Mga Alamat

Ang mga halaman at mga hayop na makikita sa lupain nang Malayang Andes ng Silangan:

A.

ANG MGA PUNO NANG ABO

Mga punong nangungulag pagdating sa panahon ng taglamig. Nagtataglay ito nang mga maliliit na mga dahon na kulay luntian at mga bungang kulay abo. Matatagpuan ang mga punong ito sa Lupain nang Taglamig, sa Barangka at sa Gubat ng Hamog.

ANG MGA ASONG-GUBAT

Mga nilalang na gamit ng apat na paa. Kahambing sila nang mga leon at mga aso. Ang kanilang taas ay umaabot nang 121.92 cm (shoulder height) o 213.36cm (bipedal height). Nagtataglay sila nang mga spotted skin sa kanilang mga balat nang tulad sa mga hiyena, jaguar at mga cheetah.  Nagtataglay sila nang matalas na pang-amoy at malalapad na mga bibig na may mga nakausling carnassial. Ang kanilang mga mata ay nagliliwanag at kulay kastanyas na may kakayahang makakita sa dilim, malalaki ang tinataglay nilang nuchal line sa kanilang mga batok. Nagtataglay sila nang isang metrong buntot.

ANG MGA PUNO NG AVETAS

Mga punong matatagpuan sa Malayang Andes nang Silangan at nagtataglay nang makakapal na mistulang kaliskis na mga tangkay at mga sangang may mga tinik. Nagtataasan ang mga ganitong uri nang mga halaman na matatagpuan sa hilagang bahagi nang Malayang Andes ng Silangan. Kung saan ang buong kapaligiran ay mahalumigmig at parating basa. Ang ganitong dami nang mga puno ay makikita sa bahagi nang latiang ilog nang Dilang-Ahas at sa paligid nang mahabang ilog sa gubat nang hamog at sa mapanglaw na kakahuyan. Ang puno nang Avetas ay hindi gaanong nagtataglay nang mga sanga. Ang mga tangkay nito ay may lapad na isang metro at ang taas nito ay aabot hanggang sa tatlumpung metro.

B.

ANG MGA BAKUNAWA

Mga isdang naninirhan sa mababaw na bahagi nang mahabang ilog nang Malayang Andes nang silangan at sa latiang ilog nang Dilang-ahas. Nagtataglay ang mga ito nang kulay itim at luntiang kaliskis. Ang mga Bakunawa ay mga higanteng isdang naninirhan sa mga tubig tabang. May laki silang aabot nang mahigit dalawang metro at bigat na umaabot nang dalawang sakong bigas. Makakapal ang kanilang mga kaliskis na baluti at tulad sa mga plywood. Ang mga Bakunawa ay mga carniboro o kumakain nang laman. Naninirhan sila sa mababaw na bahagi nang tubig. Ang kanilang hugis ay mala-torpedo. Ang mga uri nang isda na humihinga sa ibabaw nang tubig at nagagawang tumalon sa ibabaw nang tubig.

ANG MGA BALBAL

Mga maliliit na mga unggoy na nabubuhay sa mga punong kahoy. May laki ang mga Bal-bal na aabot nang tatlumpu’t lima hanggang apatnapung sentimetro. Ang pangunahi nilang pagkain ay ang halaman, mga bunga at maliliit na mga insekto. Halos kahambing sila ng mga paniki na imbis mga kamay ay nagtataglay sila nang mga pakpak sa kanilang tagiliran na kanilang natutupi. Nagtataglay sila nang mahahabang mga hinlalaki na may matutulis na mga kuko na ginagamit nila sa pag-akyat sa mga puno. Ang kanilang mga mata ay naglalakihan. Ang kanilang mga nakapaloob. Matatagpuan sila sa gubat na mapanglaw at sa gubat nang hamog.

ANG MGA HALAMANG BATIBAT

Isang uri nang halamang ginagamit ang ugat bilang pangraos sa matinding nararamdamang pananakit upang magkaroon nang magandang. Datapwat ang higit na paggamit ay lasong kamandag nang tuluyang hindi na paggising pa.  Ang sinomang malalason sa halamang ito ay makakaranas nang sintomas nang mabagal at maragsang paghinga, pagkakaroon nang mga bangungot na maaaring magdulot sa tuluyang pagkahibang. Panunuyot nang lalamunan hanggang sa tuluyang pagtigil nang paghinga.

ANG MGA BERBEROKA

Mga higanteng pagi na nanirhan sa malalamig na bahagi nang karagatan. Nagtataglay sila nang malalaking mga bibig na lalong lumalaki habang kumakain sila. Matinik ang kanilang mga buntot.  Ang kanilang katawan ay palapad na maaaring umabot halos mahigit limang metro. Ang mga Berberoka ay nagtataglay nang umbok sa kanilang likuran malapit sa ulunan na mistulang palikpik nang pating. Tahimik ang mga ito na naninirhan sa malalamig na bahagi ng karagatan.

C. 

ANG MGA HALAMANG CAFIR

Mga amapolang halamang nagtataglay nang mga itim na dahong palumpong. Ang mga puting katas na nagmumula dito ay lason na walang amoy at walang lasa. Nagagawa nitong pamanhinidin ang buong katawan mula sa mga ugat at kalamnan hanggang sa mga laman. Magmistulang likas na kamatayan ang pagkamatay. Ang mga itim na mga dahon nito ay pinatutuyo nang mga Jingkar, ginagamit na pampalibang at hinihithit o iniinsenso.

D.

ANG MGA HALAMANG NASA TAGURING ‘DALIRI NG MGA DILAG’

 Mga uri nang cacti na tanging makikita lamang sa Lambak nang apoy at sa loob nang gubat nang Hamog. Ang mga uri nang ganitong mga cacti na namumuhay lamang sa mainit, mahalumigmig at malagihay na mga kapaligiran.

I. 

ANG MGA IMDUGUD

Mga higanteng mga paniki na matatagpuan sa mga kabundukan at talampas nang Malayang Andes. Ang mga Imdugud ay nagtataglay nang mga malalaking mga pakpak na may wingspan na aabot mula sa dalawang metro hanggang apat na metro ang haba. Ang kanilang mga balat ay kulay gris na may makislap na kulay bughaw. Nagtataglay sila ng mga sarat na ilong at ang tanging kinakain ay mga bungang kahoy at mga prutas.

K.

ANG MGA KABUTENG BATO

Mga maliliit na mga uri nang mga kabute na matatagpuan sa paligid nang malalaking tipak nang bato. Nabubuhay ito sa taglay na mineral nang mga naglalakihang mga tipak at ang laki lamang nito ay kasing laki nang maliit na bato.

ANG MGA KATAW

Mga kulay itim na mga isda na matatagpuan sa mahabang ilog at sa nagsisibat na ilog. Mga parasitikong uri nang isda na may kaliskis na itim at kumakain nang laman. May laki sila na umaabot nang mula labing apat na sentimetro hanggang apatnapu’t anim na sentigrado ang haba. Ang mga Kataw ay mahihilig sa mga karne. Ang mga Kataw ay palaging magkakasama sa iisang bahagi at madalas na lumalangoy nang sabay-sabay.

ANG MGA KINNARIS

Mga ibong hindi nakakalipad at nagtataglay nang mahahabang mga hita. Nagtataglay din sila nang mahahabang mga leeg at kilala sa kanilang mga ginintuang plumahe at matutulis na tuka. Hindi katulad nang ibang mga ibon ang kanilang mga daliri sa paa ay tatlo lamang.  Ang kanilang pagtakas sa mga nanghuhuli sa kanila ay pamamaraan nang pagtakbo nag mabilis habang nakalabas ang kanilang mga paa nang mistulang naglalayag.

L.

ANG MGA LAMPONG

Mga nilalang na nagtataglay ng kulay abo, mistulang pilak na mga balat at mahahabang, matutulis na mga itim na mga sungay sa kanilang mga ulo. Ang kanilang mga mukha, ulo, ilong, tenga at mga paa ay tulad sa isang kambing liban lamang sa kanilang mga mata na kulay mistulang tulad sa sinag nang araw. Ang mga Lampong ay mga monocular. May taas silang aabot nang 265 cm. (shoulder height).

M. 

ANG MGA MAGAN

Mga buwaya na nanirhan sa mahabang ilog nang Malayang Andes. Matatagpuan sa bunganga nang ilog, at sa kinasasakupang tabing-ilog nang Ja’khar. Ang mga Magan ay kilalang bahagi nang lipunan nang Ja’khar. Hinuhuli at pinaparami ang kanilang mga lahi sa dalampasigan at tabing ilog upang gamiting kagamitan sa paggawa nang kasuotan habang ang kanilang mga buto ay inililibing sa lupa bago gawing palamuti. Ang kanilang mga karne ay pinapakain sa mga isdang kataw at sa mga kapwa nila kauri. Ang mga Magan ay may laking aabot hanggang limang metro ang haba.

AMNG MGA PUNO NG MAHUMANAY

Mga punong nagtataglay nang patulis na hugis na dahon. Mahahabang mga tangkay na may balingkinitang katawan. Matatayog na mga sanga na mistulang mga sungay. May makinis na balat na kulay abo. Pulang mga bulaklak na nakakumpol sa mahahabang mga sanga. At mga bungang luntian na hugis bilog. Ang halamang makikita lamang sa Mata, ang malawak na oasis na matatagpuan sa timog silangan ng Malayang Andes ng Silangan.

ANG MGA MAMELUE

Mga nilalang na naninirhan sa kailaliman nang karagatan. At itinuturing na pinakakalunuslunos sa mistulang mala kalansay at buto’t balat nitong anyo. Nagtataglay sila nang mga pangil, matatalas na mga palikpik at mga ngipin. Mahahaba ang kanilang mga katawan nang katulad sa mga igat at may laki lamang na aabot nang mahigit isang metro.

ANG MGA MANTAHUNGAL

Mga nilalang na may laking 200 cm (shoulder height) at 335.28cm (bipedal height). Nagtataglay ng makakapal na mga magkahalong pula at luntiang mga balahibo sa buong katawan, balbas sa kanilang mukha, ulo, ilong, tenga at mga paa nang tulad sa mga paa ng mga baboy na may apat na mga daliri, maliliit na buntot habang sa gilid ng kanilang mga bibig ay matatagpuan ang maliliit na mga mala-sungay na nakausli sa ibabaw ng kanilang bibig.

ANG MGA MARKUPO

Mga malalaking mga ahas na walang tinataglay na kamandag. Matatagpuan ang mga itong naninirhan sa Mapanglaw na kakahuyan, sa ilalim nang mga lupa at sa gubat nang hamog. Ang mga uri nang ahas na ito ay mga python na endemic Sa malayang Andes nang Silangan katulad nang mga buwayang Magan. Nagtataglay sila nang mga makikinis na itim na kaliskis na umaabot sa kanilang mga buntot. Nagtataglay ito nang mga guhitang pula sa buong katawan at nang dalawang tuldok na puti sa dulo nang mga buntot.

N.

ANG MGA AHAS NA NAGAR

Mga makamandag na ahas na may mga itim at bughaw na kaliskis na matatagpuan sa baybayin nang Ja’khar at sa pulang gubat.

P.

ANG MGA PAKUNADA

Mga maliliit at makamandag na mga gagambang matatagpuan sa mapanglaw na kakahuyan na nagtataglay nang mga itim at puting kulay. Nagtataglay ang mga ito nang kamandag.

T.

ANG MGA PARUPARONG TAHAMALING

Mga paruparo na tinatawag na mga “Paruparo Nang Kamatayan” nang mga Erebo. Itinuturing ang mga ito na pinakamalaking mga paruparo sa buong Soluna. Ang mga lalakeng Tahamaling ay nagtataglay nang malalapad na pakpak na kulay pula at itim, na ang itim sa pulang kulay nang mga imago nang kanilang mga pakpak ay lumilikha nang Rorschach inkblot test Ang kanilang mga buntot ay nagtataglay nang dalawang chevron na dilaw na guhit. Habang ang kanilang mga antenna ay kulay pula. Ang mga babaeng mga Tahamaling ay may makikitid na mga pakpak na nagtataglay nang kulay itim at pulang mga imago sa pakpak na lumilikha nang Rorschach inkblot test. Ang mga Tahamaling ay kilalang naakit sa mga dugo.

Y. 

ANG MGA HALAMANG YGGDRASIL

Mga halamang tinik na mistulang mga bato ang matatalim na dahon nito at nagtataglay nang mga ginintuang mga bulaklak na mistulang batingaw. Ang ganitong mga halaman ay matatagpuan sa malalamig na lugar at sa hilaga at hilagang-silangan nang Ja’khar.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s