May kamandag

May kamandag sa red light district.
Isang bagongtao ang naglalakad.
Nagwiwindow shopping
Nang mga ticket papuntang langit.
May kamandag sa capitolyo…
Mga wangwang at parada
Nang mga nakaupo at nakalemousine
May piyesta…may libing.
May kamandag sa kabundukan
Naghahanda ang mga rebelde
Hindi nila alam nakaumang
Sa kanila ang mga nakaberde.
May kamandag sa merkado
Ang nanay at ang chikiting ay naglalako
Nang bagong lutong turon at bananaQ
Akay-akay ng ina ang anak
Nag-aabang ang mga mandurugas.
May kamandag ang ating bansa…
May lasong nakatatak sa puso at diwa
Nang bawat isang naghihintay,
Nagdadasal sa pagdating
Nang mga singkit na sundalo,
Agawin ang ating kamulatan…
At nang bald eagle
Upang muli tayong magkautang
Sa kanila…
May kamandag ang ating bansa…
Lason sa ating mga kalaban,
Lunas sa ating mga kakampi.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s