KABANATA PITO:

ISANG MAHABANG GABI

Umusad sila sa kanilang paglalakbay at nang narating nila ang bahagi nang dalampasigan dinala niya ang kanyang asawa at ang kanilang mga alaga sa baybaying-dagat. Bumaba siya sa kanyang pagkakaupo sa paratilya sa mabuhanging baybayin ng Ja’khar kung saan sa hindi kalayuan matatanaw ang malalaking debuho na pinaggayahan sa limang pinuno na nagtatag sa mga maimpluwensyang tahanan sa dalampasigan.

Sa kanyang pagbaba sa dalampasigan tinanong nang Adi Hikmet kung ano ang ginagawa nila dito. Sinabi niya sa kanyang asawa na may kukunin lamang siya. Bagay na pinagtakahan nito. Kasabay noon kinuha niya sa kanyang tagiliran ang isang panupot. Lumapit siya sa mabatong bahagi nang tabing-dagat. Iginala niya ang kanyang pansin sa paghahanap nang mga hiyas na katangi-tangi sa bahaging iyon nang baybayin malapit sa Unang Pagbagsak. Nang may nakita siya nagsimula siyang humugot sa sanaw sa mabatong bahagi. Mga maliliit at malalambot na punglo na may mga maliliit na mga talangkang naninirhan dito. Nagpatuloy siya sa kanyang paghuli at bago ang takipsilim marami siyang nahuling mga susông naglalaman ng mga maliliit at malalambot na mga talangkang walang mga katawan at naninirhan sa mga walang lamang kabibe.

Matapos noon, umahon siya sa sanaw, sa mataas na tubig nang baybayin at saka bumalik sa kung nasaan ang kanyang asawa na naghihintay sa kanya kasama nang mga asong-gubat. Hinintay siya nito sa kanyang ginagawa. Basa ang laylayan nang kanyang suot na saluwâl.

Pagbalik niya nakita niya ang kanyang asawa na nakatayo malapit sa mga asong-gubat.  pinupunasan ang mukha nito nang luha habang tinatanggal sa pagkakatali sa likuran nang paratilya ni Ijiraq ang panali ni Amarok.  Nang mga sandaling ito nagdesisyon itong sumakay kay Amarok.

Niyaya niya ang kanyang asawa at sa tuluyan nilang pag-alis, tuluyan na ring nagdilim ang kalangitan at nagsimulang maglitawan ang mga bituin sa kalangitan.

Ang Adi Hikmet

Sakay kay Amarok tinahak nila ang landas patungo sa tahanan ng mga Barakat kasabay nito napuno ang kadiliman ng kalangitan nang maraming mga bituin. Sa hindi inaasahan nagsimula na rin magbago ang simoy nang hangin sa paligid. Ang ihip nang malamig na hangin ay naglaho at ang dati-dating mahalumigmig na panahon ay ngayon nagmistulang maalinsangan. Dumating na ang panahon ng tag-init.

Sa kanyang pagsunod sa kanyang asawa hindi niya maiaalis ang matanaw at makita ang kagandahan ng kalangitan ngayong gabi. Ang pagkakaroon nang mga nagkikislapang mga bituin na mata nang mga makapangyarihang mga diyos na naninirhan sa ibabaw nang kalangitan na ngayong kanyang tinatanglaw at umiibabaw sa buong Ja’khar. Isa itong magandang pangitain para sa kanila.

Kasabay nito sa kanilang paglalakbay sakay sa mga asong-gubat narinig niyang tinawag siya nang Hadi Yasir. Nabaling ang kanyang pansin dito kasunod noon sinabi nito sa kanya na tignan ang kalangitan bagay na kanina niya napapansin sa kadiliman nang paligid at iilang mga nakasinding sulo sa lupa na nagbibigay sa kanila nang liwanag sa daraanan. Sinabi nito sa kanya, “tignan mo Adi Hikmet!” pagtuturo nang Hadi Yasir. Bagay na kanyang ginawa. Tinignan niya ang kalangitan at sa kanyang pagtingin nakita niya ang itinuturo nang kanyang asawa— ang nag-iisang bituin nang Ja’khar. Nang nakita niya ito batid niyang ang gabing ito ang magiging simula nang panahon ng tag-init sa malayang Andes ng Silangan. Ang pagbabalik nang mga mahahabang araw at maiikling mga gabi.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay patungo sa tahanan ng mga Barakat…matatagpuan ito sa gitna at timog-kanluran nang estadong lungsod. pinaliligiran nang mga kinasasakupang lupain ng mga Ardashir sa kanluran, nang mga kinasasakupang lupain ng mga Roshan sa Hilaga at nang mahabang baybayin at dalampasigan sa timog. Dito makikita ang halos lahat nang sakahan at mga taniman na pangunahing ikinabubuhay nang kanilang lupain at nasa ilalim nang pamumuno ng kanyang asawa na laman nang bawat imbakan nang kanilang lipunan.

Hindi naglaon narating nila ang malawak na taniman nang mga puno nang Jaboticaba. Nilihis nila ang kanilang daan sa nagsususong daanan. Sa kahabaan nito makikita ang mga bubot na mga bunga nang mga puno sa mga tangka ay sanga. Na nagbibigay nang ganda at kahiwagahan mula sa mga nakasinding sulo at panakot sa mga hayop na mandarambong. Hindi kalayuan dito makikita ang isang napakaliwanag na tahanan, ang tahanan ng mga Barakat, ang tahanan ng Hadi Yasir. Alam niya sa pagpasok niya ganap na siyang bahagi nang tahanang kinasusuklaman nang kanyang tiyo.

Tumigil sila sa harap nang tahanan ng mga Barakat. Bumaba ang Hadi Yasir sa sinasakyan nitong asong-gubat. Bumaba siya sa kanyang sinasakyang asong-gubat. Kasunod noon pinasok nito ang mga alaga nito habang naiwan siyang naghihintay sa kanyang asawa sa pagbubukas ng lagusan nang tahanan ng mga Barakat.

Hinintay niya ang pagbabalik nito at sa kanyang pag-iisa biglang bumukas ang lagusan nang tahanan ng mga Barakat at nakita niya sa kabilang bahagi nang lagusan ang kanyang asawa na naghihintay sa kanya at inanyayahan siya nitong pumasok. Hiningi nito ang kanyang kamay bagay na kanyang ibinigay. Hinatid siya nito papasok sa loob nang tahanan ng mga Barakat kung saan bumungad sa kanilang pagpasok ang mga Ading kasama nito sa pagbaba sa mga baitang nang tore ng mga Hadezar, ang mga kapatid nang kanyang asawa.

Sa paglapit nila sa mga ito pinakilala siya nang Hadi Yasir sa dalawang Adi.

Una pinakilala siya nang Hadi Yasir sa Adi Makbule, ang asawa ng Hadi Nasrin nang tahanan ng mga Harith at ang ina nang asawa ng kanyang kapatid na si Hadi Batul.

Nagbigay ito nang pantawag na pamitagan sa kanya. Wika nito, “iyi’Okshem…Adi Hikmet!” Bagay na kanyang tinanggap.

Napakaganda nang suot na damit nang mga ito. Mga Báta na malamig sa mga mata ang kulay. Ang Adi Makbule ay nakasuot nang damong-dagat na kulay nang Báta na may mga manggas at nagtataglay nang mga maliliit na mga itim na mga baging at mga bulaklak nang mga daliri ng dalaga na kulay murado. Habang ang suot nitong panloob ay palda na nagtataglay nang mga burdadong isdang kataw. At ang Adi Sule ay nakasuot naman nang Báta na tulad sa kulay nang mga kaliskis ng mga ahas na Nagar na nagkalat sa baybayin ng Ja’khar habang ang suot nitong panloob at mahabang palda ay burdado nang mga nagbabagsakang mga balahibo nang ibon.

Matapos noon sunod na pinakilala sa kanya nang Hadi Yasir ang Adi Sule, asawa nang Hadi Naveed ng tahanan ng mga Parvana. Kagyat lumapit ito sa kanya. Niyakap siya nito. Wika nito sa kanya, “radovathi mofe atzi Adi Hikmet!”

Ngumiti siya. Tugon, “radovathi mofe atzi yuu’se maste, Adi Sule!”

Wika nang Adi Sule, “yuu’se maste…Adi Hikmet!” Kasunod noon tinanong nito sa kanya kung maaari nitong hawakan ang kanyang mukha. Hinawakan nito ang kanyang mukha. Hinimashimas ng kamay nito ang kanyang pisngi. Bagay na hindi niya maintindihan. Sinabi nang Adi Sule sa kanya ang pagiging katangi-tangi niya…na sana ay naging kapatid na lamang siya nang mga ito bagay na hindi niya maintindihan kung ano ang sabihin nito sa kanya. Pagpapatuloy nito ngayon lamang ito nakakita nang katulad niyang nagtataglay ng kakaibang kagandahan, isang Hariqa, na walang sinoman ang mapagkukumpara.

Bagay na kanyang pinasalamatan.

Pinatotohanan ito nang Adi Makbule. Sinabi nito sa kanya na totoo ang sinasabi nang Adi Sule sa kanya. Na nagtataglay siya nang gandang hindi maaring mapaglumaan. Gandang walang sinoman ang maaring pumalit. Kasunod noon inanyayahan sila nang mga ito na pumasok sa loob ng pamamahay nang Hadi Yasir.

Bagay na ginawa nang mga ito.

Sa pagpasok nila sa loob ng bulwagan, nakita niya ang isang mahabang lamesa na makikita sa gitna nang silid. May mga upuang nakatabi sa gilid nito liban lamang sa mga nakadikit na upuan sa dingding nang silid.

Lumapit sa kanya ang Adi Makbule. Inakbayan siya nito kasabay nang kanilang pagpasok sa loob nang bulwagan ng tahanan. Sinabi nito sa kanya na hindi ito nagkakamali ay nagkita na silang dalawa dati bago ang pagsilang Hadi Yasir sa pagiging Hadezar.

Sinabi nito sa kanya na nakita niya ito, na kung hindi nagkakamali, salusalo matapos ang pag-iisang dibdib nang Adi Ismat at nang kanyang kapatid na si Hadi Batul. Bagay na kanyang nakalimutan at ngayon niya lamang naalala.

Sinabi nang Adi Makbule sa kanya, “iba ka nang makita kita noon masmaganda ka na ngayon kaysa nang dati…”

Sinabi niya, “marami na ang nagbago!”

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Makbule.

Walang pinagkaiba ang loob nang bulwagang-silid. Katulad ito nang bulwagan ng tahanan nang mga Roshan, ang mga batong upuan sa paligid nang silid, ang dalawang durangaw na malapit sa malaking lagusan na kanilang pinausukan lahat nang ito nagpapaalala sa kanyang tahanang tinalikuran.

Nang gabing ito gaya nang kung ano ang nakaugalian tinanggap siya nang mga kapatid nang kanyang asawa sa paraan ng paghuhugas ng mga paa at pagpupunas sa mga ito. Unang tinanggap ang Hadezar. Hinugasan nang Adi Makbule ang mga paa nang Hadi Yasir habang iniintay ang kanyang tuluyang sa kanyang pinagmulan. Matapos noon sunod siyang inanyayahan ng Adi Makbule na tanggapin sa loob nang pamamahay nang kanyang asawa. Bagay na kanyang ginawa.

Lumapit siya sa mga ito.

Umupo siya sa kahoy na upuang pinag-upuan nang kanyang asawa sa ginawang pagtanggap nito nang mga kapatid nito. Tumayo ang Hadi Yasir matapos nitong suotin ang mga sandalyas nito sa paa. Sa kanyang pag-upo hiningi nang Adi Makbule ang kanyang mga paa. Sinubukan niyang tanggalin sa pagkakatali ang sandalyas sa kanyang paa ngunit pinigilan siya nang kanyang asawa.

Nakiusap ito sa kanila na kung maaari ay ito ang gumawa nang pagtanggap sa kanya. bagay na pinagbigyan nang Adi Makbule. Matapos noon lumapit sa kanya ang hadi Yasir. Umupo ito nang nakatingkayad sa kanyang harapan. Hiningi nito sa kanya ang kanyang mga paa at nakiusap na kung maaari ay hayaan itong magtanggal nang kanyang mga suot na sandalyas…bagay sa una ay kanyang pinangambahan ngunit hindi kalaunan ay pinagbigyan sa kabila nang kanyang pagdadalawang-isip.

Una nitong tinanggal sa kanyang kanang paa ang kanyang suot na sandalyas. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa gilid nang kanyang upuan. Kumapit siya dito. Hinawakan ng Hadi Yasir ang kanyang kanang paa. Kumuha ito nang tubig sa may palanggana gamit ang kamay nito at ibinihos ito sa kanyang kanang paa matapos noon nilublob ito ng Hadezar. Inalmuhasan. Binabad. Pagkababad agad itong tinanggal nang kanyang asawa at pinunasan nang malinis at tuyong pamunas na ibinigay nang kapatid nito dito.

Pagkapunas sa kanyang kanang paa kinuha naman nito ang tinanggal na sandalyas at isinuot sa kanyang paa at itinali ang mga sintas nito. Matapos noon ibinigay niya naman dito ang kanyang kaliwang paa. Tinanggal nito sa kaliwa niyang paa ang suot niyang sandalyas. Habang ginagawa ito nang hadi Yasir pinagmasdan niya ito…hindi natinag dito ang kawalan nang pag-aagamagam. Hindi niya alam kung ano ang meron sa Hadezar na sa tuwing tinitignan niya ito ay hindi siya sigurado kung tama ba ang kayang ginagawa ngunit alam niyang wala siyang ginagawang mali. Muli kumuha ang hadi Yasir nang tubig mula asa palanggana. Ibinuhos ito sa kanyang paa habang hawak nito ang kanyang kaliwa niyang paa. Saka inilublob, inalmuhasan at matapos noon ay pinunasan nang pamunas na nakapatong sa hita nito.  Pagkapunas sa kanyang kaliwang paa sinuot nito sa kanyang paa ang tinanggal na sandalyas. Itinali ang mga sintas nito at tuluyan siyang pinakawalan.

Matapos ang pagtanggap tumayo ito sa pagkakaupo nito sa kanyang harapan…kasunod noon lumapit sa kanya ang Adi Sule. Tuwa at kagalakan ang ibinigay nito sa kanya matapos siyang tanggapin nito bilang isang tunay na Barakat.

Nabaling ang kanyang pansin sa kanyang asawa. Nakita niyang lumapit ito sa Adi Makbule at kinausap ito. Matapos noon agad din itong lumabas nang bulwagang silid habang naiwan siyang nag-iisa kasama nang mga ito.

Tinanong siya nang Adi Makbule kung gusto niya bang umikot sa tahanan nang mga Barakat at ipakita dito ang kanyang magiging tahanan.

Bagay na sinang-ayunan nang Adi Sule. Sinabi nito sa kanya na makabubuti ito habang hinihintay nila ang pagkain.

Wala siyang nagawa. Sinang-ayunan niya ang mungkahing ito…kahit siya gusto niyang makita at malaman kung ang kinaibahan ng tahanan ng mga Barakat sa kanyang pinagmulan.

Lumabas sila sa loob nang bulwagang silid nang tahanan nang mga Barakat. Kasunod noon dinala siya nang Adi Makbule at inikot sa tahanang kinalakihan nang kanyang asawa habang naiwan ang Adi Sule sa loob ng bulwagang silid. Nagtungo sila sa kaliwang bahagi nang tahanan nang mga Barakat kung saan pinakita sa kanya nang Adi Makbule ang mga silid na nasa tabi nang malawak na lupain nang tahanan, ang mga imbakan nang inumin at mga gamit ng mga Barakat.

Wika nang Adi Makbule sa kanya, “ito ang imbakan nang tahanan!”  Ang mga guhit nito sa dingding ay larawan kung ano ang mga hanapbuhay at mga ikinabubuhay sa loob nang kinasasakupang lupain ng kanyang asawa. May tatlong imbakan ang tahanan nang mga Barakat. Ang malapit sa bulwagan ang pinakamaliit. Hindi ito nakabukas…at kahit kailanman ay hindi na binuksan pa matapos ditong mamatay ang ama nang mga ito, na si Hadi Karim sa pagkakamaling ikinabasak nang tahanan.

Sinabi sa kanya nang Adi Makbule na nang huli niya itong makita mahigit halos sampung taon na ang nakararaan ay walang laman ang loob nito. Sinabi sa kanya nang Adi na nang mamatay ang ama nito, ang ama nang kanyang asawa, ay pinatanggal nang Hadi Abbas ang lahat nang gamit sa loob nang imbakan. Pinalipat sa ibang silid na ang tanging laman at naiwan sa loob ay ang mga patak ng dugo matapos na magpakamatay ang Karim sa loob nang silid sa pamamagitan ng paggiliit sa leeg nito matapos nilang malaman na sinunog nang Hadi Walid ang buong tahanan nito kasama ito at ang asawa nito.

Wika nang Adi Makbule sa kanya, “Iyon ang pinakamalaking apoy na nakita ko sa buong buhay ko…pero siyempre bata pa ako noon kaya ano lamang ba ang kaibahan nang malaki sa maliit sa mata ng mga bata hindi ba!”

Nakadikit sa pintuan nito ang tapiserya na may mga habi at burda nang mga halamang mais at buri. Ang sumunod na pintuan dito ay walang taglay na tapiserya. Ito ang pinakamalaki sa mga imbakan nang mga gamit sa tahanan ng mga Barakat. Pinakita sa kanya nang Adi Makbule ang loob nito. Sinabi nito sa kanya na ang laman lamang nang mga ito ay mga bahagi nang mga upuan mga lamesa, uluhan nang mga higaan at mga banga at mga baul at mga tampipi na lagayan nang mga pinaglumaang mga damit. Ang dulong silid sa kaliwang bahagi nang mahabang pasilyo ay hindi na nila pinuntahan pa, sinabing ganon din ang tinataglay na laman nang loob ng silid.

Tinuro sa kanya nang Adi Makbule na sa kabilang bahagi nang malawak na lupain nang tahanan makikita ang pamosong bukalan nang tahanan nang mga Barakat. Niyaya siya nito na puntahan ang bukalan at ipakita ito sa kanya. bagay na kanyang tinalima.  Sa kanilang paglalakad nakita nila ang kanyang asawa at ang Adi Sule na naghahanda nang kanilang hapunan. Tinanong siya nang Adi Makbule kung paano siya lumaki sa tahanan nang mga Roshan.

Sinabi niya na lumaki siya sa pag-aalaga nang mga Adi nang tahanan. Abala ang kanyang ama at tiyo habang natuto siya sa kanyang tiya at ina nang mga gawaing-bahay.

Tinuro sa kanya ng Adi Makbule na sa ikalawang palapag makikita ang mga silid na tirahan nang mga Hadi at Adi. Tinuro nito sa kanya na sa dulong bahagi nang pasilyo sa ikalawang palapag, sa kanang bahagi nang tahanan makikita ang silid ng Hadi Yasir…na siyang magiging silid niya na rin.

Wika nito sa kanya, “kung ganon para ka palang katulad nang Hadi Yasir na lumaki sa piling nang mga Adi. Akala ko dati hindi mag-aasawa ang aking kapatid, minsan iniisip ko ano kaya ang magiging asal nang Hadi Yasir kung lumalaki siya kung ang kasama niya ay mga kapatid na lalake. Hindi kaya mawawala sa kanya ang pagkilos niyang babae. —Huwag kang mag-alala binibiro lang kita. Alam ko ang pakiramdam nang bagong dating ka sa tahanan nang iyong asawa. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo kahit papaano. Naalala ko nang pinakasalan ako ang aking asawa katulad mo natakot din ako. Wala kang dapat na ikahiya sa akin… lahat tayo dumadaan diyan. Nakakaramdam tayo nang takot. Pero pasasaan ba mawawala din ‘iyang takot na nararamdaman mo. Wala kang dapat na ikatakot Adi Hikmet. Darating ang araw masasanay ka rin sa tahanan nang iyong asawa, sa mga nakikita mo sa mga nakapaligid sa iyo. Makakalimutan mo rin na minsan kang naging bahagi nang isang tahanan datapwat mananatili ito sa iyong alaala at sa isipan mo.”

Tumigil sila sa paglalakad sa pasilyo sa kanang bahagi ng tahanan. Hinawakan nito ang kanyang kamay. Wika nang Adi Makbule sa kanya, “hindi… ayos lang.”

Hinawakan nito ang kanyang pisngi. Tanong niya sa kapatid nang kanyang asawa, “ano ang kailangan kong gawin para mawala ito.”

Wika nito sa kanya, “kailangan mong magpakatatag. Siguro iyon ang pinakamalalang maisasagot ko sa iyo pero iyon ang ginagawa natin para sa kanila, para sa mga higit na nangangailan sa atin!”

Nagpatuloy sila sa kanilang paglakad. Sa patuloy nang kanilang pag-iikot dinala siya nang Adi Makbule sa loob nang pamosong bukalan nang tahanan nang mga Barakat.

Ang mga inukit sa bahaging ito ay puno nang isang kasaysayang hindi mabilang-bilang sa halos dalawang libong taon nang kanilang paninirhan dito sa malayang Andes ng Silangan. Tulad ng kanyang inaasahan wala itong pinagkaiba sa tahanan ng mga Roshan. Ang bawat haligi, ang mga pasilyo at maiiksing mga lagusan na tinatapalan nang makukulay na mga tapiserya at nakaangat mula sa gitna nang malawak na lupain kung saan makikita ang isang plataporma at may isang kawan na may nakasinding apoy na sagisag ng kapangyarihan at impluwensya ng mga Hadezar ay kahalintulad sa kanilang tahanan.

Ngunit iba pa rin ang tahanang kanyang kinalakihan. Iba pa rin ang mga nakaukit na mga kasaysayan sa mga dingding nito na pinag-tuunan niya ng pansin at naging bahagi nang kanyang araw-araw.

Nabaling ang atensyon nang Adi Makbule sa kanya. Nang may ngiti at kumpiyansa sa sarili nito wika nito sa kanya, “hindi ba totoo?” At nakita niya ang manining na silid nang bukalan nang tahanan ng mga Barakat. Ang mga inukit na mga nakahubad na mga babae sa paligid at dingding nang silid na kung ano ang mga ginagawa, ang kisame nito na may mga ukit nang mga bituin, at ang bituin ng Ja’khar at ang araw at buwan. Tama ang Adi Makbule, pamoso ngang maituturing sa ganda ang isang tagong yaman na ngayon niya lamang nakita. Bagay na hindi niya maitatanggi.

Sinabi nito sa kanya na ang mga inukit na mga babae sa dingding ay gawa nang salinlahi nang kanilang mga Hadezar sa mga nakalipas na mga taon. Ang mga bituin at araw at buwan at mga ulaw ay pinagawa nang kanyang ina. Sinabi nito sa kanya na palaging naghahanap ang ina nito nang parang may kulang sa loob nang bukalan nang tahanan. Kaya iniisip nito na makabubuti na lagyan at ukitan ang mga kahoy n kisame nang mga kahoy pang kisame. Sayang ngalang at hindi na gaanong kaganda tulad nang dati pero ang pagkamangha sa kanya ay walang katulad.

Inamin nang Adi Makbule sa kanya ang katotohanan. Na ang totoo ay hindi nito alam kung magugusthan ba siya nito o hindi. Na hindi ito naniniwala nang tulad sa mga nalaman nito na maaari siyang pagkatiwalaan. Wika nang Adi Makbule sa kanya, “pero noong nakita ko ang tingin nang aking kapatid sa iyo doon ko lamang naiintindihan na maaari kitang pagkatiwalaan.”

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad. Lumabas sila sa kabilang pintuan nang silid na bukalan at sa paglabas nila dumating sila sa madilim na pasilyo sa kanang bahagi nang tahanan ng mga Barakat. Makitid ang pasilyo sa mahabang daanan na nakaharap sa bulwagan ng tahanan habang malapad ang kanang bahagi nito. Sinabi nang Adi Makbule sa kanya na ang isang silid sa kanang bahagi ay nakasara. Hindi nito napapasok pa ang bahaging iyon datapwat ibinahagi din nito sa kanya na kung tutuusin ay wala rin iyon kalamanlaman, sa pakiwari nito.

Binuksan nito ang isang silid na nakatabi sa bulwagan nang tahanan. Sa dulo nang mahabang pasilyong ito makikita ang lagusan patungo sa yungib nang tahanan nang mga Barakat na tinatapalan nang tapiserya na may mga burdado nang mga asong-gubat. Hinawi nito ang isang tapiserya sa kanilang harapan. Binuksan nito ang lagusan nang silid at kinuha ang isa sa mga sulyaw na naglalaman nang nakasinding tinghoy na nakababad sa timsim nitong langis.

Inanyayahan siyang pumasok nang Adi Makbule sa loob. Sa pagpasok nila sa loob ng madilim na silid agad na tumambad sa kanya ang pagbagsak nang tahanan ng mga Barakat sa ikalawang pagkakataon. Wika nang Adi Makbule, “sa tingin mo…tama ba ang aking hinala? Maaari nga ba kitang pagkatiwalaan!”

Sa loob nang silid matatagpuan ang mga nakaukit na mga larawan nang mga dinadagsa mga Jingkar na ang kanilang mga kamay ay nakataas habang nakatiklop ang mga kamao, nagtataglay nang matinding galit ang bawat mukha at tila sinusugod ang iilang mga babae na may dalang sanggol. Bawat ukit sa magkabilang pader ay puno nang mga Jingkar na nagtitipon.

Tanong niya sa kapatid nang kanyang asawa, “ano ang silid na ito?” Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot.

Inilapit nang Adi Makbule ang sulyaw na may tenga sa dingding nang silid. Wika nang Adi Makbule sa kanya, “bata pa lamang ako nang nangyari ang bagay na iyan.”

Napatingin siya sa kapatid nang kanyang asawa. Pagpapatuloy nito, “alam mo ang kwento hindi ba, Adi Hikmet? Kung papaano kami bumagsak. Kung papaano kami muling umahon. Kami ang kasaysayan nang Ja’khar, sa talababa nito, kami ang kasaysayang nilalaktawan at ginagawang panakot sa iba pang tahanan kung papaano bumagsak ang aming tahanan sa ikalawang pagkakataon at sa halos sampung taon ay walang naging patnugot at pinuno at Hadezar ang tahanan ng mga Barakat. Ang pinakamatagal…ang pinakamahaba.”

Sa kabilang bahagi ng silid nakita niya ang mga Jingkar na naghuhugas nang mga kamay sa isang palangganang kahoy at itinatakwil ang isang kamag-anak na nakagawa nang kamalian sa estadong-lungsod ng Ja’khar na nagtuluy-tuloy sa pagkamatay nang isang matanda at marahil ay itinuturing na patnugot ng tahanan at pinalitan nang isang Jingkar na hindi naglaon ay namatay din. Sa kabilang dulo nang silid kung saan nakaharap ito sa lagusan makikita ang nakaukit na maliit na tahanan na may isang matandang babae, dalawang maliit na babae at isang batang lalake na tinulungan nang isang tahanan na may dala nang isang lambat nang isda at ibinigay ang kamay nito sa matandang babae upang tulungan at isang babae na nagtataglay nang matinding kapangyarihan at tinitingala at sinasamba nang mga Jingkar na pinaglilingkuran nito. Bawat saan siya lumingon may galit na hindi maipinta. Isa itong kalunuslunos.

Tanong nang Adi Makbule, “kalunuslunos hindi ba?”

Nagpapakita nang isang karamdaman na lubhang nagpapabagabag sa kung sinoman ang tumitingin sa nasabing mga nakaukit na mga larawan sa dingding.

Nakaramdam siya nang takot sa kanyang nakita.

Tinanong siya nang Adi Makbule kung natatakot ba siya.

Umiling-iling siya. Sinabi niya, “hindi ko alam!”

Wika nang Adi Makbule, “mabuti, Adi Hikmet…”

Kasabay nito niyaya siya nang Adi Makbule na lumabas nang silid. Sinabi nito sa kanya na hindi sila dapat nandito.

Sa kanilang paglabas nakita niya ang kanyang asawa na naglalakad patungo sa kanila. Tumigil sila. Niyaya sila nila ito at sinabi sa kanila na nakahanda na ang kanilang hapunan.

Bagay na kanilang tinalima at sinundan sa pagbalik sa loob nang bulwagan ang Hadi Yasir kung saan naroroon ang Adi Sule at gaganapin ang una niyang hapunan sa loob nang tahanan ng mga Barakat bilang ang asawa ng Hadezar.

Sinundan nila ang Hadi Yasir pabalik sa bulwagan. Sinabi sa kanya nang Adi Makbule na magaling magluto ang kanyang asawa. Isa ito sa mga katangiang hindi niya nalalaman. Inamin ng Adi Makbule sa kanya na kahit ito ay natutong magluto sa kapatid bago makapag-asawa.

Tinanong siya nito kung marunong siyang magluto bagay na kanyang sinang-ayunan. At pinagmalaki nito sa pagsabing “buti ka pa!” Sinabi nang Adi Makbule na kahit kailan ay wala itong hilig sa pagluluto.

Tinanong niya ito kung sino ang nagturo dito. Sinabi nito sa kanya na mayroon silang dating kasama kung ito natuto.

Sa pagpasok nila sa loob lumapit sa kanya ang Adi Sule, hinawakan nito ang kanyang braso at sinabing maaari itong umupo sa kanyang tabi. Bagay na hindi niya tinanggihan.

Umupo siya sa tabi nang Adi Sule habang ang Adi Makbule ay umupo sa tabi nang kanyang asawa. Bago makapagsimulang maghapunan nagsalita muna ang Hadi Yasir. Pinasalamatan siya nito sa pagpili niya dito at pagtanggap bilang kanyang mapapangasawa gayon na rin sa inaasahan na mahabang panahon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Nagpalasamat ito sa mga kapatid nito sa pagdating matapos itong anyayahan ilang araw na ang nakakalipas. Hinangad nito ang kanyang kasiyahan ngayong gabi at sana magustuhan niya ang niluto nito.

Kasunod noon nagsimula na silang kumain ng kanilang hapunan…Pinagsaluhan nila ang inihaw na karne nang tapir, nang buhong na may tenga nang mais, niligis na manioc at hinaluan nang gata mula sa puno ng buri. May sabaw na nakalagay sa hapagkainan sa loob nang bulwagan nang mga Barakat na may sangkap mula sa dahon nang kohlrabi at nagtataglay nang mga maanghang na pampalasa.

Sa kabilang bahagi nang silid makikita ang mga tapaya na naglalaman nang nakakalasing na inumin mula sa mga bunga ng halaman ng Agave.

Nang gabing ito isang maliit na salu-salo ang naganap sa loob nang tahanan nang mga Barakat. Isang maliit na pista na napakalayo sa tunay nitong kahulugan. Hindi maruwal tulad nang iba. Bagkus ito’y isang salusalong malapit, may takda, at may pamamahala.

Tinawag siya nang Adi Sule. Sinabi nito sa kanya na Niluto lahat nang Hadi Yasir bago ito umalis at sunduin ito. Bagay na pinagkaila nang Adi Makbule at sinabing maging rin naman sila ay naging Katuwang sa pag-aayos at pagtatapos nang iniwang salu-salo nang mga kapatid nito.

Pinuri niya ang luto nang kanyang asawa. Isang hindi maikakaila at tuwirang pagkilala sa kagalingang pinagmamalaki nang mga kapatid nito dito. Pinuri niya rin ang kalinisan nang tahanan nang mga Barakat na ngayon niya lamang napuntahana.

Bagay na pinagtakahan nang mga kapatid nang kanyang asawa at hindi niya itinanggi na ito ang unang beses na ngayon pa lamang siya nakapunta sa tahanan ng mga Barakat.

Tinanong nang Adi Sule kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa tahanan ng mga Roshan.

Sinabi niya ang hilig niya sa pangangaso. Ang kagustuhan niya na maglakbay kasama nang mga kapatid at mga pinsan sa mga nakapaligid na gubat at kakahuyan sa Ja’khar.

Bagay na maging ang Adi Makbule ay ipinagmalaki din sa kanyang asawa.

Sinabi nang Adi Makbule sa kanila na noong maliit pa lamang ang Hadi Yasir ay may liyaw na sumasama sa kanyang asawa sa pangangaso sa loob nang mapanglaw na kakahuyan.

Tinanong niya ang Hadi Yasir na hindi niya pala alam na maging ito ay mahusay na mangaso…

Bagay na pinagkaila nang kanyang asawa at sinabing kahit kailan hindi siya naging mahusay sa pangangaso…napapasama lamang ito sa panghuhuli at madalang na panunuluyan sa loob nang kakahuyan.

Sinabi nang Hadi Yasir na may hiwaga nag kakahuyan na nagbibigay nang mistulang sapat na pakiramdam upang magawa nang sinoman ang gusto at maging tahanan ng ninoman. Isang kaligayahan dagdag nang kanyang asawa.

Tinanong siya nang Adi Makbule kung alam niya ba ang dahilan kung bakit sila nandito ngayong gabi.

Bagay na kanyang pinagtakahan at inaming hindi niya alam.

Sinabi nito na siya ang dahilan.

Bagay na kanyang pinagtakahan.

Sinabi niya sa Hadi Yasir na hindi dapat nito ginagawa ang bagay nito sa kanya.

Ngunit gustong gawin ito nang kanyang asawa, sabat nang Adi Sule.

Pagtataka nang Adi Makbule, “maiba ako Adi Hikmet…gusto mo rin bang mag-alaga nang mga hayop! Ano ba ang pinagsasabi ko… siyempre Oo naman lumaki ka na kasama nila…alam mo bang may mga uri pala nang asong-gubat, akala ko dati iisa lang hindi pala!”

Tugon niya, “meron…kung tutuusin apat nga uri nang mga asong-gubat. Ang meron tayo ay iyong may mga batik na dinala mismo nang ating mga lahi dito sa Malayang Andes. Sabi nila na ang tunay na pinagmulan nang mga ito ay sa Malawak na Andes!”

Tugon nang kanyang asawa, “ang isa ay matatagpuan sa hilaga at ang isa ay matatagpuan din kung hindi ako nagkakamali… sa hilaga!”

Tanong nang Adi Makbule, “kung ganon saan makikita ang isa!”

Tugon nang Hadi Yasir sa mga kapatid nito, “ang isa ay itinuturing na pagkakamali…naalala mo sila Amarok at Ijiraq?” Nagtaka ang kapatid nito. “Ang mga alaga kong asong-gubat na ikaw na ang nagsabi ay kahindik-hindik! Magkagayonman hindi sila magkahiwalay na uri nang mga asong-gubat ngunit maituturing silang mga madalang na kulay nang mga asong-gubat. Na maliban sa apat na uri nang matatagpuan sa buong Soluna, ay gayong may pagkakaiba sa mga lalake at mga babaeng asong-gubat.  Ito ang nakakatawa…sina Ijiraq at Amarok ay mga bibihirang mga asong gubat dahil sa kulay nang kanilang mga mata o dahil sa makapal na kulay nang kanilang mga balahibo na madalang makita sa mga ito.  Si Ijiraq ay babae… at si Amarok ay lalake. Ang mga lalakeng asong-gubat ay walang tinataglay na mga batik sa katawan at madalas may mga nakaumbok sa kanilang mga ulo habang ang mga babae ay masmakulay ang mga balahibo…gayong dahil si Ijiraq ay puti ang mga balahibo nito habang tumatagal ay makikita mo ang mga itim na mga batik sa katawan, sa pagitan nang leeg at sa balakang…at makikita mo rin yung mga balahibo niya sa likuran ay naninilaw habang tumatagal. Inakala ko na hindi ito maganda o kung anoman ang pilikaw nito sa katawan…gayong habang tumatagal sa pagtatanong sa mga Roshan, ito ay likas na pilikaw na lason katawan ng sinoman pero gayondin ay panlaban sa katawan nang mga asong-gubat na katulad ni Ijiraq dahilan para hindi mo siya maaaring ilabas sa arawan o sa mainit na mga panahon kaya pinaghihiwalay ko sila.”

Tugon nang Adi Makbule, “kung akoman ang nagsabi noon hindi ko tatawaging kahindik-hindik!  Kakaiba…” Nabaling ang tingin nito sa kanya.

Sinabi sa kanya nang Adi Sule na ganyang mag-usap ang Hadi Yasir at Adi Makbule.

Tanong nang Adi Sule, “Ano ang ginagawa mo! Paano mo sila inaalagaan!”

Wika nang kanyang asawa, “madalas na magkahiwalay sila nang kulungan madalang nasa labas parati ang itim na asong-gubat habang palaging nasa loob ang puti o hindi naman kaya ay nandito sa loob nang tahanan.”

Tanong nang Adi Makbule sa Hadi Yasir, “nagpapasok ka dito nang asong-gubat? Buti hindi nagagalit sa iyo ang nanna nang nabubuhay siya!”

Wika nito sa mga ito, “ginagawa ko naman iyon kapag wala siya!”

Tinanong nang Adi Sule ang Adi Makbule kung alam ba nito na kumakain ang kanyang asawa nang buhay na laman nang mga maliliit na mga talangkang walang punlo at naghahanap nang punglo nang sarili nila.

Nabaling kanyang atensyon sa Hadi Yasir na tumayo mula sa kinauupuan nito upang kumuha nang nakakalasing na inumin sa baso nito. Hindi niya matandaan kung makailang ulit na itong ginagawa nang asawa na pababalikbalik sa upuan at umiinom nang nakakalasing na inumin. Maging ito ay kinakabahan.

Narinig niya ang tawag sa kanya nang Adi Makbule. Sinabi niya dito na hindi niya alam kung ano ang ginagawa nang Hadi Yasir dito datapwat bago sila bumalik sa tahanan ng mga Barakat ay kumuha ito nang susô at inilagay sa panupot sa may dalampasigan nang Ja’khar. Pagtataka nang Adi Sule, “susô sa tabing-dagat? Alam mo namang maraming naglipanang ahas at buwaya sa may baybaying dagat hindi ba, Hadi Yasir!”

Tugon nang kanyang asawa, “wala sa buhanginan ang mga buwaya at ang mga ahas na makamandag.”

Sa pagdaan nang gabi marami silang simunong tinalakay at ang higit pa dito ay ang tungkol sa Hadi Yasir. Pinag-usapan nilang hindi nakilala nang Hadi Yasir ang ama nito dahil isang taon lamang ito ng mamatay ang Hadi Karim, nang maghirap ang mga ito at magkaroon nang paghihimagsik loob nang kinasasakupang lupain ng tahanan ng mga Barakat, dahilan upang mapatalsik sila sa sarili nilang tahanan.

Nagtaka ang Adi Hikmet kung sino ang liyaw na tinutukoy nang mga ito na madalas na kasama nang kanyang asawa.

Ikinuwento nang Adi Sule ang pagdating nang isang dating kaaway na hindi naglaon ay bumalik at nanumpa sa harapan nang Hadi Yasir bilang tagasunod nito at tagapagbantay na hindi nagustuhan nang Hadi Mahdi. Na sinundan nang hindi naglaong pagkamatay nang kanilang ina na nagbigay nang lamat sa kanilang magkakapatid.

Kasabay nito nagbigay nang mga hindi magagandang palagay ang Adi Hikmet sa Hadi Yasir. Ang mga hinala nito tungkol sa pagkakadawit nang kanyang kapatid na si Hadi Batul tungkol sa pagpapakasal niya sa Hadi Yasir. At ang pag-iisip na kung dapat nga ba niyang pagkatiwalan ang Hadi Yasir. Na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin siyang nagdadalawang isip.

Tinawag nang nakatatandang kapatid nitong babae ang kanyang asawa at tinanong dito kung nagkita ba ang kanyang asawa at ang Adi Ismat. Bagay na tinanggi nang Hadi Yasir sa kapatid nito.

Sinabi nito na tanging naroroon lamang sa loob nang bulwagan nang tinanggap ito nang kanyang tiyo ay ang kanyang tiyo, ama mga pinsan at mga kapatid na lalake. Walang iba pa.

Tanong nang Adi Makbule sa kanyang asawa “sigurado ka!”

Ngumiti ang Hadi Yasir. Wika nito sa dito, “Oo…bakit naman ako magsisinungaling!”

Tinignan nang Adi Hikmet ang Hadi Yasir nagpasalamat ang Adi Hikmet sa Hadi Yasir bagay na tinugunan nang Hadi Yasir nang pagsaludo gamit ang basong naglalaman nang nakakalasing na inumin at pagngiti.

Sinabi nang Adi Makbule sa kanya na bigla nitong naalala na nang maliliit pa lamang ang Hadi Yasir ay mahiyain na ito at ayaw nitong naririnig na pinag-uusapan ito…tandang-tanda nito na pinagagalitan ito nang mga ina nito dahil madalas na hindi nagsasalita at ayaw magbigay nang palagay.

Nabaling ang atensyon nang nakatatanda nitong kapatid sa kanyang asawa. Tanong nito, “hindi ba Hadi Yasir nahulog ka minsan sa isang sapa at kamuntikan ka nang mahulog kaya ka nagkaroon nang peklat sa ilalim nang iyong baba?”

Sinabi nito sa kanya na magaslaw ang kanyang asawa nang maliit to. Tahimik pero magulo hindi makapaghintay sa iisang lugar at palaging palayaslayas. Bagay na Pinagtakahan nang Adi Makbule at sinabing mayroon pala silang pagkakatulad nang Hadi Yasir.

Nabaling ang pansin nang Adi Hikmet sa Adi Sule. Hinawakan nito ang kanyang kamay.

Tanong nang Adi Makbule sa kanyang asawa, “sabihin mo nga sa amin paano mo nakuha ang mga alaga mong naiibang mga asong-gubat! Pagkakatanda ko sa pagkakahuli ba o ikaw mismo ang nagpaanak sa kanila dahil kinakailangan nang mamatay ang kanilang ina!”

Nagtaka siya.

Wika nang Adi Makbule, “Magkagayonman, alinman sa dalawang iyon, ang totoo ay mahirap na marinig hindi ba…Hindi ba Hadi Yasir!”  Kasunod noon tinawag nang Adi Makbule ang Adi Sule.

Tugon nang Adi Sule sa Adi Makbule, “hindi ayoko! Makbule!”

Wika nang Hadi Yasir sa kanila, “sige na…pagbigyan mo na ang Adi…”

Pinilit siya nang kanyang asawa.

Nabaling ang pansin nang Adi Sule sa kanya. Wika nito sa kanya, “Kung anoman ang maririnig mo sa mga sandaling ito huwag kang maniwala…huwag na huwag kang maniniwala!”

Nagtaka siya, “bakit?”

Wika nang Adi Sule sa kanya, “alam mo mapalad ka na ang aking kapatid ang iyong napangasawa. Hindi katulad nang iba ang Hadi Yasir na walang pakialam sa iniisip o nararamdaman nang kanilang mga asawa bagkus gawa lang sila nang gawa at isinasantabi nila ang mga ito. Wala kang dapat na ikatakot sa Hadi Yasir! Iyon ang sa tingin ko…”

Tumayo ang Hadi Yasir sa kinauupuan nito, iniwan ang hawak nitong baso na wala nang laman nang nakakalasing na inumin at lumabas sa loob ng bulwagan nang kanilang tahanan.

Pumalakpak ang Adi Makbule. Wika nito sa Adi Sule, “hindi ko alam kung nagsisinungaling ka o totoo na ang sinasabi mo!”

Tugon nang Adi Sule sa Adi Makbule, “Totoo ang sinasabi ko! Mapalad ang Adi Hikmet…mahal na mahal siya nang Hadi Yasir!”

Wika nang Adi Makbule sa kanila, “Të garaana yi andzaa indzarah (jng. ang pagmamahal ay hahamakin ang lahat) …iyon ba ang ibig mong sabihin!”

Tugon nang Adi Sule sa Adi Makbule, “hindi…alam nating pareho hindi ganon ang pag-aasawa!”

Ngumiti ang Adi Makbule. Tumayo ang Adi Makbule sa kinauupuan nito. Sinabi nito na kailangan nitong puntahan ang Hadi Yasir at kausapin ang kapatid. Tumayo ito sa kinauupuan nito.

Lumabas ang kapatid nang kanyang asawa at sinundan ito nang Hadi Yasir.

Naiwan silang dalawa sa loob nang bulwagan ng tahanan. Habang kumakain ang Adi Sule tinanong siya nito kung nakita niya na ba ang pamosong bukalan nang tahanan ng mga Barakat.

Sinabi niya dito nakita niya ito.

Sinabi nang Adi Sule na maraming alaala ang naroroon. Tinanong siya nang Adi Sule kung pwede ba siya nitong makilalang mabuti. Naniniwala ito sa kanya na isa siyang mabuting Adi.

Bagay na kanyang tinanggap at pinasalamatan.

Sinabi nang Adi Sule, “hindi mo ako dapat pasalamatan. Isa pa nakasisiguro ako na isa kang mabuti.”

Nagtaka siya. Tinanong niya ang kapatid nang kanyang asawa kung paano ito nakatitiyak. At sinabi nang Adi Sule iyon ay dahil mahal na mahal siya nang Hadi Yasir.

Wika nang Adi Sule, “nakikita ko iyon sa kanya. At kailangan mong maniwala. Nakakatawa nga, alam mo bang wala pang ibang babae ang inibig nang ganito ng kapatid ko, ikaw pa lamang. Na kung iisipin mo marami na kaming pinagsaluhan at pinagsamahan. Pero hanggang ngayon nananatiling pa rin hindi ko lubusang kilala ang pinakamamahal kong bunsong kong kapatid.”

Nang mga sandaling iyon hinalikan nang Adi Sule ang Adi Hikmet sa labi bagay na binalikan nang halik nang Adi Hikmet. Tanong nang Adi Hikmet sa Adi Sule, “kung ganon bakit ako ang pinili niya.”

Tanong nito sa kanya, “ano ang sagot niya sa iyo?”

Wika niya, “hindi ko alam…sinabi niya sa akin na alam niya na gusto niya ako…pero hindi sapat na dahilan para sa akin na magustuhan niya lamang ako at piliin sa mga iba pang mga babae na ako ang gusto niyang maging asawa. Bakit ako ang kanyang pinili. Ano ang meron ako na wala ang iba. Ano ang hindi niya nakikita sa akin na wala o meron ang iba.”

At ang sagot nang Adi Sule sa kanya, “Hindi pa ba malinaw ang lahat…ang aking mga sinabi. Ikaw lang ang may pagkakataon upang tunay mo siyang makilala. Kilalanin mo siyang lubusan ibigay mo sa kanya ang kinakailangan niya hindi ang gusto niya. Gawin mo siyang tunay na Hadezar, Adi Hikmet.  Iyon ang dahilan kung bakit ka niya pinili. Ito lang ang hinihiling ko sa’yo hindi ang paligayahin mo siya hindi ang huwag mo siyang saktan ni ang ialay ang iyong buhay bagkus gawin mo ang lahat nang makakaya mo, dahil iyon ang gusto niya ang maging ganap at sa tingin ko ikaw lang ang makakatulong sa kanya upang mabuo at maiayos niya ang mga kinakailangan niyang gawin!” —

Wika nang Adi Hikmet, “siguro kailangan kong humingi sa kanya ng tawad!”

Tumango-tango ang Adi Sule bilang tugon nito sa kanya.

Bumalik ang Adi Makbule sa loob nang bulwagan.

Tinanong nang Adi Sule kung nasaan ang kanilang kapatid.

Hindi sinagot nang Adi Makbule ang tanong Adi Sule.

Nabaling ang atensyon nang kapatid nang kanyang asawa sa kanya. Tinanong siya nito.  Wika nito, “Adi Hikmet sabihin mo sa akin…totoo ba.”

Nagtaka siya sa ikinikilos nang Adi Makbule.

Pagpapatuloy nang kapatid nang kanyang asawa, “gusto kong malaman sa iyo. Hindi sa kanya…”

Wika niya, “hindi ko alam!”

Tumango-tango ang Adi Makbule. Ngumiti ito nang may ilang sa ngiti nito. Wika nang Adi Makbule sa kanya, “gusto mong malaman kung maaari bang pagkatiwalaan ang iyong asawa. Mapagkakatiwalaan mo ang aming kapatid. Hindi ko nga lang maititiyak sa iyo kung magagawa mo sa kanyang tanggalin ang kanyang pagiging sinungaling. Ang nakita mo kanina ay simula lamang…patikim nang mga mararanasan mo sa Hadi Yasir…magsisinungaling siya sa iyo… sa inyo sa lahat nang nag-aalaga at nagmamahal sa kanya at minamahal siya.” Tumulo ang luha nito sa mata.

Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo. Sumunod na tumayo ang Adi Sule kasabay nang kanyang pagtayo at paglapit. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari.

Wika nang Adi Makbule sa kanya, “kung kaya kang mahalin nang Hadi Yasir ay nagkakamali ka. walang kakayahang magmahal ang walang kakayahang magsabi nang totoo.  Akala mo ba gusto ka nang aking kapatid dahil sa pagiging kakaiba mo… sa pagiging pangiti mo!” Sinubukan itong pigilan nang Adi Makbule “Sa pagiging halimaw mo! Isa kang halimaw. Isa kang mabangis na halimaw. Sinabi niya sa akin na gagawin niya ang lahat nang makakaya niya makuha ka niya. Wala kang kaalamalam Adi Hikmet sa aming kapatid. Nagkamali ka nang Jingkar na pinakasalan! Ayaw mong maniwala. Bakit hindi mo siya hanapin. Itanong mo sa kanya kung totoong wala kang halaga sa kanya at nagkamali ka lamang na pagkatiwalaan siya?”

Sinabi nang Adi Sule sa Adi Hikmet, “Huwag kang maniwala sa sinasabi nang Adi Makbule…hndi niya alam kung ano ang sinasabi niya sa iyo. Ako na ang nagsabi sa iyo! ako ang dapat mong paniwalaan!”

Wika nang Adi Makbule, “Kung ganon bakit hindi mo siya tignan sa kanyang silid! Inaasahan ka niya ngayong gabi.”

Lumabas siya sa bulwagang silid. Sa paglabas niya tinawag siya nang Adi Sule. Napalingon ito sa kanya. Lumapit ang kapatid nang kanyang asawa sa kanya at sinabi, “kung anoman ang mangyayari ngayong gabi, kung anoman ang aming sinabi sa iyo gusto ko na ikaw ang masunod sa kung ano ang sa tingin mong tama.”

Hindi niya alam kung ano ang tama…

Matapos noon pinakawalan siya nang Adi Sule. Nagtungo siya sa ikalawang palapag nang tahanan nang mga Barakat. Handa siyang makiusap dito na ibalik siya sa tahanan ng mga Roshan dahil sa mga nangyayari ngayon iyon lang ang sa tingin niyang tama.

Nagtungo siya sa dulo ng pasilyo sa kanang bahagi ng tahanan ng mga Barakat kung nasaan ang silid nang kanyang asawa.

Binuksan niya ang silid na magliwanag.  Pumasok siya sa loob at sinarado ang lagusan nito. Doon pagpasok niya nakita niya ang kanyang asawa. nakita niya ang Hadi Yasir na nag-iisa, nakatayo ito sa kanyang harapan na walang suot na kahit anong damit.

Natakot siya. Muli bumalik sa kanya ang takot na kanina niya pa nararamdaman sa kanyang katawan. Takot na inakala niyang nawala na subalit tinatago lang ng balatkayo ng gabing ito at kasiyahan na ginawa para sa kanya ng Hadezar.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Sinubukan niyang magsalita subalit naunahan siya nang matinding takot at paagkalito.

Lumapit sa kanya ang Hadi Yasir. Nakiusap siyang huwag itong gawin sa kanya.

Pero hindi siya pinakinggan nang Hadi Yasir bagkus kinuha nito ang kanyang mga kamay. Hinawakan ito nang mahigpit nagpumiglas siya.

Walang halaga ang kanyang laki dito kung nanliliit siya o ang kanyang tinig kung walang sinoman ang nakikinig sa kanya. Sinubukan nitong tanggalin ang suot niyang damit. Takot siya. Lasing ito pareho silang mahina pareho nilang hindi alam kung ano ang kanilang ginagawa.

Lasing ito… ngunit hindi lasing na lasing upang hayaang siya nitong makatakas. Sa kanyang laki takot siya dito ngunit hindi siya takot na takot upang hindi makiusap sa Hadi Yasir na huwag itong gawin.

Ang luntiang mga mata nit na kabighabighani at nagbibigay nang hiwaga ay nanlilisik ang bangis na tinataglay. Pinunit nito ang suot niyang Báta na bigay sa kanya nang kanyang ina buhat pa lamang sa nuno nito. Nasira ang mga panali. Naglaho ang mistulang pananggang bumabalot sa kanya. Nahubaran siya. Pinunit nito ang kanyang panloob na damit. Nasilayan nito ang pinagnanasaan nito. Inilapit nito ang ulunan nito sa kanyang dibdib. Niyakap siya nito. Binuhat siya nito.

Sinubukan niyang pumiglas. Gumewanggewang sila at bumagsak kasabay nang pagbagsak nang nagniningas na timsim sa sahig nang silid. Nabaling ang pansin nito sa kanya. Hinaplos nito ang kanyang mukha nang likuran nang kamay nito saka ito tumayo. Kinuha nito ang saluwâl na nakahubad sa katawan nito. Itinapis ito sa katawan at saka ito lumabas nang silid nito.  Naiwan siyang nag-iisa. Nanatili sa iisang sulok nang silid. Nakatihaya nang upo. Nakasandal ang katawan habang hawak-hawak ang punit na damit.

Nang mga sandaling ito naalala niya ang mga sinabi sa kanya nang Adi Sule habang nasa loob sila nang bulwagan. Ang sabi nito sa kanya siya lamang ang may kakayahan upang lubusang makakilala ang kanyang asawa.

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

Ang Hadi Yasir

Sa pag-alis nila sa kinasasakupang lupain nang tahanan nang mga Roshan dumaan sila sa kinasakupang lupain nang mga Ardashir, dito abot-tanaw ang kanyang nakaraan. Ang liwanag sa kanyang tahanan ay unti-unti nang nasisilayan. Dumating sa inaasahan ang kanyang mga kapatid na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kung ano ang dahilan kung bakit pumayag ang ito na dumalo sa kanyang pag-iisang dibdib, at ang mga tahanang ngayon ay bahagi na nang mga ito, sa kanyang paanyaya na makilala ang kanyang mapapangasawa o ang kanyang asawa na ngayon. Sa tingin niya ito lamang ang nakikitang paraan nang mga ito upang makasiguro ang kanyang mga kalaban na hindi siya babaliktad. Mahalaga ang kanyang mga kapatid at ang pagkilala nang mga ito sa kanyang asawa ay isang pabagsak sa kanyang tahanan at sa kapangyarihan nang kanyang pagiging pinuno, patnugot at bagong Hadezar ng tahanan ng mga Barakat. Sinabi niya sa kanyang sarili na mata sa mata, ngipin sa ngipin.

Sa patuloy nilang paglalakbay sa kinasasakupan nang mga Ardashir napadaan sila tore nang mga Anino na isang uri nang nag-iisang sanggunian sa Ja’khar. Hindi niya alam kung napansin ito nang kanyang asawa o nasa pagiging abala pa rin ito sa pag-iisip na ginagawa nito sa iniwanang pinagmulang tahanan. Naramdaman niya ang bigat nang katawan nito sa kanyang likuran. Nakatali ang panali nang itim na asong-gubat sa likuran nang kanilang inuupuang paratilya. Sa kanilang paglalakbay napadpad sila sa kinasasakupang lupain ng tahanan ng mga Harith. Ang dalampasigan at baybayin nang Ja’khar na nagtataglay nang kulay kayumangging mga buhangin ay nalalapit nang matakpan nang kadilimang dala nang takip-silim. Nabaling ang kanyang atensyon sa paglubog ng araw. Nakita niya ang hiwaga at kagandahang taglay nito na mainit sa pakiramdam. Nagpatuloy sila sa paglalakbay hanggang sa narating nila ang bahagi nang dalampasigan malapit sa unang-pagbagsak. Dinala niya ang kanyang asawa at ang kanilang mga alaga sa dalampasigan nang baybayin. Bumaba siya sa sinasakyan niyang asong-gubat habang tinatanong sa kanya nang kanyang asawa kung ano ang ginagawa nila dito.

Sinabi niya dito na may kukunin lamang siya at huwag na itong bumaba pa.

Bagay na pinagtakahan nito.

Bumaba ito mula sa pagkakaupo nito sa paratilya nang asong-gubat.  Kinuha niya mula sa kanyang tagiliran ang isang balat na supot.  Iniwan niya ang kanyang asawa na nagbabantay sa kanilang mga alagang asong-gubat at nagtungo sa dalampasigan kung saan kumuha nang mga susô na lumalabas sa ilalim nang mga buhangin na may lamang maliliit na mga talangka.

Hinintay siya nang kanyang asawa hanggang tuluyan na siyang natapos sa kanyang panghuhuli at magdilim na ang kalangitan.

Matapos nito, umahon siya sa sanaw…sa mataas na tubig nang baybayin kasabay nang pagtaas nang tubig sa dalampasigan. Bumalik siya sa kung nasaan ang kanyang asawa na naghihintay sa kanya kasama kanilang mga alagang asong-gubat. Nakita niya itong tinatanggal sa pagkakatali sa likuran ng paratilya ni Ijiraq ang panali ni Amarok, ang alagang asong-gubat ng kanyang asawa. Kasunod noon sumakay ang Adi Hikmet kay Amarok.

Nang narating nila ang kinasasakupang lupain nang kanyang tahanan nagsimula ng maglitawan ang mga bituin sa kalangitan. Kapansinpansin ang pagiging maaliwalas nang gabi, ang pagkakaroon nang mga nagkikislapang mga bituin na kanyang napapansin. Hanggang sa lumitaw sa kalangitan ang ngayon lamang na inaasahang babalik.  Tinawag niya ang kanyang asawa. Sinabi niya dito, “tignan mo…” at nang mga sandaling iyon sabay nilang nakita nang gabing ito ang nag-iisang bituin nang Ja’khar.

Nang nakita nito ang bituin ng Ja’khar matapos niya itong ituro batid niya na ang gabing ito ang magiging simula nang panahon ng tag-init sa malayang Andes ng Silangan, ang pagbabalik nang mahahabang mga umaga at maiikling gabi, ang simula nang mga pagbabago sa kanilang mga buhay, datapwat ang gabing ito ay sadyang mahaba para sa isang pagbabago.

Una siyang bumaba sa kanyang sinasakyang puting asong-gubat kasunod noon tinulungan niya ang kanyang asawa na makababa sa itim na asong-gubat.  Nagpaalam siya dito at sinabing dadalhin niya lamang ang kanilang mga alaga sa loob nang yungib nang tahanan at huwag siyang umalis sa harap nang malaking lagusan ng kanyang kinalakihang tahanan. Kinuha niya ang mga panali. Dinala niya ang mga ito sa loob nang yungib nang tahanan. Tinanggal niya sa pagkakatali ang mga paratilya at sapin na nakasuot dito. Matapos noon isinampay niya ang mga ito sa mahabang sampayan na nasa loob nang yungib.

Pumasok siya sa loob nang kanyang tahanan kung saan nadatnan niya ang kanyang mga kapatid. Niyakap niya ang mga ito. Nagkamustahan sila at pagkatapos nagpasalamat siya sa kanilang pagdating. Kasunod noon nagtungo siya sa nakasaradong lagusan nang tahanan upang tanggalin sa pagkakabara ang panara ng pintuan habang nanatili lamang ang kanyang mga kapatid sa labas ng bulwagan malapit sa mga baitang nang nakaangat na sahig nang pasilyo.

Binuksan niya ang pintuan nang lagusan nang kanyang tahanan. Nakita niya ang kanyang asawa na nakatayo sa kabilang bahagi nito at hinihintay siya. Hiningi niya ang kamay nito. Bagay na ibinigay nito sa kanya at kasunod noon sabay silang pumasok sa loob nang tahanan ng mga Barakat. Hinatid niya ito sa loob nang tahanan kung saan pinakilala niya dito ang kanyang mga kapatid.  Una niyang pinakilala ang Adi Makbule ang asawa nang Hadi Nasrin nang tahanan ng mga Harith, ina nang kanyang mga pamangkin. Nagbigay ito nang paggalang sa kanyang asawa.

Kasunod noon, sunod niyang pinakilala ang isa niya pang kapatid na babae na si Adi Sule na asawa nang Hadi Naveed nang tahanan ng mga Parvana. Tinanggap siya nang mga ito na kanyang ikinatuwa sa takot na hindi magustuhan ng mga ito ang kanyang napiling asawa.

Inanyayahan sila nang mga ito na pumasok sa loob nang bulwagan kung saan makikita ang hapagkainan na wala pang lamang kahit anong handa.  Maliwanag ang buong tahanan…halos kahit saan ka tumingin makikita mo ang mga nakasinding tinghoy na nakadikit sa mga haligi o hindi naman kaya sa mga dingding nang bulwagan o sa pasilyo.

Nang gabing ito tinanggap siya nang kanyang mga kapatid sa loob nang bulwagan sa sarili niyang tahanan…isang nakatakdang kinakailangang gawin nang bawat asawang lalake sa pagdadala nila sa kanilang asawang babae.  Makikita ang palangganang naglalaman ng malinis na tubig at pamunas sa ibabaw nang mahabang lamesa.

Siya ang unang tumanggap nang paghuhugas nang kanyang mga paa at pagpupunas dito.  Umupo ang Adi Makbule nang nakatihaya sa kanyang harapan. Tinanggal niya sa kanan niyang paa ang suot niyang sandalyas. Hinubad niya ito habang ibinigay niya ito sa kanyang nakatatandang kapatid na babae na si Adi Makbule, upang hugasan at ilublob sa malinis na tubig na nasa palanggana. Saka ibinigay nang kanyang kapatid na si Adi Sule ang isa sa mga hawak nitong malinis na pamunas at pinunasan nito ang kanyang kanang paa. Ginawa niya ulit sa pangalawang pagkakataon sa kaliwa niyang paa. Muli tinanggal niya ang sandalyas na kanyang suot, ibinigay ang kanyang kaliwang paa sa Adi Makbule, at saka hinugusan at inilublob nang kanyang nakatatandang kapatid ang kaliwa niyang paa sa malinis na tubig na nasa palanggana at pinunasan nang pamunas na ginamit sa kabilang niyang paa. Matapos noon sinuot niya ang kanyang mga sandalyas.

Kasunod noon niyaya nang Adi Makbule ang Adi Hikmet na hugasan din ang mga paa nito at punasan ayon sa kung ano ang nakatakda.  Bagay na tinalima nito sa kanyang kapatid. Kapansinpansin ang takot sa mga mata nito…tinatago at pilit ikinukubli.

Lumapit ito sa kanya kasabay noon tumayo siya sa kanyang kinauupuan at umupo ang Adi Hikmet sa upuang may mataas na sandalan.

Nang bantang tatanggalin na nito ang sandalyas nito sa paa nakiusap siya dito na kung maaari ay hayaang siya ang gumawa nang pagtanggap dito bagay pinangambahan at binigyan nang pagdadalawang-isip nang kanyang asawa ngunit hindi rin naglaon ay tinanggap din ito. Nang gabing iyon tinanggap niya ito sa kanyang tahanan, tulad nang kung ano ang nakaugalian.

Matapos noon nagpaalam siya sa Adi Makbule na maghahanda na nang kanilang hapunan…Sinabi niya sa kanyang kapatid na ito nabahala sa kanyang asawa bagay na ginawa nito. Iniwan niya ang Adi Hikmet kasama ang kanyang mga kapatid habang nagtungo siya sa loob nang silid-lutuan.

Sa kanilang paglalakad nang Adi Hikmet pabalik sa kanyang tahanan, napuno ang buong paligid ng mga bulong-bulungan. Mga bulong-bulungan na kung iisipin ay hindi naman mahalaga ngunit nagtataglay nang mga malalalim na dahilan kung bakit ito ginagawa. Bagkus hindi niya ito pinakinggan. Bagkus wala sinoman ang nag-isip sa mga ito. Para sa kanya ang mga sandaling ito ang lubhang mahalaga kaysa sa kahit ano pang nababayaran.

Sa pagtungo niya sa loob nang silid-lutuan ng tahanan agad niyang sinimulang ihanda ang mga pagkain na kanina niya pa niluto, Hinanda at inayos nang kanyang mga kapatid. Nakita niyang luto na ang lahat nang inaasahan niya. Sinuri niya ang mga ito kung wala bang nasunog na mga pagkain na mismo ang mga ito ang naghanda. Bagay na kanyang ipinagpasalamat dahil ang lahat ay nasa ayos.

Sinimulan niyang ihanda ang mga pinggan at mga kubyertos. Ang paglalagyan nang mga pagkain. Lumabas siya nang silid-lutuan at kumuha nang mga nakakalasing na inumin sa loob nang imbakang silid. At sa muli niyang pagpasok sa loob nang silid-lutuan narinig niyang tinawag siya nang kanyang kapatid na si Adi Sule at tinanong nito kung mayroon siyang maitutulong.

Bagay na kanyang Pinagtakahan. Nagpasalamat siya. Sinabi niya malaki ang maitutulong nito sa kanya. Tinulungan siya nang kanyang kapatid.

Datapwat nagdalawang isip siya sa pagtulong nito at hinanap dito ang kanyang asawa. Sinabi nang Adi Sule sa kanya na kasama ng Adi Makbule ang kanyang asawa sapag-iikot sa loob ng tahanan ng mga Barakat.

Sinabi nang Adi Sule sa kanya na wala siyang dapat na ikatakot. Na tulad nang mga ipinangako ng mga ito sa kanya magpapakabait sila ngayong gabi. Bagay na mahirap paniwalaan.

Sinabi niya dito na mahirap na…kilala nila ang isa’t isa, marami na ang nangyari sa kanila.

Wika nang Adi Sule sa kanya, “O, Hadi Yasir! hanggang ngayon pa rin ba?”

Wika niya sa kanyang kapatid, “Oo. Hanggang ngayon pa rin.”

Tugon nang Adi Sule sa kanya, “maraming panahon na ang lumipas! Bakit hindi na lang natin kalimutan ang lahat! Ikaw na ang nagsabi araw mo ang gabing ito…sa iyo kami nakatuon, hindi sa aming mga pagmamataas!”

Tumango-tango siya. Bumalik siya sa pagtulong sa pag-aayos nang kanilang hapunan. Wika niya dito, “mahirap na…hindi lang naman napakatagal nang nangyari ang bagay na iyon!”

Tugon nang Adi Sule, “bata ka pa noon!”

Wika niya, “limang taon lang ang nakakalipas, bata pa rin ang tingin niyo sa akin?”

Wika nito sa kanya, “at ngayon ay lalakeng-lalake ka na …may sarili ka nang tahanan!”

Tinanong siya nang Adi Sule kung ano ang ginagawa nito dito…Sinabi niya dito na maaari siya nitong tulungan sa pag-aayos nang mga pagkain at siya na ang maghahanda nang kanilang hapagkainan. Bagay na kanyang ginawa at tinalima nang kanyang nakababatang kapatid na babae.

Sa paglabas niya dala ang mga pinggan at mga kubyertos nakita niya ang Adi Hikmet at ang Adi Makbule na nag-uusap sa mga imbakan. Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa. Hinanda niya ang mga kubyertos at mga pinggan sa hapagkainan sa loob ng bulwagan saka siya bumalik sa loob ng silid lutuan. Kung saan nakita niya ang Adi Sule na pinagmamasdan ang mga susô na nakalagay sa isa sa mga malalaking sulyaw na nasa ibabaw nang mataas na lamesa gitna nang silid.

Panlalait nito sa mga susông kanyang kinuha sa tabing-dagat sinabi niyang mga susô iyan na tahanan ng mga maliliit na mga talangkang walang punglo.

Tanong nang Adi Sule, “walang punglo? Mayroon bang ganong talangka!”

Tugon niya dito, “meron… iyang pinandidirihan mo!”

Pagtataka nito sa kanya, “anong gagawin mo dito?”

Tugon niya, “kakainin ko…”

Dagdag na tanong nang Adi Sule, “lulutuin mo!”

Sagot niya, “kinakain ang laman iyan ng hilaw…ipapakita ko kung papaano!” Kasunod noon kumuha siya nang nakakalasing na inumin.  Nilasing ang mga talangka. Pagkalasing kumuha ang Hadi Yasir nang pamokpok at panundot.

Wika niya dito, “hindi ba nagugutom ka! Sa tingin ko magugustuhan mo ito.”

Tugon nang Adi Sule sa kanya, “hindi, ikaw na lang…”

Wika niya dito, “sige na nasaan ang diwa mo ng pagsasaya?”

Binigay niya ang panuksok sa Adi Sule at ang isang susô.

Umiling-iling ang kanyang kapatid sa pagtanggi. Wika niya dito, “para sa isang Jingkar, napaka-arte mo! Tignan mo, ganito iyan kapag niligis mo ang susông ito wala kang makukuhang kahit anong lasa. Mawawala ang kakangata nang kinakain mo.”

Kinuha niya ang pamokpok saka niya ito dinurog sa ibabaw nang mataas na lamesang gawa sa kahoy at nayanig ang buong lamesa na ikinagulat nang kanyang kapatid.

Tanong nito sa kanya, “bakit mo iyon ginawa?”

Sagot nang Hadi Yasir, “dahil wala itong laman, walang silbi. Ang mga susông walang laman kung hindi mo itinatapon ay dinudurog mo.” Muling kumuha siya nang susô. Nakita nang Adi Sule ang paglabas nang galamay nang maliit na talangkang walang bahay sa loob nang susô.

Kinuha niya ang kanyang baso na may lamang nakakalasing na inumin. Uminom siya. Saka niya ito kinuha gamit nang hawak na matulis na panundot.

Wika niya sa kanyang kapatid, “ito may laman, hindi mo ito lulutuin ang gagawin mo dito kukunin mo siya sa loob nang kanyang susô. Pagkakuha kailangan kang mag-ingat maliitman ang kanyang panlabas matulis pa rin ang kanyang mga sipit.”

Inilapit niya ito sa kanyang bibig. Hinindot ang talangka sa loob nang gawang bahay nito at bumagsak sa kanyang nakabukas na bunganga at nginuya-nguya.

Tanong nang Adi Sule sa kanya, “saan mo ba nakuha ang pag-iisip na iyan?”

Ngumiti siya sa kanyang kapatid. Wika niya, “ganyan nagmumula ang kapangyarihan. Susundutin mo gamit ang mga daliri. Sisiguraduhin mong mapupukaw mo ang lahat at kapag nakuha mo sila, kailangan mo silang hilahin sa iyong kamay huwag ka lang magpapalalang, magdadalawang-isip dahil kung hindi maaari kanilang sundutin pabalik. At hindi mo magugustuhan kapag hinindot ka nila.”

Muli niyaya niya ang kanyang kapatid na gawin ito. Sinabi nito na pampalipas lamang nang sandali gayong matatagalan pa ang mga ito sa pag-iikot. Bagay na muling tinanggihan ng kanyang kapatid. Lumabas ito sa loob nang silid-lutuan na dala ang iilang nakahanda nang hapunan.

Sinundan niya ito dala rin ang mga nakahandang hapunan. Nakita niya ang Adi Makbule at Adi Hikmet na patungo sa kanang bahagi nang tahanan. Pumasok siya sa loob nang bulwagan.  Binaba niya ang mga pagkain sa mahabang lamesa. Hinayaan niya ang Adi Sule na mag-ayos nito.  At hindi natinag ang kanyang pansin sa kung ano ang ginagawa nang dalawa sa loob nang nakabukas na bukalan.

Hinawakan nang kanyang kapatid ang kanyang braso. Pinigilan siya nitong gawin kung anoman ang kanyang ginagawa.

Tanong niya dito, “bakit ano ba ang masama na tignan siya!”

Wika nito sa kanya, “hindi mo siya tinitignan, hinuhubaran mo siya, Hadi Yasir! Ilang ulit ko na iyang nakita sa’yo. Kilala kita alam ko kung ano ang ginagawa mo… kinahuhumalingan mo ang Adi Hikmet. Hindi mo gagawin ang lahat ng ito kung gusto mo lamang siyang tignan sa malayuan. Hindi mo siya makukuha ngayong gabi!”

Lumingon siya dito. Wika niya sa kanyang kapatid, “hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo!”

Hinawakan nito ang kanyang mukha. Tinanggal nito ang dungis sa kanyang pisngi malapit sa kanyang mata at sinabing, “Kilala kita…Kapag gusto mo gagawin mo ang lahat makuha mo ang gusto mo. Pero hindi lang magandang babae ang napangasawa mo. Hindi malapit sa katotohanan ang kanyang kagandahan. Hindi siya maganda… ibang Adi ang napangasawa mo.”

Tanong niya sa kanyang kapatid, “ano ang pinagkaiba nang maganda sa kakaiba!”

Tugon nito sa kanya, “ang Adi Hikmet ay isang naiibang Adi kaya ka naggagandahan sa kanya. Kaya nakikita mo siyang kakaiba kahit pa isa siyang palasak sa batayan nang Ja’khar. Pero kung iisipin mo ay wala rin naman itong pinagkaiba. Ang isa ibig sabihin ay nagbabalatkayo, maganda habang ang isa masama ang ibig sabihin.”

Wika nang Hadi Yasir, “hindi siya palasak!”

Sumang-ayon sa kanya ang kanyang kapatid. Wika nito, “Oo…ni minsan ngunit maging ikaw hindi mo ito nakikita! Isa siyang asong-gubat at ikaw ang dagit!”

Pagtataka niya dito, “ganyan ba ang natutunan mo sa tahanan ng mga Parvana upang maging matabing ang dila mo!”

Tugon nang Adi Sule sa kanya, “wala kang nalalaman kung ano ang kaya ko pang gawin…tara na kailangan mo pa silang tawagin ayusin na natin ang kanilang hapunan!”

Kasunod noon kinuha niya ang mga nakakalasing na inumin sa loob nang silid-lutuan na gawa mula sa bunga nang Agave. Dinala niya ang mga ito sa loob nang bulwagan. Sa pagdala niya sa mga ito agad niyang pinuntahan kung nasaan ang mga ito upang sunduin. Lumabas siya nang bulwagang silid at sa kanyang paglalakad patungo sa bukalan nakita niyang palabas ang mga ito sa madilim na silid mula sa madilim na pasilyo.

Lumapit siya sa mga ito at sinabing kanina pa sila hinihintay at nakahanda ang kanilang hapunan.

Bumalik sila sa loob ng bulwagan. Sa pagpasok nila lumapit ang Adi Sule sa Adi Hikmet. Hinawakan nito ang kamay ng kanyang asawa at sinabing maaari itong tumabi dito bagay na hindi nito tinanggihan. Umupo siya sa tabi nang Adi Makbule habang umupo ang kanyang asawa sa tabi nang Adi Sule. Napansin niya ang pagbabago nang pagkakaayos nang mga upuan na ginalaw nang kanyang kapatid.

Bago sila tuluyang maghapunan pinasalamatan niya ang kanyang asawa sa pagpili nito sa kanya. Sinabi niya para ito sa kanila nang Adi Hikmet. Sa kanilang mahabang panahon bilang mag-asawa. Kasunod noon pinasalamatan niya rin ang kanyang mga kapatid sa pagpunta ng mga ito sa inaasahang pagtitipon. Hinangad niya na ang gabing ito may maging masaya para sa Adi Hikmet bilang bagong bahagi nang tahanan ng mga Barakat at sana magustuhan nito ang kanyang niluto.

Kasunod noon nagsimula na silang kumain ng kanilang hapunan…Pinagsaluhan nila ang inihaw na karne nang tapir na nakalagay sa mga panusok at ibinabad sa pulot, mga butil nang linga pampalasa at diyam nang jaboticaba. Niluto niya ito sa parilya dahilan upang makita ang mga guhiguhit nang parilya sa balat nang lutong karne habang madalang na binabahiran nang sawsawang ginawa nito dito. Nagtataglay din ang kanilang hapagkainan nang buhong na may tenga nang mais, niligis na manioc at hinaluan nang gata mula sa puno ng buri. May sabaw na nakalagay sa hapagkainan sa loob nang bulwagan nang mga Barakat na may sangkap mula sa dahon nang kohlrabi at nagtataglay nang mga maanghang na pampalasa.

Nang gabing ito isang maliit na salu-salo ang naganap sa loob nang tahanan nang mga Barakat. Isang maliit na pista na napakalayo sa tunay nitong kahulugan. Hindi ito maruwal tulad nang inaasahan. Hindi tulad sa mga pista na nililikha nang kanyang mga kalaban na magarbo at nakakaaliw. Bagkus ito’y isang salusalong malapit, may takda, at may pamamahala.

Sinabi ng kanyang kapatid sa kanyang asawa na siya ang nagluto ng mga ito. Bagay na pinagkaila ng kanyang nakatatandang kapatid na si Adi Makbule. Na maging ang mga ito ay tumulong din sa pag-aayos at pagluluto nang kanilang hapunan. Pinuri nang kanyang asawa ang kanyang luto maging ang kalinisan nang kanyang tahanan na hindi niya maintindihan kung bakit ito sinabi nang Adi Hikmet.

Sinabi nito sa kanila na ngayon lamang ito nakapunta sa tahanan ng mga Barakat. Bagay na Pinagtakahan ng kanyang mga kapatid. Maraming tinanong ang kanyang mga kapatid dito: kung ano ang pinagkakaablahan nito, kung ano ang hilig nito at pagmamalaki

Hindi nagtagal nagsimulang pag-usapan nang mga ito ang tungkol sa kanya. Sa kung sino siya at ano siya. Ang gabing ito ay napuno nang mga dibersyon nang iba’t ibang kwentuhan. Nang masasayang pakikipagtalastasan sa pagitan nang mga Adi at nang Hadi Yasir. Pinagmalaki nang kanyang mga kapatid ang kanyang pagluluto. Na noong maliit pa lamang siya ay tinuruan siya ng isang kasama na.

Nagpatuloy ito naging simuno ang kanyang pangalan sa laman ng kanilang pag-uusap.

Binabad niya ang kanyang sarili sa pag-inom nang nakakalasing na inumin mula sa halaman nang Agave.

Nalaman nang Adi Hikmet ang dahilan kung bakit nandito ang mga kapatid niya. Sinabi nang mga ito sa kanyang asawa na ang dahilan ay walang iba kung hindi ito mismo. Pinagusapan nila ang mga asong-gubat…ang mga hayop na makikita sa buong Soluna at sa malayang Andes ng Silangan. Nabanggit din nang kanyang mga kapatid sa kanyang asawa ang pagkain niya ng mga talangkang walang bahay at nakatira sa mga maliliit na mga susô sa ilalim nang mga dalampasigan nang buhanginan.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan muli kumuha siya nang nakakalasing na inumin. Humingi rin ang kanyang nakatatandang kapatid nang nakakalasing na inumin. Bagay na kanyang pinagbigyan.

Pinakilala nila sa Adi Hikmet kung sino ang Hadi Walid para sa kanila. Pinag-usapan nilang hindi niya nakilala ang kanyang ama ng lumalaki siya. Na naging mahirap ang kanilang buhay matapos na bumaksang kanilang tahanan.

Kilala ito ng kanyang asawa…minsan na itong lumapit sa kanila at humingi nang trabaho ngunit hindi pinagbigyan nang tiyo nito.

Naungkat kung ano ang ginawa niya sa tahanan ng mga Harith. Kung ano ang pagtulong na kanyang ginawa para sa kapatid nang kanyang asawa at sa kanyang pamangkin na si Adi Ismat.

Na ngayong niya lamang natutunan na iba pala ang pakiwari nito sa kanya…na ginamit niya ang kapatid nito at ang kanyang pamangkin matapos niyang malaman na itinakda nang Adi Hikmet ang sarili nito sa pag-iisang dibdib sa Hadi Khalil.

Hindi siya kumibo…Walang sinoman ang nagkaila sa kung ano ang tunay na dahilan kung bakit niya ito ginawa.

Tinanong nito sa kanila kung dapat nga ba siyang pagkatiwalaan…

Bagay na inamin niyang hindi niya alam.

Kasunod nito tinanong nang kanyang nakatatandang kapatid na kamusta ang Adi Ismat at ang Hadi Batul sa tahanan ng mga Roshan. Sinabi niya dito na hindi niya nakikita ang Adi Ismat matapos itong umalis sa kanyang tahanan at bumalik sa tahanan ng mga Barakat. Na ang naroroon lamang sa loob nang bulwagan nang kinuha niya ang kanyang asawa sa kamay nang tiyo nito ay ang tiyo ng kanyang asawa, ang ama nito, mga pinsan at mga kapatid wala nang iba pa.

Hanggang sa nagsimula ang laro nang mga kasinungalingan sa malilim na gabi. At nalantad sa kanyang asawa ang mga kasinungalingan kung sino siya at ano siya.

Hindi naglaon lumabas siya sa bulwagan. Nagtungo sa malawak na lupain na matatagpuan sa gitna nang tahanan. Hindi nagtagal narinig niya ang pagtawag sa kanya nang Ad Makbule.

Lumapit ito sa kanya. Kapwa nila Pinagmasdan ang umaapaw na mga bituin sa kalangitan.

Wika nang Hadi Yasir, “hindi mo dapat ginawa iyon…”

Tugon nito sa kanya, “kung ganon hindi ka dapat nagsimula!”

Wika niya dito, “kilala mo ako…alam mo na wala akong kakayahan na magsabi ng totoo!”

Tugon nang kanyang kapatid, “O! Hadi Yasir…Talaga! —kung ganon nakita mo siya!”

Sumang-ayon siya dito. Sinabi niya, “Oo…dapat binibisita mo rin siya.”

Wika nito, “akala ko ba mabuti na ang kanilang kalagayan? Bakit pa ako bibisita— Matapos ang ginawa nang Hadi Nasrin sa tingin mo magagawa niya pa ba na makita ako!”

Wika niya dito, “magagawa ka niyang makita…magagawa ka niyang tignan dahil ina ka niya at wala siyang magagawa!”

Tinignan siya nang kanyang kapatid. Ngumiti ito sa kanya. Pagmamalaki nito, “hindi ko alam mahusay kang pumili Hadi Yasir nang mapapangasawa. Mahusay ka!”

Wika nang Hadi Yasir, “Kailangan mo siyang kausapin!”

Wika nang Adi Makbule, “sino ba ang magulang sa atin? Wala ka pang anak akala mo na kung sino ka. Hintayin natin na magkaroon ka nang anak at tignan natin hanggang saan kaya mo silang mahalin!”

Wika nang Hadi Yasir, “hindi mo siya mahal…walang sinoman sa mga anak mo ang kaya mong mahalin! Hindi ba…?”

Tugon nang Adi Makbule, “hindi totoo iyan mahal ko ang aking mga anak. Lahat gagawin ko para sa kanila…”

Wika nang Hadi Yasir, “kung ganon bakit hindi mo sabihin sa kanya iyan! Kailangan ka nang Adi Ismat. Lalo pa’t!”—

Napalingon ito sa kanya.

Tanong nang Adi Makbule sa kanya, “lalo pa ano?”

Wika nang Hadi Yasir, “nagdadalang-tao ang Adi Ismat. Higit ka niyang kailangan Makbule”

Tanong nang kanyang kapatid, “totoo?”

Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa pagtataka ng kanyang kapatid.

Wika nang kanyang kapatid, “tignan mo ako…”

Tinignan niya ito. Ngunit agad din niyang tinanggal ang kanyang pansin sa kanyang kapatid at nabaling sa kanyang asawa na kinakausap nang Adi Sule sa loob ng bulwagan.

Ngumiti ang kanyang kapatid. Sinabi nito sa kanya na ito na ang bahala dito…Sinabi nito sa kanya na kailangan na nilang gawin kung ano ang itinatakda nang isang asawa para sa maybahay nito.

Wika nang Adi Makbule, “tutulungan kita! Sasabihin ko sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala at mapagkakatiwalaan ka niya!”

Tanong niya dito, “sigurado ka!”

Hinawakan nito ang kanyang mukha. Wika nito sa kanya, “mahal kita Hadi Yasir!  Lahat gagawin ko para sa iyo…Kung kailangan mo ang Adi Hikmet tutulungan kita na makuha mo siya ngayong gabi!”

Tinalima niya ang kanyang kapatid gad umalis siya sa malawak na lupain sa gitna ng tahanan ng mga Barakat. Umakyat siya sa ikalawang palapag. Pumasok sa loob ng kanyang silid. Kinulong niya ang kanyang sarili. Nagpakalango sa nakakalasing na inumin na nasa kanyang pitsel na kinuha sa loob nang silid-lutuan.

Umupo siya sa dulo nang kanyang kama. Binaba niya ang tinutunggang pitsel sa sahig nang silid. Kasunod noon isa-isa niyang tinanggal sa pagkakatali ang sintas nang suot niyang Báta. Na sinundan nang pagtanggal niya nang kanyang pang-ibabang damit at nang kanyang panloob na damit.

Umupo siya. Naalala niya ang kanyang ina. Umiyak siya sa kanyang pag-iisa. Pinilit niya ang kanyang sarili. Sinabi niya sa kanyang sarili, “hindi… hindi…hindi…?

At sa pagbukas nang pintuan bigla siyang tumayo. Natabig nang kanyang paa ang pitsel na nasa sahig. Nakita niya ang Adi Hikmet na pumasok sa loob ng kanyang silid. Nakita siya nitong nakahubad…sa unang pagkakataon. Huminga siya nang malilim. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Lumapit siya sa kanyang asawa.

Nakiusap ito sa kanya.

Gusto kita Adi Hikmet…gustong-gusto kita…

Kabado ito at nag-aalangan siyang gawin ito. Ngunit sigurado siya na gusto niya itong gawin sa Adi Hikmet.

Gustong-gusto niya ang Adi Hikmet. Higit kaninoman gustung-gusto niya itong maangkin. Na handa niyang itapon ang lahat nang kanyang pinaghirapan nang gabing ito. Ang lahat nang kanyang ipinangako nang araw nito maangkin lamang at makuha ang asawa ngayong gabi.

Sinimulan niya itong hubaran. Tinanggal sa pagkakatali nito ang suot nitong báta. Hanggang hindi na siya nakapagpigil at pinunit niya ito sa katawan nang kanyang asawa. Tinanggal niya ito sa katawan nito at nakita niya ang katawan nito na manipisnipis at sutla nitong suot na puting palda na ang laylayan ay hanggang sa bukung-bukong nang paa nito. Sunod niyang tinanggal sa pagkakatali ang suot nitong panloob. Tinanggal niya ang mga sintas nito ngunit tumanggi ito na gawin ito. Tinapik nito ang kanyang kamay at sinampal niya ito.

Sino ba ang hindi maghahabol sa iyo at magmamalasakit sa katulad mo.

Ngumiti siya at nalugod sa kanyang ginawa. Ulit sinampal niya ang kanyang asawa mukha. Hinamplos niya ang pisnging kanyang sinampal. Ibinaba niya ang daliri nang kanyang mga kamay paibaba katawan nito. Gamit ang kanyang mga kamay pinunit niya ang sutlang damit nang Adi Hikmet sa katawan nito at nakita niya ang dibdib nang kanyang asawa. Walang duda Napakaganda nito…Napakaganda nang kanyang asawa. Inilapit niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Hinalikan nito ang pagitan nang dibdib nang Adi Hikmet. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Nilagay niya ang kamay niya sa isa sa mga suso nang kanyang asawa. Sinapo niya ito sa dibdib.

Sa tingin mo magsisinungaling ako. Nagkakamali ka. Kung sa inaakala mong ito ang habol ko sa iyo, nagkakamali ka.

Nakiusap sa kanya ang Adi Hikmet na huwag.

Niyakap niya ito. Nagpumiglas ito.

Nakiusap ito sa kanya na tama na…na ayaw niya na. Ngunit niyakap niya ito nang mahigpit.

Binuhat at nagpumiglas ito sa kanya. Gumewanggewang sila. Natabig ang pitsel sa sahig. Nabasag ito. Bumagsak silang dalawa sa sahig kasabay nang pagbagsak nang nagniningas na timsim sa sahig nang silid.

Tinignan niya ang Adi Hikmet. Nakita niya ang pagluha nito bagay na kanyang ikinadismaya. Pinunasan niya ang luha sa pisngi nito.

Gustong-gusto kita Adi Hikmet. Alam ko hindi mo ako mahal, at siguro hindi mo ko mamahalin pagkatapos nito.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari.

Sinabi nito sa kanya na gusto na nitong umuwi.

Bagay na kanyang pinagbigyan at hindi tinutulan.

Tama ka. Hindi ka nga magiging madaling makasama.

Tugon niya dito, “sige…huwag muna sa mga susunod na mga araw…patapusin muna natin ang linggo at tapos iuuwi kita at pangako hindi mo na ako makakausap pa!”

Tumayo siya mula sa kanyang pagkakahiga sa sahig nang kanyang silid. Kinuha niya ang nakakalat na pinaghubaran niyang saluwâl, itinapis ito sa kanyang katawan at lumabas nang kanyang silid at iniwang nag-iisa ang kanyang asawa.

Bumaba siya sa ikalawang palapag nang kanyang tahanan at pinuntahan kung nasaan ang kanyang mga kapatid.

Advertisements

KABANATA ANIM:

ANG PAG-IISANG DIBDIB NANG HADI YASIR AT NANG ADI HIKMET

Limang araw matapos ang kasunduan sa loob ng tore ng mga Hadezar, dumating sa baybayin nang Ja’khar ang mga sasakyang pandagat ng mga mangangarabana. Sakay isang Caracoa ang mga mahahalagang bagay na higit pa sa pangkaraniwan at pagbabalik. Mga binhi na gagamitin sa susunod na pagtatanim bago ang pagpasok ng panahon ng tag-init. Sinuring mabuti ang mga binhi…kinilatis ito nang maigi. Tiniyak kung may bulok o wala. Kinilala ang katangian at saka sumugal na gamitin sa pulang lupa.

Hindi nagtagal itinakda ang pag-iisang dibdib nang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat sa kaisaisang pamangkin na babae nang Hadezar nang tahanan ng mga Roshan, ang Adi Hikmet. Itinakda ito sa araw nang pagpasok sa panahon ng tag-init bagay na sinang-ayunan nang Hadezar ng tahanan ng mga Barakat.

Pinagpasyahan nila na hindi gagawing maruwal ang pag-iisang dibdib bagkus maigi na maging pansarili lamang ito nang dahil sa hindi pa lubusang nakakaahon ang kanilang bayan mula sa pananalasa nang masamang panahon. Gayon din ang paghangad nila nang katahimikan malayo sa pangmamata ng ibang mga Jingkar, sa suliraning baka ito makarating sa mga hindi kanaisnais. Bagay sinang-ayunan ng Hadi Mirza.

Hindi nagtagal nagkabunga ang pagtatayang ginagawa nilang mga Barakat at Roshan sa pag-usbong sa ilang mga pananim na kanilang ipinunla sa pulang lupa nang Ja’khar. Isa itong maliit na pagkakataon ng pag-asa para sa kanila. Mabilis na kumalat ito sa buong Ja’khar, na ikinalugod nang iilan at pinuri nang higit na nakararami. Pinatutunayan lamang nito na walang kahit anong buto ang hindi kayang itanim at ibaon sa lupa nang hindi tutubo o lalago. Ito ay makabubuti sa kanilang lahat.

Ang Adi Hikmet

Nang araw na ito, nagising siya na puno nang pagkabagabag. Batid niya na ito ang simula nang kanyang pagbabago bilang isang babae sa Ja’khar at bilang isang Jingkar na nagmula sa isang maimpluwensyang tahanang kagaya ng mga Roshan. Ngayong araw ang kanyang pag-iisang dibdib sa Hadi Yasir, ang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat. Susunduin siya nito sa kanyang tahanan nang tulad ng kung ano ang nakagawian. Hihingin nito ang kanyang kamay sa kanyang tiyo bagay na hindi tatanggihan ng kanyang tiyo. Malaki na ang inaksayang pagkakataon nang Hadi Mirza para tumalikod pa siya. Higit kaninoman ang palugit na ibinigay ay sapat nang panahon para umatras siya sa kanyang pag-iisang dibdib sa Hadi Yasir. Gayon wala siyang dapat na panghinayangan.

Tumayo siya sa kanyang pagkaka-upo sa tabi nang kanyang kama. Ibinaling niya ang kanyang pansin sa dungawan nang kanyang silid. Lumapit siya sa dungawan nang silid. May pagbabanta sa kalangitan nang isang malakas na sama ng panahon. Tanaw ang mga mabibigat na mga ulap…ang namumuong kadiliman na may paghahasik nang pagguhit ng kidlat at pagdagundong nang mga tuloy-tuloy na pagkulog. Malamig ang hanging pumapasok sa kanyang silid.

Kagyat narinig niya ang tinig nang kanyang ina. Sinabi nito sa kanya na gising na pala siya…gayong hindi pa siya kumikilos sa araw na ito na lubhang napakahalaga ay kumukulo ang kanyang sikmura, humihigpit ang kapit nang kanyang lalamunan. Na gusto niyang sumuka pero walang lumalabas na kahit ano sa kanyang katawan.  Gusto niyang tumakas. Magpakalayo-layo sa Ja’khar at maging isang Kalisag kung kinakailangan hindi lamang matuloy ang pag-iisang dibdib na ito.

Napalingon siya sa kanyang ina. Nakita niyang inaayos nito ang kanyang pinaghigaan. Sinabi niya dito na hayaan na lamang ito at siya na ang bahalang gumawa nang bagay na ito. Gusto niyang tanungin sa kanyang ina kung nagkamali ba siya sa kanyang pagpasya na piliin ang hadi Yasir at maging asawa ito. Ngunit alam niya ang isasagot nito, alam niya na sasabihin nito sa kanya na siya ang nagtakda at ang nagpasya na pakasalan ito. Na magiging isa itong kahihiyan sa kanya…sa kanyang tiyo…sa kanyang tahanan lalong-lalo na sa kanyang mga magulang. Tuloy ang kasal.

Sinubukan niyang tanggalin sa pagkakatali ang tapiserya nang kanyang silid ngunit pinigilan siya nang kanyang ina. Sinabi nito sa kanya na hayaan itong nakatiling nakatali. Bagay na kanyang ginawa.

Sinabi nang kanyang ina kung ano ang ginagawa niya dito kung bakit hindi pa siya kumilos. Pinaalala nito sa kanya na ngayong araw ng kanyang kasal. Na hindi magtatagal darating ang kanyang mapapangasawa sa kanilang tahanan, susunduin siya at hihingin ang kanyang kamay sa kanyang tiyo…Hindi ito makapapayag na makita ang anak nito na madungis at mukhang masahol pa sa pulibi ang itsura sa araw nang pag-iisang dibdib na ito na bawat sambit nang salita ay palalim nang palalim sa kanyang isipan, nawawalan nang kahulugan gayong hindi na kailangan pang ipaalala sa kanya nang kanyang ina.

Tumalima siya sa kanyang ina. Nauna itong lumabas sa kanya. Sinundan ito nang kanyang paglabas. Bumaba siya sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan. Nagtungo siya sa loob nang bukalang silid at kasabay nang kanyang pagpasok, inutusan siya nang kanyang ina na maghubad nang kanyang suot na damit, bagay na kanyang ginawa. Tinanggal niya sa pagkakatali ang suot niyang panloob na kasuotan. Kasunod noon hinubad niya ito na parang tubig na mabilis na kumawala sa kanyang katawan. Matapos noon ang kanyang ina. Pinahid nito sa kanya ang mabangong galapong na insenso na may pulot.

Sinabi niya sa kanyang ina, “hindi mo na dapat ito ginagawa.”

Bagay na iginiit nang Adi Arwa. Wika nito sa kanya, “hindi…kailangan, kailangan ko itong gawin”—makakatulong ito sa pagkinis at paglambot nang iyong balat.”

Binigyan siya nito nang mabangong maputik na insenso at tinulungan sa pagpahid sa buo niyang katawan.

Wika nang kanyang ina, “Mapalad ka anak. Gusto ka nang iyong mapapangasawa.”

Tanong nang Adi Hikmet, “hindi ba kaya ka nagpapakasal ay dahil gusto mong magpakasal?”

Tugon nang kanyang ina, “hindi sa lahat nang pagkakataon nang nagpapakasal ay dahil gusto nila ang isa’t isa. Sa tingin mo bakit ako pinakasalan nang iyong ama? Hindi niya ako pinakasalan dahil may gusto siya sa akin…kita mo! Pinakasalan niya ako dahil tungkulin niya ang mag-asawa. Kung hindi ka pakakasalan dahil gusto ka, malamang pakakasalan ka dahil sa tungkulin. Alinman sa dalawang iyon ang dahilan at kung wala doon hindi ko na alam pa, anak!”

Tumalikod siya sa kanyang ina.  Inangat niya ang nakabuhahag niyang buhok.  Sinimulang pahiran nang kanyang ina ang kanyang likuran naramdaman niya ang magaspang na kamay nito. Ang mabango at malagkit na insenso sa kanyang batok paibaba sa kanyang likuran at sa kanyang mga balikat bumaba siya nang kakaunti para maabot siya nang kanyang ina.

Pinahiran niya ang kanyang mukha nang mabangong maputik na insenso.

Kasabay noon inahit nang knayang ina ang buhok na nasa kanyang kilikili. Sinabi nito sa kanya, “hindi maganda sa mga babae ang may buhok sa kilikili” matapos nang kabila niyang kilikili sunod namang inahit nang kanyang ina ang buhok sa kabila niya pang kilikili. Wika nang Adi Arwa sa kanya, “isa pa ikaw lang ang makakasagot, mali man o tama wala kang ibang pwedeng gawin kung hindi, panindigan ito! Ikaw ang nagpasya…binigyan ka nang kalayaan nang iyong tiyo na pakasalan ang hadi Yasir.” Kasabay noon bumuhos ang isang malakas na ulan nang umagang ito. “kung matutunan mo siyang mahalin, mabuti…kung hindi rin kailangan mo siyang pakisamahan, ang pagiging mag-asawa!”

Tumayo ang Adi Arwa mula sa pagkakaluhod nito habang nakahiga siya sa sahig nang bukalan. Sinabi nito sa kanya na maaari na siyang magbabad sa mainit na tubig ng bukalan. Kagyat kumilos ang Adi Hikmet. Inilubog niya ang kanyang katawan sa mainit na tubig ng bukalan. Nagtampisaw siya…nagambala ang katahimikang tinataglay nang malumanay na tubig.

Kasabay nito nabaling ang kanyang atensyon sa kanyang ina. Sinamahan siya nitong magbabad sa mainit na tubig ng bukalan. Tumigil siya sa paglangoy. Sinabi niya sa kanyang na umuulan bagay na sinang-ayunan ng Adi Arwa at sinabing kanina pa umuulan simula nang pumasok sila sa loob nang bukalan. Lumapit ito sa kanya. Ibinigay nito sa kanya ang isa sa mga hawak nitong panghilod at katulong ang kanyang ina hinilod ang kanyang katawan.

Tumalikod siya sa Adi Arwa.

Sinabi nito sa kanya, “huwag mong pag-isipan ng masama ang magandang mangyayari sa iyo ngayon. Kung paiiralin mo ang kalungkutan magkakaroon ka lamang nang sakit sa ulo. Pilitin mo ang maging masaya. Isipin mo na isa itong bagong simula, na isang hakbang sa kagustuhan mong maging pinuno, o kung anomang ang hinahangad mo sa iyong buhay. Adi Hikmet!”

Tanong niya, “hindi po ba kayo nag-aalala?”

Wika nang Adi Arwa, “Siyempre nag-aalala.” Lumingon siya sa kanyang ina. Pagpapatuloy nito, “iisipin kita. Kapag umalis ka dito at manuluyan sa tahanan nang iyong asawa iisipin ko rin ang kalagayan mo. Tatanungin ko rin ang sarili ko tulad nang mga tanong na bumabagabag sa iyo na tama ba ang iyong pasya…tama ba na hayaang kita sa iba. Pero hindi naman kita maaaring araw-arawin na puntahan doon at tanungin sa iyo kung kumain ka na ba. Kung inaalagaan mo ba ang sarili mo. Adi Hikmet magiging ina ka rin nang magiging mga anak mo, marami. Hindi ka man magiging ako pero mararamdaman mo rin ang kalungkutan at sasabihin mo rin sa iyong sarili na kailangan mong magpakalakas. Dahil sasabihin ko sa iyo ang sinabi ng aking ina, nang hingin nang iyong ama ang kamay ko sa aking ama at sumang-ayon ang aking ama na maging asawa ko ang Hadi Yusuf. Na magiging ina ka rin at kapag naging magulang ka mararamdaman mo rin ang lahat nang ibinigay mo sa iyong magulang, labis man o kulang pareho lang iyon.”

Matapos nito tuluyan silang umahon nang kanyang ina sa pagbababad mula sa mainit na tubig nang bukalan. Pinunasan niya ang kanyang buong katawan nang malinis na pamunas. Itinapis niya ito sa kanyang katawan. Ganon din nagbihis ang Adi Arwa. Sinamahan siya nang Adi Arwa sa paakyat sa loob nang kanyang silid.

Sa pagpasok niya nakita niya ang mga damit na susuotin niya sa araw na ito, sa pag-iisang dibdib sa Hadi Yasir. Sinabi nang kanyang ina na para ito sa kanya. bagay na kanyang pinasalamatan sa Adi Arwa. Ngumiti siya. Niyakap siya nang Adi Arwa. Kasunod sa hindi inaasahan dumating ang kanyang ama sa kung nasaan sila at sinabi nito sa kanila na kailangan niyang maghanda sakaling hindi matuloy ang pag-iisang dibdib nila nang Hadi Yasir ngayong araw…

Nang malaman niya ito sa kanyang ama, kahit papaano nakaramdam siya nang kasiyahan. Mistulang nabunutan siya ng tinik ng sabihin nito sa kanya na baka hindi matuloy ngayong araw ang inaasahang pag-iisang dibdib. Sana hindi ito matuloy…na sana magtuloy-tuloy pa ang lakas nang ulan. Bahain ang buong Ja’khar at lumubog ang kanilang lipunan kung ito lamang ang paraan upang hindi matuloy pa ang kanyang panunuluyan.

Subalit walang nakinig sa kanyang mga panalangin. Tumila ang ulan nang tanghali…muling naging banayad ang kalangitan. At sumikat ang araw kinahapunan…ang kanyang mga panalangin ay naglaho. Ang kanyang pagsusumamo sa mga diyos na naninirhan sa ibabaw nang kalangitan, kasama ng mga ulap ay naging bingi sa kanya.

Umakyat ang kanyang ina sa kanyang silid. Sinabi nito sa kanya na kailangan na nilang maghanda. Wala na siyang magagawa pa. Ang kanyang kinatatakutan ay dumating at nagkatotoo. Napilitan siyang kumilos. Sinuot niya ang damit na ibinigay nang kanyang ina sa araw na ito. At sa pagbaba niya kasama ang ina nakita niya ang nakatatandang niyang kapatid na lalake na naghihintay sa kanya para sunduin siya.

Lumapit siya dito. Niyakap siya nito at niyakap niya ito. Nagpasalamat siya sa Hadi Batul. Kasunod noon naglakad sila patungo sa harap nang kanilang tahanan sa harap nang bulwagan kung saan nila tatanggapin ang pagdating nang Hadezar ng tahanan nang mga Barakat. Sa kanilang paglalakad kasabay noon dumating ang kanyang magiging asawa. Bumukas ang lagusan nang tahanan nang mga Roshan kasabay noong pumasok ang Hadi Yasir habang hawak nito sa mga kamay nito ang mga panali nang dalawang asong-gubat, isang puti at isang itim.

Sa pagdating nila sa harap nang bulwagan kung saan naroroon ang kanyang mapapangasawa, kasama ang kanyang ama, ang Hadi Fadil, ang kanyang mga pinsan at ang kanyang tiya na si Adi Hala ibinigay nang kanyang nakatatandang kapatid na lalake sa kanyang tiyo ang kanyang kamay. Niyakap siya nito. Kasunod noon niyaya siya nito na pumasok sa loob nang bulwagan kung saan naroroon ang kawan na may nakasinding apoy at sagisag nang pamumuno, patnugot at pagiging Hadezar nang Hadi Mirza.

Ang Hadi Yasir

Maaga siyang gumising upang simulan ang kanyang inaasahang pag-aasawa. Sinimulan niya ang araw na ito sa paghahanda nang mga iluluto niyang pagkain para sa kanilang magiging unang pananghalian at hapunan ng Adi Hikmet.

Lumabas siya nang kanyang tahanan at nagtungo sa isa sa mga imbakan nang pagkain na matatagpuan sa loob nang kinasasakupang lupain ng tahanan ng mga Barakat. Sa pagpasok niya sa loob nang imbakan sinuri niya ang mga sangkap na gagamitin niya sa pagluluto. Inisa-isa ang bawat karne, ang bawat gulay, mga binhi na kanyang gagamitin sa pagluluto nang pananghalian at hapunan.  Pinili niya ang karne ng tapir. Ang mapula at kulay kasoy nitong inasnan ang kanyang ginamit at gagawin sa pag-iihaw. Kumuha siya nang mga gulay na manioc, kohlrabi, nang mga pulang mais at mga prutas nang jaboticaba. Inimpok niya ang mga ito at inilagay sa tiklis na gawa sa hinabing mga dahon ng uway. Kumuha rin siya nang mga itlog na inilagay niya sa ibabaw nang mga gulay at karne kasama nang mga prutas na Jaboticaba.

Sa paglabas niya nang imbakan agad niyang napansin ang pagdidilim nang kalangitan, ang pagbabadya nang isang malakas na ulan bagay na kanyang binaliwala. Sa halip agad siyang kumilos pabalik nang kanyang tahanan Ipinatong niya ang mga ito sa mataas na lamesang kahoy na nasa gitna ng silid-lutuan at sinimulan niyang ihanda ang kanyang mga lulutuin.

Hindi nagtagal sinundan nang pagdidilim ng kalangitan ang pagkulog at pagkidlat hanggang sa bumuhos ang isang malakas na ulan.

Sinimulan niyang hiwain ang mga karne ng tapir ng maliliit. Ang mga maliliit ay tinadtad niya nang pino at maninipis. At ang mga hindi niya nagamit ay kanyang ikinawit sa bakal na nakasabit sa ibabaw ng lamesa.

Sunod niyang inilabas ang mga manioc, kohlrabi, mga kulay kahel na mga paminta at mga mahahabang itim na mga sili. Una niyang binalatan ang mga Kohlrabi na sa una muna ay tinanggalan niya nang mga dahon at balat bago niya ito tuluyang hinati sa dalawa. Sunod naman niyang hiniwa ang mga Manioc na hinati niya sa dalawang paggagamitang lutuin.

Ang kalahati ng manioc ay kanyang hiniwahiwa at ang kalahati ay kanyang niligis. Sunod niyang dinurug-durog ang mga buto nang mga paminta at inilagay sa isang maliit na sulyaw. Kinuha niya sa kaing ang mga mais at kinayod niya ang mga ito. Sinimulan niyang silaban ang mga panggatong at lagyan ang malaking palayok nang nakakalasing na inumin. Pinakuluan niya ito matapos nang kumulo nilagyan niya ito nang mga paminta. Habang kumukulo binalot niya ang mga karne nang tapir na kanyang hiniwa nang maliliit at maninipis sa mga malalapad na dahon ng Kohlrabi. Saka niya ginisa ang mga ito sa kawali.

Sunod niyang hinanda ang isang sulyaw na paglalagyan niya nang gatas na mula sa puno ng uway. Hiniwa niya isa-isa ang mga prutas nang mga Jaboticaba at inilagay ang mga ito sa sulyaw na pinaglagyan niya nang gatas. Nilagyan niya ito nang nakakalasing na inumin mula sa bunga nang Agave. Hinalo niya ang mga ito at kasunod noon isinama niya ito sa kanyang ginigisa. Matapos noon hiniwalay niya ang laman nang kawali at inilagay sa isang maliit na pinggan.

Kasunod nito nilagay niya ang mga niligis niyang Manioc at mais sa kawali nilagyan niya nang tubig at saka pinakuluan sa ibabaw nang siga at tinakpan nang bakal na suklob na gawa mula sa mga itim na bato.

Habang hinahayaan niyang kumulo ang niligis na manioc na may mga kasamang butil nang mais lumabas siya nang silid lutuan. Kung saan paglabas niya nakita niya ang malakas na pagbuhos nang ulan. Nangamba siya na baka lumakas pang lalo ang buhos ng ulan. Ngunit hindi siya nawalan nang pag-asa na titigil din ito at mangyayari din ngayong araw ang pa-iisang dibdib nila nang Adi Hikmet.

Kasunod noon umakyat siya sa ikalawang palapag nang kanyang tahanan. Nagtungo siya sa kanyang silid, pumasok siya sa silid na tinutuluyan sa kanang bahagi nang ikalawang palapag. Kumuha siya nang mga damit na susuotin sa inaasahang pag-iisang dibdib sa Adi Hikmet.  Mga damit na pamalit, mga gamit na pampaligo at saka niya hinanda ang mga alahas na susuotin sa kanyang katawan.

Pagkakuha, dinala niya ang mga ito sa loob nang pamosong bukalan nang tahanan ng mga Barakat. Kung saan sa gitna nang silid makikita ang isang malawak na bukalan na pinaliligiran nang mga dungawan, isa-isa niyang binuksan ang mga ito.  Ang silid ay nagtataglay nang mga mala-taong ukit nang mga babae Jingkar na walang suot na kahit anong damit na gumagawa nang mga gawaing panlipunan at pang-arawaraw na mga ginagawa sa mga palasak nilang mga buhay. Nilagay niya sa mataas na lamesa na matatagpuan sa gilid nang lagusan kanyang mga gamit.

Kasunod noon muli siyang bumalik sa loob nang silid lutuan at binalikan ang niluluto niyang bahog upang malaman kung nagsisimula na itong umalsa. Nang hindi pa umaalsa muli niya itong tinakpan nang bakal na suklob at lumabas nang silid-lutuan.

Sa kanyang paglalakad, unti-unti niyang tinanggal sa pagkakatali ang suot niyang kulay kayumangging Báta. Hinubad niya ito sa kanyang katawan at sa pagpasok niya sa loob nang silid na bukalan ipinatong niya ito sa ibabaw nang mataas na lamesa. Kasunod noon hinubad niya sa pagkakatali at pagkakatupi sa kanyang katawan ang suot niyang dilaw na Saluwâl na ang laylayan ay isang talampakan lamang pagitan mula sa bukung-bukong nang kanyang paa. Sinabit ito sa lamesang kahoy sa ibabaw nang kanyang damit na pinaghuburan, malapit sa lagusan at saka tinanggal sa pagkakatali ang bahag na nakapulupot sa kanyang beywang at sa pagitan nang kanyang mga singit.

Tuluyan siyang nahubdan.

Ang pagka-ani nang kanyang pagkamaigi. Ang pagkagahi nang mga sugat sa kanyang likuran, sa kanyang tagiliran, sa kanyang hita at binti na dulot nang pangangaso niya na naging peklat at habang buhay nang tatak sa kanya tulad nang mga tata’u sa kanyang balat ay nakita. Ito ang kanyang lihim sa Ja’khar. Kung sino siya at ano siya. Ang hiwagang kinahuhumalingan. Kinuha niya ang sulyaw sa ibabaw nang kahoy na lamesa. Binihos niya sa kanyang katawan ang mabangong maputik na galapong sa kanyang katawan. Pinahid niya ito sa kanyang mukha. Sa kanyang leeg, sa kanyang balikat at sa kanyang dibdib. Pinahid niya ito sa kanyang buong katawan. Sa mga kasingitsingitan at sa mga pisngi nang kanyang puwet. Lumapit siya sa pamosong bukalan nang tahanan. Lumusong siya sa mainit na tubig at ibinabad ang kanyang sarili. Lumangoy siya sa gitnang bahagi nang bukalan

Tumingala siya sa kalangitang kanyang tinatanglaw, sa mga nakaukit na mga, bituin, buwan at mga ulap sa kisame ng silid. Pinagmasdan niya ang mga ito. Binalingbaling sa kanyang isipan ang mga nakikita nang kanyang mga balintataw ang hindi maitatangging kagandahan sa pagkaukit nang pamosong bukalan nang tahanan nang mga Barakat. Kasunod noon nilubog niya ang kanyang sarili na mainit na tubig nang bukalan.

Ikinuskos niya ang knayang sariling balat nang panghilod. Nilubog niya ang kanyang katawan sa mainit na bukalan. Nagbabad siya dito nang matagal. Hindi nagtagal dahan-dahan din siyang umahon mula sa mga baitang nang bukalan nang silid.

Sa kanyang pag-ahon agad niyang kinuha sa ibabaw nang kahoy na lamesa ang kanyang pamunas.  Tinanggal niya ito mula sa maayos na pagkakatupi. Pinunasan niya ang kanyang katawan. Sinabit niya ang pamunas sa kanyang balikat at tinanggal sa pagkakatali ang nakatirintas niyang buhok. Nilugay niya ito na ang haba ay hanggang sa ibabaw nang kanyang balikat dahilan upang magmistula siyang kung gasinong-yabang.  Kinuskos niya ito gamit nang dulo nang kanyang mga daliri. Hinila niya ito patalikod at inaayos sa tuwing bumabalik ito at tumatakip sa kanyang mukha.

Kinuha niya sa mataas na lamesa ang kanyang susuotin na Báta. Isang kulay itim na batá na hinabi at nagtataglay nang mga burda ng mga halamang mais sa kabuuan nito na mistulang unti-unting binabaon ang kulay na itim sa kulay gintong sinulid kung saan gawa ang mga burdang mais. Tinali niya ang mga itim na sintas nito. Kasunod noon saka niya sinuot at kinuha sa ilalim ng nakapatong na Saluwâl ang kanyang susuoting bahag.

Sa pagkakuha sa mahabang tela na magiging bahag, ang una niyang ginawa ay tinupi ang dulong bahagi nito sa kanyang kamay habang ang mahabang tela ay tinakip sa kanyang titi at bayag, ipinasok sa kanyang singit at inikot-ikot sa kanyang beywang. Nang nakapulupot na ang isang bahagi nang mahabang tela tinanggal niya naman sa pagkakatupi sa kanyang kamay ang isa pa nitong bahagi at itinali ang parehong magkabilang dulo. Sunod niyang kinuha sa mataas na lamesa ang susuotin niyang malilim na kulay bughaw na malông na may mga ginto-gintong maliliit na burdang-bituin at dalawang pakwadradong parihaba sa magkabilang gilid nito. Pumasok siya sa butas nang silindrikong tela. Itinapis niya ito sa kanyang katawan at pinaikot at inipit. Inangat niya ang sobrang tela na bumabaon sa kanyang katawan inayos niya ito nang may akma at tinupi nang pahalang at inipit sa loob nang suot nitong Saluwâl. Nilagyan niya nang mga panara ang nakalalaw na laylayan, inakma sa kanyang mga binti ilalim nang kanyang mga tuhod at isinarado ang mga panara na nakaikot sa kanyang tuhod. Na ngayon ay ang laylayan ay lagpas isang talampakan mula sa bukung-bukong nang kanyang paa.

Matapos na makapag-ayos lumabas siya nang bukalang-silid. Nakalimutan niyang dalhin ang kanyang sandalyas at mga gamit na palamuti sa kanyang katawan dahilan upang lumabas siya nang nakapaa at umakyat sa ikalawang palapag ng kanyang tahanan. Pumasok siya sa loob nang kanyang silid. Sa pagpasok niya kinuha niya sa ibabaw nang kanyang tulugan ang panapis na kaliskis na gawa mula sa balat isdang Bakunawa. Pinatungan niya ito nang mga sinturon sa kanyang katawan. Sunod nagtungo siya sa mababang lamesa na gawa sa kahoy sa kanyang silid. kinuha niya ang panali na nandito at itinali ang kanyang buhok sa likuran nang kanyang ulo. Kinuha niya rin ang mga sandalyas na nasa ilalim nang kanyang kama. Naglagay siya nang galang sa kanyang kamay at ang luntiang singsing na bato na buhat sa kanyang ina ang kanyang sinuot sa kanyang palasingsingan. Kinuha niya ang kanyang pandong sa ulo at Saluwâl na panaklob sa buhos nang malakas na ulan. Sa pagbaba niya sa ikalawang palapag napansin niyang hindi pa rin tumitila ang ulan.

Agad dalidali niyang kinuha sa loob ng yungib ang mga alagang hayop na asong-gubat.  Nilabas niya ang mga ito at dinala sa loob nang kanyang tahanan.

Iniwan niya ang mga ito sa malawak na lupain sa gitna nang tahanan nang mga Barakat at binalikan ang pinaalsang bahog. Tulad nang inaasahan luto nito at tinanggal niya ito sa lutuan. Dinala niya ito sa ibabaw nang mataas na lamesa na gawa sa kahoy at nasa gitnang bahagi nang silid lutuan ng tahanan ng mga Barakat. Kumuha siya nang sulyaw at kubyertos. Kinuha niya ang dapat sanang kakainin nila nang Adi Hikmet ngayong tanghali sa halip kumain siya kasalo ang mga alagang asong-gubat.  Alam niya wala na siyang magagawa pa.

Bumalik siya sa kanyang silid. Tinanggal niya ang kanyang mga suot na damit at humiga sa knayang higaan.  Pinikit niya ang kanyang mga mata at panandaliang nakatulog. Hindi nagtagal humina din ang buhos nang ulan. Tumigil din ito kinahapunan at sa pagsilay nang araw muli Hinanda niya ang kanyang sarili. Agad dalidali siyang kumilos. Muli bumalik siya sa paghahanda nang kanyang sarili. Inayos niya ang kanyang suot na damit.  Muli niyang sinuot ang kanyang mga sandalyas sa paa. Sinuot niya ang singsing nang kanyang ina na gawa sa luntiang bato sa kanyang kanang hintuturo.

Inayos niya ang kanyang buhok mula sa pagkakatali nito.

Gamit ang kanan niyang hinlalaki at hintuturo inalmuhasan niya ang kanyang mga bigote at ang kanyang kamay ay sa kanyang mahabang balbas na tinatago ang peklat sa ilalim nang kanyang baba. Kinuha niya ang kapa na nakalagay sa isang baul sa tabi nang mababang lamesa na nasa kanyang silid.

Sa pagbaba niya sa ikalawang palapag Tinawag niya ang kanyang mga alagang asong-gubat gamit nang pagsipol. Binalik niya ang mga ito sa loob nang yungib nang kanyang tahanan. Isa-isang nagpaalam at bago siya tuluyang umalis kinuha niya sa mga ito ang dalawa sa kanyang mga alaga na sa tingin niya ay nababagay lamang sa kanyang asawa bilang biyaya nang kanyang tahanan.

Nilagyan niya nang mga sapin at paratilya ang itim at puting asong-gubat. Sumakay siya sa puting asong-gubat habang hinilahila nito ang itim na asong-gubat sa labas nang yungib. Sinarado niya ang yungib nang kanyang tahanan. At kasunod noon tuluyan na siyang umalis sa tahanan ng mga Barakat patungo sa tahanan ng mga Roshan.

Ang kanyang paglalakbay patungo sa tahanan ng mga Roshan ay may yabang at pagkilala. Ang kanyang hakbang ay naging padalosdalos. Ani mo ay isang martsa nang kahandaan at kabuuan. Buo at walang halong kahit anong takot. Hanggang sa inaasahan, narating niya ang tahanan nang mga Roshan.

Bumukas ang tarangkahan nang lagusan at sa kanyang pagdating nakita niya ang Hadi Mirza at Hadi Yusuf na nag-aabang at nakatayo sa pasilyo na nasa harap nang bulwagan nang mga ito. Bumaba siya sa kanyang pagsakay sa puting asong-gubat. Naglakad siya pagpasok sa loob nang tahanan nang mga Roshan at kasabay nito ang pagdating ng kanyang mapapangasawa upang tanggapin siya kasama nang mga pamilya nito.

Nakita niyang naglalakad ang mga ito, kasama nang Hadi Batul patungo sa labas na pasilyo sa bulwagan ng tahanan.

Nakasuot ang Adi Hikmet nang bughaw-marino na batá na may mga tahi nang mga maliliit na mga dahon ng kalenkor na nilikha nang mga pilak na sinulid. May braso ang damit nitong Báta na hanggang sa ibabaw nang siko nito. Ang mahabang palda na damit nitong panloob ay puti, sutla at manipis na burdado nang mga kulay rosas na halamang tambis. May suot itong tigdalawang hikaw na mula sa mga pulang bato sa magkabilang tenga nito. May galang ang braso at kamay nito. Ang buhok nito ay itinirintas at pinalamutian nang mga perlas na nakalagay sa mga panaling nakabalot dito at isinama sa pagkakatinritas.

Ngumiti siya nang makita ito…

Sinabi niya sa kanyang sarili na ito na ang pagkakataong hinihintay niya. Na sa wakas ang pag-angat nang kanyang tahanan at paghahandang may kasamang pagbabago.

Naglakad siya sa maputik na daanan papalapit sa mga ito. Hindi maitatanggi ang kanyang pagiging pursigido. Ang maagaw sa kanila ang nag-iisang bulaklak sa mga tinik na nakapulupot. Sinabi niya sa kanyang sarili habang papalapit siya. Sinayang lamang nila ang pagkakataon na hayaan ang Adi Hikmet na mamulaklak nang tulad sa isang tunay na bulaklak. Datapwat ang Adi Hikmet ay isang mabangis na uri nang bulaklak. Bagay na hindi niya maipagkakaila.

Tinanggap siya nang mga ito. Unang pumasok ang Adi Hikmet kasama ang tahanan nito.

Wika nang Hadi Mirza sa kanya, “Iyi Ojokanri, Hadezar!”

Tugon nang Hadi Yasir “Yuu’se maste Ojokanri, Hadezar!”

Binigay nang Hadi Mirza ang kamay nito sa kanya bagay na kanyang tinanggap at kinadaupan.

Wika nang Hadi Mirza sa kanya, “salamat!”

Kasunod noon pinakilala nito sa kanya ang asawa nito na si Adi Hala bagay na hindi niya nakakalimutan. Nagbigay siya nang paggalang sa Adi ng tahanan kasabay nang kanyang pantawag na pamitagan.

Niyaya siyang pumasok nito sa loob. Sinabi nito sa kanya na doon sa loob nang bulwagan nang tahanan ng mga Roshan gaganapin ang pagtatanggap sa kanya nang mga ito tulad nang nakagawian at kung ano. Ganon rin ang kanyang paghingi sa kamay nang kanyang mapapangasawa.

Sa pagpasok nila sa loob nang bulwagan, nakita niya ang Adi Hikmet…sa likuran nito ang larawan ni Battala. Sinabi nang Hadi Mirza sa kanya na dumalang na ang mahabang gabi at nakatitiyak na ang muling pagpapakita ng nag-iisang bituin nang Ja’khar, gayong ang pagpasok ng panahon nang tag-init sa kanilang bayan.

Bagay na hindi niya ipinagkaila. Sinabi niya, “inaasahan na mangyayari ito. Ang kanilang lupain ay babalik kung papaano nila ito naaalala sa panahon bago ang pananalasa nang matinding sama ng panahon na dumaan sa kanilang bayan. Lalo pa’t nagsisimula nang mawala ang malamig na hangin at papasok na rin panahon nang tag-init. Ang tanging pinangangambahan ko lang, sinabi sa akin nang isa mga mangangarabana na habang papatagal ay maslalong paikli nang paikli ang panahon nang tag-init!”

Nilagay nang Hadi Mirza ang kamay nito sa kanyang balikat. Sinabi nang Hadi Mirza sa kanya, mahaba ang araw para pag-usapan natin ang bagay na iyon ngayon.

Ngumiti siya. Tugon niya, “tama ka Hadezar!”

Kasunod noon iniwan siya nito kasama nang asawa nito habang nagtungo ang Hadi Mirza kasama ang kapatid nito sa sigang nakalagay sa kawang may tatlong paa malapit sa larawan ni Battala.

Nagtaka ang Adi Hala sa kanya kung bakit walaman lamang ba siyang dalang mga Anino nang kanyang tahanan.

Ngumiti siya. Tinanong niya ang Adi Hala na kung maaari niya itong akbayan. Pinilit niya ito. Sinabi niya para namang hindi na sila magkamag-anak.

Ngumiti sa kanya ang Adi Hala. Niyaya siya nitong maglakad. Gayong ibinigay niya ang kanyang braso at kinuha nito sa kanya. Naglakad sila nang naka-akbay patungo sa kung nasaan ang Hadi Mirza at nang iba pang bumubuo sa tahanan ng mga Roshan.

Humingi siya nang tawad sa hindi niya pagdadala nang mga Anino mula sa kanyang tahanan. Sinabi niya aanhin niya ang mga ito. Wala siyang nakikitang masama. Dagdag niya, “isa pa Adi Hala! Muzta un’zah të marcadaan waxa dignë yoki golge waxa Kali të birga waxa’thë Imago lati dl’thë Harith? (Jng. aanhin mo ang karangalan ng liwanag kung kadiliman nang kasamaan ang hatid ng mga Aninong galing sa mga Harith?)”

Tugon nito sa kanya, “Hadi Yasir! Iloh! Iloh të ederen irbe!”

Ngumisi ito sa kanyang biro. Hindi maikakailang kahit ito ay hindi din sumasang-ayon sa tinataglay na impluwensya nang mga Harith. Alam niya ang pag-uusap na mga ganito.

Pabiro niyang sabi, “Iloh të thë Barakat!” nawala ang ngiti sa kanyang labi “ano ang magagawa ko. Iyon sagisag nang aming tahanan.” bagay na siyang totoo.

Wika nang Adi Hala, “alam na nila!” Tinutukoy nito ang asawa nito at ang Hadi Yusuf tungkol sa bulong na nakarating sa tahanan nang mga Harith sa kanyang pag-iisang dibdib sa Adi Hikmet nang walaman lamang pagsangguni sa Hadi Mahdi at basbas nang mga Harith.

Tugon niya, “alam ko!”

Tulad nang inasahan mabilis na kumalat sa buong Ja’khar ang itinakda niyang pag-iisa sa Adi Hikmet na mula sa tahanan ng mga Roshan. Hindi nito nagawang itago nang pagpapalansing gamit ang mga pananim at inangkat na mga binhi sa ibayong dagat. Sinabi niya sa Adi Hala hindi ito nagustuhan nang Hadi Mahdi at ikinasama nito nang loob.

Tanong nito sa kanya, “ano ang sinabi niya sa iyo!”

Wika niya, “wala…ano ang sasabihin niya sa akin? Nalaman niya sa Adi Makbule pinagtagnitagni niya at ganon natuklasan niya rin!”

Tugon nang Adi Hala sa kanya, “alam mong hindi lang ikaw ang nanghihinayang sa ginawa nang iyong ina sa pagtanggap nito nang tulong nito mula sa tahanan ng mga Harith.”

Tanong niya dito, “sa tingin niyo nararapat lang ba iyon?”

Tugon nito sa kanyang tanong, “hindi! Pero kahit ako may mangyariman sa aking tahanan, huwag ipilit nang liwanag ng buwan ay gagawin ko rin kung ano ang ginawa ng iyong ina!”

Wika niya, “pero hindi ako ang aking ina!”

Tugon nito sa kanya, “tulad nang inaasahan! Kakausapin ka niya bago kayo umalis matapos ang lahat ng ito…Masaya ako na nagkakausap tayo.”

Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon dito.

Kasunod noon iniwan siya nito. Lumapit ang Adi Hala sa Hadi Mirza habang nabaling ang kanyang atensyon sa ama nang kanyang mapapangasawa. Nagbigay siya nang paggalang at pamitagan dito bagay na tinanggap nito. Napansin niya ang putik sa loob nang bulwagan. Nakita niya ang putik sa kanyang mga paa. Naiwan ang bakas nang putik na dala nang kanyang mga paa sa sahig na bato nang silid.

Sa pagpasok nang Hadi Batul at nang Adi Ismat dala nang mga ito ang palangganang naglalaman nang malinis na tubig at tuyong pamunas. Hanggang sa hindi inaasahan narinig niya ang tinig nang kanyang pamangkin sa pagtawag nito sa kanya…na abu. Napalingon siya sa kung nasaan ang kanyang pamangkin. Malaki na ang tsan nito. Hindi na ito maitatanggi pa ang itinatago nitong pagdadalang-tao. Kagyat Dalidali itong lumapit sa kanya. Niyakap siya nito at binalikan niya ito nang pagyakap.

Kasunod nito lumapit sa kanya ang Hadi Batul na asawa nito. Kinamusta siya nang Hadi Batul.

Nagpasalamat siya sa Hadi Batul sa pag-aalaga nito sa kanyang pamangkin at sa magiging anak nang mga ito.

Wika nang Hadi Yasir sa Hadi Batul, “parang kailan lang nang una kitang makita. Nang mga panahong iyon maliit ka pa at bata pa. Ngayon magiging magulang ka na. Maaari ba akong makiusap sa inyo habang wala pa sa ating pumapasin, na kung maaari ay”—

Bagay na pinagbigyan nang Hadi Batul.

Nang walang nakakakita, hinawakan nang Hadi Yasir ang tiyan nang Adi Ismat at sinabi niya sa mag-ina na sana ay pagpalain sila at wala sanang sakit ang dumapo sa kanilang dalawa habang nasa loob ito nang sinapupunan nang Adi Ismat.

Lumapit sa kanila ang Adi Arwa. Sinabi nito na kailangan na nilang simulan ang pagtanggap sa kanya bagay na kanilang tinalima.

Tinanggap nang tahanan nang mga Roshan ang Hadi Yasir tulad nang kung ano ang nakagawian. Pinagkalooban siya nito nang mabuting pagtanggap. Isang palangganang may tubig ang inihanda sa kanyang harapan. Dito hinugasan at pinunasan ng Hadi Yusuf ang kanyang mga paa bilang patunay nang mabuting pagtanggap nang mga ito sa kanyang pagdating. Tinanggal nito ang kanyang maputik na sandalyas sa kanang paa. Inilagay niya ang kanyang kanang paa sa malinis na tubig sa palanggana. Inalmuhasan ito nang Hadi Yusuf. Pinunasan gamit ang tuyong pamunas na ibinigay nang kanyang pamangkin dito. Sinundan ito nang kaliwa niyang paa kung saan inilublob niya rin ito, inalmuhasan nang ama nang kanyang asawa at pinunasan nang pareho rin ginamit na basahan. Kasunod noon ibinigay nang Hadi Hakan ang kanyang sandalyas na pinunasan nito. Nagpalasamat siya sa nakatatandang anak na lalake nang hadezar nang mga Roshan.  Sinuot niya ang mga ito sa kanyang mga paa.

Sa pagtayo niya mula sa pagkakaupo sa batong upuan na nakadikit sa dingding nang silid na bulwagan sinamahan siya nang mga ito na lumapit sa kung nasaan Adi Hikmet at ang tiyo nito. Ngumiti siya nang makita niya ang kanyang mapapangasawa.

Sa paglapit niya sa mga ito kinamusta siya nang Adi Hikmet.

Sinabi niya dito na mabuti ang kanyang kalagayan.

Ngumiti ito sa kanya.

 Kasunod noon hiningi nang Hadi Mirza ang kanyang kamay. Binigay niya ito. Hinawakan nito ang kanyang kamay at nang mga sandaling ito nagsimula na ang pag-iisang dibdib nila nang Adi Hikmet. Kinuha nang Hadi Mirza ang kaliwang kamay ng Adi Hikmet. Hawak ang kanyang kamay ipinatong niya ito sa kamay nang kanyang mapapangasawa.

Wika nang Hadi Mirza sa Adi Hikmet, “sa ngalan nang tungkuling ko bilang isang Hadezar at patnugot nang tahanan nang mga Roshan ikaw Adi Hikmet ay pinakakawalan ko at binibigyan nang laya malayo sa aking patnugot na makaisa—” Nabaling ang atensyon nito sa kanya. Pagpapatuloy nang Hadi Mirza, “sa Hadezar nang tahanan nang mga Barakat na si Hadi Yasir bilang iyong kabiyak.” Pinakawalan nito ang kanilang mga kamay na magkapatong sa isa’t isa.  Sinabi nang Hadi Mirza sa kanila ganap na silang mag-asawa.

Nagpasalamat ang Hadi Yasir sa Adi Hikmet. Nagdiwang mga Roshan. Nagkaroon nang masibagong palakpakan matapos ang kanilang pag-iisang dibdib.

Tinanggal niya ang kanyang mga kamay sa kamay nang Adi Hikmet. Sa gayon hindi pa tapos ang lahat at ito pa lamang ang simula. Lumapit sa kanya ang Adi Ismat. Binati nito ang kanyang pagkakaroon nang asawa. Nagpasalamat siya sa kanyang pinakamamahal na pamangkin.

Sinabi nang Hadi Mirza sa kanyang asawa na paano pa nito magagawang hindi pagbigyan gayong mula pagkabata nito ay itinuring na ito na ama nang kanyang asawa. Hiningi sa kanya nang Hadi Mirza na alagaan niya ang Adi Hikmet. Ipangako niya dito na hinding-hindi niya sasaktan ang kanyang asawa dahil kung hindi niya kayang tuparin ang hinihingi nito sa kanya sisiguraduhin nito na masasaktan siya at walang sinoman ang makakapigil dito o kahit sa ama nang kanyang asawa.

Pinangako niya ito sa Hadi Mirza.

Pagkatapos nang pag-iisang dibdib nila nang Adi Hikmet tuluyan na silang nagpaalam at nagbigay nang paggalang sa tahanan ng mga Roshan.  Lumabas sila kasama nang tahanan nang mga Roshan kung saan pinakita niya ang kanyang dalang biyaya sa kanyang asawa, isang purong itim na asong-gubat.

Nangamba ang kanyang asawa sa kanyang ibinigay.

Ngunit nagpumilit siya. Sinabi niya dito na para ito sa kanya.

Pagtataka nang Adi Hikmet, “Ngunit?”

Sagot niya, “huwag kang mag-alala hindi sila bunga nang panghuhuli. Ang kanilang mga magulang maaari pa…ngunit pinalaki ko sila at ako mismo ang nag-alaga sa kanilang dalawa.” Niyaya niya ang Adi Hikmet. Pinakikilala niya ang itim na asong-gubat sa kanyang asawa. Sinabi niya ang pangalan nito ay “Amarok”.

At saka niya Pinakilala ang kanyang alagang asong-gubat, isang puting asong-gubat. Pinakilala niya ito sa Adi Hikmet. Sinabi niya, “ito naman si Ijiraq!”

Wika nang Hadi Mirza sa kanya, “hindi ako makapaniwala Hadezar…saan mo nakuha ang ganitong mga uri nang asong-gubat.”

Ngumiti siya sa Hadi Mirza. Sinabi niya sa Hadi Mirza na matagal niya na itong alaga asa kanyang tahanan. Sampung taon na nakaraan isinama siya nang isang mangangaso sa loob nang pulang gubat hindi sinsadya na mapatay nang kanyang kasama ang magulang nito. Nakakalungkot na isipin na mabubuhay lamang sila mula sa pagkakahuli at mula noon hindi niya na nakita ang mangangasong sinamahan niya.

Pagtataka nang Hadi Mirza sa kanya, “siya nga Hadezar?”

Lumapit ang kanyang asawa sa mga magulang nito at kamag-anak. Nang mga sandaling ito napuno nang maraming pamamaalam sa loob nang tahanan ng mga Roshan. Nagpaalam ang Adi Hikmet sa mga kapatid nito, hiningi nito sa mga kapatid na magpakabait at lalong na kay Hadi Batul na alagaan ang asawang nagdadalang-tao.

Sinabi nang tiyo nang kanyang asawa alam nito ang nangyari sa pag-uusap nito at sa Hadi Mahdi. Pinaalala nito sa kanya na hindi naman lingid sa kanila kung ano ang kaugnayan nang kanyang tahanan sa mga Harith at kung ano ang taglay na impluwensya nito dito at sa buong Ja’khar.

Tinanong siya nito kung magagawa niya bang tuparin ang ipinangako niya sa tiyo nang kanyang asawa at ang Hadezar nang tahanan ng mga Roshan. Sagot niya tiyo nang kanyang asawa, “wala kayong dapat na ipag-alala Hadi Mirza…Ang suliraning ko sa tahanan nang mga Harith ay suliranin ko, hindi kabilang ang iyong pamangkin sa aking suliranin!”

Wika nang Hadi Mirza sa kanya, “sana nga Hadezar.”

Tumango-tango siya. Wika niya, “alam ko po iyon…Hadi Mirza” Ngumiti siya dito matapos niyang marinig ito.

Tugon nito sa kanya, “kung ganon…lumakad na kayo malapit nang magdilim!”

Tinawag nito ang kanyang asawa. Matapos na makapagpaalam sa mga pinsan nito at tiya nabaling ang atensyon nang Adi Hikmet sa kanilang dalawa nang Hadi Mirza.

Nagpaalam ang Hadi Mirza sa kanyang asawa. May binulong ito. Sunod nito nagpaalam ito sa ama nito ngunit walang salita ang namutawi sa bibig nito kung hindi pagyakap at paghalik sa pisngi nang Hadi Yusuf.

Nagbigay rin ito paggalang sa ina nito. Nagpasalamat ang kanyang asawa sa ibinigay nitong pagtitiwala dito at higit sa lahat ay ang walang sawang pagmamahal. Tumulo ang luha sa mga mata nang kanyang asawa. Bagay na pinawi nang Adi Arwa. Sinabi nito sa kanyang asawa na hindi nito kinakailangang umiyak. Na inaasahan nang ina nito na babalik pa rin sila, bibisibisita. Bagay tinalima nito.

Tinawag siya nang ina nang kanyang asawa. Wika nang Adi Arwa sa kanya, “ipangako mo Hadezar…ibabalik mo ang aking anak sa akin para dumalaw sa amin!

Pinigilan nang Hadi Yusuf ang ina nang kanyang asawa. Ngunit hindi ito napigilan.

Tanong nang kanyang asawa, “hindi ba Hadi Yasir?” Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Matapos nito lumapit ang Adi Hikmet sa kung nasaan siya. Hiningi niya ang kamay nang kanyang asawa para isakay ito sa itim na asong-gubat. Bagay na ibinigay nito sa kanya.  Tinulungan niyang makasakay ang Adi Hikmet sa asong-gubat. Kasunod noon sumakay na rin siya sa kanyang asong-gubat at saka sila tuluyang nagpaalam sa pamilya ng kanyang asawa.

Umalis silang dalawa papalayo sa tahanan ng mga Roshan pabalik at patungo sa tahanan ng mga Barakat. Sa pag-alis nila, nanatiling nakalingon ang Adi Hikmet sa likuran habang pinapanood nitong lumalayo ito mula sa tahanang kanalakihan nito.

Sinabi niya, “tigilan mo ang iyong paglingon Adi Hikmet!”

Napalingon ito sa kanya. Tinanong siya nito kung ano ang dahilan.

At sinabi niya, “dahil mula sa araw na ito asawa na kita at asawa mo na ako. Pagdating natin sa tahanan ng mga Barakat, bahagi ka na nang aking tahanan kaya huwag mo silang tignan na ani mo’y doon ka pa rin naninirhan sa kanila.”

Wika nito sa kanya, “hindi ko sila tinitignan dahil gusto kong bumalik…tinitignan ko sila dahil ayokong makalimutan sila!”

Hindi nakinig sa kanya Adi Hikmet. Sa halip nabaling rin ang kanyang atensyon dito. Tumigil sila sa kanilang paglalakbay.  Pinagmasdan niya ito at nang hindi ito lumilingon sa kanya inutusan niya itong bumaba kay Amarok, pinalipat niya ito sa puting asong-gubat na kanyang sinasakyan. Sumakay ito kay Ijiraq. Kasabay noon itinali niya sa likuran nito ang panali ni Amarok. Sumakay siya kay Ijiraq, habang nakaupo sa kanyang likuran ang Adi Hikmet na natatangkaran siya.

Kasunod noon sumipol siya at umusad ang kanyang mga alaga. Nilagay nang Adi Hikmet ang mga braso at kamay nito sa kanyang katawan habang nanatili itong nakalingon sa malayo…tanaw ang tahanan ng mga Roshan na hindi naglaon ay tuluyang nawala sa paningin nito.

KABANATA LIMA:

ANG PAGKILALA SA KANYANG MAPAPANGASAWA

Ang Adi Hikmet

Matapos ang pagsilang nang Hadi Yasir bilang bagong Hadezar nang tahanan ng mga Barakat nanatili siya kasama nang kanyang tiyo, tiya, ama at mga pinsan sa mga baitang nang tore ng mga Hadezar. Nabaling sa kanya ang pansin nang higit na nakararami. Higit pa naging tampulan siya nang mga panakaw na tingin nang mga dumalo na walang kaalamalam sa kung ano ang tunay na mga pangyayari. Maagang umalis ang mga Jingkar na nasa ilalim nang pamumuno nang tahanan ng mga Barakat at ang tanging naiwan ay sila lamang na mga nakaaangat at kabilang sa impluwensya nang mga tahanang kinabibilangan nila at nang lipunang nagpapanatili sa kanilang kinatutungkulang kapangyarihan.

Matapos ang paglisan nang bagong Hadezar nagsimula ang pakikihalubilo. Sa isang bahagi sa labas nang tore nang mga Hadezar makikita ang mga Harith na nag-uusap kasama ang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana sa kabila nito ay ang mga Roshan kasama ang matadang Hadezar ng tahanan nang mga Ardashir na si Hadi Khalil na may hawak na tungkod.

Lumapit sa kanila ang Hadi Hagir ang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana at kinausap nito ang kanyang tiyo. Pinakilala siya nang kanyang tiyo sa Hadi Hagir. Hindi nagtagal pinakilala din siya nang kanyang tiyo sa Hadezar nang tahanan nang mga Harith na si Hadi Mahdi.

Maaga silang umalis kasama nang kanyang tiya at mga pinsan pabalik sa kanilang tahanan habang naiwan sa tore nang mga Hadezar ang kanyang ama at ang Hadi Mirza. Sinabi nito sa kanila na may kailangan pa itong pag-usapan bagay na tinalima nang kanyang tiya na si Adi Hala at kanilang sinunod sa pagbalik nila sa kanilang kinalakihang tahanan.

Matapos ang hapunan, tinulungan siya nang kanyang ina na maligo sa banyerang nasa loob nang kanyang tinutuluyang silid sa loob nang tahanan ng mga Roshan. Nagbabad siya sa mainit na tubig na laman nito habang hinihilod ng kanyang ina ang kanyang likuran at nakahawi sa gilid ang kanyang nakatirintas na buhok. Hindi niya maitatanggi ang pagtataka sa kung ano ang dahilan kung bakit ginawa iyon ng bagong Hadezar.  Kung sino ito para pahiyain siya at hamakin.

Inayos nang kanyang ina ang kanyang buhok.

Sinabi nito sa kanya, “O, Adi Hikmet!” nang may paninimdim. Nabaling ang kanyang atensyon sa kanyang ina. Sinabi niya dito na hindi na siya bata pa para sabihin ito sa kanya. Bagay na sinang-ayunan nang Adi Arwa, ang kanyang ina at ang asawa nang kapatid ng Hadezar niyang tiyo.

Wika nito sa kanya, “alam ko…anak sa tingin mo bakit ginawa iyon nang Hadezar sa iyo…” Nang may pagngisi.

Hindi niya alam, tugon niya sa kanyang ina. Tanong niya sa kanyang ina, “sabihin niyo bakit?”

Wika nang kanyang ina, “ikaw na rin ang nagsabi hindi ka na bata pa…sa tingin ko gusto ka niya. Gusto ka nang bagong Hadezar!”

Pagtataka niya, “may gusto siya sa akin? Paano naman mangyayari iyon, nanna?”

Tugon nang kanyang ina, “malaki ka na…ang bilis ng panahon, parang kailan lang. O Adi Hikmet ang aking panganay may nagkakagusto na sa iyo!”

Wika nang Adi Hikmet, “ngunit isa akong halimaw.”

Ngumiti ang kanyang ina. Hindi nawala dito ang ngiti mula nang malaman nito ang nangyari sa tore nang mga Hadezar. Nang mahinahon at habang inaayusan siya nang kanyang ina wika nito sa kanya, “halimaw—totoo!” hinawakan nito ang kanyang mukha. “Isang kakaibang nilalang! Ulit-ulit huwag mong ikahihiya kung ano ka at sino ka. Maaari kang maging halimaw hanggang sa gusto nila. Maaari mo silang pakinggan habang buhay kung gusgustuhin mo. Ngunit huwag na huwag mong hahayaan na hindi pagkatiwalaan ang iyong sarili. Hindi ba dapat ikaw mismo ang nakakaalam iyan?  Kung halimaw, bakit nagkakagusto siya sa iyo. Walang nagkakagusto sa isang halimaw.” Hadi Yasir…Hadi Yasir, sino ang dapat matakot sa Hadi Yasir? Hadi Yasir!

Nang una niyang narinig ang pangalang ito sa isang tagabulong, pinagtakahan niya ito at tinawingtawing, sino ka? at ano ka? Sinabi nang kanyang ina na ito ang bunsong anak nang Adi Hiba, ang inaasahang susunod na magiging Hadezar nang tahanan ng mga Barakat.

Nasundan ito nang maraming ulit pang pagbanggit nang kanyang tiyo sa mga pakikipag-usap nito sa kanyang ama matapos ang kamatayan nang Adi Hiba, ang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat. Na para sa kanyang tiyo hindi maikakaila ang pag-angat nang inaasahan nilang magiging kapalit sa iniwang katungkulan ng yumaong Hadezar. Malinaw na ito ang nangunguna at nag-iisang tangkilik nang mga Hadezar.  Bagay na nagbibigay pag-aalala sa kanyang tiyong Hadezar.

Magkagayon pa man isa pa rin itong aliw-iw sa hangin. Sinabi nang Hadi Mirza sa kanila na dalawang bagay lamang ang ibig sabihin nang pagpanaw nang patnugot, pinuno at Hadezar nang tahanan ng mga Barakat. Una ang pagbagsak nang Ja’khar at pangalawa ang pagpapanatili pang lalo sa impluwensya at kapangyarihan nang mga Harith mula sa mga nakahihigit. Bagay na nakakahinayang kung tutuusin anya pa nang kanyang tiyo.

Mabilis na kumalat sa buong Ja’khar ang inaasahang pag-angat nang maisog na anak nang namatay na Adi Hiba. Ito ang pinagkakaguluhan. Ang sikat na pag-usapan. Sinasabi nang lahat na may pagkahiwagang tinataglay ang Hadi Yasir. Tahimik at madalang na magsalita. May tindig na kagilagilalas. May luntiang mga mata na nag-aalab at mistulang tumatarak sa iyong buong pagkatao bagay na kaantig-antig sa mga kababaihang nahuhumaling sa binatang pinagkakaguluhan nang lipunang kilala lamang sa pag-aabuso nito sa huwad na kapangyarihan at maruruwal na mga pagtitipon.

Magkagayonman isang pa rin palaisipan ito kung sino ito at ano ito.

Matapos ang araw nang pagsilang ginuguni niya sa kanyang mga pag-iisa kung ano ang dahilan kung bakit nagustuhan siya nang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat. Hindi niya alam kung bakit iniisip niya ang mga bagay na ito. Isa itong malaking katangahan kung tutuusin. Isang malaking hindi maaari.

Datapwat bangungot pa rin sa kanya ang katahimikan nito, ang padalang na pangiti nang araw na iyon at pakikihalubilo na ginagawa nito sa kanila sa labas nang tore ng mga Hadezar. Ani mo na sa bawat paglakad na ginagawa nito ay may dalang masamang pahiwatig, signos kung tutuusin. Para itong lumulutang na hindi umaapak ang mga paa sa mga batong baitang at may hiwagang tinataglay na hindi maintindihan at mahirap maunawaan. Kahindik-hindik tuwing naaalala niya ito. Ngumiti siya.

Nang gabing iyon nanaginip siya. Dinalat niya ang kanyang mga mata, muli nanaginip, nabaling ang kanyang atensyon sa namumuong sama nang panahon. Ramdam niya sa kanyang hubad na mga paa ang buhangin nang dalampasigan sa baybayin nang Ja’khar. Napakalamig nang simoy nang hangin sa pagbukang liwayway. Nakarinig siya nang pagkulog at pagkidlat datapwat binaliwala niya ito. Tinanggal niya ang kanyang suot na damit. Lumusong siya sa tubig nang dalampasigan at lumangoy-langoy sa maalong dagat. Unti-unti siyang nalulunod at nilalamon nang kaibuturang ito. Nakaramdam siya nang bigat sa kanyang sarili dahilan upang matauhan siya at umahon.  At umahon hanggang sa nalunod siya.

Nang umagang ito, umalis siya sa kanilang tahanan. Nagtungo siya kasama nang kanyang mga kapatid at pinsan palabas nang lupain nang Ja’khar patungo sa gubat nang hamog at sa mapanglaw na kakahuyan upang mangaso. Hindi kakaiba sa kanya ang pangangaso. Sa pagguhit nang kanyang daliri sa putikan at pagkakatatag ng mga hakbangin ang kanyang pamumuno ay isang maingat na istratehiya. Ang kanyang pangalan ay bulong sa hangin…sigaw na mistulang awitin sa mga panalangin. Ang kanyang kagalingan ay hindi maitatanggi datapwat ito ay tampulan ng tukso at panghahamak sa kanyang mga mahal sa buhay. Isang punla na kanyang itinanim, inaalagaan at hindi magtatagal ay balak niyang gapasin sa pag-ani.

Tumarak ang tudla, mula sa kanyang busog, sa puno nang abo. Hindi ito mintis.  Dinala niya lamang ito sa dapat nitong kalagyan. Hanggang sa gumugulong ang baboyramo at bumagsak ito sa mga kahoy na panuhog na kanilang ibinaon sa lupa at inani.

Isa itong ina… mamamatay ang mga anak nito sa loob nang kakahuyan. Minungkahi sa kanya nang nakatatandang anak nang kanyang tiyo na pabayaan na lamang ito sa loob nang gubat ng hamog ngunit hindi siya pumayag. Siya pa rin ang pinuno nang pangangasong ito. Higit kaninoman siya ang magpapasiya. Kinuha nila ang mga laman nang baboyramo. Pinaghahati at isinakay sa mga dala nilang mga alagang asong-gubat habang ang mga biik ay kanilang dinala pabalik sa kanilang lipunan pabalik sa loob nang kanilang kinasasakupang tahanan, kasama nang mga hayop na kanilang alagang mga tapir, mga asong-gubat, mga hamsa at mga pato. Aalagaan, palalakihin at pararamihin at kung dumating ang takdang-panahon magiging laman ito nang bawat hapagkainan sa kinasasakupan nilang lupain at maging sa buong Ja’khar.

Sa pagbaling niya sa tahanan nang mga Roshan, dalidali siyang bumaba sa kanyang sinasakyang asong-gubat sa loob nang yungib. Tinanggal niya sa pagkakatali ang paratilya at sapin sa likuran ng asong-gubat at ipinatong ito sa sampayan na nasa loob ng Yungib saka siya lumabas at pumasok sa loob nang kanyang tahanan. Sa paglabas niya sa madilim na pasilyo nang tahanan nabaling ang kanyang atensyon sa kanyang ina na nagpapaligo sa mga asong-gubat sa loob nang kanilang tahanan.

Lumapit siya dito. Tinanong siya nang kanyang ina kung maaari ba siya nitong tulungan. Bagay na kanyang itinanggi. Isang panghihinayang kung tutuusin. Sinabi nang kanyang ina sa kanya na ang dami-dami nilang mga alagang asong-gubat na habang tumatagal ay hindi naman nababawasang bagkus lalo pang dumadampi. Tinanong niya sa kanyang ina kung bakit hindi ito tulungan nang kanyang ama o nang Hadi Fadil. Sinabi nang kanyang ina na parang hindi niya naman kilala ang kanyang ama…na kung tutuusin kailan niya ba nakitang gumawa nang mga ganitong bagay ang Hadi Yusuf. Bagay na kung tutuusin ay siyang may katwiran. Tinanong niya ang kanyang ina kung nasaan nga ba ang kanilang ama. Sinabi nito sa kanya na kausap nito ang kanyang tiyo. Matapos noon bumalik siya sa loob nang kanilang tahanan. Hinanap niya ang Hadi Yusuf at sa kanyang paglalakad, sa hindi inaasahan, nakita niya at narinig ang pag-uusap nang kanyang ama at nang Hadi Mirza sa hardin nang tahanan…

Malalim ang mga tinig na mga ito sa isa’t isa. Malakas ang boses nang magkapatid dahilan upang marinig niya ang pagtatalo ng mga ito na hindi niya alam kung ano ang naging dahilan. Hindi niya inasahan na marinig at sambitin nang Hadi Mirza ang tahanan ng mga Barakat. Sinabi nang kanyang ama na hindi nila maaaring basta lamang kalimutan ang pagkakautang nila sa tahanan nang mga Barakat. Malaki ang itinulong sa kanila nang mga panahong nahihirapan sila at napinsala ang kanilang bayan sa tagtuyot na naranasan nila maraming panahon na lumipas.  Sinubukan nang kanyang ama na kumbinsihin ang kanyang tiyo na maaari silang tulungan nang Hadi Yasir sa kanilang lupain.

Bagay na pinagpilitang tanggihan nang Hadi Mirza. Sinabi nito sa kanyang ama na marami na ang naitulong ang tahanan nang mga Barakat sa kanila…hindi na maganda kung hahayaan lamang nila ito na tulungan pa silang muli.

Wika nang Hadi Yusuf sa Hadi Mirza, “pero ang Hadi Yasir na ang nagmamagandang-loob sa kanila!”

Wika nang Mirza, “utang na loob pa rin na maituturing ang pagtulong nang tahanan ng mga Barakat sa ating lupain. Hindi lang naman tayo ang nasalanta at napinsala nang masamang panahon!”

Tanong nang kanyang ama sa kanyang tiyo, “paano ang ating mga nasasakupan…paano ang ating mga alaga? Saan tayo kukuha nang ipangkakain sa kanila?”

Wika nang Hadi Mirza, “bata ang Hadezar…malapit ito sa Hadi Mahdi…ngayon kung hahayaan natin siya na bayaran ang utang na loob na minsan na sa ating ipinagkaloob nang Adi Hiba malaki ang mawawala sa atin. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko, baü?”

Bagay na sinang-ayunan nang kanyang ama. Wika nang kanyang ama, “naiintindihan ko abu.”

Wika nang kanyang tiyo, hindi mo kilala ang Hadi Yasir, Hadi Yusuf. Wala siyang ipinagkaiba sa kanyang ina… jedaerau, ogron’irn jedaeuraah!

Sa pagtalikod nang kanyang ama sa kanyang tiyo at banta nang paglabas sa balkon ng kanilang tahanan nakita siya nang kanyang ama…datapwat tinalikuran siya nito at iniwang nakatanaw sa kanyang tiyo na nag-iisa sa loob nang mataas na hardin…

Sinabi nang kanyang tiyo sa kanya, “mahirap nang sumugal sa isang tahanan na walang ibang kayang gawin kung hindi pabagsakin ang sariling nito.”

Sinundan niya ang Hadi Yusuf. Nakita niya ito na nakaupo sa loob nang silid lutuan. Binaba niya ang nakahiwang karne nang baboyramo na pinahiwa dito upang lutuin at paghatihatian. May hawak itong basong naglalaman nang nakakalasing na inumin.

Tanong niya sa Hadi Yusuf, “hindi ba masama sa inyo ang pag-inominom?”

Alam niya nang mga sandaling ito kung ano ang nararamdaman nang kanyang ama. Alam niya na hinahanap nito ang kanyang kapatid. Wika nang Hadi Yusuf sa kanya, “suntok sa buwan ang ginagawa mo…” Hindi pa rin tumitigil ang kanyang ama.

Tanong niya, “ano ang gagawin ko? Hihintayin ko kayo na may mapili sa akin na mapapangasawa kaysa ako ang magpasya kung ano ang gusto kong maging buhay?”

Wika nang Hadi Yusuf sa kanya, “anak kita…”

Wika niya dito, “alam ko!”

Tanong nito sa kanya, “Kung ganon bakit mo pinagpipilitan ang sarili mo sa isang bagay na hindi naman sa iyo nakalaan!”

Wika niya, “dahil alam ko kaya mo…naniniwala ako sa iyo at sana magawa mo rin akong pagkatiwalaan! Dahil alam kong kaya ko at hindi pa ako sumusuko!”

Kasunod noon tinalikuran niya ang Hadi Yusuf at bago siya tuluyang makaalis nakarinig siya nang pagkalabog. Lumingon siya. nakita niya na binasag nito hawak nitong baso na may lamang na nakakalasing na inumin. Wika nito sa kanya, “kahit anong gawin mo hindi ka magiging patnugot nang tahanang ito. Hindi ka magiging Hadezar!”

Tugon niya, “O ama sana nakikita mo kung ano ang sinasabi mo.”

Saka siya umalis sa loob ng silid lutuan.

Kinuha niya ang kanyang busog at tudla. Bumaba siya sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan at nagtungo sa yungib nang mga asong-gubat. Matapos noon umalis siya sa tahanan nang mga Roshan, tinakasan niya ang kanyang tahanan. Iniwan niya ang mga ito. Nagtungo siya sa loob nang kakahuyan kung saan malaya niyang nagagawa ang kanyang kagustuhan.

Isa siyang halimaw…Hindi iyon maitatanggi o maitatago sa kanya nang kahit sinoman. Iyon ang tingin sa kanya nang iba. Marahil hindi sa kanyang ina…marahil hindi sa kanyang tiyo. Pero alam niya isa siyang halimaw, bilanggo nang kanyang tahanan, nang kanyang ama at tiyo na sumusubaybay sa kanya at sinusuri ang bawat galaw na kanyang ginagawa. Isa siyang halimaw na natatangkaran ng sinomang lumalapit sa kanya. Natatakot sa kadiliman na kanyang tinataglay kaya lalong ibinabaon at hinahamak nang mga lumalapit. Sa kanyang mga kapatid at mga pinsang mga lalake siya ang pinakamatangkad. Sa kanyang ina at tiya siya ang nakaaangat. Isa siyang halimaw, hindi, mali…isa siyang halimaw dahil walang sinoman ang nakakaunawa sa kanya dahil walang sinoman ang nakakakita sa kanya nang higit sa kanyang itsura. Para siyang isang tikin sa mga palitong nakapaligid sa kanya. Sinusubukan siyang lamunin ngunit hindi nila magawa. Ang kanyang balingkinitang katawan, ang kanyang mahahabang mga braso at binti, gayong hindi sapat ang kanyang kagandahan. Gayong hindi sapat ang kanyang pagiging babae para maging bahagi nang mga kalalakihan ni nang mga kababaihan o nang masmahalaga pa. At hindi niya gustong maging sapat nang kahit anoman.

Tumarak ang tudla, mula sa pagpapakawala niya sa kanyang busog, sa tudlang sumibat sa puno nang Avetas sa loob nang mapanglaw na kakahuyan. Pinangako niya sa kanyang sarili, walang sinoman ang makakagamit sa kanya.

Sa pagbalik niya sa tahanan ng mga Roshan nakita niya ang kanyang ina na nakatayo sa pasilyo katabi ang kanyang bunsong kapatid sa harap nang bulwagan ng kanilang tahanan. Nagtaka siya. Lumapit siya sa kanyang ina at sa paglapit niya nakita niya ang Hadi Yasir na kausap ang kanyang tiyo at ang kanyang ama. Bagay na kanyang pinagtakahan. Tinanong niya ang kanyang ina kung ano ang nangyayari. Sinabi nang kanyang ina na kanina pang nag-uusap ang mga ito. Kasunod noon sinita siya nang kanyang ina gayong ngayon lamang siyang nakauwi at kahapon pa siya hinahanap nang kanyang tiyo.

Tinanong niya ang kanyang ina kung ano ang ginagawa nang Hadi Yasir sa loob nang kanilang pamamahay. Sinabi nang kanyang ina na handang tumulong ang tahanan ng mga Barakat na muling makabangon ang kanilang tahanan kung magagawa din tulungan nila ang tahanan ng mga Barakat na makaahon sa kinahaharap na pagsubok.

Sinabi nang kanyang ina na pinag-uusapan nang mga ito ang mangalakal nang mga binhi na gagamitin sa susunod na ani gayong higit na kinakailangan ang puspusang gawain at panahon. Makakatulong ang kanilang pagtutulungan para mapabilis ang kanilang pag-aani.

Datapwat may kapalit at gayong ang kapalit nito ay kinakailangan na palakasin nila ang pagluluwas nang kanilang mga produkto sa ibang mga lupain at ibayong-dagat sa loob lamang ng walong buwan. Bagay na mahirap na mangyari ngunit kinakailangan nilang gawin. Sinabi niya sa kanyang ina at kapatid na maigi ngang magkaroon nang pagtutulungan sa dalawang tahanan.

Ngunit liban dito may isa pang kagustuhan ang tahanan nang mga Barakat…bagay na kanyang ipinagtaka at tinanong sa kanyang ina. Sinabi nito sa kanya na hinihingi nang Hadi Yasir ang kanyang kamay upang maging asawa sa Hadi Mirza.

Bagay na kanyang ikinagulat. Tinanong niya ang kanyang ina kung alam ba ito nang baba. Bagay na sinang-ayunan nito at sa katunayan ay ito pa ang lumapit sa Hadi Yasir at ang nakiusap nang pagtulong sa kanilang tahanan gayong binubugaw siya ng kanyang ama sa matinding kaparakan.

Tinanong niya ang kanyang ina kung ano ang katungkulan nang kanyang tiyo dito. At sinabi nito sa kanya na siya ang bahalang humusga. Bagay na kanyang ginawa.

Sa banta nang kanyang pagpasok sa loob ng bulwagan ng tahanan pinigilan siya nang kanyang ina. Hiningi nito sa kanya ang kanyang busog at tudla na nakasabit sa kanyang katawan. Ibinigay.  niya ang kanyang busog sa kanyang kapatid. At iniwan niyang nakasabit sa kanyang beywang at nakatali sa kanyang katawan ang tiklis na may mga lamang tudla. Saka siya pumasok.

Sa pagpasok niya nagtatawanan ang mga ito…hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan nang dalawa gayong malayo ito sa lagusan at sa pasilyo. Lumapit siya sa Hadi Mirza na nakaupo paharap sa Hadi Yasir. Tinawag niya ang kanyang tiyo. Tinanong niya ito kung kailangan ba siya nito. Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Mirza.

Nawala ang ngiti sa labi nang Hadi Yasir. Tumayo ang Hadi Mirza sa pagkakaupo nito Lumapit ito sa kanya. Tinanong siya nito kung kararating niya lang bagay na kanyang sinang-ayunan.

Nagtaka an Hadi Yasir. Tinanong nito sa kanya kung saan siya nagpunta. Sinabi niya sa Hadi Yasir na nagpunta siya sa mapanglaw na kakahuyan. Sinabi nang kanyang tiyo na hilig niya ang mangaso sa loob nang mga kakahuyang nakapaligid sa Ja’khar. Bagay na ikinatuwa nang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat.

Tinanong niya ang Hadi Yasir na kung ganong hindi nito hilig ang pangangaso ay siguro hilig nito ang pag-inom…gayon sa kanyang pagmamalabis tinanong niya dito kung totoo bang madalas itong umiinom nang nakakalasing na inumin.

Bagay na hindi itinanggi nang Hadi Yasir sa kanya at sinabing hilig nito ang uminom, madalas, higit isang beses sa isang araw at kung minsan ay marami. Na hindi iyon sitsit bagkus iyon ang totoo.

Tinanong nang kanyang tiyo sa Hadezar nang tahanan ng mga Barakat kung maging rin ba ito ay may hilig sa pangangaso bagay na itinanggi nito sa kanila. Tinanong niya sa kanyang tiyo na kung gayong wala na itong kailangan sa kanya at walang iuutos hiningi niya dito na kung maaari ay hayaan siyang lumiban at makapagpahinga. Bagay na itinanggi nito sa kanya. Sa halip pinakilala siya nang kanyang Hadezar sa Hadi Yasir na naroroon sa loob nang kanilang bulwagan at kinasasakupang lupain.

Sinabi nang Hadi Yasir na nagkita na sila. Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Tumayo ang Hadi Yasir sa kanyang pagkakaupo. Tinanong siya nito kung maaari ba silang mag-usap nang sarilinan. Bagay na pinagtakahan nang Hadi Mirza datapwat nilinaw ng Hadi Yasir ay doon sa hindi marami ang umaaligid-aligid at gayong maaari silang makitang dalawa na tunay na nang-uusap. Nangako ang Hadi Yasir sa kanyang na wala itong gagawing masama laban sa kanya. Bagay na hindi niya hahayaang mangyari.

Minungkahi niyang maaari silang mag-usap sa malawak na lupain sa gitna nang tahanan. Bagay na nagustuhan nang Hadi Yasir. Pinauna siya nitong lumabas sa bulwagan nang tahanan. Kasunod noon sa kanyang paglabas lumabas din ang Hadi Yasir. Hinintay niya ito. Sabay silang lumabas sa pasilyo at iniwan ang kanyang ina, kapatid at tiyo sa nakaangat na pasilyo ng tahanan. Gayong naglakadlakad sila paikot sa malawak na lupain at sa platapormang nasa gitna nito.

Sa kanilang paglalakad humingi siya nang tawad sa pagpaparatang niya dito bilang lasenggo.

Bagay na itinanggi nito. Sinabi nito sa kanya, “Naintindihan ko…wala kang dapat na ihingi sa akin nang tawad. Alam ko na nabigla ka. Siguro alam mo na!”

Bagya na siyang totoo. Sinabi ito nang kanyang ina bago siya pumasok sa loob ng bulwagan nang tahanan ng mga Barakat.

Pagpapatuloy nang Hadi Yasir, “ang totoo gusto kong uminom” nang may pagngisi at pag-uyam sa mga salita nito bagay na nagbibigay sa kanya nang kalungkutan. “Hilig kong uminom” Nang may hikbi sa mga salita at kagalakan.  “Hindi naman kaila na gusto ko pero hindi ibig sabihin noon pinagmamalaki ko na siya! Hindi ko siya ikinahihiya. Naniniwala akong walang masama sa pag-inom nang nakakalasing na inumin pero hindi rin siya dapat na ipagmalaki!” saka ito lumingon sa kanya. Dagdag nito, “ikaw hilig mo ba ang uminom?”

Yumuko siya nang may pagkahiya Umiling-iling siya. Itinanggi niya ito. Sinabi niya, “Hindi. Hindi ko alam kung nakainom na ako—sinubukan ko minsan! Ikalabing-walong kaarawan ko iyon. Nagkaroon ng maliit na salu-salo. Naging masaya ang aking kapatid at mga pinsan. Pinakilala ako nang aking tiyo sa aming mga pinamumunuan. Sa gitna nang pagtitipon nakita ko siyang umiinom pinigilan ko siya kinuha ko sa kanya ang hawak niyang baso at sinabi ko sa kanya na hindi pa siya pwedeng uminom. Hindi naglaon ako na ang umiinom. Matigas ang ulo ko… uminom ako nang uminom, hindi ko namamalayan na marami na akong ininom. Hindi ko alam na hindi ko kaya. Nakita ako nang aking ina na nakahandusay sa sahig at walang malay. Ginising niya ako. Sinabi niya sa akin na masyadong pang maaga para malasing ako, mula noon naging tampulan ako nang tukso…o isa sa mga tukso…kaya hindi na ako uminom.”

Sinabi sa kanya nang Hadi Yasir na bakit hindi niya muling subukan. Mabuti kung unti-untiin niya, sa gayon hindi siya malalasing. Bakit hindi niya subukan kung minsan. Iyon ay sa palagay lamang nito ngunit hindi siya nito pinipilit pero bakit nga ba hindi.

 Lumingon siya dito habang patuloy silang umiikot sa paligid nang plataporma. Napansin niya ang suot nitong damit, isang itim na Báta at pulang saluwâl na nakakorto at isang talampakan ang layo mula asa bukung-bukong nang paa nito.

Tumango-tango siya bilang sagot niya dito.

Pagbibiro niya, “kung mabuti lang pag-inom!”

Bagay na ikinangiti nang Hadi Yasir. At nakita niya ito.

Nagbigay nang pakikiramay matapos na mamatay ang Adi Hiba…Bagay na tinanggap nito. Sinabi nito na mahirap ang maging mapag-isa. Mahirap ang mawalan lalo pa’t malapit ito dito. Bagay na kanyang sinang-ayunan.

Matapos humingi ito nang tawad sa kanya. Wika nang Hadi Yasir, “alam ko sa nakaraang araw, naging laman ka nang mga bulongbulungan dahil sa nangyari sa mga baitang nang tore …dahil sa akin. At gusto kong humingi sa iyo nang tawad! Hindi ko kagustuhan na pahiyain ka. Hindi iyon ang aking hangarin…sumpaman!” Nang may ngiti.

Ngumiti siya. Tugon niya, “wala tayong magagawa pa… nangyari na ang nangyari. Kahit anong gawin ko hindi ko na magbabago pa, ang atensyon nila ay nasa akin!”

Wika nito sa kanya, “naiintindihan ko!”

Wika niya, “narinig ko na pinag-uusapan niya ang pag-aangkat nang mga binhi at tulong na ibinigay mo sa aking ama at tiyo!”

Paglilinaw nito sa kanya, “totoo wala pa akong tulong na ibinibigay…tulong na minumungkahi meron! Pero naniniwala akong hindi sapat kung mag-aangkat lamang tayo nang mga binhi na ipangpapalit natin sa mga nawala sa atin. Hindi naman sa diskupiyado ako at walang tiwala na magagawa natin na maabot ang hinihingi nang mga mangangarabana na walong buwan…sa katunayan ay naniniwala ako na maaari natin itong abutin gayonman ang tulong nang dalawang tahanan at ang mga inangkat na binhi ay walang kasiguraduhan. Isipin natin hindi tayo sigurado na ang binhi ba na ating inangkat ay tutubo sa ating lupa. Paano kung dumating ang mga bagyo o higit ay makaranas tayo nang matinding tag-init lalo pa’t papasok na ang panahon ng tag-init! Maraming kailangang ipag-alala…ngunit bakit hindi natin subukan?”

Pagtataka niya, “kung ganon bakit ka sumubok? Dahil ba sa akin. Tinanggap mo ang alok ng aking ama na gawin mo akong asawa…at ngayon napapansin ko na hindi ka sigurado kung karapatdapat ba ako sa iyo.”

Wika nang Hadi Yasir, “hindi sa ganon…sigurado ako. Siya ang lumapit sa akin pero ako ang humingi sa kanya na hingin sa iyong tiyo ang iyong kamay para gawin kitang asawa! Ang totoo hindi ko alam ang ginagawa ko… pitong taon ako nang bumalik ang aming tahanan mula sa ikalawang pagkakataon ng pagbagsak nito dalawampung taon na ang nakararaan…masbata ka sa akin nang isang dekada. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi…siguro dahil sa pagmamalabis! At ayoko kitang pilitin!”

Nagpasalamat siya dito.

Kasunod noon sinabi nito sa kanya na nalaman nito ang nangyari sa isa pa niyang kapatid

Wika niya, “alam ko!”

Wika nito sa kanya, “ikinalulungkot ko!”

Tumigil siya sa kanyang paglalakad. Tumigil ang Hadi Yasir sa paglalakad. Tanong niya, “anong ibig mong sabihin tungkol sa aking kapatid? Ano ang nangyari sa Hadi Batul!”

Wika nito sa kanya, “Adi…sinubukan nang mga Harith na kunin dito ang asawa nito, ibalik ito sa tahanang pinagmulan nito kapalit noon tutulungan nang mga Harith ang iyong kapatid. Ngunit tumanggi ang hadi Batul—Hindi ko na alam pa kung ano ang nangyari sa kanya o sa Adi Ismat!”

Nabaling ang kanyang atensyon sa Hadi Yasir. Tanong niya dito, “Hadi Yasir…kung hindi mo mamasamain gusto ko lang na malaman kung nakagamit ka na ba ng busog at tudla!” Pinagtakahan siya nang Hadezar. Humingi siya nang tawad. Sinabi niya, “hindi na mahalaga pa.”

Wika nito sa kanya, “hindi—gusto kong malaman!”

Ngumiti siya. Inanyayahan niya ito na umupo sa plataporma, sa kanyang tabi bagay na pinaunlakan nito.

Sinabi niya na tinuruan siya nang kanyang ama na gumamit nang busog at tudla nang maliliit pa lamang silang magkakapatid. Tinuro nito sa kanya kung papaano ito gagamitin kasabay nang pagtuturo nito sa kanyang mga kapatid na lalake at kung hindi pa ito nakakagamit ay inanyayahan niya ito na maaari niya itong turuan.

Sinabi nang Hadi Yasir sa kanya na nakakita na siya nang busog at tudla maging nakagamit na rin ito.

Humingi ito nang tawad sa pagiging pangahas. Sinabi nitong gusto lamang nitong mabago ang usapan.

Wika nito sa kanya, “alam ko! Gusto mo ang pangangaso…gusto mo ang busog at tudla…wala akong alam sa iyo, hindi ko alam kung ano-ano pa ang gusto mo. Gusto kong malaman!”

Ngumiti siya. Wika niya, “gusto kong kumain! Nang marami! Hindi lang ako marunong magluto.”

Wika nito sa kanya, “at?”

Dagdag niya, “gusto kong matuto nang iba! Gustong makilala…Sabihin mo sa akin hadi Yasir, kung hindi mo mamasamain ngayon isa ka nang Hadezar ano ang pakiramdam nang pagiging isang patnugot at bagong pinuno? Masaya ba?”

Wika nang Hadi Yasir, “masaya…pero walang nagbago…ang tanging pagbabago lamang ay ang pagtawag sa iyo ng mga nakakasalamuha mo at kilala mo na simula nang pagkabata mo. Matagal na akong pinuno nang aking tahanan, nabubuhay pa lamang ang aking ina kahalili niya na ako sa pagpapatnugot sa mga kinasasakupang naming lupain. Kaya pangkaraniwan na lamang ito sa akin pero hindi ibig sabihin noon madali na ang lahat! Mahirap pa rin kung tutuusin.”

Pagtataka niya, “anong ibig mong sabihin…mukhang madali naman ang ginagawa mo nang aking tiyo!”

Wika nito sa kanya, “mabigat ang pagiging Hadezar. Higit kaninoman nakaatas sa isang Hadezar ang ikaangat o ikababagsak nang kanyang nasasakupan. Ang Hadezar ay kailangan maging maingat. Tuwid sa mga balak nitong gawin at sa mga lunggati. Na kailangang isaalang-alang ang nasasakupan at ang tahanan bago ang sarili.”

Hindi ito katulad nang mga naririnig niya o inakala. Hindi ito tahimik o mailap. Hindi ito katulad nang una niyang pagkakakilala dito hindi ito kakaiba o nakakatakot. Ang kanyang sapantaha sa Hadezar ay tuluyang naglaho nang araw na ito. Ito ang una niyang pagkakakilala sa Hadi Yasir.

Sinabi niya, “siguro hindi lang mahalaga sa pagiging Hadezar ang may pagpapahalaga sa nasasakupan nito o sa may katiyakan sa pagkakaroon ng tuwid na hangarin ang layunin ng isang Hadezar bagkus dapat ay may pagpapahalaga din siya sa kanyang nasasakupan, higit sa lahat.”

Wika nito sa kanya, “siguro nga! Kuyvvyet menzi, Kuyvvyet jai’se

Wika niya, “Oo—tama ang sinabi mo!” nang may ngiti.

Tugon nito sa kanya, “para ka maging malakas kailangan mo rin maging malakas para sa iba.”— Nabaling ang kanilang pansin sa bulwagan nang tahanan ng mga Roshan kung nasaan ang kanyang ina, kapatid at ang kanyang ama. Natakot siyang mawala dito at makuha nang Hadi Yasir. Ito ang tahanang kanyang kinalakihan. Ito ang tahanang hindi magagawang takas an.

Kasunod noon muli siyang lumingon sa Hadezar nang tahanan ng mga Barakat.

Wika niya sa Hadezar, “Kung ganon paano ka nakakasiguro?”

Tugon nito sa kanya, “tulad nga nang sinabi…mahalaga ang kapakanan nang mga nasa ilalim nang iyong patnugot!”

Umiling-iling siya. Pinigilan niyang magsalita ang Hadi Yasir. Muli tanong niya, “paano ka nakakasiguro na ako ang karapatdapat para sa iyo! Magkaiba ang ating pinagmulan…malaki ang agwat nang ating mga panahon sa isa’t isa.”

Dagdag nang Hadi Yasir, “at sa taas!” nang may ngiti.

Bagay na kanyang nginitian at sinang-ayunan.

Tugon nito sa kanya, “hindi! Hindi iyon! Pero nang nakita kita sa unang pagkakataon…hindi ko alam ang pakiramdam. Magulo ang sandaling iyon! Parang tumigil ang pagkakataon, nang makita kita…at nang kausap kita ngayon, masaya ako na kausap kita ngayon. Alam ko hindi mo ako magugustuhan at siguro darating ang panahon mawawala ang lahat nang aking nararamdaman kapag natauhan na ako sa pakiramdam na ito. Pero…kapag kausap kita nakakaramdam ako ng kalayaan. Siguro hindiman tayo para isa ‘t isa siguro hindi mo ako sasagutin o hindi mo ako pipiliin. Siguro nakahanap ka na nang iba, pero yung mga sandaling iyon na alam mo sa sarili mo na gusto mo siya at alam mo kung ano ang gusto niya—hindi ko alam, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, alam ko kung ano ang gusto mo at alam ko rin na gusto kita, Adi Hikmet!”

Wika niya sa Hadi Yasir, “patawarin mo ako!” Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot. Ayaw niyang saktan ang Hadi Yasir. Nakita niya na sumang-ayon ito sa kanya. Inintidi siya nito. Pagpapatuloy niya, “hindi ko masasagot ngayon kung anoman ang hinihingi mo sa akin!”

Dagdag nito, “kung iyong pahihintulutan at hindi mo mamasamain, Adi Hikmet!”

Nagbigay nang paggalang ang Hadi Yasir sa Adi Hikmet. Kasunod noon tuluyang itong nagpaalam sa tahanan nang mga Roshan at hindi na ito dumalaw pa sa kanilang tahanan.

Matapos ang ka nilang pag-uusap umalis din ang Hadi Yasir at nagpaalam din ito sa kanya.

Maagang umalis ang Hadi Yasir sa pagtitipon.

Sa mataas na hardin nakita niya ang kanyang tiyo. Sa pagpasok niya dito nakita niya ang kanyang tiyo katabi ang isang tuta na hinihimashimas nito sa kanyang hita habang nakaupo sila sa isang mahabang upuan na may sandalan at patungan nang mga kamay. Tinanong siya ng Hadi Mirza kung nakaalis na ba ang hadi Yasir bagay na kanyang sinang-ayunan. Sinabi sa kanya nang kanyang tiyo na pag-isipisipan niyang mabuti ang mga susunod niyang mga gagawin…masasaktan lamang siya, babagsak kasama nito sakaling maging asawa niya ito.

Nang gabing ito muling bumuhos ang ulan…Sa kanyang pagtulog nanaginip siya. Dinilat niya ang kanyang mga mata, nabaling ang kanyang atensyon sa namumuong sama nang panahon. Ramdam niya sa kanyang hubad na mga paa ang buhangin nang dalampasigan. Napakalamig nang simoy nang hangin sa pagbukang-liwayway. Tinanggal niya ang kanyang suot na damit. Tumakbo siya sa maalong dalampasigan at lumusong siya at lumangoy-langoy.

Lumipas ang mga araw sa pagtagal nanatili siya na nag-iisa sa loob nang kanyang silid. Naging pangkaraniwan lamang ang lahat sa loob ng tahanan ng mga Roshan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang mga tungkulin at gawain. Ang masalimuot na katotohanan ay bumabalik nang bumabalik sa kanya. Iniisip niya bago matulog kung papaano kung tama ang Hadi Yasir. Paano kung binaliwala niya lamang ang pagkakataong lumalapit na sa kanya para sa kagustuhan niyang maging patnugot. Patuloy ang pagbuhos nang ulan ng umagang ito. Hindi niya magawang tanggalin sa kanyang isipan ang sinabi nang Hadi Yasir tungkol sa kanyang kapatid. Kahit anong gawin niya hindi nawala sa kanya ang hindi mag-alala dito at sa asawa nito. Masyado pang bata ang mga ito…

Minsan sa gitna nang kanilang gawain tinanong niya ang kanyang ina kung nagkamali ba siya na paghintayin ang Hadi Yasir. Nag-alala ang Adi Arwa sa kanya. Sinabi nito sa kanya na wala siyang nagawang pagkakamali. Na pangkaraniwan ang magdalawang-isip.

Ngunit sinabi niya hindi sila pangkaraniwan. Sinabi niya sa kanyang ina na ito’y isang maingat na paraan.

Bagay na hindi ipinagkaila nang Adi Arwa. Dagdag nang Adi Arwa, “Ngunit kailangan nilang magpatuloy, anak!” Tama ang kanyang ina.

Sa kanyang paglalakad sa pasilyo nakita siya nang kanyang tiyo. Tinanong siya nito kung maaari ba silang mag-usap bagay na hindi niya tinanggihan. Umakyat siya sa mataas na hardin kasama ang kanyang tiyo. Tinanong niya kung ano ang maipaglilingkod niya dito.

Sinabi nang kanyang tiyo na sinabi na sa kanya nang Hadi Yusuf ang kagustuhan nitong maging patnugot at Hadezar nang tahanan nang mga Roshan.

Tinanong niya ang kanyang tiyo kung galit ba ito sa kanya. Hindi ito nagsalita. Bahagya tumahimik ito. Binaling nito ang tingin nito sa malawak na hangganan nang Ja’khar. Napansin niya ang kalungkutan nito sa mukha. Ang pagkadismaya sa nalaman tungkol sa kanya mula sa kanyang ama, bagay na inasahan niya nang mangyayari.

Sinabi nito sa kanya na hindi nito maiaalis ang magalit. Narinig niya ang pag-aalala sa boses nang kanyang tiyo. Muli ibinalik nito ang tingin nito sa kanya. Tinignan siya nito nang may pagkadismaya.

Sinabi nito sa kanya na hindi para sa kanya ang patnugot at pagiging Hadezar nang tahanan ng mga Roshan. Na katulad nang kanyang ama nangangamba ito na baka ipilit niya rin ang kagustuhan nito at hindi ito gustong mangyari nang Hadi Mirza. Wika nang Hadi Mirza, “hindi ako makakapayag na hayaan ka sa gusto mong mangyari. Ang sirain mo ang lahat nang pangarap ko sa aking tahanan. Kaya nakapagdesisyon ako. Hindi kita maaaring itakwil…mahalaga ka sa akin. Ngunit hindi na magiging katulad pa ang lahat!”

Naiwan siyang nag-iisa sa mataas na hardin ng tahanan ng mga Roshan.

Lumipas ang mga araw. Nagdaan ang maraming pagkakataon. Walang Hadi Yasir ang dumating o nagpakita sa kanilang tahanan. Nakasisiguro na ang Hadi Mirza na hindi matutuloy ang alok na pagtulong nang Hadi Yasir sa kanilang tahanan. Gayong kailangan nilang kumilos at makiusap at maghanap nang paraan para mailigtas nila ang kanilang tahanan mula sa pagbagsak nang tahanan nito. Lumapit ang kanyang tiyo sa Hadi Khalil, ang Hadezar ng tahanan ng mga Ardashir. Nakiusap ito dito na tulungan sila bagay na itinanggi nito…nagsumamo ito sa Hadi Khalil at gayong kinailangan niyang makiusap at ipagsangkalan ang kanyang sarili para tulungan nang Hadezar ng tahanang mga Ardashir ang kanilang tahanan at mga lupaing pinapatnugunan. Hindi nagtagal itinakda ang kanyang pag-iisang dibdib sa matandang Hadezar…na kung may magagawa lang sana siyang paraan para lusutan ang bagay na ito ngunit itinakda na ito.

Lumipas ang mga araw handa niyang gawin ang lahat para sa kanyang tahanan hanggang sa nalaman niya sa kanyang tiyo na tinanggihan nang Hadi Khalil ang alok nitong pagpapakasal sa kanya o maging tulong na hinihingi dito. May kinalaman dito ang Hadi Yasir. Alam nila. Hinuha ito nang kanyang tiyo. Walang nagawa ang tahanan nang mga Roshan kung hindi hayaan na lamang siya.

Pinag-isipan nang kanyang ama na kausapin ang mga Jingkar na nasa ilalim nang kanilang nasasakupan at tignan kung sino sa mga ito ang nababagay sa kanya para maging asawa. Ayaw nang kanyang ama ang maging isa siyang Hadezar, ang magtagumpay siya bagkus nalulugod ito sa kanya na makitang hindi masaya.

Lumabas siya nang silid-lutuan. Sa kanyang paglabas sa madilim na pasilyo bumaba siya sa mga baitang nang pasilyo at nagtungo sa malawak na lupain sa gitna nang tahanan kung saan pinili niya ang makapag-isa. Hindi niya inakala na ganon naging kababaw ang pagtingin sa kanya at paturing sa kanya nang kanyang ama. Umiyak siya.

Umiyak siya katulad nang pag-iyak niya noong maliit pa lamang siya at tinutukso-tukso nang kanyang mga kalaro dahil sa pagsasabi sa kanya na hindi siya isang babae o sa pagiging isa niyang kakaiba.

Sa mga sandaling to alam niya na nang wala na siyang magagawa pa. Nakapagdesisyon na ang kanyang ama at tiyo. Kung hindi siya magiging Hadezar nang kanyang tahanan maging asawa siya nang sinoman.

Hanggang sa hindi inaasahan bumukas ang pintuan nang tarangkahan ng mga Roshan at pumasok ang Hadi Batul kasama ang asawa nitong si Adi Ismat sa loob nang kanilang tahanan.

Nakita niya ang mga ito matapos ang mahabang panahon nang pag-aalala at panalangin. Nakita siya ng mga ito. Kagyat, dalidali siyang lumapit sa kanyang mga kapatid at niyakap ang mga ito nang mahigpit. Kinamusta siya nang Hadi Batul.

Humingi nang tawad ang Hadi Batul sa kanya. Bagay na kanyang ikinatuwa at ipinagpasalamat.  Hiniling nang kanyang kapatid na kung maaari ay makiusap nila ang Hadi Mirza.

Tumalima ang Adi Hikmet sa kanila. Sinabi niya sa mga ito matutuwa ang kanilang ama at ang Hadi Mirza sa kanilang pagbabalik. Kaagad dinala niya ang mga ito sa loob nang silid lutuan kung saan ang mga ito ay naroroon.

Nakita nang kanyang mga magulang ang kanyang mga kapatid na dumating. Niyakap nang kanyang ama at ina ang pagbabalik nang Hadi Batul sa kanilang tahanan matapos ang mahabang panahon at ang asawa nito. Tinanggap nila ito tulad nang nakagawian.

Umiyak ang kanyang kapatid sa paghinga nito nang tawad sa kanyang ama at tiyo sa pagiging alibugha nito. Bagay na kanilang pinatawad.

Maraming taon na nang nakakalipas simula nang mangyari ito, nang pakiusapan ng Hadi Batul ang kanilang tiyo na bigyan sila nang isang bahagi ng lupain ng asawa nito. Bagay na ibinigay nito sa kanila. Nang araw na umalis ang Hadi Batul kasama ang asawa nito sa kanilang tahanan ang araw na iyon ay naging maramdamin. Nakita niyang umiyak ang kanyang ama. Ang kanyang panganay na anak na lalake ay malaki na at paalis na sa ilalim nang pamumuno nito. Ang pagsusumikap nang mga ito na magkaroon nang sariling tahanan at magkaroon nang bukas ang binubuo nitong tahanan. Niyakap niya ang Hadi Batul nang umalis ito sa kanilang tahanan ganon din ang asawa nito. Subalit ang lahat nang pagsusumikap ay naglaho sa pananalasa nang matinding sama ng panahon. Tulad nang ibang tahanan bumagsak ang tahanan ng kanyang kapatid at ang pagbabalik nito ay pagtalima sa pagbangon.

Kinuwento nang kanyang kapatid kung papaano sila namalimos sa tahanan ng mga Harith. Na kung saan-saan nagpunta ang mga ito ng asawa nito upang mabuhay at makaahon sa tinatamasang kahirapan. Nang bumalik ang mga ito sa tahanan ng mga harith upang makiusap na tulungan sila at bigyan nang kahit kakaunting tulong…matutulugan o makakain…kahit tanggapinman o hindi walang itinulong ang mga ito sa kanila bagkus lalo pang pinagmukhang pulibi nang mga ito ang kanyang mga kapatid. Na kaysa tanggapihan tinanggihan nang mga Harith nang pagtulong ang kanyang kapatid at ang Adi Ismat na anak nang Hadi Nasrin at nang Adi Makbule.

Sinabi nang kanyang kapatid na hiningi ng Hadi Mahdi dito na ibalik sa tahanan nang mga Harith ang asawa nito na si Adi Ismat. Hindi ito pumayag sa halip walang nagawa ang mga ito kung hindi tanggihan ang alok ng mga harith at ang mga Harith ay talikuran ang mga ito.

Mabuti na lang nagmagandang loob ang Hadi Yasir at tinulungan sila nito. Bagay na kanyang ikinagulat nang maging nang knayang ina, ama at tiyo. Sinabi nang hadi Batul sa kanilang tiyo na kung hindi dahil sa Hadi Yasir ay baka tuluyan nang namatay ang mga ito.

Malaki ang itinulong ng tahanan ng mga Barakat sa kanila. Sinabi nang hadi Batul sa kanila na hindi maitatanggi dito ang pagmamahal nang Hadezar sa pamangkin nito, kaya ang mga ito ay nagawang tulungan. Nang narinig niya ito ngumiti siya. Hindi niya inasahan na mangyayari ito na sa huli ay makagagawa nang paraan ang Hadi Yasir upang makuha siya nito…

Sinabi nang kanyang tiyo sa kanyang ama na isa itong paraan nang Hadi Yasir. Patibong kung tutuusin bagay na hindi naman maikakaila na kinasangkapan ng Hadezar ng tahanan ng mga Barakat ang kanyang kapatid at ang asawa nito. Ito ang sandatang itinatago ng mapagpanggap na Hadezar.

Wala nang dahilan pa para tanggihan niya ang Hadezar ng tahanan ng mga Barakat. Iyon kung gusto pa ba nang Hadi Yasir na maipagkasundo siya dito. Bagay na isang suliranin…

Muling bumuhos ang ulan nang araw na ito. Mabilis na nagdilim ang buong paligid. At sa pagbubukas nang tore ng mga Hadezar, napansin nila ang aninong nagtatago sa kadiliman nang hapong ito. Ang Hadi Yasir. Dumating ang Hadi Yasir nang mag-isa. Lumapit sa kanila ang Hadi Yasir o siguroman ay alam na nito kung ano ang mangyayari. Nagbigay ito nang paggalang kasabay ng pagdating nito. Wala itong kaalamalam sa mga mangyayari. Katatapos lamang na sindihan ng kanyang ama ang huling tinghoy na nakababad sa isang sulyaw sa loob ng tore.

Nagbigay ito nang paggalang sa kanya matapos nitong magbigay nang paggalang sa Hadi Mirza. Sinundan nito nang pantawag na pamitagan sa kanyang ama.

Naalala niya ang una nilang pagkikita nang Hadi Yasir.

Sinabi nang kanyang tiyo sa Hadi Yasir na gusto niya itong kausapin. Bagay na pinagbigyan nito at sinang-ayunan. Tinanong nito sa kanya kung ano ang dahilan kung bakit gusto niya itong makausap.

Pinaalala niya dito ang una nilang pagkikita. Sinabi niya, “naalala mo ba…nang una tayong magkita?” Bagay na sinang-ayunan ng Hadezar ng tahanan ng mga Barakat. Pagpapatuloy niya, “hindi mo lang alam ang bangungot na iniwan nito sa aking mga panaginip…naging lamang nang aking isipan kung ano ang nangyari sa mga baitang ng tore mga Hadezar!” Sinubukan siyang pigilan nang Hadi Yasir at humingi ito nang tawad. “ang tingin mo sa akin…parang hinahamak mo ako…parang gusto mong hamakin ang aking pagkatao at wala akong magawa at hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Ang gulo…hindi ko maintindihan. Kapag hindi ko naalala ang araw na iyon naaalala ko ang iyong mukha. Alam ko isa iyong katangahan, isang malaking katangahan. Nalaman ko kung ano ang ginawa mo sa tahanan nang mga Ardashir. Ganon din nalaman ko na tinulungan mo ang aking kapatid at ang iyong pamangkin, nagpapasalamat ako sa bagay na iyon. Pero ano na lamang ang pagmamataas ang tinataglay mo para gawin iyon sa akin?” Sinubukan siyang pigilan nang knayang tiyo subalit hindi siya nakinig. Nagpatuloy siya sa kanyang pananalita, “siguro nga hindi tayo para sa isa’t isa. Siguro nga hindi kita magagawang mahalin o magagawang magustuhan, at darating ang panahon mawawala ang lahat nang ito na nararamdaman ko…pero sa tingin ko wala nang dapat pang sayanging mga sandali sana dumating ang pagkakataon na magustuhan din kita dahil alam ko na gusto mo ako Hadi Yasir!” Nilakasan niya ang kanyang loob. Sinabi niya, “pumapayag ako na makapag isang dibdib sa iyo, Hadezar!”

Pagtataka nang Hadi Yasir, “sigurado ka!”

Tumango-tango ang Adi Hikmet bilang pagsang-ayon sa Hadi Yasir.

Ngumiti ang Hadi Yasir sa kanyang sinabi. Nagpasalamat ito sa kanya. Ngunit pinaalalahanan niya itong huwag magpakasaya dahil sa kung inaakala nitong magiging madali siyang kasama ay nagkakamali ito. Alam nang Adi Hikmet na hindi magiging madali ang buhay niya sa tahanan ng mga Barakat magkagayon man ito ang tama.

Bagay na sinang-ayunan nang kanyang tiyo.

Tumango-tango ang Hadezar nang tahanan ng mga Barakat sa kanya bilang pagsang-ayon.

KABANATA APAT:

ANG MGA KASINUNGALINGAN

Ang Mga Sinungaling

Bumukas ang lagusan sa tore ng mga Hadezar, sa pagbukas ng lagusan pumasok ang nabalam at nahuli sa inaasahang pagtitipon ng sanggunian ng mga Hadezar. Sa pagpasok nito natunghayan nito ang kanina pang naabala sa kanyang huling pagdating. Humingi siya nang tawad sa kanyang pagiging huli. Hindi niya inakala na marami ang masmaagang darating kaysa sa kanya sa pagtitipon ng mga Hadezar. Kaagad umupo siya kasama nang mga ito sa isa sa mga mahahabang mga upuan na nakaharap sa altar kung saan makikita ang malaking tapiserya na larawan ni Battala.

Sa simula nang kanilang pagtitipon hindi na sila nagpatumpiktumpik pa, pinag-usapan nila ang pagtatakdang gagawin sa susunod na patnugot, pinuno at Hadezar nang tahanan ng mga Barakat. Hindi lingid sa kanila na ilang araw pa lamang ang nakararaan simula nang mamatay at mailibing ang Adi Hiba, ang dating Hadezar nang tahanan ng mga Barakat datapwat ang ilang araw na itong tinutukoy ay napakatagal para sa pamumuno sa Ja’khar. Kahit pa sabihin na hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng puwang sa kalipunan nang mga Hadezar.

Alam nang apat na mga Hadezar na kayang mabuhay nang higit pa ang Ja’khar kahit bawas ang kalipunan ng mga pinuno at walang kinikilalang Hadezar ang isa sa mga tahanang bumubuo sa kalipunan ng Ja’khar. Ilang ulit na itong napatunayan. Ang pinakamatagal ay siyam na taon—ang pagbagsak ng tahanan ng mga Barakat…sa ikalawang pagkakataon.

Magkagayonman hindi sila maaaring mabakante nang isang katungkulan lalo pa’t tuloy-tuloy ang nararamdaman nilang kaginhawahan na nagsimula halos dalawampung taon na ang nakararaan. Sinabi nang Hadi Mahdi, ang hadezar ng tahanan ng mga Harith, hindi sila maaaring mag-aksaya nang pagkakataon at patagalin ang pagbabakante sa katungkulan nang Hadezar ng tahanan ng mga Barakat. Marami ang nangyayari sa malayang Andes nang hindi nila kagustuhan. Lalo pa paligidligid sa labas nang kanilang bayan ang maraming panganib na naghihintay at nakaumang sa banta nang pagpasok at panghihimasok na handang manalasa. Mahirap na kung dadalhin pa nila ito sa loob at hahayaang.

Paalala nang Hadezar ng tahanan nang mga Parvana, ang Hadi Hagir, hindi nila maaaring kalimutan na hindi pa nakakabangon ang kanilang lipunan mula sa pananalasa nang sama nang panahon.

Gayong sa tingin nang Hadi Mahdi ay makabubuti ito para sa kanilang lahat, lalo pa matapos na manalasa ang sama nang panahon.

Pagtataka nang isa, ang Hadezar nang tahanan ng mga Roshan, Ang Hadi Mirza kung bakit ngayon lang…kung ilang buwan na ang nakakalipas at halos magtatapos na ang panahon nang pag-ani gayong ngayon pa lamang sila kikilos at maghahanda sa pagtatalaga nang isang bagong Hadezar para sa tahanan ng mga Barakat.

Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Khalil, ang Hadezar nang tahanan ng mga Ardashir.

Walang kumibo…

Sinabi nang Hadi Hagir na may isang pagkakamali ang hindi nila inaasahan…isang pagkakamali na wala sa hinagi ay makikita at malalaman. Baga na sinang-ayunan ng Hadi Mahdi. Tinanong nang hadi Mirza kung ano ang pagkakamaling iyon at ang sagot nang Hadi Mahdi ay, “kaguluhan!”

Tinanong nang Hadi Khalil kung paano sila nakasisiguro.

Sinabi nang Hadi Mahdi na nakipagtulungan sila sa Herren nang Ka’desh matapos nitong humingi sa kanila nang tulong.

Bagay na ipinagtaka nang Hadi Khalil. Tinanong nito ang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana kung alam rin nito ang tulong na pinagsasabi nito. Bagay na pinatotohanan nito at inaming naroroon siya nang magkita ang Hadi Mahdi at ang Herren nang ka’desh.

Bagay na lalong ipinagtaka nang Hadi Khalil at tinanong kung bakit hindi nila ito nalalaman o gayong walang sinoman ang nakakaalam nito…bagay na sinang-ayunan nang Hadi Mirza.

Pinaliwanag nang Hadi Mahdi na naganap ito bago ang pamiminsala nang sama nang panahon at ang kamatayan nang Adi Hiba. Tinulungan nila ang Herren laban sa kapatid nitong umaangkin nang katungkulan nito. Ngunit nang nagtagumpay ang Herren nang Kadesh laban sa kapatid nito nalaman nilang nakisali rin ang Qaa’ur sa labanan nang magkapatid…lumakas ang pagkakataon nang kapatid nang Herren upang maangkin dito ang kapangyarihan sa pamumuno sa buong Ka’desh at ngayon humihingi nang dagdag na tulong ang ka’desh sa kanila, bagay na hindi nila maaaring gawin.

Gayong tuluyan nang nagsimula ang kaguluhan sa Ka’desh at hinhintay nito ang kanilang tulong.

Tugon nang Hadi Mirza na may pangamba ang naidulot na kamatayan nang Adi Hiba na hindi nila maaaring ipagsawalang-bahala. Nasa kaguluhan ang Ka’desh, gayon din ang kanilang bayan na nangangamba at natatakot baka matapos ang kapayapaan at kasaganahan na nararamdaman nila sa mga sandaling ito. May kaguluhan sa kanilang bayan at hindi maghihintay ang sinoman na may takot at pangamba ng matagal para iwaksi at ipakilala sa kanila ang kaguluhan ito…Takot na ngayon lamang muli nararamdaman.

Hindi sila maaaring baliwalain ang tinatamasang mahabang panahon ng kapayapaan na kanilang nararanasan…iyon ang hindi maikakaila.

Sinabi nang Hadi Khalil na hindi nila maaaring sabihin kung ano ang nangyayari sa Ka’desh, ang kaguluhan sa dalawang magkapatid…ang pagkakaroon nang digmaan. Walang sinoman sa mga tagabulong ang dapat makaalam nang mga nangyayaring ito, mahirap na kung kumalat ito at maghasik.  Bagay na pinagkaisahan ng lahat.

Sinabi nang Hadi Mahdi na ito lamang ang tanging paraan upang makalimutan at mawaglit sa Ja’khar ang mga takot at kaguluhan pansamantala.

Datapwat dagdag nang Hadi Mirza na magkagayonman hindi na nila maaari pang hayaang bumagsak ang tahanan ng mga Barakat tulad nang kanilang ginawa mahigit dalawampung taon na ang nakakalipas. Bagay na sinang-ayunan nang Hadi Mahdi.

Malinaw sa kanilang ang lahat…Matapos noon agad nilang itinakda ang pagsilang ng pinuno, patnugot at ang bagong Hadezar nang tahanan ng mga Barakat—

Ang Hadi Yasir

Nang muling buksan ang lagusan nang tore agad siyang pumasok sa loob nito na kagyat sinara rin nang mga Hadezar. Sinalubong siya nang may kagalakan at kasiyahan nang kalipunan ng mga Hadezar. Kasabay nito tinanggap siya nang mga ito na maging bagong kabahagi nang kalipunang kinikilala nang lahat. Unang lumapit sa kanya ang Hadi Mahdi na bumati at tumanggap sa kanyang pagdating…na sinundan nang iba pang mga Hadezar.  Siya ang bunsong at nag-iisang anak na lalake nang yumaong Adi Hiba, siya ang magiging tagapagmana ng kanyang tahanan. Sa itinakdang panahon, sa ikatlong araw simula nang kausapin siya nang mga ito at sabihin sa kanya ang kanyang pagsilang at pag-angat, sinimulan niyang angkinin ang para sa kanya at tanging sa kanya lamang. Wala nang kailangan pang pagbotohan, walang mali sa mga nangyayari ngayong araw…sa pagpasok niya sa tore ng mga Hadezar, sa pagtanggap sa kanya nang kanyang kalaban bilang inaakala nitong kakampi at sa mga kasinungalingang kumakalat sa hangin sa loob ng tore. Alam niya. Nakatitiyak siya na sa simula pa lamang siya na ang dapat maging Hadezar.

Ang loob nang tore nang mga Hadezar ay inayos upang makapagtanggap nang maraming mga panauhing makikinood sa kanyang pagsilang. Suot ang kulay nang kanyang tahanan, at iwinaksi ang mga lumang itim at kayumanggi, isang pangkaraniwang pulang Báta na walang burda liban lamang sa katingkadang tinataglay nito, kasingpula ng dugo, kasingtingkad nang mga bulaklak. Makapal at hindi maikakailang mamahalin ang itsura. May braso ang Báta na hanggang sa ibabaw nang kanyang siko. Ang kanyang suot na saluwâl ay may laylayang isang talampakan ang pagitan mula sa bukong-bukong nang kanyang paa, burdado nang mga ginintuang sinulid at nagtataglay nang mga okri na mga disenyo nang mga malalaking pulang bulaklak ng Cafir at nang mga mayayabong na mga dahon ng mga puno nang buri at uway. May mga bakal na panara at sinturong gawa sa ginto na nakatali sa kanyang beywang at hinihigpitan sa kanyang suot na damit. Nakapusod ang kanyang buhok, bagong ahit ang kanyang mukha at paligid nang kanyang ulo. Ang kanyang mga binti ay may mga bagong tata’u na mistulang balat nang mga buwaya ang itsura.

Sa kanan niyang palasinsingan suot niya ang luntiang batong singsing nang kanyang ina. Ang kanyang mga kamay ay nagtataglay nang mga galang na gawa mula sa balat nang buwayang Magan. May pangkulay ang kanyang mukha nang itim na makikitang nakaguhit nang pahalang sa kanyang mga mata upang lalong tumingkad ang luntiang niyang mga mata.

Ito ang unang pagsilang nang isang Hadezar matapos ang dalawampung taon.

Sinimulan niya ang unang bahagi nang kanyang pagsilang. Sinugatan niya ang kanyang sarili at pinatak sa malinis na tubig na nakalagay sa isang palanggana. Kasunod noon isa-isa niyang tinanggap at pinanumpaan ang mga saligang nagtatakda at sumasailalim sa bawat Jingkar, Hadezar man o hindi. Sampung saligan para sa mga nasa ilalim nang kanilang pamumuno. Lima para sa kanilang katungkulan. Dalawampu para sa lahat nang Ja’khar na kinakailangan niyang ipanukala. At dagdag na tatlumpu’t lima para sa iba pang mga saligan na naayon sa kanyang katungkulan na kinakailangan niyang isadiwa, sundin, ipanukala at isagawa sa kanyang pinapatnugunan. Bagay na kung tutuusin hindi niya kinikitaan nang ikalulugod, sa kanyaman o sa kahit kanino na nasa ilalim nang kanyang patnugot. Sa halip ay binibigyan lamang siya layaw na panghawakan hangga’t sa gusto niya ang kanyang katungkulan.

Matapos ang panunumpa binuksan nang mga Hadezar ang lagusan nang tore na gawa sa matibay at makapal na kahoy at mga bakal na inukit na debuho. Sa pagbubukas nang pintuan nakita nang mga ito ang mga Jingkar na inanyayahan at gustong mapanood ang kanyang pagsilang. Dagsa ang mga ito sa labas nang tore nang mga Hadezar, sa mga baitang at sa paligid na lupaing nakapalibot dito. Siguro nagmula ang mga ito iba’t ibang mga tahanan…siguro inanyayahan at inimbita sa kanyang pag-angat bilang ang pinakabagong Hadezar ng tahanan ng mga Barakat.

Nakaluhod siya sa harap nang Hadezar nang tahanan ng mga Harith. Nakapatong sa kanyang katawan ang isang mahabang kapa na ang laylayan ay lagpas sa nakaluhod niyang katawan. Mamulamula at kupas na ang kulay ang makapal na kapa. Burda ng mga ahas na gumagapang sa mga kwadradong mga hugis na mistulang mga sakahan.

Katabi nang Hadi Mahdi ang Hadi Khalil, ang kanyang tiyo, ang Hadezar na nagsabi sa kanyang ina at mga kapatid na tapos na ang panahon nang pagtulong nang mga Hadezar noong bagsak na bagsak sila at walang-wala. Matapos ang pagbubukas nang lagusan ng tore ng mga Hadezar bumalik sa pagkakahanay ang mga Hadezar nang tahanan nang mga Roshan at Parvana sa kanyang harapan.

Sumumpa ang Hadi Yasir sa kalipunan nang mga Hadezar. Pinangako niya ang mga tinupad na mga inatas na susundin, isasadiwa at isasagawang tinalimang mga batas. Bagay na mahirap gawin kung tutuusin. Pinangako niya ang paggalang sa kanyang mga nasasakupan. Pinangako niya ang paggalang sa kalipunan nang mga Hadezar at sa kapwa niya mga Hadezar. Itinaas niya ang kanyang ulo at tumingala sa Hadezar nang tahanan ng mga Harith, ang kanyang kalaban.

Sinabi niya na siya ang Hadezar na mamuno sa tahanan ng mga Barakat. Siya na mula sa lahi nang mga Barakat. Bunsong anak nang Adi Hiba na marikit, dating hadezar, at nang Hadi Karim na anak nang makatwirang Hadi Abbas, dating Hadezar, ay babangon at isisilang bilang ang pinakabagong Hadezar ng Ja’khar— nang tahanan ng mga Barakat.  Kinuha nang Hadi Mahdi ang isang bakal na sulyaw na naglalaman nang pulang putik na may halong langis. May masangsang ang amoy. Magaspang itsura.

Dinilat niya ang kanyang mga mata.

Kasunod noon pinahid nang Hadi Mahdi ang pulang putik sa kanyang noo nang pakurbado na sinundan nang patayong linya sa kanyang ilong. Sinundan ito nang hadezar nang tahanan ng mga Ardashir. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Pinahid nito sa kanya ang pulang putik at inilagay sa kanyang mukha nang pahalang. Sinundan ito nang hadezar ng tahanan nang mga Parvana maging ito pinahid sa kanya ang pulang putik nang pahalang sa kanyang mukha. Huling gumawa nito sa kanya ay ang Hadezar nang tahanan ng mga Roshan na naglagay nang pulang guhit pahalang sa kanyang mukha.

Matapos ang pagpahid isa-isang naghugas nang mga kamay ang ngayong kapwa niya mga Hadezar sa isang maliit na palanggana na nasa likuran nang mga nakaharap sa kanyang Hadezar kung saan niya sinugatan ang kanyang kamay at hinayaang itulo ang dugo. Buo na ang kanyang loob. May galit at suklam ang kanyang mga mata kasabay nang masangsang na amoy na nasa kanyang mukha. Tikom ang mga salita, may dungis ang pagdadalawang-isip.

Kasunod noon inutusan siya ng Hadi Mahdi na tumayo mula sa pagkakaluhod nito. Bagay na kanyang ginawa. Sa kanyang pagtayo humarap siya sa mga Jingkar na nasa labas nang tore ng mga Hadezar at naghihintay sa kanyang pagsilang.

Tinanggal nang Hadi Mahdi sa kanyang katawan ang mabigat na kapa na nakasabit sa kanya likuran. Saka siya maingat naglakad, bumaba sa altar sa loob ng tore ng mga Hadezar kung saan makikita ang larawan ni Battala.

Ngayon ganap na siyang Hadezar nang tahanan nang mga Barakat. Ngayon magsisimula ang pagkilos nang kanyang mga binabalak na paghihigante…Nagsimula siyang maglakad palabas sa mistulang tagilo na tore.

Nakita niya ang kanyang mga kapatid na nag-aabang at pinapanood ang kanyang pagsilang. Nakangiti ang mga ito sa kanya. Tumango sa kanya bilang pagbibigay galang.  Ang mga ngiting ito ay hindi ngiti nang kagalakan bagkus ngiti nang pagsang-ayon.

Ang kanyang pagsilang ay isang maingat at mahusay na paraan nang kanyang ina. Pinaghandaan inaasahan at ipinangako. Alam niyang mangyayaring ito. Noonman, hanggang sa ngayon hindi nawalan sa kanyang ina ang pag-asa na siya balang araw ay magiging Hadezar ng kanyang tahanan. Isang pangako hanggang kamatayan.

Ang kanyang bawat pagkilos ay mahinahon at mabagal datapwat pinapansin at hinahamak. Nagpatuloy siya kahit alam niyang mabigat ito sa kanyang pakiramdam. Nagpatuloy siya. At sa kanyang pagiging Hadezar, sa kanyang paglabas sa toreng mistulang tagilo na hindi hamak na maliit kumpara sa tore ng mga anino. Maaamoy ang kasinungalingang nakaligid sa hangin, isang masangsang na amoy na masakit sa ilong. Isang masangsang na amoy na nagmumula sa pangkulay na nasa kanyang mukha.

Ang kanyang pagiging Hadezar ay hindi isang kasinungalingan.

Naglakad siya sa mga baitang nang tore pababa sa daanan. At sa pagbaba niya sa mga baitang sinundan siya nang kanyang mga kapatid na Adi. Sa bawat Jingkar na kanyang nilalagpasan at ngayon pa lamang nakita nakatitiyak siyang walang ibang iniisip ang mga ito kung hindi ang kanyang pagsilang. Na sa bawat huwad nilang ngiti na binabalikan niya nang ngiti na lumalatay sa kanyang pagkatao: siya bilang ang panibagong Hadezar na magpapabagasak sa kanyang tahanan; siya bilang ang panibagong Hadezar na magiging sunudsunuran at alipin nang mga maimpluwensya na kanyang mga kalaban.

Bagay na hindi niya hahayaang mangyari…Bagay na mahirap makuha.

Ang kanyang pangako sa labi nang kanyang ina ay walang katiyakan, lalo pa’t nandoon at nakikinig sa kanyang mga panalangin ang nagmamanyikang nasa likuran nang pag-angat nang tahanan ng mga Harith at nang Hadezar nitong si Hadi Mahdi.

Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad at sa kanyang pagbaba sa mga baitang hindi inaasahan na makita niya ang isang hindi pangkaraniwan, isang Hariqa.

Bigla tumigil siya sa kanyang paglalakad. Bigla tumigil ang mga sandali sa kanyang pagkilos at paggalaw nang bawat nakapaligid sa kanya. Naglaho ang mga mukha nito nang tulad sa isang malikmata. Hilam. At liban lamang sa kanya at ito ang mistulang nanunuri sa isa’t isa.

Nagtaka ang mga Jingkar na nakapaligid sa kanya. Tinitigan siya nang mga ito.

Nakita niya ang pagtataka sa mukha nang kanyang tinitigan. Kita niya dito ang hindi maitatangging pagkahiya sa knayang ginagawa.  Napatingin ito sa kasamang Adi nito, may ibinulong sa tenga.

Lumapit sa kanya ang Adi Sule. Tinanong siya nito kung ano ang kanyang ginagawa. Kung bakit sila tumigil…Sinabi nito sa kanila na pinagtitinginan sila nang mga nakapaligid sa kanila ngunit wala siyang pakialam. Wala siyang narinig dito. Bulag at bingi ang kanyang mga nakikita sa kanyang paligid mga larawang nakaguhit at walang kulay.

Nagsimulang magbulungan ang mga Jingkar na nakapaligid sa kanya. Nakaramdam siya nang pagdududa sa kanyang sarili at sa kauna-unahang pagkakataon sa tanan ng kanyang buhay hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Biglaan at kasing bilis nang pagguhit ng kidlat ang mga pangyayari.

Hinangad niya na malaman kung sino ito. Gusto niyang malaman ang pangalan nito…kung ano ang ginagawa nito sa kanyang pagsilang at bakit ngayon niya lamang ito nakita gayong ni minsan hindi pa sila nagkikita.

Sa kauna-unahang pagkakataon nakilala niya ang Adi na itinitiyak niyang nababagay sa kanya kahit hindi siya nakasisiguro. Sa kauna-unahang pagkakataon nakilala niya ang Adi Hikmet na mula sa tahanan ng mga Roshan.

Lumapit sa kanya ang Adi Makbule. Sinabi nito sa kanya na may panahon ang ganitong mga bagay sa ibang pagkakataon. Sinabi nang kanyang nakatatandang kapatid na babae na kailangan nilang magpatuloy…na kailangan silang maglakad pababa sa mga baitang ng tore ng mga Hadezar at pabalik sa kanyang tahanan at maging mapag-isa. Bagay na hindi niya na alam kung gugustuhin niya pa bang makapag-isa.  Ngunit napilitan siyang gawin kung ano ang kagustuhan nang kanyang nakatatandang kapatid na babae para na rin sa kabutihan nang nakararaming panauhin na dumalo sa kanyang pag-angat at pagsilang…

Nagbigay siya nang paggalang sa pamamararaan ng pagtango at kasunod noon tinanggal niya ang kanyang pagkakatitig sa Adi na kanyang kaharap. Naglakad siya pababa sa mga baitang nang tore nang mga Hadezar at nang tuluyan na siyang nakababa. Humarap siya sa kanyang mga kapatid. Nagbigay ito nang paggalang sa kanya. Niyakap siya nang Adi Makbule na sinundan nang pagyakap at paghalik sa kanyang kamay nang Adi Sule. Hinawakan nito ang kanyang balikat. Sunod tumango-tango ito sa kanya bilang pagsang-ayon…

“Ikaw na ang bahala sa amin…” pagkakaalala niya. Tinalikuran niya ang mga ito. Binaling niya ang kanyang sarili sa mahabang daanan pabalik sa kanyang tahanan habang hinihintay siya nang mga anino na nasa ilalim nang kanyang pamumuno.

Kasunod noon sumakay siya sa isa sa kayumangging asong-gubat na kanyang alaga na hawak nang isa sa mga Anino na naglilingkod sa kanyang tahanan.  Bago siya umalis, binaling niya ang kanyang pansin sa mga panauhing nasa labas nang tore ng mga Hadezar. Tinignan niya ang mga nasa baitang ng tore ng mga Hadezar. Kasunod noon tumingala siya at tinignan ang tore. Saloob niya sa kanyang sarili ito pa lamang ang simula. Matapos noon tinawag niya ang pangalan nang asong-gubat. “Mamé”. At saka siya kumilos. Tumalikod at nagpatuloy.

Kasama ang iilang mga Imago nang tahanan ng mga Barakat na kanyang pinamumunuan iniwan niya ang tore nang mga Hadezar. Sinimulan niyang bagtasin ang pangunahing daan, ang daan ng mga panaghoy, pabalik sa kanyang tahanan.

Sa pagbalik niya sa tahanan nang mga Barakat dinala niya si Mamé sa loob ng yungib ng tahanan. Lumabas siya sa madilim na pasilyo at sa kanyang paglabas nakita niya ang pagal na itsura nang kanyang tahanan. Ang kalungkutang namamayani dito…at hindi maipinta nang kadiliman na namumukod tangi.

Binaba niya ang paratilya at ang sapin ng asong-gubat sa sampayan na malapit sa paliguan at sa bulwagan. Kasunod noon umakyat siya sa ikalawang palapag ng tahanan ng mga Barakat. Nagpatuloy ang kanyang buong araw na lubhang pangkaraniwan. Kumain nang kanyang hapunan …nagbabad sa mainit na tubig nang bukalan…nagpakalango sa nakakalasing na inumin at saka bumalik sa kanyang silid.

Nang gabing iyon, hindi niya magawang tanggalin sa kanyang isip ang mukha nang Adi na kanyang nakikita, na una niyang napansin sa mga baitang nang tore ng mga Hadezar at naaalala. Ngumiti siya. Kasunod noon pinikit niya ang kanyang mga mata. At narinig ang kanyang haluhoy sa kadiliman.

KABANATA TATLO:

ISANG PAHIMAKAS

Isang masamang panahon ang tumama sa Ja’khar. Hindi ito ang una sa mga masasamang mga panahon na madalas at kalimitang bumabayo sa nasabing lipunan. Tulad nang mga nauna na malakas ang tinataglay nitong hangin. Ang ulan na idinudulot nito ay pahirap, tuluy-tuloy na bumabagsak at walang tigil. Ngunit ang kalakasan nito sabihinman na kalunuslunos at karimarim pangkaraniwan na ang taglay nitong hangin na sumasalanta sa bawat pananim at nagtataasang mga puno na nabubuwal.

Una itong naramdaman sa katanghalian. Umaga palang makulimlim na ang langit. Malamig na ang simoy nang hangin. At ramdam na ang pagbabadya nito. Nakapaghanda na ang buong Ja’khar. Maagang natigil ang mga kabahayan at ang buong estado ay nagmistulang libingan. Nang dumating ang tanghali nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan. Tuluy-tuloy at wala itong patid. Dumating ang kinagabihan patuloy itong nagparamdam, mistulang mga higanteng namiminsala sa mga pananim na inaasahan. Sa pagbukang-liwayway at kinabukasan ramdam pa rin ang masamang panahon. Nang araw na ito kinailangan nila kahit papaanong tumawid sa kanilang pagkagutom. Ang ilan ay lumabas at kumilos at naghanapbuhay. Ang ilan siniguradong magiging ligtas ang kanilang tahanan, mga ariarian at kinabubuhay.

Nang dumating muli ang gabi ang pagtanaw sa lupa nang mata nito ay lalong nagpamalas nang higit na pamiminsala sa buong Ja’khar. Ito ang pinakamapangib na mga sandali. Marami ang mga namatay…mga hayop, mga mamamayang kinasasakupan marami ang nasirang mga ariarian gumuhong mga tahanan nawasak na kinabukasan.

Tatlong araw na nilamon ang buong Ja’khar nang kadiliman at malalakas na hangin at pag-ulan. Sa ikatlong gabi humupa ang bagyo naglaho ang kadiliman at muli nasilayan ang mga tala sa Ja’khar. Sa ikaapat na araw nagsimulang maging banayad ang kalangitan. Muling narinig ang mga huni nang mga ibon at ang kalangitan ay naging maaliwalas.

Nagsimulang kumalat ang mga anino sa lupa at mga Anino sa daan. Maraming mga Jingkar ang maagang nagising upang magpatuloy at tignan kung ano ang maaari nilang sagipin sa mga nagambala nilang pamumuhay.

Maituturing ang araw na ito na isang mapalad na umaga para sa Ja’khar.

Ang Pagkilala sa kanya

Ang unang ingay ang gumising sa kanya. Siya ay si Adi Ayda…Narinig niya ang paggising sa kanya nang nakatatanda niyang kapatid. Napilitan siyang bumangon sa kanyang mahimbing na pagkakatulog sa kadiliman nang kanilang tahanan. Sa pagbangon niya agad siyang kumilos. Inayos ang kanyang higaan…ginugulong ito at inalagay sa ilalim nang kama nang kanyang mga kapatid. Inayos niya ang pinakabunso niyang kapatid sa tabi ng kakambal nito na parehong mahimbing pa rin natutulog.

Tinawing-tawing niya sa kanyang sarili ang kapalaran ng mga bunso niyang kapatid na mapalad dahil wala itong mga nalalaman. Nagliwanag ang kanilang silid. Sinindihan ng kanyang ina ang timsim ng tinghoy na nakababad at nakalagay sa sulyaw.

Kanina pa gising kanyang nanna. Ito ang maagang bumabangon sa kanila para asikasuhin ang kanilang tahanan, ang kanyang ama at silang magkakapatid.  Ito ang tumatayo ngayong patnugot nang kanilang tahanan habang ang nakatatanda niyang kapatid ang kahaliling pinuno ng kanilang lupain.

Nang umagang ito maagang nagliwanag ang kanilang buong kabahayan.

Bumaba siya sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan. Una niyang nakita ang kanyang ina na nagluluto nang kanilang agahan. Sunod ang kanilang ama na nakaupo sa malaking kahon na kinasasadlakan nito dulot nang isang matinding sakit na unti-unting pumapatay dito.

Nakita niya ang kanyang nakatatandang kapatid na nakaupo malapit sa kanilang mahabang hapagkainan na tumutulong sa kanilang ina at naghahanda sa kanilang almusal.

Ang salubong sa kanya nang kanyang nakatatandang kapatid, “iyi’owuro malika!” magandang umaga, prinsesa sa wikang Jingkaris nang may panunuyo. Bagay na hindi niya pinansin…sadyang wala siyang pakialam.

Tinanong niya ang kanyang nakatatandang kapatid kung anong oras na. Sinabi nang kanyang ina na oras na upang umupo sa kanilang hapagkainan at mag-agahan.

Sa pagbaba niya nang hagdan mula sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan lumapit sa kanya ang nakatatanda niyang kapatid na lalake. Niyakap siya nito. Humingi ito nang tawad dahil kinailangan niyang bumangon nang hindi inaasahang maaga. Dagdag nito sa kanya na wala silang magagawa at higit nilang kailangan ang maraming katulong.

Binuhat siya nang kanyang kapatid at matapos ang tatlo pang baitang na kanyang tinalon inutusan siya nitong puntahan ang kanilang ama at magbigay ito nang paggalang sa haligi nang kanilang pamilya. Bagay na kanyang ginawa.

Umupo siya sa mahabang upuan at nakisalo sa almusal nang ilan niyang mga kapatid na babae na masmaagang nagising kaysa sa kanya.

Ang kanilang agahan ay mainit sabaw na may butil ng mais, tinadtad na karne nang pato na ginisa sa pampalasa at may mga malalaking karne ng baboyramo. Matapos ang kanilang agahan agad silang kumilos na magkakapatid. Ang nakatatanda niyang kapatid na babae ang naging bahala sa paglilinis at pag-aayos nang kanilang mga kinainan. Umalis ang kanyang nakatatandang kapatid kasama nang iba pa nilang mga kapatid na lalake na hindi nalalayo sa kanyang gulang.

Habang siya kinuha niya ang isang mahabang lubid na nasa dulo ng lamesa at insensaryo na nilagyan nang pinatuyong dahon nang Cafir at sinindihan saka sumama sa pag-alis kasama nang mga kapatid na babae upang pausukan ang kanilang sakahan na maisan ng umagang ito.

Hindi siya nagpahuli. Ginawa niya kung ano ang kinakailangan niyang gawin. Pero laro lamang sa kanya ang kanilang ginagawa. Iyon ang totoo. Iyon ang hindi maitatanggi. Naghiwahiwalay silang magkakapatid. Kung saan-saan sila nagpunta at siya malayo sa kanyang hinagi. Ito ang kanyang mundo. Ang kanyang lito kahit kailanman hindi siya maliligaw.

Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad sa loob ng sakahan ng maisan at sa kanyang paglalakad isang hindi inaasahan ang nakatawag sa kanya nang pansin. Napatigil siya.  Nabaling ang kanyang atensyon. Napansin niya ang isang malaking bagay na kanyang inakalang isang patay na hayop na maaaring isa sa mga nasawi sa sama ng panahon. Lumapit siya sa kung ano ang mistulang bagay na nakatago sa likurang nang mga nagtataasang mga tangkay. Nakakita siya nang dugo sa lupa. At sa kanyang pag-uusisa hindi inaasahan ang kanyang nakita.

Nagdulot ito nang matinding takot sa kanya. Dalidali siyang umuwi pabalik sa kanilang tahanan. Nabitawan niya ang insensaryo sa lupa at kumaripas nang takbo papalayo sa kinatatakutan at patungo sa kanyang pinagmulang tahanan. Dalidali siyang tumakbo sa maputik na lupa at nang narating niya ang kanilang tahanan agad narinig niya ang pagtigil sa kanya nang kanyang nakatatandang kapatid na lalake.

Tinanong nito sa kanya bakit ito humahangos. Ano ang meron sa loob nang maisan. At sinabi niya kung ano ang kanyang nakita. Inutusan siya nito na pumasok sa loob nang kanilang tahanan sabihin ito sa kanilang ama at siya ang bahalang tumingin dito.

Pumasok siya sa loob. Agad binalita niya sa kanyang mga magulang kung ano ang kanyang nakita. Sinabi nang nakatatandang kapatid niyang babae na gumagawa lamang siya nang kwento upang hindi siya kumilos. Bagay na kanyang itinanggi. Sinabi niya na hindi siya gumagawa ng kwento. Na mismong ang nakatatanda nilang kapatid na ang tumiyak at nakasiguro sa kanyang nakita.

Bumalik ang kanyang kapatid kasama ang isa pa nilang kapatid na babae.

Tinanong nang kanyang ina kung ano ang nakita nila. Tumaggi itong sagutin kung anoman ang kanilang nakita ngunit pinatotohanan ito nang isa pa sa kanyang nakatatandang kapatid na babae. Isang masamang biro para patotohanan ito nang kanyang nakatatandang kapatid.

Inutusan nang kanyang ama ang kanyang nakatatandang kapatid na lalake na sigurduhin kung ano ang nakita nilang magkakapatid at gayon tawagin na rin nito ang isa pa nilang kapatid na lalake.

Tinuro nilang magkapatid kung saan nila nakitang nakabulagta ang bangkay nang Adi. Tinayak nang mga ito sa kanilang abu kung ano ang kanilang nakita…

Sa pagpunta nila sa loob nang taniman kung nasaan nakabulagta ang matandang babae tiniyak nang kanyang mga nakatatandang kapatid na lalake na nagsasabi siya nang katotohanan. Isang Jingkar ang natagpuang nakahandusay at wala nang buhay sa loob nang kanilang maisan. Lumapait ang kanyang nakatatandang kapatid. Tinanggal nito ang iilang mga nagbagsakang mga tangkay. Sa takot sinabi nang kanyang magulang na kapatid na lalake na huwag itong gawin, bagay na kanilang sinang-ayunang mga babae, ngunit hindi ito nagpapigil.

Bigla sa pagkatanggal nang mga tangkay, nagulat ang kanyang panganay na kapatid. Nagtaka ang isa niya pang kapatid na lalake. Tinanong nito kung sino ang nakahandusay at wala nang malay na Adi sa kanilang lupain.

Sinabi nito sa kanila na ang Ading ito ay hindi lamang basta Adi kung hindi ang kanilang Hadezar.

Tinanong nang kapatid niyang babae kung ano ang gagawin nila. Sinabi nang nakatatanda niyang kapatid na bantayan nila ang bangkay. Na babalik siya kasama ang kanilang ama.

Sinubukan siyang pigilan nang isa pa nilang kapatid ngunit ginawa nang kanilang abu kung ano ang nararapat.

Sa pagbalik nang kanyang nakatatandang kapatid na lalake kasama ang kanilang ama at ang kanilang ina sinabi nito sa kanila na kailangan itong malaman nang tahanan ng mga Barakat. Inutusan nang kanilang ama ang kanyang nakatatandang kapatid na babae at siya na pumunta sa tahanan ng mga Barakat at sabihin sa kung sinoman ang naroroon sa loob nang tahanan na pagpanaw ng kanilang Hadezar.

Minungkahi nang kanyang kapatid na lalake na makabubuti kung ito ang sasama sa kanya ngunit tumanggi ang kanilang ama. Sinabi nito na higit itong kailangan dito at kung may pumuntaman, kung mayroon, mabuting nandito sila at naghihintay.

Sinunod nila ang inutos nang kanilang baba. Dalidali silang naglakad patungo sa tahanan ng mga Barakat na hindi kalayuan mula sa kanilang kinasasakupang lupain.

Sa kanilang paglalakad narating nila ang batong tahanan. Lumapit ang kanyang nakatatandang kapatid na babae sa lagusan. Sinumulan nitong katukin ang kahoy na pintuan. Ngunit bigla itong bumukas at nakita nila ang kalumbayang tinataglay nang tahanang namumuno sa kanila. Binuksan nang kanyang kapatid ang lagusan. Pumasok sila sa pintuan. Wala itong kaganda-ganda na lalo pang kinapangit nang pamiminsala nang masamang panahon.

Sinabi nang kanyang nakatatandang kapatid na babae na wala yatang tao.

Ngunit nakita niya ang isang hugis sa madilim na pasilyo na bigla rin nawala.

Nabaling sa kanya ang kanyang nakatatandang kapatid na babae habang nakaupo siya sa plataporma nang tahanan. Pinatayo siya nito…sinabihan siya nitong huwag uupo sa plataporma dahil banal na bagay ang kinauupuan nito at labag ito sa batas.

Ngunit may narinig silang tinig. Pinayagan sila nitong umupo at manatili. Sinabi nito sa kanila na maaari silang umupo hangga’t sa gusto nila. Nabaling ang kanilang pansin sa tinig na kumawala sa hangin. Hinanap nila at nakita nila kung saan ito nagmumula, sa isang Hadi na nakaupo sa pasilyo nang tahanan.

Nakita sila nito. Natakot sila.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa sahig. Lumapit ito sa kanila. Kinuha nito ang malaking kawan na may tatlong paa na bumagsak. Itinayo ito sa plataporma nang tahanan.

Tanong nito sa kanila, “sino kayo, at anong ginagawa niyo sa aming tahanan?” ramdam nito ang takot nilang magkapatid. “wala kayong dapat na ikatakot. Sabihin niyo ano ang ginagawa niyo sa aking pamamahay?”

Sinabi nang kanyang nakatatandang kapatid ang masaklap na katotohanan. Ang pagkamatay ng kanilang Hadezar.

Wika nito sa kanila, “hindi iyan totoo…”

Bagay na iginiit nilang magkapatid. Sinabi nang kanyang nakatatandang kapatid na babae na siya mismo ang nakakita sa bangkay nang kanilang Hadezar na nakahandusay at wala nang buhay sa loob nang kanilang taniman ng maisan.

Wika nang kanyang kapatid, “ang aking ama mismo ang magpapatunay nito…naroroon siya sa kung nasaan ngayon nakabulagta ang Hadezar!”

Wika nito sa kanila, “alam niyo ang parusa sa pagsasabi nang kasinungalingan, hindi ba?”

Wika nang kanyang kapatid dito, “nagsasabi ako nang totoo. Ang buong tahanan namin ang saksi sa bangkay nang aming Hadezar. Kung gusto mo puntahan mo para makatiyak ka! Sino ka ba?”

Sagot nito sa katanungan nang kanyang nakatatandang kapatid, “ako ang kanyang anak.”

Hindi sila nakaimik.

Tanong nito sa kanila, “alam niyo ba ang pangalan ng iyong hadezar…naririnig ko na tinatawag niyo siyang hadezar pero ni minsan hindi ko pa naririnig sa inyo ang pangalan ng aking ina. Paano ako makasisiguro kung totooman ang sinasabi niyo na may Adi na nakabulagta at wala ng buhay sa loob ng inyong tahanan, sinoman siya!”

Wika niya, “kilala siya nang aking kapatid?”

Nabaling ang pansin nito sa kanila mula sa pagkakatitig nito mula sa kawan na nakatayo sa gawang plataporma habang nakatayo ito sa plataporma.

Tanong nito sa kanya, “kilala siya nang iyong kapatid!”

Dagdag niya, “at ang aking ama!”

Tugon nito, “pa rin paano ako maniniwala?”

Sinabi nang kanyang kapatid na kung hindi ito naniniwala bakit hindi nito ilabas ang Hadezar sa tahanan nito. Sinabi sa kanila nito na nagpapahinga ang kanilang Hadezar.

Gustong hamakin nang kanyang nakatatandang kapatid na babae ang kanilang kausap sa pagiging mapagmataas nito at mayabang. Ngunit hindi ito ginawa nang kanyang kapatid sa halip naging maingat ito sa mga salita nito. Wika nito dito, “kung ganon!” nang may pagtitimpi. “kahit papaano bakit hindi mo tignan makasiguro ka na nagsasabi kami nang totoo at ang aming tahanan, Hadi—?” Ngayon niya lamang ito nakita sa kanyang kapatid.

At sinabi nito ang pangalan nito sa kanila. “Hadi Yasir!”

Lumapit ito sa kanila. Hinawakan nito ang kamay nang kanyang kapatid. Tinahan nito ang luha sa ilalim ng mata.  Wika nito, “sige!”

Sumama ito sa kanila. Nagtungo sila sa kung nasaan nakabulagta at wala nang buhay ang Adi na kanilang tinutukoy at pinaniniwalaan nilang kanilang Hadezar. Dinala nila ito sa loob ng kanilang taniman ng maisan. Dinala nila ito kung saan ang tinutukoy nilang Adi na nakabulagta at wala nang buhay. Sa kanilang pagdating pinakilala nang kanyang nakatatandang kapatid na babae ang kanilang matandang ama na nakaupo sa isang kariton na may gulong at dalawang hawakan. Nagbigay galang sila sa kanilang ama na sinundan nang pagbibigay galang ng Hadi Yasir.

Lumapit ito sa kanilang ama. Umupo ito sa harapan nito ng nakatingkayad. Hinawakan nito ang kamay nang kanyang ama. Kinamusta ito nang Hadi Yasir. Tinanong nito ang kalagayan nito na mistulang matagal na silang magkakilala.

Sinabi nang kanyang ama sa Hadi Yasir na mabubutibuti na ang kalagayan nito kahit papaano.

Ngumiti ang Hadi Yasir…Wika nito sa kanilang ama, “Mabuti na naman Hadi!”

Nagbigay nang pakikiramay ang kanyang ama sa Hadi Yasir. Wika nito sa kanilang ama, “lubos kailangan ko pa ring makasiguro Hadi Abusta kung ito nga ang aking ina!”

Tanong nang kanyang ama sa Hadi Yasir, “hindi ka naniniwala sa aking mga anak?”

Wika nito, “kilala niyo ako!”

Bagay na sinang-ayunan nang kanyang ama at tuwirang sinabing gaya nang inaasahan nito dito. Narinig nila sa kanilang ama ang katagang ‘Hadezar!’

Humingi ito nang pahintulot sa kanilang ama kung maaari nitong lapitan at puntahan ang bangkay bagay na bukas-palad at walang patumpiktumpik na ibinigay nang kanyang ama sa binatang Hadi na tinawag nitong Hadezar.  Tumayo ang Hadi Yasir sa pagkakaupo nito sa harap nang datay nilang ama. Kasunod lumapit ito sa bangkay na hindi nila magalawgalaw.

At siya, ang Hadi Yasir

Tinignan niya ang bangkay nang kanyang ina. Tama ang kanyang mga kinatatakutan.

Matapos nito muli siyang bumalik sa tahanan ng may-ari nang maisan. Nabaling ang kanyang pansin sa patnugot nang tahanan. Ngumiti siya nang may lungkot at hindi ito nawala sa kanyang mukha. Muli narinig niyang tinawag siya nitong Hadezar.

Humingi siya nang tawad sa mga Adi sa hindi pagpaniwala sa mga sinasabi nang mga ito. Sinabi niya sa mga ito na hindi niya hangarin na saktan ang damdamin ng mga ito. Sinabi niya na kailangan niya lamang pangalagaan ang pangalan nang kanyang tahanan sa mga sandaling ito.

Hindi siya makapaniwala na patay na ang kanyang ina.

Nagpasalamat siya sa mga ito sa hindi paggalaw sa labi nang kanyang ina. Ngunit humingi siya nang panibagong tulong. Nakiusap siya na kung maaari ay tulungan siya nang mga ito na dalhin ang labi nang kanyang ina pabalik sa loob ng tahanan ng mga Barakat.

Bagay na tinalima nang mga ito. Binalot nila ang kanyang ina sa tapiserya. Katuwang ang dalawang Hadi ng tahanan mula sa patnugot na nangangalaga sa taniman ng maisan dinala nila ang kanyang ina pabalik sa kanyang tahanan sa loob nang silid nito.

Nakiusap siya sa mga ito na kung maaari ay panatilihin muna nilang tahimik at sa nakagawian ang lahat sa araw na ito. Alam niyang hindi magtatagal malalaman ito ng buong Ja’khar at gusto niyang makapag-isa muna kasama ang kanyang ina bago pa ito dumugin at dagsain nang mga gustong makipaglibing. Bagay na tinalima nang mga ito at kanyang pinasalamatan.

Sa kanyang pag-iisa sinimulan niya ang pag-aayos sa kanyang tahanan.  Nilinis niya ang buong bulwagan at ang putik na nakakalat sa labas. Inayos niya ang silid nang kanyang ina, ang dugong nasa sahig nito. Dinala niya ang mga gamit nang kanyang ina sa loob nang imbakan nang tahanan. Sinarado niya ang lagusan nang imbakan at nagpatuloy sa mga gawain. Kasunod noon sinimulan niyang linisin at tanggalin ang damit nang kanyang ina. Binalot niya ito sa mabangong insenso, sa mga nakababad na malinis at puting tela na ibinabad sa langis na mula sa mantika nang Saola bago niya ito ilabas sa malawak na lupain sa kanilang tahanan at ipatong sa isang mataas na lamesa na nasa ibabaw nang plataporma na matatagpuan sa malawak na lupain. Pinalibutan niya ito nang mga timsim na nakababad sa langis at nakalagay sa mga sulyaw na ginagamit nilang liwanag.

Tulad nang inaasahan mabilis na kumalat sa buong Ja’khar ang nangyari sa Hadezar ng tahanan nang mga Barakat.

Unang dumating ang kanyang mga kapatid na mga babae, ang Adi Makbule at ang Adi Sule upang makiramay at tulungan siya sa mga gawain sa pagkamatay nang kanyang ina.

Tinulungan siya nang mga ito na maghanda sa pagdating mga makikipaglibing. Sila ang nag-asikaso nang ihahanda sa mga itong pagkain at pagdadagdag pa nang mga kailangang palamuti nang kanilang tahanan upang magmukhang kaayaaya ito sa paningin ng iba. Pinangasiwan niya ang pagluluto. Sinimulan niya ang pagkuha nang mga pansahog na gagamitin sa pagluluto sa loob nang isa sa mga imbakang malapit sa kanilang tahanan.

Nang umagang ito nag-agahan silang magkakapatid. Pinagsaluhan nila ang pakikiramay sa kawalan sa pagiging ulilang lubos at kawalan ng magulang. Nagkwentuhan sila. Ikinuwento nang Adi Makbule ang hindi makakalimutan nitong alaala nang kanilang ina. Ang kwento nang kanilang kabataan, nang hindi pa siya ipinapanganak at musmos pa lamang ang Adi Sule. Tungkol sa isang pagtulog sa tabi nang kanilang ina at ang alamat ng pag-aaway nang kulog at kidlat, bilang magkapatid at anak nang bagyo. Kung papaanong sa bawat pagdagundong at pamiminsala nang masamang panahon ay nag-aaway ang mga ito at nagtatalo sa pagmamahal nang magulang nito sa walang katapusan at walang hanggang sumpa.

Alam ito nang Adi Sule. Natatandaan nito nang kanyang kapatid.

Kasabay noon nabanggit nila ang pagiging kanyang inaasahang pagsilang bilang ang pinakabagong Hadezar nang kanilang tahanan. Na hindi na maitatago pa. Sinabi nang Adi Makbule na iyon ang kagustuhan nang kanilang ina sa kanya mapunta ang kapangyarihan ng pamumuno, pagiging patnugot at hadezar ng tahanan ng mga Barakat. Bagay na hinangad niya mula pagkabata pa lamang niya.

Bagkus wika niya sa kanyang mga kapatid patay na ang kanilang ina…kamamatay pa lamang ng kanilang ina. Na hindi ito ang panahon at pagkakataon para isipin at alalahanin ang pagiging Hadezar ng sinoman.

Sinabi nang Adi Makbule na hindi na nila maibabalik pa ang pagkakataon. Na kailangan na nilang kumilos habang may pagkakataon pa. Na alam nang kanyang kapatid kung gaano niya hinangad ang bagay na ito simula nang magkasakit ang kanilang ina at maging malubha ang karamdaman nito.

Sinabi niya sa Adi Makbule na nawala sa kanyang pangangalaga ang kanilang ina…at ngayon wala na ito at patay na ito binigo niya ang kanilang ina.

Bagay na itinanggi nang Adi Makbule at nang Adi Sule. Alam nila…alam nila kung ang kinakailangan niyang gawin.

Tinignan niya ang mga ito. Lumapit sa kanya ang Adi Sule at niyakap siya nito…ang katotohanan…ano ang katotohanan! Ang kailangang malaman.

Naalala nang Adi Sule ang pinakamatamis nitong alaala sa kanilang ina. Nang lumabas ito sa tore ng mga hadezar at maging Hadezar ang kanilang ina. Na Nakasuot ito nang matingkad na kulay pula na may mga bakal na galang sa mga braso, bisig at leeg nito at sa daliri nito nakasuot ang isang singsing na gawa sa luntiang bato. Hindi makakalimutan nang Adi Sule ng bumukas ang tore nang mga Hadezar at nakita nila ang kanilang ina kung gaano ito kaganda. Hindi niya iyon malilimutan. Walang sinoman ang makakalimot sa araw na iyon.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa hapagkainan. Tinanong siya nang Adi Makbule kung saan siya pupunta. Sinabi niya sa kanyang mga kapatid na maghahanda na siya sa pagdating nang mga makikipaglibing. Pinaalala niya dito na kailangan na nilang kumilos.

Bagay na itinanggi nang Adi Makbule. Sinabi sa kanya kailangan niyang sabihin kung ano ang pinakamagandang alaala niya sa kanyang ina nang bago pa ito mamatay. Hindi niya alam kung mayroon. Sinabi niya na natatandaan niya nang tinawag siya nang Adi Sule habang nasa labas siya nang kanilang tahanan. Tinanong niya ang Adi Sule kung naalala pa nito ang araw na iyon, na katulad din nang nagdaang mga araw bumubuhos din ang ulan nang mga sandaling iyon. Nagbabanta din ang sama nang panahon. Pinaalala niya sa kanyang mga kapatid na tinawag siya nang mga ito. Nakiusap na kausapin ang kanilang ina. Bagay na kanyang ginawa. Pumasok siya sa loob nang silid nito sa ikalawang palapag ang kanilang tahanan. Naglaho ang kanyang pansin sa pagbuhos nang ulan. Tinanong niya ang Adi Makbule kung natatandaan ba nito kung ano ang nangyari.

Sinabi nito na bago ito matulog at kwentuhan nang mga alamat at kasaysayan. Habang hawak niya ang mga kamay nito at nakaunan sa kanya inawitan niya ang kanyang ina. Sinabi niya, “tulog na mahal ko hindi kita iiwan/ hindi kita pababayaan/ matulog na nang mahimbing/ hindi kita iiwan/ hindi kita maaaring kalimutan!”

Matapos noon natahimik sila. Sinabi nang Adi Makbule sa kanya kung gaano siya kamahal nang kanilang ina. Na alam nila na mahal na mahal sila nang kanilang ina pero siya at siya lamang ang gusto nito sa lahat ng mga anak nito. Bagay na hindi niya naramdaman. Matapos noon tinalikuran niya ang mga ito sa loob nang silid-lutuan at nagsimulang maghanda sa pagdagsa nang mga Jingkar sa kanilang tahanan.

Nagbabad siya sa mainit na tubig nang bukalan sa kanilang tahanan. Matapos noon saka siya umahon at naghanda Nagsuot siya nang itim na Báta na may habi nang tulad sa kanyang mga tata’u sa kanyang braso, mistulang kalikis nang ahas na Markupo na nakatahi sa kanyang mga balikat na walang mga braso paibaba sa kanyang katawan. Ang kanyang saluwâl ay itim na ang laylayan ay isang talampakan mula sa bukung-bukong nang kanyang mga paa inayos, may panaling itim na tela na nakatali sa kanyang mga beywang at may mga nabuhol na mga palawit. Inayos nang kanyang nakatatandang kapatid na babae ang kanyang nakulagay na buhok. Itinali ito kasabay nang pagbilin na kailangan na itong gupitin.

Pinaalalahanan siya nang Adi Makbule na hindi na sila bata pa. Na hindi na siya bata pa para iasa sa iba ang dapat na siya ang gumagawa. Ibinigay nang Adi Makbule sa kanya ang singsing na gawa mula sa luntiang bato. Sinabi nito sa kanya na nababagay ito sa kanyang suot. Sinuot niya ang luntiang singsing nang kanyang ina. Kasunod noon ang sandalyas sa kanyang mga paa at matapos noon sinimulan niyang tanggapin ang mga sinungaling at mga kaibigan at kakilala nang kanyang ina.

Unang dumating ang tahanan ng may-ari nang maisan na kanilang tinanggap na magkakapatid. Hindi naglaon sinundan ito nang mga inaasahan. Ang mga Harith, ang Hadezar ng tahanan ng mga Parvana at Roshan maging ang patnugot nang iba’t ibang tahanan na nasa ilalim nang kanilang patnugot. Nagtipon ang iba sa bulwagan kung saan naging laman nang mga kwento ang hindi inaasahang kamatayan nang kanyang ina at kung may pumatay nga ba dito.

Nagkita sila nang ina ng kanyang kalaban na si Hadi Mahdi, habang nagbibigay ito ng paggalang sa kanyang ina. Kinamusta siya nito.

Sinabi niya dito na patay na ang kanyang ina. Bagay na sinang-ayunan nito.

Tinanong siya nito kung dadating dito ang kanyang tiyo. Bagay na kanyang itinanggi. Sinabi niyang hindi niya alam. Ang pagdating nito ay malabo pa sa kalimliman nang takip-silim. At hindi niya na inaasahang dumating ito.

Tinanong siya nito kung alam niya ba na nagkabati na ang kanyang tiyo at ang kanyang ina. Bagay na kanyang sinang-ayunan. Sinabi niya sa ina nang Hadi Mahdi na naroroon siya nang nangyaring ito, nang maganap ang pagbabati ng dalawang Hadezar sa loob ng kanyang tahanan sa hindi inaasahang pagkakataon….

Marami ang nakiramay sa pagkamatay nang kanyang ina karamihan kakilala at kaibigan ngunit ang iilan ay pawang simuno nang isang pagkukunwari. Pagkukunwari nang lipunan na siyang nagsasabing ang lahat nang sinoman ay may pagpapahalaga sa isa’t isa. Bagay na isang matinding kasinungalingan.

Nanatili siya na pinagmamasdan at tinanglaw ang labi nang kanyang ina. Sa kanyang pag-iisa naging katuwang niya ang kanyang mga kapatid sa pag-aasikaso nang kanilang mga panauhin. Ngayon lamang napuno nang ganito ulit ang kanilang tahanan lalo pa matapos na maganap ang pananalasa ng masamang panahon. Pinagmasdan niya ang kanyang paligid. Nakita niya ang kanyang mga kapatid na kausap ang iilan at nababaling ang kanilang pansin sa kanya na nag-iisa at nagdadalamhating sa kanilang ina. Saloob niya ang kanilang mga nagdadalamhating mga mukha kapag tinitignan siya ay pawang mga pangal at sinsay.

Hindi nagtagal kinailangan na nilang ilibing ang kanilang ina. Bagay na kanyang ginawa. Hawak ang isang sulo ang huli nilang pagbibigay galang ay natapos sa pagsunog ng labi nito. Pinanood nila ang unti-unting pagtupok nang apoy sa labi nang kanilang ina. Sabay sa mga tuyong kahoy at tuyong halaman, sa nakabalot ditong malangis na tela na ibinabad sa mantika na nagmula sa taba ng Saola ang kanilang huling pahimakas ay ang bagong yugto sa kanilang buhay.

Hindi nagtagal isa-isa nang nagsipaalam ang kanilang mga panauhin. Hanggang sila na lamang naiwang magkakapatid. Hanggang bago ang tuluyang pagdilim nang kalangitan nagpaalam na rin sa kanya ang Adi Makbule at Adi Sule. Nakaupo siya sa mga baitang nang pasilyo habang pinagmamasdan ang pagtupok nang apoy sa labi nang kanilang ina sinabi sa kanya nang Adi Makbule na kailangan nang bumalik ng mga ito sa kanikanyang tahanan, ito sa tahanan ng mga Harith at ang Adi Sule sa tahanan ng mga Parvana. Wala siyang nagawa. Sinabi nito sa kanya na siya na ang bahala sa kanila bagay na tinugunan nang pagsang-ayon. Pinagbigyan niya ang mga ito sa kagustuhan. Hindi naglaon naiwan siyang nag-iisa sa tahanang kanyang pinagmulan.

KABANATA DALAWA:

ANG PAGKILALA SA ISANG HADEZAR

Ang Hadi Yasir

Ang aking pagkasilang ay ang kasiyahan nang aking tahanan. Iyon, kung tatanungin mo ang aking ina. Sinabi niya sa akin nang isilang ako ang buong tahanan ng mga Barakat ay nagdiwang sa aking pagkasilang, ang nag-iisang anak na lalake ng aking baba na si Hadi Karim at nang aking nanna na si Adi Hiba. Ang nakatakdang tagapagmana ng aking pinagmulan. Sinabi niya sa akin na hindi maitatangging isa ito sa pinakamasayang araw sa buhay nang aming tahanan. Siguro nga totoo iyon. Siguro nga iyon ang pinakamasayang araw na dumating sa aming mga buhay ngunit hindi iyon ang aking mga alaala. Kung mangyariman iyon ang aking unang mga alaala, ang araw na ito kung saan ang ginintuang sakahan sa panahon ng tag-init…ang saganang pagmamalaki nang maisang baybaying hindi nalalayo sa aming tahanan, ang mga nag-aawitang ibon at ang mataas na sikat ng araw, ay ang pinakamasayang mga sandali nang aking kabataan, sana masaya ako— ngunit hindi iyon ang totoo.

Hindi iyon ang aking natatandaan.

Kaguluhan! Gutom! Pagmamalupit! Hindi masaya ang aming buhay lalo pa matapos nila kaming pagtabuyan sa aming lupain at gawin nila kaming mga gawing mga Kalisag.

Mahigit tatlumpung taon na ang nakararaan nang bumagsak at muling nakabangon ang aming tahanan mula sa sarili nitong kahinaan at pagkakamali ngunit hanggang ngayon, nananatili pa rin sa mga alaala nang aming mga kalaban kung ano ang ginawa nang aming tahanan sa buong Ja’khar. Sa mga panahong iyon sunud-sunod na kamalasan ang humantong sa tuluyan naming pagbagsak. Sa pagbagsak nang tahanan ng mga Barakat sa ikalawang pagkakataon.

Napilitang bumaba sa tungkulin ang afu, ama nang aking ama sa kahinaan nang katawan at kawalan nang kakayahang pamunuan ang aming tahanan at ang aming pinapatnugunan. Hindi naglaon namatay ang Hadi Abbas dahil sa matinding kalungkutan na kanyang natamo sa pagkamatay nang kanyang tagapagmana, ang aking ama. Sinundan ito nang pagkamatay nang ina nang aking ama na si Adi Dalal ilang buwan lamang ang nakakalipas. Kasunod noon, nahirapang makahanap ang aming tahanan nang matuwid na patnugot. Una ang aking amma sinundan nang aking abu, ang Hadi Rahim, na tumayong pinuno at patnugot ilang sandali lamang ang nakakalipas matapos mamatay ang ina nang aking ama. Subalit hindi siya kinilala nang kalipunan ng mga Hadezar. Pipi at bingi ang kalipunan upang pakinggan siya at pagbigyan siya na maging pinuno, patnugot at Hadezar ng aming tahanan. Hindi siya pwedeng maging Hadezar, hindi siya ang tagapagmana ng aming tahanan. Ano ang magagawa ng aking abu…nang mga panahong iyon wala siyang magawa…kahit anong gawin niya hindi siya pinakinggan ng mga ito…Sa halip napilitan ang aming tahanan na hindi kilalanin ang kapangyarihan at impluwensya nang kalipunan ng mga Hadezar, at para sa kalipunan ng mga Hadezar isa itong pabagsak at kawalan nang paggalang. Minasama ito nang Ja’khar. At naghudyat ng tuluyan naming pagbagsak.

Sa una nagkaroon nang kaguluhan. Sinabi nang aking mga kapatid na pinilit nang mga Hadezar na bilhin ang aming mga kinasasakupang lupain upang patnugunan sila. Pinilit nang aking abu ang pagkilala sa kanya bilang isang Hadezar. Nagdulot ito nang kaguluhan. Kaguluhang dulot nang kasakiman. Kaguluhang dulot nang higit na impluwensya at pagkaganid. Walang nagawa ang aming tahanan…walang nagawa ang aking abu.

Unti-unti nawala sa amin ang lahat. Pinakawalan niya kung sinoman ang gustong umalis sa aming patnugot. Hinayaan niya ang kanyang sarili na maging bigo at sumukong talunan. Nagpatuloy ito hanggang sa mamatay sa aking abu. Nagpakamatay ang aking abu! Nakita siyang nakahandusay sa loob nang isa sa mga madidilim na imbakan ng aming tahanan… Sinabi sa akin nang aking ina na nilason nito ang sarili nito nang lasong walang amoy at walang lasa.

Napalitan kaming manirhan sa labas ng aming tahanan. Matulog sa putik at sa buhos nang ulan…Tuluyan kaming bumagsak at mawala sa amin ang lahat. Naging laman kami nang pangmamata nang buong Ja’khar. Na kahit saan kami lumingon, na kahit saan kami magpunta kabila’t kanan ang natatanggap naming panlalait na unti-unti ay pumapatay sa sarili mong kaakuhan. Kahit ang aking ina nagdalawang-isip na patayin kami.

Ito ang pagmamalabis na matagal nang nasa Ja’khar ngunit bulag at bingi na tinatatanggap ng buong lipunan. Bakit ba hindi nila kayang tanggalin ang kanilang mga mata sa amin. Ano ba ang ginawa naming pagkakamali para kami ang magsisi at hindi ang aming mga ninuno. Hindi ang aking mga magulang. Kung nauunawaan lamang nila sana ang laman nang mga mata nang isang batang nagugutom, walang-wala at pinagtatabuyan. Ayoko na itong maranasan pa lalo na nang aking tahanan. Ayoko na itong makita pa lalo na nang aking kinabukasan.

Ginawa nang aking ina ang lahat nang kanyang makakaya. Napilitan siyang mamalimos nang awa para hindi kami mamatay.  Kakaunting pagkain; kakaunting bunga; kakaunting laman, lahat kakaunti. Walang nabubuhay sa kakaunti pero nabuhay kami. Kung saan-saan siya nagpupunta. Kung sinusino ang kanyang nilalapitan mabuhay lang kami.  Hindi niya kayang makita kaming nahihirapan…Wala siyang magawa. Ano ang gagawin niya? Ano ang kayang gawin nang isang ina para mabuhay lamang ang kanyang mga anak?”

Nagpakasasa siya sa iba…sa tawag nang laman sa lamig nang pag-iisa. Kung sinusino ang pumapasok at lumalabas sa kanya kapalit nang buhay nang kanyang mga anak. Hindi niya kami pinangakuan nang langit pero tinupad niya ang sigaw nang aming kagutuman. Nang aming pangangailangan. Kung naiintindihan niya lang sana ang aking himutok. Ang himutok nang kanyang anak na higit na nangangailangan nang kanyang pagyakap, pagkalinga at mga lambing na ibinibigay niya sa iba at nagpapakasasa sa kanya. Kung nauunawaan niya lang sana ako, kung nararamdaman niya lang ang aking nararamdaman pero hindi…hindi…hindi kami mahalaga sa kanya para sa kanya ginawa niya ang lahat para mabuhay kami. Para sa kanya ginawa niya ang lahat para hindi kami magutom, para hindi kami mamatay ng gutom. Ang masakit noon tinanggap ko iyon pakong dumidiin at lumalatay sa aking katawan.

Hanggang isang araw dumating siya na may kasama na namang ibang. Isang Hadi na may magarang kasuotan, ang kanyang bughaw na Báta ay may mga burdang kaliskis, ang kanyang saluwâl ay mga alon at mga isda. Isang Hadi na minsan ko nang nakita.  Minsan ko nang nakasalamuha, kung hindi ako nagkakamali. Tama! Naaalala ko na. Kilala ko siya. Hindi ko lamang matandaan kung sino siya o saan siya nagmula ngunit nakasisiguro ako kilala ko siya. Payat pero may tiyan. Mahaba ang mga braso at binti at mistulang kabatsoy. Katulad namin ang kanyang balat kayumanggi pero ang kanyang mga mata o ang kanyang mga mata, ginto sa tinubog sa ginto. Malahalimaw at hungkag na nanlilisik. Sinubukan niya akong lunurin at patayin. Ngunit hindi siya nagtagumpay…

Binigyan niya ngiti ang labi ng aking ina, ang sayang hindi ko kayang ibigay. Ngayon ko lamang nakita ganitong kasaya ang Nanna, pitong taong gulang ako noon at hindi ko siya kilala.  Pinakilala siya nang aming ina. Sinabi nang aming ina na ang kanyang pangalan ay Hadi Mahdi…Ang Hadi Mahdi ng tahanan ng mga Harith. Gusto niya kaming tulungan…nagmamagandang loob na ibangon kami mula sa kinahaharap na aming pagkadusta. Pagkadusta sa sarili niyang mga salita. Tagapagligtas nang aming mga buhay. Tagapagligtas? Hindi siya tagapagligtas.  Isa siyang kalaban. Isang Hadezar. Hadezar na naging dahilan nang aming tuluyang pagbagsak, umagaw sa aming mga lupain at kinasasakupan. Hindi siya mapagkakatiwalaan at hindi iyon ang nakikita nang aking ina.

Sinubukan kong paalalahanan ang aking ina ngunit hindi siya nakinig. Hindi niya nakikita kung ano ang aking nakikita, isang halimaw na nagkukubli sa isang balatkayo. Na walang ibang balak kung hindi lamunin kami nang buhay. Hanggang sa tinignan niya ako. Tumitig siya sa akin. Natakot ako. Hindi ko alam kung bakit. Kung ano ang dahilan upang katakutan siya. Nagtago ako sa aking mga kapatid habang naroroon kami sa loob nang bulwagan ng aming tahanan. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti ang halimaw.

Isang higanteng kabatsoy na madalas na ikinukwento ng aking ina sa akin. Karimarimarim ang kanyang itsura at anyo. Sinabi nang kabatsoy na malaki na ako. Na nang huli niya akong makita ay kapapanganak palang sa akin. Pitong taon na ang nakakalipas…nasaan siya nang mga panahong iyon para tulungan kami. Nagpasalamat ang aking ina kabutihang ibinibigay sa amin nang hungkag. Sinabi niyang tatanawin niya itong utang na loob. Isang kahinaan.

Sinabi nang aking kapatid na ang Hadi Mahdi ay ang kasalukuyang pinakamakapangyarihan at pinakamaimpluwensya sa buong Ja’khar Sila at ang tahanan ng mga Parvana. Tuwang-tuwa ang aking ina. Kung nalalaman niya lang sana. Hinawakan nito ang kanyang kamay. Sinabi nito na marami na ang nagbago. Na hindi na katulad ng dati ang lahat. Na maaari na ulit silang maging masaya. Tama siya. Marami na ang nagbago.

Pinangako nang Hadi Mahdi sa aking ina na ibabalik niya ang lahat nang nawala sa amin. Ang aming tahanan. Ang aming mga pinapatnugunan. Ang mga lupaing dating nasa aming pagmamay-ari. Isang pangakong maaaring mapako. Na kahit ang pagkakaibigang sinubok nang pagkakataon at muling pinagbugklod nang hindi inaasahan ay maaaring mawasak nang dahil dito. Maaari nitong sirain ang kanilang pagkakaibigang. At tinanggap ito nang aking ina.

Ang araw na dumating ang halimaw sa loob nang aming tahanan, nagbigay sa amin nang pag-asa nang muling pagbangon at sa halip na magdiwang kami sa kunwakunwirang pangako ay natibo kami nang mapanlansing na mabulaklaking niyang mga salita. Muli tinitigan niya ako.  Muli nakaramdam ako ng takot na hindi ko maipaliwanag.

Sinabi nang aking kapatid na hindi maganda para sa isang lalake ang magtago sa likod nang mga babae.

Tinawag ako nang aking ina. Dahilan upang hindi ko maalis ang aking titig sa kanyang nakakatakot na itsura. Tinignan ko siya. Tinitigan ko siya nang mabuti. Hindi siya isang halimaw. Hindi siya ang laman nang mga kwento nang aking ina. Hindi siya ang halimaw na kinakailangan kong katakutan. Ipinagpatuloy ng aking ina ang kanilang pag-uusap…

Narinig kong tinawag ako ng aking ina na “aking anak”. Bagay na hindi niya madalas na sinasabi. Narinig ko na sinabi niya sa Hadi Mahdi na hindi magtatagal ako ang magiging Hadezar at ako ang gusto niyang maging Hadezar nang aming tahanan. Bigla nagbago ang itsura nang Hadi Mahdi. Tinitigan ako ng aking ina.

Nagulat siya. Hindi ko alam bakit siya napabaling sa akin. Hindi ko alam kung may ginawa akong pagkakamali na hindi niya gusto. Hindi?  Hindi siguro. Nawala ang takot sa aking katawan.

Tinitigan niya ako habang kunwari siyang nakikinig sa aking ina.

Ngumiti ang Hadi Mahdi.

Sinabi nang Hadi Mahdi sa aking ina na malayo pang mangyari na maging Hadezar ako ng tahanan nang mga Barakat. Na hindi ako ang dapat manungkulan. Alam ko…nauunawaan ko. May katwiran ang Hadi Mahdi.  Tama ang kanyang sinabi. Hindi ako ang karapatdapat na maging pinuno at patnugot nang aming tahanan. Sa ngayon —pero hindi magtatagal isisilang ako bilang isang Hadezar at kapag nangyari iyon ipapakita ko sa kanya na ang kanyang pagpunta sa aming tahanan ay ang pinakamalaki niyang pagkakamaling nagawa.

Sinabi ko sa sarili ko, siya— siya ang inaasahan kong magiging matindi kong kaaway. Kinagagalak kitang makilala aking kalaban.

Minungkahi nang Hadi Mahdi sa aking ina na bakit hindi ito ang mamuno sa aming tahanan. Sinabi niya na isa itong magulang, na may mga anak na kinakailangang alagaan at patnubayan. Na higit kaninoman ay nangangailangan at inaasahan. Tiyak magdadala ito nang pagkaawa sa mga kapwa nito mga Hadezar.

Muli hinawakan ng Hadi Mahdi ang kamay ng aking ina. Tumingin ito sa kanyang mga mata. At sinabi sa aking ina na ibabalik nito sa amin ang lahat nang nawala kung papayag lamang ang aking ina na maging isang Hadezar na katulad niya. Nagdalawang-isip ang aking ina. Sinabi niya na wala siyang kakayahan.

Pero hindi ito pinatotohanan nang Hadi Mahdi. Sinabi nang halimaw nang tahanan ng mga Harith na magagawa nang aking ina na pamunuan ang aming tahanan. Gusto kong sabihin sa kanya huwag itong paniwalaan.  Na huwag itong gawin. Isa itong pabagsak sa aming tahanan, sa tahanan nang aking ama! Sa tahanan ng mga Barakat!

Pero ang ginawa niya? Hindi siya nakinig. Wika nang Hadi Mahdi sa aking ina alalahanin niya kami. Alalahanin niya na kanyang gagawin ay para sa aming knayang mga anak…

Ngunit ang lahat nang bagay ay may kapalit at alam ito at naiintindihan ito nang aking ina. Tinanong niya ang Hadi Mahdi…ano ang kapalit?  Ano ang dahilan kung nito tinutulungan ang aming tahanan?

At sinabi sa amin nang aking kalaban kung ano ang tunay niyang layunin. Sinabi niya sa amin na ang kapalit ng aming pagbabalik ay kung maibibigay ng aking ina sa kanya ang katapatan nang aming tahanan at isang magandang pakikipag-ugnayan.

Muli pinaalala nang Hadi Mahdi sa aking ina na alalahanin niya kami. Alalahanin niya para ito sa aming kapakinabangan. Walang nagawa ang aking ina kung hindi alalahanin kami. Katapatan ang hiningi nang mga Harith. Katapatan at walang hanggang magandang pakikipag-ugnayan ang ibinigay nang aking ina sa kanya makuha niya lamang ang pamunuang itinakda para sa amin na kanyang mga anak.

Naglaho kami. Naglaho kaming parang bula.

Tulad nang inaasahan tinupad nang mga Harith kung ano ang kanilang ipinangako. Una ibinalik nang mga Harith ang mga tahanang minsang nawala sa aming pamumuno. Kalahati sa mga lupain ang bumalik sa aming tahanan. Halos iyong mga nakapaligid lamang sa amin habang ang mga nakuha nang tahanan nang mga Roshan at mga Parvana at kanila nang binakuran ang nanatili lamang sa kanila. Hinayaan ito at tinanggap ng aking ina. Wala siyang magagawa. Mabuti nang may pinapatnugunang lupain kaysa naman wala. Iyon ang sabi niya sa akin.

Sinundan ito nang iba pang mga tahanan matapos na pagbigyan at ipagkaloob sa aking ina ang pagiging patnugot at pamumuno nang aming tahanan. Katuwang ang Hadi Mahdi pinagkatiwalaan ng kalipunan ng mga Hadezar ang aming tahanan na pamunuan ang lupaing pinapatnugunan ng mga Barakat. Kinilala nila ang aking ina na isang Barakat. Kinilala nila kami na isang Barakat. Naglaho ang mantsa nang pagiging Kalisag pagtanggap nila sa amin.

At tulad nang nakagawian isinilang siya sa loob nang tore ng mga Hadezar. Katatapos lamang noon ang pagbuhos nang ulan at amoy alimuong pa ang lupa. Nang lumabas siya sa tore iilan lamang ang mga sumaksi. Nakasuot siya nang pulang Báta na may kapa na sagisag nang aming tahanan. Mayroon siyang kwintas na gawa mula sa mga pulang korales. May tapis ang kanyang mahabang palda na ang laylayan ay hanggang sa bukong-bukong nang kanyang mga paa. Ang kanyang mga balikat at mga braso na may mga pekas ay lantad sa sinang nang hapong tapat. Sa kanyang kaliwang palasingsingan may suot siyang luntiang bato na ibinigay pa sa kanya nang aming ama nang ipanganak niya ang aking nakatatandang kapatid na babae na si Adi Sule. Nakaayos ang kanyang buhok nang mga makukulay at mahahabang mga balahibo nang ibong kinaris, hamsa at balahibo nang Mantahungal. Sa ilalim nang kanyang mga mata at ilalim nang kanyang bibig nagtataglay siya nang tata’u na dalawang tuldok at isang guhit.

Iyon ang simula nang aming pagbangon. Iyon ang inakala kong simula nang magagandang bukas nang aming tahanan ngunit nagkamali ako. Ang hindi ko nalalaman naglagay lamang sila nang inaanay na kahoy na pamalit sa nasirang paa nang bilugang lamesa na ilang taong hindi nabuo.

Nakuha nang aking ina ang buong pamumuno ng aming tahanang ngunit hindi ang kalayaan sa pagpapatakbo sa aming mga lupain. Nagkamabutihan ang aking ina at ang Hadi Mahdi. Isa itong lihim sa tahanan ng mga Harith ngunit masmasahol na itinatagong lihim sa buong Ja’khar.  Makailang ulit na tumatabi ang Hadi Mahdi sa aking ina. Wala siyang pakialam kung makita namin sila. Niyayakap ito nang aking ina na ani mo ay siya ang aming ama na bumalik mula sa hukay. Rinig sa aming tahanan ang kanilang kabalahuran at kababuyan. Ang ingay nang aking ina sa pagnanasa niya sa Hadi Mahdi na Hadezar ng tahanan ng mga Harith. Ang kanyang bawat haluyhoy at hikbi.

Minsan sinabi nang aking nakatatandang kapatid na si Adi Makbule sa amin ng Adi Sule na huwag ko silang pansinin. Wala kaming nagawa kung hindi sundin siya.  Tama ang Adi Makbule. May katwiran ang aking kapatid na higit kaninoman ay siyang tumayong ina sa aming magkakapatid.

Ginawa nilang pugadbaboy ang tahanan ng mga Barakat. At umaalis lamang ang Hadi Mahdi kapag gabi, kapag higit siyang kailangan nang kanyang tahanan at minsan Dumarating ang pagkakataon na sa mga masasahol at kasuklamsuklam na araw at sandali na nakabibingi ang katahimikan sa aming tahanan ay maririnig mo ang iyak o ang bukang-bibig nang aming ina kapag hindi Dumarating ang Hadi Mahdi upang palagiyahin siya at ilagay ito sa tuktok nang kalangitan. At sa tuwing dumating naman ito at inaasahan ang pagdating hindi magkamayaw ang aking ina. Dumarating siya sa amin nang may ngiti at paghahanap nang pagkalinga sa aking ina na mistulang bagay na kanyang pagmamay-ari, kinakalunya niya ang aking ina sa kanyang pangangailangan at kalungkutan. Puta ang aking ina. Darating ang Hadi Mahdi puta ang aking ina. Aalis ang Hadi Mahdi nang may halik sa puta kong ina. Halik na nagpapatuloy hanggang sa nagpapatuloy at nagpapatuloy nang maraming panahon na dumaan.

Hindi mababa ang aking ina. Kahit papaano pinuno siya nang aming tahanan. Kahit papaano pinamumunuan niya ang aming tahanan, tinuturuan niya ang aking mga nakatatandang kapatid na babae habang ako matagal nang nawalan nang pag-asa ang aking ina sa akin…sa magandang pananalita. Dumarating na lang ang pagkakataon na kapag pinagsasabihan nang Hadi Mahdi ang Adi Hiba tiyak iyon bubog-sarado ang abot ko sa kanya.

Kung alam niya lang sana na isang malaking pagkakamali ang pagkatiwalaan ang isang Harith, lalo na ang Hadi Mahdi. Na tulad sa nakararami, ang aking ina ay siyang bulag at bingi sa kung ano ang totoo at sa kung ano ang gusto niya lamang makita at marinig. Pinagkitawalaan niya ito ng buong buhay niya at tulad nang dati na nasa ilalim pa kami nang aming kahinaan at pagbagsak nagpapakasasa siya sa iisang Hadezar na nagbibigay sa amin nang pagkain at buhay para hindi kami magutom at mamatay ng gutom.

Sino ang makapagsasabi sa aking ina na isa itong pagkakamali.  Sino ang makapagsasabi sa kanya na hindi dapat mahalin ang kaibigang nagbigay sa kanyang anak nang lahat nang pangangailangan nito. Na tumayong magulang sa kanyang mga anak sa mga panahon kailangang kailangan nang mga ito nang pagkalinga at pag-aaruga nang isang ama. Sino makapagsasabi sa kanya na hindi dapat mahalin ang Hadi Mahdi. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na isa itong pagkakamali. Na kung ano ang dapat niyang ginagawa bilang isang ina sa aming magkakapatid at bilang isang Hadezar. Ano ba ang alam ko?  Kahit papaano pinaliligaya niya ang aking ina. Kahit paano nagiging masaya ang aking ina sa Hadi Mahdi. Sapat na iyon kahit hindi niya ako maiintindihan. Kahit matagal na siyang nawalan nang pag-asa sa akin…

Malaki na ang hinihingi nila sa amin. Na unti-unti sa pagtagal ang aming ugnayan sa kanila ay para lamang sa kanilang kabutihan. At hindi sa amin. Natutunan namin na wala kaming ipinagkaiba sa isang pangkaraniwang kagamitan na kung kailangangkailangan lamang ay naroroon. Isang kagamitan sa kanilang mga liwaliw at huwad na pagkatao.

Nakakalungkot na isipin na kung kailan huli na ang lahat at gayong baon na baon na kami sa utang na loob na ipinahiram sa amin, ngayon lang nakita nang aking ina ang katotohanan.

Kailangan may gawin ako…tama ang aking ina. Kailangan naming kuhanin sa kanila…kung kinakailangan ay agawin sa kanila ang mga pagkakataong kinuha nila sa amin! Iyon lang ang tanging paraan. Dahil kung hindi at maulit na naman ito tanging ang langit lamang ang makakaalam sa kung ano ang maaaring humantong sa amin.

Tumulo ang isang patak ng ulan.

Tumigil ako sa pag-iikot sa malawak na lupain sa gitna nang aming tahanan. Tumingala ako sa kalangitan kasunod nang aking pagtigil. Tinignan ko ang makulimlim na langit na nagbabadya nang masamang panahon.

Sabi ko sa sarili ko, “Oo…tama ka mukha ngang uulan!” Naalala ko ang aming nakaraan nang aking mga kapatid. Kung papaano kami nagiging masaya sa pagbuhos nang ulan. Naliligo sa unang patak nang ulan matapos ang panahon ng mahabang tag-init.

Hinamak kong gawin ito. Pinakawalan ko ang aking sarili sa matinding pananinindigan. Pinakawalan ko ang aking mga kamay itinaas ito. Binuksan ang bibig…nilabas ko ang aking dila. Hinintay ang pagbuhos nang ulan.

Pumatak-patak ang ulan…

Bigla may narinig akong isang malakas na ingay. Sinundan ito nang tinig nang aking nakatatandang kapatid. Narinig ko ang pagtawag sa akin ng Adi Sule. Nakita ko siya sa pasilyo. Humahangos at puno nang pag-aalala. Kahit wala siyang sabihin alam ko kailangan niya ang aking tulong. —Kailangan ako nang aking ina.

Umalis ako. Tinigil ko ang bagay nagbibigay sa akin nang kasiyahan. Ang nagbabalik sa aking gunita nang mga panahong masasaya naming sandali nang aking mga kapatid. Tumalima ako sa paghingi nang tulong nang Adi Sule. Pumasok ako sa loob nang aming tahanan.

Sinundan ko siya kung saan nakita ko ang aming nakatatandang kapatid na si Adi Makbule. Lumapit ako sa Adi Makbule na nang mga panahong iyon ay naroroon sa labas nang silid nang aming ina.  Sinabi niya sa akin na kanina pa ako hinahanap nang aming ina. Na higit kaninoman ako ang higit niyang kailangan nang mga sandaling ito. Napilitan akong sundin ang Adi Makbule kahit hindi ko gustong pumasok ngayon sa silid nang aming ina.

Nawala ang aking atensyon sa pagbuhos nang ulan sa malawak na lupain sa gitna nang aming tahanan at sa halip pinag-tuunan ko nang pansin ang aking pinakamamahal na ina. Kasabay noon bumuhos ang malakas na ulan. Ang pulang lupa ay naging masaya habang wala ako na siyang dapat niyang kasama. Tignan mo aking ina, ano na lang ang nagagawa nang pag-ibig.

KABANATA ISA:

ANG PAGKILALA SA TAHANAN NANG MGA BARAKAT

Sa taong tatlongdaan at dalawa, mahigit siyamnaraang taon bago ang ating kasalukuyang panahon bumagsak ang tahanan ng Barakat sa ikalawang pagkakataon nang hindi inaasahan. Nagsimula ito matapos hulihin at dakpin nang mga anino nang tahanan ng mga Barakat ang isa sa mga anak nang patnugot at Hadezar ng tahanan sa kasalanang pangangalunya laban sa isa sa mga may-ari nang lupang pinapatnugunan nito. Ang nahuli ay walang iba kung hindi ang tagapagmana ng tahanan at siyang susunod na hahalili sa tungkulin nang pagiging Hadezar sa ama nitong si Hadi Abbas, ito ay walang iba kung hindi ang Hadi Karim.

Ang Hadi Abbas

Bumukas ang lagusan nang pintuan. Narinig nang Hadi Abbas ang pagtawag sa kanya nang kanyang bunsong anak. Napalingon siya dito dahilan upang sabihin nang kanyang bunsong anak na panahon na…bagay na kanyang tinugunan nang pagtalima at pagkilos. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuang nakadikit sa dingding nang bulwagan ng tahanan.  Sumunod siya sa paglabas sa kanyang anak at sa kanyang paglabas nakita niya ang dagsa-dagsang mga Jingkar na nasa ilalim nang kanyang pamumuno na iniintay ang kanyang paghatol sa sarili niyang tagapagmanang-anak.

Sa pag-akyat niya sa gawang plataporma inutusan niya ang kanyang bunsong anak na tawagin at sunduin ang nakatatandang kapatid nito…bagay na ginawa nang Hadi Rahim, ang bunso nitong anak na lalake. Dinala nang kanyang bunsong anak, ang mapalad na si Hadi Rahim sa labas nang kanilang tahanan sa malawak na lupain sa gitna nang kanilang minanang pagmamay-ari…

Narinig niya ang bulungan nang mga nasa ilalim nang kanyang nasasakupan. Ang pagtawag na isang taksil, ang pagtawag na isang mangangapid. Ang apid na si Hadi Karim. Isang pagkakamali ito sa kanya…sa kanyang tahanan lalong-lalo na sa kanyang mga nasasakupan. Hindi niya maaatim na marinig ito, bagkus hindi ito ang pinakamasaklap na nangyari sa kanyang pamumuno. Pinikit niya ang kanyang mga mata habang nakalagay ang kanan niyang kamay sa ibabaw ng apoy sa kawan na nakalagay sa panungkod na may tatlong paa.

Kaagad, sang-ayon sa kanyang utos humarap ang namamaratang at ang pinaparatangan sa kanya— siya na higit sa lahat ang ama nang pinaparatangan. Ayaw niyang mapunta ang paghuhukom sa kung kaninoman. Higit pa at lalong-lalo na sa kanyang mga kasamahang mga kapwa Hadezar sa kalipunang bumubuo sa pamumuno nang buong Ja’khar.

Unang umakyat ang pinaparatangan sa gawang plataporma sa malawak na lupain ng kanyang tahanan. Ang init nang sikat nang araw ang lalong nagbibigay sa kanya nang kahinaan ng loob na magpatuloy.

Ang mga bulongbulungan ay nagsimulang umaliw-iw at naging hiyawan nang mga nagkukumpulang walang galang na kanyang pinapatnugunan na nasa ilalim ng kanyang impluwensya at nakapaligid sa gitna nang kanyang tahanan at nakasalansan sa nakabukas na lagusan na walang magawang sa buhay, masaksihan lang ang paghuhusga nang mabuti at makatwirang pinuno sa anak na naging kahihiyan —ang ‘kahihiyang’ Hadi nang tahanan ng mga Barakat. 

Tumayo sa kanyang kinatatayuan ang Hadi Walid, ang Hading namamaratang. Nang handa na ang lahat tinanggal niya ang kanyang mga kamay sa ibabaw nang apoy na nasa kawan sa gawang plataporma ng tahanan. Tumigil siya sa kanyang panalangin. Sinimulan niyang harapin kung ano ang nakatakda sa kanyang tungkulin. Nabaling ang kanyang pansin sa kanyang anak. Suot nang kanyang anak ang kulay ng kanyang tahanan, ang dugong-kulay na may mga habi ng itim na ahas na nagtataglay ng dalawang tuldok. Ang Báta nito ay itim, pinaglumaan na, at ginagamit sa pang-arawaraw na pagtulong sa mga sinasakupan.

Naalala niya nang umalis ito kanikanina lang nang bago ito umalis at magbigay nang paggalang sa kanya. Nang nagpaalam ito sa kanya at ipinangako nito sa kanya na magbabago ang lahat. Naniwala siya dito. Naniniwala siyang hindi nito kayang gawin kung anoman ang ibinibintang nang iba dito…kilala niya ito mula pagkasilang.  Siya ang naging sandigan nito, tagapagbantay sa bawat panahon nito. Nakita niya itong lumaki, tumanda at nagkaisip.

At ang Hadi Walid…O! ang Hadi Walid. Kung anoman ang ginawang kasalanan nang kanyang anak nakatali ang kanyang mga kamay sa gawang bigkis na gumagapos sa kanya at sa kanyang pamumuno bilang Hadezar.

Humarap siya sa kanyang mga nasasakupan. Tinignan niya ang mga ito. Nagkaroon na nang lamat kung anoman ang kaugnayan niya sa kanyang mga nasasakupan. Inutusan niya ang kanyang bunsong anak na kunin ang upuan sa loob nang imbakan. Bagay na ginawa nito.

Kasabay nito wika niya sa kanyang mga nasasakupan, “NGAYON!” ang sigaw na nagmumula sa kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Ano ang kanyang sasabihin? “Ngayon…ang aking tahanan ay nahaharap sa isang matinding pagsubok. Ang aking tagapagmana ay pinaparatangan nang pangangalunya nang taong nasa aking kaliwa” Paano siya magpapatuloy. Nabaling ang kanyang pansin sa Hadi Walid. Hindi niya alam kung maaari niya pa itong ituring na kahalintulad niya at nasa kanyang kalagayan “Kilala niyo siya. Sa katunayan mabuti siya sa ating lahat. Nangangamba ako na baka paniwalaan niyo ko—na baka mapaniwala niya kayo…” Umigting ang bumabalot na kaguluhan at pagkakaroon nang lamat sa pagitan niya at nang kanyang nasasakupan. “nang kanyang mga salita!” naglaho ang kanyang tinig sa mga walang paggalang sa kanyang pamumuno.

Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Kung saan siya magsisimula. Kilala siya nang lahat na isang makatwirang Hadezar, ang kanyang anak ay isang mabuti, at ang nagpaparatang sa kanyang anak ay may kababawan ang isip at may kakulangan.

Naniniwala sila na ang Jingkar na ito ay mahina at ang mahina sa Ja’khar ay kalaban nang mga maimpluwensya…

Lumapit ang kanyang bunsong anak sa kanya. Inilagay ang upuan na may malapad na sandalan at mababaw na patungan nang mga kamay sa gitna ng plataporma kung saan siya ngayon nakatayo. Hindi niya alam kung uupo siya sa upuang ito na gawa mula sa puno nang Avetas. Nag-aalangan siyang gawin ito.

Pinagmasdan niya ito…naalala niya ang kanyang ama kung paano ito pinatay nang Jingkar na nasa ilalim ng pamumuno nito habang nakaupo ito dito. Isang paghagis nang isang Matalim na bato dahilan upang mabasag ang bungo nito at hindi na makilala pa. Kung paanong walaman lamang ang nakahuli dito ngunit sa pagtagaltagal ay lumutang rin ang bangkay nito sa gitna nang isang basang sakahan…

Nabaling ang kanyang atensyon sa nag-aakusa sa kanyang nakatakdang-tagapagmana. Kilala niya ang Hadi Walid…labis niya itong pinagkakatiwalaan na halos ikasira nang kanyang tahanan.

Inggit ang sumira sa kanilang mag-ama, nang Hadi Karim, at naging dahilan upang hindi sila mag-usap na matagal.

Tinanong niya ang nang-aakusang Hadi Walid kung ang kanyang tagapagmana nga ba ang taong tinutukoy nitong nangalunya sa asawa nito. Gusto niyang makasiguro. Gusto niyang mapaniwala ang kanyang sarili na ang lahat ng mga nangyayari ngayon ay hindi totoo.

Hindi kumibo ang Hadi Walid.

Tinawag niya ito. Tinawag niya ito sa pangalawang pagkakataon. Dagdag niya, “sabihin mo sa amin ang totoo.”

Ngunit nagkimit-balikat ang Jingkar na nagpaparatang sa kanyang anak.

Gusto niyang ngumiti…gusto niyang makasiguro na tama ang kanyang naririnig at hindi ang kanyang anak ang nangalunya sa asawa nang kanyang Liyaw, kung totooman ang paratang nito.

Umupo siya. Napangisi ang Hadi Abbas sa tugon ng Hadi Walid sa kanya. Alam niya papaano ito malulusutan. Ngayon may paraan na. At kapalit noon ang kaparusahan nang Jingkar na sumira sa kanyang pangalan. Naglaho ang ngiti sa kanyang labi. Nabaling ang kanyang pansin sa mga Jingkar na hindi nalalaman kung ano ang nangyayari.

Kilala niya ang Hadi Walid. Mabuti ito sa kanya at sa kanyang tahanan pero masmahalaga sa kanya ang kanyang tahanan, at hindi niya na gusto bumagsak pa ang kanyang tahanan sa pangalawang pagkakataon sa kanyang pamumuno.

Wika nang Hadi Walid nang malumay na tinig at may huwad na paggalang, “pero hindi ibig sabihin noon na hindi ako nakasisiguro na siya ang nangalunya sa aking asawa.”

Umiling-iling siya. Nilagay niya ang kanyang ulo sa kanyang mga kamay. Hinimashimas niya ang kanyang noo. Inayos niya ang kanyang buhok.

Muli sa ikalawang pagkakataon, sa ilalim ng makulimlim na umaga, sa nagaganap na pag-uusig tinanong niya ang Hadi Walid. Tanong niya, “kung ganon sabihin mo sa akin Hadi Walid kung siya bang talaga, ang aking anak nga ba ang nangalunya sa iyong asawa. Kung anomang ang totoo…paniniwalaan ko ang iyong mga salita.”

Nagulat ang kanyang anak. Narinig niyang tinawag siya nang Hadi Karim.

Wika nang Hadi Walid, “patawarin niyo ako hadezar subalit hindi ako nakasisiguro. Pero alam ko…alam ko na siya ang Hadi Karim ang naging laman nang isipan at alaala ng aking asawa. At natatakot ako na baka nagawa niyang sirain ang dangal nang aking asawa.”

Tumayo siya.

Ang kanyang galit ay tago at tikom.

Ang kanyang pasensya ay mahaba ngunit manipis at malapit na itong mapatid datapwat sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Isaalang-alang ang kanyang nasasakupan gaya nang kanyang pagsumpa sa kanyang tungkulin nang isilang siya bilang Hadezar nang Tahanan nang mga Barakat maraming taon na ang nakakalipas mula sa panahong ito na kailangan niyang piliin kung sino ang kanyang papanigan, kung ang kanyang anak nga ba o ang kanyang nasasakupan.

Wika niya sa Hadi Walid, “kung ganon gusto kong makatiyak, Hadi Walid kung bakit ka nakasisiguro na ang aking anak ang gumawa nang kadumaldumal na kasalanan at bakit mo nalalaman na siya kung siya nga ang sumira sa dangal, gaya ng iyong sinabi, nang iyong asawa. Patunayan mo sa akin bago ako humatol.”—Datapwat buo na ang kanyang isip. nakapagdesisyon na siya, alam niya kung sino ang kakatigan. At sa mga maaari pang mangyari umaasa siya na ang kabuktutan nang sinomang manira sa kanyang tahanan ay kanyang maitama sa kanyang napiling desisyon.

Inutusan niya ang Hadi Rahim na ito na ang bahala sa mga Jingkar na nasa loob nang kanyang nasasakupang tahanan. Inutusan niya ito na paalisin ang lahat at panatilihing banal ang kanyang pamumuno at ang nangyayari ngayong pamamagitan.

Bagay na ginawa nang kanyang bunsong anak. Iniwan niya ang mga ito. Bumaba siya sa gawang plataporma na nasa gitna ng malawak na lupain nang kanyang tahanan. Hinayaan niya ang kanyang bunsong anak na mamuno.

Bumalik siya sa loob nang bulwagan nang tahanan. Muli umupo siya sa isa sa mga upuang nakadikit sa dingding at gawa sa bato, malapit sa lagusan nang silid at sa isa mga durangaw nito. Nang tanghaling ito naiwan siyang nag-iisa, nakaupo at inaalala kung anoman ang tumawing-tawing sa kanyang isipan.

Habang nakaupo inalala niya ang tahanan ng Hadi Walid. Sa kanyang pagkakaalala, nasa gitna ito nang naliligid na mga tanim na bungang kahoy. Payak lamang ang simuno nang tahanan. Walang gaanong kulay. Walang masyadong bato na nagbibigay pundasyon, lahat madaling mawasak. Alam niya…naniniwala siya at wala nang dapat pang patunayan, mabait ang Hadi Walid. Hindi iyon maipagkakaila. Kinupkop niya ito sa kanyang tahanan itinuring bilang isang tunay na anak. Ibinigay ang pangangailangan nito. Siya ang tumulong dito na makaahon, simulan ang hindi natapos nang ama nito na maagang nawalay dito. Ginawa niya itong may-ari nang isang lupa at hindi siya nito binigo.

Ang kanilang huling pagkikita ay hindi maitatangging ang pinakamasayang araw, ang pag-iisang dibdib nito sa ngayong asawang si Adi Fidda.

Guniguni niya marahil awa ang nagtulak sa kanya para mahalin ang mababaw na Hadi. Awa ang naging dahilan kung bakit nasa kalagayan ito nang pagiging isang may-ari nang lupa at marahil kung bakit niya ito pinagbigyan na ituwid ang pagkakamali at makasiguro gayong kaya nitong ilubog ang kanyang tahanan.

Hanggang sa nakarinig siya nang isang tinig. Tinawag siya nang kanyang asawa na kanina pa siyang pinagmamasdan. Dinilat niya ang kanyang mga mata. Lumingon siya dito.  Wika niya sa kanyang asawa, “pakiusap! Huwag muna ngayon Adi Dalal. Huwag mo muna ako ngayong ilagay sa isang matinding alanganin.”

Tugon sa kanya nang Adi Dalal, “bakit ko naman iyon gagawin sa iyo. Alam ko namang nasa matindi ka nang alanganin— Masakit pa ba ang iyong ulo?”

Sagot niya, “kanina pa siya sumasakit…mula kanina pa!”

Umupo ito sa kanyang tabi. Hinawakan nito ang magkabila niyang sintido. Hinilot nito ang sumasakit nito sa kanya. Wika nito sa kanya, “sabi ko naman sa iyo huwag ka nang magkikilos pa! Ayaw mo namang makinig sa akin…sino ba naman ako hindi ba? Isa lamang naman akong hangal na palaging sumusunod sa iyo!”

Wika niya sa kanyang asawa, “sino ang gusto mong mamahala nang pamamagitan. Ikaw? Sa palagay mo magagawa mong mamagitan kung anak mo na ang pinaparatangan at ang tahanan mo na ang walang pakundangang binababoy! Hindi kaya ng bunso mong anak ang mga mangyayari ngayon…” Tinignan niya ang kanyang asawa habang hinihilot nito ang kanyang batok “walang sinoman sa atin kung hindi ako lang, kahit hindi ko kaya…”

Wika niya, “kung sa bagay tama ka!”

Ngumiti ito.

Pinagtakahan niya ito.

Tanong nito sa kanya, “tanda mo pa ba nang ipinagbubuntis ko ang Hadi Karim. Akala ko iyon na ang pagkagunaw. Akala ko pinaparusahan ako nang langit dahil pinili mo ako higit kaninoman. Natatandaan mo ba kung ano ang sinabi mo sa akin! Tandang-tanda ko. Hinawakan mo ang aking kamay nang ganito, nang mahigpit, at sinabi mo sa akin malalampasan natin ang suliraning ito at magpapatuloy tayo sa ating buhay. Na darating ang panahon at pag-uusapan natin siya at ang mga nangyari sa atin na parang walang nangyari.”

Wika niya dito, “hangal? Sino sa atin ngayon ang hangal?

Tumingin siya sa Hadi Abbas. Dagdag nito sa kanya, “siya ang iyong tagapagmana, Hadi Abbas! Dugo nang iyong dugo—laman ng iyong laman. Siya Ang magpapatuloy nang iyong salinlahi…Huwag.” pagpupumilit nito sa kanya “Huwag…Hadi Abbas, huwag ang aking anak!”

Tugon ng Hadi Abbas, “paano ko makakalimutan ang isang nakaraan na lubhang-masakit at lubhang-masaklap.”

Nilagay nang Adi Dalal ang kamay nito sa kanyang mukha. Wika nang Adi Dalal, “Minsan na tayong namatayan huwag mo nang dagdagan pa.” Tinanggal nito ang pagkakahawak nito sa kanyang mukha. Tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa kanyang tabi. At bago ito umalis, wika nito, “nandiyan na sila. Kanina ka pa nila hinihintay! Huwag kang mag-alala kumain na ang Hadi Karim kung hindi mo naitatanong.” Sinabi niya sa kanyang asawa na tawagin nito ang buong tahanan at maghanda.

Bagay na ginawa nito at tumalima.

Lumabas siya sa bulwagang silid nang kanyang tahanan. Kasunod noon kasabay nang pagdating nang mga inaasahan, nang inaakusa, nang inaakusahan at nang dahilan nang lahat ng ito lumabas ang kanyang buong tahanan at nagtipontipon ito sa harap na pasilyo nang bulwagan ng tahanan ng mga Barakat.

Sa muli niyang pag-akyat sa gawang plataporma sa malawak na lupain sa gitna nang kanyang tahanan nakilala ng halos buo niyang tahanan ang Jingkar na pangunahing sangkot sa kaguluhang ito, ang asawa nang Hadi Walid. Nang may paggalang at pantawag na pamitagan pinakilala nang dating liyaw ng tahanan ng mga Barakat ang asawa nito sa kanila.

Tinanggap niya ito sa kanyang nasasakupan…Hinawakan nang Hadi Walid ang kamay nang asawa nito. Dahilan para malantad sa damit nito ang pagdadalang-tao nang Adi Fidda, na kanyang ikinagulat.

Nabaling ang kanyang pansin sa kanyang anak at muli itong nawala sa kanyang guniguni.

 Wika niya sa Hadi Walid at sa Adi Fidda, “hindi ko alam na nagdadalang-tao ang iyong asawa Hadi Walid. Hindi mo sa amin sinabi ang bagay na ito…Ito ba ang dahilan kung bakit mo sa amin pinapalandakan na alam mo at nakasisiguro ka na ang aking anak ang nangalunya sa iyong asawa, kung siyaman?”

Umiling-iling ang Hadi Walid, sa pangatlong pagkakataon.

Wika nang Hadi Abbas, “ngunit paano ka nakakasiguro Hadi Walid…na ANG AKING ANAK ANG TALAGANG MAY KASALANAN AT HINDI ANG IBA…ANO ANG KATIBAYAN MO! Paano mo mapapatunayan sa akin?”

Nagpaliwanag ang Hadi Walid. Tugon nito sa kanila na sa gitna nang kanilang hindi pagkakaunawaan at pagtatalo nang asawa nito hindi nito sinasadyang maamin dito na nagkaroon ang pagkakaintindihan ang Hadi Karim at ang asawa nitong si Adi Fidda na lalong ikinahimutok nang galit na nararamdaman nito sa asawa nito.  Pinabulaanan ito nang Hadi Karim. Sinabi nitong hindi ito totoo.

Sinabi nito sa kanya na hindi siya dapat maniwala sa sinasabi nang Hadi Walid o nang asawa nitong ‘malahalimaw’.

Sumabat ang Hadi Walid. Tinuran nito sa kanyang anak na ang pangalan nang kanyang asawa ay Adi Fidda.

Pinigilan niya ang kanyang anak.

Napatigil ang Hadi Karim. Tinawag siya nitong, “baba”.

Lumapit siya sa asawa nang Hadi Walid. Tinanong niya ang Hadi Walid kung maaari ba siya nitong pahintulutan. Sinabi nang Hadi Abbas na wala itong dapat na katakutan. Na wala siyang gagawing masama sa magiging anak nito at sa asawa nito. Tinanggap nito ang kanyang kagustuhan.

Hinawakan niya ang tsan nang Adi Fidda nang may pahintulot sa Adi. Kung hindi siya nagkakamali ay makailang ulit na silang nagkita ng Adi Fidda. Tanong nang Hadi Abbas sa Adi Fidda, “hindi ba nagkita na tayo?”

Tumango-tango ang Adi Fidda.

Dagdag nang Hadi Abbas, “Kung hindi ako nagkakamali nang una tayong nagkita ay sa araw nang iyong pag-iisang dibdib. At nasundan pa ito, hindi ba?”

Wika nang Hadi Karim sa kanya, “hindi Hadezar…bago iyon pinakilala pa siya sa iyo nang Hadi Walid!”

Ngumisi ang Hadi Abbas. Wika niya sa kanyang anak, “natatandaan ko na.”

Muli nabaling ang kanyang atensyon sa Adi Fidda. Tanong nang Hadi Abbas, “sinabi mo ang pangalan nang aking anak nang hindi sinasadya noong mga panahong nag-aaway kayo nang iyong asawa hindi ba?”

Tumango-tango ang Adi Fidda bilang pagsang-ayon nito sa kanyang katanungan.

Dagdag niya, “kung ganon kilala mo ang aking anak! Sa aking pagkakaalala, makailang ulit ko kayong nakitang magkasama ng Hadi Karim sa aking tahanan. Ngayon sabihin mo sa akin…totoo ba ang sinasabi nang iyong asawa? Anak ba nang aking anak ang iyong dinadala.”

Hindi kumibo ang Adi Fidda.

Pinilit nang Hadi Walid na pagsalitain ang asawa nito.

Wika nang Hadi Abbas, “tayo lang ang nandito. Sabi ko naman sa iyo wala kang dapat katakutan, Adi. Pinaalis ko ang mga usiserong nakapaligid sa amin kanina. Kung nandito ka kanina maririnig mo ang mga hiyawan, patusyada at hindi magagandang sinasabi sa aking anak. At marahil ganon din ang mangyayari sa iyo. Huwag mo nang pahabain pa ang mga kasuklam-suklam na mga sandaling ito. Ubos na ang aking pasensiya…alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi. Alam mo ang mangyayari sa Hadi Walid kung magsinungaling la sa akin. Matagal ka nang nandito hindi ba…dayuhan ka rin tulad nang iyong asawa. Qaa’ur tama ba? Hangal ako sa mga tono ng pananalita…alam mo, na nang bata pa ako kung sinoman ang dumating inuusisa kong mabuti kung papaano sila magsalita…kung ano ang tono nila. Kung nagsasabi ba sila nang totoo o hindi. At sa iyo mukha kang naghahanap nang pansin at nagsisinungaling. Isalba mo ang iyong asawa Adi Fidda!” Sinubukan nang Hadi Walid na pilitin ang asawa nito. Dagdag nang Hadi Abbas, “Oo o hindi lang…”

Tumulo ang luha sa mata nang Adi Fidda.

Nabaling ang atensyon nang Hadezar sa tahanan nito. Sa lugar kung nasaan ang pamilya nang kanyang nasasakdal na anak. Hindi dala nang asawa ng Hadi Karim ang bagong anak nito. Kasunod noon nabaling ang atensyon nang Hadi Abbas sa kanyang anak. hindi maikakaila ang kanyang pagkadismaya.

Muli nabaling ang kanyang pansin sa babaeng pangunahing sangkot sa kaguluhang nangyayari ngayon. Wika ng Hadi Abbas, “alam mo bang kapapanganak lamang nang asawa ng Jingkar na inaakusahan ng iyong asawa. Lalake ang kanilang naging anak. Isang malusog na sanggol. Nakatitiyak ako, nasa isang taong gulang na ang bata. Hindi mo ba sa akin tatanungin kung ano ang pangalan ng anak ng Hadi Karim at Adi Hiba. Alam mo ba Adi Fidda. Hadi Yasir. Iyon ang pinangalan nang aking anak sa kanyang bunso at kaisaisang anak na lalake. Matagal na sa amin ang pangalang iyon!”

Ngumisi ang Hadi Abbas. Wika niya sa asawa ng Hadi Walid, “hindi ko na pahahabain pa. Hindi na ako magtatanong pa. Adi Fidda. Pero gusto ko sagutin mo ang itatanong ko pagkatapos noon maaari na kayong makauwi nang iyong asawa. Pinapangako ko iyan.”

Napatingin ang Adi Fidda sa asawa nito. Kasunod noon nabaling ang atensyon nito sa kanya…Tumango-tango ang Adi Fidda bilang sagot sa kanyang tanong dito.

Tanong nang Hadi Abbas sa Adi Fidda, “isang sagot—isang tanong ang aking anak ba ang ama ng dinadala mo sa iyong sinapupunan.”

Nang maluha-maluha at may takot inamin nito ang kanyang kinatatakutan. Tumango-tango ito.

Sagot nang kanyang anak na si Hadi Karim, “TOTOO…”

Tinignan nang Hadi Abbas ang kanyang anak na si Hadi Karim ng may pagkadismaya. Walang nagawa ang Hadi Karim kung hindi yumuko at manahimik.

Tumango-tango ang Hadi Abbas. Kasunod noon lumapit siya sa kawan nang apoy na tanda nang kanyang impluwensya. Hinagi niya ang kanyang palad sa duluhan ng apoy na nasa kawan. Humarap siya sa kanyang pamilya, hinarap niya ang kanyang anak sa mga tahanan nang Barakat at kasabay nito, itinakda niya ang kanyang desisyon laban sa kanyang anak. Maging sa asawa nang Hadi Walid.

Nagulat ang Hadi Walid.

Nagmakaawa ang Hadi Walid sa kanya sa kaligtasan nang mag-ina nito, lalo na sa magiging anak nito subalit hindi na siya naawa.

Ito na ang huling beses na kaawaan niya ito. Wika nito sa Hadi Walid, “patawarin mo ako Hadi Walid. Ginagawa ko lamang kung ano ang tungkulin ko.  Hiningi mo sa akin ang kamatayan nang aking anak. Binigay ko sa iyo. Ngayon hinihingi ko sa iyo ang kamatayan nang iyong asawa.”

Tanong nang Hadi Walid, “pero bakit…wala siyang ginawang kasalanan?”

Wika nang Hadi Abbas, “dahil isa kang Jingkar, Hadi Walid…alam mo dapat kung ano ang nakatakda sa hindi, bago ka kumilos. Iyon ang inaasahan namin sa iyo. Iyon ang pinakamalaking pagkakamali mo!

Nang mga sandaling ito binaling nang Hadi Abbas ang kanyang atensyon sa Adi Fidda. Humingi siya nang patawad sa ginawa nang kanyang anak, at sinumpa niya dito, na hindi na gagawin pa nang kanyang tahanan ang pagyurak sa ibang tahanang kinasasakupan nang kanyang pamumuno.

Nabaling ang atensyon nang Hadi Abbas sa Hadi Walid. Inutusan nito ang may-ari nang lupa na sunugin ang asawa nito.

Tinanong nito sa kanya kung may magbabago ba kung patatawarin nito ang kanyang anak.

Bumuhos ang ulang na kanina pa nagbabadya.

Tumanggi siya. Tinanggi niya ang kapalarang naghihintay sa kanyang anak at sa asawa nang Hadi Walid. Wika niya sa Hadi Walid, “Kung gusto mo nang kapatawaran hindi mo dapat sinimulan ang lahat sa isang pagbabanta.”

Tinalikuran niya ang mag-asawa. Kasunod noon humarap siya sa kanyang tahanan. Naganap sa loob nang tahanan ang paghuhugas nang kamay nang mga Barakat. Matapos nito naging Kalisag ang kanyang nakatakdang tagapagmana nang kanyang tahanan…

Kasabay nito umalis ang Hadi Walid at ang Adi Fidda kasama ang mga anino ng tahanan ng mga Barakat…pabalik sa tahanan nito upang doon sunugin at patayin ang mag-ina nito habang binabantayan at Pinanood nang mga pipi at binging mga Anino na tanging sumusunod lamang sa kagustuhan nang mga hadezar nito sa lipunan ng Ja’khar.

Kinulong ang Hadi Karim sa loob nang isang madilim na imbakan sa kanilang tahanan habang siya umakyat sa ikalawang palapag nang tahanan. Nagtungo sa kung nasaan ang kanyang ang bunsong anak na biglang nawala sa kanyang paningin matapos niyang itakwil ang kapatid nito.

Nakita niya ito sa silid nang Hadi Yasir…

Pumasok siya sa loob nang silid kung saan pagpasok niya ay nakita niya ito kasama ang anak nang kanyang panganay na itinakwil habang buhat-buhat nito ang Hadi Yasir at ang kuna na tinutulugan nito ay bumagsak mula sa pagkakapako sa dingding.

Sinabi nang Hadi Rahim na nakita nitong nakalapag sa sahig ang Hadi Yasir at ang bumagsak na kuna.

Tinanong niya sa kanyang anak kung nasaan ang mga pamangkin nito.

Sinabi nito sa kanya na kasama nang mga ito ang kanilang ina sa kabilang silid tulugan. Umiiyak ang Adi Hiba…

Wika niya sa kanyang bunsong anak, “wala na tayong magagawa pa. Kailangan kong gawin kung ano ang inaasahan sa akin.”

Binaling niya ang kanyang pansin sa durangaw nang silid. Hinintay niya ang pagtatakda nang Hadi Walid sa buhay nang asawa nito.  Tinanong nito sa kanya kung nasaan ang ina nito. Sinabi niya dito na magkasama silang dalawa nang Hadi Karim sa loob nang madilim na imbakan.

Tanong nang Hadi Rahim sa kanya, “ama bakit mo iyon ginawa?”

Sagot nang Hadezar sa kanyang anak, “dahil ako ang Hadezar at darating ang araw na kapag naging Hadezar ka rin, at kinakailangan mong mamili kung ano ang masmahalaga ang buhay nang iyong anak o iyong tungkulin maiintindihan mo rin kung bakit ko iyon ginawa.”

Wika nang Hadi Rahim, “sana masunog silang pareho!”

Wika nang Hadi Abbas, “sana nga…”

Nang ilang sandali pa sa kanilang paghihintay natanaw nila ang isang napakaitim na usok sa hindi kalayuan ng kanilang tahanan. Nagulat ang Hadi Rahim sa nakita nito. Kagyat dalidaling lumabas nang silid. Bumaba sa ikalawang palapag nang kanilang tahanan.

Hindi nagtagal sinundan ito nang nakabibinging ingay sa loob nang kanyang tahanan. Ang iyak nang kanyang asawa…

Habang tanging sila lamang dalawa nang Hadi Yasir ang naiwan sa loob nang dulong silid sa ikalawang palapag ng tahanan.

Tumulo ang luha sa mata nang Hadi Abbas, alam niya na ang sigaw na kanyang narinig ay ang hudyat nang kamatayan nang kanyang anak habang pinagmamasdan kung ano ang nangyayari sa labas nang kanyang tahanan. Tanaw sa hindi kalayuan ang usok na nilikha nang kanyang desisyon, niyakap niya nang mahigpit ang kanyang apo habang karga-karga niya ito. Kasunod nito mabilis na kumalat sa buong Ja’khar ang ginawa niya sa kanyang tahanan.