KABANATA WALO:

BINIGONG PANGAKO

Nang gabing ito—sa kalaliman nang gabi, sa katahimikan na bumabalot sa mga sandali ito. Sa mga pag-aalinlangan at pag-aagamagam na kanilang nararamdaman. Bumangon siya mula sa kanyang pagkakabagsak. Nabaling ang kanyang pansin sa Adi Hikmet. Kasabay noon ipinatong niya kanyang braso sa gilid nang kanyang kama. Malayo ang Adi Hikmet. Hindi ito, nalalayo sa kung nasaan siya, ngunit kung anoman ang kanyang sinimulan ngayong gabi, tuluyan nang naglaho kung anoman ang hinahangad niyang namamagitan sa kanila. Gustong-gusto niya ito. Higit kaninoman gustung-gusto niya itong maangkin ngayong gabi at sinayang niya ang pagkakataon na maaaring tumagal pa ang kanilang pagsasamang dalawa nang kanyang asawa.  Binigo niya ang pangako niya sa Hadi Mirza. Gustong-gusto niya ito, magkagayonman pinakawalan niya ito, at nawala ito sa kanya.

Tumayo siya sa kanyang pagkakatihaya sa sahig nang kanyang silid. Kasunod noon paikaika siyang naglakad patungo sa kung nasaan nakakalat ang kanyang hinubad na saluwâl. Itinapis niya ito sa kanyang katawan, kasunod noon lumabas siya sa kanyang silid, at iniwang nag-iisa ang kanyang asawa. Sa paglabas niya paikaika siyang naglakad nang walang suot na kahit ano sa kanyang mga paa, naiiwan ang mga bakas ng dugo na mula sa ikalawang palapag hanggang paibaba sa kanyang tahanan na mistulang may sumusubaybay sa kanya at sumusunod.

Pumasok siya sa loob nang bulwagan-silid. Sa kanyang pagpasok nadatnan niya ang kanyang mga kapatid na hanggang ngayon ay naroroon pa rin, sa mga sumandaling ito at nananatili. Nakaupo sa mga upuan na malapit sa mahabang lamesa na hapagkainan na nagtataglay ng mga matataas na sandalan.

Nabaling ang pansin sa kanya nang Adi Sule. Nagulat ito sa kanya…sa sugat niya sa katawan, sa dugo sa kanyang kanang paa. Tinanong nito sa kanya kung ano ang nangyari. Lumapit siya sa mga ito. Nagtungo siya sa hapagkainan. Naghanap nang nakakalasing na inumin sa isa sa mga baso at nang may nakita kinuha ang baso na may lamang nakakalasing na inumin at umupo sa upuang malapit sa Adi Makbule.

Uminom siya. Nagustuhan niya an lasa nang nakakalasing na inumin. Kasunod noon kinuha niya ang pitsel na nasa harapan nang kanyang nakatatandang kapatid.

Ngunit inagaw ito nang Adi Makbule at ito ang nagtagay sa kanyang baso na kakaunti na lamang ang laman. At uminom siya.

Wika nang Adi Makbule sa kanya, “kailangan mong linisin ang sugat mo sa paa!” Hindi siya nakinig.

Wika nang Adi Makbule, “Hadi Yasir!” Nabaling ang kanyang pansin dito.

Wika niya, “bakit ako makikinig sa iyo?”

Tinawag siya nang Adi Sule.

Wika niya, “igrenç’fahișe”

Muli narinig niya ang tinig nang Adi Sule.

Wika nang Adi Makbule sa kanya, “kung hindi mo kami kakausapin nang matino, mabuti pa at umaalis na lang kami.

Sa banta nang pagtayo…Sinabi niya sa kanyang mga nakatatandang kapatid, “hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa inyong pagkakamali, kung bakit niyo ito ginagawa sa akin, pilit niyo kong sinasaktan at binabaon. Aaminin ko sa una nakakatawa ang mga ginagawa niyo. Sinabi mo sa akin na gawin ko kung ano ang nakatakda…sinabi mo sa akin na intayin ko siya sa aking silid at angkinin ko siya ngayong gabi. Hindi ko alam kung ano ang mga sinabi niyo sa aking asawa para ang lahat nang ito ay mabaliwala at masira!”

Wika nang Adi Makbule, “pero ikaw rin gusto mo siyang saktan! Gusto mong sirain ang araw na ito at ang lahat nang ibinuwis mo at ginawa mo para sa kanya!  Para maangkin mo lamang siya. Huwag mo sa amin ibabaling ang sisi nang iyong pagkakamali.”

Kasunod noon sa banta nang kanilang paglisan. Sinabi niya, “kapag lumabas kayo nang aking tahanan. Isarado niyo ang pintuan…huwag na huwag na kayong babalik pa rito o magpapakita sa akin! Tapos na ang mga panahong kaya niyo akong linlangin. Wala na kayong karapatan pa na bumalik sa aking pamamahay.”

Sinubukan siyang pigilan nang Adi Sule. Inalmahan siya nito. Ngunit matigas ang Adi Makbule. Matigas siya, sa gabing ito na maraming nasayang. Tinalikuran siya nang kanyang mga kapatid. Naiwan siyang nag-iisa sa loob nang bulwagang silid, sa loob nang kanyang tahanan. Ang kanyang kinatatakutan ay nangyari. Maspinili niya ang maging mapag-isa. Ang mawala sa kanya ang lahat katulad nang ginawa nang Hadi Khalil sa tahanan nito, at malulong sa pag-iisa sa tahanan kanyang pinamumunuan.

Umalis ang mga ito sa kanyang tahanan. Habang siya inuuubos ang laman nang nakakalasing na inumin.

Pagkaubos nang laman nang baso agad niyang sinimulan ang mga gawain niya. Niligpit niya ang mga laman nang hapagkainan, ang mga kinainan sa rabaw nang mahabang lamesa. Kasunod noon dinala niya ang mga ito sa loob nang silid-lutuan.

Ipinatong sa mataas na gawaang-lamesa na nasa gitna nang silid at saka siya lumabas nang silid-lutuan, paika-ikang naglakad at nagtungo sa loob nang bukalang-silid. Sa pagpasok niya sa loob nang bukalang-silid kumuha siya ng galapong na nakalagay sa isang sulyaw sa lamesa kasunod noon kinuha niya rin ang panabo na nakakalat sa sahig ng bukalan. Nilagyan niya ito nang mainit na tubig hinugasan ang kanang paa na may sugat. Tinignan niya ito kung may bubog na pumasok. Kung malaki ang pagkakahiwa…at nang nakita niyang may hiwa ang kayang paa at may maliiit na bubog dito kaagad siyang nakaramdam nang pandidiri. Tinanggal niya ang nakabarang bubog sa sugat kasunod noon inilubog niya ito sa mainit na tubig nang bukalan. Humiga sa sahig.  Pinagmasdan ang mga nakaukit na mga bituin sa kisame nang silid, gayon din ang mga araw at buwan na nandito.

Bulong niya sa kanyang sarili, Hadi Yasir Hadi Yasir sino ang dapat matakot sa Hadi Yasir?  Naalala niya ang tukso sa kanya nang mga kapatid. Hadi Yasir…Hadi Yasir siya ang pangalawa ang una’y naglagay sa tugatog nang katwiran… Hadi Yasir…Hadi Yasir…

Tinanggal niya ang kanyang mga paa sa pagkakalubog sa mainit na tubig nang bukalan. Kasunod noon lumabas siya nang bukalang-silid. Paika-ika siyang naglakad. Nagtungo sa isa sa mga imbakan nang tahanan at naghanap nang maliit na karayom at sinulid na pantahi sa kanyang nahiwang kanang paa. Nang nakakita agad siyang bumalik sa silid lutuan. kumuha nang maiinom na nakakalasing na inumin. Tinagayan ang baso at saka bumalik sa bukalang silid.

Bulong niya sa kanyang sarili habang naglalakad, Hadi Yasir…Hadi Yasir sino ang dapat matakot sa Hadi Yasir?

Kinuha niya ang isang nakasinding tinghoy na nakababad sa isang sulyaw. Lumapit siya bukalan. Inilapag niya ang tinghoy, at ang inumin na magkatabi. Kumuha rin siya nang mainit na tubig mula sa bukalan sa tabong nasa silid. Kasunod noon ibinabad niya ang karayom sa mainit na tubig.  Ipinasok ang sinulid sa butas nang karayom. Itinali itong mabuti. Kasunod noon sinunog niya ang dulo ng karayom.

Hadi Yasir…Hadi Yasir sino ang dapat matakot sa Hadi Yasir?

Nakaramdam siya nang pag-aalinlangan. Ibinabad niya ito sa mainit na tubig sa pangalawang pagkakataon. Kasunod noon ibinababad niya ito sa nakakalasing na inumin.

Hadi Yasir…Hadi Yasir siya ang una’y naglagay sa tugatog nang katwiran.

Ang pangalawa’y malakas, mahiwaga’t hinahangaan.

Sinimulan niyang tahiin ang sugat niya sa paa.

Parehong Hadezar, nakakatakot lamang kung sino ang dapat katakutan.

Sinimulan niya ang pagtutos sa hiwa sa kanyang paa. Nakaramdam siya nang kirot habang ginagawa ito nang masinsinang…ayaw niyang magkamali…kahit pa sabihin pang minsan niya itong ginawa, datapwat may kasama.

Ang isa’y kakampi, ang isa’y kalaban.                

Ang isa ay Jingkar. Ang isa ay halimaw.

Hadi Yasir…Hadi Yasir isang pangalan na salamin sa kagitingan.

Matapos ang pagtahi sa kanyang sugat, Pinutol niya ang sinulid. Kasunod noon bumangon siya sa knayang pagkakahita sa sahig nang bukalan. Umakyat siya sa ikalawang palapag nang paika-ika. Sa pagpasok niya nakita niya ang Adi Hikmet na nagpapahinga sa knayang kama. Kinuha niya ang pangbenda na gawa sa bulak. Kasunod noon itinali niya ito sa kanyang paa at saka lumabas nang kanyang silid, habang iniwan ang asawa na nag-iisa.

Hadi Yasir…Hadi Yasir sino ang dapat matakot sa Hadi Yasir?

Hadi Yasir… Hadi Yasir ikaw ba ang magpapabagsak sa aming tahanan.

Hindi ko alam…bulong niya sa kanyang sarili.

Muli naglakad siya pababa mula sa ikalawang palapag. Kasunod noon pumasok siya sa loob nang madilim na silid kung saan makikita ang mga nakaukit na larawan ng pagbagsak nang kanyang tahanan. Pinagmasdan niya ang mga ito. Dito kinulong niya ang kanyang sarili.

Sa pagdaan nang mga araw, makaraan ang naganap na pag-iisang dibdib nilang dalawa nanatiling hindi sila nagkikibuan ng Adi Hikmet, naghilom na ang sugat niya sa paa.

Gaya nang kanyang ipinangako sa kanyang asawa naging mahirap sa kanilang pagsasama ang kilalanin ang isa’t isa. Kapwa sila naging mailap sa isa’t isa sa loob nang maliit na tahanan ng mga Barakat. Na masakitmang isipin, na mahirapmang tanggapin hindi magkamayaw ang ingay ng bumubulabog na katahimikan, ingay na nakabibingi.

Dinadalan niya nang pagkain ang Adi Hikmet sa loob nang kanyang silid habang siya naiiwan sa loob nang silid na kanyang tinutuluyan kung saan matatagpuan ang mga nakaukit na kasaysayan nang kanilang pagbagsak sa ikalawang pagkakataon. Nagawa na ang desisyon. Nagdesisyon na siya na iuwi ang Adi Hikmet pabalik sa tahanan ng mg Roshan. Sinabi nito dito habang nasa kabilang bahagi siya nang pintuan at ito ay nasa loob ng kanyang silid. Sumang-ayon…Humingi ito sa kanya nang huling isang linggo bagay na pinagbigyan niya. Simula na nang mga huling mga araw bilang pagiging mag-asawa nilang dalawa, hindi magtatagal ibabalik niya ang Adi Hikmet.

Pinagpatuloy niya ang kanyang mga gawain bilang ang Hadezar ng tahanan ng mga Barakat. Sinimulan niyang kausapin ang mga nasa ilalim nang kanyang patnugot. Pinakitaan nang pagiging mabuting pinuno sa mga ito. Tumulong at natuto…tumulong at natuto sa kung ano ang higit na kailangan ng kanyang nasasakupan bilang Hadezar na gusto nilang maging siya. Hindi niya alam kung ano ang mga mangyayari sa kanila sa mga susunod na mga araw. Patuloy ang paglago nang kanilang mga tanim.

Lumipas ang mga araw at nang huli niyang makita ang Adi Hikmet ay hindi sinasadyang nagbababad ito sa paliguan ng kanyang tahanan. Pagkikita dito ay agad din siyang umalis sa loob nang bukalan. Nang gabing iyon sa unang pagkakataon naghapunan sila sa loob nang bulwagan nang tahanan, sa mahabang lamesa na kanilang pinagsaluhan. Bingi at bulag ang kanilang pagkilala sa isa’t isa. Mailap na mga Saola sa loob nang mga kakahuyang nakapaligid sa Ja’khar.

Sinabi niya dito bago sila matapos sa kanilang hapunan, nang gabing ito, na gumising ito ng maaga ihanda ang mga gamit at iuuwi niya na ito. Bagay na pinagtakahan nito datapwat wala itong nagawa. Matapos nang kanilang hapunan agad siyang umalis at iniwan ito. Pagod na siyang maramdaraman ang pag-iisa habang nakikita ito at hindi sila nag-uusap, mashigit ang nararamdaman niyang kalungkutan kapag kasama niya ito kaysa, siguro, mag-isa siya.

Matapos niyang ayusin at hugasan ang kanilang mga pinagkainan bumalik siya sa loob ng silid na tinutuluyan malapit sa bulwagan kung saan matatagpuan ang mga nakaukit ang kasaysayan nang kanilang pagbagsak sa ikalawang pagkakataon. Sa pagpasok niya sinarado niya ang lagusan nang silid.  Inilapag ang nakasinding tinghoy na nakababad sa isang sulyaw na may tenga at may lamang mantika sa sahig. Hinubad niya ang kanyang suot na damit, ang kanyang bata at ang kanyang saluwâl. Humiga siya sa kama na nakadikit sa dingding nang silid. Inunan niya ang knayang sarili sa kanyang braso at humiga nang nakatagilid, nakatalikod sa nakasaradong lagusan.

Pinikit niya ang kanyang mga mata, sinubukan niyang matulog.

Ngunit sa hindi inaasahan, bumukas ang pintuan nang silid na kanyang tinutuluyan. Narinig niya ang tinig nang Adi Hikmet. Lumingon siya dito. Nang nakita niya ito, sa likuran nang nakasinding timsim, nakalagay sa isang sulyaw na may tenga, hindi siya sigurado kung ano ang gagawin niya. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito dito. Na kung ito ba ay panaginip, o bangungot na hindi niya panghahamakan na magising. Tinanggal niya ang kanyang braso na nakaunan sa kanyang ulo. Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga.

Tinanong niya ito kung ano ang ginagawa nito dito.

Tinanong siya nito kung maaari ba itong tumabi sa kanya. Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Sa paglapit nito sa kanya pinaalalahanan niya ang timsim sa sahig. Iniwasan nito ang nakasinding tinghoy. Lumapit ito sa kanya, sa kanyang higaan. Tumabi ito sa kanya. Ito ang unang nilang pagsasama nang kanyang asawa sa iisang kama matapos ang nangyari ilang araw na ang nakakalipas.

Nang mga sandaling iyon na magkatabi sila, sinabi nang Adi Hikmet sa kanya na nagpasya ito na manatili sa kanyang tahanan.

Pinili siya nito higit kaninoman.

Nang gabing iyon natulog silang magkatabi nang Adi Hikmet…

Nang araw na ito tulad nang kung ano ang ipinangako sa ina at tahanan ng kanyang asawa bumalik sila upang bisitahin ang tahanan ng mga Roshan. Sakay sa itim na asong-gubat na si Amarok. at sa kayumangging asong-gubat na si Nanuk na pinakamalaki sa lahat ng kanyang mga alaga sinimulan nilang bagtasin ang daan pabalik sa tahanang pinagmulan nang kanyang asawa. Binaybay nila ang kahabaan ng mga sakahan nang maisan. Nagtungo sa sakahan ng mga halaman ng bulak at sa paghahayop ng mga gansa at sisne. Mula dito tanaw na nila ang tahanan ng mga Roshan.

Nakasuot ang kanyang asawa nang babero habang ang panloob nitong kasuotan na ang laylayan ay hanggang sa bukong-bukong nang mga paa nito ay burdado ng mga ruwisenyor na mga ibon na lumilipad na may mga hikaw sa tenga na gawa mula sa pulang bato at kwintas na perlas. Habang suot niya naman ang isang kayumangging Báta na may habi nang tulad sa kanyang mga tata’u sa kanyang mga braso na mga mistulang mga kalikis ng ahas na Markupo na walang mga braso. Ang kanyang Saluwâl ay kayumanggi rin na nagtataglay nang mga ginintuang mga burda nang mga halaman nang mga mais. Habang ang kanyang palamuti ay ang mga itim na batong hikaw, mg bakal na panara sa kanyang suot na saluwâl at mga galang mula sa balat nang Markupo.

Sa pagdating nila sa tahanan ng mga Roshan agad na sinalubong sila nang Hadi Mirza at nang Adi Arwa na nag-uusap sa labas nang tahanan ng mga Roshan. Tulad nang inaasahan at kanyang pasabi sa Hadezar tuwa at kagalakan ang pagkikita nila sa isa’t isa. Binati siya nang Hadezar ng tahanan ng mga Roshan habang niyakap nang ina nang kanyang asawa ang Adi Hikmet.

Kinamusta sila nang kapwa niya Hadezar… Inutusan nito ang ina nang Adi Hikmet na tawagin ang asawa nito. Tinanong nang kanyang asawa kung maaari ba siyang sumama dito bagay na itinanggi nito at sinabing makabubuti dito na makasama ang asawa sa mga sandaling ito. Bagay na tinalima ng kanyang asawa.

Pinapasok sila nang Hadi Mirza sa loob nang tahanan nito. Sa pagpasok nila nakita sila nang Hadi Yusuf, ang ama ng kanyang asawa at tulad nang inaasahan tinanggap sila nito ng mainit at malugod. Sa pagkakataong ito kinilala nila ang kanyang asawa bilang ang Adi nang dalawang tahanan, ang tahanan ng mga Barakat at ang tahanan ng mga Roshan. Halata sa kanyang asawa ang saya at kagalakan na muling makita ang mga magulang nito. Ang pagkawalay sa mga ito ay kahanga-hanga. Bagay na hindi niya alam kung magagawa niya ba kung nabubuhay pa ang kanyang mga magulang.

Kinausap ito nang kanyang ina. Tinanong ito kung kamusta naman ito sa loob ng tahanan ng mga Barakat.  Bagay na hindi nito itinanggi na ang una nilang gabing mag-asawa ay ang gabing hindi nila hinangad na mangyari, sa magandang paraan nang pagsabi.

Hinanap niya sa Hadi Mirza kung nasaan ang kanyang pamangkin at ang mga kapatid ng kanyang asawa…maging ang asawa nito at ang mga anak nito. Sinabi niya dito na may ginagawa lamang ang mg ito at hindi magtatagal ay makikita niya rin ito.

Nagpaalam ang Hadi Yusuf sa asawa nito na may gagawin lang ito sa loob at sumunod na lamang sa pagtanggap.

Tinanong nang Hadi Mirza sa kanya kung maaari ba siyang samahan nito at may ipapakita ito sa kanya bagay na kanyang tinalima at tinanggap. Umalis siya kasama ang Hadezar nang tahanan ng mga Roshan habang naiwan ang kanyang asawa sa ina nito at papalapit nitong tiya papasok sa loob nang bulwagan nang silid na may dalang palangganang naglalaman ng malinis na tubig at pamunas. Pumasok ang mga ito sa bulwagan habang siya pumasok sa loob nang pamamahay ng tahanan ng mga Roshan nang hindiman lang tinatanggap nang mga ito.

Nagtungo sila nang Hadi Mirza sa loob nang yungib nang mga alagang hayop na asong-gubat ng tahanang pinagmulan ng kanyang asawa. Dito naghihintay sa kanya ang iba pang mga Hadi, ang mga kapatid nang kanyang asawa at ang mga pinsan nito. Nakahanda ang kanilang mga hayop. Nakasuot na dito ang mga paratilya at sapin. Ganon din ang mga gagamitin sa pangangaso. Kasunod nila sa pagpasok ay ang ama nang kanyang asawa.

Pinagtakahan niya kung ano ang nangyayari. Kung ano ang ginagawa nila dito sa mga sandaling ito.

Nilagay nang Hadezar ng tahanan ng mga Roshan ang kamay nito sa kanyang kaliwang balikat. Wika nang Hadi Mirza sa kanya, “naghahanda kami sa aming pangangaso, Hadezar…napag-alaman naming may hilig ka raw sa pangangaso sa nakapaligid na kakahuyan.”

Pagtataka niya, “matagal na po iyon Hadezar…matagaltagal na simula nang lumabas ako sa Ja’khar at mangaso sa nakapaligid na kakahuyan!”

Tanong nang Hadi Mirza, “Kung ganon tumatanggi ka, Hadezar?”

Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot.

Kinukutsa siya nang mga anak nito sa pangiti at biro nang hadezar ng tahanan ng mga Roshan.

Wika niya, “hindi naman sa ganon…mapurol lang ang aking nalalaman sa pangangaso!”

Wika nang Hadi Yusuf, “tamang-tama Hadezar…sa gayon ay maaari mong balikan ang iyong mga natutunan. Isa pa bahagi ka na nang aming tahanan! Para na rin sa atin ito, ang pagtanggi mo ay ikalulungkot namin…”

Wika nang Hadi Mirza, “sige na pumayag ka Hadi Yasir gawin natin itong pagkalma sa ating mga sarili!”

Wala siyang nagawa. Pumayag siya sa kagustuhan nang Hadi Mirza.

Bumalik silang dalawa nang Hadi Mirza sa loob nang bulwagan. Nagpaalam ang tiyo ng kanyang asawa na mangangaso lamang sila sa mga Adi ng tahanan na naroroon sa loob nang bulwagang silid. Pumayag ang Adi Hala sa kagustuhan nang Hadezar. Tinanong nito ang hadi Mirza kung ano panahon silang makakabalik. Sinabi nitong hindi rin sila magtatagal sa gubat nang hamog.

Tinanong siya nang Adi Arwa kung may dala ba siyang gamit na pangaso. Bagay na kanyang itinanggi.

Sinabi nang Hadi Mirza na pahihiramin na lamang siya ng mga ito.

Bagay na tinuran ng Adi Arwa at wala na itong nagawa pa kung hindi sumang-ayon.

Kasabay nito pinaalala nang Adi Hala sa Hadi Mirza na hindi pa siya nito tinatanggap ng tahanang pinagmulan ng kanyang asawa. Nabaling ang kanyang pansin sa kanyang pamangkin at sa kanyang asawa na kasama nang mga ito. May bahid ang luha ang mukha nang kanyang asawa. At pagdadalawang-isip ang mga mata nang Adi Ismat. Ngumiti siya. Kasabay noon ngumiti din ang kanyang asawa pabalik sa kanya. May lihim sa mga ngiti nito na hindi maipinta. Isang pagtatangkang mahirap unawain at hindi maintindihan. Inisip niya kung anong lihim ang tinataglay nang mga kasinungalingan sa pananahimik nang mga ito.

Ngunit maging ang kanyang pananahimik ay nagambala at ang ingay na nakabibingi na nakapalibot sa kanya nang mainit na pagtanggap nang tahanan ng mga Roshan ay lubhang nakakapaso. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari.

Tinanong niya ang ina ng kanyang asawa kung nagawa na ba nilang tanggapin ang Adi Hikmet bagay na sinang-ayunan ng mga nito sa pagsabi sa kanyang wala siyang dapat na ipag-alala. Nabaling ang kanyang pansin sa kanyang asawa.

Tinanong niya ito. Sinabi nito sa kanya na tinanggap na siya ng mga ito kanina pa.

Ngumiti ito sa kanya at kasunod noon sinimulan nang mga ito na tanggapin siya. Ang Adi Arwa ang tumanggap sa kanya. Hiningi nito ang kanyang mga paa.  Isa-isa niyang tinanggal ang kanyang mga sandalyas sa paa. Ibinigay niya ito sa ina nang kanyang asawa at ito ang naghugas sa kanyang mga paa sa malinis na tubig na nasa palanggana, inalmuhasan nang Adi Arwa, pagkaraan ay pinunasan ng tuyong pamunas.

Pinahiram sa kanya nang Hadi Mirza ang suot nitong damit na pangaso. Isang babero, mga braso at mga hita na gawa sa balat nang hayop at itinatali. Tinanggal niya ang kanyang suot niyang Báta. Sunod noon sinuot niya ang babero, ang mga gayak na pambraso at biyas. Inayos niya ang kanyang saluwâl, tinanggal ang mga bakal na mga panara na nakalagay dito at ang laylayan ay Isinukbit paitaas at Ipinaloob sa kanilang damit. Pinahiram din siya nang Haid Mirza nang busog at mga tudla.

Bago umalis pinag-ingat siya nang kanyang asawa. Bagay na kanyang pinasalamatan. Sumakay siya sa pinahiram na asong-gubat nang tiyo ng kanyang asawa habang nanatili ang kanyang alagang asong-gubat na si Nanuk sa panganagalaga ng mga Roshan.

Sinabi sa kanya na alam nang kanilang mga alaga ang amoy nang kakahuyan…na higit kaninoman ang mga ito ang mga mabisang gamit sa mga pangangaso nang ligaw na mga Saola at mga ilahas na tapir. Matapos ang pamamaalam sa mga Adi ng tahanan tuluyan na silang lumakad at umalis sa kinasasakupang lupain nang mga Roshan.

Kasama niya sa pangangaso ang ama nang kanyang asawa na si Hadi Yusuf, at ang mga kapatid nitong sina Hadi Batul at Hadi Fadil ganon din ang mga pinsan nitong sina Hadi Hakan at Hadi Fidan.  Habang naiwan naman sa loob nang tahanan ang Hadezar na nagsabi sa kanya na hindi nito hilig ang pangangaso. Na tanging libingan na lamang sa mga ito.

Sa kanilang paglalakbay lumapit siya sa Hadi Yusuf. Tinanong niya ang Hadi Yusuf kung bakit hindi sumama sa kanila ang Hadi Mirza. Sinabi nito sa kanya na kahit noong maliit pa lamang ang kapatid nito ay hindi na nito libingan ang pangangaso.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay hanggang sa tuluyan silang lumabas nang Ja’khar at nang namuugan nitong sakop na may limang metro ang lapad at labing-limang metro ang taas. Patuloy nilang tinahak sa kanilang paglalakbay ang daan nang mga Panaghoy.

Sa kanilang paglalakbay lumapit sa kanya ang Hadi Batul. Pinaalala nito sa kanya ang sugat niya sa paa. Bagay na hindi niya itinanggi. Tinanong nito sa kanya kung saan niya ito nakuha gayong sinabi niya na nagmula ito sa isang nabasag na pitsel na may lamang nakakalasing na inumin…Tinanong siya nito kung papaano siya nagkaroon nang sugat na ganito.  Sinabi niya na wala siyang suot na sandalyas sa mga panahong iyon habang nagliligpit siya nang Natabig niyang nabasag na pitsel.

Pinag-alala nito sa kung hindi ba ito makasasama sa kalagayan nang kanyang sugat at baka hindi makayanan ang pangangaso sa loob nang kakahuyan gayong tinugunan niya na matagal na itong naghilom at tinatapalan na lamang nang gasa.

Tinignan niya ito. Sinabi niya dito na wala itong dapat na ipag-alala sa kanya dahil kaya niya ang kanyang sarili.   Tumango-tango ang Hadi Batul. Kagyat pinatakbo nito nang mabilis ang alagang asong-gubat.

Sa pagdating nila sa loob nang kakahuyan agad nilang binagalan ang kanilang pagkilos. Nakahilera sila nang pagbabagtas sa daan ng mga Panaghoy hanggang sa tumigil ang Hadi Yusuf. Pinatigil sila nito nang pasenyas. Agad bumaba sila sa kanilang sinasakyan at nagtungo sa loob nang masukal at malayo sa daan. Hanggang sa narating nila ang tabing-ilog. Lumuhod ang Hadi Yusuf sa lupa na may mga tuyong dahon at mga batong maliliit.

Hawak sa isang kahoy na patpat gumuhit ito sa lupa at sinimulan ang mga hakbanging gagawin sa kanilang pangangaso. Sinabi nito sa kanila na may tatlong bahagi ang kakahuyan ito kung saan maaari silang mangaso nang mga Saola o tapir: ang kanluran, ang gubat nang hamog at ang mataas na hilaga sa pagtawid nang ilog. Pinaalala nito sa kanila na masukal ang kakahuyan…mapanganib para sa kanila ang mga naglipanang ilahas na mga hayop gaya nang mga asong-gubat, mga Bakunawa, mga Buwarka at mga ahas. Sinabi nito sa kanila na magkikita sila sa pareho rin lugar bago magtakip-silim.

Pinasama sa kanya ang Hadi Batul habang patungo sa kanluran, habang nagsama ang mga anak nang Hadi Mirza patungo sa hilaga at ang Hadi Yusuf kasama ang Hadi Fadil sa pagbagnos sa pangangaso patungo sa gubat ng hamog.

Matapos ang pagbuo sa mga lunggati nagtulak sila sa pangangaso sa loob gubat na mapanglaw na nakapaligid sa Ja’khar. Nagkahiwalay sila nang mga anak nang Hadi Mirza. Nagpatuloy ang mga ito patungo sa kanluran habang tumulak sila pahilaga.  Sa pagsunod nila sa alagang asong-gubat, napadpad sila sa gilid nang mahabang ilog.

Tinanong siya nang Hadi Batul kung hindi pa ba siya nakakapangaso dati.

Bagay na kanyang itinaggi. Sinabi niya matagal na nang huli siyang nakapangaso…bago pa mamatay ang Adi Hiba. Datapwat simula nang maging Hadezar siya hindi niya nagawa pang mangaso sa loob nang mga nakapaligid na kakahuyan.

Bagay na isang kalunoslunos para sa Hadi Batul. Sinai nito sa kanya kung ano lang ang sayang ibinibigay sa kanya nang pangangaso na kung minsan ay hindi niya na alam kung totoo ba o hindi ang sayang nadaramang ito.

Tinanong siya nang Hadi Yasir kung totoo ba na siya ang pinakamagaling sa kanilang mangaso.

Tinanong nito sa kanya kung ano ang ibig nitong sabihin. Bagkus tuluyan siyang lumayo dito. Malayo sa pag-aalinlangan na napapansin niya dito.

Sa kanilang patuloy na paglalakbay narating nila ang bahagi nang ilog na nagsususo sa malawak na lawa nang mga bulong.

Wika nang Hadi Batul sa kanya, “Hadezar…paano kang natutong mangaso. Natanong ko lang naman kasi wala naman sa mga Barakat ang nagturo sa iyo upang mangaso…at wala naman sa aking sinabi ang Adi Ismat o ang Adi Makbule kung sino ang nagturo sa iyo!”

Tugon niya dito habang binabagtas nila ang masukal na kakahuyan, “sabi ko nga maliit pa ako nang huli akong mangaso…” bagay na isang kasinungalingan “may nagturo sa akin ng maliit ako, isa siyang dayo. ‘Pag nandito siya niyaya niya akong mangaso!  Sumasama ako sa kanya hanggang sa natuto ako at naging magkasabayan na kami sa pangangaso…maliliit lamang ang aming mga huli… madalas mga ibon gaya nang mga ligaw na tagak. BalBal…hunyango at baboyramo. Kung tutuusin ay hindi mo nga maituturing na pangangaso ang ginagawa namin at maganda pa ngang sabihin na nagkakampo kami sa loob nang kakahuyan hanggang sa umalis kami kinabukasan o sa susunod na araw.” Pawang mga kasinungalingan.

Tanong nang Hadi Batul, “saan naman kayo napapadpad Hadi Yasir?”

Wika niya, “minsan umakyat kami malapit sa kabundukan…madalas dito sa gubat, kung hindi naman sa pulang-gubat at gubat ng hamog…”

Muli nagpatuloy sila sa kanilang pangangaso.

Wika nang Hadi Batul, “hindi ko alam Hadezar na layas ka rin pala noong bata ka!”

Tugon niya, “ganon talaga kapag bata ka Hadi Batul…” lumingon siya dito tinignan niya ito. Pagpapatuloy niya “marami kang kailangang malaman. Marami kang kailangang matutunan. Kinakailangan mong magkamali para matuto…hindi ba!”

Ngumiti ito sa kanya na isang kasinungalingan. Wika nito sa kanya, “Minsan kapag nagkamali ka nagkamali ka na hindi mo na maaari pang balikan kung ano ang nagawa mong pagkakamali!”

Tugon niya, “ang isang pagkakamali ay maaaring maulit pa! Walang masama kung maulit ito pero kung aarawarawin mo ang pagkakamali mo, ano ang dahilan na magkamali ka kung hindi ka rin matututo?”

Wika nang Hadi Batul, “alam ko iyon Hadezar!”

Tinanong nang Had Batul sa kanya kung alam niya bang dumating na sa Ja’khar ang matagal niya nang hinihintay bagay na kanyang pinagtakahan. Sinabi nito sa kanya na ang tinutukoy nito ay ang Jingkar na nagturo sa kanya kung papaano ang mangaso nang tama.

Hindi niya itinanggi na ngayon niya lamang ito nalaman.

Gayong sa may kagalakan sinabi nito sa kanya na dito niya ito unang nalaman na dumating na ang Jingkar na hindi niya gustong pangalanan.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay.

Sa kanilang paglagpas sa lawa nang mga bulong napansin nang Hadi Batul na hindi pahilaga ang kanilang punta bagkus pakanlunran. Tinanong siya nito kung bakit iba ang kanilang daan gayong hindi ito ang daan nang pahilaga.

Sinabi niya sa Hadi Batul na may alam siyang ibang madaling daan patungo sa hilagang bahagi nang mapanglaw na kakahuyan. Bagay na sinunod nito.  Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad habang sumusunod sa kanila ang alagang asong-gubat. Hindi naglaon narating nila ang landas na tinutukoy niya. Nagpatuloy sila hanggang sa narating nila ang lungos na kinatitirikan nang mga malabundok na mga nagtataasan at mga pamosong mga higanteng Kambal na Bato.

Pinatigil niya ang asong-gubat na kanilang kasama. Tumigil sila sa kanilang paglalakad nang Hadi Batul. Sa pagdating nila sa kambal na mga bato hindi maitatago ang pagkamangha. Gayong napakatagal na nang huli niya itong makita.

Tinanong niya ang Hadi Batul kung nakita na ba nang ganitong ka lapitan ang Kambal na mga Bato bagay na sinang-ayunan nito. Sinabi nito sa kanya na dati nang maliit pa lamang ito at kasama nito ang Adi Arwa. Kasunod noon tinanong siya nito kung ito rin ba nakita na nito ang kambal na bato nang ganito ka lapitan. Bagay na kanyang sinang-ayunan at sinabing matagal na panahon simula nang huli niya itong makita. Wika niya, “gayon pa man hindi maitatanggi ang kagandahang tinataglay nang mga higanteng Kambal na bato!”

Wika nang Hadi Batul sa kanya, “sabi nila nanggaling daw ito sa langit. Na bumagsak at tumama nang malakas sa kalupaan kaya lumikha nang mga lungos at nabiyak sa gitna ang dalawang higanteng bato sa dalawa.”

Tanong nito sa kanya, “totoo ba iyon Hadezar?”

Kasunod noon tinawag niya ang asong-gubat. Niyaya niya ito na bumalik sa kanilang pangangaso bago pa sila hanapin ng iba. Kagyat dalidali silang bumalik sa kanilang paglalakad. Sa kanilang pangangaso bukang-bibig ng Hadi Batul ang Kambal na mga bato sa kanya. Tinanong nito sa kanya kung ano ang tinataglay nitong kahiwagahan gayong hindi maitatago ang tinataglay na ganda.

Sinabi niya sa Hadi Batul na hindi niya sigurado kung ano ang mga kwentong tinataglay nang Kambal na mga bato, kung paano ito bumagsak sa lupa.

Tinanong siya nito kung paano makakaakyat sa kambal na mga bato. Gayong pabalang niyang sabi nakatitiyak siyang lubhang maingat.

Tanong nito sa kanya, “bulong-bulungan din ang mga babaeng tuwing gabi ay nagtutungo sa loob nang kakahuyan upang magtipon sa kambal na mga bato? ang pagkakaalam ko, nagtitipon sila sa loob nang kakahuyan Nagsusuot nang mga antipara na gawa sa mga tuyong kahoy at pinapalamutian ang sarili nang mga balahibo nang ibon.”

Sinabi niya sa Hadi Batul na maging siya ay may nalaman din na ganitong pangyayari sa loob nang kakahuyan.  Gayong pabalang na sabi sa kanya nang kapatid ng kanyang asawa na siguro ay pareho sila nang pinagkuhanan ng iisang kaalaman.

Bagay na kanyang pinagtakahan.

Hindi naglaon tumigil sila sa kanilang paglalakad. Naglaho ang asong-gubat na sinusundan nila kanina pa habang ginugulo siya sa pagsasalita nang kapatid nang kanyang asawa.  Hinanap niya ang asong-gubat na sinusundan nila.

Napansin niyang tumigil na sa pagsasalita ang kapatid nang kanyang asawa. Lumingon siya dito ay sa paglingon niya nakita niya ang nakaumang na puluhan nang tudla nitong nakatutok sa kanyang mukha. Tinitigan niya ang Hading gustong pumatay sa kanya.

Sinubukan niyang hugitin ang patalim na ipinahiram sa kanya nang tahanan nang mga Roshan subalit hindi niya ito nagawa.

Tanong nang Hadi Batul sa kanya, “alam mo hindi ba?”

Hindi siya makasagot. Alam niya…mula kanina pa lang alam niya. Bagkus tumango-tango siya. Tanong niya, “papatayin mo ako?”

Tanong sa kanya nang hadi Batul, “bakit mo iyon ginawa Hadezar? Ano ang dahilan para saktan mo ang aking kapatid? Hindi ako pinakamagaling na mangangaso pero huwag asahan na hindi ako asintado. Kaya kitang saktan…patayin kung kinakailangan sa ganitong kalapit.”

Wika niya sa Hadi Batul, “kagustuhan ba ito nang Hadi Mirza? Nang tahanan ng mga Roshan? Ang saktan ako! Ang iwanan akong nag-iisa hanggang sa mamatay ako?” Tinanggal niya sa pagkakahawak ang kanyang kamay sa hawakan nang patalim na nakasukbit sa kanyang tagiliran. “Hindi kita hahayaang patayin ako ngayon Hadi Batul.” Inagaw niya sa Hadi Batul ang tudla bagay na ibinigay nang Hadi Batul sa kanya. Pagpapatuloy niya, “sa susunod na magbabanta ka gawin mo nang walang pag-aalinlangan. Patunayan mo sa akin na isa kang magaling na mangangaso tulad nang sinasabi nang iyong tiyo.”

Matapos noon tumalikod siya dito. Kasunod noon sumunod ito sa kanya at hinanap nilang dalawa ang nawawalang asong-gubat na hindi naglaon ay nakita nila. Tumatahol at inaaambangan ang isang mailap na hayop. Agad Huminto sila nang Hadi Batul. Kinuha niya ang busog sa kanyang balikat. Humugot siya nang isang tudla na nakalagay sa tiklis na nasa kanyang tagiliran at nakatali sa kanyang beywang.

Unti-unti siyang humakbang papalapit sa kung nasaan ang mabangis na alaga at pagkakita sa asong-gubat na nakalabas ang mga pangil at tumatahol. Inumang niya ang kanyang tudla sa kanyang busog hinatak ang lubid kasabay nito umatras ang tudla hanggang sa hinatak niya ito at kumawala ito sa kanyang mga daliri. Tumarak ito sa leeg nang asong-gubat.

Kasabay nito kumaripas nang takbo ang Saola papalayo sa bumagsak na asong-gubat. Lumapit siya sa kung nasaan ito. Sinundan siya nang Hadi Batul. Tinanong nito sa kanya kung bakit niya ito ginawa.

Sinabi niya, “kailangan ko iyong gawin Hadi Batul! Hindi titigil ang asong-gubat sa pagtahol at hahabulin nito ang amoy nang Saola. Buntis ang Saola. Mailap silang mga hayop gayon pa man nagagawa pa rin natin silang hulihin. Kung gusto nating magtagaltagal pa ang pangangaso kahit isa man lang ay mabuhay natin sa paraan nang ating mga pana!” Kinuha niya ang tudlang nakatarak sa leeg nito. Hinugot ang patalim na nakasukbit sa kanyang tagiliran. Giniliitan sa leeg ang naghihingalong asong-gubat. Pinatay niya ito at matapos noon binuhat niya ito.

Sinabi niya sa Hadi Batul na bumalik na lang sa kanilang pinanggalingan. At kung makita nila nandoon na ang mga ito sabihin niya na ginawa nito kung ano ang kinakailangang gawin nito.

Tinanong nang Hadi Batul kung saan siya pupunta.

Wika niya dito, “bumalik ka na…” Kasabay noon tinalikuran niya ito at umalis. Nagtungo siya sa loob nang kakahuyan. Binagtas niya ang pakanluran at nagtungo sa lungos kung saan makikita ang Kambal na mga bato. Lumapit siya sa Kambal na mga bato. Dinala niya ang asong-gubat dito. Inilagay niya dito upang kainin nang iba pang mababangis na mga hayop at pagsaluhan. Sa pagtayo nang Hadi Yasir, tuluyan niyang iniwan ang alagang hayop.

Nagtungo siya malapit sa lawa nang mga bulong kung saan hinugasan niya ang mga dugo sa kanyang katawan. Matapos noon bumalik siya sa lugar kung saan inaasahan silang magkikita muli nang mga Hadi nang tahanan ng mga Roshan.

Sa kanyang pagbabalik nakita niya ang Hadi Batul, nakaupo sa isang malaking ugat nang isang puno at siya lamang ang naroroon. Inakala niyang wala na ang mga ito datapwat nagkamali siya at naroroon ang Hadi Batul.

Lumapit siya dito. Dinaanan niya ang iginuhit na larawan nang ama nang kanyang asawa sa lupa, ang planong dapat sanang mangyayari.

Wika niya sa Hadi Batul, “ikaw lang…umalis na ang iba?”

Bagay na itinanggi nito. Umiling-iling ito. Wika nito sa kanya, “hindi pa sila dumadating!”

Wika niya, “alam mo ba ang dahilan kung bakit nagpupulong ang iilang mga kababaihan sa loob nang kakahuyan?”

Tiningala nito ang ulo nito at tumingin ito sa kanya. Tanong nito sa kanya, “bakit?”

Wika niya, “dahil sa buwan. Naniniwala sila na may kabig ang buwan sa lupa, at ang kanilang paniniwala ang kabig na iyon ay matatagpuan sa gitna nang kambal na mga bato. hindi ko kagustuhang saktan ang iyong kapatid. Iyan ang totoo!”

Dagdag nang Hadi Batul, “kumalat ang mga bulong. Sa tingin mo sino ang paniniwalaan namin. Ikaw. Sa tingin mo maniniwala sa iyo ang Hadi Mirza. Nang nakilala kita Hadi Yasir sa unang pagkakataon matapos kong pakasalan ang iyong pamangkin inakbayan mo ako sa leeg at sinabi mo, alagaan kong mabuti ang iyong pamangkin dahil kung hindi sisiguraduhin mong mawawala ang aking ulo sa pagkakadikit nito sa aking leeg. Natakot ako. Alam mo ba ang pakiramdam nang takot sa isang bata. Buong buhay niya iyon ang pagdadaanan niya, iisipin niya, tatanungin niya sa kanyang sarili bakit iyon sinabi sa kanya. Hindi kita magawang isumbong kasi natakot ako na baka balikan mo ko at gawin mo ang binanta mo laban sa’kin. Ganon ako katakot sa iyo! Kaya nang narinig kong sinaktan mo ang aking kapatid sinubukan kong saktan ka…ako ang may gawa ng lahat ng ito. Sinabi nila sa akin na saktan kita…takutin kita. Ngunit hindi nila alam kung ano ang kaya mong gawin…kung ano ang ginawa mo para sa amin nang aking asawa at wala akong nagawa tulad nang sinabi mo at hindi kita magawang patayin tulad nang nangyari.”

Umupo ang Hadi Yasir sa tabi nang Hadi Batul. Tanong niya, “mahal mo ang Adi —Natatakot ka?”

Umiling-iling ang Hadi Batul. Wika nito sa kanyang tanong, “mahal ko siya dahil mahal ko siya.”

Tugon nang Hadi Yasir, “hindi ko kagustuhan na lumaki ka sa takot, ginawa ko iyon dahil mahal ko ang anak nang aking kapatid at mahal ko ang aking kapatid. Kung mahal mo siya at kaya mo siyang pangalagaan, mabuti.”

Wika nang Hadi Batul, “ngunit ano ang gagawin ko…malalaman nila kung ano ang nangyari. Panghihinayangan nila na ako ang kanilang pinili upang saktan ka at ipakita sa iyo na hindi mo dapat sinasaktan ang Adi ng aming tahanan!”

Wika niya, “mabilis ang pagkalat nang mga bulong! Kailangan kong kausapin ang iyong ama…sabihin sa kanya ang totoo at ang Hadi Mirza. Kailangan niyang malaman na kaya kong tuparin ang aking pangako!”

Tugon nang Hadi Batul, “hihingan ka niya ng kapalit!”

Tugon ko, “alam ko…nakahanda na ang pagtulong!”

Kasabay nito bumalik ang Hadi Hakan at ang Hadi Fidan. Pinansin siya nang mga nito nakita niya ang pagkadismaya nang mga ito sa kung ano ang hindi nangyari.

Tinanong nang Hadi Hakan ang Hadi Batul kung may napangaso sila. Bagay na itinanggi ng Hadi Batul sa mga ito. Sinabi nito sa mga pinsan nito na wala silang nahuli ni isaman. Nagtaka ang Hadi Hakan sa kanila.  Nagpakitang gilas ang mga ito at ipinagmayabang ang nahuli nilang mga dagang-gubat.

Sa pagbalik nang Hadi Yusuf at Hadi Fadil dala nila ang nahuling tapir. Nakita niya ito. Nakita siya nito na buhay at ligtas…malayo sa kapahamakan. Nang tumayo siya at lumapit dito upang tulungan narinig niya ang pantawag na pamitagan nito.  Lumapit siya dito. Hiningi niyang tulungan ito bagay na tinanggap nito. Sa lugar na kanilang pinagtadaang magkikitakita tinulungan niya ang Hadi Yusuf na hati-hatiin ang mga laman at karne nang nahuli nitong ilahas na tapir.

Napansin nito na nawawala ang isang asong-gubat. Tinanong siya nito kung nasaan ang isa pang asong-gubat na dala nila. Bagay na kanyang tinuran at pinasinungalingan sa pagsabing kumawala ito at hindi niya na nahanap pa…

Bagay na pinagtakahan ng Hadi Yusuf.

Ngunit pinaalalahanan ng Hadi Hakan at Hadi Fidan na kahit kailan ay hindi maaasahan si Qiqurn ang alagang hayop na ibinigay sa kanya. Pinag-isipan nila na baka nilapa na ito nang mababangis na mga hayop o tuluyang naligaw. Datawat hindi na nila ito hinanap kasabay nang papasimula ng gabi at kataasan ng araw nang gabing ito.

Sakay sa mga asong-gubat bumalik sila tahanan nang mga Roshan. Sa pagbalik nila agad na lumapit ang Hadi Yasir sa Hadi Mirza. Tinanong niya ang Hadezar ng tahanan ng mga Roshan kung maaaring mag-usap silang dalawa nang sarilinan. Bagay na tinanggap nito

Sinamahan siya nito na magtungo sa hardin nang tahanan ng mga Roshan sa ikalawang palapag. Sa pagdating niya sa loob nang balkon kinahangaan niya ang harding itinatago nang mga ito. Pinuri niya ang hardin sa Hadi Mirza. Pagkatapos noon hindi na ito nagpaliguyligoy pa.

Sinabi niya na hindi niya sinaktan ang kanyang asawa…mali nagawa niya itong saktan…at humingi siya nang tawad sa pagkakamaling nagawa niya sa Adi Hikmet at ngayon humihingi siya ng tawad sa pagkakamaling nagawa niya sa kanyang asawa sa tahanan ng mga Roshan.

Sinabi sa kanya nang Hadi Mirza na pinagkatiwalaan siya nito, maging nang tahanan nito para ibigay sa kanya ang nag-iisang Adi at pamangking babae.  Sinabi nito sa kanya na labis itong nasaktan sa narinig na balita. Ngunit nalaman nito ang katotohanan sa pamangkin nito. Sinabi nito sa kanya maging sa mga Adi na walang nangyaring pananakit.

Inamin nito na pinilit niya ito ngunit walang nangyari sa kanila na kahit anoman datapwat hindi nangangahulugan noon na hindi na mauulit pa ang pagkakamali. Ngayon hindi na nito alam at wala nang kasiguruhan pa na maaari siyang pagkatiwalaan pa nang Hadi Mirza.

Magkagayonman humingi siya nang matinding kapatawaran dito.

Nang gabing ito naghapunan sila sa tahanan ng mga Roshan. Hinanda nang Adi Arwa sa kanila ang karne nang Tapir na hiniwahiwa sa iba’t ibang laki na ang bawat isa ay magkakasukat ayon sa pagkaka-ayos mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit. Binudburan nang iba’t ibang lasang pampaanghang nakalagay sa mga panusok at inihaw sa malawak na lupain sa gitna nang tahanan ng mga Roshan.  Habang nag-usap sila nang Adi Hala at nang mga Hadi nang tahanan nang mga Roshan.

Bilang kapalit nang nawalang asong-gubat ibinigay niya ang kanyang alagang asong-gubat na si Nanuk sa mga ito. Hinangad niyang ang Hadi Batul ang mag-alaga nito bagay na tinanggap ng asawa nang kanyang pamangkin.

Matapos ang kanilang hapunan sa tahanan ng mga Roshan nagkaroon nang maikling kwentuhan. Hindi nagtagal lumalim ang gabi at tuluyang nagdilim ang kalangitan. Matapos noon nagpaalam sila sa hadi mirza at sa mga kamag-anak nang kanyang asawa. Nagpasalamat siya sa Adi Arwa sa masarap na hapunan…gayon din nagpasalamat siya sa Hadi Mirza sa pagbibigay ito sa kanya nang pangalawang pagkakataon. Hindi nagtagal iniwan nila ang tahanan nang mga Roshan at sakay kay Amarok bumalik sila sa tahanan ng mga Barakat.

Muli Binaybay nila ang landas patungo sa kinasakupang lupain ng tahanan ng mga Ardashir hanggang sa narating nila ang nag-eekis na daan kung saan binagtas nila ang daan pakanan patungo sa kinasasakupan nilang lupain ng tahanan ng mga Barakat.

Sa kanilang pagbalik sa kanilang tahanan nanatili silang magkahiwalay nang silid nang Adi Hikmet. Nanatili ang kanyang asawa sa kanyang silid habang siya ay bumalik sa loob nang kanyang tinutuluyang silid na nagtataglay nang mga larawan na nagpapakita sa pagbagsak ng kanyang tahanan sa ikalawang pagkakataon.

Nakatayo siya sa isang gilid ng silid habang pinagmamasdan ito. Unti-unti bumigat ang kanyang mga mata. Nang hindi niya na ito mapigilan pa lumabas siya sa silid na kanyang tinutulugan. Sa paglabas niya nakita niya ang madilim na pasilyo, naglakad siya palabas. Sa kanyang paglabas, nasilayan niya ang liwanag nang buwan na pumapaimbulong sa madilim na gabi. Humakbang siya sa pasilyo, pinagpatuloy niya ang kanyang paglalakad. Bumaba siya sa nakaangat na pasilyo patungo sa malawak na lupain sa gitna ng tahanan.  Napansin niya ang liwanag nang isang nakasinding tinghoy na nanggagaling sa isa sa mga silid sa ikalawang palapag nang tahanan. Ang kanyang silid kung nasaan ang kanyang asawa.  Pinagmasdan niya ito.

Hindi nagtagal tinalikuran niya ito. Bumalik siya sa loob nang tinutuluyang silid. Humiga sa kanyang kama, pinikit ang mga mata at nagsimula siyang matulog. Hanggang sa narinig niya ang pagbukas ng pintuan at nakita niya ang Adi Hikmet na pumasok lumapit ito sa kanya. Iniwang nakabukas nitong nakabukas ang pintuan

Hinubad nito ang suot nitong damit at saka lumapit sa kanya.

Sa paglapit nito sa kanya pinigilan niya ito. Wika niya, “kung gagawin natin ito wala nang bawian pa Adi Hikmet. Magiging akin ka…magiging iyo ako. Nagkakaintindihan ba tayo?”

Tumango-tango ang kanyang asawa. Nagpatuloy ito sa paglapit sa kanya. Hinawakan nang Adi Hikmet ang kanyang pisngi. Hinawakan niya ang kamay nito bago pa man tuluyang madampian nito ang kanyang mukha. Inangat niya ang kamay nito sa ibabaw nang kanyang ulo. Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga. Humiga ito sa kanyang higaan. Kasunod noon tinanggal niya ang kanyang suot na damit. Habang ginagawa niya ito nakatagilid ang ulo nang kanyang asawa malayo sa kanya.

Wika niya, “wooni un’zah edere. (Jng. tingnan mo ko.)” Bagay na ginawa nito.

Isa-isa niyang tinanggal ang kanyang suot nang gabing iyon. Habang unti-unting niyang tinatanggal ang kanyang damit pinansin nang kanyang asawa ang kanyang katawan. Ang mga galos at sugat sa kanyang dibdib, tagiliran, balikat sa ibabaw nang kanyang beywang at sa ilalim nang kanyang baba, sa kanyang kanang binti at sa kanyang kaliwang hita na mga bahagi nang kanyang kasaysayan na hindi niya hinangad. At nang tuluyan na siyang nawalan nang suot na damit.

Hinawakan niya ang kanyang titi. Itinaas baba niya ito. Sinalsal.Ginato niya ito sa harap nang Adi Hikmet habang pinanonood siya nito sa pagsalsal. Hindi ito nagsalita sa kanya…wala itong ginawang kahit ano. Nakahiga ito sa kanyang higaan at pinagmamasdan nito ang kanyang ginagawa. Lagatak ang pawis sa kanyang likuran at sa kanyang leeg. Hanggang sa dahan-dahan at lumapit sa kanya ang kanyang asawa. Hinawakan nito ang kanyang pisngi habang ginagawa niya ang pagsalsal nakaluhod ito sa higaan habang nakaharap sa kanya. Tinitigan nito ang kanyang pagsalsal sa kanyang titi. Hinawakan nito ang kanyang kamay na nasa kanyang ari. Pinigilan siya nito.

Tumingin siya dito. Tinitigan niya ito at hinalikan niya ito at hinalikan siya nito. Dinala siya nito patungo sa kanya. Naglapat ang kanilang mga katawan, ang kanilang mga dibdib. Hinalikan niya ito sa pisngi at unti-unti hinalikan niya ito paibaba hanggang maramdaman niya sa kanyang labi ang utong ng suso nito. Nagustuhan ito nang kanyang asawa. Pinagpatuloy niya ito. Kasunod noon ibinaba niya ang kanyang kamay sa pagitan nang kanilang katawan. Pinasok niya ang kanyang hintuturo at hinlalato sa loob nang katawan nang kanyang asawa. Sinalsal niya ito…At nang hiningi nang Adi Hikmet na gawin na nila. Ginawa niya ito nang walang halong pag-aalinlangan at may pakiusap. Hinawakan nang Hadi Yasir ang kanyang titi. Unti-unti dahan-dahan niya itong ipinasok sa katawan nang Adi Hikmet. Inulos niya ito nang inulos. Nagsimula ito sa pagiging mabagal, dahan-dahan at unti-unting naging mabilis at bumilis pa. Nakarinig siya nang haluyhoy sa bibig nang kanyang asawa.

Nang gabing ito pinagsaluhan nila ang magdamag at sa paggising niya nakita niya ito sa kanyang tabi. Paharap sa kanya. Nakapatong ang kamay at ang hita sa kanyang kamay. Ngumiti siya. Kasabay noon muli niyang pinikit ang kanyang mga mata.

Advertisements

One thought on “KABANATA WALO:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s