Ang santo

Ang santo
Sa ating lahat
Ay mapamintas sa kapwa.
Nagbabanalbanalan,
akala walang masamang
Nagawa.
Ang santo sa ating lahat,
Ay basher..
Ay troll, sa instagram
Facebook @ twitter.
Ang santo
Sa
Ating
Lahat
Mapagmataas. Nagmamarunong.
Sila ang langit ng mga konserbatibo.
Palaging-in sa uso…sa fashion sa gadget.
Sila ang impyerno ng walain…
Ang sala sa lamig
Sala sa init.
Ang iniluluwa nang  langit
Sinusuka ng lupa
Nang mga bystanders sa tabitabi…
Ang santo sa lupa-
Mapagkumbaba
Gumagawa ng  kabutihan
Sa langit at sa lupa.
Walang diyos na kinikilala
Bagkus naniniwala
Na ang Diyos ay nasa tao.

Datapwat ako may hindi
Santo…ni nagbabanalbanal,
Ni mapamintas,
Ni mapagmalaki
Ni mapagmayabang
Ako’y wala pa rin sa kalingkingan
Nang ninomang banal sa lupa
At sa langit.
Walang nagawang kabutihan
Walang nagawang pagkakamali…
Siguro…siguro nga wala!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s