Wala pang isang linggo!

Wala pang isang linggo nag-iibigan na!

Wala pang isang linggo magkahawak na nang kamay.

Lunes nang sila ay magkakilala.

Sa isang party sa bahay ng kaibigan.

Pinakilala sa isa’t isa…

Nag-usap panandalian.

Nagpalitan ng number

magdamagan ng magka-chat.

Martes nang muli silang magkita,

Kasama ng mga kaibigan

Ngunit mistulang sila lang dal’wa.

Lumaboy at gumala

Naiwang magkasama

Muntik pang maghalikan.

Miyerkules nagtapan siya ng pag-ibig.

Gulat at pagkahiya ang inabot…

May takot sa magulang, may bago na namang Bf.

Ngunit hindi mapigalan ang kaharutan,

Tuloy natuluyan na.

Huwebes ay inibig niya rin ito.

tuwangtuwa si BF.

Akala niya siya ang una…at siya lamang.

May kabaliwan at tamis sa hangin.

Biyernes ito’y puno nang pagmamahalan.

Mga puso nila ay nag-aawitan.

Puno nang ligaya akala’y wala nang bukas pa.

Pumasok sa isang motel.

Sarap at ligaya ay tagumpay sa langit.

Ngunit pagdating nang Sabado,

Sila’y nagkatampuhan.

Ang saya sa kanilang mga labi biglang naglaho.

Natakot sa pagratrat ng isang dambuhalang shotgun.

Gumulantang ang katotohanan

Aba’t hindi pala sila bagay sa isa’t isa.

Kaya pagsapit ng linggo wala na sila.

Tuloy tapos na ang isang linggo,

shutgun lang pala pag-ibig nila.

May hit and run pang kasama!

Tumakbo ito nang malayo.

O kay bilis nang kanilang pagsasama…

kay bilis din silang maghiwalay.

natulog lang, paggising

iba na ang kasama.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s