NATAPOS NA,MALAYA NA(A POEM ABOUT MY PASTORAL SERVICE)

Isang magandang tulang alaya sa ating mundo

Mga tula, kwento at tudla ni ALDA

(L. Abellon)

Natapos na.

Wakas na ng isang karanasang,

aking babaunin hanggang sa paglibing.

Natapos nang matanto,

ang mga bagay na dapat kong isaisip

at isapuso.

Hindi papasok sa utak at lalabas lang sa tainga,

Hindi lang katulad ng isang latang walang laman kundi

wala.

Isang karanasang naghatid sa akin sa malayang mundo

ng paglilingkod,

Walang hangad kundi sa pag-ibig ay magbuklod.

Malaya na ako,

mula sa rehas ng kamangmangan.

Malaya na ako,mula sa rehas ng

makasalanang pamumuhay.

Pagbabago ang naitanim sa isang tabanglupa,

Tabanglupa na nadilig

mula sa ulan ng pamamahinga.

Pamamahinga mula sa gulo ng mundo,

Mundong minsang nagkamali sa pagkatuto.

Pagkatuto na kung minsan ay kay tagal maasam,

Ng mga taong natutulog ang gunam-gunam.

Natapos na,

Malaya na.

Natapos na sa pag-ani ng mabuti.

Malaya na at napabuti ang sarili.

View original post

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s