Nang ipinanganak ako, kasama ka rin isinilang sa mundong ito.

Iisa ang ating ina, magkabigkis tayo habang buhay.

Totoo? Masaya akong kasama ka.

Kahit  minsan mahirap kang kausap.

Sabi  hindi ako nag-iisa.

Totoo, nandiyan ka.

Sa ligaya,

sa lungkot

sa mahihirap na sandali

Hindi ako nag-iisa.

Nang walang sinoman ang gustong makipaglaro sa akin,

Nandiyan ka…

nagbibigay hiwaga.

nagdudulot dagdag palaisipan.

Nang walang sinoman ang makipagkaibigan sa akin.

Ikaw ang aking naging kaibigan.

Tinulungan mo akong sabihin kung anoman ang nasa isip ko.

Kahit madalas iba ang gusto nating pag-usapan.

Alam ko mahirap paniwalaan.

Alam ko ayaw mong nasasali sa mga usapan.

may sarilikang mundo

rehas ang pagitan sa ating pagkakaibigan.

pero masaya ako na sa pag-iisip ikaw ang pangunahing ambag.

Sa’yo nagsisimula ang unang tanong.

Salamat!!!

Maraming, maraming salamat!

Tinuro mo sa akin ang maging masaya.

Tinuro mo sa akin na hindi pahalagahan ang iniisip nang iba,

o ang sinasabi nang iba.

Salamat dahil kalaro kita sa bola sa kiddie pool ng sm north.

salamat kausap kita ngayon at kahit ayaw mo na masama,

salamat.

Hindi ko na isasama pa ang dahilan kung bakit minsan mahirap kang pakisamahan.

kahit minsan iniiwan mo akong mag-isa pero kapag kailangan kita,

nandyan ka!

at hindi wrong grammar ang “nandyan”

ang tawag diyan ay “di-pormal”

ikaw ang gusto ng higit na sinoman

Oo…Oo…hindi…oo—ikaw.

isa pa,last na!

Salamat kahit minsan hindi ka nakikinig,

ngiti mo lang, alam ko na ang sagot!

(hindi ko nilagay na kasama kita, baka magalit ka pa) 😛

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s