KABANATA TATLO:

ISANG PAHIMAKAS

Isang masamang panahon ang tumama sa Ja’khar. Hindi ito ang una sa mga masasamang mga panahon na madalas at kalimitang bumabayo sa nasabing lipunan. Tulad nang mga nauna na malakas ang tinataglay nitong hangin. Ang ulan na idinudulot nito ay pahirap, tuluy-tuloy na bumabagsak at walang tigil. Ngunit ang kalakasan nito sabihinman na kalunuslunos at karimarim pangkaraniwan na ang taglay nitong hangin na sumasalanta sa bawat pananim at nagtataasang mga puno na nabubuwal.

Una itong naramdaman sa katanghalian. Umaga palang makulimlim na ang langit. Malamig na ang simoy nang hangin. At ramdam na ang pagbabadya nito. Nakapaghanda na ang buong Ja’khar. Maagang natigil ang mga kabahayan at ang buong estado ay nagmistulang libingan. Nang dumating ang tanghali nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan. Tuluy-tuloy at wala itong patid. Dumating ang kinagabihan patuloy itong nagparamdam, mistulang mga higanteng namiminsala sa mga pananim na inaasahan. Sa pagbukang-liwayway at kinabukasan ramdam pa rin ang masamang panahon. Nang araw na ito kinailangan nila kahit papaanong tumawid sa kanilang pagkagutom. Ang ilan ay lumabas at kumilos at naghanapbuhay. Ang ilan siniguradong magiging ligtas ang kanilang tahanan, mga ariarian at kinabubuhay.

Nang dumating muli ang gabi ang pagtanaw sa lupa nang mata nito ay lalong nagpamalas nang higit na pamiminsala sa buong Ja’khar. Ito ang pinakamapangib na mga sandali. Marami ang mga namatay…mga hayop, mga mamamayang kinasasakupan marami ang nasirang mga ariarian gumuhong mga tahanan nawasak na kinabukasan.

Tatlong araw na nilamon ang buong Ja’khar nang kadiliman at malalakas na hangin at pag-ulan. Sa ikatlong gabi humupa ang bagyo naglaho ang kadiliman at muli nasilayan ang mga tala sa Ja’khar. Sa ikaapat na araw nagsimulang maging banayad ang kalangitan. Muling narinig ang mga huni nang mga ibon at ang kalangitan ay naging maaliwalas.

Nagsimulang kumalat ang mga anino sa lupa at mga Anino sa daan. Maraming mga Jingkar ang maagang nagising upang magpatuloy at tignan kung ano ang maaari nilang sagipin sa mga nagambala nilang pamumuhay.

Maituturing ang araw na ito na isang mapalad na umaga para sa Ja’khar.

Ang Pagkilala sa kanya

Ang unang ingay ang gumising sa kanya. Siya ay si Adi Ayda…Narinig niya ang paggising sa kanya nang nakatatanda niyang kapatid. Napilitan siyang bumangon sa kanyang mahimbing na pagkakatulog sa kadiliman nang kanilang tahanan. Sa pagbangon niya agad siyang kumilos. Inayos ang kanyang higaan…ginugulong ito at inalagay sa ilalim nang kama nang kanyang mga kapatid. Inayos niya ang pinakabunso niyang kapatid sa tabi ng kakambal nito na parehong mahimbing pa rin natutulog.

Tinawing-tawing niya sa kanyang sarili ang kapalaran ng mga bunso niyang kapatid na mapalad dahil wala itong mga nalalaman. Nagliwanag ang kanilang silid. Sinindihan ng kanyang ina ang timsim ng tinghoy na nakababad at nakalagay sa sulyaw.

Kanina pa gising kanyang nanna. Ito ang maagang bumabangon sa kanila para asikasuhin ang kanilang tahanan, ang kanyang ama at silang magkakapatid.  Ito ang tumatayo ngayong patnugot nang kanilang tahanan habang ang nakatatanda niyang kapatid ang kahaliling pinuno ng kanilang lupain.

Nang umagang ito maagang nagliwanag ang kanilang buong kabahayan.

Bumaba siya sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan. Una niyang nakita ang kanyang ina na nagluluto nang kanilang agahan. Sunod ang kanilang ama na nakaupo sa malaking kahon na kinasasadlakan nito dulot nang isang matinding sakit na unti-unting pumapatay dito.

Nakita niya ang kanyang nakatatandang kapatid na nakaupo malapit sa kanilang mahabang hapagkainan na tumutulong sa kanilang ina at naghahanda sa kanilang almusal.

Ang salubong sa kanya nang kanyang nakatatandang kapatid, “iyi’owuro malika!” magandang umaga, prinsesa sa wikang Jingkaris nang may panunuyo. Bagay na hindi niya pinansin…sadyang wala siyang pakialam.

Tinanong niya ang kanyang nakatatandang kapatid kung anong oras na. Sinabi nang kanyang ina na oras na upang umupo sa kanilang hapagkainan at mag-agahan.

Sa pagbaba niya nang hagdan mula sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan lumapit sa kanya ang nakatatanda niyang kapatid na lalake. Niyakap siya nito. Humingi ito nang tawad dahil kinailangan niyang bumangon nang hindi inaasahang maaga. Dagdag nito sa kanya na wala silang magagawa at higit nilang kailangan ang maraming katulong.

Binuhat siya nang kanyang kapatid at matapos ang tatlo pang baitang na kanyang tinalon inutusan siya nitong puntahan ang kanilang ama at magbigay ito nang paggalang sa haligi nang kanilang pamilya. Bagay na kanyang ginawa.

Umupo siya sa mahabang upuan at nakisalo sa almusal nang ilan niyang mga kapatid na babae na masmaagang nagising kaysa sa kanya.

Ang kanilang agahan ay mainit sabaw na may butil ng mais, tinadtad na karne nang pato na ginisa sa pampalasa at may mga malalaking karne ng baboyramo. Matapos ang kanilang agahan agad silang kumilos na magkakapatid. Ang nakatatanda niyang kapatid na babae ang naging bahala sa paglilinis at pag-aayos nang kanilang mga kinainan. Umalis ang kanyang nakatatandang kapatid kasama nang iba pa nilang mga kapatid na lalake na hindi nalalayo sa kanyang gulang.

Habang siya kinuha niya ang isang mahabang lubid na nasa dulo ng lamesa at insensaryo na nilagyan nang pinatuyong dahon nang Cafir at sinindihan saka sumama sa pag-alis kasama nang mga kapatid na babae upang pausukan ang kanilang sakahan na maisan ng umagang ito.

Hindi siya nagpahuli. Ginawa niya kung ano ang kinakailangan niyang gawin. Pero laro lamang sa kanya ang kanilang ginagawa. Iyon ang totoo. Iyon ang hindi maitatanggi. Naghiwahiwalay silang magkakapatid. Kung saan-saan sila nagpunta at siya malayo sa kanyang hinagi. Ito ang kanyang mundo. Ang kanyang lito kahit kailanman hindi siya maliligaw.

Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad sa loob ng sakahan ng maisan at sa kanyang paglalakad isang hindi inaasahan ang nakatawag sa kanya nang pansin. Napatigil siya.  Nabaling ang kanyang atensyon. Napansin niya ang isang malaking bagay na kanyang inakalang isang patay na hayop na maaaring isa sa mga nasawi sa sama ng panahon. Lumapit siya sa kung ano ang mistulang bagay na nakatago sa likurang nang mga nagtataasang mga tangkay. Nakakita siya nang dugo sa lupa. At sa kanyang pag-uusisa hindi inaasahan ang kanyang nakita.

Nagdulot ito nang matinding takot sa kanya. Dalidali siyang umuwi pabalik sa kanilang tahanan. Nabitawan niya ang insensaryo sa lupa at kumaripas nang takbo papalayo sa kinatatakutan at patungo sa kanyang pinagmulang tahanan. Dalidali siyang tumakbo sa maputik na lupa at nang narating niya ang kanilang tahanan agad narinig niya ang pagtigil sa kanya nang kanyang nakatatandang kapatid na lalake.

Tinanong nito sa kanya bakit ito humahangos. Ano ang meron sa loob nang maisan. At sinabi niya kung ano ang kanyang nakita. Inutusan siya nito na pumasok sa loob nang kanilang tahanan sabihin ito sa kanilang ama at siya ang bahalang tumingin dito.

Pumasok siya sa loob. Agad binalita niya sa kanyang mga magulang kung ano ang kanyang nakita. Sinabi nang nakatatandang kapatid niyang babae na gumagawa lamang siya nang kwento upang hindi siya kumilos. Bagay na kanyang itinanggi. Sinabi niya na hindi siya gumagawa ng kwento. Na mismong ang nakatatanda nilang kapatid na ang tumiyak at nakasiguro sa kanyang nakita.

Bumalik ang kanyang kapatid kasama ang isa pa nilang kapatid na babae.

Tinanong nang kanyang ina kung ano ang nakita nila. Tumaggi itong sagutin kung anoman ang kanilang nakita ngunit pinatotohanan ito nang isa pa sa kanyang nakatatandang kapatid na babae. Isang masamang biro para patotohanan ito nang kanyang nakatatandang kapatid.

Inutusan nang kanyang ama ang kanyang nakatatandang kapatid na lalake na sigurduhin kung ano ang nakita nilang magkakapatid at gayon tawagin na rin nito ang isa pa nilang kapatid na lalake.

Tinuro nilang magkapatid kung saan nila nakitang nakabulagta ang bangkay nang Adi. Tinayak nang mga ito sa kanilang abu kung ano ang kanilang nakita…

Sa pagpunta nila sa loob nang taniman kung nasaan nakabulagta ang matandang babae tiniyak nang kanyang mga nakatatandang kapatid na lalake na nagsasabi siya nang katotohanan. Isang Jingkar ang natagpuang nakahandusay at wala nang buhay sa loob nang kanilang maisan. Lumapait ang kanyang nakatatandang kapatid. Tinanggal nito ang iilang mga nagbagsakang mga tangkay. Sa takot sinabi nang kanyang magulang na kapatid na lalake na huwag itong gawin, bagay na kanilang sinang-ayunang mga babae, ngunit hindi ito nagpapigil.

Bigla sa pagkatanggal nang mga tangkay, nagulat ang kanyang panganay na kapatid. Nagtaka ang isa niya pang kapatid na lalake. Tinanong nito kung sino ang nakahandusay at wala nang malay na Adi sa kanilang lupain.

Sinabi nito sa kanila na ang Ading ito ay hindi lamang basta Adi kung hindi ang kanilang Hadezar.

Tinanong nang kapatid niyang babae kung ano ang gagawin nila. Sinabi nang nakatatanda niyang kapatid na bantayan nila ang bangkay. Na babalik siya kasama ang kanilang ama.

Sinubukan siyang pigilan nang isa pa nilang kapatid ngunit ginawa nang kanilang abu kung ano ang nararapat.

Sa pagbalik nang kanyang nakatatandang kapatid na lalake kasama ang kanilang ama at ang kanilang ina sinabi nito sa kanila na kailangan itong malaman nang tahanan ng mga Barakat. Inutusan nang kanilang ama ang kanyang nakatatandang kapatid na babae at siya na pumunta sa tahanan ng mga Barakat at sabihin sa kung sinoman ang naroroon sa loob nang tahanan na pagpanaw ng kanilang Hadezar.

Minungkahi nang kanyang kapatid na lalake na makabubuti kung ito ang sasama sa kanya ngunit tumanggi ang kanilang ama. Sinabi nito na higit itong kailangan dito at kung may pumuntaman, kung mayroon, mabuting nandito sila at naghihintay.

Sinunod nila ang inutos nang kanilang baba. Dalidali silang naglakad patungo sa tahanan ng mga Barakat na hindi kalayuan mula sa kanilang kinasasakupang lupain.

Sa kanilang paglalakad narating nila ang batong tahanan. Lumapit ang kanyang nakatatandang kapatid na babae sa lagusan. Sinumulan nitong katukin ang kahoy na pintuan. Ngunit bigla itong bumukas at nakita nila ang kalumbayang tinataglay nang tahanang namumuno sa kanila. Binuksan nang kanyang kapatid ang lagusan. Pumasok sila sa pintuan. Wala itong kaganda-ganda na lalo pang kinapangit nang pamiminsala nang masamang panahon.

Sinabi nang kanyang nakatatandang kapatid na babae na wala yatang tao.

Ngunit nakita niya ang isang hugis sa madilim na pasilyo na bigla rin nawala.

Nabaling sa kanya ang kanyang nakatatandang kapatid na babae habang nakaupo siya sa plataporma nang tahanan. Pinatayo siya nito…sinabihan siya nitong huwag uupo sa plataporma dahil banal na bagay ang kinauupuan nito at labag ito sa batas.

Ngunit may narinig silang tinig. Pinayagan sila nitong umupo at manatili. Sinabi nito sa kanila na maaari silang umupo hangga’t sa gusto nila. Nabaling ang kanilang pansin sa tinig na kumawala sa hangin. Hinanap nila at nakita nila kung saan ito nagmumula, sa isang Hadi na nakaupo sa pasilyo nang tahanan.

Nakita sila nito. Natakot sila.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa sahig. Lumapit ito sa kanila. Kinuha nito ang malaking kawan na may tatlong paa na bumagsak. Itinayo ito sa plataporma nang tahanan.

Tanong nito sa kanila, “sino kayo, at anong ginagawa niyo sa aming tahanan?” ramdam nito ang takot nilang magkapatid. “wala kayong dapat na ikatakot. Sabihin niyo ano ang ginagawa niyo sa aking pamamahay?”

Sinabi nang kanyang nakatatandang kapatid ang masaklap na katotohanan. Ang pagkamatay ng kanilang Hadezar.

Wika nito sa kanila, “hindi iyan totoo…”

Bagay na iginiit nilang magkapatid. Sinabi nang kanyang nakatatandang kapatid na babae na siya mismo ang nakakita sa bangkay nang kanilang Hadezar na nakahandusay at wala nang buhay sa loob nang kanilang taniman ng maisan.

Wika nang kanyang kapatid, “ang aking ama mismo ang magpapatunay nito…naroroon siya sa kung nasaan ngayon nakabulagta ang Hadezar!”

Wika nito sa kanila, “alam niyo ang parusa sa pagsasabi nang kasinungalingan, hindi ba?”

Wika nang kanyang kapatid dito, “nagsasabi ako nang totoo. Ang buong tahanan namin ang saksi sa bangkay nang aming Hadezar. Kung gusto mo puntahan mo para makatiyak ka! Sino ka ba?”

Sagot nito sa katanungan nang kanyang nakatatandang kapatid, “ako ang kanyang anak.”

Hindi sila nakaimik.

Tanong nito sa kanila, “alam niyo ba ang pangalan ng iyong hadezar…naririnig ko na tinatawag niyo siyang hadezar pero ni minsan hindi ko pa naririnig sa inyo ang pangalan ng aking ina. Paano ako makasisiguro kung totooman ang sinasabi niyo na may Adi na nakabulagta at wala ng buhay sa loob ng inyong tahanan, sinoman siya!”

Wika niya, “kilala siya nang aking kapatid?”

Nabaling ang pansin nito sa kanila mula sa pagkakatitig nito mula sa kawan na nakatayo sa gawang plataporma habang nakatayo ito sa plataporma.

Tanong nito sa kanya, “kilala siya nang iyong kapatid!”

Dagdag niya, “at ang aking ama!”

Tugon nito, “pa rin paano ako maniniwala?”

Sinabi nang kanyang kapatid na kung hindi ito naniniwala bakit hindi nito ilabas ang Hadezar sa tahanan nito. Sinabi sa kanila nito na nagpapahinga ang kanilang Hadezar.

Gustong hamakin nang kanyang nakatatandang kapatid na babae ang kanilang kausap sa pagiging mapagmataas nito at mayabang. Ngunit hindi ito ginawa nang kanyang kapatid sa halip naging maingat ito sa mga salita nito. Wika nito dito, “kung ganon!” nang may pagtitimpi. “kahit papaano bakit hindi mo tignan makasiguro ka na nagsasabi kami nang totoo at ang aming tahanan, Hadi—?” Ngayon niya lamang ito nakita sa kanyang kapatid.

At sinabi nito ang pangalan nito sa kanila. “Hadi Yasir!”

Lumapit ito sa kanila. Hinawakan nito ang kamay nang kanyang kapatid. Tinahan nito ang luha sa ilalim ng mata.  Wika nito, “sige!”

Sumama ito sa kanila. Nagtungo sila sa kung nasaan nakabulagta at wala nang buhay ang Adi na kanilang tinutukoy at pinaniniwalaan nilang kanilang Hadezar. Dinala nila ito sa loob ng kanilang taniman ng maisan. Dinala nila ito kung saan ang tinutukoy nilang Adi na nakabulagta at wala nang buhay. Sa kanilang pagdating pinakilala nang kanyang nakatatandang kapatid na babae ang kanilang matandang ama na nakaupo sa isang kariton na may gulong at dalawang hawakan. Nagbigay galang sila sa kanilang ama na sinundan nang pagbibigay galang ng Hadi Yasir.

Lumapit ito sa kanilang ama. Umupo ito sa harapan nito ng nakatingkayad. Hinawakan nito ang kamay nang kanyang ama. Kinamusta ito nang Hadi Yasir. Tinanong nito ang kalagayan nito na mistulang matagal na silang magkakilala.

Sinabi nang kanyang ama sa Hadi Yasir na mabubutibuti na ang kalagayan nito kahit papaano.

Ngumiti ang Hadi Yasir…Wika nito sa kanilang ama, “Mabuti na naman Hadi!”

Nagbigay nang pakikiramay ang kanyang ama sa Hadi Yasir. Wika nito sa kanilang ama, “lubos kailangan ko pa ring makasiguro Hadi Abusta kung ito nga ang aking ina!”

Tanong nang kanyang ama sa Hadi Yasir, “hindi ka naniniwala sa aking mga anak?”

Wika nito, “kilala niyo ako!”

Bagay na sinang-ayunan nang kanyang ama at tuwirang sinabing gaya nang inaasahan nito dito. Narinig nila sa kanilang ama ang katagang ‘Hadezar!’

Humingi ito nang pahintulot sa kanilang ama kung maaari nitong lapitan at puntahan ang bangkay bagay na bukas-palad at walang patumpiktumpik na ibinigay nang kanyang ama sa binatang Hadi na tinawag nitong Hadezar.  Tumayo ang Hadi Yasir sa pagkakaupo nito sa harap nang datay nilang ama. Kasunod lumapit ito sa bangkay na hindi nila magalawgalaw.

At siya, ang Hadi Yasir

Tinignan niya ang bangkay nang kanyang ina. Tama ang kanyang mga kinatatakutan.

Matapos nito muli siyang bumalik sa tahanan ng may-ari nang maisan. Nabaling ang kanyang pansin sa patnugot nang tahanan. Ngumiti siya nang may lungkot at hindi ito nawala sa kanyang mukha. Muli narinig niyang tinawag siya nitong Hadezar.

Humingi siya nang tawad sa mga Adi sa hindi pagpaniwala sa mga sinasabi nang mga ito. Sinabi niya sa mga ito na hindi niya hangarin na saktan ang damdamin ng mga ito. Sinabi niya na kailangan niya lamang pangalagaan ang pangalan nang kanyang tahanan sa mga sandaling ito.

Hindi siya makapaniwala na patay na ang kanyang ina.

Nagpasalamat siya sa mga ito sa hindi paggalaw sa labi nang kanyang ina. Ngunit humingi siya nang panibagong tulong. Nakiusap siya na kung maaari ay tulungan siya nang mga ito na dalhin ang labi nang kanyang ina pabalik sa loob ng tahanan ng mga Barakat.

Bagay na tinalima nang mga ito. Binalot nila ang kanyang ina sa tapiserya. Katuwang ang dalawang Hadi ng tahanan mula sa patnugot na nangangalaga sa taniman ng maisan dinala nila ang kanyang ina pabalik sa kanyang tahanan sa loob nang silid nito.

Nakiusap siya sa mga ito na kung maaari ay panatilihin muna nilang tahimik at sa nakagawian ang lahat sa araw na ito. Alam niyang hindi magtatagal malalaman ito ng buong Ja’khar at gusto niyang makapag-isa muna kasama ang kanyang ina bago pa ito dumugin at dagsain nang mga gustong makipaglibing. Bagay na tinalima nang mga ito at kanyang pinasalamatan.

Sa kanyang pag-iisa sinimulan niya ang pag-aayos sa kanyang tahanan.  Nilinis niya ang buong bulwagan at ang putik na nakakalat sa labas. Inayos niya ang silid nang kanyang ina, ang dugong nasa sahig nito. Dinala niya ang mga gamit nang kanyang ina sa loob nang imbakan nang tahanan. Sinarado niya ang lagusan nang imbakan at nagpatuloy sa mga gawain. Kasunod noon sinimulan niyang linisin at tanggalin ang damit nang kanyang ina. Binalot niya ito sa mabangong insenso, sa mga nakababad na malinis at puting tela na ibinabad sa langis na mula sa mantika nang Saola bago niya ito ilabas sa malawak na lupain sa kanilang tahanan at ipatong sa isang mataas na lamesa na nasa ibabaw nang plataporma na matatagpuan sa malawak na lupain. Pinalibutan niya ito nang mga timsim na nakababad sa langis at nakalagay sa mga sulyaw na ginagamit nilang liwanag.

Tulad nang inaasahan mabilis na kumalat sa buong Ja’khar ang nangyari sa Hadezar ng tahanan nang mga Barakat.

Unang dumating ang kanyang mga kapatid na mga babae, ang Adi Makbule at ang Adi Sule upang makiramay at tulungan siya sa mga gawain sa pagkamatay nang kanyang ina.

Tinulungan siya nang mga ito na maghanda sa pagdating mga makikipaglibing. Sila ang nag-asikaso nang ihahanda sa mga itong pagkain at pagdadagdag pa nang mga kailangang palamuti nang kanilang tahanan upang magmukhang kaayaaya ito sa paningin ng iba. Pinangasiwan niya ang pagluluto. Sinimulan niya ang pagkuha nang mga pansahog na gagamitin sa pagluluto sa loob nang isa sa mga imbakang malapit sa kanilang tahanan.

Nang umagang ito nag-agahan silang magkakapatid. Pinagsaluhan nila ang pakikiramay sa kawalan sa pagiging ulilang lubos at kawalan ng magulang. Nagkwentuhan sila. Ikinuwento nang Adi Makbule ang hindi makakalimutan nitong alaala nang kanilang ina. Ang kwento nang kanilang kabataan, nang hindi pa siya ipinapanganak at musmos pa lamang ang Adi Sule. Tungkol sa isang pagtulog sa tabi nang kanilang ina at ang alamat ng pag-aaway nang kulog at kidlat, bilang magkapatid at anak nang bagyo. Kung papaanong sa bawat pagdagundong at pamiminsala nang masamang panahon ay nag-aaway ang mga ito at nagtatalo sa pagmamahal nang magulang nito sa walang katapusan at walang hanggang sumpa.

Alam ito nang Adi Sule. Natatandaan nito nang kanyang kapatid.

Kasabay noon nabanggit nila ang pagiging kanyang inaasahang pagsilang bilang ang pinakabagong Hadezar nang kanilang tahanan. Na hindi na maitatago pa. Sinabi nang Adi Makbule na iyon ang kagustuhan nang kanilang ina sa kanya mapunta ang kapangyarihan ng pamumuno, pagiging patnugot at hadezar ng tahanan ng mga Barakat. Bagay na hinangad niya mula pagkabata pa lamang niya.

Bagkus wika niya sa kanyang mga kapatid patay na ang kanilang ina…kamamatay pa lamang ng kanilang ina. Na hindi ito ang panahon at pagkakataon para isipin at alalahanin ang pagiging Hadezar ng sinoman.

Sinabi nang Adi Makbule na hindi na nila maibabalik pa ang pagkakataon. Na kailangan na nilang kumilos habang may pagkakataon pa. Na alam nang kanyang kapatid kung gaano niya hinangad ang bagay na ito simula nang magkasakit ang kanilang ina at maging malubha ang karamdaman nito.

Sinabi niya sa Adi Makbule na nawala sa kanyang pangangalaga ang kanilang ina…at ngayon wala na ito at patay na ito binigo niya ang kanilang ina.

Bagay na itinanggi nang Adi Makbule at nang Adi Sule. Alam nila…alam nila kung ang kinakailangan niyang gawin.

Tinignan niya ang mga ito. Lumapit sa kanya ang Adi Sule at niyakap siya nito…ang katotohanan…ano ang katotohanan! Ang kailangang malaman.

Naalala nang Adi Sule ang pinakamatamis nitong alaala sa kanilang ina. Nang lumabas ito sa tore ng mga hadezar at maging Hadezar ang kanilang ina. Na Nakasuot ito nang matingkad na kulay pula na may mga bakal na galang sa mga braso, bisig at leeg nito at sa daliri nito nakasuot ang isang singsing na gawa sa luntiang bato. Hindi makakalimutan nang Adi Sule ng bumukas ang tore nang mga Hadezar at nakita nila ang kanilang ina kung gaano ito kaganda. Hindi niya iyon malilimutan. Walang sinoman ang makakalimot sa araw na iyon.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa hapagkainan. Tinanong siya nang Adi Makbule kung saan siya pupunta. Sinabi niya sa kanyang mga kapatid na maghahanda na siya sa pagdating nang mga makikipaglibing. Pinaalala niya dito na kailangan na nilang kumilos.

Bagay na itinanggi nang Adi Makbule. Sinabi sa kanya kailangan niyang sabihin kung ano ang pinakamagandang alaala niya sa kanyang ina nang bago pa ito mamatay. Hindi niya alam kung mayroon. Sinabi niya na natatandaan niya nang tinawag siya nang Adi Sule habang nasa labas siya nang kanilang tahanan. Tinanong niya ang Adi Sule kung naalala pa nito ang araw na iyon, na katulad din nang nagdaang mga araw bumubuhos din ang ulan nang mga sandaling iyon. Nagbabanta din ang sama nang panahon. Pinaalala niya sa kanyang mga kapatid na tinawag siya nang mga ito. Nakiusap na kausapin ang kanilang ina. Bagay na kanyang ginawa. Pumasok siya sa loob nang silid nito sa ikalawang palapag ang kanilang tahanan. Naglaho ang kanyang pansin sa pagbuhos nang ulan. Tinanong niya ang Adi Makbule kung natatandaan ba nito kung ano ang nangyari.

Sinabi nito na bago ito matulog at kwentuhan nang mga alamat at kasaysayan. Habang hawak niya ang mga kamay nito at nakaunan sa kanya inawitan niya ang kanyang ina. Sinabi niya, “tulog na mahal ko hindi kita iiwan/ hindi kita pababayaan/ matulog na nang mahimbing/ hindi kita iiwan/ hindi kita maaaring kalimutan!”

Matapos noon natahimik sila. Sinabi nang Adi Makbule sa kanya kung gaano siya kamahal nang kanilang ina. Na alam nila na mahal na mahal sila nang kanilang ina pero siya at siya lamang ang gusto nito sa lahat ng mga anak nito. Bagay na hindi niya naramdaman. Matapos noon tinalikuran niya ang mga ito sa loob nang silid-lutuan at nagsimulang maghanda sa pagdagsa nang mga Jingkar sa kanilang tahanan.

Nagbabad siya sa mainit na tubig nang bukalan sa kanilang tahanan. Matapos noon saka siya umahon at naghanda Nagsuot siya nang itim na Báta na may habi nang tulad sa kanyang mga tata’u sa kanyang braso, mistulang kalikis nang ahas na Markupo na nakatahi sa kanyang mga balikat na walang mga braso paibaba sa kanyang katawan. Ang kanyang saluwâl ay itim na ang laylayan ay isang talampakan mula sa bukung-bukong nang kanyang mga paa inayos, may panaling itim na tela na nakatali sa kanyang mga beywang at may mga nabuhol na mga palawit. Inayos nang kanyang nakatatandang kapatid na babae ang kanyang nakulagay na buhok. Itinali ito kasabay nang pagbilin na kailangan na itong gupitin.

Pinaalalahanan siya nang Adi Makbule na hindi na sila bata pa. Na hindi na siya bata pa para iasa sa iba ang dapat na siya ang gumagawa. Ibinigay nang Adi Makbule sa kanya ang singsing na gawa mula sa luntiang bato. Sinabi nito sa kanya na nababagay ito sa kanyang suot. Sinuot niya ang luntiang singsing nang kanyang ina. Kasunod noon ang sandalyas sa kanyang mga paa at matapos noon sinimulan niyang tanggapin ang mga sinungaling at mga kaibigan at kakilala nang kanyang ina.

Unang dumating ang tahanan ng may-ari nang maisan na kanilang tinanggap na magkakapatid. Hindi naglaon sinundan ito nang mga inaasahan. Ang mga Harith, ang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana at Roshan maging ang patnugot nang iba’t ibang tahanan na nasa ilalim nang kanilang patnugot. Nagtipon ang iba sa bulwagan kung saan naging laman nang mga kwento ang hindi inaasahang kamatayan nang kanyang ina at kung may pumatay nga ba dito.

Nagkita sila nang ina ng kanyang kalaban na si Hadi Mahdi, habang nagbibigay ito ng paggalang sa kanyang ina. Kinamusta siya nito.

Sinabi niya dito na patay na ang kanyang ina. Bagay na sinang-ayunan nito.

Tinanong siya nito kung dadating dito ang kanyang tiyo. Bagay na kanyang itinanggi. Sinabi niyang hindi niya alam. Ang pagdating nito ay malabo pa sa kalimliman nang takip-silim. At hindi niya na inaasahang dumating ito.

Tinanong siya nito kung alam niya ba na nagkabati na ang kanyang tiyo at ang kanyang ina. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Sinabi niya sa ina nang Hadi Mahdi na naroroon siya nang nangyaring ito, nang maganap ang pagbabati ng dalawang Hadezar sa loob ng kanyang tahanan sa hindi inaasahang pagkakataon….

Marami ang nakiramay sa pagkamatay nang kanyang ina karamihan kakilala at kaibigan ngunit ang iilan ay pawang simuno nang isang pagkukunwari. Pagkukunwari nang lipunan na siyang nagsasabing ang lahat nang sinoman ay may pagpapahalaga sa isa’t isa. Bagay na isang matinding kasinungalingan.

Nanatili siya na pinagmamasdan at tinanglaw ang labi nang kanyang ina. Sa kanyang pag-iisa naging katuwang niya ang kanyang mga kapatid sa pag-aasikaso nang kanilang mga panauhin. Ngayon lamang napuno nang ganito ulit ang kanilang tahanan lalo pa matapos na maganap ang pananalasa ng masamang panahon. Pinagmasdan niya ang kanyang paligid. Nakita niya ang kanyang mga kapatid na kausap ang iilan at nababaling ang kanilang pansin sa kanya na nag-iisa at nagdadalamhating sa kanilang ina. Saloob niya ang kanilang mga nagdadalamhating mga mukha kapag tinitignan siya ay pawang mga pangal at sinsay.

Hindi nagtagal kinailangan na nilang ilibing ang kanilang ina. Bagay na kanyang ginawa. Hawak ang isang sulo ang huli nilang pagbibigay galang ay natapos sa pagsunog ng labi nito. Pinanood nila ang unti-unting pagtupok nang apoy sa labi nang kanilang ina. Sabay sa mga tuyong kahoy at tuyong halaman, sa nakabalot ditong malangis na tela na ibinabad sa mantika na nagmula sa taba ng Saola ang kanilang huling pahimakas ay ang bagong yugto sa kanilang buhay.

Hindi nagtagal isa-isa nang nagsipaalam ang kanilang mga panauhin. Hanggang sila na lamang naiwang magkakapatid. Hanggang bago ang tuluyang pagdilim nang kalangitan nagpaalam na rin sa kanya ang Adi Makbule at Adi Sule. Nakaupo siya sa mga baitang nang pasilyo habang pinagmamasdan ang pagtupok nang apoy sa labi nang kanilang ina sinabi sa kanya nang Adi Makbule na kailangan nang bumalik ng mga ito sa kanikanyang tahanan, ito sa tahanan ng mga Harith at ang Adi Sule sa tahanan ng mga Parvana. Wala siyang nagawa. Sinabi nito sa kanya na siya na ang bahala sa kanila bagay na tinugunan nang pagsang-ayon. Pinagbigyan niya ang mga ito sa kagustuhan. Hindi naglaon naiwan siyang nag-iisa sa tahanang kanyang pinagmulan.

Advertisements

One thought on “KABANATA TATLO:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s