KABANATA LABING-ISA:

ANG PAGKILALA SA HADI WALID

Kasabay nang pagbuhos nang ulan sinunog nang Hadi Walid ang asawa nito sa loob nang kanilang tahanan. Tinali nito ang mga kamay nito. Binuhusan ito nang mantika na nagmula sa taba nang tapir. Lumabas sa loob nang tahanan. Iniwan ang asawa na nag-iisa at sinarado ang pintuan ng lagusan nang tinitirhang nito. Binuhusan nito nang alkitran ang paligid nang tahanan at sinimulang sunugin ang buong kabahayan gamit ang hawak nitong sulo na tinapon sa mababaw na bubungang gawa sa pawid. Mabilis na nagliyab ang buong tahanan nang Hadi Walid. Gumapang ang timsim sa kalawakan nang espasyo. Nahagip nito ang mga pawid. Kumalat ang apoy at nilamon ang pinaghirapan nito ng mahigit limang taon.

Pinanood ito nang Hadi Walid. Hindi nito mapigilan ang hindi umiyak.  Ipagkaila sa sarili na hindi ito totoo. Hanggang sa narinig nito ang pagbagsak nang biga sa loob nang tahanan nito. At ang sigaw nang asawa.

Umiling-iling ang Hadi Walid.  Dalidali itong tumakbo patungo sa lagusan nang tahanan na pinag-ukulan ng pawis at dugo. Tinanggal nito ang mga nakaharang sa lagusan. Nalapnos ang kamay nito sa kumakalat na apoy. Nagawa nitong sirain ang pintuan gamit ang balikat at braso nito sa pag-itsa nang sarili sa lagusang pilit na binubuksan. At sa pagpasok nito nakita nito ang asawa na nakahandusay sa loob nang sarili nitong pamamahay. Lumapit ito sa Adi Fidda. Niyakap nito ang asawa nang mahigpit. Humingi ito nang tawad. At sabay sa pagsunog nang buong tahanan nito sabay ang mga ito na tinupok nang kumakalat na apoy.

Walang ginawa ang mga Anino nang tahanan ng mga Barakat kung hindi tumayo at tumindig, panoorin ang pagsunog sa tahanan nang mababaw na isip na may-ari ng lupa.

Tinulungan ito nang mga kasamahan na nasa ilalim nang pamumuno nito. Nilabas nang mga ito ang mag-asawa. Namatay ang Adi Fidda ngunit nabuhay ang Hadi Walid. Datapwat kahindik-hindik ang sinapit nito.

Mahigit dalawampung taon na ang nakakalipas.

Ang Adi Hikmet

Naging madalim ang buong gabi at ang kadiliman nang gabi ay hindi maitatanggi na ang simula nang maraming sunod-sunod na pagbabago. Hindi maiiwasan nang Adi Hikmet na hindi isipin ang sinabi sa kanya nang Adi Dilshed. Isa itong pakiwari na sa tingin niya ay maaaring magbago sa takbo nang mga pangyayari. At nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya nga ba ito sa kanyang asawa o hindi.

Sa kanilang paglalakbay nakiusap ang Hadi Yasir sa kanya na kung maaari ay sumakay ito sa kanyang likuran dahil sa pagkalango nito sa maraming nainom na nakakalasing na inumin. Itinali nito ang mga kamay nito sa kanyang katawan habang nakahiga ito sa kanyang balikat. Nang gabing iyon nagsimula na ang paglitaw nang maraming tala sa Ja’khar. Muli nakita niya ang magiting na nag-iisang bituin. Ang talang nagdala sa kanilang mga ninuno sa Malayang Andes ng silangan, malayo sa pang-aabuso nang mga itinuturing nitong mga kalaban sa malawak na Andes nang Kanluran.

Sinabi nang kanyang ama na walang maliit na pakiwari sa taong malikhain na kung iisipin mo saan ba nagsisimula ang lahat nang gawa at pagkilos. Isa itong pinakamalakas na sandata at hindi niya maaaring ipagkaila ito sa kanyang asawa.

Sa pagbalik nila sa tahanan nang mga Barakat ginising niya ang kanyang asawa na nakabulagta sa kanyang likuran. Nang hindi ito magising binagsak niya ito sa putikang kalsada.  Dinala niya ang puting asong-gubat na kanilang sinakyan na si Ijiraq pabalik sa loob nang yungib ng tahanan. Pagkatapos na maibalik si Ijiraq sa loob nang yungib pumasok siya sa loob ng tahanan ng mga Barakat sa lagusang nagtatagpo sa magkabilang bahagi. Binusak niya ang lagusan ng tarangkahan at kasunod noon lumapit siya sa asawa. Tinapik-tapik niya ang maputik nitong mukha upang magising ang Hadi Yasir. Pinilit niya itong gisingin. Nang naalimpungatan ito tinayo niya ito. Inalalayan na makapasok sa loob nang lagusan at dinala sa loob ng kanilang silid.

Pinaupo niya ito sa isa sa mga upuan na nasa loob nang kanilang silid-tulugan. Binuhusan niya ang mukha nito nang malinis na tubig. At nang matauhan, nagising ito na nasa loob na sila nang silid.

Tumayo ito sa pagkakaupo. Tinanggal niya ang suot niyang Báta sa katawan. Ipinatong ito sa ibabaw nang mataas na lamesa na nasa loob nang kanilang silid.  At tinanggal ang mga alahas sa katawan. Tinanong siya nang kanyang asawa kung nagugutom pa ba siya bagay na kanyang itinanggi sa asawa at gayong binalikan din nang parehong tanong ang asawa kung ito rin ba ay nakakaramdam nang gutom.

Sinabi nito sa kanya na hindi, busog na busog na ito na sa dami nang kinaing isda at lamang-dagat sa hapunan kasama na

Sinabi nito sa kanya na hindi, busog na busog na ito na sa dami nang kinaing isda at lamang-dagat sa hapunan kasama nang mga Harith sa salusalo ay baka matatagalan pa bago ito makakain nang isda o nang kahit na anong lamang-dagat.

Ngumiti siya…Sa paglingon niya dito nakita niyang naghuhubad na ito nang damit. Napansin niya ang pamumula sa mukha nito na mistulang makinang sa mga nakasinding mga tinghoy sa buo nilang silid.  Tinanggal nito ang suot nitong sandalyas sa paa. Kasunod noon hinubad nito sa pagkakatali ang mga Nakabuhol na sinturon sa beywang nito. Hinubad nito ang bakal na panara sa binti nito at ang singsing nang ina nito na iniligay sa isang maliit na baul na nakalagay sa ibabaw nang mataas na lamesa. Kasunod noon, sunod nitong tinanggal ang suot nitong malilim na kulay bughaw na Báta at hinubad ang saluwâl na mga inilagay sa lagayan nang marurumi. Kinuha nito ang pamunas na nakasampay sa upuan. Isinampay ito sa balikat at saka inayos ang upuan at ibinalik sa gilid malapit sa mataas na lamesa. Saka tuluyang hinubad ang mga suot nitong bahag, isinalansan sa marumihan…

Bago ito tuluyang lumabas nang kanilang silid tinanong siya nito kung gusto niya ba itong samahan na maligo. Habang pinupunasan ang mukha nang mabangong langis na may pukyot lumingon siya dito at sumang-ayon siya dito at sinabing susunod siya dito sa paglabas. Gayong tuluyan itong lumabas sa kanilang silid mag-asawa nang walang halong suot na kahit anong damit patungo sa madilim na pasilyo at bukalan nang silid.

Sinundan niya ito. Sa pagpasok niya sa bahagyang nagliliwanag na bulwagan nakita niya itong nagbababad. Pinili niya na hindi ito sabihin sa kanyang asawa, sa halip itinago niya ito sa kanyang sarili. Tinanong niya ito kung hindiman lang ba ito nagkuskos bagay na itinanggi nito at sinabing gusto lamang nitong mahimasmasan.

Wika nang Hadi Yasir sa kanya, “halika samahan mo ako! Huwag ka nang magkuskos pa…”

Binaba niya ang gamit niyang pampaligo sa mataaas na lamesa na nasa gilid nang lagusan. Kasunod noon hinubad niya ang kanyang panloob na damit at sinundan ang Hadi Yasir sa loob nang paliguan.

Kasunod noon nagbabad sila sa mainit na tubig nang bukalan.

Humingi sa kanya nang kanyang asawa. Sinabi nito sa kanya na hindi dapat iyon nangyari.

Bagay na kanyang pinagsawalang bahala. Sinabi niya, “hindi na kailangan pa! nagawa na ang pagkakamali ano pa ba ang kasunod?” Nagmatigas siya nang tulad nang pagmamatigas nang iba sa kanyang pinagmulan…pinagmatigasan niya ang kanyang asawa.

Lumingon ito sa kanya habang nasa gilid ito nang bukalan at siya malayo dito sa kabilang bahagi. Pinagmamasdan nila ang isa’t isa. Nakalubog ang kanilang mga katawan sa mainit na tubig. Wika nito, “hindi…tungkulin ko na pangalagaan kayo laban sa kanila! Karapatan ko iyon.”

Wika niya, “totoo! Ngunit hindi mo ginawa.”

Lumapit ito sa kanya. Tanong nito sa kanya, “sabihin mo ano ang gusto mong gawin ko!”

Wika niya, “sabihin mo sa akin kung ano ang dahilan kung bakit mo tinanggap ang alok nang tahanan nang mga Harith na maghapunan kasama nila? Sabihin mo sa akin ang totoo.” Hindi ito nakaimik. “Ano ang dahilan? Gusto kong marinig sa iyo… makita ang pakiramdam matapos kang maliitin, at hamak hamakin ang iyong asawa nang ganong ganon lang sa harap ng kalahati ng mga Harith. Gusto kong magalit ka…sa akin…sa kanila. Gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo. Kung dahil ba ito sa pagnanasa…sa pagkalimot…sa iyong ina. Ipaunawa mo sa akin Hadezar, para maunawaan ko…palayain mo kami, palayain mo kami nang magiging anak mo!”

Lumapit siya sa kanyang asawa na umiiyak punong-puno nang galit na hindi kayang ipakita.  “Yasir!” Niyakap niya ito ng mahigpit. Hinalikan niya ang Hadi Yasir. Kinagat ang labi nito nang madiin at hinila niya ito pabalik sa kanya…Kinuha siya nito mula sa paliguan. Kinarga siya nito habang nakayakap siya sa kanyang asawa at ang kanyang mga hita at paa ay nakapulupot dito.  palabas nang bukalang silid at pabalik sa kanilang silid mag-asawa. Hiniga siya nito sa kanilang kama.

Nang gabing iyon nagniig silang dalawa. Hinayaan niya itong pamunuan siya nito. Angkinin ang kanyang katawan nang mabibigat nitong kamay na dumidiin sa kanyang balat at tumatarak sa kanyang bawat kalamnan. Isa itong halimaw. Pabilis nang pabilis…pabilis nang pabilis masmasahol pa sa bawat nauna. Ninanakaw ang kanyang paghinga. Dinadala siya sa higit na tugatog. Inulos siya nito nang inulos. Pinagsaluhan ang mga sandali sa gabing ito na tanging sila lamang at sila lamang. Hanggang sa matauhan ito…Tumigil at inilagay nito ang noo sa kanyang sintido habang nakatagilid siya at nakapatong ito sa kanya. Sinabi nito sa kanya na wala silang dapat na ipag-alala. Na magiging ayos lang ang lahat. Ipinangako ito sa kanya nang asawa. Kasunod noon hinalikan nito sa kanyang noo, at bumigay at umalis sa loob nang kanyang katawan. Humiga sa kanyang tabi habang nakatagilid siya at nakatihaya ito ng higa. Nakaunan ang kanyang ulo sa braso nito. Gayong habang nakapikit ang mga mata nito na walang kasiguraduhan kung nasa ulirat pa ba ito o bumigay na sa tuluyang pagkakahimbing. Hindi nawala ang kanyang tingin sa mukha nang asawa. Hinawakan niya ang mukha nito. Nagdikit ang dulo nang kanyang hintuturo at ang gilid nang ilong nang Hadi Yasir. Ibinaba niya ito sa pisngi nito. At nang bahagyang dumilat ito hindi niya maalis ang kanyang tingin sa kanyang asawa.

Wika niya sa Hadi Yasir, “pabagsakin mo ang tahanan ng mga Harith…sa kahit anong paraan pabagsakin mo sila. Agawin mo sa kanila ang ipinagkait nila sa atin na pamumuno. Palayin mo ang sarili mo Hadi Yasir. Palayain mo kami nang magiging anak mo!”

Natulog silang magkasama at magkayakap at magkaharap sa isa’t isa.

Nang gabing iyon, isang panaginip ang dumapo sa kanyang pagtulog Nakahiga siya sa loob nang kakahuyan na ang kanyang hinihigan ay lupang mayroong mga nakakalat na mga tuyong dahon na mistulang alpombra ng tulad nang kanyang pagkakahiga sa kama sa loob ng silid nilang mag-asawa habang nakapatong sa kanyang ang Hadi Yasir. Hindi niya magawang makatayo bagkus, pinipilit niya ang kanyang sarili na bumangon bagay na hindi niya magawa. Sa halip nanatili siyang nakahiga. Tinatanglaw ang madilim na kalangitan at ang mga anino ng mga nagtataasang mga puno. Hanggang sa nakaramdam siya nang tila may gumagapang sa kanyang katawan. Isang nakapalaking ahas na nagtataglay nang matingkad na kulay dugong-pulang na mga kaliskis na sa bawat dulo ay maaninag ang bumabarang itim at kulay kahel. Ang pulang-ahas na bitis. Unti-unti itong lumalapit sa kanya. Nagpapalit nang balat. Hinuhubdan ang sarili niyang pagkatao. At sa paglapit nito sa kanya at pagkakita sa kanya nakita niya ang mga pula nitong mga mata na may kulay itim na balintataw. Ang naka-usling sungay sa ulunan nito. At ang lumalabas nitong itim na dilang humahati. Handa sa isang pag-umang. At nang inangat nito ang ulo nito sinimulan siya nitong sugurin.

Sa paggising niya nakita niyang wala sa kanyang tabi ang kanyang asawa. Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga. Lumabas siya nang kanilang silid mag-asawa. Hinanap niya ito sa kanilang tahanan at nang narinig niya ang tinig nito sinundan niya kung nasaan ito. Hanggang sa nakita niya ito sa loob nang imbakan nang tahanan ng mga Barakat. Ang madilim na imbakan na matagal nang nakasarado at hindi binubuksan. Pumasok ito sa loob nang makitid na silid na puno nang maraming malalaking banga.

Inalok siya nito nang maiinom bagay na kanyang tinanggihan. Sinabi nito sa kanya na alam na nito ang gagawin nito. Sinabi nito sa kanya na panahon na upang humiwalay ang tahanan ng mga Barakat sa pakikipag-ugnayan sa tahanan nang mga Harith. Tinanong niya ito kung nakasisiguro ito. Bagay na sinang-ayunan nito.

Bago ang pagbukang-liwayway iniwan siya nang Hadi Yasir na nag-iisa loob nang kanilang tahanan. Nanatili siyang nag-iisa. Umaasa na sana alam nang Hadezar ang ginagawa nito. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon.

Nang umagang ito inayos niya ang kanyang sarili. Nagbihis siya nang mahabang panloob na palda na ang laylayan ay hanggang sa bukung-bukong ng kanyang paa. Inibabawan niya ito nang itim na saluwâl na may mga burda nang mga gladiolus mula sa tansong sinulid. Ibinuhol niya ito sa ibabaw nang kanyang balikat. Inilabas niya ang kanilang mga alagang hayop na sina Amarok, Asiaq at Mamé sa loob ng tahanan, sa malawak na lupaing matatagpuan sa gitna nito bago ang tuluyang pagsikat nang araw.

Sa kanyang pagbabantay sa mga ito pumasok ang kanyang asawa mula sa madilim na pasilyo. Tinanong niya ito kung saan ito nanggaling. Sinabi nito sa kanya na may inanyayahan itong kanilang panauhin. Bagay na kanyang pinagtakahan.

Binuksan nito ang lagusan nang pintuan at pinapasok sa loob ang isang Hadi na may Karimarimarim na itsura sa kanilang pamamahay. Kilala niya ang Jingkar na ito. Minsan niya ng nakita ito sa kanyang pinagmulang tahanan kausap ang kanyang ama at ang kanyang tiyo. Alam niya kung sino…walang kadudaduda kung sino ito. Ang pamosong Hadi Walid, ang dahilan ng pagbagsak ng tahanan ng kanyang asawa sa ikalawang pagkakataon…

Habang naglalakad papasok sa loob ang dalawa, nakita niyang ang mga ito na nag-uusap, nakangiti sa isa’t isa. Bagay na hindi niya maunawaan. Narinig niya ang pagtahol nang kanilang mga alaga bagay na sinutsutan nang kanyang asawa at inutusan na tumigil.

Lumapit ang Hadi Walid at Hadi Yasir kay Amarok. Inilagay nito ang kamay nito malapit sa bibig at ilong nang kanyang alaga. Dinilaan nito ang kamay nang Hadi Walid. Lapnos ang balat nito tulad sa ibang bahagi ng katawan nito. Magkagayon man magiliw itong kinilala at tinangkilik nang kanyang alagang hayop ibinigay sa kanya nang Hadi Yasir sa araw nang kanilang pag-iisang dibdib bilang biyaya. Gayon din pinakilala rin nang kanyang asawa ang iba pa nilang mga hayop na nasa malawak na lupain nang kanilang tahanan na mistulang matagal nang kilala nang Jingkar na kasakasama nang kanyang asawa.

Sa paglapit nito sa kanya nakita siya nang Hadi Yasir. Ngumiti siya, isang mapagkunwaring ngiti…isang ngiting may pag-aalala. Binalikan siya nito nang ngiti habang nasa loob siya nang pasilyo at nag-iintay dito. Lumapit ang mga ito sa kanya at pinakilala siya nito dito at pinakilala ito sa kanya nang kanyang asawa.

Sinabi niya sa Hadi Walid na kung hindi siya nagkakamali ay minsan na silang nagkakilala. Bagay na tinugunan nito ng pagsang-ayon. Sinabi nito na nagkita na sila sa tahanan ng mga Roshan.

Inanyayahan sila nang kanyang asawa na mag-almusal sa loob nang silid-lutuan…dito sinabi nito sa kanya na habang wala siya at patungo sa tahanan ng mga Harith ngayong umaga, ang Hadi Walid ang kanyang magiging bantay.

Nagulat siya. Nagtaka siya sa kanyang asawa kung ano ang dahilan.

Sinabi nito sa kanya na kahit alam nilang pareho na kaya niyang alagaan ang kanyang sarili hindi pa rin maikakaila ang pangamba na maaaring magdulot nito sa kanila. Pinaalala sa kanya ng kanyang asawa ang nangyari ilang gabi na ang nakararaan, ang pagdating nang isang Adi na nasa ilalim nang kanilang patnugot at ayaw nitong maulit pa kung ano ang nangyari ng gabing iyon. Hinangad nito ang kanyang kaligtasan datapwat nilagay siya nito sa isang kulungan.

Sinabi nito sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala, na mapagkakatiwalaan nila ang Hadi Walid.

Kasunod noon naghanda ang kanyang asawa. Hinanda nito ang mga susuotin nito sa pagpunta sa tahanan ng mga Harith. Pinuntahan niya ito sa loob ng bukalang-silid. Nakita niyang tinatanggal nito sa pagkakatali ang sintas na suot nitong pang-itaas na pulang batá na may mga mistulang kaliskis nang pinagpatongpatong na balat nang gaya sa mga tata’u nito sa mga braso.

Tinulungan niya ang Hadi Yasir na matanggal nang suot nitong damit.

Tinanong niya dito kung kailan pa ito dumating.

Sinabi nito sa kanya na hindi niya alam kung kailan pa ito dumating mula sa Karabana. Sinabi nito sa kanya na alam nito na hindi madaling magtiwala sa Hadi Walid at alam nito ang dahilan. Pinilit siya nitong subukan, gawin ang pagkilala dito para na rin sa kanyang asawa.

Tinanong niya ang Hadi Yasir kung ano ang dahilan kung bakit siya nito pinipilit na makisalamuha sa Hadi Walid. Tinanong niya ang kanyang asawa na hindi ba ito ang dahilan kung bakit bumagsak ang tahanan nito sa ikalawang pagkakataon.

Bagay na itinanggi nang Hadi Yasir kanya. Sinabi nito sa kanya na may mali silang nagawa dito…at naging tapat ito sa kanya.

Magkagayonman sinabi niya sa kanyang asawa na hindi siya nito mapipilit na manatili sa loob nang kanilang tahanan at hihintayin ito na makabalik mula sa tahanan nang mga Harith.

Nagsuot ang kanyang asawa ng makapal, matingkad at malilim na muradong kulay na batá, na may mga tahing animang gilid na mula sa mga itim na bato na nagtataglay nang mga malalapad balikat. Nakasuot ito nang saluwâl na itim na may mga burda ng mga gintong alitaptap. Ang tapis nito ay mula sa balat nang buwayang Magan.  Nakatali sa beywang nito ang mga sinturong gawa sa balat nang hayop. Suot nito ang singsing nang ina sa kanan nitong daliri. Sandalyas sa mga paa at mga bakal na galang sa mga hita at tuhod nito.

Bago ito tuluyang umalis patungo sa tahanan ng mga Harith. Iniwanan niya ito nang halik, at sinabi nito sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala at magiging ayos lang ang lahat…bagay na kanyang pinaniwalaan.

Ang kanilang paalam ay hindi tuwiran bagkus ito’y pagpapaalala. Pinakawalan niya ito sa kanyang kamay at iniwan siya nito sa Hadi Walid.

Tinawag siya nito dahilan upang mapalingon siya sa Hadi Walid. Nagbigay ito nang paggalang sa kanya bagay na kanyang binalikan ng paggalang. Kasunod noon pumasok sila sa loob nang tahanan ng mga Barakat.

Sa kanyang pag-iisa sa loob nang bulwagan hindi niya inaasahan na marinig niya ang tinig nang Hading pilit niyang nilalayuan nang araw na ito. Nabaling ang kanyang atensyon mula sa pagkakatulala sa kisame nang bulwagan habang nakaupo sa isa mga batuhang upuang nakadikit sa dingding nito. Sa gitna nang kanyang pag-aalala lumapit sa kanya ang Hadi Walid, nagbigay ito nang pantawag na pamitagan sa kanya.

Lumingon siya sa Hadi Walid. At sa kanyang paglingon sa panauhin nang kanyang tahanan bungad niya dito, “iyi’owuro”

Gayong hindi ito nagsalita. Hinintay niya na magbigay ito nang paggalang sa kanya ngunit hindi nito ginawa. Tanong niya sa Hadi Walid, “hindi ka man lang ba magbibigay sa akin nang paggalang?”

Wika nang hadi Walid, “dogru…iyi’owuro ji. Para pesĕ’nezaket, nhar! Ma’lum eger nhar un’zah eger istemek, Ma’lum un’zah ö nhar iwou istemek. Neden’bhul wa pesĕ’nezaket dl va’bire? — Nhu’dazjo un’zah vharlaaq eger ni’adessa?”

Wika nang Adi Hikmet, “djekker dl’zeh…para unzha!”

Sa banta nang pag-alis pinigilan niya ang Hadi Walid. Gayong sabi niya, “sabi nang aking asawa kung anoman ang ipautos ko sa iyo ay magsabi lamang ako hindi ba!”

Wika nang hadi Walid, “Oho…Adi Hikmet!”

Tugon niya, “kilala kita kung hindi ako nagkakamali, kilala kita. Nang huli tayong nagkita gusto mong saktan ang Hadi Yasir. Kung hindi ako nagkakamali. Nagtagumpay ka ba na saktan ang aking asawa?”

Wika nang Hadi Walid, “hindi! Adi Hikmet.”

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo. Wika niya, “sinabi nang aking asawa na maaari kitang pagkatiwalaan…hindi ko alam kung maaari kitang pagkatiwalaan. Hindi ko hinihingi sa iyo na pagkatiwalaan mo ako. Qabhul eger’ö ni të açzi xaaskiisa usmu dubro’dhoshlhe?”

Wika nang Hadi Walid, “unzha’bhul! Unzha ö mofe bhul!”

Wika niya, “para unzha iwou bilmoq! Va’ü të açzi dubro’dhoshlhe.”

Nang araw na iyon tinanggap nang Adi Hikmet ang Hadi Walid. Pinaupo niya ito sa isa sa mga batong upuang nakadikit sa dingding nang bulwagang silid. Kumuha siya nang palanggana na may lamang malinis na tubig, at malinis na pamunas upang hugasan ang mga paa nang kanilang panauhin. Umupo siya sa bangkito na kanyang dinala buhat mula sa bukalang-silid at sinimulang tanggapin ito. Tapos noon, hiningi niya ang isa sa mga paa nang Hadi Walid. Ibinigay nito ang kanan nitong paa. Tinanggal nito ang sandalyas na nakahulma para lamang sa depormado at sunog nitong anyo.  Pagkatanggal ibinigay ito sa kanya. Natakot siya na kunin ito at hawakan. Nagdalawang isip siya na hawakan ang depormadong itsura nito. Ang lapnos na natuyo sa balat nito at ang tatlong daliri sa paa nang Hadi Walid na sinadyang putulin dahil sa wala nang pakinabang.

Nang mapansin ito nang Hadi Walid tanong nito sa kanya, “Daraah’eger Adi Hikmet?

Wala siyang dapat na ikatakot. Wala siyang dapat na ipandiri. Kinuha nito. Nilakasan ang kanyang loob na hawakan ito at simulang tanggapin sa kanyang pamamahay ang kanilang panauhin. Kumuha siya nang tubig sa palanggana gamit ang kanyang kamay. Binuhusan ito, inilubog, inalmuhasan at pagkahugas saka niya ito pinunasan. Kasunod noon kinuha niya ang sandalyas sa sahig na hinubad nito. Sinuot niya ito sa paa nito at itinali kung paano niya nakitang hinubad nito nang Hadi Walid.

Tinanong siya nang Hadi Walid kung bakit hindi siya natatakot.

Hiningi niya ang kaliwang paa nang kanilang panauhin. Ibinigay ito sa kanya at tinanggal niya sa pagkakatali ang sandalyas sa kaliwa nitong paa.

Tanong niya sa Hadi Walid, “bakit may kailangan ba akong katakutan!”

Anya nang Hadi Walid sa kanya, “oo…isa akong halimaw!”

Kinuha niya ito sa kanyang hita, Inilapit sa palangganang naglalaman ng malinis na tubig, binuhusan niya ito nang tubig gamit ang kanyang kamay, kasunod noon inilubog niya ito sa palanggana, inalmuhasan at hinugasang mabuti.

Ngumiti siya. Tinignan niya ito. Tugon niya, “masyado mong tinatangkilik ang iyon sarili!” Kasunod noon pinunasan niya ang kaliwang paa nito nang malinis na pamunas at isinuot sa kaliwang paa nito ang sandalyas na tinanggal niya dito. “Marami na akong nakita… alam ko hindi ka katulad nila …”

Tanong nang Hadi Walid, “kung ganon sino?”

Muli binalikan niya ng tingin ang Hadi Walid. Tinignan niya ito. Nakita niya ang pagod at luntian nitong mga mata na kapareha nang kanyang asawa at mistulang dumaan sa maraming pagsubok. Wika niya, “iyong mga nagpapakita nang huwad na kabutihan kahit alam nila sa kanilang sarili na hindi ito totoo. Iyong mga alam nila ang tama sa mali pero binabaluktot ang mali at ginagawang tama para sa kanilang mga sarili. Iyong mga naghihintay nang kapalit—Iyon ang mga halimaw. Isa ka ba sa kanila? Katulad ka rin ba nila, isa ka rin bang halimaw?”

Umiling-iling ito. Wika nito sa kanya, “hindi! Pero dapat ka pa rin matakot sa akin!”

Pagtataka niya, “bakit?”

Wika nang Hadi Walid, “dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin…Kung ano ang kayang gawin nang iyong asawa! Hindi ako mabuti. May mga nagawa ako na hindi maganda…at ang iyong asawa, may mga nagawa siya na hindi niya gustong gawin.”

Wika niya, “Hindi ba dapat mas ako ang nakakaalam! sabihin mo…ano ang hiningi mong kapalit sa aking asawa para gawin mo ang kung anoman ang ipinag-uutos niya ngayon sa iyo?”

Wika nito, “ang maging malaya!”

Hindi nakaimik nag Adi Hikmet. Hindi niya inasahan na sasagot ang Hadi Walid sa kanyang katanungan. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan sa harap nang Had Mahdi. Kinuha nag bangkito at hiningi niya dito ang tulong nito bagay na tinalima nito.

Sa kanilang paglabas tinanong siya nito kung saan dadalhin ang palangganang pinaggamitan at ang pamunas. Sinabi niya na ibalik ito sa loob nang silid lutuan habang kanyang ibabalik ang pinaggamitang maliit na upuan sa loob nang bukalang-silid. Iniwan niya ang Hadi Walid at nagtungo sa pamosong bukalan ng tahanan.

Nang araw na ito sabay silang nagtanghalian sa loob nang silid lutuan. Pinaghanda siya nang Hadi Walid nang manioc na niluto sa kawali, pritong itlog at pritong karne nang Mantahungal. Kasunod noon inutusan niya ang Hadi Walid na samahan siya sa pag-iikot sa pinapatnugunang tahanan nang kanyang asawa. Bagay na ipinagkaila sa kanya nang Hadi Walid

Ngunit nagpumilit siya.  Lumabas siya nang silid lutuan ng tahanan ng mga Barakat. Sinundan siya nang Hadi Walid. Sinabi nito sa kanya na nasa panganib ang kanyang buhay at hindi siya maaaring lumabas. Tumigil siya mula asa kanyang paglalakad papunta sa loob nang kanilang silid mag-asawa.

Napalingon siya sa kanyang panauhin at sa kanyang paglingon tinanong niya ito kung sino ang nagsabi dito na hindi siya maaaring lumabas sa kanyang tahanan.

Hindi nakaimik ang Hadi Walid.

Pinaalala niya sa dating kaibigan nang kanyang asawa na paano ito mangyayari gayong nakakulong siya sa apat na sulok nang kanyang tahanan at sunudsunuran sa kanyang bawat galaw ngayon palang na wala ang Hadi Yasir. Ang kanyang buhay ay ligtas…walang alam ang sinoman sa mga nangyayari at maaaring mangyari sa kanya, sa kanyang asawa, sa kanilang tahanan. Wala siyang dapat na ipangamba. Nilinaw niya ito sa Hadi Walid.

Ngunit nagpumilit ito na huwag siyang palabasin sa kanyang tahanan. Hindi siya makapaniwala na mangyayari ito ulit sa kanya…

Wika nang Hadi Walid, “sa ginagawa mo nilalagay mo sa panganib ang buhay nang inyong tahanan.” Sinabi nito sa kanya na hindi niya dapat itong ginagawa. Na hindi siya ang Hadezar ng tahanan ng mga Barakat.

Wika niya, “masyado mo yata akong minamaliit Hadi Walid! Baka nakakalimutan mo ako ang asawa nang iyong Hadezar.”

Wika nito sa kanya, “wala kang alam sa pagiging Hadezar!”

Pagpupumilit niya, “subukan mo? At ipapakita ko sa iyo kung papaano ang maging Hadezar! Aalis ako sumama ka man o hindi!” At tinalikuran niya ito.

Nang tanghaling ito umalis sila nang Hadi Walid mula sa tahanan nang mga Barakat. Sakay sa alagang si Mamé at Asiaq nagtungo sila sa mga nasasakupan mga tahanan at pinapatnugunan nang kanyang asawa. Una niyang pinuntahan ang nasasakupan nang maisan. Kinamusta niya ang kalagayan nang Hadi Abusta.

Nakilala nang tahanan nang may-ari nang maisan ang kanyang kasama na si Hadi Walid. Tinanong nang Adi ng tahanan kung ano ang ginagawa nang Hadi Walid na kasama niya. Sinabi niya na pinasama sa kanya ng kanyang asawa ang Hadi Walid. Naalala nito ang nangyaring banta sa kanyang buhay bagay na kung iisipin ay hindi isang banta lalong lalo na hindi sa ikapapahamak ng kanyang buhay at magiging anak.

Natatandaan ito nang nanghihingalong may-ari nang lupa. Sa kabila nang kanyang pagsama sa mga Adi ng tahanan ng maisan at nang mga batang Hadi kausap nito ang Hadi Abusta. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan nang mga ito, ngunit labis ang pag-aalala na nakita niya sa mukha nang Hadi Walid.

Sinabi sa kanya nang matandang asawa nito na mabuti naman at nakabalik na ang Hadi Walid sa kanilang tahanan nang kanyang asawa. Bagay na kanyang pinagtakahan. Tinanong niya dito kung ano ang dahilan. Sinabi nang Adi ng tahanan na dati nang naglilingkod ang Hadi Walid sa tahanan ng mga Barakat. Hindi iyon nakapagtataka sa kanya. Alam niya ang kasaysayang iyon matapos sabihin sa kanya nang mga kapatid ng kanyang asawa.

Tinanong niya ang Adi kung bakit ito umalis. Sinabi nito sa kanya na tatlong taon ang nakakaraan nang umalis ang Hadi Walid sa Ja’khar at nakipagsapalaran sa karagatan at ibayong dagat. Sinabi sa kanya na mabuting maybahay nang may-ari nang maisan na ito ang liyaw nang kanyang asawa bagay na hindi nalalaman. Inalagaan nito ang tahanan nang kanyang asawa bago ito palayasin nang dating Hadezar.

 Kasunod noon nagtungo pa sila sa mga kakilala nilang nagmamay-ari nang maisan at matapos na makidaupang-palad ang mga ito sunod nilang tinahak ang mga nagtatanim ng mga halamang Rimas, dito pinakilala sa kanya nang Hadi Walid ang Hadi Baaru. Sa pagkakita nito sa kanya dali-dali siyang tinanggap nang mga ito. Sa simula binungad siya ng paghalik nang may-ari ng lupa sa kanyang kamay.

Kinamusta niya ito.

Sinalubong din siya nang mga apo nitong mga babae na natinag sa pagkakita sa mga ito sa Hading kanyang kasama at pinagkuruan nang walang sawa.

Kilala niya ang asawa at mga kapatid nito…nakilala niya ang mga ito sa kanyang pag-iikot sa mga tahanang kinasasakupan nito. Naging bantog ang kanyang pangalan sa mga nasasakupan nitong lupain lalo na’t nang nakisaya siya sa mga ito sa panahon nang pagtatanim at maging sa maliit na kapistahan nang pag-aani at muling pagtatanim.

Hinanap sa kanya nang Hadi Baaru ang kanyang asawa…tinanong nito sa kanya kung kamusta na ang kanyang asawa at kung bakit hindi niya ngayon ito kasama. Sinabi niya na mabuti ang kalagayan nito at nasa tahanan ito nang mga Harith, at kasalukuyang hinihingi ang pagpuputol nang ugnayan sa dalawang tahanan.

Bagay na ikinagulat nang Hadi Baaru. Hindi nito inakala na mangyayari pa ang bagay na ito habang nabubuhay ito…Tinanong niya kung masama ba ito…na hingin nang kanyang asawa ang kalayaan sa pamumuno sa mga harith.

Bagay na ipinagkaila sa kanya nang matandang may-ari ng lupa nang sakahan nang mga puno ng rimas. Tinanong nito sa kanya kung siya ba ang may kagagawan nito. Bagay na hindi niya itinanggi.

Sa gitna nang sikat ng araw habang nakaupo sila sa tabi nang mahabang lamesa sa labas nang tahanan nang may-ari nang lupa nang mga halaman ng Rimas, katabi ang matanda sinabi nito na nangangamba lamang ito na baka mag-ugat sa isang masamang pangyayari at madamay ang tahanan nito. Bagay na ikinasiguro niyang hindi ito mangyayari sa Hadi Baaru o sa kahit sinoman na nasa ilalim nang patnugot nang kanyang asawa. At kung mangyariman pananagutin niya ang sinomang may kagagawan nito.

Hindi niya maiwasan ang hindi mag-alala sa kung ano na ang nangyayari ngayon sa kanyang asawa. Hinangad niya na sana nagawa nito ang binabalak nitong gawin. Na uuwi ito sa kanyang tahanan nang may ngiti at sasabihing pumayag ang Hadi Mahdi bagay na alam niyang kailanman ay hindi mangyayari.

Sa kanilang paglalakbay patungo sa mga taniman nang kohlrabi tinanong nang Hadi Walid sa kanya kung bakit hinahayaan lamang siya nang Hadi Yasir na umikot at magpanukala nang mga bagay na hindi naman dapat siya ang gumagawa.

Tinanong niya ang Hadi Walid kung alam ba nito ang dahilan kung bakit siya ginawang asawa nang Hadi Yasir.

Bagay na itinanggi nito.

Sinabi niya sa Hadi Walid na iyon ay sa kadahilanang alam nang kanyang asawa na kaya niyang mamuno. Na kaya niyang tulungan ang Hadi Yasir na mapagtagumpayan at ilagay ang tahanan ng mga Barakat pabalik sa dati nitong tinatamasa.

Gayong alam nilang parehong mag-asawa na mahirap na mangyari.

Tinanong siya nang Hadi Walid kung kaya niya ba itong gawin…ang ibalik sa dating tinatamasang karangalan at impluwensya ang tahanan ng mga Barakat.

At sinabi niya na iyon ang dahilan kung bakit sila nandito ngayon. Kung bakit nila ito ginagawa. Wika niya, “kailangan ko ito Hadi Walid. Ito ang hiningi ko sa aking asawa bilang kapalit sa aming pagsasama!”

Bumalik sila sa tahanan ng mga Barakat pagkatapos nang pag-iikot nang hapong iyon. Ngunit sa pagbalik nila sa tahanan ng mga Barakat hindi pa rin bumabalik ang kanyang asawa. madilim pa rin ang buong kabahayan…pagal at nakabibingi ang ingay na nanditong mapag-isa. Bagay na knayang ipinag-alala.

Hinintay niya ang pagbabalik nito. Umupo siya sa sahig nang pasilyo sa harap nang bulwagan habang sa hindi kalayuan ay ang Hadi Walid na nagbabantay sa kanya at iniintay ang kanyang asawa. Sa pagtagaltagal unti-unti na ring nagbago ang kalangitan. Lumubog na ang araw at nagsisimula nang magdilim gayong kanina pa natapos ang umaga.

Tumayo ang Adi Hikmet sa kanyang pag-upo sa sahig nang pasilyo. Pumasok siya sa tahanan nang mga Barakat. Sinimulan niyang buksan ang mga ilaw sa buong tahanan.

Hindi nagtagal dumating na ang kanyang asawa pabalik sa kanya.

Nakita niya ang kanyang asawa kausap ang Hadi Walid. Bumaba siya mula sa ikalawang palapag.  Pinuntahan niya kung nasaan ang kanyang asawa. Naglakad siya sa pasilyo nang tahanan patungo sa kanilang silid mag-asawa hanggang sa hinarangan siya nang Hadi Walid.

Tinignan niya ang Hadi Walid kung ano ang nangyayari ngunit hindi ito kumibo. Tinignan siya nito. Nakita nito sa kanya ang takot na mula kanina pa kanyang ipinagkakaila dito.

Hanggang nakarinig siya nang pagkalabog na ingay na nagmumula sa loob nang kanilang silid. Kasabay noon nagulat siya.

Ang Hadi Yasir

Bago ang pagbukang-liwayway iniwan niya ang Adi Hikmet sa loob nang kanilang tahanan. Sakay kay Ijiraq kumilos siya patungo sa taniman nang mga puno ng jaboticaba hanggang sa marating niya ang isang tahanan na matagal niya nang hindi nababalikan. Sa kanyang pagdating nakita niya na wala pa rin itong ipinagbago, na tulad nang huli niya itong nakita matagal na panahon na ang nakararaan, parehong-pareho pa rin ang itsura nang tahanan…liban lamang sa bagong bubungan nito, sa lagusan nito na mayroong patyo at sa tarangkahan na nakaharang sa paligid nito. Ang tahanan nang Hadi Walid. Ang tahanan nang dati niyang kaibigan na itinuring niyang ama at naging malapit sa kanyang buhay. Bumaba siya sa kanyang sinasakyang asong-gubat. Hawak ang panali ni Ijiraq dinala niya ito at isinabit ang panali sa nakatarak na kahoy sa lupa.  Binuksan niya ang mababaw na lagusan, pumasok sa loob nang kinasasakupan nito at sa pag-ungol nang bigkis na nagbibigay nang pagkakadiin sa haliging pinagsasabitan nang panali bumagsak ito sabay sa paghiga nang kanyang alaga at bumukas ang pinto nang lagusan. Sa unang pagkakataon, matapos ang mahabang panahon, muli silang nagkita.

Nakaramdam siya nang pagdadalawang-isip na kausapin ito at tawagin ito matapos ang mahabang panahon nang hindi nila pagkikita at pag-uusap.

Wika nito sa kanya, “Hadezar!”

Ngumiti siya. Wika niya, “kamusta ka na Hadi Walid?”

Ngumiti ito sa kanya. Wika nito sa kanya, “mabuti…ikaw!” Hindi siya nakaimik. “Hindi ko inaasahan ang inyong pagdating…iyan na ba si Ijiraq? Malaki na pala…ikaw lang!”

Wika niya, “oo!”

Kasunod noon inanyayahan siya nitong pumasok sa loob nang tahanan nito bagay na kanyang tinanggap. Sumunod siya sa Hadi Walid sa pagpasok sa loob nang tahanan nito. Iniwan niya si Ijiraq na nakahiga sa lupa sa labas. Alam niya ang bigat nang kanyang pagpapasya. Alam niya na sa gagawin niya maaaring ito ang maging dahilan nang tuluyang pagbagsak nang kanyang tahanan. Ngunit kailangan niya itong gawin.

Sa pagpasok nila sa loob nang tahanan nito nakita niya ang maraming tapiserya na nakadikit sa dingding. Pinaupo siya sa higaan nito bagay na kanyang ginawa. Sa pag-upo niya nagtungo ito sa lutuan. Tinanong siya nito kung kanino niya nalaman ang pagdating nito. Sinabi niya sa isang tagabulong. Na nakita ang pagdating nito sa isa sa mga dumaong na Karabana maraming buwan na ang nakakalipas.

Lumapit ito sa kanya na may dalang mga baso…bagay na kanyang tinanggihan gayon nagpumilit ito at sinabi sa kanya na hindi ito nakakalasing na inumin. Kinuha niya ito. Ininom, at sa pag-inom nalaman niya sa pagtikim na laman nang baso ay gatas.

Sinabi nang Hadi Walid sa kanya na makabubuti ito sa kanya. Kasabay noon umupo ito sa kanyang harapan sa isang upuan sa harap nang higaan habang hawak nito sa isa sa mga kamay nito ang isang pinggan na may lamang isang piraso nang maalat na tinapay na may mga linga. Iniabot ito sa kanya nang Hadi Walid.

Bagay na kanyang tinanggap. Inilapag niya ito sa ibabaw nang kanyang hita.

Gayong wika nito sa kanya, “Kamusta ka na Hadezar? Pasensya ka na hindiman lang kita nasamahan matapos mamatay ang ina hindi ko kasi alam. Kung nandito lang sana ako nadamayan pa kita!” Kumuha siya ng piraso nang tinapay na ibinigay nito sa kanya. kumain siya “Napag-alaman ko may asawa ka na. Maganda ba ang asawa mo…gusto ba siya nang iyong ina para sa iyo? Siguro wala nang nagawa ang mga kapatid mo…ano ba naman kasi ang magagawa nila hindi ba. Ikaw kamusta ka na…ank…Hadezar?”

Wika niya, “mabuti ho…Walang alam ang Adi Hiba sa balak kong pag-iisang dibdib sa kanya. bago mangyari iyon matagal nang patay ang aking ina! Hindi rin gusto nang aking mga kapatid ang aking asawa, pero nagustuhan nila noong tinagaltagal na. Balita ko naglakbay daw po kayo? Maganda ang ginawa niyo sa inyong tahanan…”

Tanong nang Hadi Walid sa kanya, “nagustuhan mo!”

Wika niya, “maganda!” nabaling ang kanyang pansin sa isa sa mga tapiserya na nakadikit sa dingding nang tahanan. Isang sasakyang pandagat na lumalayag sa maalong karagatan. Mga nagtataasan at mga higanteng sasakyang pandagat na may mga tangke nang kanyon at nag-aaway at nagkakaroon nang isang matinding labanan sa gitna nang dagat. “galing sa Qaa’ur? Ang mga sasakyang pandagat!”

Wika nito sa kanya, “sa kanluran…sa Asbalta!” Napalingon siya dito. “sa Ka’desh, sa Qaa’ur! Kung saansaan pa. iyang mga inukit na iyan” Nabaling ang kanyang pansin sa mga inukit na babae may mga ahas na katawan “galing iyan sa timog, sa Taravara! At iyan mga sungay nang mga hayop, mga sandata sa Aesir!”

Wika niya, “kita mo nga naman nilibot mo na ang buong mundo…Hindi ko pa alam!”

Wika nito, “alam ko! Isa’t kalahating taon sa Qaa’ur…ilang buwan sa Kadesh naglakbay kasama nang iba sa Kanluran naglayag kasama nang mga Karabana. Nakakalungkot din iyon ang totoo. Nalaman ko na sinalanta kayo nang isang masamang panahon…totoo ba na nag-angkat kayo nang mga binhi!”

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Wika nito, “mabuti naman kung ganon! Kahit papaano nakaraosraos na kayo Hadezar!”

Wika niya, “hindi pa rin Hadi Walid! Hindi pa rin tapos ang lahat.”

Wika nito sa kanya, “salamat nga pala ikaw ang nag-ayos at nagpanatili nang aking tahanan. Nalaman ko ito sa Hadi Akil. Akala ko wala na akong madadatnan! —ano nga ba ang maipaglilingkod ko sa iyo?”

Binaba niya ang kanyang hawak na baso at pinggan na may bawas na bahagi nang maalat na tinapay na walang labadura at may mga linga. Sinabi niya, “kailangan ko ang tulong mo Hadi Walid!”

Tumango-tango ang Hadi Walid. Wika nito sa kanya, “sige—anong tulong?”

Wika niya, “gusto kong bantayan mo ang aking asawa…ang pangalan niya ay Adi Hikmet, mahalaga siya sa akin…”

Tumayo ito sa kinauupuan nito. Hiningi nito sa kanya ang pinggan at baso. Kasunod noon nagtungo ito sa lutuan. Inilapag nito sa lamesa ang mga pinagkainan. Pagtataka nito sa kanya, “kung ganon para saan ang gagawin kong pagbabantay?”

Wika niya sa Hadi Walid, “laban sa mga Harith!”

Lumingon ito sa kanya. Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito sa aninong nakapaligid sa malaking siga sa loob nang tahanan nito. Wika nito, “o Hadi Yasir ano ang ginawa mo?”

Sagot nang Hadi Yasir, “wala…pero meron. Gagawin ko po lang!”

Wika nito, “hindi.”

Wika nang Hadi Yasir, “pakiusap…kailangan ko ang tulong mo…alam ko na alam mo na ikaw lang ang makakatulong sa akin.”

Umiling-iling ang Hadi Walid. Wika nito, “binigay ko na kung ano ang maibibigay ko. Binigyan niyo ko nang kalayaan at tatanawin ko iyong utang na loob sa iyo…sa iyong tahanan. Hindi ko na gusto pang sumali sa kung anoman ang pinaglalaban nang iyong ina!”

Wika nang Hadi Yasir, “pakiusap, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko!”

Wika nang Hadi Walid, “bakit sino ba ang pinagkakatiwalaan? Natatandaan mo ang unang Jingkar na pinatay mo…Sinabi mo sa akin na papatayin mo siya. Nakiusap ka sa akin na turuan kita…sinabi mo sa akin na kailangan mong alagaan ang sarili mo mula sa masasama at mga kalaban nang iyong tahanan. Tinulungan kita. Tinuruan kita. Hindi mo siya kilala pero pinatay mo siya nang walang awa.”

Lumingon siya dito. Wika niya, “Sa tingin mo paghihigante ang lahat nang ito Hadi Walid…inaamin ko, gusto kong silang paghigantihan noon at hanggang ngayon gusto ko silang paghigantihan. Pero iba na ngayon, isa na akong Hadezar! Hindi ko maaaring ipahamak ang aking asawa, ang aking magiging anak. Ang magiging kinabukasan nang aking pamilya!”

Tugon nang Hadi Walid, “kilala kita…Kilala natin ang mga Harith…kahit anong gawin mo, sa tingin mo may laban sa kanila?”

Wika niya, “kailangan kong gawin kung ano ang kailangan kong gawin.”

Wika nang Hadi Walid, “siguro nga…siguro nga!”

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Tinalikuran niya ang Hadi Walid at kasabay nang kanyang paglabas sa tahanan nito handa niya nang suungin ang isang labang walang kasiguraduhan. Alam niya sa kanyang gagawin isa lamang ang maaaring niyang makuha, kabiguan. Hindi niya maitatanggi na napakahalaga sa kanyang mga kalaban ang kanyang tahanan na para mawala ito sa kanyang mga kalaban wala na siyang halaga pa sa mga ito bagkus magiging isa na lamang siyang malaking sagabal.

Pinigilan siya nang Hadi Walid sa kanyang pag-alis. Wika nito sa kanya, “Yuune’duyi, og’ron’iwou Hadi Yasir, zidadji’nu og’ron’iwou…az’zinu! —atceretie un’zah için, ranti un’zah të eder nedzimis.” (Jng. Gayonpaman, anak kita Hadi Yasir, habang buhay anak kita…alam ko! —alalahanin mo sila, tandaan mo ang iyong mag-ina.)

Wika niya, “alam ko”  

Sa huli pumayag ang Hadi Walid sa kanyang kagustuhan. Kasama ang Hadi Walid bumalik siya sa tahanan nang mga Barakat. Hilahila si Ijiraq pabalik nang tahanan nang mga Barakat tinanong siya nang Hadi Walid kung ano ang gagawin niya sa paghingi nang kalayaan nang kanyang tahanan.

Sinabi niya na sa una ay pupunta siya sa tahanan nang mga harith…kakausapin ang Hadi Mahdi at makikiusap na kung maaari ay hayaan nitong putulin kung anoman ang ugnayang namamagitan sa kanilang mga tahanan.

Sinabi nang Hadi Walid sa kanya hindi iyon isang balak…na sa kanilang dalawa sino ag maituturing na isang mababaw na isip upang gawin ang isang bagay na walang magiging kahihinatnan. Tinanong siya nito kung alam niya ba kung ano ang sinasabi niya. Na sa gagawin niya, lalo lamang niyang palalalain kung anoman ang maaaring mangyari. Na pupunta siya doon sa tahanan nang mga harith, kakausapin ang kanyang mga kalaban…kakausapin ang Hadezar ng tahanan nang mga harith tatanggapin nang maayos at ayon sa kung ano ang nakaugalian at gayon gayong lang ipapamukha niya sa mga ito na gusto niyang putulin kung anoman ang nag-uugnay sa tahanan nang mga Barakat at sa tahanan nang mga Harith…na isa siyang kaaway at ang kanyang tahanan ay isang malaking sagabal sa pag-angat nang tahanan nang mga ito.

Bagay na kanyang sinang-ayunan at sinabing tama ito…hindi nga ito maituturing na isang balak. Tinanong niya ang Hadi Walid kung ano ang gagawin nito kung sakaling ito ang lumagay sa katungkulan nito…at gawin kung anoman ang kinakailangan niyang gawin ano ang gagawin nito.

Sinabi nito sa kanya na mananatili ito sa tahanan nito…sa tabi nang asawa nito na ina nang magiging anak nito at nagdadalang-tao. Palilipasin nila ang buong araw na sila lamang ang magkasama. Susulitin ang panahon siguro gagawa nang gawaing-bahay. Magluluto nang pinakamasarap na pagkain na maaari niyang iluto dito. Maghuhugas nang kanilang mga pinagkainan. Maglalaba nang kanilang mga damit. Maglilinis nang buong tahanan at siguro, siguro sa gabi at sila lamang ipapakita niya sa kanyang asawa kung gaano niya ito kamahal. Sisipingan niya ito, makikipagtalik siya dito…at sa umaga paggising nila tuloy ang kanilang mga buhay nang walang halong inindang suliranin sa buhay. Iyon ang gagawin nito kung ito ang mailagay sa kanyang lugar.

Sinabi niya dito na isa iyong talimuwang. Alam nilang pareho na kailanman hindi iyon mangyayari.

Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Walid at pinatotohanan.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Kasabay noon tumigil sila sa harap nang imbakan nang mga pagkain. Nakiusap siya dito na kung maaari ay hintayin siya nito at may kukunin lamang s aloob nang imbakan…ang pinakamasarap na pagkain na maaari niyang lutuin at ihanda para sa Adi Hikmet sa araw na ito. Kumuha siya nang mga butil ng mais, mga kabuteng kahoy, karne nang pato at karne nang baboyramo.

Sa paglabas niya sa loob nang imbakan nakita siya nang Hadi Walid nang may pagtataka. Ngumiti siya. Sa paglapit niya sinabi nito sa kanya na katulad pa rin nang dati, nagbago na ang lahat sa kanya, may asawa na siya at magiging ama hindi pa rin siya nagbabago kinatutuwaan niya pa rin ang pagluluto.

Hiningi sa kanya nito ang kanyang mga dalang sangkap sa paggawa nang pagkain bagay na kanyang ibinigay. Kasunod noon sinabi niya sa Walid na kailangan niyang gawin ito, ang kausapin ang Hadezar at hikayatin itong gawin kung anoman ang gusto niyang mangyari…naniniwala siya na mabuti ang Hadi Mahdi, itinuring siya nitong anak siguro naman pagbibigyan siya nito tulad nang pagbibigay nang isang ama sa kanyang anak.

Tanong nang hadi Walid sa kanya, “at kung hindi?”

Wika niya, sa gitna nang kanilang paglalakbay, “Na kung gagawin ko ito at walang mapapala sa aking gagawin kahit papaano sinubukan ko…kahit papaano alam ko at sinabi ko sa aking sarili na pinili ko pa rin ang kapayapaan kaysa ang pagdanak nang dugo gayong sa huli wala akong pagsisihan.”

Lumabas sila sa taniman nang mga puno nang Jaboticaba. Sa paglabas nila kumaliwa sila upang bumalik siya sa tahanan ng mga Barakat.

Sa pagbalik niya sa tahanan nang mga Barakat nadatnan niya ang kanyang asawa na naghihintay sa kanya. Sa paglapit niya dito tinanong siya nito kung saan siya nanggaling. Sinabi niya na may inanyayahan siya na dumito sa kanilang tahanan.

Bagay na pinagtakahan nito.

Nang may ngiti iniwan niya ang Ad Hikmet at binuksan ang pintuan nang tarangkahan. Kasabay noon pinapasok niya ang Hadi Walid sa kanilang pamamahay nang kanyang asawa, matapos ang mahabang panahon nang hindi nito pagtungtong sa kanyang tahanan.

Sa pagpasok nito nagsimulang magtahulan ang mga asong-gubat…

Sinarado nito ang pinto nang lagusan kasunod noon sa kanilang paglalakad papasok sa loob nang tahanan. Nabaling ang pansin nito sa mga alagang hayop na nasa malawak na lupain nang knayang tahanan. Sinabi nito sa kanya na katulad nang ibinilin nito sa kanya na hanggang ngayon ay hinahayaan pa rin nito na pakawalan ang mga aalaga sa malawak na lupain nang tahanan. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Datapwat itinanggi niya dito na siya ang nagpakawala sa kanilang mga aalaga at bagkus ang kanyang asawa ang gumawa nito…datapwat naroroon sa loob ang yungib si Ijiraq.

Lumapit si Amarok sa kanila. Nakita niya ang panggigigil nito sa Hadi Walid gayong inilagay nito ang kamay nito malapit sa bibig at ilong. Hinimashimas ang ilong at kasunod noon dinilaan ito ni Amarok. Sinabi niya na alam nang mga ito kung sino ang mga kalaban at mga kakampi.

Bagay na itinanggi nang Hadi Walid sa kanya at sinabing hindi sa tingin nito. Matatalinoman ang mga ito, ang mga asong-gubat ngunit ang kanilang mga katalinuhan ay katulad sa tinataglay nitong katalinuhan mababaw at kulang… Pinakilala niya ang alagang hayop na si Amarok sa Hadi Walid.

Nagsunuran rin ang iba kay Amarok. Gayon pinigilan ito ng Hadi Walid sa pamamagitan nang pagsutsot sa mga ito at saka inutusang tumigil. Pinakilala niya si Asiaq at si Mame dito.

Lumapit sila sa Adi Hikmet. Sa paglapit niya sa kanyang asawa, kasama ang hadi Walid, agad niya itong pinakilala sa kanyang asawa. nang may ngiti nagbigay nang paggalang ang Adi Hikmet sa Hadi Walid. Kasunod noon pinakilala niya naman ang kanyang asawa sa Hadi Walid at ganon nagbigay ito nang paggalang sa kanyang asawa.

Sinabi nito sa hadi Walid na kung hindi ito nagkakamali ay nagkita na ang mga ito. Hindi ito itinanggi nang Hadi Walid bagkus pinatotohanan ito nang kanyang panauhin.

Kasunod noon inanyayahan niya ang mga ito na mag-almusal sa loob nang slid lutuan. bagay na tinanggap nang mga ito. Pinagluto niya ang Adi Hikmet nang isang mainit na sabaw ngayong umaga…na may lamang tenga nang mais, kabuteng kahoy, tinadtad na karne nang pato na ginisa sa pampalasa at karne nang baboyramo.

Sa kanilang pag-aagahan sinabi niya sa kanyang asawa na magiging bantay niya ang hadi Walid habang wala siya.

Bagay na pinagtakahan ng kanyang asawa.

Sinabi niya dito na kahit alam nilang kaya nitong alagaan ang sarili nito hindi pa rin maikakaila ang pangamba na maaaring maidulot nito sa kanila. Lalo gayong ilang buwan lamang ang nakakalipas ay naganap ang panghihimasok sa kanilang tahanan nang Adi Saad. Ayaw niyang makita na maulit ulit ang bagay na iyon, na mapahamak ito at ang kanilang magiging anak.

Alam niyang inilagay niya sa matinding alalahanin ang kanyang asawa…nanatili itong nakaupo. Kumakain nang kanilang agahan habang kasama ang Hadi Walid. Sana nauunawaan nito ang pagkakataon…sana naiintindihan nito ang kanyang sinasabi.

Wika niya sa kanyang asawa, “isa pa mapagkakatiwalaan ang Hadi Walid!”

Matapos ang kanilang aagahan agad siyang nagtungo sa loob nang kanilang silid mag-asawa. Hinanda niya ang kanyang mga susuotin na mga damit sa pagpunta niya sa tahanan nang mga Harith. Kinuha niya ang mga gamit niyang pampaligo at kasunod noon nagtungo siya sa loob nang bukalang silid. Sa kanyang pagpasok inilapag niya ang mga gamit na pampaligo sa mataas na kahoy na lamesa. Kasunod noon sinimulan niyang hubarin ang kanyang damit. Nang hindi inaasahan ay pumasok ang kanyang asawa. Tinilungan siya nitong tanggalin sa pagkakatali ang sintas nang kanyang Báta.

Tinanong sa kanya nang Adi Hikmet kung kailan pa ito dumating. Sinabi niya dito na hindi niya alam. Na tanging ang alam niya ay hindi madaling pagkatiwalaan ang Hadi Walid, pero maaari para na rin sa kanya.

Wika nang Adi Hikmet, “pero bakit mo ako pinipilit.” Tumingala siya dito. Tinignan niya ito. “Hindi ba ito ang dahilan kung bakit bumagsak ang inyong tahanan sa ikalawang pagkakataon?”

Bagay na kanyang itinanggi. Sinabi niya, “Hindi…kami ang nagkamali hindi siya. Naging tapat lamang siya sa amin!” Tinanggal niya ang kanyang suot na saluwâl. Kasunod noon, sunod niyang hinubad ang kanyang bahag at sandalyas sa paa. Ibinigay niya ito sa kanyang asawa. Lumabas ito nang bukalan at inilagay ang marumi sa lagayan nang kanyang marumi sa loob nang kanilang silid.

Gayong kasabay nito sinimulan niya rin buhusan ang kanyang sarili nang mainit na tubig mula sa bukalan gamit ang panabo.

Lumapit ito sa kanya. kinuha nito ang sulyaw na nasa ibabaw nang mataas na lamesa. Tinulungan siya nitong magpahid sa kanyang buong katawan nang mabangong insensong mula sa langis, pukyot at galapong.

Wika niya habang ginagawa ito sa kanya, “kahit ngayon lang!”

Pagkatapos noon tumingin ito sa kanya. Wika nito, “gagawin ko kung anoman ang kinakailangan kong gawin…ngunit huwag mo sa aking ipipilit na manatili dito at hintayin ka na makabalik mula sa tahanan ng mga Harith”

Bagay na kanyang ipinangako…Lumapit siya sa bukalang nasa gitna ng silid. Kumuha siya nang mainit na tubig gamit ang tabo at kasunod noon binuhusan niya ang kanyang katawan at saka hinilod ang kanyang katawan gamit ang magaspang na panghilod na kanyang inilubog sa mainit na tubig na nasa tabo at ibinabad ang sarili sa bukalan at lumangoy-langoy.

Nang umagang ito bago ang tuluyang pagbukang liwayway…nagsuot siya nang makapal, matingkad at malilim na muradong kulay na Báta, na may mga tahing animang gilid na mula sa mga itim na bato na nagtataglay nang mga manggas na hanggang sa ibabaw nang kanyang siko. Nagsuot siya nang saluwâl na itim na may mga burda ng mga gintong alitaptap. Ang tapis nito ay mula sa balat nang buwayang Magan. Nakatali sa beywang nito ang mga sinturong gawa sa balat nang hayop. Suot nito ang singsing nang ina sa kanan nitong daliri. Sandalyas sa mga paa at mga bakal na panara sa mga hita nito.

Matapos niya makapaghanda sinamahan siya nang kanyang asawa sa paglabas sa tahanan nang mga Barakat kung saan naghihintay ang sasakyan nitong alagang itim na asong-gubat na si Amarok.

Bago siya umalis patungo sa tahanan ng mga Harith. Iniwanan siya nito nang halik niya ito nang halik. Sinabi niya dito na wala itong dapat na ipag-alala at magiging ayos lang ang lahat. Matapos noon tinalikuran niya ito. Sumakay sa asong-gubat at tuluyang iniwanan ang tahanan nang mga Barakat patungo sa tahanan ng kanyang mga kalaban.

Hindi niya makakalimutan ang una nilang pagkikita…kailanman iyon ang nagpapaalala sa kanya kung bakit niya ito gusto. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay patungo sa kanyang sakuna…patungo sa pagbagsak nang kanyang tahanan. Sa kanyang paglalakbay narating niya ang nag-eekis na daan.

Tandang-tanda niya ang araw na iyon, nagbabagsakan ang mga bato sa pagtawing nang mga batang Jingkar sa ulupong na tumatakas sa paningin nang mga ito. Ang higanteng ulupong ay siya. Nang makita siya nang mga ito agad siyang hinabol. Agad siyang tumakbo. Pilit na hinahabol sa maputik, malupa at mabatong kalsada nang Ja’khar sa tirik na tirik na sikat ng araw sa kalagitnaan ng umaga. Humahangos. Tinatakasan ang pagmamalupit na dala nang mga batong nagbabagsakan sa lupa. Malayo sa mga pangungutsya at pagsisigaw na KALISAG… KALISAG… KALISAG… malayo sa mga mapanuring pagmatsag na walang ibang kayang gawin kung hindi mangutsa at may ngiti pa sa mga labi.  Hanggang sa tumama sa kanyang ulo ang isang bato at bumagsak siya sa maputik na daan. Sumubsob ang kanyang ulo sa putikan.  Lumapit ang mga ito sa kanya, tinigilan nila ang pambabato gayong sinimulan siya nang mga ito pagsisipain. Bumabaon sa kanyang alaala. Sinubukan niyang maglaban. Kinagat niya ang isang paa na gustong sumipa sa kanya. Hinawakan niya ang isa nang mahigpit, bumangon siya at bumagsak ito. Sinarado niya ang kanyang mga kamay. Hinigpitan ang kapit sa kanyang mga kamao at nang handa na siyang magpakamatay isang hindi inaasahan ang kanyang nakita. Isang halimaw. Luntian ang mga mata at nagtataglay nang hindi maipintang galit. Lumapit ito sa kanya. Hinarangan nito ang mga umaaway sa kanya at itinago siya nito malayo sa mga ito…malayo sa mga mapanuring mga mata malayo sa mga nag-aalipusta. Iyon ang una nilang pagkikita…Sinabi nito sa kanya kung sa akala niya na kaya niya na ang kanyang sarili ay nagkakamali siya. Sinabi nito sa kanya na wala siyang alam…na wala siyang kayang gawin at hindi niya kayang iligtas ang kanyang sarili sa mga sinomang gustong gumulpi sa kanya. Mahina siya. Tatanda siyang mahina. Mamatay siyang mahina.

Hindi nagtagal narating niya ang tahanan nang kanyang mga kalaban. Nang dumating siya sa tahanan ng mga Harith, unang bumungad sa kanya ang kanyang kapatid. Nang hindi inaasahan, nagulat siya kung ano ang ginagawa nito sa labas nang tahanan nito.

Tinawag niya ang Adi Makbule. Lumingon ito sa kanya. Bumaba siya sa kanyang sinasakyang asong-gubat. Hila ang panali ni Amarok tinanong niya ang Adi Makbule kung bakit.

Lumapit siya dito. Niyakap siya nito…umiiyak sa kanyang balikat. Pinipigilan niyang hindi umiyak. Ayaw niyang malaman nito kung ano ang kahinaan na nararamdaman niya. Ang luha na dumadaloy sa mukha nito, sa ilalim nang mga mata nito na namumuo.

Wika niya, “bakit…” pagpapatuloy niya, “bakit, Makbule!” bulong niya sa kanyang kapatid. Alam niya kung sino ang dahilan nang pag-iyak nito. Nakatitiyak siya ang Hadi Faysal ang may dahilan nang kalungkutan nito— kung hindiman ay ang itinuturing na ama nang kanyang mga pamangkin. Pagod na itong umiyak, pagod na itong umiyak, limang taon na nakakalipas nang huli niya itong makitang umiyak para dito o para dito. Sa Hadi na pinili nito at sa asawang walang ibang ginawa kung hindi saktan ang kanyang kapatid.

Bulong niya sa kanyang kapatid, “alam mo ang gagawin mo! Alam ko alam mo ang gagawin mo…”

Lumingon sa kanya ang Adi Makbule. Sinabi niya sa Adi Makbule na handa niya nang putulin kung anoman ang nag-uugnay na kasunduan sa kanilang mga tahanan. Nagtaka ito…Nagulat. Sinubukan siya nitong pigilan. Wika nito sa kanya, “huwag…huwag!”

Ngunit kumawala siya sa pagkakayakap nito sa kanya at humingi siya nang tawad sa kanyang kapatid. Iniwan niya ito…pinakawalan niya si Amarok sa kanyang kamay at pumasok siya sa loob nang tahanan ng mga Harith kung saan naghihintay sa kanyang pagdating ang Hadi Mahdi na nasa loob nang pamosong pabilyo nito.

Nagtuloy-tuloy siya sa kanyang paglalakad at nang makita siya nang Hadi Mahdi na papalapit dito ngumiti ito sa kanya. Wika nito sa kanya, “HADEZAR!” nang malakas at puno ng buhay ang pagtawag nito sa kanya na walaman lamang kaalamalam sa mga mangyayari ngayong araw.   Lumapit ito sa kanya nakabukas ang mga kamay at handa sa pagyakap.

Sa kanyang paglapit niyakap siya nito. Kinamusta niya ito.

Kinamusta siya nito. Sinabi niyang mabuti ang kanyang kalagayan at ganon din ang kanyang asawa.

Sinabi nito sa kanya na mabuti naman kung ganon.

Nagpalasamat siya sa inihandog nitong hapunan para sa kanilang dalawa nang Adi Hikmet.

Sinabi nang Hadi Mahdi sa kanya na wala itong dapat na ihingi nang pagpapasalamat dahil katungkulan nito ang maging mabuting punong-abala ng tahanan nito. Hinawakan nito ang kanyang kamay. Nakipagkamay ito sa kanya. Nagkadaupang palad ang kanilang mga kamay. At nang hindi pa nito pinalalagpas ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay tinanong siya nito at sinabing, “maiba ako ano nga pala ang ginagawa mo dito Hadi Yasir?”

Tugon niya, “maaari ba tayong mag-usap Hadi Mahdi?”

Ngumiti ito sa kanya. Pumayag ito sa kanyang alok.

Pinaupo siya nito sa isa mga upuang nasa loob nang pabilyo ng mga Harith. Pagkaupo tinanong siya nito na kung ganon ano ang maipaglilingkod nito sa kanya.

Wika niya, “ang totoo iyan—” Umupo ito sa kanyang tabi. Pagpapatuloy niya, “alam niyo na para ko na kayong ama. Na higit kaninoman inaalagaan niyo ang aming tahanan higit pa sa inaasahan. Naaalala niyo po ba kung ano ang sinabi niyo sa akin matapos akong maging Hadezar. Sinabi niyo sa akin na kung anoman ang gusto kong hilingin sa inyo ay maaari ho akong maging tapat sa inyo at sabihin kung anoman ang gusto ko.”

Nawala ang kanyang pansin sa Hadi Mahdi, nakita niya ang kanyang asawa na papasok sa pabilyo. Nakita niyang tumango-tango ito sa kanya bilang pagtalima sa kung anoman ang kanyang gagawin.

Wika nang Hadi Mahdi, “sa tingin ko nga at sinabi ko iyan sa iyo. Kung ganon sabihin mo ano gusto mong hingin sa’kin. Lupa na maari mong idagdag sa iyong kinasasakupan? Mga anino na maaaring maglingkod sa iyo?” Umiling-iling siya. Pagtataka nito sa kanya, “kung ganon ano?”

Wika niya, “ang aming kalayaan!”

Nawala ang mapagkunwaring ngiti sa labi ng Hadi Mahdi. Tanong nito sa kanya, “hindi kita maintindihan Hadezar. Bakit mo kailangang hingin sa akin ang inyong kalayaan!”

Wika niya, “gusto kong baliin na ang ugnayang namamagitan sa ating mga tahanan. Gusto ko pakawalan niyo kami mula sa pagsasailalim sa inyong nang kapangyarihan nang mga Harith at ibigay sa amin ang kapangyarihan nang pamumuno sa aming kinasasakupang lupain nang hindi na kinakailangan pa nang sumangguni sa inyo. O pakialaman niyo pa kami, Hadi Mahdi!”

Ngumiti ang Hadi Mahdi.

Napangisi siya.

Tumayo ito mula sa kinauupuan nito.

Kasabay noon dumating ang Adi Mahvash dala ang mga agahan na pagkain nang mga ito ngayong araw.

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi ko alam na magaling ka palang magpatawa Hadezar!”

Tinawag niya ang Hadi Mahdi. Kasabay noon pumasok sa loob ang Hadi Nasrin kasama ang kanyang mga pamangkin. Nagtaka ito sa kung ano ang nangyayari. Tinawag nito ang kanyang pangalan.

Nakiusap siya sa Hadi Mahdi… Ngunit hindi siya nito pinakinggan sa halip inutusan niya ang kanyang kapatid na kumuha nang palanggana na naglalaman ng malinis na tubig at pamunas upang tanggapin siya sa loob nang tahanan nito.

Bagay na kanyang ginawa g kanyang nakatatandang kapatid.

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi ko alam na gagawin mo sa akin ang bagay na ito…Hadezar…akala ko iba ka sa iyong ina…akala ko hindi mo ko sasaktan tulad nang ginawa nang iyong ina! Ngunit nagkamali ako…kaya mo ba pinakasalan ang Adi Hikmet? Kaya ka ba nag-asawa dahil buong buhay mo wala kang inisip kung hindi paghigantihan kami?”

Umupo ito sa dulo nang lamesa. Nanatili siyang nakaupo at hinihintay ang kanyang pagtanggap sa mga ito.

Wika nang Hadi Mahdi sa kanya, “ginawa ko kung ano ang kinakailangan kong gawin para sa inyong tahanan. Para umangat kayo…ikaw ano ang kaya mong gawin para sa inyong tahanan?”

Hindi siya kumibo.

Sa pagbabalik ng Adi Makbule hinugasan nito ang kanyang mga paa. Tinanggap siya nang tahanan ng mga Harith at pagkatapos nito inutusan siya nang Hadi Mahdi na sundan siya sa loob nang tahanan mga Harith bagay na kayang ginawa.

Nilisan niya ang pabilyo na may ngisi sa Hadi Nasrin at kalungkutan sa mukha nang kanyang kapatid. Pumasok sila sa loob nang bulwagan ng tahanan. Sa pagpasok nila pinakita nito sa kanya ang mga nakaukit na larawan sa dingding ng bulwagang silid.

Tinanong siya nito, “tignan mo, ano ang nakikita mo?”

Binaling niya ang kanyang atensyon sa mga nakapalibot na dingding nang bulwagan.

Wika niya, “mga larawan…nang inyong pagbagsak, siguro nang inyong pag-angat!”

Wika nang Hadi Mahdi, “mga larawan lamang iyan Hadi Yasir. Wala nang iba pa…sa tingin mo kapag nakipaghiwalay kayo sa aming pakikipag-ugnayan mailalagay niyo sa mga bato niyong dingding kung ano ang iyong ginawa at papaano kayo nagtagumpay?  Hindi sa tingin ko…walang halaga ang kasaysayan sa hindi marunong lumingon sa pinanggalingan. Sa inyo isa lamang itong pabigat!”

Wika nang Hadi Yasir, “hindi ho Hadezar…Inuulit ko gusto kong baliin—ang ugnayan nang tahanan ng Barakat at tahanan ng mga Harith. Hadi Mahdi. Ang aming kalayaan ang nakasalalay dito. Ang hayaan kaming gumawa nang sarili naming pagkakamali at matuto!”

Wika nang Hadi Mahdi, “bakit?”

Wika niya sa kapwa niya Hadezar, “dahil patay na ang aking ina at tapos na ang kasunduan nang dalawang tahanan na ibibigay namin sa inyo ang katapatan nito at maging ang kalayaan nang sinomang mamumuno dito. Ako at ang mga susunod pa. Ako na ang Hadezar, hindi aking ina.”

Tinignan siya nang Hadi Mahdi nang mata sa mata at tinignan siya nito na nakatitiyak na inaasahan na nitong mangyari ang lahat nang kanyang kinatatakutan.

Umiling-iling ang Hadi Mahdi. Wika nito sa kanya, “hindi”

Tugon niya, “naiintindihan ko. Babalik na lang ako sa ibang pagkakataon!”

Tumalikod siya dito at sa banta nang kanyang pag-alis. Wika nang Hadi Mahdi sa kanya, “gusto ko lamang ipaalala sa iyo kung papaano bumagsak ang inyong tahanan sa dalawang magkasunod na panahon.”

Nang marinig niya ito lumingon siya banta nang kanyang pag-alis. Muli nabaling ang kanyang pansin sa kanyang kalaban. Wala siyang nagawa kung hindi manahimik. Alam niya na nagkamali siya…na walang ibang dapat sisihin sa pagkakamaling ito kung hindi siya.

Wika niya, “hindi na kailangan pa Hadezar!”

Umiling-iling ang Hadi Mahdi. Wika nito sa kanya, “mukhang hindi tayo nagkakaintindihan Hadezar. Hayaan mong ipaalala ko sa iyo kung papaano bumagsak ang tahanan nang mga Barakat. Ang una ay hindi malinaw sa akin pero sa pagkakaalam ko nang bumagsak sa unang pagkakataon ang inyong tahanan ay nang pakasalan nang iyong ama ang babaeng hindi karapatdapat na mapabilang sa isang magiting na tahanan at tanggihan ang alok nang Ardashir sa isang kasal. Sabihin mo sa akin, hindi naman ako ang nakakaalam nang inyong kasaysayan ano nga pala ang nangyari sa babaeng Ardashir?”

Wika nang Hadi Yasir, “itinakwil siya nang Hadi Khalil!”

Pagpapatuloy nang Hadi Mahdi, “naging isa siyang Kalisag. Isang hindi matatawarang salita, ang sukdulang panghahamak para sa isang mabigat na pagkakamali nang isang Jingkar sa kapwa nito Jingkar. Ang pinakamalugpog. Hindi ba Hadi Yasir! Natatandaan ko nang bumagsak sa ikalawang pagkakataon ang tahanan ng mga Barakat marami ang namatay sa inyong tahanan. Walang halos natira, maliban sa inyo nang iyong ina at nang iyong mga kapatid. Itiknawil kayo nang mga may-ari nang lupa na nasa ilalim nang inyong pamumuno sa sarili niyong pamamahay. Kung saan-saan kayo nagpalabuylaboy. Nagtago sa mga humahabol sa inyo na gusto kayong patayin, hindi ba? Walang tumulong sa inyo—maliban sa isa, kami. Kami ang tumulong sa inyo upang muli kayong makabangon. Itinuring kitang anak Hadi Yasir pero dinurog mo ang puso ko ngayong araw.”

Hindi siya natinag sa sinabi nang Hadi Mahdi. Inasahan niya na mangyayari ito. Wika nang Hadi Yasir sa Hadi Mahdi, “patawarin mo ako Hadi Mahdi pero hindi magbabago ang aking pasya.”

Wika nang Hadi Mahdi, “patawarin mo rin ako Hadi Yasir pero hindi namin kayo pwedeng pakawalan!”

Tumangotango siya kasabay noon tinalikuran niya ito at saka nagpaalam sa Hadi Mahdi. Lumabas siya sa loob nang bulwagang silid.

Nakita niya ang kanyang kapatid kasama ang asawa nito at mga anak. Nakita niya ang Adi Mahvash sa loob ng pamosong pabilyo. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad. Nakita niya ang Adi Dilshed na nakadungaw sa pasilyong nasa labas nang silid nito.

Nagbigay siya nang paggalang sa Adi Dilshed bagay na tinanggap nito.

Binuksan niya ang lagusan nang tahanan ng mga Harith at sa kanyang paglabas nakita niya na naghihintay sa kanya si Amarok na nakahiga sa buhanginan. Lumapit siya dito. Sumakay siya at sa kanyang pagsakay agad niyang nilisan ang kinasasakupang lupain nang tahanan ng mga Harith.

Muli tinahak niya ang malawak na baybayin ng dalampasigan, ang nag-eekis na daan pabalik sa kanyang tahanan at sa kanyang paglalakbay hindi niya maiwasan ang makaramdam nang pagkatalo.

Pero hindi ito pagkatalo.

Ang pagtangging ginawa sa kanya nang Hadi Mahdi ay hindi maituturing na isang kabiguan bagkus ito ay kabalintunaan at naayon sa kanyang mga binabalak. Ngumiti siya kasabay noon nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay.

Advertisements

2 thoughts on “KABANATA LABING-ISA:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s