KABANATA DALAWA:

ANG PAGKILALA SA ISANG HADEZAR

Ang Hadi Yasir

Ang aking pagkasilang ay ang kasiyahan nang aking tahanan. Iyon, kung tatanungin mo ang aking ina. Sinabi niya sa akin nang isilang ako ang buong tahanan ng mga Barakat ay nagdiwang sa aking pagkasilang, ang nag-iisang anak na lalake ng aking baba na si Hadi Karim at nang aking nanna na si Adi Hiba. Ang nakatakdang tagapagmana ng aking pinagmulan. Sinabi niya sa akin na hindi maitatangging isa ito sa pinakamasayang araw sa buhay nang aming tahanan. Siguro nga totoo iyon. Siguro nga iyon ang pinakamasayang araw na dumating sa aming mga buhay ngunit hindi iyon ang aking mga alaala. Kung mangyariman iyon ang aking unang mga alaala, ang araw na ito kung saan ang ginintuang sakahan sa panahon ng tag-init…ang saganang pagmamalaki nang maisang baybaying hindi nalalayo sa aming tahanan, ang mga nag-aawitang ibon at ang mataas na sikat ng araw, ay ang pinakamasayang mga sandali nang aking kabataan, sana masaya ako— ngunit hindi iyon ang totoo.

Hindi iyon ang aking natatandaan.

Kaguluhan! Gutom! Pagmamalupit! Hindi masaya ang aming buhay lalo pa matapos nila kaming pagtabuyan sa aming lupain at gawin nila kaming mga gawing mga Kalisag.

Mahigit tatlumpung taon na ang nakararaan nang bumagsak at muling nakabangon ang aming tahanan mula sa sarili nitong kahinaan at pagkakamali ngunit hanggang ngayon, nananatili pa rin sa mga alaala nang aming mga kalaban kung ano ang ginawa nang aming tahanan sa buong Ja’khar. Sa mga panahong iyon sunud-sunod na kamalasan ang humantong sa tuluyan naming pagbagsak. Sa pagbagsak nang tahanan ng mga Barakat sa ikalawang pagkakataon.

Napilitang bumaba sa tungkulin ang afu, ama nang aking ama sa kahinaan nang katawan at kawalan nang kakayahang pamunuan ang aming tahanan at ang aming pinapatnugunan. Hindi naglaon namatay ang Hadi Abbas dahil sa matinding kalungkutan na kanyang natamo sa pagkamatay nang kanyang tagapagmana, ang aking ama. Sinundan ito nang pagkamatay nang ina nang aking ama na si Adi Dalal ilang buwan lamang ang nakakalipas. Kasunod noon, nahirapang makahanap ang aming tahanan nang matuwid na patnugot. Una ang aking amma sinundan nang aking abu, ang Hadi Rahim, na tumayong pinuno at patnugot ilang sandali lamang ang nakakalipas matapos mamatay ang ina nang aking ama. Subalit hindi siya kinilala nang kalipunan ng mga Hadezar. Pipi at bingi ang kalipunan upang pakinggan siya at pagbigyan siya na maging pinuno, patnugot at Hadezar ng aming tahanan. Hindi siya pwedeng maging Hadezar, hindi siya ang tagapagmana ng aming tahanan. Ano ang magagawa ng aking abu…nang mga panahong iyon wala siyang magawa…kahit anong gawin niya hindi siya pinakinggan ng mga ito…Sa halip napilitan ang aming tahanan na hindi kilalanin ang kapangyarihan at impluwensya nang kalipunan ng mga Hadezar, at para sa kalipunan ng mga Hadezar isa itong pabagsak at kawalan nang paggalang. Minasama ito nang Ja’khar. At naghudyat ng tuluyan naming pagbagsak.

Sa una nagkaroon nang kaguluhan. Sinabi nang aking mga kapatid na pinilit nang mga Hadezar na bilhin ang aming mga kinasasakupang lupain upang patnugunan sila. Pinilit nang aking abu ang pagkilala sa kanya bilang isang Hadezar. Nagdulot ito nang kaguluhan. Kaguluhang dulot nang kasakiman. Kaguluhang dulot nang higit na impluwensya at pagkaganid. Walang nagawa ang aming tahanan…walang nagawa ang aking abu.

Unti-unti nawala sa amin ang lahat. Pinakawalan niya kung sinoman ang gustong umalis sa aming patnugot. Hinayaan niya ang kanyang sarili na maging bigo at sumukong talunan. Nagpatuloy ito hanggang sa mamatay sa aking abu. Nagpakamatay ang aking abu! Nakita siyang nakahandusay sa loob nang isa sa mga madidilim na imbakan ng aming tahanan… Sinabi sa akin nang aking ina na nilason nito ang sarili nito nang lasong walang amoy at walang lasa.

Napalitan kaming manirhan sa labas ng aming tahanan. Matulog sa putik at sa buhos nang ulan…Tuluyan kaming bumagsak at mawala sa amin ang lahat. Naging laman kami nang pangmamata nang buong Ja’khar. Na kahit saan kami lumingon, na kahit saan kami magpunta kabila’t kanan ang natatanggap naming panlalait na unti-unti ay pumapatay sa sarili mong kaakuhan. Kahit ang aking ina nagdalawang-isip na patayin kami.

Ito ang pagmamalabis na matagal nang nasa Ja’khar ngunit bulag at bingi na tinatatanggap ng buong lipunan. Bakit ba hindi nila kayang tanggalin ang kanilang mga mata sa amin. Ano ba ang ginawa naming pagkakamali para kami ang magsisi at hindi ang aming mga ninuno. Hindi ang aking mga magulang. Kung nauunawaan lamang nila sana ang laman nang mga mata nang isang batang nagugutom, walang-wala at pinagtatabuyan. Ayoko na itong maranasan pa lalo na nang aking tahanan. Ayoko na itong makita pa lalo na nang aking kinabukasan.

Ginawa nang aking ina ang lahat nang kanyang makakaya. Napilitan siyang mamalimos nang awa para hindi kami mamatay.  Kakaunting pagkain; kakaunting bunga; kakaunting laman, lahat kakaunti. Walang nabubuhay sa kakaunti pero nabuhay kami. Kung saan-saan siya nagpupunta. Kung sinusino ang kanyang nilalapitan mabuhay lang kami.  Hindi niya kayang makita kaming nahihirapan…Wala siyang magawa. Ano ang gagawin niya? Ano ang kayang gawin nang isang ina para mabuhay lamang ang kanyang mga anak?”

Nagpakasasa siya sa iba…sa tawag nang laman sa lamig nang pag-iisa. Kung sinusino ang pumapasok at lumalabas sa kanya kapalit nang buhay nang kanyang mga anak. Hindi niya kami pinangakuan nang langit pero tinupad niya ang sigaw nang aming kagutuman. Nang aming pangangailangan. Kung naiintindihan niya lang sana ang aking himutok. Ang himutok nang kanyang anak na higit na nangangailangan nang kanyang pagyakap, pagkalinga at mga lambing na ibinibigay niya sa iba at nagpapakasasa sa kanya. Kung nauunawaan niya lang sana ako, kung nararamdaman niya lang ang aking nararamdaman pero hindi…hindi…hindi kami mahalaga sa kanya para sa kanya ginawa niya ang lahat para mabuhay kami. Para sa kanya ginawa niya ang lahat para hindi kami magutom, para hindi kami mamatay ng gutom. Ang masakit noon tinanggap ko iyon pakong dumidiin at lumalatay sa aking katawan.

Hanggang isang araw dumating siya na may kasama na namang ibang. Isang Hadi na may magarang kasuotan, ang kanyang bughaw na Báta ay may mga burdang kaliskis, ang kanyang saluwâl ay mga alon at mga isda. Isang Hadi na minsan ko nang nakita.  Minsan ko nang nakasalamuha, kung hindi ako nagkakamali. Tama! Naaalala ko na. Kilala ko siya. Hindi ko lamang matandaan kung sino siya o saan siya nagmula ngunit nakasisiguro ako kilala ko siya. Payat pero may tiyan. Mahaba ang mga braso at binti at mistulang kabatsoy. Katulad namin ang kanyang balat kayumanggi pero ang kanyang mga mata o ang kanyang mga mata, ginto sa tinubog sa ginto. Malahalimaw at hungkag na nanlilisik. Sinubukan niya akong lunurin at patayin. Ngunit hindi siya nagtagumpay…

Binigyan niya ngiti ang labi ng aking ina, ang sayang hindi ko kayang ibigay. Ngayon ko lamang nakita ganitong kasaya ang Nanna, pitong taong gulang ako noon at hindi ko siya kilala.  Pinakilala siya nang aming ina. Sinabi nang aming ina na ang kanyang pangalan ay Hadi Mahdi…Ang Hadi Mahdi ng tahanan ng mga Harith. Gusto niya kaming tulungan…nagmamagandang loob na ibangon kami mula sa kinahaharap na aming pagkadusta. Pagkadusta sa sarili niyang mga salita. Tagapagligtas nang aming mga buhay. Tagapagligtas? Hindi siya tagapagligtas.  Isa siyang kalaban. Isang Hadezar. Hadezar na naging dahilan nang aming tuluyang pagbagsak, umagaw sa aming mga lupain at kinasasakupan. Hindi siya mapagkakatiwalaan at hindi iyon ang nakikita nang aking ina.

Sinubukan kong paalalahanan ang aking ina ngunit hindi siya nakinig. Hindi niya nakikita kung ano ang aking nakikita, isang halimaw na nagkukubli sa isang balatkayo. Na walang ibang balak kung hindi lamunin kami nang buhay. Hanggang sa tinignan niya ako. Tumitig siya sa akin. Natakot ako. Hindi ko alam kung bakit. Kung ano ang dahilan upang katakutan siya. Nagtago ako sa aking mga kapatid habang naroroon kami sa loob nang bulwagan ng aming tahanan. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti ang halimaw.

Isang higanteng kabatsoy na madalas na ikinukwento ng aking ina sa akin. Karimarimarim ang kanyang itsura at anyo. Sinabi nang kabatsoy na malaki na ako. Na nang huli niya akong makita ay kapapanganak palang sa akin. Pitong taon na ang nakakalipas…nasaan siya nang mga panahong iyon para tulungan kami. Nagpasalamat ang aking ina kabutihang ibinibigay sa amin nang hungkag. Sinabi niyang tatanawin niya itong utang na loob. Isang kahinaan.

Sinabi nang aking kapatid na ang Hadi Mahdi ay ang kasalukuyang pinakamakapangyarihan at pinakamaimpluwensya sa buong Ja’khar Sila at ang tahanan ng mga Parvana. Tuwang-tuwa ang aking ina. Kung nalalaman niya lang sana. Hinawakan nito ang kanyang kamay. Sinabi nito na marami na ang nagbago. Na hindi na katulad ng dati ang lahat. Na maaari na ulit silang maging masaya. Tama siya. Marami na ang nagbago.

Pinangako nang Hadi Mahdi sa aking ina na ibabalik niya ang lahat nang nawala sa amin. Ang aming tahanan. Ang aming mga pinapatnugunan. Ang mga lupaing dating nasa aming pagmamay-ari. Isang pangakong maaaring mapako. Na kahit ang pagkakaibigang sinubok nang pagkakataon at muling pinagbugklod nang hindi inaasahan ay maaaring mawasak nang dahil dito. Maaari nitong sirain ang kanilang pagkakaibigang. At tinanggap ito nang aking ina.

Ang araw na dumating ang halimaw sa loob nang aming tahanan, nagbigay sa amin nang pag-asa nang muling pagbangon at sa halip na magdiwang kami sa kunwakunwirang pangako ay natibo kami nang mapanlansing na mabulaklaking niyang mga salita. Muli tinitigan niya ako.  Muli nakaramdam ako ng takot na hindi ko maipaliwanag.

Sinabi nang aking kapatid na hindi maganda para sa isang lalake ang magtago sa likod nang mga babae.

Tinawag ako nang aking ina. Dahilan upang hindi ko maalis ang aking titig sa kanyang nakakatakot na itsura. Tinignan ko siya. Tinitigan ko siya nang mabuti. Hindi siya isang halimaw. Hindi siya ang laman nang mga kwento nang aking ina. Hindi siya ang halimaw na kinakailangan kong katakutan. Ipinagpatuloy ng aking ina ang kanilang pag-uusap…

Narinig kong tinawag ako ng aking ina na “aking anak”. Bagay na hindi niya madalas na sinasabi. Narinig ko na sinabi niya sa Hadi Mahdi na hindi magtatagal ako ang magiging Hadezar at ako ang gusto niyang maging Hadezar nang aming tahanan. Bigla nagbago ang itsura nang Hadi Mahdi. Tinitigan ako ng aking ina.

Nagulat siya. Hindi ko alam bakit siya napabaling sa akin. Hindi ko alam kung may ginawa akong pagkakamali na hindi niya gusto. Hindi?  Hindi siguro. Nawala ang takot sa aking katawan.

Tinitigan niya ako habang kunwari siyang nakikinig sa aking ina.

Ngumiti ang Hadi Mahdi.

Sinabi nang Hadi Mahdi sa aking ina na malayo pang mangyari na maging Hadezar ako ng tahanan nang mga Barakat. Na hindi ako ang dapat manungkulan. Alam ko…nauunawaan ko. May katwiran ang Hadi Mahdi.  Tama ang kanyang sinabi. Hindi ako ang karapatdapat na maging pinuno at patnugot nang aming tahanan. Sa ngayon —pero hindi magtatagal isisilang ako bilang isang Hadezar at kapag nangyari iyon ipapakita ko sa kanya na ang kanyang pagpunta sa aming tahanan ay ang pinakamalaki niyang pagkakamaling nagawa.

Sinabi ko sa sarili ko, siya— siya ang inaasahan kong magiging matindi kong kaaway. Kinagagalak kitang makilala aking kalaban.

Minungkahi nang Hadi Mahdi sa aking ina na bakit hindi ito ang mamuno sa aming tahanan. Sinabi niya na isa itong magulang, na may mga anak na kinakailangang alagaan at patnubayan. Na higit kaninoman ay nangangailangan at inaasahan. Tiyak magdadala ito nang pagkaawa sa mga kapwa nito mga Hadezar.

Muli hinawakan ng Hadi Mahdi ang kamay ng aking ina. Tumingin ito sa kanyang mga mata. At sinabi sa aking ina na ibabalik nito sa amin ang lahat nang nawala kung papayag lamang ang aking ina na maging isang Hadezar na katulad niya. Nagdalawang-isip ang aking ina. Sinabi niya na wala siyang kakayahan.

Pero hindi ito pinatotohanan nang Hadi Mahdi. Sinabi nang halimaw nang tahanan ng mga Harith na magagawa nang aking ina na pamunuan ang aming tahanan. Gusto kong sabihin sa kanya huwag itong paniwalaan.  Na huwag itong gawin. Isa itong pabagsak sa aming tahanan, sa tahanan nang aking ama! Sa tahanan ng mga Barakat!

Pero ang ginawa niya? Hindi siya nakinig. Wika nang Hadi Mahdi sa aking ina alalahanin niya kami. Alalahanin niya na kanyang gagawin ay para sa aming knayang mga anak…

Ngunit ang lahat nang bagay ay may kapalit at alam ito at naiintindihan ito nang aking ina. Tinanong niya ang Hadi Mahdi…ano ang kapalit?  Ano ang dahilan kung nito tinutulungan ang aming tahanan?

At sinabi sa amin nang aking kalaban kung ano ang tunay niyang layunin. Sinabi niya sa amin na ang kapalit ng aming pagbabalik ay kung maibibigay ng aking ina sa kanya ang katapatan nang aming tahanan at isang magandang pakikipag-ugnayan.

Muli pinaalala nang Hadi Mahdi sa aking ina na alalahanin niya kami. Alalahanin niya para ito sa aming kapakinabangan. Walang nagawa ang aking ina kung hindi alalahanin kami. Katapatan ang hiningi nang mga Harith. Katapatan at walang hanggang magandang pakikipag-ugnayan ang ibinigay nang aking ina sa kanya makuha niya lamang ang pamunuang itinakda para sa amin na kanyang mga anak.

Naglaho kami. Naglaho kaming parang bula.

Tulad nang inaasahan tinupad nang mga Harith kung ano ang kanilang ipinangako. Una ibinalik nang mga Harith ang mga tahanang minsang nawala sa aming pamumuno. Kalahati sa mga lupain ang bumalik sa aming tahanan. Halos iyong mga nakapaligid lamang sa amin habang ang mga nakuha nang tahanan nang mga Roshan at mga Parvana at kanila nang binakuran ang nanatili lamang sa kanila. Hinayaan ito at tinanggap ng aking ina. Wala siyang magagawa. Mabuti nang may pinapatnugunang lupain kaysa naman wala. Iyon ang sabi niya sa akin.

Sinundan ito nang iba pang mga tahanan matapos na pagbigyan at ipagkaloob sa aking ina ang pagiging patnugot at pamumuno nang aming tahanan. Katuwang ang Hadi Mahdi pinagkatiwalaan ng kalipunan ng mga Hadezar ang aming tahanan na pamunuan ang lupaing pinapatnugunan ng mga Barakat. Kinilala nila ang aking ina na isang Barakat. Kinilala nila kami na isang Barakat. Naglaho ang mantsa nang pagiging Kalisag pagtanggap nila sa amin.

At tulad nang nakagawian isinilang siya sa loob nang tore ng mga Hadezar. Katatapos lamang noon ang pagbuhos nang ulan at amoy alimuong pa ang lupa. Nang lumabas siya sa tore iilan lamang ang mga sumaksi. Nakasuot siya nang pulang Báta na may kapa na sagisag nang aming tahanan. Mayroon siyang kwintas na gawa mula sa mga pulang korales. May tapis ang kanyang mahabang palda na ang laylayan ay hanggang sa bukong-bukong nang kanyang mga paa. Ang kanyang mga balikat at mga braso na may mga pekas ay lantad sa sinang nang hapong tapat. Sa kanyang kaliwang palasingsingan may suot siyang luntiang bato na ibinigay pa sa kanya nang aming ama nang ipanganak niya ang aking nakatatandang kapatid na babae na si Adi Sule. Nakaayos ang kanyang buhok nang mga makukulay at mahahabang mga balahibo nang ibong kinaris, hamsa at balahibo nang Mantahungal. Sa ilalim nang kanyang mga mata at ilalim nang kanyang bibig nagtataglay siya nang tata’u na dalawang tuldok at isang guhit.

Iyon ang simula nang aming pagbangon. Iyon ang inakala kong simula nang magagandang bukas nang aming tahanan ngunit nagkamali ako. Ang hindi ko nalalaman naglagay lamang sila nang inaanay na kahoy na pamalit sa nasirang paa nang bilugang lamesa na ilang taong hindi nabuo.

Nakuha nang aking ina ang buong pamumuno ng aming tahanang ngunit hindi ang kalayaan sa pagpapatakbo sa aming mga lupain. Nagkamabutihan ang aking ina at ang Hadi Mahdi. Isa itong lihim sa tahanan ng mga Harith ngunit masmasahol na itinatagong lihim sa buong Ja’khar.  Makailang ulit na tumatabi ang Hadi Mahdi sa aking ina. Wala siyang pakialam kung makita namin sila. Niyayakap ito nang aking ina na ani mo ay siya ang aming ama na bumalik mula sa hukay. Rinig sa aming tahanan ang kanilang kabalahuran at kababuyan. Ang ingay nang aking ina sa pagnanasa niya sa Hadi Mahdi na Hadezar ng tahanan ng mga Harith. Ang kanyang bawat haluyhoy at hikbi.

Minsan sinabi nang aking nakatatandang kapatid na si Adi Makbule sa amin ng Adi Sule na huwag ko silang pansinin. Wala kaming nagawa kung hindi sundin siya.  Tama ang Adi Makbule. May katwiran ang aking kapatid na higit kaninoman ay siyang tumayong ina sa aming magkakapatid.

Ginawa nilang pugadbaboy ang tahanan ng mga Barakat. At umaalis lamang ang Hadi Mahdi kapag gabi, kapag higit siyang kailangan nang kanyang tahanan at minsan Dumarating ang pagkakataon na sa mga masasahol at kasuklamsuklam na araw at sandali na nakabibingi ang katahimikan sa aming tahanan ay maririnig mo ang iyak o ang bukang-bibig nang aming ina kapag hindi Dumarating ang Hadi Mahdi upang palagiyahin siya at ilagay ito sa tuktok nang kalangitan. At sa tuwing dumating naman ito at inaasahan ang pagdating hindi magkamayaw ang aking ina. Dumarating siya sa amin nang may ngiti at paghahanap nang pagkalinga sa aking ina na mistulang bagay na kanyang pagmamay-ari, kinakalunya niya ang aking ina sa kanyang pangangailangan at kalungkutan. Puta ang aking ina. Darating ang Hadi Mahdi puta ang aking ina. Aalis ang Hadi Mahdi nang may halik sa puta kong ina. Halik na nagpapatuloy hanggang sa nagpapatuloy at nagpapatuloy nang maraming panahon na dumaan.

Hindi mababa ang aking ina. Kahit papaano pinuno siya nang aming tahanan. Kahit papaano pinamumunuan niya ang aming tahanan, tinuturuan niya ang aking mga nakatatandang kapatid na babae habang ako matagal nang nawalan nang pag-asa ang aking ina sa akin…sa magandang pananalita. Dumarating na lang ang pagkakataon na kapag pinagsasabihan nang Hadi Mahdi ang Adi Hiba tiyak iyon bubog-sarado ang abot ko sa kanya.

Kung alam niya lang sana na isang malaking pagkakamali ang pagkatiwalaan ang isang Harith, lalo na ang Hadi Mahdi. Na tulad sa nakararami, ang aking ina ay siyang bulag at bingi sa kung ano ang totoo at sa kung ano ang gusto niya lamang makita at marinig. Pinagkitawalaan niya ito ng buong buhay niya at tulad nang dati na nasa ilalim pa kami nang aming kahinaan at pagbagsak nagpapakasasa siya sa iisang Hadezar na nagbibigay sa amin nang pagkain at buhay para hindi kami magutom at mamatay ng gutom.

Sino ang makapagsasabi sa aking ina na isa itong pagkakamali.  Sino ang makapagsasabi sa kanya na hindi dapat mahalin ang kaibigang nagbigay sa kanyang anak nang lahat nang pangangailangan nito. Na tumayong magulang sa kanyang mga anak sa mga panahon kailangang kailangan nang mga ito nang pagkalinga at pag-aaruga nang isang ama. Sino makapagsasabi sa kanya na hindi dapat mahalin ang Hadi Mahdi. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na isa itong pagkakamali. Na kung ano ang dapat niyang ginagawa bilang isang ina sa aming magkakapatid at bilang isang Hadezar. Ano ba ang alam ko?  Kahit papaano pinaliligaya niya ang aking ina. Kahit paano nagiging masaya ang aking ina sa Hadi Mahdi. Sapat na iyon kahit hindi niya ako maiintindihan. Kahit matagal na siyang nawalan nang pag-asa sa akin…

Malaki na ang hinihingi nila sa amin. Na unti-unti sa pagtagal ang aming ugnayan sa kanila ay para lamang sa kanilang kabutihan. At hindi sa amin. Natutunan namin na wala kaming ipinagkaiba sa isang pangkaraniwang kagamitan na kung kailangangkailangan lamang ay naroroon. Isang kagamitan sa kanilang mga liwaliw at huwad na pagkatao.

Nakakalungkot na isipin na kung kailan huli na ang lahat at gayong baon na baon na kami sa utang na loob na ipinahiram sa amin, ngayon lang nakita nang aking ina ang katotohanan.

Kailangan may gawin ako…tama ang aking ina. Kailangan naming kuhanin sa kanila…kung kinakailangan ay agawin sa kanila ang mga pagkakataong kinuha nila sa amin! Iyon lang ang tanging paraan. Dahil kung hindi at maulit na naman ito tanging ang langit lamang ang makakaalam sa kung ano ang maaaring humantong sa amin.

Tumulo ang isang patak ng ulan.

Tumigil ako sa pag-iikot sa malawak na lupain sa gitna nang aming tahanan. Tumingala ako sa kalangitan kasunod nang aking pagtigil. Tinignan ko ang makulimlim na langit na nagbabadya nang masamang panahon.

Sabi ko sa sarili ko, “Oo…tama ka mukha ngang uulan!” Naalala ko ang aming nakaraan nang aking mga kapatid. Kung papaano kami nagiging masaya sa pagbuhos nang ulan. Naliligo sa unang patak nang ulan matapos ang panahon ng mahabang tag-init.

Hinamak kong gawin ito. Pinakawalan ko ang aking sarili sa matinding pananinindigan. Pinakawalan ko ang aking mga kamay itinaas ito. Binuksan ang bibig…nilabas ko ang aking dila. Hinintay ang pagbuhos nang ulan.

Pumatak-patak ang ulan…

Bigla may narinig akong isang malakas na ingay. Sinundan ito nang tinig nang aking nakatatandang kapatid. Narinig ko ang pagtawag sa akin ng Adi Sule. Nakita ko siya sa pasilyo. Humahangos at puno nang pag-aalala. Kahit wala siyang sabihin alam ko kailangan niya ang aking tulong. —Kailangan ako nang aking ina.

Umalis ako. Tinigil ko ang bagay nagbibigay sa akin nang kasiyahan. Ang nagbabalik sa aking gunita nang mga panahong masasaya naming sandali nang aking mga kapatid. Tumalima ako sa paghingi nang tulong nang Adi Sule. Pumasok ako sa loob nang aming tahanan.

Sinundan ko siya kung saan nakita ko ang aming nakatatandang kapatid na si Adi Makbule. Lumapit ako sa Adi Makbule na nang mga panahong iyon ay naroroon sa labas nang silid nang aming ina.  Sinabi niya sa akin na kanina pa ako hinahanap nang aming ina. Na higit kaninoman ako ang higit niyang kailangan nang mga sandaling ito. Napilitan akong sundin ang Adi Makbule kahit hindi ko gustong pumasok ngayon sa silid nang aming ina.

Nawala ang aking atensyon sa pagbuhos nang ulan sa malawak na lupain sa gitna nang aming tahanan at sa halip pinag-tuunan ko nang pansin ang aking pinakamamahal na ina. Kasabay noon bumuhos ang malakas na ulan. Ang pulang lupa ay naging masaya habang wala ako na siyang dapat niyang kasama. Tignan mo aking ina, ano na lang ang nagagawa nang pag-ibig.

Advertisements

2 thoughts on “KABANATA DALAWA:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s