KABANATA ANIM:

ANG PAG-IISANG DIBDIB NANG HADI YASIR AT NANG ADI HIKMET

Limang araw matapos ang kasunduan sa loob ng tore ng mga Hadezar, dumating sa baybayin nang Ja’khar ang mga sasakyang pandagat ng mga mangangarabana. Sakay isang Caracoa ang mga mahahalagang bagay na higit pa sa pangkaraniwan at pagbabalik. Mga binhi na gagamitin sa susunod na pagtatanim bago ang pagpasok ng panahon ng tag-init. Sinuring mabuti ang mga binhi…kinilatis ito nang maigi. Tiniyak kung may bulok o wala. Kinilala ang katangian at saka sumugal na gamitin sa pulang lupa.

Hindi nagtagal itinakda ang pag-iisang dibdib nang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat sa kaisaisang pamangkin na babae nang Hadezar nang tahanan ng mga Roshan, ang Adi Hikmet. Itinakda ito sa araw nang pagpasok sa panahon ng tag-init bagay na sinang-ayunan nang Hadezar ng tahanan ng mga Barakat.

Pinagpasyahan nila na hindi gagawing maruwal ang pag-iisang dibdib bagkus maigi na maging pansarili lamang ito nang dahil sa hindi pa lubusang nakakaahon ang kanilang bayan mula sa pananalasa nang masamang panahon. Gayon din ang paghangad nila nang katahimikan malayo sa pangmamata ng ibang mga Jingkar, sa suliraning baka ito makarating sa mga hindi kanaisnais. Bagay sinang-ayunan ng Hadi Mirza.

Hindi nagtagal nagkabunga ang pagtatayang ginagawa nilang mga Barakat at Roshan sa pag-usbong sa ilang mga pananim na kanilang ipinunla sa pulang lupa nang Ja’khar. Isa itong maliit na pagkakataon ng pag-asa para sa kanila. Mabilis na kumalat ito sa buong Ja’khar, na ikinalugod nang iilan at pinuri nang higit na nakararami. Pinatutunayan lamang nito na walang kahit anong buto ang hindi kayang itanim at ibaon sa lupa nang hindi tutubo o lalago. Ito ay makabubuti sa kanilang lahat.

Ang Adi Hikmet

Nang araw na ito, nagising siya na puno nang pagkabagabag. Batid niya na ito ang simula nang kanyang pagbabago bilang isang babae sa Ja’khar at bilang isang Jingkar na nagmula sa isang maimpluwensyang tahanang kagaya ng mga Roshan. Ngayong araw ang kanyang pag-iisang dibdib sa Hadi Yasir, ang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat. Susunduin siya nito sa kanyang tahanan nang tulad ng kung ano ang nakagawian. Hihingin nito ang kanyang kamay sa kanyang tiyo bagay na hindi tatanggihan ng kanyang tiyo. Malaki na ang inaksayang pagkakataon nang Hadi Mirza para tumalikod pa siya. Higit kaninoman ang palugit na ibinigay ay sapat nang panahon para umatras siya sa kanyang pag-iisang dibdib sa Hadi Yasir. Gayon wala siyang dapat na panghinayangan.

Tumayo siya sa kanyang pagkaka-upo sa tabi nang kanyang kama. Ibinaling niya ang kanyang pansin sa dungawan nang kanyang silid. Lumapit siya sa dungawan nang silid. May pagbabanta sa kalangitan nang isang malakas na sama ng panahon. Tanaw ang mga mabibigat na mga ulap…ang namumuong kadiliman na may paghahasik nang pagguhit ng kidlat at pagdagundong nang mga tuloy-tuloy na pagkulog. Malamig ang hanging pumapasok sa kanyang silid.

Kagyat narinig niya ang tinig nang kanyang ina. Sinabi nito sa kanya na gising na pala siya…gayong hindi pa siya kumikilos sa araw na ito na lubhang napakahalaga ay kumukulo ang kanyang sikmura, humihigpit ang kapit nang kanyang lalamunan. Na gusto niyang sumuka pero walang lumalabas na kahit ano sa kanyang katawan.  Gusto niyang tumakas. Magpakalayo-layo sa Ja’khar at maging isang Kalisag kung kinakailangan hindi lamang matuloy ang pag-iisang dibdib na ito.

Napalingon siya sa kanyang ina. Nakita niyang inaayos nito ang kanyang pinaghigaan. Sinabi niya dito na hayaan na lamang ito at siya na ang bahalang gumawa nang bagay na ito. Gusto niyang tanungin sa kanyang ina kung nagkamali ba siya sa kanyang pagpasya na piliin ang hadi Yasir at maging asawa ito. Ngunit alam niya ang isasagot nito, alam niya na sasabihin nito sa kanya na siya ang nagtakda at ang nagpasya na pakasalan ito. Na magiging isa itong kahihiyan sa kanya…sa kanyang tiyo…sa kanyang tahanan lalong-lalo na sa kanyang mga magulang. Tuloy ang kasal.

Sinubukan niyang tanggalin sa pagkakatali ang tapiserya nang kanyang silid ngunit pinigilan siya nang kanyang ina. Sinabi nito sa kanya na hayaan itong nakatiling nakatali. Bagay na kanyang ginawa.

Sinabi nang kanyang ina kung ano ang ginagawa niya dito kung bakit hindi pa siya kumilos. Pinaalala nito sa kanya na ngayong araw ng kanyang kasal. Na hindi magtatagal darating ang kanyang mapapangasawa sa kanilang tahanan, susunduin siya at hihingin ang kanyang kamay sa kanyang tiyo…Hindi ito makapapayag na makita ang anak nito na madungis at mukhang masahol pa sa pulibi ang itsura sa araw nang pag-iisang dibdib na ito na bawat sambit nang salita ay palalim nang palalim sa kanyang isipan, nawawalan nang kahulugan gayong hindi na kailangan pang ipaalala sa kanya nang kanyang ina.

Tumalima siya sa kanyang ina. Nauna itong lumabas sa kanya. Sinundan ito nang kanyang paglabas. Bumaba siya sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan. Nagtungo siya sa loob nang bukalang silid at kasabay nang kanyang pagpasok, inutusan siya nang kanyang ina na maghubad nang kanyang suot na damit, bagay na kanyang ginawa. Tinanggal niya sa pagkakatali ang suot niyang panloob na kasuotan. Kasunod noon hinubad niya ito na parang tubig na mabilis na kumawala sa kanyang katawan. Matapos noon ang kanyang ina. Pinahid nito sa kanya ang mabangong galapong na insenso na may pulot.

Sinabi niya sa kanyang ina, “hindi mo na dapat ito ginagawa.”

Bagay na iginiit nang Adi Arwa. Wika nito sa kanya, “hindi…kailangan, kailangan ko itong gawin”—makakatulong ito sa pagkinis at paglambot nang iyong balat.”

Binigyan siya nito nang mabangong maputik na insenso at tinulungan sa pagpahid sa buo niyang katawan.

Wika nang kanyang ina, “Mapalad ka anak. Gusto ka nang iyong mapapangasawa.”

Tanong nang Adi Hikmet, “hindi ba kaya ka nagpapakasal ay dahil gusto mong magpakasal?”

Tugon nang kanyang ina, “hindi sa lahat nang pagkakataon nang nagpapakasal ay dahil gusto nila ang isa’t isa. Sa tingin mo bakit ako pinakasalan nang iyong ama? Hindi niya ako pinakasalan dahil may gusto siya sa akin…kita mo! Pinakasalan niya ako dahil tungkulin niya ang mag-asawa. Kung hindi ka pakakasalan dahil gusto ka, malamang pakakasalan ka dahil sa tungkulin. Alinman sa dalawang iyon ang dahilan at kung wala doon hindi ko na alam pa, anak!”

Tumalikod siya sa kanyang ina.  Inangat niya ang nakabuhahag niyang buhok.  Sinimulang pahiran nang kanyang ina ang kanyang likuran naramdaman niya ang magaspang na kamay nito. Ang mabango at malagkit na insenso sa kanyang batok paibaba sa kanyang likuran at sa kanyang mga balikat bumaba siya nang kakaunti para maabot siya nang kanyang ina.

Pinahiran niya ang kanyang mukha nang mabangong maputik na insenso.

Kasabay noon inahit nang knayang ina ang buhok na nasa kanyang kilikili. Sinabi nito sa kanya, “hindi maganda sa mga babae ang may buhok sa kilikili” matapos nang kabila niyang kilikili sunod namang inahit nang kanyang ina ang buhok sa kabila niya pang kilikili. Wika nang Adi Arwa sa kanya, “isa pa ikaw lang ang makakasagot, mali man o tama wala kang ibang pwedeng gawin kung hindi, panindigan ito! Ikaw ang nagpasya…binigyan ka nang kalayaan nang iyong tiyo na pakasalan ang hadi Yasir.” Kasabay noon bumuhos ang isang malakas na ulan nang umagang ito. “kung matutunan mo siyang mahalin, mabuti…kung hindi rin kailangan mo siyang pakisamahan, ang pagiging mag-asawa!”

Tumayo ang Adi Arwa mula sa pagkakaluhod nito habang nakahiga siya sa sahig nang bukalan. Sinabi nito sa kanya na maaari na siyang magbabad sa mainit na tubig ng bukalan. Kagyat kumilos ang Adi Hikmet. Inilubog niya ang kanyang katawan sa mainit na tubig ng bukalan. Nagtampisaw siya…nagambala ang katahimikang tinataglay nang malumanay na tubig.

Kasabay nito nabaling ang kanyang atensyon sa kanyang ina. Sinamahan siya nitong magbabad sa mainit na tubig ng bukalan. Tumigil siya sa paglangoy. Sinabi niya sa kanyang na umuulan bagay na sinang-ayunan ng Adi Arwa at sinabing kanina pa umuulan simula nang pumasok sila sa loob nang bukalan. Lumapit ito sa kanya. Ibinigay nito sa kanya ang isa sa mga hawak nitong panghilod at katulong ang kanyang ina hinilod ang kanyang katawan.

Tumalikod siya sa Adi Arwa.

Sinabi nito sa kanya, “huwag mong pag-isipan ng masama ang magandang mangyayari sa iyo ngayon. Kung paiiralin mo ang kalungkutan magkakaroon ka lamang nang sakit sa ulo. Pilitin mo ang maging masaya. Isipin mo na isa itong bagong simula, na isang hakbang sa kagustuhan mong maging pinuno, o kung anomang ang hinahangad mo sa iyong buhay. Adi Hikmet!”

Tanong niya, “hindi po ba kayo nag-aalala?”

Wika nang Adi Arwa, “Siyempre nag-aalala.” Lumingon siya sa kanyang ina. Pagpapatuloy nito, “iisipin kita. Kapag umalis ka dito at manuluyan sa tahanan nang iyong asawa iisipin ko rin ang kalagayan mo. Tatanungin ko rin ang sarili ko tulad nang mga tanong na bumabagabag sa iyo na tama ba ang iyong pasya…tama ba na hayaang kita sa iba. Pero hindi naman kita maaaring araw-arawin na puntahan doon at tanungin sa iyo kung kumain ka na ba. Kung inaalagaan mo ba ang sarili mo. Adi Hikmet magiging ina ka rin nang magiging mga anak mo, marami. Hindi ka man magiging ako pero mararamdaman mo rin ang kalungkutan at sasabihin mo rin sa iyong sarili na kailangan mong magpakalakas. Dahil sasabihin ko sa iyo ang sinabi ng aking ina, nang hingin nang iyong ama ang kamay ko sa aking ama at sumang-ayon ang aking ama na maging asawa ko ang Hadi Yusuf. Na magiging ina ka rin at kapag naging magulang ka mararamdaman mo rin ang lahat nang ibinigay mo sa iyong magulang, labis man o kulang pareho lang iyon.”

Matapos nito tuluyan silang umahon nang kanyang ina sa pagbababad mula sa mainit na tubig nang bukalan. Pinunasan niya ang kanyang buong katawan nang malinis na pamunas. Itinapis niya ito sa kanyang katawan. Ganon din nagbihis ang Adi Arwa. Sinamahan siya nang Adi Arwa sa paakyat sa loob nang kanyang silid.

Sa pagpasok niya nakita niya ang mga damit na susuotin niya sa araw na ito, sa pag-iisang dibdib sa Hadi Yasir. Sinabi nang kanyang ina na para ito sa kanya. bagay na kanyang pinasalamatan sa Adi Arwa. Ngumiti siya. Niyakap siya nang Adi Arwa. Kasunod sa hindi inaasahan dumating ang kanyang ama sa kung nasaan sila at sinabi nito sa kanila na kailangan niyang maghanda sakaling hindi matuloy ang pag-iisang dibdib nila nang Hadi Yasir ngayong araw…

Nang malaman niya ito sa kanyang ama, kahit papaano nakaramdam siya nang kasiyahan. Mistulang nabunutan siya ng tinik ng sabihin nito sa kanya na baka hindi matuloy ngayong araw ang inaasahang pag-iisang dibdib. Sana hindi ito matuloy…na sana magtuloy-tuloy pa ang lakas nang ulan. Bahain ang buong Ja’khar at lumubog ang kanilang lipunan kung ito lamang ang paraan upang hindi matuloy pa ang kanyang panunuluyan.

Subalit walang nakinig sa kanyang mga panalangin. Tumila ang ulan nang tanghali…muling naging banayad ang kalangitan. At sumikat ang araw kinahapunan…ang kanyang mga panalangin ay naglaho. Ang kanyang pagsusumamo sa mga diyos na naninirhan sa ibabaw nang kalangitan, kasama ng mga ulap ay naging bingi sa kanya.

Umakyat ang kanyang ina sa kanyang silid. Sinabi nito sa kanya na kailangan na nilang maghanda. Wala na siyang magagawa pa. Ang kanyang kinatatakutan ay dumating at nagkatotoo. Napilitan siyang kumilos. Sinuot niya ang damit na ibinigay nang kanyang ina sa araw na ito. At sa pagbaba niya kasama ang ina nakita niya ang nakatatandang niyang kapatid na lalake na naghihintay sa kanya para sunduin siya.

Lumapit siya dito. Niyakap siya nito at niyakap niya ito. Nagpasalamat siya sa Hadi Batul. Kasunod noon naglakad sila patungo sa harap nang kanilang tahanan sa harap nang bulwagan kung saan nila tatanggapin ang pagdating nang Hadezar ng tahanan nang mga Barakat. Sa kanilang paglalakad kasabay noon dumating ang kanyang magiging asawa. Bumukas ang lagusan nang tahanan nang mga Roshan kasabay noong pumasok ang Hadi Yasir habang hawak nito sa mga kamay nito ang mga panali nang dalawang asong-gubat, isang puti at isang itim.

Sa pagdating nila sa harap nang bulwagan kung saan naroroon ang kanyang mapapangasawa, kasama ang kanyang ama, ang Hadi Fadil, ang kanyang mga pinsan at ang kanyang tiya na si Adi Hala ibinigay nang kanyang nakatatandang kapatid na lalake sa kanyang tiyo ang kanyang kamay. Niyakap siya nito. Kasunod noon niyaya siya nito na pumasok sa loob nang bulwagan kung saan naroroon ang kawan na may nakasinding apoy at sagisag nang pamumuno, patnugot at pagiging Hadezar nang Hadi Mirza.

Ang Hadi Yasir

Maaga siyang gumising upang simulan ang kanyang inaasahang pag-aasawa. Sinimulan niya ang araw na ito sa paghahanda nang mga iluluto niyang pagkain para sa kanilang magiging unang pananghalian at hapunan ng Adi Hikmet.

Lumabas siya nang kanyang tahanan at nagtungo sa isa sa mga imbakan nang pagkain na matatagpuan sa loob nang kinasasakupang lupain ng tahanan ng mga Barakat. Sa pagpasok niya sa loob nang imbakan sinuri niya ang mga sangkap na gagamitin niya sa pagluluto. Inisa-isa ang bawat karne, ang bawat gulay, mga binhi na kanyang gagamitin sa pagluluto nang pananghalian at hapunan.  Pinili niya ang karne ng tapir. Ang mapula at kulay kasoy nitong inasnan ang kanyang ginamit at gagawin sa pag-iihaw. Kumuha siya nang mga gulay na manioc, kohlrabi, nang mga pulang mais at mga prutas nang jaboticaba. Inimpok niya ang mga ito at inilagay sa tiklis na gawa sa hinabing mga dahon ng uway. Kumuha rin siya nang mga itlog na inilagay niya sa ibabaw nang mga gulay at karne kasama nang mga prutas na Jaboticaba.

Sa paglabas niya nang imbakan agad niyang napansin ang pagdidilim nang kalangitan, ang pagbabadya nang isang malakas na ulan bagay na kanyang binaliwala. Sa halip agad siyang kumilos pabalik nang kanyang tahanan Ipinatong niya ang mga ito sa mataas na lamesang kahoy na nasa gitna ng silid-lutuan at sinimulan niyang ihanda ang kanyang mga lulutuin.

Hindi nagtagal sinundan nang pagdidilim ng kalangitan ang pagkulog at pagkidlat hanggang sa bumuhos ang isang malakas na ulan.

Sinimulan niyang hiwain ang mga karne ng tapir ng maliliit. Ang mga maliliit ay tinadtad niya nang pino at maninipis. At ang mga hindi niya nagamit ay kanyang ikinawit sa bakal na nakasabit sa ibabaw ng lamesa.

Sunod niyang inilabas ang mga manioc, kohlrabi, mga kulay kahel na mga paminta at mga mahahabang itim na mga sili. Una niyang binalatan ang mga Kohlrabi na sa una muna ay tinanggalan niya nang mga dahon at balat bago niya ito tuluyang hinati sa dalawa. Sunod naman niyang hiniwa ang mga Manioc na hinati niya sa dalawang paggagamitang lutuin.

Ang kalahati ng manioc ay kanyang hiniwahiwa at ang kalahati ay kanyang niligis. Sunod niyang dinurug-durog ang mga buto nang mga paminta at inilagay sa isang maliit na sulyaw. Kinuha niya sa kaing ang mga mais at kinayod niya ang mga ito. Sinimulan niyang silaban ang mga panggatong at lagyan ang malaking palayok nang nakakalasing na inumin. Pinakuluan niya ito matapos nang kumulo nilagyan niya ito nang mga paminta. Habang kumukulo binalot niya ang mga karne nang tapir na kanyang hiniwa nang maliliit at maninipis sa mga malalapad na dahon ng Kohlrabi. Saka niya ginisa ang mga ito sa kawali.

Sunod niyang hinanda ang isang sulyaw na paglalagyan niya nang gatas na mula sa puno ng uway. Hiniwa niya isa-isa ang mga prutas nang mga Jaboticaba at inilagay ang mga ito sa sulyaw na pinaglagyan niya nang gatas. Nilagyan niya ito nang nakakalasing na inumin mula sa bunga nang Agave. Hinalo niya ang mga ito at kasunod noon isinama niya ito sa kanyang ginigisa. Matapos noon hiniwalay niya ang laman nang kawali at inilagay sa isang maliit na pinggan.

Kasunod nito nilagay niya ang mga niligis niyang Manioc at mais sa kawali nilagyan niya nang tubig at saka pinakuluan sa ibabaw nang siga at tinakpan nang bakal na suklob na gawa mula sa mga itim na bato.

Habang hinahayaan niyang kumulo ang niligis na manioc na may mga kasamang butil nang mais lumabas siya nang silid lutuan. Kung saan paglabas niya nakita niya ang malakas na pagbuhos nang ulan. Nangamba siya na baka lumakas pang lalo ang buhos ng ulan. Ngunit hindi siya nawalan nang pag-asa na titigil din ito at mangyayari din ngayong araw ang pa-iisang dibdib nila nang Adi Hikmet.

Kasunod noon umakyat siya sa ikalawang palapag nang kanyang tahanan. Nagtungo siya sa kanyang silid, pumasok siya sa silid na tinutuluyan sa kanang bahagi nang ikalawang palapag. Kumuha siya nang mga damit na susuotin sa inaasahang pag-iisang dibdib sa Adi Hikmet.  Mga damit na pamalit, mga gamit na pampaligo at saka niya hinanda ang mga alahas na susuotin sa kanyang katawan.

Pagkakuha, dinala niya ang mga ito sa loob nang pamosong bukalan nang tahanan ng mga Barakat. Kung saan sa gitna nang silid makikita ang isang malawak na bukalan na pinaliligiran nang mga dungawan, isa-isa niyang binuksan ang mga ito.  Ang silid ay nagtataglay nang mga mala-taong ukit nang mga babae Jingkar na walang suot na kahit anong damit na gumagawa nang mga gawaing panlipunan at pang-arawaraw na mga ginagawa sa mga palasak nilang mga buhay. Nilagay niya sa mataas na lamesa na matatagpuan sa gilid nang lagusan kanyang mga gamit.

Kasunod noon muli siyang bumalik sa loob nang silid lutuan at binalikan ang niluluto niyang bahog upang malaman kung nagsisimula na itong umalsa. Nang hindi pa umaalsa muli niya itong tinakpan nang bakal na suklob at lumabas nang silid-lutuan.

Sa kanyang paglalakad, unti-unti niyang tinanggal sa pagkakatali ang suot niyang kulay kayumangging Báta. Hinubad niya ito sa kanyang katawan at sa pagpasok niya sa loob nang silid na bukalan ipinatong niya ito sa ibabaw nang mataas na lamesa. Kasunod noon hinubad niya sa pagkakatali at pagkakatupi sa kanyang katawan ang suot niyang dilaw na Saluwâl na ang laylayan ay isang talampakan lamang pagitan mula sa bukung-bukong nang kanyang paa. Sinabit ito sa lamesang kahoy sa ibabaw nang kanyang damit na pinaghuburan, malapit sa lagusan at saka tinanggal sa pagkakatali ang bahag na nakapulupot sa kanyang beywang at sa pagitan nang kanyang mga singit.

Tuluyan siyang nahubdan.

Ang pagka-ani nang kanyang pagkamaigi. Ang pagkagahi nang mga sugat sa kanyang likuran, sa kanyang tagiliran, sa kanyang hita at binti na dulot nang pangangaso niya na naging peklat at habang buhay nang tatak sa kanya tulad nang mga tata’u sa kanyang balat ay nakita. Ito ang kanyang lihim sa Ja’khar. Kung sino siya at ano siya. Ang hiwagang kinahuhumalingan. Kinuha niya ang sulyaw sa ibabaw nang kahoy na lamesa. Binihos niya sa kanyang katawan ang mabangong maputik na galapong sa kanyang katawan. Pinahid niya ito sa kanyang mukha. Sa kanyang leeg, sa kanyang balikat at sa kanyang dibdib. Pinahid niya ito sa kanyang buong katawan. Sa mga kasingitsingitan at sa mga pisngi nang kanyang puwet. Lumapit siya sa pamosong bukalan nang tahanan. Lumusong siya sa mainit na tubig at ibinabad ang kanyang sarili. Lumangoy siya sa gitnang bahagi nang bukalan

Tumingala siya sa kalangitang kanyang tinatanglaw, sa mga nakaukit na mga, bituin, buwan at mga ulap sa kisame ng silid. Pinagmasdan niya ang mga ito. Binalingbaling sa kanyang isipan ang mga nakikita nang kanyang mga balintataw ang hindi maitatangging kagandahan sa pagkaukit nang pamosong bukalan nang tahanan nang mga Barakat. Kasunod noon nilubog niya ang kanyang sarili na mainit na tubig nang bukalan.

Ikinuskos niya ang knayang sariling balat nang panghilod. Nilubog niya ang kanyang katawan sa mainit na bukalan. Nagbabad siya dito nang matagal. Hindi nagtagal dahan-dahan din siyang umahon mula sa mga baitang nang bukalan nang silid.

Sa kanyang pag-ahon agad niyang kinuha sa ibabaw nang kahoy na lamesa ang kanyang pamunas.  Tinanggal niya ito mula sa maayos na pagkakatupi. Pinunasan niya ang kanyang katawan. Sinabit niya ang pamunas sa kanyang balikat at tinanggal sa pagkakatali ang nakatirintas niyang buhok. Nilugay niya ito na ang haba ay hanggang sa ibabaw nang kanyang balikat dahilan upang magmistula siyang kung gasinong-yabang.  Kinuskos niya ito gamit nang dulo nang kanyang mga daliri. Hinila niya ito patalikod at inaayos sa tuwing bumabalik ito at tumatakip sa kanyang mukha.

Kinuha niya sa mataas na lamesa ang kanyang susuotin na Báta. Isang kulay itim na batá na hinabi at nagtataglay nang mga burda ng mga halamang mais sa kabuuan nito na mistulang unti-unting binabaon ang kulay na itim sa kulay gintong sinulid kung saan gawa ang mga burdang mais. Tinali niya ang mga itim na sintas nito. Kasunod noon saka niya sinuot at kinuha sa ilalim ng nakapatong na Saluwâl ang kanyang susuoting bahag.

Sa pagkakuha sa mahabang tela na magiging bahag, ang una niyang ginawa ay tinupi ang dulong bahagi nito sa kanyang kamay habang ang mahabang tela ay tinakip sa kanyang titi at bayag, ipinasok sa kanyang singit at inikot-ikot sa kanyang beywang. Nang nakapulupot na ang isang bahagi nang mahabang tela tinanggal niya naman sa pagkakatupi sa kanyang kamay ang isa pa nitong bahagi at itinali ang parehong magkabilang dulo. Sunod niyang kinuha sa mataas na lamesa ang susuotin niyang malilim na kulay bughaw na malông na may mga ginto-gintong maliliit na burdang-bituin at dalawang pakwadradong parihaba sa magkabilang gilid nito. Pumasok siya sa butas nang silindrikong tela. Itinapis niya ito sa kanyang katawan at pinaikot at inipit. Inangat niya ang sobrang tela na bumabaon sa kanyang katawan inayos niya ito nang may akma at tinupi nang pahalang at inipit sa loob nang suot nitong Saluwâl. Nilagyan niya nang mga panara ang nakalalaw na laylayan, inakma sa kanyang mga binti ilalim nang kanyang mga tuhod at isinarado ang mga panara na nakaikot sa kanyang tuhod. Na ngayon ay ang laylayan ay lagpas isang talampakan mula sa bukung-bukong nang kanyang paa.

Matapos na makapag-ayos lumabas siya nang bukalang-silid. Nakalimutan niyang dalhin ang kanyang sandalyas at mga gamit na palamuti sa kanyang katawan dahilan upang lumabas siya nang nakapaa at umakyat sa ikalawang palapag ng kanyang tahanan. Pumasok siya sa loob nang kanyang silid. Sa pagpasok niya kinuha niya sa ibabaw nang kanyang tulugan ang panapis na kaliskis na gawa mula sa balat isdang Bakunawa. Pinatungan niya ito nang mga sinturon sa kanyang katawan. Sunod nagtungo siya sa mababang lamesa na gawa sa kahoy sa kanyang silid. kinuha niya ang panali na nandito at itinali ang kanyang buhok sa likuran nang kanyang ulo. Kinuha niya rin ang mga sandalyas na nasa ilalim nang kanyang kama. Naglagay siya nang galang sa kanyang kamay at ang luntiang singsing na bato na buhat sa kanyang ina ang kanyang sinuot sa kanyang palasingsingan. Kinuha niya ang kanyang pandong sa ulo at Saluwâl na panaklob sa buhos nang malakas na ulan. Sa pagbaba niya sa ikalawang palapag napansin niyang hindi pa rin tumitila ang ulan.

Agad dalidali niyang kinuha sa loob ng yungib ang mga alagang hayop na asong-gubat.  Nilabas niya ang mga ito at dinala sa loob nang kanyang tahanan.

Iniwan niya ang mga ito sa malawak na lupain sa gitna nang tahanan nang mga Barakat at binalikan ang pinaalsang bahog. Tulad nang inaasahan luto nito at tinanggal niya ito sa lutuan. Dinala niya ito sa ibabaw nang mataas na lamesa na gawa sa kahoy at nasa gitnang bahagi nang silid lutuan ng tahanan ng mga Barakat. Kumuha siya nang sulyaw at kubyertos. Kinuha niya ang dapat sanang kakainin nila nang Adi Hikmet ngayong tanghali sa halip kumain siya kasalo ang mga alagang asong-gubat.  Alam niya wala na siyang magagawa pa.

Bumalik siya sa kanyang silid. Tinanggal niya ang kanyang mga suot na damit at humiga sa knayang higaan.  Pinikit niya ang kanyang mga mata at panandaliang nakatulog. Hindi nagtagal humina din ang buhos nang ulan. Tumigil din ito kinahapunan at sa pagsilay nang araw muli Hinanda niya ang kanyang sarili. Agad dalidali siyang kumilos. Muli bumalik siya sa paghahanda nang kanyang sarili. Inayos niya ang kanyang suot na damit.  Muli niyang sinuot ang kanyang mga sandalyas sa paa. Sinuot niya ang singsing nang kanyang ina na gawa sa luntiang bato sa kanyang kanang hintuturo.

Inayos niya ang kanyang buhok mula sa pagkakatali nito.

Gamit ang kanan niyang hinlalaki at hintuturo inalmuhasan niya ang kanyang mga bigote at ang kanyang kamay ay sa kanyang mahabang balbas na tinatago ang peklat sa ilalim nang kanyang baba. Kinuha niya ang kapa na nakalagay sa isang baul sa tabi nang mababang lamesa na nasa kanyang silid.

Sa pagbaba niya sa ikalawang palapag Tinawag niya ang kanyang mga alagang asong-gubat gamit nang pagsipol. Binalik niya ang mga ito sa loob nang yungib nang kanyang tahanan. Isa-isang nagpaalam at bago siya tuluyang umalis kinuha niya sa mga ito ang dalawa sa kanyang mga alaga na sa tingin niya ay nababagay lamang sa kanyang asawa bilang biyaya nang kanyang tahanan.

Nilagyan niya nang mga sapin at paratilya ang itim at puting asong-gubat. Sumakay siya sa puting asong-gubat habang hinilahila nito ang itim na asong-gubat sa labas nang yungib. Sinarado niya ang yungib nang kanyang tahanan. At kasunod noon tuluyan na siyang umalis sa tahanan ng mga Barakat patungo sa tahanan ng mga Roshan.

Ang kanyang paglalakbay patungo sa tahanan ng mga Roshan ay may yabang at pagkilala. Ang kanyang hakbang ay naging padalosdalos. Ani mo ay isang martsa nang kahandaan at kabuuan. Buo at walang halong kahit anong takot. Hanggang sa inaasahan, narating niya ang tahanan nang mga Roshan.

Bumukas ang tarangkahan nang lagusan at sa kanyang pagdating nakita niya ang Hadi Mirza at Hadi Yusuf na nag-aabang at nakatayo sa pasilyo na nasa harap nang bulwagan nang mga ito. Bumaba siya sa kanyang pagsakay sa puting asong-gubat. Naglakad siya pagpasok sa loob nang tahanan nang mga Roshan at kasabay nito ang pagdating ng kanyang mapapangasawa upang tanggapin siya kasama nang mga pamilya nito.

Nakita niyang naglalakad ang mga ito, kasama nang Hadi Batul patungo sa labas na pasilyo sa bulwagan ng tahanan.

Nakasuot ang Adi Hikmet nang bughaw-marino na batá na may mga tahi nang mga maliliit na mga dahon ng kalenkor na nilikha nang mga pilak na sinulid. May braso ang damit nitong Báta na hanggang sa ibabaw nang siko nito. Ang mahabang palda na damit nitong panloob ay puti, sutla at manipis na burdado nang mga kulay rosas na halamang tambis. May suot itong tigdalawang hikaw na mula sa mga pulang bato sa magkabilang tenga nito. May galang ang braso at kamay nito. Ang buhok nito ay itinirintas at pinalamutian nang mga perlas na nakalagay sa mga panaling nakabalot dito at isinama sa pagkakatinritas.

Ngumiti siya nang makita ito…

Sinabi niya sa kanyang sarili na ito na ang pagkakataong hinihintay niya. Na sa wakas ang pag-angat nang kanyang tahanan at paghahandang may kasamang pagbabago.

Naglakad siya sa maputik na daanan papalapit sa mga ito. Hindi maitatanggi ang kanyang pagiging pursigido. Ang maagaw sa kanila ang nag-iisang bulaklak sa mga tinik na nakapulupot. Sinabi niya sa kanyang sarili habang papalapit siya. Sinayang lamang nila ang pagkakataon na hayaan ang Adi Hikmet na mamulaklak nang tulad sa isang tunay na bulaklak. Datapwat ang Adi Hikmet ay isang mabangis na uri nang bulaklak. Bagay na hindi niya maipagkakaila.

Tinanggap siya nang mga ito. Unang pumasok ang Adi Hikmet kasama ang tahanan nito.

Wika nang Hadi Mirza sa kanya, “Iyi Ojokanri, Hadezar!”

Tugon nang Hadi Yasir “Yuu’se maste Ojokanri, Hadezar!”

Binigay nang Hadi Mirza ang kamay nito sa kanya bagay na kanyang tinanggap at kinadaupan.

Wika nang Hadi Mirza sa kanya, “salamat!”

Kasunod noon pinakilala nito sa kanya ang asawa nito na si Adi Hala bagay na hindi niya nakakalimutan. Nagbigay siya nang paggalang sa Adi ng tahanan kasabay nang kanyang pantawag na pamitagan.

Niyaya siyang pumasok nito sa loob. Sinabi nito sa kanya na doon sa loob nang bulwagan nang tahanan ng mga Roshan gaganapin ang pagtatanggap sa kanya nang mga ito tulad nang nakagawian at kung ano. Ganon rin ang kanyang paghingi sa kamay nang kanyang mapapangasawa.

Sa pagpasok nila sa loob nang bulwagan, nakita niya ang Adi Hikmet…sa likuran nito ang larawan ni Battala. Sinabi nang Hadi Mirza sa kanya na dumalang na ang mahabang gabi at nakatitiyak na ang muling pagpapakita ng nag-iisang bituin nang Ja’khar, gayong ang pagpasok ng panahon nang tag-init sa kanilang bayan.

Bagay na hindi niya ipinagkaila. Sinabi niya, “inaasahan na mangyayari ito. Ang kanilang lupain ay babalik kung papaano nila ito naaalala sa panahon bago ang pananalasa nang matinding sama ng panahon na dumaan sa kanilang bayan. Lalo pa’t nagsisimula nang mawala ang malamig na hangin at papasok na rin panahon nang tag-init. Ang tanging pinangangambahan ko lang, sinabi sa akin nang isa mga mangangarabana na habang papatagal ay maslalong paikli nang paikli ang panahon nang tag-init!”

Nilagay nang Hadi Mirza ang kamay nito sa kanyang balikat. Sinabi nang Hadi Mirza sa kanya, mahaba ang araw para pag-usapan natin ang bagay na iyon ngayon.

Ngumiti siya. Tugon niya, “tama ka Hadezar!”

Kasunod noon iniwan siya nito kasama nang asawa nito habang nagtungo ang Hadi Mirza kasama ang kapatid nito sa sigang nakalagay sa kawang may tatlong paa malapit sa larawan ni Battala.

Nagtaka ang Adi Hala sa kanya kung bakit walaman lamang ba siyang dalang mga Anino nang kanyang tahanan.

Ngumiti siya. Tinanong niya ang Adi Hala na kung maaari niya itong akbayan. Pinilit niya ito. Sinabi niya para namang hindi na sila magkamag-anak.

Ngumiti sa kanya ang Adi Hala. Niyaya siya nitong maglakad. Gayong ibinigay niya ang kanyang braso at kinuha nito sa kanya. Naglakad sila nang naka-akbay patungo sa kung nasaan ang Hadi Mirza at nang iba pang bumubuo sa tahanan ng mga Roshan.

Humingi siya nang tawad sa hindi niya pagdadala nang mga Anino mula sa kanyang tahanan. Sinabi niya aanhin niya ang mga ito. Wala siyang nakikitang masama. Dagdag niya, “isa pa Adi Hala! Muzta un’zah të marcadaan waxa dignë yoki golge waxa Kali të birga waxa’thë Imago lati dl’thë Harith? (Jng. aanhin mo ang karangalan ng liwanag kung kadiliman nang kasamaan ang hatid ng mga Aninong galing sa mga Harith?)”

Tugon nito sa kanya, “Hadi Yasir! Iloh! Iloh të ederen irbe!”

Ngumisi ito sa kanyang biro. Hindi maikakailang kahit ito ay hindi din sumasang-ayon sa tinataglay na impluwensya nang mga Harith. Alam niya ang pag-uusap na mga ganito.

Pabiro niyang sabi, “Iloh të thë Barakat!” nawala ang ngiti sa kanyang labi “ano ang magagawa ko. Iyon sagisag nang aming tahanan.” bagay na siyang totoo.

Wika nang Adi Hala, “alam na nila!” Tinutukoy nito ang asawa nito at ang Hadi Yusuf tungkol sa bulong na nakarating sa tahanan nang mga Harith sa kanyang pag-iisang dibdib sa Adi Hikmet nang walaman lamang pagsangguni sa Hadi Mahdi at basbas nang mga Harith.

Tugon niya, “alam ko!”

Tulad nang inasahan mabilis na kumalat sa buong Ja’khar ang itinakda niyang pag-iisa sa Adi Hikmet na mula sa tahanan ng mga Roshan. Hindi nito nagawang itago nang pagpapalansing gamit ang mga pananim at inangkat na mga binhi sa ibayong dagat. Sinabi niya sa Adi Hala hindi ito nagustuhan nang Hadi Mahdi at ikinasama nito nang loob.

Tanong nito sa kanya, “ano ang sinabi niya sa iyo!”

Wika niya, “wala…ano ang sasabihin niya sa akin? Nalaman niya sa Adi Makbule pinagtagnitagni niya at ganon natuklasan niya rin!”

Tugon nang Adi Hala sa kanya, “alam mong hindi lang ikaw ang nanghihinayang sa ginawa nang iyong ina sa pagtanggap nito nang tulong nito mula sa tahanan ng mga Harith.”

Tanong niya dito, “sa tingin niyo nararapat lang ba iyon?”

Tugon nito sa kanyang tanong, “hindi! Pero kahit ako may mangyariman sa aking tahanan, huwag ipilit nang liwanag ng buwan ay gagawin ko rin kung ano ang ginawa ng iyong ina!”

Wika niya, “pero hindi ako ang aking ina!”

Tugon nito sa kanya, “tulad nang inaasahan! Kakausapin ka niya bago kayo umalis matapos ang lahat ng ito…Masaya ako na nagkakausap tayo.”

Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon dito.

Kasunod noon iniwan siya nito. Lumapit ang Adi Hala sa Hadi Mirza habang nabaling ang kanyang atensyon sa ama nang kanyang mapapangasawa. Nagbigay siya nang paggalang at pamitagan dito bagay na tinanggap nito. Napansin niya ang putik sa loob nang bulwagan. Nakita niya ang putik sa kanyang mga paa. Naiwan ang bakas nang putik na dala nang kanyang mga paa sa sahig na bato nang silid.

Sa pagpasok nang Hadi Batul at nang Adi Ismat dala nang mga ito ang palangganang naglalaman nang malinis na tubig at tuyong pamunas. Hanggang sa hindi inaasahan narinig niya ang tinig nang kanyang pamangkin sa pagtawag nito sa kanya…na abu. Napalingon siya sa kung nasaan ang kanyang pamangkin. Malaki na ang tsan nito. Hindi na ito maitatanggi pa ang itinatago nitong pagdadalang-tao. Kagyat Dalidali itong lumapit sa kanya. Niyakap siya nito at binalikan niya ito nang pagyakap.

Kasunod nito lumapit sa kanya ang Hadi Batul na asawa nito. Kinamusta siya nang Hadi Batul.

Nagpasalamat siya sa Hadi Batul sa pag-aalaga nito sa kanyang pamangkin at sa magiging anak nang mga ito.

Wika nang Hadi Yasir sa Hadi Batul, “parang kailan lang nang una kitang makita. Nang mga panahong iyon maliit ka pa at bata pa. Ngayon magiging magulang ka na. Maaari ba akong makiusap sa inyo habang wala pa sa ating pumapasin, na kung maaari ay”—

Bagay na pinagbigyan nang Hadi Batul.

Nang walang nakakakita, hinawakan nang Hadi Yasir ang tiyan nang Adi Ismat at sinabi niya sa mag-ina na sana ay pagpalain sila at wala sanang sakit ang dumapo sa kanilang dalawa habang nasa loob ito nang sinapupunan nang Adi Ismat.

Lumapit sa kanila ang Adi Arwa. Sinabi nito na kailangan na nilang simulan ang pagtanggap sa kanya bagay na kanilang tinalima.

Tinanggap nang tahanan nang mga Roshan ang Hadi Yasir tulad nang kung ano ang nakagawian. Pinagkalooban siya nito nang mabuting pagtanggap. Isang palangganang may tubig ang inihanda sa kanyang harapan. Dito hinugasan at pinunasan ng Hadi Yusuf ang kanyang mga paa bilang patunay nang mabuting pagtanggap nang mga ito sa kanyang pagdating. Tinanggal nito ang kanyang maputik na sandalyas sa kanang paa. Inilagay niya ang kanyang kanang paa sa malinis na tubig sa palanggana. Inalmuhasan ito nang Hadi Yusuf. Pinunasan gamit ang tuyong pamunas na ibinigay nang kanyang pamangkin dito. Sinundan ito nang kaliwa niyang paa kung saan inilublob niya rin ito, inalmuhasan nang ama nang kanyang asawa at pinunasan nang pareho rin ginamit na basahan. Kasunod noon ibinigay nang Hadi Hakan ang kanyang sandalyas na pinunasan nito. Nagpalasamat siya sa nakatatandang anak na lalake nang hadezar nang mga Roshan.  Sinuot niya ang mga ito sa kanyang mga paa.

Sa pagtayo niya mula sa pagkakaupo sa batong upuan na nakadikit sa dingding nang silid na bulwagan sinamahan siya nang mga ito na lumapit sa kung nasaan Adi Hikmet at ang tiyo nito. Ngumiti siya nang makita niya ang kanyang mapapangasawa.

Sa paglapit niya sa mga ito kinamusta siya nang Adi Hikmet.

Sinabi niya dito na mabuti ang kanyang kalagayan.

Ngumiti ito sa kanya.

 Kasunod noon hiningi nang Hadi Mirza ang kanyang kamay. Binigay niya ito. Hinawakan nito ang kanyang kamay at nang mga sandaling ito nagsimula na ang pag-iisang dibdib nila nang Adi Hikmet. Kinuha nang Hadi Mirza ang kaliwang kamay ng Adi Hikmet. Hawak ang kanyang kamay ipinatong niya ito sa kamay nang kanyang mapapangasawa.

Wika nang Hadi Mirza sa Adi Hikmet, “sa ngalan nang tungkuling ko bilang isang Hadezar at patnugot nang tahanan nang mga Roshan ikaw Adi Hikmet ay pinakakawalan ko at binibigyan nang laya malayo sa aking patnugot na makaisa—” Nabaling ang atensyon nito sa kanya. Pagpapatuloy nang Hadi Mirza, “sa Hadezar nang tahanan nang mga Barakat na si Hadi Yasir bilang iyong kabiyak.” Pinakawalan nito ang kanilang mga kamay na magkapatong sa isa’t isa.  Sinabi nang Hadi Mirza sa kanila ganap na silang mag-asawa.

Nagpasalamat ang Hadi Yasir sa Adi Hikmet. Nagdiwang mga Roshan. Nagkaroon nang masibagong palakpakan matapos ang kanilang pag-iisang dibdib.

Tinanggal niya ang kanyang mga kamay sa kamay nang Adi Hikmet. Sa gayon hindi pa tapos ang lahat at ito pa lamang ang simula. Lumapit sa kanya ang Adi Ismat. Binati nito ang kanyang pagkakaroon nang asawa. Nagpasalamat siya sa kanyang pinakamamahal na pamangkin.

Sinabi nang Hadi Mirza sa kanyang asawa na paano pa nito magagawang hindi pagbigyan gayong mula pagkabata nito ay itinuring na ito na ama nang kanyang asawa. Hiningi sa kanya nang Hadi Mirza na alagaan niya ang Adi Hikmet. Ipangako niya dito na hinding-hindi niya sasaktan ang kanyang asawa dahil kung hindi niya kayang tuparin ang hinihingi nito sa kanya sisiguraduhin nito na masasaktan siya at walang sinoman ang makakapigil dito o kahit sa ama nang kanyang asawa.

Pinangako niya ito sa Hadi Mirza.

Pagkatapos nang pag-iisang dibdib nila nang Adi Hikmet tuluyan na silang nagpaalam at nagbigay nang paggalang sa tahanan ng mga Roshan.  Lumabas sila kasama nang tahanan nang mga Roshan kung saan pinakita niya ang kanyang dalang biyaya sa kanyang asawa, isang purong itim na asong-gubat.

Nangamba ang kanyang asawa sa kanyang ibinigay.

Ngunit nagpumilit siya. Sinabi niya dito na para ito sa kanya.

Pagtataka nang Adi Hikmet, “Ngunit?”

Sagot niya, “huwag kang mag-alala hindi sila bunga nang panghuhuli. Ang kanilang mga magulang maaari pa…ngunit pinalaki ko sila at ako mismo ang nag-alaga sa kanilang dalawa.” Niyaya niya ang Adi Hikmet. Pinakikilala niya ang itim na asong-gubat sa kanyang asawa. Sinabi niya ang pangalan nito ay “Amarok”.

At saka niya Pinakilala ang kanyang alagang asong-gubat, isang puting asong-gubat. Pinakilala niya ito sa Adi Hikmet. Sinabi niya, “ito naman si Ijiraq!”

Wika nang Hadi Mirza sa kanya, “hindi ako makapaniwala Hadezar…saan mo nakuha ang ganitong mga uri nang asong-gubat.”

Ngumiti siya sa Hadi Mirza. Sinabi niya sa Hadi Mirza na matagal niya na itong alaga asa kanyang tahanan. Sampung taon na nakaraan isinama siya nang isang mangangaso sa loob nang pulang gubat hindi sinsadya na mapatay nang kanyang kasama ang magulang nito. Nakakalungkot na isipin na mabubuhay lamang sila mula sa pagkakahuli at mula noon hindi niya na nakita ang mangangasong sinamahan niya.

Pagtataka nang Hadi Mirza sa kanya, “siya nga Hadezar?”

Lumapit ang kanyang asawa sa mga magulang nito at kamag-anak. Nang mga sandaling ito napuno nang maraming pamamaalam sa loob nang tahanan ng mga Roshan. Nagpaalam ang Adi Hikmet sa mga kapatid nito, hiningi nito sa mga kapatid na magpakabait at lalong na kay Hadi Batul na alagaan ang asawang nagdadalang-tao.

Sinabi nang tiyo nang kanyang asawa alam nito ang nangyari sa pag-uusap nito at sa Hadi Mahdi. Pinaalala nito sa kanya na hindi naman lingid sa kanila kung ano ang kaugnayan nang kanyang tahanan sa mga Harith at kung ano ang taglay na impluwensya nito dito at sa buong Ja’khar.

Tinanong siya nito kung magagawa niya bang tuparin ang ipinangako niya sa tiyo nang kanyang asawa at ang Hadezar nang tahanan ng mga Roshan. Sagot niya tiyo nang kanyang asawa, “wala kayong dapat na ipag-alala Hadi Mirza…Ang suliraning ko sa tahanan nang mga Harith ay suliranin ko, hindi kabilang ang iyong pamangkin sa aking suliranin!”

Wika nang Hadi Mirza sa kanya, “sana nga Hadezar.”

Tumango-tango siya. Wika niya, “alam ko po iyon…Hadi Mirza” Ngumiti siya dito matapos niyang marinig ito.

Tugon nito sa kanya, “kung ganon…lumakad na kayo malapit nang magdilim!”

Tinawag nito ang kanyang asawa. Matapos na makapagpaalam sa mga pinsan nito at tiya nabaling ang atensyon nang Adi Hikmet sa kanilang dalawa nang Hadi Mirza.

Nagpaalam ang Hadi Mirza sa kanyang asawa. May binulong ito. Sunod nito nagpaalam ito sa ama nito ngunit walang salita ang namutawi sa bibig nito kung hindi pagyakap at paghalik sa pisngi nang Hadi Yusuf.

Nagbigay rin ito paggalang sa ina nito. Nagpasalamat ang kanyang asawa sa ibinigay nitong pagtitiwala dito at higit sa lahat ay ang walang sawang pagmamahal. Tumulo ang luha sa mga mata nang kanyang asawa. Bagay na pinawi nang Adi Arwa. Sinabi nito sa kanyang asawa na hindi nito kinakailangang umiyak. Na inaasahan nang ina nito na babalik pa rin sila, bibisibisita. Bagay tinalima nito.

Tinawag siya nang ina nang kanyang asawa. Wika nang Adi Arwa sa kanya, “ipangako mo Hadezar…ibabalik mo ang aking anak sa akin para dumalaw sa amin!

Pinigilan nang Hadi Yusuf ang ina nang kanyang asawa. Ngunit hindi ito napigilan.

Tanong nang kanyang asawa, “hindi ba Hadi Yasir?” Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Matapos nito lumapit ang Adi Hikmet sa kung nasaan siya. Hiningi niya ang kamay nang kanyang asawa para isakay ito sa itim na asong-gubat. Bagay na ibinigay nito sa kanya.  Tinulungan niyang makasakay ang Adi Hikmet sa asong-gubat. Kasunod noon sumakay na rin siya sa kanyang asong-gubat at saka sila tuluyang nagpaalam sa pamilya ng kanyang asawa.

Umalis silang dalawa papalayo sa tahanan ng mga Roshan pabalik at patungo sa tahanan ng mga Barakat. Sa pag-alis nila, nanatiling nakalingon ang Adi Hikmet sa likuran habang pinapanood nitong lumalayo ito mula sa tahanang kanalakihan nito.

Sinabi niya, “tigilan mo ang iyong paglingon Adi Hikmet!”

Napalingon ito sa kanya. Tinanong siya nito kung ano ang dahilan.

At sinabi niya, “dahil mula sa araw na ito asawa na kita at asawa mo na ako. Pagdating natin sa tahanan ng mga Barakat, bahagi ka na nang aking tahanan kaya huwag mo silang tignan na ani mo’y doon ka pa rin naninirhan sa kanila.”

Wika nito sa kanya, “hindi ko sila tinitignan dahil gusto kong bumalik…tinitignan ko sila dahil ayokong makalimutan sila!”

Hindi nakinig sa kanya Adi Hikmet. Sa halip nabaling rin ang kanyang atensyon dito. Tumigil sila sa kanilang paglalakbay.  Pinagmasdan niya ito at nang hindi ito lumilingon sa kanya inutusan niya itong bumaba kay Amarok, pinalipat niya ito sa puting asong-gubat na kanyang sinasakyan. Sumakay ito kay Ijiraq. Kasabay noon itinali niya sa likuran nito ang panali ni Amarok. Sumakay siya kay Ijiraq, habang nakaupo sa kanyang likuran ang Adi Hikmet na natatangkaran siya.

Kasunod noon sumipol siya at umusad ang kanyang mga alaga. Nilagay nang Adi Hikmet ang mga braso at kamay nito sa kanyang katawan habang nanatili itong nakalingon sa malayo…tanaw ang tahanan ng mga Roshan na hindi naglaon ay tuluyang nawala sa paningin nito.

Advertisements

One thought on “KABANATA ANIM:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s