Ang aking mga Salita—

Ang aking pagkatao.

Ang  dahilan kung sino ako at ano ako.

Ang aking mga Salita—

Pag-asa nang aking nakaraan,

Yaman nang aking kasalukuyan,

Pangarap nang aking kinabukasan.

Ang aking mga Salita—

Gabay sa landas nang aking pagtahak.

Sa pangarap at ambisyon na aking binabaybay.

Ang aking mga Salita—

Ginto sa panahon.

Uling na nagbibigay lakas sa init nang pagsamo

 Ang aking mga Salita—

Sagana sa pag-ibig,

Maruwal sa karunungan.

 Ang aking mga Salita—

Mabangis na halimaw,

Espada,

lakas sa aking panulat.

Ang aking mga Salita—

Nagpapalunsad nang sandaan’ sasakyang pandagat,

Lumilikha nang digmaan.

Ang aking mga Salita—

Lumikha nang mga pilosopiya

Nagbibigay kaalaman.

Ang aking mga Salita—

Dagdag na buhay sa huling hininga

Magdala sa buhay na walang-hanggan.

Kayang ibalik ang minsang nawala.

Ang aking mga Salita—

Kalaban nang aking Sarili.

Tinik sa aking dibdib

Lason sa buo kong pagkatao.

Ang aking mga Salita—

Binabaliktad,

Yinuyurakan,

Binabago kung sino ako at ano ako.

Ang aking mga Salita—

Yamang ipinagkakalulo,

Pag-asang ipinagkakait,

Pangarap na tinatanggi.

Ang aking mga Salita—

Aninong sunudsunuran,

 Sa mabangis na halimaw, O

Espadang papatay sa akin.

Mahalaga ang aking mga Salita—

Hindi ba’t tunay itong makapangyarihan—

Higit sa lahat.

Higit kaninoman.

Kayang tumagos sa kahit anong panangga.

Manunukal sa buto at laman nang hindi nalalaman.

Magdadala sa bawat henerasyon.

Mabubuhay kahit wala na ang lahat.

ANG AKING MGA SALITA.

—Para kay Gat Jose Rizal.

 

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s