadi Mahdi ang yumaong Hadi Hagir ay kung ano ang gagawin ko kapag magkita kami sa lamay.

Tama ang Adi Hikmet. Hindi maiiwasan na magkita kami. Tumayo ako sa aking pagkakaupo, kasunod noon kinuha ko ang aking baso at nilagyan ito nang nakakalasing na inumin na nakalagay sa banga.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari, kung ano ang gagawin ko kapag magkita kaming dalawa nang kalabang minsan ko nang kinilalang ama. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, o kung paano ako kikilos.

Sinabi ko sa kanya, “kung ganon kailangan nating pumunta upang mapatunayan lamang natin kung ano ang gagawin ko sa mga sandaling iyon!” Nang pabiro.

Naiwan ang Adi Hikmet na naghuhugas nang aming mga pinagkainan. Habang hinatid ko ang Hadi Walid palabas nang aming tahanan.

Sa aming paglalakad tinanong sa akin nang Hadi Walid kung ano na ang mangyayari sa mga anak sa labas nang Hadi Hagir ganong wala nang magbabantay at mangangalaga sa mga ito laban sa kahindikan nang Ading hibang.

Sinabi ko sa kanya na kahit noong nabubuhay pa ang mabuting Hadezar ay wala rin naman itong nagawa para pangalagaan ang mga anak nito sa labas o ang mga babaeng kinalantari nito. Sinabi ko sa kanya na sa mga lumipas na mga panahon naging kalat ang mga labi nang mga Adi at mga bangkay na nagkalat sa buong Ja’khar at walang makapagsabi sa kung sino ang may kagagawan nito. Sinabi ko sa kanya na sinubukan itong pigilan nang kalipunan ng mga Hadezar. Kinausap nila ang Hadi Hagir at ang Adi Atiya ngunit kahit ang sanggunian ay wala rin nagawa para pigilan ito sa halip nagpatuloy at nagpatuloy ang kahindikan nang Ading hibang na sadyang tila hindi na ito mahalaga pa kung tutuusin.

Matapos noon umalis siya sa aming tahanan upang maghanda sa paglamay sa mabuting Hadezar. Sinarado ko ang lagusan kasabay noon bumalik ako sa loob nang aming tahanan.

Sa pagpasok ko sa loob nang bukalang silid, ipinatong ko ang mga gagamitin kong pampaligo at pamalit nang aking damit sa ibabaw nang mataaas na lamesa. Tinanggal ko ang mga suot kong damit. Hinubad ko ang Báta, ang saluwâl, ang bahag at kasunod noon kinuha ko ang tabo. Binuhusan ko ang aking katawan nang mainit na tubig at saka ko nilagyan nang mabangong galabok ang aking katawan. Saka ako nagbabad sa mainit na tubig ng bukalan.

Kasabay noon pumasok ang Adi Hikmet sa bukalan. Nakita ko siyang unti-unti niyang tinatanggal ang kanyang damit. At matapos na hubarin, saka niya pinahiran ang kanyang sarili nang mga galabok na insenso na may langis at pulot. Sinamahan niya akong maligo sa aming bukalang silid.

Nagbabad kami sa mainit na paliguan. Sa gitna nang aming pagligo, tinanong ko siya kung alam niya ba ang gumuhong gusali na dating pinagmamayabang ng mga Ardashir. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Sinabi niya sa akin na kalunus-lunos ang itsura nang gusali. Na isa itong malaking gusali walang hugis at anyo datapwat sa masinsinang pagtingin ay unti-unting mong makikita ang itsura nito. Sinabi niya sa akin na minsan na siyang nakapunta doon, na ang katotohanan ay pinangahasan. Kasunod noon tinanong niya ako kung ano ang dahilan kung bakit ko ito tinatanong sa kanya.

Lumapit ako sa kanya. Sinabi ko na may balak ang Hadi Khalil sa muling pagsasaayos nang gumuhong gusali. Na sa katunayan ay palihim itong ginagawa at walang sinoman ang nakakaalam sa pag-aayos at pag-aasikasong ginagawa nito dito.

Kinuha ko ang panghilod na nasa kanyang kamay. Tumalikod siya sa akin. Hinilod ko ang kanyang likuran.

Sinabi ko sa aking asawa na dumaan kami ng nakaraang araw upang ipagmalaki niya sa akin ang bagay na ito at sabihin na ito ang biyayang ipagkakaloob niya sa amin na hindi namin matatanggihan…

Bagay na kung iisipin ay siyang totoo, nilikha nila ito sa kagustuhang pamunuan ang Ja’khar at pabagsakin ang kalipunan nang mga Hadezar. Isang tore na gawa sa bato at putik na higit pa ang laki kaysa sa tore nang mga Hadezar ni higit ang taas kaysa sa tore nang mga Imago. Ang loob nito ay hindi maitatangging pambihira.

Sinabi nang Adi Hikmet na hindi magtatagal ay malalaman ito nang kalipunan ng mga Hadezar. Na hindi magtatagal matitigil din ang kabaliwang ito nang Hadi Khalil. Kinuskos ko ang kanyang balikat habang hawak niya ang kanyang buhok.

Hindi ko sigurado kung tama ang kanyang sinabi kaya tinanong ko siya kung sa tingin niya ba ay isa lamang itong kabaliwan ng matandang Hadezar, ngunit ibinalik niya sa akin ang tanong at wala akong naisagot na kahit ano…Matapos noon nagsimula na kaming kumilos. Unang umahon ang Adi Hikmet bagay na aking sinundan. Sumunod ako sa kanya sa pagpasok sa loob ng aming silid. Matapos noon agad kaming nagsimulang kumilos at magbihis para puntahan ang lamay at libing nang namayapang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana.

Nakasuot ang aking asawa ng kayumangging Báta na walang mga braso at gawa mula sa balat ng buwayang Magan ang balikat at dibdib at sa nang Avetas, na kapag sinisikatan nang apoy ay kumikinang. Sa ilalim nito nakasuot ang aking asawa ng mahabang panloob na palda na sutla at manipisnipis, burdado nang mga puting sinulid na mga sanga at mga tangkay ng punong tambis. Ang buhok nito ay nakatirintas. Ang mga tenga nito ay nagtataglay nang maliliit na itim na batong hikaw. At sa kaliwang hintuturo nito nakasuot ang singsing na ibinigay sa kanya nang Hadi Khalil.

Habang nakasuot naman ako ng itim na batá na may mga habing kaliskis sa dibdib at balikat nang tulad sa mga tata’u sa aking mga braso at mga balikat, na mula sa puno nang Avetas at kayumangging saluwâl na ang laylayan ay isang talampakan mula sa bukung-bukong ng aking mga paa at nagtataglay nang mga itim na bakal na panara. Sa aking kanang palasinsingan makikita ang singsing nang aking ina. Sa aking beywang ay mga sinturon na gawa mula sa balat nang Markupo na may bakal na hebilya at mga panaling itim na tela na may mga gintong bakal na palawit. Habang sa aking mga tenga makikita ang mga luntiang batong hikaw.

Nang hapong ito, umalis kami nang Adi Hikmet sa aming tahanan. Nakabalabal ang aking asawa nang itim na burdado nang mga gintong bulaklak nang gladiolus.  Nakasakay ang aking asawa kay Amarok, habang ako ay nakasakay kay Mamé.

Binaybay namin ang daan patungo sa lupaing kinasasakupan nang taniman ng maisan. Dumaan kami sa taniman ng kohlrabi at napadpad sa lupaing kinasasakupan nang tahanan ng mga Ardashir. Sa aming paglalakbay nang aking asawa kapansinpansin ang anino nang tore ng mga Hadezar sa hindi kalayuan. Ang simula nang lahat. Ang lugar na pinagdausan nang aking pagsilang bilang isang Hadezar…ngayon ay aninong nagtatago sa aking mga paningin…Dumaan kami sa lupain na nasa pagmamay-ari nang mga unyon nang mga panday ng Ja’khar. Kasunod noon lumabas kami sa kinasasakupang lupain ng tahanan ng mga Ardashir at narating namin ang lupain nang tahanan ng mga Parvana.

Isang lupaing balot nang maalat at mapait na alabok na hangin. Maaamoy mo sa kalawakan ang mga pampalasa na inaani at ang mga asin na kanilang tinatanim at ginagapas. Ang paglalakbay sa tahanan ng mga Parvana ay hindi naging madali. Ang asin na sumabay sa hangin ay masakit sa ilong habang ang mga mapapait na mga pampalasa ay pukyot sa kalawakan. Natunghayan naming dalawa nang Adi Hikmet ang dagat nang asin na malasalamin na ginagapas sa malalawak na lupain na nagtataglay nang mga gapunsong dami.

Nakita kong kinakayod nang ilang mga Jingkar ang mga asin mula sa mga tanimang may hanggang talampakan ang tubig. Kaliwa’t kanan ang mga taniman. Kahit saan ka lumingon nakakaingganyo ang karagatan sa asin na tinataniman nito.

Tinanong ako nang Adi Hikmet kung nakapunta na ba ako sa tahanan ng mga Parvana. Bagay na aking sinang-ayunan at sinabi sa kanya na binata pa lamang ako nang huli akong nakapasok at nakapunta sa loob tahanan nang mga Parvana.

Nagpatuloy kami sa aming paglalakbay hanggang sa narating namin ang tahanan ng mga Parvana. Sa aming pagdating una akong bumaba sa aking sinasakyang asong-gubat. Matapos noon tinulungan ko ang Adi Hikmet na makababa kay Amarok.  Nagpaalam ako na dadalhin ko lang ang aming mga alaga sa loob nang yungib bagay na kanyang sinang-ayunan. Hiningi ko sa kanya na hintayin niya ako…bagay na kanyang ginagawa.

Kaagad dinala ko ang mga asong-gubat sa loob nang yungib ng tahanan ng mga Parvana. Pagbalik ko sa aking asawa nakita ko siyang nakatayo at kausap ang Hadi Khalil habang inaalalayan nang matandang Mata ang buto’t balat na Hadezar. Lumapit ako sa kanila. Tinawag ko ang Adi Hikmet…dahilan upang mapalingon siya sa akin.

Sa paglapit ko sa kanila nagbigay ako ng paggalang sa matandang Hadezar.  Kinamusta ko siya tulad nang pangangamustang ginagawa niya sa akin at sa aking tahanan na tinugunan nang kabutihang asal at pagtanggap nang kanyang kabutihan.

Tinanong ko siya kung kararating pa lang nila nang kanyang liyaw na matandang Mata.

Bagay na kanyang itinanggi.

Sinabi niya sa akin na kanina pa sila sa tahanan nang mga Parvana. Sinabi niya sa akin na kailangan ang pagdalo nang mga Hadezar na masmabuti na ang sumunod sa kung ano ang nakaugalian kaysa baluktutin pa sa mga hambog na gawain.

Siya ang huling dumating sa libing nang aking ina…

Sumang-ayon ako sa kanyang sinabi.

Nang hapong ito, pinuri niya ang aking asawa. Sinabi niya sa akin na maaliwalas at napakaganda nang Adi Hikmet ngayon sa kabila nang napakainit na hapon. Sinabi niya sa akin na hindi nakapagtataka mahusay at maayos ang ginagawa kong pag-aalaga sa aking asawa, bagay na kung tutuusin ay hindi ko alam kung saan ang pinanggalingan nang kanyang papuring pinahihiwatig…

Sinabi nang Adi Hikmet na mabuti akong mag-alaga at masaya itong palagi akong nasa kanyang tabi at hindi ko siya pinababayaan.

Na lalo kong pinagtatakahan. Isa ba itong laro nang kasinungalingan? Nang laro ng pagsisinungaling?

Sabi nang Hadi Khalil, “narriin dara ‘a…ithi nwosi të khuzi’da xaaskiisa yi khuzi’da dubro’dhoshlhe!”

Tinanong niya ang aking asawa kung ilang buwan na ang dinadala nito. Sinabi nang Adi Hikmet na pitong buwan na ang pagdadalang tao at hindi magtatagal ay maisisilang na rin nito ang aking panganay.

Kasunod noon nabaling ang pansin nang Hadi Khalil sa akin. Wika niya, “siya nga pala Hadezar, maiba ako mabuti naman at naparito kayo. Ang totoo, hindi ko inasahan ang iyong pagpunta sa libing nang yumaong Hadi Hagir!”

Sinabi ko sa kanya na isang mabuting Hadezar ang Hadi Hagir. Na tulad nang kanyang sinabi ay masmabuti nang sumunod sa kung ano ang nakaugalian kaysa baluktutin pa sa mga hambog na gawain. Ngumiti ako. Nabaling ang aking pansin sa aking asawa. Niyaya ko silang pumasok sa loob nang tahanan nang mga Parvana…at saka ako lumingon sa Hadi Khalil at sa kanyang matandang liyaw na Mata.

 Matapos noon, pumasok kami sa loob nang tahanan ng mga Parvana.

Sa pagpasok namin sa loob nang tahanan bumungad sa amin ang mga inaasahang mga kakilala at mga may-ari nang lupa na pinamumunuan nang nasabing tahanan sa paglibing sa mabuting Hadezar. Ang loob nang tahanan ay walang pinagkaiba sa ibang mga tahanan. Ang mga silid at pasilyong pumapalibot sa malawak na lupain na nasa gitna nang tahanan at sa platapormang bato na may isang mataas na lamesa na napupuno nang mga tuyong pawid at mga tangkay kung saan nakalagay ang labi nang Hadi Hagir ang unang makikita sa pagpasok mo sa lob nang tahanan.

Ang lagusan nang tahanan ay gawa sa kahoy at nagtataglay ng mga nakaukit na larawan ng mga ibong may ulo ng isang babaeng at sumisigaw.

Hinawakan nang Adi Hikmet ang aking kamay at kasabay noon pumasok kami sa loob nang tahanan. Sa aming pagpasok humiwalay sa amin ang Hadi Khalil, kasama ang kanyang liyaw, upang lumapit sa Adi Atiya at magbigay nang pakikiramay. Habang kami nang aking asawa ay lumapit sa mga kamag-anak nito na naroroon sa tahanan nang mga Parvana.

Mararamdaman mo ang kalungkutan sa buong tahanan. Sa Adi Atiya na nakalubmok sa isang tabi habang kinakausap nang iilan at sa Hadi Naveed na kasama ang Hadi Mahdi at tila may pinag-uusapang kakaiba na binabaon nang mga ingay nang mga nag-uusap at hinihintay na simulan na ang paglibing sa mabuting Hadezar. Tulad nang inaasahan nandito sa loob ang tahanan ang mga Harith: ang Hadi Mahdi…na ngayon ay kasalukuyang kausap ang Hadi Naveed, ang bugtong na anak at tagapagmana sa pamumuno at pagiging Hadezar nang tahanan. Ang Adi Mahvash kasama ang Adi Dilshed na nasa isang sulok nang bulwagang-silid at kinakausap ang isang pinuno, na nagtatrabaho sa pagawaan nang mga sasakyang pandagat, nagbibigay nang paggalang…hanggang sa kinamayan ito nang Adi Mahvash at tuluyang umalis. Ang Hadi Nasrin na lumapit sa ama nito mula sa kanina pang ginagawang pag-iintay at pinipilit ang Hadi Mahdi na kumbinsihin ang Adi Atiya na simulan na ang libing nang Hadi Hagir bago ba dumilim…na kung iisipin ay masyado pang maaga para sabihin ito nang asawa nang aking kapatid. At ang aking kapatid kasama ang mga anak nito na sina Adi Ismat, Hadi Malik at Hadi Mahsa, ganon rin ang isa ko pang kapatid na si Adi Sule na tahimik at malungkot habang hawak-hawak ang kamay nang Adi Makbule.

Ang bulwagan ay sapat nang malaki para sa lahat nang mga tahanang bumubuo sa mga Hadezar, higit pa para sa mga may-ari nang lupa at mga unyon na nandito sa loob nang tahanan at nakikiramay habang ang iilan ay nasa labas nang silid.  Ngunit kung titignan sa mga sandaling ito, masyado itong masikip para pag-isahin ang lahat nang magkakaaway at hindi magkakasundo sa iisang silid. Ang lahat ay watak-watak…walang pagkakaisa sa paglalamay na pinagbugklod nang iisang namatay.

Walang naging laman ang pakikipag-usap nang aking asawa sa pinagmulan nitong tahanan, kung hindi Hadi Hagir…Nakakapagtaka lang na wala ang asawa nang aking pamangkin at ang ama nang aking asawa sa mga dumalo buhat sa tahanan ng mga Roshan.

Sinabi nang Adi Arwa sa amin na nang nabubuhay pa ang Hadi Hagir at noong bata pa ang ina nang aking asawa ay hindi maitatanggi ang kakisigan at pag-aalaga nang mabuting Hadezar sa kanyang mga nasasakupan…na kung tutuusin, sabi nang ina ng aking asawa, ay walang pinagkaiba ang aming ginagawang pag-iikot at paglilibot sa aming mga nasasakupan sa dating ginagawa nang Hadi Hagir.

Tinanong nang Adi Hala ang Adi Arwa kung totoo bang palikero ang Hadi Hagir. Ngunit ngumiti lamang ang Adi Arwa sa sinabi nang Adi Hala. Hindi maitatanggi na kalat at bulungbulungan ito sa aming bayan. Na ang pagiging babaero nang mabuting Hadezar ay umabot sa magkabilang dulo nang Ja’khar. Marami na ang nakapagpatunay nang bagay na ito datapwat marami pa rin ang hindi naniniwala. Alam kong totoo ito, maging ako ay naniniwala sa bagay na ito na kahit maging ang ina nang aking asawa ay hindi rin makatangging hindi ito di pabulaanan.

Walang sinoman sa amin ang nakakaalam sa hiwagang tinataglay nang mga nakikita nang mga dingding sa aming paligid, kung anoman ang nagyayari sa loob nang tahanang ito…sa pagitan nang mga Parvana sa isa’t isa, maging sa kaguluhang tinataglay nang mga ito.

Hindi nila alam kung ano ang dahilan nang pagpili sa akin nang Hadi Mahdi upang gawin akong Hadezar nang aming tahanan gayong kaya niyang tanggihan ang pagkakatakda sa akin bilang bagong kabahagi nang kalipunan nang mga Hadezar. Higit pa ito sa suliranin namin sa mga kesh, sa kaguluhang patuloy na nagaganap sa kanilang bayan…

Tinanong nang aking asawa sa ina nito kung minsan ba itong nasuyo nang mabuting Hadezar nang bata-bata pa ang mga ito.

Bagay na itinanggi nang Adi Arwa. Sinabi niya sa amin na hindi naman maitatanggi ang likas na malambing nang Hadi Hagir ngunit kung siya ang tatanungin, at kung totoo ang mga bulong-bulungan, hindi siya naniniwala na magagawang makapanloko at makapanakit nang damdamin ng babae nang yumaong Hadezar.

Siguro nga…nang mga panahong iyon, siguro nga…nang hindi pa nito asawa ang Adi Atiya, o nang hindi pa ito hindi masaya sa pagsasama nilang dalawa ng Ading hibang at itinatago pa nito ang iba pang mga babae sa kanilang pagsasama.

Kung alam lamang nito kung ano ang totoo.

Ipinagtaka nang Hadi Hakan kung ano ang mangyayari sa pagkakautang nila sa tahanan nang mga Parvana ganong wala na ang Hadezar nito.

Sinabi ko sa kanya na hindi ibig sabihin na patay na ang Hadezar ay bagsak na rin ang tahanan nito. Hindi magtatagal may hihirangin itong kapalit sa pamumuno at sa pagiging Hadezar. Nananatiling buhay ang kanilang pagkakautang. Magkagayonman maaari nilang hilingin kung gugustuhin nila na kalimutan ang pagkakautang nila sa yumaong Hadezar.

Tinanong sa akin nang Hadi Hakan kung ang tinutukoy ko ba ay ang Hadi Naveed.

Bagay na aking sinang-ayunan at sinabi ko na siyang dapat na hirangin. Lumapit sa akin ang Hadi Fadil. Binigyan niya kami nang makakain nang aking asawa at nakakalasing na inumin.

Nagpasalamat ako sa kanya.

Kapansinpansin ang biglang taas nang Hadi Fadil na ilang buwan din naming hindi nakita nang aking asawa…bagay na maging ang Adi Hikmet ay ikinagulat din ang kakaibang pangyayaring ito sa kanyang kapatid.

Sinabi nang Hadi Hakan sa akin ay katulad nang kung ano ang aking ginawa sa tahanan nang mga Harith nang hilingin ko sa kanila na putulin na ang ugnayang namamagitan sa amin nang aking mga kalaban at hayaang ibigay sa akin ang kalayaang matagal ko nang hinihingi. Bagay na hindi nila ginawa.

Sinabi nang Adi Hikmet na iba ang kalagayan nang aming tahanan sa kanilang kalagayan sa mga Parvana.

Tinanong ko sa Hadi Fadil kung nasaan ang kanyang ama at kapatid ngunit nagkimi’t balikat lamang siya at nang mabaling ang aking pansin sa Adi Arwa kaagad itong lumingon sa nakaupo kong asawa na nasa kanyang tabi.

Bagay na nakapagtataka sa mga sandaling ito.

Sinabi sa akin nang Adi Hala na bigla na lamang nawala ang mga ito matapos ang kanilang agahan ngayong araw. Sinabi nang Adi Arwa sa akin na kasama nang Hadi Yusuf ang Hadi Batul at maspinili nilang tapusin ang tahanang ginagawa nito malapit sa mahabang ilog para sa dalawang mag-asawa bago pa muling magkaroon nang sama nang panahon sa aming bayan.

Sinabi nang Adi Hikmet sa kanyang ina na hindi na talaga mapipigilan pa ang Hadi Batul na muling umalis sa tahanan ng mga Roshan.

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Arwa. Inamin nito sa amin na nakakalungkot mang isipin ngunit hindi gusto nang kanyang anak na manatili pa sa tahanan nang mga Roshan ganong hindi magtatagal ay isisilang nang Adi Ismat ang pangalawang nilang anak.

Lumapit sa amin ang Hadi Mirza. Hindi ko inasahan na bigla na lamang siyang susulpot sa aking likuran ng hindi ko namamalayan. Kinamusta niya ako…Lumingon ako sa kanya.

Sinabi ko sa kanya na mabuti naman ang aming kalagayan.

Nakita kong may hawak siyang tinapay na walang lebadura at may sarsa at mga gulay na palaman.

Hinawakan niya ang aking balikat. Ikinalugod niya na mabuti akong nandito sa libing nang yumaong mabait na Hadezar. Hindi ako sumagot.

Nabaling ang aking pansin sa kanyang kinakain.

Tinanong niya sa akin kung gusto ko ang kanyang kinakain.

Tinanong ko sa kanya kung ano ang kanyang kinakain. Hiniwa niya ang tinapay na kanyang hawak, ibinigay niya ito sa akin bagay na aking kinuha.

Tinikman ko ito…kasunod noon nang matikman ko niyaya ko ang Adi Hikmet kung bakit tikman niya rin ngunit tumanggi siya. Tinanong ako Hadi Mirza kung nagustuhan ko bagay na aking sinang-ayunan. Sinabi ko na masarap ang pagkain.  Muli tinanong ko siya kung ano ito dahil ngayon ko lamang natikman ang ganitong uri nang pagkain.

Sinabi niya sa akin na pagkain ito nang mga Kesh na dinala sa aming bayan. Isang tinapay na walang lebadura gawa sa galapong, na niluto sa pugon at sinamahan nang mga butil ng mungo na pinapalamanan ng sarsa na may atay nang baboy-ramo at gulay na kohlrabi. Sinabi niya sa akin na gawa ito nang aking kapatid… nabaling ang aking pansin sa Adi Sule.

Nakita ko ang aking mga kapatid. Nakita ko ang kanyang pag-iyak sa pagyakap sa kanya nang Adi Makbule Gusto kong malaman kung bakit siya umiiyak. Kung ano ang dahilan nang kanyang pagtangis? Gusto kong malaman kung katulad ba ito nang pag-iyak nang Adi Makbule nang talikuran niya ang Hadi Faysal at piliin niya ang kabutihan nang aming mga tahanan ganon ang kanyang mga anak kaysa sa akin? O sadyang luha ito nang kalungkutan at pag-aalala sa kinabukasang kamay nang mapagmalupit nang Ading hibang, at sa bugtong na anak nito na kanyang asawa?

Lumapit sa kanya ang Hadi Naveed…nag-usap sila nang panandalian nang aking nakatatandang kapatid kasama ang Adi Sule. Ibinigay nang Adi Sule ang pagyakap na hinihingi nito para sa Hadi Naveed.

Huwag mong sabihin sa akin na tuluyan nang nahulog ang iyong loob sa kanya?

Tinanong ako nang Hadi Mirza na kung maaari matapos ang paglibing ay makausap niya ako. Bagay na aking sinang-ayunan.

Tinawag ako nang Adi Hala. Tinanong niya sa akin kung maaari ko ba siyang samahan na magbigay galang sa namayapang Hadezar. Bagay na aking ginawa…

Hindi nawala ang aking tingin sa Hadi Naveed na kayakap ang aking kapatid.

Lumabas kami nang bulwagang silid. Sa aming paglalakad sinabi niya sa akin na bakit hindi ko kausapin ang aking mga kapatid…na higit kaninoman ay hindi maiaalis sa akin na hindi sila alalahanin.

Ngunit sinabi ko sa kanya, ano ang gagawin ko. Pinili nila ang kanilang mga kasalukuyang tahanan higit pa sa aking tahanan.

Pinaalalahanan niya ako na hindi ko dapat sisihin ang aking mga kapatid sa pagpili nila sa mga tahanang ngayong kinabibilangan nila na kung tutuusin ay wala silang mapagpipilian…at mabuti na wala silang pagpilian. Sinabi niya sa akin na nakasalaylay hindi lang ang kinabukasan nang aking mga kapatid sa ginagawa ko bagkus kung hindi rin ang kinabukasan nang kanilang mga buhay sa kamay ng mga tahanang kinabibilangan nila ngayon.

Sabi ko sa Adi Hala, “sa ginawa nila…hindi ko na sila mapapangalagaan pa!”

Wika niya, “mabuti kung ganon!” dumating kami sa kung nasaan nakalagay ang labi nang Hadi Hagir. Pagpapatuloy niya, “unzha un’zah ihhovizhi ö’onloraq bhul için…Unzha onloraqhi’anne, unzha un’ zah için merrén…ma’lum nwosi’ö mofe un’zah yanilmak vi az’zizunah ö mofe’nwosi yanilmak ko nezaman waxaa dja seçim!” (Jng. hindi mo tungkulin na alagaan pa sila…Hindi kanila magulang, hindi mo sila magulang…alam nila na kailangan mong magkamali at alam mo na kailangan nilang magkamali upang gumawa nang tamang pagpili!) Nabaling ang aming pansin sa yumaong Hadezar. Dagdag niya, “sa matindi mong pagmamahal sa kanila ay nakakalimutan mo na ang iyong sarili!”

Hindi ko nakasagot sa kanyang tinuran…sa halip nanatiling nakatuon ang aking pansin sa labi nang yumaong Hadezar.

Wika ko sa Adi Hala, “nhar sadjezhe duzhme ö irn të nju dubro’dhoshlhe!”

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Hala. Sinabi niya, “dogru…ma’lum un’zah ni yoki çin qaro seçizhini un’zah dl’ elayo iki?”

Tumango-tango ako. Sinabi ko sa kanya na alam ko kung sino ang karapatdapat. Ang nag-iisang anak nang Hadi Hagir sa Adi Atiya, walang iba pa ang dapat piliin bagkus iyon lamang…

Tinanong niya ako kung nakasisiguro ako. Nabaling ang aking pansin sa kanya.

Sinabi ko sa Adi Hala na matagal ko nang kilala Hadi Naveed, bata pa lamang kami ay magkakilala na kami.

Tugon niya sa akin, “matagal din ang inyong pagkakaibigan…”

Hindi ako kumibo. Sa halip muli kong ibinaling ang aking pansin sa labi nang Hadi Hagir na nasa aming harapan. Binalaan ko siya, “Adi Hala…kailangan mong mag-ingat nag-uumpisa nang magbago ang lahat!”

Tugon niya, “alam ko…sa tingin mo hindi ko alam ang dahilan kung bakit wala ang Hadi Batul at ang Hadi Yusuf?”

Tanong ko sa kanya, “Kung ganon ano ang gagawin mo?”

At sagot niya, “tulad nang ginagawa mo…kailangan kong pangalagaan kung ano ang akin!”

Hinawakan ko ang bumbuman nang Hadi Hagir yumuko ako at nagbigay nang paggalang sa yumaong Hadezar.

Sa hindi inaasahan lumapit sa amin ang Hadi Naveed. Narinig ko ang kanyang tinig.

Wika niya, “isang napakalungkot na hapon sa iyo Hadezar!”

Lumingon ako sa kanya. Hinawakan nang Adi Hala ang aking Braso kasabay noon iniwan niya kaming dalawa nang Hadi Naveed.

Wika ko, “kamusta ka na Hadi Naveed?”

Ngumiti siya sa akin. Wika niya, “Ito…hindi mabuti! —Matagaltagal din nang huli tayong mag-usap!”

Wika ko, “matagaltagal din ng huli tayong magkita!”

Wika niya, “tama ka… matagaltagal din”

Wika ko, “nakita kong kausap mo ang Hadi Mahdi kaya hindi na kita ginambala pa, at ibigay sa iyo ang aking pakikiramay!”

Lumingon siya sa akin. Ngumiti siya at kagyat nagbago ang lahat…ika niya, “huwag Hadezar…alam kong hindi ka pumunta dito upang makiramay! Hindi likas sa iyo ang magpanggap na mabuti at mabait. Ang magsinungaling at manloko iyon masbagay pa sa iyo…iyon ang nararapat sa iyo. Kahit kailan isa kang manloloko at sinungaling!”

Wika ko sa kanya, “kahit anong paniwalaan mo, nagbago na ako.”

Tanong niya, “Kung ganon sabihin mo sa akin ang tunay na dahilan kung bakit ka nandito sa lamay at libing nang aking ama gayong lubha mong kinamumuhian ang aming tahanan, lalo na aking mga magulang!”

Lumingon ako sa kanya. Kinuha ko ang kanyang kamay. At sinabing, “hindi mo ba nakikita… ginagawa ko ito para sa iyo.”

Ngumiti siya. Tinanggal niya ang kanyang kamay sa pagkakahawak ko sa kanya. Wika niya sa akin, “kita mo na kahit anong gawin mo hindi mawawala sa iyo kung sino ka ngang talaga.  Të iloh dhegishtam waxaa odam iloh bhul irn!”

Tugon ko sa kanya, “dugro…iloh të astaanta waxaa ‘açzi etkhiler…ki boyu’yuzu iloh irn të vharmak un’zah dl’ açzi! Yoki edilir neyi të rozgovoreë zeh waxaa Hadi Mahdi? Soyledi usaane ni dl’eder ö dayaara siz usaane yordam waayo noqon Hadezar?”

Wika niya sa akin, “hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo Hadezar, ako ang tagapagmana ng aking tahanan, nang aking ama! Ako ang patnugot at siyang dapat na maging pinuno at Hadezar!”

Wika ko sa kanya, “sino kaya sa atin ngayon ang nagsisinungaling! Akala mo ba hindi ko alam na walang iniwang tagapagmana ang iyong ama kaya kahit sino, kung gugustuhin namin, ay maaari naming kilalanin bilang Hadezar. Sa tingin mo ano ang tunay na dahilan kung bakit kami naparito…hindi ka ba nagtataka na buo ang kalipunan ng mga Hadezar, sa bingit nang kaguluhan.”

Wika niya sa akin, “Sa kaguluhang ikaw mismo ang may gawa!”

Tanong ko sa kanya, “sino ngayon ang kasama nang Hadi Mahdi!”

Tugon niya sa akin, “Ang Hadi Khalil…kausap niya ngayon ang Hadi Khalil! —nakita ko ang iyong asawa…maganda ang iyong asawa…tulad nang inaasahan magaling kang pumili! Alam niya bang may nangyaring pagkakaunawaan sa atin?”

Naglaho ang aking tingin sa labi nang Hadi Hagir. Lumingon ako sa kanya. Tanong ko, “bakit handa mo bang ibunyag na ang iyong ama ang may dahilan kung bakit ka pinakasalan nang aking kapatid?” Ngumiti ako. “Nangyari na ang nangyari. Matagal nang ubos ang tinta nang panulat. Dumaan na ang maraming panahon at ang lahat ay pawang inanod na ng tubig! Huwag na natin pang ungkatin ang hindi natin kailangang ungkatin!”

Kasunod noon tinalikuran ko siya at saka ako nagtungo sa kung nasaan ang aking mga kapatid.

Sa pagpasok ko sa loob nang bulwagan nang tahanan ng mga Parvana nakita kong kausap nang Hadi Mahdi ang Hadi Khalil…nakaupo ito sa mga batong upuang nakadikit sa dingding nang tahanan habang nakahawak ang matandang hadezar sa tungkod nito.

Lumapit ako sa aking mga kapatid subalit sa aking paglapit sa kanila lumapit sa akin ang Hadi Mirza at tinanong niya ako kung maaari niya ba kong makausap nang sarilinan.

Bagay na aking sinang-ayunan…

Nagbigay galang ako sa aking mga kapatid at mga pamangkin bagay na binalikan nila nang paggalang.  Matapos noon sumama ako sa Hadi Mirza sa paglabas nang bulwagan.

Naglakad kami patungo sa kanang bahagi nang tahanan ng mga Parvana.  Sa aming paglalakad, tinanong ako ng Hadi Mirza kung kamusta na ang mga napinsalang mga lupain na nasa ilalim ng aming pamumuno. Sinabi niya sa akin na sinabi nang Adi Hikmet sa kanya na maayos na at halos nakabalik na sa dati ang aming mga lupain matapos itong mapinsala.

Bagay na aking itinanggi at sinabing mabutibuti na ang aming nasasakupan at mga pinapatnugunan datapwat hindi pa ito nakakabalik sa dati. Hindi ko itinanggi sa kanya na marami pa ang kinakailangang ayusin at gawin sa aming lupain lalo pa’t walang tumutulong sa amin…ngunit hindi na kami hirap pa katulad nang dati. Maayos na ang aming mga lupain, maayos na ang ibang mga tahanan at hinihintay na lang namin na muling tumubo ang mga binhi na ngayon ay aming pinunla. Hindi rin magtatagal ang mga nasirang mga gusali ay maaayos na rin.

Wika niya, “mabuti naman kung ganon!”

Ikinatuwa ko na kahit ang kanyang lupain ay naging maayos na at walang gaanong napinsala. Sinabi ko sa kanya ang pag-aalala nang aking asawa nang mangyari ang kalunus-lunos na bagay na iyon. Bagay na hindi dapat kalimutan.

Sinabi nang Hadi Mirza, “na hindi rin magtatagal at pasaan ba ay makararaos din lahat. Siya nga pala Hadezar, balita ko napapadalas daw ang pagpunta mo sa tahanan nang mga Ardashir? Hindi yata maganda ang ginagawa mong pagpunta…lalo pa’t sa nangyayari sa atin ngayon!”

Tumango-tango ako. Sinabi ko, “wala po kayong dapat na ipag-alala…walang masama sa ginagawa ko, ang akin lang ay pagtanaw nang utang na loob sa ginawang pagtulong sa amin nang Hadi Khalil sa panahon nang aming pangangailangan! —Kaya nga nagpapasalamat ako nang marami sa kanyang ginagawa. Isa pa nandito ang Adi Hikmet at siya mismo magpapatunay noon Hadezar!”

Tumigil kami sa aming paglalakad. Nabaling ang aming mga pansin sa isa’t isa. Tinanong ko sa kanya kung kamusta na ang Hadi Merkabah. Sinabi niya sa akin na nakakatuwa ang bata…na nakakagapang-gapang na ito at minsan nahihirapan silang habulin. Sinabi sa akin nang Hadi Mirza na mainam lamang na mayroon na silang malilipatang tahanan para sa sandaling makalakad ang bata ay mapagaan-gaan na rin ang kanilang mga buhay.

Ngunit sinabi ko na lalo lamang din silang mahihihirapan dahil buntis pa rin ang Adi Ismat sa pangalawa nilang anak.

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Sinabi niya sa akin na kinausap siya nang Hadi Mahdi tungkol sa kung sino dapat ang maging Hadezar nang tahanan ng mga Parvana.

Tinanong ko siya kung sino.

Sinabi niya sa akin na hindi dapat maging Hadezar nang tahanan ng mga Parvana ang Hadi Naveed. Bagkus ang dapat naming piliin ay ang Adi Atiya. Na kailangan naming magkaisa sa pagpili sa kung sino ang hihiranging Hadezar nang tahanan nang mga Parvana. Kinumbinsi ito nang Hadi Mahdi tulad nang ginagawa niya sa aking pagkumbinsi.

Tanong ko sa kanya, “alam mo ang mangyayari kapag ang Adi Atiya ang maging Hadezar, Hadi Mirza…hindi na maitatago pa sa mga malikmata ang pagbagsak nang ating kalipunan! —bakit ito ginagawa nang Hadezar…bakit niya tayo kinukumbinsi na piliin ang Ading hibang kaysa ang karapatdapat na maging Hadezar, na sa aking tingin ay mastunay na karapatdapat kaysa sa iba?”

Wika niya sa akin, “dahil kahit anoman ang sabihin natin laban sa kanya…o ang pagtingin mo laban sa kanya, alam mong hindi siya nagkakamali sa pagpili! Sa ginagawa mo ngayon…isa kang mapagpaimbabaw at mashindi ko gusto ang isang Jingkar na mapagkunwari kaysa sa katulad mong isang tuso at sinungaling…maaari mong gawin kung anoman ang ginagawa mo sa iyong tahanan pero pinili ka niya…pinili niya ang iyong ina bago ka isilang bilang Hadezar. Pag-isipan mong mabuti Hadi Yasir ang kagustuhan nang Hadi Mahdi iyon lang ang hinihingi ko sa iyo!”

Tumango-tango ako bilang tugon.

Mapag-imbabaw? Ako pa ngayon ang mapag-imbabaw! Ano ang dahilan nang aking pag-angat! Hindi niya ba nakikita na ang lahat nang ito ay nangyayari sa kanila mismong, na sadyang nadamay lamang ako dahil kabahagi ako nang isang masmalaking pananagutan.

Matapos noon bumalik kami sa loob nang bulwagang-silid. Sa aming paglalakad papunta sa loob nang bulwagan nakita ko ang aking nakatatandang kapatid na nasa pasilyo, sa labas nang bulwagan. Lumapit ako sa kanila habang pumasok sa loob ng bulwagan ang Hadi Mirza.

Wika nang aking nakatatandang kapatid, “hindi mo dapat iniiwan na mag-isa ang iyong asawa! Lalo na’t nagdadalang-tao siya.”

Ngumiti ako sa kanyang sinabi.

Wika ko, “gusto ko sanang yakapin ka ngunit natatakot ako na baka may makakita! —kamusta ka na Adi Makbule?”

Tugon niya, “Ito…wala pa rin pinagbago…buhay pa rin hanggang ngayon!”

Wika ko, “mabuti naman kung ganon!”

Wika niya sa akin, “ano nga pala ang ginagawa mo dito?”

Tugon ko, “gusto nang Hadi Mahdi na maging Hadezar ang Adi Atiya…at gusto kong makita ang pinakamamahal nang aking kapatid na mailibing at makalimutan!”

Wika niya, “alam mong hindi ka dapat naparito!”

Tugon ko, “alam ko…pero ramdam ko na may mangyayaring maganda sa akin habang nandito ako!”

Wika niya sa akin, “kahit kailan hindi ka pa rin nagbabago!”

Wika ko sa kanya, “marami na ang nagbago sa atin kapatid ko!”

Tugon nang Adi Makbule, “alam kong nasaktan ka nang piliin ko ang mga Harith!”

Wika ko, “nasaktan ako nang piliin niyo kung ano ang kinakailangan niyong piliin! Hindi niyo dapat ginawa iyon…kamusta na ang Adi Sule?”

Wika niya, “maayos-ayos na siya. Sinamahan niya ang Adi Atiya na makapagpalit at makapag-ayos!”

“A!”, tugon ko, “mabuti naman kung ganon!” Nang may ngiti. “Masaya ako na makitang muli…”

Tugon nang Adi Makbule sa akin, “alam ko!”

Tanong ko, “nagkausap na ba kayo ng Adi Hikmet!”

Tumango-tango ang aking nakatatandang kapatid. Tugon niya, “Oo…kanikanina lang ngunit Nagkamustahan lang kami…mahirap nang makita nang mga umaalialigid. Baka ano pa ang sabihin nila!” ngumiti siya sa akin.

Lumapit sa amin ang aking asawa…nakita siya nang Adi Makbule. Sa paglapit niya dito tinanong niya ang aking nakatatandang kapatid kung nasaan ang Adi Sule.

Sinabi ko na kasama siya ngayon nang Adi Atiya na nag-aayos para sa gagawing paglibing sa yumaong Hadezar.

Tinanong nang Adi Makbule kung kailan manganganak ang aking asawa. Sinabi nang aking asawa na matagal pa…na pitong buwan pa lamang ang dinadala nito.

Sinabi nang Adi Makbule na hindi rin ito magtatagal ay isisilang na nang aking asawa ang aming panganay. Tiniyak nang aking nakatatandang kapatid na babae ang aming magiging panganay.

Bagay na pinagtakahan nang Adi Hikmet.

Sinabi nang Adi Makbule na kapag lalake daw ang magiging anak madalas daw na nawawala ang mistulang ningning nang pagkababae sa nagdadalang-tao at kabaliktarana naman ito pagbabae.

Sinabi nang aking asawa na hindi nito alam kung ano ang kasarian nang aming magiging anak datapwat magkagayonman hinahangad nito na kung anoman ang kasarian nang aming magiging anak ay magiging malusog ito.

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Makbule at sinabing iyon naman ang mahalaga.

Kasabay nito lumapit sa amin ang Adi Sule. Nang nakita ko ang aking kapatid agad ko siyang niyakap at ipinaabot ang aking pakikiramay sa kanya…sinabi niya sa akin na wala na akong dapat na ipag-alala, at ayos pa ang lahat. Sinabi niya sa amin na malapit nang magsimula ang pagburol. Kasunod noon tinawag niya ang iba pa na lumabas na nang bulwagan para simulan na ang paglibing sa Hadi Hagir.

Nang hapong ito nagsimula na ang paglibing sa mabuting Hadezar.

Lumabas ang Adi Atiya mula sa madilim na pasilyo. Nakasuot ito nang damit panluksa. Isang itim na bata na pinapatungan nang itim na balabal na mula sa balat nang Mantahungal. Nakasuot ito nang isicholo na gawa sa pilak…may mahaba itong palda na ang laylayan ay lagpas sa bukong-bukong na mga paa nito, burdado ito nang mga gintong santan…nagtataglay ito nang gintong alahas, mga garing at kwintas na may mga hugis santan na tinubog sa pilak at ginto.

Lumabas ito sa pasilyo na sinundan nang anak nito…ang nag-iisang tagapagmana nang tahanan ng mga Parvana. Sa paglabas niya sa tahanan ng mga Parvana, binaling ko ang aking tingin sa Adi Atiya at sa kanya, sa paglapit ng mga ito sa labi nang Hadi Hagir.

Napansin ko na nasa tabi nang yumaong Hadezar ang kawan na may tatlong paa na sumasagisag kapangyarihan nang Hadezar na nasa loob nang tahanan.

Lumapit sa akin ang Hadi Khalil napansin kong wala ang kanyang liyaw habang pinapanood namin ang paglibing sa yumaong Hadezar. Tinanong niya ako kung maaari niyang hawakan ang aking kamay bagay na kanyang sinang-ayunan. Nabaling ang kanyang atensyon sa Adi Hikmet na nasa aking tabi…nagbigay siya nang pantawag na pamitagan bagay na kakatwa.

Sinabi ko sa Hadi Khalil, “ang kanyang pamumuno bilang Hadezar ay tiyak na hindi makakalimutan nang sinoman. Isa siya sa mga magagaling at mabubuting Jingkar na aking kilala!”

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Tugon niya, “totoo, mabuti ang Hadi Hagir pero ang kanyang kabutihan ay ang kanyang kahinaan…kaya hindi nakapagtataka na ito ang dahilan ng ikinamatay nito…at siguro nang ikinabagsak nang tahanan nito…ang kanyang pagkamatay ay tulad din ng iba…makakalimutan.”

Sabi ko sa kanya, “darating ang araw na kailangan nating pumili sa kung sino ang magiging Hadezar nang kanilang tahanan!”

Lumingon siya sa akin. Wika niya, “gusto nang Hadi Mahdi na maging Hadezar ang Adi Atiya… kung ano ang gusto niya bahala siyang gawin kung ano ang gusto niya! Hindi ko gusto na madungisan ang kalipunan nang mga Hadezar tulad ng ginawa niyang pagdungis sa paghirang sa iyong ina bilang Hadezar. Hindi niya naiintindihan kung kailan siya dapat sumuko o hindi. Ang isang matandang Adi na walang tinataglay na kahit anong katungkulan o walang ginagawang kahit anong makabubuti sa kanyang tahanan ay hindi dapat maging Hadezar. Kung siya ang magiging hadezar, mabuti…mabuti at tamaan sana siya nang kanyang kapalaran sa kanyang pamumuno. Dahil titiyakin ko na aarawarawin ko na hangarin at dasalin ang pagbagsak nang kanyang tahanan.”

Lumapit ang isa sa mga anino ng tahanan sa Hadi Naveed, dala nito ang isang sulo na gagamitin sa pagsunog sa yumaong Hadezar. At sa paglapit nang Hadi Naveed sa labi nang ama nito pinigilan ito nang ina nito.  Lumingon ang Hadi Naveed sa Adi Atiya.

Hinawakan nito ang braso nito kasunod noon lumingon ito sa amin. Wika nang Ading hibang, “maraming salamat sa inyong pagdalaw sa libing nang aking asawa lalo na sa iyo Hadi Mahdi sa walang sawa mong pagsama sa aming mga pangangailangan. At sa inyo, mga kaibigan at kakilala nang aking asawa na ngayon sa nakakalungkot na araw na ito tayo ay kanyang pinagtipon upang sariwain at gunitain ang kanyang buhay. Maraming salamat!”

Nakita ko ang pagngisi nang Adi Dilshed sa wika nang Adi Atiya.

Mababaw na salita kung sasabihin mong magaspang ang pag-uugali nang Adi Atiya. Maaaring sa iba tinuturing siyang Ading walang kahihiyan, isang Ading hambog, mapagmataas, at may pagkukulang sa pag-iisip pero ang ituring ang kanyang pag-uugali na magaspang ay isang maling paggamit ng salita. Hindi magaspang ang kanyang pag-uugali. Hambog siya…at higit sa lahat pilit niyang pinagduduldulan ang kanyang sarili na mashigit pa sa amin na kahit ang totoo ay hindi niya kayang tanggapin na wala siyang pinagkaiba…

Matapos noon tuluyan nang sinunog nang Hadi Naveed ang labi nang kanyang ama.

Tumingin ako sa aking asawa. Nabaling ang kanyang atensyon sa akin habang hawak ko ang kanyang kamay at nakaipit ito sa aking mga braso. Sa aking pagtingin sa kanya nakita ko rin na nakatingin sa akin ang Hadi Mahdi. Hindi ko siya pinapansin…walang dahilan upang mag-usap pa kaming dalawa ni magkita.

Ngumiti ako sa aking asawa at kasabay noon hinalikan ko siya sa labi at muling binalikan ang panonood sa paglibing sa Hadi Hagir…Sinong mag-aakala na halos mag-iisang taon na rin simula nang mamatay ang aking ina. Parang kailan lang nang ganito din ang ginagawa ko sa pagsunog sa labi nang aking ina. Unti-unting tinutupok nang apoy ang katawan nang Hadi Hagir. Bumalot ang naglalagitik na apoy sa unti-unting nauupos na bangkay nang mabuting Hadezar. Namatay ang Hadi Hagir nang umagang ito at ngayong gabi bago tuluyang lumubog ang araw tuluyan nilang winakasan ang mahabang panahon nang kapayapaan sa tahanan ng mga Parvana.

Hindi nagtagal dumating ang Hadi Walid sa tahanang kakampi ng aming mga kalaban. Huli na ang kanyang pagdating sa libing nang Hadi Hagir ngunit tila masyado siyang maaga para sunduin kami at iwanan ang malungkot at nakakasuyong tahanang ito…

Matapos ang paglibing sa mabuting Hadezar isa-isa nang nagbigay nang paggalang ang bawat Jingkar na naparito, at bumubuo sa ilalim nang pamumuno nang tahanan nang mga Parvana. Tinanggap sila nang Adi Atiya at nang hadi Naveed.

Hindi nagtagal, Isa-isa nang nagbigay ng kanilang paggalang ang bawat Jingkar at mga tahanang bumubuo sa kalipunan nang mga Hadezar na dumalo at nakiramay sa libing nang namayapang Hadezar. Una silang tinanggap nang tahanan bilang mga panauhin. Na kung sa mga pangkaraniwang mga araw lamang ito, hindi tinatanggap ang mga ito nang hindi sang-ayon sa kung ano ang nakaugalian, ang paghuhugas nang mga paa at pagpupunas.

Unang nagpaalam mula sa kalipunan ng mga Hadezar ang Hadi Khalil, na ngayon ay nandito at sinusunod nang matandang liyaw nito. Nagbigay ito nang paggalang sa Adi Atiya, sinundan nang pagbibigay galang sa aking kapatid at sa asawa nito…matapos nagbigay din ito nang paalam sa amin nang aking asawa at sa tahanan nang mga Harith lalong-lalo na sa Adi Dilshed, na kanyang dating kaibigan at matagal na hindi nakita…Sinabi nang matandang Hadezar sa Adi Dilshed na masaya itong makitang buhay bagay na tinugunan nang Adi Dilshed nang pagsang-ayon at ganon din inulit nang lang din nito ang mga sinabi nito dito.

Matapos noon hindi rin nagtagal sinundan din ito nang pagpapaalam nang mga kamag-anak nang aking asawa. Una silang nagpaalam sa amin…na sinundan nang aking pagpapaalam sa kanila habang kausap ang Hadi Walid nang mga sandaling ito. Nagpaalam ako sa Adi Arwa, sa Adi Hala at sa aking pamangkin na si Adi Ismat. Kasunod noon nagpaalam ang Hadi Mirza sa Adi Atiya, sa Adi Sule at sa asawa nitong si Hadi Naveed na sinundan nang pagbibigay-galang sa aking maging nang kanyang mga anak na walang paggalang sa akin.

Tinanong ko siya kung maaari ko ba siyang samahan palabas nang tahanan nang mga Parvana. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Sa kanyang paglisan kasama ako sa loob nang bulwagan at palabas nang tahanan nang mga Parvana, sinabi ko sa Hadi Mirza kung ano ang aking napagpasyahan. Inamin ko sa kanya na hindi ito madali sa akin, magkagayonman tinanggap ko ang kanilang alok, sumang-ayon ako, hangarin na maging Hadezar ang Adi Atiya ng tahanan ng mga Parvana. Matapos noon tuluyan na siyang umalis at sinarado ko ang lagusan nang tahanan.

Sa pagbalik ko sa kung nasaan ang Hadi Walid inutusan ko siyang maghanda na, ilabas na ang aming mga alagang hayop palabas nang tahanan at magpapaalam lang kami nang Adi Hikmet sa tahanan nang mga Parvana at sa aking mga kapatid.  Bagay na tinalima nito.

Pumasok ako sa loob nang bulwagan. Lumapit ako sa Adi Hikmet. Inanyayahan ko siya na magpaalam na at maghanda na sa aming pag-alis.  Bagay na kanyang ginawa. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan. Tinulungan siya nang Adi Makbule.

Sa pagtayo nito, niyakap siya nang aking kapatid.  Lumapit ako sa Adi Atiya at nagbigay nang aking pakikiramay sa kanya…Kasunod noon lumapit sa amin ang aking asawa at gayong pinakilala ko siya sa Adi Atiya at sa Hadi Naveed…Niyakap siya nang aking kapatid at sinabi nito sa kanya ang hangad nang Adi Sule na makita itong muli at ang kabutihan nang mga kalusugan nang aking mag-ina.

Pinahayag nang Adi Atiya ang paghanga nito sa aking asawa na hindi nakapagtatakang natatakaran nito ang sinoman na nandito sa loob nang bulwagan. Nang hindi inaasahan, narinig ko ang pagtawag sa akin nang Adi Dilshed. Nakita ko siyang lumapit sa akin. Tinanong niya ako kung maari ba akong makausap nang sarilinan. Lumingon ako sa Adi Hikmet. Tumango ako at binalikan niya nang pagsang-ayon kasunod noon sinamahan ko ang Adi Dilshed kasabay nang aking paglabas sa loob nang bulwagan.

Sa aming paglabas, tinanong ko siya kung ano ang maipaglilingkod ko.

Sinabi niya sa akin ang hangad niyang pagkakaayos nang aming tahanan, gayong para na rin ito sa ikabubuti nang aming mga sarili at nang aming bayan, sa kabila nang nararanasan naming dalamhati…dulot nang panibagong pananalasa nang sama nang panahon noong mga nakaraang mga buwan.

Sumang-ayon ako sa kanya. Sinabi ko sa kanya na wala akong nakikitang masama kung magkaka-ayos kami nang Hadi Mahdi. Sinabi ko sa kanya na naniniwala ako na magagawa ang lahat sa pakiusapan.

Bagay na kanyang ikinalugod. Lumapit sa akin ang Hadi Mahdi…sinang-ayunan nito ang ina nito.  Sinabi nito sa akin na maaari namin itong ayusin.

Tumango-tango ako. Sumang-ayon ako sa kanya. Inamin ko rin sa kanya na maging ako gusto ko rin ang aming pag-aayos.

Muli nag-usap kaming dalawa, sa unang pagkakataon matapos ang kaguluhan sa aking lupain. Nakita ko ang paglabas nang aking asawa kasama ang aking mga kapatid at ang Adi Atiya. Maging ang tahanan nang mga Harith na inaantay ang inaasahang pagkakabati naming dalawa nang Hadi Mahdi. Nakita ko ang ngiti sa labi nang Adi Dilshed.

Nakita ko ang tuwa sa mga mata nang Hadi Mahdi. Wika niya, “Hadezar!”

Tanong ko sa kanya, “kung ganon tinatanggap mo na ang pagbali nang ugnayan nang ating mga tahanan, Hadezar?”

Nakita kong naglaho ang mga ngiti sa labi nang Adi Dilshed. Wika ko, “hindi malaking ang hinihingi ko sa iyo, Hadezar. Pwede natin itong ayusin hihingi ako sa iyo nang tawad kung pagbibigyan mo ako sa gusto ko!”

Naglaho ang tuwa sa mga mata nang Hadi Mahdi. Tanong niya, “bakit hindi na lang natin kalimutan ang mga nangyari? Magsimula tayo parang bago…isang maganda at bagong ugnayan, Hadezar!” Kasabay noon tuluyan nang nagdilim ang kalangitan lumubog ito sa aking likuran, sa likuran nang lagusan nang tahanan. Kasabay noon binalot nang kadiliman ang buong lupain.

Hindi ko pwedeng kalimutan ang lahat nang mga nangyari. Isa akong Jingkar, kapag kinalimutan ko ang aking nakaraan para mo rin akong inutusan na talikuran ko ang aking kasaysayan. At hindi ko iyon gagawin. Napatingin ako sa aking asawa na kasama ang aking mga kapatid. Buo na ang aking loob. Gagawin ko ang lahat nang aking makakaya upang makabangon.

Umiling-iling ako bilang tugon sa Hadi Mahdi at sinabi ko, “patawarin mo ako Hadezar, hindi ko magagawa ang gusto mo!” Matapos noon nagbigay ako nang paggalang sa kanya. Lumapit sa akin ang Adi Hikmet kasunod noon nagbigay ako nang paggalang sa Hadi Mahdi at sa banta nang pagtalikod ko sa kanya kasama ang aking asawa, saka naman nagbukas ang lagusan nang tahanan, nakita ko ang Hadi Walid, dala ang aming mga alagang hayop.

Muli kong narinig ang kanyang tinig. Wika niya sa akin, “HADEZAR!” dahilan upang mapalingon ako “Kung sa inaakala mong makukuha mo ang gusto mo ay nagkakamali ka.  Sisiguraduhin kong babagsak ang tahanan nang mga Barakat at gagapang kayo sa amin nang pabalik habang nakikiusap na tulungan namin kayo ulit…” Hindi ako kumibo. Sa halip tuluyan naming iniwan ang aking mga kalaban.  Dagdag niya, “at hindi ko kayo pagbibigyan!”

KABANATA LABING-LIMA:

Patuloy ang pagbuhos nang ulan nang gabing ito…walang-tigil ang pagbayo nang hangin, pagdagundong nang kulog at pagguhit nang kidlat sa madilim na kalangitan. Kahindik-hindik ang mga naglalakihang mga alon. Na sa gitna nang mga naglalakihang mga alon ay may isang maliit na balangay ang unti-unting nilalamon nang karagatan at mga sakay nito. Sa loob nito nanalangin sila…pinagdadasal ang kabutihan nang kanilang mga buhay at ang kanilang kaligtasan. Ang mga aboloryo sa kanilang mga kamay, lalo na mga matatandang sakay nito, pilit na idinidiin sa mga kamay at sampung mga daliring nakabalot. Hanggang gumuhit ang kidlat kadiliman nang kalawakan. Sinundan nang pagkulog…nang iisa na namang pagguhit nang kidlat at tumaob ang kanilang sinasakyang pandagat sa maalong dagat at humahagupit na unos. Marami ang namatay. Walang isaman ang nakaligtas…sa dalawampung katao na sakay nito na karamihan mga bata at babae.

ANG SIMULA NANG KAHINDIK-HINDIK NA SIMULA

Umupo sa kanyang tabi ang kanyang asawa habang pinagmamasdan nila sa pasilyong nakangat sa lupa at sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan ang pamiminsala nang unos. Wika nito sa kanya, “mukhang magtatagal pa ang pagbuhos nang ulan…”

Wika niya, “Oo—iyon nga sa tingin ko! Naiakyat ko na sina Ijiraq at Mamé kaya wala kang dapat na ipag-alala!”

Wika nito, “mabuti naman kung ganon! Hindi ko inakala na mag-aaway ang dalawa at kinakailangan mo pa silang sagipin mula sa baha—mabuti wala nang kulog at kidlat…Hindi magtatagal hihina din ang ulan at wala tayong dapat na alalahanin kung hindi ang paghupa nang baha” Nabaling ang atensyon nito sa kanya. Sinabi nito, “madilim pa rin ang langit kahit malapit nang mag-umaga.” Sinandal nito ang likuran sa haligi nang pasilyo. Habang nakayakap ang mga kamay nito sa mga hita nito at tinatago nang mga binti at paa ang hubog nang kanyang asawa na ngayong kanyang pinagmamasdan. Wika nang Adi Hikmet, “marami pa akong hindi nalalaman tungkol sa iyong tahanan. Hindi ko alam kung sasabihin mo sa akin ang totoo o magsisinungaling ka kagaya nang mga madalas mong ginagawa!”

Tanong niya, “Kung ganon sabihin mo sa akin!”

Nang may ngiti nang pagkabagabag wika nang kanyang asawa sa kanya, “sabihin mo sa akin papaano namatay ang Adi Hiba?”

Tanong niya, “sa tingin mo ako ang may gawa? Pinatay ko ang aking ina?”

Umiling-iling ang Adi Hikmet. Wika nito sa kanya, “Hindi…hindi! Ngunit matagal na ang bulong-bulungan at hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. At hindi ko alam kapag tinanong kita kung sasabihin mo ba sa akin ang totoo o kung kailangan ba kitang paniwalaan o hindi!”

Nakaramdam siya nang pagdadalawang-isip na sabihin sa kanyang asawa kung anoman ang kanilang tinatagong magkakapatid sa loob nang limang taon. Nakita niya sa mga mata nang kanyang asawa ang pag-aagam. Alam nito kung sasabihin niya. Hinahangad nito na baliwalain at ibahin kanilang pag-uusap na lubhang napakaselan at lubhang mapanganib para sa kanya at para sa kanyang tahanan.

Hindi siya pinilit nang Adi Hikmet na lalong pag-usapan ang bagay na ito. Naintindihan nito ang kanyang pagdadalawang-isip at pag-aalala. At sa tangka nang pagtayo nito sa kanyang tabi habang kapwa sila parehong nakaupo sa sahig nang pasilyo malapit sa bingit na walang mga balustre nagpasiya siya na sabihin sa Adi Hikmet ang totoo—pinigilan niya ang Adi Hikmet na iwanan siya.

Pumayag siya sa alok nitong sabihin ang dahilan nang ikinamatay nang kanyang ina. Nang umagang ito bago ang tuluyang pagbukang-liwayway sinabi niya sa kanyang asawa kung ano ang tunay na dahilan.

Wika niya, “ang mga kumalat na mga bulongbulungan…ang pagdududa nila na ako ang pumatay sa aking ina…tama sila. Ako ang pumatay sa Adi Hiba.” Nagulat ang Adi Hikmet. “may sakit ang aking ina…may sakit ang aming tahanan na walang sinoman ang may kakayahan na magpagaling. Babaguhin nito ang iyong sarili. Tatanggalin nito ang lahat-lahat sa iyo hanggang hindi mo na makilala ang mga nakapaligid sa iyo at nagmamahal. Pinatay ko siya hindi dahil gusto ko…o kailangan. Pinatay ko siya dahil nakikita ko na ayaw niya nang mabuhay. Na masgugustuhin niya na lamang ang mamatay kaysa makita niya kaming nahihirapan nang aking mga kapatid. Hiniling niya sa akin ang bagay na iyon. Nakiusap sa akin ang aking mga kapatid. Akala ko hindi ko kaya…akala ko kapag dumating ang sandaling iyon panghihinaan ako nang loob. Nakita ko ang paghihirap niya, Adi Hikmet. Nakita ko na kapag sinusumpong siya nang kanyang sakit, hindi niya kami makilala. Parang bago ang aming ina sa aming paningin. Para siyang biglang nawala. Sinusubukan niyang umalis…nagpupumiglas siya kapag sinusumpong siya nang kanyang sakit. Wala akong magawa kung hindi ikulong siya sa madilim na imbakan malapit bulwagan. Pinapakain ko siya…pinapaliguan. Matagal bago siya bumalik, araw, linggo, buwan. Hindi niya kami makilala. Alam niya ang ginagawa niya ngunit hindi niya kayang pigilan ang kanyang sarili. Kaya ginawa ko. Uminom ako. Umakyat ako. Nakita ko siya dito.  Nagdadasal. Tinawag ko siya. NANNA. Nakita niya ako. Lumapit ako sa kanya. Kinuha ko ang patalim na nasa sahig…Niyakap ko siya. Gusto kong umiyak…” Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. “Pagod na pagod na akong umiyak.”

Tanong nang Adi Hikmet, “at sa maisan?”

Wika niya, “at sa maisan…Ayoko iyong mangyari sa aming magkakapatid, kung ano ang naranasan ko, sa amin. Ayokong pagdaanan mo ang pinagdaanan ko…Ayokong sapitin iyon nang ating mga magiging anak. Ayokong matakot ka, tulad nang nakikita ko sa iyo.”

Lumapit ang Adi Hikmet sa kanya.

Niyakap siya nito nang mahigpit at niyakap niya ito. Wika niya sa Adi Hikmet, “mahal na mahal kita, Adi Hikmet at lahat gagawin ko para hindi tayo magkahiwalay.”

Nang umagang iyon patuloy ang pagbuhos nang ulan.

Kalunuslunos ang sinapit nang kanilang bayan. Dalawang gabing binalot nang kadiliman ang buong Ja’khar…at ang pag-asa na nananatili sa kanila. Dalawang araw na nilamon nang dagat ang buong Ja’khar matapos ang pagtila nang ulan. At nang humupa ang baha, nasaksihan ang dagsa-dagsang pagkasira nang bawat pananim, ari-arian at mga patay na nakahandusay sa lansangan at sa maputik na daanan sa loob nang lipunan. Dalawang araw at gabi ngunit para linisin at ayusin ang buong lipunan ay higit pa sa dalawang araw at gabi. Ang pagkalimot dito ay higit pa sa mga taon, kung bibilangin, at para mabura sa kanilang mga alaala higit pa sa dekada. Dalawang araw at gabi sa maikling panahon, ang pagkasira ay higit pa sa buhay ang kailangang ayusin at ibalik sa kung ano ang nakagawian.

Sinimulan nilang mag-asawa na linisin ang kanilang buong tahanan, matapos ang paghupa nang baha.  Una nilang nilinis ang kanilang silid. Tinanggal nang kanyang asawa ang putik sa sahig at pinunasan ang mga dingding sa loob nito. Habang siya isa-isa niyang binababa ang mga gamit nila mula sa ikalawang palapag nang tahanan…ibinaba niya ang mga gamit na nakakalat sa pasilyo nang ikalawang palapag…ang mga upuan at uluhan nang mga higaan. Ang mga gamit na pampaligo at ang mga malalaking mga banga.

Matapos noon narinig niya ang pag-ungol nang isa sa mga asong-gubat…nakita niya ang kanyang mga alaga na nakahiga sa higaan. Nabaling ang pansin sa kanya ni Mamé. Tinanong niya ito kung ano ang dahilan nang pag-ungol nito. At nang lumapit siya dito tumayo ito sa kinahihigan nito sa ibabaw nang higaan. At tumahol. Nagsunuran sina Ijiraq at Amarok. Nakaumang ang mga ngipin at naghahasik ang mga mata.

Lumapit siya sa mga ito. Hinawakan niya ang balahibo ni Mamé. Hinimashimas ito na may pag-aalala. Nang ibinaling niya ang kanyang pansin sa katabi nito si Asiaq…nagtaka siya na kung bakit matamlay ang kanyang alaga.  Binuno niya si Mamé gamit ang kanyang braso na nakapaikot sa leeg nito at hinawakan niya si Asiaq…Hinimashimas ang balahibo nito at kasabay noon ramdam niya a ang garalgal nang ungol nang kanyang alaga.

O Asiaq…nakita niya ang suka nito na mistulang parang gatas at malapot. Hindi ito magtatagal. Sandaling panahon lang ang bibilangin at mawawala na ito sa kanya.   Ipinatong niya kanyang ulo sa ulunan ni Mamé. Niyakap niya ito at sinabi sa alaga na wala itong dapat na ipangamba.    Kasunod noon binitawan niya ito at lumabas nang kanilang silid.

Hindi niya maitatanggi sa kanyang sarili ang lungkot na ibinigay nito sa kanya. Ang pagkawalay nang isang alaga sa ilalim nang iyong pangangalaga ay mistulang magulang na namatayan nang anak. Mahirap mang tanggapin…mahirap mang isipin wala na siyang magagawa pa huli na ang lahat.

Bumaba siya mula sa ikalawang palapag nang kanyang tahanan dala ang isang upuan na may mataas na sandalan.

Sa pagbaba niya, ibinaba ito sa sahig nang unang palapag kasunod noon tinulungan niya ang kanyang asawa sa pagpasok nang gamit at pag-aayos nang kanilang silid. Matapos ang kanyang pagtulong sa asawa inayos niya naman ang yungib nang kanilang mga alagang hayop.   Nilinis niya ang kulungan nang mga ito. Tinanggal nang putik at mga dayami…inilabas ang mga ito at saka ibinalik ang mga alaga sa loob nang yungib.

Matapos noon naghukay siya sa malawak na lupain na nasa gitna nang kanyang tahanan nang libingan ni Asiaq. Mababaw lamang ang ginawa niyang hukay.  Matapos noon inilibing niya ang kanyang alaga hayop. Binudburan ito nang kanyang asawa nang asin. Pinagdasal nang kanyang asawa at saka niya ito inilibing.

Nang gabing iyon matapos nilang maayos ang loob nang silid lutuan pinaghanda niya ang kanyang asawa nang kanilang makakaing hapunan. Pareho silang pagod. Ito sa pag-aayos nang iilang mga silid sa unang palapag at siya sa pagbubuhat nang mga gamit pababa, pagpapanumbalik sa dating anyo nang tahanan, paglilinis nang bukalang silid at nang yungib nang mga alagang hayop.

Nang gabing iyon pareho nilang ipinag-alala ang kanilang mga nasasakupan.

Kinaumagahan, nagpatuloy sila sa paglilinis nang kanilang tahanan. Inayos niya ang mga imbakan sa kaliwang bahagi nito. Tinanggal niya ang mga hindi na mapapakinabangan pa, ang mga nabasag at nasira dahil sa tubig nang baha, at nang mga maari pang gamitin ay nanatili at itinabi para linisin at pakinabangan pang muli sa susunod na pagkakataon.

Kasabay nito nagbukas ang lagusan nang kanilang tahanan. Tinawag siya nang Adi Hikmet.  Lumabas siya sa isa sa mga imbakan at nakita niyang pumasok ang Hadi Walid sa loob nang kanilang tahanan. Tinanggap ito nang kanyang asawa.

Tinulungan sila nito sa kanilang gawain kapalit noon nakiusap ito sa kanila na kung maaari ay matulungan nila ito na ayusin ang tahanan nitong napinsala din nang sama ng panahon, gayon din ay pansamatalang manatili sa kanilang pamamahay bagay na kanyang pinagbigyan.

Nang hapong ito, iniwan niya ang kanyang asawa na kasama ang Hadi Walid. Lumabas siya sa kanilang tahanan upang kamustahin ang kanyang mga nasasakupan. Naglakad siya sa maputik na daanan. Binagtas ang daan kung saan makikita ang kahabaan ng mga tanim na mga Jaboticaba. Binaybay niya ito. At sa pagdating niya sa loob nang taniman napansin niya ang kaguluhan sa labas nang imbakan nang mga pagkain.

Lumapit siya sa mga ito. Tinanong niya ang kung ano ang mayroon at kung bakit sila nagkakagulo.  Namukaan siya nang isa sa mga anak na lalake nang Hadi Ogeyerg. Nakita niya ang pag-aalala at pagkagulat na makita siya nito.  Lumapit ito sa kanya. inanyayahan siyang pumasok sa loob nang imbakan. Nauna itong sa kanya papasok sa loob nang imbakan, at sumingit sa dagsang mga nakabalandra dito. Sa pagpasok nila nakita niya ang Hadi Ogeyerg kasama ang wala nang buhay na apo nito…

Tulala ang matanda at hindi matauhan sa sinapit nang pinakamamahal nito. Nakita nito ang pugot na ahas na bitis na may mga singsingan kulay nang itim at ginto sa sahig nang imbakan malapit sa bangkay nang apo nito.

Sinabi sa kanya nang Hadi Budur kung ano ang nangyari.  Inutusan nang matandang may-ari nang lupa ang apo nito na kumuha nang sangkap na kulang sa inihahanda nitong pagluluto kaninang umaga at nang hindi pa ito bumabalik nag-alala ito at inutusan sila nito na hanapin ang apo kung saan dito nga nila nakitang nakahandusay ang bata at wala nang buhay habang sa paanan nito ay wala na rin buhay ang ahas na bitis na nasa paanan nang bata.

Inutusan niya ang Hadi Budur na paalisin ang mga usisero. Sinabi niya na gusto niyang makausap ang ama nito…bagay na tinalima nito. Lumabas ito nang imbakan at inutusan ang mga Jingkar na nasa labas na umalis at bumalik sa mga tahanan nito…alalahanin na may mga tahanang dapat at mga tungkulin na kailangang gampanan.

Nang sila na lamang dalawa sa loob nang imbakan nang tahanan tinawag niya ito.

Nabaling ang pansin nito sa kanya at tinawag siya nito nang may pantawag na pamitagan.

Lumapit siya dito. Kalong-kalong ang paborito nitong wala nang buhay na apo. Lumuhod siya sa harapan nito at niyakap ang may-ari ng lupa. Pinabatid niya dito ang kanyang pakikiramay. Hiningi niya sa matanda na hayaan na ito…na kailangan nilang magpatuloy.

Tinanong nito kung magagawa ba nitong tumayo at makabangon.

Bagay na sinang-ayunan nito.

Ang kanilang buhay ay nagbago nang araw na ito. Nahirapan silang umahon noong nakaraang taon matapos silang hagupitin nang mapaminsalang panahon ngayon naman binaha ang kanilang lupain. Nalunod ang kanilang mga kinabubuhay…ang lupa ay basa at maputik. Matagal ang panahon para muli nila itong patagin at ayusin sa susunod na pagsasaka. Wala silang magagawa sa araw na ito at wala silang magagawa hanggang nila nagagawang kumilos.

Nagdesisyon siyang bigyan nang naaayong libing ang lahat nang pumanaw sa ilalim nang kanyang pamumuno.

Ibinurol at inilibing sa apoy sa gitna nang malawak na lupain sa loob nang kanyang tahanan ang lahat nang mga namatay.

Nang gabing ito, bago ang takipsilim binuksan niya ang kanyang tahanan para sa mga nawalan. Dumagsa sa loob nang kanilang tahanan ang daandaang mga liwanag kasama ang mga aninong nagtatago sa kadiliman nang gabi.  Pinangunahan ito nang lahat ng may-ari nang lupaing nasa kanyang pamumuno. Naroroon sa loob nang kanyang tahanan Adi Baqira, na may-ari nang sakahan nang mga Cafir; ang Hadi Eno na may-ari nang sakahan nang tanim na mga mais; Hadi Baaru na may-ari nang sakahan nang mga rimas; ang Hadi Ogeyerg kasama ang anak nitong si Hadi Budur na mga pinuno nang sakahan nang mga tanim na halaman nang mga jaboticaba; ang Hadi Basir na may-ari nang sakahan nang mga puno nang buri at uway. Bitbit ang mga bangkay, pinalatag niya ang mga ito nang maayos, hilehilara at patagilo sa malawak na lupain sa gitna nang kanyang tahanan.

Nakatayo siya sa gawang plataporma na sinundan nang kanyang asawa sa pag-akyat matapos nitong isa-isang tanggapin ang kanilang mga panauhin sa loob nang kanilang tahanan. Habang ang Hadi Walid ang nagbigay nang liwanag sa kanilang tahanan, higit pa sa liwanag na tinataglay nito sa mga nakaraang mga gabi. Nakabukas ang kawan nang apoy na may tatlong panungkod at tatlong paa. Balot sila nang itim na saluwâl na babang-luksa na may mga burdang mais at gladiolus. Nakatalukbong ang nakararami na pumapalibot sa kanila, nang mga panahong ito, nang puting telang balabal.

At dagsa sa mga ingay na bumubulabog sa kanilang katahimikan, sa nangungusap na kuliglig nang gabing ito, sa mga paniking imdugud na pumapalaot sa malawak na kadiliman nang kalangitan na ngayon lamang nagpapasikat kasabay nang tuluyang paglubog nang araw. Lumapit sa kanya ang Hadi Walid. Ibinigay nito sa kanya ang hawak nitong sulo habang pinapalibutan siya nang mga ito, ang kanyang asawa at ang kanyang liyaw. Kasunod noon sinimulan niya ang paglilibing sa mga namatay.

Sinabi niya, “ang gabing ito ay hindi tulad sa mga nagdaang gabi. Alam ko!  Alam ko ang bigat niyong mga nawalan. Sa katunayan ang gabing ito ang pinakamalungkot! Katulad niyo nawalan din ako ng pinakamalapit sa akin. Hindi kayo nag-iisa. Hindi kayo nag-iisa…” Tulad nang iba, namatayan din sila nang malapit sa kanilang mag-asawa, ang pinakamaliit sa kanilang mga alagang hayop, si Asiaq. “Nasa ating mga harapan ang ating mga mahal sa buhay: ang ating mga ama, ina; mga kapatid…mga anak, apo;” Inisip niya, marami na ang naudlot, na kung mauulit pa ang pananalasa nang sama nang panahon baka ito na ang tuluyang pagbagsak nang kanilang bayan. “Mga kaibigan…sa araw na ito marami tayong kailangang ipagluksa. Ipagluksa natin ang ating mga namatayan. Ang mga nagbigay sa atin nang ngiti sa kabila nang kalungkutan. Pag-unawa sa kabila nang ating mga kakulangan. Tapang sa kabila nang ating mga kahinaan. Mahal natin sila, hindi iyon maitatanggi…araw-araw nating sinasabing mahal natin sila dahil pinapakita natin na kailangan natin sila. Kailangan nating magluksa dahil marami…wala na tayong kailangan pang hilingin sapat na ang gabing ito na lumuha tayo pero sana sapat na rin ang mga salitang ito upang dinggin nang langit ang ating mga panalangin!”

Lumapit siya sa mga labi na nakabalot nang puting tela. Kasunod noon, kasabay nang kanyang pagkilos, isa-isa nilang sinunog ang mga ito. Inilibing ang mga labi na nasa loob nang kanilang tahanan.  Pinanood nila ito hanggang tuluyang matupok ang mga ito.

Hindi maikakaila na ito ang pinakamalungkot at ang pinakamadilim na yugto ng kanilang panahon…nang gabing ito kasabay nang kanilang pamamaalam sa kanilang mga namayapa nagpatuloy silang mabuhay…

Hiniling nang Adi Hikmet sa kanya na tanggapin ang mga mahihirap na mga tahanan na mga nawalan nang kabahayan at lupain, tulad nang kung papaano niya tinanggap sa kanyang pamamahay ang kapatid nito at pamangkin. Bagay na kanyang pinagbigyan at kaagad na ginawa.

Hindi nagtagal napuno ang kanilang tahanan ng mga nawalan, nang mga kamag-anak nang mga nasugatan, at nawalan ng hanap-buhay.

Magkatuwang silang tumulong na bigyan nang panandaliang tahanan ang mga ito. Ibinigay nila dito kung ano ang mga hindi na nila ginagamit. Ang kanilang mga silid at mga pagkain, ang mga sobrang punda, unan, sapin sa kama…mga upuan at mga higaan gayon din nang mga damit na pinaglumaan na nang kanyang tahanan at itinambak lang nang matagal ay ibinigay sa kanilang mga nasasakupan.

Nakita niya ang kung papaano mamuno ang kanyang asawa sa paraang nakita niya ang kanyang asawa kung papaano nito binalik ang kagandahan at kaayusan sa loob nang kanilang tahanan.

Tulong-tulong ang iba’t ibang mga may-ari nang lupa na maiayos ang mga nasasakupang lupain. Ang mga gumuhong tahanan ay ibinalik at tinulungan nang mga trabahador na ipinahiram sa kanila nang Hadi Khalil.

Katuwang nang ibang mga may-ari nang lupa, ipinatag nila ang lupain…ibinalik ang sulo sa kinatitirikan nito, ang mga kawan at haliging bumagsak sa pagkaka-ayos. Sa ilalim nang kanyang pamumuno pinatawag niya ang mga ito. Sinabi sa kanya nang Adi Hikmet na kung anoman ang ginagawa nila ay kailangan muna nilang tigilan ang kanilang mga pusapusaang mga binabalak laban sa tahanan nang mga Harith sa gayon ay maituon nila ang kanilang pansin sa pagpapanumbalik nang kanilang mga pinapatnugunan at pinamumunuang mga lupain.

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Masakitmang hindi ito tapusin, para sa kanya, kinakailangan niya itong gawin. Pinasinayanan niya ang pagtulong sa hangarin nang kanyang asawa.

Nagsagawa siya nang pagpupulong sa pinakamalaking silid sa loob nang kanilang silid ilang linggo matapos ang paglibing. Nang nalaman ito nang Hadi Walid agad siya nitong pinuntahan sa pagpapatag nang kalsada sa kanilang kinasasakupang lupain. Nakaramdam siya nang pangamba sa tinig nang Hadi Walid nang tawagin siya nito. Tumigil siya sa kanyang ginagawa.

Nang tinanong niya ito kung ano ang kailangan nito sa kanya. Sinabi nito sa kanya ang nalaman nito sa isa sa mga tauhang tumutulong sa kanilang ayusin ang kanilang daanan. Sinabi nito ang ginagawang pakikipag-usap nang kanyang asawa sa iilang mga may-ari nang lupa na maiayos ang kanyang pinamumunuang lupain nang hindi niya nalalaman. Na maging siya hindi akalain na magagawa ito nang Adi Hikmet.

Sinabi nito sa kanya na hindi niya alam kung ano ang nangyayari.

Bagay na kanyang pinabatid at inaming hindi niya nalalaman kung anoman ang pinaggagawa nang kanyang asawa.

Tinanong niya dito kung nalaman ba nito kung ano ang pinag-uusapan nang mga may-ari nang lupa at nang kanyang asawa. Bagay na itinanggi nito. Gayon tinanong siya nito kung ano ang kanyang balak.

At sinabi niya dito na wala silang ibang kinakailangang gawin kung hindi ang tulungan ang kanilang nasasakupan sa abot nang kanilang makakaya hanggang makapanumbalik ang kaayusan at kaunlaran nang kanilang lupain…

Tinanong siya nito kung nakasisiguro siya na wala na siyang ibang balak bukod dito.

Gayong sinabi niyang wala na.

Bago ito umalis sinabi nito sa kanya na hindi na maitatanggi pa na tuluyan nang nahulog ang kanyang loob sa kanyang asawa…binalaan niya ito na susunod na mangangahas ito laban sa kanyang asawa, ay ingatan nito ang pananalita nito. Kasunod noon iniwan siya nito at bumalik siya sa kanyang ginagawa.

Maaaring pag-ibig nga ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa. Na ang kanyang paghanga ay nagbago sa wagas at hindi maikakailang isang dalisay na pagmamahal.

Matapos noon tuluyan nang umalis ang Hadi Walid sa kanilang pamamahay nang kanyang asawa at bumalik sa tahanan nito.

Nang gabing ito, pumasok siya sa loob nang bulwagan kung saan nakita niya ang kanyang asawa na nakaupo sa isa mga batong upuang nakadikit sa dingding nang bulwagan. May hawak itong sulyaw na may tenga na may lamang tsaa.

Kinamusta nito ang ginagawa niya.

Sinabi niya malapit nang maayos ang kanilang lupain. Kinamusta niya ang ginagawa nito. Tinanong niya dito kung ano ang mga nalaman niya sa pakikipag-usap sa mga may-ari nang mga sakahan.

Sinabi nito sa kanya kung ano ang mga nalaman nito. Na kailangan nila nang maraming mga tauhan gayong kulang ang kanilang mga nasasakupan nang tutulong sa kanilang mga lupain. Na kinakailangan nilang ayusin ang mga imbakan, iangat ito at ilagay sa pinakamataas na lugar at matuyo. Kailangan nila nang mga bagong binhi…para sa muling pagtatanim… at ang mga binhing ito ay dapat mayroong sariling mga imbakan na malayo sa imbakan nang bawat taniman. Kulang din ang mga gusali na maari nilang pag-imbakan nang kanilang mga naisakang lupain. At mapipilitan sila muling humingi nang mga bagong binhi dahil ang mga natira ay karamihang nilamon nang baha sa nagdaang sama nang panahon.

Tumabi siya sa kanyang asawa. Tinanong niya dito kung ano ang iniinom nito. Sinabi nito sa kanya na umiinom ito nang tsaa mula sa prambuwesas. Inakala niya na hindi na ito nakakaramdam nang pagdadamdam sa pagdadalang-tao. Bagay na sinang-ayunan nito at sinabing hindi na magkagayon pa man ay nakakaramdam pa rin ito nang mga pagkahilo at pagkahilab nang tsan.

Tinanong niya ang kanyang asawa kung kumain na ito. Bagay na sinang-ayunan nito.

Pinaalala niya dito na kinakailangan nitong alagaan ang sarili nito.

Tinanong siya nito kung kumain na siya. Bagay na kanyang itinanggi. Sinabi nito sa kanya na kailangan niyang kumain…maskailangang niyang kumuha nang lakas sa kanilang ginagawa. Ngunit sinabi niya na mamaya na lamang siyang kakain.

Wika nang kanyang asawa, “alam mong kailangan pa rin nating mag-ingat hindi ba! Nakasisiguro ako na matapos lang ang dinulot nang delubyong ito at unti-unti lang na makaahon ang Ja’khar magpapatuloy kung anoman ang hidwaan sa pagitan niyo nang mga Harith. Tiyak lalo pang lalaki ang gulong ginawa mo kapag nalaman nila na pinili kang maging tagapagmana nang Hadi Khalil.”

Sagot niya sa kanyang asawa, “alam ko!”

Sinabi nito sa kanya na hanggang ngayon ay nahihiwagahan pa rin ito kung bakit umalis sa kanilang tahanan ang kanyang liyaw gayong hindi pa rin natatapos ang tahanan nito.

Bagay na kanyang pinagkimi’t balikat. Tinanong niya ang kanyang asawa kung mayroon ba siyang maitutulong.

Niyaya siya nitong sumama sa gagawing pagpupulong. Gayong sinabi niyang wala itong dapat na ipag-alala at nandoon siya upang samahan ito sa pag-uusap.

Bagay na itinanggi nang Adi Hikmet. Hiniling nito sa kanya na makisali sa usapan. Hindi lang basta na maging panauhin sa usapang iyon at magmasidmasid. Pinaalala nito sa kanya ang sinabi niyang tutulungan ito gayong higit nitong kinakailangan nang kanyang tulong.

Pumayag siya na tulungan ang Adi Hikmet.

Bago siya umalis, sinabi niya dito na may naisip siyang paraan para nila malutas ang suliranin sa pamiminsala nang sama nang panahon. Tinanong nang Adi Hikmet kung ano. Naisip niya kung bakit hindi nila palakihin ang mga saplad…at gumawa nang mga daanan nang baha na mag-uugnay sa mahabang ilog at palabas nang kanilang lipunan.

Bagay na nagustuhan nang Adi Hikmet at inisip na mainam itong gawin datapwat kanyang pinangambahan na baka lalo lamang nitong ikasira nang kanilang lupain at maidamay pa nila ang likas na kaanyuan nang kanilang lupain.  Matapos noon lumabas siya nang bulwagan nang tahanan.

Naglakad siya mahabang pasilyo sa labas nang bulwagan nagtungo sa kanang bahagi nang kanyang tahanan.  Nilagpasan ang bukalang silid at sa pagpasok niya sa malaking silid naroroon ang kanyang asawa at pinag-uusapan nang mga ito ang kanilang mga paghahanda sa mga balak na kanilang itatakda para mabawasan kung anoman ang suliranin na kinahaharap nila sa panahong dumating ang sama nang panahon.

Ang una ang pinakamalakas… ang sumunod ang pinakamatagal. Na sa loob nang isa at kalahating taon ang kanilang bayan ay hindi na makaahon-ahon mula sa pamiminsala nang sama nang panahon.  Pumasok siya sa loob dala ang kanilang tanghalian. Ibinaba niya ito sa mahabang lamesa sa loob nang malaking silid. Kasabay noon, lumapit siya sa kanyang asawa. Pinakinggan niya ang pag-uusap nang mga ito.

Sinabi nang kanyang asawa ang paghahandang binabalak nito para sa kanilang nasasakupan…ang kagustuhan nitong pagyamanin ang kanilang lupain at maiayos ang mga produkto nila sa loob nang pitong taon.

Bagay na kung tutuusin ay hindi malabong mangyari.

Sinabi nito na hindi sila maaaring pang mag-angkat nang mga binhi mula sa mga mangangarabana lalo pa at hindi pa nila lubusang nababayaran ang mga ito…bagay na kanyang sinang-ayunan.

Nilinaw nang Adi Hikmet sa mga may-ari nang mga sakahan at mga taniman nang lupa na nandito na kapalit nang mga sako-sakong mga binhi na gagamitin nila sa pagsasaka nang nakaraang taon ay isang taong ani ang kapalit sa mga mangangarabana para iluwas at ibenta sa pamilihang pandaigdig! At alam naman nila na hindi ibig sabihin nang isang taong ani ay tatagal nang sa loob nang halos isang taon. Alam nila ang kanilang produkto ay maipapalago lamang nila kada isang anihan sa loob nang bawat taon. Kalahati ang mapupunta sa mga kaban nang imbakan at sangkapat ang mapupunta sa mga mangangarabana…ang natitira ay sa mga sakahan. Iyon ang nakagawian sa kanilang lipunan. Iyon ang alam na nang nakararami. Na sa pagsusuma aabutin ito nang tatlo hanggang apat na taon at wala pa sila sa kalingkingan nang ibinibigay nila sa mga mangangarabana…Ang huling anihan ay natapos na datapwat alam nilang lahat higit pa sa kakulangan ang mga ito.

Tinanong siya nang Adi Baqira kung gayon ano na ang mangyayari sa kanilang lahat… paano sila mabubuhay gayong hindi sila maaaring kumuha ulit nang mga buto sa mga mangangarabana.

Sinabi niya bakit hindi gamitin ang natitirang mga buto…hindi naman lahat ay napinsala…may ilang mga pananim na nakaligtas at nabuhay karamihan sa mga puno ay hindi naman nabuwal!

Sinabi nang hadi Basir na wala silang suliranin at mananatili ang kanilang ani sa inaasahan. Na ang tanging pinangangambahan lamang nito ay ang laman nang mga imbakan.

Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Baaru.

Sinabi nang Hadi Budur na ang laman nang mga imbakan ay hindi tatagal nang isang buong taon…ang pinakamatagal na ay anim na buwan. Tinanong nito sila kung handa ba nilang gutumin ang mga may-ari nang mga lupa at ang mga nasa ilalim nang pamumuno nito…magkagayonman maaaring magkaroon nang pangalawang pag-aaklas at ‘diyaspora’ ang kanilang mga nasasakupan at mauuwi ito sa pagkabagsak nang kanilang tahanan sa pangatlong pagkakataon.

Bagay na sinang-ayunan nang nakararami sa mga may-ari nang lupa at may-ari nang mga sakahan…na kanilang pinatawag at kausap sa mga sandaling ito.

Tinanong niya ang Hadi Budur kung alam ba nito kung ano ang sinasabi nito. Gayong ang itinuturing nitong salita ay hindi naaangkop sa kanila ngayon sa kasalukuyan. Ang ‘diyaspora’ na tinutukoy nito ay naganap mahigit dalawang libong taon na ang nakararaan nang bumagsak ang imperyo nang mga Vanlandi at tumakas ang sangkapat sa mga lahing bumubuo dito mula sa malawak na Andes nang Kanluran patungo sa malayang Andes nang Silangan. Pinaalala niya dito kung sino-sino sila, ang mga Jingkar nang Ja’khar, ang mga Kesh nang Ka’desh at ang mga Qaa nang mga Qaa’ur. Iyon ang ‘diyaspora’, ang pagkakalat nang isang dating matatag at buong lipunan na bumagsak nang dahil sa isang matinding kaguluhan.

Nabaling ang kanyang atensyon sa pagpasok nang Hadi Walid na kararating lang.

Sinabi niyang kahit ang kanyang liyaw ang magpapatunay nito gayong nakita nito ang naiwan sa magiting na Asbalta na nang bumagsak ito…

Sinabi nang kanyang asawa na kung magagawa nilang makapagtanim ngayon ay maaari silang makapag-aning muli.

Bagay na kanyang tinutulan. Sinabi niya na matapos ang mataas na pagbaha marami sa mga sustansya nang lupa ang nawala sa kanilang mga kinasasakupang lupa. Higit pa ay maraming mga saplad ang nasira at hanggang ngayon ay hindi pa naaayos.

Sinabi nang kanyang asawa na hindi lubusang nararamdaman ang pagpasok nang ta-init sa kanilang lupain…na habang maaga pa lamang ay bakit hindi maaaring magpatuloy. Wala namang tumututol sa dami nang mga nailigtas na mga buto na maaaring itanim na sa loob nang apat hanggang anim na buwan ay maipupuno natin ang mga imbakan. Ang tag-init na ito maaari pang tumagal at magdulot lamang nang tagtuyot bagay na higit nilang dapat pangambahan. Hindi magtatagal ito ang kanilang magiging kalaban, ang mga tubig sa ilog ay baba at gayon din sa mga sakahan. Tinanong siya nito kung hahayaan lang ba nilang wala silang gawin.

Bagay na kanyang itinanggi.

Diin niya kung kaya nilang makapagtanim at maayos ang lahat bago ang pagpasok nang tagtuyot kinakailangan nila nang maraming tauhan… at maraming panahon sa pagsasaka.

Sa kanyang pag-iisa sa loob nang ikalawang palapag nang kanilang tahanan lumapit ang Adi Hikmet sa kanyang kinauupuan malapit sa tansong-dilaw na insensaryo na nakalagay sa panungkod na may tatlong paa. Ang buong silid ay may amoy nang mistulang nasusunog na tuyong mga dahon at mga sanga…

Wika nang kanyang asawa sa kanya, “nandiyan ka lang pala…kanina pa namin ka hinahanap!”

Lumingon siya dito. Pag-ibig ang nagtulak sa kanya upang magdesisyon siya na hayaan ang kanyang asawa na pamunuan ang kanilang tahanan. Pagtataka niya, “hinahanap, nino?”

Tugon nang kanyang asawa, “nang Hadi Walid!”

Tanong niya sa kanyang asawa, “nandiyan pa ba ang Hadi Walid?”

Tumango-tango ang Adi Hikmet bilang tugon sa kanya. Wika nang kanyang asawa, “nandiyan pa…masaya ako na nagkaayos na kayo”

Sa pagpasok nito tinanong siya nito kung alam niya ba ang nangyari sa lugar nang mga Harith at mga Parvana. Bagay na kanyang ipinagkaila. Tanong niya, “bakit ano ang nangyari?”

Wika nang kanyang asawa, “sabi nang Adi Baqira nagkalat daw ang mga patay sa dalampasigan nang Ja’khar!”

Pagtataka niya, “sigurado ka?”

Tumango-tango ang kanyang asawa. Wika nito sa kanya, “tinanong ko ito sa iba…ang iba walang alam sa kung ano ang nangyari. Sinabi sa akin nang Hadi Eno na pareho lamang ang aming mga narinig at nang tanungin ko ang Hadi Walid bagay na kanyang pinatotohanan ang mga kumakalat na bulong-bulungan!”

Nakaramdam siya nang pangamba. Nabaling ang kanyang pansin sa nakabukas na dungawan. Tinanong niya ang kanyang asawa kung hindi ba ito giniginaw. Tumalikod siya dito. Sinarado ang dungawan nang kanilang silid.

Tanong niya sa Adi Hikmet, “nalaman mo rin ba kung gaano karami ang natagpuang patay sa dalampasigan?”

Wika nang Adi Hikmet, “hindi! Pero ginagawa na raw nang lahat nang makakaya nang mga Harith at Parvana upang malaman kung sino ang mga ito sabi sa akin nang Hadi Ogeyerg gayong upang mabigyan nang magandang libing at kilalanin ang mga ito nang mga tahanan!”

Umupo ito sa kanyang hita. Tinanong niya ang kanyang asawa kung hindi ba ito nagtataka…o kung may pakialam man lang sa mga bangkay na nakahandusay sa dalampasigan. Sinabi sa kanya nang kanyang asawa na hindi ito ang kanilang priyoridad…na higit kaninoman ang kanilang masdapat na pinagtutuunan nang pansin ay ang kanilang mga nasasakupan.

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Wika nito sa kanya, “kahindik-hindik ang mga nangyayari sa ating bayan…una ang delubyo ngayon naman ang mga patay…hindi magtatagal susudan ito mga sakit at pagkagutom! Marami tayong kailangan pagkaabalahan Hadi Yasir…at kailangan sa maslalong madaling panahon maiayos natin ang lahat nang mga Jingkar na nasa ilalim nang aming pamumuno. Ikaw na rin ang nagsabi matatagalan tayong muling makapagsaka at makapag-ani…kulang ang ating mga imbakan upang pakainin ang mga nagugutom.”

Tanong niya sa kanyang asawa, “kung ganon ano ang sa tingin mong maaari nating gawin?”

Wika nito sa kanya, “kailangan nating pagtulungan ang humingi nang tulong sa ibang lahi! Iyon lang ang tanging paraan na naisip ko!”

Tinanggi niya ito sa kanyang asawa.  Wika niya, “hindi! Hindi!”

Pagtataka nang Adi Hikmet, “kung ganon ano ang gagawin natin… hindi natin kakayanin ang mapag-isa at watak-watak sa bingit nang matinding sakuna. Alam natin na pagkatapos nang lahat nang ito marami at tuloy-tuloy ang susulpot na mga suliranin. Hadi Yasir. Kailangan niyong magpulong nang ibang mga Hadezar at humingi nang tulong sa mga karatig bayan. Iyon ang pinakamainam at pinakamadaling paraan!”

Wika niya, “kapag ginawa ko iyong sinasabi mo mawawala ang lahat nang pinaghirapan ko. Itong alitang ito…itong pagiging matigas ko ginagawa ko ito dahil ito lamang ang tanging paraan upang maisip nila na mali sila, na mali kami at ang lahat ay isang malaking pagkakamali sa simula pa lamang! Alam mo na hindi natin dapat ginawa iyon!” hindi nakakibo ang Adi Hikmet. Pagtataka niya, “sabihin mo…kaya mo ba sa akin sinasabi ang bagay na ito ay dahil nag-aalala ka! Wala kang dapat na ipag-alala.”

Wika nito sa kanya, “kung ganon sabihin mo sa akin?”

Tanong niya, “ang alin?”

Tanong nang Adi Hikmet sa kanya, “ano ang ginagawa nang mga takas nang Ka’desh patungo sa ating bayan? Hindi ba hindi pumapayag ang kalipunan nang mga Hadezar na mangialam sa nangyayaring kaguluhan at patayan sa Ka’desh? Mga takas sila.”

Sa kanyang pananahimik, nagdalawang isip siyang sabihin kung ano ang totoo…kagyat hindi siya nakasagot. Iniwan siyang nag-iisa nang Adi Hikmet. Bumaba siya sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan. Kasunod noon nagtungo siya sa silid-lutuan upang kumuha nang maiinom na nakakalasing na inumin. Sa pagpasok niya nakita niya ang Hadi Walid. Nagbigay ito nang paggalang sa kanya. bagay na kanyang pinagbigyan. Nakita niya na may hawak itong baso na may lamang nakakalasing na inumin.

Pinili niya ang hindi uminom. Tinanong niya ang Hadi Walid kung ito ba ang nagsabi sa kanyang asawa nang tungkol sa pagpunta nang mga takas mula sa Ka’desh bagay na pinatotohanan nito.

Tinanong siya nang Hadi Walid na kung totoo bang pinangakuan siya nang Hadi Khalil na maging tagapagmana nang tahanan ng mga Ardashir.

Bagay na hindi niya pinagkaila. Sinabi niya sa kanyang liyaw na kailangan niya ang tulong nang tahanan ng mga Ardashir kung gusto niyang magawang pabagsakin ang Hadi Mahdi. Na ang kapalit nito ay kailangan niyang bitawan ang pamumuno sa tahanan nang mga Barakat at ibigay sa kanyang asawa ang pamumuno sa kanyang nasasakupan.

Tanong niya, “sa tingin mo hindi maganda ang aking ginawa?”

Wika nang Hadi Walid sa kanya, “alam mo ang aking sagot…Hadezar!”

Wika niya, “alam ko! pero gusto ko pa rin marinig sa iyo na hindi tama ang aking ginawa…na isang kamalian ang paghangad sa isang ambisyong higit pa sa kaya ko!”

Wika nito, “kahit anong mangyari, gawin ko kung ano ang sa tingin mong tama!”

Lumapit siya sa Hadi Walid inalukan siyang uminom bagay na kanyang itinanggi.

Nagpasalamat siya sa kabutihan nang kanyang liyaw.

Kasunod noon ibinigay pa rin sa kanya ang hawak nitong baso…at kinuha niya pa rin ito at ininom.

Sinabi niya, “mahalaga sa akin ang Adi Hikmet! Siguro nga nahulog na ang aking loob sa kanya!”

Tumango-tango ang Hadi Walid. Wika nito, “alam ko!”

Matapos noon, hiniling niya sa Hadi Walid na sa mga panahong nagsasanay siya sa pamumuno nang tahanan ng mga Ardashir ay tulungan niya ang kanyang asawa na pamunuan ang kanilang mga lupain. Tumalima sa kanya ang Hadi Walid bilang pagsagot sa kanyang hinihiling.

Sa muling pagbukang liwayway maaga siyang gumising kaysa sa kanyang asawa. Nakita niya ang kaaliwasan nang buong paligid. Bumangon siya sa kanyang kinahihigan sa tabi nito. Ginaralgal niya ang kanyang boses na animo’y minumumog ang mga salitang nasa dulo nang kanyang dila. Nilunok niya ang laway sa kanyang bibig pabalik sa kanyang lalamunan. Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang batok. Nag-unat at kasabay nito tumunog ang buto sa kanyang batok. Lumabas nang kanilang silid. Sa paglabas, agad siyang nagtungo sa loob nang silid-lutuan. Naghanda siya nang kanilang agahan. Isang mainit na sabaw na may mga sigay. Pinagsaluhan nila ang kanilang almusal. Sa kanilang agahan sinabi niya dito kung ano ang kanyang nalalaman sa mga nangyayaring pagkubli nang mga Kesh sa kanilang bayan…

Bumukas ang lagusan sa loob nang tahanan…kasabay nito naaninag nang mga nasa loob ang isang anino, ang hubog nang isang babae na may mahaba at kulot-kulot na buhok. Pumasok ito kasama nang mga magulang nito…at nagtungo kung nasaan siya.

Nabaling ang kanyang pansin sa kanyang asawa. Nakita niya ang suot nitong damit, isang puting panapis na saluwâl na burdado nang mga malililim na bughaw at muradong sinulid na mga halaman at bulaklak nang Ofelia pinapatungan ang matingkad na lilang Báta na gawa mula sa puno nang Avetas, may mga braso at mahabang palda na sutla at manipisnipis na may mga burdang ruwisenyor na ang laylayan ay hanggang sa bukong-bukong nang mga paa nito. Ang mga tenga nito ay may suot na luntiang batong mga hikaw. Suot nito ang singsing na ibinigay nang Hadi Khalil dito, nang pumunta sila sa tahanan nang mga Ardashir, isang bakal na singsing na tinubog sa pilak at nagtataglay nang paikut-ikot at sinsinang itsura na may dalawang ulo nang ahas na mistulang kagat-kagat ang isang malaking batong perlas. Nakaayos ang buhok nito nang patarintas.

Nasa tabi nito ang Hadi Butrus at Hadi Bulus habang nasa kabilang bahagi nang tahanan ang mga kapatid na babae nang Hadi Eno kasama ang ina nito at ang amma nito.

Nasa kanyang harap ang Hadi Eno. Gayong alam niya na kung nasaan siya, ang pag-iisang dibdib nang Hadi Eno sa asawa nitong isang kesh na si Adi Pikati at siya ang patnugot sa pag-iisang dibdib na ito. Halos lahat nang mga Jingkar na kanyang kakilala ay nandito, maging iilang mga kesh ay nandito.

Sinabi niya sa Adi Hikmet ang katotohanan, na mahigit isang taon na ang nakakalipas nang makatanggap ang kalipunan nang mga Hadezar nang balita sa nangyayaring kaguluhan sa Ka’desh. Dalawang magkapatid ang magkaaway at pilit na inaangkin ang kapangyarihang kayang pamunuan ang buong Ka’desh, at maging mga kinasasakupan nitong mga Kesh. Sa gayon pinili nilang mga Hadezar ang kampihan ang kaya nilang pasunurin, ang nakatakda at nakaupo sa pagiging Herren Ixchel . Datapwat nalaman nila na pinili nang mga Buyuk’Sul nang Qaa’ur at nang mga banal na isla nang liwanag nang buwan na kampihan ang higit na mapanganib, ang kapatid nitong si Hadi Malakith sa paniniwala na ito ang karapatdapat na maging Herren at hindi ang Herren Ixchel .

Habang siya, nakasuot siya nang kayumangging Báta na may mga manggas at may mga habi nang tulad sa kanyang mga tata’u sa kanyang mga braso, banig na itsura na hinabi mula sa mga puno nang Avetas na mistulang kalikis nang ahas na may mga bakal na tansong-dilaw na makikita sa balikat nang kanyang suot na damit.  Ang kanyang suot na pang-ibaba ay saluwâl na itim na ang laylayan ay isang talampakan ang pagitan mula sa bukung-bukong nang kanyang mga paa na may mga bakal na panara at sinturon na gawa sa itim na tela na may mga bakal na itim na palawit habang nakapasok dito ang isang itim na saluwâl na may mga burdang halamang mais na gawa sa sinulid na tansong-dilaw at nakasampay sa kanyang kanang balikat habang tinatago nitong bahagya ang kanyang braso na may tata’u na balat nang mistulang ahas na Markupo. Suot niya sa kanyang kanang palasinsingan ang luntiang bato nang kanyang ina at sa kaliwa niyang braso ang galang na gawa sa balat nang buwayang Magan.

Lumapit ang Hadi Eno sa Adi Pikati. Hiningi nito sa ama nang pakakasalan ang kamay nang magiging asawa nito bagay na ibinigay nang ama nang Adi Pikati sa may-ari nang sakahan ng maisan. Kasabay noon lumapit ang mga ito sa kanya.

Sinabi niya sa kanyang asawa na nang nalaman nilang napasakamay nang Hadi Malakith ang mga inaasahan nitong mga mandirigma na higit pa sa dami nang mga mandirigmang nasa ka’desh alam nilang wala nang kalabanlaban pa ang Herren Ixchel . Kaya walang nagawa ang kalipunan nang mga Hadezar kung hindi talikuran ang pamumuno nang Hadi Ixchel  at piliin ang pamumuno nang Herren Malakith.

Sa paglapit nang mga ito sa kanya, nabaling ang kanyang pansin sa kanyang asawa.  Lumingon ito sa kanya nang panandalian ngunit agad din itong nawala.

Suot nang Hadi Eno ang isang tial na kulay na Báta, na may matingkad na kulay at gawa mula sa puno nang Avetas. Kita sa mga kamay nito ang mga tata’u ng tulad sa balat nang buwaya at mahahabang mga linya at mga pa-ikid na alun-alon. Ang saluwâl nito ay murado na may mga tansong-dilaw na burda nang bakaw. May suot ito sa kamay nitong singsing na gawa sa itim na bato at mga galang sa mga braso nito na gawa balat nang buwayang Magan.

Habang ang Adi Pikati ay nakasuot nang kulay kahel na mahabang bestida na ang laylayan sa likuran ay masmahaba kaysa sa laylayan sa harap nang suot nito. Nakatali ang bigat nang damit na suot nito sa leeg nito. May mga bakal itong panara na gawa sa pilak. May bakal itong kwintas na gawa sa tansong-dilaw at mga bakal na palawit na mga maliliit na mga tanikala. May aboloryong galang ang mga braso nito at hita nito. May tata’u ito sa ilalim nang labi nito na dalawang hindi buong tatsulok. At ganon din sa mga daliri nang mga kamay nito. May kulay ang pagal at mataba nitong bibig nang kulay murado. Ngayon lang siya nakakita nang ganitong itsura.

Sa paglapit nila sa kanya lumapit ang isa sa mga kapatid nitong lalake na may dalang ang palangganang naglalaman nang malinis na tubig. Hiningi niya ang mga kamay nang dalawang ikakasal ipinagpatong niya ang mga ito at kasabay noon sinimulan niya ang pag-iisang dibdib nang mga ito. Winisikan niya nang tubig ang mga kamay nitong magkapatong.

Sinabi niya sa kanyang asawa na kailangan nila itong gawin.

Sinabi niya sa mga ito na ngayong araw ang simula nang kanilang pag-iisang dibdib. Na ngayon ay sila’y mag-asawa na at hindi kailanman maaaring paghiwalayin nang kahit sino Hiniling niya sa Adi Pikati na alagaan ang Hadi Eno. Tuparin ang lahat nang karapatan nito bilang maybahay. At maging huwarang asawa…Tinanggap niya ito ulit sa kanyang patnugot. At kinilala bilang isang ganap na Jingkar nang kanyang kinasasakupang lupain at nang kanilang bayan.

Kaya nila kinailangang kampihan Hadi Malakith dahil alam nila na kung hindi nila ito gagawin ay matatalo sila. Kailangan nila nang kaguluhan sa Ka’desh, tulad nang kailangan nila ang sapat na pagkain sa bawat hapagkainan dito sa Ja’khar. Iyon ang ginagawa nila matagal na…iyon ang ginagawa nang Qaa’ur. Natatakot sila sa kayang gawin nang mga Kesh sa laban kanila. Malakas ang tinataglay nang kapangyarihan nang mga ito pagdating sa digmaan at pakikipaglaban. Ito lang ang tanging paraan.

Wika nang Adi Hikmet sa kanya, “kahindik-hindik ang ginagawa niyo!”

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Kasunod noon lumapit ang nakatatandang kapatid na babae nang Hadi Eno sa kanila. Ibinigay nito sa kanya ang isang mainit na pamunas. Binalot niya ang mga kamay nang mga ito at ibinaling ang kanyang atensyon sa Hadi Eno. Sinabi niya sa Hadi Eno na maging marapat ito sa asawa nito. Tuparin ang lahat nang karapatan nito bilang maybahay. At maging huwarang asawa at patnugot at magulang…

Tinanggal niya ang telang nakabalot sa mga kama nito. Ibinigay ito sa nakatatandang kapatid na babae nang Hadi Eno at kasunod noon ipinatong niya ang kanyang kamay sa mga kamay nang mga ito. Kinilala niya ang mga ito bilang bagong mag-asawa. kasunod noon pinakilala niya ang mga ito sa mga panauhin na nasa loob nang tahanan nang may-ari nang sakahan ng maisan

Sinabi niya sa kanyang asawa, “Hindi sila mga takas, Adi Hikmet. Ang mga sinasabi mong mga bangkay alam ko kung sino sila. At mainam lang na bago pa lamang sila mapadpad sa ating baybayin ay hindi na dapat pa silang mabuhay…ang mga bata at matanda…mga babae…hindi sila biktima ng kaguluhan sa Ka’desh, mga bilanggo sila sa ating bayan at matagal na namin silang hinihintay! Iyon ang kapalit nang kasunduang ginawa namin sa Herren Malakith at sa mga Buyuk’Sul nang Qaa’ur kapalit nang patuloy na pagkakaayos nang mga tahanan.”

Matapos nito nagkaroon nang kasiyahan, lumapit siya sa kanyang asawa. Binigay nito sa kanya ang malinis na tubig na may tuyong pamunas. Naghilamos siya dito. Makailang-ulit niyang pinunan nang tubig ang kanyang mukha gamit nang kanyang mga kamay habang nakalublob ito sa may palanggana. Kinuha niya ang pamunas at pinatuyo ang basa niyang mukha.

Sinabi nito sa kanya, “kanina ka pa umiinom matapos ang pag-iisang dibdib…baka sabihin nilang lasenggero ka!”

Lumingon siya dito. Walang sinoman ang makakalimot sa mga araw na iyon, nang halos lamunin nang karagatan ang buong Ja’khar at nabunyag ang lahat nang mga lihim na hindi dapat nabunyag. Siguro nga iyon ang pinakamadilim at pinakamalungkot na yugto nang kanilang panahon…Nang araw na ito bumangon siya sa kanyang kalasingan. Bumangon siya asa lahat nang mga bagay na hindi niya hinangad na mangyari at ninais na malimutan. Ilang araw na silang hindi nag-uusap nang Adi Hikmet. Malamig ang pakikitungo nito sa kanya matapos nitong malaman kung ano ang ginawa nang kalipunan nang mga Hadezar na kasama siya at ngayon, dalawang buwan na ang nakakalipas, anim na buwan na ang dinadala nito sa sinapupunan nito, marami na ang nagbago simula noon. Pinipilit nang lahat na maging masaya.

Nabaling ang kanyang pansin dito. Gayong wika niya sa kanyang asawa, “maaari na tayong mag-usap!”

Hindi ito kumibo. Matapos noon tinalikuran siya nito at bumalik sa pagtitipon habang kasabay nito ang pagdating nang Hadi Walid kasama ang alagang asong gubat na si Ijiraq. Iniwan niya ang kasiyahan. Nagpaalam siya sa Hadi Walid na ito na ang bahala sa kanyang asawa. At matapos noon tinalikuran niya ang mga ito nang walang nakakaalam at nakakapansin sa kanyang pag-alis, sa tingin niya.

Umalis siya sa tahanan nang may-ari nang maisan at nagtungo sa kinasasakupang lupain nang tahanan mga Ardashir, pabalik sa kanyang ginagawang pag-aaral sa pagiging pinuno nang tahanan ng mga Ardashir at sa mga kinasasakupan nitong mga lupain kasama ang Mata at ang Hadi Khalil.

Tinahak niya ang daan nang mga tanim nang mga puno nang jaboticaba. Kaliwa siya sa nagsususong daan na lumilikha nang daang itsurang letrang “T”. binagtas niya ang daanang ito. Nakarating siya sa mga pagawaan nang mga kasuotan at sa tahanan nang mga pagawaan nang mga kagamitang bakal. Hindi naglaon narating niya ang kinasasakupang lupain nang tahanan ng mga Ardashir.  Bumaba siya sa kanyang sinasakyang asong-gubat at sa pagbaba niya binuksan niya ang lagusan nang tahanan na nagtatagalay nang mga bakal na tinubog at inukit na larawan nang isang malaking puno nang na may malalaking mga sanga at ugat. Sa pagpasok niya dinala niya ang kanyang alagang asong-gubat sa loob nito kung saan makikita ang yungib nito. Pinasok niya ang kanyang alaga dito at sinabit ang panali sa nakatarak na haligi sa lupa. Lumabas siya sa yungib nang mga hayop na nasa loob nang tahanan, at sa kanyang paglabas nagtungo siya sa Hadi Khalil na naroroon sa loob nang gayagayang pabilyo nito.

Hindi niya maitatanggi ang taglay na karulwahatian ng tahanan ng mga Ardashir na kahambing sa tahanan ng kanyang mga kalaban datapwat ang tahanang ito ay ibang-iba sa mga Harith. Tulad nang ibang tahanan ng mga Hadezar, sa paligid nito makikita ang mga nakaangat na sahig nang pasilyo at ang buong tahanan. Na ang bawat haligi at dingding ay nagtataglay nang mga nakadikit na tinghoy at nakatirik na timsim. Sa gitna nang malawak na lupain makikita ang pabilyo na halos kahalintulad sa pabilyo ng mga Harith, nagtataglay ito ng mga haligi na kahoy at pinapalamutian nang mga pintuang umiikot sa bawat gilid na may mga ukit nang mga nakabahag na larawan nang mga lalakeng may pandong at nagtatrabaho sa mga malalaking mga sakahan at mga pagawaan. Kaibig-ibig ito sa mata nang kanyang asawa ng una niya itong isama dito para lubusang makilala nang husto nang Hadi Khalil.

Ang paligid nang pabilyo ay may mga halaman. Lumapit siya sa kung nasaan ang Hadi Khalil kasama ang matandang Hadi na Mata.

Ang tahanan nito ay nahahati sa dalawang bahagi, isang parisukat na itsura na kahalintulad sa lahat nang itsura nang mga tahanan nang mga Hadezar at isang parihabang sukat na masmalaki at makikita sa likurang bahagi nang tahanan kung saan matatagpuan ang pamosong puno nang Mahumanay at ang malawak na luntiang kapaligiran.

Katulad din nang ibang tahanan nang mga Hadezar may ikalawang palapag ito datapwat sa mga nakalipas na mga panahon, ang mga biga at mga sahig na kahoy na nasa taas ay marupok na at hindi na mapapakinabangan pa. Sa ilan-ilang bahagi mapapansin ang mga nakausling mga bato sa pagitan ng mga kahoy. Wala itong tinataglay na kahit anong kasaysayang naglalarawan at nagpapakita sa tahanan nito na nakaukit sa bawat dingding at haligi bagay na isang kalunuslunos para sa kanya. Bagamat hindi niya maitatanggi na ang hangin dito ay sariwa at mahalumigmig hindi gaya sa kinasasakupang lupain nang kanyang pinagmulang tahanan na masangsang o sa tahanan ng kanyang asawa na umaalingasaw ang amoy nang mabahong hangin na nagmumula sa mga alagang hayop.

At sa kanyang pagpunta sa loob nang pamosong pabilyo nito narinig niya ang kanyang pangalan sa Hadezar nang tahanan ng mga Ardashir. Tinawag siya nito hinimok na magmadaling pumasok. Bagay na kanyang ginawa.

Sa pagpasok niya nagbigay siya ng pamitagan sa Hadezar at ganon din ang matandang Hadezar sa kanya.

KABANATA LABING-APAT:

ANG PAGKILALA SA ADI MAKBULE

Gumising ako sa kadiliman nang paligid, at ang liwanag na nagpupusikit sa nakasinding tinghoy na nakababad sa langis na nakalagay sa sulyaw at nakapatong sa mataas na lamesa nang silid sa ikalawang palapag nang tahanan ng mga Harith. Nakatabi sa akin ang mga bata sa higaan, nakatagilid sila nang higa sa aking kanan habang nakaharap ako sa kanila, yakap-yakap ang bunso na pinakamalapit sa akin.

Narinig ko ang pagbuhos nang ulan. Tinanggal ko sa aking braso ang pagkakahiga nang Hadi Malik. Dahan-dahan akong kumilos, bumangon. Kinuha ang balabal na nasa paanan nang higaan at ipinulupot ko aking katawan. Dumungaw ako sa dungawan at nakita ko ang malakas na pagbuhos nang ulan.

Ganitong-ganito din ang araw na iyon, nang mamatay ang aking ina at matagpuan siyang nakahandusay at walang buhay sa loob ng maisan. Walang sinoman ang makakalimot sa araw na iyon…

Bumulusok ang kidlat sa kalupaan. Gumuhit ito sa mga ulap na sinundan nang pagdagundong nang kulog. Natabunan ang Ja’khar nang pagbuhos nang ulan. Kahit saan ka lumingon may tubig ang buong paligid at unti-unti nitong nilulubog ang aming bayan. Kahit ang aming mga kalaban ay walang magawa sa gabing itong naghahasik nang lagim ang hidwaan nang mga diyos na naninirhan ilalim nang karagatan at sa ibabaw nang mga ulap. Kahit ang aking kapatid na nahuhumaling sa kanyang asawa at sa kapangyarihang tinataglay nito sa sinapupunan nito ay walang magawa sa mga sumandaling ito sa pagbagsak nang aming lahi.  

Narinig ko ang pagtawag sa akin nang Hadi Malik…napalingon ako sa kung nasaan ang aking mga anak. Bumangon siya sa aming higaan. Tumayo siya sa rabaw nang higaan at inabot ang kanyang mga kamay patungo sa akin at aking kinuha at kinarga.

Tinanong ko siya kung natatakot ba siya…Sinabi niya sa akin hindi.

Niyapos ko siya at binalot nang aking mga braso at kamay habang nakakarga siya sa akin.

Niyaya niya akong matulog. Sinabi ko sa kanya na sandali lang at titignan natin ang nangyayari sa labas.  Dumungaw kami sa nakabukas na dungawan nang silid. Pinagmasdan namin ang madilim na kalawakan na binabaybay nang aming mga tingin.

Tinuro ko sa kanya ang nangyayari sa ibaba. Pinakita sa kanya ang nangyayaring kaguluhan sa aming paligid. Sinabi ko sa kanya na tignan niya ang mayroon sa unang palapag. Tinanong niya sa akin kung ano ang nangyayari. Sinabi ko sa kanya na may baha…Tinanong niya sa akin kung ano ang baha. Sinabi ko sa kanya na may tubig ang daan…mataas na mataas ang tubig. Sinabi ko sa kanya kung naaalala niya nang naligo kami sa dagat. Na pataas nang pataas ang tubig. Tinanong niya ako tungkol sa dagat. Sinabi ko Oo…Sinabi ko hindi ba’t natakot pa siya noon at umiiyak… at sinabi niya sa akin na hindi na kasi matapang na siya ngayon. Pero pinaalala ko sa kanya na pero dati umiiyak pa siya noon, takot na takot pa nga…at tinutukso-tukso nang kanyang Abu Mahsa dahil ang laki-laki na nga, umiiyak pa rin at hindi marunong lumangoy. Sinabi ko naman na hindi bale at tuturuan kitang lumangoy. Hindi ba… hinawakan niya ang aking mga pisngi. Pinisil niya ang aking mukha at sinabi na ngayon ay malaki na siya at marunong na siya.

Bagay na aking sinang-ayunan. At saka tumawa.

Hindi nila nauunawaan ang bagay na ganito. Hindi nila nakikita na napakalaki nang mundo at marami pa silang kailangang malaman at maintindihan. Sa kanila ang isang taong gulang ay malaki na at matanda at ang limang taong gulang ay matanda at may alam. Wala pa sa kanilang pag-iisip ang panganib at kalungkutan na dala nang pagiging matanda.

Humiga siya sa aking balikat. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa kabila ko namang balikat at niyakap niya ako. Hinele ko siya habang binabantayan ang palakas ng palakas na pagbuhos ng ulan. At bawat kulog at kidlat ay naging likas at ilahas. Nakatulog ang Hadi Malik sa akin habang karga-karga siya at yakap-yakap.

Nagpatuloy ako sa pag-awit. Patuloy sa pag-awit sa wikang Jingkaris nang mga salitang:

Uyqu’ö volim (Matulog na mahal) …

Uyqu’ö gurhi (Matulog na mahimbing).

Unzha’siz ketago (Di ka iiwan)!

Unzha bolno nivaddu (Di maaaring pabayaan).

Du’yi vagaane, vi unzha uyronuü (Ikaw ay magpakabait, at hindi matutong)

derew (Magsinungaling).

Asisa’siz waxaa nirmata (Papalain ka nang maykapal).

Uyqu’ö volim (Matulog na mahal) …

Dl’samaya, Uyqu’ö volim (Sa kapayapaan, matulog na mahal).

Unzha’siz ketago, waxaa nivaddu (Di ka iiwan, maaaring pabayaan).

            Uyqu’ö…volim (Matulog na…mahal)!

Alam ko, mahirapmang isipin at tanggapin ngunit iba ang nagagawa nang pagiging ina sa isang babae. Nagbabago ang pagtingin nito sa buhay. Ang iyong pansin ay nawawala sa iyong sarili at napupunta sa iyong mga anak. Ang mundo sa iyo ay parang laro…pero kapag naging ina ka na ang mundo sa iyo ay nagiging isang malaking banta at araw na araw na pagsubok.

Binalik ko Hadi Malik sa higaan Hiniga ko siya sa aming kamang mag-iina. Sinarado ang dungawan at pinatay ang nakasinding liwanag sa aming silid. Kasunod noon tumabi ako sa kanila at natulog na kasama sila.

Ang Adi Makbule

Nang araw na iyon umalis ang Hadi Yasir kasama ang Hadi Walid sa aming tahanan… Sinubukan siyang pigilan nang aking ina at pinagbantaan na subukang umalis at ipapakita nito ang bagsik na hinahanap nito bagamat hindi naawat ang aking bunsong kapatid at pinagpatuloy nila ang pag-alis sa aming tahanan kasama ang Hadi Walid patungo sa mga nakapaligid na kakahuyan. Narinig ko ang pagdagundong nang mga paa sa ikalawang palapag nang aming tahanan. Ang mabigat na mga yabag nang aking ina. Nasa loob ako nang aming silid nang Adi Sule sa ikalawang palapag habang sinusulsi ko ang aking damit katuwang ang aking pinakamamahal na kapatid na gumagawa nang mga koronang bulaklak at tinatanggal ang nectar nang mga halaman sa mga nakapalumpon sa ibabaw nang mataas na lamesa habang nakaupo kami sa magkaibang mga upuan sa paligid nito.

Nabaling ang aming pansin nang makita namin siyang pumasok sa aming ina. Kita sa kanyang mukha ang pag-aalala. Tanong niya sa amin, “nakita niyo ba ang inyong kapatid?”

Bagay na aking pinagkimi’t balikat. Nabaling ang aking pansin sa kanya. Wika ko, “hindi e…tinignan niyo po ba siya sa kanyang silid! Ang sabi niya po sa amin hindi niyo siya pinayagan na sumama sa Hadi Walid! Kaya ang sabi niya doon na lamang siya at magkukulong?”

Sinabi nang aking ina na wala ang Hadi Yasir sa loob nang silid nito. Na tinignan na nito ang aming bunsong kapatid sa loob nang silid nito at wala ito roon. Bagay na kunwari naming pinagtakahan nang Adi Sule, at tinanong ko sa kanya kung saan naman ito pupunta. Na kagyat na sinabi nang Adi Sule na hindi naman kaya ay baka sumama ito sa Hadi Walid nang hindi namin nalalaman ni nagpapaalam…

Bagay na sinapantaha nang aming ina…at gayong tinanong sa sarili na hindi na nga nakapagtataka ang bagay na iyon.  Sinabi niya sa amin hindi na nito alam kung ano ang gagawin nito sa aming kapatid…gayong hindi na ito nakikinig pa sa Adi Hiba.  Ngunit anong magagawa niya bata ang Hadi Yasir at bunso pa…Sinabi niya matagal na siyang sumuko sa Hadi Yasir na simula nang dumating ang Hadi Walid ay gayong hindi na ito napirmi pa sa loob nang aming pamamahay.

Gayon binaling ko sa kanya ang sisi na kung hindi rin naman dahil sa kanya ay hindi mapapalapit ang loob nang aking kapatid sa Hadi Walid…

Nagalit siya sa akin. Pinabulaanan niya ang kanyang mga narinig. Pinagbalingan niya kami nang galit na dapat sana ay sa aking bunsong kapatid mapupunta. Tinanong niya sa amin kung ano ang ibig kong sabihin. Sinabi ko sa kanya na siya ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito sa kanya.

Bagay na kanyang pinabulaanan…

Bago maging Hadezar ang aking ina ibinalik nang mga Harith at nang iba pang mga tahanan na bumubuo sa kalipunan ng mga Hadezar ang mga lupaing dating nasa ilalim ng aming pamumuno. Nang araw na iyon tinanggap nang aking ina ang mga Jingkar na umalis sa aming pamumuno matapos silang pakawalan nang Hadi Rahim. Nakuha nang aking ina ang kanilang mga pamumuno. Nang naganap ang araw na iyon nagtipontipon ang lahat nang mga patnugot nang iba’t ibang lupain nasa ilalim nang aming pamumuno. Nangyari iyon sa gitna nang malawak na lupain sa loob nang aming pamamahay.

 Ang iba ay inutusan at pinakawalan, ang iba ay bumalik ayon sa sarili nilang kagustuhan at katapatan habang karamihan ay gayong lalong nalugmong matapos na umalis sa aming pamumuno, na nawalan nang pinaglilingkuran at bumabalik sa amin.  Nandito halos lahat… Dagsa sa mistulang dagat na hindi magkamayaw. Liban lamang ang sakahan nang mga bulak na nananatili sa tahanan nang mga Harith.

Nagpasalamat ang aking ina sa pagdalo nang mga ito. Isa-isa niyang tinanggap ang mga ito, nilagyan nang putik na may dugo ang mga mukha nito at nang halos lahat ay kinilala at tinanggap isang mistulang malikmata sa gitna nang nag-aalumpuyong init nang araw, ang nagpakita sa aming tahanan, nilalayuan at minamata nang iilan habang malugod na binibigyan nang papuri at pagkilala nang higit na nakararami. Naglalakad na mistulang kaluluwang dumadaan sa mga sinusuwag nitong mga payak at mga palasak. Kilala siya nang aking ina…kilala siya nang aking bunsong kapatid. Ang Hadi Walid. Umalingasawa ang kahindik-hindik na amoy sa kanyang katawan. Ang dugo na tumatagas sa bitbit at pasanpasan sa balikat na bangkay nang batang Saola. Lumapit siya sa amin. Minsan ko na siyang nakitang kausap nang aking ina sa aming tahanan. Minsan ko na siyang nakitang bumalik sa aming tahanan bitbit ang sugatang Hadi Yasir at walang malay.

Siya ang pinagtabuyan at tinanggalan nang kakayahan upang mabuhay nang aking afu.

At katakataka, na kung papaano ang isa na aming pinagtabuyan at tinanggalan nang kalayaan na mabuhay ay bumalik sa amin nang buo at walang halong pag-iimbot.  Binagsak niya sa sahig ang batang Saola. Hiniwahiwa niya ito pinagpirapiraso at inalay sa amin bilang biyaya. Tinanggap ito nang aking ina. Inutusan niya ang Hadi Yasir na tanggapin ito at sa pamamagitan nang dugo at putik na mula sa sinunog na kahoy at dinurog na uling na pinapahid nang aking ina sa bawat mukha nang mga Jingkar na sumailalim ngayon sa aming patnugot. Nang araw ito tinanggal nang aking bunsong kapatid ang pagiging Kalisag nang Hadi Walid.

Nang araw rin iyon nagsimula rin magbago ang aming buhay mula sa pagiging Kalisag ng aming tahanan.

Tinanong nang Adi Sule kung bakit ba ito aligaga ngayong araw at pinagbabawalan ang aming bunsong kapatid sa pag-alis ngayon sa aming tahanan gayong hindi naman nito pinagbabawalan ang Hadi Yasir.

Bagay na kung iisipin ay wala naman itong pakialam sa amin at sarili lamang nito ang inintindi…

Napansin ko rin mula kanina pa. Tinanong ko siya kung darating ba dito ang Hadi Mahdi. Hindi magkamayaw ang kanyang pagkilos…nagsasalita siyang mag-isa.

Tinawag ko ang Adi Hiba at sinabi niya sa amin na darating ang Hadi Mahdi…ano pa ang bago doon… kasama ang asawa nitong si Adi Mahvash.

Bagay na aming pinagtakahan nang Adi Sule. Tanong ko sa kanya kung dito sila magtatanghalian at maghahapunan.

Bagay na kanyang pinabulaanan datapwat sinabi niya sa amin ang dahilan nang pagpunta nang mga ito sa amin at iyon ay upang hingin nang aming mga kalaban ang aking kamay upang maikasal sa panganay nang mga ito na si Hadi Nasrin.

Nagulat ako…Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung ano ang isasagot ko sa kanya. Binaba ko ang aking damit na sinusulsisulsi ko ibabaw nang mataas na lamesa. Sinabi ko ayoko…Tumulo ang luha sa aking mga mata.

Sinabi nang aking ina na kung hindi ba at pinag-usapan na namin ang bagay na ito. Na kung tutuusin ay para rin sa akin ang ginagawa nito.

‘Hindi’, saloob-loob ko. Hindi para sa akin ni para sa aming magkakapatid ang ginagawa mong pagyurak sa aming mga sarili at paglalagay mo sa amin sa matinding kapahamakan…

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan. Sinabi ko sa kanya na hindi niya ito pwedeng gawin sa akin…Hindi niya ito pwedeng hayaan—inaamin ko inakala kong nakalimutan ko na ang bagay na ito…Ngunit nagkamali ako.

Inutusan ko siyang umalis sa aming silid…tinulak ko siya paalis sa aming silid nang Adi Sule. Pabalang kong sinarado ang pintuan nang lagusan at binara ko ito upang hindi niya magawang makapasok. Umupo ako sa pintuan lumapit sa akin ang Adi Sule at niyakap niya ako at sinamahan.

Ang totoo, hinanda niya kami para mabuhay…hinanda niya ang aming mga tadhana na hindi mauuwi ang lahat sa wala bagkus ang kanyang hinahangad ay ang aming mga tagumpay. Na sa bawat pagdaan nang bawat araw sinumpa niya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat makalaya lamang ang tahanan ng mga Barakat mula sa kapangyarihan ng pamumuno nang tahanan ng mga Harith. Wala kaming nagawa para pigilan siya sa kanyang kagustuhan. Wala kaming halaga sa kanya na kahit katiting, ang lahat nang ito ay isang paghihigante. Isang paghihiganteng walang lisya at kami ang kanyang mga laruan at siya ang aming impluwensya. Binulag niya kami, iyon ang totoo, binulag niya kami nang kanyang paghihigante laban sa Hadi Mahdi at sa pamilya nitong kanyang kinaiinggitan.

Siguro nga…siguro nga.

Sinabi nang aking ina, “kailangan natin itong gawin anak. Malaki na ang pagkakautang natin sa kanila. At ikaw lang ang tanging paraan kahit papaano para mapagbigyan sila sa kanilang kagustuhan. Pinapangako ko sa iyo walang mangyayari sa iyong masama. Sinusumpa ko aalagaan kita kahit nandoon ka…mahal na mahal kita anak!”

Sinunod ko siya kahit alam kong maaari ko itong hindi gawin. Sinunod ko siya kahit alam ko na may ibang paraan.

mahal na mahal kita anak

mahal na mahal kita anak…kapag paulit-ulit wala nang halaga pa ang mga salitang iyon!

Naghanda kami sa pagdating nang tahanan ng mga Harith…Unang naghanda ang aking ina, nagbabad siya sa mainit na tubig nang bukalan, sinamahan namin siyang maligo nang Adi Sule. Tinulungan niya kaming kuskusin ang aming mga katawan at tinulungan namin siyang ayusin ang kanyang sarili.  Mahal na mahal ko ang Adi Hiba, iyan ang totoo. Iyan ang hindi maikakailang katotohanan.

Hinanda nang aming ina ang aming susuotin sa pagtanggap sa Hadi Mahdi at sa asawa nitong Adi Mahvash. Pinasuot niya sa akin ang kulay-langit na Batá na may kaparehong disenyong mahabang palda na ang laylayan ay hanggang sa bukung-bukong ng aking paa. Burdado at may tahi nang mga tutubi sa mga balikat at sa buong katawan. May mga manggas na hanggang sa aking braso. Galang na gawa mula sa pulang korales at mga hikaw na gawa mula sa tinubog na ginto at bughaw na bato. Na sinamahan pa nang panapis na kulay lilang sutla sa aking beywang. Kinulayan niya ang aking mga mata ng bughaw, murado at itim dahilan upang lalong mamutawi ang luntiang kulay nang aking mga mata.

Hindi nagtagal nang hapong iyon narinig namin ang pagkatok nang mga Harith sa aming lagusan. Inutusan nang aking ina ang Adi Sule na buksan ang pintuan bagay na tuwang-tuwa nitong ginawa at walang patumanggang binuksan ang lagusan nang aming tahanan at nakita namin ang pagbaba nang Adi Mahvash mula sa isang magarang karwahe habang nasa labas nang aming pintuan ang kabatsoy na Hadezar na madalas na sinasabi nang aking bunsong kapatid…

Sa pagbaba nang Adi Mahvash sa karwaheng hila-hila nang mga kayumanggi, kulay-abo at malilim na kulay ng mga asong-gubat sinamahan nito ang Hadi Mahdi na pumasok sa loob ng aming tahanan. Tinanggap namin sila.

Binungad sila nang aking ina. Wika nito, “iyi’ ojokanri Hadi Mahdi at Adi Mahvash!” mapagkunwaring wika nang aking ina sa mga ito. Lumapit siya sa mga ito. Kinamayan niya ang kanyang dating kaulayaw…at niyakap ang dating kakompetensya.

Wika nang Hadi Mahdi sa kanya, “iyi’ ojokanri din sa iyo, Adi Hiba!”

At ang Adi Mahvash, “Yuu’se maaste…Hadezar!”

Nakasuot ang aking ina ng isang matingkad na pula na Báta, na may mahabang palda na ang laylayan ay hanggang sa bukung-bukong ng kanyang paa. Burdado nang mga isdang Betta na mula sa gintintuang sinulid. Ang kanyang katawan ay inaadornohan nang mga garing na ginto at tansong-dilaw, mga malalaking mga hikaw na may pulang-bato. Nakaayos ang kanyang buhok ng mamahalin. Mistulan itong koronang naka-angat sa kanya ulo na may mga pulang bato.

Nag-usap sila nang panandalian nang mga Harith matapos noon tinawag niya kaming magkakapatid na naghihintay sa kanilang pagpasok. Nagbigay ako nang paggalang sa Adi Mahvash bagay na binalikan nito nang pamitagan at ganon din ang aking kapatid sa asawa nang Hadezar. Na sinundan nang pagbibigay galang sa Hadezar nang tahanan ng mga Harith sa amin.

Pinagmalaki nang Adi Mahvash sa aking ina ang aming pagiging magalang at mabait…Sinabi nito na labis itong natutuwa sa kabaitang tinataglay naming magkakapatid. Na parang kailan lang, datidati ay kinakarga pa kami nang aming ina pagpunta sa kanilang pamamahay o tuwing nakikita niya kami…

Niyaya kami nang Hadi Mahdi na umalis bago pa tuluyang magdilim.

Tinanong nang aking ina kung hindi ba namin muna sila tatanggapin sa aming pamamahay. Bagay na itinanggi nito at sinabing makabubuti kung makakaalis na kami habang maliwanag pa at hindi pa lumulubog ang araw nang hapong ito. Bagay na sinang-ayunan nang mga matatandang Adi…Kasunod noon lumabas kami sa aming tahanan. Sinarado nang aking ina ang lagusan habang pumanaog kami sa karwaheng hila-hila nang mga asong-gubat.

Hinintay nang Hadi Mahdi ang aking ina na makaakyat sa karwaheng kung nasaan kami. Nang tuluyan ng maisara ang lagusan sinamahan niya ang aking ina papunta sa karwahe at tinulungan itong makapanaog sa aming sinasakyan. Agad na pinakilos nang Hadi Mahdi ang karwahe. Binaybay namin ang daanan patungo sa taniman nang mga jaboticaba. Umikot ang aming sinasakyan at habang pinapakilos ito nang Hadezar ng tahanan ng mga Harith tinanong ako nang Adi Mahvash kung dinadatnan na ako nang buwanang-dalaw.

Bagay na aking ikinagulat. Lumingon ako sa aking ina. Sinabi nito sa akin na sagutin ko ang tinatanong nang asawa nang Hadezar. Bagay na aking ginawa at inaming siya nga sa Adi Mahvash.

Wika ko, “Dja! Adi Mahvash.”

Mahalaga sa isang babae ang maging isang ina. Ito ay maimpluwensya sabi nga nang aking ina. Dito nagsisimula ang lahat…Ang mga pakiwari, ang kahuwarang nang hindi maitatanggi sa aming lipunan, ang kapangyarihan at pagpapasya sa pagpapatakbo nang aming lipunan at nang aming mga buhay. Kami ang bumubuo sa Ja’khar at hindi ang mga lalake, hindi aming mga ama ni ang aming mga kapatid na lalake. Kami ang Ja’khar.

Ngumiti ang Adi Mahvash. Sinabi nito sa aking mabuti…mabuti naman kung ganon kanyang pakiwari. Kasunod noon tinanong niya rin ang aking pinakamamahal na kapatid kung maging ito ay dinadatnan na rin nang buwanang dalaw.

Bagay na sinang-ayunan nang aking kapatid at sinabing, “Dja! Adi Mahvash.”   Na itinanggi nang aking ina. Sinabi nitong hindi pa…masyado pang bata ang Adi Sule para datnan ng kanyang buwanang-dalaw…ngunit isa itong kasinungalingan nang aking ina. Ang totoo maagang dinugo ang Adi Sule.

Wika niya, “iyon din ang sa tingin!”

Matapos noon sinabi nang Adi Mahvash sa Adi Hiba na malalaki na kami… hindi magtatagal aalis na rin kami sa aming pinagmulang tahanan.

Sinabi nang Hadi Mahdi na parang kailan lang nang nakita pa namin sila at maliliit pa lamang kami…

Bagay na sinang-ayunan nang aking ina. Tugon nito sa Hadi Mahdi, “Du çoçende, Nhar siz’ jhanna…Endi siz edip yana zihyaret!”

Tugon nang Adi Mahvash sa aking ina, “nah’sil çoçende…hora’nirmaan banaúnah. Ma’lum un’zah tarte etkhiler. Mofe’dushmek va’diqqa’ri waxa Hadi Mahdi usmu dubro’dhoshlhe. Dahafazhla’bhul të’ona waxaa Hadi Mahdi. Ma’lum un’zah tako mofe’maste të açzi xaaskiisa usmu dubro’dhoshlhe!

Wika nang Adi Hiba, “madalas kang naikukwento nang Hadi Mahdi sa akin.  Kung ano raw ang kabaitang tinataglay mo, kung alam mo lang, hulog ka raw nang langit sa kanya… Masyado ka nga niyang pinagmamalaki! Pinupuri…ang totoo nga niyan naiingget ako sa iyo…Ang bait-bait mo…sa akin, sa amin! Hangang-hanga nga ako sa iyong kagalingan. Tignan mo ang aking tahanan, hindi ba? Walang kaaya-aya” At tumawa ang aking ina na masahol pa sa isang pagbabanta. Pagpapatuloy nito, “kung titignan mo.”

Wika nang Adi Mahvash, “kung anoman, iba talaga kapag may nagmamahal sa iyong ibang lalake sumisipag kang kumilos!”

Dahilan upang mawala ang ngiti sa mukha nang aking ina.

Hindi nawala ang ngiti sa labi Adi Mahvash habang nakahiga ang aking kapatid sa hita nang aking ina habang hawak nito at himashimas ang mukha nang Adi Sule.

Kinamusta nang aking ina sa Adi Mahvash ang kalagayan nang ina nang Hadi Mahdi. Sinabi niya sa Adi Mahvash na matagaltagal rin simula nang hindi ito nakadalaw sa tahanan nang mga Harith. Sinabi nang Adi Mahvash na mabuti ang kalusugan ng Adi Dilshed…sinabi niya sa aking ina na mahirap nang magkasakit ang matanda.

Kinamusta nang Hadi Mahdi ang bunsong kong kapatid sa aking ina. Tinanong niya ang Adi Hiba kung ano nga pala ang ginawaga nang Hadi Yasir at mukhang hindi nito napapansin ang aking kapatid sa aming tahanan sa mga nakaraang araw.

Sinabi nang aking ina na kasama nito ang Hadi Walid at nangangaso sa nakapaligid na kakahuyan.

Bagay na ipinag-alala nang Adi Mahvash at sinabing hindi ba mapanganib ang pumunta sa nakapaligid na kakahuyan at mangaso.

Gayong sinabi nang aking ina na hindi iyon ang unang beses na sumama ito sa aming liyaw na mangaso sa kakahuyan…at tingin naman nito na nasa mabuting pangangalaga aking kapatid sa Hadi Walid…bagay na ngayon ko lamang narinig sa kanya.

Bagay na ikinatuwa nang Hadi Mahdi at sinabing hindi nakapagtatakang nasa mabuting pangangalaga ang aming kapatid sa mabuti ang Hadi Walid gayon pa mang makailang ulit na nitong nakilala ang liyaw nang aming tahanan. Papuri nang Hadi Mahdi sa aking ina, isa itong kabutihang hindi namin dapat tinatanggihan.

Bagay na sa mga panahong gaya ngayon ay wala na.

Magkagayonman panghihinayang Hadi Mahdi dahil hindi pa rin ibig sabihin noon ay hindi na di-mabuti ang pinababayaan lamang nito ang pagsamasama nang aming kapatid sa Hadi Walid. Sinabi nang Hadi Mahdi sa aking ina na patigilin nito ang aking bunsong kapatid sa ginagawa nito. Hinimok niya ang aking ina na paalisin nito ang Hadi Walid hindi nito kayang sutilin ang aking kapatid. Dahil kung hindi nito gagawin ito mismo ang gagawa nang pagpapaalis sa Hadi Walid. Wika nang Hadi Mahdi sa aming ina, “gagawin ko ang lahat nang aking makakaya upang mawala siya sa aking landas sa pag-aari sa inyong mag-iina. Nagkakaintindihan ba tayo Adi Hiba?”

Bagay na sinang-ayunan nang aking ina.

Nagpatuloy kami sa aming paglalakbay hanggang sa narating namin ang dalampasigang kinasasakupan nang tahanan ng mga Harith malapit sa Unang Pagbagsak…at pinapalibutan nang mga paraw na nakalaot sa bahaging iyon nang baybayin. Sa pagdating namin nakita namin ang pinagmamalaki nang tahanan ng mga Harith. Isang caracoa. Na sinasagwan nang napakaraming mga Jingkar na halos kalahati nang mga katawan ay nakalubog tubig. Ang puluhan nito ay ang Buwarka na inukit mula sa puno nang Avetas habang ang buntot nito ay naka-ikid na mistulang buntot nang higanteng hertilya. Ang mga malalaking pakpak nito na nagmimistulang pagaspas ay balansa.

Tinanong sa akin nang hadi Mahdi kung alam ko ba kung saan pinaggayahan ang itsura nang caracoa. Bagay na aking sinang-ayunan at kanyang ikinagulat…Sinabi ko sa kanya kung hindi ba ay sa maalamat na Buwarka.

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Gayong tinanong ko sa kanya kung bakit ito tinawag na Buwarka…kung totoo ba ang mga Buwarka.

Bagay na kanyang tinugunan na hindi totoo ang mga Buwarka at hindi nito alam kung bakit ito tinawag na Buwarka.

Pagkababa namin sa karwahe inanyayahan kami nang mga Harith na sumakay sa maliit na bangka patungo sa ipinagmamalaki ng mga ito na nakalaot sa sasakyang-pandagat. Kasunod noon sumakay kami sa maliit na bangka at tumuntong sa sasakyang-pandagat. Kung saan sinalubong kami nang Hadi Nasrin, ang panganay na anak na lalake nang Hadi Mahdi at Adi Mahvash, at ang Hadi Faysal, ang bunsong anak na lalake nang mga ito na tunay na kaibig-ibig nang gabing iyon.

Nang gabing iyon sa ilalim ng mga bituin, sa madilim na kalangitan at sa muling pagningning ng tala ng Ja’khar isang salusalo ang inihanda nang mga ito para sa amin. Sa loob nang Caracoa makikita ang isang mahabang lamesa may mga upuan sa magkabilang gilid at magkabilang dulo. Nakahanda sa hapagkainan ang apat na malalaking pinggan ng iba’t ibang lutong lamang-dagat, mga tinapay na walang lebadura at bahog na malagkit. Sa isang pinggan makikita ang mga pinausukang mga talaba at sigay kasama ang mga halabos na mga talangkang nagtataglay nang iba’t ibang laki ng sipit. Habang sa isang pinggan makikita ang mga karneng isdang tamban at apahap na pinausukan, niluto sa pagkalaga kasama nang mga gulay na kohlrabi at mga itim na karne nang mga Mantahungal. Matatagpuan ang mga pitsel na naglalaman nang nakakalasing na inumin. Mga baso, pinggan at mga kubyertos. Pinagsaluhan namin ang inihandang pagkain sa amin nang aming mga kalaban. Binigyan ako ng aking ina ng nakakalasing na inumin. Pinatikim niya sa akin ang lasa nito. Nang tikman ko at malasahan, nalasahan ko ang nakakasunog sa lalamunan tapang na tinataglay nito. Sinabi niya sa akin na sa una lang daw ito. Na ang lasa ay hindi maglalaon ay tuluyang mawawala at magmimistulang tubig na nakakalasing.

Kinagiliwan naming magkapatid ang pagtitipon. Naging masaya ito para sa aming dalawa nang Adi Sule. Ngunit kahit anomang saya at kapanatagan ang gabing ito hindi maitatanggi na ang gabing ito ay itinakda na para sa aming pag-iisa nang Hadi Nasrin. Ni minsan hindi ako nagawang tignan nang Hadi Nasrin…isa akong anino sa kanyang mga mata. Isang malikmata. Binaling niya ang kanyang pansin sa kanyang nakababatang kapatid na kanyang katabi…hindi maikakaila na labis ang kanyang paghanga sa Hadi Faysal. Nahulog ang aking kutsara sa sahig na sasakyang-pandagat. Pumustlit ako at kinuha ko ito sa ilalim nang mahabang lamesa at doon nakita kong nakapatong ang kamay nang aking mapapangasawa sa hita nang kanyang bunsong kapatid at nakapasok ang daliri sa loob nang saluwâl nang kapatid nito. Hindi sila natatakot sa isa’t isa na ipakita ang kanilang labis na pagmamahal, na higit pa sa pagiging magkapatid. Minsan ko na itong nakita ginagawa kung anoman ang kabalahuraan. Magkayakap. Naghahalikan. Nakapatong sa isa’t isa habang pareho walang suot na kahit na ano. Kinakantot nang panganay ang isa habang nakataas ang mga binti at hita nito at nakapatong ang Hadi Nasrin dito…pinanood ko sila. Pinagmasdan ko kung ano ang ginagawa nila. Nakita nila ako at kahit nakita nila ako nagpatuloy sila sa kanilang ginagawa. Masyado silang panatag na wala akong sasabihin datapwat ni minsan ay hindi ito naging lingid sa aking ina o sa aking mga kapatid.

Tinanong ako nang Hadi Mahdi kung nagustuhan ko ba ang inihanada nitong masarap na pagkain. Bagay na aking sinang-ayunan. Tinanong din nito ang Adi Sule at hindi rin nito itinangging nagustuhan din nito ang pagkain.

Hindi nagtagal hindi na rin nagpaliguyligoy pa ang Hadi Mahdi sa amin. Sinaad nito ang hangarin na lalong pag-isahin ang aming mga tahanan para sa isang matatag at buong pagsasama.

Bagay na tinanggap ng aking ina.

Sinabi niya sa Hadi Mahdi, “naiintindihan ko kung ano ang gusto mong sabihin! Alam ko ang kahalagahan nang aming tahanan sa inyo kaya nga marapat kong iminumungkahi sa iyo…kung hindi niyo mamasamain at iyong pahihintulutan ang aking anak na si Adi Makbule para sa iyong panganay na si Hadi Nasrin.”

Naalala ko ang sinabi nang aking ina bago ako matulog ilang araw na ang nakakalipas…sinabi niya sa akin na kailangan ko itong gawin. Na kailangan kong saktan, paghiwalayin at sirain ang kinabukasan nang tahanan nang mga Harith…kung gugustuhin naming makuha kung anoman ang dapat sa amin. Alam niya kung sino ang totoo kong gusto. Nandito siya ngayon at kaharap ko…ang Hadi Faysal. Kung gusto kong makuha ang aking hinahangad kailangan kong gawin kung anoman ang kanyang sinabi, ang pabagsakin ang tahanan ng mga Harith.

Iyon lang ang tanging paraan.

Nang gabi din iyon, ipinagkasundo niya ako sa Hadi Nasrin. Pinaghandaan nila aming pag-iisang dibdib. Kung may magagawa lang sana ako. Kung naiintindihan lang sana nang aking ina ang aming nararamdaman. Kung kaya niya lang sanang unawain ang aming mga himutok.  Pero bato ang puso nang aking ina. Ipinuta niya ako sa aking mga kalaban. Gayong wala akong ibang kinakailangang gawin kung hindi ang magpakalakas.

Matapos ang tatlong araw, sinundo ako nang Hadi Nasrin sa aming pamamahay. Nakasuot ako nang kulay lilang Báta, burdado nang mga bulaklak nang butonsilyo at isang mahabang puting palda na ang laylayan ay hanggang sa bukung-bukong nang aking mga paa. Inayos niya ang aking buhok itinali niya ito sa aking likuran at pinalamutian ang aking ulo nang mga tansong ipit na may mga pulang bato.

Samantalang siya, isang kayumangging Báta na may mga nakahabing kapis na kulay tial at kulay damong-dagat na saluwâl at galang na gawa sa mga kaligay…

Hiningi nang Hadi Nasrin ang aking kamay sa aking ina bagay na walang patumangga nitong ibinigay sa aking nakatakdang magiging asawa. Nagpaalam ako sa aking pinakamamahal na kapatid, paalam Adi Sule. Bago ako tuluyang umalis hinawakan ko ang kanyang pisngi. Gusto kong sabihin sa kanya kung ano ang sinabi nang aming ina sa akin na wala kaming ibang dapat gawin kung hindi ang magpakalakas. Gusto ko sabihin sa kanya na hindi kamatayan ang magpakasal kung hindi pagbabago…pagbabago kapalit nang pagtanggap nang ibang tahanan…Kasunod noon nagpaalam din ako sa aking ina, paalam aking ina, at sinabi ko sa kanya hanggang sa muli naming pagkikita. Kasunod noon tuluyan kong tinalikuran ang tahanan nang mga Barakat.

Sa aming paglalakbay sakay sa mga asong-gubat tinanong ko ang Hadi Nasrin kung magagawa niya ba akong mahalin. Tumingin siya sa akin at sinabi niya sa akin na huwag akong umasa dahil hindi iyon mangyayari.

Alam ko…

Sa pagdating namin sa tahanan nang mga Harith sinabi nang aking asawa na magpanggap akong masaya sa araw nang aking pag-iisang dibdib. Na ayaw niyang makita akong malungkot sa harap nang kanyang magulang.

Bagay na aking ginawa.

Binaba niya ako sa aking sinasakyang asong-gubat. Ibinigay niya sa akin ang panali at saka siya lumapit sa nakasaradong lagusan nang tahanan ng mga Harith at binuksan ang pintuan. Sinalubong kami nang mga magulang nang aking asawa. Tinanggap nila ako nang mahusay. Pinakitaan nang kabaitan na madalas nilang ginagawa, kinamusta at hindi naglaon tinanggap nang ayon sa kung ano ang kinaugalian. Sinimulan nilang hugasan ang mga paa nang aking asawa sa loob nang kanilang bulwagan…kasunod hinugasan nila ang aking mga paa. Isa-isang tinanggal nang Hadi Faysal ang aking mga sandalyas sa aking mga paa. Inalmuhasan ito. At saka inilubog sa palangganang naglalaman nang malinis na tubig at pinunasan ang mga ito…

Nilibot ako nang Adi Mahvash sa kanyang buong tahanan. Tinaggap ako nang Adi Dilshed nang muli kaming magkita. Kinamusta niya ako at pinagmalaki ang kagandahang aking tinataglay nang umagang iyon. Niyakap niya ako nang mahigpit at tinanggap sa kanyang mga braso, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pagmamahal. Ang pagmamahal na malinaw at mainit. Ang hindi kasuklamsuklam at walang pang-iimbot. Siguro nga hinahanap ko ito sa aking ina, at sa matagal na panahon na hindi ko ito naranasan nahanap ko ito sa iba at natagpuan ko ito sa kanya. Nagkamabutihan kaming mga Adi.

Ikinatuwa nang Adi Dilshed ang aking hindi maitatangging kagandahan. Isa pagmamalaki hindi ko alam kung totoo o mapanira.

Dinala niya ako sa aming silid nang Hadi Nasrin sa ikalawang palapag nang tahanan ng mga Harith. Dito pinakita niya sa akin ang isang magarang kasuotan na aking gagamitin sa gabing ito. Nagpalit ako ng damit. Sinuot ko ang puting mahabang damit na palda na ang laylayan ay hanggang sa bukung-bukong nang aking mga paa, sutla at burdado ng mga bulaklak nang santan na lumilipad at pumapalibot sa aking katawan. Tinanggal nang Adi Dilshed sa pagkakatirintas ang aking kulut-kulot na buhok. Inilugay niya ito at ibinagsak sa aking likuran na mistulang talong rumagasa sa mistulang hubo’t hubad kong likuran. Sinuot niya sa aking leeg ang kwintas na may batong perlas at tinubog na pilak na hugis buwan. Binigyan niya ako nang balabal na puti at burdado nang halamang tuko. Ang tanging naiwan lamang sa aking mga pinaghubaran ay ang sandalyas na pinasuot sa akin nang aking ina.

Nang tanghali, pinagsaluhan namin ang ininhanda nilang pagsasalo sa loob nang ipinagmamalaki nilang pabilyo. Naroroon ang buong tahanan ng mga Harith. Naroroon ang Hadi Mahdi at ang Adi Mahvash. Ang ina nang Hadezar na si Adi Dilshed…ang pinakamamahal niyang kapatid ang Hadi Faysal para sa unang pagsasalo naming dalawa nang aking asawa.

Ipinagmalaki nila ang kanilang tahanan…ang mga hambog nilang pagpapalaki sa kanilang mga nuknukan at impluwensya. Sinong mag-aakala na ngayong kinikilalang pinakamaimpluwensya sa aming lupain ay siyang mga hindi tunay na mga Jingkar at bagkus tinanggap at tinuring na kabahagi nang aming mga lahi. Mga Taiaman na nakapangasawa nang mga Qaa at naging kabahagi nang mga Jingkar pinagbugklod sa iisang layunin, mahirapmang paniwalaan hindi tadhana ang naging dahilan, kung hindi pagkawalang-taros. Sila na umaasa ng pagbabago. Kami na naghahangad ng higit pa.

Sinasabi nang mga matatanda na ang mga Harith ay mga patas at tuwid bagay na kung iisipin ay siyang hindi maikakailang may katwiran sa lahat nang mapag-isip. Marami ang nagsasabing walang sinoman ang kayang tumapat sa tahanan ng mga Harith. Na walang sinoman ang kayang pabagsakin sila. Sila na nasa gitna nang sapot ng gagamba. Sila na hawak kung anoman ang totoo. Sila na inilalantad kung anoman ang mali. Ngunit hindi maikakaila na ang katotohanan na ang hanging umiibabaw sa kanila ay may dalang kamandag na nagpapalaki sa kanilang mga sarili.

Ngumiti ako tulad nang kagustuhan nang aking asawa. Nagkunwari ako na gusto ko ang naririnig ko tulad nang kagustuhan nang aking ina. Lumipas ang bawat sandali, at sa pagtagal naiwan ako sa aking mga kalaban nawala ang aking asawa sa aming kwentuhan na sinundan nang pagkawalay nang Hadi Faysal.

Hindi nagtagal lumubog ang araw at mabilis na nabalot nang kadiliman ang buong kalangitan…bumangon ako sa aking pagkakaupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. Nagbigay ako nang paggalang sa mga magulang nang aking asawa at sinabing hahanapin ko lang muna ang aking bagong asawa. Naglakad ako sa mga pasilyo hinanap ang Hadi Nasrin at sa aking paglalakad sa kadiliman at kawalan sa ilalim nang hagdanan nakita ko silang dalawa…Napatigil ako.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung ano ang mararamdaman ko sa mga sandaling ito. Kinahuhumalingan niya ang Hadi Faysal kaysa sa akin na kanyang asawa. Kaysa sa akin na hindi niya lubusang kilala.  Hinimok nang aking asawa ang Hadi Faysal na tumakas. Iwanan nila ako at bigyan ang aming tahanan nang kahihiyan. Ngunit hindi pumayag ang kapatid nito. Sa halip pinili nila ang manatili. Sinabi nang Hadi Nasrin sa Hadi Faysal na mahal niya ito. Na gagawin niya ang lahat para hindi sila magkalayo. Na kahit ang ama nito ay handang suwayin.

Umalis ako sa aking kinatatayuan. Bumalik ako sa pamosong pabilyo sa malawak na lupaing nasa gitnang bahagi nang tahanan. At muli nakisalo ako sa kanilang mga usapan…

Nang gabing iyon, tinulungan ko ang Adi Mahvash na maghanda nang aming hapunan. Nagluto kami nang nilagang karne ng Mantahungal na nilagyan namin nang mga gulay na kohlrabi, manioc at mais. Naghanda siya nang bahog na kakanin na niluto niya sa pugon. Sa gitna nang aming paghihintay tinanong sa akin nang Adi Mahvash kung totoo bang marunong magluto an aking bunsong kapatid. Bagay na aking sinang-ayunan. Sinabi kong hindi lang siya marunong magluto kung hindi magaling pa.

Tinanong niya ako kung kanino ito natutong magluto na sinundan nang paghingi nito nang tawad sa akin. Bagay na aking pinagkimi’t balikat at pinagsawalang-bahala…sinabi ko na natuto ang Hadi Yasir sa Hadi Walid. Bagay na ikinatuwa nang Adi nang tahanan.

Sinabi nang Adi Mahvash na gusto nitong matikman ang niluto nang Hadi Yasir bagay na aking sinang-ayunan at sinabing sa ibang pagkakataon kung maaari at madadalhan ko siya nang gusto niya. Bagay na nagustuhan nang Adi Mahvash. Nang gabing iyon nagsalo kami sa hapunan sa loob nang pinagmamalaki nilang pabilyo…

Naging pipi at bingi ako sa kanilang mga pinag-uusapan…makailang ulit kong narinig ang pangalan nang aking ina. Ang kasalukuyang nagaganap na kaguluhan sa lipunan ng mga Kesh at ang banta nang pag-abot nang kaguluhan dito sa aming bayan kung hahayaan naming makapasok ang mga takas nito sa aming lupain upang magkubli at manirhan kasama namin. Narinig ko ang kagustuhan ng Hadi Mahdi na magkaroon nang apo sa akin…na makabubuti kung maaga itong mangyayari. Na hindi naman lingid sa amin na ito ang tunay na dahilan nang pagsasamang ito.

Tinanong ako nang Adi Dilshed kung nahawakan na ba ako nang iba at ang aking kapurihan ay tuluyan nang nawala.

Sinubukan itong pigilan nang Hadi Mahdi at sinabi nito sa kanyang ina na hindi mabuti sa isang babae na sabihin kung nagalaw na ba siya nang iba…ito’y isang pangahahamak… isang kalapastanganan.

Sinabi nang kanyang ina na kung sa inaakala nilang mga lalake na hindi nila pinag-uusapan ang bawat kembot at niig ay higit na nagkakamali ang Hadi Mahdi. Bahagi ito nang pagiging babae sa Ja’khar. Na likas lamang sa mga Jingkar ang pag-usapan ang mga ganito. Itinuturo nang mga magulang ang paniniig at kung papaano pinapasok ang kanilang sandata sa kaluban naming mga babae. Muli tinanong niya ako.

Ngunit tumanggi akong sabihin ang katotohanan. Wala ang aking ina upang salagin ang aking mga kinatatakutan. Sinabi ko na hindi pa…datapwat ang totoo hindi ko maitatangging tinuruan ako nang aking ina at pinagsawalang bahala niya na gawin namin itong magkakapatid. Isang nakakahiyang hindi ko maaaring ipagmalaki. Mahal ko ang aking mga kapatid at kahit kailan hindi ko sila magagawang ipagkalulo kahit kanino, kahit sa Adi Dilshed.

Ngumiti ako tulad nang nakaugalian. Nagkunwari ako kahit masakit. Ikinatataka lamang nang Adi Dilshed kung naturuan na ba nang anak nito at nang asawa nito ang kanyang mga apo…bagay na kung iisipin, dagdag niya, ay sa tingin niyang hindi pa…

Tumayo ang Adi Mahvash sa kanyang kinauupuan. Kinuha nito ang pinggan at ang hindi nito inubos na pagkain saka lumabas nang pabilyo.

Wika nang Adi Dilshed, “O ADI MAHVASH isang napakaselang babae!” Sinabi niya sa akin na pagmamay-ari ako nang tahanan ng mga Harith. Sinabi niya sa akin na tungkulin ko bilang asawa na gawin kung anoman ang inaasahan sa akin ngayon gabi.

Isa siya sa mga nagbubulagbulagan. Isa siya sa mga hindi kayang makita kung anoman ang nasa dulo nang kanyang mga mata at ang tanging gustong makita ay kung anoman ang kanyang kagustuhan, kung papaano niya pinalaki ang kanyang mga anak ayon sa kagustuhan ng kanyang tinutuluyang tahanan. Tuloy iniisip ko kung nagkamali ba ako na makita siyang isang kalaban gaya nang gustong makita nang aking pinagmulang tahanan na walang kayang gawin kung hindi ang manahimik at magkunwari. Nabaling ang aking pansin sa Hadi Faysal katabi ang kanyang ama at aking asawa.

Tinignan ko siya at nakita niya ako. Inasahan ko ang gabing ito ay ang gabi nang aking pagbabago…ang simula nang aking pagiging isang Harith. Handa kong sundin ang aking ina. Handa kong gawin kung ano ang kinakailangan. Nang gabing pumasok ako sa loob nang silid nang Hadi Nasrin. Nakita ko ang Hadi Faysal na kasama ang aking asawa. Nakita ko silang magkapatong. Nakita nila ako. Bumangon ang Hadi Nasrin sa Hadi Faysal. Nang may ngiti sinabi niya sa akin na ngayon ay alam ko na ang kanyang lihim. Na higit kaninoman ay higit niyang mahal ang Hadi Faysal. Tinanong niya ako kung ano ang ginagawa ko dito. Pinapipili niya ako kung aalis ako o manonood sa kanila.

Sinubukan siyang pigilan nang Hadi Faysal ngunit hindi nito nagawang pigilan ang aking asawa. Sinabi nang Hadi Nasrin na dalawang bagay lamang ang pwede kong gawin. At pinili ko na manatili. Sumali sa kanila. Tinanggal ko ang balabal sa aking katawan. Hinubad ko ang mahabang palda at walang natira sa akin na kahit ano nang gabing iyon.

Tinanong ako nang Hadi Nasrin kung ano ang ginagawa ko.

Hindi ito nagustuhan nang kanyang kapatid sa halip nagbanta ito na aalis. Sinubukan nang Hadi Faysal na umalis ngunit hindi ito hinayaan nang Hadi Nasrin.

Lumapit sa akin ang Hadi Nasrin.  Hinawakan niya ang aking kamay. Ang maliit kong braso. Nakahubad siya. Nakahubad ako. Dumampi ang kanyang kamay sa aking balat. Lumapit siya aking leeg. Naramdaman ko ang kanyang paghinga. Nakita ko ang Hadi Faysal na nakaupo at nakaharap sa amin. Nakahubad siya. Hinalikan niya ako sa leeg. Nguminig ang aking katawan. Natakot ako. Natakot ako sa kung ano ang mangyayari ngayong gabi. Hinalikan niya ako paibaba. Hinalikan niya ang aking suso…hinalikan niya ako hanggang makaabot na siya sa pagitan nang aking mga hita. Hinalikan niya ako sa bahaging iyon…Nagtaka siya. Hinawakan niya ang kepyas ko, inangat nang kanyang hinlalaki ang balat nang aking puke. Sinabi niya sa akin na minsan na akong nahawakan. Nagtaka ang Hadi Faysal sa kanyang kapatid. Sinabi sa akin nang aking asawa na hindi na ako birhen pa…nalaman niyang nagsisinungaling ako. at hinalikan niya ako sa bahaging iyon. Ipinasok niya ang kanyang dila sa loob nang aking katawan.

Nanginig ako. Nilarolaro nang kanyang dila habang nakatayo ako sa kanyang harapan at siya ay nakatihaya nang upo sa aking harapan. Habang dalawa sa kanyang daliri hawak ang aking kepyas …Panandalian siyang tumigil. Kasunod noon inutusan niya ang kanyang kapatid na halikan ako. Ginawa nito kung ano ang gustong ipagawa nang aking asawa. Nagtungo siya sa aking likuran. Naramdaman ko sa aking puwet ang nakatayo niyang titi. Ang malamig niyang kamay na dumadampi sa aking likod.

Pinikit ko ang aking mga mata.

Sinabi niyang huwag akong tumigil, gawin ko kung ano ang ginagawa ko ngayon. Hinawakan niya ang ulo nang Hadi Faysal…tinanggal niya ito sa aking mg labi. Sinimulan niya akong halikan sa labi ngunit hindi ito nagtagal.

Dinilat ko ang aking mga mata. Tinignan ko sila…Tinignan ko kung gaano nila kinahuhumalingan ang isa’t isa. Naglalaplapan silang dalawa sa aking harapan.

Nilagay ko ang kamay ko sa balikat nang aking asawa. Hinaplos ko ang gilid nang kanyang leeg.

Ako ang kanyang asawa.

Ngunit kahit anong gawin ko hindi niya ako magagawang tignan kung papaano niya nakikita ang Hadi Faysal.

Tinanggal ko ang aking kamay sa pagkakahaplos sa kanyang balikat. Binaba ko ito sa kanyang katawan. Hinawakan ko ang kanyang titi…ginato ko ito…tinaas-baba sa aking mga kamay mula sa pinaka-ugat hanggang sa ulo nito. Nawala ang kanyang mga kamay sa mukha nang kanyang pinakamamahal na kapatid. Nabaling sila sa akin. Hinawakan niya ang aking ulo. Ibinaba niya ito patungo sa kanyang tarugo. At ginawa ko sinubok ko ito…Tinaas-baba sa pagsubo mula sa pinaka-ugat hanggang sa ulo nito…alam ko, alam ko kung ano ang magiging pakiramdam. Ang nakakaduwal na amoy sa aking ilong; ang nakakasamid at halos hindi na ako makahinga kapag ginagawa ko ito; ang luha sa aking mga pisngi habang pinahihiya ko ang aking sarili at ang kanyang kamay na nasa likuran nang aking ulo mistulang pandagit at sipit nang mga ulang.

Tinaas niya ang aking ulo. Tinigil niya ako sa aking ginagawa. Tinignan niya ako. Nakangiti siya akala niya kung sino siya at ako ang kanyang puta. Nagkamali siya nang kanyang iniisip laban sa akin. Inutusan niya ako na gawin ko rin ito sa Hadi Faysal. Bagay na sa una pinigilan nang kanyang pinakamamahal na kapatid. Ngunit hindi rin nito naawat ang kagustuhan nang aking asawa at sa huli bagay na aking ginawa.  Sinubo ko ito sa aking bibig…Tinaas-baba sa pagsubok ang tarugo nang kapatid nang aking asawa. Naramdaman ko ang haplos sa aking likuran nang Hadi Nasrin malapit sa aking puwetan. Hinawakan niya ang pisngi nang aking mga puwet. Hinihimashimas niya ito. Nakarinig ako nang halinghing sa kanya. Nagustuhan ko ang ingay na lumalabas sa bibig nang kapatid nang aking asawa. mistulang birhen ang Hadi Faysal na hindi makatanggi sa biyayang ibinibigay ko. Pumatong sa akin ang Hadi Faysal. Naramdaman ko ang kanyang halik sa aking likuran.

Nakiusap siya sa aking tumigil. Ngunit hindi ko ginawa. Alam ko kung ano ang gagawin ko, kung hindi ko makukuwa ang Hadi Nasrin aagawin ko sa kanya ang Hadi Faysal. Pumutok siya sa aking bibig. Bumulwak ito sa aking lalamunan at natikman ko at nilunok ko.

Hindi ko naramdaman mula noon ang aking asawa. Hindi ko namalayan na bigla siyang nawala sa aking paningin…At nang gabing iyon dinala ako nang Hadi Faysal sa kama nang Hadi Nasrin. Humiga ako. Inutusan nang Hadi Nasrin ang kanyang kapatid na kantutin ako. Kinantot ako nang Hadi Faysal.  Pumasok siya sa aking katawan at naramdaman ko ang kanyang kahinaan at pagiging mapusok.

Inakit ko ang Hadi Faysal. Gusto ko siya…gustong-gusto ko siya. Siya ang aking una at ako ang kanyang una. Nasundan pa ito, at nasundan…ayoko itong gawin pero pinilit ito nang aking ina. Sinabi niya na kung hindi ko magagawang kunin ang Hadi Nasrin gamitin ko ang kanyang kapatid upang makuha ko sila. Nagdalawang-isip ako na gawin ito dahil hindi ito ang aking hangad. Pero ginawa ko dahil gusto ko ang Hadi Faysal higit pa sa aking asawa at hindi ko alam kung magugustuhan niya ito, o gusto niya rin ako.

Sinabi nang aking ina na iyon lang ang mainam na paraan.

Pinagpatuloy ko kung ano ang aking sinimulan. Hinimok ko ang Hadi Faysal na makipagniig sa akin…nang kaming dalawa lang. Gusto kong malaman kung ano ba ang mayroon sa Hadi Faysal na wala ako at hindi ko kayang ibigay sa aking asawa. Inangkin ko siya. Hinayaan ko silang pagsaluhan ang bawat gabi at ang kanyang mga umaga ay sa akin.

Ninakaw ko siya sa aking asawa…sa mga panahong wala ang aking asawa sa aming tahanan ninakaw ko siya. Sa mga palihim naming pagkikita nang kanyang kapatid ninakaw ko siya. Sa mga sandaling nagtatagpo ang aming mga mata at ang aming mga kamay ninakaw ko siya. Sa mga pag-uusap naming magkasamang dalawa at nagkakaunawaan sa iisang biro na humahadlang sa kanilang pagkakaintindihan ninakaw ko siya. Ninakaw ko ang kanyang umaga at gabi. Ninakaw ko ang kanyang isipan, ang kanyang puso, ang kanyang mga salita at ang kanyang mga pagkilos. Inangkin ko ito nang buung-buo na halos wala nang matira pa sa aking asawa kung hindi ang namamalimos na lamang na mga panahon nang kanilang pagkukunwari, kung pagkukunwari pa man itong maitatawag.

Hindi nagtagal, dinala ko sa aking katawan ang kanyang panganay. Nang sinabi ko ang bagay na iyon sa kanya pinakawalan niya ako sa kanyang mga kamay…sinubukan ko siyang halikan. Hindi niya ito tinanggap bilang kanyang anak. Sinabi niya sa akin na ang aking asawa na kanyang kapatid ang ama nang aming anak, hindi siya, na ang totoo ay bahagi lamang kami nang isang paraan na hindi kailanman magiging hadlang sa katatagan nang kanilang tahanan. Umiwas siya akin. Nilayuan niya ako.

Siguro nga nahulog na ang loob ko sa Hadi Faysal. Siguro nga isang sapantaha lamang ang makapiling siya at maging asawa ko. Siguro nga ang lahat ng ito ay isang pagkakamali. Ginusto ko ang pagkakamaling ito. Ako ang nagpasya at kumilos…Kaya wala akong pakialam—siguro nga.

Sa pagdaan nang mga panahon, mabilis na nagbago ang aking pangangatawan. Naging kasuklam-suklam ito sa mata nang aking asawa lalo na sa kanyang kapatid. Dinala ko ang kanilang magiging unang anak. Pinagmalaki nila ito nang higit sa kaninoman. Ako na isang Barakat…ako na nagmula sa magiting na pinuno nang pinagmamalaking salinlahi…lalo kong binababa ang aking sarili sa kanilang pagkagasino.

Sinabi nang aking ina na kailangan kong alagaan ang aking sarili. Na bawasan ko ang pagkilos lalo pa’t magiging mapanganib sa isang katulad ko na bagong ina at ito pa lamang ang una kong pagbubuntis na magkikilos. Kinatatakutan niya na baka raw ako makunan. Mawala ang lahat nang aming pinaghirapan. Ang lahat nang pagkalinga at pagbabantay na ginagawa niya sa akin sa tahanan nang mga Harith at sa mga panahong nasa loob ako nang kanyang pamamahay.

Alam ko kailangan kong magpakalakas. Kailangan kong maging matatag para lamang sa aking magiging anak at sa kalusugan nang kanilang magiging unang apo na aking dinadala. Kanila ang pangalang ibibigay ko. Kanila ito kung lalake…

Lumipas ang mga panahon at hindi nagtagal isinilang ko sa tahanan nang mga Harith ang una nilang apo. Walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman nang aking mga kalaban ng makita nila ang Adi Ismat. Isang babae ang kanilang unang apo. Natuwa ako. Isang magandang babae ang aking anak. At isa lamang ang ibig sabihin nito, akin siya. Akin ang aking panganay…at wala na akong pakialam pa kung ang mga sumunod, kung mayroonman, ay mga lalake. Akin ang unang halakhak. Ang saya na hindi ko magawang tanggalin sa aking sarili nang mga sandaling ito na hawak ko sa aking bisig ang aking panganay—masmaganda siya kaysa sa akin.

Ngunit ang kasiyahang ito ay bigla din nawala—pinagkait nila ito sa akin. Nakiusap ako na makita ito at makasama kahit sandali lang ngunit hindi nila ako pinagbigyan. Sa halip sinabi nilang masmakabubuti pa na makapagpahinga ako bagay na sinang-ayunan nang aking asawa. Wala akong nagawa…hinang-hina ako. Wala akong lakas na agawin sa kanila kung ano ang akin at ang dapat sa akin. Ang aking panganay, ang Adi Ismat, ang aking pangarap at panaginip.

Nang magising ako, agad akong bumangon mula sa aking pagkakahiga.  Nagbihis ako at sa aking paglabas sa silid nang aking asawa. Ang una kong ginawa ay hinanap ko ang aking bagong silang na sanggol. At doon nakita ko siya sa loob ng pabilyo ng tahanan. Kasama ang aking asawa at ang kanyang kapatid sinusuyo nang tila tunay na mag-asawa ang aking bagong silang. Nakita ko sila na masaya kasama ang iba pang mga Harith. At kinamuhian ko sila—kinamuhian ko siya nang labis-labis at sinumpa ko sa aking sarili na gagawin kong malungkot at sawi ang kanyang buhay habang nabubuhay ako.

Lumapit ako sa kanila sa loob ng pabilyo. Nakita nila ako…Humingi nang tawad ang Hadi Faysal at sinabing gutom na gutom na ang bata ngunit alam nilang pagod pa ako mula sa panganganak kaya hinayaan nila muna akong makapagpahinga.

Sinungaling.

Inilagay ko ang aking daliri sa kanyang maliit na bibig. Sinubo niya ito at sinipsip. Tumulo ang luha sa aking mga mata. Ang aking pangarap at panaginip…Humingi ako nang tawad sa kanya sa mga mangyayari at gagawin ko na kanyang ikapapahamak. Hindi niya kasalanan ang aking galit. Hindi niya kagustuhan ang gagawin ko ngunit kailangan ko itong gawin. Kailangan ko siyang saktan kung hindi ko kayang saktan ang kanyang mga ama.

Tumulo ang luha sa aking mga mata. Dumaloy ito sa aking pisngi. Binigay ko ang isa sa aking mabibigat na mga suso. Pinasuso ko siya…

Hindi nagtagal kinilala siya nang aming tahanan at nang pinagmulan kong tahanan. Kinilala siya bilang Adi Ismat—pangalawa sa tahanan nang mga Harith. Pinakilala ko siya sa aking ina at mga kapatid. Ikinatuwa nang aking mga kapatid ang kanilang pamangkin. Naging masaya ako na muli silang makita matapos ang mahabang panahon.  Nakita ko sa kanila ang matinding pagmamahal na ibinibigay nila sa aking anak.

Kinilala nang mga Harith at Barakat ang Ading naging dahilan nang lalong pinagsamang lakas nang dalawang tahanan. Ang lalong higit na kumakawalang impluwensya nang mga Harith laban sa aking pinagmulan.

Kasama ang Hadi Faysal, ang aking asawa at ako bitbit ang aming panganay. Sa pagsugat sa paa nang aking anak at sa pagpatak nito sa apoy bininyagan ang aking anak sa loob nang pabilyo nang tahanan ng mga Harith. Pinahid ang dugo sa noo nito at kinilala. NAKARAMDAM AKO NG LABIS NA KASIYAHAN, KASIYAHANG NAGBIBIGAY SA AKIN NG KAPANATAGAN. KAPANATAGAN NA NAGBIBIGAY SA AKIN NG MATINDING KAGALAKAN. Nang araw na iyon naging payapa ang aking isipan. Lingid ang hindi ko alam ang lahat nang inaakala kong panatag at tahimik ay magiging abo at mawawala nang tuluyan.

Nagpaalam ako sa aking ina at mga kapatid.  Tinanong nila sa akin kung magiging ayos lang ako sa aming mga kalaban. Sinabi ko na magiging ayos lang ako at wala silang dapat na ipag-alala. Iniwan nila ako. Bitbit ang Adi Ismat bumalik ako sa kanyang silid sa ikalawang palapag nang aming tahanan.

Sa paghiga ko sa kanyang higaan…iniwan ko siya sa maliwanag niyang silid. Nakita ko ang Adi Mahvash. Sinabi niya sa akin na siya na ang bahalang magbantay sa kanyang apo. Nagpasalamat ako sa kanyang kabaitan. Inalagaan ko siya…ang aking pangarap at panaginip. Inalagaan ko siya nang buong buhay ko.

Nang gabing din, puno ang nagpupusikit na langit nang mga bituin. Hindi mo maririnig ang mga huni nang ibon. Ang tahimik ang buong kapaligiran. Naglakad ako pabalik sa aming silid na mag-asawa. Sa pagpasok sa aming silid nakita ko ang aking asawa na nakaupo sa aming higaan.  Nakita ko rin ang Hadi Faysal na nakatayo sa gilid nang aming silid. Hindi ito ang unang beses na nakita ko silang magkasama. Walang suot na pang-itaas na damit ang Hadi Faysal. Nakayuko ang aking asawa habang nakaupo ito sa aming higaan. Sinarado ko ang lagusan nang aming tahanan.

Tumayo ang Hadi Nasrin sa kanyang pagkakaupo.

Sinubukan siyang pigilan nang Hadi Faysal subalit hindi ito nakinig sa kanyang pinakamamahal na kapatid. Ngumiti siya sa akin.  Hinawakan niya ang aking mga kamay. Tinanong niya ako. Tinanong niya ako kung bakit ko ito ginagawa sa kanila. Ano ang dahilan para ipagkait ko sa kanya ang tanging kalagayan na pinanghahawakan niya.

Sinabi niya, “bakit…ano ba ang ginawa ko sa inyong pagkakamali. Bakit palagi niyo na lang Inaagaw sa akin ang lahat. Ang aking ama…ang aking tahanan, ngayon ang Hadi Faysal.”

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking mga kamay. Sinubukan kong magpumiglas.

Sinabi ko na hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi.

Wika nang Hadi Nasrin, “pangkaraniwan Adi Makbule! Hindi mo kailangang magsinungaling sa akin…alam ko…alam ko ang totoo! Akala ko kaya kong baliwalain ang lahat. Akala ko kayang kong makipaglaro sa inyo at matatapos din ang lahat nang kahibangang ito. Akala mo hindi ko alam ang ginagawa niyo nang aking kapatid? Kung papaano niyo ko niloloko nang harapharapan. Kung papaano mo inaakit ang aking kapatid habang nakatalikod ako? Akala mo wala akong alam…hindi ako inutil sa panlolokong ginagawa mo, ginagawa niyo sa akin habang nakatalikod ako!”

Nakiusap ako sa kanya na huwag niya sa akong saktan.

Dagdag niya, “pero inakit mo ang nag-iisang nagmamahal sa akin! Ano ang magagawa ko? Hindi kita hahayaan na makuha mo siya…”

Lumingon ako sa Hadi Faysal ngunit tinalikuran niya ako. Gusto kong tulungan niya ako ngunit tinalikuran niya ako sa panahong kailangangkailangan ko siya.

Nabaling ang kanyang atensyon sa kanyang kapatid. Tanong niya dito, “sabihin mo sa akin Hadi Faysal…totoo ba…mahal mo ang Adi Makbule. Sabihin mo sa akin ang totoo! Pakiusap gusto kong malaman. Gusto kong malaman na mahal mo siya at kaya mo siyang ipaglaban!”

Ngunit hindi nakaimik ang Hadi Faysal. Sinaktan ako nang Hadi Nasrin. Sinaktan niya ako sa sariling niyang kagustuhan at kasiyahan. Wika niya sa kanyang kapatid, “hanggang hindi mo sa akin sinasabi ang totoo sasaktan ko siya…sasaktan ko siya nang paulit-ulit at wala kang magagawa!”

Sinabi niya sa akin na kung sa inaakala ko na maagaw ko sa kanya ang kanyang kapatid ay nagkakamali ako. Sinabi niya sa akin pinagbibigyan niya lang ako kaya hiningi niya sa akin na hayaan ko siyang saktan ako…kaya niyang gawin iyon. Kaya niyang itakwil ako at maging Kalisag at kumalat ang baho na tinatago nang kanilang tahanan at mamatay ako sa kahihiyan.

Hindi kumibo ang Hadi Faysal. Hindi niya ako ipinaglaban.

Sinaktan niya ako. Sinaktan niya ako nang paulit ulit. Sumigaw ako…sumigaw ako sa bawat hampas nang kanyang pamalo na tumatama sa buo kong katawan. Sumigaw ako sa bawat pananakit na kanyang ginagawa hanggang sa narinig ko ang kanyang salita. Narinig ko ang tinig ng Hadi Faysal. Inaway niya ang aking asawa at inilabas sa aming silid. Pinikit ko ang aking mga mata. Hindi na ako makagalaw pa sa sakit na nararamdaman ko sa aking katawan. Sa pagpikit ko, naramdaman ko na may bumuhat sa akin at dinala ako sa aming kama…

Naramdaman ko ang haplos nang Hadi Faysal. Ang kanyang aruga at pagkalinga sa akin nang mga sandaling iyon. Hindi nagtagal naiwan akong nag-iisa. Sa mga panahong iyon, doon ko lamang naalala ang sinabi nang aking ina. Tama siya. Kinakailangan kong magpakalakas…para sa aking sarili at sa aking anak.

Nang gabing iyon narinig ko ang kanilang mga sigawan. Narinig ko ang pag-iyak nang Adi Ismat. Inisip ko wala sigurong gustong mag-alaga sa kanya. Paano na ang aking panganay. Paano kung masaktan siya. Kung madawit siya sa kaguluhan nang tahanan nang mga Harith. Paano na lamang siya ngayong wala ako sa kanyang tabi. Ginusto ko siyang kunin nang mga sandaling iyon, yakapin at alagaan kung maaari subalit mahina ang aking katawan.

Yupingyupi ako sa ginawa nang aking asawa.

Pinikit ko na lamang ang mga mata ko. Natulog na lamang ako sa sakit nang aking buong katawan. Kasabay noon lumapit ang Hadi Faysal. Binuhat niya ako. Dinala niya ako sa bukalan at doon ginamot niya ang mga sugat nang aking katawan.

Lumipas ang maraming panahon, sa pagdaan nang mga araw, sinubukan ko ang mabuhay sa loob nang aking kulungan. Nagbago ang mga panahon nang hindi ko inaasahan: pinakasalan nang aking kapatid na si Adi Sule ang Hadi Naveed, anak nang Hadi Hagir, Hadezar ng tahanan ng mga Parvana, at Adi Atiya…ang Ading itinuturing nang lahat na hibang…Nalaman ko ang mga pagsigaw nang aking ina. Ang mga nakabibingi niyang hikbi at hagulgol. Ang pagkawala niya sa kanyang sarili at paglaho nang aming itinuturing na ina.

Sa pagtagaltagal lalo itong lumala…naging mapanganib siya sa aming magkakapatid lalo pa sa Hadi Yasir na mag-isang nagbabantay sa kanya. Kinailangan ko at nang Adi Sule na alagaan ang Adi Hiba. Ikulong siya sa kulungang pinagpiitan nang aming ama. Sa madilim na silid na malapit sa bulwagan. Sinasabi niya sa amin ang mga multong namayapa na…ang mga alaala nang nakaraan na bumabaon sa kanyang isipan at gumugulo sa kanyang mga tenga at paningin. Akala ko hindi na matatapos ang kaguluhang ito. At tama ang aking hinala. Nagpatuloy ito at nagpatuloy…na mistulang buhos nang ulan na tumitigil lamang kapag natututo ang mga asirvadda sa kanilang pag-aaway, nagkakaayos at nagkakabati mula sa mga kaguluhan na kanilang nililikha.

Sinisi ko ang aming tahanan sa ginawa nito sa aking ina. Sinisi nang aking pinakamamahal na kapatid ang kanyang sarili sa ginawang pag-iwan dito sa panahong kailangang-kailangan siya nang aming ina datapwat mashigit niyang kailangan ang aruga at pagkalinga nang kanyang sarili lalo pa nagdadalang-tao siya nang mga panahong iyon sa panganay nila ng Hadi Naveed. At ang aking bunsong kapatid, wala siyang ibang sinisi kung hindi ang tahanan nang mga Harith lalo na ang Hadi Mahdi.

Siguro nga may dahilan…

Natataandaan ko ang araw na iyon, nang lumabas siya sa kanyang silid at hinahabol ang Hadi Mahdi mula sa ikalawang palapag nang aming tahanan paibaba sa unang palapag habang paalis ito. Nagmamakaawa ang aking ina na huwag itong umalis…na dumito ito sa aming pamamahay. Nagsusumamo at nakaluhod sa mga tae nang hayop at dayami sa loob nang yungib, kahit isang gabi lang…kahit isa pang gabi. Ngunit pinagtabuyan niya ang aking ina…umalis ito sa aming pamamahay at iniwan niya ang aking ina na mag-isa, bigo at tulala. Malayo sa kanyang pinagmamasdan…malayo sa aming nakikita. Naglaho sa kanya ang lahat matapos ang araw na iyon. Naglaho sa kanya kahit ang nag-iisang pag-asa na nakikita namin sa kanya nang mga panahong walang-wala kami at gumagapang sa lupa at namamalimos.

Nang gabing din iyon kabiguan ang nagdala sa kanya sa kawalan nang kanyang ulirat…ngunit kasuklaman at matinding galit ang nagdala sa aming ina sa tuluyang pagkalaho nang kanyang bait. Sabi nila iyon ang aming sakit…iyon ang hindi maitatangging sakit na mula sa aming tahanan. Nagsimula ito sa aming Afu, sa Hadi Abbas, matapos mamatay ang Hadi Karim ang aming ama hanggang sa nasundan nang aming Abu, ang Hadi Rahim matapos na mamatay ang aming amma at nawala sa kanya kaya lahat gayong piniling magpakamatay, at nagpapatuloy sa aking ina…

Hindi nagtagal sinilang ko ang pangalawa naming anak ng Hadi Faysal, ang Hadi Mahsa. Pinagtabuyan nang Hadi Khalil ang kanyang bunso at nag-iisang kapatid…naging kahihiyan ito nang kanilang tahanan. Pinanganak nang Adi Sule ang kanyang panganay…ngunit nang isilang niya ito nalaman naming wala na itong buhay. Isang kasawiang palad sa aming tahanan at magkakapatid.

Itinakda nang tahanan ng mga Harith ang pag-iisang dibdib nang aking pinakamamahal na panganay, ang Adi Ismat sa Hadezar nang tahanan nang mga Ardashir. Nakiusap akong huwag itong gawin ng Hadi Mahdi. Sinabi ko sa kanyang masyado pang bata ang aking anak pero pinilit niya ang gusto niya. Sinabi niyang para sa kabutihan ito nang nakararami. Nakiusap ako sa kanya na huwag, huwag ang Hadi Khalil at sinabi niya sa akin na kung hindi ako makakahanap nang kapalit na mamapangasawa nang aking anak bago matapos ang linggong iyon, ipagpapatuloy nila ang pag-iisang dibdib nang isang matandang Hadezar sa isang pitong taong gulang na bata. Isang pagpili na sa bandang huli ako lang ang masasaktan.

Tinanggap ko ang hamon nang tahanan ng mga Harith, iyon lang ang tanging paraan. Nakiusap ako sa aking ina at sa aking mga kapatid na kung maaari ay tulungan nila akong maghanap ng maipapalit sa Hadi Khalil bilang kabiyak nang aking panganay.

Sa una ay hindi pumayag ang Hadi Yasir. Sinabi niyang ang bagay na ito ay isang kahibangan. Bagay na siyang totoo. Pero wala kaming magagawa. Ang tanging mapagpipilian ko lamang ay ang iba o ang Hadi Khalil. At binigay nang aking bunsong kapatid ang kanyang pagtulong. Sinabi niya sa akin na may nakilala siyang isang Roshan, masmatanda nang ilang taon sa aking anak ngunit hindi nalalayo ang gulang sa Adi Ismat.

Sinabi niya ito sa aking ina. Kinausap nang aking ina ang Hadi Mirza. Pinag-usapan nila ang pag-iisa nang tahanan ng mga Harith-Barakat at mga Roshan. At tinanggap ito nang tahanan ng mga Roshan sa paraang tutulungan nang aking ina ang kanilang tahanan na makaahon sa suliraning pinagdadaanan nang mga ito sa panahon nang tagtuyot. Bagay na tinalima nang Adi Hiba.

Nakilala nang tahanan ng mga Harith ang Hadi Batul. Matapos lamang ang isang linggo pinakasalan nang aking panganay na anak ang batang Roshan.  Ginawa ang kasal sa loob nang tore ng mga Hadezar. Sa harap ng mga Hadezar nang tahanan ng mga Roshan, mga Barakat at mga Harith pinakilala nang dalawang tahanan ang dalawang ikakasal sa isa’t isa. Hiningi nang Hadi Batul ang kamay nang aking anak bagay na ipinagkaloob nang Hadi Mahdi sa Hadi Batul.  Matapos ang kasal lumapit ako sa Adi Ismat niyakap ko siya. Niyakap ko siya nang napakahigpit. At sinabi ko sa kanya na palagi siyang magpapakabait. Sinabi ko sa kanya na palagi siyang susunod sa mga ipinag-uutos nang mga ito.

Naiintindihan niya ito. Matapos noon tuluyan niya akong iniwan…

Kasabay nang pagtalikod ko sa kanya lumapit ang Hadi Faysal sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay. Tinanggal ko ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak. Napatingin ako sa kanya. at nilayuan ko siya. Kasabay nito lumapit ang Hadi Nasrin sa amin. Ibinigay niya sa akin ang Hadi Mahsa. Kinarga ko ang aking Hadi Mahsa… Niyaya nang aking asawa ang Hadi Faysal iniwan nila ako at nagpanggap ako na hindi ko alam kung ano ang mangyayari.

Hindi niya ako kinalimutan…Siya ang tumulong sa akin na muling makabangon…Siya at wala nang iba pa ang pumawi sa aking nararamdamang kalungkutan. Minahal niya ako higit pa sa kinamumuhian ko ang kanyang kapatid. Iyon ang totoo.  Siguro nga nahulog na ang kanyang loob sa akin. Siguro nga hindi na ito sapantaha pa. Siguro nga ang lahat nang ito ay isa pa ring pagkakamali. Pero ito pa rin ang pagkakamaling pinili ko at malamang pinili niya datapwat bulag at bingi pa rin siya.

Lumipas ang maraming panahon at nagbuntis ako sa Hadi Malik sa isang pagkakamali. Anak siya nang Hadi Faysal na kapwa naming pareho na hindi hinangad na mangyari. Pinagpatuloy ko ang aking pagdadala sa kabila nang patutol at pananakit nang aking asawa sa akin. Hanggang sa mapanganak ko ang Hadi Malik at siya ang naging laman nang aking puso at isipan. Tinuon ko ang aking sarili sa pag-aalaga sa kanya sa kabila nang kanyang kahinaan, sa kabila nang kanyang kawalan ng kakayahan. Siya ang nagbalik ng bagong buhay sa akin. Gagawin ko ang lahat upang ipagramot siya sa buong Ja’khar. Bagay na aking ginawa.

Nagpatuloy ang lihim nang aming tahanan at sa pagdaan nang panahon isang kalunuslunos na pangyayari ang gumulat at gumising sa akin. ANG KAMATAYAN NANG ADI HIBA.

Nang araw na iyon bumalik sa akin ang sandali nang kanyang pagsilang sa loob nang tore ng mga Hadezar habang kasama ko siya at ang aking mga kapatid ay naghihintay sa kanyang paglabas. Naalala ko ang kanyang suot isang pulang Batá na may kapa na sagisag nang aming tahanan. Mayroon siyang kwintas na gawa mula sa mga pulang korales. Tapis na mula sa balat nang Saola. Ang kanyang mga balikat at mga braso ay lantad sa sinang nang hapong tapat. Sa kanyang kaliwang palasingsingan may suot siyang luntiang bato na ibinigay pa sa kanya nang aming ama nang ipanganak niya aking nakatatandang kapatid na babae na si Adi Sule. Napakaganda niya nang araw na iyon. Hindi namin makakalimutan ang hapong iyon. Ang hapong iyon na tuluyan na naming binaon at kinalimutan ang aming pagiging Kalisag…

Pinaglamay namin siya. At nakipaglamay ang halos buong Ja’khar sa amin. Matapos siyang ilibing lumapit ako sa Hadi Yasir…umupo ako sa kanyang tabi hinawakan ko ang kanyang kamay at sinabi ko sa kanya na kinakailangan na naming umalis nang Adi Sule.

Bagay na kanyang pinagbigyan.

Sa huli sinabi ko sa kanya na siya na bahala sa amin. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Hinalikan ko ang kanyang balikat at matapos noon tuluyan namin siyang iniwan…

Isinilang ang aking bunsong kapatid bilang ang pinakabagong Hadezar nang tahanan ng mga Barakat.  Pinanood namin siya nang Adi Sule. Ang aming pagngiti ay isang pagsuko sa kagustuhan nang aming ina. Na kahit sa kamatayan ay nagwagi siya na makuha ang kanyang kagustuhan sa aming lahat. Hindi ko maitatanggi na isa ito sa mga masasayang sandali nang aking buhay. Bagay na siyang totoo at pinakamatapat kong pagkilos para sa aking kapatid.

Lumipas ang mga panahon nalaman ko ang pagsuyo niya sa isang Roshan. Hindi nagtagal pinakasalan niya ang Adi Hikmet. Hindi ko siya gusto para sa aming bunsong kapatid. Hindi ito nababagay para sa Hadi Yasir. Nakakadiri ang itsura nito. Isa itong halimaw para sa Hadezar. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya dito. At hindi ako nagkamali sa bagay na ito…Binago niya ang Hadi Yasir. Tulad nang iba pang pag-iisang dibdib binago niya kung anoman ang kinakailangang gawin nang aking bunsong kapatid. Naging malambot ang Hadezar at hindi ko ito nagustuhan.  Dahilan upang talikuran niya kami at piliin ang Adi Hikmet.

Tinapon niya lang ang lahat sa wala…hanggang nalaman ko na tinanggap niya ang alok nang Hadi Mahdi sa isang hapunan sa araw nang kapatishan nang mga mangingisda. Doon nagsimula ang lahat…dito natapos ang aming pagkukunwari. Isa itong pagkakamali.

Matapos ang hapunan niyaya ako nang Hadi Faysal na tumakas sa kanilang tahanan. Na magpakalayolayo. Ngunit tinanggihan ko ang kanyang alok. Sinabi ko sa kanya na mashigit akong kailangan nang aking Hadezar…nang aking tahanan.

Sinabi niya sa akin na siya ang aking magiging tahanan. Pinangako niya sa akin ang kapayapaan. Pinangako niya sa akin ang lahat nang maaari niyang ipangako. Ngunit tumanggi ako sa lahat…Sinabi ko sa kanya na huli na ang lahat para tumakas pa. Marami na ang nagbago sa amin sa mga lumipas na taon. At hindi ko na nakikita pa ang aking sarili na kasama siya. humingi ako nang tawad sa kanyang gagawin sa aking ginawa. Pinilit ko siya na manatili sa tahanan ng mga Harith at samahan ako at kampihan ako ngunit pinili niya ang umalis.

Pagod na pagod na ako iyon ang totoo…pero para sa Hadi Yasir pinili ko ang aking mga anak at ang kagustuhan nang aking ina. Sa paglabas ko nang tahanan nang mga Harith, matapos kong talikuran ang Hadi Faysal, isang hindi inaasahan ang aking nadatnan at siyang lumapit sa akin, nakita ko ang Hadi Yasir. Nagtaka ako. Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang aking mukha at pinawi ang luha sa aking pisngi, inalala niya ako nang mga sandaling iyon.

Tinanong niya sa akin kung ano ang nangyari. Hindi ako sumagot. Niyakap niya ako. Kung iyon lang sana ang katotohanan pero alam niyang hindi iyon ang totoo…

Sinabi niya sa akin kung ano ang dahilan kung bakit siya naparito inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha. Sinabi niya sa akin ang kanyang kagustuhan na putulin na ang ugnayan nang dalawang tahanan, ang pagbabali nang magandang ugnayan nang tahanan nang Barakat at nang Harith. Bagay na aking ikinagulat. Sa aking pagkagulat, noon ko lamang naintindihan na hindi ito pagkakamali nang aking kapatid bagkus ito ay pagkakamali ng Hadi Mahdi.

Binalikan ko ang Hadi Faysal sa loob nang yungib nang mga asong-gubat. Nagpaalam ako sa kanya at sinabi kong hintayin niya ako. Hintayin niya ako habang buhay at tatapusin ko lang ang lahat nang sinumulan nang aking ina at bunsong kapatid. At bumalik ako sa Hadi Yasir at tinanggap ko siya sa tahanan nang mga Harith.

Kasabay noon tuluyan kong tinalikuran nang Hadi Faysal. At naiwan akong nag-iisa sa loob nang aking kulungan.

Mabilis na kumalat sa buong Ja’khar ang ginawa nang tahanan nang mga Harith sa tahanan nang mga Barakat. Naging masama ang pagkilala sa amin nang dahil sa isang hindi maintindihang pagkakautang at kalayaan. Sa loob nang isang silid pinag-usapan nang buong tahanan ang nangyari. Sinabi nang Hadi Mahdi sa kanyang ina, kung ano ang nangyari. Sinabi ng Adi Dilshed na wala silang maaaring gawin kung hindi gawin ang kinakailangan.

Pinapili nila ako kung kanino ako kakampi, sa tahanang aking pinagmulan o sa tahanan na ngayon ay itinuturing ko na akin. Nakiusap ako na huwag nila itong gawin. Ngunit sinabi nila na iyon lang ang tanging paraan. Wala akong nagawa kung hindi ang mamili, kamuhianman ako nang aking kapatid, nang Hadi Yasir pero iyon ang kinakailangan kong gawin… pinili ko ang aking mga anak. Iyon ang totoo.

Tandang-tanda ko bago ako ikasal sa Hadi Nasrin sinabi nang aking ina sa aming magkakapatid kung ano ang kanyang mga binabalak. Inihanda niya kami sa isang pagbabagong pagdadaaanan naming magkakapatid. TULOY ANG HIGANTE.

Iyonman ang totoo…

TULOY ANG HIGANTE.

Sinasabi nilang dapat naming katakakutan ang tahanan nang mga Harith. Isa iyong kasinungalingan. HINDI SILA DAPAT KATAKUTAN…

Dinilat ko ang aking mga mata at patuloy ang pagbuhos nang ulan nang umagang ito…nanatiling nakayakap sa akin ang Hadi Malik habang nakadungaw sa bintana ang Hadi Mahsa. Tinawag ko siya…at lumingon siya sa akin.