Ang bulag na bayan…

Ang bulag na bayan
Naglalakad sa  manipis
Na pisi nang pagbagsak.
Tinatanong ang sarili kung nasan
Papunta ang kinabukasan ng
Susunod na salinlahi.
Nagtatanong ang mga pipi’t bingi.
Ang mga akademiko’y walang sagot.
Ang mga trapo’y nagmaangmaangan.
Ang mga nasa hilahil
Si Nognog…
Si BBM hindi tanggap ang pagkatalo.
Ang iba may plan B hanggang Z.
Ang iba Gracefully conceded.
May dios sa Pera.
At si D30 ang messiah.
Siya ang azor ahai
Nang laro ng mga nakaupo.
Sa eleksyong matayataya…
Tag of war
At tagutaguan…
Sa elekyong tapos na…at
Ang circus maxima ng mga
Nagtrip to Jerusalem…
Dahil walang mapatunayan
Sa bank account ng iba.
Sa musical chairs
Na ngayon ay nagkakadayaan pa
(Totooman o hindi)
Nag-iisip tama ba ang aking binoto?
Hindi kay erap na nangurakot.
Hindi kay gloria na nakakulong
Hindi kay Pnoy na nognog.
Di pa tapos ang bilangan.
Di pa tapos ang bayang nasa hilahil:
Nasa krimen.
Nasa kahirapan.
Nasa korupsyon.
Bulag pa rin ang bayan.
Pipi at bingi…sa makinarya ng
Kasikatan at sa paggamit sa
Pakikipagtalastasan.
Bulag pa rin ang bayan…
Pero may pag-asa pa rin naghihintay.

Advertisements

One thought on “Ang bulag na bayan…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s