KABANATA ISA:

ANG PAGKILALA SA TAHANAN NANG MGA BARAKAT

Sa taong tatlongdaan at dalawa, mahigit siyamnaraang taon bago ang ating kasalukuyang panahon bumagsak ang tahanan ng Barakat sa ikalawang pagkakataon nang hindi inaasahan. Nagsimula ito matapos hulihin at dakpin nang mga anino nang tahanan ng mga Barakat ang isa sa mga anak nang patnugot at Hadezar ng tahanan sa kasalanang pangangalunya laban sa isa sa mga may-ari nang lupang pinapatnugunan nito. Ang nahuli ay walang iba kung hindi ang tagapagmana ng tahanan at siyang susunod na hahalili sa tungkulin nang pagiging Hadezar sa ama nitong si Hadi Abbas, ito ay walang iba kung hindi ang Hadi Karim.

Ang Hadi Abbas

Bumukas ang lagusan nang pintuan. Narinig nang Hadi Abbas ang pagtawag sa kanya nang kanyang bunsong anak. Napalingon siya dito dahilan upang sabihin nang kanyang bunsong anak na panahon na…bagay na kanyang tinugunan nang pagtalima at pagkilos. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuang nakadikit sa dingding nang bulwagan ng tahanan.  Sumunod siya sa paglabas sa kanyang anak at sa kanyang paglabas nakita niya ang dagsa-dagsang mga Jingkar na nasa ilalim nang kanyang pamumuno na iniintay ang kanyang paghatol sa sarili niyang tagapagmanang-anak.

Sa pag-akyat niya sa gawang plataporma inutusan niya ang kanyang bunsong anak na tawagin at sunduin ang nakatatandang kapatid nito…bagay na ginawa nang Hadi Rahim, ang bunso nitong anak na lalake. Dinala nang kanyang bunsong anak, ang mapalad na si Hadi Rahim sa labas nang kanilang tahanan sa malawak na lupain sa gitna nang kanilang minanang pagmamay-ari…

Narinig niya ang bulungan nang mga nasa ilalim nang kanyang nasasakupan. Ang pagtawag na isang taksil, ang pagtawag na isang mangangapid. Ang apid na si Hadi Karim. Isang pagkakamali ito sa kanya…sa kanyang tahanan lalong-lalo na sa kanyang mga nasasakupan. Hindi niya maaatim na marinig ito, bagkus hindi ito ang pinakamasaklap na nangyari sa kanyang pamumuno. Pinikit niya ang kanyang mga mata habang nakalagay ang kanan niyang kamay sa ibabaw ng apoy sa kawan na nakalagay sa panungkod na may tatlong paa.

Kaagad, sang-ayon sa kanyang utos humarap ang namamaratang at ang pinaparatangan sa kanya— siya na higit sa lahat ang ama nang pinaparatangan. Ayaw niyang mapunta ang paghuhukom sa kung kaninoman. Higit pa at lalong-lalo na sa kanyang mga kasamahang mga kapwa Hadezar sa kalipunang bumubuo sa pamumuno nang buong Ja’khar.

Unang umakyat ang pinaparatangan sa gawang plataporma sa malawak na lupain ng kanyang tahanan. Ang init nang sikat nang araw ang lalong nagbibigay sa kanya nang kahinaan ng loob na magpatuloy.

Ang mga bulongbulungan ay nagsimulang umaliw-iw at naging hiyawan nang mga nagkukumpulang walang galang na kanyang pinapatnugunan na nasa ilalim ng kanyang impluwensya at nakapaligid sa gitna nang kanyang tahanan at nakasalansan sa nakabukas na lagusan na walang magawang sa buhay, masaksihan lang ang paghuhusga nang mabuti at makatwirang pinuno sa anak na naging kahihiyan —ang ‘kahihiyang’ Hadi nang tahanan ng mga Barakat. 

Tumayo sa kanyang kinatatayuan ang Hadi Walid, ang Hading namamaratang. Nang handa na ang lahat tinanggal niya ang kanyang mga kamay sa ibabaw nang apoy na nasa kawan sa gawang plataporma ng tahanan. Tumigil siya sa kanyang panalangin. Sinimulan niyang harapin kung ano ang nakatakda sa kanyang tungkulin. Nabaling ang kanyang pansin sa kanyang anak. Suot nang kanyang anak ang kulay ng kanyang tahanan, ang dugong-kulay na may mga habi ng itim na ahas na nagtataglay ng dalawang tuldok. Ang Báta nito ay itim, pinaglumaan na, at ginagamit sa pang-arawaraw na pagtulong sa mga sinasakupan.

Naalala niya nang umalis ito kanikanina lang nang bago ito umalis at magbigay nang paggalang sa kanya. Nang nagpaalam ito sa kanya at ipinangako nito sa kanya na magbabago ang lahat. Naniwala siya dito. Naniniwala siyang hindi nito kayang gawin kung anoman ang ibinibintang nang iba dito…kilala niya ito mula pagkasilang.  Siya ang naging sandigan nito, tagapagbantay sa bawat panahon nito. Nakita niya itong lumaki, tumanda at nagkaisip.

At ang Hadi Walid…O! ang Hadi Walid. Kung anoman ang ginawang kasalanan nang kanyang anak nakatali ang kanyang mga kamay sa gawang bigkis na gumagapos sa kanya at sa kanyang pamumuno bilang Hadezar.

Humarap siya sa kanyang mga nasasakupan. Tinignan niya ang mga ito. Nagkaroon na nang lamat kung anoman ang kaugnayan niya sa kanyang mga nasasakupan. Inutusan niya ang kanyang bunsong anak na kunin ang upuan sa loob nang imbakan. Bagay na ginawa nito.

Kasabay nito wika niya sa kanyang mga nasasakupan, “NGAYON!” ang sigaw na nagmumula sa kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Ano ang kanyang sasabihin? “Ngayon…ang aking tahanan ay nahaharap sa isang matinding pagsubok. Ang aking tagapagmana ay pinaparatangan nang pangangalunya nang taong nasa aking kaliwa” Paano siya magpapatuloy. Nabaling ang kanyang pansin sa Hadi Walid. Hindi niya alam kung maaari niya pa itong ituring na kahalintulad niya at nasa kanyang kalagayan “Kilala niyo siya. Sa katunayan mabuti siya sa ating lahat. Nangangamba ako na baka paniwalaan niyo ko—na baka mapaniwala niya kayo…” Umigting ang bumabalot na kaguluhan at pagkakaroon nang lamat sa pagitan niya at nang kanyang nasasakupan. “nang kanyang mga salita!” naglaho ang kanyang tinig sa mga walang paggalang sa kanyang pamumuno.

Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Kung saan siya magsisimula. Kilala siya nang lahat na isang makatwirang Hadezar, ang kanyang anak ay isang mabuti, at ang nagpaparatang sa kanyang anak ay may kababawan ang isip at may kakulangan.

Naniniwala sila na ang Jingkar na ito ay mahina at ang mahina sa Ja’khar ay kalaban nang mga maimpluwensya…

Lumapit ang kanyang bunsong anak sa kanya. Inilagay ang upuan na may malapad na sandalan at mababaw na patungan nang mga kamay sa gitna ng plataporma kung saan siya ngayon nakatayo. Hindi niya alam kung uupo siya sa upuang ito na gawa mula sa puno nang Avetas. Nag-aalangan siyang gawin ito.

Pinagmasdan niya ito…naalala niya ang kanyang ama kung paano ito pinatay nang Jingkar na nasa ilalim ng pamumuno nito habang nakaupo ito dito. Isang paghagis nang isang Matalim na bato dahilan upang mabasag ang bungo nito at hindi na makilala pa. Kung paanong walaman lamang ang nakahuli dito ngunit sa pagtagaltagal ay lumutang rin ang bangkay nito sa gitna nang isang basang sakahan…

Nabaling ang kanyang atensyon sa nag-aakusa sa kanyang nakatakdang-tagapagmana. Kilala niya ang Hadi Walid…labis niya itong pinagkakatiwalaan na halos ikasira nang kanyang tahanan.

Inggit ang sumira sa kanilang mag-ama, nang Hadi Karim, at naging dahilan upang hindi sila mag-usap na matagal.

Tinanong niya ang nang-aakusang Hadi Walid kung ang kanyang tagapagmana nga ba ang taong tinutukoy nitong nangalunya sa asawa nito. Gusto niyang makasiguro. Gusto niyang mapaniwala ang kanyang sarili na ang lahat ng mga nangyayari ngayon ay hindi totoo.

Hindi kumibo ang Hadi Walid.

Tinawag niya ito. Tinawag niya ito sa pangalawang pagkakataon. Dagdag niya, “sabihin mo sa amin ang totoo.”

Ngunit nagkimit-balikat ang Jingkar na nagpaparatang sa kanyang anak.

Gusto niyang ngumiti…gusto niyang makasiguro na tama ang kanyang naririnig at hindi ang kanyang anak ang nangalunya sa asawa nang kanyang Liyaw, kung totooman ang paratang nito.

Umupo siya. Napangisi ang Hadi Abbas sa tugon ng Hadi Walid sa kanya. Alam niya papaano ito malulusutan. Ngayon may paraan na. At kapalit noon ang kaparusahan nang Jingkar na sumira sa kanyang pangalan. Naglaho ang ngiti sa kanyang labi. Nabaling ang kanyang pansin sa mga Jingkar na hindi nalalaman kung ano ang nangyayari.

Kilala niya ang Hadi Walid. Mabuti ito sa kanya at sa kanyang tahanan pero masmahalaga sa kanya ang kanyang tahanan, at hindi niya na gusto bumagsak pa ang kanyang tahanan sa pangalawang pagkakataon sa kanyang pamumuno.

Wika nang Hadi Walid nang malumay na tinig at may huwad na paggalang, “pero hindi ibig sabihin noon na hindi ako nakasisiguro na siya ang nangalunya sa aking asawa.”

Umiling-iling siya. Nilagay niya ang kanyang ulo sa kanyang mga kamay. Hinimashimas niya ang kanyang noo. Inayos niya ang kanyang buhok.

Muli sa ikalawang pagkakataon, sa ilalim ng makulimlim na umaga, sa nagaganap na pag-uusig tinanong niya ang Hadi Walid. Tanong niya, “kung ganon sabihin mo sa akin Hadi Walid kung siya bang talaga, ang aking anak nga ba ang nangalunya sa iyong asawa. Kung anomang ang totoo…paniniwalaan ko ang iyong mga salita.”

Nagulat ang kanyang anak. Narinig niyang tinawag siya nang Hadi Karim.

Wika nang Hadi Walid, “patawarin niyo ako hadezar subalit hindi ako nakasisiguro. Pero alam ko…alam ko na siya ang Hadi Karim ang naging laman nang isipan at alaala ng aking asawa. At natatakot ako na baka nagawa niyang sirain ang dangal nang aking asawa.”

Tumayo siya.

Ang kanyang galit ay tago at tikom.

Ang kanyang pasensya ay mahaba ngunit manipis at malapit na itong mapatid datapwat sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Isaalang-alang ang kanyang nasasakupan gaya nang kanyang pagsumpa sa kanyang tungkulin nang isilang siya bilang Hadezar nang Tahanan nang mga Barakat maraming taon na ang nakakalipas mula sa panahong ito na kailangan niyang piliin kung sino ang kanyang papanigan, kung ang kanyang anak nga ba o ang kanyang nasasakupan.

Wika niya sa Hadi Walid, “kung ganon gusto kong makatiyak, Hadi Walid kung bakit ka nakasisiguro na ang aking anak ang gumawa nang kadumaldumal na kasalanan at bakit mo nalalaman na siya kung siya nga ang sumira sa dangal, gaya ng iyong sinabi, nang iyong asawa. Patunayan mo sa akin bago ako humatol.”—Datapwat buo na ang kanyang isip. nakapagdesisyon na siya, alam niya kung sino ang kakatigan. At sa mga maaari pang mangyari umaasa siya na ang kabuktutan nang sinomang manira sa kanyang tahanan ay kanyang maitama sa kanyang napiling desisyon.

Inutusan niya ang Hadi Rahim na ito na ang bahala sa mga Jingkar na nasa loob nang kanyang nasasakupang tahanan. Inutusan niya ito na paalisin ang lahat at panatilihing banal ang kanyang pamumuno at ang nangyayari ngayong pamamagitan.

Bagay na ginawa nang kanyang bunsong anak. Iniwan niya ang mga ito. Bumaba siya sa gawang plataporma na nasa gitna ng malawak na lupain nang kanyang tahanan. Hinayaan niya ang kanyang bunsong anak na mamuno.

Bumalik siya sa loob nang bulwagan nang tahanan. Muli umupo siya sa isa sa mga upuang nakadikit sa dingding at gawa sa bato, malapit sa lagusan nang silid at sa isa mga durangaw nito. Nang tanghaling ito naiwan siyang nag-iisa, nakaupo at inaalala kung anoman ang tumawing-tawing sa kanyang isipan.

Habang nakaupo inalala niya ang tahanan ng Hadi Walid. Sa kanyang pagkakaalala, nasa gitna ito nang naliligid na mga tanim na bungang kahoy. Payak lamang ang simuno nang tahanan. Walang gaanong kulay. Walang masyadong bato na nagbibigay pundasyon, lahat madaling mawasak. Alam niya…naniniwala siya at wala nang dapat pang patunayan, mabait ang Hadi Walid. Hindi iyon maipagkakaila. Kinupkop niya ito sa kanyang tahanan itinuring bilang isang tunay na anak. Ibinigay ang pangangailangan nito. Siya ang tumulong dito na makaahon, simulan ang hindi natapos nang ama nito na maagang nawalay dito. Ginawa niya itong may-ari nang isang lupa at hindi siya nito binigo.

Ang kanilang huling pagkikita ay hindi maitatangging ang pinakamasayang araw, ang pag-iisang dibdib nito sa ngayong asawang si Adi Fidda.

Guniguni niya marahil awa ang nagtulak sa kanya para mahalin ang mababaw na Hadi. Awa ang naging dahilan kung bakit nasa kalagayan ito nang pagiging isang may-ari nang lupa at marahil kung bakit niya ito pinagbigyan na ituwid ang pagkakamali at makasiguro gayong kaya nitong ilubog ang kanyang tahanan.

Hanggang sa nakarinig siya nang isang tinig. Tinawag siya nang kanyang asawa na kanina pa siyang pinagmamasdan. Dinilat niya ang kanyang mga mata. Lumingon siya dito.  Wika niya sa kanyang asawa, “pakiusap! Huwag muna ngayon Adi Dalal. Huwag mo muna ako ngayong ilagay sa isang matinding alanganin.”

Tugon sa kanya nang Adi Dalal, “bakit ko naman iyon gagawin sa iyo. Alam ko namang nasa matindi ka nang alanganin— Masakit pa ba ang iyong ulo?”

Sagot niya, “kanina pa siya sumasakit…mula kanina pa!”

Umupo ito sa kanyang tabi. Hinawakan nito ang magkabila niyang sintido. Hinilot nito ang sumasakit nito sa kanya. Wika nito sa kanya, “sabi ko naman sa iyo huwag ka nang magkikilos pa! Ayaw mo namang makinig sa akin…sino ba naman ako hindi ba? Isa lamang naman akong hangal na palaging sumusunod sa iyo!”

Wika niya sa kanyang asawa, “sino ang gusto mong mamahala nang pamamagitan. Ikaw? Sa palagay mo magagawa mong mamagitan kung anak mo na ang pinaparatangan at ang tahanan mo na ang walang pakundangang binababoy! Hindi kaya ng bunso mong anak ang mga mangyayari ngayon…” Tinignan niya ang kanyang asawa habang hinihilot nito ang kanyang batok “walang sinoman sa atin kung hindi ako lang, kahit hindi ko kaya…”

Wika niya, “kung sa bagay tama ka!”

Ngumiti ito.

Pinagtakahan niya ito.

Tanong nito sa kanya, “tanda mo pa ba nang ipinagbubuntis ko ang Hadi Karim. Akala ko iyon na ang pagkagunaw. Akala ko pinaparusahan ako nang langit dahil pinili mo ako higit kaninoman. Natatandaan mo ba kung ano ang sinabi mo sa akin! Tandang-tanda ko. Hinawakan mo ang aking kamay nang ganito, nang mahigpit, at sinabi mo sa akin malalampasan natin ang suliraning ito at magpapatuloy tayo sa ating buhay. Na darating ang panahon at pag-uusapan natin siya at ang mga nangyari sa atin na parang walang nangyari.”

Wika niya dito, “hangal? Sino sa atin ngayon ang hangal?

Tumingin siya sa Hadi Abbas. Dagdag nito sa kanya, “siya ang iyong tagapagmana, Hadi Abbas! Dugo nang iyong dugo—laman ng iyong laman. Siya Ang magpapatuloy nang iyong salinlahi…Huwag.” pagpupumilit nito sa kanya “Huwag…Hadi Abbas, huwag ang aking anak!”

Tugon ng Hadi Abbas, “paano ko makakalimutan ang isang nakaraan na lubhang-masakit at lubhang-masaklap.”

Nilagay nang Adi Dalal ang kamay nito sa kanyang mukha. Wika nang Adi Dalal, “Minsan na tayong namatayan huwag mo nang dagdagan pa.” Tinanggal nito ang pagkakahawak nito sa kanyang mukha. Tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa kanyang tabi. At bago ito umalis, wika nito, “nandiyan na sila. Kanina ka pa nila hinihintay! Huwag kang mag-alala kumain na ang Hadi Karim kung hindi mo naitatanong.” Sinabi niya sa kanyang asawa na tawagin nito ang buong tahanan at maghanda.

Bagay na ginawa nito at tumalima.

Lumabas siya sa bulwagang silid nang kanyang tahanan. Kasunod noon kasabay nang pagdating nang mga inaasahan, nang inaakusa, nang inaakusahan at nang dahilan nang lahat ng ito lumabas ang kanyang buong tahanan at nagtipontipon ito sa harap na pasilyo nang bulwagan ng tahanan ng mga Barakat.

Sa muli niyang pag-akyat sa gawang plataporma sa malawak na lupain sa gitna nang kanyang tahanan nakilala ng halos buo niyang tahanan ang Jingkar na pangunahing sangkot sa kaguluhang ito, ang asawa nang Hadi Walid. Nang may paggalang at pantawag na pamitagan pinakilala nang dating liyaw ng tahanan ng mga Barakat ang asawa nito sa kanila.

Tinanggap niya ito sa kanyang nasasakupan…Hinawakan nang Hadi Walid ang kamay nang asawa nito. Dahilan para malantad sa damit nito ang pagdadalang-tao nang Adi Fidda, na kanyang ikinagulat.

Nabaling ang kanyang pansin sa kanyang anak at muli itong nawala sa kanyang guniguni.

 Wika niya sa Hadi Walid at sa Adi Fidda, “hindi ko alam na nagdadalang-tao ang iyong asawa Hadi Walid. Hindi mo sa amin sinabi ang bagay na ito…Ito ba ang dahilan kung bakit mo sa amin pinapalandakan na alam mo at nakasisiguro ka na ang aking anak ang nangalunya sa iyong asawa, kung siyaman?”

Umiling-iling ang Hadi Walid, sa pangatlong pagkakataon.

Wika nang Hadi Abbas, “ngunit paano ka nakakasiguro Hadi Walid…na ANG AKING ANAK ANG TALAGANG MAY KASALANAN AT HINDI ANG IBA…ANO ANG KATIBAYAN MO! Paano mo mapapatunayan sa akin?”

Nagpaliwanag ang Hadi Walid. Tugon nito sa kanila na sa gitna nang kanilang hindi pagkakaunawaan at pagtatalo nang asawa nito hindi nito sinasadyang maamin dito na nagkaroon ang pagkakaintindihan ang Hadi Karim at ang asawa nitong si Adi Fidda na lalong ikinahimutok nang galit na nararamdaman nito sa asawa nito.  Pinabulaanan ito nang Hadi Karim. Sinabi nitong hindi ito totoo.

Sinabi nito sa kanya na hindi siya dapat maniwala sa sinasabi nang Hadi Walid o nang asawa nitong ‘malahalimaw’.

Sumabat ang Hadi Walid. Tinuran nito sa kanyang anak na ang pangalan nang kanyang asawa ay Adi Fidda.

Pinigilan niya ang kanyang anak.

Napatigil ang Hadi Karim. Tinawag siya nitong, “baba”.

Lumapit siya sa asawa nang Hadi Walid. Tinanong niya ang Hadi Walid kung maaari ba siya nitong pahintulutan. Sinabi nang Hadi Abbas na wala itong dapat na katakutan. Na wala siyang gagawing masama sa magiging anak nito at sa asawa nito. Tinanggap nito ang kanyang kagustuhan.

Hinawakan niya ang tsan nang Adi Fidda nang may pahintulot sa Adi. Kung hindi siya nagkakamali ay makailang ulit na silang nagkita ng Adi Fidda. Tanong nang Hadi Abbas sa Adi Fidda, “hindi ba nagkita na tayo?”

Tumango-tango ang Adi Fidda.

Dagdag nang Hadi Abbas, “Kung hindi ako nagkakamali nang una tayong nagkita ay sa araw nang iyong pag-iisang dibdib. At nasundan pa ito, hindi ba?”

Wika nang Hadi Karim sa kanya, “hindi Hadezar…bago iyon pinakilala pa siya sa iyo nang Hadi Walid!”

Ngumisi ang Hadi Abbas. Wika niya sa kanyang anak, “natatandaan ko na.”

Muli nabaling ang kanyang atensyon sa Adi Fidda. Tanong nang Hadi Abbas, “sinabi mo ang pangalan nang aking anak nang hindi sinasadya noong mga panahong nag-aaway kayo nang iyong asawa hindi ba?”

Tumango-tango ang Adi Fidda bilang pagsang-ayon nito sa kanyang katanungan.

Dagdag niya, “kung ganon kilala mo ang aking anak! Sa aking pagkakaalala, makailang ulit ko kayong nakitang magkasama ng Hadi Karim sa aking tahanan. Ngayon sabihin mo sa akin…totoo ba ang sinasabi nang iyong asawa? Anak ba nang aking anak ang iyong dinadala.”

Hindi kumibo ang Adi Fidda.

Pinilit nang Hadi Walid na pagsalitain ang asawa nito.

Wika nang Hadi Abbas, “tayo lang ang nandito. Sabi ko naman sa iyo wala kang dapat katakutan, Adi. Pinaalis ko ang mga usiserong nakapaligid sa amin kanina. Kung nandito ka kanina maririnig mo ang mga hiyawan, patusyada at hindi magagandang sinasabi sa aking anak. At marahil ganon din ang mangyayari sa iyo. Huwag mo nang pahabain pa ang mga kasuklam-suklam na mga sandaling ito. Ubos na ang aking pasensiya…alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi. Alam mo ang mangyayari sa Hadi Walid kung magsinungaling la sa akin. Matagal ka nang nandito hindi ba…dayuhan ka rin tulad nang iyong asawa. Qaa’ur tama ba? Hangal ako sa mga tono ng pananalita…alam mo, na nang bata pa ako kung sinoman ang dumating inuusisa kong mabuti kung papaano sila magsalita…kung ano ang tono nila. Kung nagsasabi ba sila nang totoo o hindi. At sa iyo mukha kang naghahanap nang pansin at nagsisinungaling. Isalba mo ang iyong asawa Adi Fidda!” Sinubukan nang Hadi Walid na pilitin ang asawa nito. Dagdag nang Hadi Abbas, “Oo o hindi lang…”

Tumulo ang luha sa mata nang Adi Fidda.

Nabaling ang atensyon nang Hadezar sa tahanan nito. Sa lugar kung nasaan ang pamilya nang kanyang nasasakdal na anak. Hindi dala nang asawa ng Hadi Karim ang bagong anak nito. Kasunod noon nabaling ang atensyon nang Hadi Abbas sa kanyang anak. hindi maikakaila ang kanyang pagkadismaya.

Muli nabaling ang kanyang pansin sa babaeng pangunahing sangkot sa kaguluhang nangyayari ngayon. Wika ng Hadi Abbas, “alam mo bang kapapanganak lamang nang asawa ng Jingkar na inaakusahan ng iyong asawa. Lalake ang kanilang naging anak. Isang malusog na sanggol. Nakatitiyak ako, nasa isang taong gulang na ang bata. Hindi mo ba sa akin tatanungin kung ano ang pangalan ng anak ng Hadi Karim at Adi Hiba. Alam mo ba Adi Fidda. Hadi Yasir. Iyon ang pinangalan nang aking anak sa kanyang bunso at kaisaisang anak na lalake. Matagal na sa amin ang pangalang iyon!”

Ngumisi ang Hadi Abbas. Wika niya sa asawa ng Hadi Walid, “hindi ko na pahahabain pa. Hindi na ako magtatanong pa. Adi Fidda. Pero gusto ko sagutin mo ang itatanong ko pagkatapos noon maaari na kayong makauwi nang iyong asawa. Pinapangako ko iyan.”

Napatingin ang Adi Fidda sa asawa nito. Kasunod noon nabaling ang atensyon nito sa kanya…Tumango-tango ang Adi Fidda bilang sagot sa kanyang tanong dito.

Tanong nang Hadi Abbas sa Adi Fidda, “isang sagot—isang tanong ang aking anak ba ang ama ng dinadala mo sa iyong sinapupunan.”

Nang maluha-maluha at may takot inamin nito ang kanyang kinatatakutan. Tumango-tango ito.

Sagot nang kanyang anak na si Hadi Karim, “TOTOO…”

Tinignan nang Hadi Abbas ang kanyang anak na si Hadi Karim ng may pagkadismaya. Walang nagawa ang Hadi Karim kung hindi yumuko at manahimik.

Tumango-tango ang Hadi Abbas. Kasunod noon lumapit siya sa kawan nang apoy na tanda nang kanyang impluwensya. Hinagi niya ang kanyang palad sa duluhan ng apoy na nasa kawan. Humarap siya sa kanyang pamilya, hinarap niya ang kanyang anak sa mga tahanan nang Barakat at kasabay nito, itinakda niya ang kanyang desisyon laban sa kanyang anak. Maging sa asawa nang Hadi Walid.

Nagulat ang Hadi Walid.

Nagmakaawa ang Hadi Walid sa kanya sa kaligtasan nang mag-ina nito, lalo na sa magiging anak nito subalit hindi na siya naawa.

Ito na ang huling beses na kaawaan niya ito. Wika nito sa Hadi Walid, “patawarin mo ako Hadi Walid. Ginagawa ko lamang kung ano ang tungkulin ko.  Hiningi mo sa akin ang kamatayan nang aking anak. Binigay ko sa iyo. Ngayon hinihingi ko sa iyo ang kamatayan nang iyong asawa.”

Tanong nang Hadi Walid, “pero bakit…wala siyang ginawang kasalanan?”

Wika nang Hadi Abbas, “dahil isa kang Jingkar, Hadi Walid…alam mo dapat kung ano ang nakatakda sa hindi, bago ka kumilos. Iyon ang inaasahan namin sa iyo. Iyon ang pinakamalaking pagkakamali mo!

Nang mga sandaling ito binaling nang Hadi Abbas ang kanyang atensyon sa Adi Fidda. Humingi siya nang patawad sa ginawa nang kanyang anak, at sinumpa niya dito, na hindi na gagawin pa nang kanyang tahanan ang pagyurak sa ibang tahanang kinasasakupan nang kanyang pamumuno.

Nabaling ang atensyon nang Hadi Abbas sa Hadi Walid. Inutusan nito ang may-ari nang lupa na sunugin ang asawa nito.

Tinanong nito sa kanya kung may magbabago ba kung patatawarin nito ang kanyang anak.

Bumuhos ang ulang na kanina pa nagbabadya.

Tumanggi siya. Tinanggi niya ang kapalarang naghihintay sa kanyang anak at sa asawa nang Hadi Walid. Wika niya sa Hadi Walid, “Kung gusto mo nang kapatawaran hindi mo dapat sinimulan ang lahat sa isang pagbabanta.”

Tinalikuran niya ang mag-asawa. Kasunod noon humarap siya sa kanyang tahanan. Naganap sa loob nang tahanan ang paghuhugas nang kamay nang mga Barakat. Matapos nito naging Kalisag ang kanyang nakatakdang tagapagmana nang kanyang tahanan…

Kasabay nito umalis ang Hadi Walid at ang Adi Fidda kasama ang mga anino ng tahanan ng mga Barakat…pabalik sa tahanan nito upang doon sunugin at patayin ang mag-ina nito habang binabantayan at Pinanood nang mga pipi at binging mga Anino na tanging sumusunod lamang sa kagustuhan nang mga hadezar nito sa lipunan ng Ja’khar.

Kinulong ang Hadi Karim sa loob nang isang madilim na imbakan sa kanilang tahanan habang siya umakyat sa ikalawang palapag nang tahanan. Nagtungo sa kung nasaan ang kanyang ang bunsong anak na biglang nawala sa kanyang paningin matapos niyang itakwil ang kapatid nito.

Nakita niya ito sa silid nang Hadi Yasir…

Pumasok siya sa loob nang silid kung saan pagpasok niya ay nakita niya ito kasama ang anak nang kanyang panganay na itinakwil habang buhat-buhat nito ang Hadi Yasir at ang kuna na tinutulugan nito ay bumagsak mula sa pagkakapako sa dingding.

Sinabi nang Hadi Rahim na nakita nitong nakalapag sa sahig ang Hadi Yasir at ang bumagsak na kuna.

Tinanong niya sa kanyang anak kung nasaan ang mga pamangkin nito.

Sinabi nito sa kanya na kasama nang mga ito ang kanilang ina sa kabilang silid tulugan. Umiiyak ang Adi Hiba…

Wika niya sa kanyang bunsong anak, “wala na tayong magagawa pa. Kailangan kong gawin kung ano ang inaasahan sa akin.”

Binaling niya ang kanyang pansin sa durangaw nang silid. Hinintay niya ang pagtatakda nang Hadi Walid sa buhay nang asawa nito.  Tinanong nito sa kanya kung nasaan ang ina nito. Sinabi niya dito na magkasama silang dalawa nang Hadi Karim sa loob nang madilim na imbakan.

Tanong nang Hadi Rahim sa kanya, “ama bakit mo iyon ginawa?”

Sagot nang Hadezar sa kanyang anak, “dahil ako ang Hadezar at darating ang araw na kapag naging Hadezar ka rin, at kinakailangan mong mamili kung ano ang masmahalaga ang buhay nang iyong anak o iyong tungkulin maiintindihan mo rin kung bakit ko iyon ginawa.”

Wika nang Hadi Rahim, “sana masunog silang pareho!”

Wika nang Hadi Abbas, “sana nga…”

Nang ilang sandali pa sa kanilang paghihintay natanaw nila ang isang napakaitim na usok sa hindi kalayuan ng kanilang tahanan. Nagulat ang Hadi Rahim sa nakita nito. Kagyat dalidaling lumabas nang silid. Bumaba sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan.

Hindi nagtagal sinundan ito nang nakabibinging ingay sa loob nang kanyang tahanan. Ang iyak nang kanyang asawa…

Habang tanging sila lamang dalawa nang Hadi Yasir ang naiwan sa loob nang dulong silid sa ikalawang palapag ng tahanan.

Tumulo ang luha sa mata nang Hadi Abbas, alam niya na ang sigaw na kanyang narinig ay ang hudyat nang kamatayan nang kanyang anak habang pinagmamasdan kung ano ang nangyayari sa labas nang kanyang tahanan. Tanaw sa hindi kalayuan ang usok na nilikha nang kanyang desisyon, niyakap niya nang mahigpit ang kanyang apo habang karga-karga niya ito. Kasunod nito mabilis na kumalat sa buong Ja’khar ang ginawa niya sa kanyang tahanan.

Advertisements

One thought on “KABANATA ISA:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s