KABANATA LIMA:

ANG PAGKILALA SA KANYANG MAPAPANGASAWA

Ang Adi Hikmet

Matapos ang pagsilang nang Hadi Yasir bilang bagong Hadezar nang tahanan ng mga Barakat nanatili siya kasama nang kanyang tiyo, tiya, ama at mga pinsan sa mga baitang nang tore ng mga Hadezar. Nabaling sa kanya ang pansin nang higit na nakararami. Higit pa naging tampulan siya nang mga panakaw na tingin nang mga dumalo na walang kaalamalam sa kung ano ang tunay na mga pangyayari. Maagang umalis ang mga Jingkar na nasa ilalim nang pamumuno nang tahanan ng mga Barakat at ang tanging naiwan ay sila lamang na mga nakaaangat at kabilang sa impluwensya nang mga tahanang kinabibilangan nila at nang lipunang nagpapanatili sa kanilang kinatutungkulang kapangyarihan.

Matapos ang paglisan nang bagong Hadezar nagsimula ang pakikihalubilo. Sa isang bahagi sa labas nang tore nang mga Hadezar makikita ang mga Harith na nag-uusap kasama ang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana sa kabila nito ay ang mga Roshan kasama ang matadang Hadezar ng tahanan nang mga Ardashir na si Hadi Khalil na may hawak na tungkod.

Lumapit sa kanila ang Hadi Hagir ang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana at kinausap nito ang kanyang tiyo. Pinakilala siya nang kanyang tiyo sa Hadi Hagir. Hindi nagtagal pinakilala din siya nang kanyang tiyo sa Hadezar nang tahanan nang mga Harith na si Hadi Mahdi.

Maaga silang umalis kasama nang kanyang tiya at mga pinsan pabalik sa kanilang tahanan habang naiwan sa tore nang mga Hadezar ang kanyang ama at ang Hadi Mirza. Sinabi nito sa kanila na may kailangan pa itong pag-usapan bagay na tinalima nang kanyang tiya na si Adi Hala at kanilang sinunod sa pagbalik nila sa kanilang kinalakihang tahanan.

Matapos ang hapunan, tinulungan siya nang kanyang ina na maligo sa banyerang nasa loob nang kanyang tinutuluyang silid sa loob nang tahanan ng mga Roshan. Nagbabad siya sa mainit na tubig na laman nito habang hinihilod ng kanyang ina ang kanyang likuran at nakahawi sa gilid ang kanyang nakatirintas na buhok. Hindi niya maitatanggi ang pagtataka sa kung ano ang dahilan kung bakit ginawa iyon ng bagong Hadezar.  Kung sino ito para pahiyain siya at hamakin.

Inayos nang kanyang ina ang kanyang buhok.

Sinabi nito sa kanya, “O, Adi Hikmet!” nang may paninimdim. Nabaling ang kanyang atensyon sa kanyang ina. Sinabi niya dito na hindi na siya bata pa para sabihin ito sa kanya. Bagay na sinang-ayunan nang Adi Arwa, ang kanyang ina at ang asawa nang kapatid ng Hadezar niyang tiyo.

Wika nito sa kanya, “alam ko…anak sa tingin mo bakit ginawa iyon nang Hadezar sa iyo…” Nang may pagngisi.

Hindi niya alam, tugon niya sa kanyang ina. Tanong niya sa kanyang ina, “sabihin niyo bakit?”

Wika nang kanyang ina, “ikaw na rin ang nagsabi hindi ka na bata pa…sa tingin ko gusto ka niya. Gusto ka nang bagong Hadezar!”

Pagtataka niya, “may gusto siya sa akin? Paano naman mangyayari iyon, nanna?”

Tugon nang kanyang ina, “malaki ka na…ang bilis ng panahon, parang kailan lang. O Adi Hikmet ang aking panganay may nagkakagusto na sa iyo!”

Wika nang Adi Hikmet, “ngunit isa akong halimaw.”

Ngumiti ang kanyang ina. Hindi nawala dito ang ngiti mula nang malaman nito ang nangyari sa tore nang mga Hadezar. Nang mahinahon at habang inaayusan siya nang kanyang ina wika nito sa kanya, “halimaw—totoo!” hinawakan nito ang kanyang mukha. “Isang kakaibang nilalang! Ulit-ulit huwag mong ikahihiya kung ano ka at sino ka. Maaari kang maging halimaw hanggang sa gusto nila. Maaari mo silang pakinggan habang buhay kung gusgustuhin mo. Ngunit huwag na huwag mong hahayaan na hindi pagkatiwalaan ang iyong sarili. Hindi ba dapat ikaw mismo ang nakakaalam iyan?  Kung halimaw, bakit nagkakagusto siya sa iyo. Walang nagkakagusto sa isang halimaw.” Hadi Yasir…Hadi Yasir, sino ang dapat matakot sa Hadi Yasir? Hadi Yasir!

Nang una niyang narinig ang pangalang ito sa isang tagabulong, pinagtakahan niya ito at tinawingtawing, sino ka? at ano ka? Sinabi nang kanyang ina na ito ang bunsong anak nang Adi Hiba, ang inaasahang susunod na magiging Hadezar nang tahanan ng mga Barakat.

Nasundan ito nang maraming ulit pang pagbanggit nang kanyang tiyo sa mga pakikipag-usap nito sa kanyang ama matapos ang kamatayan nang Adi Hiba, ang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat. Na para sa kanyang tiyo hindi maikakaila ang pag-angat nang inaasahan nilang magiging kapalit sa iniwang katungkulan ng yumaong Hadezar. Malinaw na ito ang nangunguna at nag-iisang tangkilik nang mga Hadezar.  Bagay na nagbibigay pag-aalala sa kanyang tiyong Hadezar.

Magkagayon pa man isa pa rin itong aliw-iw sa hangin. Sinabi nang Hadi Mirza sa kanila na dalawang bagay lamang ang ibig sabihin nang pagpanaw nang patnugot, pinuno at Hadezar nang tahanan ng mga Barakat. Una ang pagbagsak nang Ja’khar at pangalawa ang pagpapanatili pang lalo sa impluwensya at kapangyarihan nang mga Harith mula sa mga nakahihigit. Bagay na nakakahinayang kung tutuusin anya pa nang kanyang tiyo.

Mabilis na kumalat sa buong Ja’khar ang inaasahang pag-angat nang maisog na anak nang namatay na Adi Hiba. Ito ang pinagkakaguluhan. Ang sikat na pag-usapan. Sinasabi nang lahat na may pagkahiwagang tinataglay ang Hadi Yasir. Tahimik at madalang na magsalita. May tindig na kagilagilalas. May luntiang mga mata na nag-aalab at mistulang tumatarak sa iyong buong pagkatao bagay na kaantig-antig sa mga kababaihang nahuhumaling sa binatang pinagkakaguluhan nang lipunang kilala lamang sa pag-aabuso nito sa huwad na kapangyarihan at maruruwal na mga pagtitipon.

Magkagayonman isang pa rin palaisipan ito kung sino ito at ano ito.

Matapos ang araw nang pagsilang ginuguni niya sa kanyang mga pag-iisa kung ano ang dahilan kung bakit nagustuhan siya nang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat. Hindi niya alam kung bakit iniisip niya ang mga bagay na ito. Isa itong malaking katangahan kung tutuusin. Isang malaking hindi maaari.

Datapwat bangungot pa rin sa kanya ang katahimikan nito, ang padalang na pangiti nang araw na iyon at pakikihalubilo na ginagawa nito sa kanila sa labas nang tore ng mga Hadezar. Ani mo na sa bawat paglakad na ginagawa nito ay may dalang masamang pahiwatig, signos kung tutuusin. Para itong lumulutang na hindi umaapak ang mga paa sa mga batong baitang at may hiwagang tinataglay na hindi maintindihan at mahirap maunawaan. Kahindik-hindik tuwing naaalala niya ito. Ngumiti siya.

Nang gabing iyon nanaginip siya. Dinalat niya ang kanyang mga mata, muli nanaginip, nabaling ang kanyang atensyon sa namumuong sama nang panahon. Ramdam niya sa kanyang hubad na mga paa ang buhangin nang dalampasigan sa baybayin nang Ja’khar. Napakalamig nang simoy nang hangin sa pagbukang liwayway. Nakarinig siya nang pagkulog at pagkidlat datapwat binaliwala niya ito. Tinanggal niya ang kanyang suot na damit. Lumusong siya sa tubig nang dalampasigan at lumangoy-langoy sa maalong dagat. Unti-unti siyang nalulunod at nilalamon nang kaibuturang ito. Nakaramdam siya nang bigat sa kanyang sarili dahilan upang matauhan siya at umahon.  At umahon hanggang sa nalunod siya.

Nang umagang ito, umalis siya sa kanilang tahanan. Nagtungo siya kasama nang kanyang mga kapatid at pinsan palabas nang lupain nang Ja’khar patungo sa gubat nang hamog at sa mapanglaw na kakahuyan upang mangaso. Hindi kakaiba sa kanya ang pangangaso. Sa pagguhit nang kanyang daliri sa putikan at pagkakatatag ng mga hakbangin ang kanyang pamumuno ay isang maingat na istratehiya. Ang kanyang pangalan ay bulong sa hangin…sigaw na mistulang awitin sa mga panalangin. Ang kanyang kagalingan ay hindi maitatanggi datapwat ito ay tampulan ng tukso at panghahamak sa kanyang mga mahal sa buhay. Isang punla na kanyang itinanim, inaalagaan at hindi magtatagal ay balak niyang gapasin sa pag-ani.

Tumarak ang tudla, mula sa kanyang busog, sa puno nang abo. Hindi ito mintis.  Dinala niya lamang ito sa dapat nitong kalagyan. Hanggang sa gumugulong ang baboyramo at bumagsak ito sa mga kahoy na panuhog na kanilang ibinaon sa lupa at inani.

Isa itong ina… mamamatay ang mga anak nito sa loob nang kakahuyan. Minungkahi sa kanya nang nakatatandang anak nang kanyang tiyo na pabayaan na lamang ito sa loob nang gubat ng hamog ngunit hindi siya pumayag. Siya pa rin ang pinuno nang pangangasong ito. Higit kaninoman siya ang magpapasiya. Kinuha nila ang mga laman nang baboyramo. Pinaghahati at isinakay sa mga dala nilang mga alagang asong-gubat habang ang mga biik ay kanilang dinala pabalik sa kanilang lipunan pabalik sa loob nang kanilang kinasasakupang tahanan, kasama nang mga hayop na kanilang alagang mga tapir, mga asong-gubat, mga hamsa at mga pato. Aalagaan, palalakihin at pararamihin at kung dumating ang takdang-panahon magiging laman ito nang bawat hapagkainan sa kinasasakupan nilang lupain at maging sa buong Ja’khar.

Sa pagbaling niya sa tahanan nang mga Roshan, dalidali siyang bumaba sa kanyang sinasakyang asong-gubat sa loob nang yungib. Tinanggal niya sa pagkakatali ang paratilya at sapin sa likuran ng asong-gubat at ipinatong ito sa sampayan na nasa loob ng Yungib saka siya lumabas at pumasok sa loob nang kanyang tahanan. Sa paglabas niya sa madilim na pasilyo nang tahanan nabaling ang kanyang atensyon sa kanyang ina na nagpapaligo sa mga asong-gubat sa loob nang kanilang tahanan.

Lumapit siya dito. Tinanong siya nang kanyang ina kung maaari ba siya nitong tulungan. Bagay na kanyang itinanggi. Isang panghihinayang kung tutuusin. Sinabi nang kanyang ina sa kanya na ang dami-dami nilang mga alagang asong-gubat na habang tumatagal ay hindi naman nababawasang bagkus lalo pang dumadampi. Tinanong niya sa kanyang ina kung bakit hindi ito tulungan nang kanyang ama o nang Hadi Fadil. Sinabi nang kanyang ina na parang hindi niya naman kilala ang kanyang ama…na kung tutuusin kailan niya ba nakitang gumawa nang mga ganitong bagay ang Hadi Yusuf. Bagay na kung tutuusin ay siyang may katwiran. Tinanong niya ang kanyang ina kung nasaan nga ba ang kanilang ama. Sinabi nito sa kanya na kausap nito ang kanyang tiyo. Matapos noon bumalik siya sa loob nang kanilang tahanan. Hinanap niya ang Hadi Yusuf at sa kanyang paglalakad, sa hindi inaasahan, nakita niya at narinig ang pag-uusap nang kanyang ama at nang Hadi Mirza sa hardin nang tahanan…

Malalim ang mga tinig na mga ito sa isa’t isa. Malakas ang boses nang magkapatid dahilan upang marinig niya ang pagtatalo ng mga ito na hindi niya alam kung ano ang naging dahilan. Hindi niya inasahan na marinig at sambitin nang Hadi Mirza ang tahanan ng mga Barakat. Sinabi nang kanyang ama na hindi nila maaaring basta lamang kalimutan ang pagkakautang nila sa tahanan nang mga Barakat. Malaki ang itinulong sa kanila nang mga panahong nahihirapan sila at napinsala ang kanilang bayan sa tagtuyot na naranasan nila maraming panahon na lumipas.  Sinubukan nang kanyang ama na kumbinsihin ang kanyang tiyo na maaari silang tulungan nang Hadi Yasir sa kanilang lupain.

Bagay na pinagpilitang tanggihan nang Hadi Mirza. Sinabi nito sa kanyang ama na marami na ang naitulong ang tahanan nang mga Barakat sa kanila…hindi na maganda kung hahayaan lamang nila ito na tulungan pa silang muli.

Wika nang Hadi Yusuf sa Hadi Mirza, “pero ang Hadi Yasir na ang nagmamagandang-loob sa kanila!”

Wika nang Mirza, “utang na loob pa rin na maituturing ang pagtulong nang tahanan ng mga Barakat sa ating lupain. Hindi lang naman tayo ang nasalanta at napinsala nang masamang panahon!”

Tanong nang kanyang ama sa kanyang tiyo, “paano ang ating mga nasasakupan…paano ang ating mga alaga? Saan tayo kukuha nang ipangkakain sa kanila?”

Wika nang Hadi Mirza, “bata ang Hadezar…malapit ito sa Hadi Mahdi…ngayon kung hahayaan natin siya na bayaran ang utang na loob na minsan na sa ating ipinagkaloob nang Adi Hiba malaki ang mawawala sa atin. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko, baü?”

Bagay na sinang-ayunan nang kanyang ama. Wika nang kanyang ama, “naiintindihan ko abu.”

Wika nang kanyang tiyo, hindi mo kilala ang Hadi Yasir, Hadi Yusuf. Wala siyang ipinagkaiba sa kanyang ina… jedaerau, ogron’irn jedaeuraah!

Sa pagtalikod nang kanyang ama sa kanyang tiyo at banta nang paglabas sa balkon ng kanilang tahanan nakita siya nang kanyang ama…datapwat tinalikuran siya nito at iniwang nakatanaw sa kanyang tiyo na nag-iisa sa loob nang mataas na hardin…

Sinabi nang kanyang tiyo sa kanya, “mahirap nang sumugal sa isang tahanan na walang ibang kayang gawin kung hindi pabagsakin ang sariling nito.”

Sinundan niya ang Hadi Yusuf. Nakita niya ito na nakaupo sa loob nang silid lutuan. Binaba niya ang nakahiwang karne nang baboyramo na pinahiwa dito upang lutuin at paghatihatian. May hawak itong basong naglalaman nang nakakalasing na inumin.

Tanong niya sa Hadi Yusuf, “hindi ba masama sa inyo ang pag-inominom?”

Alam niya nang mga sandaling ito kung ano ang nararamdaman nang kanyang ama. Alam niya na hinahanap nito ang kanyang kapatid. Wika nang Hadi Yusuf sa kanya, “suntok sa buwan ang ginagawa mo…” Hindi pa rin tumitigil ang kanyang ama.

Tanong niya, “ano ang gagawin ko? Hihintayin ko kayo na may mapili sa akin na mapapangasawa kaysa ako ang magpasya kung ano ang gusto kong maging buhay?”

Wika nang Hadi Yusuf sa kanya, “anak kita…”

Wika niya dito, “alam ko!”

Tanong nito sa kanya, “Kung ganon bakit mo pinagpipilitan ang sarili mo sa isang bagay na hindi naman sa iyo nakalaan!”

Wika niya, “dahil alam ko kaya mo…naniniwala ako sa iyo at sana magawa mo rin akong pagkatiwalaan! Dahil alam kong kaya ko at hindi pa ako sumusuko!”

Kasunod noon tinalikuran niya ang Hadi Yusuf at bago siya tuluyang makaalis nakarinig siya nang pagkalabog. Lumingon siya. nakita niya na binasag nito hawak nitong baso na may lamang na nakakalasing na inumin. Wika nito sa kanya, “kahit anong gawin mo hindi ka magiging patnugot nang tahanang ito. Hindi ka magiging Hadezar!”

Tugon niya, “O ama sana nakikita mo kung ano ang sinasabi mo.”

Saka siya umalis sa loob ng silid lutuan.

Kinuha niya ang kanyang busog at tudla. Bumaba siya sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan at nagtungo sa yungib nang mga asong-gubat. Matapos noon umalis siya sa tahanan nang mga Roshan, tinakasan niya ang kanyang tahanan. Iniwan niya ang mga ito. Nagtungo siya sa loob nang kakahuyan kung saan malaya niyang nagagawa ang kanyang kagustuhan.

Isa siyang halimaw…Hindi iyon maitatanggi o maitatago sa kanya nang kahit sinoman. Iyon ang tingin sa kanya nang iba. Marahil hindi sa kanyang ina…marahil hindi sa kanyang tiyo. Pero alam niya isa siyang halimaw, bilanggo nang kanyang tahanan, nang kanyang ama at tiyo na sumusubaybay sa kanya at sinusuri ang bawat galaw na kanyang ginagawa. Isa siyang halimaw na natatangkaran ng sinomang lumalapit sa kanya. Natatakot sa kadiliman na kanyang tinataglay kaya lalong ibinabaon at hinahamak nang mga lumalapit. Sa kanyang mga kapatid at mga pinsang mga lalake siya ang pinakamatangkad. Sa kanyang ina at tiya siya ang nakaaangat. Isa siyang halimaw, hindi, mali…isa siyang halimaw dahil walang sinoman ang nakakaunawa sa kanya dahil walang sinoman ang nakakakita sa kanya nang higit sa kanyang itsura. Para siyang isang tikin sa mga palitong nakapaligid sa kanya. Sinusubukan siyang lamunin ngunit hindi nila magawa. Ang kanyang balingkinitang katawan, ang kanyang mahahabang mga braso at binti, gayong hindi sapat ang kanyang kagandahan. Gayong hindi sapat ang kanyang pagiging babae para maging bahagi nang mga kalalakihan ni nang mga kababaihan o nang masmahalaga pa. At hindi niya gustong maging sapat nang kahit anoman.

Tumarak ang tudla, mula sa pagpapakawala niya sa kanyang busog, sa tudlang sumibat sa puno nang Avetas sa loob nang mapanglaw na kakahuyan. Pinangako niya sa kanyang sarili, walang sinoman ang makakagamit sa kanya.

Sa pagbalik niya sa tahanan ng mga Roshan nakita niya ang kanyang ina na nakatayo sa pasilyo katabi ang kanyang bunsong kapatid sa harap nang bulwagan ng kanilang tahanan. Nagtaka siya. Lumapit siya sa kanyang ina at sa paglapit niya nakita niya ang Hadi Yasir na kausap ang kanyang tiyo at ang kanyang ama. Bagay na kanyang pinagtakahan. Tinanong niya ang kanyang ina kung ano ang nangyayari. Sinabi nang kanyang ina na kanina pang nag-uusap ang mga ito. Kasunod noon sinita siya nang kanyang ina gayong ngayon lamang siyang nakauwi at kahapon pa siya hinahanap nang kanyang tiyo.

Tinanong niya ang kanyang ina kung ano ang ginagawa nang Hadi Yasir sa loob nang kanilang pamamahay. Sinabi nang kanyang ina na handang tumulong ang tahanan ng mga Barakat na muling makabangon ang kanilang tahanan kung magagawa din tulungan nila ang tahanan ng mga Barakat na makaahon sa kinahaharap na pagsubok.

Sinabi nang kanyang ina na pinag-uusapan nang mga ito ang mangalakal nang mga binhi na gagamitin sa susunod na ani gayong higit na kinakailangan ang puspusang gawain at panahon. Makakatulong ang kanilang pagtutulungan para mapabilis ang kanilang pag-aani.

Datapwat may kapalit at gayong ang kapalit nito ay kinakailangan na palakasin nila ang pagluluwas nang kanilang mga produkto sa ibang mga lupain at ibayong-dagat sa loob lamang ng walong buwan. Bagay na mahirap na mangyari ngunit kinakailangan nilang gawin. Sinabi niya sa kanyang ina at kapatid na maigi ngang magkaroon nang pagtutulungan sa dalawang tahanan.

Ngunit liban dito may isa pang kagustuhan ang tahanan nang mga Barakat…bagay na kanyang ipinagtaka at tinanong sa kanyang ina. Sinabi nito sa kanya na hinihingi nang Hadi Yasir ang kanyang kamay upang maging asawa sa Hadi Mirza.

Bagay na kanyang ikinagulat. Tinanong niya ang kanyang ina kung alam ba ito nang baba. Bagay na sinang-ayunan nito at sa katunayan ay ito pa ang lumapit sa Hadi Yasir at ang nakiusap nang pagtulong sa kanilang tahanan gayong binubugaw siya ng kanyang ama sa matinding kaparakan.

Tinanong niya ang kanyang ina kung ano ang katungkulan nang kanyang tiyo dito. At sinabi nito sa kanya na siya ang bahalang humusga. Bagay na kanyang ginawa.

Sa banta nang kanyang pagpasok sa loob ng bulwagan ng tahanan pinigilan siya nang kanyang ina. Hiningi nito sa kanya ang kanyang busog at tudla na nakasabit sa kanyang katawan. Ibinigay.  niya ang kanyang busog sa kanyang kapatid. At iniwan niyang nakasabit sa kanyang beywang at nakatali sa kanyang katawan ang tiklis na may mga lamang tudla. Saka siya pumasok.

Sa pagpasok niya nagtatawanan ang mga ito…hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan nang dalawa gayong malayo ito sa lagusan at sa pasilyo. Lumapit siya sa Hadi Mirza na nakaupo paharap sa Hadi Yasir. Tinawag niya ang kanyang tiyo. Tinanong niya ito kung kailangan ba siya nito. Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Mirza.

Nawala ang ngiti sa labi nang Hadi Yasir. Tumayo ang Hadi Mirza sa pagkakaupo nito Lumapit ito sa kanya. Tinanong siya nito kung kararating niya lang bagay na kanyang sinang-ayunan.

Nagtaka an Hadi Yasir. Tinanong nito sa kanya kung saan siya nagpunta. Sinabi niya sa Hadi Yasir na nagpunta siya sa mapanglaw na kakahuyan. Sinabi nang kanyang tiyo na hilig niya ang mangaso sa loob nang mga kakahuyang nakapaligid sa Ja’khar. Bagay na ikinatuwa nang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat.

Tinanong niya ang Hadi Yasir na kung ganong hindi nito hilig ang pangangaso ay siguro hilig nito ang pag-inom…gayon sa kanyang pagmamalabis tinanong niya dito kung totoo bang madalas itong umiinom nang nakakalasing na inumin.

Bagay na hindi itinanggi nang Hadi Yasir sa kanya at sinabing hilig nito ang uminom, madalas, higit isang beses sa isang araw at kung minsan ay marami. Na hindi iyon sitsit bagkus iyon ang totoo.

Tinanong nang kanyang tiyo sa Hadezar nang tahanan ng mga Barakat kung maging rin ba ito ay may hilig sa pangangaso bagay na itinanggi nito sa kanila. Tinanong niya sa kanyang tiyo na kung gayong wala na itong kailangan sa kanya at walang iuutos hiningi niya dito na kung maaari ay hayaan siyang lumiban at makapagpahinga. Bagay na itinanggi nito sa kanya. Sa halip pinakilala siya nang kanyang Hadezar sa Hadi Yasir na naroroon sa loob nang kanilang bulwagan at kinasasakupang lupain.

Sinabi nang Hadi Yasir na nagkita na sila. Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Tumayo ang Hadi Yasir sa kanyang pagkakaupo. Tinanong siya nito kung maaari ba silang mag-usap nang sarilinan. Bagay na pinagtakahan nang Hadi Mirza datapwat nilinaw ng Hadi Yasir ay doon sa hindi marami ang umaaligid-aligid at gayong maaari silang makitang dalawa na tunay na nang-uusap. Nangako ang Hadi Yasir sa kanyang na wala itong gagawing masama laban sa kanya. Bagay na hindi niya hahayaang mangyari.

Minungkahi niyang maaari silang mag-usap sa malawak na lupain sa gitna nang tahanan. Bagay na nagustuhan nang Hadi Yasir. Pinauna siya nitong lumabas sa bulwagan nang tahanan. Kasunod noon sa kanyang paglabas lumabas din ang Hadi Yasir. Hinintay niya ito. Sabay silang lumabas sa pasilyo at iniwan ang kanyang ina, kapatid at tiyo sa nakaangat na pasilyo ng tahanan. Gayong naglakadlakad sila paikot sa malawak na lupain at sa platapormang nasa gitna nito.

Sa kanilang paglalakad humingi siya nang tawad sa pagpaparatang niya dito bilang lasenggo.

Bagay na itinanggi nito. Sinabi nito sa kanya, “Naintindihan ko…wala kang dapat na ihingi sa akin nang tawad. Alam ko na nabigla ka. Siguro alam mo na!”

Bagya na siyang totoo. Sinabi ito nang kanyang ina bago siya pumasok sa loob ng bulwagan nang tahanan ng mga Barakat.

Pagpapatuloy nang Hadi Yasir, “ang totoo gusto kong uminom” nang may pagngisi at pag-uyam sa mga salita nito bagay na nagbibigay sa kanya nang kalungkutan. “Hilig kong uminom” Nang may hikbi sa mga salita at kagalakan.  “Hindi naman kaila na gusto ko pero hindi ibig sabihin noon pinagmamalaki ko na siya! Hindi ko siya ikinahihiya. Naniniwala akong walang masama sa pag-inom nang nakakalasing na inumin pero hindi rin siya dapat na ipagmalaki!” saka ito lumingon sa kanya. Dagdag nito, “ikaw hilig mo ba ang uminom?”

Yumuko siya nang may pagkahiya Umiling-iling siya. Itinanggi niya ito. Sinabi niya, “Hindi. Hindi ko alam kung nakainom na ako—sinubukan ko minsan! Ikalabing-walong kaarawan ko iyon. Nagkaroon ng maliit na salu-salo. Naging masaya ang aking kapatid at mga pinsan. Pinakilala ako nang aking tiyo sa aming mga pinamumunuan. Sa gitna nang pagtitipon nakita ko siyang umiinom pinigilan ko siya kinuha ko sa kanya ang hawak niyang baso at sinabi ko sa kanya na hindi pa siya pwedeng uminom. Hindi naglaon ako na ang umiinom. Matigas ang ulo ko… uminom ako nang uminom, hindi ko namamalayan na marami na akong ininom. Hindi ko alam na hindi ko kaya. Nakita ako nang aking ina na nakahandusay sa sahig at walang malay. Ginising niya ako. Sinabi niya sa akin na masyadong pang maaga para malasing ako, mula noon naging tampulan ako nang tukso…o isa sa mga tukso…kaya hindi na ako uminom.”

Sinabi sa kanya nang Hadi Yasir na bakit hindi niya muling subukan. Mabuti kung unti-untiin niya, sa gayon hindi siya malalasing. Bakit hindi niya subukan kung minsan. Iyon ay sa palagay lamang nito ngunit hindi siya nito pinipilit pero bakit nga ba hindi.

 Lumingon siya dito habang patuloy silang umiikot sa paligid nang plataporma. Napansin niya ang suot nitong damit, isang itim na Báta at pulang saluwâl na nakakorto at isang talampakan ang layo mula asa bukung-bukong nang paa nito.

Tumango-tango siya bilang sagot niya dito.

Pagbibiro niya, “kung mabuti lang pag-inom!”

Bagay na ikinangiti nang Hadi Yasir. At nakita niya ito.

Nagbigay nang pakikiramay matapos na mamatay ang Adi Hiba…Bagay na tinanggap nito. Sinabi nito na mahirap ang maging mapag-isa. Mahirap ang mawalan lalo pa’t malapit ito dito. Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Matapos humingi ito nang tawad sa kanya. Wika nang Hadi Yasir, “alam ko sa nakaraang araw, naging laman ka nang mga bulongbulungan dahil sa nangyari sa mga baitang nang tore …dahil sa akin. At gusto kong humingi sa iyo nang tawad! Hindi ko kagustuhan na pahiyain ka. Hindi iyon ang aking hangarin…sumpaman!” Nang may ngiti.

Ngumiti siya. Tugon niya, “wala tayong magagawa pa… nangyari na ang nangyari. Kahit anong gawin ko hindi ko na magbabago pa, ang atensyon nila ay nasa akin!”

Wika nito sa kanya, “naiintindihan ko!”

Wika niya, “narinig ko na pinag-uusapan niya ang pag-aangkat nang mga binhi at tulong na ibinigay mo sa aking ama at tiyo!”

Paglilinaw nito sa kanya, “totoo wala pa akong tulong na ibinibigay…tulong na minumungkahi meron! Pero naniniwala akong hindi sapat kung mag-aangkat lamang tayo nang mga binhi na ipangpapalit natin sa mga nawala sa atin. Hindi naman sa diskupiyado ako at walang tiwala na magagawa natin na maabot ang hinihingi nang mga mangangarabana na walong buwan…sa katunayan ay naniniwala ako na maaari natin itong abutin gayonman ang tulong nang dalawang tahanan at ang mga inangkat na binhi ay walang kasiguraduhan. Isipin natin hindi tayo sigurado na ang binhi ba na ating inangkat ay tutubo sa ating lupa. Paano kung dumating ang mga bagyo o higit ay makaranas tayo nang matinding tag-init lalo pa’t papasok na ang panahon ng tag-init! Maraming kailangang ipag-alala…ngunit bakit hindi natin subukan?”

Pagtataka niya, “kung ganon bakit ka sumubok? Dahil ba sa akin. Tinanggap mo ang alok ng aking ama na gawin mo akong asawa…at ngayon napapansin ko na hindi ka sigurado kung karapatdapat ba ako sa iyo.”

Wika nang Hadi Yasir, “hindi sa ganon…sigurado ako. Siya ang lumapit sa akin pero ako ang humingi sa kanya na hingin sa iyong tiyo ang iyong kamay para gawin kitang asawa! Ang totoo hindi ko alam ang ginagawa ko… pitong taon ako nang bumalik ang aming tahanan mula sa ikalawang pagkakataon ng pagbagsak nito dalawampung taon na ang nakararaan…masbata ka sa akin nang isang dekada. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi…siguro dahil sa pagmamalabis! At ayoko kitang pilitin!”

Nagpasalamat siya dito.

Kasunod noon sinabi nito sa kanya na nalaman nito ang nangyari sa isa pa niyang kapatid

Wika niya, “alam ko!”

Wika nito sa kanya, “ikinalulungkot ko!”

Tumigil siya sa kanyang paglalakad. Tumigil ang Hadi Yasir sa paglalakad. Tanong niya, “anong ibig mong sabihin tungkol sa aking kapatid? Ano ang nangyari sa Hadi Batul!”

Wika nito sa kanya, “Adi…sinubukan nang mga Harith na kunin dito ang asawa nito, ibalik ito sa tahanang pinagmulan nito kapalit noon tutulungan nang mga Harith ang iyong kapatid. Ngunit tumanggi ang hadi Batul—Hindi ko na alam pa kung ano ang nangyari sa kanya o sa Adi Ismat!”

Nabaling ang kanyang atensyon sa Hadi Yasir. Tanong niya dito, “Hadi Yasir…kung hindi mo mamasamain gusto ko lang na malaman kung nakagamit ka na ba ng busog at tudla!” Pinagtakahan siya nang Hadezar. Humingi siya nang tawad. Sinabi niya, “hindi na mahalaga pa.”

Wika nito sa kanya, “hindi—gusto kong malaman!”

Ngumiti siya. Inanyayahan niya ito na umupo sa plataporma, sa kanyang tabi bagay na pinaunlakan nito.

Sinabi niya na tinuruan siya nang kanyang ama na gumamit nang busog at tudla nang maliliit pa lamang silang magkakapatid. Tinuro nito sa kanya kung papaano ito gagamitin kasabay nang pagtuturo nito sa kanyang mga kapatid na lalake at kung hindi pa ito nakakagamit ay inanyayahan niya ito na maaari niya itong turuan.

Sinabi nang Hadi Yasir sa kanya na nakakita na siya nang busog at tudla maging nakagamit na rin ito.

Humingi ito nang tawad sa pagiging pangahas. Sinabi nitong gusto lamang nitong mabago ang usapan.

Wika nito sa kanya, “alam ko! Gusto mo ang pangangaso…gusto mo ang busog at tudla…wala akong alam sa iyo, hindi ko alam kung ano-ano pa ang gusto mo. Gusto kong malaman!”

Ngumiti siya. Wika niya, “gusto kong kumain! Nang marami! Hindi lang ako marunong magluto.”

Wika nito sa kanya, “at?”

Dagdag niya, “gusto kong matuto nang iba! Gustong makilala…Sabihin mo sa akin hadi Yasir, kung hindi mo mamasamain ngayon isa ka nang Hadezar ano ang pakiramdam nang pagiging isang patnugot at bagong pinuno? Masaya ba?”

Wika nang Hadi Yasir, “masaya…pero walang nagbago…ang tanging pagbabago lamang ay ang pagtawag sa iyo ng mga nakakasalamuha mo at kilala mo na simula nang pagkabata mo. Matagal na akong pinuno nang aking tahanan, nabubuhay pa lamang ang aking ina kahalili niya na ako sa pagpapatnugot sa mga kinasasakupang naming lupain. Kaya pangkaraniwan na lamang ito sa akin pero hindi ibig sabihin noon madali na ang lahat! Mahirap pa rin kung tutuusin.”

Pagtataka niya, “anong ibig mong sabihin…mukhang madali naman ang ginagawa mo nang aking tiyo!”

Wika nito sa kanya, “mabigat ang pagiging Hadezar. Higit kaninoman nakaatas sa isang Hadezar ang ikaangat o ikababagsak nang kanyang nasasakupan. Ang Hadezar ay kailangan maging maingat. Tuwid sa mga balak nitong gawin at sa mga lunggati. Na kailangang isaalang-alang ang nasasakupan at ang tahanan bago ang sarili.”

Hindi ito katulad nang mga naririnig niya o inakala. Hindi ito tahimik o mailap. Hindi ito katulad nang una niyang pagkakakilala dito hindi ito kakaiba o nakakatakot. Ang kanyang sapantaha sa Hadezar ay tuluyang naglaho nang araw na ito. Ito ang una niyang pagkakakilala sa Hadi Yasir.

Sinabi niya, “siguro hindi lang mahalaga sa pagiging Hadezar ang may pagpapahalaga sa nasasakupan nito o sa may katiyakan sa pagkakaroon ng tuwid na hangarin ang layunin ng isang Hadezar bagkus dapat ay may pagpapahalaga din siya sa kanyang nasasakupan, higit sa lahat.”

Wika nito sa kanya, “siguro nga! Kuyvvyet menzi, Kuyvvyet jai’se

Wika niya, “Oo—tama ang sinabi mo!” nang may ngiti.

Tugon nito sa kanya, “para ka maging malakas kailangan mo rin maging malakas para sa iba.”— Nabaling ang kanilang pansin sa bulwagan nang tahanan ng mga Roshan kung nasaan ang kanyang ina, kapatid at ang kanyang ama. Natakot siyang mawala dito at makuha nang Hadi Yasir. Ito ang tahanang kanyang kinalakihan. Ito ang tahanang hindi magagawang takas an.

Kasunod noon muli siyang lumingon sa Hadezar nang tahanan ng mga Barakat.

Wika niya sa Hadezar, “Kung ganon paano ka nakakasiguro?”

Tugon nito sa kanya, “tulad nga nang sinabi…mahalaga ang kapakanan nang mga nasa ilalim nang iyong patnugot!”

Umiling-iling siya. Pinigilan niyang magsalita ang Hadi Yasir. Muli tanong niya, “paano ka nakakasiguro na ako ang karapatdapat para sa iyo! Magkaiba ang ating pinagmulan…malaki ang agwat nang ating mga panahon sa isa’t isa.”

Dagdag nang Hadi Yasir, “at sa taas!” nang may ngiti.

Bagay na kanyang nginitian at sinang-ayunan.

Tugon nito sa kanya, “hindi! Hindi iyon! Pero nang nakita kita sa unang pagkakataon…hindi ko alam ang pakiramdam. Magulo ang sandaling iyon! Parang tumigil ang pagkakataon, nang makita kita…at nang kausap kita ngayon, masaya ako na kausap kita ngayon. Alam ko hindi mo ako magugustuhan at siguro darating ang panahon mawawala ang lahat nang aking nararamdaman kapag natauhan na ako sa pakiramdam na ito. Pero…kapag kausap kita nakakaramdam ako ng kalayaan. Siguro hindiman tayo para isa ‘t isa siguro hindi mo ako sasagutin o hindi mo ako pipiliin. Siguro nakahanap ka na nang iba, pero yung mga sandaling iyon na alam mo sa sarili mo na gusto mo siya at alam mo kung ano ang gusto niya—hindi ko alam, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, alam ko kung ano ang gusto mo at alam ko rin na gusto kita, Adi Hikmet!”

Wika niya sa Hadi Yasir, “patawarin mo ako!” Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot. Ayaw niyang saktan ang Hadi Yasir. Nakita niya na sumang-ayon ito sa kanya. Inintidi siya nito. Pagpapatuloy niya, “hindi ko masasagot ngayon kung anoman ang hinihingi mo sa akin!”

Dagdag nito, “kung iyong pahihintulutan at hindi mo mamasamain, Adi Hikmet!”

Nagbigay nang paggalang ang Hadi Yasir sa Adi Hikmet. Kasunod noon tuluyang itong nagpaalam sa tahanan nang mga Roshan at hindi na ito dumalaw pa sa kanilang tahanan.

Matapos ang ka nilang pag-uusap umalis din ang Hadi Yasir at nagpaalam din ito sa kanya.

Maagang umalis ang Hadi Yasir sa pagtitipon.

Sa mataas na hardin nakita niya ang kanyang tiyo. Sa pagpasok niya dito nakita niya ang kanyang tiyo katabi ang isang tuta na hinihimashimas nito sa kanyang hita habang nakaupo sila sa isang mahabang upuan na may sandalan at patungan nang mga kamay. Tinanong siya ng Hadi Mirza kung nakaalis na ba ang hadi Yasir bagay na kanyang sinang-ayunan. Sinabi sa kanya nang kanyang tiyo na pag-isipisipan niyang mabuti ang mga susunod niyang mga gagawin…masasaktan lamang siya, babagsak kasama nito sakaling maging asawa niya ito.

Nang gabing ito muling bumuhos ang ulan…Sa kanyang pagtulog nanaginip siya. Dinilat niya ang kanyang mga mata, nabaling ang kanyang atensyon sa namumuong sama nang panahon. Ramdam niya sa kanyang hubad na mga paa ang buhangin nang dalampasigan. Napakalamig nang simoy nang hangin sa pagbukang-liwayway. Tinanggal niya ang kanyang suot na damit. Tumakbo siya sa maalong dalampasigan at lumusong siya at lumangoy-langoy.

Lumipas ang mga araw sa pagtagal nanatili siya na nag-iisa sa loob nang kanyang silid. Naging pangkaraniwan lamang ang lahat sa loob ng tahanan ng mga Roshan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang mga tungkulin at gawain. Ang masalimuot na katotohanan ay bumabalik nang bumabalik sa kanya. Iniisip niya bago matulog kung papaano kung tama ang Hadi Yasir. Paano kung binaliwala niya lamang ang pagkakataong lumalapit na sa kanya para sa kagustuhan niyang maging patnugot. Patuloy ang pagbuhos nang ulan ng umagang ito. Hindi niya magawang tanggalin sa kanyang isipan ang sinabi nang Hadi Yasir tungkol sa kanyang kapatid. Kahit anong gawin niya hindi nawala sa kanya ang hindi mag-alala dito at sa asawa nito. Masyado pang bata ang mga ito…

Minsan sa gitna nang kanilang gawain tinanong niya ang kanyang ina kung nagkamali ba siya na paghintayin ang Hadi Yasir. Nag-alala ang Adi Arwa sa kanya. Sinabi nito sa kanya na wala siyang nagawang pagkakamali. Na pangkaraniwan ang magdalawang-isip.

Ngunit sinabi niya hindi sila pangkaraniwan. Sinabi niya sa kanyang ina na ito’y isang maingat na paraan.

Bagay na hindi ipinagkaila nang Adi Arwa. Dagdag nang Adi Arwa, “Ngunit kailangan nilang magpatuloy, anak!” Tama ang kanyang ina.

Sa kanyang paglalakad sa pasilyo nakita siya nang kanyang tiyo. Tinanong siya nito kung maaari ba silang mag-usap bagay na hindi niya tinanggihan. Umakyat siya sa mataas na hardin kasama ang kanyang tiyo. Tinanong niya kung ano ang maipaglilingkod niya dito.

Sinabi nang kanyang tiyo na sinabi na sa kanya nang Hadi Yusuf ang kagustuhan nitong maging patnugot at Hadezar nang tahanan nang mga Roshan.

Tinanong niya ang kanyang tiyo kung galit ba ito sa kanya. Hindi ito nagsalita. Bahagya tumahimik ito. Binaling nito ang tingin nito sa malawak na hangganan nang Ja’khar. Napansin niya ang kalungkutan nito sa mukha. Ang pagkadismaya sa nalaman tungkol sa kanya mula sa kanyang ama, bagay na inasahan niya nang mangyayari.

Sinabi nito sa kanya na hindi nito maiaalis ang magalit. Narinig niya ang pag-aalala sa boses nang kanyang tiyo. Muli ibinalik nito ang tingin nito sa kanya. Tinignan siya nito nang may pagkadismaya.

Sinabi nito sa kanya na hindi para sa kanya ang patnugot at pagiging Hadezar nang tahanan ng mga Roshan. Na katulad nang kanyang ama nangangamba ito na baka ipilit niya rin ang kagustuhan nito at hindi ito gustong mangyari nang Hadi Mirza. Wika nang Hadi Mirza, “hindi ako makakapayag na hayaan ka sa gusto mong mangyari. Ang sirain mo ang lahat nang pangarap ko sa aking tahanan. Kaya nakapagdesisyon ako. Hindi kita maaaring itakwil…mahalaga ka sa akin. Ngunit hindi na magiging katulad pa ang lahat!”

Naiwan siyang nag-iisa sa mataas na hardin ng tahanan ng mga Roshan.

Lumipas ang mga araw. Nagdaan ang maraming pagkakataon. Walang Hadi Yasir ang dumating o nagpakita sa kanilang tahanan. Nakasisiguro na ang Hadi Mirza na hindi matutuloy ang alok na pagtulong nang Hadi Yasir sa kanilang tahanan. Gayong kailangan nilang kumilos at makiusap at maghanap nang paraan para mailigtas nila ang kanilang tahanan mula sa pagbagsak nang tahanan nito. Lumapit ang kanyang tiyo sa Hadi Khalil, ang Hadezar ng tahanan ng mga Ardashir. Nakiusap ito dito na tulungan sila bagay na itinanggi nito…nagsumamo ito sa Hadi Khalil at gayong kinailangan niyang makiusap at ipagsangkalan ang kanyang sarili para tulungan nang Hadezar ng tahanang mga Ardashir ang kanilang tahanan at mga lupaing pinapatnugunan. Hindi nagtagal itinakda ang kanyang pag-iisang dibdib sa matandang Hadezar…na kung may magagawa lang sana siyang paraan para lusutan ang bagay na ito ngunit itinakda na ito.

Lumipas ang mga araw handa niyang gawin ang lahat para sa kanyang tahanan hanggang sa nalaman niya sa kanyang tiyo na tinanggihan nang Hadi Khalil ang alok nitong pagpapakasal sa kanya o maging tulong na hinihingi dito. May kinalaman dito ang Hadi Yasir. Alam nila. Hinuha ito nang kanyang tiyo. Walang nagawa ang tahanan nang mga Roshan kung hindi hayaan na lamang siya.

Pinag-isipan nang kanyang ama na kausapin ang mga Jingkar na nasa ilalim nang kanilang nasasakupan at tignan kung sino sa mga ito ang nababagay sa kanya para maging asawa. Ayaw nang kanyang ama ang maging isa siyang Hadezar, ang magtagumpay siya bagkus nalulugod ito sa kanya na makitang hindi masaya.

Lumabas siya nang silid-lutuan. Sa kanyang paglabas sa madilim na pasilyo bumaba siya sa mga baitang nang pasilyo at nagtungo sa malawak na lupain sa gitna nang tahanan kung saan pinili niya ang makapag-isa. Hindi niya inakala na ganon naging kababaw ang pagtingin sa kanya at paturing sa kanya nang kanyang ama. Umiyak siya.

Umiyak siya katulad nang pag-iyak niya noong maliit pa lamang siya at tinutukso-tukso nang kanyang mga kalaro dahil sa pagsasabi sa kanya na hindi siya isang babae o sa pagiging isa niyang kakaiba.

Sa mga sandaling to alam niya na nang wala na siyang magagawa pa. Nakapagdesisyon na ang kanyang ama at tiyo. Kung hindi siya magiging Hadezar nang kanyang tahanan maging asawa siya nang sinoman.

Hanggang sa hindi inaasahan bumukas ang pintuan nang tarangkahan ng mga Roshan at pumasok ang Hadi Batul kasama ang asawa nitong si Adi Ismat sa loob nang kanilang tahanan.

Nakita niya ang mga ito matapos ang mahabang panahon nang pag-aalala at panalangin. Nakita siya ng mga ito. Kagyat, dalidali siyang lumapit sa kanyang mga kapatid at niyakap ang mga ito nang mahigpit. Kinamusta siya nang Hadi Batul.

Humingi nang tawad ang Hadi Batul sa kanya. Bagay na kanyang ikinatuwa at ipinagpasalamat.  Hiniling nang kanyang kapatid na kung maaari ay makiusap nila ang Hadi Mirza.

Tumalima ang Adi Hikmet sa kanila. Sinabi niya sa mga ito matutuwa ang kanilang ama at ang Hadi Mirza sa kanilang pagbabalik. Kaagad dinala niya ang mga ito sa loob nang silid lutuan kung saan ang mga ito ay naroroon.

Nakita nang kanyang mga magulang ang kanyang mga kapatid na dumating. Niyakap nang kanyang ama at ina ang pagbabalik nang Hadi Batul sa kanilang tahanan matapos ang mahabang panahon at ang asawa nito. Tinanggap nila ito tulad nang nakagawian.

Umiyak ang kanyang kapatid sa paghinga nito nang tawad sa kanyang ama at tiyo sa pagiging alibugha nito. Bagay na kanilang pinatawad.

Maraming taon na nang nakakalipas simula nang mangyari ito, nang pakiusapan ng Hadi Batul ang kanilang tiyo na bigyan sila nang isang bahagi ng lupain ng asawa nito. Bagay na ibinigay nito sa kanila. Nang araw na umalis ang Hadi Batul kasama ang asawa nito sa kanilang tahanan ang araw na iyon ay naging maramdamin. Nakita niyang umiyak ang kanyang ama. Ang kanyang panganay na anak na lalake ay malaki na at paalis na sa ilalim nang pamumuno nito. Ang pagsusumikap nang mga ito na magkaroon nang sariling tahanan at magkaroon nang bukas ang binubuo nitong tahanan. Niyakap niya ang Hadi Batul nang umalis ito sa kanilang tahanan ganon din ang asawa nito. Subalit ang lahat nang pagsusumikap ay naglaho sa pananalasa nang matinding sama ng panahon. Tulad nang ibang tahanan bumagsak ang tahanan ng kanyang kapatid at ang pagbabalik nito ay pagtalima sa pagbangon.

Kinuwento nang kanyang kapatid kung papaano sila namalimos sa tahanan ng mga Harith. Na kung saan-saan nagpunta ang mga ito ng asawa nito upang mabuhay at makaahon sa tinatamasang kahirapan. Nang bumalik ang mga ito sa tahanan ng mga harith upang makiusap na tulungan sila at bigyan nang kahit kakaunting tulong…matutulugan o makakain…kahit tanggapinman o hindi walang itinulong ang mga ito sa kanila bagkus lalo pang pinagmukhang pulibi nang mga ito ang kanyang mga kapatid. Na kaysa tanggapihan tinanggihan nang mga Harith nang pagtulong ang kanyang kapatid at ang Adi Ismat na anak nang Hadi Nasrin at nang Adi Makbule.

Sinabi nang kanyang kapatid na hiningi ng Hadi Mahdi dito na ibalik sa tahanan nang mga Harith ang asawa nito na si Adi Ismat. Hindi ito pumayag sa halip walang nagawa ang mga ito kung hindi tanggihan ang alok ng mga harith at ang mga Harith ay talikuran ang mga ito.

Mabuti na lang nagmagandang loob ang Hadi Yasir at tinulungan sila nito. Bagay na kanyang ikinagulat nang maging nang knayang ina, ama at tiyo. Sinabi nang hadi Batul sa kanilang tiyo na kung hindi dahil sa Hadi Yasir ay baka tuluyan nang namatay ang mga ito.

Malaki ang itinulong ng tahanan ng mga Barakat sa kanila. Sinabi nang hadi Batul sa kanila na hindi maitatanggi dito ang pagmamahal nang Hadezar sa pamangkin nito, kaya ang mga ito ay nagawang tulungan. Nang narinig niya ito ngumiti siya. Hindi niya inasahan na mangyayari ito na sa huli ay makagagawa nang paraan ang Hadi Yasir upang makuha siya nito…

Sinabi nang kanyang tiyo sa kanyang ama na isa itong paraan nang Hadi Yasir. Patibong kung tutuusin bagay na hindi naman maikakaila na kinasangkapan ng Hadezar ng tahanan ng mga Barakat ang kanyang kapatid at ang asawa nito. Ito ang sandatang itinatago ng mapagpanggap na Hadezar.

Wala nang dahilan pa para tanggihan niya ang Hadezar ng tahanan ng mga Barakat. Iyon kung gusto pa ba nang Hadi Yasir na maipagkasundo siya dito. Bagay na isang suliranin…

Muling bumuhos ang ulan nang araw na ito. Mabilis na nagdilim ang buong paligid. At sa pagbubukas nang tore ng mga Hadezar, napansin nila ang aninong nagtatago sa kadiliman nang hapong ito. Ang Hadi Yasir. Dumating ang Hadi Yasir nang mag-isa. Lumapit sa kanila ang Hadi Yasir o siguroman ay alam na nito kung ano ang mangyayari. Nagbigay ito nang paggalang kasabay ng pagdating nito. Wala itong kaalamalam sa mga mangyayari. Katatapos lamang na sindihan ng kanyang ama ang huling tinghoy na nakababad sa isang sulyaw sa loob ng tore.

Nagbigay ito nang paggalang sa kanya matapos nitong magbigay nang paggalang sa Hadi Mirza. Sinundan nito nang pantawag na pamitagan sa kanyang ama.

Naalala niya ang una nilang pagkikita nang Hadi Yasir.

Sinabi nang kanyang tiyo sa Hadi Yasir na gusto niya itong kausapin. Bagay na pinagbigyan nito at sinang-ayunan. Tinanong nito sa kanya kung ano ang dahilan kung bakit gusto niya itong makausap.

Pinaalala niya dito ang una nilang pagkikita. Sinabi niya, “naalala mo ba…nang una tayong magkita?” Bagay na sinang-ayunan ng Hadezar ng tahanan ng mga Barakat. Pagpapatuloy niya, “hindi mo lang alam ang bangungot na iniwan nito sa aking mga panaginip…naging lamang nang aking isipan kung ano ang nangyari sa mga baitang ng tore mga Hadezar!” Sinubukan siyang pigilan nang Hadi Yasir at humingi ito nang tawad. “ang tingin mo sa akin…parang hinahamak mo ako…parang gusto mong hamakin ang aking pagkatao at wala akong magawa at hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Ang gulo…hindi ko maintindihan. Kapag hindi ko naalala ang araw na iyon naaalala ko ang iyong mukha. Alam ko isa iyong katangahan, isang malaking katangahan. Nalaman ko kung ano ang ginawa mo sa tahanan nang mga Ardashir. Ganon din nalaman ko na tinulungan mo ang aking kapatid at ang iyong pamangkin, nagpapasalamat ako sa bagay na iyon. Pero ano na lamang ang pagmamataas ang tinataglay mo para gawin iyon sa akin?” Sinubukan siyang pigilan nang knayang tiyo subalit hindi siya nakinig. Nagpatuloy siya sa kanyang pananalita, “siguro nga hindi tayo para sa isa’t isa. Siguro nga hindi kita magagawang mahalin o magagawang magustuhan, at darating ang panahon mawawala ang lahat nang ito na nararamdaman ko…pero sa tingin ko wala nang dapat pang sayanging mga sandali sana dumating ang pagkakataon na magustuhan din kita dahil alam ko na gusto mo ako Hadi Yasir!” Nilakasan niya ang kanyang loob. Sinabi niya, “pumapayag ako na makapag isang dibdib sa iyo, Hadezar!”

Pagtataka nang Hadi Yasir, “sigurado ka!”

Tumango-tango ang Adi Hikmet bilang pagsang-ayon sa Hadi Yasir.

Ngumiti ang Hadi Yasir sa kanyang sinabi. Nagpasalamat ito sa kanya. Ngunit pinaalalahanan niya itong huwag magpakasaya dahil sa kung inaakala nitong magiging madali siyang kasama ay nagkakamali ito. Alam nang Adi Hikmet na hindi magiging madali ang buhay niya sa tahanan ng mga Barakat magkagayon man ito ang tama.

Bagay na sinang-ayunan nang kanyang tiyo.

Tumango-tango ang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat sa kanya bilang pagsang-ayon.

Advertisements

One thought on “KABANATA LIMA:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s