Paghinga

Paghinga

LanceBahagi na ng aking paghinga ang mga tula.
Nababad na ang aking diwa sa mga samu’t saring kataga
na parang isang bukas na libro, na nanghihimok na aking basahin,
Bawat pahina’y tumatalakay sa bawat tagpo ng buhay.

Sa pagtingin ko sa mga pahina ay tila dinadala ako ng panahon
sa isang dako ng mundo na malaya ang bawat panulat,
na tila lumilipad sa hangin,
malayang nakakarating sa kung saan man.

Sa bawat kalsada na aking nilalakaran,
Nagbabaybay ako ng mga salita,
Na mga tugma, na posible kong magawa mula sa kawalan,

Habang naglalakad ako sa isang daang bali-baliko, lubak-lubak,
ay ginagawan ko sila ng tinig, ginagawan ko sila ng buhay,
ng hininga habang sila ay nakahimlay kakabit ang mga semento,
aspalto, mga poste ng ilaw na nakatirik sa kanila.

Ang tula para sa akin ay isang malayang pook
ng mga pusong ang hangad lamang ay makapag-iwan ng mga tanda,
ng mga tinig na hindi man maisigaw sa hangin, ay tila isang nagbabadyang digmaan
ng mga diwang matagal nang naghahangad na mailahad ang kanilang nararamdaman,
ng mga bibig na matagal nang itinikom sa mahabang panahon.

Hinahayaan ako ng mga tula,
na abutin ang mga tala, na palayain ang aking diwa
na salungatin ko ang ikot ng mundo.

Hinahayaan ako ng mga tula,
Na umukit ng sarili kong pagkakakilanlan,
Ibalik ang ang mga matatamis na alaala,
na binabaon na lang sa limot.

Huwag sanang magsawa ang mga tula
Na ako ay kanilang pakinggan, na akapin ang aking karupukan.

Huwag sanang magsawa ang mga tula,
na ako’y ihatid sa mga tala ng mga tudla,
Huwag sanang magsawa ang mga tula,
sa habambuhay kong paghinga.

—Anthony Lance D. Abellion

KABANATA SAMPU:

ANG GABING PINAKILALA NANG HADI YASIR SA ADI HIKMET ANG MGA KAAWAY NANG TAHANAN SA ISANG SALU-SALO

Nang gabing ito, na walang ipinagkaiba sa bawat nagdaang mga gabi, pumasok ang Hadi Yasir sa loob nang kanilang silid mag-asawa kung saan makikita ang mga nakaukit na larawan na nagpapakita nang pagbagsak nang tahanan ng mga Barakat sa ikalawang pagkakataon, at nang muling pabangon nang mga ito. Nakatapis ang kanyang asawa sa pagpasok nito sa kanilang silid. Hindi maitatanggi ang amoy nang nakakalasing na inumin sa bibig nito na kahit anong gawing ligo ay hindi matanggal. Sinarado nito ang pintuan ng kanilang silid. Tanglaw sa mga nakasinding tinghoy sa loob nang kanilang silid, sa mainit na gabi, ang basa nitong katawan

Sa pagpasok nito lumapit ito sa kanya. Tinanggal ang nakatapis na malinis na pamunas sa katawan nito. Nakita niya ang titi nang Hadi Yasir…napakaganda ang kanyang nakikita…ang hindi gaanong katambok na tiyan nito, ang malalaking mga braso at kamay nito. Ang matambok na puwet nang Hadi Yasir. Higit sa lahat, ang malaki, maugat at hindi gaanong kahabang titi nito na pinapaligiran nang mga buhok at malawit nitong itlog.

Kasabay rin nito tinanggal niya na rin sa pagkakatali ang mga sintas nang kanyang suot na panloob na damit at hinubad ito sa kanyang katawan.

Nang magkalapit na silang dalawa sa isa’t isa, nilagay nito ang kamay nito sa kanyang mukha. Hinawakan niya ang kamay nito na nasa kanyang pisngi. Hindi nila magawang tanggalin ang tingin sa isa’t isa na nakadungaw pareho sa kanilang pagkatao. Siya nakayuko, ito nakatingala sa kanya. Gusto siya nitong halikan. Sinubukan siya nitong halikan subalit umiwas siya, inatras ang kanyang ulo sa banta nang paglapit nito sa kanya at tumiyad. Tinanggal nito sa pagtiyad ang mga paa nito Kasunod noon sinandal nito ang noo nito sa kanyang dibdib, niyakap siya nito nang mahigpit habang ang kamay nito ay nasa kanyang mukha at magkadikit sila sa isa’t isa.

Wika nito, “tama…” Ramdam niya ang panghihinayang sa mga salita nito.  Gayong hinawakan niya ang titi nito. Sinalsal niya ito at Sinalsal.  Tumingin ito sa kanya nang may pagtataka. Tinaas-baba ang kanyang kamay mula ulo hanggang ugat.

Tumanggi ang Hadi Yasir…Wika nito, “huwag!”

 Gayong hindi siya naawat.

Tinanggal nito ang kamay nito sa pagkakahawak sa kanyang pisngi.  Inilagay nito ang kamay nito sa kanyang kamay na sinamahan siya pagsalsal sa titi nito…Wika nito sa kanya, “ganito!” tinuro nito sa kanya kung papaano ito gagawin.  Habang nakapatong ang kamay nito sa kanyang kamay, pinakapit nito sa kanya nang madiin sa pagkakahawak ito. Diniinan niya ang paghawak habang tinaas-baba mula ulo hanggang ugat…ugat hanggang ulo binaba-taas nito ang pagsalsal sa titi nang kanyang asawa.

Nakarinig siya nang haluyhoy sa Hadi Yasir. Mga paghikbi na mistulang humihigop nang hangin habang nakayakap ito sa kanya nang mahigpit at nakakapit ito sa kanya nang madiin. Sinandal nito ang ulo nito sa kanyang balikat Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang leeg. Ang dugo na pumatak at tumulo sa kanyang dibdib, habang dinidiinan nito ang pagkagat sa kanyang bibig.

Nakiusap ito sa kanya na bilisan niya. Binilisan niya mula ulo hanggang ugat…nakiusap ito sa kanya—nakiusap ito sa kanya na bilisan niya pang lalo ang ginagawa niya at ginawa niya. Binilisan niya ito nang binilisan. Tinaas-baba nang tinaas-baba na habang tumatagal ang matigas ay hindi na maitatago pa ang katigasan.  Hanggang sa nakiusap ito sa kanya at sumabog ito sa kanya.  matapos noon pinakawalan niya ito…hinalikan niya ito sa labi. At hinalikan siya nito labi.  Lumuhod siya sa harapan nito gayong hawak nito ang kanyang mga braso. Kinuha niya ang hinubad niyang damit. Pinunasan ang kanyang kamay nang damit na pinaghubaran at ang latak sa kanyang katawan.

Bulong nito sa kanya, “sandali lang…” Nakiusap ito sa kanya habang hawak nito ang kanyang tagiliran. Humingi ito sa kanya nang tawad. Nangako ito sa kanya na hindi na siya iinom pa…Bagay na kanyang itinanggi. Sinabi niya dito na hindi niya ito mapipilitang hindi uminom at magpakalasing.  Nakiusap siya dito…nakiusap siya dito na patawarin siya nito gayong pinatawad niya ito at hiniling nito sa kanya na halikan siya nito gayon hinalikan niya ito sa labi at hinalikan siya pabalik. Pinatong niya ang kanyang mga kamay sa balikat nang Hadi Yasir. Niyakap siya nito nang mahigpit. Nakalagay ang ulo nito sa kanyang leeg. Tinanong siya nito kung saan nakuha ang dugo sa kanyang dibdib.

Sinabi niya dito na nakuha niya ito sa kanya. Nabaling ang pansin nito sa kanya. Tinanong siya nito, “saan!”

Sinabi niya dito na wala siyang dapat na ipag-alala… Sinabi niya na tignan nito ang bibig nito gayong nagdudugo ang labi nito. Pambubuyo niya dito, “sinabi mo sa akin na hindi ka lasing…ano iyang ginagawa mo.”

Bagay na itinanggi nito sa kanya. Gayong humingi ito nang tawad sa kanya, at hindi niya ito pinakinggan. Narinig niya na ito ilang beses sa Hadi Yasir ngayong gabi…sapat na ang isang beses para marinig niya ang lahat nang pagpapatawad nito sa kanya. Muli bumalik ito sa pagsandal nang ulo nito sa kanyang balikat habang nanatiling nakapatong ang kanyang mga kamay dito. Bulong niya sa kanyang asawa, “ngayon ko lang ginawa iyon…” nang may ngiti. Hinalikan siya nito sa leeg.  Kasabay noon gumalaw sila. Sumayaw silang dalawa habang nakahubad at walang tugtog.

Tinawag niya ito. Tinatawag niya ito sa kanyang mga pagsigaw na mga pabulong … HADEZARHADEZAR. Tinanong niya dito kung ano ba ang ginagawa nila. Sinabi nito sa kanya na sumunod lang ito sa kanya. Ipinatong niya ang kanyang mga paa sa mga paa nito. At umikot sila at umikot sila. Nanatili ang kanyang mga kamay sa balikat nang asawa, at ang mga kamay nito sa kanyang beywang…malayo ang tinatanglaw sa isa’t isa.

Habang nakalagay ang ulo nito sa knayang balikat bulong nang Hadi Yasir, “mofe iwou Adi Hikmet, mofe waxa’açzi dubro’dhoshlhe.” Bagay na kanyang ikinagulat.  Tinanggal niya sa pagkapit ang kanyang mga kamay sa balikat nito gayong niyakap niya ito nang mahigpit. Wala itong puso. Napakalungkot na marinig ito dito. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. At nagpatuloy sila sa pag-ikot at pagsasayaw sa loob nang kanilang nagliliwanag na silid nang dahil sa mga timsim na mga nakasindi ngayong gabi…

Sinabi sa kanya nang Hadi Yasir na gusto niya itong maangkin ngayong gabi. Tinanong siya nito kung maaari ba siya nitong maangkin ngayong gabi. Sumang-ayon ito

Dinala niya ito sa kanilang kama. Pagkatapos noon, nang gabing ito pinagsaluhan nila ang magdamag… at natulog sila nang magkayakap. Nang gabing ito isang panaginip ang dumapo sa kanya. Nakahiga siya sa loob nang kakahuyan na ang kanyang hinihigan ay lupang mayroong mga nakakalat na mga tuyong dahon na mistulang alpombra ng tulad nang kanyang pagkakahiga sa kama sa loob ng silid nilang mag-asawa habang nakapatong sa kanyang ang Hadi Yasir. Hindi niya magawang makatayo bagkus, pinipilit niya ang kanyang sarili na bumangon bagay na hindi niya magawa. Sa halip nanatili siyang nakahiga. Tinatanglaw ang kalangitan at ang mga nagtataasang mga puno na may malililim na mga sanga at naglalakihang mga dahon. Hanggang sa nakaramdam siya nang tila may gumagapang sa kanyang katawan. Isang nakapalaking ahas na nagtataglay nang matingkad na kulay dugong-pulang na mga kaliskis na sa bawat dulo ay maaninag ang bumabarang itim at kulay kahel. Isang pulang-ahas na bitis kung tawagin sa kanila. Unti-unti itong lumalapit sa kanya. Nagpapalit nang balat. Hinuhubdan ang sarili niyang pagkatao. At sa paglapit nito sa kanya at pagkakita sa kanya nakita niya ang mga pula nitong mga mata na may kulay itim na balintataw. Ang naka-usling sungay sa ulunan nito. At ang lumalabas nitong itim na dilang humahati. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata…

Sa pagdilat ng mga ito, nakita niya na wala sa kanyang tabi ang kanyang asawa. Bumangon siya mula sa kanyang pagkakahiga. Tumayo sa higaan nilang mag-asawa, kinuha ang hinubad niyang suot na panloob na damit at agad na lumabas sa kanilang silid mula sa nakabukas na lagusan. Sa paglabas niya nang kanilang silid nakita niya ang kanyang asawa na nakatingin sa isang nakahandusay na babae sa loob nang kanilang tahanan.

Tinawag niya ang Hadi Yasir dahilan upang tumingin ito sa kanya. Lumingon ito sa kanya.  Umupo ito sa sahig nang kanilang tahanan…Tinanong niya ito kung ano ang nangyayari. Inutusan siya nitong bumalik sa kanilang silid bagay na hindi niya ginawa. Sa halip lumapit siya sa kanyang asawa. Nakita niya ang dugo sa mukha nito.

Nabaling ang kanyang tingin sa nakabulagtang babae. Nakatarak sa mukha nito ang isang patalim.

Sinabi niya, “ikaw ba ang gumawa nito?”

Bagay na itinanggi nito sa kanya. Wika niya sa Hadi Yasir, “kilala ko siya! Ang pangalan niya Saad. —Bakit siya nandito…anong ginagawa niya dito?”

Umupo siya sa tabi nito…gayong pareho nilang pinagmamasdan ang bangkay nang babae. Wika nito sa kanya, “gusto ko niyang makita. Tinanong niya sa akin kung maaari ka niyang makita. Tumanggi ako. Sinabi ko natutulog ka, hindi ka maaaring gambalain. Ngunit nakiusap siya sa akin…nagpumilit siya. Nangahas siyang lumapit ngunit hindi ako pumayag pinigilan ko siya. Hanggang sa pinagbantaan niya ako. Napansin ko na may hawak siyang patalim. Tinanong ko kung bakit siya may hawak na patalim. Sinabi niya kailangan niya iyon…Tinanong ko sa kanya kung saan niya gagamitin. Hindi siya kumibo. Ayaw niyang sabihin. Itinaas niya ang patalim. Hiningi ko sa kanya ang patalim…nakiusap siya sa akin na kung maaari makita ka niya. Gusto ka niya makita at hindi ako pumayag. Hanggang sa pinagbantaan niya ako. Hiningi ko sa kanya ang patalim… sinubukan kong makipag-agawan, sinugatan niya ako sa dibdib.” Bagay na nakita niya. Pagpapatuloy nang kanyang asawa, “umatras ako…hiningi ko sa kanya. paulit-ulit niyang sinasabi sa akin gusto ka niyang gusto ka niyang makita…kailangan ka niyang makita. Tinatanong ko siya kung bakit pero itinatanggi niya at sinasabi niya sa akin na bawal…bawal! Hanggang sa sinaksak niya ang kanyang sarili nang paulit-ulit. At sinaksak niya ang kanyang mukha.”  Tanong nang Hadi Yasir sa kanya, “ano ang ginagawa niya dito, Adi Hikmet?”

Wika niya dito, “hindi ko alam! Kailan ko lang siya nakilala…kasama siya sa mga Adi sa panlalamas. Doon ko siya nakilala.”

Tanong nito sa kanya, “sigurado ka?”

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Nang gabing iyon dalidaling kumilos ang kanyang asawa nagbihis ito at umalis sa kanilang pamamahay dala ang bangkay ng babae kasama nang alaga nitong si Ijiraq. Naghintay siya sa pagbabalik nito, hanggang sa tuluyan itong bumalik sa loob nang kanilang tahanan. Nang makita siya nito sa loob nang silid-lutuan tinanong siya nito kung nagugutom siya bagay na kanyang itinanggi. Sinabi niya sa kanyang asawa na hindi siya sigurado…na hindi siya sigurado kung magagawa niya pang kumain.

Kasabay nito nakita niyang kumuha nang nakakalasing na inumin ang Hadi Yasir…nabaling ang pansin niya sa kanyang asawa. Tinanong niya ito gayong napakaaga at kinakailangan nitong umiinom.  Nakiusap siya dito na takpan ang masangsang na amoy nang lagayan ng nakakalasing na inumin na lalong nagpapasakit nang kanyang ulo.

Nagtaka ito sa kanya.  Tinanong siya nang kanyang asawa kung maayos lang ba ang kanyang kalagayan. Sinabi nito sa kanya na maayos lang ang kalagayan nito. Na wala itong dapat na ipag-alala.

Matapos noon niyaya siya nitong samahan siyang magbabad sa mainit na tubig nang bukalan. Bagay na kanyang tinanggihan at sinabing gusto niyang bumalik at magpahinga sa kanilang silid. matapos noon tinalikuran niya ang Hadi Yasir.  Umalis siya sa loob nang silid-lutuan at bumalik sa loob nang kanilang silid tulugan. Bumalik siya sa kanyang pagkakahiga…. Gayong muling pinikit ang mga mata at natulog.

Nakarinig siya nang pagsitsit nang ahas…

Dumaan ang maraming mga araw at sa paglipas nang maraming mga gabi nagpatuloy ang kanilang mga buhay. Madalas niyang napapanaginipan ang pulang bitis ahas na may kahel na mga kaliskis…ang ingay nito ang nakakatawag nang kanyang pansin na gumagambala sa kanyang mga pagtulog. Ang pulang nag-aalab na ahas na may mga itim na mga mata. Ang palakas at palakas nitong pagsitsit ang nagbibigay sa kanya nang mga hindi matihimik na mga gabi. May mga pagkakataong napapansin ito nang Hadi Yasir. At tinatanong siya kung ano ang nangyayari sa kanya.

Sa gitna nang pagpapaligo nito sa kanilang mga asong-gubat tinawag niya ito. Nabaling ang pansin nito sa kanya na nasa malawak na lupain sa gitna nang kanilang tahanan. Bumaba siya sa kanyang paglalakad patungo dito. Tinanong nito sa kanya na may sinabi ba ang Adi Saad dito maliban lamang sa kagustuhan nitong makita siya.

Bagay na itinanggi nito sa kanya. Tinanong niya ang kanyang asawa kung nakakasiguro ba ito. Bagay na sinang-ayunan nito.

Matapos noon kasabay nang kanyang pagtalikod tinanong nang Hadi Yasir sa kanya kung hindi ba siya aalis ngayong araw. Bagay na kanyang pinagtakahan. Tinanong niya dito kung bakit. Gayong sinabi nito sa kanya na napag-usapan na nila ang pagpunta at paghahanda sa mga kababaihan sa darating na pag-aani.

Bagay na ngayon niya lamang naalala at tumanggi na hindi siya makakasama dito. Gayong umalis siya at dalidaling nagtungo sa loob nang bukalang silid. Nakaramdam siya nang pagkaalibadbad… agad nagtungo siya sa kasilyas at nakaramdam nang pangangasim sa kanyang lalamunan at dumuwal gayong wala siyang natatandaan na kahit anong kinain niyang masama.

Kasabay noon narinig niya ang tinig nang kanyang asawa. Tinanong nito sa kanya kung ano ang nangyayari sa kanya.  Sa paglingon niya nagulat ito sa kanya…gayong nakita nitong nagmumula ang kanyang buong mukha at mistulang hindi makahinga.

 Dalidali siya nitong itinayo malayo sa kasilyas. Sinamahan siya nitong maglakad palabas nang bukalan at papasok nang kanilang silid mag-asawa. Gayon tinanong nito sa kanya kung ano ba ang nangyayari sa kanya…at nagkakaganito siya.

Naimbi siyang sabihin ang totoo sa kanyang asawa. Sinamahan siya nito sa loob nang kanilang silid. Pinahiga sa kanilang kama. Gayong kumuha ito nang palanggana at malinis na pamunas at pinunasan ang knayang katawan. Sinabi niya dito na wala siyang sakit.

Gayon tanong nito sa kanya, “nagdadalang-tao ka ba?”

Oo ang sagot…Oo ang katotohanan. Wika niya, “hindi ko alam, hindi pa ako sigurado!”

Sinabi nito sa kanya na magpahinga na lang siya. Bagay na kanyang ginawa.

Mabilis na kumalat sa buong Ja’khar ang kanyang pagdadalang-tao. Hindi nagtagal isinilang ng Adi Ismat ang panganay na anak nang kanyang kapatid na si Hadi Batul.  Ganon din mabilis ding kumalat sa buong Ja’khar ang pagkasilang nang panganay na anak ng kanyang kapatid at nang asawa nito.  Nalaman niya ito sa kanyang asawa habang inaayos niya ang mga halaman sa malawak na lupain sa gitna nang kanilang tahanan. Patuloy ang nararamdaman niyang sakit na dulot nang pagdadalang-tao. Agad nilang binisita ang tahanan ng mga Roshan matapos itong malaman.

Sa pagdating nila, tinanggap sila nang mga ito ng maluwag. Nakilala nila sa unang pagkakataon ang Hadi Merkabah, ang unang apo nang tahanan nang mga Roshan at ang unang pamangkin nang Adi Hikmet.

Kinamusta nang Hadi Yasir ang mag-asawang Hadi Batul at Adi Ismat na hindi niya maitatanggi na naging malapit sa kanilang dalawa. Kinamusta nang Hadi Yasir ang Adi Ismat. Tinanong nang Hadezar nang tahanan nang mga Barakat sa pamangkin nito kung dumalaw na ba dito ang kapatid nito. Bagay na itinanggi ng asawa kanyang kapatid.

Kinamusta nang kanyang ina ang kanyang pagdadalang-tao. Gayong tinuran niya dito na habang tumatagal ay hindi nagiging mabuti ang kanyang pakiramdam at madalas ay nahihirapan siyang kumilos. Tinanong nang kanyang ama kung kamusta ang Hadi Yasir. Sinabi niya sa kanyang ama na wala itong dapat na ipangamba. Binatid niyang masaya siyang kasama ang kayang asawa at iyon ang totoo. Wala itong dapat na ipangamba. Napansin niyang kausap nang kanyang asawa ang kanyang tiyo.

Matapos ang pagkilala nila, nang kanyang asawa, sa Hadi Merkabah tuluyan silang umalis ng tahanan nang mga Barakat.

Habang nasa hapunan tinanong niya ang kanyang asawa kung ano ang pinag-usapan nito at nang kanyang tiyo. Sinabi nito sa kanya na nangangamusta lamang ang Hadi Mirza. Ganon tinanong rin nito sa kanyang asawa kung tinutupad ba nito at ginagawa ang pangakong minsan ng napako. Bagay na sinang-ayunan nito.

Tinanong niya ang Hadi Yasir kung tinanong din nito dito ang pakikipagkita ginagawa niya sa mga may-ari ng lupa na nasa ilalim nang kanilang tahanan. Bagay na pinabulaanan ng Hadi Yasir sa kanya. Tumingin ito sa kanya. Sinabi nito na tinanong ito nang kanyang tiyo kung maging din ba ang mga ito ay inimbitahan sa magaganap na hapunan sa gabi ng pista nang mga mangingisda. Bagay na sinabi ng kanyang tiyo sa kanyang asawa na tanging sila lamang ang imbitado ng Hadi Mahdi.

Kinagabihan matapos ang kanilang hapunan, sa gitna nang kanyang pagbababad sa mainit na tubig nang bukalan pumasok ang kanyang asawa sa loob nang silid. Sinamahan siya nitong maligo. Sinimulan nitong pahiran ang kanyang likod nang mabangong insenso at kasunod noon sabay silang nagbabad sa mainit na tubig nang bukalan.

Sinabi niya sa kanyang asawa na makabubuti kung ito na lang ang pumunta sa hapunan. Gayong pinaalalahanan niya itong magiging mapanganib ang buong gabi sa kanilang dalawa sa pagtitipong inaasahan kung sakaling pupunta sila. Datapwat giit nang Hadi Yasir na hinihintay ang kanilang pagdating tahanan ng mga Harith. Na ang pagtanggi sa mga ito ay patunay lamang na wala silang isang salita.

Kinaumagahan, maagang bumangon ang kanyang asawa para sa paghahandang gagawin nito sa pagkilos sa pista nang mga mangingisda na gaganapin ngayong araw. Nagising ito kasabay nang paghalik nito sa kanyang noo habang nakatalikod siya dito at nakayakap ito sa kanya. Iniwan siya nitong nag-iisa sa loob nang kanilang silid mag-asawa. Sinimulan nitong maghanda sa mga gagamitin nito.

Nang umagang ito, nagising siyang wala ang asawa sa kanyang tabi. Sa kanyang pagtayo agad siyang lumabas sa kanilang silid. Nakita niya ang Hadi Yasir na kakapasok lamang sa lagusan ng kanilang tahanan na may dalang prutas nang rimas, jaboticaba, mga gulay na manioc, kohlrabi, oca, karne ng Mantahungal para sa pag-iimbak nang pagkain.

Lumapit ito sa kanya. Tinanong siya nito kung kagigising niya lamang. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Humalik ito sa kanya bagay na kanyang binalikan ng paghalik.

Sinabi sa kanya nang kanyang asawa na nakahanda na ang mga Jingkar para sa gaganaping paligsahan ng mga maliliit na mga bangka. Nagsisimula na ang iba sa paglahok kahit hindi kabilang sa lipon ng mga mangingisda na nasa ilalim nang patnugot at pamumuno ng tahanan ng mga Harith at Parvana.

Tinulungan niya ang kanyang asawa na maghanda ng kanilang almusal bago ang kanilang pag-alis.  Nang umagang ito nag-almusal sila ng mainit na sabaw na mula sa pinakuluang karne ng Mantahungal at nilutong rimas. Kasunod naghanda na silang gawin ang pagpunta sa pista na inaasahan ang kanyang asawa.

Unang naligo ang Hadi Yasir. Agad itong pumunta sa silid na bukalan, hinubad ang mga suot na damit na kulay kayumangging Báta at kulay kayumangging Saluwâl. Pinahiran ang sarili ng mabangong galabok at insenso ang katawan at langis ang mga buhok. Binuhusan ang sarili nang mainit na tubig gamit ang panabo. Sunod itong nagbabad sa mainit ng bukalan at sa pag-ahon agad itong kumuha ng pamunas at pinatuyo ang sarili. Unang pinunasan nito ang mukha na sinundan nang pagpupunas sa buong katawan bagay na madalas niyang napapansin sa kanyang asawa tuwing sabay silang naliligo. Sinabit nito ang pamunas sa balikat, tinanggal sa pagkakatali ang nakatirintas na buhok nilugay ito at sa tuwing bumabalik paharap ay ibinabalik pagtalikod ang nakalagay na buhok na mahaba na at makapal.

Inahit nito ang sariling mga balbas at bigote sa mukha nito gamit ang labahang kanyang matagal ng ibinigay dito. Bagay na kanyang ikinagulat nang makita ito mula sa pagiging ermitanyong itsura nito na palagi niyang napapansin. Sinabi niya sa kanyang asawa na nagmukhang malinis ito at nagmukhang bata ang itsura bagay na ikinatuwa nito. Kasunod noon ginupitan niya rin ang buhok nito… Pinutol nang hanggang isang pulgada ang makapal na buhok nito. Tinali, tinirintas, at saka inahit ang magkabilang gilid, sa ibabaw nang mga tenga at paibaba at likuran nang ulo nito.

Matapos agad itong nagsuot nang mga gagamitin itong damit na pang-alis. Nagsuot ito nang malilim na kulay bughaw na Báta na nagtataglay nang mga kinuluyang palawit ang magkabilang balikat, mga patayong makakapal at pakwadradong linyang burdado sa gintong sinulid at nagtataglay nang maliliit na mga tansong-dilaw na nakatahi dito. Nakasuot din ito nang saluwâl na malilim na bughaw na nagtataglay nang mga gintong burda nang mga maliliit na mga bituin, pakwadradong parihaba sa magkabilang gilid. Sinuot nang nakakorto na ang laylayan ay hanggang sa ilalim nang mga tuhod at hanggang isang paa lamang pagitan mula sa bukong-bukong nang mga paa nito.

Matapos noon sinuot nito ang mga sandalyas nito sa paa. Sunod naman nitong hinanda ang mga adorno sa katawan nito. Sinuot nito sa kanang palasinsingan nito ang luntiang batong singsing na madalas nitong sinusuot, sa mga kamay nito ang mga galang na gawa mula sa balat nang buwayang Magan. Mga bakal na panara na gawa sa itim na bato sa suot nitong saluwâl.  May pangkulay na patayong itim ang magkabilang pisngi ng kanyang asawa. May suot itong itim na hikaw na gawa sa itim na bato, pandong at mga sinturong tela na itim at bughaw na may mga bakal na palawit sa beywang nito.

Kasabay noon naghanda naman siya upang maligo matapos ang paghuhugas nang mga pinagkainan. Sa kanyang paghahanda naligo siya sa mainit na bukalan ng tahanan. Kinuskos niya ang kanyang katawan at pinahiran nang mabangong insensong galabok at langis. Nagbababad siya sa mainit na tubig ng bukalan at pagkaligo agad siyang naghanda. Sinuot niya ang isang mahabang panloob na damit na kulay puti, manipisnipis at sutla na ang laylayan ay hanggang sa bukung-bukong nang kanyang mga paa at burdado nang mga isdang Bakunawa na nakapaikot at mistulang lumalangoy palibot sa kanya. Itinali niya ang mga panali nito at inababawan ng babero na gawa sa hinabing rattan na sukat sa kanyang buong katawan at nagtataglay nang makintab na kulay kayumanggi at hugis dahon ang itsura. Nakatali ang mga balat na panali nito sa kanyang likuran. Inibabawan niya ito nang kulay murado, limbaon at pulang-magulang na hinabing saluwâl na nagtataglay ng mga alon-along burda sa sinulid na ginto at tuldok-tuldok. Nakabuhol ito sa kanyang balikat. Kasunod noon nagsuot siya nang galang sa kanyang mga kamay na mula sa itim na bato at kwintas na may iisang batong perlas na nakalubog sa tansong-dilaw. Ang kanyang mga tenga ay nagtataglay ng mga pulang hikaw at itim na bato. Ang kanyang buhok ay nakatali sa kanyang ulunan na nakapusod. Sandalyas sa kanyang mga paa at dilaw na sambalilong isicholo.

Nang makita siya nang kanyang asawa nakita niya itong ngumiti sa kanya bagay na kanyang binalikan nang pagngiti. Lumapit ito sa kanya habang pababa siya sa baitang nang pasilyo. Hiningi nito ang kanyang kamay bagay na kanyang ibinigay dito. Lumabas sila sa tahanan ng mga Barakat. Kasunod noon sinakay siya nito sa paratilyang nasa likuran ng itim na asong-gubat na si Amarok. Sinarado nito ang pintuan ng lagusan at sumakay ito sa kanyang sinasakyan. Sinimulan nitong pakilusin ang kanilang alagang hayop paalis sa kanilang kinasasakupang lupain at patungo sa kinasasakupang lupain ng tahanan ng mga Harith, sa baybayin-dagat at dalampasigan.

Sa kanilang pag-alis nang kanyang asawa sa kanilang tahanan nakita niya ang makulay na daigdig na ginawa nang Hadi Mahdi para sa kanilang lipunan. Namutawi ang mga matitingkad na mga kulay lila, mga limbaon at mga pulang-magulang na mga palawit a buong Ja’khar. Ang mga Adi at Hadi ay nakahanda at nakasuot nang matitingkad na kulay luntian, dilaw at lilang mga kulay na Báta at saluwâl na inaadornohan ang mga katawan ng mga alahas na giginto, tatanso, kulay luntian, kulay pula at gawa sa itim na bato. Ang bawat tahanan ay mayroong mga makukulay na kiping. Nakahanda ang mga prutas para sa kasalukuyang nagaganap na kapistahan nang mga magsasaka at mangisngisda na sabayang isinasagawa taon-taon sa Ja’khar. Nabulabog ang Ja’khar sa pagiging marangya na kahit ang mga Hadezar nang bawat tahanan ay hindi makatatanggi sa ganda at kabutihang ipinapakita nito para sa kanilang lipunang taon-taon ay dinadaluhan ng mga dayuhan sa iba’t ibang panig nang mundo.

Nagsimula ang kapistahan sa dalampasigan kung saan makikita ang nakatayong plataporma na nakaharap sa mga naglalakihang mga debuho na gawa sa bato na may malalaking mga bunganga na tuwing gabi ay sinisilaban upang maging tanglaw sa mga mangingisda sa baybaying-dagat. Unang umakyat sa gawang plataporma ang kanyang asawa na kanyang sinundan sa pag-akyat.

Sa pagsisimula nang kapatishan, pinahayag nang Hadi Mahdi sa kanila ang kagalakan nito na makita ang pagtulong nang mga kapwa nito hadezar at nang buong Ja’khar sa pagbubukas nang pagdiriwang nang mga mangingisda. Sinabi nito sa kanila ang isda ay ang biyaya ng karagatan at hindi nila maaaring ipagramot sa dagat kung ano ang ibinigay nito sa kanila, kahit pa dumaan ang malalakas na sama ng panahon na hindi nila maitatangging puminsala halos sa buong Ja’khar sa nakaraang taon. Sinabi nang Hadi Mahdi na isang karangalan at tatanawing isang malaking utang na loob ang pagdating nila at pagsali nang buong Ja’khar sa taunang pagdiriwang ng kapistahan ng mga mangingisda. Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa matapos ang talumpati nito hayagan nitong sinimulan ang pagbubukas nang kapistahan ng mga mangingisda sa kanilang lupain. Una nitong sinimulang ganapin ang palatutunan nang karera nang mga maliiit na mga bangka.

Isa ito sa mga inaabangan nang mga mangingisda. Maihahambing sa mga lungaw sa loob nang Ja’khar na ang palakasan nang loob at patibayan nang katawan ang higit na kinakailangan. Ang patakaran ay kinakailangan nang bawat kalahok na magpaunahan sakay nang kanikanilang mga bangka (gaya nang pula, bughaw, luntian, itim at kahel) na makarating sa malalaking mga debuho at sisirin sa kailaliman nang dagat ang sagisag na nakatali dito at dalhin sa tugatog upang itanghal ang pagkakapanalo.

Sa hudyat ng Hadezar ng tahanan ng mga Harith nagsimula na ang karera, dalidaling nagsagwan ang mga ito patungo sa malalaking mga debuho. Nangunguna ang bughaw na sinusundan nang itim habang humahabol naman ang luntian. Samantala, mukhang hindi nagpapahuli ang kahel at nangungulelat sa pagtakbo ang nasa pulang-bangka. Nagpapaunahan sila. Humahabol. Humabol ang nasa kahel na bangka. Nagsimula ng lumusong ang nasa bughaw’t lutian. Narating na ng kahel ang debuho. Habang humahabol pa rin ang nasa pulang-bangka. Nagsimula ng lumusong ang nasa itim. Umahon. Umahon ang nasa luntian. Umakyat na sa debuho ang nasa luntian. Umahon na rin ang itim. Nagawang malagpasan ng itim ang luntian. Hindi pa rin nagpapahuli ang nasa pulang-bangka. Umakyat na ang bughaw…dali-dali itong kumikilos. Lumusong na ang nasa pula. Umakyat na ang kahel. Nahulog. Nahulog ang nasa itim, sa debuho. Umahon na ang itim…umakyat ulit ito. Sinundan ito ng pula. Malapit nang isungkit ng luntian ang palawit. Nag-uunahan ang bughaw, at luntian. Nakuha ng luntian. Nanalo ang luntian.

Ginamtimpalaan ng Hadi Mahdi ang pagkapanalo ang kalahok na nasa luntiang sasakyang pandagat. Kinilala nila ang nagwagi at pinarangalan sa kahuyasan at kagalingan sa paligsahang naturan. Kasunod noon niyaya siya nang Hadi Yasir upang sumama sa kanilang tanghalian. Sinabi niya sa kanyang asawa na kanina pa siya nagugutom.

Kasabay noon nagsimula na ang palatutunan ng pagbubunuan ng mga binata na nasa ilalim ng patnugot Hadi Faysal. Una niya ito nakilala sa platapormang nakaharap sa mga debuhong nasa baybayin-dagat habang ginagawa ang karera ng mga bangka. Ang bunuan ay ginawa sa putikang buhangin. Pilit na pinapabagsak nang isa isa’t ang isa’t isa. Kung sinoman ang unang bumagsak ay siyang magwawagi at makakalaban nang susunod pa hanggang may tanghaling panalo.

Sa kanilang paglalakad mag-asawa sa hindi inaasahan na makasalubong nila ang Adi Makbule patungo sa kanila. Lumapit ito sa kanila. Sa paglapit, nagbigay nang paggalang ang Hadi Yasir sa kapatid nito. Bagay na binalikan nang paggalang nang Adi Makbule. Tinanong sila nito kung maaari nitong makausap ang kanyang asawa. Nagkaroon nang aalinlangan gayon kasabay nito sa hindi inaasahan lumapit sa kanya ang Adi Sule na hindi niya nalalaman na nasa kanyang likod.

 Kinamusta siya nang kapatid ng kanyang asawa.

Humiwalay ang Hadi Yasir sa kanya at iniwan siya nito kasama Adi Makbule, habang naiwan siyang nag-iisa kasama nang Adi Sule. Nagsimula silang maglakad kasunod sa mga ito sa dalampasigan. Sa kanilang paglalakad nang kapatid nang kanyang asawa sinabi nito sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala. Kasunod nito humingi rin ito ng tawad sa mga nangyari nang gabing iyon, ilang buwan na ang nakakalipas.

Hindi niya alam kung ano ang tunay na nangyari ng gabing iyon. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa kanya ang mga naganap nang una nilang gabing mag-asawa.

Sinabi nang kapatid ng kanyang asawa na gusto ring humingi ng tawad nang Adi Makbule sa kanya lalong-lalo na sa pagkakamaling nagawa nito na lubhang karumalrumal bilang isang babae na kagaya nito.

Tanong niya, “ganon na lamang ba iyon Adi Sule?”

Ngumiti ito nang may pagkahiya. Wika nito sa kanya, “bakit ano ang sa tingin mo. Luluhod kami at hihingi sa iyo ng tawad.” Tumigil sila sa kanilang paglalakad habang narinig niyang humingi ng tawad ang Hadi Yasir sa kapatid nito. Pagpapatuloy nito, “hindi namin gusto na patawarin mo kami…hindi kailangan.” Hinawakan nito ang kanyang pisngi. “hindi ba’t dapat ikaw ang higit na nakakaalam!”

Pagtataka niya, “anong ibig mong sabihin?”

Wika nito sa kanya, “sa tingin mo ba higit mong kilala ang aking kapatid? Hindi ko alam…nagparaya ka na sa kanya. Napakaganda mong buntis…tatlong buwan? dalawang buwan?”

Tugon niya, “tatlong buwan!”

Pagpapatuloy nito, “sa tingin ko nga rin. Siguro may nasabi na siya sa iyo…para yoki dl’lazzi un’zah ö të’khuzi’da ö rezhä un’zah phoq bha’ghun açzi leh’dosh zahir khuzi. Haksizzinisz Adi Hikmet!”

Tanong niya dito, “kung ganon ano ang kinakailangang kong gawin?”

Wika nito sa kanya, “sa mga bagay na katulad nito at nangyayari. Kailangan mong tanggapin kung ano ang nangyayari sa paligid mo. Wala tayong magagawa kung hindi laruin ang laro nang pagsisinungaling hanggang sa mapaniwala natin ang ating mga sarili na totoo ang ating mga sinasabi. Hindi mo pa tuluyang nakikilala ang aking kapatid—huwag kang mag-alala mahaba ang panahon! Halika na! lumapit na tayo sa kanila…” muli hinawakan nito ang kanyang braso at kaagad na nagtungo sa kung nasaan ang kanyang asawa.

Tinanong siya nito kung totoo bang nanganak na ang Adi Ismat bagay na hindi niya itinanggi sa Adi Sule. Sinabi niyang lalake ang naging panganay nang kanyang kapatid at nang pamangkin nito. Sinabi niya na pinangalanan nito ang sanggol na Merkabah…ang una sa pangalan nito. Bagay na katakataka dahil isang Kesh ang pangalang ito.

Tanong niya sa Adi Sule, “sinabi mo sa akin ako lang ang may kakayahan na kilalaning mabuti ang aking asawa…ano ang ibig mong sabihin? Paano ko gagawin iyon!”

Tumingin ito sa kanya. Wika nito, “may bagay na lihim sa iyo at sa akin, sa amin nang Adi Makbule na mayroon kaming nalalaman ngunit hindi namin pwedeng sabihin sa iyo dahil hindi mo matatanggap!” Lumapit sa kanila ang Hadi Yasir at Adi Makbule.

Kasunod noon narinig niya ang pagtawag sa kanya nang Hadi Yasir. Sinabi nito sa kanya na may gustong sabihin ang Adi Makbule sa kanya. Humingi ito nang tawad sa kanya bagay na kanyang tinanggap.

Pinatawad niya ang Adi Makbule para sa kanyang asawa. Kasunod noon umalis sila patungo sa salusalong ginagawa sa isa sa mga tahanang malapit sa dalampasigan.

Sa kanilang paglalakad tinanong ng Adi Sule ang kanyang asawa kung totoo bang nanganak na ang asawa nang kanyang kapatid. Bagay na sinang-ayunan nang kanyang asawa at sinabi nito sa kapatid na ang pangalan ng panganay ng mga ito ay Hadi Merkabah. Nagtaka ang Adi Sule. Tinanong nito sa kanyang asawa na kung hindi ito nagkakamali ay ang pangalang Merkabah ay pangalan ng isang Kesh. Bagay na hindi nito itinanggi…datapwat sinabi din sa mga kapatid nito na minsan na itong ginamit nang tahanan ng mga Roshan…at pinangalanan sa ama nang kanyang ama—ang magiting na Hadi Merkabah nang tahanan nang mga Roshan. Bagay na hindi niya matandaan kung iyon ba ang pangalan ng kanyang afu…

Tinanong nang Adi Sule kung totoo ba ito sa kanya. Tumanggi siya. Sinabi niya hindi niya matandaan. Ngunit sinabi nang kanyang asawa na sinabi ito ng Hadi Mirza ng mag-usap ito nang sarilinan sa labas ng bulwagan habang naiwan siyang kasama nang kanyang mga magulang, tiya, mga pinsan at mga kapatid.

Pinagtakahan ng kanyang asawa kung nasabi ba nito ang bagay na iyon sa kanya.

Sinabi niyang hindi. At humingi ito ng tawad sa kanya.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad sa kahabaan ng dalampasigan sa Ja’khar. Hindi nagtagal narating nila ang isang lugar na hindi kalayuan na may maliit at isang palapag na tahanan na nagtataglay nang maraming poste at mga palawit. Bumaba sila sa dalampasigan at sa kanilang pagbaba ang mga buhangin ay napalitan nang mga batong daanan at mga halamang luntian. Ang isang palapag na tahanan na kanina niyang natatanaw at mistulang nakalubog sa buhangin ay may maganda pala at malawak na bakuran na may mahahabang mga lamesa at mahahabang mga upuan. Nandito ang halos buong tahanan ng mga Harith na pinamumunuan ng Hadi Mahdi.

Nakita niyang kausap nang Hadi Mahdi ang Hadi Hagir.

May handa ang bawat mahahabang lamesa nang mga nakakalasing na inumin na nakalagay sa pitsel na paso, mga daing na nakakalagay sa tiklis, mga prutas at tinapay na nakalagay sa malalaking mga sulyaw na may malalalim na baon. May apat na mahahabang lamesa at walong mahahabang mga upuan ang lugar. Nandito ang kanyang tiyo at ama kung saan dinala siya nang kanyang asawa upang magbigay galang sa mga ito.  Niyakap siya nang Hadi Mirza pagkakita sa kanya. Sumalo sila kasama nang mga ito habang ang mga kapatid ng kanyang asawa ay pumunta sa kanikanilang mga tahanang kinabibilangan.

Habang nagtatanghalian sila sinabi nang kanyang asawa sa kanya na pinayagan na nito na makapunta ang Adi Makbule sa kanilang tahanan. Bagay na kanyang ikinatuwa at sinabing mabuti ito para sa kanilang lahat…ngunit hindi siya nakasisiguro kung tama bang sabihin ito.

Matapos ang tanghalian nagpaalam ang kanyang asawa sa Had Mahdi at sinabing babalik muna sila sa kanilang tahanan at doon magpapahinga bago ang inaasahang salusalo sa tahanan ng mga ito. Bagay na sinang-ayunan at Pinayagan nang maimpluwensyang Hadezar.

Sa kanilang paglalakbay pabalik sa kanilang tahanan nakita nila ang maraming mga bata na patungo sa Unang pagbagsak. Maraming mga bata ang nagmamadali na magtungo sa nasabing lugar upang hindi magtagal ay kikilalaning mga bagong-tao. Na lubhang mapahamak at mapaminsala sa pagtalon sa napakataas na bangin at pabagsak sa napakababaw na bahagi ng dagat na maraming bato.

Tinanong niya ang Hadi Yasir kung ginawa rin ba nito ang pagtalon noong bata ito. Bagay na itinanggi nito sa kanya. Hindi naglaon sa kabila nang kanilang pagbabalik naglaho ang ngiti nang kanyang asawa.

Bago sila bumalik sa kanilang tahanan nakisama sila sa maliit na pagtitipon at pagdiriwang nang pag-aani at muling pagtatanim, kasama nang mga patnugot at may-ari nang lupa na nagdidiwang. Nakihalubilo sila sa mga ito at saglit na nakapag-usap.  Nakita niyang muling bumalik ang saya sa labi nang kanyang asawa datapwat pagkakataong ito ay may kakaiba… hindi pilit at may itinatago. Ito ang totoong kanyang asawa hindi ang nasa pagdiriwang nang mga mangingisda. Naging malalim ang kanilang pakikipagkaibigan sa mga patnugot at mga nasa ilalim nang pamumuno ng kanyang asawa. Muli niyang nakita ang mga Adi na kanyang nakahalubilo sa pagsasayaw nang mga butil. Nakipag-usap ang kanyang asawa sa mga Hadi ng tahanan. Uminom ito nang kakaunti gayong kanina pa ito umiinom mula kaninang umaga. Hindi nalalayo ang kanilang tahanan sa mga ito, malapit ang mga ito sa kanila, …sa pakikipagkaibigan at pakikipagsamahan. Na ang pagtitipong ito ay hindi maitatangging pangkaraniwan, maliit at pansarili walang gaanong pagtataya ang kinakailangan nilang gawin sa kanilang pagkilos.

Nang hapong iyon, nakita niya ang kanyang asawa na natutulog sa saloob nang kanilang silid. Lumapit siya dito. Tinawag niya ito at sinabing kinakailangan na nilang lumakad kung tutuloy sila sa hapunan sa tahanan ng mga Harith.

At nang nagising ang kanyang asawa. Tinanong siya nito kung anong oras na. Sinabi niya dito na kinakailangan na nilang umalis. Bumangon ang Hadi Yasir kinuha nito ang Báta sa uluhan nang kanilang higaan. Nauna itong lumabas bago siya habang nagpalit siya nang kanyang suot na damit at inayos ang kanyang sarili sa paghahandang ito.

Sa paglabas niya nakita niya ang Hadi Yasir sa pasilyo ng kanilang tahanan. Hindi nagbago ang suot nitong damit, datapwat bawas ang mga suot nitong alahas, naglaho ang pangkulay na nasa mukha nito, ang mga alahas sa mga braso at kamay nito ay naglaho, ni ang mga hikaw nito sa tenga at ang tanging naiwan ay ang singsing na luntiang nagmula pa sa ina ng kanyang asawa at mga bakal na panara na gawa sa itim na bato ang mga tuhod nito.

Nagpalit siya ng suot niyang damit, nanatili ang suot niyang panloob na mahabang palda habang nawala ang babero at pinalitan nang malilim at matingkad na kulay bughaw na Báta na may malapad na mga balikat, at mga pambraso na mga manggas na kulay murado. Nawala ang saluwâl na nakatali sa kanyang balikat. Nanatili ang mga alahas niyang suot gaya ng mga galang na itim na mga bato, kwintas na may iisang batong-perlas na nakalubog sa tansong-dilaw. Nanatili ang mga hikaw sa kanyang tenga habang inilagay niya ang alun-alon niyang buhok na kaninang nakatali.

Hiningi nito ang kanyang kamay. Ibinigay niya ito sa kanyang asawa at kasunod noon lumakad sila palabas ng kanilang tahanan. Sinarado ng kanyang asawa ang pintuan ng lagusan. Sumakay ito sa kanyang sinasakyang alagang puting asong-gubat na si Ijiraq. Sinimulan nilang pakilusin ang kanilang sinasakyan at tuluyan na umalis sa kinasasakupang lupain ng kanilang tahanan patungo sa tahanan nang mga Harith.

Dumaan sila sa katimugang bahagi nang Ja’khar patungo sa dalampasigan. Sa kanilang paglalakbay nagsimula na ang pagdadaos nang paglalatag nang unang mga lambat na sinimulan nang pagtatapon nang asin sa buhanginan nang dalampasigan. Nagsisimula na ang pagbabago nang kulay nang kalangitan datapwat nanatili pa rin ang araw na tirik at mistulang hapon.

Tinanong niya ang Hadi Yasir kung ano ang itsura nang tahanan nang mga Harith. Sinabi nito sa kanya na wala itong ipinagkaiba sa kahit anong tahanan ng ibang mga Hadezar. Na pareho lamang ang itsura nito liban lamang sa mga nakaukit na larawan sa dingding nito. Sinabi nito sa kanya na kapag narating nila ang tahanan ng mga ito makikita niya kung ano ang sinasabi nang kanyang asawa.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay. Umikot sila at napadpad sa pagawaan ng mga sasakyang pandagat at sa maburol, mataaas na bahagi at walang gaanong mga halamang makikita sa dalampasigan. Sa patuloy ng kanilang paglalakbay itinuro sa kanya ng kanyang asawa ang tahanan ng mga Harith. Isang malaking gusali na kulay puti at tulad sa mga pino at galabok na buhanging matatagpuan sa palibot ng nasabing tahanang bumabaon dito. Matatagpuan ito sa gitna nang malawak at mataas na burol ng mga bahagin sa babaying dagat. Hindi kalayuan sa tahanan nang mga Parvana. Kahit Saan ka tumingin wala kang makikita na kahit ano kung hindi buhangin. Malayo sa pag-aakala niya sa mga naririnig na karangyaan at pagiging kakaiba.

Tumigil sila sa harap nang nakabukas na lagusan ng tahanan ng mga Harith. Bumaba ang kanyang asawa sa kay Ijiraq. Kasunod noon tinulungan siya nitong makababa sa likuran nito.  Pinaghintay siya nang Hadi Yasir at sinabi sa kanya na dadalhin lamang nito ang kanilang alaga sa loob ng yungib ng tahanan mga Harith. Bagay na ginawa nito at naiwan siya sa labas nang nakabukas na lagusan at tanglaw ang kagandang ipinamamalas nang loob nito na may mainit na pakiramdam buhat sa mga nagniningning na mga sulong nakatarak sa buhangin.

Nakita siya nang Adi Makbule sa labas nang tahanan ng mga Harith na sumisilip. Bumungad ito sa kanya mula sa loob ng pamosong pabilyo nang tahanan nang mga Harith. Dalidaling itong lumapit sa kanya.

Wika nito sa kanya, “iyi’ Okshem Adi Hikmet!” Kinamusta nito ang kanyang pagdating. Niyakap siya nito Tinanong nito kung nakapagpahinga ba siyang mabuti bagay na kanyang sinang-ayunan at sinabing wala itong dapat na ipag-alala.

Kasabay nito bumalik ang Hadi Yasir kung nasaan sila ng nakatatandang kapatid nito at saka sila pumasok sa loob nang tahanan mga Harith. Hinawakan nang Adi Makbule ang knayang braso pagpasok nila sa loob.

Sa una niyang pagpasok sa tahanan ng mga Harith ang una niyang nakita ay ang isa sa mga pintuan ng lagusan. Gawa ito sa kahoy nang Avetas na may mga bakal na lilok ng mga isdang lumilipad at umiikot sa palibot nang kahoy na pintuan habang natatabunan ng mga ito isang magadang babae na may buntot nang isda sa mga along-kurbadong nakapalibot dito. Kasunod noon nabaling ang kanyang atensyon sa pabilyong makikita sa malawak na lupain sa gitna nang tahanan. Hindi maitatangging kabighabighani ang itsura nito.

Nagtataglay ito nang walong haligi na gawa sa mga itim na mga bato na may matatalim at mistulang salamin ang mga gilid. Ang bawat haligi ay pinapalamutian nang mga nakapalibot na mga halaman na gumagapang hanggang sa makarating sa itaas na may mga halaman at mistulang punong nabubuhay sa sarili nitong katawan. Ang loob nang pamosong pabilyo ay walang tinataglay na kisame bagkus nagtataglay ito nang mga siwang sa paligid nito at sa mga haligi na inaakalang nakadikit sa nakabukas na bubungan. Naglakad sila sa mga batong asogeng nakabaon sa buhangin. Sa kanilang paglalakad maririnig mo ang mga huni nang ibon na pag-ibig ang hatid nang gabi ito. Ang malawak na lupain ay nagtataglay ng maraming mga halaman, mga malalagong mga halaman at mga punong tinik na tanging makikita lamang sa mga mainit na lugar at katimugan nang Malayang Andes.

Sa kanilang paglalakad narinig nila ang pagtawag nang isang bata. Nakita nila ang mga batang anak na lalake nang Adi Makbule sa Hadi Nasrin. Sina Hadi Mahsa at Hadi Malik. Dalidaling lumapit ito sa kanila at niyakap ang kanyang asawa. Pinakilala ito nang Adi Makbule sa kanya. Kinarga nang Hadi Yasir ang Hadi Malik habang papunta sa loob nang pabilyo, kung saan makikita ang isang mahabang lamesa na may mahahabang mga upuan sa paligid at dalawang upuan na may malaking sandalan sa magkabilang dulo. Ang sahig nito ay nakataas at nagtataglay nang dalawang baitang na gawa sa bato habang gawa sa kahoy ang sahig loob.

Sinabi nang Adi Makbule sa kanila na matitigas na ang mga ulo ng maliliit nitong mga anak at minsa’y kinakailangan ng paluin. Naalala nito ang kabataan nang kanyang asawa. Ang kakulitang dulot nito na hindi maitatanggi na siyang naging dahilan kung bakit mayroon itong mga sugat sa buong katawan. Bagay na kanyang pinagtakahan.

Nang hindi inaasahan narinig nila ang tinig ng Hadi Mahdi. Tinawag nito ang kanyang asawa sa pamitagan nang kaukulan. Tumayo ang Hadi Yasir sa pagkakaupo nito malapit sa kanyang tabi. Lumapit sa kanila ang Hadi Mahdi dahilan upang magbigay siya at ang kanyang asawa nang paggalang na pamitagan sa Hadezar ng tahanan ng mga Harith.

Wika nang Hadi Yasir, “iyi’ Okshem…Hadezar!”

Gayong binalikan rin nito nang paggalang….at sinabi sa kanyang asawa na, “yuu’se maste iyi Okshem! Hadi Yasir… Adi Hikmet. Akala ko hindi na kayo makakarating!”

Umiling-iling ang kanyang asawa. Wika nito sa Hadi Mahdi, “pwede ba naman iyon Hadezar?”

Kaagad tinawag nito ang anak nitong si Hadi Nasrin. Inutusan ito na tawagin na ang ina nito, at iba pa upang sabihin na dumating na silang mga panauhin nang mga ito at gayong makapaghanda na sa kanilang hapunan.

Kaagad kumilos ang Hadi Nasrin.

Tinanong sila nang Hadezar nang tahanan nang mga Harith kung kanina pa sila nandito. Gayong itinanggi ito nang kanyang asawa at sinabing kararating lang nila. Inutusan nito ang Adi Makbule na kumuha nang palangganang naglalaman nang malinis na tubig at malinis na pamunas para tanggapin sila sa tahanan nito. Gayong tumalima ito at sinabi nang kanyang asawa dito na ito na ang bahala sa mga pamangkin nito.

Kasabay noon pinaupo siya ng Hadi Mahdi. Sinabi nito sa kanya na kinakailangan nitong dalasdalasan ang pagpapahinga para sa dinadala nitong magiging anak nila ng Hadi Yasir.

Kinamusta nang Hadi Mahdi ang kalagayan nang kanyang pagdadalang-tao. Sinabi niya dito na nakakabawi na siya ng lakas mula sa hirap nang nararamdaman niya simula nang malaman niyang nagdadalang-tao siya.

Bagay na ikinatuwa nang Hadi Mahdi at sinabing “Bunar maaste!”

Sa pagdating nang Adi Makbule dala ang palangganang naglalaman nang malinis na tubig at malinis na pamunas tinanggap sila nang tahanan ng mga Harith. Ang Hadi Mahdi ang tumanggap sa kanila.  Sinabi nito na ito ang nag-aya marapat lamang na ito rin ang tumanggap sa kanila. Napilitan ang Adi Makbule na ibigay sa Hadezar ang pamunas malapit sa kinauupuan nito ang palangganang naglalaman ng malinis na pamunas.

Kinuha nang Hadi Mahdi ang palanggana. Tumayo ito sa kinauupuan nito. Kasunod noon lumapit ito kanyang asawa. Sa harap nang kanyang asawa, tumingkayad nang upo ang Hadi Mahdi.  Hiningi nito ang isa sa mga paa nang Hadi Yasir at ibinigay nang Hadi Yasir ang kanan nitong paa sa Hadezar.

Tinanggal nang Hadi Mahdi ang suot na sandalyas sa kanang paa nang kanyang asawa. Hinugasan ito nang Hadezar nang tahanan ng mga Harith. Binuhusan nang malinis na tubig na mula sa palanggana, inalmuhasan at saka inilublob. Pagkababad agad itong tinanggal nang Hadi Mahdi. Pinunasan gamit ng malinis na pamunas. Kasunod noon sinuot nang kanyang asawa ang sandalyas nito sa kanang paa. Kasunod noon hiningi nang Hadi Mahdi ang kaliwang paa ng kanyang asawa. Bagay na ibinigay nito at ganon din binuhusan nang malinis na tubig na mula sa palanggana, hinugasan ang paa, binabad…inalmuhasan at saka pinunasan gamit nang tuyong pamunas bago nito tuluyang isuot ang hinubad na sandalyas sa paa.

Nagpalasamat ang kanyang asawa sa ginawang pagtanggap dito nang Hadi Mahdi. Bagay na kanyang pinagtakahan at hindi maunawaan gayong kasabay nang pagtayo nang kanyang asawa iniabot nang Hadezar nang tahanan ng mga harith ang kamay nito sa kanyang asawa.

Tumingala ang Hadi Mahdi. Tanong nito, “sige na Hadi Yasir, ano pa ang hinihintay mo?”

Nabaling ang kanyang atensyon sa kanyang asawa at nakita niya dito pag-aagamagam.

Wika nang Hadi Mahdi, “Hadi Yasir?”

Lumuhod ang kanyang asawa sa harap nang Hadi Mahdi. Kasabay noon tumayo ang Hadezar nang tahanan nang mga Harith sa pagkakatingkayad nito ng upo. Kinuha nang kanyang asawa ang kamay nang Hadezar at saka ito hinalikan.

Isang nakalulunos pangitain. Ang pagkilala nang isang mahina sa masmalakas. Nang panginoong may lupa sa kinasasakupan nito. Hindi maikakaila na isa itong pabagsak sa kanilang tahanan. Nang isang Hadezar sa kapwa nito Hadezar. Nagbago ang kanyang paligid. Nagising siya sa katotohanan…naging kahindik-hindik ang bawat haligi ng pamosong pabilyo…ang mga ibong nag-aawitan ay kalunuslunos na humihuni sa kanilang pagbagsak sa isang paing makamandag at lubhang mapaminsala.

Ang ngiti sa labi nang panganay na anak nang tahanan ng mga Harith ay mapagmalabis. Naglaho ang pagiging maramot nito. Sila. Silang mga mapagmalabis, silang kunwaring naninimbang sa kabutihang alangalang sa tahanang kinasusuklaman. Sila. Sila ang tahanang labis na kinaiinggitan kung hindiman ay kinasusuklaman ng tampok sa lahat nang kaparakan.

Siguro nga tama ang tinuran nang Hadi Mirza sa kanyang asawa…na ang Hadi Yasir, tulad nang ina nito ay magiging sunudsunuran lang sa kapangyarihan at impluwensya nang mga Harith. Siguro nga nagkamali siya na pagkatiwalaan ang asawa. Na katulad nang iba sa mga ninuno nito, sabay siyang babagsak kasama nang mga ito. Ang lahat ay isang pagkukunwari.

Kasunod noon hiningi siya nang Hadezar tahanan nang Harith sa kanyang asawa. Lumingon ito sa kanya. Tinignan siya nito. At sa kanyang pagtayo sa kanyang kinauupuan malapit sa hapagkainan sabay na pumasok sa loob nang pabilyo ang asawa nang Hadi Mahdi na si Adi Mahvash, ang pangalawang nitong anak na si Hadi Faysal at ang ina nito na si Adi Dilshed.

Sinubukan siyang pigilan nang Hadi Yasir sa paglapit sa Hadezar. Hinawakan nito ang kanyang kamay ngunit bumitaw siya dito at nagpatuloy sa paglapit sa Hadi Mahdi. Isa itong kahihiyan…sa kanya, sa kanyang asawa.

Kailangan Kita Adi Hikmet, Kailangan Ka Nang Aking Tahanan.

“kailangan kita Adi Hikmet, kailangan ka nang aking tahanan.”

Masakitman sa kanyang kalooban na gawin ito, ginawa niya ito.

Umupo siya sa upuang nakaharap sa Hadi Mahdi. Hiningi nito ang kanyang paa. Ibinigay niya ang kanan niyang paa dito. Tinanggal nito ang sandalyas sa kanyang kanang paa. Kasunod noon hinugasan nito kanyang kanang paa. Binuhusan nang malinis na tubig na mula sa palanggana, inalmuhasan at saka inilublob. Pagkababad agad itong tinanggal nang Hadi Mahdi. Pinunasan gamit ng malinis na pamunas. Matapos noon agad rin niyang sinuot ang sandalyas sa kanan niyang paa. Kasunod noon hiningi nang Hadi Mahdi ang kaliwa niyang paa bagay na kanyang ibinigay at ganon din binuhusan nang malinis na tubig na mula sa palanggana, hinugasan ang paa, binabad…inalmuhasan at saka pinunasan gamit nang tuyong pamunas bago niya tuluyang isuot ang hinubad na sandalyas sa kanyang kaliwang paa.

Matapos noon hiningi nang Hadezar ang kanyang pagkilala sa kapangyarihang tinataglay nito. Hindi…bulong niya sa kanyang sarili.  Nakita niya ang mapamintas nitong ngiti…Hindi, pag-uulit niya…Hindi, hindi niya makakalimutan ang gabing ito. Lumapit siya sa Hadi Mahdi at kasunod noon inilapit niya ang kanyang bibig dito. At hinalikan niya ang kamay nito. Matapos noon tumayo sa pagkaka-upo at nagtungo kung nasaan ang Adi Makbule at ang mga pamangkin nang kanyang asawa. habang hindi niya magawang tignan ang kanyang Hadezar.

Sa kanilang hapunan, nang kanyang asawa kasama nang mga Harith nakilala niya ang Adi Dilshed, na lumapit sa kanya kasama ang Adi Mahvash. Sa paglapit nito sa kanya hinawakan nito ang kanyang kamay. Pinuri siya nang matandang Adi sa kanyang pagiging kakaiba. Na hindi maitatanggi na totoo pala ang kumakalat na bulongbulungan, na hindi maitatanggi higit pa ang ibinibigay nang mga ito sa kanyang kahigitan, at mangyaring dapat pala ay mataas na ang inaasahan nito sa kanya.

Bagay na kanyang ipinagtaka. Tinanong niya ito kung ano ang ibig nitong sabihin.

Sinabi nito sa kanya na isa siyang napakagandang babae…bagay na kanyang pinasalamatan sa Adi Dilshed nang tahanan nang mga Harith.

Kasunod noon kinamusta nito ang kanyang asawa. Sinabi nito sa Hadi Yasir na ang gabing ito ay isang mapagpalang gabi gayon pa man ay puno nang kapusukan at panlalamang.

Kinamusta nito ang kanyang pagdadalang-tao. Tinanong nito sa kanya kung ilang buwan na ang dinadala niya. Sinabi niya tatlong buwan…bagay na ikinatuwa gayong sinabi nito sa kanya na hindi magtatagal ay makakaraos rin ito sa kahirapan nang pagdadalang-tao at mangyaring makikita rin niya ang kahalagahan nito.

Tinanong nito sa kanyang asawa kung may iniinom ba itong makakapagpalubag nang nararamdaman nito. Sinabi niya na binigyan siya nang kanyang ina nang mga halamang prambuwesas at madalas siyang umiinom nang tsaa na mula sa luya. Sinabi din nang Adi Dilshed sa kanya na makabubuti din sa pagdadalang-tao ang pag-iinom nang pinakuluang tsaa nang menta lalo pa’t makabubuti ito sa mga nararamdamang pagduduwal.

Sinabi nito sa kanya, bago ito umupo sa upuan nito, na gamitin niya ang tinataglay niyang kagandahan…gamitin niya itong mabuti dahil nabubuhay sila sa daigdig nang mga lalake na mahihina kaysa sa kanila. Pinaalalahanan din nang Adi Dilshed ang Haid Yasir na ingatan ang likuran nito. Matapos noon agad itong tumalikod sa kanila at nagtungo sa kinauupuan nito.

Humingi ang Adi Mahvash sa kanya nang tawad sa kapusukan nang biyenang babae bagay na kanyang pinagsawalang-bahala.

Sa paligid nang hapagkainan nakaupo sa kanang bahagi ang asawa nang Hadezar ng tahanan ng mga Harith na si Adi Mahvash katabi ang ina nang Hadi Mahdi na si Adi Dilshed, ang Hadi Nasrin at ang anak nitong si Hadi Mahsa. Sa kabilang bahagi naman matatagpuan sila, nang kanyang asawa katabi ang Hadi Faysal, Adi Makbule at ang bunsong anak nang Adi Makbule na si Hadi Malik. Habang sa dulo nakaupo sa upuang may mataas na sandalan ang Hadezar ng tahanan ng mga Harith. Napuno ang hapagkainan nang iba’t ibang luto at putahe na mula sa malawak na dagat nang silangan maging sa mga katubigan na nakapalibot sa buong Ja’khar. Sa tatlong naglalakihang mga bilugang pinggan na may mga balisungsong sa gitna nakapalibot ang mga pinasingawang mga molusko, mga tahong, talaba at mga sigay na binudburan nang pampalasa, niligis na bawang at tinadtad na sibuyas. Sa Gitna nang lamesa makikita ang isang malaking sulyaw na may karne nang Mahimahi na sa simula ay hiniwa sa magkakaibang laki at nagtataglay nang mga gulay na kohlrabi, kalabasa at mga sili. Nasa hapagkainan din ang karne nang Pagi at isdang-Tuko na inihaw. Mga calamari na ibinabad sa nakakalasing na inumin at sa mga pulang sarsa na mula sa maliliit na mga prutas na mistulang kamatis ngunit bubot ang mga itsura na inihalo sa mga tinadtad na karne ng inihaw na mga Tamban bago ihalo at isama sa pagsarsa.

Sinabi nang Hadi Mahdi sa kanila na huwag nilang paghihinayangan ang pagkain. Na ang pagkain nang kakaunti at ang pagkain nang marami ay pareho lang. Kasabay nang tuluyang paglubog nang araw, pagsikat nang buwan at pag-usbong nang mga tala sa madilim na gabi nang kalangitan nagsimula nang magliwanag ang buong tahanan ng mga Harith. Naglaho ang huni nang mga nakaririmarim na mga ibon. Ang kalangitan ay naging bahagi nang kanilang pagsasalo.

Tinanong siya nang kanyang asawa kung ano ang kanyang gusto. Kinuha nito ang pinausukang talaba. Inalok siya nito kasabay noon ngumiti siya…tinanggap niya ang pinausukang talaba na bigay nito sa kanya. Kinuha niya ito sa mga kamay nito. Inilapag sa harap nang kanyang pinggan. Gayong nilagyan ang kanyang pinggan nang ibinigay nang asawa.

Inalok nang Hadi Mahdi ang kanyang asawa na uminom ng nakakalasing na inumin mula sa bunga ng Agave. Bagay na tinanggap ng kanyang asawa kasunod nito kinamusta nang Hadi Mahdi sa Hadi Yasir ang pagtitipon nang mga magsasaka sa taunang pag-aani at pagtatanim.

Sinabi nang kanyang asawa na maayos naman ang naging pagdiriwang. Na sa katunayan pa nga ay bago sila pumunta dito nakisalo pa sila sa maliit na pagdiriwang nang mga magsasaka at may-ari nang lupa.

Gayong panunuyo nang Hadi Nasrin na nakatitiyak naman itong mashigit na masaya ang pagtitipon nang kapistahan nang mga mangingisda. Ngunit hindi kumibo ang kanyang asawa.

Sinabi nang Hadi Faysal na hindi maitatanggi na naging masaya ang pagdiriwang. Na ang pinakamalaki sa mga palatutunan ngayong araw ay ang paligsahan nang mga maliliit na mga sasakyang banka. Na kung tutuusin ay masmarami ang dumagsa kaysa nang mga nakaraang taon. Kahit ang mga dayuhan dumami ang bilang nang mga dumalo at nakinood.

Bagay na hindi maitatanggi nang Adi Makbule.

Tinanong nang Hadi Faysal sa kanya kung nagustuhan niya ba ang pagdiriwang ngayong taon ang kapistahan nang mga mangingisda.

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Sinabi niya sa na nagustuhan niya ito.

Tinanong siya nang Hadi Nasrin kung ano ang nagustuhan niya dito.

Sinabi niya dito na nagustuhan niya ang paligsahan nang mga banka…datapwat hinangad niya na kaysa tatlo sa bawat isang banka ang dapat maging kalahok ay bakit gawing dalawa sa bawat isang banka at kaysa limang kalahok na banka ang gamitin bakit masmarami at mashigit pa. Hindi naman siguro gayong kahirap ang pagsisid at pag-akyat ay mapunta sa iisang Jingkar habang isa ang nagmamaneho na para sa kanya ay mainam lamang ang ganitong paraan.

Tinanong nang Hadi Faysal kung ito ba ang unang beses na pumunta siya sa kapistahan nang mga mangingisda. Bagay na kanyang itinanggi. Gayong sinabi niya na hindi ito ang unang beses hindi rin naman nangangahulugan na palagian ang kanyang pagpunta.

Wika nang Hadi Nasrin sa kanya, “kaya pala hindi ka namin nakikita!”

Wika niya, “noong maliit ako ang huli kong naalala sa pagpunta sa kapistahanan nang mga mangingisda siguro apat o limang taon na ang nakararaan gayong nakakawili ang mga panahong iyon…may iba akong pinagkakaabalahan!”

Tanong nang Adi Mahvash, “kung ganon ano ang iyong pinagkakaabalahan…Adi Hikmet!”

Wika niya, “ang pangangaso! Hilig ko kasi ang mangaso sa nakapaligid na kakahuyan. Ang magdala nang mga kakaibang hayop ang magkatay…tanggalin ang lamang loob at dalhin sa amin, tahanan nang mga Roshan!”

Wika nang Adi Mahvash, “hindi ba mapanganib ang kakahuyan para sa katulad mong dalaga?”

Bagay na sinita nang Adi Dilshed at sinabing sa tingin nito na ano ang panganib sa kakahuyan kung mismong siya na ang lumaki at natuto sa loob nang nakapaligid na kakahuyan. Nakasisiguro naman ito na lahat na nang panganib na maaring makita sa loob nang kakahuyan ay kanyang naranasan.

Wika nang Hadi Mahdi, “gayon pa man…mapanganib pa rin ang kakahuyan. At para sa isang bata na katulad nang Adi Hikmet ang kakahuyan ay hindi palaruan!”

Wika nang Adi Dilshed, “Hadi Mahdi nais kong ipaalala sa iyo na hindi na bata pa ang Adi Hikmet…magiging ina na siya sa madaling panahon!”

Wika nang Adi Makbule, “kung akoman ang magiging ina nang Adi Hikmet… mangangaba mismo ako sa kung ano ang nangyayari sa kanya. Gayong nakasisiguro naman ako na kasama niya ang kanyang ama at tiyo hindi ba Adi?”

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Wika nang Hadi Mahdi, “ngunit hindi ba ang iyong anak ay asawa nang kapatid nang Adi Hikmet, ang aking unang apo…ay nasa tahanan ng mga Roshan! Ibig sabihin din ba nito matutunan nang aking apo at nang kanyang magiging mga anak ang mabuhay sa nakapaligid na kakahuyan at mangaso bilang pangunahing ikinabubuhay rin nang tahanan nila? Hindi naman tama siguro iyon?”

Wika nang Hadi Nasrin, “kung hindi mo mamasamain Adi Hikmet maaari ba akong magtanong sa iyo?” Bagay na kanyang sinang-ayunan. Gayon pagpapatuloy nang Hadi Nasrin, “nakakalungkot na isipin na nagmula ka sa…ang totoo hindi pa rin ako sigurado na totoo ngang isa kang Jingkar. Ganap maaari nating sabihin sa kulay nang iyong balat, nang iyong mga mata… sa iyong buhok ay masasabi kang isang Jingkar sabihin na natin na magaling kang mangangaso gaya nang iyong ipinupunto…ngunit hindi ibig sabihin noon ay isa ka nang Roshan!”

Wika nang Hadi Yasir, “isang Roshan ang aking asawa…Hadi Nasrin. Nakita mo siya sa mga baitang nang tore ng mga Hadezar naroroon ka hindi ba? Kasama ang aking kapatid. Kasama ang iyong buong tahanan. Nakilala nang Hadi Mahdi ang aking asawa sa pagpapakilala na rin sa kanya nang Hadi Mirza, ang kanyang tiyo. Ang kanyang ama ay kapatid nang Hadi Mirza at ang kanyang ina ay isang Jingkar na nagmula sa tahanan nang mga nag-aalaga nang mga ibong Hamsa, gansa at mga sisne. Ano pa ang kailangan mong patunayan?”

Bagay na itinanggi nang Hadi Nasrin at sinabing wala na. Gayong, “bakit walaman lamang sa aming nakapagsabi na may katulad mong tago sa loob nang tahanan ng mga Roshan. Tila ayaw kang ilabas nang Hadezar.”

Wika nang Hadi Yasir, “hindi ko alam na marunong ka palang magpatawa Hadi Nasrin!”

Dagdag nito sa kanyang asawa, “neyi orire dl’nho Jingkar ö gibi un’zah. Hajde’ö Hadi Yasir nhu’dazjo un’zah’ö, çin qaro të phëzu vishqa seninki. Soqa un’zah irn ni tarte dl’ibhedi gibi waxa’ soqa un’zah dl’zemin?” Kasabay nito kinuha nang Hadi Nasrin ang baso na may lamang nakakalasing na inumin.

Kagyat wika nang Hadi Faysal, “hindi ba Nasrin naranasan na rin natin ang mangaso sa nakapaligid na kakahuyan?

Nasamid ang Hadi Nasrin at Kagyat itong kumuha ng maiinom “Kaya lang matagal ng nangyari ang bagay na iyon! Maraming taon na!”

Wika nang Hadi Faysal, “magkagayonman gusto ko pa rin ang mangaso! Iba ang pangangaso kaysa sa pangingisda, hindi ba Adi Hikmet…hindi ba may malaki itong pinagkaiba?”

Bagay na kanyang sinang-ayunan datapwat hindi niya pa nararanasan ang mangisda.

Wika nang Hadi Faysal, “mabuti kung susubukan mo…sa tingin ko nakapangisda na rin ang iyong asawa…madalas na kasama namin siya noong maliliit kami bago mamatay ang kanyang ina sa pangingisda! Naalala mo pa ba iyon Hadezar?”

Napalingon siya sa kanyang asawa. Sumang-ayon ito sa Hadi Faysal. Hindi niya alam. Wika niya, “hindi ko alam!”

Wika nang Adi Makbule, “mahaba pa ang panahon Adi Hikmet…marami ka pang pwedeng malaman sa iyong asawa!”

 Tanong nang hadi Mahdi sa kanyang asawa, “totoo ba na nakapanganak na ang aking apo?”

Bagay na sinang-ayunan nito. Sinabi nito na isang malusog na sanggol na lalake ang naging anak nang Hadi Batul at nang Adi Ismat.

Gayong sa pagtataka nang Hadi Mahdi tinanong siya nito kung hindi ba ito nagkakamali na kapatid niya ang Hadi Batul…bagay na kanyang sinang-ayunan. Kinamusta ito sa kanila nang Hadi Mahdi. Sinabi nang Hadi Mahdi sa kanila na nang huli itong makita ay nang talikuran nang apo nitong si Adi Ismat ang tahanan ng mga Harith at piliin ang pagsama nito sa kanyang kapatid.

Sinabi nang kanyang asawa na nasa mabuting kalagayan na ang Adi Ismat at ngayon ay inaalagaan ang anak nito.

Bagay na ikinatuwa nang Hadezar ng tahanan ng mga Harith.

Tanong nang Hadi Faysal sa kanila, “hindi pa ba binibigyan nang Adi Ismat ang pangalan ng sanggol?”

Bagay na ikinatanggi nang Hadi Yasir. Sinabi nang Adi Makbule na nakita na nito ang bata…malusog ang bata at nalaman nito na ang pangalan nang sanggol ay Hadi Merkabah.

Ngumisi ang Hadi Nasrin. Nagtaka ito.

Wika nang Hadi Faysal, “mabuti naman kung ganon…”

Tinanong nang Adi Mahvash sa Hadi Mahdi na kung hindi sila nagkakamali ay ang Merkabah ay pangalang isang Kesh at hindi Jingkar.

Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Mahdi.

Pambubuyo nang Hadi Nasrin, “isang walang halagang salita ang pinili nang aking anak para sa una kong apo!”

Wika nang Hadi Mahdi, “pero kung hindi ako nagkakamali ang Merkabah ay ang pangalan nang dating Hadezar nang tahanan ng mga Roshan, bago ang Hadi Mirza. Hindi ba ina minsan sa inyong nanligaw ang unang Hadi Merkabah? Nakapagtataka…”

Tanong nang Hadi Nasrin, “ang ibig sabihin ba nito na may dugong Kesh ang tahanan ng mga Roshan…at ang Adi Hikmet ay hindi talaga purong isang Roshan. Sinasabi nila na ang mga kesh daw ay mga higante!  Hindi nakapagtataka kung ganon nga.

Wika nang Adi Dilshed, “Isa mabuting Hadi, ang Hadi Merkabah. Kahit ba sabihin mo sa hindi siya ganong katangkaran at paika-ika kung maglakad sa mistulan niyang pagiging pato isang mabuting Hadi Merkabah. Hindi ka pa Hadezar noon Mahdi, bata pa lamang ang inyong Hadezar ng mga panahong iyon.”

Wika nang Hadi Nasrin, “sabi nila amma kapag inutil daw ang ama inutil din ang anak… siguro nakuha niya iyon sa kanyang ama…manamana ang tawag doon hindi ba!”

Pagtataka nang Hadi Mahdi, “Hindi mo pa na naikukwento sa akin kung papaano kayo nagkita nang Adi Hikmet. Sabihin mo…maaari mo bang ikwento sa akin kung papaano kayo nagkakilala nang iyong asawa?”

Nabaling ang kanyang pansin sa Hadi Yasir.

Pagtataka nang Hadi Faysal, “kung ganon hindi sa mga baitang ang una niyong pagkikita nang Adi Hikmet, Hadi Yasir? Nakakapagtaka…”

Hindi nawala ang kanyang pansin sa kanyang asawa.

Lumingon ito sa kanya nang may ngiti. Ngiting mula kanina pa ay kanyang nakikita sa labi ng kanyang asawa. Ngiti nang mga kasinungalingan. Ngiti nang pagpapanggap. Buong araw na siya nito pinagsisinungalingan. Buong araw na siyang dinadala sa mga pagpapanggap sa kung sino hindi talaga ito. Sa kung sino hindi talaga ito nararapat. Hindi niya alam kung sino ang kanyang pinakasalan…hindi na siya sigurado kung sino ang totoong Hadi Yasir ito na kanyang nakikitang mapagpanggap o iyong kasakasama niya sa kanilang tahanan, inaalagaan at tinutulungan. Gusto niyang malaman kung ano ang sasabihin nito sa tahanan nang mga Harith, sa tahanan nang mga kalaban nito.

Wika nito sa kanila, “ang totoo po iyan…doon ko pa lamang siya unang nakilala sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar! Natatandaan mo iyon hindi ba, Adi Hikmet?”

Nagulat siya. Mistulan siyang nabunutan nang tinik matapos niyang malaman. Sumang-ayon siya sa kanyang asawa.

Wika nang Hadi Nasrin, “mahabaging langit…umibig ang Hadi Yasir!” Siguro ganon na nga…siguro.

Wika nang Hadi Yasir sa Hadi Mahdi, “kayo po ba paano kayo nagkakilala nang Adi Mahvash?”

Sinabi nito sa kanila na nagkilala sila sa pagkakasundo nang ina nitong si Adi Dilshed at ang magulang nang Adi Mahvash na mga Qaa. Na ang unang taon ng pagiging mag-asawa ng mga ito ay hindi naging madali na halos kinahantong sa kamuntikang paghihiwalay nang dalawa ngunit napigilan nang payo ng Adi Dilshed sa pagsabi at pagpapaalala na ang lihim sa pagsasama nang matagal ay ang pagtitiwala sa isa’t isa. Na sa bandang huli ang mag-asawa lang magiging magkakampi.

Hinawakan nang Hadi Yasir ang kanyang kamay at hinawakan niya ito ng mahigpit matapos nilang marinig ang sinabi nang Hadezar ng tahanan ng mga Harith.

Tanong nang Hadi Faysal sa kanya, “ngunit kung hindi ako nagkakamali…hindi ba dapat sana ay nakatakda kang maging asawa nang Hadi Khalil?”

Bagay na kanyang sinang-ayunan. Sinabi niya na tama ito magkagayonman sa huling mga sandali at kung kailan handa na ang halos lahat ay saka naman tumanggi ang hadezar nang tahanan nang mga Ardashir. Bagay na nakapagtataka kung iisiping mabuti.

Nagtaka ang Hadi Nasrin…Ngumisi ito sa mga inutil nitong pagkilos. Wika nito nang pabalang sa kanila, “may katanyagan ang tahanan nang mga Ardashir sa pagiging mga inutil at tanga? Na hindi naman nakapagtataka na kahinaan nang mga Ardashir ang pagiging matigas ang mga ulo…” Humikbi ito nang pagtawa habang hawak nito ang baso na may lamang nakakalasing na inumin at natatapon sa hapagkainan. Dagdag nito, “çin qaro nhu’dazjo ö të bire dl’yetkili etkhiler sora dl’oluvar Ja’khar yi yaqin waxa’olen vi skorï waxa’duzhme. Haz’leq ö ü. Yoki edere edip yi sadjezhe eger’ö tarte’yardhin ederzhi.

Wika nang hadi Faysal, “kung ganon kung lahat nang mga Jingkar ay katulad mong mag-isip matagal nang bumagsak ang ating tahanan…hindi lahat maaari nating tulungan. Gayon pa man tiyo nang Hadi Yasir sa ina ang Hadi Khalil. Iyon ang totoo! Hindi kaya may kinalaman ka Hadezar?” nang may pagngiti sa kanyang asawa.

Wika nang kanyang asawa, “hindi sa tingin ko Hadi Faysal. Hindi ko gawain ang udyukan ang iba at hikayatin sila mga bagay na hindi nila gustong gawin! Isa akong Hadezar nang aking tahanan hindi nang Hadezar nang ibang tahanan!”

Wika nang Hadi Faysal, “siguro nga ano ba naman ang iniisip ko!” nang may pagngisi. Dagdag nang hadi Faysal, “ang tahanan nang mga Barakat ay tahanan ng mga Barakat…hindi nang kaninoman!”

Wika nang Hadi Mahdi, “alam niyo hindi na mahalaga kung ano ang nakalipas basta’t ang mahalaga ay nagkita silang dalawa at ngayon ay mag-asawa na sila!”

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Mahvash. Sinabi nito sa kanila na siguro kapalaran na ang nagtulak sa kanila na magkita.

Bagay na tinutulan nang Hadi Mahdi. Sinabi niya, “hindi siguro…hindi sa tingin ko. May dahilan ang pagkikita at pagiging mag-asawa niyo, datapwat ang mga naniniwala sa mga ipinagtagpo nang kapalaran ay iyong mga naniniwala na totoo ang mga multo at totoo ang mga higante. Hindi totoo ang mga multo at hindi totoo ang mga higante tulad nang mga ipinagtagpo ng kapalaran ito ay gawagawa lamang nang malilikot na mga isipan.”

Wika nang Hadi Nasrin, “paano naman iyong mga naniniwala sa mga diyos na naninirhan sa ilalim nang karagatan at iyong mga naniniwala sa mga diyos na naninirhan sa ibabaw nang mga ulap…kay Battala o yung sumasamba sa kapangyarihan ng liwanag ng buwan? Iyon ba isang kabaliwan!”

Wika nang Hadi Faysal, “kabaliwan bang maituturing na maniwala sa isang bagay na hindi nakikita!”

Wika nang Hadi Mahdi, “mga anak masyado na akong matanda para intindihin at unawain pa ang mga bagay na iyan… ang iniisip ko na lamang ngayon, kung paanong patatatagin at pananatilihin buo ang ating tahanan hindi ba dapat iyan din ang inyong inaatupag ang ating tahanan? Maiba ako kanina kausap ko ang Hadi Hagir at balita ko kinakausap mo sila nang Hadi Khalil upang magkaayos na sila mula sa suliraning ilang taon na ang lumipas.”

Nagtaka siya. Hindi niya ito napansin. Tanong niya, “saan kayo nagkausap nang Hadi Khalil!”

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi Adi Hikmet…hindi ang hadi Khalil ang kausap nang iyong asawa kung hindi ang Hadezar nang tahanan ng mga Parvana. Nakapagtataka nga wala doon ang Hadezar!”

Wika nang Hadi Yasir, “ang pagkakaalam ko masama ho ang kanyang pakiramdam…wala rin siya sa huli nating pagpupulong!”

Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Mahdi.

Hindi niya alam na ginagawa pala iyon nang kanyang asawa.

Wika nang kanyang asawa, “oo tama po ang sinabi sa inyo nang Hadi Hagir!

Wika nang kanyang asawa, “sa tingin ko na mainam na magkabati na ang dalawa…halos dalawang taon na ang nakararaan, naging mabuti naman sila sa isa’t isa kaya sa tingin ko panahon na para magkaayos ang dalawa!”

Wika nito sa kanyang asawa, “ganon din ang sa tingin ko!”

Matapos noon nagpaalama ang Adi Makbule sa kanila at sinabing malalim na ang gabi at kinakailangan ng magpahinga nang mga bunso nitong anak. Bagay na hinayaan at pinagbigyan ng Hadezar ng tahanan ng mga Harith. Tumayo ang Adi Makbule. Binuhat nito ang Hadi Malik at kasunod noon tinawag nito ang Hadi Mahsa na lumapit sa Adi Makbule at kinarga nang hadi Faysal. Nakapagtataka na malayo ang itsura nang mga anak na lalake nang hadi Nasrin at mas kahawig nito ang Hadi Faysal. Kasunod noon sinamahan ito nang Hadi Faysal pabalik sa loob nang tahanan ng mga Harith.

Tanong nang Hadi Yasir sa hadi Mahdi, “maiba ako Hadezar kanina ho nakita ko kayong kausap ang mga Qaa na patungo sa isa sa mga imbakan kasama ang Hadi Nasrin!”

Pagtataka nang Hadi Nasrin, “isa ba iyong tanong…o gusto mo lang sabihin na nakita mo kami at wala nang iba pa?”

Wika nang Hadi Mahdi, “totoo nagkita kami, kasama ko ang Hadi Nasrin. Ngunit wala kang dapat na ipag-alala mga panauhin natin sila, may dala lamang silang mga mandarina at inilagay ko sa pinakamalapit na imbakan nang ating bayan. —Natikman mo na ba ang bunga ng Mandarina nang Asbalta Adi Hikmet? Ang pagkakaalam ko gustong magtanim nang Adi Atiya nang mga halaman sa ating lupain gayon hindi ito mabuti sa ating lupa. Ano ba naman ang alam nang Adi Atiya?”

Ngunit itinanggi niya at sinabi niya na hindi pa siya nakakatikim nang mga mandarina.

Wika nang kanyang asawa, “sa tingin ko nga rin Hadezar. Ang mga Mandarina ay nabubuhay lamang sa mga mainit na lugar na maulan gayong ang ating lupain maulan at mainit malaki ang pinagkaiba! Walang kasiguraduhan kung mabubuhay ang mga ito. Ang akin lang naman ay ang pagsasaalang-alang nang ating lipunan.”

Kasunod nito tumayo ang Adi Dilshed sa kinatatayuang nito. Nabaling ang pansin nito sa anak nito, sinabi nito sa Hadi Mahdi na kailangan na nitong magpahinga. Sinabi nito sa kanila na matanda na ito para tuluyan pang gabihin. Lumapit ang Hadi Mahdi sa Adi Dilshed. Tinulungan nito ang ina na makaalis sa upuan habang sumunod dito ang Adi Mahvash na humalili sa asawa.

Sinabi nang Adi Dilshed sa kanila na matanda na ito at walang lunas sa pagiging matanda. Isang sakit na hindi magtatagal ay dadaaanan din nilang mag-asawa.

Nagpaalam siya sa kanyang asawa na kung maaari itong sumama sa Adi Dilshed at sa Adi Mahvash bagay na sinang-ayunan ng Hadi Yasir. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at kasunod noon sumunod siya sa Adi Dilshed at Adi Mahvash na makalabas sa pamosong pabilyo patungo sa loob nang tahanan ng mga Harith.

Sa kanilang paglalakad sa loob nang tahanan tinanong siya nang asawa nang Hadi Mahdi kung nagustuhan ba nito ang kanilang tahanan. Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Ngunit tinutulan ito nang Adi Dilshed. Sinabi nito sa kanila na mabuti pa’t may isang nagkakagusto sa tahanan ng mga Harith. Sinabi nito sa kanya na simula nang ipakasal nang anak nito ang asawa nito ay mistulang wala na itong nagawang tama sa mga paningin nito. Kahit anong pagkilos minamata at tinatanong kung saan pupunta. Na saloobloob nito para itong nakakulong sa sarili nitong tahanan.

Wika nang Adi Dilshed sa kanya, “tignan mo, kung hindi mo papansining mabuti ang bawat sulok, sasabihin sa’yo ang ganda nang tahanan mo, ang linis nang tahanan mo. Mga sinungaling! Matanda na ako para isipin pa kung ano ang totoo at hindi Adi Hikmet.”

Iginiit niyang gusto niya ang tahanan ng mga Harith. Sinabi niya na gusto niya ang ginawa nito sa malawak na lupain na nasa tahanan nito. Ang mga pintuan ng lagusan at ang pabilyong hindi maikakailang maganda nang una niya itong makita.

Sa kanilang paglalakad narating nila ang silid nang Adi Dilshed. Pumasok sila sa loob nang silid nito. Sa loob nang silid ng ina nang Hadi Mahdi makikita ang maraming maliliit na mga debuho na may mga nakalaang nakasinding tinghoy nang mga diyos na naninirhan sa ilalim nang karagatan. Pinakiusapan siya nitong tanggalin ang suot nitong damit. Bagay na kanyang ginawa. Pagkatanggal nakita niya ang matandang katawan nang Adi Dilshed. Iginiit nito sa manugang nito na maaari na silang iwanan nito na mag-isa at bumalik na lamang sa anak nito para asikasuhin.

Bagay na walang nagawa ang Adi Mahvash at tinalikuran sila nito.

Sinabi nang Adi Dilshed na ibinigay ito nang mga anak nitong babae na ngayon ay naninirhan na sa Qaa’ur. Sinabi nito sa kanya na magkagayon pa man na marami itong poon ay walaman lamang sa mga anak nito ang nakaalala dito.

Pagtataka kung gayon ang Hadi Mahdi din ba ay hindi ito naaalala. Bagay na itinanggi nang Adi Dilshed at sinabing tanging ang Hadi Mahdi lamang ang nakakaalala dito.

Matatapuan sa isang gilid nang maliit na silid sa unang palapag nang tahanan ang higaan nang Adi Dilshed. Puno ang silid nito nang mga nakaukit na larawan…nagtataglay kung papaano bumagsak ang tahanan ng mga Harith matapos ang nangyaring kaguluhan halos animnapung taon na ang nakararaan.

Inalok siya nang Adi Dilshed nang pasas mula sa pinatuyong bunga nang Jaboticaba. Bagay na kanyang tinanggihan.

Humingi nang tawad ang Adi Dilshed sa ginawa nang anak nito sa kanila bago ang hapunan. Sinabi nito sa kanila na alam nito ang ginagawa nito gayong hindi siya kumibo. Sinabi nang Adi Dilshed na ginagawa lamang iyon nang anak nito ay dahil iniisip nito ang kapakanan nang kanyang asawa at ang kabutihan nang tahanan nang mga Barakat. Na hanggang maaari ay gusto nitong makita na nasa maayos na pamumuno at patnugot ang kanilang lupain. Dagdag ng Adi Dilshed, “parang hindi naman lingid sa iyo ang nangyari sa tahanan ng mga Barakat. Mahirap pagkatiwalaan ang sinomang Hadezar na nagmula sa tahanang iyon. Isa pa hindi mo kilala ang iyong asawa!”

Nabaling ang atensyon nito matapos na manalangin sa poon. Tanong nang Adi Dilshed sa kanya, “sabihin mo sa akin Adi Hikmet alam mo ba ang balak nang iyong asawa laban sa pagpapabagsak sa aming tahanan?”

Nagulat siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin.

Nagtaka ang matandang Adi sa kanya. Wika nito, “kung ganon hindi mo alam. Naniniwala ako na hindi mo alam.” Lumapit ito sa kanya dala ang tungkod nito na kinuha malapit sa mataas na lamesa na nagtataglay nang maraming mga poon. Kasunod noon hinawakan nito ang kanyang kamay.  Pagpapatuloy nito, “gusto ko lang na makatiyak na maasahan kita. Alam mo ba kung sino ang naaalala ko sa’yo, ang kanyang ina. Halos magkapareha kayo nang mga mata…iyon siguro ang dahilan kung bakit napatigil siya nang makita ka niya! O Adi Hikmet, hariqa të razni vharlaaq waxa’thë nhar varq. Sa tingin ko natatakot sa iyo ang aking anak. Hindi niya alam kung ano ang kanya gagawin para lumayo ka sa Hadi Yasir!” Inilapit nito ang kamay nito sa kanyang mukha tumingala habang inilapit niya ang kanyang mukha. Hinaplos nito ang kanyang mukha. Dagdag nang Adi Dilshed, “totoo ba ang sinasabi nila sa iyo. Ikaw ba ang magpapabagsak sa aming tahanan?” Tinanggal nito ang kamay nito sa kanyang mukha. Kasunod noon nabaling ito sa anino na nasa labas nang nakabukas na silid na tinutulugan nito. Wika nang Adi Dilshed, “Hikayatin mo ang iyong asawa na pabagsakin kami! Kung ikaw man ang dahilan nang magpapabagsak sa amin!”

Kasabay noon narinig niya ang pagtawag sa kanya nang Adi Makbule.

Wika nang Adi Dilshed, “sige na sa tingin ko kailangan niyo nang umalis!”

Iniwan niya ang Adi Dilshed na nag-iisa sa loob ng silid nito. Kasabay noon bumalik sila sa pabilyo kung nasaan ang kanyang asawa.

Sa paglabas nila mula sa loob nang tahanan ng mga Harith papunta sa pabilyo nang tahanan nagpasalamat ang Adi Makbule sa kanya. Niyakap siya nito nang mahigpit at kasunod noon nagpaalam ito sa kanya at sinabi nito sa kanya na hindi na ito magpapakita pa sa Hadi Yasir gayong ipagpaalam na lamang nito siya sa hadi Yasir. Matapos noon tinalikuran niya ang Adi Makbule at nagtungo sa kung nasaan ang kanyang asawa.

Sa paglapit niya dito sa loob nang pabilyo narinig niya ang kanyang asawa

Tanong nang Hadi Yasir sa Hadi Mahdi, “ang sabi mo sa akin para na rin kitang ama. Maaari po ba akong makiusap…maaari po ba kayong magsabi sa akin nang katotohanan. Talaga bang minahal niyo ang aking ina?”

At ang sagot nang Hadi Mahdi sa tanong nang kanyang asawa, “minahal ko siya pero hindi katulad sa pagmamahal na ibinibigay mo sa Adi Hikmet. Masmatimbang ang pagmamahal niyong dalawa. Ang sa amin nang iyong ina sandali lamang iyon. Walang halaga! Ginamit niya lang ako…”

Lumapit siya sa mga ito at sa kanyang paglapit tinawag niya ang kanyang asawa dahilan upang mabaling ang atensyon nito sa kanya. Matapos noon nagbigay ito nang paggalang at pamitagan sa Hadi Mahdi. Bagay na tinanggap nito at pinahintulutan.

Nang gabing iyon tuluyan na nilang nilisan ang tahanan ng mga Harith. Sakay kay Ijiraq binaybay nila ang kahabaan nang dalampasigan. Siya ang nagpatakbo kay Ijiraq. Sumakay ang Hadezar sa kanyang likuran habang nakatali ang mga kamay nito sa kanyang katawan at nakayakap ito sa kanya…

Sa pagdating nila sa kanilang tahanan tinanong siya nang kanyang asawa kung nagugutom pa ba siya. Bagay na kanyang itinanggi gayon ibinaling din ang parehong tanong at tumanggi din ito. Sinabi nito sa kanya na sa dami nang kinaing isda at lamang-dagat nito sa salu-salo sa tahanan ng mga Harith ay mukhang hindi na ito makakain pa nang isda o kahit anong pagkaing-dagat sa loob nang ilang linggo.

Bagay na kanyang ikinatuwa.

Tinanong siya nang kanyang asawa kung gusto ba nitong maligo muna bago sila tuluyang matulog. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Kasunod noon nagbabad sila sa mainit na tubig nang bukalan.

Humingi sa kanya nang kanyang asawa. Sinabi nito sa kanya na hindi dapat iyon nangyari.

Bagay na kanyang pinagsawalang bahala. Sinabi niya, “hindi na kailangan pa! nagawa na ang pagkakamali ano pa ba ang kasunod?” Nagmatigas siya nang tulad nang pagmamatigas nang iba sa kanyang pinagmulan.

Lumingon ito sa kanya habang nasa gilid ito nang bukalan at siya malayo dito sa kabilang bahagi. Pinagmamasdan nila ang isa’t isa. Nakalubog ang kanilang mga katawan sa mainit na tubig.

Wika nito, “hindi…tungkulin ko na pangalagaan ka laban sa kanila! Karapatan ko iyon.”

“Totoo!” wika niya “ngunit hindi mo ginawa.”

Lumapit ito sa kanya. Tanong nito sa kanya, “ano ba ang gusto mong gawin ko!”

Wika niya sa Hadi Yasir “sabihin mo ano ang dahilan kung bakit mo tinanggap ang alok nang tahanan nang mga Harith na maghapunan kasama nila? Sabihin mo sa akin ang totoo.” Hindi ito nakaimik. “Ano ang dahilan? Gusto kong marinig sa iyo… makita ang pakiramdam matapos kang maliitin, at hamak hamakin ang iyong asawa nang ganong ganon lang sa harap ng kalahati ng mga Harith. Gusto kong magalit ka…sa akin…sa kanila. Gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo. Kung dahil ba ito sa pagnanasa…sa pagkalimot…sa iyong ina. Ipaunawa mo sa akin Hadezar, para maunawaan ko…palayain mo kami, palayain mo kami nang magiging anak mo!”

Lumapit siya sa kanyang asawa na umiiyak punong-puno nang galit na hindi kayang ipakita.  “Yasir!” Niyakap niya ito ng mahigpit. Nang gabing iyon nagniig silang dalawa. Hinayaan niya itong pamunuan siya nito at pagsaluhan ang buong gabi na sila lamang, at tanging sila lamang.

Hiniling niya sa kanyang asawa na pabagsakin nito ang tahanan nang mga Harith. Na kunin nito dito ang ipinagkait sa kanilang kalayaan na mamuno nang walang halong pangingialam.

Sa paggising niya nakita niyang wala sa kanyang tabi ang kanyang asawa. Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga. Lumabas siya nang kanilang silid mag-asawa. Hinanap niya ito sa kanilang tahanan at nang narinig niya ang tinig nito sinundan niya kung nasaan ito. Hanggang sa nakita niya ito sa loob nang imbakan nang tahanan ng mga Barakat. Ang madilim na imbakan na matagal nang nakasarado at hindi binubuksan. Pumasok ito sa loob nang makitid na silid na puno nang maraming malalaking banga.

Inalok siya nang Hadi Yasir na makipag-inuman sa kanya bagay na kanyang tinanggihan.

Wika nang Hadi Yasir sa kanya, “alam ko na ang gagawin ko!”

Nagtaka siya. Tanong niya sa kanyang asawa, “ano ang gagawin mo?”

Tugon nito sa kanya, “panahon na upang humiwalay ang tahanan nang mag Barakat sa pakikipag-ugnayan nito sa tahanan nang mga Harith.”

Tanong nang Adi Hikmet dito, “sigurado ka?”

May pag-aalangan sa kanyang asawa. At habang nakaupo sa sahig at umiinom nang nakakalasing na inumin sa tabong hawak nito na may lamang kakaunting nakakalasing na inumin, tumango-tango ito sa kanya bilang pagsang-ayon sa kanyang tanong. Alam niya na isa itong mabigat na desisyon. Batid niyang sa gagawin nito wala sa tahanan nang mga Barakat ang pagkakataong magwagi bagkus maaaring ito ang maging dahilan nang kanilang tuluyang pagbagsak nang kanilang tahanan. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa kanyang asawa.

Nang umagang iyon, kasabay ng pagsilay nang araw, Hinatid niya ang kanyang asawa palabas nang tahanan ng mga Barakat kung saan naghihintay ang sasakyan nitong alagang itim na asong-gubat na si Amarok. Nakasuot ang Hadi Yasir nang makapal, matingkad at malilim na muradong kulay na batá, na may mga tahing animang gilid na mula sa mga itim na bato na nagtataglay nang mga manggas na hanggang sa ibabaw nang siko nito. Nakasuot ito nang saluwâl na itim na may mga burda ng mga gintong alitaptap. Ang tapis nito ay mula sa balat nang buwayang Magan. Nakatali sa beywang nito ang mga sinturong gawa sa balat nang hayop. Suot nito ang singsing nang ina sa kanan nitong daliri. Sandalyas sa mga paa at mga bakal na panara sa mga hita nito. Bago ito tuluyang umalis patungo sa tahanan ng mga Harith. Iniwanan niya ito nang halik, at sinabi nito sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala at magiging ayos lang ang lahat…bagay na kanyang pinaniniwalaan.

Habang nakasuot siya nang kanyang panloob na damit at nakatapis nang saluwâl na itim. Hinintay niya itong umalis sa labas nang kanilang tahanan.  Mistulan itong naglalayag sa ilalim nang mga nag-aalong palawit ng mga Harith, handa sa pagsuong sa isang labang inaasahan nila. Nang tuluyan na itong lumayo, lumapit sa kanya ang isang Jingkar na inaasahang magiging kasama niya— Ang Hadi Walid.

Prayer

I want a god
as my accomplice
who spends nights
in houses
of ill repute
and gets up late
on Saturdays
a god
who whistles
through the streets
and trembles
before the lips
of his lover
a god
who waits in line
at the entrance
of movie houses
and likes to drink
café au lait
a god
who spits
blood from
tuberculosis and
doesn’t even have
enough for bus fare
a god
knocked
unconscious
by the billy club
of a policeman
at a demonstration
a god
who pisses
out of fear
before the flaring
electrodes
of torture
a god
who hurts
to the last
bone and
bites the air
in pain
a jobless god
a striking god
a hungry god
a fugitive god
an exiled god
an enraged god
a god
who longs
from jail
for a change
in the order
of things
I want a
more godlike
god

—Francisco Alarcon

Translated by: Francisco Aragon

KABANATA LABING-DALAWA:

ANG HINDI MAIKAKAILANG KAGULUHAN 

Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay pabalik sa kanyang kinalakihang tahanan, pabalik sa kanyang asawa, sa kanyang liyaw at sa kanyang mga alagang hayop. Alam niya na sa mahabang panahon na pagkakakilala sa Hadi Mahdi ito ang inaasahang mangyari. Binalaan na siya nang Hadi Walid. Alam nang Hadi Walid na ganito ang mapapala niya, kahit ang kanyang asawa. Hindi siya nakinig dahil sa tingin niya ito ang tama, ang kausapin ito bago magsimula ang hindi inaasahang kaguluhan, sa kanya laban sa tahanan nang mga Harith.

Maaaring sabihing ISA ITONG PAGKATALO…siguro nga isa itong pagkatalo, sa kapayapaan na manaig, sa kabuktutan na masawi. Sa kaguluhan na hindi mangyari. ISA ITONG PAGKATALO nang katwiran laban sa kasakiman. ISA ITONG PAGKATALO nang tama sa masmali. Ngayon anong tama ang maibibigay nang isang pagkakamali na nagsisimula nang magwagi? Pagkatalo man ito pero hindi ito ang kabiguan. Hindi sa kanya. Higit na hindi sa kaninoman. Alam niya sa kanyang sarili na nagsisimula pa lamang siya…

Nagsimula ang lahat sa kadiliman nang gabi. Sa loob nang mapanglaw na kakahuyan. Sa mga nilalang na balatkayo at balot ang buong katawan nang hiwaga. Ang kanilang anyo, hugis at itsura ay nababalutan nang mga halaman, mga tangkay at sanga, balahibo nang mga ibon, balat nang mga hayop. Kilala sa iba’t ibang taguri, sa ngalang sila lamang ang nakakaalam. Ang Inang-Buwan na pinuno nang nakararami, ang Mangangaso, ang Mahinhing-Dalagang may alagang ruwisenyor, ang Mapaghapis na matanda, ang pilantod na Mangingisda, ang Tabil na may kwintas nang mga tenga, ang Magpapanday, ang nakaitim, at ang amang-araw.  Umalis ang Jingkar at nagtungo sa kakahuyan. Nakiusap na kung maaari ay gawing Hadezar ang kanyang anak…pumayag ang mga ito bagkus ay may kapalit, ialay ito sa kanila bagay na ginawa nang ina. Matapos ang mahigit dalawampung taon namatay ang ina sa hindi nalalamang kadahilan. Sa libing nang ina hiniling nang anak sa mga sumasamba sa kapangyarihan nang liwanag nang buwan na hayaan nitong pabagsakin ang mga kalaban nito. Tinanong nang mananamba kung sigurado ito gayong walang salita ang lumabas sa namatayang anak. Tiniyak nito ang kagustuhan sa hiling na dasal na pinagbigyan. Hindi naglaon naging Hadezar ang anak at anak ay nakapangasawa na nagmula iisang pinagmulan, sa mga nilalang na sumasamba sa kapangyarihan nang liwanag nang buwan.

Sakay kay Amarok nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay. Binaybay niya ang kahabaan nang dalampasigan. Dumaan sa mga lupaing kinasasakupan ng mga Harith. Ang nag-eekis na daan at ang malawak na sakahan ng mga puno ng jaboticaba na hindi kalayuan ay matatanaw ang kanyang mumunting kaharian. Sa kanyang paglalakbay nakita niya ang Hadi Ogeyerg na naglalakad sa gilid nang daanan, isa ito sa mga may-ari nang lupa na nasa ilalim nang kanyang pamumuno at mga tanim na mga jaboticaba, sa paglapit niya dito binagalan niya ang pagpapatakbo kay Amarok. Tinawag niya ang Hadi Ogeyerg.  Kasabay nito lumingon ito sa kanya. Tumigil sa paglalakad at sa kanyang pagbaling nang atensyon sa mabuting may-ari nang lupa agad itong nagbigay nang paggalang sa kanya.

Wika nang Hadi Ogeyerg, “iyi’owuro Hadezar!”

Bumaba siya kay Amarok. Sa pagbaba niya sa asong-gubat lumapit siya dito habang hawak ang ulo nang asong-gubat sa isa niyang kamay at ang panali nito sa isa niya pang kamay. Wika niya, “salamat Hadi! Bagamat nag-aalala akong hindi mapagpala ang araw na ito. Maaari ba akong magtanong sa iyo?” Tumango-tango ang Hadi Ogeyerg. “nagpunta na ba sa inyo ang aking Adi Hikmet?”

Nagtaka ito sa kanya gayong sa pag-aalala nito tinuran nito na umalis ang kanyang asawa nang hindi kasama ni nagpapaalam. Bagay na kanyang itinanggi. Pagtatanong nito sa kanya, “Bakit Hadezar!”

Nang may ngiti sinabi niya na wala at sadyang nagtataka lamang siya. Sinabi niya dito na wala siyang dapat na ipag-alala sa Adi Hikmet o sa kanya magkagayonman kinamusta niya ang may-ari nang lupa.

Sinabi nito sa kanya na mabuti naman ang kalagayan nito…

Gayong pinagtakahan niya at kinamusta ang ani nito. At sinabi nito sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala, tuloy-tuloy ang pagbubunga nang mga jaboticaba matapos ang pag-aani sa nakaraang araw at ang mga inani ay maaari nang ikalakal at iluwas sa Ja’khar sa darating na mga araw.

Bagay na kanyang nagustuhan. Sinabi niya, “mabuti naman kung ganon!”

Pinakawalan niya sa isa niyang kamay ang si Amarok. Iniabot niya ang kanyang kamay sa Hadi Ogeyerg at pagbibigay niya dito nang kabutihan sa pagiging mabuti nitong pakikipagtalastasan sa kanya sa pamamagitan nang pakikipagkamay nagpasalamat siya dito.

Gayong sabi nang matanda sa kanya ito ang dapat tumanaw nang pasasalamat sa kanyang pakikipag-usap dito.

Bago siya tuluyang umalis tinanong siya nito kung ano nga pala ang ginagawa niya dito…

Nagtaka siya. Ngumiti siya. Inilagay niya ang kanyang kamay sa balikat nang matanda at sinabing pumunta siya sa tahanan nang mga Harith upang hingin ang pagputol sa ugnayang namamagitan sa kanilang mga tahanan.

Bagay na ikinagulat nang matandang Ogeyerg. Tanong nito sa kanya, “totoo ba ito?”

Wika niya, “sa kasamaang palad totoo…” Magkagayonman hindi siya pinagbigyan nito at nangangamba siya na baka balikan siya nang Hadi Mahdi at nang tahanan nang mga Harith at madamay ang kanyang asawa at magiging mag-ina.

Tinanong siya nito kung mayroon siyang maitutulong. Gayong sinang-ayunan niya ito at tinanong dito kung maaari ba siya nitong pagbigyan na magamit ang isang bahagi nang lugar kung saan upang maaari niyang kausapin nang walang sinomang nakakaalam ang mga may-ari nang lupa na nasa lalim ng kanyang patnugot.

Ngunit tumanggi ito sa kahit anong nalalamang lugar sa kinasasakupan nitong lupain kung saan sila maaaring makapag-usap at lahat ng mga may-ari nang lupa na nasa ilalim ng kanyang patnugot sa takot na baka madamay ang tahanan nito at gayong wala nang espasyo pa na sapat para sa higit na nakararami, sa kahit anong bilang. Magkagayonman na wala itong gayong pinang-aariang lugar sinabi naman nito sa kanya na mayroon itong alam na lugar na sapat sa kanila upang mag-usap nang walang sinoman ang nakakaalam.  Sinabi nito sa kanya na may isang malaking kubol na hindi ginagamit ang makikita malapit sa taniman nang mga halamang kohlrabi. Sinabi nito sa kanya na nagtataglay ito nang isang palapag, walang kisame, walang mga pintuan ni saraduhan ng mga durangaw.

Tinanong niya ito kung papaano ito nalaman.

Gayong tumanggi ito at sinabing iyon ang dahilan, walang sinoman ang nakakaalam sa lugar na ito. Nakikita, napapansin ngunit hindi pinangangahasan.

Kasunod noon tinanong niya kung sino ang may-ari nito at sinabi nito sa kanya na matagal nang patay ang may-ari nang maliit na tahanan matapos ang nagdaang masamang panahong tumama sa kanilang bayan.

Bagay na kanyang pinasalamatan. Tinanong niya ito kung maaari ba siya nitong dalhin sa nasabing lugar bagay na ginawa nito. Sakay sa asong-gubat tinahak nila ang daan patungo sa taniman ng mga kohlrabi hindi kalayuan sa kinasasakupang lupain ng tahanan ng mga Parvana.

Nakita niya ang nasabing lugar. Tama ang tinuran ng matanda isang kubol na may isang palapag, malawak at malaki. Walang mga kisame at bubong ni mga pintuan at saraduhan ng mga bintana. Nang dalhin siya nito dito agad silang pumasok sa loob. Hindi maikakaila na isa itong lumang tahanan.

Sinabi niya na marami na siyang nasabing pasasalamat sa matandang hadi datapwat nangangamba siya na hindi pa natatapos ang kanyang pasasalamat. Gayong tinanong siya nito ano pa ng maipaglilingkod niya. Sinabi niya na tawagin nito ang lahat nang kakilala nito, kung maaari, lahat nang may-ari nang lupa na nasa ilalim nang kanyang pamumuno. Iyong mga nagtatanim nang mais at rimas na malapit sa kanyang tahanan, iyong mga nag-aalaga nang mga hayop at nagpaparami sa mga ahas na Markupo kahit maging iyong malapit sa tabing-ilog na nagtatanim nang mga Cafir at mga puno nang buri. Gusto niyang kausapin ang mga ito at hikayatin na tulungan siya para sa takot sa banta s kanyang asawa, para sa kaligtasan nang kanyang mag-ina at magiging anak.

Sumang-ayon ito sa kanya. Sinabi nito sa kanya na gagawin nito ang lahat nang makakaya nito upang makumbinsi ang mga ito na sumama sa kanya at makibahagi sa kanyang hangarin laban sa tahanan ng mga Harith. Kasunod noon iniwan siya nitong nag-iisa sa loob ng nasabing lugar.

Kung hindi niya madadaan ang Hadi Mahdi sa pakiusapan dadaanin niya ito sa hidwaan nang mga nasasakupan…ito ang kanyang binabalak. Ito ang tanging paraan na naiisip niya para maipakita niya sa kanyang mga kalaban na hindi siya dapat nang mga ito na binabaliwala.

Sa pag-alis nito pinakawalan niya si Amarok sa pagkakatali nito sa haligi nang tahanan. Pinapasok niya ito sa loob at sa kanilang paghihintay isinandal niya ang kanyang sarili sa pagkakahiga nang alagang hayop sa sahig nang abandonadong bahay.

Sinabi niya kay Amarok ang kanyang mga pangamba…

Umungol ito na mistulang kinakausap siya nito sa salitang hindi niya alam datapwat malinaw at naiintindihan niya.

Sinabi niya dito ang kanyang kinatatakutan, na baka umatras ang matanda at hindi nito gawin kung anoman ang sinabi nito sa kanya na pagkumbinsi sa mga may-ari nang lupa na makapag-usap sa kanya tungkol sa kanyang binabalak laban sa tahanan nang mga Harith.

Tumahol si Amarok sa kanya.

 Lalo pa nangangamba siya na malaman ito nang kanyang mga kalaban, agapan ang kanyang mga binabalak, higit pa malaman ito ng kanyang asawa.

Muli tumahol si Amarok sa dalawang magkasunod na pagkakataon…

Sinabi niya siguro nga hindi datapwat malaki pa rin ang pagkakataon na mangyari ito.

Hindi nagtagal nakaidlip siya.

Nagsimula ang lahat sa kadiliman nang gabi, sa loob nang mapanglaw na kakahuyan. Sa mga nilalang na nakabalatkayo at balot ang buong katawan nang hiwaga na hindi maitatanggi. Lumapit ang isang ina sa mga nilalang na ganito ang itsura at nagtitipon sa mapanglaw na kakahuyan sa Kambal na mga Bato kung saan itinatakda ang kapalaran nang sinoman. Nakiusap ito sa mga ito na gawing hadezar ang anak nito. Pumayag ang mga ito ngunit kapalit noon hiningi nang mga ito dito na ialay ang anak nito sa minimithing kagustuhan at layunin nang samahan, bagay na ginawa nito… Ibinigay nito ang pangangalaga sa anak nito. Tinanggap ito at itinuring na bahagi nang paniniwala. Hanggang sa lumaki sa pangangalaga nang mga ito, tumanda at nagkaisip nanatili pa rin ito sa pamamanata nang mga sumasamba sa kapangyarihan nang liwanag ng buwan…

Nakarinig siya nang tinig…sa pagdilat nang kanyang mga mata nakita niya ang matanda na kausap niya kanina. Sinabi nito sa kanya na nakausap na nito ang mga may-ari nang lupa at pumayag ang iilan na pumunta at makapag-usap sa kanya. Nagpasalamat siya tulong nito sa kanya.

Umupo ito sa kanyang tabi Tinanong nito sa kanya kung ano ang kanyang binabalak…sinabi niya hindi niya pa alam kung ano ang gagawin niya pero hanggang maaari gusto niyang pangalagaan ang kanyang asawa at iligtas ito sa banta nang mga Harith.

Sinabi nito sa kanya na alam na ito nang halos lahat…kung ano ang ginawa niya ang pagpunta niya sa tahanan ang mga harith at kausapin ito at hingin sa Hadezar sa nang tahanan nang mga Harith ang kagustuhan niyang pagputol sa ugnayan nang mga ito.

Sinabi niya sa Hadi Ogeyerg na ang bilis nang pagkalat nang balita.

Datapwat itinanggi ito nang Hadi Ogeyerg at tinuran nito na hindi sa mga bulungbulungan nalaman ang kanyang ginawa bagkus sa kanyang asawa sa pagsabi nito sa Hadi Baaru na may-ari nang mga tanim nang mga halaman ng Rimas.

Humingi siya nang tawad sa matanda…magkagayonman pinaalala nito sa kanya na kailangan na nilang maghanda at sumang-ayon siya. Hindi nagtagal nagsimula nang magtipontipon ang mga may-ari nang lupa sa loob nang abandonadong tahanan, ngayong gabi.  Sa pagpasok nang ilang mga kakilala nadatnan siya nito na naghihintay sa kanila habang inaalagaan niya si Amarok, ang itim na asong-gubat.

Sa pagtayo niya kasabay namang pumasok nang mga ito saloob nang tahanan. Isa-isang nagbigay nang pambungad na pamitagan ang mga ito sa kanya bagay na kanyang binalikan nang pambungad na pamitagan. Nang mabuo na ang lahat nang gabing ito, habang mistulan pa rin mataas ang sikat nang araw, nakahiga sa sahig sa kanyang likuran si Amarok, nagmamasid sa mga nagsisimulang pumasok na mga may-ari nang lupa at umaaligid.

Umungol si Amarok nagbabanta nang paglapa nang higanteng aso na mistulang oso, masbalingkinitan ang katawan, masmabulas ang mga biyas at nagtataglay nang maspino at itim na mga balahibo na may dilaw na mga mata. Nagtuloytuloy ito hanggang lumayo ang mga nakakalat sa paligid nang ambandonadong tahanan at pumasok sa loob.

Nandito ang kanyang mga kakilala. Ang buong tahanan ng may-ari nang taniman nang mga Jaboticaba, kasama dalawa nitong mga anak; Ang Hadi Baaru na may-ari nang taniman nang mga puno nang Rimas kasama ang mga anak niyang lalake; Ang mga may-ari nang sakahan ng mga puno ng buri at uway; ang mga halamang kohlrabi; at ang mga may-ari ng lupa nang sakahan ng mga mais liban lamang sa Hadi Abusta bagamat pinahintulutan nang tahanan nito ang pagpunta sa nakatatanda nitong anak na si Hadi Eno.

Nang gabing ito nagsimula na ang pagpupulong nang mga may-ari nang lupa. Hindi maikakaila sa kanya na hindi niya inaasahan na ganito karami ang mga darating sa pagpupulong. Inakala niya na iilan lamang gayong ang dami nang nandito ay nasa limampung katao…nagmula sa iilang mga may-ari nang lupa na nasa ilalim nang patnugot at pamumuno nang kanyang tahanan, maging ang mga manggagawa na nasa ilalim nang mga pamumuno nang mga ito.

Nagpasalamat siya sa pagdating nang mga ito. Wika niya, “hindi ko alam na ganito karami ang darating. Siguro nagtataka kayo bakit kayo nandito. Alam ko ang ilan sa inyo alam na ang aking ginawa. Ang pagbali sa kung anomang ugnayan ang namamagitan sa amin nang tahanan ng mga Harith. Siguro ang ilan sa inyo alam na ang nangyari sa aming tahanan at sa tahanan nang mga Harith. Ngunit sa mga hindi pa nakakaalam ikinalulungkot kong sabihin hindi kami pinagbigyan nang Adi Hikmet na baliin ang ugnayan nang aming mga tahanan. Ngayon nagtatakda kayo at tinatanong niyo sa inyong mga sarili bakit ko ito ginawa! Ang totoo maraming dahilan…marami na ang nangyari para hindi ito hindi gawin. At ang isa sa mga dahilang iyon ay aking asawa. Kilala niyo siya…nakilala niyo siya at hindi maitatanggi ang mga itinuro niya sa atin at ang mga ibinigay niya sa atin. Alam ko ang iba sa inyo magagalit sa aking ginawa…o kung malaman niyo na ngayon hindi nagtagumpay ang paghingi ko sa Hadi Mahdi nang pagputol nang aming ugnayan at gawing malaya ang aking lupain malayo sa kanyang pamumuno ay manghihinayang at matatakot kayo kung ano na lamang ang maaaring mangyari sa amin, sa inyo. Pinapangako ko sa inyo na walang magbabagong kahit ano, iyan ang aking isinusuguro sa ko—” 

Wika nang Hadi Baaru, “Hadezar…hindi naman lingid sa amin kung ano ang inyong ginawa. Ngunit nangangamba kami na sa ginawa mo madamay aming mga lupain. Lubos, parang hindi natin kilala kung ano ang pagkatao nang Hadi Mahdi…sa mga sinoman ang nakakaalam na nandito ngayon alam namin kung ano at sino ang binabando mo Hadezar.”

Tugon niya, “alam ko…isa iyong pagkakamali na kinakailangan kong bayaran. Pinagbantaan nila ang aming tahanan. Pinagbantaan nila ang aking asawa at ang aking magiging anak. Na gagawin nila ang lahat upang mapabagsak lamang kami at bumalik sa pagiging Kalisag ang aking tahanan, ang aking asawa at magiging anak. Iyon ang katotohanan. Tama ang iyong sinabi, Hadi Baaru…makatwirang Hadezar ang Hadi Mahdi, iyon ay hindi maikakaila sa kanya ngunit hindi rin maitatanggi na mahirap silang kalaban, tama ang iyong sinabi. At iyon ay isang pagkakamali na nagawa ko… Pero hindi rin naman lingid sa inyo na matagal na kaming pinagbantaan nang tahanan ng mga Harith, lalong-lalo na ang Hadi Mahdi. Sinabi niya sa akin na hindi niya gusto ang Adi Hikmet…hindi niya gusto kung anoman ang ginagawa nito sa ating lahat. Hindi ako natatakot sa kung ano ang kaya niyang gawin laban sa akin pero natatakot ako sa kung ano ang kaya niyang gawin sa aking asawa at magiging anak—may isang Adi na nangahas na pumasok sa aking tahanan at saktan ang aking asawa at magiging anak matapos na malaman na nagdadalang-tao ang Adi Hikmet. Ayokong malaman niyo ito, hindi namin hangad nang aking asawa na malaman niyo ito. Ang suliranin naming mag-asawa ay suliranin namin. Bagamat pinagbantaan niya ang aking asawa. Nangahas siyang pumasok sa aming tahanan sa gitna nang gabi habang tulog na ang lahat. Nasaan ang kaligtasan doon? Kailangan ko ang tulong niyo, ngayon, hindi para sa akin kung hindi para sa aking asawa, sa Adi Hikmet.  Kung ako lang ayoko kayong madamay!”

Narinig niyang nagsalita ang Hadi Eno. Wika nito, “sinabi nang aking ama na ang unang tungkulin nang isang Hadezar ay pangalagaan ang nasa ilalim nang pinapatnugunan nito. Pero sinabi niya rin sa akin na ang lahat nang Jingkar ay dapat pantay-pantay…walang masmataas o masmababa!”

Wika nang Hadi Ogeyerg, “ang mahirap lamang…at ang nakakatakot ay baka magkaroon nang kaguluhan sa atin! Ayokong ninoman ay madamay sa ganitong kaguluhan!”

Tugon niya, “alam ko iyon Hadi Ogeyerg. Hindi ko hinihingi ang inyong tulong…ang sa akin ay pag-unawa. Huwag na sa akin pero para sa aking asawa, sa Adi Hikmet sa batang walang muwang sa kung ano ang nangyayari sa ating lipunang ginagalawan. Darating siya dito. Gagawin niya kung ano ang gusto niya. Sasaktan niya ang aking asawa. Ang aming anak. Makatiyak lamang na hindi niya sa akin makukuha ang hustong pamumuno at patnugot nang aking tahanan! Minsan niya na akong pinagbantaan. Minsan nang nanganib ang buhay nang aking asawa! Ayoko lang iyong mangyari…lalo na kung mangyayari iyon sa Adi Hikmet!”

Nagsimula ang lahat sa ganito rin kadilim sa loob nang mapanglaw na kakahuyan habang naglalakbay ang isang ina bitbit ang kanyang bunsong anak patungo sa kambal na Bato mahigit dalawampung taon na nakakalipas. Hiniling niya sa mga nilalang na nakabalatkayo na gawing Hadezar ang kanyang anak. Pumayag ang mga ito nang may kapalit bagay na tinanggap nang ina at napilitan itong ibigay ang pitong taong gulang na anak sa mga ito. Inalay nang mga ito ang anak sa kambal na mga bato. Nagmakaawa ang bata na huwag itong ibigay nang ina nito sa mga nakakatakot na nilalang… ngunit hindi nakinig ang ina sa anak nito. Bagkus   Pinahiga nila ang bata sa lupa at Sinugatan ang hita nito at dugo sa patalim ang inalay sa mga diyos na naninirhan sa ibabaw nang kalangitan. Ilang buwan lamang ang nakakalipas dumating isang matanda sa tahanan nang mga-ina at hiningi ang kamay nito at ang pangangalaga dito.

Nang gabing ito bumalik siya sa kanyang tahanan. Nagsimula nang maliwanag ang kanyang tahanan habang ang lahat nang mga nakapalibot sa kanya ay mga aninong nagtatago at hindi matanaw. Nagsisimulang bumigat ang kanyang mga mata, tumulo ang mga luha dito at ang isa ay bumagsak sa kanyang kamay at bumahid sa kanyang pisngi. Sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya babalik pa sa nakaraan…na tapos na ang panahong pinag-aralan niya at natutunan ang kahalagahan nang kanilang kahapon. Panahon na upang manatili sa kasalukuyang. Alam niya sa kanyang sarili na magkakaroon nang mga pagkakataong babalik siya sa kanyang pinanggalingan bagkus ito ang mga pagkakataong kinakailangan niyang alalahanin at tignan ang mga maling nagawa upang itama.

Sa pagbalik niya sa tahanan ng mga Barakat. Bumukas ang lagusan sa loob nang yungib ng mga tahanan papasok sa loob nang kanyang pamamahay. Sa pagpasok niya nakita niya sa ang Hadi Walid na hanggang ngayon ay binabantayan pa rin ang kanyang asawa. Lumapit siya dito.

Hinanap niya ang Adi Hikmet. Sinabi nito sa kanya na hindi siya nakatitiyak sa kung nasaan ito sa mga sumandaling ito…

Tumango-tango siya. Kasunod noon iniwan niya ito at nagtungo sa isa sa mga imbakan. Kinuha niya ang isang martilyong pangmaso at nagtungo sa kanilang silid na mag-asawa. Sa loob nang silid nilang mag-asawa, nakita niya ang mukha nang kanyang ina na nakaukit sa dingding nang silid, ang pag-angat nito bilang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat na isang malaking kasinungalingan.

 Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi magalit dito… sa pagkabigo sa kanyang tahanan…sa mga nangyayari ngayon, gusto niyang sisihin ito pero alam niyang wala itong nagawang malaking pagkakamali. Na ang totoo iyan ay naiintindihan at nauunawaan niya pa ito.

Hinubad niya ang singsing nang kanyang ina sa kanyang daliri. Tinanggal niya ang kanyang suot na Báta. Inilapag ito sa mataas na lamesa. Inurong ang kanilang kamang mag-asawa kinuha ang martilyong nakasandal sa dingding at sinimulang iwasiwas ang hawak na martilyo sa dingding kung saan nakaukit ang larawan nang pag-angat nang kanyang ina. Winasak ang mukha nito. Sinira ang larawan. Tinampalasan ang mga ukit na nagpapakita nang pagbagsak at huwad na pag-angat nang kanilang tahanan.

Hindi ito totoo… isa itong kasinungalingan. Ang pagiging Hadezar nang kanyang ina. Ang kanyang pagiging Hadezar. Bumagsak ang kanilang tahanan, tinulungan sila nang mga Harith ngunit kahit kailan hindi pa rin sila nakakaahon sa kanilang pagbagsak. Mananatili silang mga Kalisag hanggang nasa ilalim sila nang impluwensya nang tahanan ng mga Harith, nang kanyang mga kalaban. Muli niyang iwinasiwas ang martilyo kasabay nito nagkalamat ang buong dingding. Bumigay sa pagkakadikit ang sulyaw sa kanilang silid at bumagsak ito sa lupa. Natapon ang lamang langis. Nagsimulang kumalat ang apoy at Nahagip ang sapin nang kanilang kama.

Sinandal niya ang martilyo sa dingding datapwat bumagsak ito sahig…kinuha ang sapin sa kanilang kama tinanggal ito sa kanilang kamang mag-asawa. Inilapag sa sahig ang bahaging nasusunog at tinapaktapakan ito…Pumasok ang Hadi Walid sa loob nang silid at pinatay nito ang apoy sa sahig ng silid nilang mag-asawa…

Tumawa siya…Tinignan siya nang Adi Hikmet na nag-aalala sa kanya. nagtaka ang Hadi Walid sa kung ano ang nangyayari sa kanya.

Nang gabing ito pinagluto niya nang hapunan ang kanyang asawa at ang Hadi Walid. Hinanda niya ang mga nahuling Tamban sa loob ng kusina na siya mismo ang kumuha mula sa dunaw na matatagpuan sa isa sa mga imbakang kinasasakupan ng kanyang tahanan. Giniliit niya ang ilalim ng ulo nang mga Tamban na nahuli, tinanggal ang mga hasang sa katawan ng mga ito. Hiniwa ang katawan at kinuha ang bituka at lamang-loob sa mismong kaluban na kanyang ginawa sa mga isdang Tamban. Matapos na hindutin, sunod niyang tinanggalan ang mga ito nang palikpik at kinaliskisan ang mga kaliskis. Naglagay siya nang panghiwang nakatagilid sa katawan nang isda bago isinilang sa kawali na una munang pinainitan at nilagyan ng mantika buhat mula sa hayop na tapir. Agad sinimulan niya ang pagluluto nang kanilang hapunan.

Habang naluluto ang mga Tamban, sinimulan niyang hiwain ang bawang, kamatis at sibuyas na kanyang kinuha sa loob nang imbakan. Hiniwahiwa niya ang sibuyas at kamatis sa maliliit na dais. Tinadtad ang bawang at nilusaw ang itlog nang mga pato na kanyang kinuha sa imbakan bago inilagay ang mga ito sa isang kawali kung saan niya iginisa ang mga ito sa mantika at nilagyan nang mga maanghang na pampalasa at nilagyan nang isa at tatlong-kapat na tubig.  Pagkaluto nang isda isinama niya ang mga ito sa gisado at sabay na niluto sa iisang kawali. Matapos na maluto agad niya itong tinanggal sa pagkaluto. Habang hinanda nang kanyang asawa ang kanilang hapunan sa loob ng bulwagan ng tahanan.

Sa kanilang hapunan sinabi nang Adi Hikmet kung gaano ito kasaya na makita sa kanilang maliit na salusalo ang kanyang dating kaibigan. Sinabi nang kanyang asawa sa kanya kung ano ang ginawa nito…kung saan-saan ang mga ito na nag-ikot sa mga may-ari nang lupa na nasa ilalim nang kanyang tahanan, sa mga sakahan nang mga mais, rimas at jaboticaba. Naging mabuti ang pagtanggap nang mga ito sa Hadi Walid gayong, pag-aakala nang Adi Hikmet ay hindi pa ito nakikilala nang ninoman na siyang isang malaking pagkakamali.

Sinabi nang Adi Hikmet sa Hadi Walid na nalaman nitong nakapaglayag ito kasama nang mga Karabana. Kasunod noon tinanong nito ang Hadi Walid kung ano ang ginawa nito sa loob nang tatlong taon na wala ito sa Ja’khar.

Sinabi nito sa kanila na unang nilakbay nito ang Qaa’ur na ilang buwan din ditong nanirhan at hindi nagtagal ay sumama sa paglalayag patungo sa Ka’desh, sa Malawak na Andes nang Kanluran at maging sa mahiwagang Andes nang katimugan. Sinabi nito sa kanila na nakita nito nang malapitan ang mapaminsalang relihiyon na pumipigil sa pag-angat sa Qaa’ur nang mga naninirhan dito at kung bakit ang iba ay minabuting dito unang ipasok ang mga luwas upang iangkat sa ibang andes. Pinaniniwalaan nito na hindi magtatagal na maaari ang Ja’khar ang maging susunod na Qaa’ur datapwat matagal pa bago mangyari gayong nasa pinakahilagang bahagi ito nang Malayang Andes at ganong iba ang ihip nang hangin sa lupaing ito at madalas pang pinipinsala nang malakas na sama nang panahon na idinudulot nang mga kakaibang hangin.

Tinanong nang Adi Hikmet sa kanyang liyaw ang Ka’desh…kung ano ang ipinagkaiba nang Ka’desh sa Ja’khar.

Sinabi nang Hadi Walid sa kanila na wala namang ipinagkaiba ang Ka’desh at ang Ja’khar. Kapwa parehong silanganing mga bayan at lipunan, walang ipinagkaiba sa isa’t isa liban lamang sa mga kaugalian, paniniwala, kulay nang mga balat na di hamak na masmaitim at ginintuang kulay nang mga mata.

Matapos ang kanilang hapunan nagpasalamat ang Hadi Walid sa mabuting pagtanggap nila dito. Matapos noon agad din itong nagpaalam sa kanila at umalis sa kanilang tahanan.

Sabay silang nagpaalam sa Hadi Walid kasabay nang paglisan nito bumalik silang mag-asawa sa loob nang kanilang tahanan. Dumiretsyo ang Adi Hikmet sa loob nang silid lutuan kung saan ito ang namahala sa paghuhugas nang mga kinainan habang nagtungo siya papasok sa loob nang kanilang silid mag-asawa upang sinimulang linisin ang kalat na iniwan niya sa loob nang kanilang silid.

Kinuha niya ang nabasag na sulyaw sa loob nang silid. inilagay ito sa ibabaw nang isa sa mga matataas na lamesa sa kanilang silid. Kasunod noon sinimulan niyang linisin nang basang pamunas ang itim na dumi na nilikha nang apoy sa sahig na bato nang kanilang silid mag-asawa. kinayod niya ang latak nanatili dito habang ginagawa niya ito narinig niya ang boses nang Adi Hikmet. Dahilan upang mapalingon siya dito.

Nakita siya nito. Napansin nito ang pitak sa dingding nang kanilang silid, ang naurong nilang kama at ang wasak na larawan nang kanyang ina.

Wika nito sa kanya, “hindi ko alam kung bakit mo iyan ginawa”

Wika niya, “maniwala ka…hindi ko rin alam!”

Tanong nito sa kanya, “galit ka ba sa akin?

Nabaling ang pansin niya dito. Umiling-iling siya. Sinabi niya, “hindi…” Kasunod noon tumayo siya sa kanyang pagkakaluhod.

Tanong niya, “galit ka ba sa akin?”

Wika nito sa kanya, “hindi ko alam! —Nag-aalala, oo. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo…Sinabi mong wala akong dapat na ipangamba. pero huwag mo sa aking sabihin na mauuwi lang ang lahat nang ipinangako mo sa wala. Pinaniwalaan kita. Kailangan ko nang sagot Hadi Yasir.”

Sinabi niya sa knayang asawa kung ano ang nangyari sa tahanan nang mga Harith. Kung papaano siya tinanggap nang mga ito at sinabi sa kanya na hindi nito maibibigay ang kanyang hinihinging pagputol nang ugnayan nang dalawang tahanan.

Tanong nang Adi Hikmet sa kanya, “neyi’ö të waye dl’nas’iki banaúnah?” (Jng. Ano na ang mangyayari sa ating dalawa ngayon asawa ko?) Ito ang unang beses niyang narinig na tawagin siya nang Adi Hikmet na kanyang asawa.

Wala siyang maisagot.

Nagsimula ang lahat sa ganito rin, sa mga kabiguan at paghahangad nang higit pa. Sa paghiling nang isang ina sa mga higit na nakakaalam nang hindi nito kayang ibigay para sa mga anak nito sa mga nilalang na nakabalatkayo sa loob nang gubat na mapanglaw, sa Kambal na Bato dalawampung taon na ang nakararaan. Hiniling nito na gawing Hadezar ang anak nito. Pumayag ang mga ito nang may kapalit bagay na tinanggap nito dito. Ibinigay nito ang anak nito sa mga ito. Nagmakaawa anak nito na huwag itong ibigay…umiiyak hinihingi ang kamay habang unti-unti itong lumalayo sa anak. Wala itong nagawa nakuha nito ang gusto nito at para sa anak nito isa itong bangungot.

Dumaan ang mga araw, kasabay nito nalaman nila ang pagbagsak nang Herren’si nang Herren Ixchel sa kamay nang nakababatang kapatid nito na si Malakith na ngayon ang bagong pinuno nang Ka’desh matapos itong tulungan nang mga Banal na mga Mata na sumasamba sa mga Asirvadda na naninirhan sa ilalim nang karagatan at sa ibabaw nang mga Ulap. At pagbabasbas nang Buyuk’Sul sa banal nitong pagpaslang sa kapatid nito.

Ngayon nakakulong ang tatlong asawa nang kapatid nito kasama ang tatlong nakababatang mga anak nito habang hindi mahanap ang tatlong iba na higit na nakatatanda dito.

Tulad nang inaasahan, mabilis na kumalat sa buong Ja’khar ang kanyang ginawang paghingi sa tahanan ng mga Harith. Nalaman ito nang bawat tahanang kabilang at bumubuo sa kalipunan nang mga Hadezar. Umani ito ng batikos at bulongbulungan sa buong Ja’khar. Hindi nagtagal nalaman niya ang ginawang pagpili nang kanyang mga kapatid na kampihan ang mga Harith at ang kakampi nitong Parvana laban sa kanya at sa kanyang tahanan para sa kaligtasan nang mga sarili nito at maging siya at nang kanyang tahanan.

Nang umagang ito, Dinilat niya ang kanyang mga mata. Gumising siyang katabi ang Adi Hikmet. Nakapulupot siya dito habang nakaharap ito sa kanya. Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga sa tabi nang asawa. kinuha niya ang hinubarang bahag. Sinuot ito sa kanyang katawan. Kinuha ang itim na saluwâl at ang itim na Báta na malakaliskis ang pagkakahabi nang tulad sa mga tata’u na nasa kanyang mga braso na nakatahi sa magkabilang balikat nang kanyang suot na pang-itaas, habang malinya at malinis at wala masyadong burda ang buong katawan at likuran ng suot. Sa pagtayo niya agad siyang nagtungo sa loob nang kanilang silid lutuan. Pinaghanda niya ang kanyang asawa nang kanilang magiging agahan.

Inayos niya ang parilyang nakataob at pinagpantaypantay ang uling na itinabi nang Adi Hikmet.

Niluto niya ang rimas sa kawali. Nagluto nang itlog at karne nang tapir. Kasunod nito inayos niya ang gawaang lamesa na nasa gitna nang silid at lumabas upang gisingin ang Adi Hikmet at anyayahan itong mag-agahan.

Nang umagang ito nag-almusal silang dalawa. Nagpasya silang hindi umalis sa kanilang tahanan at linisin ang buong bahay.

Naglaba ang Adi Hikmet nang kanilang mga suot na damit habang tuluyan niyang tinanggal ang larawang nagpapakita nang pag-angat nang kanilang tahanan matapos ang ikalawa nitong pagbagsak sa loob nang silid nilang mag-asawa. Ngayong tuluyan nang naglaho ang halos lahat liban lamang sa pagbagsak nito…

Sinabi sa kanya nang Adi Hikmet na may paparating na bagyo. Napansin niya ang kaaliwasan nang umaga. Ngunit ipinilit nito sa kanya na kakaiba ang hangin, at wala kang maririnig na mga huni nang ibon. Kakaiba din ang nagdaang gabi gayong maaraw na maaraw ngayon habang mapulang-mapula ang langit kinagabihan.

Pinaliguan niya ang mga alagang hayop na nasa gitna nang malawak na lupain nang kanilang tahanan liban lamang si Ijiraq na nasa loob nang bulwagan at kanina pa naligo bago ang tuluyang pagbukang liwayway ngayong umaga kasabay nito nagsampay ang kanyang asawa nang kanilang mga damit sa pasilyo sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan.

Matapos na mapaliguan ang mga asong-gubat sunod niyang nilinis ang kanilang kabahayan.  Tinanggal ang mga agiw at putik sa sahig nang silid. Tinanggal at Nilinis din ang mga putik, nakakalat na mga dahon at buhangin sa pasilyo.

Sa kabila nang kanilang pag-aayos at paglilinis narinig niya ang pagtahol nang kanyang mga alagang hayop. Lumabas si Ijiraq at Amarok sa loob ang bulwagan at tumatahol. Nabaling ang kanyang pansin sa lagusan nakita niya ang isang batang babae, ang Adi Ayda, ang anak nang Hadi Abusta kapatid nang Hadi Eno. Ang nagsabi sa kanya nang pagpanaw nang kanyang ina.

Nasundan ito nang tinig nang kanyang asawa. Pinigilan niya ang mga ito sa pagtahol. Sinusutan niya ang mga asong-gubat… At sa tangkang paglapa nang mga ito hinikayat niya ito na manatili. Lumapit siya dito at kinarga ang batang babae. Pinaalis niya ang mga alaga… itinaboy ito nang pagalit at lumabas sila sa loob nang tahanan.

Tinanong niya ito kung ano ang dahilan kung bakit siya nito kinaikailangang makausap. Kasunod noon sinundan sila nang Adi Hikmet sa labas nang kanilang tahanan.

Sinabi nito sa kanila na may mga kalalakihan na hinarangan ang pagdating nang Hadi Mahdi at isa sa mga anak nito na makapasok sa kinasasakupang lupain nang kanyang tahanan.

Tinanong nang Adi Hikmet kung ano ang nangyayari.

Tinanong niyang kung ano ang dahilan sa Adi Ayda kung bakit ito ginagawa nang mga ito ngunit nagkimi’t balikat lamang ang bata.

Sa paglingon niya sa kanyang asawa sinabi niya dito na bantayan ang batang babae. Na nakatitiyak siya na ang magulang nito at mga kapatid ay nasa pagtambang. Kasunod noon nagpaalam siya dito na puntahan ang mga ito.

Tinanong nito sa kanya kung ano ang magagawa niya. Tinanong nito sa kanya kung pipigilan niya ba ang mga ito.

Gayong sabi niya sa kanyang asawa, “hindi…bakit ko naman gagawin iyon. Ako ang kanilang Hadezar!”

Hindi nakaimik ang kanyang asawa.

Agad pumasok siya sa loob, kinuha ang kanyang pang-itaas na kasuotan at bago tuluyang umalis sa kanilang tahanang mag-asawa sinabi niya dito, ““kita mo nga naman Adi Hikmet ano na lamang ba nagagawa nang pagmamahal!” at hinalikan niya ito sa labi at binalikan siya nito nang halik sa labi na may pagtataka.

 Kasabay nito umalis ito sa kanilang tahanan at pinuntahan kung saan nagaganap ang kaguluhan, sa pinakamalapit na bagtasing daan patungo sa tahanan nang mga Harith na walang dalang kahit anong alaga.

Sa pagdating niya nakita niya ang Hadi Walid kasama ang mga ito. Ang ilan sa mga may-ari nang lupa na nasa ilalim nang knayang pamumuno at gayong kasama niya sa pagpupulong. Malinaw sa kanya na isa itong pabagsak laban sa kanyang mga kalaban.

Lumapit siya sa mga ito. Sinubukan niyang dumaan sa mga ito at nang pinadaan siya sinamahan siya nang Hadi Walid. Gayong nang makita niya ang Hadi Mahdi at ang anak nitong si Hadi Nasrin nakita niya rin ang ilan sa mga Anino na nasa ilalim nang pamumuno nito…bilang sa kanyang mga kamay, armado, may hawak na mga mahahabang sibat at golok sa kanilang mga beywang.

Nagkita silang dalawa. Tinignan niya ito at tinignan siya nito pabalik.

Wika nang Hadi Mahdi sa kanya, “iyi’owuro Hadezar!”

Wika niya, “Un’za Hadezar, kalkis’ö eger!

Lumapit sa kanya ang Hadi Walid. Napansin niya ito.

Wika nang Hadi Mahdi sa kanya, “kasama mo pala ang Hadi Walid, Hindi ko alam. Kailan ka pa dumating Hadi Walid? —Hadi Yasir utusan mo ang mga Jingkar na nasa ilalim nang iyong patnugot na tigilan na ang walang halagang ginagawa nila.”

Wika niya, “patawarin niyo ako Hadezar! Mukhang sa mga sandaling ito ay hindi sila makikinig sa akin.”

Wika nito sa kanya, “ikaw ang kanilang Hadezar. Makikinig sila sa iyo!”

Wika niya, “pero hindi ako ang kanilang Hadezar…wala akong kalayaan na pamunuan sila at patnugunan! Bakit hindi mo gawin Hadi Mahdi!”

Sinubukan niya ang Hadi Mahdi. Isa itong pagkakamali. Naramdaman niya ang mga mapanuring mga tingin nito na mistulang punyal na pamatay sa kanya. Kailangan niyang sumugal…Ito ang kailangan niyang gawin.

Sinubukan nang Hadi Nasrin na pamunuan ang mga Anino nito ngunit pareho nilang alam nang Hadi Mahdi na hindi nila maaaring isugal kung anoman ang namamagitan sa kanila ngayong dalawa sa kaguluhan sa Ja’khar. Lalo pa’t ito ang dahilan kung bakit siya hinirang nang mga ito bilang ang Hadezar nang tahanan nang mga Barakat…ang makalimutan ang kaguluhan.  Pinigilan nang Hadi ang kanyang anak na gumawa nang kahit anong pagkilos na dapat sana ay kanina pa nila ginawa. Sinabi nang Hadi Mahdi sa kanila na babalik na lamang sila asa ibang araw para magkausap.

Bagay na kanyang itinanggi.

Sinabi niya sa mga ito, “patawarin niyo ako Hadi Mahdi…Hadi Nasrin ngunit hindi na kayo maaari pang tumungtong saanman sa kinasasakupan nang aking lupain. At kung hindi niyo gagawin ang aking sinasabi mapipilitan akong gumawa nang kaguluhan!”

Wika nang Hadi Nasrin sa kanya, “hindi mo magagawa iyan Hadezar—Sumumpa sa kalipunan ng mga Hadezar. Hindi mo kami mapipigilan…”

Tinawag niya ang mga Jingkar na nasa ilalim ng kanyang pamumuno.  Inutusan niya ang isa sa mga Hadi na tigilan ang kaguluhang ito. Ngunit hindi tumigil ang mga ito.

Wika niya sa Hadi Nasrin, “kita mo na Hadi Nasrin—hindi ko sila maaaring pigilan. Hindi mo sila maaaring pigilan!”

Matapos noon umalis ang mga ito sa kinasasakupan niyang lupain. Hindi ito magtatagal. Magpapatuloy ang kaguluhan. Nagpasalamat siya sa mga ito gayong tinugunan siya nang hadi Baaru na hindi dapat sa kanila siya dapat magpasalamat kung hindi sa kanyang asawa…magkagayonman nagpasalamat siya sa mga ito.

 Sa pagbabalik niya sa tahanan nang mga Barakat, lumapit sa kanya ang Adi Hikmet—Alam niya na sa sandaling dumating siya at hinarap ang Hadi Mahdi hindi niya na maaari pang itanggi ang kaguluhang maaaring sapitin nang kanyang tahanan.

Tinanong niya ang Adi Hikmet kung nakaalis na ba ang Adi Ayda. Bagay na sinang-ayunan nito at sinabi sa kanya na kanina pa.

Sinabi niya, “mabuti naman kung ganon!”

Tinanggal niya ang kanyang sandalyas sa kanyang paa habang nakaupo siya sa kanilang kamang mag-asawa.

Tinanong siya nang Adi Hikmet kung ano ang nangyari.

Sinabi niya na sinubukan nang mga Harith na makapasok sa kanilang pamamahay. Pinagbantaan siya nang Hadi Mahdi…at ganon din ang Hadi Nasrin. Hiniling nang mga ito na utusan kong buwagin ang mga nakaharang na mga Hadi subalit hindi ko ginawa.

Nang tuluyang mahubad ang suot niyang sandalyas sa kanyang mga paa. Tumayo siya sa pagkakaupo niya sa kanilang kamang mag-asawa. Lumapit siya sa upuan kinuha ang nakasampay na tuwalya.

Tanong nito sa kanya, “bakit?”

Sinabi niya, “dahil una hindi ko ginawa, pangalawa alam ko hindi sila makikinig sa akin. Sinubukan nilang bumalik ngunit sinabi ko sa kanila na hindi na sila makakabalik pa…pinagbantaan ko sila na gagawa ako nang kaguluhan sakaling bumalik sila at kausapin nila ako!”

Kasunod noon hinubad niya ang kanyang suot na Báta. Hinubad niya rin ang suot niyang saluwâl.

Tanong nito sa kanya, “kaya mo ba iyong gawin, ang gumawa nang kaguluhan?”

Lumingon siya dito. Nakita niya ang pag-aalala sa Adi Hikmet. Hindi niya ito kayang itanggi dito. Wika niya, “kung kinakailangan!”

 Itinapis niya sa kanyang beywang ang tuwalya matapos niyang hubarin ang suot niyang bahag.

Kinuha niya ang gamit na pampaligo na nasa ibabaw nang mataaas na lamesa. At bago siya umalis sa kanilang silid mag-asawa. Tinanong siya nang kanyang asawa kung alam ba nito ang kanyang ginagawa. Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Kasunod noon lumabas siya nang kanilang silid mag-asawa at pumasok sa loob nang bukalang-silid.

Sa pagpasok niya sa loob nang bukalan. Sinundan siya nang Adi Hikmet nang tingin. Nang bigla wika nito sa kanya, “alam ko kung ano ang ginawa mo…ang pagpupulong sa mga may-ari nang lupa!”

Napatigil siya sa kanyang ginagawa. Lumingon siya dito. Nakita niya ang galit sa mga mata nito, ang pagiging malamig nang kanyang asawa.  Hindi siya nakasagot.

Wika nang Adi Hikmet sa kanya, “sa susunod na kikilos ka nang hindi ko nalalaman, huwag na huwag kang magpapasiya nang ikaw lang mag-isa…Sabihin mo sa akin kung ano ang kinakailangan kong malaman, kung anoman ang mga gagawin mo, kung anoman ang mga mangyayari…Hadi Yasir! Nagkakaintindihan ba tayo!

Tumango-tango siya.

KABANATA LABING-ISA:

ANG PAGKILALA SA HADI WALID

Kasabay nang pagbuhos nang ulan sinunog nang Hadi Walid ang asawa nito sa loob nang kanilang tahanan. Tinali nito ang mga kamay nito. Binuhusan ito nang mantika na nagmula sa taba nang tapir. Lumabas sa loob nang tahanan. Iniwan ang asawa na nag-iisa at sinarado ang pintuan ng lagusan nang tinitirhang nito. Binuhusan nito nang alkitran ang paligid nang tahanan at sinimulang sunugin ang buong kabahayan gamit ang hawak nitong sulo na tinapon sa mababaw na bubungang gawa sa pawid. Mabilis na nagliyab ang buong tahanan nang Hadi Walid. Gumapang ang timsim sa kalawakan nang espasyo. Nahagip nito ang mga pawid. Kumalat ang apoy at nilamon ang pinaghirapan nito ng mahigit limang taon.

Pinanood ito nang Hadi Walid. Hindi nito mapigilan ang hindi umiyak.  Ipagkaila sa sarili na hindi ito totoo. Hanggang sa narinig nito ang pagbagsak nang biga sa loob nang tahanan nito. At ang sigaw nang asawa.

Umiling-iling ang Hadi Walid.  Dalidali itong tumakbo patungo sa lagusan nang tahanan na pinag-ukulan ng pawis at dugo. Tinanggal nito ang mga nakaharang sa lagusan. Nalapnos ang kamay nito sa kumakalat na apoy. Nagawa nitong sirain ang pintuan gamit ang balikat at braso nito sa pag-itsa nang sarili sa lagusang pilit na binubuksan. At sa pagpasok nito nakita nito ang asawa na nakahandusay sa loob nang sarili nitong pamamahay. Lumapit ito sa Adi Fidda. Niyakap nito ang asawa nang mahigpit. Humingi ito nang tawad. At sabay sa pagsunog nang buong tahanan nito sabay ang mga ito na tinupok nang kumakalat na apoy.

Walang ginawa ang mga Anino nang tahanan ng mga Barakat kung hindi tumayo at tumindig, panoorin ang pagsunog sa tahanan nang mababaw na isip na may-ari ng lupa.

Tinulungan ito nang mga kasamahan na nasa ilalim nang pamumuno nito. Nilabas nang mga ito ang mag-asawa. Namatay ang Adi Fidda ngunit nabuhay ang Hadi Walid. Datapwat kahindik-hindik ang sinapit nito.

Mahigit dalawampung taon na ang nakakalipas.

Ang Adi Hikmet

Naging madalim ang buong gabi at ang kadiliman nang gabi ay hindi maitatanggi na ang simula nang maraming sunod-sunod na pagbabago. Hindi maiiwasan nang Adi Hikmet na hindi isipin ang sinabi sa kanya nang Adi Dilshed. Isa itong pakiwari na sa tingin niya ay maaaring magbago sa takbo nang mga pangyayari. At nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya nga ba ito sa kanyang asawa o hindi.

Sa kanilang paglalakbay nakiusap ang Hadi Yasir sa kanya na kung maaari ay sumakay ito sa kanyang likuran dahil sa pagkalango nito sa maraming nainom na nakakalasing na inumin. Itinali nito ang mga kamay nito sa kanyang katawan habang nakahiga ito sa kanyang balikat. Nang gabing iyon nagsimula na ang paglitaw nang maraming tala sa Ja’khar. Muli nakita niya ang magiting na nag-iisang bituin. Ang talang nagdala sa kanilang mga ninuno sa Malayang Andes ng silangan, malayo sa pang-aabuso nang mga itinuturing nitong mga kalaban sa malawak na Andes nang Kanluran.

Sinabi nang kanyang ama na walang maliit na pakiwari sa taong malikhain na kung iisipin mo saan ba nagsisimula ang lahat nang gawa at pagkilos. Isa itong pinakamalakas na sandata at hindi niya maaaring ipagkaila ito sa kanyang asawa.

Sa pagbalik nila sa tahanan nang mga Barakat ginising niya ang kanyang asawa na nakabulagta sa kanyang likuran. Nang hindi ito magising binagsak niya ito sa putikang kalsada.  Dinala niya ang puting asong-gubat na kanilang sinakyan na si Ijiraq pabalik sa loob nang yungib ng tahanan. Pagkatapos na maibalik si Ijiraq sa loob nang yungib pumasok siya sa loob ng tahanan ng mga Barakat sa lagusang nagtatagpo sa magkabilang bahagi. Binusak niya ang lagusan ng tarangkahan at kasunod noon lumapit siya sa asawa. Tinapik-tapik niya ang maputik nitong mukha upang magising ang Hadi Yasir. Pinilit niya itong gisingin. Nang naalimpungatan ito tinayo niya ito. Inalalayan na makapasok sa loob nang lagusan at dinala sa loob ng kanilang silid.

Pinaupo niya ito sa isa sa mga upuan na nasa loob nang kanilang silid-tulugan. Binuhusan niya ang mukha nito nang malinis na tubig. At nang matauhan, nagising ito na nasa loob na sila nang silid.

Tumayo ito sa pagkakaupo. Tinanggal niya ang suot niyang Báta sa katawan. Ipinatong ito sa ibabaw nang mataas na lamesa na nasa loob nang kanilang silid.  At tinanggal ang mga alahas sa katawan. Tinanong siya nang kanyang asawa kung nagugutom pa ba siya bagay na kanyang itinanggi sa asawa at gayong binalikan din nang parehong tanong ang asawa kung ito rin ba ay nakakaramdam nang gutom.

Sinabi nito sa kanya na hindi, busog na busog na ito na sa dami nang kinaing isda at lamang-dagat sa hapunan kasama na

Sinabi nito sa kanya na hindi, busog na busog na ito na sa dami nang kinaing isda at lamang-dagat sa hapunan kasama nang mga Harith sa salusalo ay baka matatagalan pa bago ito makakain nang isda o nang kahit na anong lamang-dagat.

Ngumiti siya…Sa paglingon niya dito nakita niyang naghuhubad na ito nang damit. Napansin niya ang pamumula sa mukha nito na mistulang makinang sa mga nakasinding mga tinghoy sa buo nilang silid.  Tinanggal nito ang suot nitong sandalyas sa paa. Kasunod noon hinubad nito sa pagkakatali ang mga Nakabuhol na sinturon sa beywang nito. Hinubad nito ang bakal na panara sa binti nito at ang singsing nang ina nito na iniligay sa isang maliit na baul na nakalagay sa ibabaw nang mataas na lamesa. Kasunod noon, sunod nitong tinanggal ang suot nitong malilim na kulay bughaw na Báta at hinubad ang saluwâl na mga inilagay sa lagayan nang marurumi. Kinuha nito ang pamunas na nakasampay sa upuan. Isinampay ito sa balikat at saka inayos ang upuan at ibinalik sa gilid malapit sa mataas na lamesa. Saka tuluyang hinubad ang mga suot nitong bahag, isinalansan sa marumihan…

Bago ito tuluyang lumabas nang kanilang silid tinanong siya nito kung gusto niya ba itong samahan na maligo. Habang pinupunasan ang mukha nang mabangong langis na may pukyot lumingon siya dito at sumang-ayon siya dito at sinabing susunod siya dito sa paglabas. Gayong tuluyan itong lumabas sa kanilang silid mag-asawa nang walang halong suot na kahit anong damit patungo sa madilim na pasilyo at bukalan nang silid.

Sinundan niya ito. Sa pagpasok niya sa bahagyang nagliliwanag na bulwagan nakita niya itong nagbababad. Pinili niya na hindi ito sabihin sa kanyang asawa, sa halip itinago niya ito sa kanyang sarili. Tinanong niya ito kung hindiman lang ba ito nagkuskos bagay na itinanggi nito at sinabing gusto lamang nitong mahimasmasan.

Wika nang Hadi Yasir sa kanya, “halika samahan mo ako! Huwag ka nang magkuskos pa…”

Binaba niya ang gamit niyang pampaligo sa mataaas na lamesa na nasa gilid nang lagusan. Kasunod noon hinubad niya ang kanyang panloob na damit at sinundan ang Hadi Yasir sa loob nang paliguan.

Kasunod noon nagbabad sila sa mainit na tubig nang bukalan.

Humingi sa kanya nang kanyang asawa. Sinabi nito sa kanya na hindi dapat iyon nangyari.

Bagay na kanyang pinagsawalang bahala. Sinabi niya, “hindi na kailangan pa! nagawa na ang pagkakamali ano pa ba ang kasunod?” Nagmatigas siya nang tulad nang pagmamatigas nang iba sa kanyang pinagmulan…pinagmatigasan niya ang kanyang asawa.

Lumingon ito sa kanya habang nasa gilid ito nang bukalan at siya malayo dito sa kabilang bahagi. Pinagmamasdan nila ang isa’t isa. Nakalubog ang kanilang mga katawan sa mainit na tubig. Wika nito, “hindi…tungkulin ko na pangalagaan kayo laban sa kanila! Karapatan ko iyon.”

Wika niya, “totoo! Ngunit hindi mo ginawa.”

Lumapit ito sa kanya. Tanong nito sa kanya, “sabihin mo ano ang gusto mong gawin ko!”

Wika niya, “sabihin mo sa akin kung ano ang dahilan kung bakit mo tinanggap ang alok nang tahanan nang mga Harith na maghapunan kasama nila? Sabihin mo sa akin ang totoo.” Hindi ito nakaimik. “Ano ang dahilan? Gusto kong marinig sa iyo… makita ang pakiramdam matapos kang maliitin, at hamak hamakin ang iyong asawa nang ganong ganon lang sa harap ng kalahati ng mga Harith. Gusto kong magalit ka…sa akin…sa kanila. Gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo. Kung dahil ba ito sa pagnanasa…sa pagkalimot…sa iyong ina. Ipaunawa mo sa akin Hadezar, para maunawaan ko…palayain mo kami, palayain mo kami nang magiging anak mo!”

Lumapit siya sa kanyang asawa na umiiyak punong-puno nang galit na hindi kayang ipakita.  “Yasir!” Niyakap niya ito ng mahigpit. Hinalikan niya ang Hadi Yasir. Kinagat ang labi nito nang madiin at hinila niya ito pabalik sa kanya…Kinuha siya nito mula sa paliguan. Kinarga siya nito habang nakayakap siya sa kanyang asawa at ang kanyang mga hita at paa ay nakapulupot dito.  palabas nang bukalang silid at pabalik sa kanilang silid mag-asawa. Hiniga siya nito sa kanilang kama.

Nang gabing iyon nagniig silang dalawa. Hinayaan niya itong pamunuan siya nito. Angkinin ang kanyang katawan nang mabibigat nitong kamay na dumidiin sa kanyang balat at tumatarak sa kanyang bawat kalamnan. Isa itong halimaw. Pabilis nang pabilis…pabilis nang pabilis masmasahol pa sa bawat nauna. Ninanakaw ang kanyang paghinga. Dinadala siya sa higit na tugatog. Inulos siya nito nang inulos. Pinagsaluhan ang mga sandali sa gabing ito na tanging sila lamang at sila lamang. Hanggang sa matauhan ito…Tumigil at inilagay nito ang noo sa kanyang sintido habang nakatagilid siya at nakapatong ito sa kanya. Sinabi nito sa kanya na wala silang dapat na ipag-alala. Na magiging ayos lang ang lahat. Ipinangako ito sa kanya nang asawa. Kasunod noon hinalikan nito sa kanyang noo, at bumigay at umalis sa loob nang kanyang katawan. Humiga sa kanyang tabi habang nakatagilid siya at nakatihaya ito ng higa. Nakaunan ang kanyang ulo sa braso nito. Gayong habang nakapikit ang mga mata nito na walang kasiguraduhan kung nasa ulirat pa ba ito o bumigay na sa tuluyang pagkakahimbing. Hindi nawala ang kanyang tingin sa mukha nang asawa. Hinawakan niya ang mukha nito. Nagdikit ang dulo nang kanyang hintuturo at ang gilid nang ilong nang Hadi Yasir. Ibinaba niya ito sa pisngi nito. At nang bahagyang dumilat ito hindi niya maalis ang kanyang tingin sa kanyang asawa.

Wika niya sa Hadi Yasir, “pabagsakin mo ang tahanan ng mga Harith…sa kahit anong paraan pabagsakin mo sila. Agawin mo sa kanila ang ipinagkait nila sa atin na pamumuno. Palayin mo ang sarili mo Hadi Yasir. Palayain mo kami nang magiging anak mo!”

Natulog silang magkasama at magkayakap at magkaharap sa isa’t isa.

Nang gabing iyon, isang panaginip ang dumapo sa kanyang pagtulog Nakahiga siya sa loob nang kakahuyan na ang kanyang hinihigan ay lupang mayroong mga nakakalat na mga tuyong dahon na mistulang alpombra ng tulad nang kanyang pagkakahiga sa kama sa loob ng silid nilang mag-asawa habang nakapatong sa kanyang ang Hadi Yasir. Hindi niya magawang makatayo bagkus, pinipilit niya ang kanyang sarili na bumangon bagay na hindi niya magawa. Sa halip nanatili siyang nakahiga. Tinatanglaw ang madilim na kalangitan at ang mga anino ng mga nagtataasang mga puno. Hanggang sa nakaramdam siya nang tila may gumagapang sa kanyang katawan. Isang nakapalaking ahas na nagtataglay nang matingkad na kulay dugong-pulang na mga kaliskis na sa bawat dulo ay maaninag ang bumabarang itim at kulay kahel. Ang pulang-ahas na bitis. Unti-unti itong lumalapit sa kanya. Nagpapalit nang balat. Hinuhubdan ang sarili niyang pagkatao. At sa paglapit nito sa kanya at pagkakita sa kanya nakita niya ang mga pula nitong mga mata na may kulay itim na balintataw. Ang naka-usling sungay sa ulunan nito. At ang lumalabas nitong itim na dilang humahati. Handa sa isang pag-umang. At nang inangat nito ang ulo nito sinimulan siya nitong sugurin.

Sa paggising niya nakita niyang wala sa kanyang tabi ang kanyang asawa. Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga. Lumabas siya nang kanilang silid mag-asawa. Hinanap niya ito sa kanilang tahanan at nang narinig niya ang tinig nito sinundan niya kung nasaan ito. Hanggang sa nakita niya ito sa loob nang imbakan nang tahanan ng mga Barakat. Ang madilim na imbakan na matagal nang nakasarado at hindi binubuksan. Pumasok ito sa loob nang makitid na silid na puno nang maraming malalaking banga.

Inalok siya nito nang maiinom bagay na kanyang tinanggihan. Sinabi nito sa kanya na alam na nito ang gagawin nito. Sinabi nito sa kanya na panahon na upang humiwalay ang tahanan ng mga Barakat sa pakikipag-ugnayan sa tahanan nang mga Harith. Tinanong niya ito kung nakasisiguro ito. Bagay na sinang-ayunan nito.

Bago ang pagbukang-liwayway iniwan siya nang Hadi Yasir na nag-iisa loob nang kanilang tahanan. Nanatili siyang nag-iisa. Umaasa na sana alam nang Hadezar ang ginagawa nito. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon.

Nang umagang ito inayos niya ang kanyang sarili. Nagbihis siya nang mahabang panloob na palda na ang laylayan ay hanggang sa bukung-bukong ng kanyang paa. Inibabawan niya ito nang itim na saluwâl na may mga burda nang mga gladiolus mula sa tansong sinulid. Ibinuhol niya ito sa ibabaw nang kanyang balikat. Inilabas niya ang kanilang mga alagang hayop na sina Amarok, Asiaq at Mamé sa loob ng tahanan, sa malawak na lupaing matatagpuan sa gitna nito bago ang tuluyang pagsikat nang araw.

Sa kanyang pagbabantay sa mga ito pumasok ang kanyang asawa mula sa madilim na pasilyo. Tinanong niya ito kung saan ito nanggaling. Sinabi nito sa kanya na may inanyayahan itong kanilang panauhin. Bagay na kanyang pinagtakahan.

Binuksan nito ang lagusan nang pintuan at pinapasok sa loob ang isang Hadi na may Karimarimarim na itsura sa kanilang pamamahay. Kilala niya ang Jingkar na ito. Minsan niya ng nakita ito sa kanyang pinagmulang tahanan kausap ang kanyang ama at ang kanyang tiyo. Alam niya kung sino…walang kadudaduda kung sino ito. Ang pamosong Hadi Walid, ang dahilan ng pagbagsak ng tahanan ng kanyang asawa sa ikalawang pagkakataon…

Habang naglalakad papasok sa loob ang dalawa, nakita niyang ang mga ito na nag-uusap, nakangiti sa isa’t isa. Bagay na hindi niya maunawaan. Narinig niya ang pagtahol nang kanilang mga alaga bagay na sinutsutan nang kanyang asawa at inutusan na tumigil.

Lumapit ang Hadi Walid at Hadi Yasir kay Amarok. Inilagay nito ang kamay nito malapit sa bibig at ilong nang kanyang alaga. Dinilaan nito ang kamay nang Hadi Walid. Lapnos ang balat nito tulad sa ibang bahagi ng katawan nito. Magkagayon man magiliw itong kinilala at tinangkilik nang kanyang alagang hayop ibinigay sa kanya nang Hadi Yasir sa araw nang kanilang pag-iisang dibdib bilang biyaya. Gayon din pinakilala rin nang kanyang asawa ang iba pa nilang mga hayop na nasa malawak na lupain nang kanilang tahanan na mistulang matagal nang kilala nang Jingkar na kasakasama nang kanyang asawa.

Sa paglapit nito sa kanya nakita siya nang Hadi Yasir. Ngumiti siya, isang mapagkunwaring ngiti…isang ngiting may pag-aalala. Binalikan siya nito nang ngiti habang nasa loob siya nang pasilyo at nag-iintay dito. Lumapit ang mga ito sa kanya at pinakilala siya nito dito at pinakilala ito sa kanya nang kanyang asawa.

Sinabi niya sa Hadi Walid na kung hindi siya nagkakamali ay minsan na silang nagkakilala. Bagay na tinugunan nito ng pagsang-ayon. Sinabi nito na nagkita na sila sa tahanan ng mga Roshan.

Inanyayahan sila nang kanyang asawa na mag-almusal sa loob nang silid-lutuan…dito sinabi nito sa kanya na habang wala siya at patungo sa tahanan ng mga Harith ngayong umaga, ang Hadi Walid ang kanyang magiging bantay.

Nagulat siya. Nagtaka siya sa kanyang asawa kung ano ang dahilan.

Sinabi nito sa kanya na kahit alam nilang pareho na kaya niyang alagaan ang kanyang sarili hindi pa rin maikakaila ang pangamba na maaaring magdulot nito sa kanila. Pinaalala sa kanya ng kanyang asawa ang nangyari ilang gabi na ang nakararaan, ang pagdating nang isang Adi na nasa ilalim nang kanilang patnugot at ayaw nitong maulit pa kung ano ang nangyari ng gabing iyon. Hinangad nito ang kanyang kaligtasan datapwat nilagay siya nito sa isang kulungan.

Sinabi nito sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala, na mapagkakatiwalaan nila ang Hadi Walid.

Kasunod noon naghanda ang kanyang asawa. Hinanda nito ang mga susuotin nito sa pagpunta sa tahanan ng mga Harith. Pinuntahan niya ito sa loob ng bukalang-silid. Nakita niyang tinatanggal nito sa pagkakatali ang sintas na suot nitong pang-itaas na pulang batá na may mga mistulang kaliskis nang pinagpatongpatong na balat nang gaya sa mga tata’u nito sa mga braso.

Tinulungan niya ang Hadi Yasir na matanggal nang suot nitong damit.

Tinanong niya dito kung kailan pa ito dumating.

Sinabi nito sa kanya na hindi niya alam kung kailan pa ito dumating mula sa Karabana. Sinabi nito sa kanya na alam nito na hindi madaling magtiwala sa Hadi Walid at alam nito ang dahilan. Pinilit siya nitong subukan, gawin ang pagkilala dito para na rin sa kanyang asawa.

Tinanong niya ang Hadi Yasir kung ano ang dahilan kung bakit siya nito pinipilit na makisalamuha sa Hadi Walid. Tinanong niya ang kanyang asawa na hindi ba ito ang dahilan kung bakit bumagsak ang tahanan nito sa ikalawang pagkakataon.

Bagay na itinanggi nang Hadi Yasir kanya. Sinabi nito sa kanya na may mali silang nagawa dito…at naging tapat ito sa kanya.

Magkagayonman sinabi niya sa kanyang asawa na hindi siya nito mapipilit na manatili sa loob nang kanilang tahanan at hihintayin ito na makabalik mula sa tahanan nang mga Harith.

Nagsuot ang kanyang asawa ng makapal, matingkad at malilim na muradong kulay na batá, na may mga tahing animang gilid na mula sa mga itim na bato na nagtataglay nang mga malalapad balikat. Nakasuot ito nang saluwâl na itim na may mga burda ng mga gintong alitaptap. Ang tapis nito ay mula sa balat nang buwayang Magan.  Nakatali sa beywang nito ang mga sinturong gawa sa balat nang hayop. Suot nito ang singsing nang ina sa kanan nitong daliri. Sandalyas sa mga paa at mga bakal na galang sa mga hita at tuhod nito.

Bago ito tuluyang umalis patungo sa tahanan ng mga Harith. Iniwanan niya ito nang halik, at sinabi nito sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala at magiging ayos lang ang lahat…bagay na kanyang pinaniwalaan.

Ang kanilang paalam ay hindi tuwiran bagkus ito’y pagpapaalala. Pinakawalan niya ito sa kanyang kamay at iniwan siya nito sa Hadi Walid.

Tinawag siya nito dahilan upang mapalingon siya sa Hadi Walid. Nagbigay ito nang paggalang sa kanya bagay na kanyang binalikan ng paggalang. Kasunod noon pumasok sila sa loob nang tahanan ng mga Barakat.

Sa kanyang pag-iisa sa loob nang bulwagan hindi niya inaasahan na marinig niya ang tinig nang Hading pilit niyang nilalayuan nang araw na ito. Nabaling ang kanyang atensyon mula sa pagkakatulala sa kisame nang bulwagan habang nakaupo sa isa mga batuhang upuang nakadikit sa dingding nito. Sa gitna nang kanyang pag-aalala lumapit sa kanya ang Hadi Walid, nagbigay ito nang pantawag na pamitagan sa kanya.

Lumingon siya sa Hadi Walid. At sa kanyang paglingon sa panauhin nang kanyang tahanan bungad niya dito, “iyi’owuro”

Gayong hindi ito nagsalita. Hinintay niya na magbigay ito nang paggalang sa kanya ngunit hindi nito ginawa. Tanong niya sa Hadi Walid, “hindi ka man lang ba magbibigay sa akin nang paggalang?”

Wika nang hadi Walid, “dogru…iyi’owuro ji. Para pesĕ’nezaket, nhar! Ma’lum eger nhar un’zah eger istemek, Ma’lum un’zah ö nhar iwou istemek. Neden’bhul wa pesĕ’nezaket dl va’bire? — Nhu’dazjo un’zah vharlaaq eger ni’adessa?”

Wika nang Adi Hikmet, “djekker dl’zeh…para unzha!”

Sa banta nang pag-alis pinigilan niya ang Hadi Walid. Gayong sabi niya, “sabi nang aking asawa kung anoman ang ipautos ko sa iyo ay magsabi lamang ako hindi ba!”

Wika nang hadi Walid, “Oho…Adi Hikmet!”

Tugon niya, “kilala kita kung hindi ako nagkakamali, kilala kita. Nang huli tayong nagkita gusto mong saktan ang Hadi Yasir. Kung hindi ako nagkakamali. Nagtagumpay ka ba na saktan ang aking asawa?”

Wika nang Hadi Walid, “hindi! Adi Hikmet.”

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo. Wika niya, “sinabi nang aking asawa na maaari kitang pagkatiwalaan…hindi ko alam kung maaari kitang pagkatiwalaan. Hindi ko hinihingi sa iyo na pagkatiwalaan mo ako. Qabhul eger’ö ni të açzi xaaskiisa usmu dubro’dhoshlhe?”

Wika nang Hadi Walid, “unzha’bhul! Unzha ö mofe bhul!”

Wika niya, “para unzha iwou bilmoq! Va’ü të açzi dubro’dhoshlhe.”

Nang araw na iyon tinanggap nang Adi Hikmet ang Hadi Walid. Pinaupo niya ito sa isa sa mga batong upuang nakadikit sa dingding nang bulwagang silid. Kumuha siya nang palanggana na may lamang malinis na tubig, at malinis na pamunas upang hugasan ang mga paa nang kanilang panauhin. Umupo siya sa bangkito na kanyang dinala buhat mula sa bukalang-silid at sinimulang tanggapin ito. Tapos noon, hiningi niya ang isa sa mga paa nang Hadi Walid. Ibinigay nito ang kanan nitong paa. Tinanggal nito ang sandalyas na nakahulma para lamang sa depormado at sunog nitong anyo.  Pagkatanggal ibinigay ito sa kanya. Natakot siya na kunin ito at hawakan. Nagdalawang isip siya na hawakan ang depormadong itsura nito. Ang lapnos na natuyo sa balat nito at ang tatlong daliri sa paa nang Hadi Walid na sinadyang putulin dahil sa wala nang pakinabang.

Nang mapansin ito nang Hadi Walid tanong nito sa kanya, “Daraah’eger Adi Hikmet?

Wala siyang dapat na ikatakot. Wala siyang dapat na ipandiri. Kinuha nito. Nilakasan ang kanyang loob na hawakan ito at simulang tanggapin sa kanyang pamamahay ang kanilang panauhin. Kumuha siya nang tubig sa palanggana gamit ang kanyang kamay. Binuhusan ito, inilubog, inalmuhasan at pagkahugas saka niya ito pinunasan. Kasunod noon kinuha niya ang sandalyas sa sahig na hinubad nito. Sinuot niya ito sa paa nito at itinali kung paano niya nakitang hinubad nito nang Hadi Walid.

Tinanong siya nang Hadi Walid kung bakit hindi siya natatakot.

Hiningi niya ang kaliwang paa nang kanilang panauhin. Ibinigay ito sa kanya at tinanggal niya sa pagkakatali ang sandalyas sa kaliwa nitong paa.

Tanong niya sa Hadi Walid, “bakit may kailangan ba akong katakutan!”

Anya nang Hadi Walid sa kanya, “oo…isa akong halimaw!”

Kinuha niya ito sa kanyang hita, Inilapit sa palangganang naglalaman ng malinis na tubig, binuhusan niya ito nang tubig gamit ang kanyang kamay, kasunod noon inilubog niya ito sa palanggana, inalmuhasan at hinugasang mabuti.

Ngumiti siya. Tinignan niya ito. Tugon niya, “masyado mong tinatangkilik ang iyon sarili!” Kasunod noon pinunasan niya ang kaliwang paa nito nang malinis na pamunas at isinuot sa kaliwang paa nito ang sandalyas na tinanggal niya dito. “Marami na akong nakita… alam ko hindi ka katulad nila …”

Tanong nang Hadi Walid, “kung ganon sino?”

Muli binalikan niya ng tingin ang Hadi Walid. Tinignan niya ito. Nakita niya ang pagod at luntian nitong mga mata na kapareha nang kanyang asawa at mistulang dumaan sa maraming pagsubok. Wika niya, “iyong mga nagpapakita nang huwad na kabutihan kahit alam nila sa kanilang sarili na hindi ito totoo. Iyong mga alam nila ang tama sa mali pero binabaluktot ang mali at ginagawang tama para sa kanilang mga sarili. Iyong mga naghihintay nang kapalit—Iyon ang mga halimaw. Isa ka ba sa kanila? Katulad ka rin ba nila, isa ka rin bang halimaw?”

Umiling-iling ito. Wika nito sa kanya, “hindi! Pero dapat ka pa rin matakot sa akin!”

Pagtataka niya, “bakit?”

Wika nang Hadi Walid, “dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin…Kung ano ang kayang gawin nang iyong asawa! Hindi ako mabuti. May mga nagawa ako na hindi maganda…at ang iyong asawa, may mga nagawa siya na hindi niya gustong gawin.”

Wika niya, “Hindi ba dapat mas ako ang nakakaalam! sabihin mo…ano ang hiningi mong kapalit sa aking asawa para gawin mo ang kung anoman ang ipinag-uutos niya ngayon sa iyo?”

Wika nito, “ang maging malaya!”

Hindi nakaimik nag Adi Hikmet. Hindi niya inasahan na sasagot ang Hadi Walid sa kanyang katanungan. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan sa harap nang Had Mahdi. Kinuha nag bangkito at hiningi niya dito ang tulong nito bagay na tinalima nito.

Sa kanilang paglabas tinanong siya nito kung saan dadalhin ang palangganang pinaggamitan at ang pamunas. Sinabi niya na ibalik ito sa loob nang silid lutuan habang kanyang ibabalik ang pinaggamitang maliit na upuan sa loob nang bukalang-silid. Iniwan niya ang Hadi Walid at nagtungo sa pamosong bukalan ng tahanan.

Nang araw na ito sabay silang nagtanghalian sa loob nang silid lutuan. Pinaghanda siya nang Hadi Walid nang manioc na niluto sa kawali, pritong itlog at pritong karne nang Mantahungal. Kasunod noon inutusan niya ang Hadi Walid na samahan siya sa pag-iikot sa pinapatnugunang tahanan nang kanyang asawa. Bagay na ipinagkaila sa kanya nang Hadi Walid

Ngunit nagpumilit siya.  Lumabas siya nang silid lutuan ng tahanan ng mga Barakat. Sinundan siya nang Hadi Walid. Sinabi nito sa kanya na nasa panganib ang kanyang buhay at hindi siya maaaring lumabas. Tumigil siya mula asa kanyang paglalakad papunta sa loob nang kanilang silid mag-asawa.

Napalingon siya sa kanyang panauhin at sa kanyang paglingon tinanong niya ito kung sino ang nagsabi dito na hindi siya maaaring lumabas sa kanyang tahanan.

Hindi nakaimik ang Hadi Walid.

Pinaalala niya sa dating kaibigan nang kanyang asawa na paano ito mangyayari gayong nakakulong siya sa apat na sulok nang kanyang tahanan at sunudsunuran sa kanyang bawat galaw ngayon palang na wala ang Hadi Yasir. Ang kanyang buhay ay ligtas…walang alam ang sinoman sa mga nangyayari at maaaring mangyari sa kanya, sa kanyang asawa, sa kanilang tahanan. Wala siyang dapat na ipangamba. Nilinaw niya ito sa Hadi Walid.

Ngunit nagpumilit ito na huwag siyang palabasin sa kanyang tahanan. Hindi siya makapaniwala na mangyayari ito ulit sa kanya…

Wika nang Hadi Walid, “sa ginagawa mo nilalagay mo sa panganib ang buhay nang inyong tahanan.” Sinabi nito sa kanya na hindi niya dapat itong ginagawa. Na hindi siya ang Hadezar ng tahanan ng mga Barakat.

Wika niya, “masyado mo yata akong minamaliit Hadi Walid! Baka nakakalimutan mo ako ang asawa nang iyong Hadezar.”

Wika nito sa kanya, “wala kang alam sa pagiging Hadezar!”

Pagpupumilit niya, “subukan mo? At ipapakita ko sa iyo kung papaano ang maging Hadezar! Aalis ako sumama ka man o hindi!” At tinalikuran niya ito.

Nang tanghaling ito umalis sila nang Hadi Walid mula sa tahanan nang mga Barakat. Sakay sa alagang si Mamé at Asiaq nagtungo sila sa mga nasasakupan mga tahanan at pinapatnugunan nang kanyang asawa. Una niyang pinuntahan ang nasasakupan nang maisan. Kinamusta niya ang kalagayan nang Hadi Abusta.

Nakilala nang tahanan nang may-ari nang maisan ang kanyang kasama na si Hadi Walid. Tinanong nang Adi ng tahanan kung ano ang ginagawa nang Hadi Walid na kasama niya. Sinabi niya na pinasama sa kanya ng kanyang asawa ang Hadi Walid. Naalala nito ang nangyaring banta sa kanyang buhay bagay na kung iisipin ay hindi isang banta lalong lalo na hindi sa ikapapahamak ng kanyang buhay at magiging anak.

Natatandaan ito nang nanghihingalong may-ari nang lupa. Sa kabila nang kanyang pagsama sa mga Adi ng tahanan ng maisan at nang mga batang Hadi kausap nito ang Hadi Abusta. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan nang mga ito, ngunit labis ang pag-aalala na nakita niya sa mukha nang Hadi Walid.

Sinabi sa kanya nang matandang asawa nito na mabuti naman at nakabalik na ang Hadi Walid sa kanilang tahanan nang kanyang asawa. Bagay na kanyang pinagtakahan. Tinanong niya dito kung ano ang dahilan. Sinabi nang Adi ng tahanan na dati nang naglilingkod ang Hadi Walid sa tahanan ng mga Barakat. Hindi iyon nakapagtataka sa kanya. Alam niya ang kasaysayang iyon matapos sabihin sa kanya nang mga kapatid ng kanyang asawa.

Tinanong niya ang Adi kung bakit ito umalis. Sinabi nito sa kanya na tatlong taon ang nakakaraan nang umalis ang Hadi Walid sa Ja’khar at nakipagsapalaran sa karagatan at ibayong dagat. Sinabi sa kanya na mabuting maybahay nang may-ari nang maisan na ito ang liyaw nang kanyang asawa bagay na hindi nalalaman. Inalagaan nito ang tahanan nang kanyang asawa bago ito palayasin nang dating Hadezar.

 Kasunod noon nagtungo pa sila sa mga kakilala nilang nagmamay-ari nang maisan at matapos na makidaupang-palad ang mga ito sunod nilang tinahak ang mga nagtatanim ng mga halamang Rimas, dito pinakilala sa kanya nang Hadi Walid ang Hadi Baaru. Sa pagkakita nito sa kanya dali-dali siyang tinanggap nang mga ito. Sa simula binungad siya ng paghalik nang may-ari ng lupa sa kanyang kamay.

Kinamusta niya ito.

Sinalubong din siya nang mga apo nitong mga babae na natinag sa pagkakita sa mga ito sa Hading kanyang kasama at pinagkuruan nang walang sawa.

Kilala niya ang asawa at mga kapatid nito…nakilala niya ang mga ito sa kanyang pag-iikot sa mga tahanang kinasasakupan nito. Naging bantog ang kanyang pangalan sa mga nasasakupan nitong lupain lalo na’t nang nakisaya siya sa mga ito sa panahon nang pagtatanim at maging sa maliit na kapistahan nang pag-aani at muling pagtatanim.

Hinanap sa kanya nang Hadi Baaru ang kanyang asawa…tinanong nito sa kanya kung kamusta na ang kanyang asawa at kung bakit hindi niya ngayon ito kasama. Sinabi niya na mabuti ang kalagayan nito at nasa tahanan ito nang mga Harith, at kasalukuyang hinihingi ang pagpuputol nang ugnayan sa dalawang tahanan.

Bagay na ikinagulat nang Hadi Baaru. Hindi nito inakala na mangyayari pa ang bagay na ito habang nabubuhay ito…Tinanong niya kung masama ba ito…na hingin nang kanyang asawa ang kalayaan sa pamumuno sa mga harith.

Bagay na ipinagkaila sa kanya nang matandang may-ari ng lupa nang sakahan nang mga puno ng rimas. Tinanong nito sa kanya kung siya ba ang may kagagawan nito. Bagay na hindi niya itinanggi.

Sa gitna nang sikat ng araw habang nakaupo sila sa tabi nang mahabang lamesa sa labas nang tahanan nang may-ari nang lupa nang mga halaman ng Rimas, katabi ang matanda sinabi nito na nangangamba lamang ito na baka mag-ugat sa isang masamang pangyayari at madamay ang tahanan nito. Bagay na ikinasiguro niyang hindi ito mangyayari sa Hadi Baaru o sa kahit sinoman na nasa ilalim nang patnugot nang kanyang asawa. At kung mangyariman pananagutin niya ang sinomang may kagagawan nito.

Hindi niya maiwasan ang hindi mag-alala sa kung ano na ang nangyayari ngayon sa kanyang asawa. Hinangad niya na sana nagawa nito ang binabalak nitong gawin. Na uuwi ito sa kanyang tahanan nang may ngiti at sasabihing pumayag ang Hadi Mahdi bagay na alam niyang kailanman ay hindi mangyayari.

Sa kanilang paglalakbay patungo sa mga taniman nang kohlrabi tinanong nang Hadi Walid sa kanya kung bakit hinahayaan lamang siya nang Hadi Yasir na umikot at magpanukala nang mga bagay na hindi naman dapat siya ang gumagawa.

Tinanong niya ang Hadi Walid kung alam ba nito ang dahilan kung bakit siya ginawang asawa nang Hadi Yasir.

Bagay na itinanggi nito.

Sinabi niya sa Hadi Walid na iyon ay sa kadahilanang alam nang kanyang asawa na kaya niyang mamuno. Na kaya niyang tulungan ang Hadi Yasir na mapagtagumpayan at ilagay ang tahanan ng mga Barakat pabalik sa dati nitong tinatamasa.

Gayong alam nilang parehong mag-asawa na mahirap na mangyari.

Tinanong siya nang Hadi Walid kung kaya niya ba itong gawin…ang ibalik sa dating tinatamasang karangalan at impluwensya ang tahanan ng mga Barakat.

At sinabi niya na iyon ang dahilan kung bakit sila nandito ngayon. Kung bakit nila ito ginagawa. Wika niya, “kailangan ko ito Hadi Walid. Ito ang hiningi ko sa aking asawa bilang kapalit sa aming pagsasama!”

Bumalik sila sa tahanan ng mga Barakat pagkatapos nang pag-iikot nang hapong iyon. Ngunit sa pagbalik nila sa tahanan ng mga Barakat hindi pa rin bumabalik ang kanyang asawa. madilim pa rin ang buong kabahayan…pagal at nakabibingi ang ingay na nanditong mapag-isa. Bagay na knayang ipinag-alala.

Hinintay niya ang pagbabalik nito. Umupo siya sa sahig nang pasilyo sa harap nang bulwagan habang sa hindi kalayuan ay ang Hadi Walid na nagbabantay sa kanya at iniintay ang kanyang asawa. Sa pagtagaltagal unti-unti na ring nagbago ang kalangitan. Lumubog na ang araw at nagsisimula nang magdilim gayong kanina pa natapos ang umaga.

Tumayo ang Adi Hikmet sa kanyang pag-upo sa sahig nang pasilyo. Pumasok siya sa tahanan nang mga Barakat. Sinimulan niyang buksan ang mga ilaw sa buong tahanan.

Hindi nagtagal dumating na ang kanyang asawa pabalik sa kanya.

Nakita niya ang kanyang asawa kausap ang Hadi Walid. Bumaba siya mula sa ikalawang palapag.  Pinuntahan niya kung nasaan ang kanyang asawa. Naglakad siya sa pasilyo nang tahanan patungo sa kanilang silid mag-asawa hanggang sa hinarangan siya nang Hadi Walid.

Tinignan niya ang Hadi Walid kung ano ang nangyayari ngunit hindi ito kumibo. Tinignan siya nito. Nakita nito sa kanya ang takot na mula kanina pa kanyang ipinagkakaila dito.

Hanggang nakarinig siya nang pagkalabog na ingay na nagmumula sa loob nang kanilang silid. Kasabay noon nagulat siya.

Ang Hadi Yasir

Bago ang pagbukang-liwayway iniwan niya ang Adi Hikmet sa loob nang kanilang tahanan. Sakay kay Ijiraq kumilos siya patungo sa taniman nang mga puno ng jaboticaba hanggang sa marating niya ang isang tahanan na matagal niya nang hindi nababalikan. Sa kanyang pagdating nakita niya na wala pa rin itong ipinagbago, na tulad nang huli niya itong nakita matagal na panahon na ang nakararaan, parehong-pareho pa rin ang itsura nang tahanan…liban lamang sa bagong bubungan nito, sa lagusan nito na mayroong patyo at sa tarangkahan na nakaharang sa paligid nito. Ang tahanan nang Hadi Walid. Ang tahanan nang dati niyang kaibigan na itinuring niyang ama at naging malapit sa kanyang buhay. Bumaba siya sa kanyang sinasakyang asong-gubat. Hawak ang panali ni Ijiraq dinala niya ito at isinabit ang panali sa nakatarak na kahoy sa lupa.  Binuksan niya ang mababaw na lagusan, pumasok sa loob nang kinasasakupan nito at sa pag-ungol nang bigkis na nagbibigay nang pagkakadiin sa haliging pinagsasabitan nang panali bumagsak ito sabay sa paghiga nang kanyang alaga at bumukas ang pinto nang lagusan. Sa unang pagkakataon, matapos ang mahabang panahon, muli silang nagkita.

Nakaramdam siya nang pagdadalawang-isip na kausapin ito at tawagin ito matapos ang mahabang panahon nang hindi nila pagkikita at pag-uusap.

Wika nito sa kanya, “Hadezar!”

Ngumiti siya. Wika niya, “kamusta ka na Hadi Walid?”

Ngumiti ito sa kanya. Wika nito sa kanya, “mabuti…ikaw!” Hindi siya nakaimik. “Hindi ko inaasahan ang inyong pagdating…iyan na ba si Ijiraq? Malaki na pala…ikaw lang!”

Wika niya, “oo!”

Kasunod noon inanyayahan siya nitong pumasok sa loob nang tahanan nito bagay na kanyang tinanggap. Sumunod siya sa Hadi Walid sa pagpasok sa loob nang tahanan nito. Iniwan niya si Ijiraq na nakahiga sa lupa sa labas. Alam niya ang bigat nang kanyang pagpapasya. Alam niya na sa gagawin niya maaaring ito ang maging dahilan nang tuluyang pagbagsak nang kanyang tahanan. Ngunit kailangan niya itong gawin.

Sa pagpasok nila sa loob nang tahanan nito nakita niya ang maraming tapiserya na nakadikit sa dingding. Pinaupo siya sa higaan nito bagay na kanyang ginawa. Sa pag-upo niya nagtungo ito sa lutuan. Tinanong siya nito kung kanino niya nalaman ang pagdating nito. Sinabi niya sa isang tagabulong. Na nakita ang pagdating nito sa isa sa mga dumaong na Karabana maraming buwan na ang nakakalipas.

Lumapit ito sa kanya na may dalang mga baso…bagay na kanyang tinanggihan gayon nagpumilit ito at sinabi sa kanya na hindi ito nakakalasing na inumin. Kinuha niya ito. Ininom, at sa pag-inom nalaman niya sa pagtikim na laman nang baso ay gatas.

Sinabi nang Hadi Walid sa kanya na makabubuti ito sa kanya. Kasabay noon umupo ito sa kanyang harapan sa isang upuan sa harap nang higaan habang hawak nito sa isa sa mga kamay nito ang isang pinggan na may lamang isang piraso nang maalat na tinapay na may mga linga. Iniabot ito sa kanya nang Hadi Walid.

Bagay na kanyang tinanggap. Inilapag niya ito sa ibabaw nang kanyang hita.

Gayong wika nito sa kanya, “Kamusta ka na Hadezar? Pasensya ka na hindiman lang kita nasamahan matapos mamatay ang ina hindi ko kasi alam. Kung nandito lang sana ako nadamayan pa kita!” Kumuha siya ng piraso nang tinapay na ibinigay nito sa kanya. kumain siya “Napag-alaman ko may asawa ka na. Maganda ba ang asawa mo…gusto ba siya nang iyong ina para sa iyo? Siguro wala nang nagawa ang mga kapatid mo…ano ba naman kasi ang magagawa nila hindi ba. Ikaw kamusta ka na…ank…Hadezar?”

Wika niya, “mabuti ho…Walang alam ang Adi Hiba sa balak kong pag-iisang dibdib sa kanya. bago mangyari iyon matagal nang patay ang aking ina! Hindi rin gusto nang aking mga kapatid ang aking asawa, pero nagustuhan nila noong tinagaltagal na. Balita ko naglakbay daw po kayo? Maganda ang ginawa niyo sa inyong tahanan…”

Tanong nang Hadi Walid sa kanya, “nagustuhan mo!”

Wika niya, “maganda!” nabaling ang kanyang pansin sa isa sa mga tapiserya na nakadikit sa dingding nang tahanan. Isang sasakyang pandagat na lumalayag sa maalong karagatan. Mga nagtataasan at mga higanteng sasakyang pandagat na may mga tangke nang kanyon at nag-aaway at nagkakaroon nang isang matinding labanan sa gitna nang dagat. “galing sa Qaa’ur? Ang mga sasakyang pandagat!”

Wika nito sa kanya, “sa kanluran…sa Asbalta!” Napalingon siya dito. “sa Ka’desh, sa Qaa’ur! Kung saansaan pa. iyang mga inukit na iyan” Nabaling ang kanyang pansin sa mga inukit na babae may mga ahas na katawan “galing iyan sa timog, sa Taravara! At iyan mga sungay nang mga hayop, mga sandata sa Aesir!”

Wika niya, “kita mo nga naman nilibot mo na ang buong mundo…Hindi ko pa alam!”

Wika nito, “alam ko! Isa’t kalahating taon sa Qaa’ur…ilang buwan sa Kadesh naglakbay kasama nang iba sa Kanluran naglayag kasama nang mga Karabana. Nakakalungkot din iyon ang totoo. Nalaman ko na sinalanta kayo nang isang masamang panahon…totoo ba na nag-angkat kayo nang mga binhi!”

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Wika nito, “mabuti naman kung ganon! Kahit papaano nakaraosraos na kayo Hadezar!”

Wika niya, “hindi pa rin Hadi Walid! Hindi pa rin tapos ang lahat.”

Wika nito sa kanya, “salamat nga pala ikaw ang nag-ayos at nagpanatili nang aking tahanan. Nalaman ko ito sa Hadi Akil. Akala ko wala na akong madadatnan! —ano nga ba ang maipaglilingkod ko sa iyo?”

Binaba niya ang kanyang hawak na baso at pinggan na may bawas na bahagi nang maalat na tinapay na walang labadura at may mga linga. Sinabi niya, “kailangan ko ang tulong mo Hadi Walid!”

Tumango-tango ang Hadi Walid. Wika nito sa kanya, “sige—anong tulong?”

Wika niya, “gusto kong bantayan mo ang aking asawa…ang pangalan niya ay Adi Hikmet, mahalaga siya sa akin…”

Tumayo ito sa kinauupuan nito. Hiningi nito sa kanya ang pinggan at baso. Kasunod noon nagtungo ito sa lutuan. Inilapag nito sa lamesa ang mga pinagkainan. Pagtataka nito sa kanya, “kung ganon para saan ang gagawin kong pagbabantay?”

Wika niya sa Hadi Walid, “laban sa mga Harith!”

Lumingon ito sa kanya. Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito sa aninong nakapaligid sa malaking siga sa loob nang tahanan nito. Wika nito, “o Hadi Yasir ano ang ginawa mo?”

Sagot nang Hadi Yasir, “wala…pero meron. Gagawin ko po lang!”

Wika nito, “hindi.”

Wika nang Hadi Yasir, “pakiusap…kailangan ko ang tulong mo…alam ko na alam mo na ikaw lang ang makakatulong sa akin.”

Umiling-iling ang Hadi Walid. Wika nito, “binigay ko na kung ano ang maibibigay ko. Binigyan niyo ko nang kalayaan at tatanawin ko iyong utang na loob sa iyo…sa iyong tahanan. Hindi ko na gusto pang sumali sa kung anoman ang pinaglalaban nang iyong ina!”

Wika nang Hadi Yasir, “pakiusap, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko!”

Wika nang Hadi Walid, “bakit sino ba ang pinagkakatiwalaan? Natatandaan mo ang unang Jingkar na pinatay mo…Sinabi mo sa akin na papatayin mo siya. Nakiusap ka sa akin na turuan kita…sinabi mo sa akin na kailangan mong alagaan ang sarili mo mula sa masasama at mga kalaban nang iyong tahanan. Tinulungan kita. Tinuruan kita. Hindi mo siya kilala pero pinatay mo siya nang walang awa.”

Lumingon siya dito. Wika niya, “Sa tingin mo paghihigante ang lahat nang ito Hadi Walid…inaamin ko, gusto kong silang paghigantihan noon at hanggang ngayon gusto ko silang paghigantihan. Pero iba na ngayon, isa na akong Hadezar! Hindi ko maaaring ipahamak ang aking asawa, ang aking magiging anak. Ang magiging kinabukasan nang aking pamilya!”

Tugon nang Hadi Walid, “kilala kita…Kilala natin ang mga Harith…kahit anong gawin mo, sa tingin mo may laban sa kanila?”

Wika niya, “kailangan kong gawin kung ano ang kailangan kong gawin.”

Wika nang Hadi Walid, “siguro nga…siguro nga!”

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Tinalikuran niya ang Hadi Walid at kasabay nang kanyang paglabas sa tahanan nito handa niya nang suungin ang isang labang walang kasiguraduhan. Alam niya sa kanyang gagawin isa lamang ang maaaring niyang makuha, kabiguan. Hindi niya maitatanggi na napakahalaga sa kanyang mga kalaban ang kanyang tahanan na para mawala ito sa kanyang mga kalaban wala na siyang halaga pa sa mga ito bagkus magiging isa na lamang siyang malaking sagabal.

Pinigilan siya nang Hadi Walid sa kanyang pag-alis. Wika nito sa kanya, “Yuune’duyi, og’ron’iwou Hadi Yasir, zidadji’nu og’ron’iwou…az’zinu! —atceretie un’zah için, ranti un’zah të eder nedzimis.” (Jng. Gayonpaman, anak kita Hadi Yasir, habang buhay anak kita…alam ko! —alalahanin mo sila, tandaan mo ang iyong mag-ina.)

Wika niya, “alam ko”  

Sa huli pumayag ang Hadi Walid sa kanyang kagustuhan. Kasama ang Hadi Walid bumalik siya sa tahanan nang mga Barakat. Hilahila si Ijiraq pabalik nang tahanan nang mga Barakat tinanong siya nang Hadi Walid kung ano ang gagawin niya sa paghingi nang kalayaan nang kanyang tahanan.

Sinabi niya na sa una ay pupunta siya sa tahanan nang mga harith…kakausapin ang Hadi Mahdi at makikiusap na kung maaari ay hayaan nitong putulin kung anoman ang ugnayang namamagitan sa kanilang mga tahanan.

Sinabi nang Hadi Walid sa kanya hindi iyon isang balak…na sa kanilang dalawa sino ag maituturing na isang mababaw na isip upang gawin ang isang bagay na walang magiging kahihinatnan. Tinanong siya nito kung alam niya ba kung ano ang sinasabi niya. Na sa gagawin niya, lalo lamang niyang palalalain kung anoman ang maaaring mangyari. Na pupunta siya doon sa tahanan nang mga harith, kakausapin ang kanyang mga kalaban…kakausapin ang Hadezar ng tahanan nang mga harith tatanggapin nang maayos at ayon sa kung ano ang nakaugalian at gayon gayong lang ipapamukha niya sa mga ito na gusto niyang putulin kung anoman ang nag-uugnay sa tahanan nang mga Barakat at sa tahanan nang mga Harith…na isa siyang kaaway at ang kanyang tahanan ay isang malaking sagabal sa pag-angat nang tahanan nang mga ito.

Bagay na kanyang sinang-ayunan at sinabing tama ito…hindi nga ito maituturing na isang balak. Tinanong niya ang Hadi Walid kung ano ang gagawin nito kung sakaling ito ang lumagay sa katungkulan nito…at gawin kung anoman ang kinakailangan niyang gawin ano ang gagawin nito.

Sinabi nito sa kanya na mananatili ito sa tahanan nito…sa tabi nang asawa nito na ina nang magiging anak nito at nagdadalang-tao. Palilipasin nila ang buong araw na sila lamang ang magkasama. Susulitin ang panahon siguro gagawa nang gawaing-bahay. Magluluto nang pinakamasarap na pagkain na maaari niyang iluto dito. Maghuhugas nang kanilang mga pinagkainan. Maglalaba nang kanilang mga damit. Maglilinis nang buong tahanan at siguro, siguro sa gabi at sila lamang ipapakita niya sa kanyang asawa kung gaano niya ito kamahal. Sisipingan niya ito, makikipagtalik siya dito…at sa umaga paggising nila tuloy ang kanilang mga buhay nang walang halong inindang suliranin sa buhay. Iyon ang gagawin nito kung ito ang mailagay sa kanyang lugar.

Sinabi niya dito na isa iyong talimuwang. Alam nilang pareho na kailanman hindi iyon mangyayari.

Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Walid at pinatotohanan.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Kasabay noon tumigil sila sa harap nang imbakan nang mga pagkain. Nakiusap siya dito na kung maaari ay hintayin siya nito at may kukunin lamang s aloob nang imbakan…ang pinakamasarap na pagkain na maaari niyang lutuin at ihanda para sa Adi Hikmet sa araw na ito. Kumuha siya nang mga butil ng mais, mga kabuteng kahoy, karne nang pato at karne nang baboyramo.

Sa paglabas niya sa loob nang imbakan nakita siya nang Hadi Walid nang may pagtataka. Ngumiti siya. Sa paglapit niya sinabi nito sa kanya na katulad pa rin nang dati, nagbago na ang lahat sa kanya, may asawa na siya at magiging ama hindi pa rin siya nagbabago kinatutuwaan niya pa rin ang pagluluto.

Hiningi sa kanya nito ang kanyang mga dalang sangkap sa paggawa nang pagkain bagay na kanyang ibinigay. Kasunod noon sinabi niya sa Walid na kailangan niyang gawin ito, ang kausapin ang Hadezar at hikayatin itong gawin kung anoman ang gusto niyang mangyari…naniniwala siya na mabuti ang Hadi Mahdi, itinuring siya nitong anak siguro naman pagbibigyan siya nito tulad nang pagbibigay nang isang ama sa kanyang anak.

Tanong nang hadi Walid sa kanya, “at kung hindi?”

Wika niya, sa gitna nang kanilang paglalakbay, “Na kung gagawin ko ito at walang mapapala sa aking gagawin kahit papaano sinubukan ko…kahit papaano alam ko at sinabi ko sa aking sarili na pinili ko pa rin ang kapayapaan kaysa ang pagdanak nang dugo gayong sa huli wala akong pagsisihan.”

Lumabas sila sa taniman nang mga puno nang Jaboticaba. Sa paglabas nila kumaliwa sila upang bumalik siya sa tahanan ng mga Barakat.

Sa pagbalik niya sa tahanan nang mga Barakat nadatnan niya ang kanyang asawa na naghihintay sa kanya. Sa paglapit niya dito tinanong siya nito kung saan siya nanggaling. Sinabi niya na may inanyayahan siya na dumito sa kanilang tahanan.

Bagay na pinagtakahan nito.

Nang may ngiti iniwan niya ang Ad Hikmet at binuksan ang pintuan nang tarangkahan. Kasabay noon pinapasok niya ang Hadi Walid sa kanilang pamamahay nang kanyang asawa, matapos ang mahabang panahon nang hindi nito pagtungtong sa kanyang tahanan.

Sa pagpasok nito nagsimulang magtahulan ang mga asong-gubat…

Sinarado nito ang pinto nang lagusan kasunod noon sa kanilang paglalakad papasok sa loob nang tahanan. Nabaling ang pansin nito sa mga alagang hayop na nasa malawak na lupain nang knayang tahanan. Sinabi nito sa kanya na katulad nang ibinilin nito sa kanya na hanggang ngayon ay hinahayaan pa rin nito na pakawalan ang mga aalaga sa malawak na lupain nang tahanan. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Datapwat itinanggi niya dito na siya ang nagpakawala sa kanilang mga aalaga at bagkus ang kanyang asawa ang gumawa nito…datapwat naroroon sa loob ang yungib si Ijiraq.

Lumapit si Amarok sa kanila. Nakita niya ang panggigigil nito sa Hadi Walid gayong inilagay nito ang kamay nito malapit sa bibig at ilong. Hinimashimas ang ilong at kasunod noon dinilaan ito ni Amarok. Sinabi niya na alam nang mga ito kung sino ang mga kalaban at mga kakampi.

Bagay na itinanggi nang Hadi Walid sa kanya at sinabing hindi sa tingin nito. Matatalinoman ang mga ito, ang mga asong-gubat ngunit ang kanilang mga katalinuhan ay katulad sa tinataglay nitong katalinuhan mababaw at kulang… Pinakilala niya ang alagang hayop na si Amarok sa Hadi Walid.

Nagsunuran rin ang iba kay Amarok. Gayon pinigilan ito ng Hadi Walid sa pamamagitan nang pagsutsot sa mga ito at saka inutusang tumigil. Pinakilala niya si Asiaq at si Mame dito.

Lumapit sila sa Adi Hikmet. Sa paglapit niya sa kanyang asawa, kasama ang hadi Walid, agad niya itong pinakilala sa kanyang asawa. nang may ngiti nagbigay nang paggalang ang Adi Hikmet sa Hadi Walid. Kasunod noon pinakilala niya naman ang kanyang asawa sa Hadi Walid at ganon nagbigay ito nang paggalang sa kanyang asawa.

Sinabi nito sa hadi Walid na kung hindi ito nagkakamali ay nagkita na ang mga ito. Hindi ito itinanggi nang Hadi Walid bagkus pinatotohanan ito nang kanyang panauhin.

Kasunod noon inanyayahan niya ang mga ito na mag-almusal sa loob nang slid lutuan. bagay na tinanggap nang mga ito. Pinagluto niya ang Adi Hikmet nang isang mainit na sabaw ngayong umaga…na may lamang tenga nang mais, kabuteng kahoy, tinadtad na karne nang pato na ginisa sa pampalasa at karne nang baboyramo.

Sa kanilang pag-aagahan sinabi niya sa kanyang asawa na magiging bantay niya ang hadi Walid habang wala siya.

Bagay na pinagtakahan ng kanyang asawa.

Sinabi niya dito na kahit alam nilang kaya nitong alagaan ang sarili nito hindi pa rin maikakaila ang pangamba na maaaring maidulot nito sa kanila. Lalo gayong ilang buwan lamang ang nakakalipas ay naganap ang panghihimasok sa kanilang tahanan nang Adi Saad. Ayaw niyang makita na maulit ulit ang bagay na iyon, na mapahamak ito at ang kanilang magiging anak.

Alam niyang inilagay niya sa matinding alalahanin ang kanyang asawa…nanatili itong nakaupo. Kumakain nang kanilang agahan habang kasama ang Hadi Walid. Sana nauunawaan nito ang pagkakataon…sana naiintindihan nito ang kanyang sinasabi.

Wika niya sa kanyang asawa, “isa pa mapagkakatiwalaan ang Hadi Walid!”

Matapos ang kanilang aagahan agad siyang nagtungo sa loob nang kanilang silid mag-asawa. Hinanda niya ang kanyang mga susuotin na mga damit sa pagpunta niya sa tahanan nang mga Harith. Kinuha niya ang mga gamit niyang pampaligo at kasunod noon nagtungo siya sa loob nang bukalang silid. Sa kanyang pagpasok inilapag niya ang mga gamit na pampaligo sa mataas na kahoy na lamesa. Kasunod noon sinimulan niyang hubarin ang kanyang damit. Nang hindi inaasahan ay pumasok ang kanyang asawa. Tinilungan siya nitong tanggalin sa pagkakatali ang sintas nang kanyang Báta.

Tinanong sa kanya nang Adi Hikmet kung kailan pa ito dumating. Sinabi niya dito na hindi niya alam. Na tanging ang alam niya ay hindi madaling pagkatiwalaan ang Hadi Walid, pero maaari para na rin sa kanya.

Wika nang Adi Hikmet, “pero bakit mo ako pinipilit.” Tumingala siya dito. Tinignan niya ito. “Hindi ba ito ang dahilan kung bakit bumagsak ang inyong tahanan sa ikalawang pagkakataon?”

Bagay na kanyang itinanggi. Sinabi niya, “Hindi…kami ang nagkamali hindi siya. Naging tapat lamang siya sa amin!” Tinanggal niya ang kanyang suot na saluwâl. Kasunod noon, sunod niyang hinubad ang kanyang bahag at sandalyas sa paa. Ibinigay niya ito sa kanyang asawa. Lumabas ito nang bukalan at inilagay ang marumi sa lagayan nang kanyang marumi sa loob nang kanilang silid.

Gayong kasabay nito sinimulan niya rin buhusan ang kanyang sarili nang mainit na tubig mula sa bukalan gamit ang panabo.

Lumapit ito sa kanya. kinuha nito ang sulyaw na nasa ibabaw nang mataas na lamesa. Tinulungan siya nitong magpahid sa kanyang buong katawan nang mabangong insensong mula sa langis, pukyot at galapong.

Wika niya habang ginagawa ito sa kanya, “kahit ngayon lang!”

Pagkatapos noon tumingin ito sa kanya. Wika nito, “gagawin ko kung anoman ang kinakailangan kong gawin…ngunit huwag mo sa aking ipipilit na manatili dito at hintayin ka na makabalik mula sa tahanan ng mga Harith”

Bagay na kanyang ipinangako…Lumapit siya sa bukalang nasa gitna ng silid. Kumuha siya nang mainit na tubig gamit ang tabo at kasunod noon binuhusan niya ang kanyang katawan at saka hinilod ang kanyang katawan gamit ang magaspang na panghilod na kanyang inilubog sa mainit na tubig na nasa tabo at ibinabad ang sarili sa bukalan at lumangoy-langoy.

Nang umagang ito bago ang tuluyang pagbukang liwayway…nagsuot siya nang makapal, matingkad at malilim na muradong kulay na Báta, na may mga tahing animang gilid na mula sa mga itim na bato na nagtataglay nang mga manggas na hanggang sa ibabaw nang kanyang siko. Nagsuot siya nang saluwâl na itim na may mga burda ng mga gintong alitaptap. Ang tapis nito ay mula sa balat nang buwayang Magan. Nakatali sa beywang nito ang mga sinturong gawa sa balat nang hayop. Suot nito ang singsing nang ina sa kanan nitong daliri. Sandalyas sa mga paa at mga bakal na panara sa mga hita nito.

Matapos niya makapaghanda sinamahan siya nang kanyang asawa sa paglabas sa tahanan nang mga Barakat kung saan naghihintay ang sasakyan nitong alagang itim na asong-gubat na si Amarok.

Bago siya umalis patungo sa tahanan ng mga Harith. Iniwanan siya nito nang halik niya ito nang halik. Sinabi niya dito na wala itong dapat na ipag-alala at magiging ayos lang ang lahat. Matapos noon tinalikuran niya ito. Sumakay sa asong-gubat at tuluyang iniwanan ang tahanan nang mga Barakat patungo sa tahanan ng kanyang mga kalaban.

Hindi niya makakalimutan ang una nilang pagkikita…kailanman iyon ang nagpapaalala sa kanya kung bakit niya ito gusto. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay patungo sa kanyang sakuna…patungo sa pagbagsak nang kanyang tahanan. Sa kanyang paglalakbay narating niya ang nag-eekis na daan.

Tandang-tanda niya ang araw na iyon, nagbabagsakan ang mga bato sa pagtawing nang mga batang Jingkar sa ulupong na tumatakas sa paningin nang mga ito. Ang higanteng ulupong ay siya. Nang makita siya nang mga ito agad siyang hinabol. Agad siyang tumakbo. Pilit na hinahabol sa maputik, malupa at mabatong kalsada nang Ja’khar sa tirik na tirik na sikat ng araw sa kalagitnaan ng umaga. Humahangos. Tinatakasan ang pagmamalupit na dala nang mga batong nagbabagsakan sa lupa. Malayo sa mga pangungutsya at pagsisigaw na KALISAG… KALISAG… KALISAG… malayo sa mga mapanuring pagmatsag na walang ibang kayang gawin kung hindi mangutsa at may ngiti pa sa mga labi.  Hanggang sa tumama sa kanyang ulo ang isang bato at bumagsak siya sa maputik na daan. Sumubsob ang kanyang ulo sa putikan.  Lumapit ang mga ito sa kanya, tinigilan nila ang pambabato gayong sinimulan siya nang mga ito pagsisipain. Bumabaon sa kanyang alaala. Sinubukan niyang maglaban. Kinagat niya ang isang paa na gustong sumipa sa kanya. Hinawakan niya ang isa nang mahigpit, bumangon siya at bumagsak ito. Sinarado niya ang kanyang mga kamay. Hinigpitan ang kapit sa kanyang mga kamao at nang handa na siyang magpakamatay isang hindi inaasahan ang kanyang nakita. Isang halimaw. Luntian ang mga mata at nagtataglay nang hindi maipintang galit. Lumapit ito sa kanya. Hinarangan nito ang mga umaaway sa kanya at itinago siya nito malayo sa mga ito…malayo sa mga mapanuring mga mata malayo sa mga nag-aalipusta. Iyon ang una nilang pagkikita…Sinabi nito sa kanya kung sa akala niya na kaya niya na ang kanyang sarili ay nagkakamali siya. Sinabi nito sa kanya na wala siyang alam…na wala siyang kayang gawin at hindi niya kayang iligtas ang kanyang sarili sa mga sinomang gustong gumulpi sa kanya. Mahina siya. Tatanda siyang mahina. Mamatay siyang mahina.

Hindi nagtagal narating niya ang tahanan nang kanyang mga kalaban. Nang dumating siya sa tahanan ng mga Harith, unang bumungad sa kanya ang kanyang kapatid. Nang hindi inaasahan, nagulat siya kung ano ang ginagawa nito sa labas nang tahanan nito.

Tinawag niya ang Adi Makbule. Lumingon ito sa kanya. Bumaba siya sa kanyang sinasakyang asong-gubat. Hila ang panali ni Amarok tinanong niya ang Adi Makbule kung bakit.

Lumapit siya dito. Niyakap siya nito…umiiyak sa kanyang balikat. Pinipigilan niyang hindi umiyak. Ayaw niyang malaman nito kung ano ang kahinaan na nararamdaman niya. Ang luha na dumadaloy sa mukha nito, sa ilalim nang mga mata nito na namumuo.

Wika niya, “bakit…” pagpapatuloy niya, “bakit, Makbule!” bulong niya sa kanyang kapatid. Alam niya kung sino ang dahilan nang pag-iyak nito. Nakatitiyak siya ang Hadi Faysal ang may dahilan nang kalungkutan nito— kung hindiman ay ang itinuturing na ama nang kanyang mga pamangkin. Pagod na itong umiyak, pagod na itong umiyak, limang taon na nakakalipas nang huli niya itong makitang umiyak para dito o para dito. Sa Hadi na pinili nito at sa asawang walang ibang ginawa kung hindi saktan ang kanyang kapatid.

Bulong niya sa kanyang kapatid, “alam mo ang gagawin mo! Alam ko alam mo ang gagawin mo…”

Lumingon sa kanya ang Adi Makbule. Sinabi niya sa Adi Makbule na handa niya nang putulin kung anoman ang nag-uugnay na kasunduan sa kanilang mga tahanan. Nagtaka ito…Nagulat. Sinubukan siya nitong pigilan. Wika nito sa kanya, “huwag…huwag!”

Ngunit kumawala siya sa pagkakayakap nito sa kanya at humingi siya nang tawad sa kanyang kapatid. Iniwan niya ito…pinakawalan niya si Amarok sa kanyang kamay at pumasok siya sa loob nang tahanan ng mga Harith kung saan naghihintay sa kanyang pagdating ang Hadi Mahdi na nasa loob nang pamosong pabilyo nito.

Nagtuloy-tuloy siya sa kanyang paglalakad at nang makita siya nang Hadi Mahdi na papalapit dito ngumiti ito sa kanya. Wika nito sa kanya, “HADEZAR!” nang malakas at puno ng buhay ang pagtawag nito sa kanya na walaman lamang kaalamalam sa mga mangyayari ngayong araw.   Lumapit ito sa kanya nakabukas ang mga kamay at handa sa pagyakap.

Sa kanyang paglapit niyakap siya nito. Kinamusta niya ito.

Kinamusta siya nito. Sinabi niyang mabuti ang kanyang kalagayan at ganon din ang kanyang asawa.

Sinabi nito sa kanya na mabuti naman kung ganon.

Nagpalasamat siya sa inihandog nitong hapunan para sa kanilang dalawa nang Adi Hikmet.

Sinabi nang Hadi Mahdi sa kanya na wala itong dapat na ihingi nang pagpapasalamat dahil katungkulan nito ang maging mabuting punong-abala ng tahanan nito. Hinawakan nito ang kanyang kamay. Nakipagkamay ito sa kanya. Nagkadaupang palad ang kanilang mga kamay. At nang hindi pa nito pinalalagpas ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay tinanong siya nito at sinabing, “maiba ako ano nga pala ang ginagawa mo dito Hadi Yasir?”

Tugon niya, “maaari ba tayong mag-usap Hadi Mahdi?”

Ngumiti ito sa kanya. Pumayag ito sa kanyang alok.

Pinaupo siya nito sa isa mga upuang nasa loob nang pabilyo ng mga Harith. Pagkaupo tinanong siya nito na kung ganon ano ang maipaglilingkod nito sa kanya.

Wika niya, “ang totoo iyan—” Umupo ito sa kanyang tabi. Pagpapatuloy niya, “alam niyo na para ko na kayong ama. Na higit kaninoman inaalagaan niyo ang aming tahanan higit pa sa inaasahan. Naaalala niyo po ba kung ano ang sinabi niyo sa akin matapos akong maging Hadezar. Sinabi niyo sa akin na kung anoman ang gusto kong hilingin sa inyo ay maaari ho akong maging tapat sa inyo at sabihin kung anoman ang gusto ko.”

Nawala ang kanyang pansin sa Hadi Mahdi, nakita niya ang kanyang asawa na papasok sa pabilyo. Nakita niyang tumango-tango ito sa kanya bilang pagtalima sa kung anoman ang kanyang gagawin.

Wika nang Hadi Mahdi, “sa tingin ko nga at sinabi ko iyan sa iyo. Kung ganon sabihin mo ano gusto mong hingin sa’kin. Lupa na maari mong idagdag sa iyong kinasasakupan? Mga anino na maaaring maglingkod sa iyo?” Umiling-iling siya. Pagtataka nito sa kanya, “kung ganon ano?”

Wika niya, “ang aming kalayaan!”

Nawala ang mapagkunwaring ngiti sa labi ng Hadi Mahdi. Tanong nito sa kanya, “hindi kita maintindihan Hadezar. Bakit mo kailangang hingin sa akin ang inyong kalayaan!”

Wika niya, “gusto kong baliin na ang ugnayang namamagitan sa ating mga tahanan. Gusto ko pakawalan niyo kami mula sa pagsasailalim sa inyong nang kapangyarihan nang mga Harith at ibigay sa amin ang kapangyarihan nang pamumuno sa aming kinasasakupang lupain nang hindi na kinakailangan pa nang sumangguni sa inyo. O pakialaman niyo pa kami, Hadi Mahdi!”

Ngumiti ang Hadi Mahdi.

Napangisi siya.

Tumayo ito mula sa kinauupuan nito.

Kasabay noon dumating ang Adi Mahvash dala ang mga agahan na pagkain nang mga ito ngayong araw.

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi ko alam na magaling ka palang magpatawa Hadezar!”

Tinawag niya ang Hadi Mahdi. Kasabay noon pumasok sa loob ang Hadi Nasrin kasama ang kanyang mga pamangkin. Nagtaka ito sa kung ano ang nangyayari. Tinawag nito ang kanyang pangalan.

Nakiusap siya sa Hadi Mahdi… Ngunit hindi siya nito pinakinggan sa halip inutusan niya ang kanyang kapatid na kumuha nang palanggana na naglalaman ng malinis na tubig at pamunas upang tanggapin siya sa loob nang tahanan nito.

Bagay na kanyang ginawa g kanyang nakatatandang kapatid.

Wika nang Hadi Mahdi, “hindi ko alam na gagawin mo sa akin ang bagay na ito…Hadezar…akala ko iba ka sa iyong ina…akala ko hindi mo ko sasaktan tulad nang ginawa nang iyong ina! Ngunit nagkamali ako…kaya mo ba pinakasalan ang Adi Hikmet? Kaya ka ba nag-asawa dahil buong buhay mo wala kang inisip kung hindi paghigantihan kami?”

Umupo ito sa dulo nang lamesa. Nanatili siyang nakaupo at hinihintay ang kanyang pagtanggap sa mga ito.

Wika nang Hadi Mahdi sa kanya, “ginawa ko kung ano ang kinakailangan kong gawin para sa inyong tahanan. Para umangat kayo…ikaw ano ang kaya mong gawin para sa inyong tahanan?”

Hindi siya kumibo.

Sa pagbabalik ng Adi Makbule hinugasan nito ang kanyang mga paa. Tinanggap siya nang tahanan ng mga Harith at pagkatapos nito inutusan siya nang Hadi Mahdi na sundan siya sa loob nang tahanan mga Harith bagay na kayang ginawa.

Nilisan niya ang pabilyo na may ngisi sa Hadi Nasrin at kalungkutan sa mukha nang kanyang kapatid. Pumasok sila sa loob nang bulwagan ng tahanan. Sa pagpasok nila pinakita nito sa kanya ang mga nakaukit na larawan sa dingding ng bulwagang silid.

Tinanong siya nito, “tignan mo, ano ang nakikita mo?”

Binaling niya ang kanyang atensyon sa mga nakapalibot na dingding nang bulwagan.

Wika niya, “mga larawan…nang inyong pagbagsak, siguro nang inyong pag-angat!”

Wika nang Hadi Mahdi, “mga larawan lamang iyan Hadi Yasir. Wala nang iba pa…sa tingin mo kapag nakipaghiwalay kayo sa aming pakikipag-ugnayan mailalagay niyo sa mga bato niyong dingding kung ano ang iyong ginawa at papaano kayo nagtagumpay?  Hindi sa tingin ko…walang halaga ang kasaysayan sa hindi marunong lumingon sa pinanggalingan. Sa inyo isa lamang itong pabigat!”

Wika nang Hadi Yasir, “hindi ho Hadezar…Inuulit ko gusto kong baliin—ang ugnayan nang tahanan ng Barakat at tahanan ng mga Harith. Hadi Mahdi. Ang aming kalayaan ang nakasalalay dito. Ang hayaan kaming gumawa nang sarili naming pagkakamali at matuto!”

Wika nang Hadi Mahdi, “bakit?”

Wika niya sa kapwa niya Hadezar, “dahil patay na ang aking ina at tapos na ang kasunduan nang dalawang tahanan na ibibigay namin sa inyo ang katapatan nito at maging ang kalayaan nang sinomang mamumuno dito. Ako at ang mga susunod pa. Ako na ang Hadezar, hindi aking ina.”

Tinignan siya nang Hadi Mahdi nang mata sa mata at tinignan siya nito na nakatitiyak na inaasahan na nitong mangyari ang lahat nang kanyang kinatatakutan.

Umiling-iling ang Hadi Mahdi. Wika nito sa kanya, “hindi”

Tugon niya, “naiintindihan ko. Babalik na lang ako sa ibang pagkakataon!”

Tumalikod siya dito at sa banta nang kanyang pag-alis. Wika nang Hadi Mahdi sa kanya, “gusto ko lamang ipaalala sa iyo kung papaano bumagsak ang inyong tahanan sa dalawang magkasunod na panahon.”

Nang marinig niya ito lumingon siya banta nang kanyang pag-alis. Muli nabaling ang kanyang pansin sa kanyang kalaban. Wala siyang nagawa kung hindi manahimik. Alam niya na nagkamali siya…na walang ibang dapat sisihin sa pagkakamaling ito kung hindi siya.

Wika niya, “hindi na kailangan pa Hadezar!”

Umiling-iling ang Hadi Mahdi. Wika nito sa kanya, “mukhang hindi tayo nagkakaintindihan Hadezar. Hayaan mong ipaalala ko sa iyo kung papaano bumagsak ang tahanan nang mga Barakat. Ang una ay hindi malinaw sa akin pero sa pagkakaalam ko nang bumagsak sa unang pagkakataon ang inyong tahanan ay nang pakasalan nang iyong ama ang babaeng hindi karapatdapat na mapabilang sa isang magiting na tahanan at tanggihan ang alok nang Ardashir sa isang kasal. Sabihin mo sa akin, hindi naman ako ang nakakaalam nang inyong kasaysayan ano nga pala ang nangyari sa babaeng Ardashir?”

Wika nang Hadi Yasir, “itinakwil siya nang Hadi Khalil!”

Pagpapatuloy nang Hadi Mahdi, “naging isa siyang Kalisag. Isang hindi matatawarang salita, ang sukdulang panghahamak para sa isang mabigat na pagkakamali nang isang Jingkar sa kapwa nito Jingkar. Ang pinakamalugpog. Hindi ba Hadi Yasir! Natatandaan ko nang bumagsak sa ikalawang pagkakataon ang tahanan ng mga Barakat marami ang namatay sa inyong tahanan. Walang halos natira, maliban sa inyo nang iyong ina at nang iyong mga kapatid. Itiknawil kayo nang mga may-ari nang lupa na nasa ilalim nang inyong pamumuno sa sarili niyong pamamahay. Kung saan-saan kayo nagpalabuylaboy. Nagtago sa mga humahabol sa inyo na gusto kayong patayin, hindi ba? Walang tumulong sa inyo—maliban sa isa, kami. Kami ang tumulong sa inyo upang muli kayong makabangon. Itinuring kitang anak Hadi Yasir pero dinurog mo ang puso ko ngayong araw.”

Hindi siya natinag sa sinabi nang Hadi Mahdi. Inasahan niya na mangyayari ito. Wika nang Hadi Yasir sa Hadi Mahdi, “patawarin mo ako Hadi Mahdi pero hindi magbabago ang aking pasya.”

Wika nang Hadi Mahdi, “patawarin mo rin ako Hadi Yasir pero hindi namin kayo pwedeng pakawalan!”

Tumangotango siya kasabay noon tinalikuran niya ito at saka nagpaalam sa Hadi Mahdi. Lumabas siya sa loob nang bulwagang silid.

Nakita niya ang kanyang kapatid kasama ang asawa nito at mga anak. Nakita niya ang Adi Mahvash sa loob ng pamosong pabilyo. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad. Nakita niya ang Adi Dilshed na nakadungaw sa pasilyong nasa labas nang silid nito.

Nagbigay siya nang paggalang sa Adi Dilshed bagay na tinanggap nito.

Binuksan niya ang lagusan nang tahanan ng mga Harith at sa kanyang paglabas nakita niya na naghihintay sa kanya si Amarok na nakahiga sa buhanginan. Lumapit siya dito. Sumakay siya at sa kanyang pagsakay agad niyang nilisan ang kinasasakupang lupain nang tahanan ng mga Harith.

Muli tinahak niya ang malawak na baybayin ng dalampasigan, ang nag-eekis na daan pabalik sa kanyang tahanan at sa kanyang paglalakbay hindi niya maiwasan ang makaramdam nang pagkatalo.

Pero hindi ito pagkatalo.

Ang pagtangging ginawa sa kanya nang Hadi Mahdi ay hindi maituturing na isang kabiguan bagkus ito ay kabalintunaan at naayon sa kanyang mga binabalak. Ngumiti siya kasabay noon nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay.

KABANATA SIYAM:

KABANATA SIYAM:

ANG MGA NAKAGAWIAN AT MGA PANGKARANIWAN

Lumipas ang buong magdamag at nang gumising siya, siya ang una niyang nakita. Nakapulupot sila sa isa’t isa. Ang kanyang mga braso at kamay ay nakayakap at nakailalim mula sa pagkakapatong nito, habang nakahiga ang kanyang asawa sa kanyang balikat at ang kanyang kamay ay nasa balikat nito. Nakatagilid ito ng higa pagharap sa kanya. At siya dito. Nakapatong ang hita nito sa kanyang hita at ang kanyang hita ay nakapatong sa hita nito. Ang kanyang kamay ay nakahiga sa balakang nito. Nakayuko ito at siya ang kanyang ulo ay nakapatong sa ulo nito. Kapwa wala silang mga suot na mga damit. Walang kahit na anong tumatakip sa nakahubad nilang mga katawan.

Nakabukas ang pintuan nang silid kung nasaan sila. Ang timsim na nakalagay sa sulyaw na may tenga at nasa sahig ay tuluyang nang nawalan ng apoy. Bahagyang naaninag ang liwanag na pumapasok mula sa madilim na pasilyo na nagbibigay nang pangitain nang kataasan nang sinag nang araw at kainitan ng tanghali.

Hinaplos niya ang mukha nang kanyang asawa, ang kanyang kamay na nakapatong sa balakang nito ay kanyang itinaas at inilagay sa ulo nito. Hinalikan niya ito sa noo at pinagpasyahang bumangon mula sa pagkakapulupot dito.

Dahan-dahan siyang humiwalay. Pagkabangon sa kanilang higaan kinuha niya ang kanyang damit na nakakalat sa kanyang kama at sa sahig nang silid. Kinumutan niya ang kanyang asawa nang damit nitong panloob na isang mahabang palda na may manipisnipis na tela, sutla at nagtataglay nang mga burdado nang mga lumilipad na ibong ruwisenyor.

Sinuot niya ang dilaw na saluwâl na kanyang hinubad kagabi, sa kanyang katawan. Itinapis niya ito sa kanyang beywang at kasunod noon naglakad siya patungo sa nakabukas na lagusan ng silid na tinutuluyan. Bago siya tuluyang lumabas binaling niya ang kanyang pansin sa kanyang asawa. Masaya siya na makita ito ngayong umaga…na tapos na ang lahat nang kanyang pinangangambahan sa nakalipas na mga raw.  Matapos noon tuluyan siyang lumabas sa loob nang kanilang silid. Sa paglabas niya nakita niya ang sandalyas sa harap nang lagusan. Nabaling ang kanyang atensyon sa sandalyas na nasa labas ng silid ngunit kinaligtaang ipasok sa loob. Naiwan ito kasabay nang tuluyang pagsarado nang lagusan ng silid kung nasaan at mahimbing na natutulog ang Adi Hikmet.

Lumabas siya sa madilim na pasilyo at sa kanyang pagtungo sa loob nang silid lutuan nang tahanan hindi inaasahan na makita ang isang panauhin sa harap nang kanyang tahanan at nasa loob ng kanyang pamamahay ng walaman lamang na pahintulot at pasabi ng pagdating nito kasama ang mga Anino—ang Hadi Mahdi at ang panganay na anak nitong lalake na si Hadi Nasrin, ang asawa nang kanyang nakatatandang kapatid.

Nagulat siya…aminadong hindi siya handa.

Wika nito sa kanya, nang Hadi Mahdi, “iyi’owuro Hadezar!”

Kasabay nito nagbigay din nang pamitagan sa kanya ang asawa nang kanyang kapatid.

Napilitan siyang ngumiti sa kanyang mga panauhin, sa kanyang kahinaan na nakikita nito sa kanya at natutunghayan. Napilitan siyang tanggapin ito kahit labag sa kanyang kalooban. Bumaba siya sa nakaangat na sahig nang pasilyo. Wala siyang suot na gayak sa kanyang mga paa. Lumakad siya sa malawak na lupain kung nasaan ang mga ito at sa kanyang paglapit sa Hadi Mahdi, ang Hadezar ng tahanan ng mga Harith, binati niya ito. Wika niya, “iyi’owuro Hadi Mahdi…”

Ngumiti ito sa kanya. Kasunod noon niyakap siya nito sa harap ng panganay nitong anak at sa mga Anino. Matagal din nang huli silang magkita at magkasama nang Hadi Mahdi. Ngunit isa itong kasinungalingan, ang pagyakap nito sa kanya.  

Kasunod noon kumawala sa pagkakayakap sa kanya ang Hadi Mahdi. Ibinigay niya ang kanyang kamay sa Hadi Nasrin. Nakipagkamay siya dito. Kinamayan siya nito.

Kinamusta niya ang Hadezar at ang tahanan nang mga Harith… inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang beywang, nakapamewang sa pagharap sa mga ito. Handa na siyang simulan ang laro ng pagsisinungaling.

Sinabi nang Hadi Mahdi sa kanya na nasa mabuti naman ang kalagayan ng tahanan nito. Kasunod noon binalikan siya nito ng tanong. Tinanong din nito sa kanya kung kamusta ang kanyang tahanan.

Bagay na kanyang ipinagkaila at sinabing, “unzha” umiling-iling siya. Dagdag niya dito “ito…bono…bono! Bunar maas’te— neden Hadezar?” Umiling-iling ang kabatsoy sa kanya.

Tanong sa kanya ng Hadi Nasrin, “kung ganon hindi totoo ang kumakalat sa buong Ja’khar. May nalaman kasi kaming tungkol sa iyo at tungkol sa iyong asawa na hindi pa nagsisimula ang inyong pag-aasawa ay nagkakaroon na ito nang suliranin!”

Nang may ngiti wika nang Hadi Yasir, “hindi ko alam na may kumakalat na ganyan sa buong Ja’khar. Kung anoman iyon hindi siguro maganda kung pinaniniwalaan natin ang lahat nang naririnig natin. Hindi naman lahat ay totoo— iyon po ba ang dahilan kung bakit kayo naparito? Kung ganon ay wala po kayong dapat na ipag-alala.”

Wika nang Hadi Mahdi, “Hindi Hadezar, kaya kami pumunta dito ng Hadi Nasrin ay upang…kamustahin ka…Alam mo namang para na rin kitang anak. Kaya hindi mo mapipigilan sa akin ang hindi mag-alala sa iyo o kahit sa iyong tahanan!”

Sinabi niya kung sa bagay. Kasunod noon humingi siya ng tawad sa mga ito sa pagkalimot na imbitahin sila sa loob ng kanyang pamamahay at tanggapin ng kung ano ang nakaugalian. Tinanong niya ang mga ito kung gusto ba nang mga ito na pumasok sa loob at doon upang tanggapin.  Bagay na pabalang na sinagot nang nakatatandang anak ng Hadi Mahdi kung kanyang mamarapatin.

Na kanyang pinagpilitan at sinabing, “hindi pumasok kayo…napakainit nang araw na ito para hayaan ko lamang kayong nandito! Aayusin ko lamang ang aking sarili at tatanggapin ko rin kayo nang naaayon sa kung ano nakaugalian.”

Tinanggap nang mga ito ang kanyang paanyaya na pumasok sa loob nang kanyang pamamahay. Sinamahan niya ang mga ito sa pagpasok sa loob ng bulwagan-silid at pagkatapos noon nagpaalam siya sa mga ito na mag-aayos at tatanggapin ang mga ito nang naayon. Kasunod iniwan niya ang mga itong naghihintay sa loob nang bulwagan.

Agad bumalik siya sa silid kung nasaan ang kanyang asawa, sa katabing silid malapit sa bulwagan.   Sa pagpasok niya nadatnan niyang natutulog pa rin ito. Sinarado niya ang lagusan. Kinuha niya sa loob ang silid ang mga pinaghubaran. Kinuha niya ang kayumangging Báta na nasa sahig, isang makatwiran at naaayong gayak pang-itaas. Sinuot niya ito sa kanyang katawan. Itinali ang mga sintas. Kasunod noon hinubad niya ang nakatapis na saluwâl sa kanyang beywang. Sinuot ang hinubad na bahag at muli sinuot ang saluwâl at inayos ito nang pakorto na ang laylayan ay isang paa ang pagitan mula sa bukong-bukong nang kanyang mga paa. Nilagyan niya ito nang mga bakal na panara. Inayos sa pagkakatali ang kanyang buhok. Matapos noon lumabas siya sa loob nang madilim na silid na nagpapakita sa mga larawan ng pagbagsak ng kanyang tahanan sa ikalawang pagkakataon. Muli iniwan niya ang kanyang asawa na hanggang sa ngayon ay mahimbing pa rin natutulog. Sinuot niya ang mga sandalyas sa kanyang mga paa na nakakalat sa sahig sa labas nang silid.

Kasunod noon nagtungo siya sa ikalawang palapag nang kanyang tahanan, pumasok sa loob nang kanyang silid at kumuha nang mga pamunas. Matapos noon nagtungo siya sa bukalan, Kinuha sa ilalim nang mataas na lamesa ang isang palanggana. Nilagyan ito nang mainit na tubig na nagmula sa bukalan at saka lumabas nang bukalan at bumalik sa bulwagang silid kung nasaan niya pinaghihintay ang kanyang mga panauhin.

Sa kanyang pagbabalik sa bulwagan nakita niya ang Hadi Mahdi na nakaupo sa isa mga batong upuang nakadikit sa dingding ng silid habang nakatayo ang Hadi Nasrin sa harap ng ama nito at nag-uusap silang dalawa. Nakita niya ang mapagkunwaring ngiti nang Hadezar nang tahanan nang mga Harith.

Humingi siya nang tawad paghihintay na ginawa sa mga ito. Bagay na nararapat lamang sa kanyang mga kalaban. Lumapit siya sa mga ito at sa kanyang paglapit. Tumingkayad siya at ibinaba sa sahig ang palanggana na naglalaman nang malinis na tubig at umupo sa harap ng kabatsoy na Hadezar saka hiningi ang mga paa nito…

Sa kanyang pag-upo ang sabay naman nitong pagtayo…bagay na kanyang pinagtakahan. Bagay na kanyang ikinagulat. Bigla narinig niya ang tinig nang Hadi Mahdi. Wika nito sa kanya, “hindi ko alam na mahusay ka palang pumili Hadezar?”

Habang nakaupo lumingon siya sa kanyang likuran. At sa kanyang pagtalikod sa Hadezar nang tahanan ng mga Harith, habang nakatingkayad ng upo sa sahig nang bulwagan. Nakita niya ang kanyang asawa na isang pangitain na g natatabunan ng liwanag. Wala itong ibang suot kung hindi ang panloob nitong damit na ang laylayan ay hanggang sa bukung-bukong nang mga paa na nakaangat sa ibabaw nang dibdib nito at bahagyang nakatali ang mga sintas.

Agad tumayo sa kanyang pagkakaupo. sa patayo niya natabig ang palanggana na naglalaman nang malinis na tubig na gagamitin sa pagtanggap sa mga Harith. Natapon ito nang bahagya sa paanan nang Hadi Mahdi datapwat hindi ito pinansin ng kabatsoy.

Lumapit ito sa kanila. Narinig niya ang Hadezar nang tahanan ng mga Harith na nagbigay nang paggalang at pagbati sa Adi Hikmet… bagay na binalikan din nang paggalang nito sa kanilang mga panauhin.

Nang may ngiti tinanong niya ito kung nakatulog ba ito ng maayos.

Bagay na sinang-ayunan nito. Tanong nito sa kanya, “ikaw?”

Tumango-tango. Wika niya, “Oo ako rin!” hindi niya magawang tanggalin ang ngiti sa kanyang mukha.

Bigla narinig niya ang pagtawag sa kanya nang Hadi Mahdi dahilan upang lumingon siya dito. Nakita niya sa mga ito ang kanilang hindi inaasahang pagkagulat na makita ang kanyang asawa sa ganitong kalagayan. Mistulang nakahubad ang kanyang asawa sa mga paningin nang mga ito…

Humingi siya ng tawad sa mga ito sa pagkalimot niya na ipakilala ang Adi Hikmet sa mga ito.

Lumapit siya sa Adi Hikmet. Hiningi niya ang kamay nito. Hinawakan nito ang kanyang kamay. Kasunod noon pinakilala niya sa kanyang asawa ang Hadi Mahdi at ang Hadi Nasrin nang tahanan ng mga Harith. Datapwat sinabi nito sa kanya na matagal niya nang kilala ang kanyang ma kalaban. Na kung hindi nila natatandaan ay nagkita na ang mga ito sa kanyang pagsilang bilang ang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat.

Bagay na naaalala nang Hadi Mahdi. Wika nito sa kanya, “siya nga!”

Tumango-tango ang kanyang asawa nang may kagalakan sa mga labi nito.

Kasunod noon sunod niyang pinakilala sa mga ito ang kanyang nag-iisang asawa. Ang Adi Hikmet. Sinabi niya sa mga ito, “ang aking asawa ang Adi nang tahanan nang mga Barakat at nang mga Roshan.” Isang kalakasang hindi maaring pabayaan.

Hiningi nang Hadi Mahdi ang kamay nang kanyang asawa. bagay na ibinigay nang Adi Hikmet dito…tinanggal ito sa kanyang pagkakahawak gayon nagkadaupang palad ang dalawa sa isang sukdulang panghahamak sa kanya. Wika nang Adi Hikmet sa Hadi Mahdi, “salamat Hadezar!”  gayong hindi rin nagtagal ang kamay nang kanyang asawa sa kamay nang kanyang kalaban. Sinabi nang Hadi Mahdi sa kanya ang hindi maitatangging kagandahan at pagiging kakaiba nang kanyang asawa. Muli nagbigay siya ng pasasalamat sa papuring ginagawa nito sa Adi Hikmet.

Matapos nito tinawag nang Hadi Nasrin ang kanyang ama. Halata ang pag-aalala nito sa tono nang pananalita nito. Pinaalala nito dito na nakalimutan niya nang tanggapin ang mga ito sa kanyang tahanan bagay na isa siyang totoo.

Humingi siya nang tawad sa mga ito. Gayong tinanong niya sa mga ito na kung maaari na ba nilang ipagpatuloy ang pagtanggap sa dalawa. At sinang-ayunan nang Hadezar nang tahanan ng mga Harith. Naglaho ang pansin nang hadi Mahdi sa kanyang asawa. ito ang unang bumalik sa pagkakaupo nito mula sa isa mga batong-upuang nakadikit sa dingding nang bulwagang silid.

Sa banta nang kanyang pagbabalik sa kanyang tungkulin sa pagtanggap sa kanyang mga panauhin tinanong ng Adi Hikmet sa kanya kung hindi paa ba nila tinatanggap ang mga ito. Bagay na kanyang sinang-ayunan at inaming hindi pa sa kanyang asawa.

Tinanong nang Adi Hikmet sa kanya na kung maaari ay hayaan niya ito na gumawa nang pagtanggap sa kanilang mga panauhin. Nakaramdam nang pag-aalinlangan…hindi niya gusto na maagang mabahiran nang pagkakamali at kasinungalingan ang pagkatao nang kanyang asawa. masyado pa itong bata na para mangyari ito dito.

Ngumiti ang Adi Hikmet sa kanya. Ngiting hindi maipinta…hiningi nito sa kanya ang mga malinis na pamunas na kinuha niya sa loob nang knayang silid sa ikalawang nang kanilang tahanan.

Sinabi nito sa kanya na hindi dapat nilang pinaghihintay ang kanilang mga panauhin. Bagay na totoo sa mga sumandaling ito.

Binigay niya ang malinis na pamunas na kanyang hawak-hawak sa kanyang asawa. Kasunod noon lumapit ito sa kung nasaan nakaupo ang Hadi Mahdi. Tanong niya sa kanyang sarili tama ba kung sino ang pinakasalan niya…tama ba ang kanyang tinuran na alam niya kung ano ang gusto nito, gayong hindi niya lubusang nakikita ang tunay na kagustuhan nang Adi Hikmet. Nagkamali ba siya sa pagpili…sadya lamang ba siyang napukaw sa pagiging kakaiba nito gayong hinangad niya ito at ngayon sa kawalan nang kalibugan at pagkahumaling nakita niya kung sino ito at ano ito.

Tama ba ang kanyang nakikita.

Tumihaya nang upo ang Adi Hikmet sa harap nang Hadi Mahdi. Kasunod noon hiningi nito ang paa nang Hadezar nang tahanan ng mga Harith. Bagay na ginawa nang hadi Mahdi. Ibinigay nang Hadi Mahdi ang kanan nitong paa sa kanyang asawa. Kasunod noon tinanggal nang Adi Hikmet ang suot nitong sandalyas. Sinimulang hugasan mula sa palangganang naglalaman ng malinis na tubig na galing mula sa bukalan. Inalmuhasan at matapos ay pinunasan gamit ang malinis na pamunas na balikat nang kanyang asawa. Saka sinuot ang sandalyas sa paa nang kabatsoy na Hadezar.

May kamandag ang mga ngiting ipinupukol nito sa kanyang Adi Hikmet. Mapanira at busabos na akala ay kung gasino…

Hindi niya matiis ang ginagawa nang hadezar ng tahanan ng mga Harith sa kanyang maybahay. Tanong niya sa Hadezar, “Hadezar akala ko ba may sasabihin kayo sa akin kaya kayo napadalaw sa aking tahanan”

Gayong tumugon ang Hadi Nasrin na hindi nalalayo sa kung nasaan siya at pinaalala sa ama kung ano ang dahilan nang pagpunta nang mga ito sa kanyang pamamahay.

Tugon nang hadi Mahdi sa kanila, “hindi ba’t isang malaking kalapastanganan na magsalita kung ano ang aking ikinapunta sa tahanan ng mga Barakat kung hindi pa nila ako tuwirang tinatanggap!” Ngumiti ang Hadi Mahdi.

Wika nang Hadi Nasrin, “kung ganon ako na ang magsasabi sa iyo…Hadezar! Nakalimutang sabihin sa iyo ng aking ama ang tungkol sa kalagayan ng iyong pamamalakad sa iyong tahanan!”

Pagtataka niya, “bakit—may mali ba akong nagawa na hindi niyo nagustuhan?”

Gayon din sa pangalawang pagkakataon hiningi naman nang Adi Hikmet ang kaliwang paa nang Hadi Mahdi at tulad nang kung ano ang nakaugalian pinagbigyan, hinubad ang sandalyas sa paa hinugasan ito…inalmuhasan at matapos ay pinunasan nang malinis na pamunas na nakalagay sa ibabaw nang binti nang Adi Hikmet saka ibinalik ang sandalyas sa paa nito.

Wika nang Hadi Mahdi sa kanya, “hindi naman sa ganon Hadezar, kaya lang alam mo na—tinitignan lang naman namin kung napapabayaan mo ba ang iyong mga tungkulin. Lalo pa at ngayon ay bagong kasal ka at ang iyong pagtingin ay nasa iba! Nangangamba lang naman kami na baka napapabayaan mo na ang iyong mga gawain.”

Kasunod noon tumayo ang Had Mahdi sa pagkakaupo nito. Sinundan ito nang Hadi Nasrin sa pagtanggap sa tahanan ng mga Harith ng kanyang asawa. Umalis ito malapit sa kanyang tabi. Sumunod sa kung nasaan ang ama nitong Hadezar malapit sa kanyang asawa.  Umupo sa parehong batong upuan na kinaupuan nang ama nito habang sunod itong tinanggap ng kanyang asawa.

Sinimulang tanggapin nang kanyang maybahay ang asawa nang kanyang nakatatandang kapatid. Ibinigay nang Hadi Nasrin ang kaliwang paa nito sa Adi Hikmet. Tinanggal nang Adi Hikmet ang sandalyas sa paa ng panganay na anak nang Hadezar. Kasunod noon sinimulan itong hugasan at ibabad palangganang naglalaman nang malinis na tubig. Inalmuhasan. Kinakausap ito nang Hadi Nasrin…hindi niya marinig kung ano ang pinagbubulungan nang dalawa.

Kasabay noon wika niya sa mga ito, “kung gayon wala kayong dapat na ipag-alala Hadezar…ang totoong iyan ay malaki ang aming naiangkat na mga binhi mula sa mga mangangarabana na gaya nga sinabi niyo bakit hindi ko iyon pinag-isipan na aking ginawa at tinalima kung hindi niyo napapansin bumalik sa dati ang aming mga lupain…sa katunayan nga naghahanda na kami para sa pagpasok nang pagdiriwang nang pag-aani.”

Pagtataka nang Hadi Mahdi sa kanya, “Talaga?” datapwat mabilis na nagbago ang pananalita nito at pambawi nito. At binalikan nang pananalita at pagsabi sa kanya, “mabuti naman kung ganon…”

Matapos ang pagpunas sa kaliwang paa nang Hadi Nasrin muli namang hinugasan nang Adi Hikmet ang kanang paa nang Hadi Nasrin. Gayon din, sa pangalawang pagkakataon, hinugasan, inalmuhasan at matapos ay pinunasan nang malinis na pamunas ang paa nito.

Wika niya, “iyon po ang totoo…patawarin niyo po ako ang totoo kahit ako ay nakalimot na pasalamatan kayo sa mga itinulong niyo sa akin matapos na mamatay ang aking ina. Gusto ko sanang tanawin itong malaking utang na loob sa inyo kung inyong mamarapatin at hindi mamasamain?”

Pagtataka nang Hadi Mahdi, “bakit naman hindi?”

Ngumiti siya. Nagpasalamat siya sa mga ito…isang kataksilan sa kanyang pagkatao. Hindi nagtagal tuluyang nang tinanggap nang kanilang tahanan ang kanyang mga kalaban ng buong-buo at matuwid. Kasunod noon tumayo ang Adi Hikmet sa pagkakaupo nito sa harap nang Hadi Nasrin. Lumapit ang Hadi Nasrin sa kung nasaan sila.

Sa paglapit nang anak nang kanyang kalaban niyaya niya ang mga ito na mag-almusal sa kanilang tahanan. Bagay na pinagtakahan ng Hadi Mahdi. Tinanong nito sila kung ngayon lang sila mag-aagahan gayong mataas na ang sikat nang araw at tanghali na. Nakakahiya mang isipin at tanggapin ngunit ito ang totoo. Datapwat tumanggi ang Hadi Mahdi sa kanilang paanyaya. Bagkus sinabi nito sa kanila na may mga mahahalaga pang pupuntahan ang mga ito at kinakailangang asikasuhin.

Sa kanilang paglabas sa loob nang bulwagan kasama ang Hadi Mahdi at ang panganay nitong anak sabay na kumilos ang mga Anino na nasa loob nang kanyang tahanan na mga nakatirik sa mataas na sikat nang araw at naghihintay nang susunod na pagkilos.

Sa pagbaba nila sa nakaangat na sahig nang tahanan bigla nagbago ang ayos nang mga ito. Naghanda at nagsimulang kumilos.  Bagay na kanyang hinahangaan. Sinamahan niya ang mga ito palabas sa kanilang tahanan at patungo sa lagusan.

Gayong sa kanilang paglalakad palabas nang tahanan at nakabukas na lagusan kung nasaan makikita ang mga alagang asong-gubat nang tahanan nang mga Harith, gayon ang iilan sa mga Anino pa nang mga ito. Niyaya sila nang kanyang asawa nang mga ito na kung maaari ay pagbigyan sila sa isang hapunan…bagay na hindi niya tinanggihan at sinabing sino ba naman siya para tumanggi sa kapwa hadezar.

Bago tuluyang lumabas at umalis sa kanyang pamamahay tanong nito sa kanya, “kung hindi mo mamasamain at iyong pahihintulan maaari ba akong magtanong sa iyo?”

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Tanong nang Hadi Mahdi sa kanya, “totoo ba na kaya mo lang pinakasalan ang Adi Hikmet ay …hindi siguro!”

Pagtataka niya, “ano ho ba hadezar? Ano ang gusto niyong malaman!” Sinubukan niyang pilitin na sabihin sa kanya nang kabatsoy na Hadezar ang kasinungalingang hindi niya pa naririnig at pinaniniwalaan nitong bukang bibig.

Gayong pagpapatuloy nang Hadi Mahdi, “totoo ba na ay may nangyari na sa inyo nang iyong asawa bago mo ito pakasalan at kinakailangan mo itong panagutin? Hindi naman natin maitatanggi ang alam mo na ang pagiging kakaiba nang iyon asawa!”

Wika nang Hadi Nasrin sa kanya, “isang halimaw!”

Nabaling ang kanyang pansin sa asawa nang kanyang nakatatandang kapatid. Talagang wala itong nalalaman sa kung ano ang pinagsasabi nito…hindi nito alam ang tunay na kahulugan nang isang halimaw. Bigla ngumiti siya nang may singhal. Nabaling ang kanyang kamay sa braso nang Hadi Mahdi. Wika niya sa kanyang kalaban, “patawarin mo ako Hadi Mahdi pero mukhang nagkamali ka sa mga narinig mo. Ang totoo hindi buntis ang aking asawa!” Kasunod noon nabaling ang kanyang pansin sa kanyang asawa na nakadungaw sa kanila at dala ang palangganang naglalaman nang malinis na tubig at pinanggamitang pamunas.

Hindi nawala ang knayang ngiti sa kanyang asawa, kahit mula pa kanina na mistulan itong pangitain sa unang pagkakataon na masilayan niya ito. Isang ngiting totoo. Sinabi niya sa kanyang sarili ito ang kanyang asawa…ang tahanan nang mga Barakat. Gayon hindi magtatagal ang mga kumakalat na bulongbulungan na ito ay magkakatotoo at hindi na maitatanggi pa.

Wika niya sa Hadezar, “pero alam niyo naman hindi ba Hadezar…asawa ko siya palagi kaming magkasama. Magkagayon man at malaman ko na nagbubuntis ang aking asawa Adi Hikmet kayo mismo ang una-unang kong pagsasabihan! Ahd’eger.

Wika nang Hadi Mahdi sa kanya, “siya nga?”

Wika niya, “walang kadudaduda!”

Matapos noon nagpasalamat siya sa kabatsoy na Hadezar sa pagpunta at pagkikita nang mga ito nang kanyang asawa…na ang totoo ay balak niya naman talaga na magkadaupang palad ang dalawa gayong naniniwala siya sa takdang panahon kung kailan handa na ang lahat.

Bagay na tinanggihan nang Hadezar ng tahanan ng mga Harith at gayong sinabi sa kanya na wala siyang dapat na ipagpasalamat sa mga ito na sa katunayan pa nga ay sang mga ito ang dapat na magpasalamat nang marami sa pagkakakilala at pagkakita nang hindi inaasahan sa kanyang asawa at may bahay na si Adi Hikmet.

Wika nang Hadi Nasrin sa kanya, “ang tangkad pala nang asawa mo Hadezar? Higante…”

Isang pagkakamali ang pagpunta nang mga ito sa kanyang tahanan at ang panghahamak nang mga ito sa kanyang kapangyarihan upang makilala lamang siya nito nang husto at ang kanyang asawa. Matanda na ang Hadi Mahdi hindi nga lang kasing tanda nang ninoman, ni nang Hadi Khalil o nang Hadi Hagir pero hindi maikakaila na ang kapangyarihang tinatamasa nito sa loob nang mahabang panahon at ang pamumuno nito ang nagpapatanda dito. May kaguluhan sa loob nang tahanan nang kanyang mga kalaban. Napansin niya sa Hadi Nasrin na hindi maikakaila ang kagustuhan nito na palitan ang ama. Bagay na hindi hahayaang mangyari nang kabatsoy na Hadezar.

Matapos noon tuluyan nang umalis ang mga ito sa kanyang tahanan. Lumapit siya sa pintuan. Sinarado niya ang lagusan ng kanyang tahanan at kasunod noon bumalik siya sa loob nang kanyang pamamahay. Nagtungo sa loob ng silid lutuan kung nasaan nakita niya ang Adi Hikmet na nakatayo sa likuran ng kahoy na lamesa at ibinababad ang mga pamunas na ginamit ng mga Hadi ng mga Harith sa pagtanggap sa palanggang pinaggamitan.

Tanong nito sa kanya, kasabay nang kanyang pagpasok, “wala na sila?”

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Wika niya sa Adi Hikmet, “hindi mo dapat ginawa iyon!”

Lumingon ito sa kanya. Wika nito sa kanya, “kailangan kong gawin iyon!”

Sumang-ayon siya dito. Nagpasalamat siya sa kanyang asawa sa tulong ibinigay nito at ginawa nito sa kanya. Kasunod noon tinanong niya ang kanyang asawa kung gusto ba nitong kumain bagay na sinang-ayunan nito.

Lumapit siya sa kanyang asawa. Sinimulan niyang maghanap nang kutsilyo at nang nakakita siya kinuha niya ito. Kumuha siya nang laman nang isang Tapir na nakasabit sa kawit sa ibabaw nang kusina. Napalingon ang Hadi Yasir sa kanyang asawa. pabiro niyang sabi sa kanyang asawa, hindi ka tatanggi…hindi kita hahayaan.”  Nilapag niya ang hiniwa niyang karne sa lamesang gawa sa kahoy. Isa-isa niya itong hiniwa at inilagay sa isang palayok na nagtataglay nang malinis na tubig. Pinakuluan niya ang mga ito at nang kumukulo na saka niya tinadtad ang mga ito.

Lumingon ito sa kanya habang hinihiwahiwa niya ang laman ng karne nang tapir. Ngumiti ito sa kanya. Nabaling siya dito.

Pagtataka niya, “bakit?”

Umiling-iling ito. Sinabi nito sa kanya, “wala naman…”

Pinilit niya ang Adi Hikmet. Sinabi niya, “sige na! sabihin mo na.”

Pagtataka nang Adi Hikmet sa kanya na may panunukso, “takot ka?”

Kasunod noon sunod niya itong ginisa kasama nang pinakuluang gatas na mula sa puno ng buri.

Nagtaka siya. Tumingin siya sa kanyang asawa kasabay noon pumanlantik ang mga basang mga daliri nito at natalsikan siya nang tubig mula sa kamay nito.

Kasabay noon inamoy nito ang dulo nang mga daliri nito. Nang may pagtataka wika niya sa kanyang asawa, “hindi ba at kakatwa na may mabahong amoy ang paa nang Hadi Mahdi?”

Nagulat siya sa sinabi ng Adi Hikmet. Pinaamoy ito sa kanya bagay na nakakadiri at nanunuot sa ilong nang matagal. Ngumiti siya nang wagas…labas ang ngipin at saka tumango-tango.

Pagpapatuloy nang kanyang asawa, “ganon pa man, hindi maitatanggi na takot ka sa Hadi Mahdi!”

Tumalikod ito sa kanya. Nagulat siya sa sinabi nito sa kanya. Hindi niya inasahan na maririnig ito sa Adi Hikmet.

Pagtataka niya, “ano?” Binaba niya ang panghiwa sa mataas na kahoy na lamesa sa gitna nang silid-lutuan “Sandali lang…ano ang sinasabi mo!” nang may nakakahiyang ngiti sa kanyang asawa.

Lumingon ito sa kanya nang nakangiti ito at may panunuyo.  Wika nang Adi Hikmet, “takot ka! Wala naman akong ibang ibig sabihin. Takot ka at anong masama kung takot ka?”

Pagtataka niya, “ako—takot?  Hindi…hindi siguro! Parang hindi mo alam kung anong kayang gawin nang Hadezar ng tahanan ng mga Harith.”

Wika nito sa kanya, “gayon pa man takot ka!”

Pagtataka niya, “hinahamak mo ba ako?”

Tumanggi ang kanyang asawa na sagutin ito.

Lumapit siya dito. Humarap siya dito habang nakasandal ito sa batong lamesa nang silid sa may hugasan na may malalim na lungaw. Ipinatong niya ang mga kamay niya sa batong mesa na pinaghuhugasan. Tumingin siya dito. Tinignan siya nito.

Wika niya, “hindi ako takot, sa kanya…sa iyo o kahit sa kaninoman!”

Wika nito sa kanya habang ilang pulgada lamang ang pagitan nang kanilang mga mukha, “talaga? Kung ganon ano iyon. Ano ang nakita ko?”

Tanong niya dito, “gusto mong malaman?”

Nang mahina at pabulong wika nito sa kanya, “ipakita mo sa akin!”

Ngumiti siya. Ang laro nang pagsisinungaling. Ang kanyang mga kalaban ay malakas, hindi maipagkakaila ang kalakasan na tinataglay nang mga ito ngunit hindi rin maipagkakaila na nagsisimula ng magbago ang takbo ng kanyang buhay.

Sinabi niya sa Adi Hikmet kung ano ang kinakailangan nitong malaman. Habang Nakayuko ito at nakatingin sa kanya at siya nakatingin dito. Malapit ang mga labi sa isa’t isa na kung na lamang ay naglapat at maghalikan. Wika niya dito, “hindi ako takot…wala akong kinatatakutan. Ni minsan hindi pa ako natakot! Iyon ay mga pagbabakasakali…paglalaro. Pagsisinungaling. Walang halaga sa akin ang kabatsoy…”

Tanong nito sa kanya, “kung ganon ano siya sa iyo? Ano ka sa kanya?”

Wika niya, “kalaban! Bagay na may halaga! Sagabal?”

Wika nito sa kanya, “ano ako sa iyo?”

Wika niya, “asawa ko!”

Inilagay niya ang kanyang kamay sa ilalim nang mukha nito. Kasunod noon umangat siya, inabot ito at hinalikan ang asawa. Ibinaba niya ang kanyang mga kamay paibaba sa mga balakang nito. Hinalikan siya nito pabalik lumapit ito sa kanya. Ipinasok nito ang kamay nito sa kanyang saluwâl hinatak ang suot niya ng bahag. Kasunod noon tinanggal niya sa pagkakatali ang suot niyang saluwâl. Bumagsak ang tela sa sahig habang naiwang nakaipit ang dulo nito sa mga bakal na panara na nasa kanyang binti. Gayong nahubdan siya…niyakap siya nang Adi Hikmet. Pinamunuan siya nito. Ipinasok niya ang kanyang uten sa loob ng kaluban nito. Habang nakasandal ito sa batong lamesa, malapit sa mataas na lamesang kahoy sa gitna nang silid lutuan at hawak nito ang pisngi nang kanyang puwet. Kinantot niya ito…kinantot niya ito ng kinantot. Pinamunuan niya ito tulad ng kung paano siya nito pinamumunuan…

Hanggang sa nasunog na ang kanyang niluluto at hindi na sila nakapagtanghalian pa. nasayang lamang ang kanyang niluto…Nang gabing iyong pinagsaluhan nila ang kanilang mga sarili…ang mga katawan na nagawa nilang matutunan at kilalanin nang lubusan.

Sinabi niya sa kanyang asawa na gusto niyang gawin ito araw-araw kahit anomang sandali sa bawat pagkakataon. Na ito ang pinakamaganda at ang pinakamasaya. Na wala siyang pakialam kahit hindi na sila lumabas pa nang kanilang silid…at manatili na lamang sila dito habang-buhay.

Kahit ang Adi Hikmet gustong magkasama at hindi na sila magkalayo pa.

Tinanong niya ito kung ano ang pakiramdam. Sinabi nito sa kanya na nakakatakot gayong hindi na ito nakapagtataka pa sa kanila. Pinagtapat nito sa kanya na hindi nito alam kung ano ang gagawin at kung paano ang pagkilos. Na ang totoo inakala nito na madali lang ang lahat, na hihiga lang at bahala na ang asawang lalake na gumawa nang gusto nitong gawin datapwat hindi iyon ang totoo, datapwat hindi iyon ang inasahan nito.

Tinanong niya sa kanyang asawa kung wala bang nagturo dito.

Sinabi nang Adi Hikmet na meron…ang ina nitong si Adi Arwa. Sinabi nito sa kanya na tinuro nito dito ang iba’t ibang paraan. Bawat uri at anyo. Na ang ina nito ang nagturo sa kanya kung papaano nito lubusang magugustuhan sa sandaling makapag-asawa ito at mangyari ang unang gabi nang pag-iisang dibdib. Hinayaan nang ina nito na hawakan ang sarili nito. Gayon pa man hindi nito inasahan na ganito ang mangyayari.

Kasunod noon tinanong siya nang kanyang asawa kung saan ito natuto.

Sinabi niya sa Adi Hikmet na likas niya itong nakahiligan…hindi nagtagal natutunan niya ito sa kanyang mga nakatatandang mga kapatid na mga babae. Ito ang una niyang karanasan. Natuto siya sa mga ito nang malaki…na hindi nagtagal nakalimutan niya ang bagay na ito. Gayong nakakalungkot mang isipin iyon ang totoo.

Tinanong sa kanya nang kanyang asawa kung may iba pa bukod sa dito at sa mga kapatid nito.

Gayong sinabi niya sa kanyang asawa na mayroon siyang mga nakilala. Nagustuhan siya. tinangkilik siya at tinangkilik niya pabalik. Ngunit lahat naging panandalian at walang nagtagal ni isaman. Inamin niya na hindi siya seryoso sa mga ito o kahit kailan hindi niya hinangad ang mga ito at palipasan lamang. Hanggang sa nakakilala siya, nagustuhan niya at nagustuhan siya. Nagkagustuhan sila sa isa’t isa. Makailang ulit din na may nangyari sa kanila. Masaya…masaya na makasama niya ito gayong hindi itong lubusan at may kapanatagan. Iniwan siya nito at pinili ang maskarapatdapat kaysa sa kanya. Nasaktan siya ginawa nito sa kanya…kaya sinaktan niya ito pabalik. Gayon pa man nagpatuloy siya sa kanyang buhay, may mga nagkagusto sa kanya, tumangkilik sa kanya at tinangkilik niya.

Tinanong sa kanya nang kanyang asawa kung iyon ba ang unang beses na nagawa niyang makapanakit at makasakit nang iba.

Bagay na kanyang itinanggi. Sinabi niya ang una ay noong maliit pa lamang siya bata ito kagaya niya. Ito ang unang nanakit sa kanya…sinaktan siya nito ngunit binalikan niya ito nang matindi. Gayon matagal na itong patay.

Tinanong niya sa kanyang asawa kung ano ang pakiramdam na makapangaso ito sa unang pagkakataon. At sinabi nito sa kanya na wala itong ibang naramdaman kung hindi ginhawa at pagiging kabahagi nang isang pangkat.

Tinignan siya nito. Bumangon ito sa pagkakaunan niya sa kanyang dibdib. Ngumiti siya. Tanong niya sa kanyang asawa, “gusto mo bang samahan ako na umikot sa ibang mga tahanan?”

Gayong pumayag ito at sumang-ayon.

Nang sumunod na araw sinimulan nang Hadi Yasir na isama ang Adi Hikmet sa pag-iikot at pakikihalubilo sa mga Jingkar na nasa ilalim nang kanyang patnugot. Sa unang araw nito marami itong nakilalang mga Adi at Hadi. Sinabi niya sa kanyang asawa na ito ang dahilan kung bakit ginagawa nito ang pag-iikot sa mga nasasakupan. Sa bawat paglipas nang bawat pananghalian nilibot nila ang buong lupain na kanyang kinasasakupan.

Pinakilala niya dito isa-sa ang mga patnugot nang iba’t ibang lupaing nasa ilalim nang kanyang patnugot. Ang limang tahanan may-ari ng lupa at patnugot sa sakahan ng maisan, ang dalawang tahanan na may-ari nang lupa at patnugot sa paghahalaman ng prutas nang jaboticaba, ang tatlong tahanan na may-ari ng sakahan ng mga puno ng rimas, ang tatlong tahanan na may-ari at patnugot sa taniman ng mga buri, ang tatlong tahanan na may-ari at patnugot sa taniman nang bulak, ang dalawang tahanan na may-ari at patnugot ng mga nagtatanim ng mga halamang kohlrabi, ang tahanan na may-ari at patnugot nang sakahan ng mga halamang Cafir at ang mga kalipunan nang mga Hadi at Adi na nag-aalaga, nagpaparami at nagbabalat sa mga ahas na Markupo malapit sa mahabang ilog.

Naging mabuti ang mga ito sa kanyang asawa na binalikan nang Adi Hikmet nang higit na kabutihan na may kasamang pag-aalala na kahit sinoman sa mga nakaraang mga pinuno at bahagi nang kanyang pinagmulan ay hindi nagawa. Saksi siya sa pagmamahal ng mga ito sa kanyang asawa.  Hinangaan at minahal nila ang Adi Hikmet. At dahil dito nagsimulang pagkatiwalaan siya at kilalanin nang mga Jingkar na nasa ilalim nang kanyang pamumuno. Naglaho sa kanila ang kanyang kahiwagahan. Naglaho sa kanila ang pagbagsak nang kanyang tahanan mahigit dalawampung taon na ang nakararaan.

Ang kanyang pangalan ay kinilala at kasabay nito umangat ang kanyang asawa bagay na pinangambahan at binalaan na sa kanya nang Hadezar nang tahanan ng mga Harith. Ngunit walang sinoman ang makakapigil dito na gawin nito ang dahilan ng kanyang katanyagan, kahit siya na maraming pagkakataon. Kapag nakikita niya ito na kasama ang alinman sa mga may-ari nang lupa na nasa ilalim ng kanyang patnugot. At nakikisalamuha, at nakikipagtalastasan, tumatawa, umiiyak at nalulugod hindi niya kayang ipagkaila dito ang bagay na nagpapasaya sa Adi Hikmet.

Nang umagang ito, sa pagpasok niya sa loob ng silid lutuan habang hinahanda ang kanilang pananghalian nakita niya ang kanyang asawa na umiinom ng tsaa na mula sa halamang mansanilya.

Niluto niya ang apahap sa kawali, nilamas sa asin na bato at kasabay nang pagluto ay binudburan nang maanghang na pampalasa at dayap. Pagkaluto ay itinabi at saka hinanda ang diyam na mula sa bunga ng jaboticaba at huling nilaga ang hiniwahiwang rimas.

Habang ginagawa nito, ikinuwento niya sa Adi Hikmet ang isang nakakatawang biro tungkol sa dalawang lalakeng usisero na pinagtatalunan kung ang kanilang nakita ay isang babae o isang baboy. Sinasabi nang isa na babae ang nakita nila, isang pangkaraniwang babae na bigatin sa pagkakaroon nang malaking balakang at malaking dibdib. Ngunit pilit na ginigiit ng isa at sinasabing ang kanilang nakita ay isang baboy. Para makasiguro nilapitan nila ito at tinanong dito kung ba ito.

Tinanong siya nang Adi Hikmet kung ano ito.

Sinabi niya sa kanyang asawa na isa itong babae…na ang tanging pagkakamali lamang ay pinagkamalan nila ito kaya sa katangahan nang mga lalake ay sumagot ito nang tunog baboy.

Tinanong siya nang Adi Hikmet kung biro ba ang ginawa nito o kwento.

Ngumiti siya at saka tumawa ng malakas. Umiling-iling ang Hadi Yasir.

Sinabi niya sa kanyang asawa na kaya ito ginawa nang babae ay dahil iniisip nang mga ito ang isang bastos na gawain.

Hinanda niya ang buhong na may mga tenga ng mais at niligis na manioc na may gatas ng puno ng buri. Pinagsamasama sa iisang lalagyan ang nilutong rimas na may katas ng Jaboticaba at pritong-apahap.

Pinagsaluhan nila ang kanilang pananghalian. Sa gitna nang panananghalian, tinanong sa kanya nang Adi Hikmet kung ano ang nangyari sa pagpupulong ng mga Hadezar ngayong araw, kaninang umaga.

Nagtaka siya. Tinanong dito kung kanino nito nalaman ang bagay na iyon.

Sinabi nito sa kanya na may nakakita sa kanila na patungo sa loob nang tore ng mga Hadezar.

Sinabi niya sa kanyang asawa ang paghihigpit at pagbabawal sa pagluluwas nang kanilang produkto at serbisyo sa pamilihang panlabas mula sa kanilang lupain. Natatakot ang mga Hadezar, lalong-lalo na ang Hadi Mirza at Hadi Mahdi na baka malaki ang mawala sa Ja’khar kung hahayaan lamang na malaya ang pagluluwas nang walang paghihigpit.

Tinanong siya nang Adi Hikmet kung ano ang kanyang naging tugon. Sinabi niya dito na sumasang-ayon siya sa hakbangin ng mga Hadezar na makabubuti sa kanilang lipunan ang mayroong pagpigil.

Tinanong ng kanyang asawa kung paano ang pagpasok ng mga produkto at serbisyo ay kung hindi rin nila paghihipitan.

Sinabi niya dito na wala siyang nakikitang masama.

Pagtataka nang Adi Hikmet kung hindi ba kalahati nang kanilang kinakain ngayong araw ay galing sa ibang lugar.

Tinanong niya ang Adi Hikmet kung ano ang ibig sabihin nito.

Tumanggi ito. Sinabi nito sa kanya na wala lang at naisip lamang nito ang bagay na iyon. Pinaalala nito sa kanya na bilang isang hadezar hindi ba makabubuti na kaysa pigilan ang pagluluwas pag-ibayuhin pa itong lalo at ang pagpasok ng mga kalakal ay palawakin pa. Sinabi nang kanyang asawa na bilang isang hadezar hindi ba nito gugustuhin na makita ang kanilang bayan na sagana at kilala gaya nang Asbalta sa kanluran at Qaa’ur sa katimugan.

Tinanong niya ang asawa kung ano ang tingin nito.

Sinabi nito sa kanya na tama ang ginagawa niya…na sumang-ayon siya at panghawakan kung ano ang makabubuti sa Ja’khar. Pero iba ang makabubuti kung palalaguin at pagyayamanin sa mabuti at mataas na kagustuhan.

Matapos ang kanilang hapunan habang nakahiga sila sa kama sa loob nang kanilang silid na nagpapakita nang larawan nang pagbagsak sa ikalawang pagkakataon ng tahanan ng mga Barakat, niyaya niya ang kanyang asawa kung gusto ba nitong maghapunan kasama nang tahanan ng mga Harith. Tinanong siya nito kung bakit. Sinabi niya inanyayahan siya nang mga Harith na magkaroon nang maliit na salusalo matapos ang pista nang mga mangingisda. Nagpaalam sa kanya ang Hadi Mahdi matapos ang kanilang pag-uusap tungkol sa pagapatayo nang mga bagong imbakan at gusali gayon din para sa pag-aayos nang mga daanan.

Tinanong sa kanya nang Adi Hikmet kung napag-usapan ba nila ang tungkol sa paghihigpit sa pagluluwas. Sinabi niya na hanggang ngayon ay buo pa rin ang pasya nang kalipunan at wala siyang magagawa para tanggalin ang pagpapasya. Tanong niya sa kanyang asawa, “sa tingin mo?”

Tugon nang Adi Hikmet, “wala akong nakikitang masama…kung gagawin natin iyon!”

Nang gabing iyon pinagsaluhan nila ang kanilang sarili. Pinag-ulayaw nila ang gabi…naging malalim ang bawat hikbi at ingay na kanilang nililikha sa kanilang mga katawan. Mabilis at mabilis hanggang sa bumagalbagal ang bawat paghinga nang kanilang pag-uulayaw…

Nilinis nila ang kanilang tahanan. Sinimulang tamnan nang Adi Hikmet ang nakatiwangwang na lupa sa malawak na lupain. Inayos niya ang pasilyo at ang bulwagan ay ang naging lugar nang kanilang hapunan.

Tuluyan nilang sinara ang silid sa itaas habang nanirhan sila sa unang palapag nang tahanan. Sinabi nang Adi Hikmet sa kanya na ang silid na ito ay hindi dapat kalimutan bagkus dapat maging paalala sa kanilang kinabukasan. Ang bawat pasilyo ay nagkaroon nang luntian at ang malawak na lupain nang magandang kapaligiran.

Sa pagpasok niya sa loob nang bukalan tinawag niya ang kanyang asawa habang nagbabad ito. Tinanong niya dito kung ano ginagawa nito sa pagtitipon nang mga may-ari nang lupa. Bagay na pinagtakahan ng kanyang asawa. Sinabi nito sa kanya na naghahanda na ang kanyang nasasakupan sa nalalapit na pista nang pag-aani ilang buwan bago ang pista nang mga mangingisda.

Tinanong niya ang kanyang asawa kung nakipag-inuman ba ito sa mga Hadi. Bagay na itinanggi nito. Sinabi nang Adi Hikmet sa kanya na hinatak siya nang mga Adi patungo sa isang kubo. At tinuruan nang panlalamas—ang sayaw nang mga butil sa mapanghing tela na nakatupi ang gilid at pinapagpag nang mga Adi. Sinabi niya sa Adi Hikmet na ginagawa ang pagsasayaw nang mga butil sa paniniwala na kapag masmarami ang buto na tumatalon ay marami ring aanhin pagdating nang susunod na taniman.

Tinanong niya kung niyaya rin ba ito nang mga Hadi na magtungo sa lungaw. Bagay na itinanggi nang Adi Hikmet.

Sinabi nito sa kanya na hindi nito nagugustuhan ang kapusukang tinataglay nang pagsasabong nang dalawang asong-gubat para sa isang katuwaan na kinakailangan nang pananakit. Sinabi nito sa kanya na hindi rin nito nagugustuhan ang amoy nang mga lasing na nagbibigay sa kanyang katawan nang pagkahilo. Ni ang tagatak nang pawis na lalong tumitindi sa sakit nang kanyang ulo na nararamdaman.

Tinanong siya nang Adi Hikmet kung nakapunta na siya sa isang lungaw. Bagay na hindi niya itinanggi. Sinabi niyang makailang ulit na siyang nakapunta ngunit matagaltagal na rin nang huli niya itong mapuntahan.

Niyaya siya nitong samahan itong maligo at magbabad sa mainit na tubig ng bukalan bagay na kanyang ginawa. Hinubad niya ang kanyang mga suot na damit, ang kanyang saluwâl na kayumanggi at ang kanyang Báta na kayumanggi. Sinabayan niya ito sa bukalan. Lumangoy patungo dito sa gitnang ng lawa, sa malalim na bahagi. Nakakatawang isipin na malalimman ang bahaging ito nang bukalan ay hindi ito ganong kalalim sa kanila.

Sinabi nang Hadi Yasir ang isang kwento tungkol sa kanya sa bukalang ito noong bata pa lamang siya. Naalala niya noong nabubuhay pa ang kanyang abu kung paano siya nito tinuturuan lumangoy… hanggang isang beses nawala siya sa paningin nito at sinagip siya nito sa pagkakalunod. Bagay na ikinalungkot nang Adi Hikmet.

Sinabi niya na wala itong dapat na ikinalungkot. Ngumiti siya, higit pa sa ibang araw na nakikita siya nitong masaya. Nagtaka ang Adi Hikmet sa kanya kung bakit kakaiba ang sayang nararamdaman niya ngayong araw na ito.

Sinabi niya sa kanyang asawa na bakit hindi nito tanungin sa kanya kung ano ang naging dahilan nang kanyang kasiyahan.

Tinalima ito nang Adi Hikmet. Tinanong siya nito kung bakit siya naging masaya at sinabi niya ay pinag-usapan nila ang paghihipit sa mga pagluluwas ng kalakal at tuluyan ng tinanggal ang paghihigpit.

Bagay na ikinatuwa nang Adi Hikmet.

Ngunit pinagtapat niya na may kapalit ito.

Tinanong nang Adi Hikmet kung ano ang kapalit.

Sinabi niya sa anomang sandali na may makita sila na pagkakamali muli itong ibabalik. Iyon lang ang tanging paraan.

Sinabi nang Adi Hikmet na ang tanging magagawa lang nila ay pagbutihan ang kanilang gawain.

Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Kagyat, sa kabila nang pagmamasid nito sa bukalan wika nito sa kanya “tignan mo.” Nabaling ang kanyang pansin sa isang batang Adi na nakaukit sa muog nang pamosong bukalan habang pinagmamasdan ito nang Adi Hikmet. Tanong nito sa kanya, “bakit siya umiiyak!” Habang nakatingin siya dito at ito sa kanya.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot.

Tanong nito sa kanya na kung susuriing mabuti ang nakaukit na batang babae sa dingding nang bukalan ay makikitang naka-ukit din sa iba’t ibang bahagi nang ng silid. Na kung tutuusin ay apat na beses itong nailarawan at ngayon niya lamang napansin. Tinanong siya nito kung hindi ba ito nahihiwagahan kung bakit at anong dahilan.

Sinabi niya na nahihiwagahan siya datapwat inamin niya na ngayon niya lamang ito napansin at nakita.

Inakala nang kanyang asawa na siguro mahalaga sa nang-uukit ang batang babae. Siguro ang batang babaeng tinutukoy sa mga larawan ay ang isa sa mga anak nang nag-uukit.

Ang unang nilang pagkikita ay hindi maikakailang pinakakakaiba ngunit sadyang tama para sa kanya. Hindi niya maitatanggi na hindi siya nagkamali sa kanyang ginawang pagpili sa babaeng sa unang beses pa lamang na pagkikita ay pinagnasaan niya na sa kanyang isipan. Alam niya ang maling iyon ay hindi na magbabago pa. Alam niya kung anoman ang kanyang ginawa ay kinakailangan niyang bayaran nang higit pa sa kanyang buhay.

Pagkalambot nang Karne sa pananghalian, Sinama niya ito sa pinakuluan niyang gatas nang buri na may kasamang niligis at tinadtad na gulay. Pagkaluto pinatikim niya ito sa Adi Hikmet. Tinanong niya kung nagustuhan ba nito ang lasa. Bagay na sinang-ayunan nito.

Habang nagtatanghalian sila tinanong siya nang Adi Hikmet kung nagselos ba siya nang minsang pumunta sa kanilang tahanang mag-asawa ang Hadi Mahdi at Hadi Nasrin at sa malagkit na pagkakatitig nang Hadezar sa kanya.

Bagay na hindi niya itinanggi.

Tinanong siya nang Adi Hikmet kung isa ba siyang seloso.

Itinanggi niya ito. Sinabi niya hindi niya alam kung isa siyang seloso.

Tinanong niya ang kanyang asawa kung bakit ito naitanong sa kanya. At sinabi sa kanya na naitanong lang.

Sa gitna nang kanilang panananghali napansin nito ang kanyang iniinom. Nagtaka ito sa kanya. Tinatanong nito sa kanya kung nakailang-inom na siya nang nakakalasig na inumin. Nabaling ang kanyang pansin dito. Hindi niya na magawa pang maitago ang kanyang kalasingan ng tanghaling ito.

Sinabi niya sa kanyang asawa na wala itong dapat na ipag-alala at hindi pa siya tuluyang nasisiraan ng bait.

Bagay na hindi nito pinaniwalaan.  Nakita niya ang pag-aalala sa kanyang asawa. Ang kalabisan na kanyang ginagawang pag-inom bagay na sa tingin nito ay isang kalabisan. Tinanong siya nito kung nakasisiguro siya…bagay na hindi niya pinagkaila. Sinabi nito sa kanya na hindi siya nito gustong makatabi kung matutulog siya na katabi itong lasing.

Nang gabing ito, pinaghanda niya ang Adi Hikmet nang kanilang hapunan.

Tinanong siya nito kung matutuloy ba silang dalawa sa inaalok na paanyayang salusalo sa gabi nang pista nang mga mangingisda sa tahanan nang mga Harith. Bagay na kanyang sinang-ayunan at walang nakikitang masama kung pupunta silang dalawa. Sinabi niya sa kanyang asawa na mahalaga ang pagtitipong iyon. Kinakailangan nilang pumunta.

Gayong tinanong siya nito kung ano ang dahilan kung bakit ito napakahalaga.

At hindi siya kumibo.

Nang gabing ito muli silang nagsiping nang Adi Hikmet. Umahon siya sa paliguan nang tahanan ng mga Barakat. Pinunasan niya ng pamunas ang basang katawan at itinapis ang pamunas sa kanyang beywang. Sa kanyang paglabas sa loob ng bukalan agad siyang nagtungo sa loob nang silid nilang mag-asawa. Dito nakita niya ang Adi Hikmet na naghihintay sa kanya. Nasa dulo ito nang kanilang higaan na nakaharap sa lagusan nang silid. Maliwanag ang buong silid hindi tulad sa labas na wala ng ilaw ang bawat tinghoy. Wala itong suot na kahit anong damit kung hindi ang panloob na napakanipis at maaninag ang nakaumbok na suso nito at ang hugis na kumakawala sa katawan ng damit nitong suot. Sa pagpasok niya sa kanilang silid sinarado niya ang pintuan at tuluyang nagdilim ang madilim na pasilyo…

Sa mga sumunod na sandali maririnig mo ang ingay na kumakawala sa loob nang silid. Ang mga ungol at haluhoy na pabilis ng pabilis…na sa bawat diin ay tumatagos sa kaluluwa. Nagpapabilis sa tibok nang puso. Hanggang sa unti-unting naiintindihan na sa bawat pagkilos, paulit-ulit, hindi na nila namamalalayan na hindi na nila kaya pang makawala sa pagkakakapit sa isa’t isa.

Sinabi niya sa kanyang asawa na kailangan niya ito, na kailangan siya nang kanyang tahanan.

Nang gabing ito nagniig sila, pinagsaluhan nila ang bawat sandali tulad nang palagi nilang ginagawa sa mga nakalipas na mga gabi. Sila at sila lamang. Sa bawat kapusukan nang kanilang mga pangarap at ambisyon sila at sila lamang.

Nang bumukas ang pintuan sa madilim na pasilyo lumabas ang Hadi Yasir na nakatakip ang kaninang nakatapis na tuwalya sa kanyang katawan sa loob nang silid kung nasaan ang kanyang asawa na mahimbing na natutulog at makikita ang mga nakaukit na larawan na nagpapakita sa kanilang pagbagsak sa ikalawang pagkakataon nang hindi tuwirang tumatapis at tinatakpan lamang ang kanyang pagkalalake. Lumabas siya sa madilim na pasilyo na walang kahit anong suot.  Sa paglabas niya agad siyang nagtungo sa silid-lutuan na nasa kabilang bahagi nito.  Pumasok siya sa loob nang silid-lutuan. Kinuha ang baso na nasa ibabaw nang mataas na lamesa at sinalukan ito ng nakakalasing na inumin na mula sa bunga nang Agave, at saka siya uminom.

Hindi niya magawang kalimutan ang sinabi niya sa kanyang asawa. KAILANGAN KITA ADI HIKMET, KAILANGAN KA NANG AKING TAHANAN. Alam niya hindi niya dapat sinabi iyon sa kanyang asawa. Alam niya hindi niya dapat hiniling iyon sa Adi Hikmet. KAILANGAN KITA ADI HIKMET, KAILANGAN KA NANG AKING TAHANAN. Humiling siya nang higit pa sa kanyang hinahangad. Na sa isang halik na kanyang natanggap hindi niya na nagawa pang bawiin kung anoman ang kanyang hiningi.

Maaaring natutunan niya na itong pagkatiwalaan, siya nito. Hindi niya alam.  Na sa gabing itong malahalimaw at walang pinagkaiba natutunan niya kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal.

Umiling-iling siya habang nag-iisa at nasa loob nang madilim na silid lutuan at ang mga kamay ay nakaibabaw sa mataas na lamesa na nasa gitna nang silid at ang basong may lamang nakakalasing na inumin ay ganon din.

Sinabi niya sa kanyang sarili, hindi! Hindi…hindi. Hindi ito pwedeng mangyari! Hindi siya pwedeng lumambot sa gitna nang digmaan na kinakaharap niya laban sa kanyang mga kalaban. Nag-uumpisa pa lamang ang digmaang ito marami pa ang maaaring mangyari. Hindi niya maaaring basta lamang kalimutan at pabayaan ang banta nang mga Harith. Handa siya…alam niya, pero ang buksan ang puso niya sa Adi Hikmet at hayaan niya ang kanyang sarili na magtiwala, hindi, hindi niya maaaring hahayaang maulit kung anoman ang nangyari limang taon na ang nakararaan. Hindi nilikha ang kasaysayan para ulitin sa pagkakamaling nagawa na, sa pagkakamaling hindi niya hinangad na mangyari.

Sa paglabas niya nang silid-lutuan nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad sa madilim na pasilyo pabalik sa silid kung nasaan ang kanyang asawa na mahimbing na nagpapahinga hanggang isang hindi inaasahan ang kanyang nakita, isang Jingkar na hindi niya lubusang kilala ang nagawang makapasok sa loob nang kanyang pamamahay.