KABANATA LABING-DALAWA:

ANG HINDI MAIKAKAILANG KAGULUHAN 

Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay pabalik sa kanyang kinalakihang tahanan, pabalik sa kanyang asawa, sa kanyang liyaw at sa kanyang mga alagang hayop. Alam niya na sa mahabang panahon na pagkakakilala sa Hadi Mahdi ito ang inaasahang mangyari. Binalaan na siya nang Hadi Walid. Alam nang Hadi Walid na ganito ang mapapala niya, kahit ang kanyang asawa. Hindi siya nakinig dahil sa tingin niya ito ang tama, ang kausapin ito bago magsimula ang hindi inaasahang kaguluhan, sa kanya laban sa tahanan nang mga Harith.

Maaaring sabihing ISA ITONG PAGKATALO…siguro nga isa itong pagkatalo, sa kapayapaan na manaig, sa kabuktutan na masawi. Sa kaguluhan na hindi mangyari. ISA ITONG PAGKATALO nang katwiran laban sa kasakiman. ISA ITONG PAGKATALO nang tama sa masmali. Ngayon anong tama ang maibibigay nang isang pagkakamali na nagsisimula nang magwagi? Pagkatalo man ito pero hindi ito ang kabiguan. Hindi sa kanya. Higit na hindi sa kaninoman. Alam niya sa kanyang sarili na nagsisimula pa lamang siya…

Nagsimula ang lahat sa kadiliman nang gabi. Sa loob nang mapanglaw na kakahuyan. Sa mga nilalang na balatkayo at balot ang buong katawan nang hiwaga. Ang kanilang anyo, hugis at itsura ay nababalutan nang mga halaman, mga tangkay at sanga, balahibo nang mga ibon, balat nang mga hayop. Kilala sa iba’t ibang taguri, sa ngalang sila lamang ang nakakaalam. Ang Inang-Buwan na pinuno nang nakararami, ang Mangangaso, ang Mahinhing-Dalagang may alagang ruwisenyor, ang Mapaghapis na matanda, ang pilantod na Mangingisda, ang Tabil na may kwintas nang mga tenga, ang Magpapanday, ang nakaitim, at ang amang-araw.  Umalis ang Jingkar at nagtungo sa kakahuyan. Nakiusap na kung maaari ay gawing Hadezar ang kanyang anak…pumayag ang mga ito bagkus ay may kapalit, ialay ito sa kanila bagay na ginawa nang ina. Matapos ang mahigit dalawampung taon namatay ang ina sa hindi nalalamang kadahilan. Sa libing nang ina hiniling nang anak sa mga sumasamba sa kapangyarihan nang liwanag nang buwan na hayaan nitong pabagsakin ang mga kalaban nito. Tinanong nang mananamba kung sigurado ito gayong walang salita ang lumabas sa namatayang anak. Tiniyak nito ang kagustuhan sa hiling na dasal na pinagbigyan. Hindi naglaon naging Hadezar ang anak at anak ay nakapangasawa na nagmula iisang pinagmulan, sa mga nilalang na sumasamba sa kapangyarihan nang liwanag nang buwan.

Sakay kay Amarok nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay. Binaybay niya ang kahabaan nang dalampasigan. Dumaan sa mga lupaing kinasasakupan ng mga Harith. Ang nag-eekis na daan at ang malawak na sakahan ng mga puno ng jaboticaba na hindi kalayuan ay matatanaw ang kanyang mumunting kaharian. Sa kanyang paglalakbay nakita niya ang Hadi Ogeyerg na naglalakad sa gilid nang daanan, isa ito sa mga may-ari nang lupa na nasa ilalim nang kanyang pamumuno at mga tanim na mga jaboticaba, sa paglapit niya dito binagalan niya ang pagpapatakbo kay Amarok. Tinawag niya ang Hadi Ogeyerg.  Kasabay nito lumingon ito sa kanya. Tumigil sa paglalakad at sa kanyang pagbaling nang atensyon sa mabuting may-ari nang lupa agad itong nagbigay nang paggalang sa kanya.

Wika nang Hadi Ogeyerg, “iyi’owuro Hadezar!”

Bumaba siya kay Amarok. Sa pagbaba niya sa asong-gubat lumapit siya dito habang hawak ang ulo nang asong-gubat sa isa niyang kamay at ang panali nito sa isa niya pang kamay. Wika niya, “salamat Hadi! Bagamat nag-aalala akong hindi mapagpala ang araw na ito. Maaari ba akong magtanong sa iyo?” Tumango-tango ang Hadi Ogeyerg. “nagpunta na ba sa inyo ang aking Adi Hikmet?”

Nagtaka ito sa kanya gayong sa pag-aalala nito tinuran nito na umalis ang kanyang asawa nang hindi kasama ni nagpapaalam. Bagay na kanyang itinanggi. Pagtatanong nito sa kanya, “Bakit Hadezar!”

Nang may ngiti sinabi niya na wala at sadyang nagtataka lamang siya. Sinabi niya dito na wala siyang dapat na ipag-alala sa Adi Hikmet o sa kanya magkagayonman kinamusta niya ang may-ari nang lupa.

Sinabi nito sa kanya na mabuti naman ang kalagayan nito…

Gayong pinagtakahan niya at kinamusta ang ani nito. At sinabi nito sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala, tuloy-tuloy ang pagbubunga nang mga jaboticaba matapos ang pag-aani sa nakaraang araw at ang mga inani ay maaari nang ikalakal at iluwas sa Ja’khar sa darating na mga araw.

Bagay na kanyang nagustuhan. Sinabi niya, “mabuti naman kung ganon!”

Pinakawalan niya sa isa niyang kamay ang si Amarok. Iniabot niya ang kanyang kamay sa Hadi Ogeyerg at pagbibigay niya dito nang kabutihan sa pagiging mabuti nitong pakikipagtalastasan sa kanya sa pamamagitan nang pakikipagkamay nagpasalamat siya dito.

Gayong sabi nang matanda sa kanya ito ang dapat tumanaw nang pasasalamat sa kanyang pakikipag-usap dito.

Bago siya tuluyang umalis tinanong siya nito kung ano nga pala ang ginagawa niya dito…

Nagtaka siya. Ngumiti siya. Inilagay niya ang kanyang kamay sa balikat nang matanda at sinabing pumunta siya sa tahanan nang mga Harith upang hingin ang pagputol sa ugnayang namamagitan sa kanilang mga tahanan.

Bagay na ikinagulat nang matandang Ogeyerg. Tanong nito sa kanya, “totoo ba ito?”

Wika niya, “sa kasamaang palad totoo…” Magkagayonman hindi siya pinagbigyan nito at nangangamba siya na baka balikan siya nang Hadi Mahdi at nang tahanan nang mga Harith at madamay ang kanyang asawa at magiging mag-ina.

Tinanong siya nito kung mayroon siyang maitutulong. Gayong sinang-ayunan niya ito at tinanong dito kung maaari ba siya nitong pagbigyan na magamit ang isang bahagi nang lugar kung saan upang maaari niyang kausapin nang walang sinomang nakakaalam ang mga may-ari nang lupa na nasa lalim ng kanyang patnugot.

Ngunit tumanggi ito sa kahit anong nalalamang lugar sa kinasasakupan nitong lupain kung saan sila maaaring makapag-usap at lahat ng mga may-ari nang lupa na nasa ilalim ng kanyang patnugot sa takot na baka madamay ang tahanan nito at gayong wala nang espasyo pa na sapat para sa higit na nakararami, sa kahit anong bilang. Magkagayonman na wala itong gayong pinang-aariang lugar sinabi naman nito sa kanya na mayroon itong alam na lugar na sapat sa kanila upang mag-usap nang walang sinoman ang nakakaalam.  Sinabi nito sa kanya na may isang malaking kubol na hindi ginagamit ang makikita malapit sa taniman nang mga halamang kohlrabi. Sinabi nito sa kanya na nagtataglay ito nang isang palapag, walang kisame, walang mga pintuan ni saraduhan ng mga durangaw.

Tinanong niya ito kung papaano ito nalaman.

Gayong tumanggi ito at sinabing iyon ang dahilan, walang sinoman ang nakakaalam sa lugar na ito. Nakikita, napapansin ngunit hindi pinangangahasan.

Kasunod noon tinanong niya kung sino ang may-ari nito at sinabi nito sa kanya na matagal nang patay ang may-ari nang maliit na tahanan matapos ang nagdaang masamang panahong tumama sa kanilang bayan.

Bagay na kanyang pinasalamatan. Tinanong niya ito kung maaari ba siya nitong dalhin sa nasabing lugar bagay na ginawa nito. Sakay sa asong-gubat tinahak nila ang daan patungo sa taniman ng mga kohlrabi hindi kalayuan sa kinasasakupang lupain ng tahanan ng mga Parvana.

Nakita niya ang nasabing lugar. Tama ang tinuran ng matanda isang kubol na may isang palapag, malawak at malaki. Walang mga kisame at bubong ni mga pintuan at saraduhan ng mga bintana. Nang dalhin siya nito dito agad silang pumasok sa loob. Hindi maikakaila na isa itong lumang tahanan.

Sinabi niya na marami na siyang nasabing pasasalamat sa matandang hadi datapwat nangangamba siya na hindi pa natatapos ang kanyang pasasalamat. Gayong tinanong siya nito ano pa ng maipaglilingkod niya. Sinabi niya na tawagin nito ang lahat nang kakilala nito, kung maaari, lahat nang may-ari nang lupa na nasa ilalim nang kanyang pamumuno. Iyong mga nagtatanim nang mais at rimas na malapit sa kanyang tahanan, iyong mga nag-aalaga nang mga hayop at nagpaparami sa mga ahas na Markupo kahit maging iyong malapit sa tabing-ilog na nagtatanim nang mga Cafir at mga puno nang buri. Gusto niyang kausapin ang mga ito at hikayatin na tulungan siya para sa takot sa banta s kanyang asawa, para sa kaligtasan nang kanyang mag-ina at magiging anak.

Sumang-ayon ito sa kanya. Sinabi nito sa kanya na gagawin nito ang lahat nang makakaya nito upang makumbinsi ang mga ito na sumama sa kanya at makibahagi sa kanyang hangarin laban sa tahanan ng mga Harith. Kasunod noon iniwan siya nitong nag-iisa sa loob ng nasabing lugar.

Kung hindi niya madadaan ang Hadi Mahdi sa pakiusapan dadaanin niya ito sa hidwaan nang mga nasasakupan…ito ang kanyang binabalak. Ito ang tanging paraan na naiisip niya para maipakita niya sa kanyang mga kalaban na hindi siya dapat nang mga ito na binabaliwala.

Sa pag-alis nito pinakawalan niya si Amarok sa pagkakatali nito sa haligi nang tahanan. Pinapasok niya ito sa loob at sa kanilang paghihintay isinandal niya ang kanyang sarili sa pagkakahiga nang alagang hayop sa sahig nang abandonadong bahay.

Sinabi niya kay Amarok ang kanyang mga pangamba…

Umungol ito na mistulang kinakausap siya nito sa salitang hindi niya alam datapwat malinaw at naiintindihan niya.

Sinabi niya dito ang kanyang kinatatakutan, na baka umatras ang matanda at hindi nito gawin kung anoman ang sinabi nito sa kanya na pagkumbinsi sa mga may-ari nang lupa na makapag-usap sa kanya tungkol sa kanyang binabalak laban sa tahanan nang mga Harith.

Tumahol si Amarok sa kanya.

 Lalo pa nangangamba siya na malaman ito nang kanyang mga kalaban, agapan ang kanyang mga binabalak, higit pa malaman ito ng kanyang asawa.

Muli tumahol si Amarok sa dalawang magkasunod na pagkakataon…

Sinabi niya siguro nga hindi datapwat malaki pa rin ang pagkakataon na mangyari ito.

Hindi nagtagal nakaidlip siya.

Nagsimula ang lahat sa kadiliman nang gabi, sa loob nang mapanglaw na kakahuyan. Sa mga nilalang na nakabalatkayo at balot ang buong katawan nang hiwaga na hindi maitatanggi. Lumapit ang isang ina sa mga nilalang na ganito ang itsura at nagtitipon sa mapanglaw na kakahuyan sa Kambal na mga Bato kung saan itinatakda ang kapalaran nang sinoman. Nakiusap ito sa mga ito na gawing hadezar ang anak nito. Pumayag ang mga ito ngunit kapalit noon hiningi nang mga ito dito na ialay ang anak nito sa minimithing kagustuhan at layunin nang samahan, bagay na ginawa nito… Ibinigay nito ang pangangalaga sa anak nito. Tinanggap ito at itinuring na bahagi nang paniniwala. Hanggang sa lumaki sa pangangalaga nang mga ito, tumanda at nagkaisip nanatili pa rin ito sa pamamanata nang mga sumasamba sa kapangyarihan nang liwanag ng buwan…

Nakarinig siya nang tinig…sa pagdilat nang kanyang mga mata nakita niya ang matanda na kausap niya kanina. Sinabi nito sa kanya na nakausap na nito ang mga may-ari nang lupa at pumayag ang iilan na pumunta at makapag-usap sa kanya. Nagpasalamat siya tulong nito sa kanya.

Umupo ito sa kanyang tabi Tinanong nito sa kanya kung ano ang kanyang binabalak…sinabi niya hindi niya pa alam kung ano ang gagawin niya pero hanggang maaari gusto niyang pangalagaan ang kanyang asawa at iligtas ito sa banta nang mga Harith.

Sinabi nito sa kanya na alam na ito nang halos lahat…kung ano ang ginawa niya ang pagpunta niya sa tahanan ang mga harith at kausapin ito at hingin sa Hadezar sa nang tahanan nang mga Harith ang kagustuhan niyang pagputol sa ugnayan nang mga ito.

Sinabi niya sa Hadi Ogeyerg na ang bilis nang pagkalat nang balita.

Datapwat itinanggi ito nang Hadi Ogeyerg at tinuran nito na hindi sa mga bulungbulungan nalaman ang kanyang ginawa bagkus sa kanyang asawa sa pagsabi nito sa Hadi Baaru na may-ari nang mga tanim nang mga halaman ng Rimas.

Humingi siya nang tawad sa matanda…magkagayonman pinaalala nito sa kanya na kailangan na nilang maghanda at sumang-ayon siya. Hindi nagtagal nagsimula nang magtipontipon ang mga may-ari nang lupa sa loob nang abandonadong tahanan, ngayong gabi.  Sa pagpasok nang ilang mga kakilala nadatnan siya nito na naghihintay sa kanila habang inaalagaan niya si Amarok, ang itim na asong-gubat.

Sa pagtayo niya kasabay namang pumasok nang mga ito saloob nang tahanan. Isa-isang nagbigay nang pambungad na pamitagan ang mga ito sa kanya bagay na kanyang binalikan nang pambungad na pamitagan. Nang mabuo na ang lahat nang gabing ito, habang mistulan pa rin mataas ang sikat nang araw, nakahiga sa sahig sa kanyang likuran si Amarok, nagmamasid sa mga nagsisimulang pumasok na mga may-ari nang lupa at umaaligid.

Umungol si Amarok nagbabanta nang paglapa nang higanteng aso na mistulang oso, masbalingkinitan ang katawan, masmabulas ang mga biyas at nagtataglay nang maspino at itim na mga balahibo na may dilaw na mga mata. Nagtuloytuloy ito hanggang lumayo ang mga nakakalat sa paligid nang ambandonadong tahanan at pumasok sa loob.

Nandito ang kanyang mga kakilala. Ang buong tahanan ng may-ari nang taniman nang mga Jaboticaba, kasama dalawa nitong mga anak; Ang Hadi Baaru na may-ari nang taniman nang mga puno nang Rimas kasama ang mga anak niyang lalake; Ang mga may-ari nang sakahan ng mga puno ng buri at uway; ang mga halamang kohlrabi; at ang mga may-ari ng lupa nang sakahan ng mga mais liban lamang sa Hadi Abusta bagamat pinahintulutan nang tahanan nito ang pagpunta sa nakatatanda nitong anak na si Hadi Eno.

Nang gabing ito nagsimula na ang pagpupulong nang mga may-ari nang lupa. Hindi maikakaila sa kanya na hindi niya inaasahan na ganito karami ang mga darating sa pagpupulong. Inakala niya na iilan lamang gayong ang dami nang nandito ay nasa limampung katao…nagmula sa iilang mga may-ari nang lupa na nasa ilalim nang patnugot at pamumuno nang kanyang tahanan, maging ang mga manggagawa na nasa ilalim nang mga pamumuno nang mga ito.

Nagpasalamat siya sa pagdating nang mga ito. Wika niya, “hindi ko alam na ganito karami ang darating. Siguro nagtataka kayo bakit kayo nandito. Alam ko ang ilan sa inyo alam na ang aking ginawa. Ang pagbali sa kung anomang ugnayan ang namamagitan sa amin nang tahanan ng mga Harith. Siguro ang ilan sa inyo alam na ang nangyari sa aming tahanan at sa tahanan nang mga Harith. Ngunit sa mga hindi pa nakakaalam ikinalulungkot kong sabihin hindi kami pinagbigyan nang Adi Hikmet na baliin ang ugnayan nang aming mga tahanan. Ngayon nagtatakda kayo at tinatanong niyo sa inyong mga sarili bakit ko ito ginawa! Ang totoo maraming dahilan…marami na ang nangyari para hindi ito hindi gawin. At ang isa sa mga dahilang iyon ay aking asawa. Kilala niyo siya…nakilala niyo siya at hindi maitatanggi ang mga itinuro niya sa atin at ang mga ibinigay niya sa atin. Alam ko ang iba sa inyo magagalit sa aking ginawa…o kung malaman niyo na ngayon hindi nagtagumpay ang paghingi ko sa Hadi Mahdi nang pagputol nang aming ugnayan at gawing malaya ang aking lupain malayo sa kanyang pamumuno ay manghihinayang at matatakot kayo kung ano na lamang ang maaaring mangyari sa amin, sa inyo. Pinapangako ko sa inyo na walang magbabagong kahit ano, iyan ang aking isinusuguro sa ko—” 

Wika nang Hadi Baaru, “Hadezar…hindi naman lingid sa amin kung ano ang inyong ginawa. Ngunit nangangamba kami na sa ginawa mo madamay aming mga lupain. Lubos, parang hindi natin kilala kung ano ang pagkatao nang Hadi Mahdi…sa mga sinoman ang nakakaalam na nandito ngayon alam namin kung ano at sino ang binabando mo Hadezar.”

Tugon niya, “alam ko…isa iyong pagkakamali na kinakailangan kong bayaran. Pinagbantaan nila ang aming tahanan. Pinagbantaan nila ang aking asawa at ang aking magiging anak. Na gagawin nila ang lahat upang mapabagsak lamang kami at bumalik sa pagiging Kalisag ang aking tahanan, ang aking asawa at magiging anak. Iyon ang katotohanan. Tama ang iyong sinabi, Hadi Baaru…makatwirang Hadezar ang Hadi Mahdi, iyon ay hindi maikakaila sa kanya ngunit hindi rin maitatanggi na mahirap silang kalaban, tama ang iyong sinabi. At iyon ay isang pagkakamali na nagawa ko… Pero hindi rin naman lingid sa inyo na matagal na kaming pinagbantaan nang tahanan ng mga Harith, lalong-lalo na ang Hadi Mahdi. Sinabi niya sa akin na hindi niya gusto ang Adi Hikmet…hindi niya gusto kung anoman ang ginagawa nito sa ating lahat. Hindi ako natatakot sa kung ano ang kaya niyang gawin laban sa akin pero natatakot ako sa kung ano ang kaya niyang gawin sa aking asawa at magiging anak—may isang Adi na nangahas na pumasok sa aking tahanan at saktan ang aking asawa at magiging anak matapos na malaman na nagdadalang-tao ang Adi Hikmet. Ayokong malaman niyo ito, hindi namin hangad nang aking asawa na malaman niyo ito. Ang suliranin naming mag-asawa ay suliranin namin. Bagamat pinagbantaan niya ang aking asawa. Nangahas siyang pumasok sa aming tahanan sa gitna nang gabi habang tulog na ang lahat. Nasaan ang kaligtasan doon? Kailangan ko ang tulong niyo, ngayon, hindi para sa akin kung hindi para sa aking asawa, sa Adi Hikmet.  Kung ako lang ayoko kayong madamay!”

Narinig niyang nagsalita ang Hadi Eno. Wika nito, “sinabi nang aking ama na ang unang tungkulin nang isang Hadezar ay pangalagaan ang nasa ilalim nang pinapatnugunan nito. Pero sinabi niya rin sa akin na ang lahat nang Jingkar ay dapat pantay-pantay…walang masmataas o masmababa!”

Wika nang Hadi Ogeyerg, “ang mahirap lamang…at ang nakakatakot ay baka magkaroon nang kaguluhan sa atin! Ayokong ninoman ay madamay sa ganitong kaguluhan!”

Tugon niya, “alam ko iyon Hadi Ogeyerg. Hindi ko hinihingi ang inyong tulong…ang sa akin ay pag-unawa. Huwag na sa akin pero para sa aking asawa, sa Adi Hikmet sa batang walang muwang sa kung ano ang nangyayari sa ating lipunang ginagalawan. Darating siya dito. Gagawin niya kung ano ang gusto niya. Sasaktan niya ang aking asawa. Ang aming anak. Makatiyak lamang na hindi niya sa akin makukuha ang hustong pamumuno at patnugot nang aking tahanan! Minsan niya na akong pinagbantaan. Minsan nang nanganib ang buhay nang aking asawa! Ayoko lang iyong mangyari…lalo na kung mangyayari iyon sa Adi Hikmet!”

Nagsimula ang lahat sa ganito rin kadilim sa loob nang mapanglaw na kakahuyan habang naglalakbay ang isang ina bitbit ang kanyang bunsong anak patungo sa kambal na Bato mahigit dalawampung taon na nakakalipas. Hiniling niya sa mga nilalang na nakabalatkayo na gawing Hadezar ang kanyang anak. Pumayag ang mga ito nang may kapalit bagay na tinanggap nang ina at napilitan itong ibigay ang pitong taong gulang na anak sa mga ito. Inalay nang mga ito ang anak sa kambal na mga bato. Nagmakaawa ang bata na huwag itong ibigay nang ina nito sa mga nakakatakot na nilalang… ngunit hindi nakinig ang ina sa anak nito. Bagkus   Pinahiga nila ang bata sa lupa at Sinugatan ang hita nito at dugo sa patalim ang inalay sa mga diyos na naninirhan sa ibabaw nang kalangitan. Ilang buwan lamang ang nakakalipas dumating isang matanda sa tahanan nang mga-ina at hiningi ang kamay nito at ang pangangalaga dito.

Nang gabing ito bumalik siya sa kanyang tahanan. Nagsimula nang maliwanag ang kanyang tahanan habang ang lahat nang mga nakapalibot sa kanya ay mga aninong nagtatago at hindi matanaw. Nagsisimulang bumigat ang kanyang mga mata, tumulo ang mga luha dito at ang isa ay bumagsak sa kanyang kamay at bumahid sa kanyang pisngi. Sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya babalik pa sa nakaraan…na tapos na ang panahong pinag-aralan niya at natutunan ang kahalagahan nang kanilang kahapon. Panahon na upang manatili sa kasalukuyang. Alam niya sa kanyang sarili na magkakaroon nang mga pagkakataong babalik siya sa kanyang pinanggalingan bagkus ito ang mga pagkakataong kinakailangan niyang alalahanin at tignan ang mga maling nagawa upang itama.

Sa pagbalik niya sa tahanan ng mga Barakat. Bumukas ang lagusan sa loob nang yungib ng mga tahanan papasok sa loob nang kanyang pamamahay. Sa pagpasok niya nakita niya sa ang Hadi Walid na hanggang ngayon ay binabantayan pa rin ang kanyang asawa. Lumapit siya dito.

Hinanap niya ang Adi Hikmet. Sinabi nito sa kanya na hindi siya nakatitiyak sa kung nasaan ito sa mga sumandaling ito…

Tumango-tango siya. Kasunod noon iniwan niya ito at nagtungo sa isa sa mga imbakan. Kinuha niya ang isang martilyong pangmaso at nagtungo sa kanilang silid na mag-asawa. Sa loob nang silid nilang mag-asawa, nakita niya ang mukha nang kanyang ina na nakaukit sa dingding nang silid, ang pag-angat nito bilang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat na isang malaking kasinungalingan.

 Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi magalit dito… sa pagkabigo sa kanyang tahanan…sa mga nangyayari ngayon, gusto niyang sisihin ito pero alam niyang wala itong nagawang malaking pagkakamali. Na ang totoo iyan ay naiintindihan at nauunawaan niya pa ito.

Hinubad niya ang singsing nang kanyang ina sa kanyang daliri. Tinanggal niya ang kanyang suot na Báta. Inilapag ito sa mataas na lamesa. Inurong ang kanilang kamang mag-asawa kinuha ang martilyong nakasandal sa dingding at sinimulang iwasiwas ang hawak na martilyo sa dingding kung saan nakaukit ang larawan nang pag-angat nang kanyang ina. Winasak ang mukha nito. Sinira ang larawan. Tinampalasan ang mga ukit na nagpapakita nang pagbagsak at huwad na pag-angat nang kanilang tahanan.

Hindi ito totoo… isa itong kasinungalingan. Ang pagiging Hadezar nang kanyang ina. Ang kanyang pagiging Hadezar. Bumagsak ang kanilang tahanan, tinulungan sila nang mga Harith ngunit kahit kailan hindi pa rin sila nakakaahon sa kanilang pagbagsak. Mananatili silang mga Kalisag hanggang nasa ilalim sila nang impluwensya nang tahanan ng mga Harith, nang kanyang mga kalaban. Muli niyang iwinasiwas ang martilyo kasabay nito nagkalamat ang buong dingding. Bumigay sa pagkakadikit ang sulyaw sa kanilang silid at bumagsak ito sa lupa. Natapon ang lamang langis. Nagsimulang kumalat ang apoy at Nahagip ang sapin nang kanilang kama.

Sinandal niya ang martilyo sa dingding datapwat bumagsak ito sahig…kinuha ang sapin sa kanilang kama tinanggal ito sa kanilang kamang mag-asawa. Inilapag sa sahig ang bahaging nasusunog at tinapaktapakan ito…Pumasok ang Hadi Walid sa loob nang silid at pinatay nito ang apoy sa sahig ng silid nilang mag-asawa…

Tumawa siya…Tinignan siya nang Adi Hikmet na nag-aalala sa kanya. nagtaka ang Hadi Walid sa kung ano ang nangyayari sa kanya.

Nang gabing ito pinagluto niya nang hapunan ang kanyang asawa at ang Hadi Walid. Hinanda niya ang mga nahuling Tamban sa loob ng kusina na siya mismo ang kumuha mula sa dunaw na matatagpuan sa isa sa mga imbakang kinasasakupan ng kanyang tahanan. Giniliit niya ang ilalim ng ulo nang mga Tamban na nahuli, tinanggal ang mga hasang sa katawan ng mga ito. Hiniwa ang katawan at kinuha ang bituka at lamang-loob sa mismong kaluban na kanyang ginawa sa mga isdang Tamban. Matapos na hindutin, sunod niyang tinanggalan ang mga ito nang palikpik at kinaliskisan ang mga kaliskis. Naglagay siya nang panghiwang nakatagilid sa katawan nang isda bago isinilang sa kawali na una munang pinainitan at nilagyan ng mantika buhat mula sa hayop na tapir. Agad sinimulan niya ang pagluluto nang kanilang hapunan.

Habang naluluto ang mga Tamban, sinimulan niyang hiwain ang bawang, kamatis at sibuyas na kanyang kinuha sa loob nang imbakan. Hiniwahiwa niya ang sibuyas at kamatis sa maliliit na dais. Tinadtad ang bawang at nilusaw ang itlog nang mga pato na kanyang kinuha sa imbakan bago inilagay ang mga ito sa isang kawali kung saan niya iginisa ang mga ito sa mantika at nilagyan nang mga maanghang na pampalasa at nilagyan nang isa at tatlong-kapat na tubig.  Pagkaluto nang isda isinama niya ang mga ito sa gisado at sabay na niluto sa iisang kawali. Matapos na maluto agad niya itong tinanggal sa pagkaluto. Habang hinanda nang kanyang asawa ang kanilang hapunan sa loob ng bulwagan ng tahanan.

Sa kanilang hapunan sinabi nang Adi Hikmet kung gaano ito kasaya na makita sa kanilang maliit na salusalo ang kanyang dating kaibigan. Sinabi nang kanyang asawa sa kanya kung ano ang ginawa nito…kung saan-saan ang mga ito na nag-ikot sa mga may-ari nang lupa na nasa ilalim nang kanyang tahanan, sa mga sakahan nang mga mais, rimas at jaboticaba. Naging mabuti ang pagtanggap nang mga ito sa Hadi Walid gayong, pag-aakala nang Adi Hikmet ay hindi pa ito nakikilala nang ninoman na siyang isang malaking pagkakamali.

Sinabi nang Adi Hikmet sa Hadi Walid na nalaman nitong nakapaglayag ito kasama nang mga Karabana. Kasunod noon tinanong nito ang Hadi Walid kung ano ang ginawa nito sa loob nang tatlong taon na wala ito sa Ja’khar.

Sinabi nito sa kanila na unang nilakbay nito ang Qaa’ur na ilang buwan din ditong nanirhan at hindi nagtagal ay sumama sa paglalayag patungo sa Ka’desh, sa Malawak na Andes nang Kanluran at maging sa mahiwagang Andes nang katimugan. Sinabi nito sa kanila na nakita nito nang malapitan ang mapaminsalang relihiyon na pumipigil sa pag-angat sa Qaa’ur nang mga naninirhan dito at kung bakit ang iba ay minabuting dito unang ipasok ang mga luwas upang iangkat sa ibang andes. Pinaniniwalaan nito na hindi magtatagal na maaari ang Ja’khar ang maging susunod na Qaa’ur datapwat matagal pa bago mangyari gayong nasa pinakahilagang bahagi ito nang Malayang Andes at ganong iba ang ihip nang hangin sa lupaing ito at madalas pang pinipinsala nang malakas na sama nang panahon na idinudulot nang mga kakaibang hangin.

Tinanong nang Adi Hikmet sa kanyang liyaw ang Ka’desh…kung ano ang ipinagkaiba nang Ka’desh sa Ja’khar.

Sinabi nang Hadi Walid sa kanila na wala namang ipinagkaiba ang Ka’desh at ang Ja’khar. Kapwa parehong silanganing mga bayan at lipunan, walang ipinagkaiba sa isa’t isa liban lamang sa mga kaugalian, paniniwala, kulay nang mga balat na di hamak na masmaitim at ginintuang kulay nang mga mata.

Matapos ang kanilang hapunan nagpasalamat ang Hadi Walid sa mabuting pagtanggap nila dito. Matapos noon agad din itong nagpaalam sa kanila at umalis sa kanilang tahanan.

Sabay silang nagpaalam sa Hadi Walid kasabay nang paglisan nito bumalik silang mag-asawa sa loob nang kanilang tahanan. Dumiretsyo ang Adi Hikmet sa loob nang silid lutuan kung saan ito ang namahala sa paghuhugas nang mga kinainan habang nagtungo siya papasok sa loob nang kanilang silid mag-asawa upang sinimulang linisin ang kalat na iniwan niya sa loob nang kanilang silid.

Kinuha niya ang nabasag na sulyaw sa loob nang silid. inilagay ito sa ibabaw nang isa sa mga matataas na lamesa sa kanilang silid. Kasunod noon sinimulan niyang linisin nang basang pamunas ang itim na dumi na nilikha nang apoy sa sahig na bato nang kanilang silid mag-asawa. kinayod niya ang latak nanatili dito habang ginagawa niya ito narinig niya ang boses nang Adi Hikmet. Dahilan upang mapalingon siya dito.

Nakita siya nito. Napansin nito ang pitak sa dingding nang kanilang silid, ang naurong nilang kama at ang wasak na larawan nang kanyang ina.

Wika nito sa kanya, “hindi ko alam kung bakit mo iyan ginawa”

Wika niya, “maniwala ka…hindi ko rin alam!”

Tanong nito sa kanya, “galit ka ba sa akin?

Nabaling ang pansin niya dito. Umiling-iling siya. Sinabi niya, “hindi…” Kasunod noon tumayo siya sa kanyang pagkakaluhod.

Tanong niya, “galit ka ba sa akin?”

Wika nito sa kanya, “hindi ko alam! —Nag-aalala, oo. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo…Sinabi mong wala akong dapat na ipangamba. pero huwag mo sa aking sabihin na mauuwi lang ang lahat nang ipinangako mo sa wala. Pinaniwalaan kita. Kailangan ko nang sagot Hadi Yasir.”

Sinabi niya sa knayang asawa kung ano ang nangyari sa tahanan nang mga Harith. Kung papaano siya tinanggap nang mga ito at sinabi sa kanya na hindi nito maibibigay ang kanyang hinihinging pagputol nang ugnayan nang dalawang tahanan.

Tanong nang Adi Hikmet sa kanya, “neyi’ö të waye dl’nas’iki banaúnah?” (Jng. Ano na ang mangyayari sa ating dalawa ngayon asawa ko?) Ito ang unang beses niyang narinig na tawagin siya nang Adi Hikmet na kanyang asawa.

Wala siyang maisagot.

Nagsimula ang lahat sa ganito rin, sa mga kabiguan at paghahangad nang higit pa. Sa paghiling nang isang ina sa mga higit na nakakaalam nang hindi nito kayang ibigay para sa mga anak nito sa mga nilalang na nakabalatkayo sa loob nang gubat na mapanglaw, sa Kambal na Bato dalawampung taon na ang nakararaan. Hiniling nito na gawing Hadezar ang anak nito. Pumayag ang mga ito nang may kapalit bagay na tinanggap nito dito. Ibinigay nito ang anak nito sa mga ito. Nagmakaawa anak nito na huwag itong ibigay…umiiyak hinihingi ang kamay habang unti-unti itong lumalayo sa anak. Wala itong nagawa nakuha nito ang gusto nito at para sa anak nito isa itong bangungot.

Dumaan ang mga araw, kasabay nito nalaman nila ang pagbagsak nang Herren’si nang Herren Ixchel sa kamay nang nakababatang kapatid nito na si Malakith na ngayon ang bagong pinuno nang Ka’desh matapos itong tulungan nang mga Banal na mga Mata na sumasamba sa mga Asirvadda na naninirhan sa ilalim nang karagatan at sa ibabaw nang mga Ulap. At pagbabasbas nang Buyuk’Sul sa banal nitong pagpaslang sa kapatid nito.

Ngayon nakakulong ang tatlong asawa nang kapatid nito kasama ang tatlong nakababatang mga anak nito habang hindi mahanap ang tatlong iba na higit na nakatatanda dito.

Tulad nang inaasahan, mabilis na kumalat sa buong Ja’khar ang kanyang ginawang paghingi sa tahanan ng mga Harith. Nalaman ito nang bawat tahanang kabilang at bumubuo sa kalipunan nang mga Hadezar. Umani ito ng batikos at bulongbulungan sa buong Ja’khar. Hindi nagtagal nalaman niya ang ginawang pagpili nang kanyang mga kapatid na kampihan ang mga Harith at ang kakampi nitong Parvana laban sa kanya at sa kanyang tahanan para sa kaligtasan nang mga sarili nito at maging siya at nang kanyang tahanan.

Nang umagang ito, Dinilat niya ang kanyang mga mata. Gumising siyang katabi ang Adi Hikmet. Nakapulupot siya dito habang nakaharap ito sa kanya. Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga sa tabi nang asawa. kinuha niya ang hinubarang bahag. Sinuot ito sa kanyang katawan. Kinuha ang itim na saluwâl at ang itim na Báta na malakaliskis ang pagkakahabi nang tulad sa mga tata’u na nasa kanyang mga braso na nakatahi sa magkabilang balikat nang kanyang suot na pang-itaas, habang malinya at malinis at wala masyadong burda ang buong katawan at likuran ng suot. Sa pagtayo niya agad siyang nagtungo sa loob nang kanilang silid lutuan. Pinaghanda niya ang kanyang asawa nang kanilang magiging agahan.

Inayos niya ang parilyang nakataob at pinagpantaypantay ang uling na itinabi nang Adi Hikmet.

Niluto niya ang rimas sa kawali. Nagluto nang itlog at karne nang tapir. Kasunod nito inayos niya ang gawaang lamesa na nasa gitna nang silid at lumabas upang gisingin ang Adi Hikmet at anyayahan itong mag-agahan.

Nang umagang ito nag-almusal silang dalawa. Nagpasya silang hindi umalis sa kanilang tahanan at linisin ang buong bahay.

Naglaba ang Adi Hikmet nang kanilang mga suot na damit habang tuluyan niyang tinanggal ang larawang nagpapakita nang pag-angat nang kanilang tahanan matapos ang ikalawa nitong pagbagsak sa loob nang silid nilang mag-asawa. Ngayong tuluyan nang naglaho ang halos lahat liban lamang sa pagbagsak nito…

Sinabi sa kanya nang Adi Hikmet na may paparating na bagyo. Napansin niya ang kaaliwasan nang umaga. Ngunit ipinilit nito sa kanya na kakaiba ang hangin, at wala kang maririnig na mga huni nang ibon. Kakaiba din ang nagdaang gabi gayong maaraw na maaraw ngayon habang mapulang-mapula ang langit kinagabihan.

Pinaliguan niya ang mga alagang hayop na nasa gitna nang malawak na lupain nang kanilang tahanan liban lamang si Ijiraq na nasa loob nang bulwagan at kanina pa naligo bago ang tuluyang pagbukang liwayway ngayong umaga kasabay nito nagsampay ang kanyang asawa nang kanilang mga damit sa pasilyo sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan.

Matapos na mapaliguan ang mga asong-gubat sunod niyang nilinis ang kanilang kabahayan.  Tinanggal ang mga agiw at putik sa sahig nang silid. Tinanggal at Nilinis din ang mga putik, nakakalat na mga dahon at buhangin sa pasilyo.

Sa kabila nang kanilang pag-aayos at paglilinis narinig niya ang pagtahol nang kanyang mga alagang hayop. Lumabas si Ijiraq at Amarok sa loob ang bulwagan at tumatahol. Nabaling ang kanyang pansin sa lagusan nakita niya ang isang batang babae, ang Adi Ayda, ang anak nang Hadi Abusta kapatid nang Hadi Eno. Ang nagsabi sa kanya nang pagpanaw nang kanyang ina.

Nasundan ito nang tinig nang kanyang asawa. Pinigilan niya ang mga ito sa pagtahol. Sinusutan niya ang mga asong-gubat… At sa tangkang paglapa nang mga ito hinikayat niya ito na manatili. Lumapit siya dito at kinarga ang batang babae. Pinaalis niya ang mga alaga… itinaboy ito nang pagalit at lumabas sila sa loob nang tahanan.

Tinanong niya ito kung ano ang dahilan kung bakit siya nito kinaikailangang makausap. Kasunod noon sinundan sila nang Adi Hikmet sa labas nang kanilang tahanan.

Sinabi nito sa kanila na may mga kalalakihan na hinarangan ang pagdating nang Hadi Mahdi at isa sa mga anak nito na makapasok sa kinasasakupang lupain nang kanyang tahanan.

Tinanong nang Adi Hikmet kung ano ang nangyayari.

Tinanong niyang kung ano ang dahilan sa Adi Ayda kung bakit ito ginagawa nang mga ito ngunit nagkimi’t balikat lamang ang bata.

Sa paglingon niya sa kanyang asawa sinabi niya dito na bantayan ang batang babae. Na nakatitiyak siya na ang magulang nito at mga kapatid ay nasa pagtambang. Kasunod noon nagpaalam siya dito na puntahan ang mga ito.

Tinanong nito sa kanya kung ano ang magagawa niya. Tinanong nito sa kanya kung pipigilan niya ba ang mga ito.

Gayong sabi niya sa kanyang asawa, “hindi…bakit ko naman gagawin iyon. Ako ang kanilang Hadezar!”

Hindi nakaimik ang kanyang asawa.

Agad pumasok siya sa loob, kinuha ang kanyang pang-itaas na kasuotan at bago tuluyang umalis sa kanilang tahanang mag-asawa sinabi niya dito, ““kita mo nga naman Adi Hikmet ano na lamang ba nagagawa nang pagmamahal!” at hinalikan niya ito sa labi at binalikan siya nito nang halik sa labi na may pagtataka.

 Kasabay nito umalis ito sa kanilang tahanan at pinuntahan kung saan nagaganap ang kaguluhan, sa pinakamalapit na bagtasing daan patungo sa tahanan nang mga Harith na walang dalang kahit anong alaga.

Sa pagdating niya nakita niya ang Hadi Walid kasama ang mga ito. Ang ilan sa mga may-ari nang lupa na nasa ilalim nang knayang pamumuno at gayong kasama niya sa pagpupulong. Malinaw sa kanya na isa itong pabagsak laban sa kanyang mga kalaban.

Lumapit siya sa mga ito. Sinubukan niyang dumaan sa mga ito at nang pinadaan siya sinamahan siya nang Hadi Walid. Gayong nang makita niya ang Hadi Mahdi at ang anak nitong si Hadi Nasrin nakita niya rin ang ilan sa mga Anino na nasa ilalim nang pamumuno nito…bilang sa kanyang mga kamay, armado, may hawak na mga mahahabang sibat at golok sa kanilang mga beywang.

Nagkita silang dalawa. Tinignan niya ito at tinignan siya nito pabalik.

Wika nang Hadi Mahdi sa kanya, “iyi’owuro Hadezar!”

Wika niya, “Un’za Hadezar, kalkis’ö eger!

Lumapit sa kanya ang Hadi Walid. Napansin niya ito.

Wika nang Hadi Mahdi sa kanya, “kasama mo pala ang Hadi Walid, Hindi ko alam. Kailan ka pa dumating Hadi Walid? —Hadi Yasir utusan mo ang mga Jingkar na nasa ilalim nang iyong patnugot na tigilan na ang walang halagang ginagawa nila.”

Wika niya, “patawarin niyo ako Hadezar! Mukhang sa mga sandaling ito ay hindi sila makikinig sa akin.”

Wika nito sa kanya, “ikaw ang kanilang Hadezar. Makikinig sila sa iyo!”

Wika niya, “pero hindi ako ang kanilang Hadezar…wala akong kalayaan na pamunuan sila at patnugunan! Bakit hindi mo gawin Hadi Mahdi!”

Sinubukan niya ang Hadi Mahdi. Isa itong pagkakamali. Naramdaman niya ang mga mapanuring mga tingin nito na mistulang punyal na pamatay sa kanya. Kailangan niyang sumugal…Ito ang kailangan niyang gawin.

Sinubukan nang Hadi Nasrin na pamunuan ang mga Anino nito ngunit pareho nilang alam nang Hadi Mahdi na hindi nila maaaring isugal kung anoman ang namamagitan sa kanila ngayong dalawa sa kaguluhan sa Ja’khar. Lalo pa’t ito ang dahilan kung bakit siya hinirang nang mga ito bilang ang Hadezar nang tahanan nang mga Barakat…ang makalimutan ang kaguluhan.  Pinigilan nang Hadi ang kanyang anak na gumawa nang kahit anong pagkilos na dapat sana ay kanina pa nila ginawa. Sinabi nang Hadi Mahdi sa kanila na babalik na lamang sila asa ibang araw para magkausap.

Bagay na kanyang itinanggi.

Sinabi niya sa mga ito, “patawarin niyo ako Hadi Mahdi…Hadi Nasrin ngunit hindi na kayo maaari pang tumungtong saanman sa kinasasakupan nang aking lupain. At kung hindi niyo gagawin ang aking sinasabi mapipilitan akong gumawa nang kaguluhan!”

Wika nang Hadi Nasrin sa kanya, “hindi mo magagawa iyan Hadezar—Sumumpa sa kalipunan ng mga Hadezar. Hindi mo kami mapipigilan…”

Tinawag niya ang mga Jingkar na nasa ilalim ng kanyang pamumuno.  Inutusan niya ang isa sa mga Hadi na tigilan ang kaguluhang ito. Ngunit hindi tumigil ang mga ito.

Wika niya sa Hadi Nasrin, “kita mo na Hadi Nasrin—hindi ko sila maaaring pigilan. Hindi mo sila maaaring pigilan!”

Matapos noon umalis ang mga ito sa kinasasakupan niyang lupain. Hindi ito magtatagal. Magpapatuloy ang kaguluhan. Nagpasalamat siya sa mga ito gayong tinugunan siya nang hadi Baaru na hindi dapat sa kanila siya dapat magpasalamat kung hindi sa kanyang asawa…magkagayonman nagpasalamat siya sa mga ito.

 Sa pagbabalik niya sa tahanan nang mga Barakat, lumapit sa kanya ang Adi Hikmet—Alam niya na sa sandaling dumating siya at hinarap ang Hadi Mahdi hindi niya na maaari pang itanggi ang kaguluhang maaaring sapitin nang kanyang tahanan.

Tinanong niya ang Adi Hikmet kung nakaalis na ba ang Adi Ayda. Bagay na sinang-ayunan nito at sinabi sa kanya na kanina pa.

Sinabi niya, “mabuti naman kung ganon!”

Tinanggal niya ang kanyang sandalyas sa kanyang paa habang nakaupo siya sa kanilang kamang mag-asawa.

Tinanong siya nang Adi Hikmet kung ano ang nangyari.

Sinabi niya na sinubukan nang mga Harith na makapasok sa kanilang pamamahay. Pinagbantaan siya nang Hadi Mahdi…at ganon din ang Hadi Nasrin. Hiniling nang mga ito na utusan kong buwagin ang mga nakaharang na mga Hadi subalit hindi ko ginawa.

Nang tuluyang mahubad ang suot niyang sandalyas sa kanyang mga paa. Tumayo siya sa pagkakaupo niya sa kanilang kamang mag-asawa. Lumapit siya sa upuan kinuha ang nakasampay na tuwalya.

Tanong nito sa kanya, “bakit?”

Sinabi niya, “dahil una hindi ko ginawa, pangalawa alam ko hindi sila makikinig sa akin. Sinubukan nilang bumalik ngunit sinabi ko sa kanila na hindi na sila makakabalik pa…pinagbantaan ko sila na gagawa ako nang kaguluhan sakaling bumalik sila at kausapin nila ako!”

Kasunod noon hinubad niya ang kanyang suot na Báta. Hinubad niya rin ang suot niyang saluwâl.

Tanong nito sa kanya, “kaya mo ba iyong gawin, ang gumawa nang kaguluhan?”

Lumingon siya dito. Nakita niya ang pag-aalala sa Adi Hikmet. Hindi niya ito kayang itanggi dito. Wika niya, “kung kinakailangan!”

 Itinapis niya sa kanyang beywang ang tuwalya matapos niyang hubarin ang suot niyang bahag.

Kinuha niya ang gamit na pampaligo na nasa ibabaw nang mataaas na lamesa. At bago siya umalis sa kanilang silid mag-asawa. Tinanong siya nang kanyang asawa kung alam ba nito ang kanyang ginagawa. Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Kasunod noon lumabas siya nang kanilang silid mag-asawa at pumasok sa loob nang bukalang-silid.

Sa pagpasok niya sa loob nang bukalan. Sinundan siya nang Adi Hikmet nang tingin. Nang bigla wika nito sa kanya, “alam ko kung ano ang ginawa mo…ang pagpupulong sa mga may-ari nang lupa!”

Napatigil siya sa kanyang ginagawa. Lumingon siya dito. Nakita niya ang galit sa mga mata nito, ang pagiging malamig nang kanyang asawa.  Hindi siya nakasagot.

Wika nang Adi Hikmet sa kanya, “sa susunod na kikilos ka nang hindi ko nalalaman, huwag na huwag kang magpapasiya nang ikaw lang mag-isa…Sabihin mo sa akin kung ano ang kinakailangan kong malaman, kung anoman ang mga gagawin mo, kung anoman ang mga mangyayari…Hadi Yasir! Nagkakaintindihan ba tayo!

Tumango-tango siya.

Advertisements

One thought on “KABANATA LABING-DALAWA:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s